Loveless Story
June 3, 2023...
araw-araw pakiramdam ko na inuunti-unti talaga ako ng kapalaran para sumuko..
hindi pwedeng biglaan na pasakit..
kailangang manatiling buhay para brutal at sadistic ang approach.. 🙁
yung pakiramdam na nandun yung takot na magiging miserable ka habang mas nagtatagal ka pa sa mundo..
kaya dapat ay tapusin mo na ang sarili mo...
lahat ng masasakit na dala-dala ko..
bukod pa yung mga literal na kapansanan..
ipon na ipon na ang lahat para pasukuin lang ako...
is feeling , imposible akong mabuhay sa ganitong level ng kademonyohan...
>
matagal na akong nasa dead end..
pagka-graduate ko pa lang ng college, katapusan ko na..
hindi kailanman naging feasible na mag-survive..
kung tutuusin, kung nagkataon na nag-iisa lang ako sa buhay eh malamang na matagal na akong patay..
pinaglalaruan na lang talaga ako ng mga entity... 🙁
is feeling , sobrang hirap na maging basura ng mga entity...
---o0o---
June 6, 2023...
in-announce ng management ang tungkol sa birth month ni Attendant Ry..
kahit na hindi naman siya nagpapapasok lately..
base sa activity ng messaging app niya, eh mukhang totoo naman nga na hindi siya pumapasok..
pati yung kaibigan nga niya, parang ayaw na ding bumalik...
pero kahit ngayong araw eh hindi pa rin siya pumasok..
1 week na lang ang natitira sa kanya para mag-ipon...
is feeling , ano na ba talagang nangyayari sa'yo...??
---o0o---
June 9, 2023...
[Strange Dream]
nasa parang isang restaurant daw kami ng mga kasamahan ko..
saktong nagpunta din daw doon sina Miss Co at Miss Ab..
hindi ko na maalala kung kinausap ko ba silang 2, pero parang nga..
then parang gumawa na lang daw ako ng excuse para makaalis na ako doon..
sumabay daw ako sa isa kong kasama na uuna na sa pag-alis..
sumakay daw kami sa kung anong sasakyan, jeep yata..
pero pagdating sa dulo ng kalyeng iyon, na papunta na sa main road, eh humiwalay din naman daw ako sa aking kasama...
sa kung anong dahilan ay ginusto ko daw bumalik..
siguro para makita ulit si Miss Co..
pero saktong nakita ko sila ni Miss Ab na nasa loob na nung bahay sa may kanto sa left side..
kaya tumuloy na rin nga ako sa aking daan pabalik sa looban na tinatahak ng kalyeng iyon..
parang nagkukunwari na may gagawin nga ako doon..
after reaching a certain point, eh nag-decide na din daw ako na lumabas na ulit..
habang naglalakad papalabas nang may kasalubong na mga sasakyan, eh naisip ko daw na magpatalon-talon paakyat sa pa-slant na pader sa gilid ng sidewalk..
at iyon na yung huli kong natatandaan sa panaginip ko...
is feeling , hanggang kailan ko pagsisisihan na hindi ko siya nakatrabaho...??
>
out of the country daw ngayon si Attendant Ry according sa management..
kaya siguro siya hindi nakakapasok..
yung declaration ng birth month niya siguro ay para pilahan na naman siya ng mga kliyente pagkabalik niya..
magbabawi siguro ng mga nagastos niyang pera...
nagtanong din ako sa management kung bakit hindi na natuloy ang pagbabalik ng kaibigan niyang si Attendant C..
kaso hindi ako sinagot...
ewan..
parang ang hirap din talagang makitungo sa mga mayayaman na babae..
parang nakakahiya na makalapit sa kanila...
is 💔 feeling , nakakahina ng loob...
-----o0o-----
June 3, 2023...
[Trade]
paggising ko kaninang umaga..
kapos ang itinaas ng OAX..
pero 2 tsansa yung napakawalan ko para makapagdagdag ng pondo..
nasa USD 267 na sana ako dahil dun..
pataas noon ang chart, kaya umasa na naman ako na aangat pa ang lahat..
pero biglang nag-crash ang OAX nang maabot niya ang USD 0.235..
ni hindi dumaan sa USD 0.234, o 0.233, o 0.232, o 0.231..
dahil sa kamalasan na taglay ko, isang sudden Satanic crash ang nangyari pababa kaagad sa USD 0.229..
after that ay patuloy pa siyang bumaba below sa entry point ko... 🙁
tanghali naman..
nag-pump nang paulit-ulit ang OAX puwerket nagsi-siesta ako..
2:00 to 3:00 PM eh nagpa-pump lang siya nang mahahaba..
at paggising ko ay nasa impiyerno na ulit ang lahat.. 🙁
bumalik na naman sa entry point ko, para lang wala akong kitain...
is feeling , walang nagkakataon sa galaw ng market, pinakikilos ng mga demonyong entity ang lahat base sa desisyon ko.. ang pinaka-demonyong kakayahan sa lahat...
---o0o---
June 4, 2023...
[Trade]
nakabenta na ako kaninang madaling araw..
kaya nasa USD 270 na ako..
meaning, kumita na ako ng USD 9 after 5 months...
tama yung prediction ko na magpa-pump ang OAX..
i mean, madalas naman talagang tama ang basa ko sa market ng mabababa ang supply..
maysa-maligno lang talaga ang buhay ko..
pero nag-short sa original target selling price ko na USD 0.2495..
kaya tama lang na bumaba ako sa USD 0.2395..
yun nga lang, USD 10 din yung nakawala sa akin na additional income...
pero may bago naman akong natutunan..
hindi nakikita sa money flow summary..
pero basta may malalaking volume ng trade na humihila sa halaga ng palitan pababa, na directly naoobserbahan sa trading menu..
then malamang ibig sabihin na may plano silang mag-pump ng asset...
is feeling , malayo pa din ako sa USD 300.. at lalo na sa USD 900...
---o0o---
June 5, 2023...
[TV Series]
nakakalungkot yung mga artista na binastos ang legacy ng Eat Bulaga para lang sa pera.. 🙁
to think na yung iba sa kanila eh madalas pang iniimbitahang guest doon sa dating show...
ayos ang Fake Bulaga ah..
binili ang mga audience nila sa unang araw gamit ang pera...
is feeling , mga KontrabidaNext at mga Devilkads...
---o0o---
June 6, 2023...
[TV Series]
nakaka-miss ang totoong Eat Bulaga hindi dahil kina Tito, Vic, at Joey..
pare-parehas na kasi silang matatanda..
si Tito more on music at hindi naman nakakatuwa pagdating sa pulitika..
si Bossing popular lang sa mga tao, natutuwa lang ako sa kanya kapag nakikipagkulitan na siya kina Jose gamit yung seniority niya..
si Joey naman eh bukod sa madalas na bastos, eh pang-matatalino lang ang level ng jokes...
pero ang totoong nami-miss ko sa Eat Bulaga ay yung pamilya na nabuo nila over the years..
mula pa noong panahon nina Gladys..
gusto ko yung street level jokes nina Jose, Wally, at kahit si Paolo..
siyempre si Menggay eh napaka-talented, sa Angel Locsin at Britney Spears mode pa lang niya eh tawang-tawa na ako..
kahit kay Majamog na tapos na ang segment eh tawang-tawa ako sa dance moves..
ultimo kapag pinapatay na nila si Allan K sa mga kuwentuhan nila eh natatawa din ako...
hindi lahat sa kanila eh nakakatawa..
pero yung samahan nila, yun yung nakakapagpalabas sa saya...
is feeling , dapat mas manaig ang intellectual property right, lalo na kung hindi naman ibinenta ang konsepto o creation...
>
[Game]
last day ng Epic Era..
at nakabawi naman ako ng nasa 6,000 ranks para lalong masigurado ang standing ko..
dahil sa tulong ng overpowered na Rune..
at default skills ng isang libreng Beast Axie..
nakakarumi lang talagang isipin..
may bayad yung mga Axie ko, pero karamihan ay basura na ang mga skill..
walang espesyal, walang pampalakas, walang pampahina ng kalaban..
samantalang yung libreng Axie eh kayang maging diyos sa labanan... 🙁
is feeling , 1 era na lang...
>
[Game]
sa ngayon..
gamit ang nasa USD 13 plus na pondo mula doon sa laro..
at provided din na mananatili sa USD 1 ang palitan ng RON..
eh napabilis ko naman sa 50 days ang pagha-harvest ko ng USD 1...
hindi na masama kung ikukumpara sa monthly interest ng Php 100,000 sa bangko...
is feeling , yun lang.. USD 900 ang target na mabawi...
>
[Trade]
market crash..
kinasuhan ng basurang SEC ng USA ang Binance.. 🙁
at nasa loob pa naman na ulit ako ng trade...
natapyas nang husto ang BNB ko.. 🙁
sana mawala na ang mala-teroristang SEC...
nitong hapon naman..
hindi na naman ako naka-exit..
kinapos lang ng nasa USD 0.0015 yung pump kumpara sa selling price ko..
and again, nangyari iyon habang naka-offline ako... 🙁
is feeling , ngayon pa lang ako magsisimulang bumawi hanggang USD 900, kaya pwede bang matigil na muna ang mga kademonyohan laban sa akin...
---o0o---
June 7, 2023...
[Game]
naka-secure na ako ng Php 300 doon sa laro..
t*ng ina, nakakarumi, Php 700 sana yun kung nagawa man lang sanang manatili sa Php 1,000 ng AXS..
kaso pare-parehas talaga silang mga tanga at masasama... 🙁
simula noong time na nakakapasok na ako sa ranking..
noon din naman nagsimulang malagas lalo ang halaga ng AXS mula sa Php 1,000 na lang during that time...
anyway..
nagawa ko nang makapasok ulit sa Dragon division..
sa tulong nung overpowered na combination nung overpowered na Rune at nung libreng Axie na likas na nagpo-produce ng Rage...
is feeling , babawiin ko yung USD 900 ko sa Binance...
>
[Trade]
nag-pump ang Bitcoin..
halos bumalik siya sa dati niyang level..
kaso hindi naman sumunod ang AST... 🙁
noong tanghali naman..
pataas na sana ang AST..
kaso biglang nanghila pababa ang Bitcoin..
below na naman sa entry point ko..
then naglaro na naman ng up, down, up, down malapit lang sa entry point ko..
katulad ng paulit-ulit kong nararanasan sa tuwing nasa mababa na sana akong level ng entry..
tapos ay bumagsak na nga ang market ng AST...
3 nakalagpas na pagkakataon para maka-exit sana, care of matinding kamalasan... 🙁
is feeling , hindi pa ako nakakaranas ng USD 20 na kita sa AST...
---o0o---
June 8, 2023...
[Trade]
naka-exit na ako sa AST..
again, nangyari ang lahat habang natutulog ako..
nasa USD 13 din yung napakawalan ko dahil sa agwat ng peak sa selling point ko..
bukod pa sa hindi ko din talaga na-maximize yung pagkakataon dahil hindi ako nakababa hanggang USD 0.11...
ngayon na lang ulit ako nakaranas na kumita ng USD 24 sa loob lang ng isang araw..
ngayon na rin lang ako nakatapak ulit sa USD 300 territory..
although kulang pa ako ng USD 5 para maging ganun mismo yung umiikot ko na trading fund..
nasa 1/3 na ako ng USD 900 na original kong pera..
kailangan ko lang talagang paulit-ulit na subukan habang humihinga pa ako...
tapos sa kung anong dahilan ay mabilis lang din na bumaba ang AST..
bumalik lang sa level na pinanggalingan niya, matapos na may pumasok na USD 2,700,000 sa volume..
OAX na sana ulit ang sunod kong papasukan, pero hindi ko makuha yung magandang entry point kaya bumalik na din ako sa AST...
is feeling , kahit USD 0.12 lang this time...
---o0o---
June 9, 2023...
[TV Series]
pangit na series itong Batang Quiapo..
majority ng istorya niya ay tungkol sa kriminalidad..
kailangan pa ng reverse psychology para lang makuha yung mga aral mula doon sa palabas...
is ⚠ feeling , masamang ehemplo...
>
[Trade]
so nangyari na nga yung prediction ko sa OAX kaninang umaga..
tama yung hinala ko na may magpa-pump sa kanila dahil mababa na yung level na naabot nila..
kaso hindi talaga ako umabot sa USD 0.1815 lang na palitan kahapon..
kaya naman USD 30 yung napakawalan kong pagkakataon...
maganda din ang ginawang pumping ng OAX, kumpara sa madalian lang na pump na ginawa ng AST kahapon..
at AST naman ang kataka-taka na patuloy nga na hindi gumawa ng pump kahit maganda ang majority ng chart nila ngayong araw..
bukod pa sa USD 26 din yung napakawalan ko kahit sa mga minor pump lang ng AST...
is feeling , paulit-ulit lang na subok...
No comments:
Post a Comment