Friday, December 4, 2020

Ang Alamat ng Most Undesirable Guy on Earth - First Few Days of December 2020 (1 Month Countdown)

Loveless Story


November 28, 2020...

hala..
may contactless tracing app na ang local City of Love..
no entry kapag walang ganun..
at saklaw maging mga bisita...

mabuti na lang hindi ako inabutan nun...

on a side note..
anti-poor yung patakaran..
hindi nila dapat i-assume na lahat na lang eh naka-smartphone..
hindi nila dapat i-assume na lahat ng naka-smartphone eh matino ang camera..
hindi nila dapat i-assume na lahat eh may data connection..
kaya wala dapat absolute na mga patakaran na kagaya nun..
para na rin nilang sinasabi na bawal ang maging mahirap sa panahon ng COVID-19...

is feeling , untik na...

---o0o---


November 30, 2020...

[Strange Dream]

i was exploring their place daw, yung tinutuluyan nila..
naka-camera view daw ako noong una, parang pini-picture-an yung lugar..
nang nasa may living room na ako, bigla daw may dumaan na babae..
isa siguro sa mga kasama nilang occupants..
after that, saka ko raw na-realize na may mga natutulog pala doon sa living room..
si Miss Hn at yung ate niya, mga nakakumot..
sabay silang napabangon mula doon sa mga couch..
yung ate niya mula doon sa pa-horizontal ang view mula sa kinatatayuan ko..
at si Miss Hn naman mula doon sa pa-vertical..
siyempre nasurpresa ako na makita siya..
(ito yung first time na nakita ko siya sa panaginip ko simula noong totoong nagtagpo kami)..
for some time daw eh yung mukha lang niya ang tangi kong nakikita..
tapos parang nagkaroon daw ng maninipis na higaan sa sahig..
lumipat si Miss Hn sa may left side para doon na mahiga..
yung ate naman niya ang nahiga sa higaan na nasa inner side nung living room..
hindi ko daw napigilan ang sarili ko..
lumapit ako sa nakapikit na ulit noon na si Miss Hn para lang matitigan ko ang kanyang magandang mukha..
and then nahiga na ako sa tabi niya, siguro mga 1 foot ang pagitan naming dalawa..
sinubukan ko siyang yakapin, ipinatong ko ang aking kanang kamay sa kanyang tagiliran..
tapos na-realize ko na lang na nakayakap na rin yung kaliwa niyang braso sa aking kanang tagiliran...

is 💘 feeling , salamat.. masaya ako na makita kang muli...

---o0o---


December 2, 2020...

5 years ago na-experience ko yung destructive lie kung saan nagsimula ang pagkasira ng account ko... 🙁

dahil lang may isang tao na hindi magawang sabihin sa akin iyong totoong kondisyon niya..
yung hindi magawang sabihin sa akin kung anong pagkakaiba ko sa iba..
gumawa ako ng paraan para malaman kung ano ang totoong nangyayari..
noon ko natutunan na may mga tao na walang pakialam sa katotohanan, na most of the time - mas mahalaga kung paano mo lang mapakikinabangan ang sitwasyon, kahit pa nanloloko ka na...

simula noon, itinuring ako na parang outlaw sa isang online game..
f-in-ilter..
iniwasan..
hindi na pinansin..
hanggang sa pinarusahan na lang nang basta... 🙁

is feeling , pero umaasa pa rin ako na balang araw eh maaayos ko rin yung naging gusot ko sa taong iyon.. para na rin sa kanyang mga kaibigan...


>
end of curiosity..
for now...

plano ko sana today na bumulusok sa trabaho..
but then, nakakuha naman ako ng susi..
at nabaling na naman nga sa mas mahalagang bagay ang atensyon ko..
yung mga bagay na kailangan ng mabilisang pagkilos bago mawala...

lately parang nahihiligan ko ang pagbubukas ng mga Pandora's Box..
fulfilling yung pakiramdam na winawakasan mo ang sarili mong curiosity tungkol sa mga interesanteng bagay...

is  feeling , nice one...


>
1 month from now...

kung makakalagpas man ang panahon sa 2020..
after a month, magagawa kong ipadala sa kanya yung mensahe na inihanda ko noon..
yung naka-prepare in case na hindi kami magkita na gaya nang napag-usapan namin noong January..
pero no more flowers this time..
naka-set na rin ang drone ko para sa role na 'yon...

yun lang..
ang bad news..?
may ibang event na mahalaga para sa kanya na makakasabay ng araw na iyon... 🙁

is 💌 feeling , nawalan ako ng kalayaan na gawin ang bagay na 'to para sa'yo, dahil tinagpo kita.. kaya naman ipapadaan ko sa iba...

---o0o---


December 4, 2020...

malapit na..
pero sana hindi makapasok ang taong iyon sa bahay ng mga celebrity...

ayoko..
hindi ngayon..
hindi sila dapat magkaroon ng dahilan para maging maingat sa mga kilos nila...

is ⚠ feeling , huwag ngayon...


>
malaking problema...

a few years ago ko pa sinasabihan yung biological mother ko na ayusin na ang titulo nitong bahay niya..
at least 2 years sana na palugit, bago matapos yung sarili kong 5-year contract..
kaso nga eh masyado siyang busy noon sa pagsisilbi..
late last year na niya nasimulan yung pag-aasikaso..
unfortunately, sa lahat ng buwan ng 2020 eh infested na ng COVID-19 ang bayan...

tapos heto..
nabangasan pa ng sangkatutak na penalties, since hindi nga siya makakilos nang maayos dahil sa pagiging senior citizen niya..
Php 10,000 plus na penalty, pero minamaliit lang niya..?
at tsaka nasaan naman ang konsiderasyon ng pamunuan na 'to, eh kita naman sa ID ng may-ari ng bahay at lote na senior na nga yung tao...??

sa ngayon, nasa Php 90,000 na yung tantsa ko na kailangan kong ilabas para lang maayos na ang bahay na 'to..
kaso 1 taon na lang ang meron sa kontrata ko..
bukod dun, kung may lalabas na nga na matinong vaccine sa 2021, ibig sabihin na yun na yung safest time para isakatuparan ang Dream Goal...

is feeling , panay wrong timing...

---o0o---


December 5, 2020...

[Strange Dream]

maiksi lang...

nagsimula siya sa isang mesa..
parang sa isang fast food restaurant..
tapos bigla na lang daw umupo sa katapat kong mga upuan, same table, sina Miss H at Miss Co..
si Miss H sa may left side, at si Miss Co naman sa right side na directly kaharap ko..
may isa pa silang kasama na hindi ko ma-recall kung sino..
then bigla na lang daw may iba't ibang food packaging sa table namin..
i assume na order ko yung karamihan dun mula sa mga business nila..
pero isa sa mga iyon ay gift ko daw para sa kanila..
ang kaso, eh matagal na daw naka-prepare iyon para sa kanila at naluma na dahil sa panahon..
halatang pagkain siya dahil nasa white carton na meal pack..
tapos may nakasulat pang message sa ibabaw..
mabilis na nagalaw ni Miss Co yung gift ko na iyon, claiming na para daw pala sa kanya iyon..
binuksan nila iyon, at malangis na fries pala ang laman..
parehas silang tumikim nang konti ni Miss H..
batid ko daw na luma nga iyong pagkain na iyon, kaya kumuha rin ako ng isang piraso para tikman..
at iyon nga, halos wala na siyang lasa dahil masyado nang babad sa mantika..
hindi ko na maalala kung nagawa ko bang magpaliwanag pa sa kanila..
hanggang sa naputol na yung panaginip ko na iyon...

is feeling , kasi naman.. hindi dapat pinatatagal ng maraming taon ang sorry...

-----o0o-----


November 29, 2020...

sobrang dami talagang mga kilalang tao ang namatay this year...

not a fan of the old (slow) Darth Vader..
pero siya pa rin ang naunang nagsuot nung costume ng Master...

is feeling , may the Force be with you...

---o0o---


November 30, 2020...

[Gadget-Related]

anak ng..
3 walang pasabing power interruptions sa loob lamang ng 1 araw.. 🙁
at akala ko pa naman na malala na yung 2 noong kamakailan lang...

nakaka-25 na ang UPS ko..
at may 1 buwan pa ang taon na 'to...

is ⚠ feeling , uulitin ko lang.. hindi ako mayaman...


>
yung salamin ko naman sa mata..
ayun..
wala pang 1 taon at may mga depekto na rin... 🙁

yung right lens..
ewan..
pero parang may natatanggal na kung anong coating..
samantalang cotton cloth lang naman yung ginagamit kong pamunas sa kanya...

is ⚠ feeling , parehas na ngayong taon ko lang sila binili.. panay torture na kaagad...

---o0o---


December 1, 2020...

[Scams]

kailangan na mas mag-ingat pa online ang mga tao sa panahon ngayon..
lalo na yung may mga online account na konektado sa money flow...

grabe na talaga ang level ng Phishing..
idini-disguise ng mga kriminal ang mga e-mail address na gamit nila bilang legitimate na e-mail address..
kailangan lang tandaan ng mga tao na halos magagaya lang ng mga kriminal yung mga official na e-mail address ng kung anu-anong kompanya, pero hindi nila makukuha nang saktong-sakto..
ang unang depensa laban sa Phishing sa e-mail ay ang pag-practice sa pagsasagawa ng mouseover, para ma-check kung ano talaga yung e-mail address na naka-register para sa isang sender..
sa pamamagitan ng simpleng mouseover, makikita kung ano yung exact address na gamit ng isang user..
there are times na madali lang mapuna na peke yung e-mail address, pero there are also times na maging ang domain ng e-mail address na ginamit ay ginastusan upang magmukhang legitimate..
sa ikalawang kaso, mas makabubuti kung iche-check yung mga previous conversations dun sa company, para makita kung tama pa rin ba yung format nung e-mail address, o di kaya eh pwede ring i-Google...

nito lang November, nakatanggap ako ng Phishing e-mail..
nagkukunwari siya na nagkaroon ng fraudulent access sa aking account..
at bilang security measure daw ay pinagla-log in nila ako sa aking account, pero through a fake na halos kaparehas na website..
sa ganung paraan nila nakukumpleto ang kanilang Phishing attack...

is ⚠ feeling , mouseover lang...

---o0o---


December 2, 2020...

[Music Video / K-ture]

BTS - Life Goes On



hindi ko naiintindihan..
pero parang pang-COVID-19 yung dating nung "life goes on"... XD

kung kamukha ko lang sana si V..
o kahit si Jungkook..
o kahit si Jin lang..
siguro walang babae na mang-aapi sa akin... 🙁

credit goes to the original creator(s) and uploader...

is feeling , ano nga kaya...??

---o0o---


December 4, 2020...

[Movie]

Justice League Dark: Apokolips War

hindi ko pa napapanood..
hanggang mga clips pa lang...

nagulat naman ako sa DC..
for decades nasanay ako na walang nagkakamatayan sa mga mala-superhero o supervillain attacks nila, pagdating sa animated TV series o movies..
usually, hanggang talsikan lang, baldahan, at walang maramihang dugo..
pero grabe ang pagka-dark ng movie na 'to..
hindi lang patayan, kundi brutal at sabihin na natin na mas realistic na labanan sa pagitan ng mga mananakop at mga sinasakop..
naawa ako sa sobrang daming characters... 🙁

is feeling , totoong digmaan...


No comments:

Post a Comment