Saturday, December 23, 2023

Ang Alamat ng Most Undesirable Guy on Earth - Third Week of December 2023 (Short Bull Trap)

Loveless Story


December 17, 2023...

panibagong araw ng singilan..
pero wala na namang napala..
oo, after 14 months, eh wala talagang inihuhulog na bayad ang p*ta... πŸ™

noong umalis na daw siya dati sa sinalihan niyang grupo ay hinding-hindi na siya nagkaroon ng trabaho..
sobra talagang sinungaling...

as usual..
gaya din ng ugali ng madaming mangungutang..
eh pinapalabas na ako yung masama dahil naniningil ako..
mga ugaling-demonyo talaga...

is feeling , next year na lang daw siya magtatrabaho...

---o0o---


December 18, 2023...

[TV Series / Movies]

nakalulungkot..
yumao na si Lolo Sir kahit na hindi pa naman siya sobrang tanda.. πŸ™
ang may kabit kay Sari, ama ng magkakapatid na Bonifacio, lolo ni Eloy at Lolo Sir ni Ali...

hindi na niya siguro nakayanan yung torture aspect ng buhay...? πŸ™

is feeling , nakalulungkot...

---o0o---


December 21, 2023...

[Medical Condition]

lumalaki na ulit nang mabilis yung cyst ko..
nasa 1 cm na ulit ang diameter...

lahat na lang sa basurang buhay na ito..
ipapamukha sa akin ang depression sa araw-araw..
lahat na lang, paulit-ulit akong ire-remind sa totoo kong purpose sa buhay..
ang tapusin ang sarili kong existence...

is πŸ’€ feeling , lahat kayong makapangyarihan na nagbigay sa akin ng buhay.. mga put*ng ina ninyo...

-----o0o-----


[V-League]


PVL All-Filipino Conference II 2023 (Finals)


December 17, 2023...

Game 2 ng Creamline versus Choco Mucho..
hindi ulit kinaya ng website nila ang data traffic...

maagang nakalayo ang Choco Mucho sa Set 1, hindi man lang nakadikit ang Creamline dahil nakuha nila lahat ng scoring stats..
maaga ulit nakalayo ang Choco Mucho sa Set 2, pero naagaw na this time ng Creamline ang set dahil sa lahat ng scoring stats..
madalas na lamang ang Creamline sa Set 3, na-extend ng Choco Mucho ang set, pero nanaig ang Creamline dahil sa kanilang massive 22 attacks..
palitan ng kalamangan sa Set 4, pero nanaig ang Choco Mucho dahil sa kanilang kill blocks at service aces..
unang nakalamang ang Choco Mucho sa Set 5, pero nabaliktad ng Creamline ang laban sa tulong ng mahaba ang pahinga na sina Baldo at Binibining Gumabao...

3-2..
Player of the Game si Galanza..
15 game winning streak, at na-sweep nga nila ang conference na ito..
napanindigan din ni Negrito ang role na naiwan ni Morado..
dahil dun ay nakuha nga ng Creamline ang 7th Championship nila sa PVL...

2nd Best Outside Spiker - Galanza
1st Best Middle Blocker - Panaga
Best Opposite Spiker - Binibining Gumabao
Finals MVP - Caloy

is  feeling , para kay Galanza.. at kay Morado pa rin.. salamat Creamline, para sa perpektong conference sa pagtatapos ng 2023...

-----o0o-----


December 16, 2023...

[Trade]

day 4 mula sa pagkalugi..
isa na namang araw ng kabiguan... πŸ™

kahapon, yung 1000SATS..
ngayong araw naman eh yung mismong asset na nagpabagsak sa akin, ang BTTC..
mula sa bottom nila hanggang sa peak nila kaninang hapon..
USD 100 sana iyon para sa akin..
nabawi ko na sana yung USD 72 na naipalugi ko..
at kumita pa sana ako ng USD 28...

ano ba..?
ang kamalasan ko ba talaga ang dahilan kung bakit stagnant ngayon ang ARDR...??

is feeling , ARDR, pakiusap.. kailangan ko nang makalaya...


>
[Trade]

day 4 nga...

talo din ulit ako sa ARDR..
USD 25 yung napakawalan ko kahapon na posibleng dagdag sa pondo ko..
dahil bumalik na naman ang ARDR malapit sa put*ng inang entry point ko kaninang umaga..
USD 47 na dapat ang na-recover ko dahil sa pabalik-balik ng ARDR sa ibaba...

patuloy na nagpaparamdam sa akin ang mga kamalasan na dala-dala ng mga maligno sa buhay ko... πŸ™

is feeling , ARDR, kailangan ko ng himala...

---o0o---


December 17, 2023...

[Trade]

day 5 matapos ang pagkalugi..
ibig sabihin na dapat nasa additional USD 100 na ang kinita ko..
nasa USD 635 na dapat ako ngayon...

napa-exit ako kanina dahil pababa na naman ang Bitcoin..
USD 12 lang ang nakuha ko..
hindi ko na-maximize at kinulang pa ng USD 8...

tapos..
dahil sa takot ko na hindi ako makapasok sa dating entry point ko..
eh pumasok na din nga ako sa mas mataas na level..
dahil na din sa takot ko na baka nga makasabog yung asset nang hindi na naman ako kasali...

is feeling , ARDR, panahon na.. pwede ka nang mag-pump nang husto.. iligtas mo ako mula sa kamay ng mga makapangyarihan...

---o0o---


December 18, 2023...

[Trade]

day 6 mula sa pagkalugi..
at naging bangungot na nga ang lahat... πŸ™

so lumalabas na mali nga yung naging entry point ko kahapon..
dahil for the 3rd time, eh bumaba ang palitan ng ARDR, mas mababa pa kesa sa original entry point ko.. πŸ™
dahil pa rin sa panghihila pababa ng Bitcoin..
sunud-sunod na crash sa buong araw..
at umabot pa ang ARDR sa bagong bottom..
pwede sana akong mag-exit na may USD 8 na dagdag sa recovery..
pero wala na..
heto at naka-maintain na naman ako below sa mataas kong entry point..
umaabot na sa USD 55 ang mga napapakawalan kong opportunity sa ARDR...

nagpa-pump na yung ibang mga asset na lagpas sa USD 100 Million ang market cap..
sana naman mapansin na ng mga whale ang ARDR..
lalo na at schedule naman na talaga ng pump niya...

is feeling , kamalasan, umalis ka sa buhay ko...

---o0o---


December 19, 2023...

[Trade]

day 7 mula sa pagkalugi..
lagpas 24 hours na akong below sa entry point ko.. πŸ™
umakyat na ulit ang Bitcoin..
pero hindi naman nakakasabay sa level ng pag-angat ang ARDR... πŸ™

nag-pump na ulit yung 1000SATS, USD 171 sana iyon para sa akin.. πŸ™
sa QI naman eh USD 229 yung sablay ko... πŸ™

paano kung naghihintay lang pala ako para sa wala..?
or worst, paano kung hindi lang talaga nangyayari yung bagay na hinihintay ko dahil sa kamalasan na gustong tumapos sa buhay ko...?? πŸ™

kailangan ko ng sudden pump..
yung hindi ko aakalain na maiksi lang..
yung biglaan para hindi kaagad bumaba..
at yung biglaan para maabot kaagad yung target price ko...

gusto ko nang makalaya sa walang hanggang sumpa na ito ng bulok na buhay... πŸ™

is feeling , 2 araw na lang ang natitira sa akin para subukan yung schedule ng ARDR...

---o0o---


December 20, 2023...

[Trade]

day 8 matapos ang pagkalugi..
2 days na din akong nasa below ng entry point ko, dahil sa taglay kong nakamamatay na kamalasan.. πŸ™
ang kamalasan na inilaan sa akin ng FATE para sa depression..
dahil bumaba na naman ang Bitcoin...

mas tinasaan ko na ang sugal ko..
yung tipong kayang maka-recover ng USD 383..
bale good for 19 days ng pagiging stuck kung saka-sakali..
kailangan ko na lang talaga ng may puso na makapangyarihang entity para ilayo ako sa kamalignuhan na bumabalot sa malas kong buhay... πŸ™

is feeling , masyadong matalino ang kamalasan.. alam nila kung kailan at papaano aatake...

---o0o---


December 21, 2023...

[Trade]

day 9 mula sa pagkalugi..
ibig sabihin USD 180 na dapat yung nadagdag ko sa pondo ko ngayon..
lumagpas naman kagabi ang ARDR sa entry point ko..
pero hindi nakatuntong sa USD 0.10 na level.. πŸ™
last day na din ng pagsugal ko sa ARDR...

ngayon namang hapon..
nalagpasan nila ulit yung entry point ko..
pero mababaw pa din, na para bang nakaharang yung Reverse Midas ko para hindi talaga sila makatawid sa USD 0.10... πŸ™

talagang ganun nga yata..?
for almost 2 years..
lahat ng pump na na-trigger matapos akong masipa palabas ng trade..
wala akong nasakyan ni isa sa kanila..
dahil ako talaga yung iniiwasan nila na makinabang sa mga pump... πŸ™

is feeling , kahit ngayong gabi lang.. isang pump lang papunta sa USD 600.. mga put*ng ina ninyo...

---o0o---


December 22, 2023...

[Trade]

day 10 mula sa pagkalugi..
4 days na akong naka-maintain below sa selling point ko... πŸ™

ilang beses dumikit ngayong araw sa USD 0.10 ang ARDR..
pero laging kapos para makabenta man lamang sa USD 0.0999..
USD 4 sana iyon, pero hinding-hindi nga ako pinakakawalan ng FATE..
bukod dun eh lagpas 1 buwan nang hindi nagpa-pump ang ARDR..
at malamang na dahil iyon sa dala-dala kong kamalasan... πŸ™

FIDA ang nag-pump ngayong araw..
dahil sa Solana, na malapit na ngayon sa USD 100 na level..
kung nasakyan ko sana yung bottom nila kahapon, naka-recover sana ako ng USD 285, at nasa USD 760 na dapat ako ngayong araw... πŸ™

is feeling , pakiusap, tigilan nyo na ang Satanification laban sa akin...


Saturday, December 16, 2023

The Jonin Syndicate

NOTE: this is not news..
i am not a reporter/journalist nor an influential person..
also, i'm not related to the government in any way..
but there are summary of news featured in this post..
it will require research in order to get the whole story regarding each particular news that is featured in here...

simple lang yan..
kapag nagpaapekto at nag-react ka sa opinyon ng ibang tao - eh BAKA nga may totoo sa mga sinasabi nila...



record ng ekonomiya..
record ng palitan ng piso sa dolyar..
record ng mga inutang..
record ng mga kinamkam at pinagnakawan..
record ng mga inabuso..
record ng mga itinumba..
record ng mga nawawala..
record ng mga kaso...

mga wala kayong utak..
at lahat kayo ay masasama...

is πŸ’€ feeling , from Php 3.91 to Php 20.46 na exchange rate.. from USD 599 Million to USD 26.7 Billion na utang.. sa kanila nagsimula ang pagkawasak...

---o0o---


daily prayer...

sa kung sino man ang nakikinig sa kawalan..
sana mai-serve na kaagad ang totoo at ganap na hustisya laban sa lahat ng miyembro ng alyansa para matigil na ang kasamaan nila...

at sana maging maayos na ulit ang mundo...

is πŸ’€ feeling , day 1253...

-----o0o-----


bagong impiyerno, bagong listahan..
lumampas na naman sa 500 ang bilang, kaya mag-i-start na ulit ako ng panibagong listahan ng mga kalokohan..
update (512 + 256 na)..
medyo in-organize ko rin yung mga kaso..
pero paki-note na hindi na ganung ka-accurate yung bilang, at posibleng may redundancy na rin dahil sa sobrang dami ng mga nakalista...

una, ang pagtataksil sa interes ng bansa at ng mga (ibang) mamamayan (lalo na yung mga naging biktima), at pagbalewala sa kasaysayan at dangal ng bansa:
  • yung pagbabanta ng dating Pangulo laban sa isang Representative na nagsusuri ng mga kuwestiyonableng budget
  • yung binuking ng dating Pangulo na may katiwalian daw sa hanay ng mga Representative
  • yung tinanggal na ang EDSA People Power Revolution sa mga declared na holiday
  • yung halos umabot na sa Php 14 Trillion kaagad ang utang ng bayan noong April 2023 pa lamang
  • yung pumalo na nga sa Php 14 Trillion ang mga utang ng bayan noon pa daw August 2023
  • yung sinabi na pinakamaganda daw ang economic growth rate ng bayan kumpara sa buong mundo, samantalang umabot na kaagad sa halos Php 14 Trillion ang utang ng bayan
  • noong 2022, yung pagpapasa daw ng Office of the President ng pondo para sa Office of the Vice President
  • yung naghahabol ng nasa Php 10 Billion daw na intelligence at confidential fund
  • yung nasa Php 4 Billion daw ang confidential fund ng Office of the President
  • yung pahayag na hindi daw gagamitin na pondo para sa Maharlika Investment Fund ang pera ng GSIS, SSS, at Pag-IBIG, pero malaya daw yung mga institusyon na iyon na magpasok ng investment
  • yung kunwaring suspension ng Maharlika Investment Fund para daw muling pag-aralan, pero ang totoo ay gustung-gusto pa rin na ikasa iyon bago matapos ang taon
  • yung taon-taon na lumalaki ang budget ng Office of the President para sa travel
  • yung terorista na ang turing nila sa mga rebelde, pero gagawaran naman nila ngayon ng amnesty yung mga dati nang nahuli
  • yung ni-red-tag ng mga kaalyado nila ang mga rebelde bilang mga terorista, pero ngayon eh nagsusulong na ulit sila ng peace talks
  • yung halos inabot ng 1 taon bago nakapili ng magiging Secretary ng Department of Health
  • yung lagpas 1 taon bago nagtalaga ng Secretary ng Department of Agriculture
  • yung binigyan ng katungkulan ang isang masamang halimbawa na abogado
  • yung na-disbar ng Supreme Court yung itinalaga na adviser dahil sa masamang asal

are yung ang involved o semi-involved eh mga identified talaga bilang awtoridad o tauhan ng pamunuan, mga dati nang naging bahagi ng pamunuan, o kahit mga nagsasanay pa lang upang makakuha ng awtoridad:
  • sa Quezon City, yung lalaking pulis at asawa niya na kinasuhan dahil sa investment scam nung babae
  • sa Alabang, Muntinlupa, yung tauhan ng BFP na arestado dahil sa modus na Promotion for Sale
  • sa NAIA, yung babaeng Security Screening Officer na nakita sa CCTV na isinubo daw yung ninakaw nito mula sa biyaherong foreigner
  • sa Bacoor, Cavite, yung 2 pulis at 1 sibilyan na hinuli dahil daw sa pangongotong laban sa mga transport group doon
  • sa BiΓ±an, Laguna, yung nahuling kandidato sa pagiging Barangay Kagawad na bahagi ng grupo na sangkot sa kidnapping at pangho-holdap
  • sa Angeles City, Pampanga, yung 7 pulis na sinibak sa puwesto matapos na masangkot sa ilegal na pag-aresto at pangingikil
  • sa DasmariΓ±as, Cavite, yung 2 pulis at 3 sibilyan na nahuli dahil daw sa extortion laban sa isang Egyptian patungkol sa pagsasampa ng kasong rape
  • sa isang hotel sa Pasay City, yung pulis at yung kapatid niya na nagpanggap na pulis, na naaresto matapos na mangikil laban sa isang babaeng Imperial citizen
  • sa Sampaloc, Maynila, yung nasa 5 pulis na pinaghahanap na ngayon, na nagnakaw daw kasi at nangikil ng pera mula sa isang computer shop
  • sa Cebu City, yung nasa 5 kawani ng LGU na sinibak sa trabaho dahil nagpositibo sila sa ilegal na droga
  • yung Hepe ng Mandaluyong City Police na sinibak sa puwesto dahil nagpositibo daw kasi sa surprise drug test
  • yung nagpositibo din yung sinibak na Hepe ng Mandaluyong City Police sa confirmatory drug test
  • yung nasa 24 na pulis sa buong bansa na nagpositibo sa isinagawang random drug test
  • sa Quirino, yung kandidato sa pagka-Barangay Kagawad na naaresto matapos na pagbentahan ng ilegal na droga ang isang pulis sa buy-bust operation
  • sa Muntinlupa City, yung 1 aktibong pulis at 1 AWOL na naaresto sa drug buy-bust operation, bukod pa daw yung 2 aktibo din na pulis na kasabwat din nila
  • sa isang barangay sa San Juan City, yung outgoing na Sangguniang Kabataan Chairman na inireklamo ng pangmomolestiya ng isang bagong halal na SK Councilor
  • sa PNP-IAS, yung na-suspend na opisyales nila dahil sa patong-patong na kaso, kabilang na ang sexual harassment
  • sa Las PiΓ±as City, yung kakasalin na lasing na pulis na nagwala at nagpaputok nang nagpaputok ng kanyang baril
  • sa Leyte, yung mag-asawang pulis na sangkot daw sa tensyon at pagpapaputok ng baril laban sa ilang taga-media
  • sa Mabini, Batangas, yung Mayor doon, at 2 pa niyang kapatid, na inaresto ng CIDG matapos daw makuhanan ng mga baril at pampasabog
  • sa Cebu, yung Barangay Chairman na naaresto dahil sa ilegal na baril at granada
  • yung sumuko na sundalo na nakipagbuno daw laban sa isang pulis-Makati
  • sa Davao Occidental, yung 3 pulis na nangmaltrato daw ng menor de edad na lalaki, binuhusan daw ng sukang may sili ang kanyang ari 
  • sa Quezon City, yung MMDA Traffic Constable na nanutok ng baril kesyo naingayan daw siya sa grupo ng mga biktima
  • sa Quezon City, yung retiradong pulis na nakunan ng video ng road rage laban sa isang siklista, kung saan nanghampas ng ulo at kinasahan ng baril yung biktima
  • sa DasmariΓ±as, Cavite, yung pulis na nanakit ng sibilyan sa pamamagitan ng pamamalo ng baril kesyo nakaaway daw ng kanyang kapatid yung biktima
  • sa isang bar sa Quezon City, yung pulis na nanutok ng baril at nagpaputok din daw matapos na may makaaway doon
  • sa Pandacan, Manila, yung inaawat sana na lalaki na napatay sa gulpi ng isang Barangay Tanod
  • sa Ilocos Sur, yung 2 kapitbahay na namatay sa pamamaril ng isang retiradong pulis
  • sa Zamboanga City, yung 3 pulis na sinibak dahil sa pagkamatay ng 1 waiter
  • sa Tondo, Manila, yung empleyado ng NBI na namaril at nakapatay sa kanyang nakaalitan na lalaki dahil daw sa bullying
  • sa Navotas City, yung 17 y/o na binatilyo na napatay sa pamamaril ng mga pulis dahil lang daw sa mistaken identity
  • sa Rodriguez, Rizal, yung 15 y/o na binatilyo na napatay sa pamamaril ng mga naka-sibilyan lang na mga pulis, nadamay lang yung biktima sa pagtugis ng mga pulis sa kanyang kapatid na nasita ng mga ito
  • sa Malabon City, yung pulis na inaresto dahil sa pamamaril sa 3 biktima
  • sa Novaliches, Quezon City, yung pulis na inaresto matapos daw na mabaril at mapatay ang nakaalitan niyang lalaki sa isang bar
  • sa Pasay City, yung pulis na bumaril at nakapatay sa kapatid ng kanyang live-in partner
  • sa Lanao del Sur, yung 9 na pulis na iniimbestigahan dahil sa pagkamatay ng kapwa nila pulis na natagpuan ang bangkay sa ilog
  • sa Taguig City, yung pulis na napatay sa pamamaril ng kapwa pulis sa loob mismo ng kanilang opisina na baka daw nag-ugat sa pagtatalo tungkol sa ulam

are naman yung mga hindi pa malinaw kung anong klase nga ng mga tao ang involved o hindi tiyak o nabanggit kung sino ang nakatama o hindi masabi kung ano nga ang totoong nangyari:
  • yung kaso nung teacher na Beauty Queen na nawala sa Batangas, na hanggang ngayon ay hindi pa rin natatagpuan, kung saan pulis ang isa sa mga suspek
  • yung pagpatay kaagad sa mga bagong halal pa lamang na opisyal ng mga barangay sa iba't ibang panig ng bayan
  • yung 2 babaeng environmental activist na napaulat na nawawala, na pinapalabas na mga rebelde, na dinukot daw ng mga militar para manipulahin

heto naman yung mga may kinalaman sa kahinaan ng kasalukuyang penal system at pagpapatupad ng iba pang mga batas, patakaran, at sistema sa bansa:
  • yung may nakapasok na sa loob ng bayan na COVID-19 Omicron subvariant FE.1
  • yung nadali ng Medusa ransomware ang PhilHealth
  • yung una nang naging claim ng PhilHealth na hindi daw nanakaw ang data ng mga member, tapos sasabihin ngayon na hindi nila ma-determine kung may nanakaw nga ba at anu-ano iyon
  • yung naikalat na daw sa Dark Web yung ibang mga nanakaw na impormasyon sa PhilHealth
  • yung nasa 13 Million na members daw ng PhilHealth ang nai-leak na ang information online
  • yung pang-abalang suggestion ng PhilHealth na magpalit daw ng e-mail address at mobile number matapos ang naging kapabayaan nila
  • yung ang kapal ng mukha ng PhilHealth na igiit ang paghingi nila ng increase sa contribution, samantalang na-hack nga ang sistema nila at nagkalat na yung mga data online
  • yung plano na bigyan ng temporary license yung mga Nursing graduate na hindi pa naman nakakapasa sa Nursing Board Exam, sa halip na ang bigyan ng trabaho ay yung mga nakapasa na pero hindi naman hina-hire
  • yung mass promotion o pagpapasa ng mga estudyante sa mga paaralan, kahit pa hindi naman talaga deserving yung iba
  • yung ibabalik na naman sa dati ang educational system
  • yung utos ng DepEd, yung bawal na ang mga educational material na nakadikit sa pader
  • sa DepEd, yung bawal daw ang mga decoration sa mga classroom, pero pwede ang Christmas decorations
  • yung hakbang ng DepEd, yung unti-unti nang binubura yung apelyido na related sa nakaraang diktadura
  • sa Antipolo City, yung 14 y/o na lalaking Grade 5 student na namatay ilang araw matapos daw sampalin ng guro
  • yung mga smuggled na sibuyas na nasabat daw noong 2019 pa, pero nalusaw na nang lubusan nitong 2023
  • noong nakaraang December daw, yung pinasok ng Department of Agriculture na overpriced deal para sa mga sibuyas na nasa Php 500 plus daw per kilo, na lumalabas na madaming ginawang manipulasyon sa data ng naka-deal na kooperatiba
  • yung plano na naman ng gobyerno na sabayan ng pag-aangkat ng sibuyas ang anihan ng mga magsasaka ng sibuyas dito sa bayan
  • sa Department of Agriculture, yung hinihiling nila na Php 50 Million daw na confidential fund samantalang sa dami na ng mga nasabat na smuggled agricultural products sa bansa ay wala naman silang binibitay na mga smuggler
  • sa Nueva Ecija, yung oversupply naman ng kalabasa
  • yung oversupply naman ng pinya sa Isabela at Cagayan
  • yung pagpalo ng bentahan ng kamatis sa Php 200 per kilo sa NCR
  • yung nasa Php 500 to 720 na ulit ang presyuhan ng kada kilo ng siling labuyo
  • yung planong alisan ng taripa ang mga imported na bigas na tiyak na kokompetensya sa mga lokal na magsasaka
  • sa New Agrarian Emancipation Act, yung pwede kaagad na ibenta yung nakuhang lupa after 10 years lang
  • sa National Irrigation Administration, yung mga nasita nilang proyekto kung saan yung iba daw ay ilang dekada na pero hindi pa rin nakukumpleto
  • yung ayaw isuko ng DENR ang nasa Php 13 Million na confidential fund nila para next year samantalang hindi pa daw nila nagagamit yung confidential fund nila para sa kasalukuyang taon
  • yung bakit daw merong 10 undersecretaries at 20 assistant secretaries ang DSWD
  • yung pag-apruba ng LTFRB sa Php 1.00 provisional increase sa pamasahe sa jeep
  • sa NAIA, yung panibagong kaso ng power interruption kesyo may naiwan daw na tester
  • yung bombing sa NAIA, patunay na mahina ang seguridad doon
  • yung naka-motor na MMDA Traffic Aide na nahuling gumamit sa EDSA Busway
  • sa EDSA Busway, yung sundalo, pulis, at empleyado ng gobyerno na nahuling dumaan doon
  • yung MMDA Traffic Aide na nahuling namamasada sa EDSA Busway, colorum daw yung van at nabisto na gumagamit ng pekeng sticker para makadaan doon sa busway
  • yung na-suspend na MMDA official, dahil daw sa isyu ng pagpapalagpas sa violation at sa pagpapadaan sa convoy kung saan inakala niya na kabilang ang sinasakyan ng isang Senador
  • yung mga banyaga na nabisto na gumagamit ng mga lehitimong Philippine passport
  • sa DPWH sa Western Visayas, yung 4 na opisyales nila na kinasuhan sa Ombudsman dahil daw sa depektibong flyover
  • sa Davao City, yung under construction na tulay na nag-collapse kung saan 5 daw ang namatay habang 2 ang sugatan
  • yung wala pang pondo para sa ipinangako nilang fuel subsidy
  • yung lumalabas sa isinagawang testing na kahit picture pala ng hayop ay tinatanggap sa SIM registration ng iba't ibang kompanya
  • yung mga nabisto na specialized na registered SIM cards, na blanko lahat ng details na kaugnay dapat nung mobile numbers
  • yung Senador na gustong pabayaran ang hihigit sa unang ire-register na SIM card, na para bang hindi paraan ang paggamit ng private at public SIM para malabanan ang mga hacker, at na para bang reliable ang SIM card registration na ipinagawa nila
  • yung TV Network ng mga kasinungalingan, na ngangayon lang bubusisiin dahil lang sa may nasagasaan na mataas ang katungkulan sa Kongreso
  • yung banta ng SEC na pagpapa-block laban sa Binance, samantalang nag-uusap na sila dati
  • yung pag-amin ng PSA na nagkaroon din ng data breach sa kanilang sistema
  • yung nadali din daw ng data leak noong August pa yung isang portal ng DOST
  • yung na-hack na din ang website ng House of Representatives
  • sa Facebook page ng PCSO, yung may nag-post daw ng nude photos
  • sa Presidential Electoral Tribunal (PET), yung nasilip ng COA na hindi pa nila isinasauli na unutilized cash deposit ng mga kandidato na naglaban sa protesta sa pagka-Vice President noong 2016
  • yung nasita ng COA ang OVP, dahil daw sa pagbili ng mga equipment para sa kanilang mga satellite office nang hindi sumusunod sa procurement laws
  • yung ayon sa COA ay ginastos ng OVP ang ginawa nilang confidential fund na Php 125 Million in just 11 days daw
  • yung nasilip ng COA sa Presidential Communications Office, yung nasa Php 26 Million daw na halaga ng terminal leave benefits na walang documents o hindi ginawan ng tamang deductions
  • yung nasilip ng COA sa Bureau of Customs, yung pagri-release daw ng nasa Php 3.558 Billion na halaga ng mga shipment na dapat sana ay idinaan sa 100% physical inspection pero hindi ginawa
  • yung nasilip ng COA sa Tourism Promotions Board, yung nasa Php 9.868 Million daw na halaga ng undocumented tokens o giveaways
  • yung nasilip ng COA sa Department of Transportation, yung 48 na unutilized Dalian trains ng MRT-3 na ayaw pa ring gamitin hanggang ngayon kahit na may nakalatag naman palang plano para magamit ang mga iyon
  • yung nasilip ng COA sa DSWD, yung pagdaan daw nila sa supplier na wala namang kinalaman sa food business para daw sa pagsu-supply ng relief goods, nasa Php 173 Million yung pinag-uusapan na halaga
  • yung hindi certified Halal yung ipinamahagi ng DSWD na relief goods para sa Muslim region
  • yung lumalabas na may immitation daw sa mga canned tuna na ipinamahagi ng DSWD
  • yung nasilip pa rin ng COA sa DSWD, yung lagpas Php 3 Million daw na ginastos nila para sa meals at hotel accommodations ng kanilang mga tauhan, bagay na irregular at unnecessary dahil may mas mura naman daw na alternatives
  • yung nasita ng COA sa SSS, yung nasa Php 92 Billion daw ang hindi nila nakokolektang kontribusyon mula sa mga pasaway na employers
  • yung nasita ng COA sa Department of Health, yung umaabot sa Php 7.4 Billion na halaga ng mga gamot at bakuna na nasayang lang noong 2022
  • yung nasilip ng COA sa PhilHealth, yung halos nag-triple na daw ang paglaki ng suweldo ng mga executives doon para sa year 2022
  • para sa Department of Tourism, yung video para sa pagpo-promote ng bayan pero gumamit pala ng stock footage na mula sa iba't ibang bansa
  • sa BIR, yung 26 na tauhan nila na sinibak sa serbisyo at 2 suspended dahil daw sa iba't ibang violations
  • yung napepeke na din daw kaagad ngayon yung bagong Php 1,000 bill
  • yung mga magtitinda na hindi tumatanggap ng mga natupi o nalukot na polymer bill, dahil natatakot sa mga babala patungkol sa ganung klase ng pera
  • sa PCSO, yung very alarming na win rate sa lottery games lately
  • yung bagong logo ng PAGCOR na nasa Php 3 Million daw ang halaga
  • yung nasa Php 4 Billion daw na gagawin na estimated na arawang pangungutang para sa taong 2024 para lang ma-meet yung panukalang national budget
  • yung mind-conditioning na ginagawa ng Secretary ng Department of Finance, yung lagi niyang pinapalabas na mas maganda daw ang lagay ng pananalapi ng bayan sa kasalukuyan at sa nakaraang administrasyon, kumpara sa Aquino administration
  • yung Secretary ng Department of Finance na naggiit na pwede daw magpasok ng investment sa Maharlika Investment Fund ang GSIS at SSS kahit pa ipinagbawal na iyon ng Senado
  • yung binago ang implementing rules and regulations para sa pagpili ng mga magha-handle ng Maharlika Investment Fund, pinababa yung qualifications para may mga maipasok sila
  • yung ayaw i-suspend ang excise tax at value added tax sa petrolyo dahil mas makikinabang daw ang mga may-ari ng private vehicles, na para bang walang paraan para mag-concentrate lang sa mga mass transport PUV na dapat makinabang
  • sa Department of Finance, yung opisyal na pinag-resign daw dahil sa pagiging makatwiran
  • yung pagbasura ng Ombudsman sa mga kaso ng red-tagging na kinasasangkutan ng mga opisyales ng dating pinuno, dahil wala daw batas laban sa mapanirang paraan ng red-tagging
  • yung kagustuhan ng Ombudsman na hindi na ilabas sa publiko ang findings ng Commission on Audit
  • yung Senadora na tutol sa pakikipagtulungan sa ICC, kesyo gumagana naman daw ang sistema ng hustisya sa bayan, pero ang totoo ay hindi naman
  • yung Senadora na nagparatang na paghahanap daw ng gulo ang pagpayag sa ICC na imbestigahan ang mga iregularidad sa ipinatupad ng dating administrasyon na drug war
  • yung Senadora na tutol din sa peace talks, dahil tutol ang mga kaalyado niya, dahil hindi nga naman nila mapapakinabangan ang mga benepisyo ng red-tagging kung magkakaisa ang lahat
  • yung mga kaso na natakasan na naman ni Napoles dahil sa right to a speedy trial
  • yung 1 taon na pero wala pa ring hustisya para kay Percy Lapid, dahil hindi naman nahuhuli ang mga akusado
  • yung mga criminal witness na gusto na ding bawiin ang testimonya nila noon laban sa isang dating Senadora
  • sa Port Management Office sa Bohol, yung 8 opisyales na nahuling nag-iinuman sa mismong opisina
  • sa command conference ng NBI, yung sexy dance performance daw
  • sa NBI, yung nasa poder nila na drug suspect at 5 jailguard na inaresto matapos na mapag-alaman na nakakalabas ng kulungan yung suspect, nag-dinner daw sa isang hotel sa Makati
  • sa kaso nung road rage sa Quezon City na may nangyari pang kasahan ng baril, yung lumalabas na na-dismiss pala dapat sa serbisyo dati yung retiradong pulis
  • sa kaso nung road rage sa Quezon City, yung lumalabas na nakatanggap nga ng kanyang retirement benefits yung pulis, kahit pa na-dismiss naman siya dapat sa serbisyo
  • sa kaso nung road rage sa Quezon City, yung ngangayon lang binabawi yung retirement benefits na natanggap nung pulis puwerket naging public ang istorya niya
  • sa kaso nung mistaken identity sa Navotas, yung lumalabas na may pending dismissal order noon pa daw taong 2020 laban doon sa pulis na itinuturong unang nagpaputok ng kanyang baril laban sa mga biktima
  • sa Quezon City, yung bahay ng OFW na nanakawan ng grupo ng mga kabataan na paulit-ulit na daw na nahuhuli at nakakalaya
  • sa DasmariΓ±as, Cavite, yung 2 menor de edad na babae na agaw-buhay na natagpuan sa isang bakanteng lote, na biktima ng rape, kung saan dati nang may mga kaso ang mga suspek
  • yung pag-amin ng Chief ng Bureau of Corrections na hinahayaan talaga ng ibang tauhan ng BuCor ang pagpapapasok ng mga kontrabando sa loob ng mga kulungan
  • sa New Bilibid Prison, yung panibagong kumpiskahan kung saan may mga nakuha na granada, mga sumpak, at mga ice pick
  • sa New Bilibid Prison sa Muntinlupa City, yung 9 daw na sugatan na preso matapos ang pamamaril ng 1 ding bilanggo at may ulat din na may napatay daw dahil naman sa pananaksak ng ice pick habang may komosyon nga
  • sa New Bilibid Prison, yung panibago na namang kaso ng preso na napatay sa pananaksak ng kapwa niya preso
  • yung bombing sa Mindanao State University sa Marawi, yung lumalabas na may kumalat na palang text messages patungkol sa posibleng pag-atake, pero nalusutan pa din sila
  • yung kaduda-dudang dami ng intelligence fund sa gobyerno
  • yung branding laban sa mga nagbabantay sa pondo ng bayan, na pinaratangan sila bilang kalaban ng kapayapaan at ng bayan dahil sa pagsusuri nila sa mga kaduda-dudang confidential fund
  • yung palabas na kesyo pamumulitika daw ang pagsusuri sa national budget lalo na yung mga confidential
  • yung tutol sa peace talks dahil mawawala ang nakukuha nilang benepisyo mula sa red-tagging at confidential fund  
  • yung madami palang local government unit ang nag-a-allocate na din ng confidential fund
  • yung may confidential fund na din pala ang PCSO
  • yung nasa Php 21 Million na intelligence fund na nire-request naman ng MMDA
  • sa Department of Migrant Workers, yung nagre-request na din sila ng confidential fund para DAW labanan ang mga illegal recruiters at scammers
  • yung confidential fund ang idinadaing ng DICT, samantalang technology at technical knowledge ang kailangan para sa cyber security
  • yung mga ahensya na tinanggalan ng confidential fund para sa taong 2024, pero pinalitan lang naman ng ibang item yung confidential fund, kaya ibig sabihin na hindi talaga kailangan na maging confidential ang category ng mga pondo na iyon
  • sa Kongreso, yung ayaw na makukuwestiyon yung budget ng kaalyado ng marami
  • sa Kongreso, yung pinagpatayan ng microphone ang isang Representative na gustong magsuri ng minamadaling budget
  • yung Senador na nagsabi na dapat i-consider ang role ng Vice President sa NTF-ELCAC para sa panghihingi nila ng confidential fund, samantalang may kanya namang budget ang NTF-ELCAC, at iba ang purpose ng OVP at DepEd
  • yung Senador na nag-red-tag ng opposition, na kesyo recruitment daw ng mga rebelde ang dahilan kung bakit sinusuri ng mga ito ang kaduda-dudang paggastos ng pondo ng bayan
  • yung Senador na protektor ng SMNI dahil sa gawain nila ng red-tagging
  • yung Senador na nagsabi na gantihan daw ng water cannon ang mga taga-Imperyo, na malamang na hinihintay ng mga iyon para makapagsimula na ng totoong digmaan
  • yung mga Senador na protektor ng pinuno ng isang religious group na may mga kaso dito sa bayan at maging sa ibang bansa
  • yung ginawang opisyal ng gobyerno na ini-enjoy ang pagre-red-tag sa isang biktima ng unsolved assassination crime
  • yung Representative na nagsasabi na huwag na daw kasuhan ang tatay nila dahil sa death threat at huwag na din daw dumaan sa media
  • yung pagiging pasaway ng maraming mga Senador sa panahon ngayon
  • yung Senador na hindi alam ang gagawin sa kanilang pagpupulong
  • yung Senador na sinisisi ang mga dating Senador para sa mga problema ng bayan sa kasalukuyan, samantalang mga kaalyado niya ang madaming nagawang kasalanan laban sa bayan
  • yung Senador na ang habol sa Charter Change ay ang pagpaparami ng pinagbobotohan na mga katungkulan at ang pagpapadami sa posibleng termino ng elected officials
  • yung opisyal ng COMELEC na umamin na hindi sila naging transparent noong nakaraang 2022 election
  • sa nakaraang eleksyon, yung sinasabi na mga transmitted results daw na isang common IP address lang ang pinanggalingan, bagay na imposible dapat mangyari dahil galing dapat ang mga transmission sa iba't ibang lugar sa bayan
  • sa 2023 Barangay Elections, yung mga pumalpak na vote counting machine samantalang konti na nga lang ang ginamit
  • sa 2023 Barangay Election, yung mga botante na wala na sa voter's list ng COMELEC
  • yung mga bilanggo na nanalo sa 2023 Barangay Elections, na para bang hindi nag-iisip kung paano gagampanan ng mga taong iyon ang kanilang mga tungkulin habang nasa kulungan sila
  • yung ang aga pa, pero nagbabangayan na kaagad ang matataas na pinuno na nag-claim noon na nagsusulong kuno ng pagkakaisa
  • ang pagpapatibay ng Supreme Court sa pagbasura sa mga kaso laban sa pamilya ng Diktador
  • yung kaso ng pamilya ng Diktador na ibinasura na naman ng Supreme Court, nakaw na yaman na may naging kaugnayan daw sa negosyo ni Lucio Tan
  • yung Senador na nagkukunwari na hindi daw nangha-harass sa pinag-aagawan na karagatan ang mga taga-Imperyo sa panahon ng kanyang dating amo
  • yung POGO daw na nakalabas ng bayan nang hindi nagbabayad ng Php 2.2 Billion sa gobyerno
  • yung may demonyong barko ngayon ang Imperyo sa daungan ng bayan
  • yung may nangako daw sa Imperyo na tatanggalin yung BRP Sierra Madre mula sa may Ayungin Shoal

at may kaso na iba-iba ang kategorya:
  • yung mga mamamahayag na nagsasabi na kapag daw history ay hindi na makakalimutan, samantalang madami nang patunay na madami ng mga personalidad sa kasaysayan ang hindi na kilala ng maraming mga mamamayan
  • yung mga panatiko na isinisisi parati sa iba ang ginagawang pagwasak ng kanilang mga pinuno sa bayan
  • yung napakaagang mind-conditioning na isinasagawa ng mga nagse-survey, naglilista na kaagad sila ng mga pangalan na bibilangin ng mga makina
  • yung gustong humiling ng mga jeepney transport leaders ng Php 2 to 5 na taas-pasahe, na para bang yumayaman ang mga mananakay sa malagim na panahon ngayon
  • sa San Fernando, Pampanga, yung Belgian Malinois daw na asong may rabies na nagawang makapangagat ng nasa 14 na biktima
  • sa Cebu, yung bata na kinagat sa mukha ng aso na wala daw bakuna kontra sa rabies, tapos nasugatan pa yung bata sa kanyang mata
  • sa Talisay City, Cebu, yung 68 y/o na lolo na natagpuang patay sa loob ng banyo na mukha daw nilapa ng mga alaga niyang aso
  • yung hirap ang mga kabataang mag-aaral ngayon sa Mathematics, Science, at Reading
  • sa isang mall sa Lapu-Lapu City, Cebu, yung 2 grupo ng mga kabataan na nagrambulan doon
  • sa Caloocan City, yung riot ng mga basurang kabataan na may batuhan pa ng Molotov bomb
  • sa Tondo, Manila, yung estudyanteng lalaki na pinaslang sa gulpi ng grupo ng mga kalalakihan dahil lang daw nagkasagian sa bar
  • sa Quezon City, yung Criminology student na pinatay sa hazing
  • sa basurang Imperial app, yung nabisto na bayad na demolition job by social media influencers, laban sa isang babaeng celebrity at sa kompanya nila, kung saan Php 8,000 daw ang bayad per influencer
  • yung modus daw ng sindikato ng mga pulubi na may GCash account para sa pagtanggap ng mga limos
  • yung nasa Php 400 daw ang bentahan ng registered na SIM card, tapos nasa Php 800 kung may e-wallet din
  • yung bentahan ng mga online account sa panahon ngayon, particularly mga financial account na nakapag-undergo na ng verification process
  • yung bentahan daw ng mga government ID ng bayan para sa mga foreign POGO workers
  • sa Manila, yung Australian Vlogger na pinasakay ng tricycle at saka sinubukang singilin ng daan-daang piso kahit wala namang license yung mapagsamantalang  driver
  • sa Bacolod City, yung mga nagnanakaw ng sobrang mamahalin na telco cell site batteries
  • sa Bulacan, yung mga bodega kung saan nagre-repack daw ng mga imported na bigas para gawin na mas mahal na lokal na bigas
  • yung rank 2 na daw ang bayan pagdating sa pagpo-provide ng child pornography online para sa buong mundo
  • yung banta ng panibagong flu-like illness na nauuso ngayon sa Imperyo
  • sa Maynila, yung nasa Php 50 Million na halaga ng mga nasabat na smuggled frozen products, kung saan 1 Imperial citizen ang kabilang sa mga naaresto
  • sa Pasay City, yung nasabat na nasa Php 2 Million na halaga ng smuggled meat daw na mukhang galing sa Imperyo
  • sa ParaΓ±aque City, yung nasabat ng Department of Agriculture na nasa 600 kilos ng smuggled meat na suspected na galing sa Imperyo
  • sa isang cold storage facility sa Navotas City, yung nasabat na nasa Php 40 Million na halaga ng mga smuggled na karne, na ang iba ay galing sa Imperyo
  • sa Bulacan, yung mga Imperial citizen na nahuli dahil sa pagbebenta ng pinekeng sikat na brand daw ng tsinelas
  • yung 3 Imperial citizen na nahuli dahil sa pagbebenta ng mga pekeng pain relief rub
  • sa Agoncillo, Batangas, yung na-raid na dating resort-spa, na ginawang pagawaan ng pekeng brand ng sigarilyo, kung saan 6 na Imperial citizen ang kasama sa mga nahuli
  • sa San Pablo City, Laguna, yung nasamsam na nasa Php 2 Million na halaga ng mga pekeng sigarilyo, kung saan Imperial citizen daw ang supplier
  • sa ParaΓ±aque City, yung salon na may lihim na ilegal na pasugalan kung saan nahuli ang 11 na Imperial citizen at 3 lokal na mamamayan
  • sa Bonifacio Global City sa Taguig, yung Imperial citizen na nakabangga ng SUV na mukhang driving under the influence of alcohol daw
  • sa ParaΓ±aque City, yung nahuli na 6 na Imperial citizen at 1 lokal na mamamayan na babae dahil daw sa pagsasagawa ng abortion
  • sa Pasay City, yung Imperial citizen na nahuli matapos na magpa-deliver ng pagkain na may kasamang ilegal na droga
  • sa NAIA, yung Imperial citizen na nasa blacklist daw ng Bureau of Immigration, na hinuli dahil daw sa pagpapatakbo ng prostitution den dito sa bayan
  • sa ParaΓ±aque City, yung 11 Imperial citizen at 1 babaeng lokal na mamamayan na inaresto at nabuking pa sa kasong human trafficking, mga babaeng Imperial citizen daw ang kanilang ibinubugaw sa mga high-end na kliyente
  • sa Pasay City, yung POGO hub na natanggalan na ng lisensya, na nahuli sa raid dahil sa prostitution
  • sa ParaΓ±aque City, yung isa pang POGO hub na ni-raid dahil sa prostitution, kung saan 2 Imperial citizen ang inaresto
  • sa Iloilo City, yung nasa 17 na Imperial citizen na nahuli sa kanilang cybersex den
  • sa isang subdivision sa Pasig City, yung 2 Imperial citizen na naaresto ng NBI dahil sa pagkakaroon ng mga baril
  • sa NAIA, yung Imperial citizen na nahuli dahil daw sa pagtatago ng 2 bala ng baril at sachet ng hinihinalang ilegal na droga sa loob ng kanyang sapatos
  • sa Santa Rosa, Laguna, yung 2 lalaking Imperial citizen na dawit daw sa pagdukot sa 1 babaeng Imperial citizen
  • sa Pasay City, yung 3 Imperial citizen na arestado dahil sa pagdukot sa kapwa nila Imperial citizen
  • sa Pasay City, yung Vietnamese na dinukot daw ng 2 kapwa niya Vietnamese at ng 1 Imperial citizen kapalit ng ransom
  • sa BiΓ±an City, Laguna, yung 3 Imperial citizen na nahuli dahil sa pag-kidnap sa isang babaeng Imperial citizen din
  • sa Meycauayan, Bulacan, yung 3 Imperial citizen na nasagip mula sa pagdukot sa kanila, kung saan mga kapwa nila Imperial citizen ang suspek
  • sa Bohol, yung 4 na Imperial citizen na naaresto dahil sa kasong kidnapping, may kaso din sila na illegal possession of firearms
  • sa Malabon City, yung babaeng Taiwanese na dinukot ng isang grupo at sinasabing ginahasa din daw, kung saan 2 Imperial citizen na suspek ang nadakip
  • yung babaeng Taiwanese na wanted daw sa Taiwan dahil sa kasong large-scale fraud, na nasagip sa Malabon mula daw sa pang-aabuso at panggagahasa ng grupo ng mga Imperial citizen
  • yung kalokohang 10-dash line ng Eastern Empire
  • yung wala na daw corals sa may Rozul Reef, mukhang inubos na daw ng Imperyo
  • yung pahayag ng Imperyo na drama lang daw ang pagmamalasakit para sa kalikasan, sa yamang tubig
  • yung pahayag ng Imperyo na nakakasira daw ng karagatan ang stranded na sirang barko, samantalang madami ng mga barko ang lumubog sa ilalim ng mga karagatan
  • yung nasa 135 daw na Imperial militia vessel na nag-okupa na sa Julian Felipe Reef
  • sa may Occidental Mindoro, yung bangka ng mga lokal na mangingisda na binangga daw ng Imperial bulk carrier
  • yung naglatag na ang Imperyo ng floating barriers sa may Bajo de Masinloc
  • sa may Bajo de Masinloc, yung may mga nakalatag na daw ulit na floating barriers na malamang ay kagagawan pa din ng Imperyo
  • sa may Ayungin Shoal, yung pagharang ng Imperial Coast Guard sa mga barko ng bayan na papunta doon sa area
  • sa West Philippine Sea, yung paggamit ng water cannon ng Imperial coast guard laban sa mga sasakyan ng PCG
  • yung muling paggamit ng barko ng Imperyo ng water cannon laban sa mga barko ng bayan na nasa resupply mission para sa BRP Sierra Madre
  • sa may Bajo de Masinloc, yung 3 resupply boats daw ng BFAR na binomba ng water cannon ng mga Imperial vessel
  • sa may Ayungin Shoal, yung engine ng isang barko para sa resupply mission ng bayan na nasira daw matapos na bombahin ng water cannon ng Imperial vessel, may nangyari din daw na banggaan
  • sa Ayungin Shoal, yung lagi nang hinaharang ng Imperial coast guard ang resupply mission ng bayan doon
  • sa may Ayungin Shoal, yung mga barko ng bayan na magdadala ng supply na binangga ng mga barko ng Imperyo
  • sa may Pag-asa Island, yung dangerous maneuvers daw ng barko ng Imperial Navy laban sa barko ng Philippine Navy
  • sa West Philippine Sea, sa joint patrol ng bayan katulong ang Australia, yung aircraft ng bayan na inikutan ng 2 fighter jet ng Imperyo
  • yung mga extremists na supporters ng mga terorista, na walang respeto sa mga cultural at historical sites sa iba't ibang panig ng mundo, at nang-aabala na din ng mga inosenteng buhay sa mga bansang iyon
-----o0o-----


December 9, 2023...

[Natural Calamities]

kahapon..
sa ibaba pa rin..
nasa Magnitude 5.2 na lindol..
at Magnitude 5.1..
sa may area pa rin ng Surigao del Sur...

is feeling , hindi pa ba huhupa doon...??


>
sa may Bajo de Masinloc..
yung 3 resupply boats daw ng Bureau of Fisheries and Aquatic Resources (BFAR) na binomba ng water cannon ng mga Imperial vessel...

is feeling , mga Imperyalistang kriminal...

---o0o---


December 10, 2023...

[Natural Calamities]

sa ibaba pa rin..
nasa Magnitude 5.1 na lindol..
sa may area ng Surigao del Sur...

is feeling , malapit, kaso nasa maling coverage area...


>
sa may Ayungin Shoal..
yung engine ng isang barko para sa resupply mission ng bayan na nasira daw matapos na bombahin ng water cannon ng Imperial vessel..
may nangyari din daw na banggaan...

is feeling , naghahanap talaga ng gulo...

---o0o---


December 11, 2023...

[Natural Calamities]

kaninang umaga..
sa ibaba..
nasa Magnitude 5.1 na lindol..
sa may area pa rin ng Surigao del Sur...

is feeling , walang katapusan...


>
sa Pandacan, Manila..
yung lalaki na napatay sa gulpi ng isang Barangay Tanod..
inaawat lang daw sana nung tanod yung biktima at ang isang babae sa kanilang pagtatalo...

is feeling , napikon sa bastos na sagot sa kanya...

---o0o---


December 12, 2023...

[Natural Calamities]

pang-umaga na naman sa ibaba..
nasa Magnitude 5.1 na lindol..
doon pa rin sa may area ng Surigao del Sur...

is feeling , arawang rasyon...


>
sa may Bajo de Masinloc..
yung may mga nakalatag na daw ulit na floating barriers na malamang ay kagagawan pa din ng Imperyo...

is feeling , lahi na dapat nang maubos...


>
yung bobong Senador na nagsabi na gantihan daw ng water cannon ang mga taga-Imperyo..
unang-una, bestfriend ang mga 'yon ng kanilang mga amo..
at iyon din mismo ang hinihintay nila para gumanti ng giyera laban sa bayan, ang mapalabas nila na inatake sila ng pisikal ng mga taga-bayan...

is feeling , tatanga-tanga...

---o0o---


December 13, 2023...

[Natural Calamities]

kagabi..
sa ibaba..
nasa Magnitude 5.3 na lindol..
sa may area pa rin ng Surigao del Sur...

is feeling , palagi na lang...

---o0o---


December 14, 2023...

yung mga Senador na protektor ng pinuno ng isang religious group na may mga kaso dito sa bayan at maging sa ibang bansa...

is feeling , mga miyembro ng malaking sindikato...

---o0o---


December 15, 2023...

yung Senador na ang habol sa Charter Change ay ang pagpaparami ng pinagbobotohan na mga katungkulan..
at ang pagpapadami sa posibleng termino ng elected officials...

is feeling , economic provisions..? pero nakatuon sa pagpapalawig ng kapangyarihan ang mga pinagsasasabi.. bistado na kaagad ang sindikato ninyo...


Ang Alamat ng Most Undesirable Guy on Earth - Second Week of December 2023 (USD 1,540 Miss)

Loveless Story


December 14, 2023...

yung 400 grams ng oat meal tumatagal ng 14 days o 2 weeks..
at may alternative brand pa ngayon na Php 70 lang din, pero umaabot sa 500 grams ang timbang...

yung 140 grams naman ng almond nuts eh tumatagal ng 14 days..
kaso kailangan ng alternative para dun sa mamahalin na tig-Php 270 na brand..
sana okay lang yung tig-Php 500 na per kilo sa Lazada..
parang Php 70 lang ang patak nun per 140 grams...

is feeling , magastos maging healthy...

-----o0o-----


[V-League]


PVL All-Filipino Conference II 2023 (Semifinals)


December 9, 2023...

Game 2 ng Creamline versus Chery Tiggo...

naagaw pa ng Creamline ang Set 1 dahil sa kanilang attacks and kill blocks..
napangalagaan naman ng Creamline ang naging kalamangan nila sa Set 2 dahil sa kanilang madaming attacks..
muli ngang napangalagaan ng Creamline ang nagawa nilang kalamangan para sa Set 3...

3-0..
ang ganda ng distribution ng score para sa Creamline, 3 sets lang yung game pero 4 sa players nila ang nasa double digits ang score..
at dahil dun ay pasok na nga sila sa Finals..
makakapagpahinga din sila ng 1 game day dahil nagtabla pa ang laban ng Choco Mucho at Cignal...

is  feeling , para kay Galanza.. at kay Morado pa rin...

---o0o---


PVL All-Filipino Conference II 2023 (Finals)


December 14, 2023...

Game 1 ng Creamline versus Choco Mucho..
labanan ng sister teams..
interesanteng digmaan..
Caloy versus Molde..
Pons versus Rondina..
Galanza versus Wong..
Baldo versus Ateneo...

lagot na..
bumigay yung website nila..
sacrifice muna ng mga teleserye..
hindi siguro kinaya ang dami ng live viewers ngayong araw...

maagang nakaagwat ang Creamline sa Set 1, pero nabuhayan din ang laro ng Choco Mucho, naitawid pa din naman ng Creamline ang set dahil sa kanilang 19 attacks kontra sa kanilang 7 errors..
Choco Mucho naman ang nakaagwat sa Set 2, napanindigan nila ang kanilang kalamangan dahil nakuha nila lahat ng scoring stats..
na-injure daw si Molde..
maagang nakalamang ang Choco Mucho sa Set 3, pero naagaw pa ng Creamline sa bandang dulo dahil sa kanilang 17 attacks..
palitan ng kalamangan sa Set 4, pero mas nanaig ang Creamline dahil na-activate na lahat ng outside hitters nila...

3-1, at nakuha nga ng Creamline ang Game 1..
pero mahirap na laban 'to..
malalakas ang attackers ng Choco Mucho, ang Middle Blockers nila parehas na malalakas sa attacks at kill blocks..
maganda ang floor defense nila kahit na matatangkad sila..
at siyempre hindi nakakatulong sa Creamline ang maramihan nilang errors..
off the block ang isa sa mga susi para patayin ang bola laban sa Choco Mucho...

is  feeling , salamat kay Binibining Gumabao para sa pag-convert sa off the block na offense.. para kay Galanza.. at kay Morado pa rin...

-----o0o-----


December 9, 2023...

[Game]

so nagkaroon ako ng bidder para sa 1 kong Origin era na Axie..
nasa around Php 700 each yung 2 noong binili ko September last year..
ibinibenta ko sana ng Php 1,000 each, para naman kako makabawi ako sa nawalang halaga nung mga original Axie ko..
pero tinanggap ko na nga din yung bid..
nasa USD 0.28 din mahigit yung kaltas sa akin ng iba't ibang fees..
pero okay na, lagpas Php 300 din naman yung nabawi ko...

is feeling , paiikutin na din lang sa trading...


>
[Trade]

82 days left bago wasakin ng SEC ng bayan ang Binance..
ni hindi aabot para sa totoong Bitcoin Halving..
ibig sabihin, kailangan kong maka-recover ng USD 6 sa bawat araw na daraan...

is ⚠ feeling , USD 439 pa ang kulang...


>
[Trade]

panay JTO miss ako noong umaga..
USD 156 noong madaling araw na pump..
USD 26 para sa nadatnan kong palitan pagkagising ko hanggang sa naging peak nun..
USD 13 mula sa naabutan kong dip kaso ay kasabay sa pagbaba ang Bitcoin..
USD 13 para sa dip noong lunch time, kaso ay kinapos ang baba para sa buying point ko..
USD 13 pa ulit bago magpatay ng computer noong tanghali..
USD 221 na total...

pero nakabenta naman ako sa pump ng QI ngayong araw..
USD 12, kahit pa hindi ko mina-maximize yung selling point kung saan kayang umabot sa USD 29 each ang kita..
at nakadalawa pa nga ako, USD 13 yung kasunod...

dahil dun ay nalagpasan ko na yung USD 463 na required level ng recovery..
ang next target ay USD 572 naman..
bale, USD 85 pa ang layo ko...

is feeling , USD 25 in 1 day.. salamat.. sana ganito na araw-araw...

---o0o---


December 10, 2023...

[Trade]

ang laging tendency para sa akin..?
tuwing papasok ako sa isang asset, bumababa muna ang palitan nila..
after that, ime-maintain ako nang matagal below sa selling price ko..
pero once na umakyat na at malagpasan ang selling price, eh saka naman gumagawa ng sudden pump para makarating ang palitan sa mas matataas na level...

is feeling , ang gulo mo kasi Bitcoin, kung hindi pababa ang mga direksyon mo today, eh pupustahan ko talaga yung BTTC na 'yon...


>
[Trade]

kanina, na-curious ako sa BTTC kasi nasa %2 yung increase nila mula kahapon, at may sapat naman na dami ng traders...

umaga, nag-short sell ako at kumita naman ako ng USD 3..
hapon, pumasok ulit ako sa trade, kaso sinubukan kong mag-sell ng market price lang ang gamit, sa halip na kumita ulit ako ng USD 3 eh nalugi pa tuloy ako ng USD 1 dahil sa biglang pagpapalit ng presyo..
sa ikatlong pasok ko, nag-short sell pa rin ako dahil nanghihila ang Bitcoin pababa, USD 7 naman yung kinita ko doon plus yung nabawi kong USD 1 na nalugi..
sa ikaapat na pasok, dumaan muna ang BTTC sa dip, pero nakabalik din naman sa taas para makakuha ako ng isa pang USD 7..
total ay USD 17...

pero ganito nga ang mga nangyari..
after ng una kong benta sa BTTC, biglang gumana ang Curse Release ko..
lagpas 33% kaagad ang naging pump nila..
USD 122 sana na kita iyon para sa akin..
akala ko iyon na 'yon..
hindi ako nagte-trade ng mataas kanina, kasi nga nag-pump na sila nang mataas, bukod pa sa nanghihila naman pababa ang Bitcoin..
pero laking gulat ko matapos yung ikaapat kong pagbebenta..
kasi muling nag-pump nang mataas ang BTTC, nag-Curse Release na naman..
USD 134 sana iyon para sa akin..
USD 256 na total, pero gaya ng nangyari sa JTO kahapon, eh wala na naman akong na-maximize...

is feeling , USD 17 lang for today.. USD 69 pa ang kulang...

---o0o---


December 11, 2023...

[Trade]

bakit ba talaga ganito..?
lahat ng napipili kong asset, lumalabas na tama..
na lahat sila ay kayang mag-pump para sana tuluyan ko nang mabawi lahat ng mga nalugi kong pondo noon...

gaya na lang ngayong araw..
QI, BTTC..
naiisip ko na kaya nilang mag-pump..
pero sa tuwing bumibili na ako ng asset, nagka-crash muna ang lahat..
pwede sana silang mag-pump na kaagad para naman maabot yung target price ko..
pero lahat sila walang kakayahan habang nasa loob pa ako ng trade..
lagi nila akong tinatakot ng crash para umatras ako..
at saka sila nagpa-pump nang sobrang tataas kapag nasa labas na ako... πŸ™

milyun-milyon na yung halaga ng nawawala sa akin na pagkakataon... πŸ™

is feeling , sobrang hirap labanan ng matinding kamalasan na ito...


>
[Trade]

umaga pa lang ang dami ko na kaagad miss sa QI..
USD 29 para sa inabutan kong mababang palitan..
USD 13 sa 2nd miss, dahil nanglilito ang hila ng Bitcoin pababa..
USD 28 sa 3rd miss, kasi kinapos ng pagbaba hanggang sa buy point ko..
tapos USD 12 pa sa 4th miss...

after ng mga oras na iyon, lalo pang naging delikado ang takbo ng araw na ito..
3 beses na na-activate ang Reverse Midas ko sa bawat pasok ko sa QI..
meaning, laging nagiging pababa ang direksyon ng Bitcoin sa tuwing nasa loob na ako ng trade.. πŸ™
sa unang pasok ko, nakapaglabas naman ako ng USD 4..
sa ikalawang pasok, USD 4 ulit ang na-recover ko..
pero sa ikatlong pasok ko ay gumawa pa ng mega crash ang Bitcoin, dagdag sa mga una na niyang naging pagbaba, halos USD 3,000 ang nalagas sa kanilang palitan..
sinubukan kong maghintay, pero wala talagang nangyayari na big pump para maabot ang aking selling point..
natakot ako na baka bumagsak pa lalo ang Bitcoin, at naisip ko na pwede naman akong mag-trade sa mas mababang level kung saka-sakali..
kaya naman nagpalugi ako ng USD 7, at USD 1 na lang nga ang natira sa mga kinita ko noong umaga... πŸ™

pero hindi ko naman pala kinailangan na malugi kung tutuusin..
na-activate na naman ang Curse Release ko matapos akong magpalugi..
as in continuous big pumps para sa QI..
mula sa entry point ko ay abot sa USD 80 sana ang kinita ko hanggang sa mag-pause yung dire-diretsong pag-kayat nila..
pero hindi pa doon natapos iyon..
after that ay pumalo pa sila sa hanggang sa tumataginting na USD 434...

sa loob lamang ng araw na ito..
nakita ko ang pagkakataon na mabawi lahat ng pondo na nawala sa akin since 2021..
at may kasama pa yung kita..
ang total kong na-miss sa QI alone ay lagpas pa sa halaga ng current na pondo ko, umabot nga sila sa USD 596...

is feeling , ano ba talagang klase ng demonyo ang nakabantay sa lahat ng ginagawa ko...??


>
[Trade]

pagkagising ko nitong hapon, nangyari naman na nga kaagad ang inaasahan ko sa BTTC..
inisip ko pa naman na maghintay na mas bumaba yung palitan bago ako pumasok sa kanila..
para sa inabutan kong level ay USD 77 na kaagad yung nawala sa akin na pagkakataon... πŸ™

anyway, nag-trade na lang ako sa kung ano man yung inabutan ko pa sa BTTC..
sa unang pasok ay USD 16 yung nakuha ko, so parang kumita ako ng additional na USD 9 kung ibabawas yung mga nalugi sa akin noong umaga..
sinubukan ko ulit mag-trade para man lang maabot ko yung USD 20 na quota, at nagawa ko ngang makakuha ng panibagong USD 6...

after that ay nakarami pa ng pump ang BTTC, pero dahil sa lagay ng Bitcoin, eh nag-decide ako na hindi na mag-take ng risk..
tutal naman eh lumagpas na din ako sa USD 20 na gusto kong kitain sa araw-araw...

is feeling , salamat sa pagliligtas sa akin, BTTC.. USD 23 ang na-recover para sa araw na ito.. USD 46 na lang ang kulang...

---o0o---


December 12, 2023...

[Trade]

early miss sa BTTC dahil nag-pump sila kaagad sa halip na bumaba muna..
USD 47 yung nakawala sa akin mula sa oras ng paggising ko..
USD 18 sa padalawa, kasi nag-cancel ako ng buy dahil pababa noon ang Bitcoin..
USD 37 sa patatlo, dahil kinapos na naman ang buy point ko..
total na sablay USD 102...

sa 1st try ko naman matapos yung mga nauna kong kabiguan, habang pataas noon ang Bitcoin, nakapag-short sell ako ng USD 9..
2nd try, mataas pa din noon ang Bitcoin, pero biglang nag-dip ng kanya ang BTTC..
isang buong level kaagad, at naging mas delikado ang lahat dahil nag-reverse sila sa chart ng Bitcoin..
pagbaba ng Bitcoin ay sumabay na nga sila..
at nitong gabi ay nag-dip na naman sila ng isa pang level, muling kabaliktaran sa pataas na direksyon ng Bitcoin... πŸ™

lagpas USD 70 na ang nawawala sa akin hanggang sa mga oras na ito... πŸ™

is feeling , BTTC ano ba..? huwag kayong magpa-control sa kasamaan ng mga makapangyarihan.. mag-pump kayo hanggang USD 0.0000016 ngayong madaling araw...


>
[Trade]

kahapon..
nilugi nila ako at tinakot..
hindi ako naghintay nang mas matagal, at sumabog ang QI matapos kong magbenta nang palugi..
ngayong araw naman..
pataas ang Bitcoin, pero nagsariling bumaba ang BTTC dahil lang sa taglay kong kamalasan..
naghintay ako nang naghintay, pero walang pump na dumarating...

put*ng ina ninyo..
gusto ko lang mabawi lahat ng mga nawala sa akin..
tigilan nyo na ang pagpapaulan sa akin ng masasamang kapalaran sa araw-araw...

is feeling , itong basurang kakayahan na 'to na gawing pangit lahat ng sitwasyon.. BTTC, mag-pump ka pamaya at gisingin ninyo ako sa isang magandang umaga...

---o0o---


December 13, 2023...

[Trade]

day 1 ng pagkalugi sa BTTC..
mataas na naman ang blood pressure ko nang husto..
walang nangyayaring maganda... πŸ™

nagtapon na ako ng USD 72 na pondo.. πŸ™
lahat ng mga pinaghirapan ko sa mga nakaraang araw nawala na naman nang ganun lang kadali..
lagpas USD 200 na ang major losses ko simula noong July...

sa sobrang malas ko ni hindi ko nagawang makapasok sa ARDR nang mababa lang ang palitan..
sa bawat bid ko tumataas lang nang tumataas kanina ang kanilang palitan..
natakot ako na baka mag-pump na sila, kaya naman napabili na ako nang mas mahal..
tapos anong nangyari..?
as usual, bumaba kaagad ang palitan matapos kong makapasok sa ARDR..
pagpaparamdam na naman ng kapangyarihan ng mga makapangyarihang maligno... πŸ™

kailangan ko na namang umasa..
maalin sa USD 0.11 na pump para makalapit ulit ako sa point bago ang pagkalugi ko..
o USD 0.14 para ma-recover ko na hanggang sa USD 622...

is feeling , ARDR, sundin ninyo ang scheduled pump ninyo, please.. kailangan na yung mangyari...


>
[Trade]

gusto kong mapatunayan sa sarili ko na hindi totoo ang kamalasan na nakakubabaw sa buong existence ko..
na lahat ng mali-maling desisyon ko eh hindi kontrolado ng mga put*ng inang makapangyarihang maligno...

nakakapagod kumilos kapag naiisip mo, kapag batid mo, na lubos ang kakayahan ng mga kalaban para lang wasakin lahat ng ginagawa mo...

sa tuwing natatakot ako sa pagbaba ng Bitcoin at nagpapalugi na lang, bigla na lang nagpa-pump at yumayaman lahat ng mga naiiwan ko..
pero sa tuwing sinasabi ko sa sarili ko na gusto kong panindigan ang isang asset, eh walang nangyayari at nagtutuluy-tuloy lang ang aking pagkalugi..
na para bang may kumu-control talaga sa lahat ng may kinalaman sa akin... πŸ™

parang sinasabi ng FATE na wala akong karapatan na makabawi sa buhay..
na walang kaparalan na nararapat para sa akin kundi ang wakasan ko ang malas kong existence sa pinaka-depressing na paraan..
na mawawala lang ang mga arawang rasyon ng kamalasan kapag nagwakas na ang mismong buhay ko... πŸ™

is feeling , sabi nga sa religious show, kailangan na mabuhay bilang slave ng mga makapangyarihan...

---o0o---


December 14, 2023...

[Game / Scam]


NFT Pests


sumusobra na talaga ang Axie Scam..
nagbayad kami ng lagpas Php 20,000 kada pesteng Axie noon..
pero patraydor nilang binabaan at tinanggal ang mga reward...

pinili lang nila ang mga peste na pwedeng manatiling malalakas..
bakit..?
para yung mga biktima ng skills imbalance eh mapilitan na bumili ng mga peste na binigyan nila ng pabor...

tapos ngayon, ano na..?
pupuwersahin nila ang players na bumili at mag-breed nung mga peste..
pupuwersahin din nila na bumili para magpakawala ng mga peste..
at iyon lang ang tanging paraan para mapa-evolve yung mga piling peste na ginawang malalakas ng developers...

is feeling , ito ang paraan nila para maidispatsa yung sobrang mamahal noon pero pinahina nila ngayon na NFT pests...


>
[Trade]

day 2 mula sa pagkalugi...

dahil sa good news para sa buong market..
after 25 days naabot na ng OAX yung dati kong target sa kanila, at nilagpasan pa nga nila iyon..
USD 81 sana iyon para sa akin..
at umulit pa sila nitong hapon for USD 62...

sumabog na din kaagad ang AST na kasasabog lang 10 days ago..
USD 225 sana iyon para sa akin..
mukhang pinipili ng mga whale na i-pump yung mga asset na below USD 30 Million lang ang market cap...

pati FIDA nakigaya na din nitong hapon, kahit pa nasa USD 40 Million ang market cap nila..
USD 183 sana iyon para sa akin...

yung DREP nauna nang umangat kahapon..
USD 85 sana iyon para sa akin...

lahat ng 4 na asset na under monitoring ko noon..
kasama na yung 2 delikado na matanggal daw sa Binance..
lahat sila sumabog na para lang ipakita sa akin na mga tamang asset nga sila...

is feeling , ARDR, pakiusap.. gawin nyo na yung monthly schedule ninyo nang pag-pump...


>
[Trade]

sablay kaagad ako sa ARDR..
hindi pa man sila nagpa-pump dahil sa good news..
eh heto at nahila na kaagad sila ng Bitcoin pababa..
USD 22 sana iyon na recovery para sa akin, hanggang sa may peak kanina ng ARDR.. πŸ™
tapos pasok ulit sa huli kong entry point sa kanila..
pero binura nga lahat iyon kaagad ng Bitcoin dip...

is feeling , ARDR, pakiusap, mamayang madaling araw.. mag-pump na kayo para maiwasan na ang mga banta ng Bitcoin...

---o0o---


December 15, 2023...

[Trade]

day 3 mula sa pagkalugi..
isa na namang painful day...

na-realize ko na kung sinakyan ko lang yung dip ng 1000SATS kahapon..
USD 0.00056 hanggang 0.00092 ngayong hapon..
eh USD 297 sana yung na-recover ko sa loob lamang ng isang araw...

bakit..?
bakit wala akong maranasan na huge pumps...??

is feeling , ARDR, pakiusap, balewalain nyo na yung FATE na nagko-control sa inyo.. mag-pump na kayo...


Saturday, December 9, 2023

Anti-Peace to Preserve the Red-Tagging & Confidential Fund Modus

NOTE: this is not news..
i am not a reporter/journalist nor an influential person..
also, i'm not related to the government in any way..
but there are summary of news featured in this post..
it will require research in order to get the whole story regarding each particular news that is featured in here...

simple lang yan..
kapag nagpaapekto at nag-react ka sa opinyon ng ibang tao - eh BAKA nga may totoo sa mga sinasabi nila...



record ng ekonomiya..
record ng palitan ng piso sa dolyar..
record ng mga inutang..
record ng mga kinamkam at pinagnakawan..
record ng mga inabuso..
record ng mga itinumba..
record ng mga nawawala..
record ng mga kaso...

mga wala kayong utak..
at lahat kayo ay masasama...

is πŸ’€ feeling , from Php 3.91 to Php 20.46 na exchange rate.. from USD 599 Million to USD 26.7 Billion na utang.. sa kanila nagsimula ang pagkawasak...

---o0o---


daily prayer...

sa kung sino man ang nakikinig sa kawalan..
sana mai-serve na kaagad ang totoo at ganap na hustisya laban sa lahat ng miyembro ng alyansa para matigil na ang kasamaan nila...

at sana maging maayos na ulit ang mundo...

is πŸ’€ feeling , day 1246...

-----o0o-----


bagong impiyerno, bagong listahan..
lumampas na naman sa 500 ang bilang, kaya mag-i-start na ulit ako ng panibagong listahan ng mga kalokohan..
update (512 + 249 na)..
medyo in-organize ko rin yung mga kaso..
pero paki-note na hindi na ganung ka-accurate yung bilang, at posibleng may redundancy na rin dahil sa sobrang dami ng mga nakalista...

una, ang pagtataksil sa interes ng bansa at ng mga (ibang) mamamayan (lalo na yung mga naging biktima), at pagbalewala sa kasaysayan at dangal ng bansa:
  • yung pagbabanta ng dating Pangulo laban sa isang Representative na nagsusuri ng mga kuwestiyonableng budget
  • yung binuking ng dating Pangulo na may katiwalian daw sa hanay ng mga Representative
  • yung tinanggal na ang EDSA People Power Revolution sa mga declared na holiday
  • yung halos umabot na sa Php 14 Trillion kaagad ang utang ng bayan noong April 2023 pa lamang
  • yung pumalo na nga sa Php 14 Trillion ang mga utang ng bayan noon pa daw August 2023
  • yung sinabi na pinakamaganda daw ang economic growth rate ng bayan kumpara sa buong mundo, samantalang umabot na kaagad sa halos Php 14 Trillion ang utang ng bayan
  • noong 2022, yung pagpapasa daw ng Office of the President ng pondo para sa Office of the Vice President
  • yung naghahabol ng nasa Php 10 Billion daw na intelligence at confidential fund
  • yung nasa Php 4 Billion daw ang confidential fund ng Office of the President
  • yung pahayag na hindi daw gagamitin na pondo para sa Maharlika Investment Fund ang pera ng GSIS, SSS, at Pag-IBIG, pero malaya daw yung mga institusyon na iyon na magpasok ng investment
  • yung kunwaring suspension ng Maharlika Investment Fund para daw muling pag-aralan, pero ang totoo ay gustung-gusto pa rin na ikasa iyon bago matapos ang taon
  • yung taon-taon na lumalaki ang budget ng Office of the President para sa travel
  • yung terorista na ang turing nila sa mga rebelde, pero gagawaran naman nila ngayon ng amnesty yung mga dati nang nahuli
  • yung ni-red-tag ng mga kaalyado nila ang mga rebelde bilang mga terorista, pero ngayon eh nagsusulong na ulit sila ng peace talks
  • yung halos inabot ng 1 taon bago nakapili ng magiging Secretary ng Department of Health
  • yung lagpas 1 taon bago nagtalaga ng Secretary ng Department of Agriculture
  • yung binigyan ng katungkulan ang isang masamang halimbawa na abogado
  • yung na-disbar ng Supreme Court yung itinalaga na adviser dahil sa masamang asal

are yung ang involved o semi-involved eh mga identified talaga bilang awtoridad o tauhan ng pamunuan, mga dati nang naging bahagi ng pamunuan, o kahit mga nagsasanay pa lang upang makakuha ng awtoridad:
  • sa Quezon City, yung lalaking pulis at asawa niya na kinasuhan dahil sa investment scam nung babae
  • sa Alabang, Muntinlupa, yung tauhan ng BFP na arestado dahil sa modus na Promotion for Sale
  • sa NAIA, yung babaeng Security Screening Officer na nakita sa CCTV na isinubo daw yung ninakaw nito mula sa biyaherong foreigner
  • sa Bacoor, Cavite, yung 2 pulis at 1 sibilyan na hinuli dahil daw sa pangongotong laban sa mga transport group doon
  • sa BiΓ±an, Laguna, yung nahuling kandidato sa pagiging Barangay Kagawad na bahagi ng grupo na sangkot sa kidnapping at pangho-holdap
  • sa Angeles City, Pampanga, yung 7 pulis na sinibak sa puwesto matapos na masangkot sa ilegal na pag-aresto at pangingikil
  • sa DasmariΓ±as, Cavite, yung 2 pulis at 3 sibilyan na nahuli dahil daw sa extortion laban sa isang Egyptian patungkol sa pagsasampa ng kasong rape
  • sa isang hotel sa Pasay City, yung pulis at yung kapatid niya na nagpanggap na pulis, na naaresto matapos na mangikil laban sa isang babaeng Imperial citizen
  • sa Sampaloc, Maynila, yung nasa 5 pulis na pinaghahanap na ngayon, na nagnakaw daw kasi at nangikil ng pera mula sa isang computer shop
  • sa Cebu City, yung nasa 5 kawani ng LGU na sinibak sa trabaho dahil nagpositibo sila sa ilegal na droga
  • yung Hepe ng Mandaluyong City Police na sinibak sa puwesto dahil nagpositibo daw kasi sa surprise drug test
  • yung nagpositibo din yung sinibak na Hepe ng Mandaluyong City Police sa confirmatory drug test
  • yung nasa 24 na pulis sa buong bansa na nagpositibo sa isinagawang random drug test
  • sa Quirino, yung kandidato sa pagka-Barangay Kagawad na naaresto matapos na pagbentahan ng ilegal na droga ang isang pulis sa buy-bust operation
  • sa Muntinlupa City, yung 1 aktibong pulis at 1 AWOL na naaresto sa drug buy-bust operation, bukod pa daw yung 2 aktibo din na pulis na kasabwat din nila
  • sa isang barangay sa San Juan City, yung outgoing na Sangguniang Kabataan Chairman na inireklamo ng pangmomolestiya ng isang bagong halal na SK Councilor
  • sa PNP-IAS, yung na-suspend na opisyales nila dahil sa patong-patong na kaso, kabilang na ang sexual harassment
  • sa Las PiΓ±as City, yung kakasalin na lasing na pulis na nagwala at nagpaputok nang nagpaputok ng kanyang baril
  • sa Leyte, yung mag-asawang pulis na sangkot daw sa tensyon at pagpapaputok ng baril laban sa ilang taga-media
  • sa Mabini, Batangas, yung Mayor doon, at 2 pa niyang kapatid, na inaresto ng CIDG matapos daw makuhanan ng mga baril at pampasabog
  • sa Cebu, yung Barangay Chairman na naaresto dahil sa ilegal na baril at granada
  • yung sumuko na sundalo na nakipagbuno daw laban sa isang pulis-Makati
  • sa Davao Occidental, yung 3 pulis na nangmaltrato daw ng menor de edad na lalaki, binuhusan daw ng sukang may sili ang kanyang ari 
  • sa Quezon City, yung MMDA Traffic Constable na nanutok ng baril kesyo naingayan daw siya sa grupo ng mga biktima
  • sa Quezon City, yung retiradong pulis na nakunan ng video ng road rage laban sa isang siklista, kung saan nanghampas ng ulo at kinasahan ng baril yung biktima
  • sa DasmariΓ±as, Cavite, yung pulis na nanakit ng sibilyan sa pamamagitan ng pamamalo ng baril kesyo nakaaway daw ng kanyang kapatid yung biktima
  • sa isang bar sa Quezon City, yung pulis na nanutok ng baril at nagpaputok din daw matapos na may makaaway doon
  • sa Ilocos Sur, yung 2 kapitbahay na namatay sa pamamaril ng isang retiradong pulis
  • sa Zamboanga City, yung 3 pulis na sinibak dahil sa pagkamatay ng 1 waiter
  • sa Tondo, Manila, yung empleyado ng NBI na namaril at nakapatay sa kanyang nakaalitan na lalaki dahil daw sa bullying
  • sa Navotas City, yung 17 y/o na binatilyo na napatay sa pamamaril ng mga pulis dahil lang daw sa mistaken identity
  • sa Rodriguez, Rizal, yung 15 y/o na binatilyo na napatay sa pamamaril ng mga naka-sibilyan lang na mga pulis, nadamay lang yung biktima sa pagtugis ng mga pulis sa kanyang kapatid na nasita ng mga ito
  • sa Malabon City, yung pulis na inaresto dahil sa pamamaril sa 3 biktima
  • sa Novaliches, Quezon City, yung pulis na inaresto matapos daw na mabaril at mapatay ang nakaalitan niyang lalaki sa isang bar
  • sa Pasay City, yung pulis na bumaril at nakapatay sa kapatid ng kanyang live-in partner
  • sa Lanao del Sur, yung 9 na pulis na iniimbestigahan dahil sa pagkamatay ng kapwa nila pulis na natagpuan ang bangkay sa ilog
  • sa Taguig City, yung pulis na napatay sa pamamaril ng kapwa pulis sa loob mismo ng kanilang opisina na baka daw nag-ugat sa pagtatalo tungkol sa ulam

are naman yung mga hindi pa malinaw kung anong klase nga ng mga tao ang involved o hindi tiyak o nabanggit kung sino ang nakatama o hindi masabi kung ano nga ang totoong nangyari:
  • yung kaso nung teacher na Beauty Queen na nawala sa Batangas, na hanggang ngayon ay hindi pa rin natatagpuan, kung saan pulis ang isa sa mga suspek
  • yung pagpatay kaagad sa mga bagong halal pa lamang na opisyal ng mga barangay sa iba't ibang panig ng bayan
  • yung 2 babaeng environmental activist na napaulat na nawawala, na pinapalabas na mga rebelde, na dinukot daw ng mga militar para manipulahin

heto naman yung mga may kinalaman sa kahinaan ng kasalukuyang penal system at pagpapatupad ng iba pang mga batas, patakaran, at sistema sa bansa:
  • yung may nakapasok na sa loob ng bayan na COVID-19 Omicron subvariant FE.1
  • yung nadali ng Medusa ransomware ang PhilHealth
  • yung una nang naging claim ng PhilHealth na hindi daw nanakaw ang data ng mga member, tapos sasabihin ngayon na hindi nila ma-determine kung may nanakaw nga ba at anu-ano iyon
  • yung naikalat na daw sa Dark Web yung ibang mga nanakaw na impormasyon sa PhilHealth
  • yung nasa 13 Million na members daw ng PhilHealth ang nai-leak na ang information online
  • yung pang-abalang suggestion ng PhilHealth na magpalit daw ng e-mail address at mobile number matapos ang naging kapabayaan nila
  • yung ang kapal ng mukha ng PhilHealth na igiit ang paghingi nila ng increase sa contribution, samantalang na-hack nga ang sistema nila at nagkalat na yung mga data online
  • yung plano na bigyan ng temporary license yung mga Nursing graduate na hindi pa naman nakakapasa sa Nursing Board Exam, sa halip na ang bigyan ng trabaho ay yung mga nakapasa na pero hindi naman hina-hire
  • yung mass promotion o pagpapasa ng mga estudyante sa mga paaralan, kahit pa hindi naman talaga deserving yung iba
  • yung ibabalik na naman sa dati ang educational system
  • yung utos ng DepEd, yung bawal na ang mga educational material na nakadikit sa pader
  • sa DepEd, yung bawal daw ang mga decoration sa mga classroom, pero pwede ang Christmas decorations
  • yung hakbang ng DepEd, yung unti-unti nang binubura yung apelyido na related sa nakaraang diktadura
  • sa Antipolo City, yung 14 y/o na lalaking Grade 5 student na namatay ilang araw matapos daw sampalin ng guro
  • yung mga smuggled na sibuyas na nasabat daw noong 2019 pa, pero nalusaw na nang lubusan nitong 2023
  • noong nakaraang December daw, yung pinasok ng Department of Agriculture na overpriced deal para sa mga sibuyas na nasa Php 500 plus daw per kilo, na lumalabas na madaming ginawang manipulasyon sa data ng naka-deal na kooperatiba
  • yung plano na naman ng gobyerno na sabayan ng pag-aangkat ng sibuyas ang anihan ng mga magsasaka ng sibuyas dito sa bayan
  • sa Department of Agriculture, yung hinihiling nila na Php 50 Million daw na confidential fund samantalang sa dami na ng mga nasabat na smuggled agricultural products sa bansa ay wala naman silang binibitay na mga smuggler
  • sa Nueva Ecija, yung oversupply naman ng kalabasa
  • yung oversupply naman ng pinya sa Isabela at Cagayan
  • yung pagpalo ng bentahan ng kamatis sa Php 200 per kilo sa NCR
  • yung nasa Php 500 to 720 na ulit ang presyuhan ng kada kilo ng siling labuyo
  • yung planong alisan ng taripa ang mga imported na bigas na tiyak na kokompetensya sa mga lokal na magsasaka
  • sa New Agrarian Emancipation Act, yung pwede kaagad na ibenta yung nakuhang lupa after 10 years lang
  • sa National Irrigation Administration, yung mga nasita nilang proyekto kung saan yung iba daw ay ilang dekada na pero hindi pa rin nakukumpleto
  • yung ayaw isuko ng DENR ang nasa Php 13 Million na confidential fund nila para next year samantalang hindi pa daw nila nagagamit yung confidential fund nila para sa kasalukuyang taon
  • yung bakit daw merong 10 undersecretaries at 20 assistant secretaries ang DSWD
  • yung pag-apruba ng LTFRB sa Php 1.00 provisional increase sa pamasahe sa jeep
  • sa NAIA, yung panibagong kaso ng power interruption kesyo may naiwan daw na tester
  • yung bombing sa NAIA, patunay na mahina ang seguridad doon
  • yung naka-motor na MMDA Traffic Aide na nahuling gumamit sa EDSA Busway
  • sa EDSA Busway, yung sundalo, pulis, at empleyado ng gobyerno na nahuling dumaan doon
  • yung MMDA Traffic Aide na nahuling namamasada sa EDSA Busway, colorum daw yung van at nabisto na gumagamit ng pekeng sticker para makadaan doon sa busway
  • yung na-suspend na MMDA official, dahil daw sa isyu ng pagpapalagpas sa violation at sa pagpapadaan sa convoy kung saan inakala niya na kabilang ang sinasakyan ng isang Senador
  • yung mga banyaga na nabisto na gumagamit ng mga lehitimong Philippine passport
  • sa DPWH sa Western Visayas, yung 4 na opisyales nila na kinasuhan sa Ombudsman dahil daw sa depektibong flyover
  • sa Davao City, yung under construction na tulay na nag-collapse kung saan 5 daw ang namatay habang 2 ang sugatan
  • yung wala pang pondo para sa ipinangako nilang fuel subsidy
  • yung lumalabas sa isinagawang testing na kahit picture pala ng hayop ay tinatanggap sa SIM registration ng iba't ibang kompanya
  • yung mga nabisto na specialized na registered SIM cards, na blanko lahat ng details na kaugnay dapat nung mobile numbers
  • yung Senador na gustong pabayaran ang hihigit sa unang ire-register na SIM card, na para bang hindi paraan ang paggamit ng private at public SIM para malabanan ang mga hacker, at na para bang reliable ang SIM card registration na ipinagawa nila
  • yung TV Network ng mga kasinungalingan, na ngangayon lang bubusisiin dahil lang sa may nasagasaan na mataas ang katungkulan sa Kongreso
  • yung banta ng SEC na pagpapa-block laban sa Binance, samantalang nag-uusap na sila dati
  • yung pag-amin ng PSA na nagkaroon din ng data breach sa kanilang sistema
  • yung nadali din daw ng data leak noong August pa yung isang portal ng DOST
  • yung na-hack na din ang website ng House of Representatives
  • sa Facebook page ng PCSO, yung may nag-post daw ng nude photos
  • sa Presidential Electoral Tribunal (PET), yung nasilip ng COA na hindi pa nila isinasauli na unutilized cash deposit ng mga kandidato na naglaban sa protesta sa pagka-Vice President noong 2016
  • yung nasita ng COA ang OVP, dahil daw sa pagbili ng mga equipment para sa kanilang mga satellite office nang hindi sumusunod sa procurement laws
  • yung ayon sa COA ay ginastos ng OVP ang ginawa nilang confidential fund na Php 125 Million in just 11 days daw
  • yung nasilip ng COA sa Presidential Communications Office, yung nasa Php 26 Million daw na halaga ng terminal leave benefits na walang documents o hindi ginawan ng tamang deductions
  • yung nasilip ng COA sa Bureau of Customs, yung pagri-release daw ng nasa Php 3.558 Billion na halaga ng mga shipment na dapat sana ay idinaan sa 100% physical inspection pero hindi ginawa
  • yung nasilip ng COA sa Tourism Promotions Board, yung nasa Php 9.868 Million daw na halaga ng undocumented tokens o giveaways
  • yung nasilip ng COA sa Department of Transportation, yung 48 na unutilized Dalian trains ng MRT-3 na ayaw pa ring gamitin hanggang ngayon kahit na may nakalatag naman palang plano para magamit ang mga iyon
  • yung nasilip ng COA sa DSWD, yung pagdaan daw nila sa supplier na wala namang kinalaman sa food business para daw sa pagsu-supply ng relief goods, nasa Php 173 Million yung pinag-uusapan na halaga
  • yung hindi certified Halal yung ipinamahagi ng DSWD na relief goods para sa Muslim region
  • yung lumalabas na may immitation daw sa mga canned tuna na ipinamahagi ng DSWD
  • yung nasilip pa rin ng COA sa DSWD, yung lagpas Php 3 Million daw na ginastos nila para sa meals at hotel accommodations ng kanilang mga tauhan, bagay na irregular at unnecessary dahil may mas mura naman daw na alternatives
  • yung nasita ng COA sa SSS, yung nasa Php 92 Billion daw ang hindi nila nakokolektang kontribusyon mula sa mga pasaway na employers
  • yung nasita ng COA sa Department of Health, yung umaabot sa Php 7.4 Billion na halaga ng mga gamot at bakuna na nasayang lang noong 2022
  • yung nasilip ng COA sa PhilHealth, yung halos nag-triple na daw ang paglaki ng suweldo ng mga executives doon para sa year 2022
  • para sa Department of Tourism, yung video para sa pagpo-promote ng bayan pero gumamit pala ng stock footage na mula sa iba't ibang bansa
  • sa BIR, yung 26 na tauhan nila na sinibak sa serbisyo at 2 suspended dahil daw sa iba't ibang violations
  • yung napepeke na din daw kaagad ngayon yung bagong Php 1,000 bill
  • yung mga magtitinda na hindi tumatanggap ng mga natupi o nalukot na polymer bill, dahil natatakot sa mga babala patungkol sa ganung klase ng pera
  • sa PCSO, yung very alarming na win rate sa lottery games lately
  • yung bagong logo ng PAGCOR na nasa Php 3 Million daw ang halaga
  • yung nasa Php 4 Billion daw na gagawin na estimated na arawang pangungutang para sa taong 2024 para lang ma-meet yung panukalang national budget
  • yung mind-conditioning na ginagawa ng Secretary ng Department of Finance, yung lagi niyang pinapalabas na mas maganda daw ang lagay ng pananalapi ng bayan sa kasalukuyan at sa nakaraang administrasyon, kumpara sa Aquino administration
  • yung Secretary ng Department of Finance na naggiit na pwede daw magpasok ng investment sa Maharlika Investment Fund ang GSIS at SSS kahit pa ipinagbawal na iyon ng Senado
  • yung binago ang implementing rules and regulations para sa pagpili ng mga magha-handle ng Maharlika Investment Fund, pinababa yung qualifications para may mga maipasok sila
  • yung ayaw i-suspend ang excise tax at value added tax sa petrolyo dahil mas makikinabang daw ang mga may-ari ng private vehicles, na para bang walang paraan para mag-concentrate lang sa mga mass transport PUV na dapat makinabang
  • sa Department of Finance, yung opisyal na pinag-resign daw dahil sa pagiging makatwiran
  • yung pagbasura ng Ombudsman sa mga kaso ng red-tagging na kinasasangkutan ng mga opisyales ng dating pinuno, dahil wala daw batas laban sa mapanirang paraan ng red-tagging
  • yung kagustuhan ng Ombudsman na hindi na ilabas sa publiko ang findings ng Commission on Audit
  • yung Senadora na tutol sa pakikipagtulungan sa ICC, kesyo gumagana naman daw ang sistema ng hustisya sa bayan, pero ang totoo ay hindi naman
  • yung Senadora na nagparatang na paghahanap daw ng gulo ang pagpayag sa ICC na imbestigahan ang mga iregularidad sa ipinatupad ng dating administrasyon na drug war
  • yung Senadora na tutol din sa peace talks, dahil tutol ang mga kaalyado niya, dahil hindi nga naman nila mapapakinabangan ang mga benepisyo ng red-tagging kung magkakaisa ang lahat
  • yung mga kaso na natakasan na naman ni Napoles dahil sa right to a speedy trial
  • yung 1 taon na pero wala pa ring hustisya para kay Percy Lapid, dahil hindi naman nahuhuli ang mga akusado
  • yung mga criminal witness na gusto na ding bawiin ang testimonya nila noon laban sa isang dating Senadora
  • sa Port Management Office sa Bohol, yung 8 opisyales na nahuling nag-iinuman sa mismong opisina
  • sa command conference ng NBI, yung sexy dance performance daw
  • sa NBI, yung nasa poder nila na drug suspect at 5 jailguard na inaresto matapos na mapag-alaman na nakakalabas ng kulungan yung suspect, nag-dinner daw sa isang hotel sa Makati
  • sa kaso nung road rage sa Quezon City na may nangyari pang kasahan ng baril, yung lumalabas na na-dismiss pala dapat sa serbisyo dati yung retiradong pulis
  • sa kaso nung road rage sa Quezon City, yung lumalabas na nakatanggap nga ng kanyang retirement benefits yung pulis, kahit pa na-dismiss naman siya dapat sa serbisyo
  • sa kaso nung road rage sa Quezon City, yung ngangayon lang binabawi yung retirement benefits na natanggap nung pulis puwerket naging public ang istorya niya
  • sa kaso nung mistaken identity sa Navotas, yung lumalabas na may pending dismissal order noon pa daw taong 2020 laban doon sa pulis na itinuturong unang nagpaputok ng kanyang baril laban sa mga biktima
  • sa Quezon City, yung bahay ng OFW na nanakawan ng grupo ng mga kabataan na paulit-ulit na daw na nahuhuli at nakakalaya
  • sa DasmariΓ±as, Cavite, yung 2 menor de edad na babae na agaw-buhay na natagpuan sa isang bakanteng lote, na biktima ng rape, kung saan dati nang may mga kaso ang mga suspek
  • yung pag-amin ng Chief ng Bureau of Corrections na hinahayaan talaga ng ibang tauhan ng BuCor ang pagpapapasok ng mga kontrabando sa loob ng mga kulungan
  • sa New Bilibid Prison, yung panibagong kumpiskahan kung saan may mga nakuha na granada, mga sumpak, at mga ice pick
  • sa New Bilibid Prison sa Muntinlupa City, yung 9 daw na sugatan na preso matapos ang pamamaril ng 1 ding bilanggo at may ulat din na may napatay daw dahil naman sa pananaksak ng ice pick habang may komosyon nga
  • sa New Bilibid Prison, yung panibago na namang kaso ng preso na napatay sa pananaksak ng kapwa niya preso
  • yung bombing sa Mindanao State University sa Marawi, yung lumalabas na may kumalat na palang text messages patungkol sa posibleng pag-atake, pero nalusutan pa din sila
  • yung kaduda-dudang dami ng intelligence fund sa gobyerno
  • yung branding laban sa mga nagbabantay sa pondo ng bayan, na pinaratangan sila bilang kalaban ng kapayapaan at ng bayan dahil sa pagsusuri nila sa mga kaduda-dudang confidential fund
  • yung palabas na kesyo pamumulitika daw ang pagsusuri sa national budget lalo na yung mga confidential
  • yung tutol sa peace talks dahil mawawala ang nakukuha nilang benepisyo mula sa red-tagging at confidential fund  
  • yung madami palang local government unit ang nag-a-allocate na din ng confidential fund
  • yung may confidential fund na din pala ang PCSO
  • yung nasa Php 21 Million na intelligence fund na nire-request naman ng MMDA
  • sa Department of Migrant Workers, yung nagre-request na din sila ng confidential fund para DAW labanan ang mga illegal recruiters at scammers
  • yung confidential fund ang idinadaing ng DICT, samantalang technology at technical knowledge ang kailangan para sa cyber security
  • yung mga ahensya na tinanggalan ng confidential fund para sa taong 2024, pero pinalitan lang naman ng ibang item yung confidential fund, kaya ibig sabihin na hindi talaga kailangan na maging confidential ang category ng mga pondo na iyon
  • sa Kongreso, yung ayaw na makukuwestiyon yung budget ng kaalyado ng marami
  • sa Kongreso, yung pinagpatayan ng microphone ang isang Representative na gustong magsuri ng minamadaling budget
  • yung Senador na nagsabi na dapat i-consider ang role ng Vice President sa NTF-ELCAC para sa panghihingi nila ng confidential fund, samantalang may kanya namang budget ang NTF-ELCAC, at iba ang purpose ng OVP at DepEd
  • yung Senador na nag-red-tag ng opposition, na kesyo recruitment daw ng mga rebelde ang dahilan kung bakit sinusuri ng mga ito ang kaduda-dudang paggastos ng pondo ng bayan
  • yung Senador na protektor ng SMNI dahil sa gawain nila ng red-tagging
  • yung ginawang opisyal ng gobyerno na ini-enjoy ang pagre-red-tag sa isang biktima ng unsolved assassination crime
  • yung Representative na nagsasabi na huwag na daw kasuhan ang tatay nila dahil sa death threat at huwag na din daw dumaan sa media
  • yung pagiging pasaway ng maraming mga Senador sa panahon ngayon
  • yung Senador na hindi alam ang gagawin sa kanilang pagpupulong
  • yung Senador na sinisisi ang mga dating Senador para sa mga problema ng bayan sa kasalukuyan, samantalang mga kaalyado niya ang madaming nagawang kasalanan laban sa bayan
  • yung opisyal ng COMELEC na umamin na hindi sila naging transparent noong nakaraang 2022 election
  • sa nakaraang eleksyon, yung sinasabi na mga transmitted results daw na isang common IP address lang ang pinanggalingan, bagay na imposible dapat mangyari dahil galing dapat ang mga transmission sa iba't ibang lugar sa bayan
  • sa 2023 Barangay Elections, yung mga pumalpak na vote counting machine samantalang konti na nga lang ang ginamit
  • sa 2023 Barangay Election, yung mga botante na wala na sa voter's list ng COMELEC
  • yung mga bilanggo na nanalo sa 2023 Barangay Elections, na para bang hindi nag-iisip kung paano gagampanan ng mga taong iyon ang kanilang mga tungkulin habang nasa kulungan sila
  • yung ang aga pa, pero nagbabangayan na kaagad ang matataas na pinuno na nag-claim noon na nagsusulong kuno ng pagkakaisa
  • ang pagpapatibay ng Supreme Court sa pagbasura sa mga kaso laban sa pamilya ng Diktador
  • yung kaso ng pamilya ng Diktador na ibinasura na naman ng Supreme Court, nakaw na yaman na may naging kaugnayan daw sa negosyo ni Lucio Tan
  • yung Senador na nagkukunwari na hindi daw nangha-harass sa pinag-aagawan na karagatan ang mga taga-Imperyo sa panahon ng kanyang dating amo
  • yung POGO daw na nakalabas ng bayan nang hindi nagbabayad ng Php 2.2 Billion sa gobyerno
  • yung may demonyong barko ngayon ang Imperyo sa daungan ng bayan
  • yung may nangako daw sa Imperyo na tatanggalin yung BRP Sierra Madre mula sa may Ayungin Shoal

at may kaso na iba-iba ang kategorya:
  • yung mga mamamahayag na nagsasabi na kapag daw history ay hindi na makakalimutan, samantalang madami nang patunay na madami ng mga personalidad sa kasaysayan ang hindi na kilala ng maraming mga mamamayan
  • yung mga panatiko na isinisisi parati sa iba ang ginagawang pagwasak ng kanilang mga pinuno sa bayan
  • yung napakaagang mind-conditioning na isinasagawa ng mga nagse-survey, naglilista na kaagad sila ng mga pangalan na bibilangin ng mga makina
  • yung gustong humiling ng mga jeepney transport leaders ng Php 2 to 5 na taas-pasahe, na para bang yumayaman ang mga mananakay sa malagim na panahon ngayon
  • sa San Fernando, Pampanga, yung Belgian Malinois daw na asong may rabies na nagawang makapangagat ng nasa 14 na biktima
  • sa Cebu, yung bata na kinagat sa mukha ng aso na wala daw bakuna kontra sa rabies, tapos nasugatan pa yung bata sa kanyang mata
  • sa Talisay City, Cebu, yung 68 y/o na lolo na natagpuang patay sa loob ng banyo na mukha daw nilapa ng mga alaga niyang aso
  • yung hirap ang mga kabataang mag-aaral ngayon sa Mathematics, Science, at Reading
  • sa isang mall sa Lapu-Lapu City, Cebu, yung 2 grupo ng mga kabataan na nagrambulan doon
  • sa Caloocan City, yung riot ng mga basurang kabataan na may batuhan pa ng Molotov bomb
  • sa Tondo, Manila, yung estudyanteng lalaki na pinaslang sa gulpi ng grupo ng mga kalalakihan dahil lang daw nagkasagian sa bar
  • sa Quezon City, yung Criminology student na pinatay sa hazing
  • sa basurang Imperial app, yung nabisto na bayad na demolition job by social media influencers, laban sa isang babaeng celebrity at sa kompanya nila, kung saan Php 8,000 daw ang bayad per influencer
  • yung modus daw ng sindikato ng mga pulubi na may GCash account para sa pagtanggap ng mga limos
  • yung nasa Php 400 daw ang bentahan ng registered na SIM card, tapos nasa Php 800 kung may e-wallet din
  • yung bentahan ng mga online account sa panahon ngayon, particularly mga financial account na nakapag-undergo na ng verification process
  • yung bentahan daw ng mga government ID ng bayan para sa mga foreign POGO workers
  • sa Manila, yung Australian Vlogger na pinasakay ng tricycle at saka sinubukang singilin ng daan-daang piso kahit wala namang license yung mapagsamantalang  driver
  • sa Bacolod City, yung mga nagnanakaw ng sobrang mamahalin na telco cell site batteries
  • sa Bulacan, yung mga bodega kung saan nagre-repack daw ng mga imported na bigas para gawin na mas mahal na lokal na bigas
  • yung rank 2 na daw ang bayan pagdating sa pagpo-provide ng child pornography online para sa buong mundo
  • yung banta ng panibagong flu-like illness na nauuso ngayon sa Imperyo
  • sa Maynila, yung nasa Php 50 Million na halaga ng mga nasabat na smuggled frozen products, kung saan 1 Imperial citizen ang kabilang sa mga naaresto
  • sa Pasay City, yung nasabat na nasa Php 2 Million na halaga ng smuggled meat daw na mukhang galing sa Imperyo
  • sa ParaΓ±aque City, yung nasabat ng Department of Agriculture na nasa 600 kilos ng smuggled meat na suspected na galing sa Imperyo
  • sa isang cold storage facility sa Navotas City, yung nasabat na nasa Php 40 Million na halaga ng mga smuggled na karne, na ang iba ay galing sa Imperyo
  • sa Bulacan, yung mga Imperial citizen na nahuli dahil sa pagbebenta ng pinekeng sikat na brand daw ng tsinelas
  • yung 3 Imperial citizen na nahuli dahil sa pagbebenta ng mga pekeng pain relief rub
  • sa Agoncillo, Batangas, yung na-raid na dating resort-spa, na ginawang pagawaan ng pekeng brand ng sigarilyo, kung saan 6 na Imperial citizen ang kasama sa mga nahuli
  • sa San Pablo City, Laguna, yung nasamsam na nasa Php 2 Million na halaga ng mga pekeng sigarilyo, kung saan Imperial citizen daw ang supplier
  • sa ParaΓ±aque City, yung salon na may lihim na ilegal na pasugalan kung saan nahuli ang 11 na Imperial citizen at 3 lokal na mamamayan
  • sa Bonifacio Global City sa Taguig, yung Imperial citizen na nakabangga ng SUV na mukhang driving under the influence of alcohol daw
  • sa ParaΓ±aque City, yung nahuli na 6 na Imperial citizen at 1 lokal na mamamayan na babae dahil daw sa pagsasagawa ng abortion
  • sa Pasay City, yung Imperial citizen na nahuli matapos na magpa-deliver ng pagkain na may kasamang ilegal na droga
  • sa NAIA, yung Imperial citizen na nasa blacklist daw ng Bureau of Immigration, na hinuli dahil daw sa pagpapatakbo ng prostitution den dito sa bayan
  • sa ParaΓ±aque City, yung 11 Imperial citizen at 1 babaeng lokal na mamamayan na inaresto at nabuking pa sa kasong human trafficking, mga babaeng Imperial citizen daw ang kanilang ibinubugaw sa mga high-end na kliyente
  • sa Pasay City, yung POGO hub na natanggalan na ng lisensya, na nahuli sa raid dahil sa prostitution
  • sa ParaΓ±aque City, yung isa pang POGO hub na ni-raid dahil sa prostitution, kung saan 2 Imperial citizen ang inaresto
  • sa Iloilo City, yung nasa 17 na Imperial citizen na nahuli sa kanilang cybersex den
  • sa isang subdivision sa Pasig City, yung 2 Imperial citizen na naaresto ng NBI dahil sa pagkakaroon ng mga baril
  • sa NAIA, yung Imperial citizen na nahuli dahil daw sa pagtatago ng 2 bala ng baril at sachet ng hinihinalang ilegal na droga sa loob ng kanyang sapatos
  • sa Santa Rosa, Laguna, yung 2 lalaking Imperial citizen na dawit daw sa pagdukot sa 1 babaeng Imperial citizen
  • sa Pasay City, yung 3 Imperial citizen na arestado dahil sa pagdukot sa kapwa nila Imperial citizen
  • sa Pasay City, yung Vietnamese na dinukot daw ng 2 kapwa niya Vietnamese at ng 1 Imperial citizen kapalit ng ransom
  • sa BiΓ±an City, Laguna, yung 3 Imperial citizen na nahuli dahil sa pag-kidnap sa isang babaeng Imperial citizen din
  • sa Meycauayan, Bulacan, yung 3 Imperial citizen na nasagip mula sa pagdukot sa kanila, kung saan mga kapwa nila Imperial citizen ang suspek
  • sa Bohol, yung 4 na Imperial citizen na naaresto dahil sa kasong kidnapping, may kaso din sila na illegal possession of firearms
  • sa Malabon City, yung babaeng Taiwanese na dinukot ng isang grupo at sinasabing ginahasa din daw, kung saan 2 Imperial citizen na suspek ang nadakip
  • yung babaeng Taiwanese na wanted daw sa Taiwan dahil sa kasong large-scale fraud, na nasagip sa Malabon mula daw sa pang-aabuso at panggagahasa ng grupo ng mga Imperial citizen
  • yung kalokohang 10-dash line ng Eastern Empire
  • yung wala na daw corals sa may Rozul Reef, mukhang inubos na daw ng Imperyo
  • yung pahayag ng Imperyo na drama lang daw ang pagmamalasakit para sa kalikasan, sa yamang tubig
  • yung pahayag ng Imperyo na nakakasira daw ng karagatan ang stranded na sirang barko, samantalang madami ng mga barko ang lumubog sa ilalim ng mga karagatan
  • yung nasa 135 daw na Imperial militia vessel na nag-okupa na sa Julian Felipe Reef
  • sa may Occidental Mindoro, yung bangka ng mga lokal na mangingisda na binangga daw ng Imperial bulk carrier
  • yung naglatag na ang Imperyo ng floating barriers sa may Bajo de Masinloc
  • sa may Ayungin Shoal, yung pagharang ng Imperial Coast Guard sa mga barko ng bayan na papunta doon sa area
  • sa West Philippine Sea, yung paggamit ng water cannon ng Imperial coast guard laban sa mga sasakyan ng PCG
  • yung muling paggamit ng barko ng Imperyo ng water cannon laban sa mga barko ng bayan na nasa resupply mission para sa BRP Sierra Madre
  • sa Ayungin Shoal, yung lagi nang hinaharang ng Imperial coast guard ang resupply mission ng bayan doon
  • sa may Ayungin Shoal, yung mga barko ng bayan na magdadala ng supply na binangga ng mga barko ng Imperyo
  • sa may Pag-asa Island, yung dangerous maneuvers daw ng barko ng Imperial Navy laban sa barko ng Philippine Navy
  • sa West Philippine Sea, sa joint patrol ng bayan katulong ang Australia, yung aircraft ng bayan na inikutan ng 2 fighter jet ng Imperyo
  • yung mga extremists na supporters ng mga terorista, na walang respeto sa mga cultural at historical sites sa iba't ibang panig ng mundo, at nang-aabala na din ng mga inosenteng buhay sa mga bansang iyon
-----o0o-----


December 3, 2023...

[Natural Calamities]

t*ng ina, hindi 'to maganda...

kagabi nagsimula ang lahat..
sa ibaba..
malakas na Magnitude 7.4 na lindol..
sa may area ng Surigao del Sur...

is feeling , nasa maling lugar...


>
[Natural Calamities]

at nagpapatuloy nga hanggang ngayong araw..
Magnitude 6.1..
Magnitude 5.1..
Magnitude 5.7..
Magnitude 6.2..
Magnitude 5.0..
Magnitude 5.2..
Magnitude 5.3..
Magnitude 5.0..
Magnitude 5.2..
Magnitude 6.6..
10 na kaagad iyon bago pa man mag-7:00 PM..
lahat sa may area pa din ng Surigao del Sur...

is feeling , tama na...


>
yung nasa 135 daw na Imperial militia vessel na nag-okupa na sa Julian Felipe Reef...

is feeling , pasimpleng Imperyalismo...

---o0o---


December 4, 2023...

[Natural Calamities]

so na-adjust pa from 10 to 12 yung significant earthquakes na nadagdag sa Surigao del Sur before 10:00 PM kahapon...

nasa Magnitude 5.9 yung huling napasama sa bilang after 10:00 PM...

is feeling , katapusan na ba ng mundo...??


>
[Natural Calamities]

doon pa rin sa may area ng Surigao del Sur, para ngayong araw..
nasa Magnitude 5.2..
Magnitude 5.2..
Magnitude 5.4..
Magnitude 6.8..
Magnitude 5.6..
Magnitude 5.4..
6 na kaagad before 10:00 AM...

is feeling , katapusan na ba ng lahat...??


>
[Natural Calamities]

doon pa rin sa may area ng Surigao del Sur..
Magnitude 5.2..
Magnitude 5.7..
Magnitude 5.2..
Magnitude 5.5..
karagdagang 4 bago mag-9:00 PM...

is feeling , ang lakas ng tuluy-tuloy sa kanila...


>
sa Tondo, Manila..
yung empleyado ng NBI na namaril at nakapatay sa kanyang nakaalitan na lalaki..
kesyo bully daw laban sa kanya yung biktima...

is feeling , kapangyarihan ng mga baril...

---o0o---


December 5, 2023...

[Natural Calamities]

sa ibaba pa rin..
nasa Magnitude 5.7..
Magnitude 5.2..
Magnitude 5.5..
Magnitude 5.7..
doon pa din sa may Surigao del Sur area...

is feeling , patuloy pa rin...


>
[Natural Calamities]

sa bandang gitna..
nasa Magnitude 5.9 na lindol..
sa may area ng Occidental Mindoro...

is feeling , lagot na, huwag kayong maghawaan...


>
sa Facebook page ng PCSO..
yung may nag-post daw ng nude photos...

is feeling , hack-able...??


>
yung plano na naman ng gobyerno na sabayan ng pag-aangkat ng sibuyas ang anihan ng mga magsasaka ng sibuyas dito sa bayan...

is feeling , perfect timing...


>
yung bombing sa Mindanao State University sa Marawi..
yung lumalabas na may kumalat na palang text messages patungkol sa posibleng pag-atake, pero nalusutan pa din sila...

kagaya rin nung nangyaring Marawi Siege..
kesyo may intel daw sila, pero nasakop pa din ng mga terorista yung lugar... πŸ™

is feeling , sayang ang intelligence fund...


>
yung tutol sa peace talks..
kasi nga eh mawawalan ng saysay ang ginawa nilang technique ng pagtataas ng level ng mga rebelde papuntang terorista..
mawawalan ng saysay ang ginagawa nilang basta-basta na lang na red-tagging sa kung sinu-sinong gusto nilang siraan..
at mawawalan din ng saysay ang panghihingi ng mga intelligence fund kuno...

is feeling , bistado na kayo.. kaibigan ninyo dati, pero ginawa ninyong mga kalaban...

---o0o---


December 6, 2023...

[Natural Calamities]

sa ibaba ulit, after 9:00 PM kagabi..
nasa Magnitude 5.8 na lindol..
sa may area pa din ng Surigao de Sur...

is feeling , regular na...


>
[Natural Calamities]

mula sa gitna, eh tumaas naman ngayong araw..
nasa Magnitude 5.0 na lindol..
sa may area ng Cagayan...

tapos Magnitude 5.1 na ulit sa may Surigao del Sur ngayong hapon...

is feeling , umakyat na...


>
yung mga magtitinda na hindi tumatanggap ng mga natupi o nalukot na polymer bill..
natatakot dahil sa mga babala noong unang labas nung pera...

is feeling , pasimple pa kayo, gusto nyo lang naman palitan ang mga mukha sa Php 500 bill...

---o0o---


December 7, 2023...

[Natural Calamities]

sa ibaba, kagabi din..
nasa Magnitude 5.1..
nasa Magnitude 5.3..
doon pa din sa may area ng Surigao del Sur...

is feeling , tuluy-tuloy pa rin...


>
yung hirap ang mga kabataang mag-aaral ngayon sa Mathematics, Science, at Reading...

is feeling , epekto ng mga gadget at social media...


>
sa may Occidental Mindoro..
yung bangka ng mga mangingisda na binangga daw ng Imperial bulk carrier...

is feeling , mga terorista talaga...


>
yung Senador na protektor ng Sonshine Media Network International (SMNI)..
dahil sa gawain nila ng red-tagging...

is feeling , magkakasabwat...


>
yung Senadora na tutol din sa peace talks, dahil tutol ang mga kaalyado niya..
dahil hindi nga naman nila mapapakinabangan ang mga benepisyo ng red-tagging kung magkakaisa ang lahat...

is feeling , mahalaga ang red-tagging para sa paninira ng ibang tao at sa pagnanakaw ng pera...