parang imposible na sa puntong 'to..
pero kailangan kong umasa hangga't nabubuhay ako..
andami pang kailangang check-an..
at parang swerte na lang talaga yung makakapagpalaya sa akin...
was feeling , 26 pa...
---o0o---
October 30, 2017...
siguro ang bad experience...?
yung paalis ka na..
pero pinili mo na maging matapat..
kahit na hindi ka nga sigurado kung kayo ba yung nakasira dun sa blanket, o kung sira na ba yun nung datnan mo...
tapos biglang Php 450.00 pala yung charge para dun!?
para lang sa simple at manipis na white sheet..
holy f*ck!
pati kumot eh may service charge...?
was feeling , noted.. i-double check ang blanket bago gamitin...
>
[V-League]
PVL Women's All-Star
naawa naman ako sa PVL..
charity game, pero hindi nakapuno ng venue.. :(
malakas nga sila sa online at sa telecast (kapag nasa oras), pero mahina naman madalas sa ticket sales...
sa bagay, wala naman si Baldo..
si Galanza eh hindi na naman nakasali...
parang Bali Pure versus Pocari lang yung laban..
nag-distribute lang ng mga key players galing sa iba pang teams..
pero mas lamang talaga sa attackers ang Team Roger...
natalo na naman tuloy si Morado..
talo na naman siya ni Nabor...
was feeling , saklap...
---o0o---
October 31, 2017...
okay naman yung simula ng araw..
may duty pa rin si Emoji-Girl kahit magbabakasyon na..
tapos nagkakiskisan pa yung mga braso namin kanina, eh nakikisabay kasi sa daan eh..
kaso may napansin ako..
may singsing na siya, sa right hand niya..
hindi ko lang matandaan kung saang daliri...
was feeling , taken na yata.. napansin ko lang naman...
---o0o---
November 1, 2017...
[TV Series]
The Good Son
bakit ganun yung istorya nung character ni Calvin..?
halos lagi lang niyang nakakasama yung character nung Justine kapag silang 2 lang..
tapos kakaiba pa yung reaksyon nung mom niya kagabi noong i-introduced niya yung kaibigan niya...
multo kaya yung si Justine, at may third eye lang si Calvin..?
o may psychological issue na siya kaya nakakagawa na siya ng imaginary friend...??
was feeling , napansin ko lang naman...
---o0o---
November 2, 2017...
nasa October pa rin ako...
at hindi nga naging maganda yung takbo nung buwan..
walang masyadong bonus rebate sa loading..
inapi pa ng malaking telecommunications company..
wala akong sasahurin for November kasi hindi ako umabot sa quota..
hindi natapos yung project ko sa tamang oras..
at hindi ko pa rin nahahanap yung babaeng yun...
tapos may mga monthly report pa na kailangang trabahuhin..
maglilipat ng records sa kalendaryo..
mag-aasikaso ng SIM upgrade..
magta-transfer at maglalabas ng pera..
mag-o-open ng bank account..
bale marami rin ang mawawala para sa akin na mga araw sa November...
yung sa Google ko naman eh malapit ko nang makubra..
mukhang kakayanin ko naman ng after November..
pero mas maganda pa rin kung may mga makakatulong akong iPhone at iba pang mamahaling mga smartphone...
siguro yung pagbabakasyon ko lang talaga yung magandang nangyari sa buwan ng October...
was feeling , kailangan ko pa rin ng suwerte sa buhay...
>
last 3 pages..
pero matakaw sa editing yung 2...
regarding naman sa Google ko..
tama naman yung kuwentahan..
kaso ngayon ko rin lang napansin na hindi nila suportado ang PayPal..
kaya mukhang sa Western Union ako dadaan...
was feeling , konti na lang...
---o0o---
November 3, 2017...
[Movie]
Thor: Ragnarok
wala pa akong review..
hindi ko pa napapanood eh..
nagbasa lang ako nang kaunti...
una, wala na si Padme, este si Natalie Portman..
sa bagay, hindi naman siya masyadong kawalan sa movie na 'to dahil hindi naman siya combat-type na babae..
break na daw eh, nahirapan siguro sa LDR..
kaya siguro nagpaikli ng buhok si Thor (ginawa ko rin naman yun noon)... XD
wala rin si Sif.. :(
conflict daw sa schedule eh...
tapos, hindi pa blonde ang Valkyrie..? :(
anong nangyari sa Norwegian tradition...??
kapag hindi hango sa totoong Ragnarok yung labanan eh malulungkot talaga ako...
was feeling , we need some World Serpent and some dead Norse gods...
>
sa wakas...
nakapag-submit na rin ako ng ikaapat kong project..
inabot ng 45 days ang 3D work..
at 7 days naman ang postwork...
naka-ready na rin yung sale..
maghihintay na lang ng approval...
break na muna sa 3D..
lilipat na muna sa iba pang mga gawain...
was feeling , tambak na ang ibang trabaho...
>
natuwa naman ako noong mabusisi ko yung bagong records ko kanina lang...
noon kasi nasa 34 minutes yung pinakamahaba kong nagawang routine, may kasama yung sayaw..
27 minutes yung purong babaran lang (na sa tingin ko naman eh record pa rin)...
pero sa huli ko pa lang pag-aaral..
46 minutes..
46 minutes..
at 1:04 hours yung mga nagawa ko..
at walang dance number yung mga yun..
may isa akong inabot ng 11 minutes lang dahil sinadya kong magpatalo...
was feeling , paborito ko na yung 69...
---o0o---
November 4, 2017...
entering Xerex-mode for a while...
is feeling , ito talaga ang magandang movie, master Empoy.. madaming bed scene...
No comments:
Post a Comment