Friday, October 14, 2016

The North-East Plan

bakit North at East..?
simple lang...

anyway..
ia-update ko na rin yung listahan ko ng mga significant news (para sa akin)...
  • yung mga lalaking itinumba kahit na naka-posas na sa likod
  • yung honor student na choir member na ginamitan ng karatula
  • yung 4 year old daw na bata na nadamay sa pagpatay ng mga pulis sa tatay niya
  • yung 5 year old daw na bata na nadamay sa tangkang pagpatay ng mga hindi kilalang tao sa lolo niya
  • yung OFW na dinakip sa checkpoint at naging biktima ng torture at pagpatay
  • yung mga taga-Quezon na hinuli sa parang raid, pero wala palang record ang mga pulis ng naging operasyon na yun laban sa kanila, at may natagpuan na lang na mga sunog na bangkay na pinaghihinalaan na sa mga taong yun na pinagdadakip nga
  •  yung kaso nung Australian, kung saan hindi nag-match yung statements ng mga arresting officers kumpara sa naging kuha ng CCTV, at may alegasyon pa ng tangkang pangingikil (this happened sometime before the current administration)
  • yung kaso ng pagpatay sa Regional Chairperson ng Citizens Crime Watch sa Oriental Mindoro, kung saan Police Senior Inspector at Inspector (police awardee pa yung isa) yung nahuling mga suspect, at may mga kagamitan talaga sila na pang-riding-in-tandem
  • isama na rin yung pagkalat ng mga fake news at paid trolls sa social media

hindi na nga dapat limitahan yung usapin sa topic lang ng Extra Judicial Killing (dahil madali lang bigyan ng palusot yun)..
mas general na dapat yung approach..
ito ay laban kontra sa katiwalian, pag-abuso sa kapangyarihan, at padalos-dalos na proseso...

kung gusto talaga ng mga tao ng ebidensya regarding the FEAR..
yung takot para sa mga buhay nila..?
edi bilangin nila yung magnitude ng mga drug-related personalities na kusang sumuko..
doon pa lang mapapatunayan na na totoo nga yung TAKOT...

---o0o---


October 10, 2016...

dapat hindi na patulan ng mga Pilipino yung news sa ibang bansa..
kahit na sabihin na exaggerated yung headline..
o masyadong nagko-conclude yung balita...

hindi lang naman kasi yung reporter na yun ang nagawa ng ganun..
eh kahit yung idol nga mismo eh nagawa rin ng mga bagay na nakakasira sa pangalan ng iba..
halimbawa..
yung kawawang foreigner na pinatay dito sa bansa at ni-rape pa DAW eh binaboy niya nang pagnasahan niya sa joke niya..
yung mataas na religious personality eh ikinabit niya ang pangalan o titulo sa pagmumura niya dahil lang masyadong VIP yung tao at nag-cause ng heavy traffic..
yung current leader ng America eh sinasabihan niya ng masasamang salita at mukhang sinisisi pa sa isang digmaan na nangyari from the early 1900's..
ganun din sa ibang mga pinuno na tinitira niya, despite the fact na totoo namang may mga nangyayari ngang mali sa laban nila kontra sa droga...


huwag mong gawin sa iba yung ayaw mong gawin nila sa'yo..
kung mahilig kang mambastos at manghiya ng ibang tao sa publiko para lang subukang ipakita na magaling ka (kahit na hindi mo pa naman sila nakakausap talaga sa personal), eh huwag ka nang magtaka kung ganun din ang gagawin sa'yo ng iba...

in the end, masama talaga yang pagiging narcissistic...
feeling , patas lang sila...
>
para sa mga cigarette-smokers naman..
magandang panimula yung patakaran na bawal na silang manigarilyo sa public places...

oo, totoong mahirap nang iwasan ang bisyo kapag nasimulan na - pero nasa tao naman kasi yun kung papasok ba siya sa isang bisyo o hindi..
totoo rin na hindi madaling umiwas sa bisyo ng paninigarilyo lalo na kapag nakasanayan na ng katawan - dahil may mga komplikadong withdrawal issues yun na halos katulad rin sa drugs...

pero ang mahirap kasi, yung smoking eh hindi bisyo na nasosolo ng taong gumagawa nito..
marami sa hanay nila ang laging magsasabi na kesyo paano naman yung karapatan nila..?
at hindi nila naiisip na paano naman yung karapatan ng mga non-smoker na nakakalanghap ng usok nila..
kumbaga, cigarette-smoking eh hindi talaga healthy na bisyo - hindi healthy para sa mismong nagamit, hindi healthy para sa lahat ng secondhand smokers, and worse nakakadagdag talaga siya sa pagkasira ng kalikasan dahil sa pagkasira ng atmosphere..
pero hindi rin naman siya yung tipong on the spot yung epekto na makikita kaagad yung pagkasira ng katawan, kaya mahirap rin talagang ipaunawa yung masamang epekto niya...

kung may paraan lang sana na lahat ng usok ng sigarilyo eh yung smoker rin lang ang makakahithit - edi kahit i-practice lang nila nang i-practice ang mga karapatan nila..
parang sa Saw movie..
pero habang walang ganung teknolohiya, eh tiis na lang muna...

i've been smoking for more than 30 years..
at yung demonyong pinanggagalingan ng usok na nalalanghap ko eh sira na yung katawan..
not dying - pero not functioning well..
imagine someone na naka-brief o boxer shorts na lang sa loob at labas ng bahay (kahit sa panahon ng taglamig), hirap huminga kaya ginagamit na lahat ng pores ng katawan para sa pag-absorb ng hangin, pero kulang pa yun dahil kailangan niyang magtutok ng electric fan lalo na kapag natutulog siya, pero nagkukumot rin naman dahil malamig ang tama ng hangin sa balat..
well, halimbawa lang siya nung smoker na mahaba ang buhay - pero paano yung halimbawa nung mga nangamatay na...?

sa kabila nun, meron rin namang mga success stories ng pag-iwas sa sigarilyo...
feeling , overlapping rights...
>
putang ina!
sino kaya yung bagong padrino ng mga [Surname of Mayor] sa itaas..?
sinong kakampi nila sa Supreme Court..?
wala akong pakialam kung pulitikal ang pag-atake sa kanila para lang maalis na sila sa puwesto...

pero yung i-tolerate yung kurakot para magawa nitong manatili sa puwesto..?
putang ina ninyong mga nasa taas ng gobyerno (kung sinu-sino man kayo)!
feeling , mamatay na kayo kapag nabenta ang Water District!
---o0o---


October 11, 2016...

may bago na namang balita nang pagmamalabis kanina..
hindi naman bago yung mismong balita - pero kanina ibinalita yung progress dun sa kaso..
not very sure about dun sa story dahil half asleep pa ako noong marinig ko yun...

base sa details..
mukhang foreigner yung hinuli ng mga pulis (base sa apelyido)..
ang masama, according daw sa report ng mga pulis eh sa kalye nila hinuli yung suspect..
unfortunately naman para dun sa mga pasaway na yun, may CCTV pala na nakunan yung ibang pangyayari tungkol sa pag-aresto nila dun sa tao noong araw na yun (parang sa loob ng hotel, which contradicts their report)..
at ayon pa sa suspect/victim, eh sinubukan siyang hingan ng Php 2,000,000 nung mga arresting officers...


not yet very sure sa mga narinig ko..
kaya susubukan kong makita pamaya yung balita sa news...

isa na naman 'tong halimbawa kung bakit hindi talaga magiging epektibo ang kasalukuyang sistema laban sa kriminalidad..
dahil hangga't may mga umaabusong awtoridad, eh hindi masasabing mapagkakatiwalaan ang batas at ang sistema..
mas maganda siguro kung sila-sila munang mga pulis ang maghulian o magpatayan...

nakakalungkot din yung fact sa ngayon..
na sa dinami-dami (daan-daan) na ng mga napapatay through salvaging..
eh wala pa ring masyadong nahuhuli sa mga gumagawa nito..
sa 1,000 plus na kaso, dapat sana ay may 500 man lamang na nare-resolba..
ano sila, mga ninja kaya wala talagang makahuli..?
at ang sunod na tanong ay..?
kung pulis ba ang nagtumba sa isang tao habang nasa labas siya ng oras ng duty niya at hindi siya unipormado - would this count as extra judicial killing o vigilante act na lang...?
feeling , sa lahat ng mga tapat na pulis - thank you po.. pero sa lahat ng tiwali - mamatay na kayo! pasensya na pero mahirap talagang magtiwala sa mga sistema na may bahid - mas madali pa ang matakot...
>
so Australian pala yung naging biktima..
at may kasama pa siyang isang foreigner..
nangyari yung incident bago pa naupo yung idol..
naging kuwestiyonable yung kaso dahil hindi tumugma yung mga statements nung mga umaresto kumpara sa kuha ng CCTV na naging ebidensiya nung biktima..
regardless kung totoong nahulihan sila ng Ecstasy o tinaniman lang, regardless kung mga drug offenders nga sila o hindi..
ang tanong eh bakit hindi tumugma yung kuwento nila noong una..?
anong motibo nun..?
dahil nagbigay nga yun ng posibilidad na totoo yung sinasabi nung Australian na sinubukan siyang hingan ng malaking halaga ng pera...


pero ang masama..?
yung incident noon tungkol dun sa isang drug suspect na inakalang patay na, at mukhang naging survivor lang dahil nagpatay-patayan siya hanggang inabutan ng media yung crime scene..
may claim siya na tinaniman lang siya ng ebidensya at sinubukang patayin ng mga pulis..
supported ng kuha ng CCTV yung ibang bahagi ng statements niya..
kaya naging kuwestiyonable na naman sa kasong ito ang motibo ng mga pulis...
feeling , hindi psychic ang mga mamamayan para matukoy kung sinu-sino ang good cops o bad cops.. kaya the best option talaga is to not trust any of them na hindi mo naman personally kilala...
---o0o---


October 12, 2016...

disappointed sa Volunteers Against Crime and Corruption (o baka naman yung speaker lang nila yung nag-iisip ng ganun)..
ang ganda pa naman ng ibig sabihin ng pangalan ng grupo nila..
kumbaga andun na lahat ng kailangan ng bayan eh...

una, questionable yung pag-file nila ng kaso laban sa isang government official sa DOJ at hindi sa Ombudsman (para silang nagluluto)...

ikalawa, paano naman naging mas masahol ang pagtanggap ng drug money kumpara sa pagnanakaw ng pera ng bayan (pork barrel sample)..?
totoong ilegal ang illegal drugs (redundant pero ini-emphasize ko lang na hindi lahat ng drugs ay masama, dahil gamot ang maraming klase ng drugs), pero sa tingin ko naman eh hindi puwersahan ang pagbili nito in most cases..
hindi ko naman sinasabi na tama ang tumanggap ng drug money, pero at least hindi ito pera na galing sa buwis at pinaghirapan ng taong bayan..
hindi tulad sa pagnanakaw ng pork barrel na direktang paglapastangan sa mga mamamayan (para kasing may ipinagtatanggol sa statement eh)..
ang punto eh hindi na dapat nag-compare at in-emphasize na lang sana na masama ang pagtanggap at pagpapaipon ng drug money para sa isang government official..
besides, sa tono kasi ng pagsasalita ng representative nila eh parang hinusgahan na rin nila yung mga akusado habang ina-assume na inosente yung ibang participants...

ikatlo..
ilang beses nang sinabi na matagal na talagang may mga kaso ng vigilante acts, hindi lang sa panahon ng bagong administrasyon..
pero mukhang hindi napansin ng representative nila yung magnitude nung mga kaso ngayon..
kung para sa kanya eh normal yung daan-daan na kaso na may unidentified killer/s sa loob lamang ng ilang buwan, habang wala ring masyadong nahuhuli sa mga gumagawa nito, eh baka may problema sa analysis nila..
kaya hindi pwedeng yung regular na operasyon lang ng mga pulis ang tutukan for the evaluation ng war against drugs, dahil maraming tumbahan ngayon gamit ang mga vigilante eh may kinalaman rin sa droga..
who knows kung sinong kumokontrol sa mga vigilante na yun..?
besides, andami ng kaso na nagpapakita na may mga pulis pa rin na umaabuso hanggang ngayon eh...

dapat maging patas sila sa treatment sa mga kaso..
at hindi gawing pulitikal yung laban...
feeling , anong essence ng grupo niyo..? hindi naman ba kayo Volunteers for Idol...?
---o0o---


October 13, 2016...

can't remember anything na sobrang sama na nangyari sa panahon ni Ramos...

pero mukhang matalino rin nga talaga siya (yung tipo na tinatawag ng iba na hypocrite)..
pero ganun naman talaga ang sistema ng mundo, kailangang matutong makisama..
walang lugar para sa pahiyaan at bastusan..
akala kasi ng iba, basta marunong magmura eh astig..
eh hindi naman sa kakayahang magmura at manghiya nasusukat ang paninindigan ng pamunuan...


buti pa si Ramos..
alam niya na hindi shoot to kill ang totoong layunin ng mga pulis - kundi shoot to disable..
totoong mahirap yung gawin sa realidad, pero yun talaga yung dapat as much as possible..
tapos magrereklamo yung idol, ilan ba daw pulis niya ang namamatay dahil sa giyera na sinimulan nila..?
eh tang ina! sino bang nagsabi na sumugod lang sila nang sumugod nang walang sapat na kasanayan at tamang mga kagamitan..
hindi naman kasi natural na yung mga kriminal ang lalapit sa mga pulis para lang patayin sila (unless yun talaga yung goal nila)..
pero kung pasusugurin mo sila sa teritoryo ng mga kalaban dahil sa giyera laban sa droga - hindi ba tama lang na i-expect nila na posibleng may manlaban sa mga suspek kaya dapat bigyan ng mga baluti ang mabubuting kapulisan...?

tapos ang lakas ng loob nila na paimbestigahan sa mga taga-ibang bansa yung kaso ng extra judicial killings at pagkamatay ng mga pulis nila - eh puros may pananagutan sila sa mga yun...

at tungkol sa foreign policy..
anong sense ng paglaban sa kolonyalismo - kung ibebenta mo rin naman sa iba ang bansa..?
paano naging 'friendly' ang bansang gumugutom sa mga mamamayan na apektado ng Imperyalismo..?
paano naging 'friendly' para sa bansa ang isang nasyon na madaming mamamayan ay mga bigating drug manufacturer..?
kapalit ba nun ang kalayaan ng mga mamamayan na muling magamit ang mga sinakop na teritoryo ng bansa..?
pero medyo kuwestiyonable yun dahil nga hindi lang naman 2 bansa ang nag-aagawan para sa mga lugar na yun...

dapat nga siguro eh pabayaan na muna ang Pilipinas ng ibang bansa..
i-pullout na muna lahat ng mga kompanya at investments, imports, at maging ang mga financial aid..
para lang makita kung uubra nga ang plano ng mga nasa itaas...
feeling , ano nga kaya ang nasa likod ng planong pagkampi sa Imperyo...?
>
may bago na namang kaso ng posibleng pagiging tiwali ng mga pulis..
Oriental Mindoro yung area...

babae yung napatay..
at Regional Chairperson ng Citizens Crime Watch..
not sure pa kung anong mismong motibo..
after that, nagkaroon ng engkuwentro..
at napabagsak yung suspected riding-in-tandem ng mga pulis...


ang masama..?
noong nahuli yung dalawang suspected killers, it turned out na mga opisyales ng kapulisan yung dalawa..
isang Senior Inspector at isang Inspector..
at may mga gear nga sila na pang-riding-in-tandem (pangtago ng mukha, etc.)..
at anong mas masama pa dun..?
isa sa mga suspect eh minsan nang pinarangalan ng pamunuan ng kapulisan (this September lang daw), at si Bato pa mismo yung nakitang nag-award dun sa video file...

isa ba 'tong palatandaan na nagtatrabaho rin nga ang ibang pulis habang hindi sila naka-uniporme..?
ito rin kaya ang dahilan kung bakit maraming vigilante/taga-tumba ang hindi nahuhuli...?
feeling , mukhang maging records at awards ng mga pulis eh hindi na rin pwedeng basehan kung sino ang matino at sino ang tiwali...?
>
grabe yung Garrido..
yung nanaga sa Cavite..
parang Spartan (300)...
feeling , isa na namang certified na dapat mamatay...
---o0o---


October 15, 2016...

tang inang serbisyo yan!
bakit may bayad ang pagtawag sa 8888 na hotline???

kanina ko lang nakita dahil nag-reflect sa bill namin..
ang problema, direct dial yung number at hindi naaapektuhan nung lock code nung telepono para sa mga outgoing calls... :(
feeling , tinawag pang government service...


Friday, October 7, 2016

Ang Alamat ng Most Undesirable Guy on Earth - First Week of October 2016 (Comes Her Birthmonth)

October 1, 2016...

4 na Yahoo account sa pangangalaga ko ang nakatanggap ng mail tungkol sa security breach na naganap noon pa... :(

damn!
isang possible state-sponsored attack... :(
feeling , security please!
>
[Movies / Cuties 18+]


 
Turkse Chick

isang foreign short film, na sexy na patawa (10 minutes lang mahigit)..
tungkol sa isang teenager na skaterboy na mahilig magpasikat sa babaeng natitipuhan niya..
kaso madalas siyang mahubuan ng pantalon (dahil sa sobrang dami ng nakasabit dito) na nagdudulot sa kanya ng disgrasya...

yung babae naman eh bantay-sarado ng 4 niyang kapatid na lalaki..
LOL! grabe yung Furkan, nag-resort talaga sa suicide-bombing dahil sa sobrang istrikto... XD



at grabe si Dilara, si Yolanthe Cabau van Kasbergen.. <3
sexy high heels..
hybrid ng navel piercing at belly chain..
yung inviting, G-String yata ang classification nun..
tapos public setting pa..
damn! ganun ang mga concept... <3


(ang swerte ni Fokko sa mga kissing scene nila, at parang alam ko na kung bakit Fokko ang ginawang pangalan niya dito, LOL!)



seriously, after i saw the naughty scene, i thought that it should have a porn parody..
the plot, setting, actor/actress, costume and even the accessories - everything is just perfect for the real stuff..
like Jordi El NiƱo Polla can play the role of the young guy (since that is his specialty)..
as for the girl (not necessarily of the same race or religious affiliation), i'm not really familiar with anyone who has a resemblance with Yolanthe Cabau, but i think Valentina Nappi, or Leah Gotti, or Lucy Li, or even Sofia Nix (if she's still active) can play that role... <3
feeling , sino bang nagsabi na Caucasian lang ang kayang maging seksi...?
>
got 4 more files today..
mga kitty module at isang dog module..
kinailangang magbura na ulit ng ilang mirrored files..
and now i have 82.5 MB left..
medyo marami pa namang free space kapag nagbura ako ng mirrored videos...

grabe!
sabik na akong makita si 21750 nang buo..
kaso FATE just won't allow me...
feeling , hindi ako pwedeng mamatay nang hindi ko man lamang nare-review lahat ng data ko...
---o0o---


October 2, 2016...

it's been 7 days since she returned..
though wala pa namang review na lumalabas about her...

tapos pumasok na nga yung supposed birthmonth niya...
feeling , ano bang mas dapat kong i-prioritize...?
>
gumana naman yung ginawa kong trick sa adsense..
kung alam ko lang na ganun yun - edi matagal ko na sanang ginawa...
feeling , long way to go...
>
[Online Marketing]

got a buyer ng Star Wars sa ebay..
kaso newbie, late September lang gumawa ng account..
ang problema - pinakyaw yung items ko..
hindi ko naman alam kung seryoso o hindi..
maging postal code niya eh mali eh...
feeling , sana naman seryoso...
---o0o---


October 3, 2016...

[Online Marketing]

kumontak na sa akin yung buyer..
seryoso daw siya eh..
pero Tagalog lang daw ang usapan namin...

ewan ko lang kung papayag siya sa payment terms ko...
feeling , post - usap - deal!
>
biglang nagmura yung masculine wash sa 7 Eleven..
Php 80 na lang compared sa dati na Php 108..
may patong pa rin compared sa grocery price, pero hindi na sobrang laki...
feeling , hindi yata mahilig maghugas ang mga taga-[Name of City] ih...
>
malas!

hindi talaga magpanama yung landas namin ni Emoji Girl..
kung wala lang akong biniling mantika, titiyagain ko nang pilahan yung lane niya eh..
kaso hindi nagkakahon sa mga lane na ONE BASKET only..
and for 30 minutes ang dami niyang tinauhan na cash register, bago niya ipinasa sa mga cashier yung mga yun, samantalang halos hindi ako nakagalaw sa pila ko...

sa tuwing pinagmamasdan ko siya, wala naman akong napapansin na hindi maganda sa kanya..
though may possibility na may fraction ng common blood sa pagitan namin, o baka nga kamag-anak ko pa siya eh...

the only possible reason kung bakit ayaw ng FATE na direktang mag-krus ang mga landas namin..?
dahil alam niyang wala naman akong maipagmamalaki dun sa babae..
at alam niyang malaki yung pagkakamali para sa akin...
feeling , kelan kaya kami magpapanagpo...?
>
[Business]

binuksan ko na ulit yung loading station para sa mga kliyente..
pero yung pang-Globe at TM lang, dahil mabagal gamitin yung VMobile at mahirap din ang verification process...

same rules..
walang patong..
pero wala na ring refund basta nakaltas sa wallet ko yung load...


bawal na rin ang palista..
pati yung pag-order ng load from and to anywhere around the globe..
yae nang mahigpit, basta iwas stress at pandaraya ng mga pasaway...
feeling , ipon-mode...
>
[Medical Condition]

start na ulit ng acid treatment..
ganun nga siguro yung approach..
burn, heal, burn, heal - hanggang sa mawala na...

as for the other abnormal growth (yung may significant size noon)..
halos nag-blend na siya sa normal skin..
hindi ko na nga maalala kung nasaan mismo yun dati eh...
feeling , i can only bring down 2...
>
[Public Interest]

biglang kambiyo naman si Tutut Gordon..
napansin din ang mali sa pagkatao nung idol..
wala naman talagang magandang idudulot ang pagta-trashtalk sa sobrang taas na level ng pamunuan eh...

yun ba yung klase ng tao na gusto niyang bigyan noon ng kakayahan na suspendehin ang writ of habeas corpus..?
isang idol na willing pumatay ng maraming tao - drug addict was the term used..
samantalang wala pa ngang death penalty ulit..
at hindi lahat ng criminal offense eh pwedeng patawan ng kamatayan..
ni wala nga silang research na magpapakita na lahat ng may criminal offense (na not related with drugs, since labag na automatic sa batas na ma-involve sa droga) eh nagiging kriminal lang just because of drugs..
or research na magpo-prove na lahat ng drug users ay automatic rin na may iba pang nako-commit na krimen (na not related with drugs)..
is drug == other forms of criminality, and vice-versa..?
iba-iba ang form ng drugs, at iba-iba ang level ng pag-abuse ng tao sa drugs...


some deserve to die..
pero hindi lahat - lalo na yung mga inosente...

mabuti na lang nagamit na yung isyu nung OFW sa imbestigasyon ng Senado...
feeling , para siyang bipolar na narcissistic, na racist din...
---o0o---


October 4, 2016...

[Public Interest]

kawawa naman si Mark Anthony..
it only shows kung paano nag-a-apply ng maling mga batas ang mga tao, at sa kaso na 'to regarding something na halos nasa natural form niya - something na nilikha ng diyos...

oo, siguro may konting mali yung driving without plate number (depende kung gaano na katanda yung sasakyan niya)..
according sa batas, mali rin ang possession ng mga KNOWN illegal drugs...

pero kung walang kaso yung tao ng pagtutulak..?
kung wala naman siyang kaso ng pagiging bayolente at paggawa ng mali laban sa kapwa niya..
gaya nga ng sabi ng iba niyang nakakatrabaho, na wala naman silang nakikita na senyales na nag-iiba na ulit yung ugali niya..
tama ba na ikukulong siya nang habambuhay dahil lang sinisira niya ang sarili niya..?
o tama ba na sabihin na nakakasira nga PARATI ang marijuana, considering na may mga medicinal claims na nga yung organic na bagay na yun...?
feeling , tapos mga delikadong kriminal na dapat ubusin ang tingin ng marami sa mga taong sangkot sa drugs..
>
[Public Interest]

nakakahiya na talaga ngayon si Tutut Gordon..
isang malinaw na ebidensya na may mga taong hindi gumagawa nang tama sa tungkulin nila..
nasa record naman pala, pero magbibigay ng paratang - for what purpose..?
at hindi pa marunong mag-sorry..
parang itinanim lang tuloy siya dun sa hearing na yun - para lang masabi na may hearing nga..
kung wala dun si Trillanes, malamang naluto rin yung topic na yun...


yung si Pacquiao naman, nagpapahaging pa..
isisisi pa dun sa haba ng hearing ang pagliban niya sa practice..
eh tang ina mo!
kundangan kang tanga, sinabi na sa'yo na may mabibigat na tungkulin ang mga public officials - pero takbo ka pa rin nang takbo sa pulitika..
baka mamaya kapag natalo ka sa boksing mo - isisi mo pa yun sa hearing at sa pagka-Senador mo...?
feeling , gawin naman nang tama yang mga trabaho ninyo!
>
[Movies]

may R-18 local film yung Nathalie Hart..?
Siphayo...

naman!
bakit ayaw pang pumasok sa ganung genre ng iba pang artista..
yung malalakas ang loob na mag-FHM..
dapat gumaya na ang bansa sa level ng film industry sa Italy at iba pang European countries...

feeling curious.
>
tried to go back to line art this day..
managed to fill up 4 panels...

mahirap nga pala..
dahil na rin sa bagong ayos ng kuwarto ko..
right handed ako kaya nahaharangan ng kamay ko yung liwanag..
halos wala ring natural light na pumapasok sa kuwarto ko...


mas okay talaga noon na nagagamit ko yung living room...
feeling , back to drawing...
---o0o---


October 5, 2016...

hmmm..?
2 days nang hindi kumu-contact yung buyer ah...
feeling , ano na namang plano ng FATE...?
---o0o---


October 6, 2016...

[Public Interest]

kapag ibinase ng korte sa pirma ng mahigit isang milyon lang ang magiging desisyon nila - eh bastusan na talaga!
kahit walang isang milyon ang direktang biktima ng mga pag-torture, panggagahasa, at mga pagpatay noong panahon ng Martial Law..
hindi yun sapat na basehan para daanin na lang sa paramihan ng bilang ang usapin na 'to..
besides, buong bansa naman ang naging biktima ng pagnanakaw sa gobyerno noon, at ng pagbubusal sa media..
lahat ng yun ay kailangan ng hustisya...


seriously..
kahit yata mag-referendum tungkol dun sa topic eh baka matalo ang mga anti-Marcos..
dahil nga sa mga siraulo na minanipula ang history..
kaya pala hindi na tinatalakay noon sa school lahat ng pamemeke sa military record nung bangkay, ang tungkol sa mga yaman na ninakaw from day 1, ang mga pera na inilipat sa Switzerland from day 1, ang mga staged na palabas para lang maipatupad ang Martial Law, ang bilang at pangalan ng lahat ng t-in-orture, ang bilang at pangalan ng lahat ng ginahasa, ang bilang at pangalan ng lahat ng inosenteng pinatay sa panahon na yun, at maging ang dami ng itinakas nilang yaman sa pag-alis nila ng bansa..
hindi para sa censorship ng maseselang impormasyon ang rason..
hindi para mapadali ang mga quiz sa paaralan ang rason - kundi para imanipula ang history para sa mga susunod na henerasyon..
kaya andami ngayong mga botante na mga kabataan ang parang mga zombie na at mga panatiko - na naniniwala sa mga angkan na hanggang ngayon ay kumakain ng galing sa nakaw na pera ng bayan...

hindi na dapat idinadaan sa technicalities ang usapin na 'to..
traydor sa bansa ang demonyong yun kaya hindi siya nararapat na ilibing sa anumang libingan na may kabuluhan para sa bansa..
para siyang si Hitler..
at masahol pa sila kumpara sa mga pulis o sundalo na protektor ng mga sindikato..
pasalamat pa nga yung basurang angkan na yun na walang nagsusulong para gutay-gutayin na lang at sunugin yung bangkay ng demonyo na yun eh...

pero kasalanan talaga 'to ng mga nagdaang administrasyon na binalewala at hindi ginawang permanente ang pag-ban dun sa paglilibing nung basurang bangkay sa isang makabuluhang libingan...
feeling , nasaan na ba yung malakas ang loob na magnanakaw at susunog sa pesteng bangkay na yun!? - para tapos na ang pulong!
>
[Public Interest]

nakakapagduda na ang Kongreso..
andami na nang nakakalusot na binabasa lang na mga testimonya..
wala ba talaga silang balak na i-test kung alam talaga ng mga testigo yung written statement nila...?
feeling , if you smell what The Rock is cookin'...?
>
[Public Interest]

Chinese Empire pa ngayon yung may respeto sa ibang tao...?

nakalimutan yata ng idol na antagal nang hindi makapangisda ng maraming MALILIIT na mangingisda dahil sa puwersahang pananakop ng Imperyo sa mga teritoryo na dati nang pinangingisdaan ng mga taong ito...

si Yasay naman, nagsawa na sa pagbabaliktad sa mga statement ng idol..
naghimutok na rin tuloy..
mukhang panahon na nga para pabayaan na tayo ng ibang bansa..
ma-testing lang kung kaya nga ng Pilipinas ang sarili niya...

feeling , magiging Chinese Colony pa yata ang bansa...
>
[Public Interest]

pero ang pinaka-nakakabahala talaga sa lahat...?

yung paparahas nang paparahas na climate change..
ibang-iba na ang antas ng pamiminsala ng mga natural calamities..
yung iba, kumawala na rin sa mga usual pattern nila kaya hindi na ma-predict..
samantalang ang mga tao eh tuluy-tuloy lang sa pagpapabaya at paninira sa kalikasan na parang sobrang importante nilang mga nilalang...


kung talagang gusto ng mga tao ng energy..?
bakit hindi mismong mga tao na lang ang mag-produce..?
ang konsepto ng energy conversion..
ang daming tao ang naghahanap ng trabaho, bakit hindi sila pagawin ng kuryente at saka suwelduhan..?
pero gaano karami nga kayang Watts ang kayang i-produce ng manpower kung saka-sakali...?
feeling , mukhang Earth na mismo ang gumagawa ng paraan para i-preserve ang sarili niya...
---o0o---


October 7, 2016...

[Gadget-Related]

updated Viber..
ayun, saka na lang ulit gumana sa pag-save ng mga user photos..
sayang din naman kasi yung snapshot ng mga contacts ko...
feeling , auto-save...
---o0o---


October 8, 2016...

[Strange Dreams 18+]

again, nakabuo na naman ang utak ko ng istorya na hindi pamilyar sa akin sa totoong mundo...

para siyang isang prank show..
at English siya pati yung cast (kaya nasabi ko na hindi talaga pamilyar sa akin)..
there was this guy who's walking across a certain street, paulit-ulit yung routine na yun..
ngayon na naalala ko, parang yung point of view ko eh yung mismong view nung camera..
lower body lang nung lalaki yung kita, at nakalabas yung tutut niya (hindi full view, kumbaga yung near the head area lang yung pinapakita sa camera na parang the shot was aiming to hide the actual size of that thing)...


hindi naman matao yung street na yun..
para siyang yung malalawak na klase ng street na merong malalaking mga lote sa gitna ng mga kalsada, tapos puros puno lang at damo yung mga loteng yun, at nasa magkabilang sides naman yung mga kabahayan...

ayun nga..
parang ang aim was to get the reactions nung mga taong nakakakita dun sa lalaki..
sa isang pasada eh may goat o kambing..
sa isa naman eh bading yung kinunan ng reaksyon..
tapos doon sa isa, eh dalawang babae - at doon talaga ako nagulat..
blondie yung isa sa kanila, na medyo parang boyish magsalita - na matapang..
siyempre nagulat sila noong makita nila yung lalaki..
tapos parang namangha yung blonde..
maya-maya pa, parang binibiro at kinakalabit na siya nung kasama niya..
then tumalikod at nagtaas ng maong na skirt yung blonde, nakita tuloy yung puti niyang G-String yata yun at ang puwitan niya, pero ibinaba rin naman niya ulit..
tapos malakas ang boses na parang nagpahiwatig na ready siyang patulan yung lalaki...

akala ko rin talaga totoo yung eksena na yun dahil dun sa details...

hanggang nagising na lang ako dahil may dumating na tao sa bahay namin before 12:00 AM..
panaginip lang pala lahat ng yun...
feeling , saan mo na naman nakuha yun...?

Friday, September 30, 2016

Cuties: Antje Utgaard

This summary is not available. Please click here to view the post.

Hitler, Colombian Research, Sex Videos, and More

let's be anti-racism..
anti-economic sabotage..
anti-genocide..
anti-world war...

all that, while being anti-crime..
and anti-evil...

---o0o---


September 24, 2016...

grabe yung kaso nung OFW..
so may banta na pala sa buhay niya bago pa siya pinatay..
either droga daw o love triangle ang motibo...

dinakip siya ng mga pulis sa checkpoint at wala pang ibang CCTV footage na pwedeng magpakita ng mga sumunod na nangyari sa kanya after that...

hinuli daw siya dahil walang lisensya pero pinakawalan rin..
(this would mean na supposedly lusot na siya sa kaso na related sa pagdadala ng drugs sa punto na 'to, sa assumption na na-check siya ng mga pulis)..
at mukhang ibang grupo daw ang nag-torture at tumumba sa kanya after siyang mahuli (yung nauna ko nang nasabi na theory na halos imposibleng mangyari)...

coincidence lang ba 'to...?

malupit din ang kaso na 'to..
mas mapapadali sana 'to kung may mapo-provide yung mismong police station na CCTV footage nang pagpasok at paglabas dun sa OFW doon sa prisinto nila..
at tsaka CCTV footage na talagang magpapakita na nag-motor na siya papalayo sa prisinto kasama yung sinasabing angkas niya...

ang weird kasi..
hindi ko naman napanood yung buong CCTV footage at yung time log, pero base sa pinakita sa balita, inalis na rin yung checkpoint after mahuli nung biktima..
pero bakit..?
at tsaka ngayon lang ako nakarinig na may nanghuhuli ng walang lisensya sa gabi..
at tsaka saan galing yung droga na nakuha sa kanya kung dumaan na siya sa mga pulis...?

dahil sa statement nung mga pulis, makakalusot na sila sa kaso ng extrajudicial killing kung walang ebidensya na maipapakita na laban sa kanila..
pero medyo malinaw na (dahil nilagyan siya ng karatula) na nagamit ang current trend ng giyera sa droga (giyera as in tumbahan ng iba't ibang panig) bilang excuse para patayin yung OFW...
feeling , mukhang pati mga police station ay dapat nang paglalagyan rin ng mga camera...
---o0o---


September 26, 2016...

ang nakakalungkot sa pahayag ni Bato..?
bantay-sarado daw niya ang mga pulis niya, which is impossible dahil nag-iisa lang naman siya..
siya daw ang bahala in case may umabuso mula sa kanilang hanay...

pero ano ba ang patunay na may naganap na ngang pag-abuso sa kapangyarihan..?
hindi ba't kapag naganap lang mismo yung pag-abuso na yun, at sa panahon ngayon halos kamatayan na parati ang produkto ng pag-abuso..
kaya anong silbi kung mapaparusahan man yung mga totoong nagkakasala mula sa kanilang hanay?? - eh hindi naman nun maibabalik na yung mga buhay na hindi naman dapat nawala...


gaya ng sinasabi ng idol, na kailangan pa ng takot para masunod ang batas..
hindi ba kailangan rin na may takot ang hanay ng mga pulis and the likes - para hindi rin naman sila umabuso sa mga kapangyarihan nila..?
kailangan ng sistema para mag-ingat sila sa mga aksyon nila, isang sistema para paalalahanan sila na inoobserbahan sila..
kagaya ng bodycams, though sa sobrang mapamaraan ng mga Pilipino eh malamang sirain lang nang sirain nung mga tiwali yung mga device...

hindi ba preventive dapat ang approach..?
at hindi idadaan na lang sa hustisya kapag tapos na yung krimen...?
feeling , learn from Colombia...
>
kung gagamit ng sex video bilang evidence, sa tingin ko sobra na yun..
posible lang yung maging ebidensya kung may actual drugs o drug money na makikita doon sa video, o drug talk na maririnig doon sa video..
pero if it's only about sex - regardless kung adultery yan o ano - eh mukhang may malalabag na yung batas..
the access to such form of video itself eh may nalalabag ng batas, whether palihim na pinakunan yung video o ninakaw lang yung kopya..
bukod pa yung tanong kung legitimate ba yung video o hindi...

drugs at pagmamaniobra sa drug trade yung kaso - hindi adultery..
kaya magiging mali kung isasapubliko yung sex video sa maliit man o malaking audience kung ang purpose lang naman is to establish a connection..
hindi naman logical na yung pagiging partner sa sex == pagiging partner sa pagpapatakbo ng droga eh..
kung meron mang tamang ebidensya to prove the accusations regarding drugs - hindi sex video yun...

doble pa yung dagok kung babae yung target ng paglalabas ng pribadong video..
kasi labag na labag na yun sa prinsipyo ng mga (non-porn related) na mga kababaihan...

tapos magrereklamo na nawawalan siya ng gana kapag pinapanood niya yung video...
feeling , personalan na yata 'to eh...?
---o0o---


September 27, 2016...

naalala ko tuloy yung debate namin para sa Philosophy class noong nasa college ako sa UP..
in-assign kami sa side na against Death Penalty, that was our group versus the entire class and the professor..
kaso ang twist..? - bawal daw kaming gumamit ng arguments about god and religion, dahil kumbaga absolute ang treatment dun ng mga tao, kaya bawal nang kuwestiyunin..
ayun, halos overkill tuloy yung inabot ng grupo namin...

pero practically speaking, kailangan talaga ng Death Penalty..
and considering yung suggestion ng CHR dati, na dapat lethal injection ang gamitin - eh against naman ako sa kanila..
bakit mo naman kasi pagkakagastusan pa ang mga taong papatayin na rin naman..
bigti ang pinaka-praktikal na method..
lubid lang ang gastos, at pwede pang paulit-ulit na i-reuse...

the only consideration na dapat hindi makalimutan regarding Death Penalty - is that dapat malakas talaga ang ebidensya laban sa tao na papatawan ng parusang kamatayan...
feeling , hindi lang sa importance ng buhay ng sangkatauhan naka-sentro ang universe...
---o0o---


September 28, 2016...

medyo mali ang paniniwala ng mga pamilya ng OFWs...

kapag tumaas ang palitan ng dolyar at piso..
oo, lalaki nga rin yung makukuha nilang pera in terms of amount - or simply in number..
pero not necessarily in terms of value, o yung tinatawag na purchasing power...

oo, hangga't hindi gumagalaw yung mga presyo sa merkado eh magkakaroon ng bisa yung pagdami ng piso na nakukuha nila..
pero mawawalan rin yun ng silbi kapag humina na ang purchasing power ng piso..
kaya yung paglakas lang talaga ng ekonomiya ng bansa ang tamang palatandaan na umuunlad na nga ang lahat - nang sabay-sabay (at least in terms of purchasing power)...

lalo na kapag dinagdagan na ng buwis yung basic needs gaya ng petroleum products..
magkakaroon ng domino effect yun sa iba pang produkto na umaasa sa petrolyo..
kaya parang naglason na ang buong bansa...
feeling , hindi talaga makabubuti ang racism...
>
ang ayoko lang kay Hillary Clinton...?

pucha!
she reminds me of that cosplayer na tumarantado sa justice system ng bansa..
at walang-sawang lumilingkis sa kapangyarihan..
yung ngiti, yung hugis ng mukha, sa blonde na buhok lang nagkaiba...

feeling , damn! the bad memories...
>
may mga napatay na naman pala..
Quezon area this time..
sinunog yung mga bangkay...

hindi pa naman confirmed dahil wala pang test para masigurado na kaanak nga yung mga naghahanap...

pero ang istorya..?
may mga dinampot na lalaki ang mga pulis, related sa drugs siguro..
nagkaroon pa nga daw ng labanan kung kaya't napatay yung ibang suspect..
at yung iba nga ay inaresto...

ang problema..?
walang record nung nangyaring operasyon sa opisina ng mga pulis..
so the possibilities are: 1) may tiwaling mga pulis na gumawa nung trabaho, or 2) may nagpanggap bilang mga pulis para pumatay ng mga tao..
also, wala ring record tungkol dun sa mga inarestong tao...

and then may mga natagpuan ngang sinunog na mga katawan..
putol pa yung isang ipinakitang ulo..
at posibleng ang mga yun daw yung mga dinampot na mga kalalakihan...

isa lang ang bagay na sigurado..
fine! huwag nang tawagin na extrajudicial killing yun dahil makitid ang isip ng mga tao, thinking na it only refers to their idol..
pero obvious na obvious na may mga tao mula sa iba't ibang panig ang nagsasamantala sa giyera laban sa droga..
para ano..?
para pagtakpan at pangalagaan ang mga lihim nila..?
sino na lang ang makakahuli sa kanila kapag wala na silang bakas na naiwan..?
at walang may lakas ng loob para aminin ang kasamaang idinudulot ng padalus-dalos na giyera na 'to...
feeling , nababawasan nga ang mga drug-related personalities- kaso aktibo pa rin naman ang ibang mga kriminal.. in demand ngayon ang mga mamamatay tao, at nagagamit ng lisensya ang droga para mas mapadali ang mga ginagawang pagpatay...
>
hindi talaga mabuti na pabagu-bago yung binibitawang mga salita nung idol...

si Yasay buking na na pinagtatakpan lang siya..
si Diokno, malamang na pinagtatakpan rin siya...

sa listahan niya ng mga mula sa judiciary, may mga kumuwestiyon na noon..
tapos ngayon naman, siya na mismo yung nag-apologize dahil may pagkakamali daw sa isang announcement niya...

ang mahirap kasi nito, dahil idol yung umaako sa mga pagkakamali eh walang masyadong makaangal..
pero clearly may mga tao sila na hindi gumagawa nang tama sa mga trabaho nila..
gaya nung nagsama sa listahan ng pangalan ng isang tao na matagal na palang patay, at hindi naman daw drug-related..
at yung mga nagsama sa listahan o matrix ng mga taong hindi naman daw pala sangkot...

clearly, dapat maimbestigahan yung mga ganung tao kung bakit ganun ang nangyayari sa intel nila..
na hindi masyadong reliable..
tapos reputasyon pa ng mga tao yung nagiging kapalit ng mga pagyayabang nila...
feeling , pero interesado ako na isapubliko yung listahan ng mga celebrities, para patas naman dun sa mga nauna na, para walang favoritism.. they are public figures anyway, at baka mali na ng iniidolo yung ibang mga tao...
---o0o---


September 30, 2016...

paano ba yan..?
nagsalita na ang idol..
drug addict na yung term na ginamit..
hindi drug lord..
hindi drug manufacturer..
hindi drug pusher...


hindi na biktima ngayon ang mga adik..
at nasa 3,000,000 pa ang handa niyang pagpapapatayin...

sinong magde-decide kung nasa addict level na ang isang tao o hindi pa..?
ang mga matatamnan ba ng droga eh pasok na sa addict category..?
hindi ba sisipagin ang mga pulis na magtanim ng ebidensya kapalit ng bounty o incentives...?
feeling , gaano kaya ka-accurate ang mga susunod na pagpatay...?

Ang Alamat ng Most Undesirable Guy on Earth - Last Week of September 2016 (Back to Her Work)

September 25, 2016...

this could be heartbreaking..
hindi pa naman confirmed..
pero nakalista na ulit yung pangalan niya sa part-time group nila...

naman!
ano kayang nangyari..?
mahigit 2 months lang yung nakalipas...


i didn't wish na bumalik siya..
gusto ko lang makasigurado na safe siya...
feeling , bakit ka pa bumalik sa industriya...?
---o0o---


September 26, 2016...

confirmed..
siya nga yung bumalik..
at hindi ko maintindihan yung pakiramdam..
parang ambigat sa loob ko... :(

when she told me noon na plano na niyang mag-retire para magbagong buhay - naisip ko na hindi ko siya dapat pigilan dahil yun ang totoong makabubuti para sa kanya...

but then, bago pa yung retirement niya, a stupid guy gave a hint na hindi siya nagretiro bagkus ay pumasok lang siya sa isang exclusive agreement..
and of course - that made me worried, dahil na rin sa natuklasan kong pagkatao nung matandang mahilig na yun...

tapos after more than 2 months, eh nandito na ulit siya - kaagad..
i don't know..
hindi siguro ako dapat naniwala na makakaya nga niyang magbago..
i guess ganun talaga kapag na-expose na ang isang babae sa ganung klase ng kalakaran..
yung madaling pasok ng pera sa bawat konting oras na lumilipas..
at yung klase ng mindset na kesyo "nagawa ko na naman 'to noon, kaya wala nang mawawala sa akin"..
yun siguro yung dahilan kung bakit nagagawa pa rin ng mga babae na magpabalik-balik sa loob ng industriya...?

and i just feel so hopeless and useless..
she's the only reason kung bakit ko nararamdaman 'to..
kapag siya na ang pinag-uusapan, halos automatic na na pinagsisisihan ko lahat ng mga maling desisyon ko sa buhay..
na sana naging ordinaryong tao na lang ako - para sa kanya..
gusto ko na ako yung makatulong sa kanya para makaalis na siya sa ganung uri ng pamumuhay..
gusto ko siyang suportahan..
gusto kong mag-focus sa kanya at bantayan siya hanggang sa tuluyan na niyang maalis sa kanyang sistema yung madilim na bahagi ng buhay niya...

pero wala akong magawa..
pakiramdam ko it was meant na sa ganitong paraan kami magkakilala..
isang babae na naging biktima ng kapabayaan..
at isang walang kuwentang lalaki na nanlilimos ng pagmamahal - or anything na halos katumbas nun..
at doon na rin magtatapos yung kuwento - sa wala...
feeling , anong dahilan mo, bakit bumalik ka pa...?
>
gathered 5 additional components..
nagkaka-problema sa mga speed booster from time to time, pero naaayos din naman...

173 MB left..
halos nasa limit na rin ako para mawalan ng space yung 21750...
feeling , bullsh*t! i need some massive amount of luck...
>
Daz, mukhang kailangan kong mag-sorry sa'yo..
alam kong matagal na kitang nade-delay..
pero kailangan kong makita ang babaeng yun..
tutuktukan ko yun kahit sa huling pagkakataon..
gusto ko ring malaman kung anong ginagawa sa kanya nung lalaking yun...

kakailanganin ko ng at least Php 16,000 para ma-meet siya with Miss H..
i know that's greedy, pero wala talagang kakaiba sa one-on-one lang..
besides, that's one of my ultimate goals...

so if wala talagang mangyaring mirakulo o divine intervention hanggang December..
mapipilitan na naman akong mag-convert ng pondo...
feeling , bad influence...
---o0o---


September 27, 2016...

[Lottery]

49,16,27,24,28,35

24 lang ang wala sa pool ko..
last Saturday 'to..
according sa cotejo, nasa 5 lang ang winners ng 2nd prize noon, worth Php 153,130..
so mga nasa Php 120,000 plus sana kung nakasama ako... :(


may desktop na sana akong pang-3D..
at may pambayad pa sana ako sa tuition... :(
feeling , kailan kaya ako makakatikim ng swerte...?
>
[Movies]

Independence Day: Resurgence 

so naging almost unified ang mga tao sa Earth after the first invasion (something na dapat ginagawa talaga ng mga mamamayan ng mundo ngayon)..
okay yung paggamit ng alien technology to improve the existing human technology..
moon base..
wormhole travel ng supposed ally ng sangkatauhan, using their version of Noah's Arc..
nauna nga lang magpaputok ang mga tao, pero mabuti at wala naman palang sakay na may buhay yung alien ship na yun...


mabuti yung may Asian cutie sila sa cast, si Angelababy as Rain Lao..
though mas napaliit pa this time yung pagbibigay ng focus nung movie sa pagtutulungan ng iba't ibang nasyon...

pagdating ng totoong kalaban - ang mga Harvesters, ng molten core ng mga planeta para gamitin bilang energy source..
ayun, walwal ang trillion dolyar na weapon sa buwan at maging ang orbital defense system..
ano bang inasahan nila, eh sa kanila nga galing yung technology na yun..
"peed on your pants?", "yeah!", "me too!" - LOL...

nakakalungkot na may mga dating survivors na hindi na nagawang mabuhay this time..
yung asawa ng character ni Will Smith..
si Mr. President naman gumawa ng ultimate sacrifice para sa wala...

yung mga treasure hunter sa dagat na pinagkakitaan ang pagtulong sa pagsagip sa mundo..
pero pinaka-astig pa rin si Old Man Levinson, parang nagpi-fieldtrip lang sila habang sinasakop ng mga aliens ang mundo...

hanggang sa na-reveal nga yung pakay nung sphere..
na na-involve na ang sangkatauhan sa isang intergalactic war laban sa mga mapaminsalang uri..
at na ally nga ng mundo ang nauna nang pinabagsak ng moon base...

muli, nagamit na naman yung agaw-spacecraft teknik from the first film..
at naging maliit yung saklaw ng final battle sa pagitan ng 2 nakaw na spacecraft at ng biomechanical suit nung Queen...

at dahil sa tapang ng uri ng mga tao, naimbitahan pa nga ang sangkatauhan na pamunuan ang Resistance laban sa mga Harvesters...

well..
tama naman yung review ng mga critics, na kulang sa emosyon at pagiging realistic yung movie..
na parang medyo relax pa yung cast para sa isang istorya tungkol sa invasion..
halos parang adventure na shooting game nga lang yung dating niya eh..
pero dun din kasi nanggaling yung courage at hope...
feeling , maliit nga ang kita.. but it deserves a 3rd film...
>
[TV Series]

The Greatest Love

bale confirmed na masamang tao nga si Andres noon..
i guess naging mabuti lang siya noong nagka-pamilya na siya...


mabigat nga pala yung dinadalang sikreto ni Gloria..
biktima kasi siya ng rape - ng naging asawa niyang si Andres..
at sa mismong dark room ng studio ng bahay nila naganap yung paglapastangan sa kanya, habang maingay sa labas ng shop nila..
kaya produkto ang panganay nilang si Amanda ng pang-aabuso at hindi ng pagmamahal..
pero pinanindigan ni Gloria yung bata sa halip na ipalaglag yun..
pinanindigan naman ni Andres sina Gloria at ibinigay sa kanila ang kanyang apelyido...

mukhang sila yung tipo ng mga tao noon na nagpapahalaga sa dangal, reputasyon, at pangalan..
kaya naman pumayag na rin si Gloria na magpakasal kay Andres (sa kagustuhan na rin ng tatay niya)..
si Liezel naman eh produkto nga ng maling pagkakataon..
that's probably the same reason kung bakit nila piniling ilihim ang lahat at mabuhay sa pagpapanggap - para sa reputasyon ng kanilang pamilya..
mukhang hindi rin maamin ni Gloria sa mga bata na biktima siya ng rape ng mismong taong pinakasalan niya, para protektahan yung pagtingin ng mga anak niya sa tatay nila..
ganun siya kabuting tao...

at base sa mga development sa kasalukuyan, eh mukhang tama naman ang naging desisyon ni Gloria..
sina Amanda at Paeng kasi yung tipo na mataas ang pagtingin sa kanilang ama, na mali ang tingin sa pagiging anak sa labas ng isang tao - kaya hindi nga nila basta matatanggap na nagsimula ang pamilya nila sa isang pagkakamali - sa pagbaboy sa puri ng isang babae...

si Peter naman eh mukhang biyudo na..
at mukhang hindi niya naibigay yung buong pagmamahal niya sa babaeng pinakasalan niya dahil sa naging trauma niya kay Gloria..
i'm not yet sure, pero parang hindi kapangalan nung character ni Regine Angeles yung nakasulat sa lalagyan ng abo..
hindi pa rin nadi-disclose kung nagka-anak si Peter..
pero dahil dun, baka magkaroon pa rin sila ng happy ending ni Gloria sa istorya na 'to...
feeling , lusot na nga yung script.. maganda nga yung istorya niya...
---o0o---


September 28, 2016...

[Movies]

Teenage Mutant Ninja Turtles: Out of the Shadows 

hindi na talaga nabago yung title nito, and they only have 7 years ng pagiging teenagers...

not a fan of Megan Fox sa Transformers movie series..
pero kailangan ko nang aminin na paganda nang paganda ang detalye niya..
hot would be the term to best describe her..
beyond human na yung quality niya, pang-deity na...

i haven't seen the first movie...
mahilig na ngayon ang Turtles sa NBA, at doon pala sila nanonood kapag may game sa New York...

ibang-iba sila sa mga lumang movies nila..
si Raphael eh mas developed yung body, at brute type..
well, siya naman talaga yung best character sa Family Computer game noon..
parang ngayon ko lang na-encounter yung Falcon character..
at ngayon ko lang nakita na ginamit nila yung shelter-mode na kakayahan ng mga pagong, doon sa scene sa falls...

si Krang eh ngayon lang yata na-feature sa movie, at alien siya..
bukod pa yung nilalabanan niya si Shredder..
though parang tanga yung concept niya ng modular battleship, despite na may teleportation technology naman siya..
si Bebop at Rocksteady ay ngayon rin lang pala lumabas bilang mga mutants, at alien technology ang may gawa nun sa kanila..
mukhang si Krang rin at si Shredder ang kalaban sa 3rd film...

ngayon rin lang yata mas nabigyan ng highlight yung issue ng racism (in a whole new level) for this story..
naiyak ako noong kinatakutan sila ng mga tao sa police station, tinawag silang 'monsters', tapos andun yung fear at hatred at panghuhusga..
compared sa mga lumang movies nila at sa mga cartoons, ito na siguro yung may naipakitang malalim na emosyon - ng paghahangad sa acceptance mula sa ibang uri...

in short..
antakaw sa computer graphics ng movie na 'to...
feeling , better than the old versions...
>
[TV Series]

The Greatest Love 

correction #1: sa studio lang pala na-rape si Gloria, hiwalay pa yung photography studio nila sa mismong bahay nila

correction #2: isang option lang pala para sa Tatay ni Gloria na ipakasal siya kay Andres para maiwasan na mapag-tsismis-an ang anak niya, pero tutol talaga siya sa ideya na ibigay ang kamay ng anak niya sa lalaking gumahasa dito, kaya hindi niya hiniling kay Gloria na gawin yun

grabe yung marriage proposal ng isang rapist..
parang nakakakilabot na makasaksi ng ganun sa totoong buhay..
isang babaeng binaboy ang puri, tapos aalukin ng kasal ng mismong rapist niya..
sobrang nakakababa siguro ng pagkatao yun para dun sa babae...
feeling , ang mga sacrifices na kapalit ng kahihiyan, reputasyon, pananalig at takot sa nasa itaas, at pamilya...
---o0o---


September 29, 2016...

i'm dead..
mukhang mararanasan ko na naman yung bagay na yun..
that thing na naranasan ko dahil sa HSBC na yun noon...

hindi nakabuti yung renovation ng bahay...

the thing is, nag-allocate yung matanda ng Php 100,000 for the project..
at yung biological brother ko naman shouldered something more than Php 40,000..
pero ang problema..?
inutay-utay nung matanda yung pera para magbayad ng ibang obligasyon niya - bank loans, cooperative loans, burial plan, tuition fee, even daily needs..
dumagdag pa sa gastos yung mga aksidenteng nasisirang salamin sa mata dahil hinihigaan ng iresponsableng may-ari habang natutulog, at bayad sa boarding house..
tapos yung weekly allowance na Php 750 suddenly went up to Php 1,200..
at walang scholarship yung bobong nilalang na yun para suportahan man lamang yung pag-aaral niya...

ang masama pa nito..
dahil hindi makuntento yung matanda sa renovation, eh pinuwersa para lang magkaroon ng presentableng finish - presentable para sa mata ng ibang tao..
kaya sumobra na nang husto sa allocated budget...

bilang kabayaran, for the first month after ng renovation..
kulang yung monthly budget ng bahay ng Php 3,000..
and yet hingi nang hingi sa akin ng pera yung matanda na parang ako si Jesus na kayang i-multiply kung anuman yung nasa akin..
and it will only get worse, dahil domino effect na 'to..
yung mga kakulangan for a certain month will be shouldered by loans..
then sa susunod na buwan, yung kakulangan plus yung loan will be shouldered by another greater loan...

so heto ako..
para medyo makatulong na maiwasan nung matanda na mabaon na namang muli sa mga nagpapatubong utang..
i am forced to lend her yung pera ng blood aunt ko sa business niya (they are sisters by the way)..
that way, mai-eliminate man lamang yung mga tubo..
pero inilalagay ko naman yung sarili ko sa alanganin at stress at kahihiyan - in case na kailanganin na yung mga nawawalang pera sa business..
it's never easy na humarap sa mga kliyente at magbigay ng palusot na kasinungalingan kung bakit hindi ko mai-release yung pera nila na supposedly andun na at pipirmahan na lang nila...

at lahat ng 'to eh dahil lang related ako sa mga impraktikal na tao na hindi kayang lumugar sa kung ano lang ang lebel nila...

son of a bitch - yeah! that's me...  :(
feeling , i know it's my curse.. pero hayaan nyo man lang akong kausapin ang Facebook ko...
>
lumabas na ulit yung 21750..
kaso for some strange reason na universe lang ang nakakaalam..
lahat ng posibleng speed booster eh sabay-sabay na ayaw gumana nang tama...
feeling , don't stop me...
---o0o---


September 30, 2016...

finally!
nakakuha rin ako ng kopya ng body sculpt niya...

pinahirapan ako nun ah..
used a tablet in downloading a winrar file..
kinabahan pa ako dahil hindi ma-recognize nung android yung tamang file type..
tapos kache-check lang kani-kanina..
nag-test extraction..
at mukha namang ayos yung file...

feeling , maghihintay na lang ng 3 years para masubukang i-run...
>
[Manga]
feeling , minus 1 week.. back to zero si Ippo.. at may puso si Ate Reiju, mukhang may ally ang Straw Hat Crew sa katauhan niya...
>
[TV Series]

The Greatest Love 

sa kagustuhan ni Gloria na ilihim na lang ang lahat, ayun at mabubura na nga lahat sa memorya niya nang tuluyan..
dahil sa stress at siguro dahil na rin sa kaiiisip sa mga lihim niya, maaga siyang nagkaroon ng symptoms ng Alzheimer's or the likes..
wala pa siyang 60 y/o, hindi pa senior citizen..
at sa 59 plus eh nagsimula na ngang ma-develop ang sakit niya...


si bestfriend Lydia na lang ang magiging susi kapag nagkataon...
feeling , first TV series na magpapakita ng development ng Alzheimer's Disease...