Friday, January 17, 2020

FAKE-ing the Goods

NOTE: this is not news..
i am not a reporter/journalist nor an influential person..
also, i'm not related to the government in any way..
but there are summary of news featured in this post..
it will require research in order to get the whole story regarding each particular news that is featured in here...

simple lang yan..
kapag nagpaapekto at nag-react ka sa opinyon ng ibang tao - eh BAKA nga may totoo sa mga sinasabi nila...


yung pati mabuting gawain ng ibang tao eh bibigyan ng masamang kulay..
yung pati resources ng ibang tao eh idadamay basta't masiraan lang nila ang kanilang target... :(

-----o0o-----


lumampas na naman sa 500 ang bilang, kaya mag-i-start na ulit ako ng panibagong listahan ng mga kalokohan..
basta heto yung kadugtong nito:
http://blogngpotassium.blogspot.com/2018/08/just-clan-war.html
https://blogngpotassium.blogspot.com/2019/08/war-against-schools-victims.html

update ulit (503 + 501 + 165 na)..
medyo in-organize ko rin yung mga kaso..
pero paki-note na hindi na ganung ka-accurate yung bilang, at posibleng may redundancy na rin dahil sa sobrang dami ng mga nakalista...

una (untikan ko nang makalimutan 'to), ang pagtataksil sa interes ng bansa at ng mga (ibang) mamamayan (lalo na yung mga naging biktima), at pagbalewala sa kasaysayan at dangal ng bansa:
  • yung pangmamaliit kaagad sa mga kababayang atleta
  • yung nag-offer ng bounty laban sa ibang napalaya ng palpak na sistema
  • yung paninisi sa dating administrasyon kahit na ang pag-abuso sa sistema eh tao nila mismo ang may kagagawan, at sila mismo ay batid na may mga nagre-request upang magamit nga ang kahinaan nung sistema na iyon
  • yung umamin tungkol sa pagpapa-ambush sa isang Mayor noong 2018
  • yung nagtalaga na naman ng opisyal na may kinasasangkutan pang kontrobersya, kesyo suspek daw sa pagkamatay ng 10 preso
  • yung palpak na tauhan na ibinalik na naman sa katungkulan
  • yung sinabi habang nasa ibang bansa na may mga General daw na sangkot sa ilegal na droga, tapos sabay bawi dito sa bansa na kesyo wala daw pala
  • yung gusto nang mangamkam ng mga lupain para lang makapagpatayo na ng dam sa tulong ng Imperyo
  • yung walang tiwala sa kanyang itinalaga
  • yung sinisilip yung mga kuwestiyonable daw na pondo ng ibang pinuno, gayong siya at sila rin ay may kuwestiyonableng pondo para sa premature na pagpapakilala
  • yung sinibak na kaagad yung taong hinamon at itinalaga niya, na para bang may iniiwasan na mangyari
  • yung naniwala at nagsalita dahil sa FAKE news, sa kabila ng napakalaking intelligence fund
  • yung pakikisawsaw sa isyu ng mag-asawa
  • yung patuloy na pagbabanta tungkol sa franchise ng isang TV network habang pinakikinabangan nila ang mga ito para sa SEA Games
  • yung gusto pang dagdagan kung magkano ang itinakda ng batas, samantalang may iba pang sektor ang nangangailangan ng suporta nila
  • yung ipinapabenta na lang ang isang TV network

are yung ang involved o semi-involved eh mga identified talaga bilang awtoridad o tauhan ng pamunuan, mga dati nang naging bahagi ng pamunuan, o kahit mga nagsasanay pa lang upang makakuha ng awtoridad:
  • yung 7 pulis-Antipolo na sangkot sa kuwestiyonableng buy-bust operation noong May 2019, kung saan kabilang din ang ilan sa 2013 Pampanga Ninja Cops
  • yung report from Laguna, yung PDEA agent at kasamahan niya na nahuling gumagamit ng ilegal na droga
  • yung pulis na nahuli ng PNP-IMEG na bukod sa nakunan na ng video habang gumagamit ng ilegal na droga ay nahuli pa sa entrapment operation dahil sa pagiging pusher
  • yung naka-AWOL na pulis na nahuli sa buy-bust operation malapit sa may New Bilibid Prison daw
  • sa Taguig City, yung pulis na hinuli dahil kasabwat daw ito ng kanyang asawa na related sa ilegal na droga na ginagamit pa ang kanilang bahay bilang drug den
  • sa Bacoor City, Cavite, yung Barangay Tanod na kasamang naaresto dahil sa pagtitimbre ng drug raid
  • sa Sampaloc, Manila, yung Barangay Kagawad at pamangkin niya na nahuli sa buy-bust operation
  • sa Sampaloc, Manila, yung Barangay Kagawad na nakunan ng video at nahuli dahil sa pagbebenta ng ilegal na droga sa mismong bahay niya
  • sa Cagayan de Oro, yung Barangay Kagawad na inaresto dahil sa involvement niya sa ilegal na droga
  • sa Sto. Tomas, Batangas, yung Barangay Kagawad na nahuli dahil sa pagtutulak ng ilegal na droga, bukod dun ay may 2 pang nahuli, at sila-sila ang nagturuan
  • yung Barangay Coordinator na hinuli dahil daw sa pangingikil ng nasa Php 18,000 kapalit ng pag-aalis ng pangalan ng isang drug surrenderer mula sa drug watchlist
  • sa Commonwealth, Quezon City, yung 7 Barangay Tanod na sangkot sa pangingikil laban sa asawa ng isang drug-related personality, bukod pa sa pangre-rape daw nila dun sa babae
  • sa Quezon City, yung pulis na nahuli dahil sa pagbebenta ng mga baril at bala, ilan sa mga nasabat na armas ay government-issued pa daw
  • sa Cavite, yung Barangay Kagawad na nakunan ng CCTV na nanloob ng bahay
  • sa Iloilo City, yung Jail Guard na nanutok ng baril sa bar
  • yung pulis na nambugbog ng Traffic Enforcer sa daan dahil naabala daw siya ng panghuhuli nito
  • sa Pandacan, Manila, yung nakunan ng CCTV na pulis na nanakit ng mga kabataan matapos na may mabasag daw sa kanyang sasakyan
  • sa Lapu-Lapu City, yung nakunan ng video na 4 na pulis na nambugbog ng 2 lalaking nanggulo daw
  • sa Valenzuela City, yung lalaki na nag-amok daw na napatay naman sa pagkuyog sa kanya ng mga tanod at pulis
  • sa Puerto Princesa, Palawan, yung babae na namatay sa pamamaril ng kanyang asawang pulis na nagbaril din naman ng sarili matapos iyong krimen
  • sa Marawi City, yung pulis na hinuli dahil sa pagmamaneho ng carnap na sasakyan, bukod dun ay ni wala daw siyang lisensya
  • sa Pasay City, yung Traffic Enforcer na nakunan ng video na nangongotong kapalit ng hindi niya pag-i-issue ng ticket
  • sa Manila, yung Enforcer ng MTPB na nakunan ng video habang nangongotong sa driver ng isang SUV
  • sa Manila, yung lolo na namatay matapos na mabangga ng motor na minamaneho ng isang pulis na lasing daw at mabilis magpatakbo
  • sa Quezon City, yung Traffic Czar at mga kasamahan niya na nanira ng nasita nilang sasakyan na walang sakay
  • sa Sariaya, Quezon, yung Barangay Kagawad at mga kaanak niya na nahuling nagpapatakbo ng online gambling
  • sa Muntinlupa City yata iyon, yung teacher na nakunan ng video na nananampal ng mga estudyante

are naman yung mga hindi pa malinaw kung anong klase nga ng mga tao ang involved o hindi tiyak o nabanggit kung sino ang nakatama o hindi masabi kung ano nga ang totoong nangyari:
  • sa Iloilo City, yung mga pulis na nang-agaw daw ng ibang pera sa gitna ng anti-gambling operation, hindi daw kasama sa record ng mga nakumpiska yung perang kinuha mula sa biktima
  • sa Bacolod City, yung naka-AWOL na sundalo na nangmolestiya daw ng isang special child na dalagita
  • yung Mayor ng Misamis Occidental na itinumba habang nasa custody na ng mga pulis
  • sa Bauan, Batangas, yung itinumba na yung suspek sa pagpatay sa isang 11 y/o na babae na sinasabing tinangka din daw na gahasain
  • sa Marikina, yung lalaki na napatay sa pamamaril ng isang pulis, may tama rin yung isa niyang kaibigan sa tiyan
  • yung pagtatanim daw ng mga ebidensya laban sa makakaliwang grupo

heto naman yung mga may kinalaman sa kahinaan ng kasalukuyang penal system at pagpapatupad ng iba pang mga batas, patakaran, at sistema sa bansa:
  • ang kawalan ng kakayahan ng mga awtoridad at ng justice system na kusang kasuhan ang mga kriminal sa kabila ng matitibay na ebidensya gaya ng video footage o ng mismong pagresponde ng awtoridad sa krimen
  • sa Las Piñas City, yung 3 pulis na naabutang natutulog sa ginawang inspeksyon ng NCRPO
  • sa Boracay, yung 2 pulis na nahuling nagmo-mobile games habang nasa duty
  • sa Bacolod City, yung nagawang pagsasaksakin ng gunting ng isang kaanak nung biktima na special child na dalagita yung naka-AWOL na sundalong suspek habang naaresto na ito
  • sa Antipolo City, yung pulis na nakunan ng video na nagsasabong
  • sa Taguig, yung sasakyan ng mga pulis na ilegal ang pagpaparada malapit sa presinto
  • yung nasa 18 na hinuli dahil sa ilegal na pagpapaputok ng baril kung saan kabilang ang ilang pulis at sundalo
  • yung pulis na nahuli ng PNP-IMEG, na dati nang naalis sa serbisyo dahil din sa involvement sa ilegal na droga pero nagawang makabalik noong 2017 sa pagiging pulis
  • yung ang daming isinisiwalat ngayon na modus ng mga armadong empleyado, pero ano bang ginawa nila noon pa lang na nalaman na daw nila ang tungkol sa mga ganun
  • yung tangkang pagtatakip sa kaso ng Pampanga Ninja Cops noong 2013
  • sa prusisyon, yung general na pulis na nang-agaw ng smartphone ng taga-media at sinubukan din daw na magbura ng video
  • yung sobra-sobra namang ph-in-otoshop na picture DAW ng mga sumukong rebelde na i-p-in-resent ng Philippine Army
  • yung panibagong kaso ng pagkamatay sa PMA nang dahil daw sa hazing
  • yung wala nang ipinagkaiba ang hazing mula sa bullying
  • sa Daraga, Albay, yung babae na sugatan matapos na sakmalin ng aso
  • sa Pangasinan, yung 7 y/o na may 17 beses daw na pinagkakagat ng nasa 5 aso
  • yung wala ng halaga ang mga karton para sa mga mangangalakal
  • yung perwisyong idinudulot ng pag-a-adjust ng mga existing landline numbers
  • yung pagtaas ng rate ng pamasahe sa provincial bus
  • yung wala man lamang pakunsuwelo para sa mga motorista sa kabila ng hindi na pagiging expressway ng SLEX
  • yung opisyales ng DOTr na isinisisi sa palpak na maintenance DAW ng nakaraang administrasyon iyong pagkasira na nangyari sa LRT 2, kahit na mahigit 3 taon na sila sa puwesto
  • yung halos nasa 10,000 driver ng iba't ibang klase ng sasakyan na nahuli sa isinagawang sabayang panghuhuli
  • yung tutol na tutol dati sa motorcycle TNVS dahil sa isyu ng safety, tapos biglang gusto ngayon na magbigay kaagad ng permit sa maraming kaparehong klase na service provider
  • yung mabilis nga ang naging approval dun sa iba pang motorcycle TNVS kumpara dun sa nauna na hinarang nang maige
  • yung pagbaba ng presyo ng bentahan ng lokal na palay
  • yung may pa-commercial pa tungkol sa Rice Tariffication
  • yung latest na pagkalugi ng mga magsasaka ng Benguet dahil sa maling sistema
  • yung sobra-sobrang pagtaas ng presyo ng galunggong
  • yung nakapasok na ang African Swine Fever (ASF) sa bansa
  • yung may mga processed meat na rin na apektado ng ASF na hindi naman pinapangalanan yung kompanya
  • yung may nakalusot na rin na kaso ng ASF sa isang kilalang supermarket
  • yung totoong nabigyan nga ng certification yung mga karneng baboy na nag-positive sa ASF na nakalusot sa malalaking supermarket
  • sa Bulacan, yung paggamit sa isyu ng ASF para makapanabotahe ng negosyo ng iba
  • yung latest na kaso ng Lambanog poisoning sa Laguna at Quezon nitong 2019
  • yung mga opisina ng gobyerno na umaasa pa rin hanggang ngayon sa manual checking at nire-require pa ang kopya ng mga resibo ng mga tao para sa pag-che-check, kahit na may kopya dapat sila ng mga nasabing resibo
  • sa PAGCOR, yung tigil na nga muna ang pagbibigay nila ng assistance matapos na malusutan sila ng mga pekeng dokumento, pero laya na kaagad yung mag-asawang nahuli nila
  • yung balik operasyon na kaagad yung mga ipinatigil na laro ng PCSO, maging yung mga pinagdudahan na laro
  • sa PSA, yung nagpa-correct na dati ng birth certificate kapalit ng nasa Php 10,000, pero nag-recur na ulit yung error ngayong 2020
  • yung nagkaproblema daw yung gumagawa ng UMID card para sa SSS
  • yung katulad ng sa SSS, eh yearly na rin magtataas ng contribution ang PhilHealth sa loob ng ilang taon
  • yung pagtataas ng rate ng contribution ng iba't ibang services ng pamahalaan para lang ma-shoulder yung mga ipinangako para sa mga piling mamamayan
  • yung mga kaso ng peke at for sale na mga PWD (persons with disabilities) ID
  • yung Senator na gustong hati-hatiin at ipamigay na kaagad ang reward para sa mga Centenarian simula 80 y/o pa lang
  • yung hindi pa man nagtatagal, pero papalitan na nga ulit yung Php 5 coin na matagal nang sinisita ng iba dahil sa pagiging nakakalito nito
  • yung pagwawaldas ng pera ng bayan para sa pagbili ng 2 mamahaling jet
  • yung masyadong pagsasabay-sabay ng mga projects at pangungutang sa panahon na ito
  • yung mga projects daw ng DPWH for 2020 na kulang-kulang ang detalye o di kaya ay kuwestiyonable
  • yung nasa Php 50 Million worth ng cauldron na gagamitin lang sa torch lighting para sa 2019 SEA Games
  • yung mga pinuno na tinatawag na crab mentality ang pagsita sa mga kuwestiyonableng gawain
  • yung pinuno na pulitika naman ang sinisisi sa kabila ng mga totoong nangyayari na kapalpakan
  • yung pinuno na pinagmumukha na ang mga bumabatikos sa mga kapalpakan ang masasama sa halip na yung mga pumapalpak mismo
  • yung palpak na pagsalubong at pag-accommodate sa mga representative ng ibang bansa
  • yung reklamo ng mga representative tungkol sa kakulangan ng masusustansiyang pagkain para sa mga atleta
  • yung kulang daw ang Halal certified food para sa SEA Games
  • yung Football team captain ng Brunei na inatake naman ng allergy dahil sa pagkain
  • yung mga rifle ng shooting team ng ibang bansa na kinumpiska nang dahil sa miscommunication
  • yung problema sa sasakyan ng mga representative
  • yung pinakikinabangan nila ngayon yung TV network dahil lang sa event, samantalang kapag walang okasyon eh panay ang banat nilang magkakaalyansa tungkol sa katapusan nung franchise
  • yung naha-hype lately dahil sa sports at gusto pang gumastos nang gumastos, habang may mga sektor na nangangailangan ng tulong ng gobyerno ang hindi nabibigyan ng pansin
  • yung paglaki ng rasyon ng gatas para sa mga kinukuhanan nila ng suporta
  • yung akusasyon ng pamumulitika gamit ang mga biktima ng lindol, na kesyo may nag-uudyok DAW dun sa iba na mamalimos na sa daan
  • after 6 years, yung marami pa ring biktima ng Yolanda ang nagrereklamo tungkol sa kawalan ng pabahay sa kabila ng mga FAKE news noon na kesyo kaya DAW makapagtayo ng mga bahay within 3 weeks 
  • yung nagmura na naman si Non-Clam Defender
  • yung tauhan ng gobyerno na ultimo relief goods eh binibigyan ng masamang kulay para lang masiraan ang target nilang pulitiko
  • yung mga pinuno na naghihintay ngayon ng report at nagrereklamo pa, sa kabila ng limitadong panahon at access na ibinigay nila sa taong sinisiraan nila
  • yung mga pinuno na hindi matanggap yung resulta ng computation ng mga numero na sa mga hanay rin naman nila nagmula
  • yung mga pinuno na ginagawang basehan ang resulta ng mga survey samantalang daan-daang mga hindi kilalang tao lang naman ang natatanong sa mga pa-survey
  • yung idadamay lahat ng US citizen na papasok sa bayan kapag nagkataon dahil lang sa isyung politikal
  • yung report tungkol sa maraming kaso ng mga preso na napahamak habang nasa custody na ng mga awtoridad
  • yung paglilipat ng mga Criminal Witnesses sa ibang facility (na hindi kulungan) noong June 2019 pa
  • yung mga opisyales at dating opisyales na hiningan ng sulat at tulong nung pamilya nung convicted na rapist-murderer
  • yung ayon sa record, na qualified ang NGO Queen sa paggamit ng Good Conduct Time Allowance (GCTA), at rape ang kaso niya
  • yung mga opisyales na isinasali ang mga kriminal na convicted for committing heinous crime sa nakagagamit ng good conduct time allowance
  • yung libu-libo na DAW na convict na sangkot sa heinous crimes ang napalaya na dahil sa maling paggamit ng good conduct time allowance
  • yung lumalabas nga na for sale pa yung Good Conduct Time Allowance sa bilangguan, ang access ng mga kontrabando papasok, at maging mga medical documents daw
  • yung mga medical personnel ng New Bilibid Prison Hospital na kasabwat sa mga kalokohan ng mga bilanggong kriminal
  • yung ngayon lang ginigiba yung mga kuwestiyonableng kubol sa Bilibid
  • sa Bilibid, yung nasa 15 na pulis na nahuli dahil sa pagpupuslit ng kontrabando sa loob
  • yung mga pinagsisirang kontrabando mula sa Bilibid, na tila wala tuloy nagawang pagbabago yung mga sinundan na pinuno
  • sa Women's Correctional, yung mga nasamsam na mini-phone
  • yung kakampi nga noon ng mga Ampatuan ang Cosplayer
  • yung may panibago na namang civil case laban sa Dictator Clan ang ibinasura
  • yung may nabalewala na naman na forfeiture case laban sa Dictator Clan
  • yung panibago na namang ibinasura ng sandigan ng mga Diktador na Php 200 Billion forfeiture case
  • yung kasunduan dun sa Imperial Telco, na planong maglagay ng facility nila sa provincial military base
  • yung dinaya daw ang bidding para sa Kaliwa Dam para paboran yung Imperial contractor
  • yung base sa kontrata ay may jurisdiction ang Imperyo in case na magkaroon ng kaso regarding sa Kaliwa Dam
  • yung may kontrol na pala ang Imperyo sa national power grid ng bayan

at may kaso na iba-iba ang kategorya:
  • yung mga TV network na tinutulungan pang patuloy na magkaroon ng public exposure yung mga pinuno na napatunayan nang nagkasala laban sa bayan
  • sa Quezon City, yung sasakyan ng isang Party-list Representative na nabiktima ng Basag-Kotse sa parking area ng isang kilalang mall
  • yung hanggang sa panahon ngayon ay may mga insidente pa rin ng pangre-rape laban sa mga sariling kadugo
  • sa Malabon, yung kaso ng pagpatay sa isang beautician kung saan kinunan pa talaga nung 2 kriminal yung ginawa nilang krimen
  • yung mga nag-aalaga ng baboy na basta na lang ipinaanod sa ilog yung mga patay na baboy, kung kailan pa talaga may banta ng mabilis na lumaganap na sakit ng mga baboy
  • sa El Nido, Palawan, yung Forest Ranger na napatay sa pananaga ng grupo ng mga illegal loggers
  • yung mga representative ng ibang bansa para sa SEA Games na hindi na nag-practice dahil sa sobrang traffic sa host na bayan
  • yung mga atleta na pinagmumukha na ang mga bumabatikos sa mga kapalpakan ang masasama sa halip na yung mga pumapalpak mismo
  • yung pati depensa tungkol sa SEA Games kikiam, na chicken sausage o hotdog daw pala, eh palyado pa rin dahil nutritional value naman ang totoong hinahanap nung mga nagreklamo
  • yung nag-volunteer para sa SEA Games pero nagrereklamo at saka umatras
  • yung pagkukumpara ng ibang mamamayan sa kakayahan ng ibang bansa sa pamamagitan lang ng basic na currency conversion, nang hindi isinasaalang-alang ang economic level, rate ng pasuweldo, at purchasing power
  • sa Bocaue area, yung 2 bus na may sakay na mga foreign representatives na nasangkot daw sa aksidente
  • yung mga negosyante na sinasamantala naman yung mataas na demand para sa mga mask upang magpataas ng presyuhan
  • yung latest na kaso ng pambabato sa tren ng PNR, kung kailan naman nag-invest sila sa mga bagong tren
  • yung mga naglalagay ng kung anu-anong bagay sa may riles ng PNR
  • yung nagkanakawan na nga DAW sa ibang lugar na nasalanta ng pagputok ng Taal
  • yung nakawan ng kable ng kuryente sa Ayala tunnel
  • yung lalong pagmamahal ng rate ng internet service sa panahon ngayon
  • yung lumang agreement sa mga magtutubig na nagagamit nila ngayon sa pang-aabuso laban sa mga consumers at sa pamahalaan
  • yung pumayag yung mga magtutubig na hindi na bayaran yung mga danyos
  • yung tila pagpabor ng Catholic Bishop Conference of the Philippines sa pantay na pagbibigay ng Good Conduct Time Allowance para sa lahat ng klase ng bilanggo
  • yung palusot nung pamilya nung convicted rapist-murderer na kesyo nawala na daw yung mobile phone at number na magagamit sana bilang ebidensya
  • yung banta ng terorismo laban sa supply ng petrolyo
  • yung mga laos na personalidad at iba pa na kayang magbiyahe papuntang Russia
  • yung 2 Imperial citizens na nahuli dahil sa pagmamaneho ng lasing, at wala pang lisensya
  • yung apology nung nambangga na Imperial vessel na may timing
  • sa Parañaque, yung Imperial prostitution den sa isang building na under construction pa
  • yung mga kaso ng kidnapping ng mga Imperial citizen laban sa mga kapwa Imperial citizen na related sa operasyon ng mga POGO
-----o0o-----


January 11, 2020...

ayos sana kung mga utak-Imperyalista lang yung magkakasakit eh..
para magwakas na ang pananakop ng Imperyo at ang pag-ubos sa mga resources..
kaso, kahit sino eh pwedeng madamay...

is ⚠ feeling , dyan na lang yan sa loob ng Imperyo...

---o0o---


January 12, 2020...

[Natural Calamities]

sumabog na ang Taal..
yung tinatawag na main crater nun..
ash pa lang naman..
pero may mga recorded earthquakes na rin na related daw dun sa eruption...

nag-fuse pa pala..
naging volcanic lightning na...

is feeling , regime of calamities...

---o0o---


January 13, 2020...

[Natural Calamities]

sana kung sumabog man nang malakas eh:
- hindi masyadong magkalat ng pyroclastic flow
- hindi masyadong magtalsikan ang mga nagliliyab na mass
- hindi na umabot pa sa Magnitude 5 pataas ang mga volcanic earthquakes
- at walang ma-extinct na nilalang gaya ng Tawilis

is feeling , wrong timing ka, Earth...


>
hindi ko alam kung anong iisipin ko dun sa mga negosyante..
active volcano nga yun eh..
may mga nagsasabi pa na parang nasa 50 something years lang yung pagitan ng mga pagputok nun..
kaya natural lang na may risk yung pagtatayo nila ng mga establishments sa paligid nun...

is ⚠ feeling , high-risk, pero with reward naman...


>
yung mga negosyante na sinasamantala naman yung mataas na demand para sa mga mask upang magpataas ng presyuhan... :(

is feeling , matindi ang application nila ng Economics...

---o0o---


January 15, 2020...

yung nakawan ng kable ng kuryente sa Ayala tunnel..
kaya tuloy mas madilim doon sa tunnel...

mga kriminal na mga mamamayan talaga o'..
basta't abot nila, eh mamemerwisyo at mamemerwisyo... :(

is feeling , anti-progress...


>
sa sobrang pagpapahalaga ng mga tao sa human life..
minsan natatawag na nilang perwisyo ang kalikasan..
pero natural yun eh..
kung gagamitan pa ng logic, eh kagagawan yun ng nilikha ng lumikha...

lalo na pagdating sa climate change..
nagagalit kapag nabalikan na ng kalikasan..
samantalang marami ang patuloy naman na nagko-contribute sa drastic na pagbabago ng weather patterns...

is feeling , human nature...


>
yung nagkanakawan na nga DAW sa ibang lugar na nasalanta ng pagputok ng Taal... :(

is feeling , hindi makatitiis sa tukso...

---o0o---


January 16, 2020...

yung mga mamamayan na hinahamak pa ang kalikasan... :(

yung kesyo "bulkan ka lang, ganito-ganyan kami"...

ganun din pagdating sa mga bagyo..
yung ibang nakaka-survive, kinukutya pa ang puwersa ng kalikasan..
eh paano yung mga hindi nakaligtas...??

tama na ang yabangan..
tulad ng nangyari sa Southern Islands..
ipinagyabang na napatigil nila ang mga lindol..
pero ayun at may mga sumunod pa rin...

considering na rin na active volcano naman talaga ang Taal...

is feeling , huwag magsalita hangga't hindi pa tapos...


>
kapag handa namang mamatay ang tao, hindi na dapat pinipigilan...

kagaya nun..
pigil sila nang pigil..
tapos yung nakapuslit pang tao ang nakadiskubre na may iba pa palang tao sa loob nung zone...

is feeling , freedom of choice...


>
yung basurang pasuwelduhin ng Hokage na Mahilig na nagkalat na naman ng FAKE news sa social media..
pati relief goods para sa mga nasalanta eh ginagamit sa demolition job..
samantalang ni hindi nga dun sa target nanggaling yung mga donasyon na yun...

hindi na nakakapagtaka yung sunud-sunod na kalamidad na dinadanas ng bayan..
eh sumamba na kasi ang marami sa mga demonyo eh... :(

is feeling , hindi ba pwedeng sila na lang..? specific target...??

---o0o---


January 17, 2020...

sayang nga naman talaga yung mga resources na pwede pang balikan..
kahit pera, gadgets, at alahas lang..
isama na rin ang mga documents...

kahit na anong pwedeng i-convert ulit sa cash..
tulong na rin sa pagsisimula ulit..
kesa naman iaasa lang lahat sa gatas...

is feeling , better than zero start...


>
ang masama lang sa mga ganitong klase ng sitwasyon..?
mas nakakakilos ang alyansa nang pasimple...

is feeling , behind the scenes...


Ang Alamat ng Most Undesirable Guy on Earth - Second Week of January 2020 (Killer Finale)

Loveless Story


January 15, 2020...

[Video / Cuties]

Neneng B



una ko 'tong napanood at narinig sa UKG..
pero dance cover lang ng SB NewGen..
(ang telegenic at ang galing talaga nina Julie at Daphny)...

kanina ko lang pinakinggan yung mismong kanta, at saka ko lang nalaman na explicit pala siya.. XD
akala ko Neneng B na Sam Pinto..
pero yung bastos na Neneng B yata yung tinutukoy dito...

ayun..
pasok tuloy siya sa Stripper Playlist ko..
green at maganda yung beat eh...

pero ang hindi maganda sa mga ganitong dance cover..?
napo-popularize kasi yung kanta..
nababanggit yung title siyempre..
at may tendency na ma-search ng mga kabataan sa internet yung full explicit song...

credit for the video goes to their respective creator(s) and uploader...

is feeling , yung mga mamamayan na nagmamalinis, pero kumakanta naman ng mga explicit English songs...

---o0o---


January 16, 2020...

[Video / Cuties]



konting pampa-good vibes..
ngayon ko lang nalaman na babae pala si Sakimi Chan..
at cute na nerdy-look pa..
not really a fan, pero magaling siyang digital artist..
at idol ko yung milyones na kinikita niya...

nagulat lang ako kung paanong ang isang babae na kasing mukhang-conservative niya, eh tumatawid rin pala sa NSFW...

credit for the video goes to their respective creator(s) and uploader...

is feeling , art is art.. even the dark ones...

---o0o---


January 18, 2020...

hay..
bumaba nga ako sa level minus Php 6,000 para hindi naman ako magsayang ng pera sa mga experimental na adventure..
kaso pinagdamutan naman ako...

nakakuha nga ako ng access sa itaas..
pero puros pangalan at rate lang ang meron..
walang natural na maganda..
walang balanse..
puros risky na sugal pa, dahil baka matapat sa maselan...

hindi ko na alam kung saan pa ako maghahanap.. :(
yung nakita ko dati na nasa level Php 8,000, ngayon eh nasa level Php 10,000 plus na..
kaso high-risk dahil wala namang record...

is 💔 feeling , buhay ng isang api...

-----o0o-----


January 14, 2020...

[TV Series]

The Killer Bride

bago yung hostage taking..
noon pala nag-aminan sina Elias at Emma over the phone tungkol sa tatay ng binatilyo, at humingi na siya ng kapatawaran sa kung anuman ang posibleng mangyari dahil nga sa iniutos sa kanya ng Killer Groom..
inamin ni Elias na buhay ang kanyang tatay at ang tungkol sa mga kasalanan nito..
at inamin naman ni Emma na nalaman na niya noon ang tungkol sa posibleng pagkatao ng tatay ni Elias...

balik sa kasalukuyan..
ipinarating nga ni Elias ang huling mensahe ni Camila para kay Emma..
na iniligtas niya ang binatilyo para kay Emma..
nag-sorry rin si Elias dahil pakiramdam niya na kasalanan niya ang nangyari kina Camila at sa kanyang tatay...

suot nga ni Alice ang costume ng Killer Groom nang dalhin siya sa ospital..
c-in-laim niya na sinaksak siya ng Killer Groom..
dinukot daw kasi siya ni Agnes mula sa mansyon ng mga Dela Torre, at dumaan sila sa lihim na lagusan ni Camila..
sa lumang kapilya naman ay pinuwersa daw siya na gampanan ang papel ng Killer Groom, habang nagtatago si Agnes sa kanilang likod at binabantaan siya...

at hindi nga nakita si Agnes sa pinangyarihan nung krimen..
kahit alam ni Elias na si Alice ang Killer Groom, eh wala naman siyang ebidensya na ito ang pumatay kay Camila..
sa pagkakaalam pa nga niya ay si Agnes din ang nakapatay kay Camila dahil ito ang huli niyang nakita na nakabaril sa babae..
yun ang basehan nung palusot na ginagamit ngayon ni Alice..
although butas nung script ang sistema ng autopsy...

nagdadalawang isip naman si Iking na sabihin sa iba na nakikita niya ang kaluluwa ni Camila..
inamin niya ito kay Manay Ichu, kaso ay hindi naman naniniwala ang kanyang tiyahin..
pero sa oras na ieembalsamo na sana ni Iking si Camila, eh biglang nagmulat ang babae..
hindi na itinuloy yung eksena na iyon, so posibleng nagkaroon ng secret plan yung 2...

inamin naman na ni Vito kay Luna ang natuklasan nila ni Camila tungkol sa dalagita..
nalungkot si Luna, pero naiintindihan naman daw niya yung mga nangyari..
kasalanan pa nga daw niya kasi hindi siya kaagad pumayag na magpa-DNA test...

nakauwi na si Alice sa mansyon ng mga Dela Torre..
medyo c-in-onfront siya ng tiyahin ni Agnes..
at sa pag-uusap nila eh may malakas na paranormal force na biglang naghagis ng gunting kay Alice...

hanggang sa inilibing na sina Camila at ang tatay ni Elias..
pero hindi pa rin magawa ni Emma yung mga gawain niya dapat para sa yumao...

at ini-reveal na binihag ni Alice si Agnes sa kung saan, upang magamit niya ito sa kanyang palusot..
tino-torture pa niya ito nang biglang may naramdaman siya na ibang presensya doon sa bahay..
umalis si Alice upang i-check kung may iba pa ngang tao doon sa lugar, at nagkamalay naman si Agnes na handa nang lumaban sa kanilang Belladonna...

is feeling , ano kayang kasunduan nina Camila at Iking..? posible pa kayang mabuhay si Camila...??

---o0o---


January 15, 2020...

[Piracy]

simula na naman ng panibagong campaign..
ang paglalabas ng kondisyon bago mag-release ng mga bagong projects..
mahirap na kalaban ang kasamaan ng mga tao..
pero kailangang subukan lahat ng paraan...

is feeling , titingnan kung uubra ang apila...


>
[TV Series]

The Killer Bride

may naka-white dress sa bahay na pinagkulungan kay Agnes..
bigla namang umuwi si Alice sa kanila nang tawagan siya ng kanyang anak...

minulto ni Camila si Agnes na naiwan na lang na mag-isang buhay doon sa bahay..
bugbog ang inabot ng kalaban dahil sa paulit-ulit na pagpapakita sa kanya ni Camila..
nabugbog siya dahil sa kaiiwas..
hanggang sa sinubukan niyang tumakas gamit ang bintana sa itaas na level nung bahay..
pero dahil bugbog na ang kanyang katawan eh nahulog na lang siya sa kanyang kamatayan..
isang kakaibang torture mula sa totoo na ngayon na Killer Bride..
unfortunately, wala ring makita na fingerprints ni Alice doon sa bahay after...

nagsisisi si Emma na hindi niya natulungan si Camila na makamit ang hustisya na kapalit ng mga sinapit nito noon...

nangako naman si Vito sa harap ng libingan ni Camila na hahanapin niya ang anak nilang si Vida, bagay na hindi na natapos gawin ng babae...

kumalat na ang balita tungkol sa pagkamatay ni Agnes, na itinuturing ng marami bilang ang Killer Groom..
galit na galit si Alice dahil hinahayaan nga niyang isipin ng mga tao na nagtatago ito..
mas nadagdagan pa ang kanyang galit nang malaman niya na wala na ang katawan ni Luciano sa huling lokasyon nito..
naisip niya tuloy na pakana iyon ni Vito upang gantihan siya...

sa kulungan..
muling nakiusap si Vito sa adoptive mother ni Emma na aminin na kung nasaan ang totoong Vida..
alam na niya na patay na si Agnes, pero batid niya kung sino ang mas mataas na kalaban..
kung si Camila nga daw ay napatay na rin, paano pa daw siya..?
dumating rin si Emma, at si Ponce...

na-reveal na yung plot ni Ponce..
bale hindi siya kalaban..
hinanap nila ang adoptive mother ni Emma, bilang nanay ito nung bata, at hindi dahil suspek ito sa pagsunog noon sa kulungan..
lulong pa rin ito sa ilegal na droga nang makita ito ni Ponce sa simbahan, kaya inutos ni Camila na tulungan muna ito na ma-rehab bago niya hayaan na magkasama na ulit ang 2..
kaso ay tumakas naman eventually ang adoptive mother ni Emma, kaya hindi na natuloy ang plano ni Camila para sa mag-ina..
na-touch at lalo namang nasaktan si Emma dahil sa revelation na iyon, na noon pa lang eh tinutulungan na pala sila ni Camila...

nag-investigate na rin si Luis tungkol sa kanyang ina na si Alice..
sinubukan niyang puntahan yung tito figure na nakausap na niya noon tungkol sa kanyang ina, kaso ay patay na rin pala ito..
car accident daw, habang pabalik ito noon galing sa Las Espadas..
so mukhang itinumba ni Alice ang naging butas sa kanyang mga palusot, at ang isa sa mga nakakaalam ng kanyang history...

naisipan ni Alice na gantihan ang bangkay ni Camila, dahil sa pagkawala ng kay Luciano..
nang biglang makita niya na bumaba ang mga sky lanterns ng kanyang mga naging biktima..
nakita niya ang kaluluwa ni Camila at ng sa iba pa..
hinabol siya ni Camila, pero na-realize ni Alice na hindi siya kayang physically atakehin ng kaluluwa ng kanyang in-law..
tinawanan niya ito, at saka siya tumakas...

nagdududa naman na si Emma tungkol sa kakayahan ng batas..
nagsisimula na siyang mag-isip na tulad ni Camila..
at sinubukan niyang hingin ang tulong ni Elias...

is feeling , mas babaliwin na nila si Alice.. back to Act 1...

---o0o---


January 16, 2020...

[TV Series]

The Killer Bride

ulit ang mga routine mula umpisa, pero this time eh totohanan na...

nakita ni Emma ang kaluluwa ni Camila..
nag-sorry siya dahil ipinaramdam niya dito na galit siya hanggang sa ito ay mamatay..
muli namang humingi ng tulong si Camila sa kanyang anak-anakan upang siya ay makaganti..
at nagawa nga niyang saniban ang katawan ng dalagita...

napansin naman ng biyanan ni Alice na kakaiba ang ikinikilos niya..
desperado siyang humingi ng tulong sa kakilala ng matanda na isang expert sa mga pamahiin..
particularly pagdating sa mga pantaboy ng mga multo...

nais ni Luna na malaman kung sino nga ba ang mga totoo niyang magulang...

habang pabalik sa Las Espadas, may sumusunod sa sasakyan ni Luis..
at iyon pala ay ang kanyang ama na si Juan Felipe..
nag-imbestiga pala siya tungkol sa sindikato nina Luciano..
bilang ebidensya para sa mga awtoridad, iyon palang huling bahay na pinagtaguan sa bangkay ni Luciano eh property na siya ang bumili para sa pamilya niya..
ipinangalan niya iyon sa iba, pero alam ni Alice ang tungkol sa property na iyon..
nalaman niya ang tungkol sa naging relasyon nina Alice at Luciano..
at ni hindi na siya sigurado kung sino nga ba ang totoong ama ni Luis, pero nagmamalasakit pa rin siya dito bilang isang ama..
bago sila naghiwalay ay may kailangan daw munang malaman si Luis, pero pinutol na doon iyong eksena...

nakita ni Vito ang Emma na sinaniban ni Camila..
napansin nga niya ang pagkakatulad ng 2..
nasabi ng possessed Emma na ang pagkakamali nila noon eh masyado silang nagpakatao..
nagpa-sample rin siya ng kanyang paranormal ability nang ipinatilapon niya ang smartphone ni Vito nang biglang may tumawag dito...

patuloy naman ang pag-angkin ng adoptive mother ni Emma sa dalagita..
wala na daw makakaagaw kay Emma mula sa kanya..
napaisip tuloy si Vito tungkol sa naging pahayag niyang iyon...

pagkauwi ni Luis ay isinuplong na niya si Juan Felipe sa mga pulis..
naabutan naman niyang nagpapa-party ang kanyang ina para sa kanyang kaarawan, ideya na nauna na niyang tinutulan..
mabuti daw ang maingay ang sabi ni Alice, bilang pantaboy din sa mga multo...

dumating ang possessed Emma sa location at nag-cause siya ng electrical disturbance dahilan para mamatay ang mga ilaw..
pumasok si Alice sa mansyon upang kumuha ng baril..
hinahanap ng possessed Emma si Alice mula sa mga tao, sinubukan siyang paalisin ni Luis sa pag-aakala na si Emma pa rin ito..
pero sa halip ay naglabas na rin ng baril ang possessed Emma at itinutok ito kay Luis...

is feeling , paranormal versus violence...


>
[Piracy]

ang isa sa ayaw kong attitude ng mga pirate supporters..?
yung demolition job nila laban sa amin, na kesyo "you won't get my money"... :(

put*ng ina..
wala namang pumipilit sa kanila..
kung ayaw nila yung project, edi hindi nila kailangang asamin..
hindi yung todo bantay sila sa mga updates..
hindi yung ayaw nilang maglabas ng pera, pero kapag nandyan na yung project eh panay ang mga request nila na mag-leak kaagad ng libre...

mga hayop sila..
kung sila kaya ang sabihan sa trabaho nila na "you won't get the company's money"...?

seriously..?
hindi ba nila kayang isipin kung anong mangyayari sa project na inaabangan nila kapag nawala na yung artists...??

is feeling , masyadong late yung 2017...

---o0o---


January 17, 2020...

[TV Series]

The Killer Bride

anak ang gustong kapalit ng possessed Emma, para sa inaakala niyang nawalang si Vida..
ginamitan niya ng paranormal ability ang mga guard para hindi makahadlang ang mga ito sa kanya..
nagpalipad siya ng kung anu-anong mga bagay na nasaksihan ng maraming tao...

samantala, muling pinuntahan ni Vito ang adoptive mother ni Emma..
c-in-laim niya na hindi nag-match ang DNA test para sa babae at kay Emma, samantalang ang sa kanilang mag-ama ang nag-match..
sa puntong iyon ay napaamin na ang adoptive mother ni Emma tungkol sa katotohanan..
pero ini-reveal naman ni Vito na wala naman talagang DNA test na naganap, at na hinuli lang niya sa salita ang babae..
at lumabas nga na takot lang talaga ang adoptive mother na mawala sa kanya ang batang kanyang inampon, higit pa sa takot niya sa Primo Diablo...

kumalat na ang balita tungkol sa pagsugod ng inaakalang si Emma sa mansyon ng mga Dela Torre..
iginiit naman ni Iking at ng tiyuhin nitong albularyo na si Camila na ang gumagawa ng mga bagay na iyon..
nabanggit ng albularyong tiyuhin na mas lumalakas ang galit na kaluluwa kung makakasanib ito sa katawan ng isang buhay na tao..
titigil lang daw ang naghihiganti na kaluluwa kung makukuha nito ang kanyang hinahangad...

sa loob ng mansyon, todo deny si Alice sa presence ng kanyang mga kapamilya tungkol sa mga paratang ng possessed Emma..
nagbanta na tuloy ang may sanib na uutusan niya ang kanyang mga tauhan na sunugin na ang bangkay ni Luciano..
napuwersa siyang lumabas, at si Camila ang kanyang nakikita kay Emma..
gamit si Luciano, ay napaamin rin nga ang Belladonna tungkol sa mga nagawa niyang krimen..
pero ipinagmalaki pa niya na mas umangat ang mga Dela Torre dahil sa pag-impluwensiya niya kina Juan Felipe at Luciano..
naamin niya rin na totoong anak ni Juan Felipe si Luis, bagay na pinanghihinayangan niya..
hanggang sa ginamitan na ng possessed Emma ng paranormal force si Alice..
natulak ito at natumba..
sa puntong iyon ay nakita na rin ng iba pang mga Dela Torre na si Camila nga ang kanilang kaharap...

sinubukan namang pigilan ni Elias si Emma mula sa labas ng mansyon..
medyo nagkamalay ang dalagita, at nagamit ni Alice yung pagkakataon upang makatakas..
dumating din si Juan Felipe na gustong protektahan si Luis, at tinulungan niya si Elias na makapasok sa mansyon gamit ang alternate na daan...

dumating na rin si Vito sa mansyon, at c-in-onfirm ng iba na totoong si Camila na ang may hawak sa katawan ni Emma..
nasukol ng possessed Emma si Alice sa isang silid..
sinakal niya ito gamit ang paranormal ability..
dumating sina Elias at Juan Felipe, pero nagamitan ng paranormal force ang dating Mayor at nawalan ng malay..
kinukumbinsi ni Elias si Emma na pigilan si Camila..
dahil dun ay nabaling ang galit ng multo sa humahadlang na si Elias..
hinabol siya nito, hanggang sa nakumbinsi niya si Emma na ihagis na ang baril, at kumalas na rin ang kaluluwa ni Camila mula sa kanya...

is feeling , malapit na ulit maging mas maaga ang tulog ko...

---o0o---


January 18, 2020...

[TV Series]

The Killer Bride (Ending)

iginiit ni Camila na nangako si Emma na tutulungan siya nito..
pero nangatwiran ang dalagita na hindi sa paraan ng karahasan..
paano daw mananahimik si Camila samantalang kailangan pa niyang hanapin si Vida..?
nangako naman si Emma na siya na lang ang maghahanap sa nawawalang anak..
pero sa ngayon daw ay hindi ba pwedeng sapat na muna siyang anak para kay Camila...?

dumating si Vito at sinabi na kay Camila lahat ng mga natuklasan niya..
na si Vida ay walang iba kundi si Emma..
na noon pa man ay kasa-kasama na niya ang kanyang anak..
nanghinayang naman si Camila sa lahat ng panahon na nasayang niya para lang sa paghihiganti..
pero sinabi ni Emma na hindi niya kailangang patawarin si Camila, bagkus ay dapat pa niya itong pasalamatan..
dahil tinuruan niya ito para mapangalagaan ang kanyang sarili, katulad kung paano man niya pangangalagaan si Vida..
nangako si Vito na siya na ang mag-aalaga kay Emma..
nagbilin naman si Camila kay Emma na kalimutan na ang galit at ang lahat ng mga itinuro niya dito, sundin na daw nito kung anuman ang sinasabi ng kanyang puso..
after that ay nag-vanish na ang dark version ng kaluluwa ni Camila...

bigla namang sumulpot si Alice at namaril..
nasangga ni Vito ang bala na para sa kanyang anak..
nakahabol si Juan Felipe, pero natalo rin siya ni Alice..
nang biglang barilin ni Luis ang kanyang ina sa dibdib..
tinutukan ni Alice ng baril ang sarili niyang anak, at walang nagawa si Luis kundi patayin na ang kanyang ina..
pero bago namatay ay nakahingi pa naman ng tawad ang binata sa kanya..
nang ligtas na ang lahat, eh muling nagpakita ang light version ng kaluluwa ni Camila kay Vito, nagpa-makeup na ito...

sa balita..
mukhang nagkasundo ang lahat na palabasin na lang na si Alice ang nagsimula ng kaguluhan, bilang inamin na rin naman nito na siya ang Killer Groom..
resulta na rin daw iyon ng pang-aabuso na idinulot kay Alice noon ng kanyang sariling ama...

nakulong nga si Juan Felipe dahil sa kanyang mga krimen..
natanong ni Luis kung bakit hindi siya tumakas noong may pagkakataon siya..
at sinabi ng ama na gusto niyang ipakita na kaya na rin niyang magbago..
na-realize niya kasi na walang kwenta ang lahat kung nag-iisa lang siya sa buhay..
at sinabi niya kay Luis na hindi nito dapat i-base ang kanyang pagkatao sa kung ano ang kanyang mga magulang, dahil kaya niyang gumawa ng sarili niyang pagkatao...

muli namang nakakita si Iking ng mga pangitain..
ini-reveal sa kanya ng kaluluwa nina Belinda at Armando ang totoong nangyari sa original crime, sa tulong na rin ni Camila..
hindi pala suspek si Armando, dahil totoong nagmamahalan sila ni Belinda..
magtatanan na sana sila, pero nahuli sila ng pinsan ni Armando kung kanino naipangako si Belinda..
natalo ng pinsan si Armando, at saka nito ginahasa si Belinda..
ginusto nilang itama ang alamat ng sumpa, na kesyo hindi pwedeng magmahalan ang mga Dela Torre at ang mga Dela Cuesta..
ang alamat na naghati at nag-haunt sa Las Espadas..
dahil totoo naman ang kanilang naging pagmamahalan..
kaya hiniling ng 3 kaluluwa kay Iking na ipabatid sa mga taga-Las Espadas ang totoong version ng istorya ng 2...

patuloy naman si Luna sa paghahanap sa mga totoo niyang magulang..
at magkasundo na sila ni Emma...

naitama nga ang alamat sa isang event..
nagpasalamat ang lahat kay Camila para sa pag-uncover nito sa mga misteryo ng Las Espadas..
at peace ang naiwan niyang handog para sa lahat...

masaya si Emma na mas lumaki na ang kanyang pamilya..
nag-date sila ni Elias..
at sa di kalayuan ay pinagmasdan sila ng kaluluwa nina Camila at Fabio..
after that ay umalis na ang 2, na parang sigurado na sila na magiging maayos na ang lahat para sa kanilang mga iiwanan...

again..
medyo nag-match ulit yung ending sa Altagracia, kung saan namatay ang binansagang Killer Bride...

is feeling , tragic, but well-justified ending...


Friday, January 10, 2020

Hiding Behind the Surveys

NOTE: this is not news..
i am not a reporter/journalist nor an influential person..
also, i'm not related to the government in any way..
but there are summary of news featured in this post..
it will require research in order to get the whole story regarding each particular news that is featured in here...

simple lang yan..
kapag nagpaapekto at nag-react ka sa opinyon ng ibang tao - eh BAKA nga may totoo sa mga sinasabi nila...


yung version nila ng katotohanan na nakabase lang sa opinyon ng ilan daang anonymous na tao... :(

-----o0o-----


lumampas na naman sa 500 ang bilang, kaya mag-i-start na ulit ako ng panibagong listahan ng mga kalokohan..
basta heto yung kadugtong nito:
http://blogngpotassium.blogspot.com/2018/08/just-clan-war.html
https://blogngpotassium.blogspot.com/2019/08/war-against-schools-victims.html

update ulit (503 + 501 + 161 na)..
medyo in-organize ko rin yung mga kaso..
pero paki-note na hindi na ganung ka-accurate yung bilang, at posibleng may redundancy na rin dahil sa sobrang dami ng mga nakalista...

una (untikan ko nang makalimutan 'to), ang pagtataksil sa interes ng bansa at ng mga (ibang) mamamayan (lalo na yung mga naging biktima), at pagbalewala sa kasaysayan at dangal ng bansa:
  • yung pangmamaliit kaagad sa mga kababayang atleta
  • yung nag-offer ng bounty laban sa ibang napalaya ng palpak na sistema
  • yung paninisi sa dating administrasyon kahit na ang pag-abuso sa sistema eh tao nila mismo ang may kagagawan, at sila mismo ay batid na may mga nagre-request upang magamit nga ang kahinaan nung sistema na iyon
  • yung umamin tungkol sa pagpapa-ambush sa isang Mayor noong 2018
  • yung nagtalaga na naman ng opisyal na may kinasasangkutan pang kontrobersya, kesyo suspek daw sa pagkamatay ng 10 preso
  • yung palpak na tauhan na ibinalik na naman sa katungkulan
  • yung sinabi habang nasa ibang bansa na may mga General daw na sangkot sa ilegal na droga, tapos sabay bawi dito sa bansa na kesyo wala daw pala
  • yung gusto nang mangamkam ng mga lupain para lang makapagpatayo na ng dam sa tulong ng Imperyo
  • yung walang tiwala sa kanyang itinalaga
  • yung sinisilip yung mga kuwestiyonable daw na pondo ng ibang pinuno, gayong siya at sila rin ay may kuwestiyonableng pondo para sa premature na pagpapakilala
  • yung sinibak na kaagad yung taong hinamon at itinalaga niya, na para bang may iniiwasan na mangyari
  • yung naniwala at nagsalita dahil sa FAKE news, sa kabila ng napakalaking intelligence fund
  • yung pakikisawsaw sa isyu ng mag-asawa
  • yung patuloy na pagbabanta tungkol sa franchise ng isang TV network habang pinakikinabangan nila ang mga ito para sa SEA Games
  • yung gusto pang dagdagan kung magkano ang itinakda ng batas, samantalang may iba pang sektor ang nangangailangan ng suporta nila
  • yung ipinapabenta na lang ang isang TV network

are yung ang involved o semi-involved eh mga identified talaga bilang awtoridad o tauhan ng pamunuan, mga dati nang naging bahagi ng pamunuan, o kahit mga nagsasanay pa lang upang makakuha ng awtoridad:
  • yung 7 pulis-Antipolo na sangkot sa kuwestiyonableng buy-bust operation noong May 2019, kung saan kabilang din ang ilan sa 2013 Pampanga Ninja Cops
  • yung report from Laguna, yung PDEA agent at kasamahan niya na nahuling gumagamit ng ilegal na droga
  • yung pulis na nahuli ng PNP-IMEG na bukod sa nakunan na ng video habang gumagamit ng ilegal na droga ay nahuli pa sa entrapment operation dahil sa pagiging pusher
  • yung naka-AWOL na pulis na nahuli sa buy-bust operation malapit sa may New Bilibid Prison daw
  • sa Taguig City, yung pulis na hinuli dahil kasabwat daw ito ng kanyang asawa na related sa ilegal na droga na ginagamit pa ang kanilang bahay bilang drug den
  • sa Bacoor City, Cavite, yung Barangay Tanod na kasamang naaresto dahil sa pagtitimbre ng drug raid
  • sa Sampaloc, Manila, yung Barangay Kagawad at pamangkin niya na nahuli sa buy-bust operation
  • sa Sampaloc, Manila, yung Barangay Kagawad na nakunan ng video at nahuli dahil sa pagbebenta ng ilegal na droga sa mismong bahay niya
  • sa Cagayan de Oro, yung Barangay Kagawad na inaresto dahil sa involvement niya sa ilegal na droga
  • sa Sto. Tomas, Batangas, yung Barangay Kagawad na nahuli dahil sa pagtutulak ng ilegal na droga, bukod dun ay may 2 pang nahuli, at sila-sila ang nagturuan
  • yung Barangay Coordinator na hinuli dahil daw sa pangingikil ng nasa Php 18,000 kapalit ng pag-aalis ng pangalan ng isang drug surrenderer mula sa drug watchlist
  • sa Commonwealth, Quezon City, yung 7 Barangay Tanod na sangkot sa pangingikil laban sa asawa ng isang drug-related personality, bukod pa sa pangre-rape daw nila dun sa babae
  • sa Quezon City, yung pulis na nahuli dahil sa pagbebenta ng mga baril at bala, ilan sa mga nasabat na armas ay government-issued pa daw
  • sa Cavite, yung Barangay Kagawad na nakunan ng CCTV na nanloob ng bahay
  • sa Iloilo City, yung Jail Guard na nanutok ng baril sa bar
  • yung pulis na nambugbog ng Traffic Enforcer sa daan dahil naabala daw siya ng panghuhuli nito
  • sa Pandacan, Manila, yung nakunan ng CCTV na pulis na nanakit ng mga kabataan matapos na may mabasag daw sa kanyang sasakyan
  • sa Lapu-Lapu City, yung nakunan ng video na 4 na pulis na nambugbog ng 2 lalaking nanggulo daw
  • sa Valenzuela City, yung lalaki na nag-amok daw na napatay naman sa pagkuyog sa kanya ng mga tanod at pulis
  • sa Puerto Princesa, Palawan, yung babae na namatay sa pamamaril ng kanyang asawang pulis na nagbaril din naman ng sarili matapos iyong krimen
  • sa Marawi City, yung pulis na hinuli dahil sa pagmamaneho ng carnap na sasakyan, bukod dun ay ni wala daw siyang lisensya
  • sa Pasay City, yung Traffic Enforcer na nakunan ng video na nangongotong kapalit ng hindi niya pag-i-issue ng ticket
  • sa Manila, yung Enforcer ng MTPB na nakunan ng video habang nangongotong sa driver ng isang SUV
  • sa Manila, yung lolo na namatay matapos na mabangga ng motor na minamaneho ng isang pulis na lasing daw at mabilis magpatakbo
  • sa Quezon City, yung Traffic Czar at mga kasamahan niya na nanira ng nasita nilang sasakyan na walang sakay
  • sa Sariaya, Quezon, yung Barangay Kagawad at mga kaanak niya na nahuling nagpapatakbo ng online gambling
  • sa Muntinlupa City yata iyon, yung teacher na nakunan ng video na nananampal ng mga estudyante

are naman yung mga hindi pa malinaw kung anong klase nga ng mga tao ang involved o hindi tiyak o nabanggit kung sino ang nakatama o hindi masabi kung ano nga ang totoong nangyari:
  • sa Iloilo City, yung mga pulis na nang-agaw daw ng ibang pera sa gitna ng anti-gambling operation, hindi daw kasama sa record ng mga nakumpiska yung perang kinuha mula sa biktima
  • sa Bacolod City, yung naka-AWOL na sundalo na nangmolestiya daw ng isang special child na dalagita
  • yung Mayor ng Misamis Occidental na itinumba habang nasa custody na ng mga pulis
  • sa Bauan, Batangas, yung itinumba na yung suspek sa pagpatay sa isang 11 y/o na babae na sinasabing tinangka din daw na gahasain
  • sa Marikina, yung lalaki na napatay sa pamamaril ng isang pulis, may tama rin yung isa niyang kaibigan sa tiyan
  • yung pagtatanim daw ng mga ebidensya laban sa makakaliwang grupo

heto naman yung mga may kinalaman sa kahinaan ng kasalukuyang penal system at pagpapatupad ng iba pang mga batas, patakaran, at sistema sa bansa:
  • ang kawalan ng kakayahan ng mga awtoridad at ng justice system na kusang kasuhan ang mga kriminal sa kabila ng matitibay na ebidensya gaya ng video footage o ng mismong pagresponde ng awtoridad sa krimen
  • sa Las Piñas City, yung 3 pulis na naabutang natutulog sa ginawang inspeksyon ng NCRPO
  • sa Boracay, yung 2 pulis na nahuling nagmo-mobile games habang nasa duty
  • sa Bacolod City, yung nagawang pagsasaksakin ng gunting ng isang kaanak nung biktima na special child na dalagita yung naka-AWOL na sundalong suspek habang naaresto na ito
  • sa Antipolo City, yung pulis na nakunan ng video na nagsasabong
  • sa Taguig, yung sasakyan ng mga pulis na ilegal ang pagpaparada malapit sa presinto
  • yung nasa 18 na hinuli dahil sa ilegal na pagpapaputok ng baril kung saan kabilang ang ilang pulis at sundalo
  • yung pulis na nahuli ng PNP-IMEG, na dati nang naalis sa serbisyo dahil din sa involvement sa ilegal na droga pero nagawang makabalik noong 2017 sa pagiging pulis
  • yung ang daming isinisiwalat ngayon na modus ng mga armadong empleyado, pero ano bang ginawa nila noon pa lang na nalaman na daw nila ang tungkol sa mga ganun
  • yung tangkang pagtatakip sa kaso ng Pampanga Ninja Cops noong 2013
  • sa prusisyon, yung general na pulis na nang-agaw ng smartphone ng taga-media at sinubukan din daw na magbura ng video
  • yung sobra-sobra namang ph-in-otoshop na picture DAW ng mga sumukong rebelde na i-p-in-resent ng Philippine Army
  • yung panibagong kaso ng pagkamatay sa PMA nang dahil daw sa hazing
  • yung wala nang ipinagkaiba ang hazing mula sa bullying
  • sa Daraga, Albay, yung babae na sugatan matapos na sakmalin ng aso
  • sa Pangasinan, yung 7 y/o na may 17 beses daw na pinagkakagat ng nasa 5 aso
  • yung wala ng halaga ang mga karton para sa mga mangangalakal
  • yung perwisyong idinudulot ng pag-a-adjust ng mga existing landline numbers
  • yung pagtaas ng rate ng pamasahe sa provincial bus
  • yung wala man lamang pakunsuwelo para sa mga motorista sa kabila ng hindi na pagiging expressway ng SLEX
  • yung opisyales ng DOTr na isinisisi sa palpak na maintenance DAW ng nakaraang administrasyon iyong pagkasira na nangyari sa LRT 2, kahit na mahigit 3 taon na sila sa puwesto
  • yung halos nasa 10,000 driver ng iba't ibang klase ng sasakyan na nahuli sa isinagawang sabayang panghuhuli
  • yung tutol na tutol dati sa motorcycle TNVS dahil sa isyu ng safety, tapos biglang gusto ngayon na magbigay kaagad ng permit sa maraming kaparehong klase na service provider
  • yung mabilis nga ang naging approval dun sa iba pang motorcycle TNVS kumpara dun sa nauna na hinarang nang maige
  • yung pagbaba ng presyo ng bentahan ng lokal na palay
  • yung may pa-commercial pa tungkol sa Rice Tariffication
  • yung latest na pagkalugi ng mga magsasaka ng Benguet dahil sa maling sistema
  • yung sobra-sobrang pagtaas ng presyo ng galunggong
  • yung nakapasok na ang African Swine Fever (ASF) sa bansa
  • yung may mga processed meat na rin na apektado ng ASF na hindi naman pinapangalanan yung kompanya
  • yung may nakalusot na rin na kaso ng ASF sa isang kilalang supermarket
  • yung totoong nabigyan nga ng certification yung mga karneng baboy na nag-positive sa ASF na nakalusot sa malalaking supermarket
  • sa Bulacan, yung paggamit sa isyu ng ASF para makapanabotahe ng negosyo ng iba
  • yung latest na kaso ng Lambanog poisoning sa Laguna at Quezon nitong 2019
  • yung mga opisina ng gobyerno na umaasa pa rin hanggang ngayon sa manual checking at nire-require pa ang kopya ng mga resibo ng mga tao para sa pag-che-check, kahit na may kopya dapat sila ng mga nasabing resibo
  • sa PAGCOR, yung tigil na nga muna ang pagbibigay nila ng assistance matapos na malusutan sila ng mga pekeng dokumento, pero laya na kaagad yung mag-asawang nahuli nila
  • yung balik operasyon na kaagad yung mga ipinatigil na laro ng PCSO, maging yung mga pinagdudahan na laro
  • sa PSA, yung nagpa-correct na dati ng birth certificate kapalit ng nasa Php 10,000, pero nag-recur na ulit yung error ngayong 2020
  • yung nagkaproblema daw yung gumagawa ng UMID card para sa SSS
  • yung katulad ng sa SSS, eh yearly na rin magtataas ng contribution ang PhilHealth sa loob ng ilang taon
  • yung pagtataas ng rate ng contribution ng iba't ibang services ng pamahalaan para lang ma-shoulder yung mga ipinangako para sa mga piling mamamayan
  • yung mga kaso ng peke at for sale na mga PWD (persons with disabilities) ID
  • yung Senator na gustong hati-hatiin at ipamigay na kaagad ang reward para sa mga Centenarian simula 80 y/o pa lang
  • yung hindi pa man nagtatagal, pero papalitan na nga ulit yung Php 5 coin na matagal nang sinisita ng iba dahil sa pagiging nakakalito nito
  • yung pagwawaldas ng pera ng bayan para sa pagbili ng 2 mamahaling jet
  • yung masyadong pagsasabay-sabay ng mga projects at pangungutang sa panahon na ito
  • yung mga projects daw ng DPWH for 2020 na kulang-kulang ang detalye o di kaya ay kuwestiyonable
  • yung nasa Php 50 Million worth ng cauldron na gagamitin lang sa torch lighting para sa 2019 SEA Games
  • yung mga pinuno na tinatawag na crab mentality ang pagsita sa mga kuwestiyonableng gawain
  • yung pinuno na pulitika naman ang sinisisi sa kabila ng mga totoong nangyayari na kapalpakan
  • yung pinuno na pinagmumukha na ang mga bumabatikos sa mga kapalpakan ang masasama sa halip na yung mga pumapalpak mismo
  • yung palpak na pagsalubong at pag-accommodate sa mga representative ng ibang bansa
  • yung reklamo ng mga representative tungkol sa kakulangan ng masusustansiyang pagkain para sa mga atleta
  • yung kulang daw ang Halal certified food para sa SEA Games
  • yung Football team captain ng Brunei na inatake naman ng allergy dahil sa pagkain
  • yung mga rifle ng shooting team ng ibang bansa na kinumpiska nang dahil sa miscommunication
  • yung problema sa sasakyan ng mga representative
  • yung pinakikinabangan nila ngayon yung TV network dahil lang sa event, samantalang kapag walang okasyon eh panay ang banat nilang magkakaalyansa tungkol sa katapusan nung franchise
  • yung naha-hype lately dahil sa sports at gusto pang gumastos nang gumastos, habang may mga sektor na nangangailangan ng tulong ng gobyerno ang hindi nabibigyan ng pansin
  • yung paglaki ng rasyon ng gatas para sa mga kinukuhanan nila ng suporta
  • yung akusasyon ng pamumulitika gamit ang mga biktima ng lindol, na kesyo may nag-uudyok DAW dun sa iba na mamalimos na sa daan
  • after 6 years, yung marami pa ring biktima ng Yolanda ang nagrereklamo tungkol sa kawalan ng pabahay sa kabila ng mga FAKE news noon na kesyo kaya DAW makapagtayo ng mga bahay within 3 weeks 
  • yung nagmura na naman si Non-Clam Defender
  • yung mga pinuno na naghihintay ngayon ng report at nagrereklamo pa, sa kabila ng limitadong panahon at access na ibinigay nila sa taong sinisiraan nila
  • yung mga pinuno na hindi matanggap yung resulta ng computation ng mga numero na sa mga hanay rin naman nila nagmula
  • yung mga pinuno na ginagawang basehan ang resulta ng mga survey samantalang daan-daang mga hindi kilalang tao lang naman ang natatanong sa mga pa-survey
  • yung idadamay lahat ng US citizen na papasok sa bayan kapag nagkataon dahil lang sa isyung politikal
  • yung report tungkol sa maraming kaso ng mga preso na napahamak habang nasa custody na ng mga awtoridad
  • yung paglilipat ng mga Criminal Witnesses sa ibang facility (na hindi kulungan) noong June 2019 pa
  • yung mga opisyales at dating opisyales na hiningan ng sulat at tulong nung pamilya nung convicted na rapist-murderer
  • yung ayon sa record, na qualified ang NGO Queen sa paggamit ng Good Conduct Time Allowance (GCTA), at rape ang kaso niya
  • yung mga opisyales na isinasali ang mga kriminal na convicted for committing heinous crime sa nakagagamit ng good conduct time allowance
  • yung libu-libo na DAW na convict na sangkot sa heinous crimes ang napalaya na dahil sa maling paggamit ng good conduct time allowance
  • yung lumalabas nga na for sale pa yung Good Conduct Time Allowance sa bilangguan, ang access ng mga kontrabando papasok, at maging mga medical documents daw
  • yung mga medical personnel ng New Bilibid Prison Hospital na kasabwat sa mga kalokohan ng mga bilanggong kriminal
  • yung ngayon lang ginigiba yung mga kuwestiyonableng kubol sa Bilibid
  • sa Bilibid, yung nasa 15 na pulis na nahuli dahil sa pagpupuslit ng kontrabando sa loob
  • yung mga pinagsisirang kontrabando mula sa Bilibid, na tila wala tuloy nagawang pagbabago yung mga sinundan na pinuno
  • sa Women's Correctional, yung mga nasamsam na mini-phone
  • yung kakampi nga noon ng mga Ampatuan ang Cosplayer
  • yung may panibago na namang civil case laban sa Dictator Clan ang ibinasura
  • yung may nabalewala na naman na forfeiture case laban sa Dictator Clan
  • yung panibago na namang ibinasura ng sandigan ng mga Diktador na Php 200 Billion forfeiture case
  • yung kasunduan dun sa Imperial Telco, na planong maglagay ng facility nila sa provincial military base
  • yung dinaya daw ang bidding para sa Kaliwa Dam para paboran yung Imperial contractor
  • yung base sa kontrata ay may jurisdiction ang Imperyo in case na magkaroon ng kaso regarding sa Kaliwa Dam
  • yung may kontrol na pala ang Imperyo sa national power grid ng bayan

at may kaso na iba-iba ang kategorya:
  • yung mga TV network na tinutulungan pang patuloy na magkaroon ng public exposure yung mga pinuno na napatunayan nang nagkasala laban sa bayan
  • sa Quezon City, yung sasakyan ng isang Party-list Representative na nabiktima ng Basag-Kotse sa parking area ng isang kilalang mall
  • yung hanggang sa panahon ngayon ay may mga insidente pa rin ng pangre-rape laban sa mga sariling kadugo
  • sa Malabon, yung kaso ng pagpatay sa isang beautician kung saan kinunan pa talaga nung 2 kriminal yung ginawa nilang krimen
  • yung mga nag-aalaga ng baboy na basta na lang ipinaanod sa ilog yung mga patay na baboy, kung kailan pa talaga may banta ng mabilis na lumaganap na sakit ng mga baboy
  • sa El Nido, Palawan, yung Forest Ranger na napatay sa pananaga ng grupo ng mga illegal loggers
  • yung mga representative ng ibang bansa para sa SEA Games na hindi na nag-practice dahil sa sobrang traffic sa host na bayan
  • yung mga atleta na pinagmumukha na ang mga bumabatikos sa mga kapalpakan ang masasama sa halip na yung mga pumapalpak mismo
  • yung pati depensa tungkol sa SEA Games kikiam, na chicken sausage o hotdog daw pala, eh palyado pa rin dahil nutritional value naman ang totoong hinahanap nung mga nagreklamo
  • yung nag-volunteer para sa SEA Games pero nagrereklamo at saka umatras
  • yung pagkukumpara ng ibang mamamayan sa kakayahan ng ibang bansa sa pamamagitan lang ng basic na currency conversion, nang hindi isinasaalang-alang ang economic level, rate ng pasuweldo, at purchasing power
  • sa Bocaue area, yung 2 bus na may sakay na mga foreign representatives na nasangkot daw sa aksidente
  • yung latest na kaso ng pambabato sa tren ng PNR, kung kailan naman nag-invest sila sa mga bagong tren
  • yung mga naglalagay ng kung anu-anong bagay sa may riles ng PNR
  • yung lalong pagmamahal ng rate ng internet service sa panahon ngayon
  • yung lumang agreement sa mga magtutubig na nagagamit nila ngayon sa pang-aabuso laban sa mga consumers at sa pamahalaan
  • yung pumayag yung mga magtutubig na hindi na bayaran yung mga danyos
  • yung tila pagpabor ng Catholic Bishop Conference of the Philippines sa pantay na pagbibigay ng Good Conduct Time Allowance para sa lahat ng klase ng bilanggo
  • yung palusot nung pamilya nung convicted rapist-murderer na kesyo nawala na daw yung mobile phone at number na magagamit sana bilang ebidensya
  • yung banta ng terorismo laban sa supply ng petrolyo
  • yung mga laos na personalidad at iba pa na kayang magbiyahe papuntang Russia
  • yung 2 Imperial citizens na nahuli dahil sa pagmamaneho ng lasing, at wala pang lisensya
  • yung apology nung nambangga na Imperial vessel na may timing
  • sa Parañaque, yung Imperial prostitution den sa isang building na under construction pa
  • yung mga kaso ng kidnapping ng mga Imperial citizen laban sa mga kapwa Imperial citizen na related sa operasyon ng mga POGO
-----o0o-----


January 6, 2020...

[Natural Calamities]

unang malakas na lindol ngayong taon..
nasa Magnitude 5.4..
sa may area ng Davao Oriental...

is feeling , siguro ang mensahe ay itigil na ang dictatorial bullying...


>
parang masyadong maliit yung numero..
masyado ring pangit yung adjective na ginamit...

pero ang ilan sa mga katotohanan ay..?
- may mga supply na hindi nasasabat
- patuloy ang paglabas ng mga balita na kesyo may mga operasyon na mula sa loob ng kulungan
- marami pa ring krimen ang dulot ng pagkapit sa masamang bisyo
- marami pa ring mga bisyo-related na mga kriminal ang labas-masok sa mga kulungan
- may mga nahuhuli pa rin na mga users at pushers

is feeling , kaya ang tanong ay kaninong supply ang hindi nade-detect...??

---o0o---


January 7, 2020...

yung panay sila depensa ngayon...

wala..
mukhang ganun na lang nga talaga yung pa-giyera nila..
mostly ang target lang ay nasa street level..
kung may masabat man na malalaking supply, eh konti lang naman yung taong kasamang nahuhuli..
okay na yung may mga source na hindi nahuhuli..
okay na yung may mga chemist na hindi nahuhuli..
okay na yung may mga labas-masok sa kulungan..
okay na yung witness na yung ibang nakakulong...

wala bang nagtataka..?
madalas na yung mga barilan eh nangyayari lang sa pusher level..
pero kung sino pa yung malalaki ang supply, eh sila pa yung parang walang mga armadong bantay...??

kung ako ang nasa kapangyarihan..?
patuturukan ko lahat ng mga nahuli na ng gin..
tapos saka ko ipapaturo kung sinu-sino ang mga sources nila kapag mga sobrang lasing na sila...

is feeling , parang may mali...


>
at dahil may giyera nga parati..
dapat rin na may malalaking gatas...

okay na yung para sa puwersa..
okay na rin yung pang-support-buying...

is feeling , magkano kaya ang para sa non-intelligence...??


>
sa Quezon City..
yung sasakyan ng isang Party-list Representative na nabiktima ng Basag-Kotse sa parking area ng isang kilalang mall...

is feeling , kakampi ng mga kriminal ang kapabayaan...

---o0o---


January 8, 2020...

lagot naman dun sa presidenteng 'yon..
nag-utos ng pambobomba, samantalang hindi pala nila kayang mag-counter ng mga missile...

is feeling , kailangan nila ngayong pumatay ng mas marami, nang mas mabilis...

---o0o---


January 9, 2020...

yung bad news muna... :(

yearly na rin na nakaplanong tumaas ang PhilHealth contribution..
mula sa 2%, tumaas na siya ngayon sa 3%..
at aabot siya sa 5% hanggang sa 2025...

malaking problema yun dahil Php 10,000 ang kino-consider na minimum sa PhilHealth, hindi katulad sa SSS..
ibig sabihin, kahit below Php 10,000 pa ang monthly income mo, eh automatic na aabot hanggang Php 500 ang monthly mong contribution...

ang isa pang problema..?
hindi katulad sa SSS, eh sa records naman mahina ang PhilHealth..
kailangan na ulit ngayon na mag-fill up nung form nila, so parang nasa application stage na ulit..
sulat, submit, bayad..
at mukhang ganun na ang mangyayari every year, since yearly na nga silang magtataas ng ambag...

is feeling , abala na.. pahirap pa...


>
walang-hiyang plano 'to ng pamunuan para sa support-buying nila... :(

dahil sa kagustuhan nila na pataasin ang pensyon ng mga hindi na nagbabayad, eh ang mga active na nag-aambag ang naisip nilang mas gatasan..
at dahil sa kagustuhan rin nila na maraming ilibre sa mga health benefits, eh ang mga active na nag-aambag ang naisip nilang mas gatasan pa din...

at bukod pa 'to sa pinataas nilang antas ng gatasan para naman mabili ang suporta ng mga binibigyan nila ng limos... :(

ang dami nilang pangako sa mga Panatikong Zombie..
pero wala naman silang alam na gawin kundi manggatas lang..
mga malalaking bayad para sa mga opisyales..
mga kompanya na hindi nila nasisingil..
mga miyembro na hindi naghuhulog o hindi nagbabayad ng mga utang nila..
mga pekeng claims sa kung anu-anong health facilities..
tapos magpapanggap sila ngayon na para sa improvement yung increase...??

15% sa SSS..
5% sa PhilHealth..
ano pang matitira...??

is feeling , samantalang obvious naman na gusto lang nilang maghabol ng pondo para ma-shoulder ang support-buying na ginagawa nila...


>
sana may diyablong pinuno rin na makaisip na gumawa ng batas para sa libreng Euthanasia...

dahil mahirap mamatay sa masakit na paraan... :(

is feeling , tulong na nila, matapos nilang makibahagi sa pagpapahirap...


>
nakita na naman tuloy ang totoong nature ng mga tao..
gustong mapalapit kuno sa diyos..
pero nagagalit, nakikipag-away, at nananakit naman ng kapwa tao nila...

is feeling , niloloko lang nila ang diyos...


>
sa prusisyon..
yung general na pulis na nang-agaw ng smartphone..
sinubukan din daw na magbura ng video..
sa taga-media yata yung phone...

is feeling , may gustong itago...??


>
sa PSA..
yung mga error na kaya namang gamitan na lang ng common sense, pero hindi nila ginagawa... :(

nakasulat yung full name nung father sa birth certificate..
nakasulat din yung full name nung mother..
tapos mali ang input ng apelyido para dun sa kung kanino nakapangalan yung birth certificate..?
at malaking error na yun para sa kanila...

ang mas malala pa..?
nag-apply na noon ng correction na nasa Php 10,000 ang nagastos..
pero dahil nagbago na naman ang sistema ngayon, eh bumalik yung error..
iche-check pa daw nila kung nasaan yung sinasabing corrected copy...

parang tanga lang na nagbayad ka ng Php 10,000 para sa pumapalpak na sistema... :(

is feeling , and to think na para 'to sa isang tao na ilang beses nang nakabiyahe sa iba't ibang bansa...

---o0o---


January 10, 2020...

yung totoong nabigyan nga ng certification yung mga karneng baboy na nag-positive sa ASF na nakaabot hanggang sa malalaking supermarket...

is feeling , gaya ng sabi ko.. ultimo sistema eh may deperensya...