[Movie / Video]
The Strangers: Prey at Night
hala!
papatay na naman ng mga biktima yung trio..?
bago na yung mga actors para dun sa mga killer...
at, aw..
Christina Hendricks... <3
pero talaga namang nakakakilabot yung trip-trip lang na pagpatay ng ibang tao..
lalo na kung torture-type pa..
gaya nung Tate Murders na gawa ng Manson Family..
o nung Keddie Murders noong 1981...
nakakatakot rin yung French film na Them (2006)..
kung saan mga menor de edad yung mga killers...
— feeling , hindi na yata makakabawi si Liv Tyler ah...?
---o0o---
November 19, 2017...
[Gadget-Related]
may nagbago talaga sa render engine ko matapos yung pesteng Windows Update na yun..
mas bumagal siya at parang hindi nakikilala yung CPU at GPU..
hindi ko naman pwedeng i-reinstall yung software ko dahil hindi na available yung lumang version na ginagamit ko pa rin hanggang ngayon for the sake of consistency...
was feeling , panggulo ko talaga Windows 10...
---o0o---
November 22, 2017...
nakakaasar na 'to..
parating bumibigat yung loob ko sa tuwing naaalala ko siya...
kaso hindi ko naman maihiwalay na yung masasamang alaala na naibigay niya sa akin, mula dun sa magagandang alaala na ibinigay sa akin ng mga kaibigan niya..
kaya naman sa tuwing naaalala ko sila, eh automatic na naaalala ko rin siya...
nakaka-guilty lang at nakakapanghinayang..
kung nalaman ko lang sana kaagad noon yung koneksyon nila sa isa't isa, siguro hindi na ako umabot sa punto na sinabihan ko pa siya ng mga nakakababang mga salita..
yun na ang pinaka-brutal na nagawa ko laban sa isang babae..
kaso naging protective rin si Miss Ab para sa kaibigan niya at inilihim yung totoong kaugnayan nila kay Miss Co..
huli na noong napag-connect-connect ko yung istorya, dahil nagawa ko na yung kasalanan ko...
siguro kung nalaman ko nang maaga na magkakaibigan pala talaga sila..
edi sana sa kanila na lang ako lumapit para sa request ko..
though i guess parehas pa rin yung kinalabasan kung sakali man - na iiwasan pa rin niya ako...
nagi-guilty ako sa nagawa ko laban sa kanya, dahil kahit na gaano ko pa bali-baliktarin yung mga pangyayari - eh isa pa rin siyang babae..
nagi-guilty rin ako para sa mga kaibigan niya, dahil nagawan ko ng masama yung kabarkada nila kahit na naging mabuti naman sila sa akin...
sa ngayon gusto ko lang talagang magkaroon ng pagkakataon para i-rush ang mga bagay-bagay..
gusto kong magkaroon ng pagkakataon para makapag-apologize sa kanya at sa kanila ng personal...
was feeling , please, dumating ka naman.. hindi ko 'to kayang gawin nang mag-isa...
---o0o---
November 23, 2017...
[Gadget-Related]
eh yung tumanga pa yung cable internet mo kung kailan may schedule ng brownout...
kapag nag-set ng metered connection eh nagda-drop sa 0 yung internet speed..
kung hindi naman ire-regulate eh kinakain ng Windows Update..
medyo nagawan naman na ng quick fix...
at talagang sakto pa na nangyari sa araw na may tinanggihan akong Globe technician na nag-aalok ng kung ano para daw makaiwas sa interruption...
was feeling , na naman FATE!? sabotahe...???
---o0o---
November 24, 2017...
agang-agang kapabayaan...
mas pinili nung matandang lalaki na magbantay dun sa baby..
malamang eh para makaiwas dun sa Autistic..
at yung mas magaling na mag-alaga na matandang babae na lang ang pinasama dun sa school o center..
tapos, sa halip na doon na lang manatili sa bahay ng kapitbahay, eh talagang inilipat pa yung sanggol dito sa bahay..
at saka iniwan na mag-isa yung bata...
kaya ayun..
inuunang magwalis ngayon doon sa bahay ng kapitbahay, para magpasikat..
at naiwan yung bata na nag-iiiyak...
was feeling , wala na akong pakialam kung may mapapahamak.. kung mawawala kayo paisa-isa, edi mas mapayapa para sa akin...
>
[TV Series / K-ture]
Goblin
agawan sa bahay habang nakikipaglaban rin sila sa konsepto at sistema ng buhay at kamatayan...
was feeling , ganun dapat.. palagi lang magaan yung pakiramdam...
---o0o---
November 25, 2017...
madalas napapaisip ako kung paano kong nahahanap ang mga bagay-bagay kahit pa mga pekeng clues yung meron ako...
pero kung sino pa yung totoong hinahanap ko - eh siya pa talaga yung hindi ko makita-kita...
i doubt na may babae na ayaw sa mga pictures..
i doubt na merong ina na ayaw sa mga family pictures..
i doubt na may tao na walang kaibigan..
at i doubt na merong tao na kayang awatin ang lahat ng mga kaibigan niya mula sa pagkuha ng mga larawan...
is feeling , FATE, huwag mo akong pigilan hangga't hindi ko pa alam yung sagot niya sa tanong ko...
No comments:
Post a Comment