Saturday, April 22, 2023

Ang Alamat ng Most Undesirable Guy on Earth - Third Week of April 2023 (Uncertain Appointment)

Loveless Story


April 15, 2023...

[Lottery]

nanalo pala ang combination ko noong isang araw..
4 numbers lang naman..
Php 800 din yun..
kaso wala akong taya dahil wala namang umaalis ng bahay dahil mag-isa lang ako for almost 11 days...

is feeling , sayang naman...

---o0o---


April 17, 2023...

6 months nang walang hulog para sa utang yung p*ta..
at talagang dedma na lang sa reminder..
basura talaga ang mga tao na mas inuuna pa ang mga inuman at party kesa sa paggawa sa kanilang mga obligasyon...

bakit ako ipinagkanulo ng FATE sa demonyong babae na 'yon...?? πŸ™

is feeling , lagi kong naaalala yung sinabi niya noon.. na kesyo ganitong halaga lang naman 'yon.. pero hanggang ngayon eh hindi niya mabayaran ang lahat...


>
talked to Attendant Nc today..
negative kasi ako doon sa isa ko pang target..
parehas sila na di umaabot sa maximum ang service..
kaya nag-decide ako na iatras na lang muna ang plano ko..
nagbabakasakali pa rin ako na pwede ko pang makatrabaho si Attendant Ry kung magpapalipas pa ako ng panahon..
nag-alok pa nga si Attendant Nc ng iba pa niyang top groupmates...

if ever abot sana ang service ni Attendant Nc sa sagad..
then i wouldn't mind kung susugal man ako sa 2 iba pa..
pero since siya na yung sexiest sa current targets ko..
then mahirap sumugal sa iba dahil nga hindi pwedeng ma-experience ang lahat na kasama siya...

ang kakaiba pa..?
after talking to Attendant Ry's friend last Friday..
by early Saturday morning, 4:00 AM pa lang, eh offline na lahat ng mga account niya..
community account..
parehas na messaging app..
tapos nasa lineup siya ng management for today, pero talagang patay lahat ng communication channels niya...

is πŸ’” feeling , ano ba talagang nangyayari...??

---o0o---


April 18, 2023...

may nagpaingay sa pangalan ni Attendant Ry sa community nitong kamakailan lang..
online siya today..
nag-duty na rin siya..
pero wala siya sa lineup ng management noong simula..
naglabas na din sila ng lumang review about her..
pero ignored pa rin ang last message ko para sa kanya... πŸ™

balik online na rin ang friend niya..
i don't know..
it seems nabalitaan nila from Attendant Nc na sumuko na ako sa booking kahapon..
kaya siguro malakas ang loob nila na mag-duty na ulit...

ginamit ko na parehas na messaging app..
at mukhang hindi niya ako nakikilala doon sa latest kong gamit, kaya mas nagre-reply siya doon sa dati..
at talagang sa araw pa na ito..
kinailangan ko na namang dumaan sa management, for the 3rd time, just to boost my chances na makausap siya..
sumagot siya..
nasurpresa nga ako na sa halip na hindi pwede, eh pwede ang kanyang isinagot..
na sa halip na tapusin niya yung pag-asa ko, eh hindi siya tumanggi..
pero ganun pa din siya, gaya pa rin ng dati..
sumasagot nang general, hindi detalyado sa bawat specific kong tanong..
sasagot nang kaunti, tapos eh mahirap na ulit makausap after...

is πŸ’” feeling , walang na-finalize for today...

---o0o---


April 19, 2023...

maaga siyang nag-online kanina..
pero in-ignore niya pa rin ang mga messages ko... πŸ™

so i tried using a different account for counterchecking..
pero ganun din, mukhang wala namang priority para sa kanya..
tanghali na noong kusa siyang sumagot..
magre-reply ng ilan..
tapos maghihintay nang matagal o baka hanggang kinabukasan bago masundan ulit ang usapan...

ano bang nangyayari..?
mga regular na lang ba niya ang kanyang kinakausap...??

is πŸ’” feeling , wala pa din akong ma-secure na date.. naliligo ako ng kamalasan sa araw-araw...

---o0o---


April 20, 2023...

[Gadget-Related]

nag-hang ang computer ko kaninang umaga..
hindi ko alam ang dahilan..
kung nasaid ba ang memory ng iGPU..?
o nasaid ang mismong RAM..?
dumaan na naman tuloy ako sa hard shutdown...

kung kailan pa talaga may nakuha na akong booking... πŸ™

is πŸ’€ feeling , wala talaga silang gustong matira para sa akin...


>
wala, selos na.. πŸ™
ngayong araw, saka ko napatunayan ang unfair na treatment ni Attendant Ry...

maaga siyang bumati sa drone ko..
nag-react din siya matapos na mag-reply sa kanya yung drone..
pero ni wala siyang sagot para sa akin tungkol sa ginawa kong reservation..
kahit pa nag-follow up ako, ignore pa din ang inabot ko.. πŸ™
naka-mute siguro ako sa messaging app niya...

is πŸ’” feeling , may mali talaga...

---o0o---


April 21, 2023...

day off siya ngayong araw..
bukod pa sa madaming kontrobersiya ngayon sa hanay nila...

so lumalabas nga na active siya sa pakikipag-usap sa iba..
pero hindi para sa akin... πŸ™

is πŸ’” feeling , let's see...

-----o0o-----


April 15, 2023...

[Game]

bumaba ang rank allowance ko para sa parking..
from Bear III na-demote sa Wolf I na lang..
nasa 7000 na lang, compared sa nagawa ko dati na nasa 11000..
kung nasa 1000 ang paggalaw ng ranking sa bawat araw..?
posibleng 4000 ang ibaba ko in 4 days..
so may 3000 pa akong dagdag na palugit if ever...

pahinga na muna..
tama na ang stress..
puros bias lang naman ang meron sa demonyong laro na iyon...

is feeling , sana kayanin...

---o0o---


April 16, 2023...

[Game]

nanalo ulit ako kaninang umaga..
kahapon nagsimula yung win streak ko, so 2 wins yung katumbas ng 1 panalo ko..
tapos 2 wins ulit kanina dahil naituloy ko pa rin yung win streak ko...

dahil dun lumagpas pa sa 7000 ang palugit ko para sa parking..
ang strategy..?
kung mababa ang win rate ng team mo..?
then ang makakuha ng panalo sa unang match for the day, eh walang pinagkaiba sa 8 wins, 7 losses na ratio..
kaya bakit ka magsasayang ng oras at iinda ng stress sa pag-uubos ng lahat ng Stamina, kung sa 1 panalo pa lang eh na-beat mo na ang 50% win rate...

is feeling , last 3 days.. kaya na 'to.. dapat kayanin 'to.. para sa Php 700 na pondo...


>
[Trade]

nakalaya nga ako..
lugi naman... πŸ™

tapos ngayon eh hirap na hirap na naman akong makapasok sa trade..
3 araw na akong hindi makapasok..
from USD 0.204..
umangat ang entry point sa USD 0.209..
tapos ngayong araw eh nakaakyat kaagad siya sa USD 0.212 at 0.215..
walang sobrang laking dagdag sa trading volume..
pero nag-decoupling pa rin ang PNT, hindi sumusunod sa direksyon ng Bitcoin...

samantalang ang parehas na FIDA at DREP eh parehas nang nakagawa ng medyo malaking pump noong araw na malaya na ako... πŸ™

is feeling , ako pa rin ang mali...

---o0o---


April 17, 2023...

[Trade]

lumipat na muna ako sa OAX..
dating Bitcoin lang ang pang-trade sa kanya sa loob ng Binance, pero recently pala eh pinayagan na rin ang USDT...

kaso 2 sablay kaagad ako..
USD 26 yung una..
pero umulit pa galing sa mas mababang level, at USD 38 naman iyon..
USD 64 miss in one day... πŸ™

is feeling , USD 11 pa bago ako makapagsimula na kumita ulit sana...

---o0o---


April 18, 2023...

[Trade]

umaga pa lang pero 2 na kaagad ang sablay ko sa OAX..
tama yung huli kong inabangan na entry point kahapon, pero di ko inasahan na hindi na mas bababa pa dun..
isang USD 18..
at isang USD 5...

then naghintay ako na bumaba siya sa panibagong level..
pero hindi nangyari..
USD 34 ang napakawalan ko nitong hapon..
bukod pa sa nakulong ako sa mataas na entry point... πŸ™

put*ng ina..
nag-pump ang Bitcoin pero pababa ang OAX..
ibig sabihin, kapag nag-crash ang Bitcoin eh mahihila pa sa impiyerno ang OAX... πŸ™

is feeling , put*ng ina, lugi na naman...

---o0o---


April 19, 2023...

[Trade]

nag-crash ang Bitcoin..
ewan..
dahil siguro sa isyu ng processor para sa mga miner...

nadamay na naman ako sa pagbagsak..
aangat ang lahat maliban lang sa akin..
impiyerno lang ang tanging destinasyon ko, maganda man o pangit ang takbo ng market...

sa last check ko nasa USD 33 na ulit yung nawawala sa akin...

is πŸ’€ feeling , kulang na lang talaga pasabugin na lang ng FATE ang utak ko...

---o0o---


April 20, 2023...

[Trade]

bumagsak ulit ang Bitcoin..
2nd dip na..
ang ganda lang talaga ng timing..
perpekto..
kung kailan ako nag-invest... πŸ™

kapos ang ibinaba ng PNT..
kapos ang ibinaba ng FIDA..
samantalang tuluy-tuloy lang ang pagbaba ng OAX... πŸ™

is πŸ’€ feeling , lutung-luto na naman ang basurang kapalaran ko...

---o0o---


April 21, 2023...

ang daming tao ang natutuwa sa AI arts..
pero matinding copyright violator ang AI..
hindi lang copyright, pero mismong attributes ng mga totoong tao kaya nilang kunin at isama sa database nila ng resources...

maling-mali ang paggamit sa AI... πŸ™

is ⚠ feeling , kailangan pa laging i-declare na bawal magamit ng mga AI ang ano mang asset mo...


>
[Trade]

3rd Bitcoin dip..
ginamit yun ng OAX para mag-pump mula below USD 0.3..
USD 0.299 to 0.362..
USD 0.326 to 0.395..
nasa USD 284 na sana ako ngayon... πŸ™

sa drop and pump pa lang ng OAX eh bawi na sana ako..
pero mali na naman ang desisyon..
as in sangkatutak na mga mali sa loob lamang ng isang araw...

masarap sana kung nasakyan ko yung pump..
pero sa halip eh nag-exit na muna ako nang palugi..
na naman..
USD 6 na bawas...

is feeling , USD 17 pa ang nawawala sa akin...


Sunday, April 16, 2023

Rotten Tomatoes II

NOTE: this is not news..
i am not a reporter/journalist nor an influential person..
also, i'm not related to the government in any way..
but there are summary of news featured in this post..
it will require research in order to get the whole story regarding each particular news that is featured in here...

simple lang yan..
kapag nagpaapekto at nag-react ka sa opinyon ng ibang tao - eh BAKA nga may totoo sa mga sinasabi nila...



record ng ekonomiya..
record ng palitan ng piso sa dolyar..
record ng mga inutang..
record ng mga kinamkam at pinagnakawan..
record ng mga inabuso..
record ng mga itinumba..
record ng mga nawawala..
record ng mga kaso...

mga wala kayong utak..
at lahat kayo ay masasama...

is πŸ’€ feeling , from Php 3.91 to Php 20.46 na exchange rate.. from USD 599 Million to USD 26.7 Billion na utang.. sa kanila nagsimula ang pagkawasak...

---o0o---


daily prayer...

sa kung sino man ang nakikinig sa kawalan..
sana mai-serve na kaagad ang totoo at ganap na hustisya laban sa lahat ng miyembro ng alyansa para matigil na ang kasamaan nila...

at sana maging maayos na ulit ang mundo...

is πŸ’€ feeling , day 1008...

-----o0o-----


bagong impiyerno, bagong listahan..
pero may mga kahalo dito na from 2021 pa...

update (462 na)..
medyo in-organize ko rin yung mga kaso..
pero paki-note na hindi na ganung ka-accurate yung bilang, at posibleng may redundancy na rin dahil sa sobrang dami ng mga nakalista...

una, ang pagtataksil sa interes ng bansa at ng mga (ibang) mamamayan (lalo na yung mga naging biktima), at pagbalewala sa kasaysayan at dangal ng bansa:
  • yung pabor na gawing optional ang pagsusuot ng face mask, kung kailan pa talaga tumataas na ulit ang mga kaso ng COVID-19
  • ang hindi pag-address sa banta ng misinformation laban sa bayan at sa kasaysayan
  • yung pag-veto sa bill na nagbibigay sana ng tax exemption para sa honoraria ng mga naging poll workers, samantalang may mga piling tao na madaming atraso sa hindi pagbabayad ng buwis
  • yung lagpas 1 buwan ang kanilang preparasyon, pero hanggang ngayon ay hindi pa rin kumpleto ang kanilang mga department heads
  • yung kagustuhan na magtalaga ng galing sa Judiciary branch sa ahensiya na nangangasiwa sa mga government-owned or controlled corporations (GOCCs), bagay na labag sa Constitution
  • yung itinalaga kaagad bilang Chairman ng COMELEC yung dati niyang abogado
  • yung personal na doktor daw ang itinalaga sa FDA
  • yung malalaki ang halaga ng contributions noong panahon ng kampanya na may mga nakuha na ngayong posisyon sa pamahalaan
  • yung nagtalaga ng galing sa PNP para sa posisyon sa Department of Health
  • yung wala pang Health Secretary hanggang sa ngayon, pero panay nag-aayawan na yung iba
  • yung natapos na ang 2022 pero wala pa ring Secretary ang Department of Health, at wala pa ding maalam na Secretary ang Department of Agriculture
  • January 2023, yung hindi pa nga siya nakakakumpleto ng mga Secretary tapos eh may binalasa na ulit kaagad siya
  • yung nagtalaga na naman ng tao na may nauna nang nakuhang katungkulan
  • yung kawalan daw ng itinatalaga para sa Marawi Compensation Board, kahit lagpas 100 araw na
  • yung ayon sa nagbitiw na opisyales na may kinalaman sa agriculture, ay ang Presidente daw talaga ang nag-utos na mag-import ng asukal
  • yung sinasabi na ideya na dobleng volume pa pala ng balak na i-import na asukal
  • yung malapit na daw maging Php 20 ang kada kilo ng bigas dahil nasa Php 25 na daw ang bentahan ng bigas nila, samantalang subsidized naman iyon at hindi naman saklaw ang lahat ng market sa buong bayan
  • yung hindi naman pagsasampa daw ng mga kaso laban sa smugglers ng mga agricultural product
  • yung mga opisyal ng gobyerno na bumiyahe daw sa Singapore at nanood ng F1 Grand Prix
  • yung nanghihimok tungkol sa tamang pagbabayad ng buwis, pero sila itong may history ng pagiging mga tax evader
  • yung wala daw siyang inatake, dahil ang mga social media farm employees ang gumagawa nun para sa kanila
  • yung verbal na manipulation sa inflation value
  • yung imbentong ideya ng Asia's fastest rising star
  • yung claim na madilim daw na kabanata para sa bayan ang pagkapanalo ng People Power Revolution laban sa kanila
  • yung naging ganap na yung vape bill by default
  • yung pinayagan nang gawing voluntary na lang ang pagsusuot ng face mask outdoor
  • hindi nga nila makumbinsi ang marami na magpa-booster shot, tapos nagluwag na naman sila ng patakaran tungkol sa pagsusuot ng face mask, para naman sa indoor
  • yung required na ang SIM card registration, na may time limit pa, na parang hindi nila alam kung gaano katagal bago makausap ang mga service provider
  • yung Maharlika Investments Fund Act o Maharlika Wealth Fund, na planong galawin ang contributions ng mga mamamayan mula sa GSIS at SSS, bukod pa sa ibang sources
  • yung libu-libong dolyares pala ang bayarin para sa pag-attend sa World Economic Forum
  • yung ayaw nang sumali sa International Criminal Court (ICC) dahil iniimbestigahan ng mga iyon ang mga irregularities sa war on drugs

are yung ang involved o semi-involved eh mga identified talaga bilang awtoridad o tauhan ng pamunuan, mga dati nang naging bahagi ng pamunuan, o kahit mga nagsasanay pa lang upang makakuha ng awtoridad:
  • sa Cebu City, yung nasa 40 daw na empleyado ng LGU nila na nagpositibo sa drug test
  • sa Lemery, Batangas, yung kasapi ng Municipal Disaster Risk Reduction Management Office na nahuli sa isinagawa ng mga pulis na buy-bust operation
  • sa Cotabato City, yung mga anak ng Barangay Chairman at Tanod na nahuli dahil sa ilegal na droga
  • sa Sampaloc, Manila, yung 3 katao na nadakip sa buy-bust operation laban sa ilegal na droga kung saan kabilang ang 2 Barangay Kagawad sa mga nahuli
  • yung anak ng isang Mayor sa Negros Occidental na kasama sa mga nahuli sa isang drug buy-bust operation
  • yung jail guard sa Laguna Provincial Jail na nahuli sa buy-bust operation dahil sa pagbebenta ng shabu
  • sa Bato, Camarines Sur, yung dating policewoman na naaresto sa isinagawang illegal drugs buy-bust operation ng PNP at PDEA
  • sa Caloocan City, yung pulis na nahuli ng PDEA sa kanilang drug buy-bust operation, kung saan may iba pa daw itong mga kasamahan na pulis na nakatakas mula doon sa insidente
  • sa Badian, Cebu, yung pulis at 2 pa na nahuli sa drug buy-bust operation
  • sa Tuguegarao City, Cagayan, yung pulis at 2 magsasaka na nahuli sa drug buy-bust operation
  • sa Maynila, yung nasamsam na nasa Php 6.7 Billion daw na halaga ng shabu sa buy-bust operation, kung saan isang intel officer daw ng Philippine National Police Drug Enforcement Group ang naaresto
  • sa Taguig, yung 3 na miyembro ng mismong PDEA na nahulihan sa buy-bust operation ng nasa Php 9 Million na halaga ng shabu
  • sa Santa Cruz, Manila, yung pulis na nahuli sa buy-bust operation, na nabigo daw makatakas
  • sa DasmariΓ±as, Cavite, yung 3 pulis at 1 sibilyan na nahuli sa anti-illegal drugs operation
  • sa Laguna, yung 3 na nahuli dahil sa ilegal na droga, kabilang ang 1 pulis
  • sa Davao del Norte, yung drug den kung saan 8 ang nahuli, kabilang ang 2 sundalo at 1 empleyado ng munisipyo
  • sa Camarines Sur yata iyon, yung may nakitang ilegal na droga at iba pang mga kontrabando sa sasakyan daw ng BJMP
  • yung leak na kesyo binibigyan daw ng reward na droga ang mga informant ng PNP at PDEA, kesyo may natatanggap daw ang mga ito na porsyento mula sa mga nakukumpiskang ilegal na droga dahil sa kanilang tulong
  • sa Baguio City Public Market, yung katiwalian sa paniningil ng arrival fee
  • sa Pampanga, yung empleyado ng Angeles City hall na nahuli dahil daw sa pag-i-issue ng mga pekeng vaccination card
  • yung opisyal ng Quezon City Police District na sinibak na sa serbisyo at yung iba pa na suspended, lumalabas kasi na suspek nga siya sa hit and run dati laban sa isang tricycle driver
  • yung police chief sa BARMM, na inaresto dahil daw sa kasong syndicated estafa
  • sa Pasig City, yung 2 pulis at 2 informant na nangikil laban sa isang drug suspect para daw hindi na matuloy ang kaso laban dito, bukod doon ay madami na rin daw kaso yung mga involved na pulis
  • sa Muntinlupa City, yung 4 na pulis na inireklamo dahil sa extortion, nagbanta daw na aarestuhin ang isang babae ng dahil sa ilegal na droga kung hindi ilalabas ang asawa nito at kung anu-ano na nga ang pinagkukuha at hinihingi mula doon sa babae
  • sa Quezon City, yung pulis na arestado matapos na subukang mangikil ng nasa Php 60,000, kapalit daw ng mabilis na pagpapalaya sa isang babaeng suspek sa kasong qualified theft
  • sa Quezon City, yung MMDA Traffic Enforcer na nahuli dahil daw sa pangongotong laban sa isang truck driver, bukod doon ay may iba pa daw mga reklamo laban doon sa enforcer na iyon
  • sa Maynila, yung tauhan ng MMDA na hinuli dahil sa kaso ng pangongotong na 2019 pa daw nila ginagawa ng kanyang mga kasabwat
  • sa Tagum City, Davao del Norte, yung traffic enforcer na nahuli daw dahil sa kasong carnapping
  • sa General Trias, Cavite, yung mag-asawang pinagnakawan ang bahay kung saan 2 sinibak na pulis at 1 aktibong pulis ang ilan sa mga suspek
  • sa Balayan, Batangas, yung pulis na nahuli sa entrapment operation dahil sa kasong robbery-extortion, nanghihingi daw kasi ng lingguhang payola para sa operasyon ng loteng
  • sa Makati, yung 2 pulis na nahuli sa entrapment operation dahil sa pangongotong laban sa isang babae, kinuha daw nung mga pulis ang 2 gadget nung mga biktima at saka pinatutubos sa halagang Php 50,000
  • yung 13 tauhan ng CIDG na sinibak matapos na masangkot sa hulidap laban sa mga Imperial citizen, kesyo kinunan daw nila ng mga gamit at hinihingan pa ng pera para makalaya
  • sa Bohol, yung pulis na naaresto dahil sa pagnanakaw daw sa isang gasolinahan
  • sa General Mariano Alvarez sa Cavite, yung naka-AWOL na sundalo na nang-holdap daw sa isang sanglaan
  • sa Quezon City, yung dating Barangay Tanod na nahuli dahil sa pagnanakaw sa isang tindahan
  • yung 8 pulis na inireklamo daw dahil sa pagdukot at pangingikil laban sa 3 suspected scammers
  • yung pinakakasuhan ng NBI na hepe ng NCRPO at 12 pulis, dahil daw sa pagdukot at pag-detain sa 4 na drug suspect, na hanggang ngayon daw ay hindi pa din natatagpuan
  • sa Tondo, Manila, yung Barangay Chairman na nanuntok daw ng tauhan ng MMDA matapos na madamay ang vendo carwash ng suspek sa isinasagawang sidewalk clearing operation
  • sa Southern Police District, yung pulis na inaresto dahil daw sa reklamong pangmomolestiya laban sa isang menor de edad
  • sa Valenzuela City, yung pulis na kinasuhan ng rape laban sa 9 y/o na babaeng anak ng kanyang live-in partner
  • sa Laguna, yung pulis na nahuli dahil sa ilegal na droga at dahil din sa panghahalay daw sa kanyang sariling anak
  • sa Cavite, yung 1 pang pulis na kinasuhan din daw dahil sa panggagahasa
  • sa Cavite, yung 2 pulis na nang-rape daw ng 18 y/o na estudyante mula sa Bacoor habang bumibili ang boyfriend nung biktima para sa kanilang inuman
  • sa Maynila, yung pulis na sinibak daw matapos na maglabas ng baril at manakot kasi kesyo naingayan daw sa mga student athlete
  • sa Boracay, yung Mayor daw ng San Jose, Romblon na nahulihan ng hindi lisensyadong baril
  • sa Laurel, Batangas, yung Barangay Kagawad na nahulihan ng ilegal na baril at maging ng granada
  • sa Caloocan City, yung pulis na naaresto matapos na mahulihan ng walang permit na baril
  • sa Nueva Vizcaya, yung Barangay Captain na maysa demonyo na daw ang pamamalakad, sa panahon pa talaga kung kailan na-extend na nang na-extend ang kanilang panunungkulan
  • sa Kidapawan City, yung pulis na naaresto dahil daw sa pananakit sa kanyang live-in partner at tinutukan din daw niya ng baril yung biktima
  • sa Cagayan, yung nakunan daw ng video na pananakit ng 1 lasing na pulis sa 2 construction worker
  • yung mga naka-sibilyan lang na pulis Magdalena na binugbog daw yung hinuli nilang lalaki, pero lumalabas na nagkamali sila ng hinuli nilang suspek
  • sa NAIA, yung muntik nang nagbarilan na grupo ng mga PNP at airport police, na nag-ugat lang daw sa kawalan ng respeto sa sistema, at nagkaroon pa ng sakitan
  • yung Traffic Enforcer na napatay matapos daw na mapagkamalan na carnapper ng anti-carnapping na pulis Maynila
  • sa Rizal, yung pulis na namaril sa kanyang live-in partner na babae
  • sa Cebu, yung ginang na pinatay ng asawa niyang pulis sa loob ng mismong presinto, magsasampa daw kasi sana yung babae ng reklamo laban dun sa lalaki
  • sa Butuan City, yung mag-asawa na napatay sa pamamaril ng pulis sa loob ng kanilang sasakyan, kesyo kalaguyo daw ng asawa nung pulis yung biktima na lalaki
  • yung dating commander ng PSG na itinuturo na mastermind sa pagpapapatay sa isang babaeng negosyante at modelo sa Davao City, bukod pa siya sa 7 hanggang 8 na miyembro ng 1001st Infantry Brigade na idinadawit doon sa kaso
  • sa Passi City, Iloilo, yung 1 lalaking napatay at 3 pang sugatan, matapos na mamaril ang isang sundalo, nauna daw na may ginawang masama yung suspek na sundalo at yung kapatid niya
  • sa Cagayan de Oro City, sa mismong kampo ng militar, yung 4 na napatay at 1 sugatan na sundalo matapos daw pagbabarilin ng kapwa nila sundalo habang sila ay natutulog
  • sa Masbate prosecutor's office, yung kaso na isinampa laban sa nasa 21 na pulis dahil sa pagkamatay ng mismo nilang kabaro dahil umano sa hazing
  • sa Sariaya, Quezon, yung personnel ng Highway Patrol Group (HPG) na nakunan ng video na nananakit ng trainee
  • sa Nueva Vizcaya, yung pulis na napatay dahil daw sa pamamaril ng kanyang kapwa pulis na natagpuan din namang patay kalaunan
  • ang sunud-sunod na pagpatay at tangkang pagpatay sa mga pinuno sa iba't ibang lugar dito sa bayan
  • yung itinumbang Barangay Chairman sa Batangas, kung saan may 5 ng suspek at aktibong Lieutenant Colonel na pulis ang itinuturong mastermind
  • yung mga nahuling suspek sa pagtumba sa Governor ng Negros Oriental, kung saan lumalabas na ilan daw sa mga suspek ay dating mga sundalo
  • yung tungkol sa pinatay na Governor ng Negros Oriental, yung mga armas at pampasabog na nakita daw sa properties nung suspect na Representative

are naman yung mga hindi pa malinaw kung anong klase nga ng mga tao ang involved o hindi tiyak o nabanggit kung sino ang nakatama o hindi masabi kung ano nga ang totoong nangyari:
  • yung pagtumba laban sa radio commentator na si Percy Lapid
  • yung claim ng kapatid ng namatay na middleman na galing daw sa opisina ng Bilibid ang utos sa mga middleman na ipatumba si Percy Lapid
  • yung may mga death threat na din daw na natatanggap ang naiwang pamilya ni Percy Lapid
  • yung version nung isang suspek sa pagpapatumba kay Percy Lapid, na kesyo ang Secretary daw ng Department of Justice ang totoong nagpatumba doon sa biktima
  • sa social media, yung panibagong death threat laban sa 2 media personalities
  • yung sinasabi ngayon na mga itinumba daw na high profile inmates, sa palusot na COVID-19 ang nakapatay sa kanila
  • yung may nag-aalok na daw ng tig-Php 1 Million para sa mga pamilya ng mga nawawalang sabungero bilang kapalit ng pag-uurong nila sa mga kaso
  • yung 2 development workers mula sa UP Cebu na ilang araw nawala, na sinasabing dinukot daw ng mga nagpakilalang pulis
  • sa UP, yung professor na inaresto ng mga pulis dahil daw sa hindi pagbabayad ng SSS contributions para sa kasambahay, nilabag din daw ng mga umaresto yung UP-DND accord
  • yung mga madre na nadamay sa kasuhan patungkol sa pagpopondo daw sa mga rebelde
  • yung mga tauhan daw ng Bureau of Immigration na sangkot sa kalakaran ng pagpapalusot ng mga OFW na ginagawang cryptocurrency scammer sa ibang bansa
  • yung sinasabi na mga pulis daw na protektor ng mga kidnapping syndicate na mga Imperial citizen ang target
  • yung claim ng isang dating POGO operator, yung mga pulis daw na sangkot sa bentahan ng mga dayuhang POGO workers para sa mga ilegal na POGO

heto naman yung mga may kinalaman sa kahinaan ng kasalukuyang penal system at pagpapatupad ng iba pang mga batas, patakaran, at sistema sa bansa:
  • yung hanggang ngayon ay walang makapag-address sa kanila tungkol sa nangyayaring pagpapakalat ng misinformation sa social media
  • yung under lang ang bayan ng samahan ng international community kapag manlilimos ng tulong, pero kapag mga pang-aabuso na ang pag-uusapan eh independent lang ang bayan
  • yung plano na kaagad na umutang ng nasa USD 300 Million daw mula sa World Bank, para daw sa digitalization para sa pangongolekta ng buwis
  • ang banta sa reliable auditing
  • yung may nakapasok ng kaso ng Monkeypox sa loob ng bayan
  • yung may local case na daw ng Monkeypox dito sa bayan
  • sa Hong Kong, yung napasok daw sila ng kaso ng Monkeypox, kung saan sumakay ang lalaking carrier sa Philippine Airlines
  • yung nasa 21 days pala ang incubation period ng Monkeypox, bago posibleng magpakita ng symptoms ang carrier nito, kaso wala namang ganung katagal na quarantine para sa mga international travelers
  • sa San Pascual, Batangas, yung mga kaso ng Hand, Foot, and Mouth Disease (HFMD) sa mga kabataan
  • yung napasok ng Anthrax ang Cagayan
  • yung nakapasok na rin sa bayan ang mas nakakahawa pa na Centaurus Omicron variant
  • yung napasok na ang bayan ng XBB subvariant at maging ng XBC variant ng COVID-19 virus
  • yung napasok na rin ang bayan ng BQ.1 na subvariant ng Omicron
  • yung napasok na rin ang bayan ng COVID-19 Omicron subvariant XBF, ito yata yung kaso na walang international travel history
  • yung 8 hindi bakunado na lokal na mamamayan na galing sa Imperyo kung kailan laganap na ulit ang COVID-19 doon, na na-detect na positibo doon sa virus
  • yung maraming paglabag sa health protocol sa panahon ng balik-eskuwela
  • sa face to face classes, yung mga guro at estudyante na tinatamaan na ng virus ng COVID-19
  • sa Cebu City, yung hindi din pala kinonsulta ang DOH tungkol sa paggawang optional sa pagsusuot ng face mask
  • sa Iligan City, yung Kasalanang Bayan kung saan madami sa mga lumahok ay hindi na nagsuot ng face mask doon sa venue
  • yung ibinaba ang target ng pagbabakuna ng COVID-19 vaccine sa panahon nila
  • sa Bacolod City, yung nasa 300,000 na COVID-19 vaccines na na-expire na lang
  • yung nasa Php 5.1 Billion daw na halaga ng mga na-expire at mae-expire ng COVID-19 vaccines, base sa statement ay mukhang private sector ang nagpondo sa mga vaccines na iyon
  • yung ayon sa DOH ay nasa 20.6 Million na dami na ng doses ng COVID-19 vaccines ang either na-expire na o ang hindi naman nagagamit
  • by November 2022, yung lalong pagdami ng mga nae-expire na lang na COVID-19 vaccine
  • yung sinasabi ng DOH na posibleng nasa Php 22 Billion daw ang halaga ng mga nasayang na COVID-19 vaccine by March 2023
  • taong 2023, yung kulang daw sa 350,000 na nurses ang mismong bayan
  • yung pagtataas ng PhilHealth sa bilang ng libreng dialysis session hanggang sa 144 daw, samantalang ang daming balita tungkol sa kanilang mga pagkakautang
  • yung sinita na sobra-sobra daw na paniningil ng PhilHealth sa pamahalaan para sa subsidy nito para sa mahihirap na members
  • yung pahayag pa rin hanggang ngayong 2022 na aabot na lang daw hanggang sa 2027 ang actuarial life ng pondo ng PhilHealth
  • sa Philippine Public Safety College, yung may pinakakasuhan sa kanila dahil sa delayed daw na pagbabayad ng contributions para sa PhilHealth na mula pa daw noong taong 2016
  • yung may mga issue pa din daw ng katiwalian at pang-aabuso sa National Center for Mental Health (NCMH) hanggang sa ngayon
  • sa Bukidnon, yung kahon-kahon ng kamatis na itinapon na lang dahil daw hindi maibenta\
  • yung bumagsak daw ang farmgate price ng kamatis hanggang Php 3.00 to 5.00 na lang per kilo, pero nasa Php 25 pa rin ang bentahan sa Metro Manila
  • sa Nueva Vizcaya, yung ipinamimigay na lang ulit ang oversupply ng mga kamatis doon
  • yung nasa Php 400 to 500 na daw ang per kilo ng siling labuyo
  • sa Isabela, ang pagmamahal na din ng bentahan ng siling labuyo at maging ng bawang
  • sa La Trinidad, Benguet, yung pagbaba ng presyuhan ng mga gulay dahil sa oversupply
  • yung pumapalo na sa Php 400 ang per kilo ng sibuyas
  • yung pagtaas ng presyo ng puting sibuyas dahil sa kakulangan sa supply, umaabot na daw sa Php 600 per kilo
  • yung nasa Php 130 per kilogram lang daw ang bentahan ng pulang sibuyas sa probinsya, pero Php 170 ang suggested retail price ng Department of Agriculture para sa NCR, at nasa Php 150 daw yung mga sibuyas na sila naman mismo ang nagbabagsak sa ilang pamilihan doon, bukod pa sa lagpas sa Php 200 yung bentahan ng mga tindera
  • yung may sapat naman daw na supply ng pulang sibuyas by November 2022 ayon sa data nila, pero pumapalo naman ang presyuhan ng per kilo sa Php 300
  • yung umaabot na sa Php 600 per kilo ang bentahan ng pulang sibuyas by December 2022
  • yung gumawa ng Php 250 per kilo na suggested retail price para sa pulang sibuyas pero wala namang makasunod sa mga pamilihan
  • yung bumaba na daw kaagad ang presyuhan ng sibuyas sa mga palengke, samantalang nag-announce pa lang naman ng tungkol sa planong importation at wala pa namang dagdag na supply na dumarating
  • yung kamahal-mahal ng bentahan ng lokal na sibuyas sa mga pamilihan pero binabarat naman pala nang husto ang mga magsasaka
  • yung gumawa ng Php 125 na suggested retail price para sa sibuyas, pero hindi naman daw makabubuti ayon sa mga magsasaka dahil sila na naman ang masasakripisyo
  • sa Zamboanga City, yung nasabat na lagpas daw sa 2 tonelada ng puting sibuyas na walang kaukulang mga dokumento
  • yung may mga nagbebenta na daw kaagad ng imported na sibuyas sa merkado samantalang nasa cold storage facility pa naman daw ang mga inangkat ng pamahalaan
  • yung reklamo ngayon ng mga magsasaka tungkol naman sa pagbaba ng presyo ng bentahan ng sibuyas dahil daw sa pagbaba ng farmgate price
  • yung harassment daw laban sa mga magsasaka ng sibuyas na tumestigo sa Senado patungkol sa pambabarat laban sa kanila
  • sa Batanes, yung nasa 25 metric tons daw ng bawang na nanganganib na mabulok lang
  • yung mababang bentahan ng bawang mula sa Occidental Mindoro
  • yung mas mahal na ang lokal na bawang kumpara sa imported, nasa Php 300 plus per kilo daw para sa lokal, kumpara sa imported na nasa Php 80 lang
  • sa Nueva Vizcaya, yung bagsak na ang presyuhan ng luya dahil na naman daw sa oversupply
  • yung may oversupply naman daw sa kamatis
  • ang pagsabay ng pagmamahal ng itlog sa pagtataas ng presyo ng napakaraming mga bilihin
  • sa La Union, yung naapektuhan na ang industriya sa paggawa ng bagoong dahil sa pagtataas ng SRP para sa asin
  • yung nasa 93% daw ng supply ng asin sa bayan ay imported
  • yung pumapalo na sa Php 100 ang per kilo ng asukal ngayong August 2022
  • yung nasa mahigit Php 200 Million daw na halaga ng smuggled na asukal na mula sa Thailand na nasabat ng BOC
  • yung ilegal daw na paglagda ng Sugar Regulatory Administration sa resolusyon para sa pag-import ng nasa 300,000 metric tons ng asukal
  • yung tangka daw na pag-angkat ng raw sugar, samantalang malapit na daw ang anihan ng tubo dito sa bayan
  • December 2022, yung halos pumapantay na daw ang presyo ng brown at washed sugar sa puting asukal
  • yung Executive Secretary na ang daming liban sa mga pagdinig tungkol sa naging gusot sa asukal
  • yung paglalagay ng initials sa ibinibentang asukal ng Sugar Regulatory Administration
  • yung smuggled na naman ang gustong ibenta sa Kadiwa nila, this time naman eh asukal na nasamsam sa Batangas
  • yung imported daw na asukal na galing sa Thailand na nakapasok kaagad sa loob ng bayan bago pa man nailathala yung Sugar Order No. 6
  • sa Subic Bay Freeport Zone, yung nasabat na nasa Php 150 Million na halaga ng mga smuggled na asukal, bukod pa yung nasa Php 40 Million na smuggled na assorted na frozen meat products
  • yung pag-amin ng Department of Agriculture na minadali nila ang pagpapa-angkat ng mga asukal, halos 1 buwan daw na mas maaga, kahit na hindi pa naman nagagawa ang mga kaukulungang dokumento noon
  • sa Department of Agriculture, yung iniimbestigahan na overpriced daw na mga tractor
  • yung nagtaas na ulit ang presyuhan ng mga basic na tinapay nitong February 2023
  • sa Philippine Airlines, yung nasa 10 daw nilang empleyado na iimbestigahan matapos na magpasok sa bayan ng mga undeclared na prutas at gulay galing sa abroad
  • sa NAIA, yung 5 daw na personnel ng Office for Transportation Security na nakunan ng mga video at nabuking sa ginawa nilang pagnanakaw ng pera mula sa isang foreigner
  • sa NAIA na naman, yung Security Screening Officer na nabuking na nagnakaw daw ng relo ng isang turistang Imperial citizen
  • sa NAIA na naman, yung pulis na miyembro ng PNP - Aviation Security Unit NCR, na arestado dahil daw sa panghihipo sa isang beauty queen
  • yung nasa Php 6.8 Billion daw ang backlog ng Land Transportation Office pagdating sa mga plaka, na gustong ihingi ng pondo para daw mai-outsource din
  • sa LTO, yung sobrang luma na at wala na sa magandang kondisyon na truck, na nagawa pa ring maiparehistro
  • yung hanggang July 2022 ay may mga bumabiyahe para sa libreng sakay na hindi pa rin nababayaran para sa kanilang serbisyo
  • yung hanggang ngayong November 2022 ay hindi pa rin naaayos nang husto ang pasahod sa mga driver para sa EDSA Bus Carousel
  • sa LTFRB, yung ginawa na nilang Php 12 ang minimum na pamasahe sa mga jeep, bukod pa yung increase para sa iba pang klase ng mga PUV
  • yung mga courier service provider na ang inaarkila ng ibang mga pasahero para lang makabiyahe dahil daw sa kakulangan ng mga PUV sa Metro Manila
  • sa LRT 1, Cavite extension project daw, yung mga bagong bagon na binili kaagad noon kahit na hindi pa naman tapos ang riles, kung saan 80 ang natuklasang may water leak
  • sa EDSA Guadalupe, yung nakunan ng video na mga private vehicle na dumaan sa bus lane na may mga escort pa na mula sa PNP Highway Patrol Group
  • yung minamadali na naman ang jeepney modernization, kahit na batid naman nila na dumadaan ang bayan at ang buong mundo sa kahirapan na dulot ng pandemya at giyera
  • yung matagal-tagal na ring energy crisis sa Occidental Mindoro
  • sa SSS, yung bukod sa itinaas na nila sa 14% ng kita ang rate ng contribution eh tinasaan din pala nila ang minimum bracket maging para sa mga self-employed
  • yung paninisi ng ibang pinuno sa PAGASA, samantalang ang lahat naman ng tao ay may contribution sa lubusang pagbabago ng lagay ng panahon dahil sa Climate Change
  • yung banta daw ng seabed quarrying sa Manila Bay
  • yung sinasabi ng MARINA na wala daw permit to operate yung lumubog na vessel na nagdulot ng malawakang oil spill mula sa Oriental Mindoro, bagay na salungat naman sa pahayag ng Philippine Coast Guard
  • yung lumang vessel na daw yung lumubog at nagdulot ng malawakang oil spill, nasa 50 years old na daw yung body na m-in-odify lang
  • sa Sibuyan Island sa Romblon, yung mga nabisto na illegal activities daw ng isang minahan doon
  • yung pinag-iinteresan ng Bureau of Corrections ang Masungi Georeserve
  • yung hindi na daw SIM card ang gamit ng mga text scammers at promoters, pero gusto pa din nilang ituloy ang mandatory SIM card registration
  • yung mga kapalpakan sa unang araw ng sapilitan na SIM card registration
  • yung hindi na-consider ang kakayahan ng bawat user, bawat mobile phone, at bawat computer para sa SIM card registration
  • yung redundant ang SIM card registration para sa mga mobile e-wallet users na verified na ang mga account
  • sa Department of Tourism, yung gustong palitan yung slogan para lang may mailagay sila na initials
  • yung pagdepensa ng Department of Tourism laban sa babala ng New Zealand sa kanilang mga kababayan, kesyo isolated incident lang daw yung tungkol doon sa taga-New Zealand na napatay ng holdaper dito sa bayan, samantalang marami naman talagang mga dayuhan ang target ng mga kriminal dito sa bayan
  • yung naghahangad ng public apology mula sa gobyerno ng Kuwait, na akala mo naman eh walang mga lokal na mamamayan ang lumalabag sa mga patakaran ng ibang bansa at na walang mga lokal na mamamayan ang gumagawa ng mga krimen laban sa mga banyaga na nandito sa bayan
  • yung iimbestigahan na rin ngayon ang Bureau of Immigration tungkol sa kung paanong naisakatuparan yung mga Luffy robberies sa Japan kahit na nasa poder nila dito sa loob ng bayan yung mastermind
  • yung nasa 36 na tauhan ng Bureau of Immigration na sinibak sa puwesto nila, dahil daw sa nadiskubre na mga nakalusot na kontrabando sa kanilang warden facility
  • yung report na umabot sa isang Senadora, kung saan lumalabas na may mga foreigner na madali lang na nakapapasok at nakalalabas dito bayan nang walang inspe-inspeksyon
  • yung panukala na suwelduhan ng Php 2,000 ang mga housewife, samantalang may klase na ng ayuda na ang requirement ay ang pagkakaroon ng anak
  • yung delayed daw na assistance na natatanggap ng mga nagrereklamong beneficiaries ng United Student Financial Assistance System for Tertiary Education (UniFAST)
  • yung pangamba ng mga SPED teachers dahil hindi daw pinondohan ang Special Education Program
  • yung panibagong mga pagpapabaya laban sa Team Obiena ngayong 2023
  • yung kawalan daw ngayon ng pondo para sa benepisyo ng mga centenarian
  • sa DSWD, yung sobrang pagdagsa ng mga estudyante at mga magulang para maghabol sa ipinangakong educational assistance
  • yung dinagsa na naman ang pamimigay ng educational assistance ng DSWD kahit na gumawa na sila ng paraan para subukang gawing organisado ang pamamahagi nila ng tulong
  • yung may mga 4Ps beneficiaries daw na nakiagaw pa mula doon sa ipinamahaging educational assitance ng DSWD, samantalang may version ng 4Ps na ang purpose ay para talaga sa pagpapa-aral sa mga anak
  • sa educational assistance ng DSWD, yung may mga pamilya na hindi kinaya yung online registration
  • yung nasilip ng COA sa DOH pa rin, yung nasa milyun-milyong halaga daw ng mga gamot na either nasira na o malapit nang mag-expire
  • yung nasilip ng COA sa PS-DBM, yung nasa Php 1.3 Billion daw na halaga ng mga PPE na hindi naman certified ng FDA
  • yung nasilip ng COA na deficiencies sa naging paggastos ng DepEd, nasa Php 4.5 Billion daw na kaugnay ng distance learning
  • yung nasilip ng COA sa DepEd na naman for 2021, yung pagbili daw ng mga ito ng mamahalin na mga laptop, na luma naman ang mga processor, sa tulong ng PS-DBM, kung saan nasa Php 2.4 Billion daw yung involved na halaga
  • yung nasilip ng COA sa DepEd at PS-DBM, yung zero accomplishment daw ng mga ito sa pagbili ng textbooks at iba pang learning materials para sa DepEd
  • yung nasilip ng COA sa CHED, yung kabiguan daw nito sa pagpapatupad nung Smart Campus Development Program para sa mga state universities and colleges na nagkakahalaga daw ng nasa Php 3 Billion
  • yung nasilip ng COA sa CHED, yung nasa Php 130 Million daw na labis na ibinayad nila para sa 3 colleges
  • yung nasita ng COA sa TESDA, yung halos Php 95 Million daw na halaga ng mga hindi pa naipapamahagi na toolkits
  • yung pagsita ng COA sa BOC dahil sa pinabayaan nito ang nasa 974 na importers na makapagpatuloy sa kanilang mga transactions sa kabila ng paglabag ng mga ito sa mga patakaran at batas
  • yung nasilip ng COA na kuwestiyonable daw na pagbili ng National Dairy Authority (NDA) ng fresh milk noong 2021, nasa Php 100 Million plus ang pinag-uusapan na halaga
  • yung nasilip ng COA sa Department of Tourism for 2021, yung excessive daw na paggastos sa mga hotel at restaurant
  • yung nasilip ng COA sa Department of Human Settlements and Urban Development for 2021, yung kinukuwestiyon nila ang validity ng nasa Php 5 Million plus daw na halaga ng grocery allowance at COVID-19 response assistance para sa kanilang mga personnel
  • yung nasilip ng COA sa free Wi-Fi program ng DICT, may mga hindi daw gumagana o di kaya eh mabagal ang connectivity
  • yung nasilip ng COA sa DICT, yung nasa Php 93 Million daw na halaga ng mga gadgets na nabigo silang ipamahagi
  • yung nasilip ng COA sa DSWD, yung nasa Php 1.9 Billion daw na halaga ng mga ayuda na hindi na naipamahagi pa
  • yung mga donasyon daw na pagkain at gamot para sana sa mga naging biktima ng Bagyong Ulysses sa Cagayan Valley, na na-expire at nabulok na lang sa warehouse ng DSWD
  • yung nasilip ng COA sa DSWD, yung nasa Php 5.3 Million daw na ipinamigay sa mga dating rebelde, pero kulang naman sa mga dokumento
  • yung nasilip ng COA sa Department of Transportation, yung nasa Php 1.6 Trillion daw na halaga ng mga delayed projects
  • yung nasilip ng COA sa LTO, yung higit daw sa Php 3 Billion na ibinayad na para sa hindi pa naman kumpletong projects
  • yung nasilip ng COA sa DPWH for 2021, yung nasa Php 245 Billion daw na halaga ng libu-libong projects na maalin sa na-delay o hindi na nagawa pa
  • yung nasilip ng COA sa PNP, yung mga hindi pa natatapos na 4 na gusali daw
  • yung nasilip ng COA sa PNP, yung nasa Php 267 Million daw na halaga ng mga donasyong sasakyan na nabigo silang i-record from 2017 to 2020
  • yung nasilip ng COA sa DILG, yung umaabot sa Php 577 Million daw na halaga ng COVID-19 fund na hindi naman nagastos nung ahensiya
  • yung nasilip ng COA sa Human Rights Violations Victims Memorial Commission, dahil sa delay sa pagpapatayo ng Freedom Memorial Museum na para sana sa mga naging biktima noon ng Martial Law
  • yung nasilip ng COA sa Davao City, yung nasa Php 188 Million daw na halaga ng mga property, plant and equipment na inalis sa kanilang books of accounts
  • yung nasilip ng COA sa Office of the Vice President for 2021, yung unnecessary daw na pag-hire ng mga private lawyers at consultants...
  • yung nasilip ng COA sa Office of the President for 2021, yung mahigit sa Php 30 Million na ginamit sa mga repairs, kung saan nasa Php 157,000 plus ay unutilized roof tiles
  • yung nasilip ng COA sa Office of the President for 2021, yung nasa Php 33 Million plus daw mula sa Php 52 Million plus na i-t-in-ransfer sa NTF-ELCAC na unliquidated pa rin sa katapusan ng 2021
  • sa PAGCOR, yung madaming kuwestiyonable sa third party auditor na kinuha nila
  • yung delikado palang malabhan at mapalantsa yung polymer banknotes dahil nasisira talaga nang husto
  • sa PSA, bukod sa kaso ng mga sobrang delayed na release, eh may mga kaso din daw ng mga faded na National ID, may mga hindi daw nagtatagal
  • ang pagbagsak ng Peso nang lagpas pa sa Php 58 na palitan kontra sa US Dollar 
  • yung nasa Php 588 Billion daw na unprogrammed funds para sa 2023
  • sa DPWH, yung Expanded Fund-Parking Scheme daw kung saan iniipit daw ang pondo kung hindi papaboran ang mga piling contractor
  • sa projects ng DPWH, yung may mga amount pero wala naman daw breakdown ng mga pagkakagastusan
  • sa Tondo, Manila, yung mga bahay na nabagsakan daw ng mga tubo mula sa ginagawang SLEX at NLEX connector
  • sa Cagayan de Oro, yung nasunog na imbakan ng mga bala at pampasabog ng militar sa Camp Evangelista
  • sa Quezon City na ulit, yung 13 y/o na estudyante na pinatay ng kapwa mag-aaral sa loob ng paaralan
  • yung red-tagging ng Komisyon sa Wikang Filipino laban sa ilang mga libro, kung saan yung iba ay patungkol sa Martial Law
  • yung sa mga module sa paaralan, yung Bagong Lipunan kung saan itinatago na ang mga detalye tungkol sa kasamaan, kalupitan, at mga pang-aabuso sa panahon ng Martial Law
  • yung red-tagging laban sa Judge ng Regional Trial Court na tumanggi na i-classify ang mga rebelde bilang mga terorista, may banta pa daw tungkol sa pagpatay
  • yung sa media niya isinisisi ang ginawa niyang pagbabanta sa miyembro ng Judiciary branch
  • yung red-tagging laban sa Cardinal ng simbahan, kesyo ginagamit daw kasi ang pondo nung buong Caritas Internationalis para pondohan ang mga Komunista dito sa bayan
  • sa SMNI, yung red-tagging laban sa Mayor ng Baguio City
  • yung red-tagging laban sa Benguet Electric Cooperative o BENECO
  • sa Pasay City, yung film showing tungkol sa Martial Law na ipinatigil daw ng mga pulis kahit na may permit naman na nakuha mula sa barangay yung mga organizers
  • sa NTC, yung 2020 pa yung violation na sinasabi nila pero 2022 na ngayon at hindi pa rin nila natatapos yung isyu
  • yung muling pagkatalo ng isang kinikilalang journalist sa kaso, dahil ipinatupad ang bagong patakaran laban sa luma nilang nailathala na balita
  • yung tila mga mayayaman at maimpluwensiya lang ang nakikinabang sa pangkakaso ng cyberlibel
  • yung mga kaso na may pagkalaki-laking mga piyansa kahit pa sinasabi na mahina naman daw ang ebidensya laban sa mga itinuturing na suspek
  • sa Masungi Georeserve, yung mga active at retired daw na opisyal ng gobyerno pa ang nagpatayo ng mga structures tulad ng resort doon sa area
  • sa Negros Occidental, yung 4 daw na engineer at 1 staff ng provincial government na sinuspende at kinasuhan dahil sa paggamit umano ng mga government vehicle para sa inuman lang
  • yung isyu daw sa loob ng AFP dahil sa usapin tungkol sa fixed term ng mga opisyales
  • yung panawagan na mag-courtesy resignation daw ang lahat ng may rank na colonel to general sa hanay ng PNP dahil kesyo may mga sangkot daw sa kanila sa kalakaran ng ilegal na droga, sa halip na hulihin na lang kaagad yung mga pinaniniwalaan nila na mga tiwali nga
  • sa may Lawton, yung 3 pulis Maynila na naabutan na natutulog sa istasyon habang naka-duty
  • yung shooting incident sa araw ng graduation sa Ateneo de Manila University, na nangyari kung kailan may umiiral na gun ban, at nanggaling pa sa ibang isla yung suspek
  • sa Rosario, Batangas, yung pulis na inaresto matapos na ireklamo dahil sa pagpapaputok ng baril
  • sa Nueva Vizcaya, yung pulis na inaresto dahil nagpaputok daw ng baril habang lasing
  • sa Novaliches, Quezon City noong Bagong Taon daw, yung miyembro ng Philippine Coast Guard na naaktuhan daw mismo ng mga pulis na nagpaputok ng kanyang baril
  • sa Tagaytay, yung 16 y/o na lalaki na aksidenteng nabaril ng kaibigan daw niyang security guard dahil sa kanilang pagbibiruan
  • sa San Pablo, Laguna, yung pulis na miyembro pa daw ng S.W.A.T. na namatay dahil daw sa accidental shooting, naglilinis daw sila ng mga baril nila nang mangyari yung aksidente
  • sa Davao de Oro, yung pulis na nakapatay ng isang lalaki matapos na pumutok ang kanyang baril nang ilapag niya daw iyon sa mesa
  • sa San Jose Del Monte, Bulacan, yung 12 y/o na estudyante na nadala ang baril ng kanyang tatay na pulis sa paaralan at doon na din aksidente na napatay daw ang kanyang sarili
  • sa Sorsogon, yung miyembro ng Philippine Coast Guard na napatay ng kanyang kasamahan dahil daw sa accidental firing
  • yung basta na lang pagbisita ng mga pulis sa bahay ng mga journalist, para daw mag-check kung may death threat
  • yung nasa 30 pulis na kinasuhan sa Ombudsman dahil sa kuwestiyonable daw na pag-aresto noon sa binansagang Tinang 83
  • sa Antipolo City, yung 2 drug suspect na inabuso daw ng mga umaresto sa kanila na pulis, nabuking na may ginagawang pagsisinungaling yung opisyales kasi lumabas sa CCTV footage na tama naman yung sinasabi nung isang suspek
  • yung kaso ng hit-and-run laban sa isang tricycle driver sa Quezon City kung saan sasakyan ng pulis ang involved, yung 5 pulis na kinasuhan dahil daw sa tila cover-up na ginagawa nila doon sa imbestigasyon
  • kaugnay ng kaso nung nahuling pulis sa Santa Cruz, Manila dahil sa ilegal na droga, yung 2 miyembro ng CIDG na sinubukan daw na makialam sa inventory nung kaso
  • sa War on Drugs, yung may mga bala pa daw na iniwan na lang doon sa ibang bangkay na nauna nang idinaan sa autopsy, patunay daw na basta-basta na lang at hindi masusi ang ginagawang autopsy sa ibang napapatay
  • sa General Mariano Alvarez yata, sa Cavite, yung nasa 5 estudyante na nabangga ng nagmamanehong pulis
  • sa Quezon City, yung 1 rider na namatay at iba pa na nasugatan, matapos daw na pumalya ang pagto-tow ng MMDA sa isang truck
  • yung hindi daw isasailalim ng PDEA sa drug test yung naarestong anak ng Secretary ng Department of Justice
  • yung Korean businessman na pinatay ng 2 nang-holdap sa kanya, parehas daw na may mga kaso na noon yung 2 kriminal
  • sa Maynila, yung nahuli na 5 miyembro daw ng Laglag Barya Gang, na lumalabas na mga dati nang nahuli at nasangkot din sa ilegal na droga 
  • sa Cavite, yung kaso nung napatay na babaeng graduating student na 14 na beses daw na sinaksak at pinagnakawan din, lumalabas kasi na dati nang may mga kaso yung suspek kabilang na ang kaso ng pangmomolestiya
  • sa Davao del Sur, yung detainee na napatay sa pamamaril sa loob daw mismo ng municipal circuit trial court
  • yung bilanggo sa Quezon City Jail na nagtitinda pa rin ng ilegal na droga kahit nakakulong na siya, at talagang palabas pa yung transaction dahil gumagamit pa sila ng mga delivery rider
  • sa Bilibid bago matapos ang taong 2022, yung babaeng dalaw na nagtangkang magpuslit ng ilegal na droga sa Maximum Security Compound
  • sa PNP custodial center, yung ipinakulong na dating Senador na na-hostage dahil daw sa tangkang pagtakas ng ilang preso
  • yung panibagong ginawang paglilinis ng Bureau of Corrections ngayong November 2022 yata, kung saan napakarami na namang mga kontrabando ang nasamsam mula sa loob ng kulungan
  • yung hindi daw alam ng dating Secretary ng Department of Justice yung tungkol sa malaking hukay sa Bilibid
  • yung napakalawak na hukay na nadiskubre sa Bilibid
  • yung para daw sa diving pool yung malalim at malawak na tunnel sa Bilibid, dahil mahilig daw yung dating pinuno sa scuba diving, na para bang sa kanya na ang lugar na iyon
  • yung 1 pang claim na kesyo para daw sa paghahanap ng Yamashita treasure yung sobrang laking hukay sa Bilibid
  • yung iba't ibang klase ng mga hayop na ilegal din na ipinasok sa Bilibid
  • sa BuCor, yung sistema ng pagpapadala ng pera sa mga preso gamit ang e-wallet kung saan may porsyento daw ang mga bantay ng kulungan
  • yung sumuko na hired killer daw doon sa kaso ni Percy Lapid, kung saan nakakulong daw sa Bilibid ang itinuturong mastermind
  • yung Middleman daw sa naging pagpatay kay Percy Lapid, na nakakulong sa Bilibid, na lumalabas na ilang araw na daw patay
  • yung inembalsamo nga kaagad yung bangkay nung middleman bago isinailalim sa autopsy
  • yung nauna na daw itinanggi na kabilang sa mga bilanggo nila yung middleman, bago nga nila inilabas yung update na namatay na iyon sa loob ng kanilang kulungan
  • yung ayon sa autopsy ay pinatay yung middleman, taliwas sa unang resulta na nagsasabi na namatay siya dahil sa natural death
  • yung ayon sa pulis ay case solved na daw yung kaso ni Percy Lapid, samantalang namatayan nga sila ng isang middleman, at hindi pa din natutukoy kung sino ba talaga ang mga mastermind
  • yung hindi mahagilap yung dating tauhan ng Bureau of Corrections na inili-link sa pagtumba kay Percy Lapid
  • yung palpak na subpoena laban doon sa suspected mastermind sa pagpapatumba kay Percy Lapid, dahil mali daw yung middle name na nakalagay doon
  • yung kasalanan daw ng pinuno ng DILG kung bakit napatay yung middleman sa loob ng kulungan, iniharap daw kasi sa media yung sumukong killer
  • yung bababaan ang piyansa para sa mga mahihirap na kriminal, kahit na batid naman nila na madaming mga kriminal ang paulit-ulit lang sa kanilang masasamang gawain
  • sa San Pedro, Laguna, yung 2 menor de edad na suspek sa panggagahasa at pagpatay sa isang 7 y/o na babae, na nakakatakas mula sa kanilang CSWD
  • yung mga Senador na nagsasabi na kailangan daw ng DICT ng confidential fund para labanan ang mga cyberattack
  • yung hindi na inusisa pa ang budget para sa Office of the Vice President, kahit pa may malaki itong confidential fund
  • yung may confidential fund ang DepEd, pero hindi naman isinali sa budget ang hiling na taas-sahod ng mga guro
  • yung patraydor na pagbabalik ng mga tinapyas na kuwestiyonableng budget sa bandang huli
  • yung no mercy daw pero tumatanggap naman ng mga sumusuko DAW, at naniniwala din sa mga sinasabi ng mga iyon
  • sa COMELEC, yung gustong mag-request ng budget para sa sarili sana nilang gusali sa panahon kung kailan baon na baon na sa utang ang bayan
  • yung nasayang na naman ang mga ginawang paghahanda ng COMELEC, dahil iuurong na naman ang Barangay at Sangguniang Kabataan Elections
  • yung tumatanggi daw ang COMELEC na mag-provide ng proof of transmission para sa nakaraang halalan
  • walang karapatan ang PPCRV na siguraduhin na walang nangyaring anomalya noon, dahil wala naman silang ipinabilang sa mga volunteers kundi mga automated na numero na lang
  • yung mga mambabatas na dumidiskarte na naman ngayong early 2023 para baguhin ang saligang batas para lang paboran ang gusto nilang dami at haba ng panahon ng panunungkulan
  • yung mga mambabatas na talagang ipinipilit at minamadali ang constitutional convention
  • yung nasa Php 20 Billion plus daw ang kakailanganin na budget para baguhin lang ang saligang batas
  • yung nasa Php 5 Billion kaagad ang budget nila para sa mga mag-aasikaso sa pagpapalit ng mga saligang batas, kung saan nasa Php 10,000 daw daily ang matatanggap ng mga magiging delegates para sa constitutional convention
  • yung mga mambabatas na gustong protektahan ang nagpasimuno sa War on Drugs mula sa imbestigasyon ng International Criminal Court, na para bang wala talagang nangyari na mga kuwestiyonable na patayan
  • yung mga Senador na nakisali na rin sa pagiging protektor laban sa International Criminal Court, sa kabila ng maraming patunay na may mga nangyaring kuwestiyonableng patayan sa War on Drugs
  • yung racist na Senador ng bayan na tinawag na mga puting unggoy ang mga taga-International Criminal Court
  • yung Senador na nagbabala laban sa ICC tungkol sa giyera kung ii-insist ng mga ito ang imbestigasyon laban sa mga taong umabuso sa war on drugs
  • yung ibang Senador na nagsesermon sa mga killer fraternity members, na akala mo eh wala silang nagawang kasalanan, na laban pa sa bayan, para maglinis-linisan sa harapan ng mga killer
  • yung dating Executive Secretary, na pinatalsik daw sa kanilang partido dahil daw hindi napagbigyan sa mga hinihiling na katungkulan ang mga kasamahan nila doon sa partido
  • yung hindi totoong bahagi ng Minority yung naging Commission on Appointments Minority Leader
  • yung Senador na umamin na madami siyang hindi naiintindihan sa kanilang mga pagpupulong
  • yung Senador na pinag-iinitan ang arbitral ruling at pinapalabas na papel lang iyon, na tutol sa alyansa sa dayuhang bansa, samantalang kaalyado niya ang hindi tumupad sa plano na mag-Jet Ski
  • yung Senador na gustong buwisan nang malaki ang mga foreign movies and TV series
  • yung Senador na gustong ipa-ban ang mga Korean drama sa bayan
  • yung Senador na galit sa fiction, yung in denial tungkol sa realidad ng terorismo, samantalang totoo naman na marami sa kanilang relihiyon ay ganun ang gawain at mahihilig pa nga sa suicide bombing
  • yung Senador na gusto pa ring maging pangulo yung kanilang idol, sayang daw at hindi iyon nakinabang sa pagpapalit ng mga saligang batas
  • yung proposal na bigyan ng reelection option ang mga kritikal na katungkulan sa bansa
  • yung paninisi sa isang dating Senador at iba pa tungkol sa investment idea nila, samantalang hindi naman malala ang kahirapan sa bayan sa panahon ng dating proposal at hindi din naman pera na laan para sa pension ang target noon para isugal sa investment
  • yung palusot na kesyo labis na pondo lang daw ang gagamitin para sa Maharlika Wealth Fund, samantalang nagtataas pa nga ng rate of contribution ang SSS dahil umiikli na daw yung buhay ng pondo nila
  • yung planong papalitan ang pangalan ng isang airport na may historical value at meron ding unresolved crime sa loob ng napakahabang panahon
  • yung pagnanakaw ng credit para doon sa airport, samantalang nabuo na pala yung ibang mga bahagi nun bago pa man naghari ang kasamaan sa bayan
  • yung alternatibo daw na solusyon na ibalik na lang ang pangalan ng isang airport sa dati
  • yung matanda na lumaban daw noon sa Martial Law, pero ipinagtatanggol naman ito ngayon
  • yung matanda na gustong bigyan ang pangulo ng kakayahan na magdeklara ng Martial Law nang mag-isa
  • ang paninira sa 1987 Constitution ng isa sa mga mismong promotor ng Martial Law
  • yung ipakukulong daw ang mga taga-International Criminal Court na papasok dito sa bayan para imbestigahan ang War on Drugs
  • yung naibasura na ang kaso patungkol sa Coco Levy Fund Scam dahil daw masyado nang napahaba yung kaso
  • yung matanda na gusto na ring gumamit ng armas na nuclear ang bayan
  • yung Senadora na protektor ng Martial Law
  • yung mga Senador na gusto nang ipalimot sa mga tao ang kasaysayan ng Martial Law
  • yung nagsasabi na magiging independent daw ang branch nila, pero mabilis na ipinagtanggol ang mga kakulangan sa mga in-address na issue sa SONA
  • yung binigyan ng katungkulan na protektor na ngayon ng mga unpaid estate taxes, samantalang Supreme Court na nga ang nagdesisyon tungkol sa bagay na iyon noon
  • yung Secretary ng Department of Justice na nagsabi na bahagi daw ng demokrasya ang red-tagging gayong ang red-tagging ay pagbibintang na pwedeng magpahamak sa buhay ng mga inaatake nito, bukod pa sa paninira ng pagkatao na idinudulot nito
  • yung anak ng Secretary ng Department of Justice na nahulilan ng Kush
  • yung naabsuwelto na kaagad sa kaso na may kinalaman sa possession ng illegal drugs yung anak ng Secretary ng Department of Justice makalipas lamang ang ilang buwan
  • yung muling pagbasura ng Sandiganbayan sa nasa Php 200 Billion na civil forfeiture case
  • yung may nalusutan na naman silang kaso kaugnay ng ill-gotten wealth ngayong February 2023
  • yung pamilya na hindi uma-attend sa pagdinig tungkol sa pagkatagal-tagal na nilang mga kaso
  • yung sinusubukan na nung pamilya na bawiin ang mga ari-arian na nasamsam mula sa kanila
  • yung pelikula para sa historical revision, na namimigay na ng libreng tickets para lang mawasak nila ang kasaysayan sa isip ng mga walang utak
  • yung dating Mayor na ini-reveal na ngayon ang totoo niyang alyansa, na nakikibahagi na rin ngayon sa historical terrorism gamit ang mga pelikula
  • yung pagtatakip ng MTRCB para sa pelikula na may layunin ng misinformation at historical revision
  • yung mga lokal na mamamayan na biktima ng trafficking ng Imperial cryptocurrency scam syndicate, na nagagawa silang patagusin sa mga paliparan at pabiyahehin sa ibang bansa, maging sa kung saan may military junta
  • yung Cagayan Governor na nagsasabi na maganda daw ang samahan ng bayan at ng Eastern Empire, kahit na matagal nang obvious ang ginagawang pananakop ng mga Imperyalista sa mga teritoryo na malapit sa kanila

at may kaso na iba-iba ang kategorya:
  • yung celebrities na sinisiraan na ngayon ang history
  • yung direktor at yung pelikula na layunin na wasakin ang kasaysayan
  • yung historical revision na ginagawa ngayon ng mga social media farm employees, kung saan ibang angkan na ang ginagawa nilang mga demonyo sa paningin ng mga panatiko
  • sa social media, yung mga kabilang daw sa majority na tinatamaan at nagre-react, pero ang topic naman ay tungkol sa mga mapanirang online trolls
  • yung mga social media farm employees na ni wala na sa katungkulan ang sinisisi matapos na manalasa ang mga sakuna
  • yung mga siraulong mamamayan na nagpapahayag ng suporta para sa assassination na ginawa nung doktor sa Ateneo de Manila University shooting incident
  • yung mind conditioning naman ngayon sa survey na kesyo reliable daw ang automated selection nila
  • yung mind conditioning survey na kesyo madami daw ang masaya at satisfied sa bulok na pamamalakad
  • yung celebrity na nagpapaawa ngayon tungkol sa kanilang channel, na para bang walang ibang inapi na TV network
  • yung noontime show na nagpasaway na sa Zamboanga del Norte sa panahon ng mga subvariant ng COVID-19 Omicron
  • sa EspaΓ±a, sa Maynila, yung away ng mga kabataan sa kalye, na lumabag na rin sa mga health protocol
  • sa Muntinlupa City, yung 2 classroom na nasira matapos na gamitin daw ng mga evacuees
  • sa Pasay, yung estudyante ng De La Salle University na biktima ng hazing ng mismong fraternity kung saan kasapi ang kanyang ama
  • yung estudyante ng Adamson University na namatay sa hazing ng sinalihan niyang fraternity, bukod doon eh palihim din nila siyang inilibing sa kung saan
  • sa Ateneo de Davao University, yung nakunan ng video na pananakal daw ng isang estudyante sa kapwa niya estudyante
  • sa Caloocan, yung riot ng mga basurang kabataan sa madaling araw, malapit sa may EDSA Bus Carousel, sa panahon pa rin ng pandemic
  • sa Caloocan pa rin, yung rambulan ng mga kabataan laban sa grupo na galing pa daw sa Malabon
  • sa Cebu City, yung modus daw ng scripted na rambulan kung saan target daw na pagnakawan ang mga makikiusyuso
  • sa Novaliches, yung 14 y/o na lalaki na napatay sa panggugulpi, trip lang daw ang dahilan kung kaya't ginulpi siya ng 4 na kabataan
  • sa Cebu City, yung barilan sa pagitan ng 2 grupo ng mga kabataan kung saan 3 walang kinalaman sa gulo ang tinamaan ng bala at 1 sa mga iyon ang namatay
  • sa Cavite City, yung away ng mga kabataan na nauwi sa pagpapasabog ng granada kung saan 3 ang namatay at 4 ang nasugatan, bukod pa yung saksakan
  • sa Quezon City, yung 3 menor de edad na holdaper na modus daw na basta na lang gulpihin ang mga nagiging target nila
  • sa Bulacan at Pampanga, yung mga warehouse na nabuking ng BOC na nagtatago ng libu-libong sako ng asukal
  • sa Caloocan, yung mga nasamsam na smuggled daw na asukal at bigas mula sa isang warehouse
  • sa Silang, Cavite, yung 3 bodega na nakitaan daw ng nasa 350,000 na sako ng mga smuggled na asukal
  • sa Subic, Zambales, yung naharang na cargo vessel mula daw sa Thailand na may dalang nasa 7,000 metric tons ng asukal
  • sa payment center sa mall, yung halos 100% increase nila para sa kanilang service charge for bills payment
  • yung mga jeepney driver na mali ang discount na ibinibigay sa mga senior citizen, na Php 10 ang sinisingil sa halip na Php 9 lang
  • yung mga ganid na transport group na naghahangad ng surcharge sa pamasahe sa tuwing rush hour daw
  • yung K-Pop artist na siningil daw ng lagpas Php 1,000 ng taxi driver, na nasa 3 beses daw ang laki kumpara sa dapat lang niyang bayaran
  • yung madalas na overloading daw ng mga delivery truck na nagiging sanhi ng mas mabilis na pagkasira ng mga kalsada
  • sa Olongapo City, yung ama na napatay ang sarili niyang anak dahil sa dumi ng alagang aso ng mga ito
  • sa Bataan, yung bata, babae yata iyon, na natapyas ang ilong matapos daw na masakmal ng aso
  • yung lumalabas na may ibang mga magnanakaw ng internet cable na subcontractor pa pala mismo ng telecommunications companies
  • yung modus sa pamamalimos, kung saan gamit ang istorya ng batang may Cancer
  • yung paglaganap lately ng mga personalized na text promotion at text scam na patunay na nagkaroon ng leakage o bentahan ng personal information ng mga mobile users
  • yung mga nangangalap ng mga pangalan na konektado sa mga mobile numbers sa pamamagitan ng pagcke-ckeck sa mga messaging app
  • sa GCash, yung ililihim na tuloy nila ang pangalan ng padadalhan ng pera, bagay na mahalaga sa pag-confirm kung tama ba ang mobile number na nai-type, dahil sa paglaganap ng mga personalized na text promotion and scam
  • yung umaabot daw sa Php 25.5 Billion na tax ang atraso ng mga ghost corporations dahil sa paggamit ng mga pekeng resibo
  • yung gang ng mga transgender at bakla, na eyeball tapos kidnap for ransom ang modus laban sa mga banyaga, na pinapangparetoke daw yung nakukuhang pera
  • yung ang bayan daw ang may pinakamataas na bilang ng teenage pregnancy sa buong Asya
  • sa international news, yung mga environmentalist daw na mga kilalang artwork ang sinusubukang wasakin para lang magpahayag ng kanilang mensahe
  • sa Northern Empire, yung ginagawa na daw sex slave ng mga lalaking sundalo ang mga kapwa nila babaeng sundalo o medics habang nasa giyera
  • yung banta ng Marburg virus
  • ang banta ng Legionnaires' Disease
  • yung panibago na namang banta na dala ng Langya Henipavirus (LayV), na may na-detect na daw sa Imperyo
  • sa Misamis Oriental, yung nasabat ng BOC na nasa Php 18 Million na halaga ng smuggled na mga sibuyas na mula sa Imperyo
  • sa Misamis Oriental, yung nasa Php 36 Million daw na halaga ng mga smuggled na sibuyas na galing na naman sa Imperyo
  • sa Maynila, yung mga nasabat na smuggled na sibuyas na galing daw sa Imperyo na itinago na kasama ng mga siopao
  • sa Manila Port, yung mga nasabat na smuggled na carrots mula na naman sa Imperyo
  • sa Subic, yung naharang ng Customs na nasa 44 daw na container ng mga smuggled na agricultural products mula sa Imperyo
  • yung nasabat sa may Port of Manila, yung nasa Php 17 Million daw na halaga ng mga smuggled na puting sibuyas na galing sa Imperyo na i-d-in-eclare daw bilang ibang bagay
  • sa Cavite, yung nabistong bodega kung saan may mga nadiskubre na pekeng mga sigarilyo at maging mga pekeng BIR stamp, kung saan 4 na Imperial citizen ang nahuli
  • sa Pampanga at sa Tarlac, yung mga nasabat na pekeng insecticide na galing daw sa Imperyo
  • yung Imperial citizen na sinubukang makabiyahe palabas ng bayan gamit ang isang pekeng Mexican passport
  • sa NAIA, yung Imperial citizen na nahuli dahil sa pekeng immigration documents, napag-alaman din nila na nasa blacklist of foreign nationals yung suspek dahil sa overstaying gamit lang ang tourist visa
  • sa Manila, yung lasing na Imperial citizen na nanakal daw ng 2 taxi driver at nagwala pa sa presinto
  • sa ParaΓ±aque City, yung 4 na Imperial citizen at 1 Taiwanese na nahuli sa buy-bust operation laban sa ilegal na droga
  • sa Quezon City, yung nasa Php 272 Million daw na halaga ng suspected shabu na nasabat mula sa isang Imperial citizen
  • sa magkahiwalay na anti-illegal drugs operation sa Cavite at Quezon City, yung umaabot sa Php 1.7 Billion na ilegal na droga ang nasabat, kasama na yung Php 272 Million from Quezon City kung saan 2 Imperial citizen ang nahuli
  • sa Malate, Maynila, yung nasa Php 102 Million daw na ilegal na droga na nasabat mula sa 2 Imperial citizen
  • sa Pozorrubio, Pangasinan, yung nasa Php 2.4 Billion daw na halaga ng hinihinalang shabu na nasabat sa buy-bust operation laban sa isang Imperial citizen
  • sa Mexico, Pampanga, yung 2 Imperial citizen na nahulihan ng nasa Php 408 Million daw na halaga ng shabu na nakasilid sa mga tea bag
  • sa Bonifacio Global City, yung 2 Imperial citizen at 1 lokal na mamamayan na babae na nahuli sa buy-bust operation
  • sa Angeles, Pampanga, yung 2 magkahiwalay na drug buy-bust operation kung saan nasa Php 500 Million na halaga ng droga ang nasamsam, at 2 sa 3 nahuling suspek ay mga Imperial citizen
  • sa Baguio City, yung umaabot sa 575 kilograms daw ng shabu na nasabat, na halos nasa Php 4 Billion daw ang halaga, kung saan 1 Imperial citizen ang nahuli
  • sa Pasay City, yung naaresto na Imperial citizen dahil sa pagdadala ng baril at hinihinalang shabu, bukod pa sa may kasong rape din daw laban sa kanya
  • yung paglaganap daw ng sexually transmitted diseases sa mga POGO community
  • sa ParaΓ±aque City, yung nahuli na Imperial citizen na sangkot sa online sex trafficking, na nangta-trap ng mga biktima gamit ang modus na pagha-hire para sa modeling
  • sa Pampanga, yung nahuli na POGO company na wala namang permit, kung saan sapilitan daw na pinagtatrabaho ang mga tauhan nila na Imperial citizen
  • sa Cainta, Rizal, yung nasa 70 Imperial citizen na POGO workers bukod pa yung bilang ng iba pang mga dayuhan, na nasagip daw mula sa mapang-abusong POGO company
  • sa Maynila, yung naaresto na 4 na Imperial citizen na suspek daw sa kidnap-for-ransom laban sa 3 kapwa nila Imperial citizen
  • sa Porac, Pampanga, yung nahuling 7 Imperial citizen at 2 lokal na mamamayan na mga suspek sa pagdukot sa isang Imperial citizen
  • sa Bacoor City, Cavite, yung 4 na Imperial citizen na nahuli dahil sa pagdukot nila sa kapwa nila Imperial citizen, nahulihan din daw ng mga ilegal na armas yung mga kriminal
  • sa Pampanga, yung nasa 43 na Imperial citizen na nasagip mula sa isang offshore facility na h-in-old daw ng kapwa nila Imperial citizen para mahingan ng ransom ang kanilang mga pamilya
  • sa Quezon City, yung 3 Imperial citizen at 1 Vietnamese na nahuli dahil sangkot daw sa pagdukot at pagpatay sa isang Filipino-Chinese na negosyante
  • yung nahuli na 3 Imperial citizen na sangkot daw sa pagdukot sa lokal na mamamayan para ibenta sa POGO na may kinalaman sa kaso na ini-reveal nung isang Senadora
  • sa Taguig City, yung 2 Imperial citizen na nang-holdap at nangikil, na noong nahuli na ay nakuhanan din daw ng ilegal na droga
  • sa social media, yung mga basurang Imperial citizen na ipinagdiwang ang assassination laban sa matino naman na dating pinuno ng Japan
  • yung marunong na rin ang Imperyo na gumamit ng mga pilotless na mga aerial vehicle
  • sa may Pag-asa Island daw, yung mga Imperial Coast Guard na sapilitang inagaw yung debris na nakuha ng Philippine Navy
  • sa Ayungin Shoal, yung barko ng bayan na tinutukan daw ng LASER ng barko ng Imperyo
  • sa Ayungin Shoal nitong January 2023, yung muling pagtataboy ng Imperial Coast Guard sa mga lokal na mangingisda ng bayan
  • yung nasa 42 na Imperial vessel na malapit lang sa Pag-asa Island
  • yung 2 malalaking barko ng Imperyo, na lumapit daw sa Sabina Shoal na malapit sa Palawan, matapos na subukang itaboy ng Philippine Coast Guard ang mga maliliit na barko ng mga Imperyalista
  • sa Zambales noong January 2023, yung bangka ng mga lokal na mangingisda na nakaladkad daw ng Imperial vessel
  • yung pinapalabas ng Imperyo na ibang nasyon ang nagko-cause ng mga gulo sa karagatan na naipangalan sa kanila
  • yung pasaring ng Imperial embassy na kesyo USA daw ang nagpapasimula ng gulo
  • yung mga spy balloon ng Eastern Empire, na ang isa ay nakita sa USA
-----o0o-----


April 10, 2023...

sa Muntinlupa City..
yung 4 na pulis na inireklamo dahil sa extortion..
nagbanta daw na aarestuhin ang isang babae ng dahil sa ilegal na droga kung hindi ilalabas ang asawa nito..
at kung anu-ano na nga ang pinagkukuha at hinihingi mula doon sa babae...

is feeling , kailangan siguro ng budget para sa out-of-town...

---o0o---


April 13, 2023...

[Natural Calamities]

sa ibaba..
nasa Magnitude 5.4 na lindol..
sa may area ng Davao Oriental...

is feeling , baba...


>
sa Nueva Vizcaya..
yung ipinamimigay na lang ulit ang oversupply ng mga kamatis doon... πŸ™

is feeling , lagi na lang pinababayaan ang mga magsasaka...


>
sa Kidapawan City..
yung pulis na naaresto dahil daw sa pananakit sa kanyang live-in partner..
tinutukan din daw niya ng baril yung biktima...

is feeling , lagi na lang...


---o0o---


April 14, 2023...

[Natural Calamities]

sa ibaba..
nasa Magnitude 5.1 na lindol..
sa may area ng Agusan del Norte...

is feeling , ibaba...


Ang Alamat ng Most Undesirable Guy on Earth - Second Week of April 2023 (Filtered for a Month)

Loveless Story


April 9, 2023...

last time na uminom ako ng alak, lagpas 2 years ago na..
last time na nakita ko ang mga kaibigan ko, lagpas 1 year ago na..
tapos hard kaagad ang ininom... XD

is feeling , ang bilis lumipas ng panahon...

---o0o---


April 10, 2023...

pagod na pagod na ako..
ang sakit-sakit na ng ulo ko..
pilit kong iniintindi ang kamalignuhan ng kamalasan na nakabuntot sa akin..
pero hindi ko rin kayang ipaliwanag..
basta harap-harapan na lang na nangyayari ang mga kamalasan na para bang inilaan ang lahat ng iyon para sa akin... πŸ™

gusto kong makalaya sa kung ano man 'tong sumpa na 'to na bumabalot sa akin..
wawasakin niya ang lahat..
at paulit-ulit na hahadlangan ang mga bagay na binubuo ko..
hindi ko naiintindihan kung anong klase ng entity sila..
pero heavily orchestrated lahat ng ginagawa nilang pagpapalubog sa akin..
kalkulado lahat ng masasamang pangyayari sa buhay ko..
ang mga karamdaman..
mga utang na ayaw nang bayaran ng mga utak-kriminal..
mga pagkalugi sa investment..
rare na pagkasira ng computer..
pati ang pag-ban sa akin ng mga babae...

is πŸ’” feeling , hanggang kailan ko ba malalabanan ang tadhana ko na burahin ang sarili kong existence...??


>
tried doing an advance booking..
kaso wala si Attendant Ry today...

ang dami na namang anomaly..
una, hindi nag-reply sa akin ang management nila tungkol sa hinihingi kong pag-alalay..
may naglabas din ng review tungkol kay Attendant Ry, pero ni hindi nila sinagot yung taong iyon...

is feeling , ano ba talagang nangyayari...??

---o0o---


April 11, 2023...

ang dumi-dumi ng kapalaran ko..
parang wala talaga akong karapatan na mabuhay dito sa mundo..
parang inabala lang nila ako na mabuhay, para lang panoorin na araw-araw na malasin... πŸ™

is πŸ’€ feeling , pagod na pagod na ako kakaisip kung bakit puros masasamang bagay na lang ang nangyayari sa akin...


>
nag-online si Attendant Ry today..
pero wala naman siya sa lineup..
dahilan kaya imposible na mag-request ng follow up mula sa management..
at ni hindi na naman niya binuksan ang message ko..
taliwas sa sinasabi ng iba na sobrang bilis lang niya parating kausap... πŸ™

titingnan bukas kung papasok na siya..
kapag hindi na naman..
eh mukha ngang ako ang target niyang iwasan... πŸ™

pero bakit..?
ano ba talaga ang nagawa ko laban sa kanya...??

is πŸ’” feeling , paano kang nagagamit ng FATE nang ganito laban sa akin...??

---o0o---


April 12, 2023...

alam na alam ng FATE kung sinu-sino at anu-ano ang mahahalaga para sa akin..
at automatic na sila ang sinisira ng kamalasan na dala ng tadhana ko..
either literal na wawasakin..
o di kaya eh ilalayo... πŸ™

is πŸ’€ feeling , wala na.. matatapos na ang lahat nang ganito na lang.. na wasak na wasak ako...


>
3rd day..
pero wala pa ring nangyayari.. πŸ™
di pa rin siya pumapasok...

nagkamali ako..
nag-send kaagad ako sa kanya ng message noong Monday..
mukhang iyon ang dahilan kung bakit siya umiiwas ngayon..
dahil nakita niya yung notification, pero hindi lang niya binubuksan yung message...

o posible bang dahil sa maling balita sa kanilang lugar..??
pero bakit yung kabarkada naman niya, patuloy pa rin sa pagpasok...?

is πŸ’” feeling , bakit paulit-ulit ko 'tong nararanasan...??

---o0o---


April 13, 2023...

ang bagal nang magproseso ng utak ko.. πŸ™
puros problema na lang ang laman..
ni hindi ko na magawang umiyak ngayon..
pati yata luha eh naubusan na ako...

is πŸ’€ feeling , bakit..? bakit perpekto ang pagka-organize ng masasamang pangyayari sa buhay ko...??


>
4th day..
at isinama na ng management si Attendant Ry sa lineup..
naghintay pa ako ng 2nd post, for confirmation..
tapos saka ako humingi ng tulong sa management para sa follow up...

ni-resend ko din lahat ng messages ko for her..
pero wala talagang nangyari..
purong dedmahan lang.. πŸ™
it's either unread ang messages ko o naka-block talaga ako..
diniretsa ko pa ang management kung may issue ba sa pagitan namin ni Attendant Ry..
tapos by 4:00 PM eh inalis na siya sa lineup..
maalin sa nakakuha siya ng booking for the day o itinago lang ulit nila siya...

i also tried talking to Attendant M..
nag-reply naman siya..
pero talagang parehas na ang nangyayari sa kanilang 2 ni Attendant Ry..
na pinababayaan na unread lang ang mga messages ko..
walang reply, at ni hindi nga binubuksan... πŸ™

is πŸ’” feeling , wala na.. imposible na ang Dream Date sa ganitong level ng pagmamanipula ng FATE.. mabubura ang existence ko nang hindi nararanasan na maging tao...

---o0o---


April 14, 2023...

nasa lineup siya kaninang madaling araw..
pero wala mismo ngayong araw...

inulit ko yung tanong sa management..
kung may issue ba sa pagitan namin ni Attendant Ry..
para kako maayos ko naman if ever meron nga..
sinabihan nila ako na uulitin daw nila yung mensahe para sa empleyado nila..
at saka humingi sa akin ng pasensya...

hapon naman..
i tried asking her friend..
may business na daw kasi si Attendant Ry..
on-call na lang daw kasi ang kaibigan niya, so that means na hindi na siya nag-i-stay sa establishment nila..
rumaraket na lang siguro kung kailan niya maisipan...

a few minutes after naming mag-usap nung kaibigan niya, si Attendant Ry naman mismo ang nag-reply sa akin..
naka-leave daw siya ngayong araw, kaya sorry daw sa late reply..
i'm not sure kung sinong nagsabi sa kanya na i-message ako..
either ang management o yung kaibigan niya..
but i still don't believe her..
halos isang buwan yung dumaan from March 15 to April 14..
pero pinabayaan lang niya na unread yung messages ko..
nag-duty din siya kahapon, nag-resend pa ako ng messages, pero talagang hindi niya ginalaw...

siya nga kaya yung tinutulungan nung kliyente..?
yung aware yung kliyente na hindi naman pwede na maging sila...??

is πŸ’” feeling , nailatag nila nang husto ang mga dahilan.. so checkmate na ako...


>
hanggang ngayon hindi pa rin ako makapaniwala na may ganitong klase ng kamalasan..
paulit-ulit..
at tuluy-tuloy lang ang daloy..
isang purong losing streak sa buhay..
para lang makamit ang sapat na level ng depression na kailangan para mabura ako sa mundo...

ganito na lang magtatapos ang buhay ko..
nabubulok ang katawan..
sira ang computer..
wala ng trabaho..
hindi mabawi ang mga pera..
at hindi kailanman makukumpleto ang Dream Date... πŸ™

napakatanga ko para maniwala sa buhay..
na kung makakaya kong lumaban, na baka may matupad pa ako..
gusto kong makalaya..
pero imposible pala..
sunud-sunod..
paulit-ulit..
kung ano mang mga nilalang sila..
perpekto ang kamalasan na inilaan nila para sa akin... πŸ™

is πŸ’” feeling , walang kawala.. perfectly doomed...

-----o0o-----


April 8, 2023...

[Trade]

minor pump na naman ngayong araw..
sa PNT, hanggang USD 0.2095..
kaso nag-dump din kaagad ang mga tanga..
samantalang sa papaganda sana ang daloy nung graph kung sakaling itinuloy nila ang pag-pump hanggang gabi...

is feeling , USD 700 pa ang kulang ko.. mga t*ng ina kayo...

---o0o---


April 9, 2023...

[Trade]

palpak na naman ako.. πŸ™
2 beses nag-mini pump ang PNT..
isang hanggang USD 0.214..
at isang hanggang USD 0.215..
pero hindi ko pa rin kinagat..
tapos pinabagsak nga ulit nila sa USD 0.201 lang...

base sa graph mula noong March 25..
kung nagpalugi sana ako sa USD 0.22 level..
eh nasa USD 300 plus na sana ako ngayon kung tinayaan ko lahat ng pagkakataon na bumagsak ang PNT hanggang USD 0.2 at 0.201...

pero hindi ko magawa..
dahil sa history ko..
na tuwing nagbebenta ako nang palugi, eh bigla na lang nagme-mega pump ang asset..
exactly right after the time na nalugi ako..
para lang ipamukha sa akin ang kamalasan na taglay ko... πŸ™

is feeling , sa palala lang ang sitwasyon...

---o0o---


April 10, 2023...

[Trade]

isa na namang araw na puno ng mga kamalasan... πŸ™

una kong napakawalan yung minor pump hanggang USD 0.218 pagkagising ko..
last time na nalugi ako, USD 205 na hinayaan kong maging USD 200 na lang..
pero this time, ibinagsak ko ang USD 215 ko hanggang USD 190..
USD 25 nang pagkalugi... πŸ™

at dahil nagbenta ako nang palugi, eh nangyari na nga ulit..
ang Curse Release..
nag-decoupling ang PNT mula sa Bitcoin..
napakawalan ko yung double pump..
USD 0.213 to 0.2195..
at USD 0.213 to 0.233..
mabilis din na nadoble ang trading volume niya matapos nila akong mapatalsik..
USD 7 lang sana ang nalugi sa akin sa level USD 0.233 na palitan..
pero hindi magpa-pump ang kahit na anong asset hanggang hindi ako nagpapalugi... πŸ™

ang panibagong problema..?
ayaw nang bumaba ng PNT sa bagong exit point ko..
sinisugurado nila na kung bibili man ako ulit ay sa papalugi na naman ako... πŸ™

sobrang sakit na..
kapag bumili ako ng nasa average price, biglang bumabagsak nang husto ang presyo..
kapag nagbenta naman ako nang palugi, eh umaangat naman nang husto ang palitan..
wala na talaga akong pag-asa..
madalas natatanong ko, bakit hinding-hindi nangyayari yung mga pump sa tuwing nasa loob pa ako nung asset..?
at ang tanging sagot na may sense ay dahil sa taglay kong perpektong kamalasan... πŸ™

is πŸ’€ feeling , buburahin nila ako sa mundo gamit ang depression na araw-araw nilang ipinaparanas sa akin...

---o0o---


April 11, 2023...

[Trade]

pati Bitcoin nakisali na rin sa Curse Release..
saka lang nakabalik ang Bitcoin sa USD 30,000 level matapos akong magpalugi sa bentahan..
plano talaga nila na ma-evict ako mula sa trading.. πŸ™
lalo na tuloy ayaw bumaba ng PNT ngayon...

alam mong malas ka..
kapag matapos kang magbenta ng asset..
eh hindi na bumababa ang palitan kumpara sa naging selling price mo...

is feeling , nagsabwatan na silang lahat para patindihin pa ang depression ko...

---o0o---


April 13, 2023...

[Trade]

nag-crash ang Bitcoin ng ilang daan kagabi..
pero di gaya ng level ng hila niya sa PNT noong umaga ng araw na iyon, eh hindi niya pa rin nahila ang PNT sa mas mababang level..
tapos nag-decoupling pa ang PNT para makalayo kaagad mula sa luma kong buying point...

nakabawi naman ng USD 5 ngayong araw..
pero simula kahapon, eh nasa USD 9 na kaagad yung napakawalan ko na dagdag kita...

is feeling , USD 15 pa...