Loveless Story
March 2, 2025...
problema..
wala pang update tungkol sa gagawing repair nitong bahay..
hindi naman ako pwedeng magpake na ng mga gamit ko kung hindi pa naman magsisimula ang gawaan..
dahil hindi na ako makakapagtrabaho sa oras na bakantehin ko na ang kuwarto ko...
ang hirap pa naman mag-ayos ng mga gamit ko kung makikipaghulaan pa ako ng schedule..
hindi pwede ang biglaan...
is
feeling , pahirapan 'to...

>
malapit ko na palang maabot yung quota ko sa Google..
biglang pumalo yung pasok ng share sa akin last month..
lumagpas sa average...
kailangan ko nang magtanong sa bangko kung pwede na ba akong gumamit ng direct international transfer..?
o kung kailangan ko lang bang mag-stick sa bank check...?
is
feeling , kailangan ko na umabot sa Php 61 ang palitan ng dolyar bago ako makapag-withdraw...

>
[Online Marketing]
natapos na nga ang February..
at ngayong araw lang nag-register na naabot ko naman pala yung quota para sa 2nd store...
mabuti naman kung ganun..
at least, hindi ko na kailangang gumawa ng special request..
di ko na kailangang baliin ang sarili kong directive..
automatic na lang na mangyayari ang lahat sa April...
is
feeling , sige lang...

---o0o---
March 3, 2025...
[Pests]
nabungaran na naman ng masamang umaga..
nagre-relocate na naman ang mga langgam..
sa loob ng bahay namin..
at nabahayan na naman nila ang isa sa mga kahon ko na may laman na Star Wars..
nakakapagod ang ganitong klase ng digmaan... 🙁
nalagasan kaagad ako ng nasa 50 minutes..
late na nga akong magsisimula sa routine ko..
tapos naabala pa... 🙁
is
feeling , tigilan nyo na ako...

---o0o---
March 4, 2025...
[Gadget-Related]
demonyong buhay talaga 'to..
kailangan kong makipag-communicate sa bangko ko..
pero 2 araw ko nang hindi magawa..
hindi ko mabuksan ang e-mail address ko..
dahil hanggang nagyon eh hindi pa rin gumagana ang SMS OTP ng Yahoo... 🙁
bukod pa nga sa tinanggalan kami ng landline service ng ganid na Globe... 🙁
is
feeling , put*ng ina ninyong mga kompanya kayo.. kung hindi kayo marunong gumamit ng OTP, edi huwag kayong nakikiuso...

>
dahil sa hindi matukoy na schedule ng repair ng bahay..
eh wala muna tuloy akong general cleaning ngayong buwan ng March...
is
feeling , hula-hulaan na lang...

>
wala talagang nakalaan na lugar sa mundo ang mga taong talunan... 🙁
palagi na lang akong nasa maysa-demonyong sitwasyon... 🙁
is 💀 feeling , huwag ka nang malungkot, AIDS positive...
---o0o---
March 5, 2025...
[Pests]
nakakapagod na halos oras-oras eh kailangan mong makipaglaban sa mga insekto..
para kang binabarang palagi... 🙁
wala pa namang utak ang mga langgam..
kahit tapusin mo sa pinagbabawal na teritoryo ang ilang libong kagrupo nila..
kahit pag-amuyin insecticide mo pa..
eh hindi naman iyon guarantee na titigilan na nila ang pag-e-explore sa area na iyon... 🙁
is
feeling , lintik na Climate Change 'yan.. pati mga langgam eh binabanas na sa kalikasan...

---o0o---
March 6, 2025...
[TV Series]
Saving Grace
malaki yung butas nung script simula pa sa umpisa..
applicable lang kasi yung ganun sa mga bansa na sobrang magulo at kung saan hindi na ma-manage ng gobyerno ang maraming bagay..
mas madali kasing lumapit sa mga awtoridad kumpara sa mag-decide ka na mang-kidnap habang may sobrang halaga ka na gustong gawin para sa buhay mo..
pero for the sake of storytelling, eh maganda nga yung kuwento...
ang ligalig ni Grace..
realistic yung mga emosyon niya kaya madaling maka-relate sa kanya..
sobrang kaawa-awang kutuhin na bata, haha..
pati si Pipo nadamay sa kalupitan..
lately hindi ko na nararanasan na maiyak dahil sa mga kamalasan na dinadanas ko sa buhay..
madalas kahit na gusto kong umiyak, parang nasanay na ang katawan ko na perpektong bobo ako pagdating sa lahat ng bagay..
kaya naman sa halip na makaiyak pa, eh puros sakit na lang ng ulo at bigat ng loob ang nararamdaman ko..
mabuti naman at magaling na panulak yung palabas..
yun nga lang, madalas na naman akong puyat..
hanggang Incognito lang kasi talaga ang okay na oras para manatili akong gising sa gabi, at para makabangon ako tuwing 5:00 AM...
is
feeling , maraming salamat sa pagpapaiyak...

---o0o---
March 7, 2025...
nagtatago na naman yung p*ta..
nag-private mode lang siya noong una..
tapos lately eh "couldn't find this account" na..
kahit na nakikita pa naman yung result sa Google search...
is
feeling , maagnas sana 'yang pekeng ilong mo...

>
[Game]
may MMO (Massively Multiplayer Online) na ang scam game..
Ragnarok mode na..
na may Harvest Moon feature din..
pero bahala na sila dun..
pagod na ako sa mga laro na walang time limit..
kapag inilipat nila lahat ng klase ng reward doon, edi tigil na..
stagnant na ang assets...
is
feeling , scammers...

-----o0o-----
March 1, 2025...
[Trade]
day 445...
hapon kahapon nang bumagsak na pala ang Bitcoin below USD 80,000..
so far saturated pa naman yung mga latest na bottom ng maraming asset..
kailangan lang talagang maiwasan na mas bumagsak pa ang Bitcoin...
nagawa din naman ng HEI na makaakyat nang lagpas sa 2nd entry point ko kagabi..
kaso medyo bumaba na ang trading volume nila simula pa kahapon..
at pababa na naman sila nitong umaga...
tapos heto..
tinamaan ng anomaly ang HEI..
bumagsak sila nang halos mag-isa lang, kontra sa direksyon ng karamihan sa mga asset... 🙁
is
feeling , HEI, ano yan..? accumulation sa mas mababang level..? mag-pump na lang kayo hanggang level 120...

---o0o---
March 2, 2025...
[Trade]
day 446...
bumaba pa below USD 10 Million ang trading volume ng HEI..
nasa USD 4 Million na yung nalalagas sa kanila sa nakaraang ilang araw..
bumaba rin hanggang below level 51 ang bottom nila ngayong araw...
is
feeling , HEI naman, gawin nyo na yung level l20 na pump...

---o0o---
March 3, 2025...
[Trade]
day 447...
medyo umakyat ang HEI kahapon ng hapon..
kaso nag-retrace din lang noong gabi na..
hindi tuloy nila napakinabangan nang husto ang ginawang pump ng Bitcoin simula kaninang madaling araw... 🙁
tapos taas-baba ang HEI ngayong araw..
pero naka-maintain naman sa ibaba ng parehas kong entry point... 🙁
is
feeling , ako ba ang may kagagawan nito sa HEI...??

---o0o---
March 4, 2025...
[Trade]
day 448...
nawalan ng kuwenta yung pump kahapon dahil nag-crash na naman ang majority ng market ngayong araw.. 🙁
dahil sa hila ng pesteng Bitcoin...
USD 98 yung latest na na-recover sana para sa akin ng AST..
USD 63 yung sa BTTC..
usd 60 yung sa ARDR..
at USD 65 naman sana yung sa HEI... 🙁
at nangyari na nga ang kinatatakutan ko..
dahil nagpasok ako ng pondo sa mas mababang entry point..
eh mas nag-crash pa tuloy ang HEI hanggang below level 49..
nasa USD 100 na ulit kaagad ang nalalagas sa pondo ko dahil sa taglay kong matinding kamalasan... 🙁
gaano kalakas ang taglay kong kamalasan..?
halos hindi nagbago ang bottom ng BTTC..
ganun din ang sa ARDR..
at ganun din ang sa AST..
samantalang gumawa nga ng panibagong bottom ang HEI na below level 49... 🙁
is
feeling , kung iiwas ang mga investor dahil lang sa nasa HEI ako, edi hindi na talaga ako makaka-recover habambuhay...

>
[Trade]
noong tumaya ako sa level 60 plus, pinabagsak nila ang palitan sa 50 plus..
tapos noong tumaya naman ako sa level 50 plus, eh pinabagsak pa nila ang palitan hanggang 40 plus na lang... 🙁
bumaba pa below 45 ang level ng HEI..
umaabot na sa USD 140 ang nalalagas na pondo sa akin kapag ganun... 🙁
nag-crash naman ang AST hanggang level 47 dahil isinauli na sila ng Binance sa pulang Monitoring tag..
kaya posibleng hindi ko na sila mapakinabangan sa hinaharap... 🙁
is
feeling , HEI, sumabog naman kayo.. hindi kayo pwedeng mapasali kaagad sa Monitoring tag...

---o0o---
March 5, 2025...
[Trade]
USD 1,134 na halaga ng mga asset..
paulit-ulit ko lang na itinatapon sa loob ng 3 years..
nakakabawi man, pero mas madalas na kulang para mabawi ko sana yung kabuuang halaga..
at paulit-ulit din ngang nalulugi..
kaya wala rin... 🙁
hindi nagawang mag-pump ng ARDR noong tumaya ako sa kanila matapos ang US Election..
kinapos naman ang pump ng AST sa target ko around the time ng Imperial New Year..
kaya naman, sasapitin din kaya ng HEI ang mga kamalasan na dinala ko sa ARDR at AST noong nasa poder nila ako...??
is
feeling , ni minsan wala akong naranasan na mega pump.. kaya malamang na dala-dala ko ang anomaly na iyon...

>
[Trade]
day 449...
wala pa ring magandang kilos ang HEI..
siraulo talaga 'tong bagong pangulo ng America..
parang yung dating pangulo nitong bayan..
puros yabang lang...
is
feeling , bakit napapabagsak ko nang husto lahat ng asset na pinapasukan ko...??

---o0o---
March 6, 2025...
[Trade]
habambuhay kong pagsisisihan ang pag-exit ko sa XRP.. 🙁
ang pag-exit ko sa GMT.. 🙁
at ang pag-exit ko sa QI... 🙁
is
feeling , wala na akong ginawang tama...

>
[Trade]
day 450...
malaki na ang nare-recover kaagad ng Bitcoin..
pero naiwan naman ang HEI..
ibig sabihin..?
nasa delikadong sitwasyon ang HEI kung sakaling magloko na naman ang Bitcoin dahil sa manipulasyon ng grupo ng US President... 🙁
January 13 nitong taon noong nakulong ako sa AST..
February 13 naman noong ni-list ang HEI sa Binance..
at iyon lang ang natatanging pagkakataon na nagawa nilang malagpasan ang level 100 ng LIT..
malapit na ulit lumipas ang 1 pang buwan, kaya ano kayang mangyayari naman sa March 13...??
is
feeling , bumaba pa hanggang below USD 9 Million ang trading volume ng HEI...

---o0o---
March 7, 2025...
[Trade]
day 451...
tapos na nga pala ang 5th of the month..
pero wala pa ring nangyayaring maganda... 🙁
may mga bagong high ang HEI ngayong araw..
pero kulang pa rin para man lamang ma-recover ko yung padalawa kong pondo...
is
feeling , please lang.. gawin nyo naman yung mga nagagawa ninyo noon na sudden huge pump...

No comments:
Post a Comment