Saturday, September 9, 2023

Confidential Fund Scam

NOTE: this is not news..
i am not a reporter/journalist nor an influential person..
also, i'm not related to the government in any way..
but there are summary of news featured in this post..
it will require research in order to get the whole story regarding each particular news that is featured in here...

simple lang yan..
kapag nagpaapekto at nag-react ka sa opinyon ng ibang tao - eh BAKA nga may totoo sa mga sinasabi nila...



record ng ekonomiya..
record ng palitan ng piso sa dolyar..
record ng mga inutang..
record ng mga kinamkam at pinagnakawan..
record ng mga inabuso..
record ng mga itinumba..
record ng mga nawawala..
record ng mga kaso...

mga wala kayong utak..
at lahat kayo ay masasama...

is 💀 feeling , from Php 3.91 to Php 20.46 na exchange rate.. from USD 599 Million to USD 26.7 Billion na utang.. sa kanila nagsimula ang pagkawasak...

---o0o---


daily prayer...

sa kung sino man ang nakikinig sa kawalan..
sana mai-serve na kaagad ang totoo at ganap na hustisya laban sa lahat ng miyembro ng alyansa para matigil na ang kasamaan nila...

at sana maging maayos na ulit ang mundo...

is 💀 feeling , day 1155...

-----o0o-----


bagong impiyerno, bagong listahan..
lumampas na naman sa 500 ang bilang, kaya mag-i-start na ulit ako ng panibagong listahan ng mga kalokohan..
update (512 + 122 na)..
medyo in-organize ko rin yung mga kaso..
pero paki-note na hindi na ganung ka-accurate yung bilang, at posibleng may redundancy na rin dahil sa sobrang dami ng mga nakalista...

una, ang pagtataksil sa interes ng bansa at ng mga (ibang) mamamayan (lalo na yung mga naging biktima), at pagbalewala sa kasaysayan at dangal ng bansa:
  • yung halos umabot na sa Php 14 Trillion kaagad ang utang ng bayan noong April 2023 pa lamang
  • yung sinabi na pinakamaganda daw ang economic growth rate ng bayan kumpara sa buong mundo, samantalang umabot na kaagad sa halos Php 14 Trillion ang utang ng bayan
  • yung naghahabol ng nasa Php 10 Billion daw na intelligence at confidential fund
  • yung pahayag na hindi daw gagamitin na pondo para sa Maharlika Investment Fund ang pera ng GSIS, SSS, at Pag-IBIG, pero malaya daw yung mga institusyon na iyon na magpasok ng investment
  • yung halos inabot ng 1 taon bago nakapili ng magiging Secretary ng Department of Health
  • yung binigyan ng katungkulan ang isang masamang halimbawa na abogado
  • yung na-disbar ng Supreme Court yung itinalaga na adviser dahil sa masamang asal

are yung ang involved o semi-involved eh mga identified talaga bilang awtoridad o tauhan ng pamunuan, mga dati nang naging bahagi ng pamunuan, o kahit mga nagsasanay pa lang upang makakuha ng awtoridad:
  • sa Quezon City, yung lalaking pulis at asawa niya na kinasuhan dahil sa investment scam nung babae
  • sa Angeles City, Pampanga, yung 7 pulis na sinibak sa puwesto matapos na masangkot sa ilegal na pag-aresto at pangingikil
  • sa Dasmariñas, Cavite, yung 2 pulis at 3 sibilyan na nahuli dahil daw sa extortion laban sa isang Egyptian patungkol sa pagsasampa ng kasong rape
  • sa isang hotel sa Pasay City, yung pulis at yung kapatid niya na nagpanggap na pulis, na naaresto matapos na mangikil laban sa isang babaeng Imperial citizen
  • sa Sampaloc, Maynila, yung nasa 5 pulis na pinaghahanap na ngayon, na nagnakaw daw kasi at nangikil ng pera mula sa isang computer shop
  • sa Cebu City, yung nasa 5 kawani ng LGU na sinibak sa trabaho dahil nagpositibo sila sa ilegal na droga
  • yung Hepe ng Mandaluyong City Police na sinibak sa puwesto dahil nagpositibo daw kasi sa surprise drug test
  • yung nagpositibo din yung sinibak na Hepe ng Mandaluyong City Police sa confirmatory drug test
  • yung nasa 24 na pulis sa buong bansa na nagpositibo sa isinagawang random drug test
  • sa Leyte, yung mag-asawang pulis na sangkot daw sa tensyon at pagpapaputok ng baril laban sa ilang taga-media
  • sa Mabini, Batangas, yung Mayor doon, at 2 pa niyang kapatid, na inaresto ng CIDG matapos daw makuhanan ng mga baril at pampasabog
  • sa Cebu, yung Barangay Chairman na naaresto dahil sa ilegal na baril at granada
  • yung sumuko na sundalo na nakipagbuno daw laban sa isang pulis-Makati
  • sa Davao Occidental, yung 3 pulis na nangmaltrato daw ng menor de edad na lalaki, binuhusan daw ng sukang may sili ang kanyang ari 
  • sa Quezon City, yung MMDA Traffic Constable na nanutok ng baril kesyo naingayan daw siya sa grupo ng mga biktima
  • sa Quezon City, yung retiradong pulis na nakunan ng video ng road rage laban sa isang siklista, kung saan nanghampas ng ulo at kinasahan ng baril yung biktima
  • sa Dasmariñas, Cavite, yung pulis na nanakit ng sibilyan sa pamamagitan ng pamamalo ng baril kesyo nakaaway daw ng kanyang kapatid yung biktima
  • sa Zamboanga City, yung 3 pulis na sinibak dahil sa pagkamatay ng 1 waiter
  • sa Navotas City, yung 17 y/o na binatilyo na napatay sa pamamaril ng mga pulis dahil lang daw sa mistaken identity
  • sa Rodriguez, Rizal, yung 15 y/o na binatilyo na napatay sa pamamaril ng mga naka-sibilyan lang na mga pulis, nadamay lang yung biktima sa pagtugis ng mga pulis sa kanyang kapatid na nasita ng mga ito
  • sa Lanao del Sur, yung 9 na pulis na iniimbestigahan dahil sa pagkamatay ng kapwa nila pulis na natagpuan ang bangkay sa ilog
  • sa Taguig City, yung pulis na napatay sa pamamaril ng kapwa pulis sa loob mismo ng kanilang opisina na baka daw nag-ugat sa pagtatalo tungkol sa ulam

are naman yung mga hindi pa malinaw kung anong klase nga ng mga tao ang involved o hindi tiyak o nabanggit kung sino ang nakatama o hindi masabi kung ano nga ang totoong nangyari:
  • (no entry yet)

heto naman yung mga may kinalaman sa kahinaan ng kasalukuyang penal system at pagpapatupad ng iba pang mga batas, patakaran, at sistema sa bansa:
  • yung may nakapasok na sa loob ng bayan na COVID-19 Omicron subvariant FE.1
  • yung plano na bigyan ng temporary license yung mga Nursing graduate na hindi pa naman nakakapasa sa Nursing Board Exam, sa halip na ang bigyan ng trabaho ay yung mga nakapasa na pero hindi naman hina-hire
  • yung mass promotion o pagpapasa ng mga estudyante sa mga paaralan, kahit pa hindi naman talaga deserving yung iba
  • yung ibabalik na naman sa dati ang educational system
  • yung utos ng DepEd, yung bawal na ang mga educational material na nakadikit sa pader
  • sa DepEd, yung bawal daw ang mga decoration sa mga classroom, pero pwede ang Christmas decorations
  • yung mga smuggled na sibuyas na nasabat daw noong 2019 pa, pero nalusaw na nang lubusan nitong 2023
  • noong nakaraang December daw, yung pinasok ng Department of Agriculture na overpriced deal para sa mga sibuyas na nasa Php 500 plus daw per kilo, na lumalabas na madaming ginawang manipulasyon sa data ng naka-deal na kooperatiba
  • sa Nueva Ecija, yung oversupply naman ng kalabasa
  • yung oversupply naman ng pinya sa Isabela at Cagayan
  • yung pagpalo ng bentahan ng kamatis sa Php 200 per kilo sa NCR
  • sa New Agrarian Emancipation Act, yung pwede kaagad na ibenta yung nakuhang lupa after 10 years lang
  • sa National Irrigation Administration, yung mga nasita nilang proyekto kung saan yung iba daw ay ilang dekada na pero hindi pa rin nakukumpleto
  • yung bakit daw merong 10 undersecretaries at 20 assistant secretaries ang DSWD
  • sa NAIA, yung panibagong kaso ng power interruption kesyo may naiwan daw na tester
  • sa DPWH sa Western Visayas, yung 4 na opisyales nila na kinasuhan sa Ombudsman dahil daw sa depektibong flyover
  • sa Davao City, yung under construction na tulay na nag-collapse kung saan 5 daw ang namatay habang 2 ang sugatan
  • yung wala pang pondo para sa ipinangako nilang fuel subsidy
  • yung lumalabas sa isinagawang testing na kahit picture pala ng hayop ay tinatanggap sa SIM registration ng iba't ibang kompanya
  • yung Senador na gustong pabayaran ang hihigit sa unang ire-register na SIM card, na para bang hindi paraan ang paggamit ng private at public SIM para malabanan ang mga hacker, at na para bang reliable ang SIM card registration na ipinagawa nila
  • sa Presidential Electoral Tribunal (PET), yung nasilip ng COA na hindi pa nila isinasauli na unutilized cash deposit ng mga kandidato na naglaban sa protesta sa pagka-Vice President noong 2016
  • yung nasita ng COA ang OVP, dahil daw sa pagbili ng mga equipment para sa kanilang mga satellite office nang hindi sumusunod sa procurement laws
  • yung nasilip ng COA sa Presidential Communications Office, yung nasa Php 26 Million daw na halaga ng terminal leave benefits na walang documents o hindi ginawan ng tamang deductions
  • yung nasilip ng COA sa Bureau of Customs, yung pagri-release daw ng nasa Php 3.558 Billion na halaga ng mga shipment na dapat sana ay idinaan sa 100% physical inspection pero hindi ginawa
  • yung nasilip ng COA sa Tourism Promotions Board, yung nasa Php 9.868 Million daw na halaga ng undocumented tokens o giveaways
  • yung nasilip ng COA sa Department of Transportation, yung 48 na unutilized Dalian trains ng MRT-3 na ayaw pa ring gamitin hanggang ngayon kahit na may nakalatag naman palang plano para magamit ang mga iyon
  • yung nasilip ng COA sa DSWD, yung pagdaan daw nila sa supplier na wala namang kinalaman sa food business para daw sa pagsu-supply ng relief goods, nasa Php 173 Million yung pinag-uusapan na halaga
  • yung hindi certified Halal yung ipinamahagi ng DSWD na relief goods para sa Muslim region
  • yung lumalabas na may immitation daw sa mga canned tuna na ipinamahagi ng DSWD
  • yung nasilip pa rin ng COA sa DSWD, yung lagpas Php 3 Million daw na ginastos nila para sa meals at hotel accommodations ng kanilang mga tauhan, bagay na irregular at unnecessary dahil may mas mura naman daw na alternatives
  • yung nasita ng COA sa SSS, yung nasa Php 92 Billion daw ang hindi nila nakokolektang kontribusyon mula sa mga pasaway na employers
  • yung nasita ng COA sa Department of Health, yung umaabot sa Php 7.4 Billion na halaga ng mga gamot at bakuna na nasayang lang noong 2022
  • yung nasilip ng COA sa PhilHealth, yung halos nag-triple na daw ang paglaki ng suweldo ng mga executives doon para sa year 2022
  • para sa Department of Tourism, yung video para sa pagpo-promote ng bayan pero gumamit pala ng stock footage na mula sa iba't ibang bansa
  • sa BIR, yung 26 na tauhan nila na sinibak sa serbisyo at 2 suspended dahil daw sa iba't ibang violations
  • sa PCSO, yung very alarming na win rate sa lottery games lately
  • yung bagong logo ng PAGCOR na nasa Php 3 Million daw ang halaga
  • yung nasa Php 4 Billion daw na gagawin na estimated na arawang pangungutang para sa taong 2024 para lang ma-meet yung panukalang national budget
  • yung mind-conditioning na ginagawa ng Secretary ng Department of Finance, yung lagi niyang pinapalabas na mas maganda daw ang lagay ng pananalapi ng bayan sa kasalukuyan at sa nakaraang administrasyon, kumpara sa Aquino administration
  • yung Secretary ng Department of Finance na naggiit na pwede daw magpasok ng investment sa Maharlika Investment Fund ang GSIS at SSS kahit pa ipinagbawal na iyon ng Senado
  • sa Department of Finance, yung opisyal na pinag-resign daw dahil sa pagiging makatwiran
  • sa Port Management Office sa Bohol, yung 8 opisyales na nahuling nag-iinuman sa mismong opisina
  • sa command conference ng NBI, yung sexy dance performance daw
  • sa NBI, yung nasa poder nila na drug suspect at 5 jailguard na inaresto matapos na mapag-alaman na nakakalabas ng kulungan yung suspect, nag-dinner daw sa isang hotel sa Makati
  • sa kaso nung road rage sa Quezon City na may nangyari pang kasahan ng baril, yung lumalabas na na-dismiss pala dapat sa serbisyo dati yung retiradong pulis
  • sa kaso nung road rage sa Quezon City, yung lumalabas na nakatanggap nga ng kanyang retirement benefits yung pulis, kahit pa na-dismiss naman siya dapat sa serbisyo
  • sa kaso nung road rage sa Quezon City, yung ngangayon lang binabawi yung retirement benefits na natanggap nung pulis puwerket naging public ang istorya niya
  • sa kaso nung mistaken identity sa Navotas, yung lumalabas na may pending dismissal order noon pa daw taong 2020 laban doon sa pulis na itinuturong unang nagpaputok ng kanyang baril laban sa mga biktima
  • sa Quezon City, yung bahay ng OFW na nanakawan ng grupo ng mga kabataan na paulit-ulit na daw na nahuhuli at nakakalaya
  • sa Dasmariñas, Cavite, yung 2 menor de edad na babae na agaw-buhay na natagpuan sa isang bakanteng lote, na biktima ng rape, kung saan dati nang may mga kaso ang mga suspek
  • yung pag-amin ng Chief ng Bureau of Corrections na hinahayaan talaga ng ibang tauhan ng BuCor ang pagpapapasok ng mga kontrabando sa loob ng mga kulungan
  • sa New Bilibid Prison, yung panibagong kumpiskahan kung saan may mga nakuha na granada, mga sumpak, at mga ice pick
  • sa New Bilibid Prison sa Muntinlupa City, yung 9 daw na sugatan na preso matapos ang pamamaril ng 1 ding bilanggo at may ulat din na may napatay daw dahil naman sa pananaksak ng ice pick habang may komosyon nga
  • sa New Bilibid Prison, yung panibago na namang kaso ng preso na napatay sa pananaksak ng kapwa niya preso
  • yung kaduda-dudang dami ng intelligence fund sa gobyerno
  • sa Kongreso, yung ayaw na makukuwestiyon yung budget ng kaalyado ng marami
  • sa Kongreso, yung pinagpatayan ng microphone ang isang Representative na gustong magsuri ng minamadaling budget
  • yung ginawang opisyal ng gobyerno na ini-enjoy ang pagre-red-tag sa isang biktima ng unsolved assassination crime
  • yung pagiging pasaway ng maraming mga Senador sa panahon ngayon
  • yung Senador na hindi alam ang gagawin sa kanilang pagpupulong
  • yung Senador na sinisisi ang mga dating Senador para sa mga problema ng bayan sa kasalukuyan, samantalang mga kaalyado niya ang madaming nagawang kasalanan laban sa bayan
  • sa nakaraang eleksyon, yung sinasabi na mga transmitted results daw na isang common IP address lang ang pinanggalingan, bagay na imposible dapat mangyari dahil galing dapat ang mga transmission sa iba't ibang lugar sa bayan
  • yung ang aga pa, pero nagbabangayan na kaagad ang matataas na pinuno na nag-claim noon na nagsusulong kuno ng pagkakaisa
  • ang pagpapatibay ng Supreme Court sa pagbasura sa mga kaso laban sa pamilya ng Diktador
  • yung POGO daw na nakalabas ng bayan nang hindi nagbabayad ng Php 2.2 Billion sa gobyerno
  • yung may demonyong barko ngayon ang Imperyo sa daungan ng bayan
  • yung may nangako daw sa Imperyo na tatanggalin yung BRP Sierra Madre mula sa may Ayungin Shoal

at may kaso na iba-iba ang kategorya:
  • yung mga panatiko na isinisisi parati sa iba ang ginagawang pagwasak ng kanilang mga pinuno sa bayan
  • yung napakaagang mind-conditioning na isinasagawa ng mga nagse-survey, naglilista na kaagad sila ng mga pangalan na bibilangin ng mga makina
  • yung gustong humiling ng mga jeepney transport leaders ng Php 2 to 5 na taas-pasahe, na para bang yumayaman ang mga mananakay sa malagim na panahon ngayon
  • sa San Fernando, Pampanga, yung Belgian Malinois daw na asong may rabies na nagawang makapangagat ng nasa 14 na biktima
  • sa Cebu, yung bata na kinagat sa mukha ng aso na wala daw bakuna kontra sa rabies, tapos nasugatan pa yung bata sa kanyang mata
  • yung modus daw ng sindikato ng mga pulubi na may GCash account para sa pagtanggap ng mga limos
  • yung nasa Php 400 daw ang bentahan ng registered na SIM card, tapos nasa Php 800 kung may e-wallet din
  • yung bentahan ng mga online account sa panahon ngayon, particularly mga financial account na nakapag-undergo na ng verification process
  • sa Bacolod City, yung mga nagnanakaw ng sobrang mamahalin na telco cell site batteries
  • sa Bulacan, yung mga bodega kung saan nagre-repack daw ng mga imported na bigas para gawin na mas mahal na lokal na bigas
  • sa Maynila, yung nasa Php 50 Million na halaga ng mga nasabat na smuggled frozen products, kung saan 1 Imperial citizen ang kabilang sa mga naaresto
  • sa Pasay City, yung nasabat na nasa Php 2 Million na halaga ng smuggled meat daw na mukhang galing sa Imperyo
  • sa Parañaque City, yung nasabat ng Department of Agriculture na nasa 600 kilos ng smuggled meat na suspected na galing sa Imperyo
  • sa Bulacan, yung mga Imperial citizen na nahuli dahil sa pagbebenta ng pinekeng sikat na brand daw ng tsinelas
  • yung 3 Imperial citizen na nahuli dahil sa pagbebenta ng mga pekeng pain relief rub
  • sa Parañaque City, yung salon na may lihim na ilegal na pasugalan kung saan nahuli ang 11 na Imperial citizen at 3 lokal na mamamayan
  • sa Bonifacio Global City sa Taguig, yung Imperial citizen na nakabangga ng SUV na mukhang driving under the influence of alcohol daw
  • sa Parañaque City, yung nahuli na 6 na Imperial citizen at 1 lokal na mamamayan na babae dahil daw sa pagsasagawa ng abortion
  • sa NAIA, yung Imperial citizen na nasa blacklist daw ng Bureau of Immigration, na hinuli dahil daw sa pagpapatakbo ng prostitution den dito sa bayan
  • sa NAIA, yung Imperial citizen na nahuli dahil daw sa pagtatago ng 2 bala ng baril at sachet ng hinihinalang ilegal na droga sa loob ng kanyang sapatos
  • sa Santa Rosa, Laguna, yung 2 lalaking Imperial citizen na dawit daw sa pagdukot sa 1 babaeng Imperial citizen
  • sa Pasay City, yung 3 Imperial citizen na arestado dahil sa pagdukot sa kapwa nila Imperial citizen
  • sa Malabon City, yung babaeng Taiwanese na dinukot ng isang grupo at sinasabing ginahasa din daw, kung saan 2 Imperial citizen na suspek ang nadakip
  • yung kalokohang 10-dash line ng Eastern Empire
  • sa may Ayungin Shoal, yung pagharang ng Imperial Coast Guard sa mga barko ng bayan na papunta doon sa area
  • sa West Philippine Sea, yung paggamit ng water cannon ng Imperial coast guard laban sa mga sasakyan ng PCG
-----o0o-----


September 4, 2023...

sa kaso nung road rage sa Quezon City...
yung lumalabas na nakatanggap nga ng kanyang retirement benefits yung basurang pulis, kahit pa na-dismiss naman siya dapat sa serbisyo...

is feeling , sa bulok na sistema, madaming nasasayang na pera...


>
sa kaso nung road rage sa Quezon City...

yung ngangayon lang binabawi yung retirement benefits na natanggap nung basurang pulis..
maraming taon matapos na supposedly eh na-dismiss siya..
puwerket naging public lang ang istorya niya...

is feeling , puwerket ibang mga mamamayan ang nag-aambag-ambag para sa mga benepisyo nila, eh basta-basta na lang sila nagtatapon ng pera...

---o0o---


September 5, 2023...

[Natural Calamities]

sa ibaba..
nasa Magnitude 5.2 na lindol..
sa may area ng Davao Occidental...

is feeling , tama lang...


>
yung nasa 24 na pulis sa buong bansa..
na nagpositibo sa isinagawang random drug test...

is feeling , surprise...


>
sa isang hotel sa Pasay City..
yung pulis at yung kapatid niya na nagpanggap na pulis..
na naaresto matapos na mangikil laban sa isang babaeng Imperial citizen...

is feeling , cosplayer...??

---o0o---


September 6, 2023...

yung lumalabas sa isinagawang testing na kahit picture pala ng hayop ay tinatanggap sa SIM registration ng iba't ibang kompanya...

is feeling , so paano, ulitan...??


>
yung tarantadong Senador na gustong pabayaran ang hihigit sa unang ire-register na SIM card...

mga gago kayo..
ID ng hayop pumapasa sa sistema..
ibig sabihin kahit sinong tao pwedeng magpa-register sa iba't ibang pangalan..
at gamit ang iba't ibang Recto ID..
kayo ang mga walang utak sa pagtukoy kung authentic ba ang ginawang registration o fraudulent..
umaasa kayo sa AI, pero ang AI ninyo puros mga bulok...

palpak ang sistema..
pero gustong maningil..?
anong klaseng mga kurakot kayo...??

is feeling , sa bulok na mundo na 'to kung saan hindi ninyo maprotektahan ang mga mamamayan laban sa mga hacker, normal lang na gumamit ng mga private at public SIM...


>
yung kaduda-dudang dami ng intelligence fund sa tuktok..
meron sa top executive..
meron sa substitute..
pero meron din ang mismong DepEd...

tuwang-tuwa na naman siguro ang mga social media farm employee...??

is feeling , sayang ang mga buwis sa kanila...

---o0o---


September 7, 2023...

yung nasita ng COA sa Department of Health..
yung umaabot sa Php 7.4 Billion na halaga ng mga gamot at bakuna na nasayang lang noong 2022...

is feeling , tapon na naman...


>
yung wala pang pondo para sa ipinangako nilang fuel subsidy... 🙁

mas mabilis pa sana kung tatanggalin na lang nila lahat ng buwis para sa mga mass transport na PUV...

is feeling , joke lang...


>
sa Parañaque City..
yung salon na may lihim na ilegal na pasugalan..
kung saan nahuli ang 11 na Imperial citizen at 3 lokal na mamamayan...

is feeling , kunwari lang...

---o0o---


September 8, 2023...

[Natural Calamities]

sa ibaba..
nasa Magnitude 5.1 na lindol..
sa may area ulit ng Davao Occidental...

is feeling , naka-focus ang mga sakuna sa North at South...


>
sa Department of Finance..
yung opisyal na pinag-resign daw..
dahil sa pagiging makatwiran...

is feeling , bawal yung mga nagtatrabaho nang tama.. dapat kurakot ang lahat...


Ang Alamat ng Most Undesirable Guy on Earth - First Week of September 2023 (Reverse Midas & Curse Release)

Loveless Story


September 3, 2023...

kapag nagagalit ako, kailangan ko nang tumigil sa pasigaw na pagmumura..
oo, mahalaga na makapaglabas ng galit..
pero wala namang masosolusyunan ang pagmumura nang malakas... 🙁

sa halip..
sisikapin kong kontrolin na ang sarili ko..
sasabihin ko na lang nang paulit-ulit na "tama na"..
na "tama na, please"..
na "sana matigil na ang mga kamalasan"...

is feeling , alam kong hindi ko kailanman makakamit ang kapayapaan sa mundo.. naka-design ako para consistently na mabigo.. pero kailangan kong huminahon sa pagharap sa kasamaan ng FATE...

---o0o---


September 4, 2023...

kahapon..
nagkuwento sa akin yung dating kliyente ni Attendant Ry sa dati niyang establishment..
kesyo involved daw sa illegal drugs si Attendant Ry..
nagbago pa nga daw ang itsura noon..
ewan, ang alam ko mahilig siyang magpuyat..
party girl..
so hindi ko rin talaga masabi...

anyway..
i miss seeing her..
patay na ulit ang god's Eye ko..
pero kailangan niyang gawin, para sa kanyang peace of mind...

is feeling , bulag na naman ako...

---o0o---


September 5, 2023...

[Online Marketing]

may Indian national na nagtapat sa akin..
isa daw siya sa mga tarantadong gumamit sa mga project ko para ipakalat sa kung saang piracy website..
at handa na daw siyang bayaran ang mga dati na niyang pinirata...

yun lang..?
mga demonyo kayo..
kapag inatake ng piracy ang copyrighted content, nawawalan na 'yon ng halaga..
dahil yung libreng pirated copies na lang ang hinahanap ng mga basurang tao..
tapos ni wala akong natanggap na sorry...??

kahit bayaran niya ang mga 'yon..
wala nang magagawa..
dahil ipinakalat na nila nang libre... 🙁

is feeling , tapusin ninyo ang mga sarili ninyo.. yun lang ang matatanggap kong kabayaran...


>
ang dami kong kailangang gawin..
ang dami kong kailangang habulin..
pero heto at ang sakit na naman ng ulo ko dahil sa pagpapakitang gilas ng kamalasan na taglay ko...

is feeling , walang katapusang kamalasan...


>
ganito na lang ba talaga..?
hindi ko matatakasan ang perpektong kamalasan na taglay ko..
hindi nga siya sobrang delikado..
pero unti-unti talaga ang gagawin niyang katapusan para sa akin... 🙁

dahan-dahan..
habang lalong humihirap ang standard of living sa mundo..
walang pag-asang umangat..
walang pag-asang maging stable..
maliligo sa mga kamalasan, hanggang sa dulo ng basura kong buhay... 🙁

is 💀 feeling , sana mamatay na kayong lahat na nagmamanipula sa kapalaran...

---o0o---


September 7, 2023...

[Gadget-Related]

natapos ko din yung monthly checking ng mga e-mail ko..
6 ang na-secure ko na, meaning retrievable sila kapag naghigpit ang mga sistema nila..
2-3 ang kailangan pa ng verifiable na e-mail links..
samantalang 5 ang pwede namang pakawalan na if ever maidaan sa checkpoint...

is feeling , mga bunga ng Facebook gaming era...


>
anong nangyayari..?
Wednesday noong nag-meet kami nina Attendant Ry at Attendant C..
then parehas silang tumigil sa pagpo-post noong Saturday...

bakit..?
kung kailan mas maayos na ang panahon..
minalas ba silang dalawa ng dahil sa akin...??

is feeling , ano na naman ang ginagawa ng FATE...??

---o0o---


September 8, 2023...

napansin ko pala na hindi na ulit sila naglalabas ng picture ni Attendant Ry nitong mga nakaraang araw..
bukod pa sa binubura kaagad ni Attendant Ry o ng management lahat ng photo attachments niya pagkakatapos ng buwan..
pero naglalabas pa din naman sila kahit papaano ng review para sa kanya...

bakit nga ba..?
dahil pumunta na naman siya sa ibang bansa..?
dahil may inaayos siya sa katawan niya..?
o dahil ba sa panahon ng kampanyahan...?

is feeling , patay na ang god's Eye ko sa kanya...

---o0o---


September 9, 2023...

[TV Series]

naiyak ako sa trailer ng Prison Arc ng Batang Quiapo..
maganda ang pagkaka-organize nung mga pasilip..
bukod pa sa ipinakita na talaga nina Coco ang lahat ng pwedeng abangan...

nakakalungkot lang na nawala na yung mga Muslim sa kanilang istorya..
wala eh, in denial..
hindi nila matanggap ang katotohanan na may mga ganun talagang klase ng tao sa kanilang komunidad...

anyway, balik sa trailer..
nakakalungkot lang ang mga naging takbo ng pangyayari..
medyo naka-relate nga ako sa level ng kamalasan ni Tanggol..
so nakulong siya dahil sa tangkang tulungan ang pamilya ng babaeng kanyang mahal..
napag-initan siya sa loob ng kulungan, at eventually eh naipit para maging isang hitman..
naging stepmom niya ang babaeng kanyang mahal..
kinailangang mamatay ng kinilala niyang kapatid, dahil ninakaw nito ang katauhan at ang yaman na para dapat sa kanya..
at ang huli ay ang realization na mayaman ka pala, para matulungan ang pamilya ng babaeng mahal mo, pero nahuli na ang lahat bago mo pa nalaman iyon... 🙁

is feeling , ayos, single mom na si Camille...


>
[Book]

Updated/Revised Casting Proposal (Incomplete):
• Empoy Marquez as me
• Denice Dinsay as [Girl na may Crush sa Akin]
• Marian Rivera as Almeja
• Justine Battung as Jacqueline
• Bela Padilla as Anne
• Megu Fujiura as Emoji-Girl
• Ana Capri as Miss A (pinalitan para bigyan ng daan si Miss V)
• Jinri Park as Miss J
• Claudia Barretto as Strawberry (yung fit version)
• Meridian as Miss C
• Ava Dalush as Miss Ab (dahil sa body type)
• Lucy Li as Miss D
• Coraleen Waddell as Miss Co (yung simple look ni Cora, tapos yung may kasamang ngiti)
• Abby Poblador as Miss H
• Kylie Page as Miss P (pero black hair)
• Margarita Francesca Cruz Ramirez as Miss S (pero gawing thick type)
• Maja Salvador as Miss V
• Juliana Palermo as Miss Al (ang totoo mas Isabella de Leon yung facial details niya, pero dahil bata ang tingin ko dun eh Juliana Palermo na lang)
• Julz Gotti as Love Burger (pero fair skin)
• Cristine Reyes as The Korean
• Connie Sison as YAM (yung fit version ni Connie Sison dati)
• Cassandra Calogera as Dime (yung matabang version, tapos gawin ding morena)
• Chrislyn Uy as Eyeglass Girl (pero thinner version)
• Jackie Rice as Miss Gg
• Nina North as Miss Cn (pero voluptuous version)
• Lisa Ann as Miss Js
• Maris Racal as Miss Hn
• Rhen Escaño as Miss B (yung narrow mouth look lang)
• Aleck Bovick as Ate As
• Arjo Atayde as Masuwerteng Lalaki
• Donna Cariaga as Demonyong Tabachoy ng Cerberus
• Jason Dy as Kabayong bakod
• Hazel Moore as Attendant Y (na may dental braces)
• Mika dela Cruz as Attendant R
• Shy Carlos as Attendant N (pero sunugin ang kutis at lagyan ng double dental braces)
• Amber Heard as Attendant M
• Arianny Celeste as Attendant Ry
• Constance Wu as Attendant J (pero payat ang ilong)
• Penelope Kay as Attendant Mp
• Donnalyn Bartolome as Attendant Nc
• Jennelyn Mercado as Attendant Jn
• Lady Gaga as Attendant X
• Rei Kuroshima as Attendant C
• Anthea Murfet as Attendant Cd

is 💘 feeling , updated at may revisions din.. dahil sa mga kalaban...


>
short update tungkol kay Attendant Ry..
she seems to be fine naman..
kasama ang family niya..
hindi ko lang sigurado kung maayos din ang kalusugan niya, within...

is feeling , nami-miss ko na ang dating ikaw...

-----o0o-----


My Reverse Midas & Curse Release


September 4, 2023...

[Trade]

nagpa-pump na ulit ngayong gabi ang OAX..
by this time, USD 31 na yung napapakawalan ko na kita sana...

sana naman..
sana lang talaga..
isang USD 0.20 na pump lang..
para makatakas na ako sa sumpang ito...

is feeling , sa tuwing aakalain ko na magiging mabuti na ang takbo ng mga bagay-bagay, parati namang may masasamang nangyayari...

---o0o---


September 5, 2023...

[Trade]

sobrang sakit.. 🙁
0.1685 ang entry point ko..
pero 0.1665 lang ang inabot ng big pump ng OAX kagabi...

nasa 66% increase yung nagawa niya..
at nasa USD 35 Million ang kailangan para makagawa ng ganung klaseng pump..
USD 206 sana 'yon para sa akin... 🙁

ang masakit pa nito..?
kung nagbenta sana ako dati sa 0.159 bago yung naging market collapse..
kung bumili ako sa bottom na 0.093..
at nagbenta sa 1st big pump sa 0.14..
then pumasok ulit sa bandang 0.099..
at saka nagbenta sa 2nd big pump sa 0.166..
edi sana nasa USD 745 na ako ngayon..
USD 432 na recovery sana iyon para sa akin... 🙁

tapos ayun pa..
biglang nag-crash ang OAX noong nagbebenta na ako..
anyway, nagpalugi na nga ako sa exit..
nagtapon ng USD 82..
at saka naghintay ulit ng USD 0.09 na dip...

is 💀 feeling , at dito na nagsimula ang panibagong trahedya sa buhay ko...


>
[Trade]

noong isang araw, yung big pump sa OAX..
hindi ako nagbenta kasi umasa ako na aangat ulit yung palitan..
pero sa halip ay tuluy-tuloy lang na bumagsak ang OAX hanggang sa nakabalik na sa dati niyang mababang level...

kaya noong nag-pump kagabi ang OAX, at nakita ko na pababa na yung palitan nitong umaga..
eh naisip ko na mauulit lang din yung nangyari sa 1st pump, kaya magbebenta na lang kako ako sa mataas-taas na level bago bumalik ang lahat sa USD 0.09...

pero hindi ganun ang nangyari..
matapos kong magbenta nang palugi..
ayun at muling nag-pump ang OAX..
una niyang nilagpasan yung entry point ko..
at untikan na din ngang naabot yung secondary target ko na may kita sana na USD 70... 🙁

paulit-ulit lang ang mga bangungot ko..
na-activate ang Curse Release noong nagpalugi na ako.. 🙁
dahil sa lahat naman ng pagkakataon, ako yung totoong nagpapabagsak sa mga palitan dahil sa taglay kong kamalasan...

put*ng ina..
itinapon ko yung USD 82 ko..?
when in fact eh pwede pa pala sana akong kumita ngayong araw... 🙁

is 💀 feeling , ganito kabasura ang buhay ko.. isang laruan para sa mga makapangyarihang naglalaro sa kapalaran...


>
[Trade]

nag-crash noong nagbebenta na ako..
pero nag-pump noong nagpalugi na ako..
wala akong magawa kanina kundi maiyak na lang..
habang nanginginig ang katawan ko... 🙁

heto ang listahan ng mga napakawalan ko matapos akong magpalugi:
0.12 to 0.15 for USD 57 na sablay..
0.132 to 0.142 for USD 21..
0.128 to 0.176 for USD 115..
0.155 to 0.188 for USD 90..
0.174 to 0.195 for USD 62..
0.153 to 0.174 for USD 79..
0.157 to 0.167 for USD 41..
0.156 to 0.167 for USD 49...

alam ng mga makapangyarihan kung kailan sila kikilos..
alam nila kung kailan nalugi na ako... 🙁

is 💀 feeling , USD 541 na kita sa loob lamang ng wala pang 1 araw.. sobrang sakit na masaksihan lang, habang alam ko na hinding-hindi ko sila masasakyan...

---o0o---


September 7, 2023...

[Trade]

so pumasok ako sa FIDA kahapon..
habang nasa mataas-taas pang level ang OAX...

may 2 akong napakawalan na pagkakataon para kumita..
nasa USD 13 din iyon..
tapos heto ang nangyari ngayon..
since September 2021, nag-dip ang FIDA sa lowest level niya..
habang stable lang naman ang Bitcoin..
meaning, na-activate ang Reverse Midas ko laban sa FIDA.. 🙁
at maghihintay na naman siya ng Curse Release bago makalaya sa sumpang dala-dala ko...

is 💀 feeling , nasisira ko ang lahat ng bagay.. nang naaayon sa kagustuhan ng FATE...


>
[Game]

muli nga akong nakapasok sa Top 20,000 sa katapusan ng Season 5..
naging imposible na sa Top 10,000 kasi nagdamot na sila ng Runes, tapos pinahina pa nila yung bagong ace player ko na Bird..
nairaos naman kahit nasa 5 matches a day na lang ang nilalaro ko...

is feeling , pero lahat ng pinaghihirapan ko, nawawalan lang ng halaga...

---o0o---


September 8, 2023...

[Trade]

automatic na nabenta ang assets ko kaninang umaga..
USD 2 lang na tubo..
pero nang mawala na ako sa market, eh nanghila naman ang Bitcoin pataas..
ang lalayo sa bottom..
para ngang nag-hit lang ng bottom ang FIDA kahapon para matakot na naman ako..
wala tuloy akong mapasukan dahil panay umaangat sila... 🙁

USD 665 away... 🙁

is feeling , ngayon kayo mag-crash.. awa nyo na...


Saturday, September 2, 2023

All Types of Abusive Powers

NOTE: this is not news..
i am not a reporter/journalist nor an influential person..
also, i'm not related to the government in any way..
but there are summary of news featured in this post..
it will require research in order to get the whole story regarding each particular news that is featured in here...

simple lang yan..
kapag nagpaapekto at nag-react ka sa opinyon ng ibang tao - eh BAKA nga may totoo sa mga sinasabi nila...



record ng ekonomiya..
record ng palitan ng piso sa dolyar..
record ng mga inutang..
record ng mga kinamkam at pinagnakawan..
record ng mga inabuso..
record ng mga itinumba..
record ng mga nawawala..
record ng mga kaso...

mga wala kayong utak..
at lahat kayo ay masasama...

is 💀 feeling , from Php 3.91 to Php 20.46 na exchange rate.. from USD 599 Million to USD 26.7 Billion na utang.. sa kanila nagsimula ang pagkawasak...

---o0o---


daily prayer...

sa kung sino man ang nakikinig sa kawalan..
sana mai-serve na kaagad ang totoo at ganap na hustisya laban sa lahat ng miyembro ng alyansa para matigil na ang kasamaan nila...

at sana maging maayos na ulit ang mundo...

is 💀 feeling , day 1148...

-----o0o-----


bagong impiyerno, bagong listahan..
lumampas na naman sa 500 ang bilang, kaya mag-i-start na ulit ako ng panibagong listahan ng mga kalokohan..
update (512 + 111 na)..
medyo in-organize ko rin yung mga kaso..
pero paki-note na hindi na ganung ka-accurate yung bilang, at posibleng may redundancy na rin dahil sa sobrang dami ng mga nakalista...

una, ang pagtataksil sa interes ng bansa at ng mga (ibang) mamamayan (lalo na yung mga naging biktima), at pagbalewala sa kasaysayan at dangal ng bansa:
  • yung halos umabot na sa Php 14 Trillion kaagad ang utang ng bayan noong April 2023 pa lamang
  • yung sinabi na pinakamaganda daw ang economic growth rate ng bayan kumpara sa buong mundo, samantalang umabot na kaagad sa halos Php 14 Trillion ang utang ng bayan
  • yung naghahabol ng nasa Php 10 Billion daw na intelligence at confidential fund
  • yung pahayag na hindi daw gagamitin na pondo para sa Maharlika Investment Fund ang pera ng GSIS, SSS, at Pag-IBIG, pero malaya daw yung mga institusyon na iyon na magpasok ng investment
  • yung halos inabot ng 1 taon bago nakapili ng magiging Secretary ng Department of Health
  • yung binigyan ng katungkulan ang isang masamang halimbawa na abogado
  • yung na-disbar ng Supreme Court yung itinalaga na adviser dahil sa masamang asal

are yung ang involved o semi-involved eh mga identified talaga bilang awtoridad o tauhan ng pamunuan, mga dati nang naging bahagi ng pamunuan, o kahit mga nagsasanay pa lang upang makakuha ng awtoridad:
  • sa Quezon City, yung lalaking pulis at asawa niya na kinasuhan dahil sa investment scam nung babae
  • sa Angeles City, Pampanga, yung 7 pulis na sinibak sa puwesto matapos na masangkot sa ilegal na pag-aresto at pangingikil
  • sa Dasmariñas, Cavite, yung 2 pulis at 3 sibilyan na nahuli dahil daw sa extortion laban sa isang Egyptian patungkol sa pagsasampa ng kasong rape
  • sa Sampaloc, Maynila, yung nasa 5 pulis na pinaghahanap na ngayon, na nagnakaw daw kasi at nangikil ng pera mula sa isang computer shop
  • sa Cebu City, yung nasa 5 kawani ng LGU na sinibak sa trabaho dahil nagpositibo sila sa ilegal na droga
  • yung Hepe ng Mandaluyong City Police na sinibak sa puwesto dahil nagpositibo daw kasi sa surprise drug test
  • yung nagpositibo din yung sinibak na Hepe ng Mandaluyong City Police sa confirmatory drug test
  • sa Leyte, yung mag-asawang pulis na sangkot daw sa tensyon at pagpapaputok ng baril laban sa ilang taga-media
  • sa Mabini, Batangas, yung Mayor doon, at 2 pa niyang kapatid, na inaresto ng CIDG matapos daw makuhanan ng mga baril at pampasabog
  • sa Cebu, yung Barangay Chairman na naaresto dahil sa ilegal na baril at granada
  • yung sumuko na sundalo na nakipagbuno daw laban sa isang pulis-Makati
  • sa Davao Occidental, yung 3 pulis na nangmaltrato daw ng menor de edad na lalaki, binuhusan daw ng sukang may sili ang kanyang ari 
  • sa Quezon City, yung MMDA Traffic Constable na nanutok ng baril kesyo naingayan daw siya sa grupo ng mga biktima
  • sa Quezon City, yung retiradong pulis na nakunan ng video ng road rage laban sa isang siklista, kung saan nanghampas ng ulo at kinasahan ng baril yung biktima
  • sa Dasmariñas, Cavite, yung pulis na nanakit ng sibilyan sa pamamagitan ng pamamalo ng baril kesyo nakaaway daw ng kanyang kapatid yung biktima
  • sa Zamboanga City, yung 3 pulis na sinibak dahil sa pagkamatay ng 1 waiter
  • sa Navotas City, yung 17 y/o na binatilyo na napatay sa pamamaril ng mga pulis dahil lang daw sa mistaken identity
  • sa Rodriguez, Rizal, yung 15 y/o na binatilyo na napatay sa pamamaril ng mga naka-sibilyan lang na mga pulis, nadamay lang yung biktima sa pagtugis ng mga pulis sa kanyang kapatid na nasita ng mga ito
  • sa Lanao del Sur, yung 9 na pulis na iniimbestigahan dahil sa pagkamatay ng kapwa nila pulis na natagpuan ang bangkay sa ilog
  • sa Taguig City, yung pulis na napatay sa pamamaril ng kapwa pulis sa loob mismo ng kanilang opisina na baka daw nag-ugat sa pagtatalo tungkol sa ulam

are naman yung mga hindi pa malinaw kung anong klase nga ng mga tao ang involved o hindi tiyak o nabanggit kung sino ang nakatama o hindi masabi kung ano nga ang totoong nangyari:
  • (no entry yet)

heto naman yung mga may kinalaman sa kahinaan ng kasalukuyang penal system at pagpapatupad ng iba pang mga batas, patakaran, at sistema sa bansa:
  • yung may nakapasok na sa loob ng bayan na COVID-19 Omicron subvariant FE.1
  • yung plano na bigyan ng temporary license yung mga Nursing graduate na hindi pa naman nakakapasa sa Nursing Board Exam, sa halip na ang bigyan ng trabaho ay yung mga nakapasa na pero hindi naman hina-hire
  • yung mass promotion o pagpapasa ng mga estudyante sa mga paaralan, kahit pa hindi naman talaga deserving yung iba
  • yung ibabalik na naman sa dati ang educational system
  • yung utos ng DepEd, yung bawal na ang mga educational material na nakadikit sa pader
  • sa DepEd, yung bawal daw ang mga decoration sa mga classroom, pero pwede ang Christmas decorations
  • yung mga smuggled na sibuyas na nasabat daw noong 2019 pa, pero nalusaw na nang lubusan nitong 2023
  • noong nakaraang December daw, yung pinasok ng Department of Agriculture na overpriced deal para sa mga sibuyas na nasa Php 500 plus daw per kilo, na lumalabas na madaming ginawang manipulasyon sa data ng naka-deal na kooperatiba
  • sa Nueva Ecija, yung oversupply naman ng kalabasa
  • yung oversupply naman ng pinya sa Isabela at Cagayan
  • yung pagpalo ng bentahan ng kamatis sa Php 200 per kilo sa NCR
  • sa New Agrarian Emancipation Act, yung pwede kaagad na ibenta yung nakuhang lupa after 10 years lang
  • sa National Irrigation Administration, yung mga nasita nilang proyekto kung saan yung iba daw ay ilang dekada na pero hindi pa rin nakukumpleto
  • yung bakit daw merong 10 undersecretaries at 20 assistant secretaries ang DSWD
  • sa NAIA, yung panibagong kaso ng power interruption kesyo may naiwan daw na tester
  • sa DPWH sa Western Visayas, yung 4 na opisyales nila na kinasuhan sa Ombudsman dahil daw sa depektibong flyover
  • sa Davao City, yung under construction na tulay na nag-collapse kung saan 5 daw ang namatay habang 2 ang sugatan
  • sa Presidential Electoral Tribunal (PET), yung nasilip ng COA na hindi pa nila isinasauli na unutilized cash deposit ng mga kandidato na naglaban sa protesta sa pagka-Vice President noong 2016
  • yung nasita ng COA ang OVP, dahil daw sa pagbili ng mga equipment para sa kanilang mga satellite office nang hindi sumusunod sa procurement laws
  • yung nasilip ng COA sa Presidential Communications Office, yung nasa Php 26 Million daw na halaga ng terminal leave benefits na walang documents o hindi ginawan ng tamang deductions
  • yung nasilip ng COA sa Bureau of Customs, yung pagri-release daw ng nasa Php 3.558 Billion na halaga ng mga shipment na dapat sana ay idinaan sa 100% physical inspection pero hindi ginawa
  • yung nasilip ng COA sa Tourism Promotions Board, yung nasa Php 9.868 Million daw na halaga ng undocumented tokens o giveaways
  • yung nasilip ng COA sa Department of Transportation, yung 48 na unutilized Dalian trains ng MRT-3 na ayaw pa ring gamitin hanggang ngayon kahit na may nakalatag naman palang plano para magamit ang mga iyon
  • yung nasilip ng COA sa DSWD, yung pagdaan daw nila sa supplier na wala namang kinalaman sa food business para daw sa pagsu-supply ng relief goods, nasa Php 173 Million yung pinag-uusapan na halaga
  • yung hindi certified Halal yung ipinamahagi ng DSWD na relief goods para sa Muslim region
  • yung lumalabas na may immitation daw sa mga canned tuna na ipinamahagi ng DSWD
  • yung nasilip pa rin ng COA sa DSWD, yung lagpas Php 3 Million daw na ginastos nila para sa meals at hotel accommodations ng kanilang mga tauhan, bagay na irregular at unnecessary dahil may mas mura naman daw na alternatives
  • yung nasita ng COA sa SSS, yung nasa Php 92 Billion daw ang hindi nila nakokolektang kontribusyon mula sa mga pasaway na employers
  • yung nasilip ng COA sa PhilHealth, yung halos nag-triple na daw ang paglaki ng suweldo ng mga executives doon para sa year 2022
  • para sa Department of Tourism, yung video para sa pagpo-promote ng bayan pero gumamit pala ng stock footage na mula sa iba't ibang bansa
  • sa BIR, yung 26 na tauhan nila na sinibak sa serbisyo at 2 suspended dahil daw sa iba't ibang violations
  • sa PCSO, yung very alarming na win rate sa lottery games lately
  • yung bagong logo ng PAGCOR na nasa Php 3 Million daw ang halaga
  • yung nasa Php 4 Billion daw na gagawin na estimated na arawang pangungutang para sa taong 2024 para lang ma-meet yung panukalang national budget
  • yung mind-conditioning na ginagawa ng Secretary ng Department of Finance, yung lagi niyang pinapalabas na mas maganda daw ang lagay ng pananalapi ng bayan sa kasalukuyan at sa nakaraang administrasyon, kumpara sa Aquino administration
  • yung Secretary ng Department of Finance na naggiit na pwede daw magpasok ng investment sa Maharlika Investment Fund ang GSIS at SSS kahit pa ipinagbawal na iyon ng Senado
  • sa Port Management Office sa Bohol, yung 8 opisyales na nahuling nag-iinuman sa mismong opisina
  • sa command conference ng NBI, yung sexy dance performance daw
  • sa NBI, yung nasa poder nila na drug suspect at 5 jailguard na inaresto matapos na mapag-alaman na nakakalabas ng kulungan yung suspect, nag-dinner daw sa isang hotel sa Makati
  • sa kaso nung road rage sa Quezon City na may nangyari pang kasahan ng baril, yung lumalabas na na-dismiss pala dapat sa serbisyo dati yung retiradong pulis
  • sa kaso nung mistaken identity sa Navotas, yung lumalabas na may pending dismissal order noon pa daw taong 2020 laban doon sa pulis na itinuturong unang nagpaputok ng kanyang baril laban sa mga biktima
  • sa Quezon City, yung bahay ng OFW na nanakawan ng grupo ng mga kabataan na paulit-ulit na daw na nahuhuli at nakakalaya
  • sa Dasmariñas, Cavite, yung 2 menor de edad na babae na agaw-buhay na natagpuan sa isang bakanteng lote, na biktima ng rape, kung saan dati nang may mga kaso ang mga suspek
  • yung pag-amin ng Chief ng Bureau of Corrections na hinahayaan talaga ng ibang tauhan ng BuCor ang pagpapapasok ng mga kontrabando sa loob ng mga kulungan
  • sa New Bilibid Prison, yung panibagong kumpiskahan kung saan may mga nakuha na granada, mga sumpak, at mga ice pick
  • sa New Bilibid Prison sa Muntinlupa City, yung 9 daw na sugatan na preso matapos ang pamamaril ng 1 ding bilanggo at may ulat din na may napatay daw dahil naman sa pananaksak ng ice pick habang may komosyon nga
  • sa New Bilibid Prison, yung panibago na namang kaso ng preso na napatay sa pananaksak ng kapwa niya preso
  • sa Kongreso, yung ayaw na makukuwestiyon yung budget ng kaalyado ng marami
  • sa Kongreso, yung pinagpatayan ng microphone ang isang Representative na gustong magsuri ng minamadaling budget
  • yung ginawang opisyal ng gobyerno na ini-enjoy ang pagre-red-tag sa isang biktima ng unsolved assassination crime
  • yung pagiging pasaway ng maraming mga Senador sa panahon ngayon
  • yung Senador na hindi alam ang gagawin sa kanilang pagpupulong
  • yung Senador na sinisisi ang mga dating Senador para sa mga problema ng bayan sa kasalukuyan, samantalang mga kaalyado niya ang madaming nagawang kasalanan laban sa bayan
  • sa nakaraang eleksyon, yung sinasabi na mga transmitted results daw na isang common IP address lang ang pinanggalingan, bagay na imposible dapat mangyari dahil galing dapat ang mga transmission sa iba't ibang lugar sa bayan
  • yung ang aga pa, pero nagbabangayan na kaagad ang matataas na pinuno na nag-claim noon na nagsusulong kuno ng pagkakaisa
  • ang pagpapatibay ng Supreme Court sa pagbasura sa mga kaso laban sa pamilya ng Diktador
  • yung POGO daw na nakalabas ng bayan nang hindi nagbabayad ng Php 2.2 Billion sa gobyerno
  • yung may demonyong barko ngayon ang Imperyo sa daungan ng bayan
  • yung may nangako daw sa Imperyo na tatanggalin yung BRP Sierra Madre mula sa may Ayungin Shoal

at may kaso na iba-iba ang kategorya:
  • yung mga panatiko na isinisisi parati sa iba ang ginagawang pagwasak ng kanilang mga pinuno sa bayan
  • yung napakaagang mind-conditioning na isinasagawa ng mga nagse-survey, naglilista na kaagad sila ng mga pangalan na bibilangin ng mga makina
  • yung gustong humiling ng mga jeepney transport leaders ng Php 2 to 5 na taas-pasahe, na para bang yumayaman ang mga mananakay sa malagim na panahon ngayon
  • sa San Fernando, Pampanga, yung Belgian Malinois daw na asong may rabies na nagawang makapangagat ng nasa 14 na biktima
  • sa Cebu, yung bata na kinagat sa mukha ng aso na wala daw bakuna kontra sa rabies, tapos nasugatan pa yung bata sa kanyang mata
  • yung modus daw ng sindikato ng mga pulubi na may GCash account para sa pagtanggap ng mga limos
  • yung nasa Php 400 daw ang bentahan ng registered na SIM card, tapos nasa Php 800 kung may e-wallet din
  • yung bentahan ng mga online account sa panahon ngayon, particularly mga financial account na nakapag-undergo na ng verification process
  • sa Bacolod City, yung mga nagnanakaw ng sobrang mamahalin na telco cell site batteries
  • sa Bulacan, yung mga bodega kung saan nagre-repack daw ng mga imported na bigas para gawin na mas mahal na lokal na bigas
  • sa Maynila, yung nasa Php 50 Million na halaga ng mga nasabat na smuggled frozen products, kung saan 1 Imperial citizen ang kabilang sa mga naaresto
  • sa Pasay City, yung nasabat na nasa Php 2 Million na halaga ng smuggled meat daw na mukhang galing sa Imperyo
  • sa Parañaque City, yung nasabat ng Department of Agriculture na nasa 600 kilos ng smuggled meat na suspected na galing sa Imperyo
  • sa Bulacan, yung mga Imperial citizen na nahuli dahil sa pagbebenta ng pinekeng sikat na brand daw ng tsinelas
  • yung 3 Imperial citizen na nahuli dahil sa pagbebenta ng mga pekeng pain relief rub
  • sa Bonifacio Global City sa Taguig, yung Imperial citizen na nakabangga ng SUV na mukhang driving under the influence of alcohol daw
  • sa Parañaque City, yung nahuli na 6 na Imperial citizen at 1 lokal na mamamayan na babae dahil daw sa pagsasagawa ng abortion
  • sa NAIA, yung Imperial citizen na nasa blacklist daw ng Bureau of Immigration, na hinuli dahil daw sa pagpapatakbo ng prostitution den dito sa bayan
  • sa NAIA, yung Imperial citizen na nahuli dahil daw sa pagtatago ng 2 bala ng baril at sachet ng hinihinalang ilegal na droga sa loob ng kanyang sapatos
  • sa Santa Rosa, Laguna, yung 2 lalaking Imperial citizen na dawit daw sa pagdukot sa 1 babaeng Imperial citizen
  • sa Pasay City, yung 3 Imperial citizen na arestado dahil sa pagdukot sa kapwa nila Imperial citizen
  • sa Malabon City, yung babaeng Taiwanese na dinukot ng isang grupo at sinasabing ginahasa din daw, kung saan 2 Imperial citizen na suspek ang nadakip
  • yung kalokohang 10-dash line ng Eastern Empire
  • sa may Ayungin Shoal, yung pagharang ng Imperial Coast Guard sa mga barko ng bayan na papunta doon sa area
  • sa West Philippine Sea, yung paggamit ng water cannon ng Imperial coast guard laban sa mga sasakyan ng PCG
-----o0o-----


August 26, 2023...

[Natural Calamities]

sa ibaba..
nasa Magnitude 5.5 na lindol..
sa may area ng South Cotabato...

is feeling , malapit din naman...


>
sa Quezon City..
yung MMDA Traffic Constable na nanutok ng baril..
kesyo naingayan daw siya sa grupo ng mga biktima...

is feeling , tagalista siguro siya ng noisy noong estudyante pa siya...?


>
sa Dasmariñas, Cavite..
yung pulis na nanakit ng sibilyan sa pamamagitan ng pamamalo ng baril..
kesyo nakaaway daw ng kanyang kapatid yung biktima...

is feeling , mga basura talaga...

---o0o---


August 27, 2023...

sa Quezon City..
yung nakunan ng video na road rage laban sa isang siklista..
yung suspek na nanghampas ng ulo at kinasahan ng baril yung siklista..
na lumalabas na retiradong pulis pala...

is feeling , hanay ng mga basurang abusado...

---o0o---


August 29, 2023...

[Natural Calamities]

sa ibaba ulit..
nasa Magnitude 5.5 na lindol..
sa may area ng Davao Occidental...

is feeling , tama naman...


>
sa kaso nung road rage sa Quezon City na may nangyari pang kasahan ng baril..
yung lumalabas na na-dismiss pala dapat sa serbisyo noong 2017 yung retiradong pulis..
pero mukhang naunahan niya iyon ng retirement noong 2016...

is feeling , grave misconduct daw...

---o0o---


September 1, 2023...

yung kalokohang 10-dash line ng Eastern Empire...

is feeling , sa inyo na ang buong mundo, basta ma-extinct lang kayo kaagad...


>
yung pagpalo ng bentahan ng kamatis sa Php 200 per kilo sa NCR...

is feeling , the best...


>
sa Kongreso..
yung ayaw na makukuwestiyon yung budget ng kaalyado ng marami..
at yung pinagpatayan ng microphone ang isang Representative... 🙁

is feeling , mga magnanakaw ang protektor ng mga kapwa nila magnanakaw...


>
yung Hepe ng Mandaluyong City Police na sinibak sa puwesto..
nagpositibo daw kasi sa surprise drug test...

is feeling , surprise...


>
sa DepEd..
yung bawal daw ang mga decoration sa mga classroom, kasi nakaka-distract kuno..
bawal din ang mga religious symbol kasi iba-iba naman daw ng mga relihiyon at sekta...

pero pwede ang Christmas decorations..?
mga tanga ba talaga kayo..?
una, decorations talaga 'yon..
ikalawa, hindi lahat ng relihiyon may ganun...

is feeling , mga wala talagang utak...


>
yung nagpositibo din yung sinibak na Hepe ng Mandaluyong City Police sa confirmatory drug test...

is feeling , very good...

---o0o---


September 2, 2023...

yung sumuko na sundalo na nakipagbuno daw laban sa isang pulis-Makati...

is feeling , sila-sila...


Ang Alamat ng Most Undesirable Guy on Earth - Last Days of August 2023 (Opening Up to Me)

Loveless Story


August 27, 2023...

[Gadget-Related]

noong isang araw, nagkaroon ako ng problema sa Yahoo..
2 account na naka-link sa isa't isa for verification ang parehas na idinaan ng system sa checkpoint..
bilang resulta, hindi ko mabuksan yung account na kailangan kong buksan during that time dahil parehas ngang hinahanapan ng security code yung 2 account..
mabuti na lang at kusang nawawala ang checkpoint sa Yahoo...

so ngayong araw, nagsimula na akong mag-link ng mahahalaga kong Yahoo mail sa mga e-mail address ko na may mobile number for verification..
sa ganung paraan, kahit muling magloko ang security ng Yahoo, eh magagawan ko pa rin ng paraan para mabuksan...

is ⚠ feeling , mas malala ang Facebook.. may naka-link nga na e-mail address, pero hinding-hindi naman gagamitin bilang verification option.. automatic lock tuloy ang katapat...

---o0o---


August 28, 2023...

s-in-end ko na yung 3 request ko kay Attendant C..
unfortunately, offline ang phone niya since Saturday..
bukod pa sa nag-stealth siya ng isa niyang social media account, matapos sabihin ng isang kliyente na ipinagkatiwala iyon ni Attendant C sa kanya...

tapos..
mukhang may sakit naman ngayon si Attendant Ry, base sa update niya sa social media din..
paano 'yon..?
kaya ba niyang gumaling in 1 day..?
naman..
huwag naman sana silang mag-cancel sa akin... 🙁

is 💔 feeling , pausap na.. wasak na ang lahat sa buhay ko.. huwag naman pati itong mga appoinment na ito...

---o0o---


August 29, 2023...

mukhang nasa KTV sector lately yung p*ta..
pero hindi pa din naman nagbabayad ng utang sa akin...

is 💔 feeling , makakakilala lang ng babae, eh manggagamit pa...


>
nag-online si Attendant C ngayong araw..
kaya naman pumasok na sa kanya yung messages ko..
kaso hindi naman nag-reply..
hindi naman makapasok yung message ko na humihingi ng confirmation para bukas...

as usual, nasa lineup na naman si Attendant Ry early today..
nag-o-online din yung account niya, pero hindi naman na nagpo-post..
tapos nag-reply nga sa paghingi ko ng confirmation ngayong hapon..
pero hindi naman sinagot yung tanong ko, nag-hello lang...

is 💔 feeling , sinaniban ba sila ng mga demonyo ko ng kamalasan...??

---o0o---


August 31, 2023...

deactivating the 48-Hour Rule...

ayun..
nawala na sa akin ang Dream Date..
ulit..
for now...

is  feeling , unexpected events...


>
10:00 AM pa ako nakauwi..
gusto ko sanang makahabol sa mga daily task ko..
kaso may unexpected na nangyari...

mula sa isang inquiry, biglang nag-open up sa akin si Attendant Ry tungkol sa mga pinagdadaanan niya lately..
it turned out na tama yung hinala ko na may nanggugulo nga sa kanya, at hindi naman ako 'yon..
that explains kung bakit mahirap siyang makausap nitong mga nakaraang buwan, at kung bakit lumalayo siya sa industriya...

naaawa ako sa kanya..
feeling niya kasi wala na siyang privacy sa buhay niya..
kaso epekto iyon ng mishandling nila ng kanilang personal information..
hindi man directly na sila, eh pwede din na dahil naman sa mga kakilala nila sa trabaho...

gusto ko sanang may magawa para sa kanya..
pero personal information na niya yung nakuha nung stalker niya..
the only way to end it is kung kusa na siyang titigilan nung lalaki, o kung mawawalan na ng buhay yung lalaki para matigil na siya sa kanyang ginagawang harassment...

i just hope na magawa niyang mabawi yung peace of mind niya..
at sana din makita niya soon ang sarili niya sa ibang trabaho sa labas ng industriya...

is feeling , yung pakiramdam ng pagiging powerless laban sa masasama...

---o0o---


September 1, 2023...

ang dami kong hinahabol na tasks..
wrong timing din kasi yung huling alis ko..
malapit sa Friday..
malapit sa last day of the month..
malapit sa first day of the month..
malapit sa schedule ng general cleaning...

tapos binanatan pa ng halos 6 hours ng unannounced power interruption..
nangyari na din 'to sa akin dati..
galing sa Capital, naghahabol ng mga gawain, pero biglang may unannounced power interruption..
sa sobrang kakaiba nung case, ni walang paliwanag sa Facebook page ng electric cooperative kung ano yung katangahan na nangyari..
kaya kailangan na mag-reschedule ng lahat..
at mag-overtime na din sa pagko-computer...

t*ng inang arawang kamalasan ito... 🙁

is feeling , kontroladong-kontrolado ng mga makapangyarihan na manipulista ang bulok na buhay ko...


>
kinausap ko ulit ngayong araw si Attendant Ry..
kahit na umiiwas na siya na pag-usapan yung pinagdadaanan niya..
anyway, ginusto ko lang na makasigurado na wala sa mga ginagawa ko ang nami-misinterpret niya..
at sumagot naman siya after ng mahaba kong mga paliwanag..
hindi naman daw iyon ang ikinakabahala niya..
at nagpasalamat din nga siya...

at least hindi ako nakakadagdag sa mga alalahanin niya...

is 💌 feeling , sana talaga matapos na yung problema niya sa lalaking iyon...

---o0o---


September 2, 2023...

ayoko sanang kamuhian nang kamuhian ang buhay..
kung tutuusin, gusto ko lang naman na lumipas ang mga araw nang payapa at walang aberya..
pero hindi ko maintindihan kung bakit parang required para sa akin na laging may problema sa halos araw-araw... 🙁

is 💀 feeling , parang masyadong isinumpa.. hindi man with regards sa degree ng mga parusa, pero pagdating sa dalas...


>
noong isang araw..
noong pauwi na ako...

habang nasa taxi, nagtaka ako kung bakit dumaan yung sinasakyan ko sa minor road..
usually kasi gumagamit ako ng Google Map kapag nasa taxi ako para iwas sa mga kriminal..
pero noong time na 'yon, dahil maulan at may intindihin pa akong payong, eh nag-decide ako na hindi na buksan yung 2 kong phone..
oo 2 phone; 1 na may sapat na storage para mabuksan yung app, at 1 na madalas kong ginagamit para sa data promo (kasi gahaman na ang Globe)...

ayun nga, nagtaka ako dahil sa pagkakatanda ko eh once na nasa main road na eh yun na lang ang babaybayin namin hanggang sa marating ang dating Roosevelt Station..
so natakot ako..
baka kako along the way ay biglang magsakay yung driver ng kasabwat niya, dalhin ako sa liblib na lugar, kunin lahat ng mga dala ko at itapon na lang ang magiging bangkay ko sa kung saan..?
or at least ay baka kako nagpapataas siya ng metro...?

mabuti na lang at hindi naman kriminal yung driver..
nakahinga na ako nang maluwag noong bumalik na kami sa main road at nakita ko na yung station..
Php 20 lang din naman yung itinaas nung singil niya kumpara sa biyahe ko papunta sa Timog Avenue...

is feeling , kinabahan ako dun...

-----o0o-----


August 28, 2023...

[Trade]

nag-pump then dip ang OAX kahapon..
USD 30 din sana 'yon para sa akin..
pero wala..
sa ngayon, papunta na sa impiyerno ang OAX dahil sa utos ng masamang kapalaran...

is feeling , puros masasamang pangyayari...

---o0o---


August 29, 2023...

[Online Marketing]

kahit papaano nagawa namang maabot ang quota sa 1st store bago matapos ang buwan..
sa tulong na din siguro ng sarili kong sale..
kaya kahit papaano ay may matatanggap naman na lagpas Php 2,000 next month...

is feeling , sige lang...


>
[Trade]

nakagawa ng mega pump ang OAX early this morning..
after 43 days matapos ang pagbagsak ng lahat..
nasa 54% increase..
USD 168 na kita sana 'yon para sa akin kung nasakyan ko lang... 🙁

sa 2nd na short pump..
USD 46 naman yung nakawala sa akin... 🙁

sa 3rd na shorter pump..
USD 35 naman sana... 🙁

nakisabay din ang AST noong unang pump..
nasa USD 34 sana kung napakinabangan ko... 🙁

is feeling , USD 249, sa loob lamang ng isang araw.. mayaman na sana ako ngayon, kung hindi lang sana ako malas na nilalang...

---o0o---


September 1, 2023...

[Game]

so nag-launch na naman yung mga scammer ng Fortune Chest event..
pero suko na ako..
hindi naman ako nakakakuha nung rarest type..
tsaka hindi din ako nakakakuha ng nasa thousands ang halaga sa palitan... 🙁

bukod pa dun..
2 season na akong walang naka-Craft na malakas..
puros bulok na items lang ang nakukuha ko... 🙁

hindi na rin ako naghabol ng AXS at SLP sa last week..
parking na lang ang hahabulin ko...

is feeling , heavily scripted, para sa mga pinoprotektahan nilang Guild...


>
[Online Marketing]

ayun..
bokya na naman sa 2nd store..
at 3rd store, as usual...

is feeling , mabagal na katapusan 'to...