Saturday, January 10, 2026

Ang Alamat ng Most Undesirable Guy on Earth - First Week of January 2026 (The Fear of Demonic Neighbors)

Loveless Story


January 3, 2026...

bad news..
dati na talagang nagiging aktibo ang mga magnanakaw sa lugar namin tuwing holiday season hanggang fiesta..
bukod pa yung mga holdaper dati sa loob nitong subdivision..
pero mas nakakatakot nga pala ngayong nakukunan na sila ng mga CCTV camera...

is feeling , sunud-sunod...

---o0o---


January 5, 2026...

2026..
at lalo pang nagiging demonyo ang mga kliyente na dayo dito sa subdivision namin..
put*ng ina, naka-3 tutok na kaagad sa gate namin pagpasok ng New Year..
nakasampa pa sa sidewalk para talagang harangan lahat ng daan namin... 🙁

put*ng ina..
may mga lisensya para mag-drive pero mga walang alam sa batas..
ganito kabulok ang sistema sa bayan na ito..
bayan ng mga tiwali... 🙁

is feeling , kung kailan ako nagpaskil ng babala, eh saka sila tuwang-tuwa na ikinukulong kami...


>
anong pakiramdam ko ngayon..?
takot na takot..
yung takot na baka itumba o ipatumba kami ng mga negosyante naming kapitbahay na inangkin na ang buong kalye sa lugar namin..
2 na kase yung naitaboy ko na nag-park sa harapan mismo ng bakuran namin, at iniakyat pa talaga ang sasakyan sa sidewalk...

kaya kanina, nagpaskil na naman ako ng panibagong karatula..
nagbaon din sa lupa ng bakal na pagpapaskilan..
lahat ng iyon ginawa ko habang umuulan, nakapayong ako, at 1 kamay lang ang ginagamit ko sa pag-i-install ng mga bagay-bagay...

is feeling , nakakatakot yung mga taong hindi sumusunod sa batas.. lalo na kapag alam na nila na may problema, pero talagang inuulit-ulit pa rin nila ang mga kagaguhan nila...


>
may 2 hours sana ako kaninang hapon para magtrabaho..
pero inuna ko ngang asikasuhin yung karatula..
pero winawasak na kaagad sila ng ulan dahil sa taglay kong kamalasan... 🙁

tapos..
kumatok sa amin kanina yung matandang babae na galing sa kapitbahay..
nag-aalok ng kamoteng kahoy..
ano ako, tanga..?
makikipagkasundo ako dahil lang sa kamoteng kahoy..?
at hahayaan na habambuhay na nilang gawing parking lot ang mismong tapat ng gate namin...??

mga demonyo kayo..
ganid sa pera..
at tagawasak pa ng kalikasan...

is feeling , napapalibutan kami ng mga demonyo nang dahil sa kamalasan na taglay ko...

---o0o---


January 7, 2026...

ang nakakatakot sa mga tao..?
kapag sinita mo sila dahil sa mga ginagawa nila na labag sa batas..
nagagalit sila na parang sila yung biktima..
kasi hindi na nila makamkam yung mga hindi naman sa kanila, pero gusto nilang angkinin..
tapos maghihiganti dahil napabatid mo sa mga tao kung gaano sila kasama...

is feeling , sana mawala na sa mundo lahat ng abusadong mga tao.. nang biglaan...

---o0o---


January 8, 2026...

[Game]

bad news..
at tinanggal na rin nga ng scam game developers ang SLP reward mula sa Origins..
patunay na nalulugi na talaga nang husto yung kompanya nila..
konting AXS na lang mula sa quests ang maaasahan ko ngayon para sa recovery effort...

is ⚠ feeling , nalalapit na ang katapusan ng scam game...

-----o0o-----


[Sports]


January 5, 2026...

nice experience para kay Eala sa simula ng 2026..
nanalo sila ni Iva Jovic sa Doubles laban sa pares lang naman nina Venus Williams..
legendary...

parehas pang mga cutie sa court...

is  feeling , salamat sa tulong, Iva Jovic...

---o0o---


January 8, 2026...

pasok na si Alex Eala sa Quaterfinals ng Singles sa ASB Classic..
at nakakatuwa na 2 nasa top 100 na ulit ang nagawa niyang talunin this 2026...

bukod doon..
eh pasok na rin sila ni Iva Jovic sa Semifinals ng Doubles..
winner through walkover kaya hindi na kinailangan ni Alex na magdire-diretso ng laro kaninang umaga...

is  feeling , konti na lang.. Alex Eala at Iva Jovic matchup sana sa Finals.. iyon, matapos sana nilang mag-champion sa Doubles...

---o0o---


January 9, 2026...

ayos..
pasok na rin si Alex Eala sa Semifinals..
ang 3rd win niya laban sa isang player na nasa Top 100 pa rin..
laban sa 5th seed nitong tournament..
at hindi pa niya natatalo dati sa ilang match yung player na iyon..
patunay lang na nag-i-improve pa nga ang laro niya..
nag-a-adjust na siya sa hakbang ng kalaban...

at nanalo din nga si Iva Jovic sa sarili niyang extended na match para sa Quaterfinals..
kaya naman palapit nang palapit ang landas nilang 2 ni Eala laban sa isa't isa...

pero hanggang sa Semifinals na lang ulit nagtapos ang Doubles journey nina Eala this time..
against sa 3rd seed..
maganda ang simula nila sa Set 1..
ganun din sa Set 2..
pero nagagawang baliktarin ng mga Imperyalista ang takbo ng laban..
base din sa commentator ay lumalabas na maraming error si Iva Jovic sa larong ito..
factor na rin siguro yung pagod nila mula sa mga laban nila kaninang umaga...

is  feeling , sayang.. pero okay, focus na sa Singles...

-----o0o-----


January 3, 2026...

[Trade]

day 753...

medyo umangat na ang market..
hindi talaga ako makalapit sa target value ko..
sa ARDR man..
o sa TNSR...

is feeling , mga demonyo talaga ang lahat sa paligid ko...

---o0o---


January 4, 2026...

[Trade]

day 754...

wala talagang kuwentang buhay ito... 🙁

is feeling , ang dedemonyo ninyong lahat laban sa akin...

---o0o---


January 5, 2026...

[Trade]

day 755...

wala..
puros masasama lang ang mga pangyayari sa buhay ko... 🙁

is feeling , buhay na nababalot ng kademonyohan at ng mga kamalasan...

---o0o---


January 6, 2026...

[Trade]

day 756...

mabilis ang akyat ng Bitcoin..
pero parehas na supot ang hila niya sa ARDR at TNSR...

is feeling , wala na yata talagang tama na mangyayari sa basurang buhay na ito...

---o0o---


January 7, 2026...

[Trade]

day 757...

medyo bumaba ang Bitcoin..
bumaba ang TNSR..
pero nanlaban at lumayo sa dati nilang level ang ARDR... 🙁

is feeling , wala na yata talagang darating na pagkakataon.. parang yung FATE na inilalatag para sa akin ng mga makapangyarihan, eh patungo lang sa brutal na katapusan.. ang mapalibutan ng lahat ng klase ng mga demonyo...

---o0o---


January 8, 2026...

[Trade]

day 758...

level 5.44 to 6.61 ng ARDR..
USD 23 sana iyon para sa akin..
level 6.24 to 6.79 yung sumunod..
USD 9 din sana iyon..
level 6.22 to 6.86..
USD 11 naman sana iyon... 🙁

pababa na ulit ang Bitcoin..
bumaba ang TNSR..
kaso nanlalaban naman ang ARDR...

is feeling , nanlalaban ang ARDR dahil alam ng mga makapangyarihan na may mababa akong bid sa kanila...

---o0o---


January 9, 2026...

[Trade]

day 759...

medyo umangat ulit ang Bitcoin..
wala ulit dahilan para mahila ang ARDR at TNSR pababa... 🙁

tapos..
sobra nang bumagsak ang presyo ng bentahan ng mga peste...

is feeling , kailangan ko pa ring mabawi lahat ng pera ko doon...


No comments:

Post a Comment