Saturday, February 3, 2024

Ang Alamat ng Most Undesirable Guy on Earth - Last Few Days of January 2024 (Die Will Be Done)

Loveless Story


January 29, 2024...

tried helping someone from another group this night..
kaya ginabi na ako ng tulog..
unfortunately may nag-leak ng lumang mga scandal nung babae..
sa social media..
at nang libre..
at kasama pa ang mga link sa social media accounts nila... 🙁

akala ko noong una nagbebenta naman sila ng content..
pero naalarma ako noong nalaman ko na isini-share lang pala yung mga video nang wala ngang bayad..
kitang-kita pa naman ang mga mukha nila doon..
so in-inform ko yung babae, for the sake of her family..
nag-panic siya siyempre..
most probably gulung-gulo..
pero nandun na eh, at marahas na public place ang internet..
sana lang ay magawan pa namin ng paraan yung gulong napasok niya...

is feeling , sana maging matatag siya sa pagharap sa gulong ito...

---o0o---


January 31, 2024...

nakakatawa ang mga tao..
naniniwala sila sa eternal life pagkatapos ng buhay sa mundo..
pero mas gusto pa din nilang panatilihing buhay ang mga kamag-anak nila na nasa bingit na...

is feeling , handa silang huthutan ang ibang tao na may kanya-kanya ding arawang laban sa buhay, para yung sa kanila ang maka-survive...


>
eternal life..
kung ang ipinagmamalaki nilang eternal life eh katulad din lang ng buhay sa mundo na ang mga pwede mo lang gawin ay lahat ng mga isinulat ng mga sinaunang tao..?
then wala ngang kuwenta ang walang hanggang buhay..
ang mabuhay lang sa mundo bilang slave..
tapos pati sa eternal life eh magiging slave ka lang din...

is 💀 feeling , ayoko sa banta ng eternal life.. gusto kong mabura ang existence ko kapag natapos na ang buhay ko...


>
sa tuwing nakikita ko yung bill sa life insurance ko..
lalo lang lumiliit ang tingin ko sa sarili ko..
Php 4,000 plus a month..??
eh ni hindi na nga ako kumikita ng ganun matagal na..
tapos parang wala lang para dun sa taong nagbabayad ng insurance para sa akin..
parang kasing-dali lang ng paghinga ang pagpasok ng mga pera sa kanila...

is 💀 feeling , sobrang basura ko...

---o0o---


February 1, 2024...

nakakatuwa yung mga babaeng puros kamanyakan at paghahangad ng hotdog ang ipino-post sa social media..
parang ang sarap kakuwentuhan sa personal... XD

is feeling , ang lilikot...

---o0o---


February 2, 2024...

[Lottery]

hindi 'to maganda..
simula nang mag-imbestiga tungkol sa mga anomalya sa PCSO..
sa loob lamang ng maikling panahon..
eh 3 jackpot na kaagad ang nakuha sa kanila...

is feeling , gatas na gatas ang sistema...


>
[Medical Condition]

base sa pakiramdam ko..
puso na mismo ang may deperensya sa akin..
delikado na para sa akin na ma-excite... 🙁

yung depression..
lahat ng rage na naramdaman ko dahil doon sa demonyong game..
kasama na din yung mga idinulot ng lahat ng kamalasan na inabot ko sa Binance..
i guess lahat ng iyon ang nag-contribute para masira na rin ang puso ko... 🙁

talagang gusto nilang ipagbawal na sa akin na tuluyan kong makumpleto yung Dream Date.. 🙁
para sa isang miserable na basurang buhay...

is 💀 feeling , literal na die will be done...

-----o0o-----


January 27, 2024...

[Trade]

day 46 mula sa pagkalugi..
day 34 para sa extended kong pagkakulong sa QI...

puros mga bagong Seed assets naman ang p-in-ump nila ngayong araw...

is feeling , ano ba, AVAX..? sumabog ka na hanggang USD 100...

---o0o---


January 28, 2024...

[Trade]

day 47 mula sa pagkalugi..
day 35 para sa pagkakulong ko sa QI...

pataas ang QI ngayong araw..
dahil sa hila ng Bitcoin, at sa pagpasok din ng trading volume...

ang mga napakawalan kong exit point sa QI..?
USD 0.026 yung maximum..
USD 0.024 para may naisalba sana akong USD 450..
USD 0.019 to 0.022 na kayang kumita ng USD 71 para sa USD 450 na puhunan..
USD 0.017 to 0.021 para sa USD 105 na kita..
USD 0.018 to 0.021 para sa USD 75 na kita..
USD 0.015 to 0.018 para sa USD 90 na kita..
total na USD 341 sana na recovery sa mga panahon na bagsak ang Bitcoin..
ganun kalaki ang posibleng kita mula sa 4 na major pumps na nagawa ng QI sa panahon na nasa ilalim sila ng isinumpang entry point ko..
at lahat ng iyon nangyari lang within 35 days...

is feeling , patunay kung gaano ako kamalas...


>
[Trade]

ayun..
after 35 days, eh tuluyan na akong nagpalugi sa QI..
ini-record ko na yung losses ko..
bale nagtapon ng pinaghirapan ko na USD 196... 🙁

as usual, mali-mali na naman lahat ng mga ginawa ko..
USD 5 yung hindi ko na-maximize sa naging exit point ko..
USD 9 sana ang kinita ko mula sa ikalawang pump..
USD 17 sa ikatlo at mas mataas kesa sa exit point ko na pump..
USD 19 sa 4th pump..
total kaagad ng USD 50 ang napakawalan kong mga kita matapos ang palugi kong exit... 🙁

kung inabutan ko lang sana yung quick pump noong dinner by January 21..
edi sana eh nasa USD 441 na ako ngayong araw kahit papaano...

is feeling , AST, pausap na.. nagawa mong sumabog nang 2 beses noong December.. gawin mo naman sana ulit ngayon, hanggang USD 0.16...

---o0o---


January 29, 2024...

[Trade]

day 48 mula sa pagkalugi...

ang dami ko kaagad napakawalan sa AST dahil bumaba na naman ang Bitcoin..
USD 3..
USD 5..
USD 5..
USD 13 kaagad na total na sablay sa loob lamang ng isang magdamag... 🙁

tapos unang umaga ko pa lang ulit sa AST at naka-maintain na kaagad ako below sa entry point ko dahil sa bahagyang pagbaba ng Bitcoin...

nagbenta ako kanina para sa karagdagang USD 3..
USD 6 naman ang napakawalan kong chance sa maghapon..
at hanggang sa mga oras na ito eh hindi pa ulit ako nakakabalik sa loob ng AST...

is feeling , AST, please.. USD 0.16 na pump...

---o0o---


January 30, 2024...

[Trade]

day 49 mula sa pagkalugi...

lumalabas na lahat pala ng naipalugi ko since July 2023, eh mas malaki pa kesa sa natira sa akin na pondo...

pataas ang Bitcoin at ang market ngayong araw..
pero nagbenta na din muna ako sa AST para makakuha ng USD 9...

hindi bumababa ang QI sa safe level..
samantalang hindi pa din ako makabalik sa AST..
wala tuloy akong mapasukan ngayon...

is feeling , 30 days left.. QI at AST, ngayon kayo bumagsak nang husto...

---o0o---


January 31, 2024...

[Game / Scam]

end of Rare Era sa Season 7..
nasa top 13,000 players naman ako kahit pa walang espesyal sa mga gamit kong halimaw..
pero sobrang konti na lang ng AXS ngayon, 0.0 something na lang...

nakapag-Craft naman ako kaagad ng useful sana na Charm sa pagpasok ng Epic Era..
ang problema..?
kagaya ko, eh palpak yung item at hindi gumagana nang maayos yung special effect... 🙁

tapos, proven ko na din ang game-fixing doon sa laro..
totoong kontrolado ng system yung mga losing streak at winning streak, simula pa noong Classic..
hindi totoo ang balasahan ng mga baraha, dahil niluluto ng system ang laban sa pamamagitan ng card draw...

is feeling , pati item nahahawa sa kapalpakan ko...


>
[Trade]

day 50 mula sa pagkalugi..
huling araw na din ng January...

ang mga nauna kong sablay sa AST..?
USD 3 kagabi..
USD 5 kagabi din..
USD 3 sa unang akyat mula sa dip kaninang umaga..
USD 4 sa ikalawang akyat..
total na USD 15...

sumugal na muna sa trading competition ng Solana..
aasa na may magpa-pump nga sa kanila..
nakakapagtaka lang na hindi kasali ang FIDA...

is feeling , 29 days left.. BONK, 40% pump naman dyan...


>
[Trade]

nangyari na naman... 🙁

matapos kong mawala sa AST..
eh nag-pump sila ngayong hapon..
kumontra pala sila sa Bitcoin dip kanina...

ang mga napakawalan ko..?
USD 23 sa unang pump..
USD 22 sa ikalawa at mas mataas na level ng pump..
total na USD 45 na sablay sa isang hapon lamang... 🙁

bukod pa yung USD 15 kaninang umaga..
so USD 60 lahat-lahat ang napakawalan ko, na naman... 🙁

bakit..?
bakit ba talaga..?
bakit saka gumagawa ng matataas na pump ang asset sa tuwing nawawala ako sa poder nila...??

is feeling , palaging nagiging tama ang mga asset na inaalisan ko.. pero kapag umaalis lang ako...

---o0o---


February 1, 2024...

[Trade]

nagtagumpay na naman ang trap ng mga makapangyarihan... 🙁

kahapon puros good news pa..
kesyo recovering na daw ang Bitcoin mula sa pagsablay ng Bitcoin ETF..
at may sariling event pa nga ang Solana..
kasabay pa ang listing sa Binance ng JUP ng Solana din..
pero lahat ng iyon eh trap lang laban sa akin... 🙁

bagsak na bagsak kaagad ang BONK ngayong araw..
may balita pa na naglilipatan na daw ang mga investor nila sa bagong meme coin..
kesyo target pa daw na gumawa ng panibagong bottom..
halos umabot ako sa 1 level away mula sa entry point ko... 🙁

parang sinasabi sa akin ng mga makapangyarihan na..?
kumagat na ulit si tanga..
durugin pa natin siya..
humihinga pa, kaya dagdagan pa natin ang stress niya..
buhay pa, kaya palalain pa natin ang depression niya..
tapusin, tapusin, tapusin, na parang chant lang sa Ghost Fighter..
ang araw-araw na paalala na walang lugar sa mundo ang mga taong malas...

is feeling , mga demonyo kayong lahat...


>
[Trade]

day 51 mula sa pagkalugi...

madaling araw ng gumawa ng pump then dump ang basurang Bitcoin..
hindi naman malalim ang level nung galaw..
kaso malakas ang naging hila niya sa mga asset... 🙁

bumaba sa safe level ang QI, USD 0.015 to 0.018 run sana..
bumaba sa magandang level ang AST..
pero nakakulong naman ako sa BONK, dahilan para hindi mapakinabangan ang mga naging pagbagsak nila... 🙁

unang gabi ko sa BONK, at lugi na kaagad.. 🙁
inisip ko pa naman na makaaangat sila dahil sa trading competition ng Solana..
siyempre, Reverse Midas na naman ang idinulot ko sa asset..
USD 6..
USD 9..
USD 6..
USD 8..
USD 8..
USD 6..
USD 7..
iyon kaagad ang mga kinita ng BONK sa ilalim ng basurang entry point ko..
total of USD 50...

is feeling , 28 days left...

---o0o---


February 2, 2024...

[Game / Scam]

sa tuwing naglalaro ako nung maysa-demonyong laro..
pilit kong pinapakalma ang sarili ko sa kabila ng imbalance na ginagawa ng mga demonyong developers nun..
na kesyo laro lang iyon..
pero ang hirap gawin sa tuwing naaalala ko na umabot sa Php 94,650 ang investment ko doon.. 🙁
at majority ng malaking halaga na iyon ay hindi ko naman mabawi-bawi...

is feeling , justice for scam victims...


>
[Trade]

day 52 mula sa pagkalugi...

pataas ang BONK noong umaga..
kaso as usual, naka-maintain lang below sa entry point ko para hindi nga naman ako makabawi..
before lunch, nag-dip pa..
konting dip ng Bitcoin pero ang lalim ng hila sa BONK...

tapos nag-dump na ulit ang Bitcoin ngayong gabi..
put*ng ina ninyong lahat..
may USD 10,000 na papremyo sa Solana ecosystem..
isalpak ninyo lahat ng mga pera ninyo sa BONK...

is feeling , 27 days left...


No comments:

Post a Comment