this blog contains stories about my experiences & misadventures here on Earth..
most of which are about my very unsuccessful lovelife - basically about how to live a loveless guy's life..
some are about real life problems, strange dreams, South Korean stuff, women's volleyball, arts, computer games, business, issues of public interest, cute girls, & almost anything that i find interesting to write about...
after more than 4 years..
nalaman ko rin ang pangalan ng model na 'to (model nga talaga siya)..
siya yung Round Girl dati sa Pak na Pak na segment ng Eat Bulaga..
yung Round Girl na minsan eh nakakalimutan pa ng mga host na parampahin, samantalang kokonti na nga lang yung bilang ng rounds...
gamit yung pangalan na binabanggit noon ni Jose doon sa show..
at yung confirmation nung name mula sa dati niyang modeling agency, na kanina ko lang nakita..
nasagot ko na yung katanungan ng marami na from year 2015 pa... :)
Marga Cruz..
she does makeup tutorials and the likes via YouTube..
so for those who are into such stuff, or just want to follow her, you may subscribe and support her YouTube Channel: https://www.youtube.com/channel/UCVhkj3WDy0-zJBVolJuzL1g
is feeling ,nahanap ko na yung pangalan niya.. eh yung sa taong hinahanap ko, kailan pa kaya...??
1st anniversary sana namin ni YAM..
kaso hindi ko naman na siya pwedeng lapitan pa... :(
is feeling , kahit sa kalungkutan, eh pera pa rin yung solusyon...
---o0o---
August 23, 2019...
may 62nd (60th) retirement na..
at may hidden pa na isa, simula noong magtanong ako..
isa sa mga bago kong nahanap kaagad..
though base sa location ay mukhang hindi siya posibleng maging clue...
sa halip na hindi masikmura yung raket..
sa tingin ko eh mahina lang talaga yung hatak niya kaya tumigil na lang siya...
is feeling ,hindi ko pa rin mahanap kung saang koneksyon ako dadaan...
> [Book]
Updated/Revised Casting Proposal (Incomplete):
• Empoy Marquez as me..
• Denice Dinsay as [Girl na may Crush sa Akin]..
• Marian Rivera as Almeja
• Justine Battung as Jacqueline (yun pala yung public name niya)
• Bela Padilla as Anne
• Megu Fujiura as Emoji-Girl
• Ana Capri as Miss A (pinalitan para bigyan ng daan si Miss V)
• Jinri Park as Miss J
• Julia Barretto as Strawberry (aaminin ko na, yun talaga yung kawangis niya, but with less cheeks)
• Valentina Nappi as Miss C (dahil sa cleft chin)
• Ava Dalush as Miss Ab (dahil sa body type)
• Lucy Li as Miss D
• Coraleen Waddell as Miss Co (yung simple look ni Cora, tapos yung may kasamang ngiti)
• Abby Poblador as Miss H
• Kylie Page as Miss P (pero brunette)
• Margarita Francesca Cruz Ramirez as Miss S (pero gawing thick type)
• Maja Salvador as Miss V
• Juliana Palermo as Miss Al (ang totoo mas Isabella de Leon yung facial details niya, pero dahil bata ang tingin ko dun eh Juliana Palermo na lang)
• Julz Gotti as Love Burger (pero fair skin)
• Cristine Reyes as The Korean
• Connie Sison as YAM (yung fit version ni Connie Sison dati)
• Cassandra Calogera as Dime (yung matabang version, tapos gawin ding morena)
• Chrislyn Uy as Eyeglass Girl (pero thinner version)
is :like::lfeeling , dahil may bagong kahawig na nakita...
-----o0o-----
[V-League]
PVL Season 3 - Open Conference
nga pala..
may almost 1 Million Likes na po ang official Facebook Page ng PVL..
nasa 16,000 plus na lang po ang kulang..
suportahan po natin ang local volleyball league dito sa bansa..
for those who are interested, paki-Like naman po sila sa link sa ibaba: https://www.facebook.com/premiervolleyballleague/
August 17, 2019...
konting collegiate details muna..
bad news for NU, maganda na yung lineup nila ngayon, na may ilalakas pa sana, pero mas pinili ni Nisperos na sa Ateneo mag-college..
para sa AdU, eh injured daw si Permentilla ngayon, knee injury mula sa PSL..
not good for her dahil nakakarami na siya ng injuries, at hindi pa niya naaabot ang pagiging Ace Player..
samantalang si Balang naman eh maganda ang performance para sa BanKo, kahit na hindi siya naglalaro para sa Collegiate Conference..
hindi naman naglalaro si Domingo para sa FEU, at ganun din si Ebon...
Motolite versus Chef's Classic
okay naman yung crowd ng Motolite..
NCAA-based ang team ng Chef, na may konting UAAP...
Set 1, 25-22, Tolenada ang starting Setter ng Motolite, Gannaban over Ramos, Libero na si EstraƱero at ibinabad siya sa laro, for emergency setting siguro, madalas na lamang ang Motolite, nanaig sila dahil sa kanilang 13 attacks and 3 blocks..
Set 2, 25-19, Ramos for Gannaban, Flora for Molde, nabaliktad ng Motolite ang takbo ng set after ng 12th point nila, muli silang nanaig dahil sa kanilang 13 attacks and 4 blocks..
Set 3, 25-19, Gannaban na ulit for Ramos, Emnas naman ang Setter, nakakuha ng early lead ang Motolite at hindi na nakalamang ang Chef...
3-0, panalo ang Motolite...
Player of the Game si Pablo with 20 points from 17 attacks and 3 kill blocks..
Caloy with 9 points from 6 attacks and 3 service aces..
Tolenada with 15 excellent sets within 2 sets, plus 3 pure kill block points and 12 digs..
para naman sa Chef's Classic..
si N. Viray lang ang umabot sa double figures with 10 points..
Tiu with 8 points..
Angeles with 19 digs and 8 excellent receptions...
not bad for Chef's Classic..
okay ang laro nila, pati ang floor defense..
samantalang hindi pa rin nalilimitahan ng Motolite ang kanilang mga errors..
hindi pa rin nila naa-activate si Molde...
BanKo versus Air Force
birthday ni de Jesus..
na-Dengue pala si Ferrer, at naglaro pa rin siya noon sa kabila ng kanyang kondisyon..
nasa Air Force na pala si Crisostomo...
Set 1, 25-13, si Tan ang Setter ng BanKo, Gopico naman for de Jesus sa wing, nakakuha ng early lead ang BanKo at tuluyang nakalayo, naipasok pa sina Tajima at de Jesus sa likod, nakuha ng BanKo ang set dahil sa kanilang 14 attacks plus 8 opponent errors..
Set 2, 25-18, test substitutions para sa Air Force, de Jesus for Gopico para sa back row defense, nakaagwat ang BanKo before ng 2nd technical time-out, ipinasok ulit sa dulo si Tajima, inilamang nila ang kanilang 17 attacks..
Set 3, 25-19, balik na si Semana para sa Air Force, dikitan ang laban, unang nakaagwat ang Air Force, pero nabaliktad pa ng BanKo after ng 2nd technical time-out at naagaw nga nila yung set...
3-0, panalo ang BanKo...
Player of the Game si Tan with 26 excellent sets..
first time nga pala niya na mag-Setter as a pro..
Gervacio with 19 points from 17 attacks, 1 kill block, and 1 service ace..
Tiamzon with 15 points from 12 attacks and 3 service aces..
Balang with 21 digs..
para naman sa Air Force..
si Sabas lang ang umabot sa double figures with 13 points from 10 attacks, 2 kill blocks, and 1 service ace..
bukod sa kinulang sa firepower ay nagpakawala pa sila ng 22 errors within 3 sets...
maganda yung naging laro ni Tan, parang hindi siya naipahinga sa pagiging Setter..
better than Cailing..
na-jumble naman ang performance ng Air Force..
average naman ang scoring para sa mga Middle Blockers kahit papaano, pero kinulang si Pantino today...
is feeling , good for Motolite.. nice lineup naman para sa BanKo, may magandang pa-birthday kay de Jesus...
---o0o---
August 18, 2019...
Angels versus BaliPure
average live audience...
Set 1, 25-22, Layug over Nunag, kasama na sa starters ng BaliPure si Salamagos, dikit nang dikit ang BaliPure, Baloaloa for Sabete sa double substitution at mainit kaagad ang laro niya, gumagamit na rin ng double substitution ang BaliPure, pero mas nanaig ang Angels dahil sa kanilang 11 attacks plus 10 big opponent errors..
Set 2, 25-18, nakakuha ng early lead ang Angels, Nunag for Layug pero ibinalik rin si Layug, inilamang ng Angels ang kanilang 15 attacks..
Set 3, 25-16, nakagawa ng early chase ang BaliPure at lumamang pa nga sila, pero na-stuck rin sila nang maaga, de Leon for Layug, nabaliktad nga ng Angels ang takbo ng set after ng 1st technical time-out, Panaga-mode na ang opensa nila, at kinapos na nga ang BaliPure...
3-0, panalo ang Angels...
Player of the Game si Cheng with 17 excellent sets, plus 5 points from 4 attacks and 1 service ace..
Panaga with 16 points from 12 attacks, 3 kill blocks, and 1 service ace..
Mercado with 9 points na may 8 attacks..
Baloaloa with 5 points mula lang sa double substitution time niya..
Cruz with 19 digs and 10 excellent receptions..
may 13 digs din si Enclona as a reliever..
para naman sa BaliPure..
Bombita scored 11 points from 8 attacks, 2 kill blocks, and 1 service ace..
Salamagos with 7 points...
mataas pa rin ang errors ng Angels..
22 within 3 sets...
kulang pa nga sa suporta sa attacks ang BaliPure, pero na-off pa si Tubiera this time..
dapat mabigyan si Salamagos ng mas maraming play, lalo na kapag nasa harapan pa siya, panglito na rin sa depensa ng kalaban..
mahina naman ang attacker na pang-double substitution nila..
unfortunately for this game, eh marami silang ipinamigay na service errors...
Creamline versus Chef's Classic
back-to-back weekend games para sa Chef's Classic..
hindi nakabuti para sa kanila yung rescheduling..
at 2 liga pa pala ang sinasalihan nung iba sa kanila dahil sa Collegiate Conference...
Set 1, 25-12, maagang nakalayo ang Creamline, Negrito in, Cayetano for Gumabao, nakuha ng Creamline lahat ng stats at doble pa lahat kumpara sa nakuha ng kalaban..
Set 2, 25-5, Domingo for Soriano, muling nakalayo nang maaga ang Creamline, Vargas for Domingo sa likod, Negrito then Guino-o for Gumabao, overkill ng Creamline dahil nakuha nila lahat ng stats, pero this time eh triple or more sa mga nakuha ng Chef..
Set 3, 25-15, alternate na sina Atienza at Gohing, una ulit nakaagwat ang Creamline, Mandapat for Domingo sa harap, Negrito in, Cayetano for Galanza, Vargas for Gumabao sa harap, Guino-o for Baldo sa likod, malaki din ang nahabol ng Chef dahil sa inconsistency ng bench ng Creamline...
3-0, panalo ang Creamline...
Player of the Game si Baldo with 16 points from 8 out of only 12 attack attempts, 1 kill block, and the huge 7 service aces..
16 straight services yung ginawa niya sa Set 1, tapos 20 naman sa Set 2..
Galanza with 11 points na may 10 attacks..
Gumabao with 10 points na may 5 kill blocks..
Domingo with 7 points na may 2 kill blocks..
para naman sa Chef's Classic..
N. Viray scored 7 points from 6 attacks and 1 service ace..
Bangad with 5 points from 3 attacks and 2 kill blocks..
nalimitahan naman si Tiu sa 1 point lang in 3 sets..
at hindi nakatulong na nagpakawala pa sila ng 22 errors in 3 sets...
pinakitaan ng Creamline ng higher level ng coverage ang Chef..
although nakakaya nilang magpuwersa ng rally, eh makikita na either power o diskarte ang mas kayang pumatay sa bola..
for their first round meeting, eh ipinakita ng Creamline na kayang-kaya ng kanilang starters na i-overkill ang unit ng Chef...
is feeling , konting dagdag na activation pa for BaliPure.. good job at good rest naman para kina Morado at Galanza at sa buong team ng Creamline...
---o0o---
August 21, 2019...
madaming live audience..
anak ng..?
kung kailan 3 ang games, eh saka pa nagpa-5 set ang mga labanan.. XD
10:00 PM na natapos ang PVL... :(
Army Troopers versus ChocoMucho
naka-uniform si Bunag..
pahinga pa rin naman si BDL..
ang 1st 5-setter match ng conference..
up to 41 points na nga ang Set 1, tapos 5-setter pa.. XD
41 points, yun na yata ang longest set sa PVL so far...?
Set 1, 39-41, dikitan ang laban, nakaagwat ang Army after ng 1st technical time-out, Bunag in for Army, Santos in, pero nabaliktad pa ng ChocoMucho ang takbo ng laban, super extended yung set, pero nanaig ang ChocoMucho dahil sa kanilang 4 blocks plus 15 opponent errors..
Set 2, 19-25, Bautista for Tubino at Bicar in, maagang nakalayo ang ChocoMucho, gumawa ang army ng bench substitutions, nakapasok ulit si Santos, Tubino for Bautista, nakuha ng ChocoMucho lahat ng stats maliban sa opponent errors..
Set 3, 25-19, Bautista for Gutierrez naman, Teope for Malaluan, 2 beses na nakaagwat ang Army, na-injure pa si Angustia ng ChocoMucho, inilamang ng Army ang kanilang 13 attacks and 4 service aces..
Set 4, 25-20, Gutierrez for Bautista, Malaluan for Teope, dikitan ang laban, Bautista na ulit for Gutierrez, ipinasok na naman si Santos, at late nang naagaw ng Army yung set, inilamang nila ang kanilang 4 blocks and 2 service aces..
Set 5, 15-12, Teope for Malaluan, dikitan na naman, pero nakaagwat ang Army after ng 1st technical time-out, Imbo for Pineda at naging threat pa siya, sa double substitution kasama si Gutierrez pero inilabas din kaagad sila, at nagawa namang maitawid ng Army ang set...
3-2, panalo ang Army Troopers...
Player of the Game si Gonzaga with 24 points from 23 attacks and 1 service ace..
may plus 26 digs and 16 excellent receptions din siya..
(at galing pa siya sa 5-setter din kahapon, laban naman sa Petron)..
Tubino with 21 points na may 19 attacks..
Bautista with 13 points off the bench..
Malaluan with 8 points na may 5 kill blocks..
Bicar with 24 excellent sets off the bench, plus 4 points..
para naman sa ChocoMucho..
Tolentino scored 23 points from 19 attacks, 3 kill blocks, and 1 service ace..
Madayag with 15 points..
Pineda with 9 points, plus 29 digs and 16 excellent receptions...
maagang nadali ng ChocoMucho ang stamina ng Army..
kapansin-pansin naman na hindi na nagpapabagsak sa puwet si Gonzaga, hanggang double leg landing na lang madalas...
BaliPure versus Air Force
nag-alisan rin ang maraming audience, mukhang mga supporters ng ChocoMucho..
ang 2nd 5-setter match ng conference - kaagad-agad...
Set 1, 26-24, nag-start si Cases, nakagawa ng early chase ang BaliPure, madalas silang lamang at naitawid nga nila ang set, nanaig sila dahil sa kanilang 4 blocks plus 10 big opponent errors..
Set 2, 16-25, muling nakakuha ng early lead ang Air Force, nakahabol na naman kaagad ang BaliPure, pero nakalayo ulit ang Air Force, Caballejo in, at nakuha nila lahat ng stats..
Set 3, 25-19, dikitan ang laban, madalas na lamang ang BaliPure before pa ng 2nd technical time-out, nanaig ang BaliPure dahil sa kanilang 2 blocks and 1 service ace plus 8 big opponent errors..
Set 4, 17-25, nag-bench lineup ang Air Force; sina Caballejo, Nuval, at Sabas, sila na naman ang nakakuha ng early lead at nakalayo pa, lumamang sila sa kanilang 13 attacks plus 10 big opponent errors..
Set 5, 17-15, dikitan na naman, palitan ng kalamangan sa bandang dulo, nagka-issue pa si Bombita sa legs niya, pero BaliPure nga ang nanaig sa huli...
3-2, panalo na ang BaliPure..
naputol na nila ang kanilang losing streak na mula pa sa Reinforced Conference...
Player of the Game si Bombita with 23 points from 22 attacks and 1 service ace..
may plus 15 digs din siya..
Tubiera with 17 points from 14 attacks and 3 kill blocks, plus 20 digs..
Espiritu with 13 points..
Salamagos with 7 points na may 5 kill blocks..
para naman sa Air Force..
Palomata scored 13 points from 11 attacks and 2 kill blocks..
Cabalsa with 13 pure attack points sa loob lamang ng 3 sets..
Antipuesto with 12 points na may 2 kill blocks and 4 service aces..
Nuval with 9 points off the bench...
Creamline versus BanKo
6:00 PM po yung schedule, hindi 8:00 PM.. XD
hindi ko gusto yung bagong estilo ng headband ni Morado..
si Guino-o naman ang inalis ngayon sa active lineup...
Set 1, 25-10, si Tan ulit ang Setter ng BanKo, Sindayen starts, unang nakaagwat ang Creamline, Roces and Gopico in, pero in-overkill ng Creamline ang BanKo, nakuha nila lahat ng stats especially yung 7 service aces..
Set 2, 19-25, maaga ulit nakalayo ang Creamline, Cailing naman as Setter ng BanKo, Vargas for Gumabao sa likod, nakahabol ang BanKo at lumamang pa, Domingo for Soriano, Gumabao for Vargas sa harap, Tajima sa service, nasira ang laro ng Creamline matapos silang mahabol ng BanKo, nagtapon ng 12 huge errors ang Creamline..
Set 3, 25-17, dikitan ang laban, Tan for Cailing, Sato-mode ang simula ng opensa ng Creamline, Cayetano for Gumabao sa likod, nakaagwat ang Creamline before ng 2nd technical time-out, inilamang nila ang kanilang 20 huge attacks and 2 blocks..
Set 4, 25-23, Cailing na ulit ang Setter, Soriano for Domingo, panay substitutions pa rin ang BanKo, dikitan at palitan ng kalamangan, Cayetano for Gumabao sa likod, at naitawid naman ng Creamline yung set...
3-1, panalo ang Creamline..
pero hindi naging madali yung laban nila sa BanKo...
Player of the Game si Baldo with 26 points from 18 attacks, 2 kill blocks, and 6 service aces..
may plus 15 digs din siya..
Galanza with 16 points..
Gumabao with 12 points..
Sato with 11 points..
para naman sa BanKo..
Gervacio scored 16 points na may 15 attacks..
Bersola with 13 points na may 6 kill blocks and 2 service aces..
Tiamzon with 10 points...
mukhang maganda yung kalibre ng services ni Baldo sa simula nitong conference..
again, nalimitahan nila si Tiamzon sa paggawa ng mga puntos..
hindi maganda yung nakagawa sila ng 12 errors sa Set 2 dahil lang nag-panic sila sa nagawang paghahabol ng kalaban..
halos kagaya yun nung nangyari sa 2nd match nila versus Angels sa nakaraang Finals..
dahil masyado silang lamang sa Set 1 ay parang naging kampante sila at hindi nag-ingat sa mga errors..
more on service errors noon laban sa Angels, samantalang attack errors naman this time against BanKo..
pero nakabawi naman sila sa pag-a-activate sa opensa ng 4 nilang attackers...
is feeling , great job, Army.. great effort din para sa BaliPure.. thank you ulit sa buong Creamline para sa muling pagtulong kina Morado at Galanza.. sumakit ang mga mata ko sa kanila...
---o0o---
PSL 2019 All-Filipino Conference
August 23, 2019...
nalungkot na naman ako para kay Rondina..
yung #1 team na kayang tumalo sa F2, tapos biglang napatalsik sila sa Finals ng rank #5.. :(
ito pa naman sana yung bawi niya kaagad matapos silang matalo sa nakaraang UAAP...
#1 Petron versus #5 Cignal..
nauna nang pinagbagsak ng Cignal ang #4 na Generika..
tapos twice-to-beat naman sina Rondina ng Petron..
pero tinalo lang sila nina Gonzaga at ng Cignal sa parehas na 5-setter match... :(
iyon yung advantage at disadvantage ng ranking tapos elimination style..
advantage na wala kaagad na nalalaglag na team, at paraan yung ranking para makapag-set up ng matchup na papabor sana sa higher ranking team..
pero disadvantage at very disappointing kung mawawala lahat ng pinaghirapan sa ranking kung mapapalaglag ka naman sa eliminations...
pero masaya naman ako para kay Gonzaga..
tumataas na ulit yung scoring niya..
ibig pang sabihin nun na 3 sunud-sunod na araw na siyang naglalaro ng mga 5-setter matches... XD
is feeling , another UST ending...
-----o0o-----
August 17, 2019...
[Anime / Movie / Video]
Code Geass
aw!
meron pala nito..
yung base talaga sa nangyari sa anime...
credit for the video goes to the original creators and the uploader...
is :like::lfeeling , nice...
> [Gadget-Related]
1607, 1507, 1511, 1703, 1709, 1803..
at ngayon eh nasa Windows 10 version 1903 na ako...
ang plano ko sana eh after pa ng latest project ko ako mag-a-update..
bago mawala yung support para sa version na ginagamit ko..
nag-initiate lang ako ng restart kanina para ma-install yung ibang updates for 1803..
pero after nung restart eh na-realize ko na lang na nasa version 1903 na pala ako...
is feeling , napaaga.. sunod naman yung beta nung 3D software...
---o0o---
August 22, 2019...
done with all the renders..
111 lahat-lahat..
tapos na rin ang autopilot mode...
took me 79 days..
minus 8 days na walang nagawang trabaho..
bale 71 days lang sana kung tuluy-tuloy...
alanganin na naman ang pagpasok sa photoshop mode...
is feeling , mga 2 weeks pa siguro...
---o0o---
August 23, 2019...
[Gadget-Related]
mukhang mas mabilis ngang mag-load ng mga items yung Beta..
at mukhang mas mabilis rin siyang mag-interpret ng Iray preview...
pero ang sort of bad news..
nag-testing akong mag-render ng parehong scene gamit yung Pro at Beta, nang parehas ang time limit..
at although 8% na mas mataas yung resulta na na-produce nung Beta..
lumalabas naman na mas mataas pa rin nang di hamak yung iterations na napo-produce nung Pro..
nasa 372 yung difference..
at dahil iyon sa hindi magamit nung Beta yung GPU ko, di tulad nung Pro...
given yung ganung output, i'm assuming na tataas pa yung resulta kung mapapagana rin lang sana yung GPU..
pero bago ko yun magawa ay kailangan ko munang makakuha ng mataas na klase ng GPU na compatible dun sa Beta...
NOTE: this is not news.. i am not a reporter/journalist nor an influential person.. also, i'm not related to the government in any way.. but there are summary of news featured in this post.. it will require research in order to get the whole story regarding each particular news that is featured in here...
simple lang yan.. kapag nagpaapekto at nag-react ka sa opinyon ng ibang tao - eh BAKA nga may totoo sa mga sinasabi nila...
walang masama sa paglibot ng Imperial Navy sa malapit..
binabantayan lang nila ang teritoryo na sakop ng kanilang probinsya... :(
hindi rin masama na labagin ang mga batayang batas... :(
update ulit (503 + 493 na)..
medyo in-organize ko rin yung mga kaso...
una (untikan ko nang makalimutan 'to), ang pagtataksil sa interes ng bansa at ng mga (ibang) mamamayan (lalo na yung mga naging biktima), at pagbalewala sa kasaysayan at dangal ng bansa:
yung nagluklok ng tao sa isang mahalagang branch, sa kabila ng kawalan ng kakayahan ng tao na iyon na sumunod sa sarili nilang mga patakaran
yung nagtuturo ng iba, maging yung hindi nila maidawit dun sa kaso, habang ipinagtatanggol naman yung ibang nalusutan DAW ng supply ng ilegal na droga
yung idolo noon si Hitler, pero noong nagpunta sa Israel eh ginamit pa yung alaala ng Holocaust para magkunwari na mabuti sila
yung inuna pa ang mga armas kesa sa isipin ang tungkol sa isyu ng kahirapan sa bayan
yung gustong bawiin yung amnesty na ibinigay noon sa isang taong lumaban sa tiwaling gobyerno, na ang sinisilip na butas ay yung pinagdaanan na proseso
yung umamin siya na meron nga at kasalanan niya ang pagkakaroon ng extrajudicial killings
yung nagagawa pa nilang magbakasyon sa ibang bansa sa gitna ng bagsak na ekonomiya ng bayan at sa kabila ng pagtanggi nila na tumulong sa pamamagitan ng pagpapagaan muna sa bagong sistema ng pagbubuwis
yung tutol kuno sa political dynasty pero kinukunsinti ang political dynasty ng sariling angkan
yung gustong ipaaresto yung witness sa pagpapasok ng mga ilegal na droga sa BOC
yung wala namang naparurusahan at papalit-palit lang naman ng katungkulan yung mga pinuno na nadadawit sa mga malalaking kaso ng kapabayaan
yung kagustuhan niya na ituring na rin siyang isang santo
yung mula sa lahi ng mga Bestfriend na suspected bilang drug-related personality, na itinanggi na may koneksyon sa pamahalaan, pero napatunayan na may papel nga sa pamahalaan
yung sobrang dali siyang makumbinsi pagdating sa ibang intel kuno at mga listahan, pero in denial pa noong una sa isyu ng magnetic lifters
yung balak pala tayong ipahamak dahil sa pangungutang niya sa Bestfriend Empire na malaki kung magpatubo kumpara sa ibang mga nasyon
yung gusto ngayon ng ROTC, pero siya mismo eh umamin na tinakasan niya ang ROTC noong kapanahunan niya
yung sinabi noon na dapat daw sundin ang seniority rule, pero hindi naman niya sinunod para sa 2nd reward
yung pagbanat sa isang taong simbahan nang wala namang ebidensya na ipini-present; kesyo nagbubulsa daw ng pera at baka drug-related din daw
yung seryoso daw sila sa kampanya laban sa ilegal na droga, pero siya mismo eh ginagawa lang biro ang tungkol sa pagdodroga
yung gusto nang ipapatay ang mga obispo, at ang pagtira sa bibliya
yung iniutos na ayaw makakita ng mga pari sa event na may kinalaman sa simbahan
yung pati bintang tungkol sa pagpapatumba ng tao eh joke lang
yung sexual attack sa kanilang kasambahay noong teenager pa siya base sa kanyang kuwento
yung tagalinis siya ng pangalan ng mga nabuking na magnanakaw ng pera ng bayan
yung planong palitan ang pangalan ng bayan para sa kapakinabangan ng amo nila
yung claim na wala daw patunay na nakaw ang mga yaman ng Dictator Clan
yung puros paninira ang iginanti sa mga karibal ng kanyang mga tauhan, na ni hindi naman naka-base sa facts
yung gusto na namang maglabas ng Narco-list, pero hindi pa naman pala 100% verified yung mga pangalan na nasa listahan
yung ginagamit yung banta tungkol sa giyera para masunod ang kagustuhan na magpalit ng anyo ng gobyerno
yung as early as 2004 pa pala nadadawit sa ilegal na droga ang pangalan nung banyagang economic adviser o dating economic adviser
yung paspas ang pagtatanggol sa banyagang economic adviser o dating economic adviser
yung tauhan na utak sa likod ng daan-daang social media account na nagpapakalat ng FAKE news na pabor sa alyansa nila
yung pagbibida sa titi niya
yung madalas na ibinibida na pagre-rely sa teknolohiya sa pag-eespiya ng ibang bansa
yung wala daw black propaganda, pero nagpapakalat ng mapanirang matrix
yung Party List na sobrang lakas kung magpa-commercial sa TV
yung commercial na nagke-claim na matapat yung dating tauhan ng MMDA na gumawa ng bistadong pandaraya
yung pagdadawit sa 2 athlete sa inilabas na matrix
yung pag-asa sa social media para sa intelligence kuno
yung cleaning effect ng family name
yung bagong batas laban sa pambabastos, paninipol, o kahit pagkindat man lang sa mga babae, pero ang mismong pinuno ng bansa eh unlimited ang pambabastos sa mga kababaihan
sa Japan, yung gusto na namang makipag-lips-to-lips sa hindi kaano-anong mga kababaihan
yung COA pa ang nasisisi dahil sa paggawa nila nang tama sa trabaho nila
anong silbi nung 5 minutes na travel time, kung hindi naman direkta ang access ng mga taga-probinsya sa NCR
yung paggigiit na normal lang na pangyayari ang hit-and-run sa gitna ng dagat
yung parating ipinapahiwatig na sa giyera lang hahantong ang paggigiit ng karapatan ng mga taga-probinsya
yung pagdepensa na kesyo sideswiped lang DAW yung nangyaring banggaan sa gitna ng dagat
yung pambabastos sa isang miyembro ng Judiciary para lang ipagtanggol ang Imperyo
yung wala ng respeto at paniniwala sa sariling konstitusyon
yung sa utos daw niya nag-ugat yung pagbibigay ng libu-libong pabahay sa mga armadong opisyales, bukod pa yung daan-daan sa mga ito ang nakatanggap ng 2 units each
yung may mga kaalyado silang mga bistadong tiwali, tapos ay may gana pang magtanong kung kailan daw magtatapos ang korupsyon
yung niloko at pinaasa ang mga contractual workers sa isang pangako na alam niyang imposible talagang matupad nang 100%
yung paspasan na pagpapatigil sa lahat ng gaming operations ng PCSO kahit na hindi pa naman pala sigurado kung alin-alin lang yung sinasabing sangkot sa dayaan
yung sinasabi na okay lang daw na tumanggap ang mga pulis ng regalo kapalit ng paggawa ng kanilang tungkulin, kahit na may batas na nagbabawal dito
are yung ang involved o semi-involved eh mga identified talaga bilang awtoridad o tauhan ng pamunuan, mga dati nang naging bahagi ng pamunuan, o kahit mga nagsasanay pa lang upang makakuha ng awtoridad:
sa QCPD, yung Criminology student na nag-o-OJT sa presinto na hinuli dahil sa pagtutulak ng ilegal na droga
yung Criminology Student pala yung lalaki dun sa video kung saan hinahayaang uminom ng alak at manigarilyo ang isang 2 y/o na bata
sa Nueva Ecija, yung Barangay Chairman na nahuling kasama ang kalaguyo niya
yung 3 PNPA cadets na inirereklamo dahil sa sexual harassment laban sa 2 lower classmen sa loob mismo ng academy nila
yung pulis na inirereklamo ng panggagahasa laban sa isang 15 y/o na dalagita kapalit ng paglilinis sa pangalan ng ama nito na idinadawit naman sa ilegal na droga
yung 2 pulis Novaliches na inirereklamo ng dahil daw sa panggagahasa sa isang babaeng nahuli ng dahil sa pagsusugal sa loob ng police mobile
sa Marcos, Ilocos Norte, yung Barangay Chairman na tinangkang halikan ang isang singer habang ito'y nagpe-perform
sa Baguio City, yung mga tinatawag na POSD Enforcers na nakunan ng video na nang-aagaw ng paninda ng isang taho vendor
yung nag-viral na Traffic Enforcer na nang-agaw ng susi at ng motor, bukod pa sa nagmura at nagbanta laban dun sa rider
sa Makati, yung 2 dating empleyado ng MMDA na ginagamit yung wangwang, blinker, at MMDA uniform sa pag-e-escort sa negosyante
yung mga police escort na namalo ng side mirror ng isang taxi habang naka-off-duty at nag-e-escort sa isang private individual
sa Quezon City, yung naka-leave daw na pulis na nanutok ng mga baril matapos na hindi sila mapagbigyan sa kalsada
sa Pandacan, Maynila, yung pulis na motorcycle rider na nakabangga ng isang tumatawid na senior citizen
sa Iloilo, yung 3 tricycle na nabangga ng AUV na minamaneho ng isang pulis, kesyo nakatulog daw ito habang nagmamaneho at may sinasabi rin na mukhang nakainom daw ito
sa Dagupan City, yung 2 y/o na bata na namatay matapos na mabundol ng van na minamaneho ng isang pulis
sa Davao City, yung Traffic Enforcer na muntik nang makabangga ng taong tumatawid sa pedestrian lane
sa isang kampo sa Tagaytay, yung nakunan ng video na pamamalo ng isang Superintendent sa mga junior police gamit ang isang baseball bat
yung Hepe ng Eastern Police District, yung nakunan sa video na nananakit ng babaeng pulis
sa Pasig City, yung naka-off-duty na pulis, yung nakunan ng CCTV na nananakit ng 8 y/o na bata sa isang basketball court
sa Moriones, Tondo, Manila, yung mga pulis na inirereklamo ng pananakit sa mga hinuli nila at paggalaw sa mga CCTV camera
sa Cebu City, yung hinihinalang police brutality na ginawa ng isang armadong grupo na nakunan ng video
sa San Jose del Monte, Bulacan, yung drug-related suspek daw na napatay ng mga pulis, pero may nawawalang mga oras ng footage yung CCTV na nakunan sana yung pangyayari
sa Navotas, yung pulis at ang kasama niyang naka-AWOL na pulis, na inireklamo dahil sa pananakit
sa Legazpi City, Albay, yung Party-list Representative na nanakit ng isang waiter
sa Guimbal, Iloilo, yung mag-amang Representative at Mayor na inireklamo ng pang-aabuso laban sa isang pulis
sa Santa Cruz, Manila, yung nagtatagong Kapitan at ang mga Kagawad niya na nanggulpi sa isang binatilyo kesyo hindi daw siya nakilala bilang kapitan nung biktima
sa Sampaloc, Manila, yung babaeng Barangay Kagawad na nanakit ng binatilyong nasita dahil sa curfew
sa Barangay Commonwealth, Quezon City, yung mga tauhan ng Barangay na inirereklamo dahil sa pananakit sa mga na-detain nila
sa Tarlac, yung tumatakbo bilang Bokal na nanapak ng Election Officer
sa Negros Oriental, yung pulis na nagpositibo sa isinagawang random drug test
sa Pasay City, yung Barangay Tanod na kabilang sa mga nahuli dahil sa pagtutulak ng ilegal na droga
sa Quezon City, yung dating Barangay Tanod at isang naka-AWOL na pulis na nahuli sa magkahiwalay na anti-illegal drugs operation
sa Bacoor City, Cavite, yung dating pulis na nag-AWOL at isang SK Kagawad na nahuli sa anti-illegal drugs operation
sa Bacoor, Cavite, yung dating Barangay Tanod na sangkot sa ilegal na droga, na ginagamit pa ang sarili niyang 12 y/o lamang na anak bilang courier
sa Tanauan City, yung dating Konsehal ng Barangay na kasama na nahuli sa buy-bust operation
sa San Pablo City, Laguna, yung babaeng Barangay Kagawad na damay sa nahuli sa buy-bust operation, nabuking sa mobile phone niya na nagsisilbi siyang taga-timbre sa iba pang drug-related personalities
sa Bacoor City, yung Barangay Kagawad at Hepe ng mga Tanod na nahuli sa buy-bust operation sa loob mismo ng Barangay Hall
sa Bacoor, Cavite, yung number 1 na SK Kagawad na nakunan ng video at hinuli dahil sa pagbebenta ng ilegal na droga
sa Davao City, yung SK Kagawad na napatay sa buy-bust operation, bukod dun ay suspek din daw ito sa pagnanakaw base sa kuha ng CCTV
sa DasmariƱas, Cavite, yung Barangay Chairman na nahuli na gumagamit at nagbebenta ng ilegal na droga, at nahulihan din ng hindi lisensyadong baril
sa Tondo, yung anak ng Barangay Chairman na hinuli dahil sa pagtutulak ng ilegal na droga, at nahulihan rin ng hindi lisensyadong shotgun
yung naka-AWOL daw na doktor na empleyado ng DOH na kasamang nahuli sa isang buy-bust operation
yung senior officer na tauhan ng Bureau of Fire Protection na nahuli sa anti-illegal drugs operation
yung Traffic Enforcer na kabilang sa mga nahuli sa anti-illegal drugs operation ng QCPD
sa Isabela, yung Traffic Enforcer at kasama niya na napatay sa buy-bust operation
sa Davao City, yung Provincial Administrator ng BJMP na arestado matapos magpositibo sa ilegal na droga
sa Naic, Cavite, yung dating pulis at ang karelasyon niya na active jail guard na nahuli sa buy-bust operation
sa Laguna, yung retiradong pulis na target at napatay daw sa anti-illegal drugs operation
sa ParaƱaque City, yung nahuling dating army officer na dawit sa kaso ng milyon daw na halaga ng ilegal na droga na naipasok sa parking lot ng isang mall
sa Davao City, yung sundalo na nahulihan ng ilegal na droga
sa Sampaloc, Manila, yung pulis na nahuli sa buy-bust operation dahil sa pagbebenta at paggamit ng shabu
sa Pasong Tamo, Quezon City, yung pulis na kasama sa nahuli sa buy-bust operation sa isang bilyaran
sa isang bar sa Taguig, yung pulis na naki-Halloween party habang naka-full alert ang kapulisan, na nahuli pa na gumagamit ng cocaine
sa NCR, yung pulis na Patrolman na kabilang sa nahuli sa buy-bust operation
sa Sta. Cruz, Laguna, yung pulis na protektor daw ng mga drug lord na napatay sa engkuwentro
yung 4 na pulis ang suspek ng PDEA, na posible daw na nakipagsabwatan para maipuslit yung nawawalang nasa Php 6.8 Billion na ilegal na droga na isinilid sa mga magnetic lifters
sa Fairview, Quezon City, yung 10 na naaresto sa buy-bust operation, na dating Quezon City police ang itinuro bilang source nila
yung naka-AWOL na pulis na nahuli ng mga Sampaloc police dahil sa pagdadala daw ng ilegal na droga
yung Hepe ng Agoncillo PNP na nahuling ginagamit ang isang nakaw na sasakyan at nahulihan rin ng hindi lisensyadong baril
sa Lemery, Batangas, yung Traffic Enforcer na hinuli dahil sa ilegal na pag-iingat ng mga bala, mga magazine, at mga holster ng baril
sa Balete, Batangas, yung dating Konsehal ng bayan ng Balete na nahulihan ng hindi lisensyadong baril
sa Iloilo, yung kandidato sa pagka-Mayor na nahulihan ng hindi lisensyadong baril
sa Abra, yung kandidato sa pagka-Mayor na nahulihan ng mga high-powered na mga baril
sa Mabini, Batangas, yung Barangay Chairman na inaresto dahil sa pagtatago ng hindi lisensyadong M16 at mga bala
sa Quiapo, yung Barangay Tanod na damay sa nahuli sa buy-bust operation, na nahulihan ng hindi lisensyadong baril
sa Basilan, yung TESDA Provincial Director na nahulihan ng CIDG ng bala at pampasabog
nitong katapusan ng 2018, yung 7 pulis na nasangkot daw sa indiscriminate firing nitong nakaraang holidays, bukod pa yung mga opisyales at sundalo na gumawa rin ng kaparehong offense
sa Davao Oriental, yung sundalo na nagpaputok ng baril at yung kasama niya na nambugbog sa 2 nakaupo sa may harapan ng tindahan
sa Iloilo City, yung Barangay Captain na naaresto dahil sa pamamaril sa convenience store
sa Pangasinan, yung Barangay Kagawad na namaril ng bahay
sa Balete, Batangas, yung Barangay Captain na nagpaputok ng hindi lisensyadong baril dahil sa pagkainis sa resulta ng halalan sa lugar nila
sa Marilao, Bulacan, yung dating Vice Mayor na aarestuhin sana dahil sa kasong qualified theft, pero may granada at baril pala at nag-resist
yung pulis Makati na nagpaputok ng baril sa kalagitnaan ng pista
sa Davao City, yung pulis na hinuli dahil sa pagpapaputok ng kanyang baril habang lasing, at kesyo nakikipag-away pa daw sa kanyang live-in partner noon
sa Cavite, yung Traffic Enforcer na nahulihan ng 2 baril habang naka-duty, na dati na rin daw nasangkot sa insidente nang pamamaril
sa Caloocan City, yung pulis na nakabaril at nakapatay ng 6 y/o na bata at namaril din sa lola nito
yung dating kaso sa Cebu, yung lumabas sa imbestigasyon ng NBI na baril nga ng pulis yung nakatama dun sa bata na nadamay lang sa anti-illegal drugs operation
sa Rodriguez, Rizal, yung 3 y/o na batang babae na nadamay at napatay sa buy-bust operation, kesyo ginamit daw ito bilang human shield nung suspek
sa Pangasinan, yung 17 y/o na binatilyo na player ng DOTA na sasali lang daw sa tournament sa Baguio na napatay DAW ng mga pulis sa engkwentro
yung findings ng Public Attorney's Office na mukhang t-in-orture yung Santillan at posibleng staged yung pagkapatay sa kanya
sa Quezon, yung tinaguriang Tayabas Armed Encounter kung saan isa sa napatay ay anak ng isang Mayor, yung umamin yung mga pulis na involved na hindi totoo yung police report nila at na scripted yung encounter
sa Rodriguez, Rizal, yung 4 pulis na kinasuhan na dahil sa 2 magkaibang insidente ng patayan, kung saan ang isang biktima ay abogado
yung pagtumba DAW sa 14 na mga magsasaka sa Negros Oriental
yung madalas nang ginagawang palusot ang pagiging involved DAW ng mga tao sa ilegal na droga kapag nabubuking na pinatay sila ng mga pulis
sa Capas, Tarlac, yung nangyaring barilan ng mga pulis na nag-ugat sa road rage, na ikinamatay ng 2 pulis, 1 tanod, at 1 trabahador
sa Isabela, yung pulis na binaril ang isang sundalo nang dahil lang sa agawan sa parking space
yung pulis na sangkot sa road rage na sumuko sa Quezon PNP, yung nakapatay ng isang negosyante yata iyon at ang driver nito matapos na picture-an yung sasakyan ng suspek na nakabanggaan daw ng kanila namang sasakyan
sa Bocaue, Bulacan, yung babaeng teacher na pinatay sa pamamaril ng karelasyon niya na sundalo na nagbaril din sa sarili matapos yung krimen
sa Calamba City, yung may 1 patay at 2 sugatan matapos ang pamamaril at pananaksak ng retired na pulis at ng kanyang anak
sa Pasig City, yung 2 pulis at asset nila na inaresto dahil sa panghu-hulidap, kung saan nangikil sila ng pera at tinangay pa yung wedding ring nung lalaking biktima
sa Pasay City, yung 19 y/o daw na Chinese na nangmolestiya ng 3 babaeng estudyante, kung saan inudyukan daw ng mga pulis yung mga biktima para makipag-areglo na lang at humihingi din daw ng cut nila
yung NBI Intelligence Officer na sinubukang aregluhin yung kaso ng kanyang tiyuhin na may kinalaman sa ilegal na droga
sa Bocaue, Bulacan, yung hepe ng mga pulis na hinuli dahil sa pangingikil daw at sa paggamit ng mga sasakyan ng mga nahuhuli nilang mga drug suspect
sa Tanza, Cavite, yung Hepe ng Maritime Police Station, yung nahuli sa entrapment operation na tumatanggap ng marked money dahil sa pangingikil laban sa mga mangingisda
sa Taguig City, yung 2 pulis na nangingikil laban sa pamilya ng drug suspect daw para mapababa ang kaso nito
sa NCRPO, yung pulis na hinuli dahil sa pangingikil laban sa pamilya ng isang drug suspect, posibleng dawit rin daw ang buong team ng Eastern Police District - Drug Enforcement Unit
sa Pasay City, yung pulis na nahuli sa entrapment operation dahil din sa pangingikil, yung natunugan kaya nakatakas yung iba pang mga pulis
sa Las PiƱas, yung 7 miyembro daw ng Drug Enforcement Unit din, yung nasangkot naman sa pangingikil laban sa kapatid ng isang nahuli nilang drug suspect
sa Barangay Commonwealth, Quezon City, yung mga tauhan ng Barangay na hinuli dahil sa pangingikil, kesyo may hinuli daw sila sa palengke at tinakot nila na gagawin nila itong sangkot sa ilegal na droga
sa Baguio City, yung Chief ng Police Intelligence Unit na nahuli sa entrapment operation dahil sa robbery extortion laban sa hinuli niyang suspect sa kasong robbery
sa Cagayan de Oro, yung babaeng pulis na nangikil daw ng Php 3,000 laban sa aplikante para sa non-uniformed personnel ng PNP kapalit ng pangakong matatanggap yung biktima sa trabaho
sa General Santos City, yung pulis na hinuli dahil sa pangingikil laban sa aplikante sa pagka-pulis
sa Iloilo City, yung dating sundalo na hinuli dahil sa extortion, kesyo kaya daw niyang ipasok yung mga magbibigay sa kanya ng pera sa Philippine Coast Guard
sa Lipa City, yung pulis na nahuli sa entrapment operation dahil sa pangingikil, na may kasabwat pa daw na miyembro ng Philippine Air Force
yung opisyal ng PNP-HPG, yung inaresto dahil sa robbery extortion, kesyo nanghihingi daw ng pera para simulan ang imbestigasyon tungkol sa isang nawawalang sasakyan
sa San Fernando, Pampanga, yung pulis na nahuli sa entrapment operation, kesyo nanghihingi daw ng pera kapalit ng sasakyan na na-impound dulot ng isang buy-bust operation
yung pulis na miyembro ng HPG na hinuli dahil sa pangingikil laban sa mga service vehicle ng isang call center company
yung Pulis Makati na hinuli dahil sa pangongotong sa mga habal-habal driver
sa Pasay City, yung pulis na hinuli ng PNP-CITF dahil sa pangongotong laban sa mga habal-habal driver
sa Makati City, yung tandem ng 1 pulis at 1 Traffic Enforcer na araw-araw daw nangongotong sa mga sasakyan na dumadaan sa DasmariƱas Village
yung MMDA Enforcer na nagpapanggap na pulis para makapangikil laban sa mga service vehicle ng isang offshore gaming company
yung nahuli ng NBI na dating sundalo na nagpapanggap daw bilang abogado at naniningil pa ng malaking professional fee
sa Taguig City, yung Army Reservist na kabilang sa 3 hinuli dahil sa robbery extortion laban sa isang negosyanteng Mainlander
sa Quezon City, yung MMDA enforcer na nahuli sa isang kainan na tumatanggap ng lagay mula sa hinuli nilang motorcycle rider
sa Makati City, yung traffic enforcers na nakunan ng video na nangikil laban sa dayuhan, MAPSA at trainee daw yung involved
yung Team Leader ng Manila Traffic and Parking Bureau na hinuli dahil sa pangingikil
sa Maynila, yung Traffic Enforcer na nakunan ng CCTV na nangongotong ng motorista
sa Pasig, yung 2 Traffic Enforcer na hinuli dahil sa pangongotong laban sa isang UV Express Driver
sa San Jose del Monte, Bulacan, yung kawani ng barangay na naaktuhan na nangingikil sa isang piggery, na baboy at pera ang hinihingi
yung mga agents ng Intelligence Division ng Immigration na inirereklamo dahil daw sa panggigipit at pangingikil laban sa mga Korean
sa Muntinlipa City, yung pulis na hinuli dahil sa pag-o-operate ng tupada
sa Tondo, Manila, yung 2 pulis na naaktuhan ng mga counterintelligence na pulis na nasa tupada
sa Quezon City, yung may 3 nahuli mula doon sa grupo na responsable daw sa serye ng mga panghoholdap sa mga e-games at bingo establishments, isa sa mga nahuli ay kasalukuyang Barangay Kagawad ng Maynila, tapos ay dating pulis daw ang leader nung grupo
sa Las PiƱas City, yung grupo ng mga pulis na nasangkot sa kidnapping
yung BIR supervisor at examiner na inireklamo dahil sa pangingikil, na nahuli sa Batangas
sa Quezon City, yung 2 BIR officers na nahuli sa entrapment operation na isinagawa ng NBI, dahil sa pangingikil laban sa isang private company na naka-base sa Pasig City
sa Tagaytay City, yung 5 naaresto dahil sa pagbebenta ng ekta-ektaryang lupa na may mga pekeng titulo, na ang lider ay dating empleyado ng DENR
yung dating empleyado ng Maritime Industry Authority na hinuli sa entrapment operation dahil sa pagbebenta ng pekeng certificate of proficiency, na dati na ring nahuli dahil sa pagbebenta ng mga sagot sa exam, pero pinayagan na magpiyansa noon
yung Anti-Jaywalking Unit ng MMDA na nag-i-issue ng mga pekeng resibo sa mga nahuhuli nila para sila ang kumita ng pera
yung dating Customs Deputy Commissioner na inaresto dahil sa pagtanggap daw ng pera bilang pang-areglo sa mga kargamento
sa isang mall sa Makati City, yung trainee para sa pagiging LGU Traffic Enforcer na nagnakaw ng motor
yung airport security screener, yung hinalungkat ang bag at pinagnakawan ang isang pasaherong Taiwanese
yung mga ghost employee daw sa Makati na tao ng Konsehal
yung pulis na sangkot daw sa multi-million scam na related daw sa casino
yung 3 police officials na sangkot sa Php 2 Billion worth na paluwagan scam
yung pulis ng Eastern Police District na inaresto dahil sa estafa, bukod dun ay may pending rin daw siyang kaso regarding sa pangingikil laban sa isang sibilyan
sa Fiscal's Office ng Quezon City, yung empleyado na hinuli dahil sa kasong estafa laban sa mag-asawang ginustong magtayo ng laundry shop
are naman yung mga hindi pa malinaw kung anong klase nga ng mga tao ang involved o hindi tiyak o nabanggit kung sino ang nakatama:
dahil hindi tiyak kung paano nagkaroon ng access sa VIP na plaka, sa Angeles City, Pampanga, yung sakay ng SUV na may plakang 8 na nanakit ng kapwa niya motorista
sa Laoag City, yung nakunan ng video na naka-uniform ng pang-pulis, na nagmomotor nang walang suot na helmet
sa Sampaloc, Manila, yung 2 suspek sa pagiging hired killer na in-ambush sa police mobile na sinasakyan nila, pero hindi idinamay sa pagtumba yung mga kasamang pulis
sa Quezon City, yung mag-anak na m-in-assacre ng hinihinalang nakaalitang pulis habang natutulog
yung pagpatay sa Quezon City Deputy Prosecutor kung saan suspek ang 3 pulis
yung pag-kidnap dun sa Fajardo, na kakilala ng pinatay na si Mayor Halili, ng organisadong armadong grupo
yung sinasabi ng NPA na ang mga militar daw mismo ang may kagagawan ng mga patayan sa Negros Oriental
heto naman yung mga may kinalaman sa kahinaan ng kasalukuyang penal system at pagpapatupad ng iba pang mga batas, patakaran, at sistema sa bansa:
yung mga nasa katungkulan na hati ang atensyon
yung agawan ng mga magkakaalyado sa pagiging Speaker
yung gusto na kaagad magdagdag ng bituin sa watawat kahit na hindi pa naman nalutang yung area
yung pagiging maselan at overprotective sa term na base naman sa pangalan ng dating hari ng Spain
yung pag-atake sa kalayaan ng Rappler gamit ang existence ng isang lumang article na mula pa sa panahon na hindi pa saklaw ng makabagong batas na ipinatupad
yung mga Barangay na nag-iimbento ng schedule para sa paghahakot ng mga basura, pero saka lang naman naghahakot sa araw kung kailan ang naka-schedule ay yung mga basurang pwede pang ikalakal
yung mga batas na pro-pets and pro-pet owners na mga asal peste naman
yung pati mga nagkalat na domesticated animals eh panira sa mga mamahaling proyekto ng pamahalaan
yung protektado pa rin ang mga ligaw na alaga sa kabila ng problema sa supply ng anti-rabies
sa Isabela City, Basilan, yung 5 y/o na bata na inatake ng nasa 10 aso daw
sa Tagkawayan, Quezon, yung 2 y/o na bata na pinagkakagat ng nasa 20 daw na aso
yung pagkonti ng araw ng pagpasok sa mga paaralan dahil sa pagdami ng mga holiday na sinamahan pa ng mga bakasyon na dulot ng masasamang panahon
yung paglaganap ng mga batang palaboy na lantarang umaatake ng mga pasahero sa mga pampublikong jeepney
sa Meycauayan, Bulacan, yung mag-aama at kaibigan nung isang anak, na suspek sa pagpatay sa mag-asawang senior citizen nang dahil lang sa away tungkol sa mangga, kung saan may 14 y/o at 15 y/o na involved na suspek
sa Makati City, yung lider ng Ipit-Bus Gang na ilang beses nang nakukulong pero parati rin namang pinakakawalan
sa Lawton, Manila, yung snatcher na nahuli ng pulis pero pinakawalan din naman matapos na hindi na magreklamo yung biktima
sa Caloocan City, yung kaso nung anak na napatay ang sarili niyang ina noong 2017 at ang sarili naman niyang ama nitong simula ng 2019
sa Bacolod City, yung ama na pinagsasasaksak ng gunting yung 3 at 2 y/o niyang mga anak, pero ayaw namang kasuhan ng mga kamag-anak
yung ganap na batas na ang pagbibigay ng limos
yung aprubado na yung 25% na increase sa opisyal na pamasahe sa jeep
yung nagtaas na rin ang pamasahe para sa mga pampasaherong bus sa kabila ng sunud-sunod na pagbaba naman kahit papaano ng presyo ng petrolyo
yung sa halip na tulungan muna ang mga mananakay na mapababa ulit ang halaga ng pamasahe kasunod ng paulit-ulit na pagbaba ng presyo ng mga produktong petrolyo, eh mas gustong unahin ng mga economic advisers na pataasin na ulit ang rate ng taxation para sa mga produktong petrolyo
yung hanggang sa Php 9.00 lang daw pwedeng ibalik ang base fare sa mga jeep
yung plano ng LTFRB na gawin nang automatic ang adjustment ng pamasahe sa mga PUV base sa paggalaw ng presyo ng petrolyo, na mostly eh sa papataas lang ang direksyon
yung kagustuhan na i-ban na ang mga provincial buses sa NCR
yung may mga piling provincial buses na pwede pa ring pumasok sa NCR hanggang sa ParaƱaque area
yung dagdag travel time at dagdag pamasahe nga ang idinudulot ngayon ng PITX
yung napatunayan na tumaas nga ang pamasahe ng mga commuter dahil sa pag-i-split ng biyahe dulot ng provincial bus ban sa EDSA
yung kagustuhan na gawing point-to-point o terminal-to-terminal na lang ang biyahe ng mga provincial buses sa area ng EDSA
yung aminado na walang ginawang public consultation para sa provincial bus ban sa EDSA
yung panibagong late na tanggalan ng mga vehicle type na hindi suitable para sa TNVS
yung nasa 9,000 na motorcycle riders na kumuha ng exam sa road safety daw, pero 7 lang ang nakapasa
yung data from 2017 to 2018 na nagpapakita na tumaas daw ng 40% ang bilang ng mga reklamo laban sa mga pulis na hindi nagsusustento sa kanilang pamilya, at sa kabila iyon ng paglaki na ng sweldo nila
yung 2 MMDA Enforcer na magkaangkas sa motor na nasita ng ordinaryong motorista, yung blinker ang ginagamit na ilaw at hindi pa nakasuot ng tamang helmet
sa Manila, yung MTPB Enforcer na nahuli dahil hindi nakasuot ng helmet, pero nakipagsagutan pa rin sa taga-HPG yata yun
sa Cagayan de Oro, yung Traffic Enforcer na nakunan ng video na nakikipagtalo sa driver ng ambulansya
sa Cavite, yung nasita sa checkpoint na nagpakilala bilang isang pulis, pero nasibak naman na pala sa serbisyo
yung pulis San Juan, yung nakunan ng video dahil sa pag-init ng ulo sa karinderya matapos na masingitan daw sa pila
sa Tagaytay City, yung firing range sa kampo daw ng Cavite Police kung saan may mga umaabot na slug ng bala sa isang subdivision sa hindi kalayuan
yung panibagong surprise inspection na isinagawa ng NCRPO, kung saan may mga nahuli na naman na nakainom at natutulog na pulis habang nasa duty
sa Anilao, sa Iloilo daw, yung mga pulis na naabutan na natutulog sa mismong presinto
sa Cavite, yung 6 na pulis na nahuling natutulog habang naka-duty
sa National Shrine of St. Padre Pio, yung 4 na pulis na nakatalaga sa public assistance center na inalis sa puwesto matapos na maabutan ng opisyales na bagong gising lang at marumi ang lugar na nasasakupan
yung presinto kung saan walang inabutan na naka-duty o nakatao na pulis during inspection
sa Davao City, yung 3 pulis na sinibak DAW dahil nahuli at na-video-han na nag-iinom sa pampublikong lugar
yung nakuhanan rin ng video, yung 2 (yata iyon na) pulis na sinita ng mga kasamahan din nilang pulis dahil sa pag-iinuman
sa Cubao, Quezon City, yung 4 na pulis at iba pa na hinuli dahil sa pagsusugal at pag-iinom sa pampublikong lugar
sa Quezon City, yung 5 sundalo na nahuling nag-iinuman sa kabila ng ipinapatupad na liquor ban
yung palpak pala yung mga police escort nung mga PDEA agent and company na natambangan sa Lanao del Sur
yung mga pulis na iniimbestigahan ang naging response time sa kidnapping case nung Fajardo
ang kahinaan ng seguridad sa kabubukas lang na Boracay
yung kaso ng mistaken identity DAW sa ginawang panghuhuli ng PNP-CIDG sa isang journalist sa airport
yung panibagong reklamo tungkol sa tanim-bala sa Tuguegarao City airport kung saan pamilya ng isang babaeng Mayor ang naging biktima
yung MPD Police na may warrant para sa kasong kidnapping since 2015 daw, na nagpatuloy pa sa serbisyo at ang tagal bago nahainan nung warrant
yung farm ng mga panabong na manok sa Lipa City kung saan may nasabat na Php 60 Million plus na halaga ng shabu, na nasa Bilibid daw yung source at maging yung drug lord
sa Davao City, yung mga atleta ng Palarong Pambansa at coach na nabiktima ng nakawan
yung nagsayang ang Comelec ng pondo para sa marking pens na hindi maganda ang kalidad
yung mga ulat tungkol sa mga pumapalpak na Vote-Counting Machines para sa 2019 election
yung mga nagpalpakang Voter Registration Verification Machines para sa 2019 election
sa Lanao del Sur DAW, yung video na nagpapakita ng mga pre-shaded na balota at additional pre-shading act
yung pagtatanggol ng Comelec dun sa video ng pre-shading, at pagdadahilan na kesyo pagpirma lang daw yung ginagawa nung mga taong nakuhanan ng video
sa Comelec - Bacolod, yung natagpuang mga resibo ng Voter Verified Paper Audit Trail na tila itinapon
yung Senator na nag-generalize na kaagad na kesyo wala daw nangyaring dayaan sa 2019 election, sa kabila ng maraming nagpalpakan at sa kabila ng mga nakunang video evidence
yung hindi pa rin 100% na nababayaran ng gobyerno ang lahat ng mga binilhan nila ng lupa para sa TPLEX project
sa iba't ibang lugar, yung mga construction contractors na hina-hire ng iba't ibang level ng gobyerno, na hindi muna pinag-aaralan kung may masisira bang linya ng patubig o linya ng kuryente sa dadaanan ng project nila bago sila magsimula
yung nasasayang na pondo ng TRAIN dahil sa mga contractors na hindi marunong magplano nang maayos ng kanilang mga dapat gawin
sa Amoranto Street sa Quezon City, yung 22-wheeler truck na lumubog ang mga gulong sa bagong gawa lang daw na kalsada
sa Pakil, Laguna, yung gumuho yung ginagawang extension ng tulay, na blacklisted pa pala yung nagtipid na contractor
yung may nag-collapse na sa hindi pa man natatapos at matagal nang itinatayong mamahalin na Ifugao General Hospital
yung kagustuhan na magdagdag pa ng mga dam kahit na alam na nila ang negatibong naidudulot ng mga yun dahil nga sa na-enhance ng mga simpleng ulan at bagyo
yung planong itayo na dam sa may Sierra Madre, kung saan mas pinapaboran daw yung pautang ng Imperyo na malaki ang patubo kumpara sa proposal ng mga Japanese na mas mababa ang interes
yung planong paglilinis ng Manila Bay na sa reclamation rin naman pala hahantong
yung balak daw magsira ng mga historical structures kapalit ng pagtatayo ng mamahalin na Bestfriend Imperial Bridge
yung maanumalya yung Imperial contractor na gagawa sa mga bagong tulay sa NCR, at naka-ban na sa World Bank
yung worth Php 10 Million daw na Stairway to Heaven project ng MMDA na hindi naman pala totoong kailangan dahil may alternative naman palang daanan
yung mga footbridge na nag-i-intersect sa mga kable ng kung anu-ano
yung planong kasuhan ng MMDA yung nag-upload nung video na nag-reveal muli tungkol sa iregular na pagtatayo ng isang footbridge
yung hindi matapos-tapos na road repair sa MacArthur Highway
yung project sa [Name of City] na mga poste na may pangalan ng mga street na madali lang nasira dahil mahuna yung ginamit na metal na materyales
sa [Name of City], yung pupuwersahin ka ng nasa kapangyarihan para gamitin yung venue na ipinatayo ng pamunuan nila, tapos biglang maniningil ng bayad
yung marami pa ring lugar sa NCR ang binabaha kahit na hindi pa naman ga-bagyo ang lakas ng ulan
yung sabwatan daw ng 14 na tao ng National Center for Mental Health, kung saan nasa Php 60 Million worth yung niluto nilang kontrata para sa pagpapatayo ng isang depektibong pavilion
yung binahang footbridge sa Calamba City
sa Marikina City, yung project ng isang Representative na pagpapa-tiles ng mga eskinita, na nagdudulot na ng disgrasya sa maraming mga residente
sa Cebu City, yung dating Mayor na sobra-sobra ang ginawang pagsisira sa babakantehin niyang opisina
sa DFA, yung natangay daw ng dating contractor yung mga data ng mga passport holders
yung data leak sa freedom of information request website ng gobyerno
yung mga katiwalian daw sa APO printing ng gobyerno na may kinalaman sa travel at sa sistema na rin sa printing
sa Mabini, Batangas, yung pabrika ng semento na 3 taon na DAW paso ang permit pero nag-o-operate pa rin
yung ginagamit ng mga political clans and alliance ang Party List system para mas makakuha ng mas maraming kapangyarihan
yung Representative na hindi sumunod sa security procedure sa NAIA
yung babaeng Representative na inirereklamo dahil DAW sa pagpapasagawa ng Gluta-drip session sa mismong opisina niya
yung Senator na umamin na tumatanggap siya noon ng regalo sa dati niyang trabaho bilang pulis
yung pati naman mga bagay na hindi na dapat pinakikialaman pa dahil sa historical value eh talagang gusto pang pag-aksayahan ng panahon para lang masabi na nagtatrabaho sila
yung gustong sirain ng Bureau of Customs yung nasa Php 12,000,000 worth daw ng smuggled na mga sibuyas na nasabat nila sa halip na mapakinabangan ng mga mamamayan
yung nasa Php 120 Million daw na halaga ng nasabat na smuggled na bigas na nasa poder na ng BOC sa Zamboanga, pero talagang nawala pa
yung tila protektadong-protektado yung isyu tungkol sa mga magnetic lifters
yung pagtataas ng rate ng documentary stamp tax sa kuhanan ng foreign remittance
yung mas nagmahalan pa ang presyo ng mga bigas sa lugar namin noong ipinatupad na yung panibagong naming system, kahit na kaparehas lang naman sa dati ang mga klase ng bigas na ibinibenta
yung madadamay pala sa pagtataas ang presyo ng mga karneng de lata sa oras na ipatupad na ang rice tariffication bill
yung naging masamang epekto ng Rice Tariffication Law, yung nawalan ng totoong murang bigas sa merkado, samantalang mas nagmura pa ang presyo ng inaani ng mga lokal na magsasaka
yung may shortage na rin daw sa supply ng siling labuyo
sa Laguna, yung tone-toneladang mga kamatis na nasayang lang dahil hindi maibenta
sa Albay, yung oversupply ng sitaw sa kabila ng kakulangan ng supply sa ibang mga rehiyon
sa Candaba, Pampanga, yung oversupply ng Melon
sa Benguet, yung naging oversupply ng mga gulay
yung oversupply ng talong sa Nueva Ecija
yung naging oversupply ng mangga sa Rosario, Batangas, noong May 2019
yung mag-i-isang buwan na daw na oversupply ng pinya sa Calauan, Laguna
yung hindi rin naman napababa ang presyuhan ng kamatis sa kabila ng labis-labis na supply nito dahil sa manipulasyon ng ibang supplier
yung mas pinagbabawalan na ang mga magsasaka na magbilad ng kanilang naaning mga palay sa kalsada, samantalang wala pa namang konkretong plano na nagagawa ang pamunuan para makapag-provide ng accessible na facility para matulungan sila
yung reklamo na ipinarating sa Ombudsman, yung ipinambayad pala ng NFA sa utang yung pondo na nakalaan para sa pagbili ng bigas mula sa mga lokal na magsasaka
yung magreresultang unemployment dahil sa magiging pagbabago ng function ng NFA
yung bawal pala ang paggamit ng synthetic acetic acid sa produksyon ng suka sa loob ng bansa, pero ayaw pang pangalanan kung alin-alin bang mga brand ang lumalabag dun sa patakaran na iyon
yung kawalan ng common sense ng security guard ng BIR sa Calbayog City na hindi pinapasok ang isang PWD na babaeng walang mga binti dahil sa hindi nito pagsunod sa dress code
yung walang sumasagot sa mga tawag sa isang opisina ng SSS kahit na office hours pa naman
yung hindi pagsunod ng mga empleyado ng SSS sa [Name of City] sa patakaran tungkol sa kung ilan ang valid IDs na pwede nilang tanggapin
yung hindi pagtanggap ng mga empleyado ng SSS sa [Name of City] ng latest na format ng form na downloadable naman sa kanilang official website
yung kagustuhan ng SSS na damay-damay ang mga miyembro sa pagsalo ng mga magiging dagdag na gastusin dulot ng pagpapalawig sa Maternity Leave and Benefits
ang kagustuhan ng SSS na gawin ng 15% ang porsyento nila sa kita ng mga tao para daw masalo ang kakulangan sa pondo ng ahensya nila
yung puwersahang paghuhulugin ng SSS ang mga OFW ng 100% ng amount na proportional sa monthly na kita nila
yung gusto ng SSS na obligahin na maging members ang mga OFW, at gusto pang gawing requirement yung paghuhulog ng contribution bago sila makaalis ng bansa
yung nasa maalin sa more than Php 10 Billion o 400 Billion pa pala ang mga hindi nasisingil na obligasyon ng SSS
yung gustong taasan ng PhilHealth ang contribution ng mga members para lang masalo ang Universal Health Care Bill, 50% na pagtataas ang gusto nila para sa pinakamababang rate ng contribution
yung may mafia daw sa loob mismo ng PhilHealth
yung matagal nang ini-recommend ng COA na milyun-milyong disallowances laban sa PhilHealth na sinubukan pang kontrahin nung institusyon
yung panay pro-health ang mga panukala sa kabila ng kakulangan sa pondo, at sa kabila ng patuloy na pagkasira ng kalikasan dahil sa dami na ng mga tao
sa Batangas, yung nasilip ng COA na nasa Php 295 Million worth ng mga expired at malapit nang ma-expire na mga gamot at medical supplies na nakaimbak lang sa warehouse ng DOH
yung wala na daw paraan ang DOH paraan ma-monitor ulit ang lahat ng mga naturukan noon ng Dengvaxia
yung nasita ng COA na nasa Php 250 Million plus worth ng mga mali-maling public school textbooks na binili ng DepEd
yung panukala ng iba tungkol sa Death Penalty kung saan bibitayin na nga yung tao eh pagmumultahin pa ito
yung panukala para pahabain ang termino ng mga local officials, samantalang may konsepto naman ng re-election
yung bumaba ang kita ng PCSO matapos na ipatupad yung documentary stamp tax
yung sinasabi ng nasibak na General Manager ng PCSO tungkol sa mga taong gustong manipulahin ang sistema nila
yung kagustuhan na makuha ang market ng mga mananaya ng jueteng sa pamamagitan ng legal na version, tapos nagrereklamo kapag inaabuso yung pasugal
yung maging mga katabi daw na non-PCSO-related na mga negosyo ng parehong may-ari ng outlet na partner ng PCSO eh idinadamay na sa pagpapasara
yung patataasin rin ng pinahintulutang taas-singil ng mga supplier ng tubig sa NCR area ang VAT na kailangang bayaran ng mga consumers
yung pagpapagamit ng Marawi Fund para sa pilgrimage sa Mecca
yung babaeng mastermind daw sa ibang kaso, na c-in-laim kaagad nila na may kinalaman daw sa mga rebelde, tapos eh binawi rin yung paratang, kesyo wala daw pala silang sapat na ebidensya
yung mga pulis na nagpapaapekto sa isang fictional na TV program sa kabila ng pagkakaroon naman talaga ng katiwalian sa totoong buhay
yung naging pagkilos ng PNP at DILG laban sa isang TV program
yung planong bumuo ng Death Squad laban DAW sa mga rebelde
yung panawagan na huwag magbigay ng suporta sa mga rebelde, samantalang hindi naman lubos na maprotektahan ang mga investment ng mga negosyante
yung panay ang benefits para sa mga armadong tauhan, samantalang kulang pa sa benepisyo yung mga walang armas
yung dagsa kaagad sa Senado yung mga tuta at bobong mga pulis na sabik na mang-aresto ng Senador kahit na wala namang warrant
yung tumanggap na nga ng panibagong criminal witness para sa isinampang kaso ng sedition
yung profiling na ginagawa ng mga pulis sa mga miyembro ng ACT
yung hindi tugma-tugma ang statements patungkol sa bombing sa Mindanao
yung may pruweba naman na posible ngang may nagmamasid sa bahay ng isang Senador, pero kini-claim na kaagad ng mga nasa itaas na kesyo paranoid lang yung tao kahit na wala naman silang ginagawang imbestigasyon
yung namamanipula ang mga records o documents sa mga base
yung napatunayan na peke lang ang ibang bintang laban sa Senador na dating nasangkot sa mutiny
yung parang wala namang silbi ang mga desisyon sa mababang level na nagpapatupad ng hustisya, dahil hindi naman final ang desisyon hangga't hindi yun umaabot sa tuktok, pero ayaw naman nilang buwagin yung mga level sa ibaba kahit na ganun na nga yung setup
yung applicable yung seniority rule kahit na para sa mga taong gumagawa ng mali at hindi patas
yung inabsuwelto na ng Supreme Court ang asawa ng Diktador, sa kabila ng presence ng nakaw na yaman
yung pwede palang magpiyansa kapag ang nahatulan mong kaso ay kaugnay ng panggagago sa buong bayan
yung pwede daw ipang-bid sa mga nakaw na gamit ang nakaw na pera
yung parang lumalabas sa naging desisyon ng korte na may mga opisyales na hindi namo-monitor kung saan napupunta yung malalaking budget na dumadaan sa kanila
yung pati NGO Queen eh magkakaroon rin ng pagkakataon na ipa-dismiss yung kaso niya matapos yung mga nabunyag na noon at sa kabila ng mga yaman na ebidensya
yung bagong batas na magagamit ng mga halal na opisyales para protektahan ang mga SALN nila
yung nasa bilyong piso na tinatawag na Congressional insertions na napunta sa teritoryo ng head Representative
yung hindi pala tinanggap bilang mga ebidensya iyong findings ng Anti-Money Laundering Council na nasa Php 80 Million plus daw na pinaikot na pera ng mga suspek within just 30 days
yung tila daw may pinaboran na contractor at area ang Budget Secretary
yung Motor Vehicle Users’ Charge na ipinapaipit pala ng palasyo sa Budget Secretary
yung nasa bilyong piso na tinatawag na Congressional insertions na napunta sa teritoryo ng head Representative
yung nasa bilyong piso rin na budget allotment para sa iba pang mga Representatives
yung matagal na tinulugan yung franchise renewal ng isang TV network dahil sa kapritso ng isang pinuno
yung ginagamit na dahilan ang mga importanteng budget para lang mapilitang aprubahan na rin ang mga kuwestiyonableng budget
yung hostage rin pala ang budget sa pagho-host ng SEA Games 2019 sa paglalabas nung budget na may mga kuwestiyonableng realignments
yung inamin ng pinuno na ang Solicitor General ang trumabaho sa kaso ng Senador na dating nasangkot sa mutiny, pero iisang tao lang ang kanilang pinuntirya
yung may kinalaman ang opisina ng Solicitor General sa pagwi-witness nung kriminal na video actor
yung hindi naman hinahabol ng Solicitor General yung mga sundalo at miyembro ng Philippine Constabulary na umabuso sa panahon ng Martial Law
yung premature campaigning na gumagamit ng term na "gusto namin ang boses mo sa ....."
yung pagpapakalat ng mukha at pangalan sa Liga ng mga Barangay
yung Representative na nagbanta na hindi magri-release ng PRC license sa mga hindi nakakakilala sa kaibigan niyang premature campaigner
yung 2 nasa katungkulan na pinagtatakpan ang medical condition ng pinuno ng bansa, tapos saka nila sasabihin na hindi nila alam ang totoong nangyari kapag lumabas na ang totoo
yung hindi na alam ng Spokesperson ang pinaggagagawa ng pinaglilingkuran niya at may mga pagkakataon na mali-mali na ang kanyang mga pinagsasasabi sa publiko
yung pinagtakpan na naman yung istorya ng pinuno ng bayan tungkol sa sexual abuse laban sa kanilang kasambahay, na kesyo gawa-gawa lang daw iyon
yung mga opisyales na nagke-claim na nagawa daw ng pamahalaan nila na mapababa ang presyo ng bigas at ng mga pangunahing bilihin, kahit na ang totoo ay matataas pa rin ang presyo ng maraming bilihin
yung opisyales na nag-generalize na may ipon naman daw yung mga naapektuhan ng pagsasara ng mga negosyo at trabaho na related sa PCSO
yung presidential appointee sa board para sa mga State University, na pabirong nag-uudyok ng karahasan sa social media regarding collegiate basketball
yung kaalyado ng mga nasa posisyon na, pero ang plataporma kuno para sa panahon ng kampanyahan ay salungat sa mga patakaran na ipinatutupad na ng kanilang alyansa
yung opisyales na bastos na kinukuwestiyon kung bakit niya kailangang sumunod sa tamang procedure
yung miyembro ng Dictator's Youth na nakakuha ng posisyon, na ginagamit ngayon ang kapangyarihan para i-suppress naman ang mga aktibistang kabataan
yung miyembro ng Dictator's Youth na gustong tanggalan na ng scholarship ang mga estudyante na magpapahayag ng pagtutol sa pamamalakad ng pamunuan
yung miyembro ng Dictator's Youth na nagpa-meeting pa sa dati niyang nahawakan na posisyon kahit na nag-resign na siya
yung miyembro ng Dictator's Youth na kuwestiyonable ang edad at ang ginawang substitution para i-represent ang grupo nila
yung tutol sila sa mga patakaran laban sa pagmumura sa mga piling lugar puwerket hilig gawin iyon ng pinuno ng bansa
yung may kalayaan yung isang government official na mag-post sa kanyang fake blog kahit na during office hours
yung binastos na rin ng isang government official at ng kanyang kaibigan ang mga PWD para lang i-promote ang gusto nilang anyo ng pamahalaan
yung ang balak na i-represent na partido ay sangkot sa anumalya ng NGO Queen
yung pinuri pa ng gobyerno yung university na nagkulang sa pagha-handle sa kaso ng bullying
yung istorya mula sa miyembro ng dating gobyerno, na bagsak ang ekonomiya at ibinaon ng Dictator Clan sa mga utang ang bayan, at pinuwersa ang pumalit na pamahalaan para bayaran yung mga utang
yung opisyal ng lokal na pamahalaan na pabor sa pagsisinungaling tungkol sa school credentials
yung opisyal ng lokal na pamahalaan na kapag kaso ng mga kakampi niya ang pinag-uusapan eh kesyo korte lang daw ang makakapaghatol dun, pero kapag kaso ng mga hindi kakampi ang pinag-uusapan eh kaagad siyang nanghuhusga
yung local official na gusto nang i-exempt ang Davao City sa Martial Law
yung bagong halal na pinuno na iniisip na giyera lang ang kagustuhan ng mga mamamayan na tumututol sa pamimigay ng bayan sa Imperyo
yung pinagbabawalan na ang mga mangingisda na magpasakay ng media papunta sa pinag-aagawang teritoryo
yung opisyal na sinabihan ng mapanlait na pananalita ang kapwa niya opisyales para lang ipagtanggol ang Imperyo, kahit na may ginamit namang reference yung isa
yung mga opisyal ng mga ahensya na hindi naman directly related dun sa isyu yung pinapapunta dun sa mga nabanggang mangingisda
yung mga opisyales ng gobyerno na naggigiit na normal lang na pangyayari ang hit-and-run sa gitna ng dagat
yung maliliit lang yung bangkang ipinamigay kapalit ng nabanggang bangka para hindi na makabalik ang mga probinsyano sa pinag-aagawang teritoryo
yung pagsasayang ng pera sa pagbili ng mga makabagong barko, eh wala naman palang balak na dumepensa laban sa mga mananakop
yung bawal daw magtrabaho bilang construction workers ang mga foreign workers, pero may mga nahuli na may special permit
yung binigyan pala ng DENR ng Environmental Compliance Certificate noong 2018 yung Imperial vessel na gusto ngayong manguha ng buhangin sa Lobo, Batangas
sa Lobo, Batangas, yung Imperial vessel na gustong manguha ng buhangin at ayaw nang umalis
yung natural resources pala ng bayan ang ipinangakong pambayad kung sakaling hindi mababayaran ng pera yung mga inutang sa Imperyo
ang pagdami ng mga negosyanteng Imperyalista at iba pang banyaga sa Boracay
yung pakikipag-agawan din daw ng mga mamamayan ng Imperyo ng space para sa palaisdaan sa Taal Lake
yung paulit-ulit na pagkukunwari ng gobyerno na kesyo may mga ginagawa silang aksyon para maprotektahan kuno ang inaagaw na teritoryo
ang pagkukunwari ng gobyerno at ng Imperyo na kesyo hindi nila alam ang tungkol sa walang-habas na pangunguha ng mga Giant Clams sa pinag-aagawang teritoryo
sa Las PiƱas City, yung Imperial food plaza na nakitaan ng napakaraming violations kabilang na ang paggamit ng resibo na may foreign characters na hindi daw rehistrado sa BIR
sa Bulacan, yung factory ng pekeng sigarilyo ng mga taga-Imperyo, bukod pa yung kaso nila ng pagmaltrato sa mga local workers
yung depensa ng mga Imperyalista, na kesyo ordinaryo lang para sa kanila yung mga kaso ng hit-and-run sa gitna ng dagat
yung mga offshore gaming establishments na malapit sa mga base ng mga armadong empleyado
at may kaso na iba-iba ang kategorya:
sa Bacoor, Cavite, yung itiniwalag na pari na nahuli na gumagamit ng ilegal na droga for research daw
yung nauuso na naman yung mga pari na nasasangkot sa mga kaso regarding sexual abuse
yung nahuli ng Cubao PNP, yung Pastor na naaktuhang nagbebenta ng ilegal na droga
yung pagkauso lately ng mga death threat laban sa mga taong simbahan
yung naipapasa ng mga iresponsableng nakatatandang mga pet owners yung mali nilang pamamaraan ng pag-aalaga sa mga domesticated pets sa kanilang mga anak
yung mga taong ang kakapal ng mukha na magsabi ng "i feel you" patungkol sa krisis na hinaharap ngayon ng bayan, pero patuloy naman ang pagsuporta sa mga palpak at tiwaling mga pinuno
yung pagiging bias ng maraming tao sa pagsagot sa mga survey lalo na yung mga taga-Southern Island
yung hindi rin tugma ang survey tungkol sa pagsuporta sa pinuno at pagtutol sa pananakop ng Imperyo
yung negatibong epekto ng mga survey, kung saan ilang daan lang naman ang tinatanong, sa desisyon ng maraming mga mamamayan
yung hindi tugma sa kasalukuyang lagay ng ekonomiya yung sagot DAW ng mga tao sa survey tungkol sa kahirapan
yung mga taong nagpapasalamat pa sa mga promotor, na kesyo hindi muna paaandarin ang kasunod na train, na para bang nasolusyunan yung problema na sila rin naman ang gumawa
yung tuwang-tuwa yung mga hindi nag-aambag dahil sa Universal Health Care Bill
yung adjustment na ginagawa ng mga ospital sa bill na ipapasa sa PhilHealth
yung dialysis center na kumukubra sa PhilHealth kahit na patay na yung mga pasyente
yung mga espesyalistang propesyonal na hindi nagbibigay ng resibo
yung mga iresponsableng mamamayan na nakakasira o naninira kaagad ng mga mamahalin na goverment projects
yung kung sino pa ang mga nililimusan ng gobyerno, eh sila pa talaga yung mas mapanira sa kalikasan, particularly yung mga tumitira malapit sa mga anyong tubig
yung mga mamamayan na panay pagkita lang ng pera ang iniisip, pero ayaw namang sumunod sa tamang sistema
yung gustong gawin na Php 10 ang minimum na pamasahe sa jeep, at hindi na pasok dito yung kapritsosong modernization plan
yung gusto nang paabutin ng ibang transport group sa Php 12 ang minimum na pamasahe sa jeep
yung mga tusong transport group na mas gusto ang taas-pasahe kesa sa cancellation ng excise tax at VAT, dahil alam nila na mas malaki yung makukuha nila sa per passenger na taas-pasahe kumpara sa per litro na bawas-gastos
yung mga masasamang jeepney driver na Php 9.00 ang iginiit na 20%-discounted rate na pamasahe, samantalang Php 8.00 lang dapat iyon
yung sistema ng pagbebenta ng gasul sa tindahan, kung saan nagagawa pa pala nilang magpatong ng additional na Php 50 sa rate kung saan may tubo na sila
yung ginawang pag-atake ng mga netizens sa ipinakalat na maling address nung Prestigious Bully
yung ina-assume na kaagad ng mga mamamayan na maraming mapaparusahan na mga kabataan kapag naibaba na ang age for criminal liability
yung mga mamamayan na inaakala na kapag nagpalabas ka ng uri ng krimen sa TV, eh ibig sabihin na ipino-promote mo na yung paggawa ng ganung klase ng krimen
yung mga batang sinasadyang makipagpatintero sa mga dumadaang sasakyan sa lansangan
yung maging mga batang kababaihan sa panahon ngayon eh nanggugulpi na rin sa kalye habang kumukuha pa ng video ng karahasan nila
sa General Trias, Cavite, yung Grade 9 na babaeng estudyante na kinuyog ng mga kapwa niya estudyante dahil lang daw na-insecure ang mga ito dun sa biktima
yung may gang war na rin sa [Name of City], malapit pa sa mismong munisipyo
sa Quezon City, yung babaeng hinoldap at hinipuan pa daw ng 2 menor de edad na lalaki na armado ng patalim
sa Caloocan, yung tila tino-tolerate na ng maraming tao ang patayan, at talagang may mga tao pa na nagchi-cheer para mangyari ito
yung maging mga sanggol na lalaki sa panahon ngayon eh nagiging biktima na rin ng rape-slay ng kapwa lalaki
yung kompanya ng Fake News na na-ban na sa kilalang social media platform
yung tila statistical defense na ginagamit ng ibang mga tao para bigyan ng katuwiran ang nangyayari ngayon sa ekonomiya ng bayan, sa kabila nang presensya ng mga totoong ebidensya
yung maraming mamamayan na nagse-celebrate sa mga pampublikong parke, pero nag-iiwan naman ng napakaraming nakakalat lang na mga basura
yung negative impact ng Climate Change sa agrikultura ng buong bansa
yung endangered na pala ang species ng Tawilis, pero mababa pa rin ang pagpapahalaga sa mga ito ng mga mamamayan ng bansa
yung pakikipag-agawan ng maraming non-mass transport vehicle sa supply ng limitadong petroleum products
yung isyu ng sexual harassment sa Miss Earth pageant
yung may mga nag-claim kaagad na nakakamatay daw ang Dengvaxia mismo, dahilan kung bakit marami tuloy mamamayan ang natakot na sa lahat ng klase ng mga vaccine
yung pinakamataas daw ang bilang ng mga insidente ng rape sa Safest City
yung parati na lang kini-claim ng pamahalaan na kesyo nahahaluan ng mga rebelde ang mga protesta laban sa palpak na pamumuno nila
yung pagiging balimbing ni MRT Man, na kaalyado na ngayon ng kaalyado ng mga dating magnanakaw at abusado sa katungkulan
yung inilaglag na kaagad ni MRT Man ang mahalay na halik ng kanyang dating amo nang mawala na siya sa katungkulan
yung maraming mga kandidato o campaign team nila ang pasaway sa pangangampanya
sa Quezon City, yung pamimigay ng isang TV host ng pera sa kampanya ng ilang kandidato
sa Makati, yung bangayan ng mga Binay sa forum sa isang simbahan
yung kandidato na ginawang katatawanan ang nakaraan ng isang babaeng celebrity
yung mga kandidato na may plataporma kuno na tutol sa korupsyon, pero may mga kagrupo naman na mga magnanakaw
yung mga kandidato na may plataporma na laban kuno sa masamang bisyo, pero may mga kagrupo na nauugnay sa masamang bisyo
yung may mga artista na gumagamit ng pangalan nila para sa demolisyon, para sa kapakanan ng kaalyado nila sa pulitika
yung artista na iniisip na giyera lang ang paraan para maprotektahan ang mga inaagaw na teritoryo ng bansa
yung artista na nagsabi na walang "MALI" na boto, kahit na alam niyang may mga kriminal sa mga pagpipilian
yung singer na marumi kung mag-isip, na pro- sa muling pagbusal sa media
yung mga hacker ng private content para sa layunin ng character demolition
yung basta-basta na lang nagpapakalat ng hindi verified na listahan ang anak ng pinuno ng bansa sa social media
yung mga pinuno na nag-e-endorse ng mga bistadong kriminal
yung religious group na nag-e-endorse ng mga kriminal
yung isa pang religious group na puros mga kriminal rin ang ini-endorse
sa isa sa mga venue para sa overseas absentee voting, yung may nagpakalat ng campaign materials
sa Cavite, yung mga supporters na nahuli dahil daw sa pamimili ng boto
yung report ng PCIJ tungkol sa paglobo ng yaman ng mga practitioner ng nepotismo
yung may bagong version na naman ng Dictator's Law history yung balimbing na tuta ng dating Diktador
yung sinasamantala ng Dictator Clan ang kakulangan sa recording technology at ang kawalan ng mga record noong panahon ng paghahari nila para palabasin na gawa-gawa lang ang mga pang-aabuso sa panahon ng Dictator's Law
yung kandidato na siniraan ang mga survey, pero ni hindi naman factual yung istorya
yung may nagpapauso na rin ng parang suicide bombing sa Sulu
yung mang-aagaw na nga ng mga teritoryo ang Bestfriend Empire, tapos eh mang-aagaw pa ng mga trabaho yung mga mamamayan nila
yung sinisilip dito sa bansa ang pagkakaroon ng maraming mga taga-Bestfriend Empire na ilegal na nagtatrabaho, samantalang ang dami na ng mga Filipino na bumastos sa patakaran ng iba't ibang mga bansa nang dahil din sa paghahabol sa hanapbuhay
yung mga ekonomista na takot na takot mawalan ng koneksyon sa Imperyo
ang lantarang paninigarilyo ng mga mamamayan ng Imperyo sa mga NO SMOKING area sa kanilang probinsiya
yung ang mga Mainlanders ang nangunguna sa paglabag sa mga patakaran sa rehabilitated na Boracay
yung mamamayan ng Mainland na tinapunan ng taho yung isang pulis na nagpapatupad ng anti-terrorism procedure sa pampublikong mass transport system dito sa bansa
sa Makati City, yung 2 Mainland citizens na nagpapatakbo daw ng prostitution den gamit ang mga probinsyana, kung saan 11 ay mga menor de edad
sa Cebu City, yung mga Imperial citizens na nagbubugaw ng mga kapwa nila na 34 na babaeng Imperial citizens sa isa daw KTV bar
yung mga offshore online casino ng mga Imperyalista na posible daw na hindi nagbabayad ng kaukulang buwis para sa kita at para sa pasuweldo sa mga empleyado
yung naangkin na rin ng Imperyo ang Banaue Rice Terraces ayon sa travel guide
yung vacation bullying ng Imperyo gamit ang autonomous territory nila
yung hindi pagtulong ng mga Imperyalista DAW sa mga probinsyanong mangingisda matapos nilang mabangga daw at mapalubog ang bangka ng mga ito
yung mga insidente laban sa Vietnam na nagpapakita na ugali na talaga ng mga taga-Imperyo na mang-hit-and-run sa gitna ng dagat
yung papalapit na nang papalapit sa mga teritoryo ng bayan yung lugar na pinangingisdaan ng kung anu-anong lahi ayon sa satellite images
yung pagpapatay ng mga Imperial warships ng kanilang Automatic Identification Systems (AIS) habang nagbabiyahe sa loob ng teritoryo ng bayan
-----o0o-----
August 11, 2019...
[Natural Calamities]
sobrang dami na ng mga holiday sa bayan..
bukod pa yung kawalan ng pasok sa mga eskwelahan sa maraming areas sa tuwing umuulan, dulot na rin ng pag-abuso sa kalikasan..
ultimo sa mga lugar na hindi naman bahain eh naiinggit na yung mga magulang, at ang gusto eh automatic na walang pasok kapag umuulan... :(
siguro panahon na para hindi na gawing walang pasok yung ibang okasyon - yung mga makabuluhan na araw..
sa halip na gawin iyon na bakasyon para sa mga estudyante, eh siguro eh dapat mas ituro pa sa kanila yung kabuluhan ng mga araw na iyon..
tutal eh maraming mga kabataan ang hindi na naiintindihan ang kahalagahan ng history...
siguro magsagawa sila ng mga pagsasadula sa mga school..
o ng libreng film showing..
sa halip na iparating sa mga estudyante na ang kahulugan lang ng mga araw na iyon eh pagre-relax...
is feeling , sa totoo lang...
>
sa BIR sa Calbayog City..
yung security guard na hindi pinapasok ang isang babaeng PWD na putol ang mga binti..
kesyo labag daw sa dress code nung ahensya yung pagsusuot nung babae ng shorts..
ni hindi nga trabaho ng security guard na magdesisyon tungkol sa ganung usapin eh..
and to think na isa nga sa priority dapat parati ng mga opisina ng gobyerno ang mga PWD... :(
kahit hindi na sensitivity eh..
kahit common sense na lang sana ang paganahin..
anong gusto nila, magpantalon yung tao..?
o mag-miniskirt para hindi sayad sa lupa...??
para ring ganito yung nangyari noong panahon ng pilian eh..
may record na yung iba..
pero marami ang hindi kayang gumamit ng common sense... :(
is feeling , pati ba naman common sense eh kailangan pang pag-aralan sa bayan na 'to...??
---o0o---
August 12, 2019...
yung sinabi ng santo na okay lang daw na tumanggap ang mga awtoridad ng reward kapalit ng maganda nilang trabaho, kung kusang loob ito na ibinibigay sa kanila...
naalala ko tuloy yung kaso noon nung babaeng binastos ng isang dayuhan..
kung saan kinumbinsi ng mga awtoridad yung biktima na makipag-areglo na lang..
pero humihingi sila ng share sa sisingilin nilang danyos... :(
ang problema kasi ay kung ganito ang magiging sistema, eh sino ang magde-decide kung reward nga ba o hindi ang natatanggap na pera ng mga awtoridad..?
base sa example na ibinigay ko sa itaas, eh sino ang magde-decide kung kusang loob ba na ibinigay yung pabuya o kung hiningi ito..?
paano rin made-determine kung ang ibinigay ba ay reward, o protection money, o suhol (ibinigay), o kotong (hiningi)...??
hindi pa ba sapat ang mga libreng pabahay at iba pang benefits...??
totoo naman na may mga sitwasyon na mahirap tanggihan ang mga regalo..
lalo na kung sa form ng mga pagkain..
kahit ako eh may kakilala na madalas na binibigyan ng mga pagkain ng mga nasasakupan niyang areas..
at ipinagpipilitan iyon ng mga mamamayan...
pero sa tingin ko ay ang purpose ng lumang batas ay para maiwasan ang sistema ng impluwensiya..
para ma-negate ang konsepto ng utang na loob..
para mapanatili ang mentalidad sa pagtatrabaho na walang hinihintay na extra na kapalit (bukod sa sahod at benefits)..
at para maiwasan ang sistema ng pag-abuso...
is feeling , nakasulat na kasi, pero gusto pang baliin...
> [Pets / Pests]
wala na talagang pag-asa 'tong nangungupahan sa malapit sa amin...
ultimo yung bata sa kanila eh hindi naturuan nang husto tungkol sa pag-aalaga ng mga hayop eh..
ayun at mismong sa may gate namin pinatae kanina yung hila-hila niyang tuta...
hindi ko na nasaway..
eh kasi natapakan na niya yung tae noong nakita ko sila..
inisip ko naman kung pagsasabihan ko..
kaso ang mga bata sa panahon ngayon, eh sila parati yung nagmumukhang biktima kapag nagsumbong na sila sa kanilang mga basurang magulang...
hay..
protektado na nga ng batas yung aso..
tapos mas malakas pa yung batas na nagpoprotekta sa mga bata...
is feeling , aasa na lang ako na mababangga kayo ng mga sasakyan...
---o0o---
August 13, 2019...
yung NBI Intelligence Officer na sinubukang aregluhin yung kaso ng kanyang tiyuhin na may kinalaman sa ilegal na droga...
naalala ko tuloy yung ginawa noon nung VIP na artista..
yung ipinagtanggol kaagad ang lahat ng artistang nagbibisyo..
akala mo naman eh kasama niya nang 24/7 lahat ng mga artista na nagbibisyo para masabi niya na hindi abusadong users at hindi pushers ang mga pinagtakpan niya... :(
is feeling , mga protektor...
>
yung inamin ni Jonin Kalbo na tumatanggap siya ng mga regalo noon kaugnay ng kanyang trabaho...
tapos dati eh inamin niya rin na gumamit na siya ng ilegal na droga...
is feeling , mga pangunahing ehemplo sa lipunan...
---o0o---
August 14, 2019...
na-curious lang ako...
hindi ba privacy ang primary concern kaya pinaghihiwalay ang mga gumagamit ng public CR..
tama ba yun o mali...?
kung tama iyon, eh ano bang basehan ng paggugrupo..?
genital type, o sexual orientation...?
kasi kung sexual orientation ang magiging basehan..
eh paano yung mga bisexual o multi-sexual..?
hindi ba nalalabag nun yung purpose nung paghihiwa-hiwalay, since posible silang magkaroon ng malisya sa kahit na anong uri...??
is feeling , mag-common CR na lang ulit tayong lahat...
---o0o---
August 15, 2019...
sa totoo lang..
intelligence ng mga tao ang mismong dahilan kung bakit mas nasisira na ang mundo... :(
is feeling , mas marami - mas watak-watak...
>
nasurpresa ako dun sa service charge na yun... :(
base sa pagre-research ko (from time to time) ng mga lugar na pwedeng matuluyan, kasama na ang mga kainan..
eh kapansin-pansin na marami ang talagang automatic na may 10% service charge..
at most of the time eh hidden pa yung value na yun..
meaning, usually eh pumapalo sa 110% yung totoong kailangan na bayaran..
sa kabila ito ng kamamahal ng rate ng accommodations at pagkain, dahil branded yung mga yun nung establishments na nagpo-provide sa kanila...
nakakalungkot lang na ma-realize na all this time eh hindi pala nakalaan para sa mga manggagawa yung 100% nung 10% na iyon... :(
is feeling , mga ganid...
>
yung Murang Kuryente Act..
yung sasagutin ng Malampaya Fund...
napaisip rin ako noong una kung papalakpakan ko na ba yung batas o ano eh...
ayon sa balita, sasagutin na nun yung pagbabayad ng 2 items under ng government revenue: stranded contract costs at stranded debts...
kaso pagtingin ko sa average bill namin sa mga nakaraang buwan ng 2019..
yung bill namin sa kuryente na nasa more or less Php 1,000 ang average..
eh nasa more than Php 9.00 lang yung pinagsamang stranded contract costs at stranded debts noong huling buwan..
halos katumbas lang yun ng one-way na pamasahe sa jeep..
at may mga buwan pa na 0 yung value nung isa sa 2 items na iyon...
so lumalabas na on a monthly basis..
eh talo pa sa itinaas ng pamasahe... :(
is feeling , hindi ba pwedeng Anti-12% VAT Act na lang...??
---o0o---
August 16, 2019...
minsan, hindi rin naman mga sistema ang parating may problema dito sa bayan..
minsan ang ugat ng problema eh yung mga mamamayan na tamad lang talagang magbasa nang buo o nang maayos..
yung tipong nakasulat na yung mga paliwanag..
naka-enumerate pa nga nang maayos eh..
tapos biglang babanatan ng masamang reaksyon, at hihingi ng explanation..
at saka naman mapo-provoke yung iba pa... :(
is feeling , maging pagbabasa eh makakatulong sana para sa kaayusan...
>
yung mga offshore gaming establishments na malapit sa mga base ng mga armadong empleyado...
unang-una, eh sinong mga hinayupak ang nagpahintulot ng bentahan ng lote nang ganun ang positioning...?? :(
anong plano ng mga Imperyalista..?
signal jamming sa panahon ng emergency...??
is feeling , infiltration units...??
>
walang masama sa paglibot ng Imperial Navy sa malapit..
binabantayan lang nila ang teritoryo na sakop ng kanilang probinsya... :(
pero pwera pag-uyam..
eh mukhang nagsusukat na yung mga Imperyalista kung mula saan sila titira ng mga missile..
gaya ng ginagawa nila sa ibang bayan, naghihintay sila na tiranin sila para magkaroon sila ng dahilan upang bumawi at manakop...
is feeling , ngayon ninyo sabihin na hindi kailangan ng racism - laban sa masasama...