Friday, December 11, 2020

Planting Zombies

NOTE: this is not news..
i am not a reporter/journalist nor an influential person..
also, i'm not related to the government in any way..
but there are summary of news featured in this post..
it will require research in order to get the whole story regarding each particular news that is featured in here...

simple lang yan..
kapag nagpaapekto at nag-react ka sa opinyon ng ibang tao - eh BAKA nga may totoo sa mga sinasabi nila...



daily black prayer...

sa kung sino man ang nakikinig sa kawalan..
sana mai-serve na kaagad ang totoo at ganap na hustisya laban sa lahat ng miyembro ng alyansa para matigil na ang kasamaan nila...

sana magtagumpay na sa paggawa ng vaccine ang AstraZeneca..
at sana maging maayos na ulit ang mundo...

is πŸ’€ feeling , day 154...

-----o0o-----


lumampas na naman sa 500 ang bilang, kaya mag-i-start na ulit ako ng panibagong listahan ng mga kalokohan..
basta heto yung kadugtong nito:
http://blogngpotassium.blogspot.com/2018/08/just-clan-war.html
https://blogngpotassium.blogspot.com/2019/08/war-against-schools-victims.html
http://blogngpotassium.blogspot.com/2020/05/the-greater-citizens.html
https://blogngpotassium.blogspot.com/2020/11/lies-embracing-demolition.html

update ulit (503 + 501 + 516 + 507 + 57 na)..
medyo in-organize ko rin yung mga kaso..
pero paki-note na hindi na ganung ka-accurate yung bilang, at posibleng may redundancy na rin dahil sa sobrang dami ng mga nakalista...

una (untikan ko nang makalimutan 'to), ang pagtataksil sa interes ng bansa at ng mga (ibang) mamamayan (lalo na yung mga naging biktima), at pagbalewala sa kasaysayan at dangal ng bansa:
  • yung madali lang para sa kanya na isapubliko ang pangalan ng ibang mga tao, pero hindi yung sa iba pa
  • yung may mga Representative na kayang pangalanan kaagad at meron ding mga pinipiling hindi pangalanan
  • yung gustong gawin nang libre ang swab test, pero ni hindi nga mabayaran ang lahat ng utang sa Philippine Red Cross

are yung ang involved o semi-involved eh mga identified talaga bilang awtoridad o tauhan ng pamunuan, mga dati nang naging bahagi ng pamunuan, o kahit mga nagsasanay pa lang upang makakuha ng awtoridad:
  • sa Angeles City, yung pulis na nahuli sa buy-bust operation
  • sa Isabela, yung pulis na nahuli dahil sa robbery extortion laban sa isang babae na may kinakaharap na maraming kaso
  • sa Navotas City, yung naka-AWOL na pulis na naaresto dahil sa pangongotong
  • sa Ermita sa Manila, yung 2 tauhan ng Manila Traffic and Parking Bureau na hinuli dahil sa pangingikil
  • sa Mabalacat, Pampanga, yung dating pulis, na nag-AWOL, na hinuli dahil sa kasong murder

are naman yung mga hindi pa malinaw kung anong klase nga ng mga tao ang involved o hindi tiyak o nabanggit kung sino ang nakatama o hindi masabi kung ano nga ang totoong nangyari:
  • yung pulis na isa sa mga suspek sa nangyaring pananambang at pagtumba sa isang lawyer sa Palawan
  • yung Mayor ng Los BaΓ±os, sa Laguna, na itinumba sa loob mismo ng municipal hall
  • yung pagkamatay ng Counter Terrorism Division Chief ng National Bureau of Investigation (NBI) sa loob mismo ng kanyang opisina
  • yung mag-asawang former peace consultants na napatay daw sa police operation na isinagawa nang madaling araw
  • yung maraming mga hinuhuli sa panahon ngayon dahil kesyo sa pagtatago ng mga armas

heto naman yung mga may kinalaman sa kahinaan ng kasalukuyang penal system at pagpapatupad ng iba pang mga batas, patakaran, at sistema sa bansa:
  • yung opisyales na sakitin na noong may mga kaso siya, pero ngayon ay may panibago na namang hawak na katungkulan
  • sa Cebu, yung event sa panahon ng COVID-19 na dinaluhan ng isang opisyales, na dinumog ng mga tao
  • sa Batangas, yung event sa panahon ng COVID-19 na dinaluhan ng isang Senator, na dinumog ng mga tao
  • yung update ng DOH tungkol sa mga bagong kaso ng COVID-19 sa Tarlac na hindi tumugma sa record ng Tarlac government, 211 kumpara sa 19 lang
  • yung mabilis at nasa Php 1,900 lang pala yung swab test sa UP-PGH pero hindi naman kayang ipatupad sa buong bansa
  • yung plano nang payagan na makasama ang mga bata sa mga mall sa GCQ areas, basta't kasama ang kanilang mga magulang
  • yung mga pabayang barangay kung saan pinapabayaan lang ang mga nagpa-party at videoke sa panahon ng COVID-19
  • yung pagsabog ng COVID-19 sa iba't ibang mga kulungan
  • yung bilyon-bilyung nakatengga na pondo sa Philippine International Trading Corporation (PITC)
  • yung may 1% pala na komisyon ang PITC para sa mga pamimili na idinadaan sa kanila
  • yung pati construction ng mga fire station ng Bureau of Fire Protection (BFP) eh idinaan din sa PITC
  • sa SLEX, yung kalituhan na idinulot tungkol sa kung may limit nga ba o wala ang sistema ngayon sa pagpapakabit ng RFID
  • sa NLEX, yung cashless na dapat ang sistema ayon sa kanila pero napilitang tumanggap pa rin ng cash
  • yung hindi raw pulido na RFID sensors sa NLEX
  • yung mga kuwestiyonableng kaltasan sa RFID load, para sa NLEX lang yata 'to
  • sa Muntinlupa City, yung bumagsak na steel girder mula sa ginagawang Skyway Project, kung saan 1 ang namatay at 4 naman ang sugatan
  • yung bumibigat din pala ang traffic sa EDSA Busway, dahil sa mga pasaway at sa kawalan ng mga nagre-regulate
  • yung pag-iinitan na naman ang mga truck dahil sa problema sa traffic, samantalang sila nga ang nagde-deliver ng mga goods
  • yung logging at quarrying ang itinuturong dahilan sa naging matinding pagbaha sa Cagayan
  • yung may reclamation pala na ginagawa sa isang bahagi ng Marikina River
  • yung nagsasabi na nakamit na raw yung hustisya sa nangyaring massacre samantalang imposible naman na iilang tao lang ang may kagagawan sa ganung kalaking krimen
  • yung pagtatanggol ng mga opisyal sa mga investor ng tollway sa kabila ng mga obvious na pagkukulang
  • yung panibagong impeachment complaint, laban pa rin sa tao na hindi ang hanay nila ang nag-assign sa katungkulan
  • yung overgeneralization na automatic DAW na supporters ng mga rebelde ang mga kamag-anak nila
  • yung planong patalsikin sa katungkulan ang mga kritiko na Representative na automatic na pinagbibintangang supporters ng mga rebelde
  • yung supply ng shabu na nakumpiska sa loob mismo ng headquarters ng Philippine Army
  • yung biglang isiningit na panukala, yung planong payagan ang COMELEC na i-waive ang testing ng automated poll equipment 

at may kaso na iba-iba ang kategorya:
  • yung wala na ring UAAP Season 83 dahil sa hinayupak na pa-COVID-19 na yan ng mga Imperyalista
  • yung pagsabog daw ng COVID-19 sa mga lock-in movie shoots
  • yung binalewala na ng mga tao ang safety protocols sa isang murang pamilihan dahil lang sa pamimili nila para sa nalalapit na holiday season
  • sa Zamboanga City, yung nagbukas na mall sa panahon ng COVID-19 na dinagsa ng sangkatutak na mga pasaway na tao
  • sa Zambales, yung mga BPO workers na nag-positive sa COVID-19 matapos na mag-party sa 2 super-spreader na event
  • yung Halloween party sa Boracay sa panahon ng COVID-19, kung saan nilabag nang husto ang mga health protocol
  • sa San Juan, Batangas, yung nakunan ng video na medyo malaking beach party sa panahon ng COVID-19, kung saan binalewala na ang mga health protocol
  • sa Manila, yung rambulan ng nasa 100 daw na kabataan na nakunan ng CCTV camera
  • sa Ilocos Norte yata 'yon, yung mga nahuli na nameke ng antigen test result
  • yung mga nahuli na turista na ginustong makapasok sa Boracay gamit ang mga pekeng COVID-19 test results
  • yung mga medical professionals at mga ospital na nakipagsabwatan sa kalokohan ng PhilHealth
  • sa Cavite, yung mga gamit na face mask na ginawang palaman sa ibinibentang unan
  • yung mga pasaway na nagbibisikleta sa EDSA na humahawi sa daan para makapag-shortcut, ganun din yung ang gamit ay iba pang klase ng mga sasakyan
  • sa ParaΓ±aque City, yung nasabat na misdeclared na frozen galunggong mula sa Imperyo
  • sa Bamban, Tarlac yata iyon, yung mahigit sa 300 foreigners na nahuli na ilegal na nagtatrabaho dito sa bayan, kung saan karamihan eh mga Imperial citizens
  • yung kaso ng Zombie Minks sa Denmark
  • yung sinusubukan na ng Imperyo na baguhin ang history ng Imperial virus, inililipat na nila ang origin sa ibang bansa
-----o0o-----


December 5, 2020...

yung reklamo sa NLEX..
yung hindi daw pulido na RFID sensors...

is feeling , nauuna ang patakaran bago ang quality control...


>
sa Isabela..
yung pulis na nahuli dahil sa robbery extortion...

babae na may kinakaharap na maraming kaso ang kanyang naging target...

is feeling , hindi maitatama ang mali ng isa pang kamalian...

---o0o---


December 6, 2020...

sa Navotas City..
yung naka-AWOL na pulis na naaresto dahil sa pangongotong...

is feeling , bakit nga ba madalas ang mga kriminal na galing sa mismong pamunuan...??

---o0o---


December 7, 2020...

sa Cavite..
yung mga gamit na face mask na ginawang palaman sa ibinibentang unan... πŸ™

is ⚠ feeling , creative...


>
sa Angeles City..
yung pulis na nahuli sa buy-bust operation...

is feeling , among them...


>
sa Bamban, Tarlac yata iyon..
yung mahigit sa 300 foreigners na nahuli na ilegal na nagtatrabaho dito sa bayan..
kung saan karamihan eh mga Imperial citizens...

is feeling , ganti-ganti lang naman.. kung anong pambabastos ang ginagawa laban sa patakaran ng ibang bansa, eh ginagawa rin tuloy laban sa bayan...


>
yung mga pasaway na nagbibisikleta sa EDSA na humahawi sa daan para makapag-shortcut..
ganun din yung ang gamit ay iba pang klase ng mga sasakyan...

is feeling , mapamaraan talaga na lahi...


>
yung panibagong impeachment complaint..
laban pa rin sa tao na hindi ang alyansa ang nag-assign sa katungkulan...

suriin ninyo ang mga pangalan na involved sa pagkilos na ito...

is ⚠ feeling , lahat ng 'to para lang mabago nila ang resulta ng selection process...

---o0o---


December 8, 2020...

[Natural Calamities]

sa bandang gitna..
nasa Magnitude 5.4 na lindol..
sa may area ng Sorsogon...

is feeling , kumpleto na ang rasyon sa lahat ng buwan ng 2020...


>
yung gustong gawin nang libre ang swab test..
pero ni hindi nga mabayaran ang lahat ng utang sa Philippine Red Cross...

anong pantasya na naman ba ito...??

is feeling , huwag kasing singhutin ang mga winawasak na ilegal na droga...


>
yung pagsabog daw ng COVID-19 sa mga lock-in movie shoots...

is feeling , lagot sila.. o baka ang buong industriya din...


>
yung pagkamatay ng Counter Terrorism Division Chief ng National Bureau of Investigation (NBI) sa loob mismo ng kanyang opisina...

is feeling , ano na bang nangyayari sa security ng kung anu-anong opisina lately...??


>
yung mag-asawang former peace consultants na napatay daw sa police operation na isinagawa nang madaling araw..
kesyo nanlaban DAW yung mag-asawa na parehas na matanda na...

is feeling , katulad rin kung paano itinumba yung iba...


>
sa Ermita sa Manila..
yung 2 tauhan ng Manila Traffic and Parking Bureau na hinuli dahil sa pangingikil...

is feeling , mula na naman sa pamunuan...

---o0o---


December 9, 2020...

yung mga nahuli na turista na ginustong makapasok sa Boracay gamit ang mga pekeng COVID-19 test results...

is feeling , gusto ng luho, pero ayaw namang gumastos...


>
sa San Juan, Batangas..
yung nakunan ng video na medyo malaking beach party sa panahon ng COVID-19..
kung saan binalewala na ang mga health protocol...

is feeling , magbigay pa kayo ng masamang example para sa iba...


>
sobrang efficient ng barangay namin..
2 magkasunod na gabi na ang mga pasaway na nagpa-party at nagbi-videoke..
yung dito sa amin eh sobrang dami pa ng mga hakot na bisita... πŸ™

pero walang ginagawa ang mga nasa barangay..
siguradong pakinig nila yung mga ingay..
pero relax lang sila...

is feeling , gamite naman ang pangil...

---o0o---


December 10, 2020...

sa Zamboanga City..
yung nagbukas na mall sa panahon ng COVID-19 na dinagsa ng sangkatutak na mga pasaway na tao...

is feeling , wala rin kasi talagang disiplina yung mga tao...


>
yung mga kuwestiyonableng kaltasan sa RFID load..
para sa NLEX lang yata 'to...

kagaya rin nung naging problema sa beep card...

cashless na rin ang nakawan...??

is feeling , wala naman kasi talagang perpektong cashless system.. hahawak at hahawak din ang karamihan ng pera...


>
yung pagtatanggol ng pamunuan sa mga investor ng tollway... πŸ™

kundangang mga siraulo kasi..
patupad nang patupad ng mga patakaran..
eh palpak pa naman yung sistema at kailangan pang idaan sa matinding quality control...

is feeling , alam na.. may ibang nakikinabang...


>
yung pag-iinitan na naman ang mga truck..
samantalang sila nga ang nagde-deliver ng mga goods...

is feeling , gagawa na naman sila ng mga domino...

---o0o---


December 11, 2020...

yung maraming mga hinuhuli sa panahon ngayon dahil kesyo sa pagtatago ng mga armas...

is feeling , nasaan na ang mga body camera...??


>
sa Mabalacat, Pampanga..
yung dating pulis, na nag-AWOL..
na hinuli dahil sa kasong murder...

is feeling , among them.. so sino sa kanila ang mga put*ng inang impostor...??


>
[Sports]

yung wala na ring UAAP Season 83 dahil sa hinayupak na pa-COVID-19 na yan ng mga Imperyalista...

is feeling , nakaka-offend na para sa kanila yung tuhod na joke..? eh itong terorismo nila para lang makapanakop, hindi ba nakaka-offend sa iba pang mga may buhay...??


Ang Alamat ng Most Undesirable Guy on Earth - Second Week of December 2020 (Sources Galore)

Loveless Story


December 7, 2020...

nadagdagan na ulit ako ng 1 panibagong source..
nasa 53 na..
plus 3 verified mula sa background...

yung baguhan..
galing pala sa circle ni Miss B..
not very impressive, pero mukha namang natural...

is feeling , mas gusto ko pang mahanap yung nawala dahil sa COVID-19...


>
[Medical Condition]

6 years ago..
nagkaroon ako ng depekto na tuluyang bumago sa akin..
although hindi naman sa punto na iyon nagsimula yung idea, masasabi ko na sa turning point na 'yon ko na-realize na dapat lang talaga na gumanti ako sa buhay...

logically pure pa ako back then..
kaya naman sobrang nanlumo ako noong nagkaroon ako ng sakit na pang-impure..
bandang November noon nang una ko siyang maobserbahan, pero hindi ko lang masyadong pinansin hanggang sa nakakaramdam na ako ng sakit bandang December..
the pain started exactly during the date kung kailan ako nagsagawa ng inquiry..
na-realize ko na abnormal talaga ang ginagamit kong katawan..
narumi ako nang husto sa sarili ko, considering na rin na may iba pa akong mga depekto bago pa man ang sakit na iyon..
naisip ko na sobrang basura talaga ng buhay ko..
kasi naman, wala pa akong ginagawa pero itutumba na kaagad ako ng FATE sa pamamagitan ng sakit na usually eh pang-impure...

at kahapon parang ibinalik na naman ako doon ng FATE..
katatapos lang noon ng 3rd week..
at talagang sa panahon pa ng Imperial virus, kung kailan hindi madaling pumunta sa mga ospital..
ano ba talaga ang problema ng katawan ko..?
bago lang ba 'to..?
bakit ako na naman..?
o do i have something na malignant...??

sobrang nagulat ako..
nasa ibang level siya compared sa mga cases ko noong 2014..
pero wala akong nararamdamang symptoms, at least hanggang ngayon..
wala kumpara sa lahat ng ni-research ko..
basta karumal-dumal na masaksihan ko ang bagay na iyon..
at hindi ko maiwasang mag-alala para kina Miss Hn at Miss B dahil dun..
i need them both to be safe...

huwag ngayon..
since 2014, sobrang dalas ko nang bumibisita sa mga ospital..
hindi ito ang panahon para sa karagdagang mga gastos..
hindi ito ang panahon para dumaan sa kung anong medical procedure..
sa ngayon, wala akong pwedeng kapitan kundi ang Endorphins na ipinahiram sa akin ni Miss Hn...

is feeling , hindi pa ako pwedeng mamatay kung hindi rin lang sa 2020 magtatapos ang lahat...

---o0o---


December 8, 2020...

[Strange Dream]

sobrang ikli lang..
nagche-check daw ako ng mga bagong photos ni Miss Hn...

pero walang ganung update sa totoong buhay...

is feeling , madalas, napapanaginipan ko yung mga bago kong ginagawa na pinagbubuhusan ko talaga ng atensyon...

---o0o---


December 9, 2020...

umakyat na ulit kaagad ang bilang ng sources ko..
nasa 54 na..
plus 3 verified mula sa background...

pero hindi masyadong importante..
galing lang sa elder circle...

is feeling , lola...


>
umakyat na naman kaagad..
nasa 55 sources na..
and 3 mula sa background...

mula sa circle nung magkapatid..
actually, hindi ko na siya kinailangan pang hanapin..
kasi nadaanan na siya noon ng reconnaissance ko...

is feeling , mukhang patay nga talaga ang area nila sa ngayon...


>
hindi ko na napigilan ang sarili ko..
i asked her kung kaya ba niyang gawin yung natitirang 5% na gusto  kong maranasan..
yung 5% na kailangan para maging 100% qualified siya para sa Dream Goal ko...

and she said yes..
na she used to, noong wala pang banta ng Imperial virus..
laking hinayang ko naman tuloy na hindi ko siya tinagpo noong February... πŸ™

kaya ayun..
binigyan ko na rin siya ng idea kung ano ang plano kapag mas ligtas na ulit ang kapaligiran mula sa mga bioweapon...

nagbilin na rin ako sa kanya na huwag na munang magdagdag ng mga markings...

is πŸ’Œ feeling , sana nga...

-----o0o-----


December 9, 2020...

lecheng mga vote seller na squatters na 'to sa [Name of City]..
mga malulusog pa ang pangangatawan..
pero namamalimos na rin ngayon..
kesyo mga wala daw silang trabaho...

umuwi kayo sa mga probinsya ninyo..
lipat kayo nang lipat dito para lang magbenta ng boto at mamalimos ng 4Ps..
malalakas pa kayo pero umaasa na kaagad kayo sa iba... πŸ™

nakakatakot..
pwede ng pang-holdaper ang mga pangangatawan eh... πŸ™

is feeling , ano yan..? pakana ng kliyente ninyo...??

---o0o---


December 11, 2020...

okay..
done with photoshop para sa project #18..
took me 10 days..
although gaya ng dati, kailangan pa ng additional materials for promotion..
at nagbago ng format yung 2nd store, kaya panibagong adjustments iyon para sa akin...

inabot ako ng 71 days..
pero sobrang dami rin kasi ng mga araw na wala akong nagawa, bale 23 days..
so inabot ako ng 48 days lahat-lahat...

is feeling , meron na lang akong 20 days para sa December...

---o0o---


December 12, 2020...

[Gadget-Related]

pamura lang muna ng isa...

put*ng ina ninyo, [Electric Service Provider]..
ang sabi ninyo may schedule kami bukas ng power interruption..
may iba namang area na sadyang naka-schedule for today..
tapos biglang mag-a-unannounced power interruption kayo for 2 hours..??
kesyo may ibang pumalya...??

t*ng ina..
9:00 AM pa ako nakahandang magtrabaho dahil aalis ako ngayong araw..
pero winasak yung schedule ko ng pagiging mga inutil ninyo... πŸ™

is feeling , 26 power interruptions na ang sinasalo ng bagong UPS ko...


Friday, December 4, 2020

Auto-Tagging

NOTE: this is not news..
i am not a reporter/journalist nor an influential person..
also, i'm not related to the government in any way..
but there are summary of news featured in this post..
it will require research in order to get the whole story regarding each particular news that is featured in here...

simple lang yan..
kapag nagpaapekto at nag-react ka sa opinyon ng ibang tao - eh BAKA nga may totoo sa mga sinasabi nila...



[Music Video]

ABS-CBN Christmas ID 2020 - Ikaw Ang Liwanag At Ligaya



sorry, mga bata..
bawal mag-caroling this year... XD

credit goes to the original creator(s) and uploader...

let's see kung anong mangyayari sa 25th...

is  feeling , nice...

---o0o---


daily black prayer...

sa kung sino man ang nakikinig sa kawalan..
sana mai-serve na kaagad ang totoo at ganap na hustisya laban sa lahat ng miyembro ng alyansa para matigil na ang kasamaan nila...

sana magtagumpay na sa paggawa ng vaccine ang AstraZeneca..
at sana maging maayos na ulit ang mundo...

is πŸ’€ feeling , day 147...

-----o0o-----


lumampas na naman sa 500 ang bilang, kaya mag-i-start na ulit ako ng panibagong listahan ng mga kalokohan..
basta heto yung kadugtong nito:
http://blogngpotassium.blogspot.com/2018/08/just-clan-war.html
https://blogngpotassium.blogspot.com/2019/08/war-against-schools-victims.html
http://blogngpotassium.blogspot.com/2020/05/the-greater-citizens.html
https://blogngpotassium.blogspot.com/2020/11/lies-embracing-demolition.html

update ulit (503 + 501 + 516 + 507 + 34 na)..
medyo in-organize ko rin yung mga kaso..
pero paki-note na hindi na ganung ka-accurate yung bilang, at posibleng may redundancy na rin dahil sa sobrang dami ng mga nakalista...

una (untikan ko nang makalimutan 'to), ang pagtataksil sa interes ng bansa at ng mga (ibang) mamamayan (lalo na yung mga naging biktima), at pagbalewala sa kasaysayan at dangal ng bansa:
  • yung madali lang para sa kanya na isapubliko ang pangalan ng ibang mga tao, pero hindi yung sa iba pa
  • yung may mga Representative na kayang pangalanan kaagad at meron ding mga pinipiling hindi pangalanan

are yung ang involved o semi-involved eh mga identified talaga bilang awtoridad o tauhan ng pamunuan, mga dati nang naging bahagi ng pamunuan, o kahit mga nagsasanay pa lang upang makakuha ng awtoridad:
  • .....

are naman yung mga hindi pa malinaw kung anong klase nga ng mga tao ang involved o hindi tiyak o nabanggit kung sino ang nakatama o hindi masabi kung ano nga ang totoong nangyari:
  • yung pulis na isa sa mga suspek sa nangyaring pananambang at pagtumba sa isang lawyer sa Palawan
  • yung Mayor ng Los BaΓ±os, sa Laguna, na itinumba sa loob mismo ng municipal hall

heto naman yung mga may kinalaman sa kahinaan ng kasalukuyang penal system at pagpapatupad ng iba pang mga batas, patakaran, at sistema sa bansa:
  • yung opisyales na sakitin na noong may mga kaso siya, pero ngayon ay may panibago na namang hawak na katungkulan
  • sa Cebu, yung event sa panahon ng COVID-19 na dinaluhan ng isang opisyales, na dinumog ng mga tao
  • sa Batangas, yung event sa panahon ng COVID-19 na dinaluhan ng isang Senator, na dinumog ng mga tao
  • yung update ng DOH tungkol sa mga bagong kaso ng COVID-19 sa Tarlac na hindi tumugma sa record ng Tarlac government, 211 kumpara sa 19 lang
  • yung mabilis at nasa Php 1,900 lang pala yung swab test sa UP-PGH pero hindi naman kayang ipatupad sa buong bansa
  • yung plano nang payagan na makasama ang mga bata sa mga mall sa GCQ areas, basta't kasama ang kanilang mga magulang
  • yung pagsabog ng COVID-19 sa iba't ibang mga kulungan
  • yung bilyon-bilyung nakatengga na pondo sa Philippine International Trading Corporation (PITC)
  • yung may 1% pala na komisyon ang PITC para sa mga pamimili na idinadaan sa kanila
  • yung pati construction ng mga fire station ng Bureau of Fire Protection (BFP) eh idinaan din sa PITC
  • sa SLEX, yung kalituhan na idinulot tungkol sa kung may limit nga ba o wala ang sistema ngayon sa pagpapakabit ng RFID
  • sa NLEX, yung cashless na dapat ang sistema ayon sa kanila pero napilitang tumanggap pa rin ng cash
  • sa Muntinlupa City, yung bumagsak na steel girder mula sa ginagawang Skyway Project, kung saan 1 ang namatay at 4 naman ang sugatan
  • yung bumibigat din pala ang traffic sa EDSA Busway, dahil sa mga pasaway at sa kawalan ng mga nagre-regulate
  • yung logging at quarrying ang itinuturong dahilan sa naging matinding pagbaha sa Cagayan
  • yung may reclamation pala na ginagawa sa isang bahagi ng Marikina River
  • yung nagsasabi na nakamit na raw yung hustisya sa nangyaring massacre samantalang imposible naman na iilang tao lang ang may kagagawan sa ganung kalaking krimen
  • yung overgeneralization na automatic DAW na supporters ng mga rebelde ang mga kamag-anak nila
  • yung planong patalsikin sa katungkulan ang mga kritiko na Representative na automatic na pinagbibintangang supporters ng mga rebelde
  • yung supply ng shabu na nakumpiska sa loob mismo ng headquarters ng Philippine Army
  • yung biglang isiningit na panukala, yung planong payagan ang COMELEC na i-waive ang testing ng automated poll equipment 

at may kaso na iba-iba ang kategorya:
  • yung binalewala na ng mga tao ang safety protocols sa isang murang pamilihan dahil lang sa pamimili nila para sa nalalapit na holiday season
  • sa Zambales, yung mga BPO workers na nag-positive sa COVID-19 matapos na mag-party sa 2 super-spreader na event
  • yung Halloween party sa Boracay sa panahon ng COVID-19, kung saan nilabag nang husto ang mga health protocol
  • sa Manila, yung rambulan ng nasa 100 daw na kabataan na nakunan ng CCTV camera
  • sa Ilocos Norte yata 'yon, yung mga nahuli na nameke ng antigen test result
  • yung mga medical professionals at mga ospital na nakipagsabwatan sa kalokohan ng PhilHealth
  • sa ParaΓ±aque City, yung nasabat na misdeclared na frozen galunggong mula sa Imperyo
  • yung kaso ng Zombie Minks sa Denmark
  • yung sinusubukan na ng Imperyo na baguhin ang history ng Imperial virus, inililipat na nila ang origin sa ibang bansa
-----o0o-----


November 29, 2020...

yung mga sinkhole na sumusulpot lately sa area ng Batangas...

is feeling , butas...


>
sa Batangas..
yung event sa panahon ng COVID-19 na dinaluhan ng isang Jonin, na dinumog ng mga tao...

huwag nang gumawa ng mga rules..
masasamang ehemplo naman eh... πŸ™

is feeling , anong silbi ng pagbabawal, kung sila naman eh mga promotor...??


>
sa Cebu..
yung event sa panahon ng COVID-19 na dinaluhan ni MRT Man, na dinumog ng mga tao...

huwag nang gumawa ng mga rules..
masasamang ehemplo naman eh... πŸ™

is feeling , naturukan na siguro yun ng Sinovac-la...??

---o0o---


November 30, 2020...

yung supply ng shabu na nakumpiska sa loob mismo ng headquarters ng Philippine Army... πŸ™

is feeling , butas...


>
yung sinusubukan na ng Imperyo na baguhin ang history ng Imperial virus..
inililipat na nila ang origin sa ibang bansa... πŸ™

kagaya kung paano nila patuloy na inililipat ang mga hangganan ng kanilang teritoryo...

is ⚠ feeling , parang Dictator Clan din lang.. mga editor...


>
yung bumibigat din pala ang traffic sa EDSA Busway... πŸ™

nagulat lang ako..
noong last time na nasa ganun ako, weekend noon, eh may mga awtoridad naman..
kaya nakapagtataka kung bakit nangyayari pa yung ganun sa mga bus stop...

is feeling , mga pasaway.. at mga hindi nagbabantay...


>
dahil DAW may napatay na rebelde na anak ng Representative, eh automatic na supporters na daw ng mga rebelde yung piling hanay ng mga Representative...

teka..
linawin lang natin ha...

sa history ng isinumpang bayan na 'to..
gaano na kadaming beses na may nahuli na mga pulis at sundalo na sangkot sa ibat' ibang klase ng mga krimen..?
so ibig bang sabihin nun na mga kriminal at protektor ng mga kriminal din talaga yung buong hanay nila..??
as in 100% na mga tiwali sila...??

is ⚠ feeling , overgeneralization...

---o0o---


December 1, 2020...

yung biglang isiningit na panukala..
yung planong payagan ang COMELEC na i-waive ang testing ng automated poll equipment... πŸ™

is ⚠ feeling , panalo na ang kasamaan ng alyansa...


>
yung plano nang payagan na makasama ang mga bata sa mga mall sa GCQ areas, basta't kasama ang kanilang mga magulang...

is ⚠ feeling , ayaw na lang maghigpit kung maghihigpit...


>
ang swerte lang nung ibang mga Chunin..
yung mga nagnanakaw ng pera ng mga mamamayan..
kasi mismong Hokage ang nagtatakip sa kanila..
magnakaw ka ng gatas, at idadaan ka sa kung anong due process kuno...

pero kapag hindi nila kakampi..
eh automatic ang bintangan...

is feeling , sa ngayon, mas concern ako sa kaliwa't kanang pagtatapon ng gatas at sa pagre-revise sa history...


>
sa NLEX..
yung cashless na dapat ang sistema..
pero tumanggap na lang muna ulit sila ng cash dahil hindi talaga nila kayang i-handle yung sitwasyon...

is feeling , minaliit talaga nila ang COVID-19 simula January.. kung March pa lang eh ginawa na nila yung plano, eh baka hindi nila naperwisyo nang ganito ang mga motorista sa ngayon...

---o0o---


December 2, 2020...

sa Ilocos Norte yata 'yon..
yung mga nahuli na nameke ng antigen test result...

is feeling , mahal pa rin nga yung rapit test.. pero bad pa din yun...


>
yung mura lang pala yung swab test sa UP-PGH..
nasa Php 1,900 lang daw, na gusto pa ngang tawaran ng hanggang 50% eh..
bukod pa sa mabilis lang silang maglabas ng result...

pero bakit hindi nila kayang ipatupad sa buong bayan...??

is feeling , tapos sinasabi pa nung iba na kulang pa yung putal sa at least Php 3,500 para sa gastos nila sa PPE...??


>
yung mga metal monolith na sumusulpot at naglalaho RAW sa kung saan-saang panig ng mundo...

is feeling , sino naman kaya ang gumagawa nun..? ano na bang nangyayari sa Earth...??


>
yung planong patalsikin sa katungkulan ang mga kritiko na Chunin...

gusto nilang bawasan pa ang mga kalaban ng Dictator Clan.. πŸ™
at gusto rin nilang bawasan pa ang mga nagbabantay sa gatas...

is feeling , kalimutan na ang mga problema sa nakaw na gatas...??

---o0o---


December 3, 2020...

sa Manila..
yung rambulan na nakunan ng CCTV camera..
nasa halos 100 kabataan daw yung involved..
mga dumadayo lang daw ang mga yun sa kung saang tambayan...

anong ginagawa nila in public..? πŸ™
mga mukhang naka-bihis naman ng panggala...

is feeling , hulihin na lang silang lahat at bitayin na rin...


>
yung mga medical professionals at mga ospital na nakipagsabwatan sa kalokohan ng PhilHealth...

is feeling , bitayin na lahat.. huwag magtitira ng mga tiwali...

---o0o---


December 4, 2020...

sa Zambales..
yung mga BPO workers na nag-positive sa COVID-19 matapos na mag-party...

2 super-spreader na event yung sinasabi eh..
isang beach at isang pool party...

is feeling , worth it...??


>
ang kulang doon sa payo na ilabas ang mga bata for outdoor activities...?

dapat ikondisyon ang utak ng mga magulang na hindi rin pwedeng basta palapitan sa ibang tao o bata yung mga anak nila..
na kailangan na bukud-bukod pa rin ang bawat household kapag nasa outdoor...

kailangang tandaan ng mga tao na ang most common error na nagagawa nila ay ang automatic na ituring na negative ang kanilang mga kakilala, kaya naman nagiging pabaya o maluwag sila sa pakikisalamuha sa mga ito... πŸ™

is ⚠ feeling , dapat ituring ang bawat isa na carrier, kung gusto talaga ng mga tao na umiwas dun sa Imperial virus...


>
sa ParaΓ±aque City..
yung nasabat na misdeclared na frozen galunggong mula sa Imperyo...

frozen squid daw...

is feeling , i-check ninyo.. baka may pabaon na Imperial virus or worse...


>
yung Mayor ng Los BaΓ±os, sa Laguna, na itinumba sa loob mismo ng municipal hall...

is feeling , kanino na naman kayang patrabaho iyon...??

---o0o---


December 5, 2020...

yung paglaban sa taas-singil sa kontribusyon para sa SSS at PhilHealth sa panahon ng hinayupak na Imperial virus...

is feeling , hindi lahat eh mga OFW.. pero sana pakinggan din naman nila ang ibang mga totoo at responsableng members...


Ang Alamat ng Most Undesirable Guy on Earth - First Few Days of December 2020 (1 Month Countdown)

Loveless Story


November 28, 2020...

hala..
may contactless tracing app na ang local City of Love..
no entry kapag walang ganun..
at saklaw maging mga bisita...

mabuti na lang hindi ako inabutan nun...

on a side note..
anti-poor yung patakaran..
hindi nila dapat i-assume na lahat na lang eh naka-smartphone..
hindi nila dapat i-assume na lahat ng naka-smartphone eh matino ang camera..
hindi nila dapat i-assume na lahat eh may data connection..
kaya wala dapat absolute na mga patakaran na kagaya nun..
para na rin nilang sinasabi na bawal ang maging mahirap sa panahon ng COVID-19...

is feeling , untik na...

---o0o---


November 30, 2020...

[Strange Dream]

i was exploring their place daw, yung tinutuluyan nila..
naka-camera view daw ako noong una, parang pini-picture-an yung lugar..
nang nasa may living room na ako, bigla daw may dumaan na babae..
isa siguro sa mga kasama nilang occupants..
after that, saka ko raw na-realize na may mga natutulog pala doon sa living room..
si Miss Hn at yung ate niya, mga nakakumot..
sabay silang napabangon mula doon sa mga couch..
yung ate niya mula doon sa pa-horizontal ang view mula sa kinatatayuan ko..
at si Miss Hn naman mula doon sa pa-vertical..
siyempre nasurpresa ako na makita siya..
(ito yung first time na nakita ko siya sa panaginip ko simula noong totoong nagtagpo kami)..
for some time daw eh yung mukha lang niya ang tangi kong nakikita..
tapos parang nagkaroon daw ng maninipis na higaan sa sahig..
lumipat si Miss Hn sa may left side para doon na mahiga..
yung ate naman niya ang nahiga sa higaan na nasa inner side nung living room..
hindi ko daw napigilan ang sarili ko..
lumapit ako sa nakapikit na ulit noon na si Miss Hn para lang matitigan ko ang kanyang magandang mukha..
and then nahiga na ako sa tabi niya, siguro mga 1 foot ang pagitan naming dalawa..
sinubukan ko siyang yakapin, ipinatong ko ang aking kanang kamay sa kanyang tagiliran..
tapos na-realize ko na lang na nakayakap na rin yung kaliwa niyang braso sa aking kanang tagiliran...

is πŸ’˜ feeling , salamat.. masaya ako na makita kang muli...

---o0o---


December 2, 2020...

5 years ago na-experience ko yung destructive lie kung saan nagsimula ang pagkasira ng account ko... πŸ™

dahil lang may isang tao na hindi magawang sabihin sa akin iyong totoong kondisyon niya..
yung hindi magawang sabihin sa akin kung anong pagkakaiba ko sa iba..
gumawa ako ng paraan para malaman kung ano ang totoong nangyayari..
noon ko natutunan na may mga tao na walang pakialam sa katotohanan, na most of the time - mas mahalaga kung paano mo lang mapakikinabangan ang sitwasyon, kahit pa nanloloko ka na...

simula noon, itinuring ako na parang outlaw sa isang online game..
f-in-ilter..
iniwasan..
hindi na pinansin..
hanggang sa pinarusahan na lang nang basta... πŸ™

is feeling , pero umaasa pa rin ako na balang araw eh maaayos ko rin yung naging gusot ko sa taong iyon.. para na rin sa kanyang mga kaibigan...


>
end of curiosity..
for now...

plano ko sana today na bumulusok sa trabaho..
but then, nakakuha naman ako ng susi..
at nabaling na naman nga sa mas mahalagang bagay ang atensyon ko..
yung mga bagay na kailangan ng mabilisang pagkilos bago mawala...

lately parang nahihiligan ko ang pagbubukas ng mga Pandora's Box..
fulfilling yung pakiramdam na winawakasan mo ang sarili mong curiosity tungkol sa mga interesanteng bagay...

is  feeling , nice one...


>
1 month from now...

kung makakalagpas man ang panahon sa 2020..
after a month, magagawa kong ipadala sa kanya yung mensahe na inihanda ko noon..
yung naka-prepare in case na hindi kami magkita na gaya nang napag-usapan namin noong January..
pero no more flowers this time..
naka-set na rin ang drone ko para sa role na 'yon...

yun lang..
ang bad news..?
may ibang event na mahalaga para sa kanya na makakasabay ng araw na iyon... πŸ™

is πŸ’Œ feeling , nawalan ako ng kalayaan na gawin ang bagay na 'to para sa'yo, dahil tinagpo kita.. kaya naman ipapadaan ko sa iba...

---o0o---


December 4, 2020...

malapit na..
pero sana hindi makapasok ang taong iyon sa bahay ng mga celebrity...

ayoko..
hindi ngayon..
hindi sila dapat magkaroon ng dahilan para maging maingat sa mga kilos nila...

is ⚠ feeling , huwag ngayon...


>
malaking problema...

a few years ago ko pa sinasabihan yung biological mother ko na ayusin na ang titulo nitong bahay niya..
at least 2 years sana na palugit, bago matapos yung sarili kong 5-year contract..
kaso nga eh masyado siyang busy noon sa pagsisilbi..
late last year na niya nasimulan yung pag-aasikaso..
unfortunately, sa lahat ng buwan ng 2020 eh infested na ng COVID-19 ang bayan...

tapos heto..
nabangasan pa ng sangkatutak na penalties, since hindi nga siya makakilos nang maayos dahil sa pagiging senior citizen niya..
Php 10,000 plus na penalty, pero minamaliit lang niya..?
at tsaka nasaan naman ang konsiderasyon ng pamunuan na 'to, eh kita naman sa ID ng may-ari ng bahay at lote na senior na nga yung tao...??

sa ngayon, nasa Php 90,000 na yung tantsa ko na kailangan kong ilabas para lang maayos na ang bahay na 'to..
kaso 1 taon na lang ang meron sa kontrata ko..
bukod dun, kung may lalabas na nga na matinong vaccine sa 2021, ibig sabihin na yun na yung safest time para isakatuparan ang Dream Goal...

is feeling , panay wrong timing...

---o0o---


December 5, 2020...

[Strange Dream]

maiksi lang...

nagsimula siya sa isang mesa..
parang sa isang fast food restaurant..
tapos bigla na lang daw umupo sa katapat kong mga upuan, same table, sina Miss H at Miss Co..
si Miss H sa may left side, at si Miss Co naman sa right side na directly kaharap ko..
may isa pa silang kasama na hindi ko ma-recall kung sino..
then bigla na lang daw may iba't ibang food packaging sa table namin..
i assume na order ko yung karamihan dun mula sa mga business nila..
pero isa sa mga iyon ay gift ko daw para sa kanila..
ang kaso, eh matagal na daw naka-prepare iyon para sa kanila at naluma na dahil sa panahon..
halatang pagkain siya dahil nasa white carton na meal pack..
tapos may nakasulat pang message sa ibabaw..
mabilis na nagalaw ni Miss Co yung gift ko na iyon, claiming na para daw pala sa kanya iyon..
binuksan nila iyon, at malangis na fries pala ang laman..
parehas silang tumikim nang konti ni Miss H..
batid ko daw na luma nga iyong pagkain na iyon, kaya kumuha rin ako ng isang piraso para tikman..
at iyon nga, halos wala na siyang lasa dahil masyado nang babad sa mantika..
hindi ko na maalala kung nagawa ko bang magpaliwanag pa sa kanila..
hanggang sa naputol na yung panaginip ko na iyon...

is feeling , kasi naman.. hindi dapat pinatatagal ng maraming taon ang sorry...

-----o0o-----


November 29, 2020...

sobrang dami talagang mga kilalang tao ang namatay this year...

not a fan of the old (slow) Darth Vader..
pero siya pa rin ang naunang nagsuot nung costume ng Master...

is feeling , may the Force be with you...

---o0o---


November 30, 2020...

[Gadget-Related]

anak ng..
3 walang pasabing power interruptions sa loob lamang ng 1 araw.. πŸ™
at akala ko pa naman na malala na yung 2 noong kamakailan lang...

nakaka-25 na ang UPS ko..
at may 1 buwan pa ang taon na 'to...

is ⚠ feeling , uulitin ko lang.. hindi ako mayaman...


>
yung salamin ko naman sa mata..
ayun..
wala pang 1 taon at may mga depekto na rin... πŸ™

yung right lens..
ewan..
pero parang may natatanggal na kung anong coating..
samantalang cotton cloth lang naman yung ginagamit kong pamunas sa kanya...

is ⚠ feeling , parehas na ngayong taon ko lang sila binili.. panay torture na kaagad...

---o0o---


December 1, 2020...

[Scams]

kailangan na mas mag-ingat pa online ang mga tao sa panahon ngayon..
lalo na yung may mga online account na konektado sa money flow...

grabe na talaga ang level ng Phishing..
idini-disguise ng mga kriminal ang mga e-mail address na gamit nila bilang legitimate na e-mail address..
kailangan lang tandaan ng mga tao na halos magagaya lang ng mga kriminal yung mga official na e-mail address ng kung anu-anong kompanya, pero hindi nila makukuha nang saktong-sakto..
ang unang depensa laban sa Phishing sa e-mail ay ang pag-practice sa pagsasagawa ng mouseover, para ma-check kung ano talaga yung e-mail address na naka-register para sa isang sender..
sa pamamagitan ng simpleng mouseover, makikita kung ano yung exact address na gamit ng isang user..
there are times na madali lang mapuna na peke yung e-mail address, pero there are also times na maging ang domain ng e-mail address na ginamit ay ginastusan upang magmukhang legitimate..
sa ikalawang kaso, mas makabubuti kung iche-check yung mga previous conversations dun sa company, para makita kung tama pa rin ba yung format nung e-mail address, o di kaya eh pwede ring i-Google...

nito lang November, nakatanggap ako ng Phishing e-mail..
nagkukunwari siya na nagkaroon ng fraudulent access sa aking account..
at bilang security measure daw ay pinagla-log in nila ako sa aking account, pero through a fake na halos kaparehas na website..
sa ganung paraan nila nakukumpleto ang kanilang Phishing attack...

is ⚠ feeling , mouseover lang...

---o0o---


December 2, 2020...

[Music Video / K-ture]

BTS - Life Goes On



hindi ko naiintindihan..
pero parang pang-COVID-19 yung dating nung "life goes on"... XD

kung kamukha ko lang sana si V..
o kahit si Jungkook..
o kahit si Jin lang..
siguro walang babae na mang-aapi sa akin... πŸ™

credit goes to the original creator(s) and uploader...

is feeling , ano nga kaya...??

---o0o---


December 4, 2020...

[Movie]

Justice League Dark: Apokolips War

hindi ko pa napapanood..
hanggang mga clips pa lang...

nagulat naman ako sa DC..
for decades nasanay ako na walang nagkakamatayan sa mga mala-superhero o supervillain attacks nila, pagdating sa animated TV series o movies..
usually, hanggang talsikan lang, baldahan, at walang maramihang dugo..
pero grabe ang pagka-dark ng movie na 'to..
hindi lang patayan, kundi brutal at sabihin na natin na mas realistic na labanan sa pagitan ng mga mananakop at mga sinasakop..
naawa ako sa sobrang daming characters... πŸ™

is feeling , totoong digmaan...