Saturday, September 9, 2023

Ang Alamat ng Most Undesirable Guy on Earth - First Week of September 2023 (Reverse Midas & Curse Release)

Loveless Story


September 3, 2023...

kapag nagagalit ako, kailangan ko nang tumigil sa pasigaw na pagmumura..
oo, mahalaga na makapaglabas ng galit..
pero wala namang masosolusyunan ang pagmumura nang malakas... πŸ™

sa halip..
sisikapin kong kontrolin na ang sarili ko..
sasabihin ko na lang nang paulit-ulit na "tama na"..
na "tama na, please"..
na "sana matigil na ang mga kamalasan"...

is feeling , alam kong hindi ko kailanman makakamit ang kapayapaan sa mundo.. naka-design ako para consistently na mabigo.. pero kailangan kong huminahon sa pagharap sa kasamaan ng FATE...

---o0o---


September 4, 2023...

kahapon..
nagkuwento sa akin yung dating kliyente ni Attendant Ry sa dati niyang establishment..
kesyo involved daw sa illegal drugs si Attendant Ry..
nagbago pa nga daw ang itsura noon..
ewan, ang alam ko mahilig siyang magpuyat..
party girl..
so hindi ko rin talaga masabi...

anyway..
i miss seeing her..
patay na ulit ang god's Eye ko..
pero kailangan niyang gawin, para sa kanyang peace of mind...

is feeling , bulag na naman ako...

---o0o---


September 5, 2023...

[Online Marketing]

may Indian national na nagtapat sa akin..
isa daw siya sa mga tarantadong gumamit sa mga project ko para ipakalat sa kung saang piracy website..
at handa na daw siyang bayaran ang mga dati na niyang pinirata...

yun lang..?
mga demonyo kayo..
kapag inatake ng piracy ang copyrighted content, nawawalan na 'yon ng halaga..
dahil yung libreng pirated copies na lang ang hinahanap ng mga basurang tao..
tapos ni wala akong natanggap na sorry...??

kahit bayaran niya ang mga 'yon..
wala nang magagawa..
dahil ipinakalat na nila nang libre... πŸ™

is feeling , tapusin ninyo ang mga sarili ninyo.. yun lang ang matatanggap kong kabayaran...


>
ang dami kong kailangang gawin..
ang dami kong kailangang habulin..
pero heto at ang sakit na naman ng ulo ko dahil sa pagpapakitang gilas ng kamalasan na taglay ko...

is feeling , walang katapusang kamalasan...


>
ganito na lang ba talaga..?
hindi ko matatakasan ang perpektong kamalasan na taglay ko..
hindi nga siya sobrang delikado..
pero unti-unti talaga ang gagawin niyang katapusan para sa akin... πŸ™

dahan-dahan..
habang lalong humihirap ang standard of living sa mundo..
walang pag-asang umangat..
walang pag-asang maging stable..
maliligo sa mga kamalasan, hanggang sa dulo ng basura kong buhay... πŸ™

is πŸ’€ feeling , sana mamatay na kayong lahat na nagmamanipula sa kapalaran...

---o0o---


September 7, 2023...

[Gadget-Related]

natapos ko din yung monthly checking ng mga e-mail ko..
6 ang na-secure ko na, meaning retrievable sila kapag naghigpit ang mga sistema nila..
2-3 ang kailangan pa ng verifiable na e-mail links..
samantalang 5 ang pwede namang pakawalan na if ever maidaan sa checkpoint...

is feeling , mga bunga ng Facebook gaming era...


>
anong nangyayari..?
Wednesday noong nag-meet kami nina Attendant Ry at Attendant C..
then parehas silang tumigil sa pagpo-post noong Saturday...

bakit..?
kung kailan mas maayos na ang panahon..
minalas ba silang dalawa ng dahil sa akin...??

is feeling , ano na naman ang ginagawa ng FATE...??

---o0o---


September 8, 2023...

napansin ko pala na hindi na ulit sila naglalabas ng picture ni Attendant Ry nitong mga nakaraang araw..
bukod pa sa binubura kaagad ni Attendant Ry o ng management lahat ng photo attachments niya pagkakatapos ng buwan..
pero naglalabas pa din naman sila kahit papaano ng review para sa kanya...

bakit nga ba..?
dahil pumunta na naman siya sa ibang bansa..?
dahil may inaayos siya sa katawan niya..?
o dahil ba sa panahon ng kampanyahan...?

is feeling , patay na ang god's Eye ko sa kanya...

---o0o---


September 9, 2023...

[TV Series]

naiyak ako sa trailer ng Prison Arc ng Batang Quiapo..
maganda ang pagkaka-organize nung mga pasilip..
bukod pa sa ipinakita na talaga nina Coco ang lahat ng pwedeng abangan...

nakakalungkot lang na nawala na yung mga Muslim sa kanilang istorya..
wala eh, in denial..
hindi nila matanggap ang katotohanan na may mga ganun talagang klase ng tao sa kanilang komunidad...

anyway, balik sa trailer..
nakakalungkot lang ang mga naging takbo ng pangyayari..
medyo naka-relate nga ako sa level ng kamalasan ni Tanggol..
so nakulong siya dahil sa tangkang tulungan ang pamilya ng babaeng kanyang mahal..
napag-initan siya sa loob ng kulungan, at eventually eh naipit para maging isang hitman..
naging stepmom niya ang babaeng kanyang mahal..
kinailangang mamatay ng kinilala niyang kapatid, dahil ninakaw nito ang katauhan at ang yaman na para dapat sa kanya..
at ang huli ay ang realization na mayaman ka pala, para matulungan ang pamilya ng babaeng mahal mo, pero nahuli na ang lahat bago mo pa nalaman iyon... πŸ™

is feeling , ayos, single mom na si Camille...


>
[Book]

Updated/Revised Casting Proposal (Incomplete):
• Empoy Marquez as me
• Denice Dinsay as [Girl na may Crush sa Akin]
• Marian Rivera as Almeja
• Justine Battung as Jacqueline
• Bela Padilla as Anne
• Megu Fujiura as Emoji-Girl
• Ana Capri as Miss A (pinalitan para bigyan ng daan si Miss V)
• Jinri Park as Miss J
• Claudia Barretto as Strawberry (yung fit version)
• Meridian as Miss C
• Ava Dalush as Miss Ab (dahil sa body type)
• Lucy Li as Miss D
• Coraleen Waddell as Miss Co (yung simple look ni Cora, tapos yung may kasamang ngiti)
• Abby Poblador as Miss H
• Kylie Page as Miss P (pero black hair)
• Margarita Francesca Cruz Ramirez as Miss S (pero gawing thick type)
• Maja Salvador as Miss V
• Juliana Palermo as Miss Al (ang totoo mas Isabella de Leon yung facial details niya, pero dahil bata ang tingin ko dun eh Juliana Palermo na lang)
• Julz Gotti as Love Burger (pero fair skin)
• Cristine Reyes as The Korean
• Connie Sison as YAM (yung fit version ni Connie Sison dati)
• Cassandra Calogera as Dime (yung matabang version, tapos gawin ding morena)
• Chrislyn Uy as Eyeglass Girl (pero thinner version)
• Jackie Rice as Miss Gg
• Nina North as Miss Cn (pero voluptuous version)
• Lisa Ann as Miss Js
• Maris Racal as Miss Hn
• Rhen EscaΓ±o as Miss B (yung narrow mouth look lang)
• Aleck Bovick as Ate As
• Arjo Atayde as Masuwerteng Lalaki
• Donna Cariaga as Demonyong Tabachoy ng Cerberus
• Jason Dy as Kabayong bakod
• Hazel Moore as Attendant Y (na may dental braces)
• Mika dela Cruz as Attendant R
• Shy Carlos as Attendant N (pero sunugin ang kutis at lagyan ng double dental braces)
• Amber Heard as Attendant M
• Arianny Celeste as Attendant Ry
• Constance Wu as Attendant J (pero payat ang ilong)
• Penelope Kay as Attendant Mp
• Donnalyn Bartolome as Attendant Nc
• Jennelyn Mercado as Attendant Jn
• Lady Gaga as Attendant X
• Rei Kuroshima as Attendant C
• Anthea Murfet as Attendant Cd

is πŸ’˜ feeling , updated at may revisions din.. dahil sa mga kalaban...


>
short update tungkol kay Attendant Ry..
she seems to be fine naman..
kasama ang family niya..
hindi ko lang sigurado kung maayos din ang kalusugan niya, within...

is feeling , nami-miss ko na ang dating ikaw...

-----o0o-----


My Reverse Midas & Curse Release


September 4, 2023...

[Trade]

nagpa-pump na ulit ngayong gabi ang OAX..
by this time, USD 31 na yung napapakawalan ko na kita sana...

sana naman..
sana lang talaga..
isang USD 0.20 na pump lang..
para makatakas na ako sa sumpang ito...

is feeling , sa tuwing aakalain ko na magiging mabuti na ang takbo ng mga bagay-bagay, parati namang may masasamang nangyayari...

---o0o---


September 5, 2023...

[Trade]

sobrang sakit.. πŸ™
0.1685 ang entry point ko..
pero 0.1665 lang ang inabot ng big pump ng OAX kagabi...

nasa 66% increase yung nagawa niya..
at nasa USD 35 Million ang kailangan para makagawa ng ganung klaseng pump..
USD 206 sana 'yon para sa akin... πŸ™

ang masakit pa nito..?
kung nagbenta sana ako dati sa 0.159 bago yung naging market collapse..
kung bumili ako sa bottom na 0.093..
at nagbenta sa 1st big pump sa 0.14..
then pumasok ulit sa bandang 0.099..
at saka nagbenta sa 2nd big pump sa 0.166..
edi sana nasa USD 745 na ako ngayon..
USD 432 na recovery sana iyon para sa akin... πŸ™

tapos ayun pa..
biglang nag-crash ang OAX noong nagbebenta na ako..
anyway, nagpalugi na nga ako sa exit..
nagtapon ng USD 82..
at saka naghintay ulit ng USD 0.09 na dip...

is πŸ’€ feeling , at dito na nagsimula ang panibagong trahedya sa buhay ko...


>
[Trade]

noong isang araw, yung big pump sa OAX..
hindi ako nagbenta kasi umasa ako na aangat ulit yung palitan..
pero sa halip ay tuluy-tuloy lang na bumagsak ang OAX hanggang sa nakabalik na sa dati niyang mababang level...

kaya noong nag-pump kagabi ang OAX, at nakita ko na pababa na yung palitan nitong umaga..
eh naisip ko na mauulit lang din yung nangyari sa 1st pump, kaya magbebenta na lang kako ako sa mataas-taas na level bago bumalik ang lahat sa USD 0.09...

pero hindi ganun ang nangyari..
matapos kong magbenta nang palugi..
ayun at muling nag-pump ang OAX..
una niyang nilagpasan yung entry point ko..
at untikan na din ngang naabot yung secondary target ko na may kita sana na USD 70... πŸ™

paulit-ulit lang ang mga bangungot ko..
na-activate ang Curse Release noong nagpalugi na ako.. πŸ™
dahil sa lahat naman ng pagkakataon, ako yung totoong nagpapabagsak sa mga palitan dahil sa taglay kong kamalasan...

put*ng ina..
itinapon ko yung USD 82 ko..?
when in fact eh pwede pa pala sana akong kumita ngayong araw... πŸ™

is πŸ’€ feeling , ganito kabasura ang buhay ko.. isang laruan para sa mga makapangyarihang naglalaro sa kapalaran...


>
[Trade]

nag-crash noong nagbebenta na ako..
pero nag-pump noong nagpalugi na ako..
wala akong magawa kanina kundi maiyak na lang..
habang nanginginig ang katawan ko... πŸ™

heto ang listahan ng mga napakawalan ko matapos akong magpalugi:
0.12 to 0.15 for USD 57 na sablay..
0.132 to 0.142 for USD 21..
0.128 to 0.176 for USD 115..
0.155 to 0.188 for USD 90..
0.174 to 0.195 for USD 62..
0.153 to 0.174 for USD 79..
0.157 to 0.167 for USD 41..
0.156 to 0.167 for USD 49...

alam ng mga makapangyarihan kung kailan sila kikilos..
alam nila kung kailan nalugi na ako... πŸ™

is πŸ’€ feeling , USD 541 na kita sa loob lamang ng wala pang 1 araw.. sobrang sakit na masaksihan lang, habang alam ko na hinding-hindi ko sila masasakyan...

---o0o---


September 7, 2023...

[Trade]

so pumasok ako sa FIDA kahapon..
habang nasa mataas-taas pang level ang OAX...

may 2 akong napakawalan na pagkakataon para kumita..
nasa USD 13 din iyon..
tapos heto ang nangyari ngayon..
since September 2021, nag-dip ang FIDA sa lowest level niya..
habang stable lang naman ang Bitcoin..
meaning, na-activate ang Reverse Midas ko laban sa FIDA.. πŸ™
at maghihintay na naman siya ng Curse Release bago makalaya sa sumpang dala-dala ko...

is πŸ’€ feeling , nasisira ko ang lahat ng bagay.. nang naaayon sa kagustuhan ng FATE...


>
[Game]

muli nga akong nakapasok sa Top 20,000 sa katapusan ng Season 5..
naging imposible na sa Top 10,000 kasi nagdamot na sila ng Runes, tapos pinahina pa nila yung bagong ace player ko na Bird..
nairaos naman kahit nasa 5 matches a day na lang ang nilalaro ko...

is feeling , pero lahat ng pinaghihirapan ko, nawawalan lang ng halaga...

---o0o---


September 8, 2023...

[Trade]

automatic na nabenta ang assets ko kaninang umaga..
USD 2 lang na tubo..
pero nang mawala na ako sa market, eh nanghila naman ang Bitcoin pataas..
ang lalayo sa bottom..
para ngang nag-hit lang ng bottom ang FIDA kahapon para matakot na naman ako..
wala tuloy akong mapasukan dahil panay umaangat sila... πŸ™

USD 665 away... πŸ™

is feeling , ngayon kayo mag-crash.. awa nyo na...


No comments:

Post a Comment