Saturday, November 24, 2018

The Emperor & Saint Terante

NOTE: this is not news..
i am not a reporter/journalist nor an influential person..
also, i'm not related to the government in any way..
but there are summary of news featured in this post..
it will require research in order to get the whole story regarding each particular news that is featured in here...

simple lang yan..
kapag nagpaapekto at nag-react ka sa opinyon ng ibang tao - eh BAKA nga may totoo sa mga sinasabi nila...


November 20, 2018...

sa Ang Probinsiyano na nga lang nalalabanan nang husto ang katiwalian..
pero talagang hinaharang pa ng mga anti- sa katotohanan..
anak ng Alang-Bayag naman o'... :(

is feeling , samantalang yung angkan na minsan nang bumaboy sa bayan, eh automatic ang VIP treatment mula sa kanila...??

-----o0o-----


lumampas na sa 500 ang bilang eh, kaya mag-i-start na lang ako ng panibagong listahan ng mga kalokohan..
basta heto yung kadugtong nito:
http://blogngpotassium.blogspot.com/2018/08/just-clan-war.html

update ulit (503 + 126 na)..
medyo in-organize ko rin yung mga kaso..

una (untikan ko nang makalimutan 'to), ang pagtataksil sa interes ng bansa at ng mga (ibang) mamamayan (lalo na yung mga naging biktima), at pagbalewala sa kasaysayan at dangal ng bansa:
  • yung nagluklok ng tao sa isang mahalagang branch, sa kabila ng kawalan ng kakayahan ng tao na iyon na sumunod sa sarili nilang mga patakaran
  • yung nagtuturo ng iba, maging yung hindi nila maidawit dun sa kaso, habang ipinagtatanggol naman yung ibang nalusutan DAW ng supply ng ilegal na droga
  • yung idolo noon si Hitler, pero noong nagpunta sa Israel eh ginamit pa yung alaala ng Holocaust para magkunwari na mabuti sila
  • yung inuna pa ang mga armas kesa sa isipin ang tungkol sa isyu ng kahirapan sa bayan
  • yung gustong bawiin yung amnesty na ibinigay noon sa isang taong lumaban sa tiwaling gobyerno, na ang sinisilip na butas ay yung pinagdaanan na proseso
  • yung umamin siya na meron nga at kasalanan niya ang pagkakaroon ng extrajudicial killings
  • yung nagagawa pa nilang magbakasyon sa ibang bansa sa gitna ng bagsak na ekonomiya ng bayan at sa kabila ng pagtanggi nila na tumulong sa pamamagitan ng pagpapagaan muna sa bagong sistema ng pagbubuwis
  • yung tutol kuno sa political dynasty pero kinukunsinti ang political dynasty ng sariling angkan
  • yung gustong ipaaresto yung witness sa pagpapasok ng mga ilegal na droga sa BOC
  • yung wala namang naparurusahan at papalit-palit lang naman ng katungkulan yung mga pinuno na nadadawit sa mga malalaking kaso ng kapabayaan
  • yung kagustuhan niya na ituring na rin siyang isang santo
  • yung mula sa lahi ng mga Bestfriend na suspected bilang drug-related personality, na itinanggi na may koneksyon sa pamahalaan, pero napatunayan na may papel nga sa pamahalaan
  • yung sobrang dali siyang makumbinsi pagdating sa ibang intel kuno at mga listahan, pero in denial pa noong una sa isyu ng magnetic lifters
  • yung balak pala tayong ipahamak dahil sa pangungutang niya sa Bestfriend Empire na malaki kung magpatubo kumpara sa ibang mga nasyon

are yung ang involved o semi-involved eh mga identified talaga bilang awtoridad o tauhan ng pamunuan:
  • yung 3 PNPA cadets na inirereklamo dahil sa sexual harassment laban sa 2 lower classmen sa loob mismo ng academy nila
  • yung pulis na inirereklamo ng panggagahasa laban sa isang 15 y/o na dalagita kapalit ng paglilinis sa pangalan ng ama nito na idinadawit naman sa ilegal na droga
  • yung 2 pulis Novaliches na inirereklamo ng dahil daw sa panggagahasa sa isang babaeng nahuli ng dahil sa pagsusugal sa loob ng police mobile
  • yung mga police escort na namalo ng side mirror ng isang taxi habang naka-off-duty at nag-e-escort sa isang private individual
  • sa isang kampo sa Tagaytay, yung nakunan ng video na pamamalo ng isang Superintendent sa mga junior police gamit ang isang baseball bat
  • sa Moriones, Tondo, Manila, yung mga pulis na inirereklamo ng pananakit sa mga hinuli nila at paggalaw sa mga CCTV camera
  • sa Navotas, yung pulis at ang kasama niyang naka-AWOL na pulis, na inireklamo dahil sa pananakit
  • sa Santa Cruz, Manila, yung nagtatagong Kapitan at ang mga Kagawad niya na nanggulpi sa isang binatilyo kesyo hindi daw siya nakilala bilang kapitan nung biktima
  • sa Quezon City, yung dating Barangay Tanod at isang naka-AWOL na pulis na nahuli sa magkahiwalay na anti-illegal drugs operation
  • sa Bacoor, Cavite, yung number 1 na SK Kagawad na nakunan ng video at hinuli dahil sa pagbebenta ng ilegal na droga
  • sa Dasmariñas, Cavite, yung Barangay Chairman na nahuli na gumagamit at nagbebenta ng ilegal na droga, at nahulihan din ng hindi lisensyadong baril
  • sa Naic, Cavite, yung dating pulis at ang karelasyon niya na active jail guard na nahuli sa buy-bust operation
  • sa Parañaque City, yung nahuling dating army officer na dawit sa kaso ng milyon daw na halaga ng ilegal na droga na naipasok sa parking lot ng isang mall
  • sa isang bar sa Taguig, yung pulis na naki-Halloween party habang naka-full alert ang kapulisan, na nahuli pa na gumagamit ng cocaine
  • yung 4 na pulis ang suspek ng PDEA, na posible daw na nakipagsabwatan para maipuslit yung nawawalang nasa Php 6.8 Billion na ilegal na droga na isinilid sa mga magnetic lifters
  • sa Fairview, Quezon City, yung 10 na naaresto sa buy-bust operation, na dating Quezon City police ang itinuro bilang source nila
  • sa Balete, Batangas, yung dating Konsehal ng bayan ng Balete na nahulihan ng hindi lisensyadong baril
  • sa Mabini, Batangas, yung Barangay Chairman na inaresto dahil sa pagtatago ng hindi lisensyadong M16 at mga bala
  • yung dating kaso sa Cebu, yung lumabas sa imbestigasyon ng NBI na baril nga ng pulis yung nakatama dun sa bata na nadamay lang sa anti-illegal drugs operation
  • sa Pangasinan, yung 17 y/o na binatilyo na player ng DOTA na sasali lang daw sa tournament sa Baguio na napatay DAW ng mga pulis sa engkwentro
  • sa Bocaue, Bulacan, yung babaeng teacher na pinatay sa pamamaril ng karelasyon niya na sundalo na nagbaril din sa sarili matapos yung krimen
  • sa Bocaue, Bulacan, yung hepe ng mga pulis na hinuli dahil sa pangingikil daw at sa paggamit ng mga sasakyan ng mga nahuhuli nilang mga drug suspect
  • yung pulis na miyembro ng HPG na hinuli dahil sa pangingikil laban sa mga service vehicle ng isang call center company
  • yung MMDA Enforcer na nagpapanggap na pulis para makapangikil laban sa mga service vehicle ng isang offshore gaming company
  • sa Quezon City, yung MMDA enforcer na nahuli sa isang kainan na tumatanggap ng lagay mula sa hinuli nilang motorcycle rider
  • sa Muntinlipa City, yung pulis na hinuli dahil sa pag-o-operate ng tupada
  • sa Quezon City, yung may 3 nahuli mula doon sa grupo na responsable daw sa serye ng mga panghoholdap sa mga e-games at bingo establishments, isa sa mga nahuli ay kasalukuyang Barangay Kagawad ng Maynila, tapos ay dating pulis daw ang leader nung grupo
  • sa Las Piñas City, yung grupo ng mga pulis na nasangkot sa kidnapping
  • yung BIR supervisor at examiner na inireklamo dahil sa pangingikil, na nahuli sa Batangas
  • sa Tagaytay City, yung 5 naaresto dahil sa pagbebenta ng ekta-ektaryang lupa na may mga pekeng titulo, na ang lider ay dating empleyado ng DENR
  • sa isang mall sa Makati City, yung trainee para sa pagiging LGU Traffic Enforcer na nagnakaw ng motor
  • yung airport security screener, yung hinalungkat ang bag at pinagnakawan ang isang pasaherong Taiwanese
  • yung mga ghost employee daw sa Makati na tao ng Konsehal

are naman yung mga hindi pa malinaw kung anong klase nga ng mga tao ang involved o hindi tiyak o nabanggit kung sino ang nakatama:
  • dahil hindi tiyak kung paano nagkaroon ng access sa VIP na plaka, sa Angeles City, Pampanga, yung sakay ng SUV na may plakang 8 na nanakit ng kapwa niya motorista

heto naman yung mga may kinalaman sa kahinaan ng kasalukuyang penal system at pagpapatupad ng iba pang mga batas, patakaran, at sistema sa bansa:
  • yung mga batas na pro-pets and pro-pet owners na mga asal peste naman
  • yung paglaganap ng mga batang palaboy na lantarang umaatake ng mga pasahero sa mga pampublikong jeepney
  • yung aprubado na yung 25% na increase sa opisyal na pamasahe sa jeep
  • yung nagtaas na rin ang pamasahe para sa mga pampasaherong bus sa kabila ng sunud-sunod na pagbaba naman kahit papaano ng presyo ng petrolyo
  • yung kagustuhan na i-ban na ang mga provincial buses sa NCR
  • yung may mga piling provincial buses na pwede pa ring pumasok sa NCR hanggang sa Parañaque area 
  • yung dagdag travel time at dagdag pamasahe nga ang idinudulot ngayon ng PITX
  • yung 2 MMDA Enforcer na magkaangkas sa motor na nasita ng ordinaryong motorista, yung blinker ang ginagamit na ilaw at hindi pa nakasuot ng tamang helmet
  • sa Manila, yung MTPB Enforcer na nahuli dahil hindi nakasuot ng helmet, pero nakipagsagutan pa rin sa taga-HPG yata yun
  • sa Tagaytay City, yung firing range sa kampo daw ng Cavite Police kung saan may mga umaabot na slug ng bala sa isang subdivision sa hindi kalayuan
  • yung panibagong surprise inspection na isinagawa ng NCRPO, kung saan may mga nahuli na naman na nakainom at natutulog na pulis habang nasa duty
  • yung palpak pala yung mga police escort nung mga PDEA agent and company na natambangan sa Lanao del Sur
  • ang kahinaan ng seguridad sa kabubukas lang na Boracay
  • sa iba't ibang lugar, yung mga construction contractors na hina-hire ng iba't ibang level ng gobyerno, na hindi muna pinag-aaralan kung may masisira bang linya ng patubig o linya ng kuryente sa dadaanan ng project nila bago sila magsimula
  • yung kagustuhan na magdagdag pa ng mga dam kahit na alam na nila ang negatibong naidudulot ng mga yun dahil nga sa na-enhance ng mga simpleng ulan at bagyo
  • yung balak daw magsira ng mga historical structures kapalit ng pagtatayo ng mamahalin na Bestfriend Imperial Bridge
  • yung worth Php 10 Million daw na Stairway to Heaven project ng MMDA na hindi naman pala totoong kailangan dahil may alternative naman palang daanan
  • yung Representative na hindi sumunod sa security procedure sa NAIA
  • yung babaeng Representative na inirereklamo dahil DAW sa pagpapasagawa ng Gluta-drip session sa mismong opisina niya
  • yung pati naman mga bagay na hindi na dapat pinakikialaman pa dahil sa historical value eh talagang gusto pang pag-aksayahan ng panahon para lang masabi na nagtatrabaho sila
  • yung gustong sirain ng Bureau of Customs yung nasa Php 12,000,000 worth daw ng smuggled na mga sibuyas na nasabat nila sa halip na mapakinabangan ng mga mamamayan
  • yung nasa Php 120 Million daw na halaga ng nasabat na smuggled na bigas na nasa poder na ng BOC sa Zamboanga, pero talagang nawala pa
  • yung tila protektadong-protektado yung isyu tungkol sa mga magnetic lifters
  • yung may shortage na rin daw sa supply ng siling labuyo
  • sa Laguna, yung tone-toneladang mga kamatis na nasayang lang dahil hindi maibenta
  • sa Albay, yung oversupply ng sitaw sa kabila ng kakulangan ng supply sa ibang mga rehiyon
  • yung hindi rin naman napababa ang presyuhan ng kamatis sa kabila ng labis-labis na supply nito dahil sa manipulasyon ng ibang supplier
  • yung mas pinagbabawalan na ang mga magsasaka na magbilad ng kanilang naaning mga palay sa kalsada, samantalang wala pa namang konkretong plano na nagagawa ang pamunuan para makapag-provide ng accessible na facility para matulungan sila
  • yung reklamo na ipinarating sa Ombudsman, yung ipinambayad pala ng NFA sa utang yung pondo na nakalaan para sa pagbili ng bigas mula sa mga lokal na magsasaka
  • yung walang sumasagot sa mga tawag sa isang opisina ng SSS kahit na office hours pa naman
  • yung kagustuhan ng SSS na damay-damay ang mga miyembro sa pagsalo ng mga magiging dagdag na gastusin dulot ng pagpapalawig sa Maternity Leave and Benefits
  • ang kagustuhan ng SSS na gawin ng 15% ang porsyento nila sa kita ng mga tao para daw masalo ang kakulangan sa pondo ng ahensya nila
  • yung gustong taasan ng PhilHealth ang contribution ng mga members para lang masalo ang Universal Health Care Bill, 50% na pagtataas ang gusto nila para sa pinakamababang rate ng contribution
  • yung patataasin rin ng pinahintulutang taas-singil ng mga supplier ng tubig sa NCR area ang VAT na kailangang bayaran ng mga consumers
  • yung babaeng mastermind daw sa ibang kaso, na c-in-laim kaagad nila na may kinalaman daw sa mga rebelde, tapos eh binawi rin yung paratang, kesyo wala daw pala silang sapat na ebidensya
  • yung mga pulis na nagpapaapekto sa isang fictional na TV program sa kabila ng pagkakaroon naman talaga ng katiwalian sa totoong buhay
  • yung naging pagkilos ng PNP at DILG laban sa isang TV program
  • yung dagsa kaagad sa Senado yung mga tuta at bobong mga pulis na sabik na mang-aresto ng Senador kahit na wala namang warrant
  • yung may pruweba naman na posible ngang may nagmamasid sa bahay ng isang Senador, pero kini-claim na kaagad ng mga nasa itaas na kesyo paranoid lang yung tao kahit na wala naman silang ginagawang imbestigasyon
  • yung namamanipula ang mga records o documents sa mga base
  • yung napatunayan na peke lang ang ibang bintang laban sa Senador na dating nasangkot sa mutiny
  • yung parang wala namang silbi ang mga desisyon sa mababang level na nagpapatupad ng hustisya, dahil hindi naman final ang desisyon hangga't hindi yun umaabot sa tuktok, pero ayaw naman nilang buwagin yung mga level sa ibaba kahit na ganun na nga yung setup
  • yung applicable yung seniority rule kahit na para sa mga taong gumagawa ng mali at hindi patas
  • yung inabsuwelto na ng Supreme Court ang asawa ng Diktador, sa kabila ng presence ng nakaw na yaman
  • yung inamin ng pinuno na ang Solicitor General ang trumabaho sa kaso ng Senador na dating nasangkot sa mutiny, pero iisang tao lang ang kanilang pinuntirya
  • yung hindi naman hinahabol ng Solicitor General yung mga sundalo at miyembro ng Philippine Constabulary na umabuso sa panahon ng Martial Law
  • yung premature campaigning na gumagamit ng term na "gusto namin ang boses mo sa ....."
  • yung Representative na nagbanta na hindi magri-release ng PRC license sa mga hindi nakakakilala sa kaibigan niyang premature campaigner
  • yung 2 nasa katungkulan na pinagtatakpan ang medical condition ng pinuno ng bansa, tapos saka nila sasabihin na hindi nila alam ang totoong nangyari kapag lumabas na ang totoo
  • yung hindi na alam ng Spokesperson ang pinaggagagawa ng pinaglilingkuran niya at may mga pagkakataon na mali-mali na ang kanyang mga pinagsasasabi sa publiko
  • yung tutol sila sa mga patakaran laban sa pagmumura sa mga piling lugar puwerket hilig gawin iyon ng pinuno ng bansa
  • yung may kalayaan yung isang government official na mag-post sa kanyang fake blog kahit na during office hours
  • yung binastos na rin ng isang government official at ng kanyang kaibigan ang mga PWD para lang i-promote ang gusto nilang anyo ng pamahalaan
  • yung ang balak na i-represent na partido ay sangkot sa anumalya ng NGO Queen

at may kaso na iba-iba ang kategorya:
  • yung mga taong ang kakapal ng mukha na magsabi ng "i feel you" patungkol sa krisis na hinaharap ngayon ng bayan, pero patuloy naman ang pagsuporta sa mga palpak at tiwaling mga pinuno
  • yung pagiging bias ng maraming tao sa pagsagot sa mga survey lalo na yung mga taga-Southern Island
  • yung hindi rin tugma ang survey tungkol sa pagsuporta sa pinuno at pagtutol sa pananakop ng Imperyo
  • yung mga taong nagpapasalamat pa sa mga promotor, na kesyo hindi muna paaandarin ang kasunod na train, na para bang nasolusyunan yung problema na sila rin naman ang gumawa
  • yung tuwang-tuwa yung mga hindi nag-aambag dahil sa Universal Health Care Bill
  • yung gustong gawin na Php 10 ang minimum na pamasahe sa jeep, at hindi na pasok dito yung kapritsosong modernization plan
  • yung gusto nang paabutin ng ibang transport group sa Php 12 ang minimum na pamasahe sa jeep
  • yung mga masasamang jeepney driver na Php 9.00 ang iginiit na 20%-discounted rate na pamasahe, samantalang Php 8.00 lang dapat iyon 
  • yung maging mga batang kababaihan sa panahon ngayon eh nanggugulpi na rin sa kalye habang kumukuha pa ng video ng karahasan nila
  • yung may gang war na rin sa [Name of City], malapit pa sa mismong munisipyo
  • sa Caloocan, yung tila tino-tolerate na ng maraming tao ang patayan, at talagang may mga tao pa na nagchi-cheer para mangyari ito
  • yung tila statistical defense na ginagamit ng ibang mga tao para bigyan ng katuwiran ang nangyayari ngayon sa ekonomiya ng bayan, sa kabila nang presensya ng mga totoong ebidensya
  • yung negative impact ng Climate Change sa agrikultura ng buong bansa
  • yung pakikipag-agawan ng maraming non-mass transport vehicle sa supply ng limitadong petroleum products
  • yung isyu ng sexual harassment sa Miss Earth pageant
  • yung pinakamataas daw ang bilang ng mga insidente ng rape sa Safest City
  • yung parati na lang kini-claim ng pamahalaan na kesyo nahahaluan ng mga rebelde ang mga protesta laban sa palpak na pamumuno nila
  • yung pagiging balimbing ni MRT Man, na kaalyado na ngayon ng kaalyado ng mga dating magnanakaw at abusado sa katungkulan
  • yung inilaglag na kaagad ni MRT Man ang mahalay na halik ng kanyang dating amo nang mawala na siya sa katungkulan
  • yung may mga artista na gumagamit ng pangalan nila para sa demolisyon, para sa kapakanan ng kaalyado nila sa pulitika
  • yung may bagong version na naman ng Dictator's Law history yung balimbing na tuta ng dating Diktador
  • yung sinasamantala ng Dictator Clan ang kakulangan sa recording technology at ang kawalan ng mga record noong panahon ng paghahari nila para palabasin na gawa-gawa lang ang mga pang-aabuso sa panahon ng Dictator's Law
  • yung mang-aagaw na nga ng mga teritoryo ang Bestfriend Empire, tapos eh mang-aagaw pa ng mga trabaho yung mga mamamayan nila
  • yung sinisilip dito sa bansa ang pagkakaroon ng maraming mga taga-Bestfriend Empire na ilegal na nagtatrabaho, samantalang ang dami na ng mga Filipino na bumastos sa patakaran ng iba't ibang mga bansa nang dahil din sa paghahabol sa hanapbuhay
-----o0o-----


November 19, 2018...

yung tuwang-tuwa yung mga hindi nag-aambag dahil sa Universal Health Care Bill..
dahil alam nila na yung mga nag-aambag ang magpapasan ng mga bayarin nila..
at sa kabila yun ng kakulangan sa pondo, halimbawa na lang ay pagdating sa PhilHealth..
at talagang sila pa yung may mga regular, malala, at magagastos na mga sakit...

hindi naman masama ang intensyon nung panukala eh..
pero ang totoong problema ay yung source ng pondo..
unfair kasi sa mga nag-aambag kung darating yung panahon na sila na ang mapapabayaan dahil naubos na yung mga naiambag nila..
sa mga pasugalan na lang sila lumapit..
lalo na ngayon na may mga documentary stamp tax na ang PCSO sa lahat ng klase ng palaro nila, at may 20% pang kaltas sa mga malalaking papremyo...

is feeling , Euthanasia Bill na lang ang ipasa, para sa mga alagain na lang.. hindi yung pati kalusugan eh gagamitin nila sa vote buying...


>
yung kumilos na pala ang PNP at DILG laban sa isang TV program..
nananakal na sila..
nasaktan na dahil sa katotohanan...

sa sobrang bobo kasi nung nasa tuktok nila..
kay Terante lang siya naka-focus sa halip na sa mabubuting pulis na nandun sa palabas..
halatang-halata kung sinu-sino ang makikitid ang utak...

sa ginagawa nila ngayon..
lalo lang nilang pinatutunayan na masasama nga sila...

is feeling , mabuhay ang mga santong pulis.. busalan na ang media...


>
yung balak pala tayong ipahamak ng Hokage na Mahilig dahil sa pangungutang niya sa Bestfriend Empire..
nasa 2% daw ang interest rate ng mga Imperyalista para sa kanilang pautang eh..
at siyempre ay sa gatas kinukuha ang pambayad sa mga utang...

is feeling , ibayad na lang yung Safest City, tutal eh peke naman yun eh...


>
may bagong bakasyon na naimbento..
dahil sa pagbisita ng Emperador sa kanilang probinsiya...

is feeling , welcome to your province...


>
walang makikinabang sa paghahati-hati sa Palawan kundi yung mga mauupo sa trono..
madadagdagan lang mga pasusuwelduhin..
madagdagan rin ang mga kickbackers sa iba't ibang hanay..
at mas masasamantala lang ang turismo...

Boracay na lang bilang example..
ang liit-liit na isla..
pero anong nangyari..?
inabuso ang turismo..
inabuso ang pagtatayo ng mga business establishments..
pati environmental fee eh hindi nagamit para sa totoo nitong purpose...

is feeling , disiplina lang sa pamunuan ang totoong kailangan.. dahil matagal naman nang hati-hati ang pamumuno doon sa Palawan...


>
sa Muntinlipa City..
yung pulis na hinuli dahil sa pag-o-operate ng tupada..
may surveillance naman na ginawa laban dun sa suspek..
bukod dun ay nasa drug list din daw yung pulis...

is feeling , hindi totoo at ilusyon lang sina Terante...?

---o0o---


November 20, 2018...

bakit ba sinisilip dito sa bansa yung pagkakaroon ng maraming mga taga-Bestfriend Empire na ilegal na nagtatrabaho sa loob ng ating teritoryo..?
samantalang ang dami na ng mga Filipino na bumastos sa patakaran ng iba't ibang mga bansa nang dahil din sa paghahabol sa hanapbuhay...

is feeling , karma lang...


>
hindi na naman tugma ang resulta ng mga survey...

kapag ang tanong eh sumasamba ka ba sa Hokage na Mahilig, eh puros nagsasang-ayon ang mga Panatikong Zombie...

pero kapag ang tanong eh sang-ayon ba kayo sa kagustuhan ng Hokage na Mahilig na ibugaw tayo sa Bestfriend Empire, eh puros kayo mga tutol...??

mga gunggong..
sinusuportahan ninyo ang numero unong nilalang na gusto tayong ipamigay sa Imperyo..
kung ayaw ninyong maibugaw sa mga Imperyalista, eh kailangang itigil nyo na rin ang pagsuporta sa demonyo...

is feeling , katatanga ng logic ninyo...


>
yung balak daw magsira ng mga historical structures..
kapalit ng pagtatayo ng mamahalin na Bestfriend Imperial Bridge...

is feeling , ang dami na ngang klase ng gatas na kinokolekta, pero nangungutang pa rin...??


>
grabe naman ang mga nagra-rally..
walang respeto sa mahal na Emperador...

tayo na nga itong pauutangin nila ng may malalaking interes..
sila na nga itong nagtatayo ng mga base para sa mga teritoryo natin..
sila na nga itong nagbo-volunteer na minahin ang fuel supply natin..
sila na nga itong nagsu-supply para sa may masasamang bisyo..
tapos ganun pa ang isusukli sa mahal na Emperador...??

mga ingrato..
tayo na ngang mga taga-probinsiya ang binibisita ng kataas-taasan eh...

is feeling , tiranin na nga ng nuclear bomb ang Safest City nang maturuan ng leksyon ang mga taga-probinsiya...

---o0o---


November 21, 2018...

kapayapaan lang ang hangad ng mahal na Emperador..
kapayapaan ng lahat ng mahihinang bayan sa ilalim ng iisang Imperyo...

is feeling , mabuhay ang mahal na Emperador...


>
yung nagtaas na rin ang pamasahe para sa mga pampasaherong bus..
at sa kabila pa talaga ng sunud-sunod na pagbaba naman kahit papaano ng presyo ng petrolyo...

tapos babanatan pa ng mga pronvincial bus ban para makagawa ng mga connecting trips...?

is feeling , perfect combination...


>
sa Bocaue, Bulacan..
yung babaeng teacher na pinatay sa pamamaril ng karelasyon niya na sundalo..
nagbaril din sa sarili yung lalaki matapos ang krimen...

is feeling , tinopak na naman ang galing sa hanay ng mga disiplinado dapat...

---o0o---


November 22, 2018...

sa Fairview, Quezon City..
yung 10 na naaresto sa buy-bust operation..
itinuro pa nilang source ng pang-bisyo ang isa rin sa mga nahuli na isa palang dating Quezon City police...

is feeling , fictional lang ang mga kagaya nina Terante...?

---o0o---


November 23, 2018...

yung mas pinagbabawalan na ang mga magsasaka na magbilad ng kanilang naaning mga palay sa kalsada..
samantalang wala pa namang konkretong plano na nagagawa ang pamunuan para makapag-provide ng accessible na facility para matulungan sila...

is feeling , diskriminasyon laban sa kakaunti na lang na nagsusulong sa agrikultura ng pagsasaka ng palay...


>
sa Las Piñas City..
yung grupo ng mga pulis na nasangkot sa kidnapping..
nai-record naman yung usapan ng pakikipagtransaksyon nila sa kapatid nung biktima...

is feeling , fictional lang talaga ang mga katulad ni Terante...?


Friday, November 23, 2018

Ang Alamat ng Most Undesirable Guy on Earth - Third Week of November 2018 (Adventure Time)

Loveless Story


November 18, 2018...

ayoko na sa Alabang..
ayoko na sa Las Piñas..
ayoko na sa Cavite...

had my toughest adventure time kahapon..
bukod pa yung gising ako from 2:20 AM hanggang pasado 10:00 PM..
okay lang yung pagiging estranghero sa lugar eh..
pero pinakamalupit yung madalas na paghihintay at ang pagkaipit sa traffic...

  • yung ang aga-aga mo pero andami nang naghihintay sa Las Piñas
  • yung kasama mo na parating 20 minutes o mahigit kung gumamit ng banyo
  • yung lunch na na-delay at 50 minutes na eh hindi pa rin dumarating, kaya pasado 2:00 PM ka na nakakain
  • yung 27 minutes na pang-umagang biyahe from Alabang to Las Piñas, na nagiging 54 minutes pala pabalik kapag hapon na
  • yung nasa 30 minutes bago makatiyempo ng luwag na masasakyan papuntang SM Molino
  • yung nasa 1:39 hours na biyahe papuntang Vista Mall
  • tapos pahirapan din bago makahap ng masasakyan papuntang Pasong Buaya

is feeling , napalaban ako dun ah...

---o0o---


November 19, 2018...

[Book]

Updated/Revised Casting Proposal (Incomplete):
• Empoy Marquez as me..
• Denice Dinsay as [Girl na may Crush sa Akin]..
• Marian Rivera as Almeja
• Justine Battung as Jacqueline (yun pala yung public name niya)
• Bela Padilla as Anne
• Megu Fujiura as Emoji-Girl
• Ana Capri as Miss A (pinalitan para bigyan ng daan si Miss V)
• Jinri Park as Miss J
• Julia Barretto as Strawberry (aaminin ko na, yun talaga yung kawangis niya, but with less cheeks)
• Valentina Nappi as Miss C (dahil sa cleft chin)
• Ava Dalush as Miss Ab (dahil sa body type)
• Lucy Li as Miss D
• Coraleen Waddell as Miss Co (yung simple look ni Cora, tapos yung may kasamang ngiti)
• Abby Poblador as Miss H
• Kylie Page as Miss P (pero brunette)
• Anna Polina as Miss S (yung face, pero gawin mong Sensual Jane yung body)
• Maja Salvador as Miss V
• Juliana Palermo as Miss Al (ang totoo mas Isabella de Leon yung facial details niya, pero dahil bata ang tingin ko dun eh Juliana Palermo na lang)
• Julz Gotti as Love Burger (pero fair skin)
• Cristine Reyes as The Korean
• Connie Sison as YAM (yung fit version ni Connie Sison dati)
• Cassandra Calogera as Dime (yung matabang version, tapos gawin ding morena)
• Chrislyn Uy as Eyeglass Girl (pero thinner version)

is feeling , dahil may bagong character...

---o0o---


November 20, 2018...

break muna ulit sa trabaho..
magsusulat muna ng nobela tungkol sa kunwa-kunwarian at hiram na pag-ibig...

is feeling , lagot na, 6 na lang ang reserba kong ready-to-render...

---o0o---


November 22, 2018...

at dahil 12 hours na walang kuryente..
wala tuloy akong nagawa para sa main na trabaho ko para ngayong araw..
meron naman, kaso naputol yung operation, kaya naging reject na lang iyon..
naging 2 days na tuloy ang mga nagiging bakasyon ko...

mabuti na lang at sumakto sa maramihang grocery day..
so may ibang mga bagay naman akong nagawa...

dahil rin dun ay nakagawa tuloy ako ng outline para sa isang tula..
tula para sa aking paghahanap...

is feeling , hindi na masama.. maliban sa nabawasan ako ng ilang dolyares...

---o0o---


November 23, 2018...

kapapanganak lang ni Miss P noong isang araw..
mukhang Valentine-inspired yung sanggol..
mabuti na lang at naka-connect ako sa kasalukuyang nobyo niya...

matagal nang natigil bilang source ko si Miss P..
at maging yung nobyo niya eh malihim rin..
pero lahat ng posibleng maging link ay dapat na munang pag-ingatan sa ngayon...

is feeling , mahaba-haba pa 'to...

---o0o---


November 24, 2018...

na-distract na naman..
found 2 new sources..
umakyat na ako sa 32 verified + 3 under verification..
akala ko nga dati eh iisang tao lang sila, pero lumalabas na relatives pala sila...

na-check ko na rin ang mga network nila, pero mukhang wala rin..
pero sumugal na rin nga ako, nag-iwan na ako ng message para dun sa 2...

tapos..
magpapalit na naman ng schedule ngayong araw..
2:00 PM kasi ang start ng huling mga digmaan para sa Preliminaries...

is feeling , sana may sumagot na...

-----o0o-----


[V-League]


PVL Season 2 - Open Conference - Preliminary (Round 2)


November 17, 2018...

triple schedule Saturday..
sa CDO naman ipinadala ang Creamline...


Creamline versus BanKo

ang 15th 5-setter match ng conference..
2nd pa lang para sa BanKo..
5th naman na para sa Creamline, at lahat ng 3 talo nila eh galing sa mga 5-setter match nila...

3-2, panalo ang BanKo..
Set 1, 25-12..
Set 2, 23-25..
Set 3, 25-19..
Set 4, 24-26..
Set 5, 12-15...

si Tiamzon ang nagdala sa BanKo with 21 points..
maganda rin naman ang nilaro ni Gervacio with 15 points..
para naman sa Creamline..
halos naging Ace Player parehas sina Baldo at Galanza..
Baldo scored 24 points..
Galanza scored 23 points...

at nakabawi rin nga ang BanKo laban sa Creamline...


Fighting Warays versus AdU-Akari

injured na ulit si Perez, at nakisali pa si Flora..

3-0, panalo ang Fighting Warays..
Set 1, 25-11..
Set 2, 25-12..
Set 3, 25-19...

Pacres with 17 points from 14 attacks, 1 kill block, and 2 service aces..
Prado with 13 points..
para naman sa Adamson..
hindi rin naglaro si Permentilla...


ADMU-Motolite versus Angels

3-1, panalo ang Angels..
Set 1, 25-19..
Set 2, 21-25..
Set 3, 21-25..
Set 4, 23-25...

Baloaloa with 13 points na may 10 attacks..
Mercado with 12 points..
Sabete with 10 points, plus 15 excellent receptions and 11 digs..
para naman sa Ateneo..
Tolentino with 15 points..
Madayag with 13 points..
BDL with 10 points..
unfortunately, namigay ng 34 points ang Ateneo dahil sa mga errors...

nabawian rin ng Angels ang Ateneo..
natapos ang record ng ADMU-Motolite sa 10 Wins, 4 Losses...

is feeling , kailangang makabawi sa Angels...

---o0o---


November 18, 2018...

Pocari-Air Force versus Iriga Oragons

Air Force versus Army and Navy...

3-0, panalo ang Pocari-Air..
Set 1, 25-23, dikitan na kaagad ang laban, pero kalaban ng Pocari-Air ang sarili nilang errors..
Set 2, 25-20..
Set 3, 25-20...

Pablo scored 14 points na may 11 attacks..
Palomata with 13 points from 9 attacks, 3 kill blocks, and 1 service ace..
hindi naman nabanggit ang pangalan nina Bunag at
natapos na rin ang laban ng Oragons sa record na 3 Wins, 11 Losses...


Angels versus AdU-Akari

back-to-back weekend games for both...

3-0, panalo ang Angels..
Set 1, 25-21, medyo madami ang errors ng Angels..
Set 2, 25-9, in-overkill ng Angels..
Set 3, 25-15, pinaglaro na si Soyud at lumaban naman siya...

Player of the Game si De Leon with 14 points from 13 attacks and 1 service ace..
Nunag scored 13 points..
Layug scored 11 points..
para naman sa Adamson..
walang naka-double digit sa kanila, pero naka-score si Soyud ng 5 points sa paglalaro lamang sa Set 3...

dahil sa panalo ng Angels ay nawala na ang pagkakataon ng Pocari-Air Force na makapasok pa sa Semifinals...

is feeling , malalakas ang mga nakapasok ngayon sa Semifinals.. may kakayahan na talunin ang isa't isa...

---o0o---


November 21, 2018...

dayo sa Batangas, pero konti lang ang live viewers..
siguro kasi weekday at masama pa ang panahon...


Pocari-Air Force versus AdU-Akari

maglalaro na kaagad sa simula sina Soyud at Genesis..
pero kulang na naman nga ang puwersa nila...

3-0, panalo ang Pocari-Air Force..
Set 1, 25-18, si Igao at Permentilla ang pinagsasabay sa court, experimental pa rin ang rotation ng Adamson hanggang ngayon..
Set 2, 25-20, si Perez na talaga ang pinakamalakas na Middle Blocker para sa Adamson sa ngayon..
Set 3, 25-23...

si Pablo ang nagdala sa Pocari-Air with 16 points, plus 12 digs..
Pantino scored 10 points..
para naman sa Adamson..
Permentilla scored 10 points..
unfortunately, na-injure na naman si Genesis matapos na mag-land sa paa ni Pablo sa kalagitnaan ng 3rd set...

nalaglag nga ang Pocari-Air Force sa Semifinals..
at natapos ang kanilang record sa 7 Wins, 7 Losses...


Creamline versus Angels

wala daw si Mercado para sa Angels...

3-0, panalo ang Creamline..
Set 1, 25-11, naka-check pa sa mga blockers ng Angels si Galanza..
Set 2, 25-13, maganda ang nilalaro ni Gumabao ngayon, mas dumami pa ang errors ng Angels..
Set 3, 25-23, dikitan na ang laban, mas naka-check na si Galanza...

Player of the Game si Sato with 11 points from 8 attacks and 3 kill blocks..
Baldo also scored 11 points from 8 attacks, 1 kill block, and 2 service aces..
plus may 10 digs at 9 excellent receptions din siya..
Gumabao produced 10 points..
para naman sa Angels..
si Nunag lang ang naka-score ng double digits with 10 points...

nabawian ng Creamline ang Angels..
at natapos ang record ng Angels sa 8 Wins, 6 Losses...

is feeling , mas maganda kung Angels muna ang makakaharap ng Creamline sa Semifinals...

-----o0o-----


November 19, 2018...

bakit daw ang aga kong umalis kahit na hapon pa naman yung kasalan...??

p*tang ina!
kapag sila ba ang parating wala sa bahay nila..
kapag ba napapabayaan yung 2 anak nila, na special pa yung 1..
tinatanong ko ba sila..?
tinatakot ko ba sila na kesyo papasukin ko ang kuwarto nila para alamin ang totoo...??

anak ng..
akala mo eh ako yung may weekly na natatanggap na allowance mula sa kanila eh..
akala mo eh ako yung may regular na maintainance na kinukupit at ginagamit na pang-bisyo ng sigarilyo at junk food...

nakikialaga ako ng mga anak ninyo kahit na ako pa yung nababawasan ang oras para maka-survive nang medyo maayos..
pero pati personal kong buhay eh gusto ninyong manipulahin...??

is feeling , Lottery, kailangan ko na ng pambili ng bahay para makaalis na ako sa impiyerno...

---o0o---


November 21, 2018...

will be wasting time para sa paggawa ng project ng Autistic...

sa mga special school diyan..
sino ba ang may depekto, ang mga estudyante ba ninyo o ang mga teacher ninyo..?
request kayo nang request ng mga project na mano-mano ang paggawa..
kesyo ayaw ninyo ng ready-made na binili lang..
ano bang inaasahan ninyo, na kaya ng lahat ng mga special na bata na gumawa ng mga pinagagawa ninyo...??

mga siraulo kayo..
hindi lahat ng Autistic eh nasa arts ang inclination..
at hindi lahat ng magulang ng mga special na bata eh may oras para sa mga anak nila...

is feeling , pili-pili rin ng mga responsableng magulang...

---o0o---


November 22, 2018...

nabiktima ng palit-sistema ng [Name of Electric Cooperative]..
ayun tuloy, wala kaming kaalam-alam na may schedule ng unusually long power interruption ngayong araw.. :(
ngayon na lang ulit nangyari yung 6:00 AM to 6:00 PM, at ayun pa talaga ang hindi ko nalaman...

a few years ago, sa loob ng medyo mahabang panahon, gumanda naman ang serbisyo ng [Name of Electric Cooperative]..
sa tuwing may schedule ng brownout, nagpapaikot sila ng sasakyan para magsagawa ng announcement sa mga area na maaapektuhan...

nasira lang ang sistema nang mas mauso pa ang Facebook nang dahil sa mga smartphone..
inakala yata nila na lahat ng mga mamamayan ay may computer..
inakala yata nila na lahat ay may internet connection o access sa free Wi-Fi..
inakala yata nila na lahat ay may free Facebook..
inakala yata nila na lahat ay may smartphone man lamang..
at inakala yata nila na lahat ay may Facebook account nga...

simula noon ay mas nagtipid na ang [Name of Electric Cooperative]..
hindi na nag-iikot nang husto ang kanilang mga announcer, na para bang gusto na lang nilang umasa sa mga tsismis yung iba para lang makasagap ng announcement nila..
at masyado na silang umasa sa Facebook..
at some point ay nakagawa rin naman sila ng okay na sistema..
picture announcements..
okay yung pictures kasi chronological ang arrangement ng mga yun sa album view..
dahil rin sa format, ay madali lang makita kung anu-anong pictures ba ang para sa mga announcement ng power interruptions...

kaso ayun..
kaya pala wala akong nakikita na picture announcement since November 19..
nagtipid na pala sila ulit pati pagdating sa photo editor..
ibinalik na pala nila ang kanilang sistema sa basic na pagta-type lang..
siguro dahil sa request nung mga hindi maaalam mag-zoom sa smartphone na kesyo hindi daw mabasa yung mga sulat sa pictures..
kaya heto, magiging pahirapan na naman ang paghahanap sa timeline nila ng mga announcement..
mahirap pa naman ang timeline view dahil kahit ano na lang eh naroon, ultimo mga mura ng mga consumers... :(

is feeling , serbisyong tinitipid...


Sunday, November 18, 2018

Ang Alamat ng Most Undesirable Guy on Earth - Second Week of November 2018 (A Maria Follosco)

Loveless Story


November 11, 2018...

medyo good news..
okay na daw yung PayPal accreditation ng PSBank..
may panibago na ring bank code...

pero ibe-verify ko rin muna kung okay na rin ba sa side ng PayPal..
at kung accurate yung bank code na naibigay sa akin..
sayang naman kasi ang Php 250 kung makakaltasan na naman ng dahil lang sa error...

magandang timing 'to kung saka-sakali dahil may imi-meet nga akong Eyeglass Girl...

is feeling , please naman.. umayon ka...

---o0o---


November 12, 2018...

sobrang magiging busy ng week na 'to:
- mag-aayos ng paglilipat ng pera
- grocery
- mamimili ng mga paraphernalia
- pupunta sa banko
- gagawa ng sulat
- magkakahon
- mag-aaral ng ruta sa Google Map
- ihahanda ang sarili
- magba-blind date
- pupunta sa event

is feeling , hindi dapat magka-pimples...


>
okay na..
nai-set na yung updated link para sa PayPal at banko ko..
napa-check ko na rin today, at nabigyan na rin ako ng go signal para mag-try...

bale kailangan na lang ng initial test ulit..
Php 250 ang amount ng risk..
para lang makita kung pulido na ang lahat for future withdrawals...

is feeling , tama na ang kaltas sa akin ha...

---o0o---


November 13, 2018...

saw a photo update from YAM..
magaling, fit pa rin siya..
at maganda pa rin..
nakakabilib talaga yung mga babae na nasa late 20's and above na magaling sa weight management... <3

nakakapanghinayang tuloy na hindi ko siya pwedeng i-meet this time dahil puno ang schedule this week..
at wala ring masyadong excess na kita for November... :(

is feeling , sana umabot kapag pwede nang mag-beach...

---o0o---


November 14, 2018...

done:
- Google Map (ang problema na lang eh kapag wala ng diretsong biyahe papunta sa Alabang)
- withdrawal slip
- costume
- box
- letter

is feeling , masusubukan ng 5 to 6 establishments bukas...

---o0o---


November 15, 2018...

ano ba yan..?
pati presyo ng lubricant eh patuloy sa pagtaas..
overpriced na nga yung Php 30 sa isang easy access na bilihan eh..
tapos ginawang Php 31..
tapos ngayon eh nasa Php 34 na...??

is feeling , ano na bang nangyayari sa mundo...??


>
good news..
after 3 months of inactivity..
eh okay na ulit yung withdrawal mula sa PayPal papunta sa banko ko..
kanina ko lang na-confirm, at sa banko pa mismo..
nakita ko nga na nag-reflect na yung transfer sa passbook ko...

is feeling , wala na nga si Anne Curtis.. pero sana tuluy-tuloy na lang ang okay na performance...

---o0o---


November 16, 2018...

[Video]



dayum!
yung mga babaeng may ganung skill..
tapos may turbo pa... <3

anyway, hindi yun ang totoong istorya..
today, may nakita akong nag-share ng kaparehong video ni Maria Follosco sa social media..
and since magaling nga yung babae, na-curious ako at nag-Google..
surprisingly, ilan sa mga images na lumabas ay nag-match sa ilang pictures na ginagamit ni Eyeglass Girl..
merong complete match, merong nag-match ang outfit, merong nag-match ang phone, at merong nag-match din ang location..
so ayun, bigla tuloy akong kinabahan..
pero sigurado akong hindi si Maria Follosco yung Eyeglass Girl..
sa ngayon yung mismong mga matching photos na lang ni Eyeglass Girl ang hindi ko mahanapan ng source online...

at bigla ngang tumaas pa ang risk..
untikan na akong madale kay Maria Follosco..
plus, natanggap ko na yung YES niya..
pero no more holdap this time...

credit for the video goes to the original creators..
pero thank you na rin sa nag-share... :)

— feeling , kapag scam, hindi ka makakapasok sa loob ng kuwarto...

-----o0o-----


[V-League]


PVL Season 2 - Open Conference - Preliminary (Round 2)


November 10, 2018...

biglang pinagpalit ang schedule ng mga laban today..
Bulacan daw ang venue..
mukhang Ateneo na naman ang malakas ang hatak sa live audience...


Angels versus Fighting Warays

ang 13th 5-setter match ng conference..
4th para sa Tacloban..
5th na para sa Angels...

3-2, panalo ang Fighting Warays..
Set 1, 25-15, hindi pa maganda ang laro ng Tacloban..
Set 2, 23-25, naunang makalayo ang Tacloban..
Set 3, 25-22, pumanig ulit sa Angels ang laban..
Set 4, 20-25, mas madalas na lamang ang Tacloban hanggang dulo, ang daming errors ng Angels..
Set 5, 13-15, dikitan ang laban sa paglagpas sa 10 points, pero nilamon ng sarili nilang errors ang Angels...

upset loss na naman para sa Angels..
4 out of 5 na ang talo nila sa mga 5-setter match..
mukhang endurance ang problema nila..
Player of the Game si Prado with 14 points from 13 attacks and 1 kill block..
may plus 12 digs at 10 excellent receptions pa siya..
Pacres scored 17 points from 15 attacks and 2 service aces..
Guino-o with 11 points..
para naman sa Angels..
Sabete scored 23 points..
Mercado with 16 points...


BanKo versus ADMU-Motolite

naglalaro rin pala si BDL sa PSL habang may PVL pa..
nakabalik na rin si Ferrer...

3-0, panalo ang BanKo..
Set 1, 26-24, untikan nang maagawan ang BanKo..
Set 2, 25-22, nagalit na si Coach Almadro kay Wong, lamang na sa attacks ang BanKo..
Set 3, 25-16, inalis na sa laro si Wong...

hindi pa mabasa ng Ateneo ang laro ng BanKo..
wala pa rin silang nakukuha na ni isang set laban sa BanKo..
maganda naman ang laro ng BanKo tuwing maganda ang mood ni Gervacio..
Player of the Game si Ferrer with 20 excellent sets..
Gervacio scored 14 points fron 12 attacks and 2 kill blocks..
Bersola with 13 points, at talagang ganadong-ganado siya this conference..
Villanueva with 11 points from 9 attacks and 2 service aces, plus 11 digs and 5 excellent receptions..
para naman sa Ateneo..
si Tolentino lang ang naka-double-digit with 13 points...

dahil dun, laglag na ang Ateneo sa #3 dahil sa 3 talo nila...

is feeling , nice game, BanKo...

---o0o---


November 11, 2018...

triple schedule Sunday..
sa Albay sina Baldo..
3 teams ang may back-to-back weekend games...


Creamline versus Pocari-Air Force

madami rin ang sumuporta sa Albay..
nasabotahe ang livestream ng match..
mas magaling pa yung isang account sa social media kesa sa ABS...

ang 14th 5-setter match ng conference..
4th para sa Creamline..
7th naman na para sa Pocari-Air...

3-2, panalo ang Creamline..
Set 1, 23-25..
Set 2, 25-21..
Set 3, 25-20..
Set 4, 22-25..
Set 5, 15-9...

Baldo and Galanza contributed 37 attacks..
Gumabao scored 16 points..
Sato scored 13 points..
para naman sa Pocari-Air..
Pablo with 22 points..
Palomata and Panaga combined for 28 points..
nakagawa rin ng 13 kill blocks ang buong team ng Pocari-Air..
pero bukod sa attacks ay lumalang din ang Creamline sa service aces, delivering 14...

at hindi rin nga nakabawi ang Pocari-Air laban kina Baldo...


ADMU-Motolite versus AdU-Akari

UAAP preview..
ang dami na naman ng live audience para sa Ateneo..
nakabalik na nga si Perez..
hindi pa rin pwede si Soyud...

3-1, panalo ang ADMU-Motolite..
Set 1, 25-23, nakabawi ang Adamson nang ipinasok si Igao bilang Setter, dikitan na kaagad ang laban..
Set 2, 16-25, maagang lumamang ang Adamson..
Set 3, 25-14..
Set 4, 25-20, ipinasok na rin si Genesis kaso lason siya...

Player of the Game si Madayag with 15 points from 8 attacks, 4 kill blocks, and 3 service aces..
Tolentino scored 12 points..
Gandler also scored 12 points, plus 18 digs and 10 excellent receptions..
para naman sa Lady Falcons..
Flora scored 17 points..
Permentilla with 12 points..
pero as usual, hirap silang magbawas ng errors nila, at nagpakawala ng 29 this time...


BanKo versus Angels

nalagas ang live audience..
patas lang, parehas naglaro kahapon...

3-0, panalo ang Angels..
Set 1, 11-25, off pa ang attacks ng karamihan sa players ng BanKo..
Set 2, 23-25, madami ang attacks ng BanKo kaso marami din ang errors..
Set 3, 18-25, wala talaga ngayon sa sarili nila ang BanKo...

Player of the Game si Nunag with 12 points from 9 attacks and 3 service aces..
Baloaloa scored 11 points..
si Gervacio lang ang nag-double-digit para sa BanKo kahit na medyo pasira-sira din ang laro niya..
bukod dun ay nagpakawala ang BanKo ng 32 errors..

at nabawian nga ng Angels ang BanKo..
3 top teams na ang natatalo nila...

is feeling , Angels, pa-request nang pagtalo sa Ateneo ha...

---o0o---


November 14, 2018...

konti lang ang live audience..
siguro kasi weekday...


BanKo versus Pocari-Air Force

3-1, panalo ang BanKo..
Set 1, 27-25, naagaw pa ng BanKo ang set, off ang laro ni Gervacio, pero si Villanueva naman ang maganda ang laro ngayon...
Set 2, 19-25, napangalagaan ng Pocari-Air ang kalamangan nila..
Set 3, 25-16..
Set 4, 25-20...

may finger injury pala si Tiamzon..
Player of the Game si Villanueva with 22 points from 17 attacks, 2 kill blocks, and 3 service aces..
may plus 15 excellent receptions pa siya..
para naman sa Pocari-Air..
Pablo with 23 points, plus 13 digs and 11 excellent receptions..
Panaga scored 11 points..
Palomata with 10 points...

at nabawian nga ng BanKo ang Pocari-Air Force..
isa pang consistent na Outside o Opposite Hitter pala ang kulang sa kanila...


Creamline versus Iriga Oragons

the Army veterans' test...

3-0, panalo ang Creamline..
Set 1, 25-12, nilaro ng bench ang last 5 points..
Set 2, 25-13, nilaro ulit ng bench after ng 20 plus points, ngayon ko lang napanood na maglaro si Maninang...
Set 3, 26-24, inilabas si Baldo sa simula, lumakas ang loob ng Iriga dahil hindi first 6 ang kalaban nila, at first 6 din nga ang tumapos sa laban...

Player of the Game si Baldo with 13 points from 11 attacks and 2 service aces..
may plus 15 digs din siya..
Galanza scored 12 points..
Gumabao with 11 points..
wala namang naka-double digit para sa Oragons...

is feeling , delikado, BanKo na ang sunod na kalaban.. at sa Cagayan de Oro ang digmaan...

-----o0o-----


November 13, 2018...

[Movies]

wala na si Stan Lee..
ni hindi nakatanggap ng Centenarian money...

sino nang magka-cameo nyan sa mga Marvel movies..?
siya pa naman ang totoong tatalo dapat kay Thanos... :(

is feeling , RIP...


>
naman, mga kliyente..
totoong kailangang-kailangan ko ng pera..
pero huwag nyo namang sabayan yung lakad ko nang pag-uubos ng mga mantika at asukal..
hindi rin pwedeng sairin yung pang-load ko...

hindi pwedeng manakit ang mga kalamnan ko for this weekend..
kaya hindi pa ako pwedeng mamili ng kilo-kilong mantika at asukal..
nasa 6 na establishments na ang kailangan kong puntahan sa isang araw, kaya hindi ako pwedeng maglakad nang maglakad nang napakabigat ng mga dala...

is feeling , saka kayo magpakitang-gilas kapag hindi ako busy...

---o0o---


November 14, 2018...

mukhang hindi na ako makakapagtrabaho nito hanggang Friday..
at may Manga Friday pa nga pala ako sa schedule...

sa ngayon may 11 pa akong ready-to-render..
plus may 2 pang kailangan ng fix..
bale nasa 26 hours rin yun ng auto-pilot...

is feeling , auto-pilot muna...

---o0o---


November 15, 2018...

sa lahat ng mga PUJ driver sa [Name of City] na hindi pa rin naniningil ng Php 10, maraming salamat po..
5 jeep na yung nasasakyan ko since last week, pero puros Php 9 lang ang sinisingil nila sa akin..
mabuti naman at may mga tao pa rin na hindi mapang-abuso, lalo na sa bulok na sistema...

is feeling , Heroes...


>
eh yung may buwisit na tawag nang tawag sa isang phone sa bahay..
09222993234..
ang numero ng siraulo...

noong una, siya daw si Wil, tumawag daw siya dahil may ibibigay siya na mga kamatis..
kasunod naman niyang sinabi na kesyo nakapasa daw yung tinatawagan niya (ako in this case) sa Star Hunt..
sa ikalawang beses niyang pagtawag, kaagad niyang sinabi na taga-Lazada daw siya..
tumawag daw siya dahil ipapadala niya ang bangkay ng papa...

after nung tawag na yun, eh puros TV na lang ang nakausap niya..
basta sa tuwing natawag siya eh sinasagot ko kaagad..
tapos eh inilalagay ko lang yung phone sa tabi ng speaker ng TV para makausap naman niya yung palabas na movie...

is feeling , akala mo siguro na ikaw lang ang maalam mang-trip ha...


Old Excuse

NOTE: this is not news..
i am not a reporter/journalist nor an influential person..
also, i'm not related to the government in any way..
but there are summary of news featured in this post..
it will require research in order to get the whole story regarding each particular news that is featured in here...

simple lang yan..
kapag nagpaapekto at nag-react ka sa opinyon ng ibang tao - eh BAKA nga may totoo sa mga sinasabi nila...


ang magiging katapusan ng kuwento ng Ang Probinsiyano..??
maiisip ni Terante na magbagong-buhay..
maghihimala siya kapag namatay na siya..
at eventually eh magiging santo siya...

pati ba naman kalayaan sa paggawa ng mga istorya eh bawal na rin..?
ang pagpapakita sa mga istorya ng mga masasamang bagay na nangyayari naman talaga sa totoong buhay eh bawal na...??

-----o0o-----


lumampas na sa 500 ang bilang eh, kaya mag-i-start na lang ako ng panibagong listahan ng mga kalokohan..
basta heto yung kadugtong nito:
http://blogngpotassium.blogspot.com/2018/08/just-clan-war.html

update ulit (503 + 114 na)..
medyo in-organize ko rin yung mga kaso..

una (untikan ko nang makalimutan 'to), ang pagtataksil sa interes ng bansa at ng mga (ibang) mamamayan (lalo na yung mga naging biktima), at pagbalewala sa kasaysayan at dangal ng bansa:
  • yung nagluklok ng tao sa isang mahalagang branch, sa kabila ng kawalan ng kakayahan ng tao na iyon na sumunod sa sarili nilang mga patakaran
  • yung nagtuturo ng iba, maging yung hindi nila maidawit dun sa kaso, habang ipinagtatanggol naman yung ibang nalusutan DAW ng supply ng ilegal na droga
  • yung idolo noon si Hitler, pero noong nagpunta sa Israel eh ginamit pa yung alaala ng Holocaust para magkunwari na mabuti sila
  • yung inuna pa ang mga armas kesa sa isipin ang tungkol sa isyu ng kahirapan sa bayan
  • yung gustong bawiin yung amnesty na ibinigay noon sa isang taong lumaban sa tiwaling gobyerno, na ang sinisilip na butas ay yung pinagdaanan na proseso
  • yung umamin siya na meron nga at kasalanan niya ang pagkakaroon ng extrajudicial killings
  • yung nagagawa pa nilang magbakasyon sa ibang bansa sa gitna ng bagsak na ekonomiya ng bayan at sa kabila ng pagtanggi nila na tumulong sa pamamagitan ng pagpapagaan muna sa bagong sistema ng pagbubuwis
  • yung tutol kuno sa political dynasty pero kinukunsinti ang political dynasty ng sariling angkan
  • yung gustong ipaaresto yung witness sa pagpapasok ng mga ilegal na droga sa BOC
  • yung wala namang naparurusahan at papalit-palit lang naman ng katungkulan yung mga pinuno na nadadawit sa mga malalaking kaso ng kapabayaan
  • yung kagustuhan niya na ituring na rin siyang isang santo
  • yung mula sa lahi ng mga Bestfriend na suspected bilang drug-related personality, na itinanggi na may koneksyon sa pamahalaan, pero napatunayan na may papel nga sa pamahalaan
  • yung sobrang dali siyang makumbinsi pagdating sa ibang intel kuno at mga listahan, pero in denial pa noong una sa isyu ng magnetic lifters

are yung ang involved o semi-involved eh mga identified talaga bilang awtoridad o tauhan ng pamunuan:
  • yung 3 PNPA cadets na inirereklamo dahil sa sexual harassment laban sa 2 lower classmen sa loob mismo ng academy nila
  • yung pulis na inirereklamo ng panggagahasa laban sa isang 15 y/o na dalagita kapalit ng paglilinis sa pangalan ng ama nito na idinadawit naman sa ilegal na droga
  • yung 2 pulis Novaliches na inirereklamo ng dahil daw sa panggagahasa sa isang babaeng nahuli ng dahil sa pagsusugal sa loob ng police mobile
  • yung mga police escort na namalo ng side mirror ng isang taxi habang naka-off-duty at nag-e-escort sa isang private individual
  • sa isang kampo sa Tagaytay, yung nakunan ng video na pamamalo ng isang Superintendent sa mga junior police gamit ang isang baseball bat
  • sa Moriones, Tondo, Manila, yung mga pulis na inirereklamo ng pananakit sa mga hinuli nila at paggalaw sa mga CCTV camera
  • sa Navotas, yung pulis at ang kasama niyang naka-AWOL na pulis, na inireklamo dahil sa pananakit
  • sa Santa Cruz, Manila, yung nagtatagong Kapitan at ang mga Kagawad niya na nanggulpi sa isang binatilyo kesyo hindi daw siya nakilala bilang kapitan nung biktima
  • sa Quezon City, yung dating Barangay Tanod at isang naka-AWOL na pulis na nahuli sa magkahiwalay na anti-illegal drugs operation
  • sa Bacoor, Cavite, yung number 1 na SK Kagawad na nakunan ng video at hinuli dahil sa pagbebenta ng ilegal na droga
  • sa Dasmariñas, Cavite, yung Barangay Chairman na nahuli na gumagamit at nagbebenta ng ilegal na droga, at nahulihan din ng hindi lisensyadong baril
  • sa Naic, Cavite, yung dating pulis at ang karelasyon niya na active jail guard na nahuli sa buy-bust operation
  • sa Parañaque City, yung nahuling dating army officer na dawit sa kaso ng milyon daw na halaga ng ilegal na droga na naipasok sa parking lot ng isang mall
  • sa isang bar sa Taguig, yung pulis na naki-Halloween party habang naka-full alert ang kapulisan, na nahuli pa na gumagamit ng cocaine
  • yung 4 na pulis ang suspek ng PDEA, na posible daw na nakipagsabwatan para maipuslit yung nawawalang nasa Php 6.8 Billion na ilegal na droga na isinilid sa mga magnetic lifters
  • sa Balete, Batangas, yung dating Konsehal ng bayan ng Balete na nahulihan ng hindi lisensyadong baril
  • sa Mabini, Batangas, yung Barangay Chairman na inaresto dahil sa pagtatago ng hindi lisensyadong M16 at mga bala
  • yung dating kaso sa Cebu, yung lumabas sa imbestigasyon ng NBI na baril nga ng pulis yung nakatama dun sa bata na nadamay lang sa anti-illegal drugs operation
  • sa Pangasinan, yung 17 y/o na binatilyo na player ng DOTA na sasali lang daw sa tournament sa Baguio na napatay DAW ng mga pulis sa engkwentro
  • sa Bocaue, Bulacan, yung hepe ng mga pulis na hinuli dahil sa pangingikil daw at sa paggamit ng mga sasakyan ng mga nahuhuli nilang mga drug suspect
  • yung pulis na miyembro ng HPG na hinuli dahil sa pangingikil laban sa mga service vehicle ng isang call center company
  • yung MMDA Enforcer na nagpapanggap na pulis para makapangikil laban sa mga service vehicle ng isang offshore gaming company
  • sa Quezon City, yung MMDA enforcer na nahuli sa isang kainan na tumatanggap ng lagay mula sa hinuli nilang motorcycle rider
  • sa Quezon City, yung may 3 nahuli mula doon sa grupo na responsable daw sa serye ng mga panghoholdap sa mga e-games at bingo establishments, isa sa mga nahuli ay kasalukuyang Barangay Kagawad ng Maynila, tapos ay dating pulis daw ang leader nung grupo
  • yung BIR supervisor at examiner na inireklamo dahil sa pangingikil, na nahuli sa Batangas
  • sa Tagaytay City, yung 5 naaresto dahil sa pagbebenta ng ekta-ektaryang lupa na may mga pekeng titulo, na ang lider ay dating empleyado ng DENR
  • sa isang mall sa Makati City, yung trainee para sa pagiging LGU Traffic Enforcer na nagnakaw ng motor
  • yung airport security screener, yung hinalungkat ang bag at pinagnakawan ang isang pasaherong Taiwanese
  • yung mga ghost employee daw sa Makati na tao ng Konsehal

are naman yung mga hindi pa malinaw kung anong klase nga ng mga tao ang involved o hindi tiyak o nabanggit kung sino ang nakatama:
  • dahil hindi tiyak kung paano nagkaroon ng access sa VIP na plaka, sa Angeles City, Pampanga, yung sakay ng SUV na may plakang 8 na nanakit ng kapwa niya motorista

heto naman yung mga may kinalaman sa kahinaan ng kasalukuyang penal system at pagpapatupad ng iba pang mga batas, patakaran, at sistema sa bansa:
  • yung mga batas na pro-pets and pro-pet owners na mga asal peste naman
  • yung paglaganap ng mga batang palaboy na lantarang umaatake ng mga pasahero sa mga pampublikong jeepney
  • yung aprubado na yung 25% na increase sa opisyal na pamasahe sa jeep
  • yung kagustuhan na i-ban na ang mga provincial buses sa NCR
  • yung may mga piling provincial buses na pwede pa ring pumasok sa NCR hanggang sa Parañaque area 
  • yung dagdag travel time at dagdag pamasahe nga ang idinudulot ngayon ng PITX
  • yung 2 MMDA Enforcer na magkaangkas sa motor na nasita ng ordinaryong motorista, yung blinker ang ginagamit na ilaw at hindi pa nakasuot ng tamang helmet
  • sa Manila, yung MTPB Enforcer na nahuli dahil hindi nakasuot ng helmet, pero nakipagsagutan pa rin sa taga-HPG yata yun
  • sa Tagaytay City, yung firing range sa kampo daw ng Cavite Police kung saan may mga umaabot na slug ng bala sa isang subdivision sa hindi kalayuan
  • yung panibagong surprise inspection na isinagawa ng NCRPO, kung saan may mga nahuli na naman na nakainom at natutulog na pulis habang nasa duty
  • yung palpak pala yung mga police escort nung mga PDEA agent and company na natambangan sa Lanao del Sur
  • ang kahinaan ng seguridad sa kabubukas lang na Boracay
  • sa iba't ibang lugar, yung mga construction contractors na hina-hire ng iba't ibang level ng gobyerno, na hindi muna pinag-aaralan kung may masisira bang linya ng patubig o linya ng kuryente sa dadaanan ng project nila bago sila magsimula
  • yung kagustuhan na magdagdag pa ng mga dam kahit na alam na nila ang negatibong naidudulot ng mga yun dahil nga sa na-enhance ng mga simpleng ulan at bagyo
  • yung worth Php 10 Million daw na Stairway to Heaven project ng MMDA na hindi naman pala totoong kailangan dahil may alternative naman palang daanan
  • yung Representative na hindi sumunod sa security procedure sa NAIA
  • yung babaeng Representative na inirereklamo dahil DAW sa pagpapasagawa ng Gluta-drip session sa mismong opisina niya
  • yung pati naman mga bagay na hindi na dapat pinakikialaman pa dahil sa historical value eh talagang gusto pang pag-aksayahan ng panahon para lang masabi na nagtatrabaho sila
  • yung gustong sirain ng Bureau of Customs yung nasa Php 12,000,000 worth daw ng smuggled na mga sibuyas na nasabat nila sa halip na mapakinabangan ng mga mamamayan
  • yung nasa Php 120 Million daw na halaga ng nasabat na smuggled na bigas na nasa poder na ng BOC sa Zamboanga, pero talagang nawala pa
  • yung tila protektadong-protektado yung isyu tungkol sa mga magnetic lifters
  • yung may shortage na rin daw sa supply ng siling labuyo
  • sa Laguna, yung tone-toneladang mga kamatis na nasayang lang dahil hindi maibenta
  • sa Albay, yung oversupply ng sitaw sa kabila ng kakulangan ng supply sa ibang mga rehiyon
  • yung hindi rin naman napababa ang presyuhan ng kamatis sa kabila ng labis-labis na supply nito dahil sa manipulasyon ng ibang supplier
  • yung reklamo na ipinarating sa Ombudsman, yung ipinambayad pala ng NFA sa utang yung pondo na nakalaan para sa pagbili ng bigas mula sa mga lokal na magsasaka
  • yung walang sumasagot sa mga tawag sa isang opisina ng SSS kahit na office hours pa naman
  • yung kagustuhan ng SSS na damay-damay ang mga miyembro sa pagsalo ng mga magiging dagdag na gastusin dulot ng pagpapalawig sa Maternity Leave and Benefits
  • ang kagustuhan ng SSS na gawin ng 15% ang porsyento nila sa kita ng mga tao para daw masalo ang kakulangan sa pondo ng ahensya nila
  • yung gustong taasan ng PhilHealth ang contribution ng mga members para lang masalo ang Universal Health Care Bill, 50% na pagtataas ang gusto nila para sa pinakamababang rate ng contribution
  • yung patataasin rin ng pinahintulutang taas-singil ng mga supplier ng tubig sa NCR area ang VAT na kailangang bayaran ng mga consumers
  • yung babaeng mastermind daw sa ibang kaso, na c-in-laim kaagad nila na may kinalaman daw sa mga rebelde, tapos eh binawi rin yung paratang, kesyo wala daw pala silang sapat na ebidensya
  • yung mga pulis na nagpapaapekto sa isang fictional na TV program sa kabila ng pagkakaroon naman talaga ng katiwalian sa totoong buhay
  • yung dagsa kaagad sa Senado yung mga tuta at bobong mga pulis na sabik na mang-aresto ng Senador kahit na wala namang warrant
  • yung may pruweba naman na posible ngang may nagmamasid sa bahay ng isang Senador, pero kini-claim na kaagad ng mga nasa itaas na kesyo paranoid lang yung tao kahit na wala naman silang ginagawang imbestigasyon
  • yung namamanipula ang mga records o documents sa mga base
  • yung napatunayan na peke lang ang ibang bintang laban sa Senador na dating nasangkot sa mutiny
  • yung parang wala namang silbi ang mga desisyon sa mababang level na nagpapatupad ng hustisya, dahil hindi naman final ang desisyon hangga't hindi yun umaabot sa tuktok, pero ayaw naman nilang buwagin yung mga level sa ibaba kahit na ganun na nga yung setup
  • yung applicable yung seniority rule kahit na para sa mga taong gumagawa ng mali at hindi patas
  • yung inabsuwelto na ng Supreme Court ang asawa ng Diktador, sa kabila ng presence ng nakaw na yaman
  • yung inamin ng pinuno na ang Solicitor General ang trumabaho sa kaso ng Senador na dating nasangkot sa mutiny, pero iisang tao lang ang kanilang pinuntirya
  • yung hindi naman hinahabol ng Solicitor General yung mga sundalo at miyembro ng Philippine Constabulary na umabuso sa panahon ng Martial Law
  • yung premature campaigning na gumagamit ng term na "gusto namin ang boses mo sa ....."
  • yung Representative na nagbanta na hindi magri-release ng PRC license sa mga hindi nakakakilala sa kaibigan niyang premature campaigner
  • yung 2 nasa katungkulan na pinagtatakpan ang medical condition ng pinuno ng bansa, tapos saka nila sasabihin na hindi nila alam ang totoong nangyari kapag lumabas na ang totoo
  • yung hindi na alam ng Spokesperson ang pinaggagagawa ng pinaglilingkuran niya at may mga pagkakataon na mali-mali na ang kanyang mga pinagsasasabi sa publiko
  • yung tutol sila sa mga patakaran laban sa pagmumura sa mga piling lugar puwerket hilig gawin iyon ng pinuno ng bansa
  • yung may kalayaan yung isang government official na mag-post sa kanyang fake blog kahit na during office hours
  • yung binastos na rin ng isang government official at ng kanyang kaibigan ang mga PWD para lang i-promote ang gusto nilang anyo ng pamahalaan
  • yung ang balak na i-represent na partido ay sangkot sa anumalya ng NGO Queen

at may kaso na iba-iba ang kategorya:
  • yung mga taong ang kakapal ng mukha na magsabi ng "i feel you" patungkol sa krisis na hinaharap ngayon ng bayan, pero patuloy naman ang pagsuporta sa mga palpak at tiwaling mga pinuno
  • yung pagiging bias ng maraming tao sa pagsagot sa mga survey lalo na yung mga taga-Southern Island
  • yung mga taong nagpapasalamat pa sa mga promotor, na kesyo hindi muna paaandarin ang kasunod na train, na para bang nasolusyunan yung problema na sila rin naman ang gumawa
  • yung gustong gawin na Php 10 ang minimum na pamasahe sa jeep, at hindi na pasok dito yung kapritsosong modernization plan
  • yung gusto nang paabutin ng ibang transport group sa Php 12 ang minimum na pamasahe sa jeep
  • yung mga masasamang jeepney driver na Php 9.00 ang iginiit na 20%-discounted rate na pamasahe, samantalang Php 8.00 lang dapat iyon 
  • yung maging mga batang kababaihan sa panahon ngayon eh nanggugulpi na rin sa kalye habang kumukuha pa ng video ng karahasan nila
  • yung may gang war na rin sa [Name of City], malapit pa sa mismong munisipyo
  • sa Caloocan, yung tila tino-tolerate na ng maraming tao ang patayan, at talagang may mga tao pa na nagchi-cheer para mangyari ito
  • yung tila statistical defense na ginagamit ng ibang mga tao para bigyan ng katuwiran ang nangyayari ngayon sa ekonomiya ng bayan, sa kabila nang presensya ng mga totoong ebidensya
  • yung negative impact ng Climate Change sa agrikultura ng buong bansa
  • yung pakikipag-agawan ng maraming non-mass transport vehicle sa supply ng limitadong petroleum products
  • yung isyu ng sexual harassment sa Miss Earth pageant
  • yung pinakamataas daw ang bilang ng mga insidente ng rape sa Safest City
  • yung parati na lang kini-claim ng pamahalaan na kesyo nahahaluan ng mga rebelde ang mga protesta laban sa palpak na pamumuno nila
  • yung pagiging balimbing ni MRT Man, na kaalyado na ngayon ng kaalyado ng mga dating magnanakaw at abusado sa katungkulan
  • yung inilaglag na kaagad ni MRT Man ang mahalay na halik ng kanyang dating amo nang mawala na siya sa katungkulan
  • yung may mga artista na gumagamit ng pangalan nila para sa demolisyon, para sa kapakanan ng kaalyado nila sa pulitika
  • yung may bagong version na naman ng Dictator's Law history yung balimbing na tuta ng dating Diktador
  • yung sinasamantala ng Dictator Clan ang kakulangan sa recording technology at ang kawalan ng mga record noong panahon ng paghahari nila para palabasin na gawa-gawa lang ang mga pang-aabuso sa panahon ng Dictator's Law
  • yung mang-aagaw na nga ng mga teritoryo ang Bestfriend Empire, tapos eh mang-aagaw pa ng mga trabaho yung mga mamamayan nila
-----o0o-----


November 10, 2018...

ang pamunuan talaga sa iba't ibang level... :(

imposible ba na mag-hire sila ng mga contractor at construction workers na may kakayahang mag-isip..?
yung tipong nakikipag-coordinate muna at inaalam ang layout ng mga tubo bago magbasag ng kalsada at magdukal..?
i mean, ilang beses na ring may sinira at ginawa sa bahay namin noon, pero hindi naman necessarily idinadamay yung mga hindi kailangang madamay para lang mamadali ang trabaho nila...

para kasing nakaugalian na ng mga nagtatrabaho para sa pamunuan na basta-basta na lang..
kumbaga eh bahala na kung makakasira sila..
tapos eh bahala na ring mag-repair yung service provider na may-ari nung nasira nila... :(

is feeling , basag-serbisyo...

---o0o---


November 11, 2018...

sa Quezon Province..
yung pedicab driver na tinangka daw i-salvage ng mga pulis..
yung nakagawa pa ng dying message kung saka-sakali..
kesyo nadawit daw siya sa kaso ng pagnanakaw at/o pangho-holdap...

pero may sarili rin namang witness yung mga pulis...

is feeling , tumba kaagad...??

---o0o---


November 12, 2018...

mukhang yun ang isa sa mga plano kung bakit sa loob ng mahabang panahon ay ngayon lang may naglakas ng loob na maglabas ng hatol..
dahil sa edad..
hinintay talaga nila na mas umedad pa..
dahil madaling gamitin ang edad para magmukhang kaawa-awa...

is feeling , balak nilang gamitin ang cosplay technique...


>
aalisin na pala ang analog TV signal by 2023..
ibig sabihin, wala ng libreng palabas sa panahon na yun..
kasi pinakamahina na yung may babayaran kang signal box..
tapos wala namang nagpo-provide nung sakop ang lahat ng local channels, nang walang monthly subscription...

bad news rin yun para sa sambayanan..
sa ngayon kasi ay 1 network pa lang yung nakakapagpakalat ng digital signal boxes nila sa mas maraming mga lugar..
pero by 2020 ay mapapaso na sila..
at merong mga santo na balak na hindi na sila pabalikin sa pag-ere..
so anong mangyayari kung saka-sakali..?
maraming hindi nagbabayad ng cable TV ang mawawalan ng access sa media, lalo na pagdating sa local news..
so para na rin siyang incomplete na local media blackout...

is feeling , diskriminasyon pa rin...


>
sa Angeles City, Pampanga..
yung sakay ng SUV na may plakang 8 na nanakit ng kapwa niya motorista...

is feeling , salamat po sa VIP number...


>
sa Quezon City..
yung mga dalagita na basta na lang nanggulpi sa daan ng kapwa nila babae..
na talagang kinunan pa nila ng video para ipagkalat...

is feeling , okay, 18 years na lang ang legal age para sa kriminal na pananagutan...

---o0o---


November 13, 2018...

ayaw pakawalan ng maraming jeepney driver yung Php 10 na base fare..
kasi ang lintik na hinahabol nila eh yung lagpas sa Php 500, lagpas sa Php 1,000 na dati nilang naiuuwi para sa mga pamilya nila...

is feeling , samantalang ang daming mamamayan na below Php 500 ang kinikita per day...


>
sa Moriones, Tondo, Manila..
yung mga pulis na inirereklamo ng pananakit sa mga hinuli nila at paggalaw sa mga CCTV camera..
kesyo para daw hindi matunugan yung sunod nilang operasyon...

para na naman sa accomplishment report...?

is feeling , police Heroes technique.. CCTV manipulation jutsu...

---o0o---


November 14, 2018...

yung mamahalin na Stairway to Heaven project ng MMDA..
worth Php 10 Million daw eh..
pero hindi naman pala totoong kailangan dahil matagal na palang may alternative na safe at tamang tawiran...

is feeling , better than Playgirls' Client's technique...


>
ang husay talaga nung mga construction worker... :(

noong una eh tubo ng tubig ang binasag nila para lang mapabilis ang trabaho nila...

tapos ngayong araw naman eh supply ng kuryente ang sinira nila..
hindi ba talaga pwedeng mag-ingat...??

anak ng..
na-delay na naman ang trabaho...
Wednesday na..
andami pang kailangang ihanda...

is feeling , construction ba o destruction...??


>
yung tinamaan sa istorya ng Ang Probinsiyano...

anak ng..?
sobrang tatanga po..
ang tagal nang may mga kontrabidang pulis sa literature at sa visual media..
may mga pulis rin talaga na kalaban sa original na Ang Probinsiyano movie..
at maging sa totoong buhay, napapanood naman sa mga balita na talagang may masasamang pulis eh..
tapos kukuwestiyunin sa panahon ngayon...??

tsaka may mga bida pong pulis at government officials doon sa programa..
saka kayo magtaka kung normal na taong baby na ang magiging kontrabida dun sa istorya..
kung makapagmalinis..
santo rin kayo...??

is feeling , ipinapakita lang nun ang katotohanan ng buhay na ang kasamaan ay posibleng makita sa kung saan-saan...

---o0o---


November 15, 2018...

sa Manila..
yung MTPB Enforcer na nahuli dahil hindi nakasuot ng helmet..
pero nakipagsagutan pa rin sa taga-HPG yata yun..
kesyo LTO ticket daw yung inii-issue sa kanya...

is feeling , pero mali pa rin talaga, lalo na sa empleyado ng pamunuan, na hindi sundin ang batas sa pagsusuot ng helmet...


>
ayos yung plano nung mga supplier ng tubig sa may NCR area ah..
kasabay nga naman ng pagtaas ng singil per cubic meter eh pagtaas rin sa VAT na kailangang bayaran ng mga customer nila...

is feeling , kaya hindi dapat ma-privatize ang supplier dito sa [Name of City] nang dahil lang sa kagustuhan ng pamilya ng kasalukuyang Mayor...


>
yung kalokohan na nangyayari ngayon sa PITX ay sample pa lang kung paano nila gustong sirain ang sistema ng transportasyon para sa mga mananakay na taga-labas...
  • more travel time, na hindi mabuti lalo na para sa mga empleyado na naghahabol sa oras ng trabaho at sa oras ng pag-uwi
  • more fare, dahil pararamihin nila ang mga babayaran, lalo na ang base fare, dahil kailangan pa ring magpalipat-lipat ng mga sasakyan

is feeling , palakpakan...