Saturday, April 22, 2023

Ang Alamat ng Most Undesirable Guy on Earth - Third Week of April 2023 (Uncertain Appointment)

Loveless Story


April 15, 2023...

[Lottery]

nanalo pala ang combination ko noong isang araw..
4 numbers lang naman..
Php 800 din yun..
kaso wala akong taya dahil wala namang umaalis ng bahay dahil mag-isa lang ako for almost 11 days...

is feeling , sayang naman...

---o0o---


April 17, 2023...

6 months nang walang hulog para sa utang yung p*ta..
at talagang dedma na lang sa reminder..
basura talaga ang mga tao na mas inuuna pa ang mga inuman at party kesa sa paggawa sa kanilang mga obligasyon...

bakit ako ipinagkanulo ng FATE sa demonyong babae na 'yon...?? 🙁

is feeling , lagi kong naaalala yung sinabi niya noon.. na kesyo ganitong halaga lang naman 'yon.. pero hanggang ngayon eh hindi niya mabayaran ang lahat...


>
talked to Attendant Nc today..
negative kasi ako doon sa isa ko pang target..
parehas sila na di umaabot sa maximum ang service..
kaya nag-decide ako na iatras na lang muna ang plano ko..
nagbabakasakali pa rin ako na pwede ko pang makatrabaho si Attendant Ry kung magpapalipas pa ako ng panahon..
nag-alok pa nga si Attendant Nc ng iba pa niyang top groupmates...

if ever abot sana ang service ni Attendant Nc sa sagad..
then i wouldn't mind kung susugal man ako sa 2 iba pa..
pero since siya na yung sexiest sa current targets ko..
then mahirap sumugal sa iba dahil nga hindi pwedeng ma-experience ang lahat na kasama siya...

ang kakaiba pa..?
after talking to Attendant Ry's friend last Friday..
by early Saturday morning, 4:00 AM pa lang, eh offline na lahat ng mga account niya..
community account..
parehas na messaging app..
tapos nasa lineup siya ng management for today, pero talagang patay lahat ng communication channels niya...

is 💔 feeling , ano ba talagang nangyayari...??

---o0o---


April 18, 2023...

may nagpaingay sa pangalan ni Attendant Ry sa community nitong kamakailan lang..
online siya today..
nag-duty na rin siya..
pero wala siya sa lineup ng management noong simula..
naglabas na din sila ng lumang review about her..
pero ignored pa rin ang last message ko para sa kanya... 🙁

balik online na rin ang friend niya..
i don't know..
it seems nabalitaan nila from Attendant Nc na sumuko na ako sa booking kahapon..
kaya siguro malakas ang loob nila na mag-duty na ulit...

ginamit ko na parehas na messaging app..
at mukhang hindi niya ako nakikilala doon sa latest kong gamit, kaya mas nagre-reply siya doon sa dati..
at talagang sa araw pa na ito..
kinailangan ko na namang dumaan sa management, for the 3rd time, just to boost my chances na makausap siya..
sumagot siya..
nasurpresa nga ako na sa halip na hindi pwede, eh pwede ang kanyang isinagot..
na sa halip na tapusin niya yung pag-asa ko, eh hindi siya tumanggi..
pero ganun pa din siya, gaya pa rin ng dati..
sumasagot nang general, hindi detalyado sa bawat specific kong tanong..
sasagot nang kaunti, tapos eh mahirap na ulit makausap after...

is 💔 feeling , walang na-finalize for today...

---o0o---


April 19, 2023...

maaga siyang nag-online kanina..
pero in-ignore niya pa rin ang mga messages ko... 🙁

so i tried using a different account for counterchecking..
pero ganun din, mukhang wala namang priority para sa kanya..
tanghali na noong kusa siyang sumagot..
magre-reply ng ilan..
tapos maghihintay nang matagal o baka hanggang kinabukasan bago masundan ulit ang usapan...

ano bang nangyayari..?
mga regular na lang ba niya ang kanyang kinakausap...??

is 💔 feeling , wala pa din akong ma-secure na date.. naliligo ako ng kamalasan sa araw-araw...

---o0o---


April 20, 2023...

[Gadget-Related]

nag-hang ang computer ko kaninang umaga..
hindi ko alam ang dahilan..
kung nasaid ba ang memory ng iGPU..?
o nasaid ang mismong RAM..?
dumaan na naman tuloy ako sa hard shutdown...

kung kailan pa talaga may nakuha na akong booking... 🙁

is 💀 feeling , wala talaga silang gustong matira para sa akin...


>
wala, selos na.. 🙁
ngayong araw, saka ko napatunayan ang unfair na treatment ni Attendant Ry...

maaga siyang bumati sa drone ko..
nag-react din siya matapos na mag-reply sa kanya yung drone..
pero ni wala siyang sagot para sa akin tungkol sa ginawa kong reservation..
kahit pa nag-follow up ako, ignore pa din ang inabot ko.. 🙁
naka-mute siguro ako sa messaging app niya...

is 💔 feeling , may mali talaga...

---o0o---


April 21, 2023...

day off siya ngayong araw..
bukod pa sa madaming kontrobersiya ngayon sa hanay nila...

so lumalabas nga na active siya sa pakikipag-usap sa iba..
pero hindi para sa akin... 🙁

is 💔 feeling , let's see...

-----o0o-----


April 15, 2023...

[Game]

bumaba ang rank allowance ko para sa parking..
from Bear III na-demote sa Wolf I na lang..
nasa 7000 na lang, compared sa nagawa ko dati na nasa 11000..
kung nasa 1000 ang paggalaw ng ranking sa bawat araw..?
posibleng 4000 ang ibaba ko in 4 days..
so may 3000 pa akong dagdag na palugit if ever...

pahinga na muna..
tama na ang stress..
puros bias lang naman ang meron sa demonyong laro na iyon...

is feeling , sana kayanin...

---o0o---


April 16, 2023...

[Game]

nanalo ulit ako kaninang umaga..
kahapon nagsimula yung win streak ko, so 2 wins yung katumbas ng 1 panalo ko..
tapos 2 wins ulit kanina dahil naituloy ko pa rin yung win streak ko...

dahil dun lumagpas pa sa 7000 ang palugit ko para sa parking..
ang strategy..?
kung mababa ang win rate ng team mo..?
then ang makakuha ng panalo sa unang match for the day, eh walang pinagkaiba sa 8 wins, 7 losses na ratio..
kaya bakit ka magsasayang ng oras at iinda ng stress sa pag-uubos ng lahat ng Stamina, kung sa 1 panalo pa lang eh na-beat mo na ang 50% win rate...

is feeling , last 3 days.. kaya na 'to.. dapat kayanin 'to.. para sa Php 700 na pondo...


>
[Trade]

nakalaya nga ako..
lugi naman... 🙁

tapos ngayon eh hirap na hirap na naman akong makapasok sa trade..
3 araw na akong hindi makapasok..
from USD 0.204..
umangat ang entry point sa USD 0.209..
tapos ngayong araw eh nakaakyat kaagad siya sa USD 0.212 at 0.215..
walang sobrang laking dagdag sa trading volume..
pero nag-decoupling pa rin ang PNT, hindi sumusunod sa direksyon ng Bitcoin...

samantalang ang parehas na FIDA at DREP eh parehas nang nakagawa ng medyo malaking pump noong araw na malaya na ako... 🙁

is feeling , ako pa rin ang mali...

---o0o---


April 17, 2023...

[Trade]

lumipat na muna ako sa OAX..
dating Bitcoin lang ang pang-trade sa kanya sa loob ng Binance, pero recently pala eh pinayagan na rin ang USDT...

kaso 2 sablay kaagad ako..
USD 26 yung una..
pero umulit pa galing sa mas mababang level, at USD 38 naman iyon..
USD 64 miss in one day... 🙁

is feeling , USD 11 pa bago ako makapagsimula na kumita ulit sana...

---o0o---


April 18, 2023...

[Trade]

umaga pa lang pero 2 na kaagad ang sablay ko sa OAX..
tama yung huli kong inabangan na entry point kahapon, pero di ko inasahan na hindi na mas bababa pa dun..
isang USD 18..
at isang USD 5...

then naghintay ako na bumaba siya sa panibagong level..
pero hindi nangyari..
USD 34 ang napakawalan ko nitong hapon..
bukod pa sa nakulong ako sa mataas na entry point... 🙁

put*ng ina..
nag-pump ang Bitcoin pero pababa ang OAX..
ibig sabihin, kapag nag-crash ang Bitcoin eh mahihila pa sa impiyerno ang OAX... 🙁

is feeling , put*ng ina, lugi na naman...

---o0o---


April 19, 2023...

[Trade]

nag-crash ang Bitcoin..
ewan..
dahil siguro sa isyu ng processor para sa mga miner...

nadamay na naman ako sa pagbagsak..
aangat ang lahat maliban lang sa akin..
impiyerno lang ang tanging destinasyon ko, maganda man o pangit ang takbo ng market...

sa last check ko nasa USD 33 na ulit yung nawawala sa akin...

is 💀 feeling , kulang na lang talaga pasabugin na lang ng FATE ang utak ko...

---o0o---


April 20, 2023...

[Trade]

bumagsak ulit ang Bitcoin..
2nd dip na..
ang ganda lang talaga ng timing..
perpekto..
kung kailan ako nag-invest... 🙁

kapos ang ibinaba ng PNT..
kapos ang ibinaba ng FIDA..
samantalang tuluy-tuloy lang ang pagbaba ng OAX... 🙁

is 💀 feeling , lutung-luto na naman ang basurang kapalaran ko...

---o0o---


April 21, 2023...

ang daming tao ang natutuwa sa AI arts..
pero matinding copyright violator ang AI..
hindi lang copyright, pero mismong attributes ng mga totoong tao kaya nilang kunin at isama sa database nila ng resources...

maling-mali ang paggamit sa AI... 🙁

is ⚠ feeling , kailangan pa laging i-declare na bawal magamit ng mga AI ang ano mang asset mo...


>
[Trade]

3rd Bitcoin dip..
ginamit yun ng OAX para mag-pump mula below USD 0.3..
USD 0.299 to 0.362..
USD 0.326 to 0.395..
nasa USD 284 na sana ako ngayon... 🙁

sa drop and pump pa lang ng OAX eh bawi na sana ako..
pero mali na naman ang desisyon..
as in sangkatutak na mga mali sa loob lamang ng isang araw...

masarap sana kung nasakyan ko yung pump..
pero sa halip eh nag-exit na muna ako nang palugi..
na naman..
USD 6 na bawas...

is feeling , USD 17 pa ang nawawala sa akin...


No comments:

Post a Comment