Saturday, September 30, 2023

The Vanishing of 125 Million in just 11 Days

NOTE: this is not news..
i am not a reporter/journalist nor an influential person..
also, i'm not related to the government in any way..
but there are summary of news featured in this post..
it will require research in order to get the whole story regarding each particular news that is featured in here...

simple lang yan..
kapag nagpaapekto at nag-react ka sa opinyon ng ibang tao - eh BAKA nga may totoo sa mga sinasabi nila...



record ng ekonomiya..
record ng palitan ng piso sa dolyar..
record ng mga inutang..
record ng mga kinamkam at pinagnakawan..
record ng mga inabuso..
record ng mga itinumba..
record ng mga nawawala..
record ng mga kaso...

mga wala kayong utak..
at lahat kayo ay masasama...

is šŸ’€ feeling , from Php 3.91 to Php 20.46 na exchange rate.. from USD 599 Million to USD 26.7 Billion na utang.. sa kanila nagsimula ang pagkawasak...

---o0o---


daily prayer...

sa kung sino man ang nakikinig sa kawalan..
sana mai-serve na kaagad ang totoo at ganap na hustisya laban sa lahat ng miyembro ng alyansa para matigil na ang kasamaan nila...

at sana maging maayos na ulit ang mundo...

is šŸ’€ feeling , day 1176...
-----o0o-----


bagong impiyerno, bagong listahan..
lumampas na naman sa 500 ang bilang, kaya mag-i-start na ulit ako ng panibagong listahan ng mga kalokohan..
update (512 + 156 na)..
medyo in-organize ko rin yung mga kaso..
pero paki-note na hindi na ganung ka-accurate yung bilang, at posibleng may redundancy na rin dahil sa sobrang dami ng mga nakalista...

una, ang pagtataksil sa interes ng bansa at ng mga (ibang) mamamayan (lalo na yung mga naging biktima), at pagbalewala sa kasaysayan at dangal ng bansa:
  • yung halos umabot na sa Php 14 Trillion kaagad ang utang ng bayan noong April 2023 pa lamang
  • yung sinabi na pinakamaganda daw ang economic growth rate ng bayan kumpara sa buong mundo, samantalang umabot na kaagad sa halos Php 14 Trillion ang utang ng bayan
  • noong 2022, yung pagpapasa daw ng Office of the President ng pondo para sa Office of the Vice President
  • yung naghahabol ng nasa Php 10 Billion daw na intelligence at confidential fund
  • yung pahayag na hindi daw gagamitin na pondo para sa Maharlika Investment Fund ang pera ng GSIS, SSS, at Pag-IBIG, pero malaya daw yung mga institusyon na iyon na magpasok ng investment
  • yung halos inabot ng 1 taon bago nakapili ng magiging Secretary ng Department of Health
  • yung binigyan ng katungkulan ang isang masamang halimbawa na abogado
  • yung na-disbar ng Supreme Court yung itinalaga na adviser dahil sa masamang asal

are yung ang involved o semi-involved eh mga identified talaga bilang awtoridad o tauhan ng pamunuan, mga dati nang naging bahagi ng pamunuan, o kahit mga nagsasanay pa lang upang makakuha ng awtoridad:
  • sa Quezon City, yung lalaking pulis at asawa niya na kinasuhan dahil sa investment scam nung babae
  • sa NAIA, yung babaeng Security Screening Officer na nakita sa CCTV na isinubo daw yung ninakaw nito mula sa biyaherong foreigner
  • sa Bacoor, Cavite, yung 2 pulis at 1 sibilyan na hinuli dahil daw sa pangongotong laban sa mga transport group doon
  • sa BiƱan, Laguna, yung nahuling kandidato sa pagiging Barangay Kagawad na bahagi ng grupo na sangkot sa kidnapping at pangho-holdap
  • sa Angeles City, Pampanga, yung 7 pulis na sinibak sa puwesto matapos na masangkot sa ilegal na pag-aresto at pangingikil
  • sa DasmariƱas, Cavite, yung 2 pulis at 3 sibilyan na nahuli dahil daw sa extortion laban sa isang Egyptian patungkol sa pagsasampa ng kasong rape
  • sa isang hotel sa Pasay City, yung pulis at yung kapatid niya na nagpanggap na pulis, na naaresto matapos na mangikil laban sa isang babaeng Imperial citizen
  • sa Sampaloc, Maynila, yung nasa 5 pulis na pinaghahanap na ngayon, na nagnakaw daw kasi at nangikil ng pera mula sa isang computer shop
  • sa Cebu City, yung nasa 5 kawani ng LGU na sinibak sa trabaho dahil nagpositibo sila sa ilegal na droga
  • yung Hepe ng Mandaluyong City Police na sinibak sa puwesto dahil nagpositibo daw kasi sa surprise drug test
  • yung nagpositibo din yung sinibak na Hepe ng Mandaluyong City Police sa confirmatory drug test
  • yung nasa 24 na pulis sa buong bansa na nagpositibo sa isinagawang random drug test
  • sa Leyte, yung mag-asawang pulis na sangkot daw sa tensyon at pagpapaputok ng baril laban sa ilang taga-media
  • sa Mabini, Batangas, yung Mayor doon, at 2 pa niyang kapatid, na inaresto ng CIDG matapos daw makuhanan ng mga baril at pampasabog
  • sa Cebu, yung Barangay Chairman na naaresto dahil sa ilegal na baril at granada
  • yung sumuko na sundalo na nakipagbuno daw laban sa isang pulis-Makati
  • sa Davao Occidental, yung 3 pulis na nangmaltrato daw ng menor de edad na lalaki, binuhusan daw ng sukang may sili ang kanyang ari 
  • sa Quezon City, yung MMDA Traffic Constable na nanutok ng baril kesyo naingayan daw siya sa grupo ng mga biktima
  • sa Quezon City, yung retiradong pulis na nakunan ng video ng road rage laban sa isang siklista, kung saan nanghampas ng ulo at kinasahan ng baril yung biktima
  • sa DasmariƱas, Cavite, yung pulis na nanakit ng sibilyan sa pamamagitan ng pamamalo ng baril kesyo nakaaway daw ng kanyang kapatid yung biktima
  • sa Zamboanga City, yung 3 pulis na sinibak dahil sa pagkamatay ng 1 waiter
  • sa Navotas City, yung 17 y/o na binatilyo na napatay sa pamamaril ng mga pulis dahil lang daw sa mistaken identity
  • sa Rodriguez, Rizal, yung 15 y/o na binatilyo na napatay sa pamamaril ng mga naka-sibilyan lang na mga pulis, nadamay lang yung biktima sa pagtugis ng mga pulis sa kanyang kapatid na nasita ng mga ito
  • sa Malabon City, yung pulis na inaresto dahil sa pamamaril sa 3 biktima
  • sa Lanao del Sur, yung 9 na pulis na iniimbestigahan dahil sa pagkamatay ng kapwa nila pulis na natagpuan ang bangkay sa ilog
  • sa Taguig City, yung pulis na napatay sa pamamaril ng kapwa pulis sa loob mismo ng kanilang opisina na baka daw nag-ugat sa pagtatalo tungkol sa ulam

are naman yung mga hindi pa malinaw kung anong klase nga ng mga tao ang involved o hindi tiyak o nabanggit kung sino ang nakatama o hindi masabi kung ano nga ang totoong nangyari:
  • yung 2 babaeng environmental activist na napaulat na nawawala, na pinapalabas na mga rebelde, na dinukot daw ng mga militar para manipulahin

heto naman yung mga may kinalaman sa kahinaan ng kasalukuyang penal system at pagpapatupad ng iba pang mga batas, patakaran, at sistema sa bansa:
  • yung may nakapasok na sa loob ng bayan na COVID-19 Omicron subvariant FE.1
  • yung nadali ng Medusa ransomware ang PhilHealth
  • yung plano na bigyan ng temporary license yung mga Nursing graduate na hindi pa naman nakakapasa sa Nursing Board Exam, sa halip na ang bigyan ng trabaho ay yung mga nakapasa na pero hindi naman hina-hire
  • yung mass promotion o pagpapasa ng mga estudyante sa mga paaralan, kahit pa hindi naman talaga deserving yung iba
  • yung ibabalik na naman sa dati ang educational system
  • yung utos ng DepEd, yung bawal na ang mga educational material na nakadikit sa pader
  • sa DepEd, yung bawal daw ang mga decoration sa mga classroom, pero pwede ang Christmas decorations
  • yung hakbang ng DepEd, yung unti-unti nang binubura yung apelyido na related sa nakaraang diktadura
  • yung mga smuggled na sibuyas na nasabat daw noong 2019 pa, pero nalusaw na nang lubusan nitong 2023
  • noong nakaraang December daw, yung pinasok ng Department of Agriculture na overpriced deal para sa mga sibuyas na nasa Php 500 plus daw per kilo, na lumalabas na madaming ginawang manipulasyon sa data ng naka-deal na kooperatiba
  • sa Department of Agriculture, yung hinihiling nila na Php 50 Million daw na confidential fund samantalang sa dami na ng mga nasabat na smuggled agricultural products sa bansa ay wala naman silang binibitay na mga smuggler
  • sa Nueva Ecija, yung oversupply naman ng kalabasa
  • yung oversupply naman ng pinya sa Isabela at Cagayan
  • yung pagpalo ng bentahan ng kamatis sa Php 200 per kilo sa NCR
  • yung nasa Php 500 to 720 na ulit ang presyuhan ng kada kilo ng siling labuyo
  • yung planong alisan ng taripa ang mga imported na bigas na tiyak na kokompetensya sa mga lokal na magsasaka
  • sa New Agrarian Emancipation Act, yung pwede kaagad na ibenta yung nakuhang lupa after 10 years lang
  • sa National Irrigation Administration, yung mga nasita nilang proyekto kung saan yung iba daw ay ilang dekada na pero hindi pa rin nakukumpleto
  • yung ayaw isuko ng DENR ang nasa Php 13 Million na confidential fund nila para next year samantalang hindi pa daw nila nagagamit yung confidential fund nila para sa kasalukuyang taon
  • yung bakit daw merong 10 undersecretaries at 20 assistant secretaries ang DSWD
  • sa NAIA, yung panibagong kaso ng power interruption kesyo may naiwan daw na tester
  • yung bombing sa NAIA, patunay na mahina ang seguridad doon
  • yung naka-motor na MMDA Traffic Aide na nahuling gumamit sa EDSA Busway
  • yung MMDA Traffic Aide na nahuling namamasada sa EDSA Busway, colorum daw yung van at nabisto na gumagamit ng pekeng sticker para makadaan doon sa busway
  • sa DPWH sa Western Visayas, yung 4 na opisyales nila na kinasuhan sa Ombudsman dahil daw sa depektibong flyover
  • sa Davao City, yung under construction na tulay na nag-collapse kung saan 5 daw ang namatay habang 2 ang sugatan
  • yung wala pang pondo para sa ipinangako nilang fuel subsidy
  • yung lumalabas sa isinagawang testing na kahit picture pala ng hayop ay tinatanggap sa SIM registration ng iba't ibang kompanya
  • yung mga nabisto na specialized na registered SIM cards, na blanko lahat ng details na kaugnay dapat nung mobile numbers
  • yung Senador na gustong pabayaran ang hihigit sa unang ire-register na SIM card, na para bang hindi paraan ang paggamit ng private at public SIM para malabanan ang mga hacker, at na para bang reliable ang SIM card registration na ipinagawa nila
  • sa Presidential Electoral Tribunal (PET), yung nasilip ng COA na hindi pa nila isinasauli na unutilized cash deposit ng mga kandidato na naglaban sa protesta sa pagka-Vice President noong 2016
  • yung nasita ng COA ang OVP, dahil daw sa pagbili ng mga equipment para sa kanilang mga satellite office nang hindi sumusunod sa procurement laws
  • yung ayon sa COA ay ginastos ng OVP ang ginawa nilang confidential fund na Php 125 Million in just 11 days daw
  • yung nasilip ng COA sa Presidential Communications Office, yung nasa Php 26 Million daw na halaga ng terminal leave benefits na walang documents o hindi ginawan ng tamang deductions
  • yung nasilip ng COA sa Bureau of Customs, yung pagri-release daw ng nasa Php 3.558 Billion na halaga ng mga shipment na dapat sana ay idinaan sa 100% physical inspection pero hindi ginawa
  • yung nasilip ng COA sa Tourism Promotions Board, yung nasa Php 9.868 Million daw na halaga ng undocumented tokens o giveaways
  • yung nasilip ng COA sa Department of Transportation, yung 48 na unutilized Dalian trains ng MRT-3 na ayaw pa ring gamitin hanggang ngayon kahit na may nakalatag naman palang plano para magamit ang mga iyon
  • yung nasilip ng COA sa DSWD, yung pagdaan daw nila sa supplier na wala namang kinalaman sa food business para daw sa pagsu-supply ng relief goods, nasa Php 173 Million yung pinag-uusapan na halaga
  • yung hindi certified Halal yung ipinamahagi ng DSWD na relief goods para sa Muslim region
  • yung lumalabas na may immitation daw sa mga canned tuna na ipinamahagi ng DSWD
  • yung nasilip pa rin ng COA sa DSWD, yung lagpas Php 3 Million daw na ginastos nila para sa meals at hotel accommodations ng kanilang mga tauhan, bagay na irregular at unnecessary dahil may mas mura naman daw na alternatives
  • yung nasita ng COA sa SSS, yung nasa Php 92 Billion daw ang hindi nila nakokolektang kontribusyon mula sa mga pasaway na employers
  • yung nasita ng COA sa Department of Health, yung umaabot sa Php 7.4 Billion na halaga ng mga gamot at bakuna na nasayang lang noong 2022
  • yung nasilip ng COA sa PhilHealth, yung halos nag-triple na daw ang paglaki ng suweldo ng mga executives doon para sa year 2022
  • para sa Department of Tourism, yung video para sa pagpo-promote ng bayan pero gumamit pala ng stock footage na mula sa iba't ibang bansa
  • sa BIR, yung 26 na tauhan nila na sinibak sa serbisyo at 2 suspended dahil daw sa iba't ibang violations
  • sa PCSO, yung very alarming na win rate sa lottery games lately
  • yung bagong logo ng PAGCOR na nasa Php 3 Million daw ang halaga
  • yung nasa Php 4 Billion daw na gagawin na estimated na arawang pangungutang para sa taong 2024 para lang ma-meet yung panukalang national budget
  • yung mind-conditioning na ginagawa ng Secretary ng Department of Finance, yung lagi niyang pinapalabas na mas maganda daw ang lagay ng pananalapi ng bayan sa kasalukuyan at sa nakaraang administrasyon, kumpara sa Aquino administration
  • yung Secretary ng Department of Finance na naggiit na pwede daw magpasok ng investment sa Maharlika Investment Fund ang GSIS at SSS kahit pa ipinagbawal na iyon ng Senado
  • yung ayaw i-suspend ang excise tax at value added tax sa petrolyo dahil mas makikinabang daw ang mga may-ari ng private vehicles, na para bang walang paraan para mag-concentrate lang sa mga mass transport PUV na dapat makinabang
  • sa Department of Finance, yung opisyal na pinag-resign daw dahil sa pagiging makatwiran
  • yung pagbasura ng Ombudsman sa mga kaso ng red-tagging na kinasasangkutan ng mga opisyales ng dating pinuno, dahil wala daw batas laban sa mapanirang paraan ng red-tagging
  • yung kagustuhan ng Ombudsman na hindi na ilabas sa publiko ang findings ng Commission on Audit
  • sa Port Management Office sa Bohol, yung 8 opisyales na nahuling nag-iinuman sa mismong opisina
  • sa command conference ng NBI, yung sexy dance performance daw
  • sa NBI, yung nasa poder nila na drug suspect at 5 jailguard na inaresto matapos na mapag-alaman na nakakalabas ng kulungan yung suspect, nag-dinner daw sa isang hotel sa Makati
  • sa kaso nung road rage sa Quezon City na may nangyari pang kasahan ng baril, yung lumalabas na na-dismiss pala dapat sa serbisyo dati yung retiradong pulis
  • sa kaso nung road rage sa Quezon City, yung lumalabas na nakatanggap nga ng kanyang retirement benefits yung pulis, kahit pa na-dismiss naman siya dapat sa serbisyo
  • sa kaso nung road rage sa Quezon City, yung ngangayon lang binabawi yung retirement benefits na natanggap nung pulis puwerket naging public ang istorya niya
  • sa kaso nung mistaken identity sa Navotas, yung lumalabas na may pending dismissal order noon pa daw taong 2020 laban doon sa pulis na itinuturong unang nagpaputok ng kanyang baril laban sa mga biktima
  • sa Quezon City, yung bahay ng OFW na nanakawan ng grupo ng mga kabataan na paulit-ulit na daw na nahuhuli at nakakalaya
  • sa DasmariƱas, Cavite, yung 2 menor de edad na babae na agaw-buhay na natagpuan sa isang bakanteng lote, na biktima ng rape, kung saan dati nang may mga kaso ang mga suspek
  • yung pag-amin ng Chief ng Bureau of Corrections na hinahayaan talaga ng ibang tauhan ng BuCor ang pagpapapasok ng mga kontrabando sa loob ng mga kulungan
  • sa New Bilibid Prison, yung panibagong kumpiskahan kung saan may mga nakuha na granada, mga sumpak, at mga ice pick
  • sa New Bilibid Prison sa Muntinlupa City, yung 9 daw na sugatan na preso matapos ang pamamaril ng 1 ding bilanggo at may ulat din na may napatay daw dahil naman sa pananaksak ng ice pick habang may komosyon nga
  • sa New Bilibid Prison, yung panibago na namang kaso ng preso na napatay sa pananaksak ng kapwa niya preso
  • yung kaduda-dudang dami ng intelligence fund sa gobyerno
  • yung may confidential fund na din pala ang PCSO
  • yung nasa Php 21 Million na intelligence fund na nire-request naman ng MMDA
  • sa Department of Migrant Workers, yung nagre-request na din sila ng confidential fund para DAW labanan ang mga illegal recruiters at scammers
  • sa Kongreso, yung ayaw na makukuwestiyon yung budget ng kaalyado ng marami
  • sa Kongreso, yung pinagpatayan ng microphone ang isang Representative na gustong magsuri ng minamadaling budget
  • yung ginawang opisyal ng gobyerno na ini-enjoy ang pagre-red-tag sa isang biktima ng unsolved assassination crime
  • yung pagiging pasaway ng maraming mga Senador sa panahon ngayon
  • yung Senador na hindi alam ang gagawin sa kanilang pagpupulong
  • yung Senador na sinisisi ang mga dating Senador para sa mga problema ng bayan sa kasalukuyan, samantalang mga kaalyado niya ang madaming nagawang kasalanan laban sa bayan
  • sa nakaraang eleksyon, yung sinasabi na mga transmitted results daw na isang common IP address lang ang pinanggalingan, bagay na imposible dapat mangyari dahil galing dapat ang mga transmission sa iba't ibang lugar sa bayan
  • yung ang aga pa, pero nagbabangayan na kaagad ang matataas na pinuno na nag-claim noon na nagsusulong kuno ng pagkakaisa
  • ang pagpapatibay ng Supreme Court sa pagbasura sa mga kaso laban sa pamilya ng Diktador
  • yung Senador na nagkukunwari na hindi daw nangha-harass sa pinag-aagawan na karagatan ang mga taga-Imperyo sa panahon ng kanyang dating amo
  • yung POGO daw na nakalabas ng bayan nang hindi nagbabayad ng Php 2.2 Billion sa gobyerno
  • yung may demonyong barko ngayon ang Imperyo sa daungan ng bayan
  • yung may nangako daw sa Imperyo na tatanggalin yung BRP Sierra Madre mula sa may Ayungin Shoal

at may kaso na iba-iba ang kategorya:
  • yung mga panatiko na isinisisi parati sa iba ang ginagawang pagwasak ng kanilang mga pinuno sa bayan
  • yung napakaagang mind-conditioning na isinasagawa ng mga nagse-survey, naglilista na kaagad sila ng mga pangalan na bibilangin ng mga makina
  • yung gustong humiling ng mga jeepney transport leaders ng Php 2 to 5 na taas-pasahe, na para bang yumayaman ang mga mananakay sa malagim na panahon ngayon
  • sa San Fernando, Pampanga, yung Belgian Malinois daw na asong may rabies na nagawang makapangagat ng nasa 14 na biktima
  • sa Cebu, yung bata na kinagat sa mukha ng aso na wala daw bakuna kontra sa rabies, tapos nasugatan pa yung bata sa kanyang mata
  • sa Caloocan City, yung riot ng mga basurang kabataan na may batuhan pa ng Molotov bomb
  • sa basurang Imperial app, yung nabisto na bayad na demolition job by social media influencers, laban sa isang babaeng celebrity at sa kompanya nila, kung saan Php 8,000 daw ang bayad per influencer
  • yung modus daw ng sindikato ng mga pulubi na may GCash account para sa pagtanggap ng mga limos
  • yung nasa Php 400 daw ang bentahan ng registered na SIM card, tapos nasa Php 800 kung may e-wallet din
  • yung bentahan ng mga online account sa panahon ngayon, particularly mga financial account na nakapag-undergo na ng verification process
  • sa Bacolod City, yung mga nagnanakaw ng sobrang mamahalin na telco cell site batteries
  • sa Bulacan, yung mga bodega kung saan nagre-repack daw ng mga imported na bigas para gawin na mas mahal na lokal na bigas
  • yung rank 2 na daw ang bayan pagdating sa pagpo-provide ng child pornography online para sa buong mundo
  • sa Maynila, yung nasa Php 50 Million na halaga ng mga nasabat na smuggled frozen products, kung saan 1 Imperial citizen ang kabilang sa mga naaresto
  • sa Pasay City, yung nasabat na nasa Php 2 Million na halaga ng smuggled meat daw na mukhang galing sa Imperyo
  • sa ParaƱaque City, yung nasabat ng Department of Agriculture na nasa 600 kilos ng smuggled meat na suspected na galing sa Imperyo
  • sa Bulacan, yung mga Imperial citizen na nahuli dahil sa pagbebenta ng pinekeng sikat na brand daw ng tsinelas
  • yung 3 Imperial citizen na nahuli dahil sa pagbebenta ng mga pekeng pain relief rub
  • sa ParaƱaque City, yung salon na may lihim na ilegal na pasugalan kung saan nahuli ang 11 na Imperial citizen at 3 lokal na mamamayan
  • sa Bonifacio Global City sa Taguig, yung Imperial citizen na nakabangga ng SUV na mukhang driving under the influence of alcohol daw
  • sa ParaƱaque City, yung nahuli na 6 na Imperial citizen at 1 lokal na mamamayan na babae dahil daw sa pagsasagawa ng abortion
  • sa NAIA, yung Imperial citizen na nasa blacklist daw ng Bureau of Immigration, na hinuli dahil daw sa pagpapatakbo ng prostitution den dito sa bayan
  • sa ParaƱaque City, yung 11 Imperial citizen at 1 babaeng lokal na mamamayan na inaresto at nabuking pa sa kasong human trafficking, mga babaeng Imperial citizen daw ang kanilang ibinubugaw sa mga high-end na kliyente
  • sa NAIA, yung Imperial citizen na nahuli dahil daw sa pagtatago ng 2 bala ng baril at sachet ng hinihinalang ilegal na droga sa loob ng kanyang sapatos
  • sa Santa Rosa, Laguna, yung 2 lalaking Imperial citizen na dawit daw sa pagdukot sa 1 babaeng Imperial citizen
  • sa Pasay City, yung 3 Imperial citizen na arestado dahil sa pagdukot sa kapwa nila Imperial citizen
  • sa Pasay City, yung Vietnamese na dinukot daw ng 2 kapwa niya Vietnamese at ng 1 Imperial citizen kapalit ng ransom
  • sa Malabon City, yung babaeng Taiwanese na dinukot ng isang grupo at sinasabing ginahasa din daw, kung saan 2 Imperial citizen na suspek ang nadakip
  • yung babaeng Taiwanese na wanted daw sa Taiwan dahil sa kasong large-scale fraud, na nasagip sa Malabon mula daw sa pang-aabuso at panggagahasa ng grupo ng mga Imperial citizen
  • yung kalokohang 10-dash line ng Eastern Empire
  • yung wala na daw corals sa may Rozul Reef, mukhang inubos na daw ng Imperyo
  • yung pahayag ng Imperyo na drama lang daw ang pagmamalasakit para sa kalikasan, sa yamang tubig
  • yung pahayag ng Imperyo na nakakasira daw ng karagatan ang stranded na sirang barko, samantalang madami ng mga barko ang lumubog sa ilalim ng mga karagatan
  • yung naglatag na ang Imperyo ng floating barriers sa may Bajo de Masinloc
  • sa may Ayungin Shoal, yung pagharang ng Imperial Coast Guard sa mga barko ng bayan na papunta doon sa area
  • sa West Philippine Sea, yung paggamit ng water cannon ng Imperial coast guard laban sa mga sasakyan ng PCG
-----o0o-----


September 24, 2023...

yung naglatag na ang Imperyo ng floating barriers sa may Bajo de Masinloc...

is feeling , gugutumin na nila ang tao na doon umaasa.. tapos ibabaon sa utang ang bagsak na ekonomiya ng bayan...


>
yung bombing sa NAIA..
patunay na mahina ang seguridad doon...

is feeling , parang lahat na lang ng kapalpakan itinutuon nila doon sa airport para lang talaga mabura na yung pangalan nung ipina-assassinate doon.. para mabusalan na ang hustisya...

---o0o---


September 25, 2023...

yung nadali ng Medusa ransomware ang PhilHealth..
mabuti na lang at hindi pa ako gumagawa ng online account sa kanila...

'yan ang problema sa gobyerno..
basta-basta lang pumapasok sa online platform kesyo dahil nasa digital age na ang mundo..
pero hindi naman totoong handa para sa mga online threat... šŸ™

is feeling , baka naman makahingi din sila ng confidential fund..? eh cyber security ang kailangan nilang matutunan...


>
yung ayon sa COA ay ginastos ng Office of the Vice President ang ginawa nilang confidential fund..
Php 125 Million in just 11 days daw...

so ano yung naresolba nila para sa bayan sa loob lamang ng 11 araw...??

is feeling , lustay...

---o0o---


September 26, 2023...

sa Department of Agriculture..
yung hinihiling nila na Php 50 Million daw na confidential fund..
samantalang sa dami na ng mga nasabat na smuggled agricultural products sa bansa ay wala naman silang binibitay na mga smuggler...

is feeling , ano, good for days 5 naman...??


>
dapat bago mag-release ng confidential fund, meaning bago iyon ibayad..
dapat may patunay muna na may isyu na naresolba..
dapat may patunay na may mga kriminal na nabitay..
madali lang sabihin na kesyo nag-release ng pera para sa informant..
pero para mapatunayan na may value nga yung information na binayaran nila, edi dapat may result...

is feeling , tinatarantado lang nilang lahat ang mga mamamayan...


>
yung ayaw isuko ng Department of Environment and Natural Resources ang nasa Php 13 Million na confidential fund nila para next year..
samantalang hindi pa daw nila nagagamit yung confidential fund nila para sa kasalukuyang taon...

sa dami ng problema ng bayan sa kalikasan..
reclamation, mining, pag-iinteres sa mga conservation area..
duda ako na sa tamang dahilan napupunta yung pera...

is feeling , Php 13 Million..? so good for 1 day lang...??


>
yung nasa Php 21 Million na intelligence fund na nire-request naman ng Metropolitan Manila Development Authority...

ang tanong kasi eh sino ba ang mangangasiwa sa intelligence gathering..?
sino ba ang mag-e-evaluate sa intelligence kuno..?
marurunong ba talaga...?

is feeling , trabaho ng ibang mga empleyado ng pamunuan, may sarili silang budget, pero sa panahon ngayon eh pinapalabas nila na kaya nang gampanan ng lahat...

---o0o---


September 27, 2023...

[Natural Calamities]

sa ibaba..
nasa Magnitude 6 na lindol..
sa may area ng Davao Occidental...

is feeling , confidential...


>
sa Malabon City..
yung pulis na inaresto dahil sa pamamaril sa 3 biktima..
kung saan 1 ang napatay at 2 ang sugatan...

is feeling , bigyan din kaya ng intelligence fund..? yung good for 11 days...

---o0o---


September 28, 2023...

sa Caloocan City..
yung riot ng mga basurang kabataan..
may batuhan pa ng Molotov bomb...

ginulo pa yung mga barrier sa kalsada...

is feeling , bitay dapat kaagad...


>
sa basurang Imperial app..
yung nabisto na bayad na demolition job by social media influencers, laban sa isang babaeng celebrity at sa kompanya nila...

is feeling , Php 8,000 per head pala ang budget sa paninirang puri...

---o0o---


September 29, 2023...

sa Pasay City..
yung Vietnamese na dinukot daw ng 2 kapwa niya Vietnamese at ng 1 Imperial citizen kapalit ng ransom...

is feeling , basta may kasamang Imperial citizen, automatic na bulok...


>
yung babaeng Taiwanese na wanted daw sa Taiwan dahil sa kasong large-scale fraud..
na nasagip sa Malabon mula daw sa pang-aabuso at panggagahasa ng grupo ng mga Imperial citizen...

is feeling , mas malagim na kaso yung panggagahasa...


Ang Alamat ng Most Undesirable Guy on Earth - Last Week of September 2023 (Romantic Getaway)

Loveless Story


September 25, 2023...

bumalik na si Attendant C sa trabaho..
3 weeks after nilang mawala ni Attendant Ry..
grabe, halos 1 buwan na yun ng pahinga ah...

samantalang hindi pa din bumabalik si Attendant Ry..
sinusunod ba niya yung payo ko..?
na magpalit na ng mas safe na trabaho...??

is feeling , tapos na dapat 'to kung nababawi ko lang sana ang mga pera ko...

---o0o---


September 26, 2023...

[Online Marketing]

5 years na ako doon sa platform..
so far, 3rd pa lang siya in terms of amount ng naipapasok sa akin na kita..
pero ngayon, parang siya na lang yung natitira para sa akin simula noong nasira ang graphics card slot ko...

is feeling , sumipa naman kayo.. para sa huling 2 years at 3 months ko dito sa mundo...


>
bakit ko ba naisip na posible akong makarating sa bansa nina Kawai Asuna..?
eh sigurado naman na ni hindi ako makakapasa sa immigration dahil sa kahirapan ko sa buhay...

is šŸ’” feeling , maling-mali ang mga tao na mag-suggest na asikasuhin ko na ang mga dokumento ko...

---o0o---


September 27, 2023...

[Gadget-Related]

ang bilis ng panahon..
3 years na ang Nokia 2.3 ko..
hindi pulidong unit ng Nokia, simula noong nagpalit siya sa Android 11..
pero sapat naman para magawa ang purpose niya...

is feeling , 20 years dapat.. kahit pa hindi na ako aabot sa panahon na iyon...


>
nasa vacation na naman si Attendant Ry..
ang yaman talaga nila..
niya..?
ng pamilya niya..?
o ng boyfriend niya..?
basta, merong mapera sa kanila...

is šŸ’” feeling , walang-walang ako...

---o0o---


September 28, 2023...

according sa management, October daw babalik sa duty si Attendant Ry..
mukhang siya din ang nag-recruit dun sa bago nilang member na 19 y/o pa lamang...

anyway..
nasa Siargao sila ngayon ng boyfriend niya..
mukhang wala siyang kasama sa family niya, kaya mukhang wala silang bantay..
baka nag-propose na yung boyfriend niya...??

mukhang nahuli na ako..
mukhang hindi na kakayanin nung Dream Date..
baka kasi hindi na siya maging reliable kapag naikasal na siya sa boyfriend niya...

is šŸ’” feeling , kung posible ko lang sana talagang matupad yung Dream Date.. kahit isang beses lang.. nang tama...

---o0o---


September 29, 2023...

[Gadget-Related]

talked to a sample AI today..
through typing lang..
grabe..
hindi na pala sila kagaya ng dati, na pumipili lang ng mga sagot mula sa readily available na choices, gaya sa bulok na support system ng iba't ibang telecommunications company..
nagsasalita na talaga sila, and with proper grammar pa...

kahit tungkol sa iregular na paggastos ng confidential fund eh nasagot nila ako nang tama...

is ⚠ feeling , delikado nga pala talaga na armasan ang mga AI...


>
the fact na nakikita ko yung mga ganung klase ng tao..
na mayayaman at nae-enjoy ang iba't ibang luho sa buhay..
mamahalin ang mga sasakyan..
nakakapunta sa kung saan-saang panig ng mundo..
that only means na hindi naman talaga kabutihan ang basehan para guminhawa sa buhay ang mga tao...

i mean, hindi nga ako mabuting tao..
pero hindi din naman ako kasing-sama nila na may mga tinatapakan na ibang tao..
hindi ko din gusto ang mga luho na nakukuha nila..
pero hinding-hindi ko maintindihan kung bakit laging palpak lahat ng mga ginagawa ko para sa Dream Date..
ultimo pagbawi ko sa mga sarili kong pera eh lagi ding pumapalpak...

is šŸ’” feeling , hindi kabutihan ang batayan.. siguro predetermined path by FATE...

---o0o---


September 30, 2023...

[Manga / Theory]

Hajime no Ippo

okay..
so mali yung theory ko dati sa magiging impact ng pagkatalo ni Wally para kay Ippo...

kay Sendo naman this time..
bale mapupuwersa ni Sendo si Martinez na gamitin ang natural form ng kanyang pakikipaglaban, noong panahon na nasa kalye pa siya..
mali pala ako dati, yung Metztli pala ay applicable lang para kay Gonzalez..
matatalo si Sendo, baka nga mapatay pa siya doon sa laban..
then hihilingin niya kay Ippo na talunin ang Legendary Mexican World Champion para sa kanilang lahat na mga tinalo nito..
o di kaya eh mabubuhay si Sendo, pero mawawasak na ang kanyang career..
pero iki-claim niya na may 1 pang Japanese Boxer na posibleng makatalo kay Martinez...

babalik nga si Ippo sa Boxing..
gaganahan na si Miyata kaya aakyat na siya sa ranking..
si Miyata ang magiging huling hadlang laban kay Ippo bago niya ma-challenge ang World Champion..
para ma-test kung magagawa nga niyang lagpasan ang Counter na sinasabi noon nina Coach Kamogawa na threat talaga laban sa kanyang estilo ng pakikipaglaban...

at sina Ippo at Martinez nga ang huling maglalaban..
mate-test lahat ng physical development na nagawa ni Ippo para sa kanyang katawan, pati lahat ng mga natutunan niya bilang Boxer at Second...

is feeling , ang tagal.. parang kulang ang 2 years and 3 months para maabutan ko na muling lumaban si Ippo...

-----o0o-----


September 23, 2023...

[Trade]

nakailang pump ang OAX ngayong araw..
USD 18 ang napakawalan ko noong una..
USD 10 yung sa short na padalawa..
tapos nitong gabi ay nalagpasan na niya yung entry point ko..
kaso kinapos na naman..
bumaba kaagad..
may USD 3 sana akong kita kung naka-exit, pero umasa na naman ako na mas tataas pa ang pump dahil sa ganda ng chart..
USD 30 sana yung ikatlong pump na iyon kung nagamit ko lang...

nagawa din ng FIDA na mag-pump noong umaga..
USD 33 naman sana iyon para sa akin...

is feeling , ang dami na naman ng mga nalulugi sa akin...

---o0o---


September 24, 2023...

[Trade]

2 beses kinapos sa OAX noong gabi at madaling araw..
USD 20 sana ang kita ko doon sa una, hanggang USD 0.1815..
USD 16 naman sa ikalawa, hanggang USD 0.1825...

3 tsansa na para makatakas yung dumadaan..
pero wala akong napapakinabangan.. šŸ™
bakit ba laging hindi nagpa-pump ang mga asset hanggang sa target ko sa tuwing nasa loob ako ng trade...??

pagkakataon sana para kumita sa FIDA ngayong araw..
USD 14 din sana iyon para sa akin...

is feeling , kinokondisyon na naman nila ako na ceiling na yung entry point ko...

---o0o---


September 25, 2023...

[Trade]

may napakawalan na naman ako sa FIDA..
nasa USD 23 din 'yon...

nadali naman ng early morning crash ang OAX..
dahil sa hila ng Bitcoin... šŸ™

is feeling , lumaban ka naman para sa akin.. abutin nyo naman yung target, hindi yung laging bitin...

---o0o---


September 26, 2023...

[Trade]

nakapag-pump na ulit ang OAX..
kaso kapos pa rin hanggang sa mga oras na 'to... šŸ™

USD 18 yung napakawalan ko sa unang pump..
USD 13 sa ikalawang pump..
pero ngayong gabi ay kataka-takang naka-reverse na ang graph niya kumpara sa Bitcoin...

is feeling , USD 0.20, gawin nyo na...

---o0o---


September 27, 2023...

[Trade]

nag-pump ulit ang OAX kaninang madaling araw..
kaso kapos na naman..
USD 15 sana iyong 3rd pump na iyon para sa akin...

pero kahapon pa..
laging bumababa ang OAX sa tuwing naaabot na niya yung USD 0.174..
USD 0.006 lagi ang layo mula sa entry point ko..
na para bang may invisible barrier akong nalikha below USD 0.18...

na-realize ko din na simula kahapon, dapat nakabawi na ako hanggang USD 311 until 8:00 AM..
iyon ay kung nag-sacrifice ako ng ilang pagkalugi, and then nasakyan lahat ng mga sumunod na pump...

tapos nagpa-pump na ang Bitcoin ngayong gabi..
kaso walang hila para sa OAX..
ayaw ding samantalahin ng mga nasa OAX yung graph..
kaya malaking problema ito kapag bumaba na ulit ang Bitcoin...

is feeling , ano ba..? USD 0.20.. kamalasan, lubayan mo na ako...


>
[Trade]

ang status ng lahat ng assets ko sa ngayon:
- majority USD 875 - pero nasa 270 na lang sa ngayon
- BNB USD 15 - pero nasa 8 na lang
- LUNC USD 20 - pero nasa 2 na lang
- RON-WETH USD 40 - pero nasa 5 na lang
- RON-USDC USD 9.7 - pero nasa 6.6 na lang

is feeling , sobrang hirap ng katangian ng existence ko.. halos naka-autokill laban sa sarili ko...

---o0o---


September 28, 2023...

[Trade]

di pa din nga talaga nakalagpas sa USD 0.174 ang OAX kagabi..
at gaya ng hinala ko, bumaba ang Bitcoin kaya nahila din sila..
although hindi umabot sa safe na trading level...

bago pa iyon nangyari, nag-out na muna ako nang palugi..
ibinuwis ko lahat yung huling USD 11 na nakuha ko mula doon sa laro...

tapos..
nasa USD 9 yung napakawalan ko dahil sa continuous na pag-akyat ng OAX hanggang kaninang 2:00 PM...

is feeling , kailangan ko ng magandang pasok.. at mataas na pump...

---o0o---


September 29, 2023...

[Trade]

USD 6 ang napakawalan ko sa short pump ng OAX kaninang madaling araw..
mataas din ang level ng Bitcoin halos buong umaga...

pagkagising ko naman kaninang hapon..
USD 13 yung na-miss kong kita sa OAX..
USD 6 na lang yung naabutan ko para makubra, malayo pa ng USD 4 sa dati kong level...

tapos ayun..
nag-pump ulit noong lumabas na ako sa trade..
USD 8 naman yung napakawalan ko sa 2nd pump..
nakumbinsi na naman ako na pumasok sa medyo mataas na level dahil sa itsura ng chart..
pero gaya ng madalas na nangyayari sa akin..
eh bumaba nang husto ang OAX matapos kong mag-invest...

is feeling , USD 15 na sablay.. sana lang eh makatakas naman ako ngayong madaling araw...


Saturday, September 23, 2023

No Respect for the Righteous

NOTE: this is not news..
i am not a reporter/journalist nor an influential person..
also, i'm not related to the government in any way..
but there are summary of news featured in this post..
it will require research in order to get the whole story regarding each particular news that is featured in here...

simple lang yan..
kapag nagpaapekto at nag-react ka sa opinyon ng ibang tao - eh BAKA nga may totoo sa mga sinasabi nila...



record ng ekonomiya..
record ng palitan ng piso sa dolyar..
record ng mga inutang..
record ng mga kinamkam at pinagnakawan..
record ng mga inabuso..
record ng mga itinumba..
record ng mga nawawala..
record ng mga kaso...

mga wala kayong utak..
at lahat kayo ay masasama...

is šŸ’€ feeling , from Php 3.91 to Php 20.46 na exchange rate.. from USD 599 Million to USD 26.7 Billion na utang.. sa kanila nagsimula ang pagkawasak...

---o0o---


daily prayer...

sa kung sino man ang nakikinig sa kawalan..
sana mai-serve na kaagad ang totoo at ganap na hustisya laban sa lahat ng miyembro ng alyansa para matigil na ang kasamaan nila...

at sana maging maayos na ulit ang mundo...

is šŸ’€ feeling , day 1169...
-----o0o-----


bagong impiyerno, bagong listahan..
lumampas na naman sa 500 ang bilang, kaya mag-i-start na ulit ako ng panibagong listahan ng mga kalokohan..
update (512 + 144 na)..
medyo in-organize ko rin yung mga kaso..
pero paki-note na hindi na ganung ka-accurate yung bilang, at posibleng may redundancy na rin dahil sa sobrang dami ng mga nakalista...

una, ang pagtataksil sa interes ng bansa at ng mga (ibang) mamamayan (lalo na yung mga naging biktima), at pagbalewala sa kasaysayan at dangal ng bansa:
  • yung halos umabot na sa Php 14 Trillion kaagad ang utang ng bayan noong April 2023 pa lamang
  • yung sinabi na pinakamaganda daw ang economic growth rate ng bayan kumpara sa buong mundo, samantalang umabot na kaagad sa halos Php 14 Trillion ang utang ng bayan
  • noong 2022, yung pagpapasa daw ng Office of the President ng pondo para sa Office of the Vice President
  • yung naghahabol ng nasa Php 10 Billion daw na intelligence at confidential fund
  • yung pahayag na hindi daw gagamitin na pondo para sa Maharlika Investment Fund ang pera ng GSIS, SSS, at Pag-IBIG, pero malaya daw yung mga institusyon na iyon na magpasok ng investment
  • yung halos inabot ng 1 taon bago nakapili ng magiging Secretary ng Department of Health
  • yung binigyan ng katungkulan ang isang masamang halimbawa na abogado
  • yung na-disbar ng Supreme Court yung itinalaga na adviser dahil sa masamang asal

are yung ang involved o semi-involved eh mga identified talaga bilang awtoridad o tauhan ng pamunuan, mga dati nang naging bahagi ng pamunuan, o kahit mga nagsasanay pa lang upang makakuha ng awtoridad:
  • sa Quezon City, yung lalaking pulis at asawa niya na kinasuhan dahil sa investment scam nung babae
  • sa NAIA, yung babaeng Security Screening Officer na nakita sa CCTV na isinubo daw yung ninakaw nito mula sa biyaherong foreigner
  • sa Bacoor, Cavite, yung 2 pulis at 1 sibilyan na hinuli dahil daw sa pangongotong laban sa mga transport group doon
  • sa BiƱan, Laguna, yung nahuling kandidato sa pagiging Barangay Kagawad na bahagi ng grupo na sangkot sa kidnapping at pangho-holdap
  • sa Angeles City, Pampanga, yung 7 pulis na sinibak sa puwesto matapos na masangkot sa ilegal na pag-aresto at pangingikil
  • sa DasmariƱas, Cavite, yung 2 pulis at 3 sibilyan na nahuli dahil daw sa extortion laban sa isang Egyptian patungkol sa pagsasampa ng kasong rape
  • sa isang hotel sa Pasay City, yung pulis at yung kapatid niya na nagpanggap na pulis, na naaresto matapos na mangikil laban sa isang babaeng Imperial citizen
  • sa Sampaloc, Maynila, yung nasa 5 pulis na pinaghahanap na ngayon, na nagnakaw daw kasi at nangikil ng pera mula sa isang computer shop
  • sa Cebu City, yung nasa 5 kawani ng LGU na sinibak sa trabaho dahil nagpositibo sila sa ilegal na droga
  • yung Hepe ng Mandaluyong City Police na sinibak sa puwesto dahil nagpositibo daw kasi sa surprise drug test
  • yung nagpositibo din yung sinibak na Hepe ng Mandaluyong City Police sa confirmatory drug test
  • yung nasa 24 na pulis sa buong bansa na nagpositibo sa isinagawang random drug test
  • sa Leyte, yung mag-asawang pulis na sangkot daw sa tensyon at pagpapaputok ng baril laban sa ilang taga-media
  • sa Mabini, Batangas, yung Mayor doon, at 2 pa niyang kapatid, na inaresto ng CIDG matapos daw makuhanan ng mga baril at pampasabog
  • sa Cebu, yung Barangay Chairman na naaresto dahil sa ilegal na baril at granada
  • yung sumuko na sundalo na nakipagbuno daw laban sa isang pulis-Makati
  • sa Davao Occidental, yung 3 pulis na nangmaltrato daw ng menor de edad na lalaki, binuhusan daw ng sukang may sili ang kanyang ari 
  • sa Quezon City, yung MMDA Traffic Constable na nanutok ng baril kesyo naingayan daw siya sa grupo ng mga biktima
  • sa Quezon City, yung retiradong pulis na nakunan ng video ng road rage laban sa isang siklista, kung saan nanghampas ng ulo at kinasahan ng baril yung biktima
  • sa DasmariƱas, Cavite, yung pulis na nanakit ng sibilyan sa pamamagitan ng pamamalo ng baril kesyo nakaaway daw ng kanyang kapatid yung biktima
  • sa Zamboanga City, yung 3 pulis na sinibak dahil sa pagkamatay ng 1 waiter
  • sa Navotas City, yung 17 y/o na binatilyo na napatay sa pamamaril ng mga pulis dahil lang daw sa mistaken identity
  • sa Rodriguez, Rizal, yung 15 y/o na binatilyo na napatay sa pamamaril ng mga naka-sibilyan lang na mga pulis, nadamay lang yung biktima sa pagtugis ng mga pulis sa kanyang kapatid na nasita ng mga ito
  • sa Lanao del Sur, yung 9 na pulis na iniimbestigahan dahil sa pagkamatay ng kapwa nila pulis na natagpuan ang bangkay sa ilog
  • sa Taguig City, yung pulis na napatay sa pamamaril ng kapwa pulis sa loob mismo ng kanilang opisina na baka daw nag-ugat sa pagtatalo tungkol sa ulam

are naman yung mga hindi pa malinaw kung anong klase nga ng mga tao ang involved o hindi tiyak o nabanggit kung sino ang nakatama o hindi masabi kung ano nga ang totoong nangyari:
  • yung 2 babaeng environmental activist na napaulat na nawawala, na pinapalabas na mga rebelde, na dinukot daw ng mga militar para manipulahin

heto naman yung mga may kinalaman sa kahinaan ng kasalukuyang penal system at pagpapatupad ng iba pang mga batas, patakaran, at sistema sa bansa:
  • yung may nakapasok na sa loob ng bayan na COVID-19 Omicron subvariant FE.1
  • yung plano na bigyan ng temporary license yung mga Nursing graduate na hindi pa naman nakakapasa sa Nursing Board Exam, sa halip na ang bigyan ng trabaho ay yung mga nakapasa na pero hindi naman hina-hire
  • yung mass promotion o pagpapasa ng mga estudyante sa mga paaralan, kahit pa hindi naman talaga deserving yung iba
  • yung ibabalik na naman sa dati ang educational system
  • yung utos ng DepEd, yung bawal na ang mga educational material na nakadikit sa pader
  • sa DepEd, yung bawal daw ang mga decoration sa mga classroom, pero pwede ang Christmas decorations
  • yung hakbang ng DepEd, yung unti-unti nang binubura yung apelyido na related sa nakaraang diktadura
  • yung mga smuggled na sibuyas na nasabat daw noong 2019 pa, pero nalusaw na nang lubusan nitong 2023
  • noong nakaraang December daw, yung pinasok ng Department of Agriculture na overpriced deal para sa mga sibuyas na nasa Php 500 plus daw per kilo, na lumalabas na madaming ginawang manipulasyon sa data ng naka-deal na kooperatiba
  • sa Nueva Ecija, yung oversupply naman ng kalabasa
  • yung oversupply naman ng pinya sa Isabela at Cagayan
  • yung pagpalo ng bentahan ng kamatis sa Php 200 per kilo sa NCR
  • yung nasa Php 500 to 720 na ulit ang presyuhan ng kada kilo ng siling labuyo
  • yung planong alisan ng taripa ang mga imported na bigas na tiyak na kokompetensya sa mga lokal na magsasaka
  • sa New Agrarian Emancipation Act, yung pwede kaagad na ibenta yung nakuhang lupa after 10 years lang
  • sa National Irrigation Administration, yung mga nasita nilang proyekto kung saan yung iba daw ay ilang dekada na pero hindi pa rin nakukumpleto
  • yung bakit daw merong 10 undersecretaries at 20 assistant secretaries ang DSWD
  • sa NAIA, yung panibagong kaso ng power interruption kesyo may naiwan daw na tester
  • yung naka-motor na MMDA Traffic Aide na nahuling gumamit sa EDSA Busway
  • yung MMDA Traffic Aide na nahuling namamasada sa EDSA Busway, colorum daw yung van at nabisto na gumagamit ng pekeng sticker para makadaan doon sa busway
  • sa DPWH sa Western Visayas, yung 4 na opisyales nila na kinasuhan sa Ombudsman dahil daw sa depektibong flyover
  • sa Davao City, yung under construction na tulay na nag-collapse kung saan 5 daw ang namatay habang 2 ang sugatan
  • yung wala pang pondo para sa ipinangako nilang fuel subsidy
  • yung lumalabas sa isinagawang testing na kahit picture pala ng hayop ay tinatanggap sa SIM registration ng iba't ibang kompanya
  • yung mga nabisto na specialized na registered SIM cards, na blanko lahat ng details na kaugnay dapat nung mobile numbers
  • yung Senador na gustong pabayaran ang hihigit sa unang ire-register na SIM card, na para bang hindi paraan ang paggamit ng private at public SIM para malabanan ang mga hacker, at na para bang reliable ang SIM card registration na ipinagawa nila
  • sa Presidential Electoral Tribunal (PET), yung nasilip ng COA na hindi pa nila isinasauli na unutilized cash deposit ng mga kandidato na naglaban sa protesta sa pagka-Vice President noong 2016
  • yung nasita ng COA ang OVP, dahil daw sa pagbili ng mga equipment para sa kanilang mga satellite office nang hindi sumusunod sa procurement laws
  • yung nasilip ng COA sa Presidential Communications Office, yung nasa Php 26 Million daw na halaga ng terminal leave benefits na walang documents o hindi ginawan ng tamang deductions
  • yung nasilip ng COA sa Bureau of Customs, yung pagri-release daw ng nasa Php 3.558 Billion na halaga ng mga shipment na dapat sana ay idinaan sa 100% physical inspection pero hindi ginawa
  • yung nasilip ng COA sa Tourism Promotions Board, yung nasa Php 9.868 Million daw na halaga ng undocumented tokens o giveaways
  • yung nasilip ng COA sa Department of Transportation, yung 48 na unutilized Dalian trains ng MRT-3 na ayaw pa ring gamitin hanggang ngayon kahit na may nakalatag naman palang plano para magamit ang mga iyon
  • yung nasilip ng COA sa DSWD, yung pagdaan daw nila sa supplier na wala namang kinalaman sa food business para daw sa pagsu-supply ng relief goods, nasa Php 173 Million yung pinag-uusapan na halaga
  • yung hindi certified Halal yung ipinamahagi ng DSWD na relief goods para sa Muslim region
  • yung lumalabas na may immitation daw sa mga canned tuna na ipinamahagi ng DSWD
  • yung nasilip pa rin ng COA sa DSWD, yung lagpas Php 3 Million daw na ginastos nila para sa meals at hotel accommodations ng kanilang mga tauhan, bagay na irregular at unnecessary dahil may mas mura naman daw na alternatives
  • yung nasita ng COA sa SSS, yung nasa Php 92 Billion daw ang hindi nila nakokolektang kontribusyon mula sa mga pasaway na employers
  • yung nasita ng COA sa Department of Health, yung umaabot sa Php 7.4 Billion na halaga ng mga gamot at bakuna na nasayang lang noong 2022
  • yung nasilip ng COA sa PhilHealth, yung halos nag-triple na daw ang paglaki ng suweldo ng mga executives doon para sa year 2022
  • para sa Department of Tourism, yung video para sa pagpo-promote ng bayan pero gumamit pala ng stock footage na mula sa iba't ibang bansa
  • sa BIR, yung 26 na tauhan nila na sinibak sa serbisyo at 2 suspended dahil daw sa iba't ibang violations
  • sa PCSO, yung very alarming na win rate sa lottery games lately
  • yung bagong logo ng PAGCOR na nasa Php 3 Million daw ang halaga
  • yung nasa Php 4 Billion daw na gagawin na estimated na arawang pangungutang para sa taong 2024 para lang ma-meet yung panukalang national budget
  • yung mind-conditioning na ginagawa ng Secretary ng Department of Finance, yung lagi niyang pinapalabas na mas maganda daw ang lagay ng pananalapi ng bayan sa kasalukuyan at sa nakaraang administrasyon, kumpara sa Aquino administration
  • yung Secretary ng Department of Finance na naggiit na pwede daw magpasok ng investment sa Maharlika Investment Fund ang GSIS at SSS kahit pa ipinagbawal na iyon ng Senado
  • yung ayaw i-suspend ang excise tax at value added tax sa petrolyo dahil mas makikinabang daw ang mga may-ari ng private vehicles, na para bang walang paraan para mag-concentrate lang sa mga mass transport PUV na dapat makinabang
  • sa Department of Finance, yung opisyal na pinag-resign daw dahil sa pagiging makatwiran
  • yung pagbasura ng Ombudsman sa mga kaso ng red-tagging na kinasasangkutan ng mga opisyales ng dating pinuno, dahil wala daw batas laban sa mapanirang paraan ng red-tagging
  • yung kagustuhan ng Ombudsman na hindi na ilabas sa publiko ang findings ng Commission on Audit
  • sa Port Management Office sa Bohol, yung 8 opisyales na nahuling nag-iinuman sa mismong opisina
  • sa command conference ng NBI, yung sexy dance performance daw
  • sa NBI, yung nasa poder nila na drug suspect at 5 jailguard na inaresto matapos na mapag-alaman na nakakalabas ng kulungan yung suspect, nag-dinner daw sa isang hotel sa Makati
  • sa kaso nung road rage sa Quezon City na may nangyari pang kasahan ng baril, yung lumalabas na na-dismiss pala dapat sa serbisyo dati yung retiradong pulis
  • sa kaso nung road rage sa Quezon City, yung lumalabas na nakatanggap nga ng kanyang retirement benefits yung pulis, kahit pa na-dismiss naman siya dapat sa serbisyo
  • sa kaso nung road rage sa Quezon City, yung ngangayon lang binabawi yung retirement benefits na natanggap nung pulis puwerket naging public ang istorya niya
  • sa kaso nung mistaken identity sa Navotas, yung lumalabas na may pending dismissal order noon pa daw taong 2020 laban doon sa pulis na itinuturong unang nagpaputok ng kanyang baril laban sa mga biktima
  • sa Quezon City, yung bahay ng OFW na nanakawan ng grupo ng mga kabataan na paulit-ulit na daw na nahuhuli at nakakalaya
  • sa DasmariƱas, Cavite, yung 2 menor de edad na babae na agaw-buhay na natagpuan sa isang bakanteng lote, na biktima ng rape, kung saan dati nang may mga kaso ang mga suspek
  • yung pag-amin ng Chief ng Bureau of Corrections na hinahayaan talaga ng ibang tauhan ng BuCor ang pagpapapasok ng mga kontrabando sa loob ng mga kulungan
  • sa New Bilibid Prison, yung panibagong kumpiskahan kung saan may mga nakuha na granada, mga sumpak, at mga ice pick
  • sa New Bilibid Prison sa Muntinlupa City, yung 9 daw na sugatan na preso matapos ang pamamaril ng 1 ding bilanggo at may ulat din na may napatay daw dahil naman sa pananaksak ng ice pick habang may komosyon nga
  • sa New Bilibid Prison, yung panibago na namang kaso ng preso na napatay sa pananaksak ng kapwa niya preso
  • yung kaduda-dudang dami ng intelligence fund sa gobyerno
  • yung may confidential fund na din pala ang PCSO
  • sa Department of Migrant Workers, yung nagre-request na din sila ng confidential fund para DAW labanan ang mga illegal recruiters at scammers
  • sa Kongreso, yung ayaw na makukuwestiyon yung budget ng kaalyado ng marami
  • sa Kongreso, yung pinagpatayan ng microphone ang isang Representative na gustong magsuri ng minamadaling budget
  • yung ginawang opisyal ng gobyerno na ini-enjoy ang pagre-red-tag sa isang biktima ng unsolved assassination crime
  • yung pagiging pasaway ng maraming mga Senador sa panahon ngayon
  • yung Senador na hindi alam ang gagawin sa kanilang pagpupulong
  • yung Senador na sinisisi ang mga dating Senador para sa mga problema ng bayan sa kasalukuyan, samantalang mga kaalyado niya ang madaming nagawang kasalanan laban sa bayan
  • sa nakaraang eleksyon, yung sinasabi na mga transmitted results daw na isang common IP address lang ang pinanggalingan, bagay na imposible dapat mangyari dahil galing dapat ang mga transmission sa iba't ibang lugar sa bayan
  • yung ang aga pa, pero nagbabangayan na kaagad ang matataas na pinuno na nag-claim noon na nagsusulong kuno ng pagkakaisa
  • ang pagpapatibay ng Supreme Court sa pagbasura sa mga kaso laban sa pamilya ng Diktador
  • yung Senador na nagkukunwari na hindi daw nangha-harass sa pinag-aagawan na karagatan ang mga taga-Imperyo sa panahon ng kanyang dating amo
  • yung POGO daw na nakalabas ng bayan nang hindi nagbabayad ng Php 2.2 Billion sa gobyerno
  • yung may demonyong barko ngayon ang Imperyo sa daungan ng bayan
  • yung may nangako daw sa Imperyo na tatanggalin yung BRP Sierra Madre mula sa may Ayungin Shoal

at may kaso na iba-iba ang kategorya:
  • yung mga panatiko na isinisisi parati sa iba ang ginagawang pagwasak ng kanilang mga pinuno sa bayan
  • yung napakaagang mind-conditioning na isinasagawa ng mga nagse-survey, naglilista na kaagad sila ng mga pangalan na bibilangin ng mga makina
  • yung gustong humiling ng mga jeepney transport leaders ng Php 2 to 5 na taas-pasahe, na para bang yumayaman ang mga mananakay sa malagim na panahon ngayon
  • sa San Fernando, Pampanga, yung Belgian Malinois daw na asong may rabies na nagawang makapangagat ng nasa 14 na biktima
  • sa Cebu, yung bata na kinagat sa mukha ng aso na wala daw bakuna kontra sa rabies, tapos nasugatan pa yung bata sa kanyang mata
  • yung modus daw ng sindikato ng mga pulubi na may GCash account para sa pagtanggap ng mga limos
  • yung nasa Php 400 daw ang bentahan ng registered na SIM card, tapos nasa Php 800 kung may e-wallet din
  • yung bentahan ng mga online account sa panahon ngayon, particularly mga financial account na nakapag-undergo na ng verification process
  • sa Bacolod City, yung mga nagnanakaw ng sobrang mamahalin na telco cell site batteries
  • sa Bulacan, yung mga bodega kung saan nagre-repack daw ng mga imported na bigas para gawin na mas mahal na lokal na bigas
  • yung rank 2 na daw ang bayan pagdating sa pagpo-provide ng child pornography online para sa buong mundo
  • sa Maynila, yung nasa Php 50 Million na halaga ng mga nasabat na smuggled frozen products, kung saan 1 Imperial citizen ang kabilang sa mga naaresto
  • sa Pasay City, yung nasabat na nasa Php 2 Million na halaga ng smuggled meat daw na mukhang galing sa Imperyo
  • sa ParaƱaque City, yung nasabat ng Department of Agriculture na nasa 600 kilos ng smuggled meat na suspected na galing sa Imperyo
  • sa Bulacan, yung mga Imperial citizen na nahuli dahil sa pagbebenta ng pinekeng sikat na brand daw ng tsinelas
  • yung 3 Imperial citizen na nahuli dahil sa pagbebenta ng mga pekeng pain relief rub
  • sa ParaƱaque City, yung salon na may lihim na ilegal na pasugalan kung saan nahuli ang 11 na Imperial citizen at 3 lokal na mamamayan
  • sa Bonifacio Global City sa Taguig, yung Imperial citizen na nakabangga ng SUV na mukhang driving under the influence of alcohol daw
  • sa ParaƱaque City, yung nahuli na 6 na Imperial citizen at 1 lokal na mamamayan na babae dahil daw sa pagsasagawa ng abortion
  • sa NAIA, yung Imperial citizen na nasa blacklist daw ng Bureau of Immigration, na hinuli dahil daw sa pagpapatakbo ng prostitution den dito sa bayan
  • sa ParaƱaque City, yung 11 Imperial citizen at 1 babaeng lokal na mamamayan na inaresto at nabuking pa sa kasong human trafficking, mga babaeng Imperial citizen daw ang kanilang ibinubugaw sa mga high-end na kliyente
  • sa NAIA, yung Imperial citizen na nahuli dahil daw sa pagtatago ng 2 bala ng baril at sachet ng hinihinalang ilegal na droga sa loob ng kanyang sapatos
  • sa Santa Rosa, Laguna, yung 2 lalaking Imperial citizen na dawit daw sa pagdukot sa 1 babaeng Imperial citizen
  • sa Pasay City, yung 3 Imperial citizen na arestado dahil sa pagdukot sa kapwa nila Imperial citizen
  • sa Malabon City, yung babaeng Taiwanese na dinukot ng isang grupo at sinasabing ginahasa din daw, kung saan 2 Imperial citizen na suspek ang nadakip
  • yung kalokohang 10-dash line ng Eastern Empire
  • yung wala na daw corals sa may Rozul Reef, mukhang inubos na daw ng Imperyo
  • yung pahayag ng Imperyo na drama lang daw ang pagmamalasakit para sa kalikasan, sa yamang tubig
  • yung pahayag ng Imperyo na nakakasira daw ng karagatan ang stranded na sirang barko, samantalang madami ng mga barko ang lumubog sa ilalim ng mga karagatan
  • sa may Ayungin Shoal, yung pagharang ng Imperial Coast Guard sa mga barko ng bayan na papunta doon sa area
  • sa West Philippine Sea, yung paggamit ng water cannon ng Imperial coast guard laban sa mga sasakyan ng PCG
-----o0o-----


September 16, 2023...

yung wala na daw corals sa may Rozul Reef..
mukhang inubos na daw ng Imperyo...

is feeling , mga Imperyalista na, banta pa sa kalikasan...

---o0o---


September 19, 2023...

sa ParaƱaque City..
yung 11 Imperial citizen at 1 babaeng lokal na mamamayan na inaresto at nabuking pa sa kasong human trafficking..
mga babaeng Imperial citizen daw ang kanilang ibinubugaw sa mga high-end na kliyente...

is feeling , grabe, milyunan ang ipon nila...


>
yung 2 babaeng environmental activist na napaulat na nawawala..
na pinapalabas na mga rebelde..
na lumalabas na dinukot nga ng militar para manipulahin...

so kapag nagmalasakit sa kalikasan, eh terorista na din..?
mga demonyong red-taggers... šŸ™

is feeling , basta aktibista, automatic din nilang ginagawa na mga terorista...


>
yung rank 2 na daw ang bayan pagdating sa pagpo-provide ng child pornography online para sa buong mundo...

is feeling , matapos maging rank 1 sa pag-i-import ng bigas...


>
yung ayaw i-suspend ang excise tax at value added tax sa petrolyo..
dahil mas makikinabang daw ang mga may-ari ng private vehicles...

mga bobo talaga..
may paraan sila para matukoy ang mga dapat bigyan ng fuel subsidy..
edi sa halip na ayuda, eh i-suspend na lang nila ang excise tax at VAT para sa mga mass transport na PUV..
as in yung mga pang-maramihan lang ang sakay, dahil share-share na ang mga mananakay sa damage na idinudulot nun sa kalikasan..
yung iba kailangang magbayad pa din ng lahat ng buwis bilang penalty sa pagkawasak ng mundo...

is feeling , palibhasa proportional ang nakokolekta nilang pondo sa kung gaano kamahal ang petrolyo.. iyon din ang dahilan kung bakit ginawa nila yung oil deregulation law...

---o0o---


September 20, 2023...

sa NAIA..
yung babaeng Security Screening Officer na nakita sa CCTV na isinubo daw yung ninakaw nito mula sa biyaherong foreigner...

is feeling , pantay nga ang mga babae at lalaki...


>
sa Bacoor, Cavite..
yung 2 pulis at 1 sibilyan na hinuli dahil daw sa pangongotong laban sa mga transport group doon...

is feeling , grabe, Php 1.5 Million ang kinikita nila sa loob ng isang buwan...??

---o0o---


September 22, 2023...

yung pahayag ng Imperyo na drama lang daw ang pagmamalasakit para sa kalikasan, sa yamang tubig...

is feeling , kahit ano na lang na mga palusot, basta masira lang nila ang mundo...


>
yung pahayag ng Imperyo na nakakasira daw ng karagatan ang stranded na sirang barko..
mga walang utak..
madami ng mga barko ang lumubog sa ilalim ng mga karagatan...

is feeling , iba yung kusa at sadyang paninira ng kalikasan.. mga terorista lang ang gumagawa ng ganun...


Ang Alamat ng Most Undesirable Guy on Earth - Third Week of September 2023 (Her Voice)

Loveless Story


September 16, 2023...

nagbaba ng presyo ng 2-hour rate niya yung p*ta..
Php 1,000 ang tapyas..
ang yabang-yabang kasi..
ang laki naman ng tiyan at madaming tupi..
wala tuloy maloko na kliyente...

is feeling , galing-galinge nang makabayad naman...


>
got a copy of Attendant Ry's voice..
kapag napapakinggan ko, naaalala ko na ganun nga pala ang boses niya sa personal..
wala lang..
gusto kong nare-remind ako about her, gaya na lang ng picture niya sa phone ko...

bakit..?
2 weeks na silang wala ni Attendant C..
pero parehas naman silang mukhang healthy..
ano 'yon..?
may silent regular clients na sila..?
o talagang pahirapan lang sa raket lately...??

is feeling , masyado nang magulo ang istorya ng Dream Date ko ngayon...

---o0o---


September 17, 2023...

grabe talaga kabastos.. šŸ™
11 months nang walang hulog sa utang niya..
ito ay matapos niyang magyabang last October 2022 na simula daw November noon ay maghuhulog na siya..
at kinsenas pa daw...

is feeling , t*ng ina.. paaabutin pa yata ng 1 year na hindi naghuhulog...??


>
mukha namang may pinagkakaabalahan si Attendant Ry..
parang madalas siya sa bar..
siguro ay natutulungan din nga siyang kumita ng ate niya...

teka..
iyon ba ang dahilan kung bakit bandang 5:00 PM siya umuuwi madalas...??

is feeling , posible ko pa kaya siyang makasama ulit...??

---o0o---


September 21, 2023...

[Gadget-Related]

after more than a decade..
more than 12 years to be exact..
ngayon ko lang gagamitin yung earphones ng Nokia 2730c ko..
para sa computer..
pero ang pangit ng tunog dahil sa hindi ko malaman na dahilan... šŸ™

is feeling , no choice, hindi na uso ang libreng earphones sa mga smartphone...


>
mukhang may pinagdadaanan si Attendant Ry..
parang patungkol sa lalaki eh..
nagloloko kaya ang boyfriend niya..?
o pinaghihigpitan o kino-control na siya...?

mukhang malayo nga siya sa mga kagrupo niya lately dahil nami-miss na niya ang mga ito...

is feeling , almost 3 weeks na noong huli silang nag-duty ni Attendant C...

---o0o---


September 22, 2023...

[Online Marketing]

parang Binance verification..
parang Coins verification..
parang SIM card registration, pero tao yata yung nagbe-verify sa bandang dulo nung process...

dumaan na din ako sa age at identity verification para doon sa platform..
para lang hindi ma-hold yung mga perang pumapasok doon para sa akin...

is feeling , verified...


>
so pinsan pala nung boyfriend niya yung tomboy..
pero bakit sabi nung tomboy asawa na si Attendant Ry nung pinsan niya..?
hindi naman niya ginagamit yung apelyido nung lalaki..
wala din naman silang available na alaala na nagsasabi na kasal na nga yung 2...

is šŸ’” feeling , mas mananaig yung gusot sa pagitan nila ngayon...

-----o0o-----


September 16, 2023...

[Trade]

USD 7 yung napakawalan ko kagabi sa FIDA..
bumaba din naman kasi hanggang below sa entry point ko..
tapos heto, patuloy pa ang laban ngayong araw...

sa OAX naman..
USD 21 yung napakawalan ko sa kanila kagabi..
then ngayong araw na lang ulit siya bumaba sa dati kong naging entry point na USD 0.1685...

is feeling , USD 0.162.. kahit ngayon lang.. USD 80 pa ang kailangan kong bawiin ulit...

---o0o---


September 17, 2023...

[Trade]

so tama nga ang assumption ko sa schedule ng pag-pump sa FIDA..
yun nga lang, na-short ako sa bentahan para sa unang major pump..
USD 23 lang ang kinita ko, sa halip na ma-maximize yung USD 47..
maganda sana kung ako mismo ang nagbenta pagkagising ko, dahil nasa USD 40 pa din yung kitaan that time..
kaso kinailangan talagang umasa sa auto sell para mas makasigurado sa oras ng pagtulog...

after that ay nasa unfamiliar territory na ang FIDA para sa nakalipas na 1 buwan..
kaya naman ang dami kong na-miss..
USD 21 sa 2nd pump..
USD 20 sa 3rd pump..
USD 16 sa 4th pump..
USD 23 sa 5th pump..
at posibleng hindi pa siya tapos sa mga oras na ito...

USD 80 kaagad na sablay sa FIDA... šŸ™

is feeling , kailangang bumagsak na ulit sila sa level USD 0.14...


>
[Trade]

dahil masyadong mataas ang naakyat kanina ng FIDA, eh bumalik na muna ako sa OAX..
kahit pa active pa rin hanggang sa mga oras na iyon ang kanilang trading volume..
mas mababa by USD 0.01 ang bago kong entry point..
susugal sa kakayahan nila na pumalo nang lagpas sa USD 0.2...

kaso ayun at USD 4 kaagad ang napakawalan ko sa OAX..
ang lalim kaagad ng crash..
2 din kaagad, at parang nawalan ng saysay yung pagbaba ko sa dati kong entry point..
kasi halos USD 0.01 din ang ibinagsak ng palitan after ng entry ko... šŸ™

is feeling , pausap na.. USD 0.20 para maka-recover na ako after 2 months...

---o0o---


September 18, 2023...

[Trade]

ibang level nga ang ginawa ng FIDA kahapon..
malaki yung pumasok na trading volume kaya mataas yung inabot nila...

tapos nag-pump na ang OAX, kahit pa hindi naman masyadong active ang trading nila sa Binance..
USD 57 sana yung kinita ko sa unang pump kung na-maximize ko lang yung USD 0.143 na naging bottom niya..
USD 18 sa 2nd pump..
USD 37 sa 3rd pump..
USD 19 sa 4th pump..
USD 16 sa 5th pump..
at hindi ko masabi kung may susunod pa...

sinabayan pa niya ang pump ng Bitcoin ngayong hapon..
from USD 0.168 to 0.188 sana eh nakabawi na ako hanggang USD 322..
pero sobra-sobra na akong na-late ng pasok..
napasugal tuloy ako sa mas mataas na entry point, mas mataas pa kesa sa dati..
kailangan kong sumugal sa madaling araw ng huge pump...

is feeling , USD 0.20.. tapusin na natin lahat ng mga pagdurusa ko...

---o0o---


September 19, 2023...

[Trade]

so pumalpak yung sugal ko sa OAX..
nasa mataas na level noong iniwan ko kagabi, pero mabilis lang na bumaba..
nahila pala ng dip ng Bitcoin, hindi nagawang mag-resist gamit ang trading volume..
kinapos ng nasa USD 30 Million ang trading volume..
halos nakabalik na ang level sa second to the last na entry point ko..
at na-trap nga ulit ako sa mataas na palitan... šŸ™

nag-pump naman ulit ang Bitcoin nitong hapon..
kaso ay kapos na kapos naman ang hila nila sa OAX... šŸ™

is feeling , no choice kundi USD 0.20 na pump.. mas malala pa 'to kumpara sa huli kong naging sitwasyon sa kanila...

---o0o---


September 20, 2023...

[Trade]

1st pump ng OAX matapos akong ma-trap ulit...

kaso sablay na naman ako..
short sa entry point ko yung naging pump..
tapos naka-2 hila kaagad ang Bitcoin dip..
posible sanang kumita kahit magpalugi kanina, kaso umasa na naman na mas aangat pa ang palitan.. šŸ™
USD 28 sana kung nasakyan ko yung unang pump..
tapos USD 11 sa ikalawa...

is feeling , USD 0.20, mangyari ka na...

---o0o---


September 21, 2023...

[Trade]

market crash..
mali na naman ang balita..
meaning nasayang ko nga yung pagkakataon na makatakas sana kahapon..
malayo na ulit ako sa entry point ko ngayon... šŸ™

is feeling , USD 0.20, dumating ka na kaagad...

---o0o---


September 22, 2023...

[Trade]

nag-pump ang OAX..
kaso mula sa malalim..
USD 20 sana para sa akin..
hindi ko pa alam kung kakayanin niyang mag-pump pa mamayang madaling araw...

is feeling , USD 0.20, palayain nyo na ako...