Loveless Story
January 11, 2022...
after ng mga obligasyon ko para sa sarili ko at sa gobyerno..
nakakuha ako ng oras noong hapon para mag-inquire na sa resort..
bagsak na yung website nila, pero na-move naman pala yung mga features sa social media account nila...
nakipag-communicate din ako kaagad kay Miss B, at may natipuhan na siyang date..
tinawagan ko rin siya, at sinabi naman niya na kaya niyang mag-commit sa usapan namin..
sure na sure daw siya...
ang sweet ng dating ng boses niya over the phone..
samantalang noong nakasama ko siya dati, ganun din naman yung timbre, pero tropa lang ang dating...
hindi pa sobrang organisado ulit ang utak ko sa ngayon..
problemado pa sa adjustment ng mga schedule ko..
problemado sa cryptocurrency market..
problemado na hindi pa ako nakakabalik sa trabaho ko hanggang ngayon..
pero mas gusto ko nang subukan sa kabila ng pagkalat ng bioweapon..
kesa naman mamatay na lang ako bilang isang lalaki na tinarantado nang husto ng isang babaeng manloloko nang dahil sa pera...
is 💌 feeling , tapusin na ang resort fantasy...
---o0o---
January 12, 2022...
at talaga namang January ulit nagsimulang mangyari ang mga bagay na 'to...
4th attempt na..
2nd time ko nang magpa-book sa resort na iyon..
ni hindi ko nga nagamit yung dati kong booking eh, dahil tinarantado ako ng isang manloloko na human-trafficker..
at gaya din last year, nasa paligid pa rin ang banta ng bioweapon... 🙁
if ever daw na magkaroon ng problema dahil sa bulok na pa-sistema ng pamunuan, eh pwede naman daw i-reschedule na lang yung booking..
pwede hanggang sa December of this year..
walang additional cost kung sila ang hihiling ng rebooking, pero wala naman akong makukuha na refund in case na kami yung magka-cancel...
inalis ko na sa plano yung surprise na dinner date..
pati yung bouquet ng flowers..
sobra-sobra na yung Php 70,000 na na-scam sa akin noon..
kaya naman pagod na pagod na akong magtiwala...
sa ngayon..
ayoko lang talagang mamatay nang hindi nakukumpleto yung pakiramdam ng pagiging tao..
ng pagiging lalaki...
is feeling , panahon, bioweapon, makisama kayong dalawa.. sana lang hindi siya maiyak kapag pinasakay ko siya sa tricycle papunta sa bukid...
>
unti-unti kong natututunan yung sining ng masahe..
kahit na wala pa naman talaga akong nae-experience na ganun... XD
basically, lumalabas na mas mahal siya..
mas maikli ang oras..
para lang mas mababa yung value, pero hindi naman talaga with respect sa length ng time..
madaming restrictions, halos hindi ka pwedeng kumilos..
kumbaga mas bagay siya sa mga tamad, o di kaya eh sa mga totoong gustong ma-relax..
kontrolado ng masseuse ang maraming bagay, ultimo yung bilis kung nagmamadali siya..
in that sense, mas prone siya sa scam..
so sa tingin ko, hindi rin talaga sulit yung masahe, unless sobra-sobra talaga yung pera mo sa buhay...
is feeling , aanhin ang ganda, kung hindi naman naka-high heels...
>
ready na yung Waze para sa tricycle..
kasama nung Axie Infinity..
ayaw lang gumana nang ayos nung verification, kaya hanggang Guest mode lang..
mahirap na..
hindi ko kabisado yung lugar na iyon, nadadaanan ko pa lang noon..
maige na yung kita ko kung saan kami dinadala ng driver, kesa naman madisgrasya pa kami..
tsaka tulong na rin sa driver, in case hindi niya alam kung saan yung resort...
is feeling , babanatan ko na lang ng Lysol yung tricycle, since PUV 'yon, para sa proteksyon ng kasama ko...
---o0o---
January 13, 2022...
yung COVID dick symptom..
p*tang ina, ay seryosong banta na nga 'to..
posible daw umikli ang tutut nang hanggang lagpas sa 1 inch.. 🙁
t*ng ina, otso-walo-eight lang ang makaka-survive sa ganung klase ng kondisyon...
is ⚠ feeling , mga p*tang ina ninyo, huwag ninyong maliitin ang COVID-19...
>
hindi ko pa rin mahanap ang legitimate source nina Miss Alonzo at Miss Pressman..
pero nahanap ko yung the-rapist na bob cut ang buhok..
sikat nga pala siya sa social media..
hindi naman sobrang ganda..
cute lang, na mukhang artificially sexy..
at nanay na rin...
ang galing talaga ng Google, at kasama na dun ang YouTube...
is feeling , not a good choice...
>
anak ng..
pataas nang pataas ang bilang ng mga bioweapon cases sa [Name of City]..
ang masama dun..?
isa yung barangay namin sa may matataas na kaso, na naman..
nakakahiya lang dun sa resort owner kasi mababa lang yung detected case sa barangay nila..
lagpas 1,400% yung bilang nung sa amin..
eh alam pa naman niya kung taga-saan ako..
kaya siguro siya tanong nang tanong noong isang araw kung sigurado ba ako sa desisyon ko na magbakasyon sa kanila..?
natatakot siguro siya sa location ko...?
2 weeks..
wala akong pakialam sa Alert Level 3..
basta hindi dapat tumaas pa ang level ng restrictions..
hindi pwedeng umabot sa No Booster Shot, No Human Rights...
is feeling , gagamitin ko na ang anti-discrimination na kakayahan ng vaccination card ko...
---o0o---
January 15, 2022...
ready na ang mga printouts..
kailangan na lang ng hindi malalang pagkalat ng bioweapon sa mga city namin..
at ng maganda rin na lagay ng panahon..
para naman matuloy yung outing namin...
is feeling , nang makainom na ako ng DriveMax coffee...
-----o0o-----
January 9, 2022...
lagot na..
wasak na wasak ang schedule ko..
parang ang bilis ng takbo ng oras...
may schedule pa ako ng SSS this week..
pero yung mga daliri ko bugbog pa rin dahil sa mga nagkasunud-sunod na gawain...
is feeling , ano ba, magpapa-schedule pa ako ng masahe...?
No comments:
Post a Comment