Friday, April 20, 2018

Ang Alamat ng Most Undesirable Guy on Earth - Third Week of April 2018 (Her Third Name)

Loveless Story


April 18, 2018...

ilang taon na rin..
lumampas na ako sa half-life..
pero hindi ko pa rin makita yung halaga ng araw na yun..
kaya alam nyo na kung bakit hindi ko pa rin magawang magpasalamat para dun...

anyway..
ginamit ko na rin ngang palusot yung okasyon..
sinubukan kong tawagan yung babaeng gusto ko..
at hinayaan naman niya ako..
that's 2 minutes & 44 seconds of quality time..
3 minutes pa nga yung paalam ko sa kanya eh, pero hindi ko in-expect na tatagal yung usapan namin nang halos 3 minutes nga...

so i managed to get a name..
pa-3 na 'tong pangalan na ibinigay niya sa akin, since day 1..
hindi ko alam kung magagamit ko ba yung data na yun, pero susubukan ko pa rin...

is feeling , pero mas magandang gift kung talagang mahahanap na kita...

-----o0o-----


[V-League]


UAAP Season 80 - Women's Volleyball (Round 2)


April 14, 2018...

UP versus UE

3-1..
panalo ang UP..
nagtabla pa tuloy ang record ng UP at Adamson sa huli...


Dark Horse's Last Game

AdU versus UST

3-0..
nakaganti rin naman ang Adamson sa UST..
overkill na 25-6 ang Set 1...

hindi nakapasok ang Lady Falcons sa Final 4..
pero may kakaiba rin namang mga nagawa ang Adamson this Season 80..
tinalo nila ng 1 beses ang halos lahat ng teams, maliban sa Ateneo..
ang FEU, UP, DLSU, UE, NU, UST..
at pinakamaganda yung nagawa nilang pagtalo sa champion team ng La Salle..
unfortunately, nagtapon sila ng ilang mahahalagang laban na naipanalo sana nila; yung talo nila sa UE, sa UP, sa Ateneo sa Round 2, at FEU sa Round 2...

is feeling , hindi na masama, para sa huling laro...

---o0o---


April 15, 2018...

NU versus FEU

3-1..
panalo ang FEU..
iisang team lang ang natalo ng NU sa Round 2..
ang masama pa nun ay hindi pa nila nagagawang talunin ang FEU sa Season 80...


ADMU versus DLSU

3-0..
panalo na naman ang La Salle..
26-24, 25-17, 25-19...

is feeling , wala na.. mukhang sa La Salle na ang Season 80.. nakikinikinita na ang 3-peat...

-----o0o-----


April 16, 2018...

karibok na ang utak ko...

banking-mode muna..
sa mall na lang kako, para mas maliit naman yung tsansa na magsara yung branch...

nasabayan pa ng ibang errand..
doble-doble pa tuloy ang kailangan kong ipila neto...

is feeling , para sa ipon...


>
na-deny ako sa first attempt... :(

akala ko pwede na yung mga proof of payment..
kaso wala naman akong pangalan sa mga yun..
kailangan ko pa daw ng kopya ng agreement namin nung store...

buti na lang na-check ko yung mga documents ko..
at naka-address nga pala talaga sa pangalan ko yung agreement sa pagitan namin nung company..
yun nga lang, nasa Notepad lang...

is feeling , sana umubra sa susunod kong balik.. Pia Wurtzbach, huwag nyo na akong pahirapan...


>
ang medyo good news..?
wala pa rin namang bayad yung pagtanggap ko ng pera mula sa Belize..
compared dun sa malaki ang charge na galing sa Australia...

is feeling , ipon na ulit.. para sa totoong buhay...

---o0o---


April 17, 2018...

pinag-uusapan lang namin noong isang araw..
pero nagulat ako nung mapanood ko yung isang video...

kaya pala nawala sina Blaster at Zild sa Music Hero ng Eat Bulaga..
kasama na pala sila sa IV of Spades...

is feeling , ngayon ko lang napansin...

---o0o---


April 18, 2018...

banking-mode..
2nd attempt..
dala ko na yung agreement namin nung first store...

huwag nyo na akong pahirapan..
hindi rin naman perpekto ang bangko ninyo eh...

kailangan ko lang ng daanan ng pera..
at pati na rin ng as much as 0.25% interest rate, minus 20% gatas for interest earned...

is feeling , puwerket PayPal, duda na kaagad kayo...?


>

We Find Ways..... To Waste Your Time


yung nakaka-badtrip muna na istorya... :(

ayoko talaga sa mga taong pinapaikot-ikot ako, lalo na kung babae..
yung topak ng mga babaeng magugulo kung mag-isip at sumagot eh nakakabuwisit..
yung tipong ang ayos-ayos naman ng naging usapan ninyo, na nag-clarify ka pa nga..
tapos yun pala eh pauuliin ka lang at sasayangin pa ang oras mo...

Monday nang personally mag-inquire ako sa branch ng BDO sa SM [Name of City]..
so may mga dala akong IDs, yung perang pang-open ng bank account, at proof of payment mula sa website developer..
sinabi ko na self-employed ako, at kung saan-saan pwedeng magmula yung income ko, na dumadaan sa PayPal kung international yung transaction..
pero wala silang pakialam dun sa mga proof of payment..
at ang ni-request sa akin ay kopya ng agreement between me at ng ka-deal ko, kung saan nakalagay ang pangalan ko at nung kompanya...

that day, okay lang sa akin..
baka kako gusto lang nilang ma-establish kung saan nanggagaling yung perang dumadaan online..
that same day, nabasa ko nga na yung attached Notepad file nung agreement ay in fact nakapangalan pala sa akin, at nandun rin yung date kung kailan naging effective yung agreement na yun..
so inakala ko na okay na yun...

this f*cking day..
bumalik ako sa BDO branch na yun, para i-present yung documents na hiniling nila sa akin..
nandun pa yung mismong tao, manager yata yun, na nakausap ko noong Monday..
pagkabasa niya dun sa documents, eh biglang kambiyo siya..
kesyo kopya daw ng e-mail conversations namin nung website developer yung kailangan niya..
that b*tch..
andun yung mismong deal, yun yung proof ng approval para sa akin bilang isang licensor - tapos sasabihin niya na walang halaga yun..?
na e-mail conversations ang kailangan nila...??

noong marinig ko yung lintik na paliwanag niya, alam kong wala na akong mapapala sa putang inang branch na yun..
alam kong tarantaduhan na lang yung nangyari..
mapapalampas ko pa yung nangyari noong Monday, dahil noon lang naman siya nag-request ng papers..
pero yung pina-specify ko sa kanya kung anong dokumento yung kailangan niya, tapos biglang hahanapan niya ako ng ibang bagay matapos kung i-present yung ni-request niya - eh gaguhan na yun...

tang ina mong babae ka..
sinayang mo ang oras ko..
nag-request ka sa akin ng mga documents..
tapos noong makita mo na, bigla mong idi-deny at hahanapan ako ng printout ng e-mail conversations (lamang)..
matagal na rin akong minamalas-malas sa buhay ko..
halos araw-araw nga eh..
pero kahit papaano naniniwala pa rin ako sa karma..
kaya yung kamalasan na ibinigay mo sa akin ngayong araw na 'to, hintayin mo na bumalik yun sa'yo..
sana pagdusahan mo yang katangahan at kawalan mo ng respeto sa oras ng ibang tao sa masahol na paraan...

is feeling , kailan ba made-detect kung nagsasabi ang babae ng totoo...??


>
dahil walang kuwenta ang ibang empleyado sa ilalim ng ini-endorse ni Pia Wurtzbach..
eh kina Anne Curtis ko na lang siguro susubukan sa susunod...

hindi ko pa maintindihan..
nasa Php 5,000 pa rin naman ang minimum maintaining balance nila..
pero tumaas na yung required Monthly Average Daily Balance (MADB) para mag-earn ng interest, nasa Php 10,000 na, though hindi ko pa sure kung yun rin yung requirement para hindi magkaroon ng mga penalty..
pero compared naman sa 0.25% lang na interest rate ng BDO at BPI, eh tumaas na sa 0.50% yung sa PSBank...

in addition, na-prove ko na din last time na kaya niyang mag-withdraw ng pera mula sa PayPal...

naman Anne, please lang..
sana naman eh hindi na gumaya sa mga tangang empleyado ng BDO yung sa ibinibida mong bangko...

is feeling , at may libre pang masahe...

---o0o---


April 19, 2018...

paubos na ang mga araw ng April..
pero hindi ko pa rin nasisimulan yung 7th project..
andami kasing mga hindi inaasahan na nangangain ng oras ko...

nasa character design pa..
pero kahit papaano ay last character na..
sunod ang costumes..
after that, setting naman ulit, ire-readjust lahat ng lighting..
tapos umpisa na ulit ng panibagong istorya...

ang totoo, mas excited akong simulan yung 8th project...

is feeling , hanggang June na 'to...

---o0o---


April 20, 2018...

no nap Friday..
pero kahit papaano eh nakagawa na ako ng bank account... ^_^

purong passbook lang for security purposes..
kapag ako naman eh nanakawan pa sa tayong iyan, eh lokohan na...

pumunta ako sa bangko by 9:00 AM..
inabot ng 1 hour yung processing, kasama na yung pagkuha ng mga image files ko..
may pagka-cheerful din yung mga empleyado dun, lalo na yung buntis (na last day na sa branch na yun)..
hindi gaya sa BDO na yun sa SM, na nangdi-discriminate sa mga self-employed at paiba-iba pa ng mga nire-require, na akala mo eh galing sa ilegal yung perang iipunin mo..
saka kayo magyabang kung hindi nananakawan ang mga kliyente ninyo!

ang Step 2..
may less than 4 years na lang yung kontrata ko..
Php 5,000 ang minimum maintaining balance..
Php 10,000 naman ang minimum required na Average Daily Balance to earn interest..
0.50% ang interest rate sa ngayon..
not sure, pero nasa 20% yung dating rate ng gatasan para sa mga regular na savings account..
so siyempre, mas maige kung kikita rin siya ng interes habang nagtatrabaho ako...

salamat kay Anne Curtis, na binigyan pa ako ng [Name of Massage] habang pina-process yung account ko, LOL... XD

---o0o---


April 21, 2018...

[Manga]

loko rin 'tong si George Morikawa eh...

inilaban niya kaagad si Ippo sa World's Rank #2 na si Gonzalez..
dahil dun, natalo si Ippo sa pangalawang pagkakataon at naging Broken pa...

suspetiya lang nila noong una na Broken na nga si Ippo..
pero hinayaan nilang bumalik pa rin sa boxing yung bata..
pinalakas pa nila ang lower body niya..
at sa tulong ng weights at bowling, ay na-develop nga ng bata yung New Dempsey Roll..
mahabang panahon ang ginugol para sa recovery sana ni Ippo...

nakabalik si Ippo sa ring..
inilaban siya sa isang Filipino champion na hindi naman talagang malakas, pero pag-angat lang sa katatayuan sa buhay yung motibasyon nito..
nangulit si Ippo na gusto niyang tapusin yung laban na gamit ang New Dempsey Roll..
pero dahil Broken na nga siya, eh hindi niya rin yun nagawa nang tama, at natalo ulit siya...

nangako si Ippo kay Kumi na magreretiro na siya sa ikatlo niyang pagkatalo..
nasira ang pangako ni Ippo na magkikita sila ni Miyata sa isang professional boxing match, na ikinahinayang nung isa..
at hindi niya rin natupad yung huli niyang kagustuhan na ipapakita niya kay Coach Kamogawa yung pinaghirapan nilang buuin na New Dempsey Roll...

tapos ngayon, biglang magpapahiwatig ang ina ni Ippo na posible itong bumalik sa mundo ng boxing kapag nakakita na ito ng panibagong rason para maghangad ng bagong adventure...

WTF..?
eh anong purpose nung pagkatalo niya laban sa desperadong Filipino, kung babalik rin ulit siya sa boxing..?
samantalang pwede naman na yung mangyari matapos niyang matalo noon kay Gonzalez...

is feeling , naman, Morikawa.. may mga nararamdaman ka na nga, tapos gaganyan-ganyan ka pa...


Fox You!

NOTE: this is not news..
i am not a reporter/journalist nor an influential person..
also, i'm not related to the government in any way..
but there are summary of news featured in this post..
it will require research in order to get the whole story regarding each particular news that is featured in here...

simple lang yan..
kapag nagpaapekto at nag-react ka sa opinyon ng ibang tao - eh BAKA nga may totoo sa mga sinasabi nila...


sa tingin ko, mali pa rin na i-generalize na tama ang ginagawa nilang mga hakbang laban sa masamang bisyo, gayung aminado rin naman sila na may mga pasaway nga mula sa kanilang mismong hanay..
parang tanga lang na ipinagtatanggol mo yung ginagawa ninyo, tapos from time to time eh may lalabas na mga balita na kesyo may mga pulis na inalis sa puwesto dahil nasangkot sa ganito, ganyan, o may mga pulis na naaresto dahil nahulihan ng ganito, ganyan...

hay.....
patapos na ang April, pero naglipana pa rin yung mga abusado na hindi makuntento sa almost Php 30,000 or up...

tsaka yung tungkol sa aktibo na naman na mga patayan..?
okay lang sana eh kung kaagad nilang nare-relate dun sa mga kriminal, lalo na dun sa mga nakukuhanan ng videos..
halimbawa, eh kung napatay na ba ng mga pulis yung mga mahilig mang-holdap o magnakaw sa mga public establishments..?
o kung napatay na nila yung mga birador na riding-in-tandem..?
o kung napatay na nila yung mga sangkot sa iba't ibang uri ng mga saksakan..?
parang mas maganda lang kung ganun..
para nararamdaman naman ng mga mamamayan na nababawasan nga yung mga kriminal sa lansangan...

hindi gaya sa panahon ngayon..
aktibo nga ang operasyon ng mga pulis laban sa masamang bisyo, pero parang hindi rin naman natatakot sa kanila yung mga nagga-gang war, yung mga holdaper, yung mga magnanakaw, yung may iba't ibang modus, at yung mga tagatumba..
sabay silang aktibo, pero hindi sila nagpapanagpo...

-----o0o-----


update ulit (340 na)..
medyo in-organize ko rin yung mga kaso..
una (untikan ko nang makalimutan 'to), ang pagtataksil sa interes ng bansa at ng mga (ibang) mamamayan (lalo na yung mga naging biktima), at pagbalewala sa kasaysayan at dangal ng bansa:
  • ang pagpapalibing sa bangkay ng isang Diktador sa isang makabuluhang national cemetery
  • yung pagbibigay ng permiso sa isang Imperyalistang nasyon (na lantarang nang-aagaw at nang-aangkin ng mga teritoryo) ng kalayaan para mag-explore sa teritoryo na posibleng mapagkunan sana ng mahahalagang resources ng bansa
  • yung kagustuhan na kontrolin kung sinu-sino ang mga mamumuno sa mga Barangay hanggang 2020
  • yung pahiwatig na gusto niyang ipatupad yung Martial Law na katulad nung sa Dictator Clan
  • ang paulit-ulit na pagre-relate ng mga tao sa kanyang mga rape comments na para bang ginagawa pang katatawanan ang bagay na yun
  • ang pambabastos sa lider ng isang bansa na mahilig sa mga delikadong armas, kahit na hindi naman kaya ng bansa na lumaban in case na mapikon ang mga yun
  • yung pati kaso ng pagnanakaw sa bayan ay gustong iareglo para lang sa Dictator Clan kahit na pang-bobo yung alibi ng tagapamagitan nila
  • yung statement tungkol sa kagustuhang bombahin ang mga Lumad schools
  • yung pag-iimbento ng bank accounts at kuwento na rin tungkol dun at pagre-relate nun sa hindi nila kakamping opisyales, na inilabas pa sa publiko
  • yung 16 million lang ang gusto niyang i-consider, kumpara sa mahigit 100 million na mamamayan ng bansa
  • yung atat na magdeklara ng kalayaan kahit na may mga labanan pa, may mga terorista pa, at may mga bihag pa
  • eh yung lahat na lang ng mamamayan na may reklamo tungkol sa maling pamumuno eh gusto kaagad na i-classify bilang rebelyon
  • yung nagse-set ng ultimatum na ni hindi rin nga feasible ayon dun sa mismong ahensiya
  • yung ang pagkalkal ng history ay tila base lamang sa nakukuhang pabor
  • yung nainsulto sa mga sinabi ni Justin Trudeau kahit na totoo naman ang mga nangyayaring pagmamalabis, tapos patalikod pa ang pag-atake
  • yung sila na mismo ang nagsisimula ng ideya at usapan tungkol sa pagbalewala sa konstitusyon
  • yung shoot to kill ang gusto laban sa mga idineklarang terorista, considering na nili-label-an rin nila yung mga hindi armadong grupo bilang bahagi nung mga rebelde
  • ang fusion ng Hokage na Mahilig, at ng mga Jonin at Chunin para muling makapa ang Dictator's Law
  • yung biglang naging pabor na rin siya sa same sex marriage, kasabay ng kagustuhan nilang baguhin na ang konstitusyon
  • yung idinidiin yung mga piling tao na madalas mag-travel, samantalang hindi naman pinarurusahan yung mga taong nag-a-approve nung mga official trip
  • yung mga piling tao lang ang kayang patalsikin sa puwesto, samantalang nananatiling untouchable yung iba
  • yung nangsususpinde ng tao na kini-claim nila na nagpakalat ng maling impormasyon, samantalang ganun rin naman ang lantarang ginawa niya noon laban sa isang Jonin
  • yung kagustuhan na busalan ang mga estudyante na may kakayahan na mag-isip, samantalang hindi naman nila pera ang ipinapampaaral sa mga yun, at considering na rin na kasalanan rin naman nila kung bakit may mga nais na magparating ng kanilang mga mensahe
  • yung hilig na magbakasyon at magpabakasyon sa Hong Kong
  • yung pro-prostitution na nga, tapos pro- pa sa pagpapalaganap ng HIV at STDs
  • yung hindi nila naiintindihan kung gaano ba talaga kalawak at sinu-sino ba ang mga nabangga ng TRAIN
  • yung tila yung mga lugar na madali lang makita at maobserbahan ng mga tao, o yung accessible sa marami, ang kayang i-regulate para sa pagpapanatili ng likas na yaman at ng kalinisan
  • yung ASAP parati ang pagtatanggol sa kanyang mga kaibigan
  • yung kagustuhan na gawin pang lehitimo ang pananakop ng mga teritoryo ng Bestfriend Empire sa pamamagitan ng joint exploration kuno
  • yung siya na lang ang nasunod na kesyo ayaw na niyang maging bahagi ang bansa ng International Criminal Court
  • yung panghihikayat sa iba pang mga bansa para kumalas na rin sa International Criminal Court
  • yung damay-damay na sa parusa yung ilang libong empleyado ng MIASCOR
  • yung sinukuan na niya ang pangako niya laban sa contractualization, kesyo ibang branch daw ang may kayang labanan iyon
  • yung matandang Australian missionary, na inaresto at d-in-etain ng Bureau of Immigration, at tinakot pa na ipade-deport

are yung ang involved o semi-involved eh mga identified talaga bilang awtoridad o tauhan ng pamunuan:
  • yung mga lalaking itinumba kahit na naka-posas na sa likod
  • yung 4 year old daw na bata na nadamay sa pagpatay ng mga pulis sa tatay niya
  • sa Lanao del Norte, yung mag-ina, kasama na rin yung bata sa sinapupunan, na nadamay sa pagkapatay ng mga pulis sa nanlaban daw na kapatid ng suspek nila
  • yung army reservist na pumatay ng lalaking naka-bike matapos ang road rage at matapos nilang magsuntukan sa kalye, tapos may nadamay pang isang sibilyan sa pamamaril niya
  • sa Makati City, yung army reservist na namaril at nakapatay ng kapwa niya driver ng dahil daw sa away sa utang
  • sa North Cotabato, yung CAFGU na namaril at nakapatay ng kapwa niya CAFGU nang dahil lamang sa agawan sa videoke yata yun
  • yung OFW na dinakip sa checkpoint at naging biktima ng torture at pagpatay
  • yung mga taga-Quezon na hinuli sa parang raid, pero wala palang record ang mga pulis ng naging operasyon na yun laban sa kanila, at may natagpuan na lang na mga sunog na bangkay na pinaghihinalaan na sa mga taong yun na pinagdadakip nga
  • yung kaso nung Australian, kung saan hindi nag-match yung statements ng mga arresting officers kumpara sa naging kuha ng CCTV, at may alegasyon pa ng tangkang pangingikil (this happened sometime before the current administration)
  • yung kaso involving Makati Police, kung saan inaresto ang isang OFW gamit ang gawa-gawa lang naman DAW na dahilan, at tinakot DAW na gagawing related sa ilegal na droga kung hindi magbibigay ang pamilya niya ng Php 500,000
  • sa Caloocan, yung bahay ng matandang babae na nilooban at pinagnakawan ng mga pulis at ng iba pa nilang kasamahan na hindi naman mga pulis
  • sa Maragondon, Cavite, yung miyembro ng SOCO na sangkot sa nakaw-ebidensya regarding sa kaso ng pagpatay sa mag-asawang matanda
  • sa Olongapo, yung 2 pulis na nasangkot sa robbery extortion matapos pagnakawan ng higit daw sa Php 100,000 ang mag-asawang drug suspect
  • sa Zambales, yung nag-AWOL daw na pulis na sangkot sa rentangay modus
  • sa Makati, yung pulis na nagnakaw daw ng motorsiklo ng kanyang kapitbahay at nanutok pa daw ng baril, at sinabi pa ng kapwa niya pulis na dati na siyang natanggal sa tungkulin dahil sa naging involvement niya sa ilegal na droga
  • sa Quezon City, yung pulis na nagwala at naglabas ng kanyang baril
  • sa Mandaluyong, yung mga tanod at mga pulis na nagkamali ng pinagbabaril na AUV, kung saan 2 ang namatay at 2 ang nasugatan
  • yung kaso ng pagpatay sa Regional Chairperson ng Citizens Crime Watch sa Oriental Mindoro, kung saan Police Senior Inspector at Inspector (police awardee pa yung isa) yung nahuling mga suspect, at may mga kagamitan talaga sila na pang-riding-in-tandem
  • sa Occidental Mindoro, yung pagpatay sa tauhan ng money lending company na posible daw na nag-ugat sa pautang, kung saan pulis yung isa sa mga suspek
  • sa Zamboanga del Sur, yung nakunan sa CCTV na sundalo na pinagbabaril ng 2 na-identify bilang mga pulis
  • yung Mayor sa Mindanao at ang mga kasama niya na hinihinalang pinatay sa rubout
  • sa Ozamiz City, yung pagpatay o pagtumba daw ng mga pulis sa grupo ng mga suspek, at tila i-d-in-isplay pa ang mga bangkay nila sa harap ng munisipyo
  • yung kaduda-dudang raid laban sa mga Parojinog sa Ozamiz
  • sa Tondo, yung pulis na nakunan ng ibang CCTV na ipinaling sa ibang direksyon ang isa pang CCTV camera habang may police operation daw ang mga ito
  • yung pagkamatay ni Mayor Espinosa; nakakulong na, hinainan daw ng search warrant kahit na madaling araw na, nawawala ang kuha ng CCTV, at nakapanlaban daw
  • yung mabilis na pagre-reinstate dun sa Marcos (pulis ng Region 8 na sangkot sa kasalukuyang kaso/istorya ng mga Espinosa) at tila pagiging 'maluwag' ng mga kinauukulan sa iba pang pulis na involved
  • yung patuloy na pagkampi sa mga pulis ng Region 8, matapos ang findings na murder nga DAW yung ginawa nila laban kay Mayor Espinosa, hindi pa man sila napaparusahan pero may nakapangako na kaagad na absolute pardon para sa kanila
  • yung kidnapping ng isang civilian last October daw na nakunan ng CCTV, na ang sangkot ay mga pulis na hindi naka-uniform
  • yung kaso sa Lemery, Batangas kung saan may claim na nauna (higit na mas maaga) daw hinuli yung mga drug suspects nang mga naka-civilian na pulis na wala namang dalang warrant, pero hapon na noong kuhanan ng mga pictures at inventory na may kasama ng mga ebidensiya laban sa kanila
  • sa Tondo, yung 2 lalaki na napatay ng mga pulis dahil nanlaban daw, at tila binutas-butas pa daw yung katawan, pero nakunan naman ng CCTV yung maayos nilang pagsama sa mga pulis
  • sa Caloocan, yung ginawang pagtumba ng mga pulis sa 17 y/o na Grade 11 student na pinalabas nila na nanlaban
  • yung hinihinalang pagtumba dun sa 19 y/o na UP Passer
  • yung pagpatay ng isang pulis sa lalaking nanlaban DAW matapos mag-amok sa isang bangko sa Laguna na nakunan naman ng CCTV camera  
  • yung pamamaril ng isang lasing na pulis sa Misamis Oriental na ikinasugat ng 4 na katao 
  • yung nakainom na pulis sa Negros Occidental na namaril din at nakapatay
  • sa iba't ibang lugar sa NCR, yung mga pulis, kasama na rin ang mga opisyal nila, na nahuli during inspection na nag-iinuman o di kaya ay natutulog sa mismong istasyon sa oras ng duty nila
  • sa Davao del Sur, yung hepe ng pulis na nagwala sa isang tindahan o bar dahil nakainom daw ito
  • yung ginawang pananampal at panggugulpi ng isang sundalo sa isang bar sa Isabela, supposedly eh naka-duty daw siya, at nanggulo DAW doon dahil gusto ng nude dance/show
  • sa Sorsogon, yung pangho-holdap ng isang sundalo sa isang remittance center, na supposedly eh naka-duty rin siya during that time
  • yung pulis na nambugbog ng makulit na matandang lasing, at inilagay pa niya sa paso ang batas
  • sa Ozamiz, yung nakunan ng video na pananakit ng isang police chief inspector sa isang nahuling suspek
  • sa Quezon City, yung pulis na dati nang nasuspinde, na inaresto dahil sa pambubugbog daw sa kanyang stepson
  • sa San Mateo, Rizal, yung pulis na nambugbog ng 18 y/o na binatilyo nang dahil lang sa naharangan nito ang kanyang motor
  • sa Baguio, yung traffic enforcer na nakunan ng CCTV na pinagsusuntok ang isang taxi driver mula sa labas ng sasakyan nito
  • sa Pasay, yung pulis na nanakit ng bata, na gumamit pa daw ng tabo sa pananakit
  • sa Negros Oriental, yung pulis na nakunan ng video habang pinatapat ang tenga ng isang sibilyan sa muffler habang pinapaandar yung motorsiklo
  • sa Bacolod City, yung babaeng pulis na nanutok ng baril sa nakaalitan niya sa bar
  • sa ParaƱaque, yung pulis na hindi nagbayad ng mga nakuha niya sa isang karinderya, na nanutok ng baril, at nanuntok pa ng isang customer
  • sa General Santos City, yung pulis na nanutok ng baril at nanuntok ng isang guard matapos DAW itong matalo sa pagsusugal
  • sa Davao City, yung 2 pulis na nang-abuso at nanakit ng 4 na menor de edad na nahuli nang dahil sa curfew
  • yung pulis sa Sta. Mesa na namaril ng sibilyan na binu-bully DAW nito parati at sinaktan pa bago yung insidente, matapos na rumesbak yung biktima na may dalang bato at itak
  • yung buy-bust operation DAW sa Caloocan, na ginawa ng mga naka-sibilyan na naka-hood at mga naka-maskara at hindi na mga pulis, na natunugan DAW, kung saan 2 magbiyenan na drug-related suspects ang napatay sa loob ng kanilang pamamahay
  • yung napatay na 17 y/o sa Caloocan City na hindi naman target pero nadamay daw sa ginawang buy-bust operation, nakita daw siya na may baril kaya pinatay na
  • sa Maguindanao, yung 2 bata na edad 6 at 10 daw na nadamay at napatay sa ginawang anti-illegal drugs operation sa kanila, kung saan nasugatan rin daw yung 2 pa nilang mga bata rin na mga kapatid
  • yung pulis na namaril ng kapwa pulis sa Lipa City
  • sa Pasay City, yung miyembro ng army na nakainom, nagwala, at nakipagbarilan pa sa mga pulis
  • sa Caloocan, yung 2 pulis na nagbarilan ng dahil lang DAW sa toothpick
  • sa Sampaloc, yung 11 y/o na dalagita na hinipuan DAW ng mga pulis, yung kinapkapan nang walang present na representative ng barangay 
  • yung pulis na nang-rape ng sibilyan sa Calamba City, na ginamit DAW yung pagka-pulis niya para kunwari ay magpapatulong lang dun sa biktima
  • sa Olongapo, yung 6 na pulis na nasangkot sa pag-rape at pagpapa-rape sa isang babaeng drug suspect at sa isang lalaking bilanggo
  • yung pulis na binaril yung menor de edad na isinasama lang DAW niya
  • yung pulis Mandaluyong na aksidenteng nakabaril sa Nasugbu, Batangas dahil DAW ipinagmamalaki niya yung baril na na-issue sa kanya
  • sa Angeles, Pampanga, yung 16 y/o na nagmomotor na aksidente daw na nabaril ng 1 sa mga pulis na sumita sa kanya
  • sa Taguig, yung pulis na aksidente daw na nabaril sa dibdib at napatay ng kanyang kapwa pulis
  • sa Manila, yung pulis na namaril sa isang bar, na napatigil gamit ang phaser gun
  • sa Agoncillo, Batangas, yung pulis na pumatay ng isang municipal nurse nang dahil lang sa away-pag-ibig
  • yung SAF na nambugbog ng traffic enforcer sa Bacolod matapos siyang masita na nagawa niyang traffic violation
  • sa Camarines Norte, yung binata na pinagbabaril daw ng isang pulis
  • yung nangyaring pamamaril ng tauhan ng Air Force sa kapwa tauhan ng Air Force na nagsimula DAW sa pag-iinuman
  • sa Dumaguete, yung 5 pulis (hindi naman naka-uniporme o naka-duty) na nambugbog DAW dahil sa isang basketball game
  • yung nakunan ng CCTV na pulis (na naka-sibilyan) na nanggulpi ng lalaki na sinubukan na DAW humingi ng tulong sa mga pulis sa isang presinto ng QCPD, ikinulong pa nila yung lalaki at ipinaako DAW sa kanya lahat ng pagkakamali, at dahil yun sa away-trapiko pa rin
  • sa Mandaluyong, yung 2 lalaki na hinuli dahil sa pag-iinuman sa kalye, pero nakunan ng cellphone video na pinagpapapalo ng kahoy ng isang pulis
  • yung sa General Trias, Cavite, yung 3 pulis na nang-torture rin daw ng 2 preso at pinilit pa yung 2 na maghalikan habang nanonood sila
  • sa Norzagaray, Bulacan, yung 6 na preso na biktima ng pag-torture, mainly sa pamamagitan ng paggamit ng paddle, na ang unang itinurong promotor ay ang Warrants Officer, pero biglang nagpaiba-iba na yung istorya
  • sa Tondo, yung pulis na pinaghahanap dahil sa indiscriminate firing, na posibleng handa lang daw para sa birthday yung pinag-ugatan
  • sa Montalban, Rizal, yung PO1 na nasangkot sa indiscriminate firing
  • sa Manila, yung naka-AWOL na pulis na nagpaputok daw ng baril at nakatama ng 2 menor de edad, at nanapak pa daw
  • sa Antipolo City daw, yung jeepney driver na pinatay daw ng isang pulis Maynila dahil lang sa away-trapiko
  • yung nakunan sa CCTV na police escort na nakabundol ng batang estudyante, pero itinanggi daw na siya yung nakabundol at tinakasan pa yung biktima
  • yung pulis na nakabangga ng nasa pedestrian lane
  • sa Rodriguez, Rizal, yung road rage na nauwi sa barilan sa pagitan ng isang pulis at isang retired US navy, dahil dun ay nadamay at nabaril yung pasahero nung US navy 
  • sa Cabanatuan, yung 2 pulis na naka-droga na namaril at pumatay ng 2 katao, na ikinasugat ng 1 pa
  • yung kaso sa Caloocan, yung naka-AWOL na pulis na napatay sa pananaksak ng isa pang naka-AWOL na pulis na nasangkot na daw noon sa ilegal na droga
  • sa Quezon City, yung naka-AWOL daw na pulis na nabangga at napatay matapos na pagtangkaan ng grupo nila ang buhay ng isang abugado 
  • yung CCTV footage na ibinigay kay Senator Lacson, na nagpapakita kung paanong tinaniman ng mga pulis DAW ng ebidensya ang isang opisina, tapos ay saka ni-raid yung lugar
  • yung na-hulidap na Korean, na nahingan na nga ng ransom yung pamilya, pero pinatay pa rin talaga yung biktima sa loob pa mismo ng kampo ng mga pulis
  • yung mga South Korean na na-hulidap sa Pampanga, na nakunan ng CCTV, na hinuli gamit ang alibi na sangkot sila sa illegal online gambling, na ilang oras ikinulong sa police station at pinakawalan lang matapos magbigay ng pera
  • sa Quezon City, yung 4 na pulis na nahuli dahil sa kaso ng kidnapping at extortion, isang lalaki at yung kasintahan niya ang naging mga biktima
  • sa Taguig, yung magkakasabwat na mga barangay officials at isang pulis sa pangingikil sa mga taong hinuhuli nila
  • sa Quezon City, yung pulis na nangingikil daw sa isang bus company na nahuli sa entrapment operation
  • sa Laguna, yung Kagawad at ang mga kasamahan niya na nangingikil daw ng mga dayuhan at mga kilalang personalidad bilang pangsuporta daw sa adhikain ng Hokage na Mahilig
  • sa Antipolo City, yung 4 na pulis na inaresto dahil sa pangingikil daw sa isang PWD, mukhang may mga props rin sila na mga baril at ilegal na droga
  • sa Cebu at/o Lapu-Lapu City rin yata, yung pulis at konsehal na nahuli na nasa loob ng casino
  • sa Baliuag, Bulacan, yung konsehal, sundalo, dismissed at active na mga pulis, at iba pang tauhan ng LGU na nahuli sa isang retaurant kung saan lantaran ang pagsasagawa ng ilegal na online sabong
  • yung police superintendent, na hinuli dahil sa pagsusugal sa isang casino, na nasa Php 600,000 DAW yung worth nung chips
  • yung maramihang pagsibak sa mga pulis sa ParaƱaque dahil DAW sa mga kaso ng pangongotong
  • yung hepe ng Sasmuan na hinuli dahil sa pangingikil daw laban sa isang peryahan
  • sa Nueva Ecija, yung nasa 6 (o hanggang 8 yata) na mga pulis na hinuli rin dahil sa pangongotong
  • yung 5 o 15 na pulis (kung alinman ang tama) na under ng Southern Police District na nangikil sa pamilya ng isang babae na nahuli nila nang dahil sa paglo-loteng
  • yung nangyari sa isang police station sa Tondo, yung 1 pulis at 2 kasamahan DAW niya na hinuli sa entrapment operation dahil sa extortion laban sa isang doktor, kesyo tinatakot daw yung doktor na kakasuhan ng rape
  • sa Malate, yung Egyptian national na kinikilan daw ng nasa Php 50,000 ng mga pulis, na pinagbintangan daw siyang tumanggap ng ilegal na droga
  • sa Quezon City, yung non-uniformed personnel ng AFP, na nahuling nangingikil sa biyuda ng isang sundalo kapalit ng pag-aayos ng mga dapat na benepisyo nito
  • sa Agusan del Sur, yung opisyales ng LTO na hinuli ng NBI sa entrapment operation dahil sa pangingikil kapalit ng mabilis na paglabas ng driver's license
  • yung nasa 200 pulis daw na mukhang nandaya sa kanilang entrance exam
  • sa Ilocos Norte, yung 2 pasaway na pulis, na naka-off na daw sa duty, pero nahuli namang nag-iinuman sa kanilang presinto
  • sa malapit sa lugar ng giyera, yung kaso ng harassment ng isang sundalo yata yun laban sa mga estudiyante
  • ang patuloy at malaking bilang ng mga pulis na lumalabas na positibo sa paggamit ng ilegal na droga through drug test  (ang isa sa butas ng laban kontra sa ilegal na droga)
  • sa Las PiƱas, yung opisyales na pulis na related sa PNP Crime Laboratory na nahuling gumagamit ng ilegal na droga sa isang drug den
  • yung PO1 na sangkot daw sa ilegal na droga at miyembro rin daw ng sindikato
  • yung 3 sundalo DAW na nahulihan ng mga drug paraphernalia sa Cebu City
  • yung nasa 160 pa na mga pulis na inire-recommend ng PNP-IAS na pagsisibakin na dahil sa involvement nila sa ilegal na droga
  • sa Bacolod, yung naka-AWOL na pulis na nahuli sa buy-bust operation
  • sa may Cubao, yung dating pulis na nahuli sa buy-bust operation
  • sa Marikina City, yung 1 pulis at 2 pa niyang kasama na nahuli sa buy-bust operation
  • sa Quezon City, yung 2nd Lieutenant na sundalo at 2 kasamahan niya na nahuli sa buy-bust operation 
  • sa Quezon City, yung pulis na kasama sa mga nahuli sa drug den sa may Payatas
  • sa Catanduanes, yung nagbitiw na pulis na umamin na totoo DAW ang pagtatanim ng mga ebidensya at extrajudicial killings
  • sa Bacolor, Pampanga, yung government employee na biktima ng tanim-droga ng mga pulis at mga miyembro ng PDEA, yung hindi nagtugma yung written report sa kuha ng CCTV
  • sa Manila, yung 4 na senior citizen na naging biktima rin DAW ng tanim-droga at tanim-bala ng mga pulis, may kuha ng CCTV tungkol sa kuwestiyonableng operasyon nung mga pulis eh, namatay pa yung isang matanda sa loob ng kulungan
  • yung babaeng biktima daw ng tanim-droga teknik ng 11 Pulis Malabon
  • yung New Bilibid prison guard na sinubukang magpuslit ng hinihinalang ilegal na droga sa pamamagitan ng pagtatago nito sa loob ng kanyang brief
  • sa Cainta, Rizal, yung dating military intelligence officer na nahuling nagtutulak ng ilegal na droga
  • sa Pagadian City, yung bahay ng nag-AWOL na pulis na nakunan ng nasa Php 89,000 worth daw ng ilegal na droga
  • sa Calamba, yung naka-AWOL na pulis na nahuli sa buy-bust operation
  • sa Taguig City,  yung tanod na nakuhanan ng nasa Php 10,000,000 worth ng ilegal na droga, at maging ng ilang armas
  • yung 2 pulis na natakasan daw ng binabantayan nilang illegal recruiter sa ospital
  • sa Cavite, yung konsehal na nahuli dahil sa pagtatago ng mga baril na wala daw kaukulang mga dokumento
  • sa Quezon City, yung retiradong pulis na nahulihan ng baril sa checkpoint sa kabila ng umiiral na gun ban dahil sa nalalapit na eleksyon
  • yung mga dating opisyales ng Special Action Forces na pinagsisibak na, na mga nakasuhan ng plunder sa Ombudsman

are naman yung mga hindi pa malinaw kung anong klase nga ng mga tao ang involved o hindi tiyak o nabanggit kung sino ang nakatama:
  • yung honor student na choir member na ginamitan ng karatula
  • yung 5 year old daw na bata na nadamay sa tangkang pagpatay ng mga hindi kilalang tao sa lolo niya
  • yung 5 year old na taga-Pasay na napatay habang natutulog dahil nadamay sa pagpatay sa tatay niya na siya daw target nung hindi nakilalang tao
  • yung pagkamatay ng bagong binyag na bata (na tinamaan ng ligaw na bala) sa Bulacan dahil nadamay sa pagpatay sa kanyang ninong na involved DAW sa droga
  • yung pagkadamay at pagkapatay sa isang manliligaw sa Quezon City dahil involved daw yung nililigawan niyang babae sa ilegal na droga
  • yung kaso sa NCR kung saan nadamay at natamaan ng bala ang isang sibilyan dahil sa paghahabulan ng mga pulis at ng isang suspek
  • yung 2 sibilyan sa Laguna na nagsisimbang-gabi lang sana, na nadamay (napatay yung batang babae) sa pamamaril  ng mga hindi pa nakikilalang mga suspek sa isang barangay tanod na related din daw sa ilegal na droga
  • yung tila 2 grupo ng tao na napatay sa Caloocan City, na either drug related daw yung isang grupo kung kaya't nadamay sa tumbahan yung mga miyembro daw ng frat, o dulot ng frat war na ang nadamay naman eh yung ilang drug related personalities
  • sa Caloocan, yung mag-live in partner na pinatay daw ng mga taong nagpakilala na mga pulis
  • yung 14 y/o na dalagita na nadamay sa pamamaril ng mga taga-tumba sa target nilang drug-related personality daw, sa Caloocan yata yun
  • sa Caloocan, yung 5 y/o na bata na nadaplisan ng bala dahil sa nangyaring tumbahan sa isang hinihinalang drug den, kung saan may mga napatay rin
  • hindi ko nakuha yung lugar, pero yung kaso kung saan may 1 napatay at 6 na nadamay sa pamamaril daw sa isang dating nagbebenta ng shabu
  • sa Tondo, yung 14 y/o na dalagita na natamaan sa mata at napatay ng ligaw na bala mula sa pamamaril ng riding-in-tandem, namaril DAW para takutin yung may pagkakautang sa kanila sa ilegal na droga eh
  • sa Makati, yung mga lalaking naka-uniporme daw ng pang-pulis na nakuhanan ng video habang nananakit DAW ng isang babae, may tutukan pa DAW ng baril na nangyari
  • yung Japanese na negosyante na mukhang planadong itinumba habang nasa bansa
  • sa Tondo, yung taxi driver, na kolektor daw na asset ng mga pulis, na itinumba ng riding-in-tandem, kaso ay tumagos pa yung bala sa ulo nito kaya may babaeng nadamay at natamaan din
  • yung pagtumba sa foreigner na sangkot daw sa ATM skimming
  • sa Caloocan, yung tricycle driver na itinumba sa hindi pa malamang dahilan dahil wala naman ang pangalan niya sa listahan ng mga drug-related personalities, at may nadamay at natamaan pa na ibang tao sa pamamaril na yun
  • yung pagpatay sa 14 y/o na supposedly ay kasama nung pinatay ng mga pulis na 19 y/o UP Passer, na sa Nueva Ecija na natagpuan
  • sa Makati, yung 1 y/o na sanggol na nadamay at nabaril sa ginawang pagtumba sa isang lalaki na nasa barangay drugs watchlist 

heto naman yung mga may kinalaman sa kahinaan ng kasalukuyang penal system at pagpapatupad ng iba pang mga batas, patakaran, at sistema sa bansa:
  • sa Pasay, yung target ng buy-bust operation na nakapatay at nakasugat ng mga pulis, grupo sila eh, at yung main target daw ay marami ng record ng krimen pero talagang nakakalaya pa rin
  • sa Siquijor, yung 2 babaeng estudyante na napatay sa pananaksak ng isang lalaki ng naka-droga at lasing din daw noon, according sa istorya ay may iba sana siyang papatayin dahil natakot siya na isuplong siya tungkol sa paggamit niya ng ilegal na droga, kaso ay ibang mga inosenteng tao yung napaglabasan niya ng kanyang kasamaan 
  • regarding sa pag-determine ng edad na pasok sa criminal liability, yung pulis sa Dipolog na ginulpi ng mga kabataan at untik nang mapatay matapos niyang umawat lang sa rambulan ng mga ito
  • sa Tondo, yung nakunan sa CCTV na rambulan ng mga kabataan sa gabi, kung saan makikita na nagpapaputok ng baril yung isa at nanuntok pa yung isa ng umaawat lang daw sa kanila, butas pa rin ito sa sistema ng pag-regulate sa mga baril at sa pag-determine ng edad kung kailan may pananagutan na ang mga mamamayan sa batas
  • in general, ang pagiging maluwag ng batas laban sa mga menor de edad na mga kriminal
  • yung kung sino pa yung mga aminado sa mga krimen na paulit-ulit na ginagawa nila o yung may solid na ebidensya regarding sa ginawa nilang krimen, eh sila pa talaga yung nananatiling buhay
  • sa Baguio, yung mga nahuling sangkot sa Basag-Kotse pero pinalaya rin naman kaagad matapos makapagpiyansa
  • regarding sa batas trapiko, yung 2 lola na parehong namatay matapos mabangga ng humaharurot na tricycle habang tumatawid sila sa pedestrian lane
  • dahil pa rin sa kawalan ng kontrol sa mga armas, sa Cavite, yung lalaki na hinuli at dinala sa isang motel at balak i-hulidap ng mga lalaking nagpanggap na miyembro ng PDEA at PNP
  • yung lalaking binaril ng isang motorcycle rider na posibleng dahil lang DAW sa naharangan niya ito sa kalsada
  • ang naging pag-atake sa Resorts World Manila
  • yung nangyaring saksakan at patayan ng mga high profile inmates sa loob ng Bilibid kahit na pinataas na DAW yung seguridad doon at mga SAF pa ang nagbabantay
  • yung panibagong kaso DAW ng VIP treatment para sa mga high profile inmates na lumabas sa balita nitong February 2017
  • sa Maynila, yung nakunan sa CCTV na matanda na tinutukan ng baril ng 2 naka-sibilyan na mga pulis dahil napagkamalan daw siyang magnanakaw 
  • sa DasmariƱas, Cavite, yung ikinulong nang dahil sa sakla, na pinatay ng mga nakasama nitong preso habang nakaposas siya
  • sa Lanao del Norte, yung bilanggo na pinatay sa loob ng kulungan ng mga kakosa niya
  • yung sikretong kulungan na nadiskubre ng CHR sa isang station ng MPD
  • eh yung pagtutumba sa mga persons of interest na iniuugnay sa Bulacan Massacre, gayung dapat ay pinoprotektahan na sila ng mga pulis para naman mapalabas talaga yung totoo tungkol doon sa kaso
  • yung kapabayaan ng mga awtoridad sa pag-handle sa suspek sa pangre-rape at pagpatay sa isang pageant winner sa Samal Island na nauwi sa panlalaban DAW nito at sa pagpatay sa kanya
  • yung kapabayaan rin ng mga awtoridad sa pag-handle sa suspek sa pangre-rape at pagpatay sa isang 8 y/o na bata sa Nueva Ecija, na dahilan kung kaya't nagawa DAW nitong mang-agaw ng baril at makapagpakamatay
  • yung kagustuhan ng kasalukuyang DTI na ibigay na sa mga negosyante at/o mga kompanya ang kakayahan na i-regulate ang suggested retail price (SRP) para sa mga produkto nila
  • yung kagustuhan ng DTI na ipantay ang SRP para sa mga grocery, supermarket, at sari-sari store
  • yung pagkampi ng Supreme Court sa photobomber
  • ang hindi pagtupad ng PHLPost sa kini-claim nilang bilis ng paggawa at pagde-deliver ng Postal ID, at ang kahinaan ng support center nila
  • yung mali at mapanlinlang na paraan ng evaluation ng Department of Tourism sa performance ng kasalukuyan at nakaraang administrasyon
  • yung mga isyu na lumalabas ngayon tungkol sa BOC at sa mga mambabatas dahil sa ginagawang pananabon ngayon sa Customs
  • yung problema sa mamahaling elevator para sa pedestrian overpass sa Lipa City
  • yung pagkabasura ng Commission on Appointments sa pagtatalaga kay Lopez bilang secretary ng DENR na obvious naman na iginapang
  • yung pagkabasura ng Commission on Appointments sa pagtatalaga kay Taguiwalo bilang secretary ng DSWD dahil DAW hindi magagamit na gatasan yung ahensya sa ilalim ng pamumuno niya
  • yung pagri-reveal ni Attorney Anderson sa tangka ng isang mataas na opisyales na mag-promote ng isang hindi qualified na tao para sa Bureau of Customs
  • ang kabulukan ng hustisya, yung ginawan na nga ng grupo nina Failon ng pabor ang buong bansa, pero talagang sila pa yung kinasuhan dahil lang sa binayaran na yung obvious na ninakaw na pera ng gobyerno noon
  • yung sapilitang pangunguha ng mga miyembro DAW ng Kadamay ng mga housing projects sa iba't ibang lugar, at ang pagkunsinti sa kanila ng gobyerno
  • yung nagbebenta at nagpaparenta na ang ibang miyembro ng Kadamay ng mga bahay na sapilitan lang nilang kinuha
  • sa Alfonso, Cavite, yung 2 preso na nakatakas at nadala pa yung police mobile, matapos na maisipan na kumain na muna nung 4 na police escort nila
  • ang kakayahan ng mga miyembro ng mga teroristang grupo na mapakawalan o makatakas pa sa kamay ng batas
  • yung naging pagsabog sa Quiapo na nakasugat ng nasa 14 na katao daw, at nangyari yun kung kailan supposedly eh mataas ang seguridad sa bansa lalo na sa NCR
  • sa Pandacan, yung 7 buwan na sanggol na nagtamo ng 3 tama ng baril dahil sa isinagawang anti-illegal drugs operation sa kanilang lugar
  • follow up para sa 7 months old na sanggol news, hindi pala nagkusa yung mga pulis na imbestigahan kung sinu-sino nga ang totoong nakabaril doon sa bata, at may claim pa na diniktahan lang daw para pumirma sa affidavit yung lola nito
  • sa Pasay, yung pulis na naglabas at nag-display ng kanyang baril habang nakikipagtalo sa 2 binatilyo
  • sa Pasay, yung itinumba na negosyante na may-ari ng furniture shop na hindi daw kaagad hinayaan ng mga pulis na maisugod sa ospital
  • yung 73 y/o na lalaki na nakaladkad at nagulungan pa daw ng bus, na hindi na naman hinayaan kaagad ng mga pulis na maisugod sa ospital
  • yung hindi magkatulad na magkahiwalay na statements nung taxi driver na hinoldap daw nung 19 y/o UP Passer, na hindi rin tugma sa report ng mga pulis, at tila nagtatago na yung driver ngayon
  • yung kuwestiyonable at kusang pagpapa-DNA test ng mga pulis sa bangkay nung 14 y/o na kasama ni UP Passer kahit na wala namang nagre-request nito, at yung pagdedeklara na hindi naman dun sa 14 y/o yung bangkay na yun
  • yung hinihinalang bagong kaso ng paglabag sa Anti-Hazing Law kung saan napatay yung isang UST Law Student
  • yung kuwestiyonableng naging kahinaan ng seguridad sa Marawi sa kabila nang patuloy na pagkilos ng mga terorista sa Mindanao, sa kabila ng patuloy na mga bantaan mula sa magkabilang panig, at sa kabila ng pagkakaroon ng malaking halaga ng intelligence fund
  • yung pagkatumba sa 4 na suspected na miyembro ng Maute habang ibinabiyahe sila, ito ay sa kabila nang may ipinapatupad ng Martial Law sa region na yun
  • yung lalaking napagkamalan daw na miyembro ng Maute at hinihinalang t-in-orture ng mga sundalo
  • yung may mga nangyayari pa rin daw na nakawan sa mga lugar sa Marawi na kontrolado na ng mga militar
  • yung posibilidad daw na nakatakas na yung mga lider ng mga terorista sa lugar ng digmaan, gayung may claim rin ang mga awtoridad na kesyo natunugan naman daw nila yung tungkol sa pagtakas
  • yung pagpapadala ng mga tiwaling pulis sa lugar ng digmaan, sa halip na sibakin na sila sa trabaho at hindi na pasuwelduhin pa ng mga mamamayan
  • yung mukhang may nakapasok na daw ulit na mga armadong grupo sa lugar ng giyera
  • yung hindi muna lubusang siguraduhin ang kaligtasan sa Marawi bago palipatin ang mga mamamayan
  • yung pagpapababa daw ng DOJ sa kaso ng Marcos Police Group
  • kasali pala yung Dictator Clan sa problema ngayon sa Norte
  • ang pag-amin ng miyembro ng Dictator Clan na binalewala nga nila ang proseso ng bidding sa kanilang pamimili
  • yung VIP treatment sa isang opisyales, kahit alam naman nila yung patakaran na nagbabawal nga sa kanila na pumunta sa mga casino
  • yung Representative na gusto ng VIP treatment para sa kanilang hanay regarding traffic violations
  • yung pagbibigay ng mga naluklok sa katungkulan ng Php 1,000 lamang na budget para sa CHR, at iba pang ahensya ng gobyerno para lang ipakita ang kakayahan nila na manggipit
  • yung hindi masusing pinag-aralan na mamahaling modernization plan para sa mga jeep
  • yung sa mga naghihirap na mananakay rin pala balak ipapasan ang magiging gastusin para sa pagbili ng mga kapritsosong PUV na ipapalit sa mga jeepney
  • yung ginamit ang Data Privacy Act para itago ang ilang detalye sa mga SALN at SOCE
  • yung babaeng abugado na nanuhol sa NBI para aregluhin yung kaso nung kaanak niya na nagpanggap na doktor
  • sa Davao City, yung 2 traffic enforcer na magkasabay pa talagang gumamit ng kambal plaka
  • yung mga pulitiko na gusto pa ring ipagpatuloy ang operasyon ng MRT kahit na mapanganib na ito para sa mga mananakay
  • yung VIP ang trato nila sa mga problema patungkol sa MRT, pero halos wala silang pakialam sa mga problema ng mga pangmahihirap lang na PUV
  • yung hindi pala reliable yung tagasulong nung impeachment complaint laban sa Chief Justice, at pwede palang base lamang sa mga balita yung mga reklamo
  • yung itutuloy pa rin ang planong impeachment laban sa Chief Justice kahit na kuwestiyonable na yung mga reklamo
  • yung inabsuwelto ng DOJ si Faeldon sa kaso nung shipment ng droga sa BOC, kahit na ito nga yung ginigisa noon
  • regarding sa mga road accidents, yung parati na lang kinakasuhan yung nagmamaneho nung sasakyan na nakadisgrasya o nakapatay, na hindi na kino-consider kung may kasalanan ba o naging kapabayaan yung taong nadisgrasya
  • yung 1% na nawawala ngayon sa mga jackpot prize sa Lotto at yung hindi pagtaas ng jackpot prize kahit na may tumataya naman dun sa mga partikular na Lotto game
  • yung kagustuhan ng DSWD na taasan pa ang limos para sa mga piling mamamayan sa kabila nang posibleng pagtataas ng iba't ibang klase ng mga buwis
  • yung halos wala namang mga kwenta at walang solid proof yung mga testimonya ng mismong mga taga-justice branch
  • yung akala mo eh pagka-Hokage yung napanalunang posisyon ni Representative Boss kung makapag-utos siya sa iba
  • yung mas malaki pa yung ulo nung Hokage na Mahilig kesa sa mukha nung magmamay-ari nung ID
  • sa PCUP, yung aprubado naman na mga international na lakad na biglang na-convert bilang mga alegasyon
  • yung mga perang walang mukha na naisama pa talaga ng BSP sa sirkulasyon
  • yung laya na yung miyembro ng Gwapings kahit na drug-related yung kaso niya, at yung minor na kaso na lang daw niya ang kailangan niyang harapin
  • yung may bago pang ibinigay na posisyon sa dating pinuno ng customs kahit na nahaharap pa ito sa maraming akusasyon
  • eh yung pati isang mahalagang assembly eh pinaspasan na ng mga Chunin
  • yung lantarang nananakot ang Representative Boss ng zero budget para sa mga Chunin na hindi magpapadikta sa kanila
  • yung hinayaan na palang mapasok at mapag-aralan ang Benham Rise ng mang-aagaw at certified na mapanirang Imperyo
  • yung huli na yung ginawang pagpapatigil sa mga research na ginagawa ng mga dayuhan sa Benham Rise
  • yung pati sistema ng pag-iipon eh nabangga ng TRAIN
  • yung pamunuan ang gustong magdikta kung ilang porsyento ba ng kita ang dapat itabi ng mga mamamayan sa kanilang pangangalaga
  • yung nabangga na rin ng TRAIN ang mga in demand na documents mula sa PSA
  • yung pati basic need na kuryente ay binangga pa rin ng TRAIN ang transmission charge
  • yung nabundol na rin ng TRAIN ang presyuhan ng NBI clearance
  • yung may access sina Bobong sa kini-claim nilang mga ebidensya, samantalang dapat ay na-secure ang mga yun sa mga box kung totoo ngang nabilang ang mga yun
  • yung hindi kaagad ni-regulate ang industriya ng TNVS mula sa umpisa, tapos biglang maglilimita ng bilang at magba-ban ng maliliit na klase ng sasakyan para dun sa serbisyo kung kailan nakapangutang na yung iba na gustong maging TNVS driver
  • yung nauna yung panggagatas, samantalang wala pa namang nakahandang pang-ayuda
  • yung February 2018 na pero wala pa rin yung sinasabi na 1-year validity ng mga prepaid load na makakatulong sana kahit na papaano sa lalo pang naghihirap na mga mamamayan
  • yung palpak na management ng NFA sa murang bigas
  • yung nagsira ng mga mamahaling sasakyan sa halip na pakinabangan ang mga yun sa mabuting paraan
  • sa Tacloban, yung hinayaan lang ng mga kinauukulan na mabulok ang daan-daang sako ng mga kumpiskadong bigas sa halip na mapakinabangan ang mga yun
  • yung gustong damay-damay na ang lahat, at alisan ng hanapbuhay maging yung mga OFW na wala namang problema sa kanilang mga pinagtatrabahuhan
  • yung palakihin lang ang contribution ng mga members ang tanging alam na paraan ng SSS para mapalago yung perang mina-manage nila
  • yung palpak na sistema ng SSS
  • yung gusto nilang padaliin ang paghihiwalay ng mga iresponsableng nag-aasawa
  • yung halos wala rin naman palang maitutulong yung ipinangako nilang tulong sa mga PUV operators at drivers dahil nga maya't maya rin ang pagtataas ng presyo ng petrolyo
  • yung may nakapasok daw na miyembro ng Maute sa NCR
  • yung nag-convert na nga ng ibang pondo para mabigyan ng ayuda ang mga piling mahihirap, at isang bagsakan pa yung ibinigay na ayuda na para sa isang taon
  • sa BiƱan, Laguna, yung mga nagmarunong na pulis na kesyo hindi na daw kailangan ng SOCO dahil wala naman daw foul play, pero lumalabas sa imbestigasyon na pinatay nga yung babaeng biktima
  • yung kagustuhan na magpabida sa isang sekta sa pamamagitan ng paglalaan ng nationwide holiday sa araw ng foundation day ng mga ito
  • yung UN special rapporteur na inilista bilang isang communist terrorist
  • yung ibinasura ng DOJ yung kaso laban sa mga sinasabi nila noon na mga drug lord, pero sa kabila nun ay valid pa rin yung ginawang pagtestigo noon nung iba sa kanila
  • yung provisional na ang status nung NGO Queen para sa Witness Protection Program
  • yung sobra-sobrang pagtatanggol sa mga hayop, maging dun sa mga nakakaperwisyo na sa ibang tao
  • yung nag-suspend ng pasok dahil sa fake news na may threat daw dahil sa transport strike
  • yung mga error sa napa-print na ID ng PCOO, na kesyo hindi daw dumaan sa tamang protocol
  • yung mahabang 6 months ang inabot na parusa ng Boracay, kung ikukumpara sa mga land and water areas na nasira ng mga mining sites
  • yung pati supply ng tubig mula sa Angat Dam ay may problema sa hatian

at may kaso na iba-iba ang kategorya:
  • yung pagkamatay ng isang 9 year old na bata, na pinaghihinalaang pinatay ng mga menor de edad; na natagpuan yung bangkay na nakagapos ang mga kamay, na binugbog daw, pinutulan ng mga daliri, at may hiwa pa sa tiyan
  • yung pagsu-suicide daw ng isang Director Villa ng ERC dahil sa katiwalian sa trabaho nila
  • isama na rin yung pagkalat ng mga fake news at paid trolls sa social media
  • ang maya't mayang pagpapalabas ng fake news o mind-conditioning news ng mismong mga nasa katungkulan
  • yung mali-maling listahan na inilabas ng Napolcom
  • yung Oplan Cyber Tokhang
  • yung mga sundalo sa Marawi na napatay sa sarili nilang air strike na laban sana sa mga terorista
  • yung isa pang air strike na sa labas naman daw ng Marawi nangyari
  • yung isa na namang air strike na nakapatay sa sariling mga kakampi, pangalawa yata yun na nakapatay at ikatlo ng error
  • ang maya't mayang pag-target ng gobyerno sa basic needs para gawing gatasan ng buwis
  • yung kagustuhan na patawan ng malaking buwis ang papremyo sa Lotto
  • yung naaprubahan na 24% increase sa cargo handling tariff
  • eh yung pati pagkanta sa Pambansang Awit ay balak nang lagyan ng limpak-limpak na halaga ng penalty
  • yung pahayag ng ilang kabilang sa Bilibid 19 na babaliktarin nila ang kanilang nakaraang mga statements kung ililipat sila ng piitan
  • yung paggamit ng PNA sa logo ng kompanya ng agricultural products para sa Department of Labor and Employment
  • yung naparangalan ang isang pulis na posibleng may ginawang iregularidad sa pagpapatupad ng batas 
  • yung ayaw mag-imbestiga nang husto puwerket may kilalang apelyido na nadadamay, di tulad sa kaso ng ibang mga tao na paspas ang mga pagpapahiya at panghuhusga
  • yung kapag nasa tuktok ang nagsasalita ng kung anu-anong masasama ay hindi nila kinokontra, pero kapag hindi na nila kakampi sa pulitika yung nagsasalita ng hindi kanais-nais para sa pananaw nila eh idinadaan nila sa sistema
  • ang pag-tolerate ng ibang mga mamamayan sa mga pinuno na obvious na mga magnanakaw
  • yung pakikilinis ng One Social Family Credit Cooperative sa pangalan ng Dictator Clan
  • yung sinasabing hacking daw ng mga e-mail address ng mga tauhan ng mga kalaban sa pulitika
  • yung tila mind-conditioning na ginagawa sa mga mamamayan sa pamamagitan ng pag-a-announce na may kinalaman sa kinamumuhian nilang ilegal na droga ang ilang mga pinuno, kahit na wala namang maipakitang solid proof
  • ang paglalabas ng commemorative stamp para sa isang Diktador
  • yung "welcome to the Philppines" na mga tarpaulin na talagang umabot pa sa punto ng pagkakabit
  • yung nangyaring mismanagement ng crowd sa ASEAN Music Festival nitong 2017
  • yung kinokondisyon na at pinakikiramdaman ang magiging pulso ng mga mamamayan para sa mga ipapambato nila para sa 2019, kagaya rin nung commercial noon nung nagmo-motor na wala daw balak tumakbo sa eleksyon
  • yung mas inuuna pang kuwestiyunin parati ni Kalbo yung motibo sa pagre-report tungkol sa mga kuwestiyonableng gawain ng mga tauhan niya, kesa kuwestiyunin kung bakit nga ba ganun yung kinahihinatnan ng ibang mga nagiging operasyon nila
  • yung special treatment para sa mga may HIV in general, na hindi na kino-consider kung sino ba yung posibleng attacker
  • yung mga balimbing na pulitiko na sumasang-ayon lamang sa mga may kapangyarihan at impluwensiya
  • yung kabobohan ng mga nasa itaas, na akala eh lahat ng mga mamamayan ay may regular na suweldo
  • eh yung nasa Php 6,000,000 (to 10,000,000 according naman sa nagrereklamo) daw yung nagastos para sa christmas party ng PCSO para sa nasa 1,500 na katao
  • yung lumilitaw na yung mga planong MAS multiple at unli-term
  • eh yung ang mga teacher na hindi naman gaanong kadelikado laban sa mga mamamayan ang sila pang hindi mabigyan ng priority para sa increase ng suweldo
  • yung gusto rin nila na makalibre sa pagbabayad ng buwis at mabalasa ang justice branch
  • yung planong magbawas ng posisyon para lang makapagpatalsik ng mga hindi kaalyado
  • ang pananahimik ng mga kilalang personalidad kung kailan ang mga ordinaryong tao na ang inaatake ng panggagatas
  • yung mga bobong PUV operator at driver na sa mga ordinaryong mananakay rin gustong ipapasan ang mga dagdag sa gastusin nila, sa halip na hilingin sa pamunuan na gawing patas ang panggagatas
  • yung ipinagkalkal pa ng lumang kaso ang Rappler
  • yung mga taong nagpapalaganap ng impormasyon, na kesyo bababa daw ang gastusin ng mga negosyante sa kabila ng reporma sa pagbubuwis, despite the fact na patuloy na nga ang pagtaas ng presyo ng basic need na petrolyo
  • yung pati Geography ng bayan eh pinakikialaman na ng Kape at nagbibigay na naman siya ng maling impormasyon
  • yung mga nagpapanggap na mapagkakatiwalaan at hindi bias na media, pero yung grupo nila eh nakapangalan sa kanilang idolo
  • yung idinadamay pa yung reyna sa pagpapabango ng pangalan
  • yung pagyurak nila sa essence ng matagumpay na People Power habang makakapal ang mukha nilang pinakikinabangan ang demokrasyang idinulot nito upang lasunin ang kaisipan ng iba pang mamamayan
  • yung sadyang may nagpapakalat ng history o alamat nila sa online media
  • yung pag-aagawan sa slot ng mga kaalyado na patunay kung gaano sila kauhaw sa kapangyarihan
  • yung mga taong nagpapanggap na makakalikasan, yung ayaw kuno sa mapolusyon na mga petroleum products, pero habol naman nang habol sa paggamit ng mga air conditioner
-----o0o-----


April 16, 2018...

modern jeepney na hindi na jeepney..
at gawa pa sa lugar ng Bestfriend Empire...

napapaisip tuloy ako..
dahil sa kapritso ng maraming tao..
since sa palengke madalas yung ruta ko..
paano kung makasabay mo sa aircon na sasakyan yung mga may dala ng mga produktong may amoy, gaya ng basa o tuyo man na seafood..?
ano yun, bawal na silang sumakay sa jeep sa hinaharap..?
o di kaya eh yung mga nagdadala ng malalaking mga gamit na ideal ang pagsasakay sa lumang disenyo ng jeepney; halimbawa eh yung mga gamit ng magtataho o di kaya ay mga malalaking kasangkapan o kahon..?
tsaka paano kung pawisan yung sasakay sa air conditioned na PUV; halimbawa eh kargador o yung sadyang napalakad lang ng malayo bago makarating sa sakayan...

ang mga tao talaga o'..
nagkukunwari pang para sa kalikasan daw..
babawasan nga siguro yung harmful na usok, pero papalitan naman ng paggamit ng mas marami pang air conditioner na may negative na epekto pa rin sa environment... :(

is feeling , ang aarte ninyo.. gusto ninyong idamay ang lahat sa taas-pasahe kapalit ng pagpapalamig...


>
sa Malate, Manila..
yung Egyptian national na kinikilan daw ng nasa Php 50,000 ng mga pulis..
kesyo pinagbintangan daw yung biktima na tumanggap ng shabu...

4 na mga suspek na pulis yung inaresto sa isang operasyon..
at 18 pulis mula sa involved na istasyon ang pinagsisibak na sa puwesto...

is feeling , aw, kulang pa rin yung almost Php 30,000 or up.. baka nawalan rin ng kuwenta dahil sa gatasan...??

---o0o---


April 17, 2018...

sa Quezon City..
yung retiradong pulis na nahulihan ng baril sa checkpoint..
mainit pa ang ulo niya..
may permit naman daw yung armas..
kaso eh may umiiral na kasing gun ban...

dating pulis, pero pasaway at hindi nakakaintindi sa patakaran... :(

is feeling , hindi ba pwedeng panghabambuhay na ang mga gun ban...??


>
nauuso na naman lately yung mga itinitumba na ibinabalot o isinisilid pa sa kung anu-ano yung mga bangkay...

tapos may mga nagpapanggap noon na mga tagapagtanggol ng human rights, na lumalabas na ngayon ang mga totoong kulay..
na mga hamak lang silang pulitiko, na binibilog lang ang utak ng mga tao para lang makamit nila ang mga hinahangad nilang impluwensiya at kapangyarihan...

is feeling , wala ng pag-asa ang bansang 'to...


>
yung pati supply ng tubig mula sa Angat Dam eh nagiging problema na rin..
nagkakagulo na ang mga nagbebenta ng tubig sa hatian sa supply eh...

is feeling , pero ang consumers ang totoong biktima...


>
yung Australian missionary..
na inaresto at d-in-etain ng Bureau of Immigration..
na tinakot pa na ipade-deport..
ang rason daw ay ang madalas nitong pakikilahok sa mga kilos protesta sa bansa..
naging bahagi rin daw ito recently ng International Fact-Finding and Solidarity Mission, na naglalayon na i-document ang mga human rights violations sa ilang bahagi ng Mindanao...

is feeling , lahat na lang ng gumagawa ng mabuti para sa bansa eh binubusalan ninyo, at nang wala pang tamang proseso...


>
yung mga dating opisyales ng Special Action Forces na pinagsisibak na..
yung mga nakasuhan ng plunder sa Ombudsman...

is feeling , baka kaya sila pumapalpak...

---o0o---


April 18, 2018...

yung binitawan na noon ng DTI yung pagse-set ng SRP..
kesyo bahala na daw yung mga negosyante...

tapos ngayong may problema sa presyuhan ng mga bigas, lalo na pagdating sa mga imported na commercial rice..
eh gusto nilang maki-set na ulit ng SRP sa tulong ng DA...

is feeling , dapat matagal nang ginawa.. hindi ngayong nagkakalokohan na...


>
nakakaawa yung Australian missionary..
kung paanong yurakan nung Hokage na Mahilig yung pagkatao niya ng dahil sa kanyang mabuting adhikain..
nagpapakita lang yun kung gaano nila tinututulan yung paglabas ng katotohanan...

may galit yata yung isang yun sa mga Australian missionary eh...?

siguro kung kasing-bata niya yung Australian missionary na nagahasa daw at napatay noon sa isang bilangguan sa Safest City..
baka pinagnasahan na rin siya nung Hokage na Mahilig..
baka ginusto nung loko na yun na makaisa rin sa kanya, na kesyo Hokage dapat ang makauna sa lahat ng mga kababaihan sa bansa..
kaso eh senior citizen na siya eh...

is feeling , Fox you ka, Hokage na Mahilig!

---o0o---


April 19, 2018...

sa Taguig City..
yung tanod..
na nakuhanan ng nasa Php 10,000,000 worth ng ilegal na droga, at maging ng ilang armas...

is feeling , malapit na ulit magbotohan...


>
yung kabobohan ng DTI..
yung gustong magpatupad na rin ng SRP para sa mga sari-sari store..
kaso ang gusto nila ay kapantay lang yun ng SRP sa mga grocery at supermarket...

mga tanga ba sila..?
eh karamihan nga sa mga yun eh sa mga grocery at supermarket na lang namimili, dahil ang mga yun ang mas accessible para sa mga maliliit lang na mga negosyante..
at marami sa mga yun ang hindi kayang bumili ng wholesale dahil limitado lang ang budget...

ibig sabihin, kapag namimili sila ng mga paninda nila, eh may mga panibagong buwis na silang binabayaran para dun..
may mga binabayaran ring additional na gatas para dun sa ibang produkto..
at may cost rin yung pagbibiyahe sa mga nabiling produkto (though may mga cases na libre naman ang delivery)...

bakit, ano bang plano ng DTI..?
na sila na ang magbabayad ng delivery o transportation cost, para direkta na ang bentahan mula sa mga manufacturers at wholesalers papunta sa bawat sari-sari store sa bansa...

is feeling , ano 'to, charity..? sa palugi dapat ang bentahan...??


Friday, April 13, 2018

Ang Alamat ng Most Undesirable Guy on Earth - Second Week of April 2018 (Out of Her League)

Loveless Story


April 9, 2018...

hala!
bakit malamig at maulan ang panahon..?
talagang kung kailan pa malapit na daw i-declare ang Tag-araw eh...

tapos wala pang rasyon ng lindol for April...

at na-realize ko pa na 13th ko na 'to..
as in isang numero lang talaga siya...

is feeling , naman, FATE.. walang siraan ng date ha.. huwag mo siyang ipapahamak nang dahil lang sa akin...


>
gagamitin muna ulit yung 48-Hour Rule..
effective mula bukas ng 5:00 AM...

sana lang talaga makuha ko na yung kailangan kong sagot..
nakailan na rin ako ng mga wrong timing na desisyon..
hindi naman sa hindi sulit..
pero sala lang talaga sa panahon...

is feeling , kailangan ko lang talaga ng matinong lead...

---o0o---


April 11, 2018...

natapos na..
at hindi ko maintindihan yung nararamdaman ko...

naghalo-halo na..
masaya naman..
na malungkot..
na parang gusto ko na lang sumuko...

madaming hindi nasunod sa mga plano ko..
though may nagawa rin naman akong bago na hindi ko inasahan..
nasagot din naman lahat ng katanungan ko..
at nasabi ko rin lahat ng ginusto kong sabihin sa kanya sa 2 taon na nakalipas...

madami akong nalaman about her..
gaya kung paanong ilang buwan na na ibang tao naman pala yung nagte-text sa akin..
kung paano ko siya naipahamak noon..
at meron ring mga bagay na sobrang nakaka-discourage...

practically speaking, it was not worth the money..
may mga nangyari rin kasi...

pagkapasok pa lang niya ng pintuan eh naalala ko na kung bakit ko siya nagustuhan..
pero mas na-realize ko rin kung anong kaibahan niya sa iba - kung anu-ano yung kulang sa kanya..
at naaasar ako kung bakit iba yung reaksyon ng katawan ko sa kanya...

binigyan niya ako ng information..
though it doesn't seem like a very reliable one..
hindi ko alam kung anong motibo niya..
pero sinabi niya rin sa akin na magkikita at magkikita rin kami someday...

is feeling , she's out of my league...


>
sa totoo lang..
hindi kayang ma-imagine ng utak ko kung paanong nangyari yun..?
malamang dahil hindi ko pa naman nararanasan yun...

kung paanong may mga taong kayang maglabas ng Php 5,000 to Php 8,000 per week, or even twice or more..
kung paanong may mga taong kayang gumastos ng ganung kalaki, kapalit lamang ng oras at coffee date..
kung paanong may mga tao na hindi na nangangailangan pang pag-isipan yung paglalabas ng Php 30,000 to Php 45,000...

kung paanong may mga taong minamani lang yung pagbabakasyon ng twice per month..
yung mga taong kayang gumastos ng Php 7,000 or more para sa accommodation..
o di kaya eh hanggang Php 10,000 to Php 12,000...

pinaparamdam nila sa akin na sobrang liit ko..
sa totoo lang nakaramdam ako ng inggit..
gusto kong maging ganung klase ng tao..
yung parang itinatae na lang ang pera nang walang effort..
that way, baka sakaling malabanan ko na yung pagiging undesirable ko...

is feeling , WTF, ano bang trabaho ng mga yun...?

---o0o---


April 12, 2018...

i can see her now..
pero limitado lang..
i don't know kung paano niya nagawa..
i have a data from a non-smart device..
pero she initially has my data on a smart device..
kaya nasurpresa ako kung paanong na-convert yung device niya..
i mean, obvious naman kung paanong nagagawa yun..
pero ang totoong tanong ay - bakit...?

isa pa..
mas kinabahan ako sa mga nadiskubre ko kanina..
ngayon kasi, yung 4 na suspected account ni Happily Married Rich Old Client ay nali-link na ng iisang klase ng baril..
at anong klaseng coincidence naman yun, na pare-parehas yung account name, tapos eh pare-parehas din ang paboritong linya ng baril...?

is feeling , if ever sa baril na calibre .45 ako mamatay.. then that could mean na na-track ako nung matandang yun...


>
hindi pa rin ako makapaniwala na after almost 3 years..
eh nasa 17 hours and 1 minute pa lang yung pinagsamahan naming dalawa...

masyado nang malaki ang nagastos ko para sa pag-aaral na 'to..
more than Php 128,500..
na dapat sana ay nasa Php 123,900 lang kahit papaano..
at panahon na para magretiro..
tutal naman eh kahit na Robust Extreme eh hindi magawang maging reliable sa lahat ng pagkakataon..
hindi yun yung na-imagine ko na katapusan..
andami kasing pumalya..
pero kailangan ko na rin ngang tapusin...

hindi na ako makikipaglaro sa kanya na gamit ang pera..
tutal naman eh hindi ko talaga linya ang pera..
binigyan niya na rin lang ako ng konting pag-asa para mahanap ko siya..
edi doon na lang ako dadaan...

is feeling , 17 hours out of 3 years...

-----o0o-----


[V-League]


UAAP Season 80 - Women's Volleyball (Round 2)


April 7, 2018...

AdU versus FEU

mukhang end na ng campaign ng Adamson...

ang 15th 5-setter match ng season..
sa MOA na ang labanan eh..
panalo ang FEU...

sa Set 1, lahat ng stats ay nadomina ng FEU, maging ang errors..
natapos yun sa 25-22..
sa Set 2 naman, 8-2 at 16-6 yung naging resulta ng mga score sa bawat technical timeout, in favor of Adamson..
hindi ko na napanood yung game after that..
nagulat ako noong nabalitaan ko na umabot pa sa 27-25 yung labanan, pero nakuha pa rin naman ng Lady Falcons yung set..
overkill naman ang Set 3, 25-14, pabor sa Adamson..
pero parehas na naagaw pa daw ng FEU ang Set 4 at 5, 25-22 at 15-11...

panibagong upset para sa Adamson..
at nabawian pa sila ng FEU..
sa resulta pa lang ng Set 2, 4, at 5 eh nakikita na ang pagiging pabaya ng Lady Falcons..
sayang ang mga kalamangan kung parating nababaliktad yung resulta nung laro...


ADMU versus UP

Battle of Katipunan..
tapos parang tanga pa ang Ateneo..
3-0..
panalo ang UP..
sa Set 1, Ateneo pa ang nakabawi at nauna sa set point, pero natalo pa rin sila ng UP sa set na yun..
pero for Set 2 and 3, eh nakakahiya na parehas na naagaw pa ng UP yung mga set mula sa Ateneo...

ayun..
tumabla pa tuloy ang UP sa Adamson..
at UE pa talaga ang last game nila...

is feeling , nasayang yung recovery ni Galanza dahil sa mga diskarte nila...

---o0o---


April 8, 2018...

NU versus UE

3-0..
nanalo na ang NU sa Round 2..
sa UE na sana yung Set 1, pero naagaw pa nina Jaja...

importante yung panalo na yun para sa NU, dahil naging void na ang kampanya ng UP at UST since hindi na aabot sa 7 ang wins nila...


DLSU versus UST

3-0 rin..
pero close fight..
panalo ang La Salle..
sa UST sana ang Set 1, pero nabaliktad pa ng DLSU yung set...

at nakapaglaro pa ang bench ng La Salle...

is feeling , kapag hindi nanalo ang Adamson laban sa La Salle, eh tapos na ang pangarap ni Galanza...

---o0o---


April 11, 2018...

End of Campaign

AdU versus DLSU

3-1..
nag-Roque experiment naman ngayon si Coach Padda..
panalo ang La Salle..
nakaganti na nga sila sa Adamson..
at tuluyan pa nilang inalis yung team sa Top 4...


FEU versus UE

3-0..
panalo ang FEU as expected...

is feeling , nasayang lang talaga ang campaign ni Galanza, though may nagawa rin nga silang memorable for this season...

-----o0o-----


April 7, 2018...

bad news...

bawas na ng tagapag-alaga yung 2 bata..
may mga nararamdaman na yung matandang lalaki..
atungal nang atungal na gusto na niyang mamatay..
pero request rin naman nang request ng pampa-checkup, ng mga gamot, at mga healthy (expensive) natural food...

holy crap!
sino bang nagsabi sa kanya na sugal at pangungutang ang gawin niyang career sa buhay..?
sino bang nagsabi sa kanya na sigarilyo ang gawing bisyo at panulak ng tae..?
sino bang nagsabi sa kanya na i-upgrade yung madalas niyang almusal noon na pandesal na isinasawsaw sa kape, para gawing araw-araw ang pagkain ng cholesterol..?
sino bang nagsabi sa kanya na parating kumain ng matatamis na pagkain..?
sino bang nagsabi sa kanya na gabi-gabi ay kumain ng maaalat na junk food bago matulog...?

at lahat ng yun eh nagagawa niya nang hindi niya pinagtatrabahuhan yung pera...

nakakaawa lang yung biological mother ko..
halos siya na ang nagpakain sa asawa niya simula noong ipagbili nung lalaki yung tricycle na binili niya para dito, para lang magkaroon ito ng puhunan noon para sa sugal..
tapos magpaparamdam pa siya nang magpaparamdam ngayon na pati yung kalusugan niya eh dapat naming pagkagastusan..
eh hindi naman kami ang sumira nun eh - kundi siya rin at ang bulok na lifestyle niya...

ang masama pa nito..
eh nakakakain na naman ang oras ko sa pag-aalaga dun sa baby..
samantalang yung pamilya nila eh masayang kumikita ng pera...

is feeling , kung ako ang masusunod.. hindi ko para ipangutang ang buhay ng isang palamunin...


>
naalala ko tuloy yung isa kong uncle-in-law..
noong nalaman niya na may sakit siya..
cancer of some sort yata yun if i'm not mistaken..
hindi na niya inabala pa yung buong pamilya niya para sa pagpapagamot o ano..
considering the fact na nakaaangat naman sa buhay yung pangalawa niyang anak..
during those times na kaya pa niya eh patuloy lang siyang nagtatrabaho para sa negosyo nila..
na parang ordinaryong mga araw lang yun para sa kanya..
tapos noong nararamdaman na niya siguro na malapit na siyang mawala, nag-request siya na magbakasyon sa bahay ng isa sa mga blood-aunt ko..
at isang araw, mapayapa siyang namatay habang nanonood ng TV...

bukod dun..
napakabuti rin niya sa aming lahat na magkakamag-anak (sa mother side ko)...

yung pakiramdam na may kakilala kang mabuti at napakaresponsableng tao na piniling mawala sa mundo na 'to nang hindi nagiging pabigat para sa mga nakapaligid sa kanya..
tapos makikita mo yung isang walang kuwentang tao na puros pagrereklamo pa ang ginagawa...?

is feeling , short cut, please.. nakakabingi na eh...


>
[Business]

puros delubyo ang dala ng pamunuan na 'to... :(

tumaas na rin nang husto ang presyo ng Milo, Php 12.50 na ang nadagdag..
hindi ko na kaya na ibenta pa yun ng Php 6.00 per sachet..
yung washed sugar naman eh tumaas na ulit ng Php 1.75...

at hindi lang yun..
dahil yung mga binili kong non-grocery items eh tumaas rin ang mga presyo..
yung mga multivitamins..
pati energy drink, na sakop nga pala ng gatasan...

wala bang makakapigil sa kanila..?
kahit dun sa gatasan man lamang..
puros pagsasayang lang naman sila ng pera eh..
sa ayuda rin lang napupunta yung karamihan...

is feeling , at ang pagkakataon nga naman.. nakita ko na ulit si Emoji-Girl kanina.. pero hindi naka-uniform habang nasa trabaho...

---o0o---


April 13, 2018...

Friday na Friday..
araw ng maraming trabaho..
pero may lihim na schedule ng short brownout... :(

ang masama pa nito..
wala ng pinapaikot na tagapaghatid ng advisory ang [Name of Electric Cooperative]..
asa na lang sila sa Facebook...

is feeling , sobra kayong mang-discriminate nung mga walang internet o data connection...

---o0o---


April 14, 2018...

[TV Series]

The Good Son

okay naman yung mga last episodes niya..
at tungkol nga siya sa pagpapatawad...

yung ginawang pagliligtas ni Joseph kina Obet at Enzo ay lubhang nagpabago dun sa 2 niyang kapatid..
mula sa pagpapaubaya nila na lamunin sila ng kanilang mga galit, eh natutunan nila na ipaglaban muli yung tamang hustisya...

sa huli, na-reveal na si Olivia nga talaga yung lumason kay Victor..
at ginawa niya yun bago ito umalis noon para magtungo sa bahay nina Raquel..
masakit ang naging mga huling sandali ni Olivia sa mundo, pero pinatawad pa rin naman siya ni Joseph..
at maging si Joseph ay humingi rin ng tawad sa kanya dahil sa pagiging pamilya nila sa labas...

na-justify rin yung ginawa ni Anthony na pagkuha dun sa pera nung kompanya..
na prinotektahan niya lang talaga yun para sa kanyang mga pamangkin..
bale, ibinilin niya na hindi nila yun makukuha hangga't hindi pa natutukoy kung sino ba talaga ang pumatay kay Victor..
pinatunayan rin nun na totoong minahal ni Anthony yung mga bata..
though, hindi na talaga na-reveal kung ano ba yung sinasabi niya noon na kasalanan na nagawa niya sa kanyang Kuya Victor..
pero posibleng yung pagtutol niya sa pagdidikta nito sa mga gagawin niya sa kanyang buhay ang tinutukoy niya...

maging si Arthur eh mukhang nagbago rin sa loob ng kulungan...

is feeling , sa wakas.. makakatulog na ulit nang maaga...