NOTE: this is not news..
i am not a reporter/journalist nor an influential person..
also, i'm not related to the government in any way..
but there are summary of news featured in this post..
it will require research in order to get the whole story regarding each particular news that is featured in here...
simple lang yan..
kapag nagpaapekto at nag-react ka sa opinyon ng ibang tao - eh BAKA nga may totoo sa mga sinasabi nila...
lumampas na naman sa 500 ang bilang, kaya mag-i-start na ulit ako ng panibagong listahan ng mga kalokohan..
basta heto yung kadugtong nito:
http://blogngpotassium.blogspot.com/2018/08/just-clan-war.html
https://blogngpotassium.blogspot.com/2019/08/war-against-schools-victims.html
http://blogngpotassium.blogspot.com/2020/05/the-greater-citizens.html
https://blogngpotassium.blogspot.com/2020/11/lies-embracing-demolition.html
https://blogngpotassium.blogspot.com/2021/06/gauging.html
update ulit (503 + 501 + 516 + 507 + 502 + 224 na)..
also, i'm not related to the government in any way..
but there are summary of news featured in this post..
it will require research in order to get the whole story regarding each particular news that is featured in here...
simple lang yan..
kapag nagpaapekto at nag-react ka sa opinyon ng ibang tao - eh BAKA nga may totoo sa mga sinasabi nila...
daily prayer...
sa kung sino man ang nakikinig sa kawalan..
sana mai-serve na kaagad ang totoo at ganap na hustisya laban sa lahat ng miyembro ng alyansa para matigil na ang kasamaan nila...
sana magtagumpay na sa paggawa ng vaccine ang AstraZeneca..
at sana maging maayos na ulit ang mundo...
is 💀 feeling , day 420...
-----o0o-----
lumampas na naman sa 500 ang bilang, kaya mag-i-start na ulit ako ng panibagong listahan ng mga kalokohan..
basta heto yung kadugtong nito:
http://blogngpotassium.blogspot.com/2018/08/just-clan-war.html
https://blogngpotassium.blogspot.com/2019/08/war-against-schools-victims.html
http://blogngpotassium.blogspot.com/2020/05/the-greater-citizens.html
https://blogngpotassium.blogspot.com/2020/11/lies-embracing-demolition.html
https://blogngpotassium.blogspot.com/2021/06/gauging.html
update ulit (503 + 501 + 516 + 507 + 502 + 224 na)..
medyo in-organize ko rin yung mga kaso..
pero paki-note na hindi na ganung ka-accurate yung bilang, at posibleng may redundancy na rin dahil sa sobrang dami ng mga nakalista...
una (untikan ko nang makalimutan 'to), ang pagtataksil sa interes ng bansa at ng mga (ibang) mamamayan (lalo na yung mga naging biktima), at pagbalewala sa kasaysayan at dangal ng bansa:
are yung ang involved o semi-involved eh mga identified talaga bilang awtoridad o tauhan ng pamunuan, mga dati nang naging bahagi ng pamunuan, o kahit mga nagsasanay pa lang upang makakuha ng awtoridad:
are naman yung mga hindi pa malinaw kung anong klase nga ng mga tao ang involved o hindi tiyak o nabanggit kung sino ang nakatama o hindi masabi kung ano nga ang totoong nangyari:
heto naman yung mga may kinalaman sa kahinaan ng kasalukuyang penal system at pagpapatupad ng iba pang mga batas, patakaran, at sistema sa bansa:
August 29, 2021...
pero paki-note na hindi na ganung ka-accurate yung bilang, at posibleng may redundancy na rin dahil sa sobrang dami ng mga nakalista...
una (untikan ko nang makalimutan 'to), ang pagtataksil sa interes ng bansa at ng mga (ibang) mamamayan (lalo na yung mga naging biktima), at pagbalewala sa kasaysayan at dangal ng bansa:
- yung pangako ng sako-sako ng pondo para sa kanyang mga kasamahan
- yung kagustuhan na payagan na ang gambling operation sa isla ng Boracay, sa kabila ng mga pagkukunwari noon
- yung kagustuhan na armasan ng mga baril ang mga civilian volunteer, samantalang iyon ngang mga trained personnel eh may kakayahan na umabuso
- yung ang mahalaga lang para sa kanila ay iyong maganda sa mata ang Dolomite project, at wala nang pakialam sa pagkasira ng kalikasan na dinulot ng minahan nun
- yung naaasar sa sariling kakampi dahil sa mga binubusisi nitong mga katiwalian
- yung pambabastos sa alaala ng isang namayapang pinuno, na kesyo ni hindi daw siya at sila mananalo kahit para lang sa Barangay Captain na posisyon sa Cagayan de Oro
- yung paghahangad ng immunity gamit ang mataas na katungkulan, na para bang guilty siya
- yung abogado yung matanda, pero hindi alam na wala palang immunity yung hinahabol niyang katungkulan
- yung pagsasabi sa mahalagang pag-uulat na may kung anu-ano na siyang nararamdaman, pero talagang naghahabol pa sa katungkulan na maaaring maging substitute
- yung kagustuhan na ipaaresto na ang mga ayaw magpabakuna, na para bang sapat ang kanilang naipo-provide
- yung diskriminasyon laban sa mga hindi pa bakunado, yung may plano na i-ban na sila mula sa paglabas sa kanilang mga tahanan
- yung bintang na kesyo Walking Spreader daw ang mga wala pang bakuna, na para bang automatic na mga carrier ang mga mamamayan na hindi pa bakunado
- yung hindi kayang aminin ang nagawa niyang pagkakamali sa pananakot sa mga mamamayan
- yung paglilipat ng sisi para sa kaguluhan na kanyang idinulot sa isang lokal na opisyal
- yung naninira gamit ang mga sexy photos, na para bang wala siyang ginagawang kabastusan at ang kanyang mga kasamahan
- yung body shaming laban sa isang Senador, puwerket may nabibisto ng mga katiwalian
- yung panawagan sa mga mamamayan, na kesyo huwag daw susuportahan sa eleksyon yung mga Senador na lumalaban sa katiwalian
- yung reporter o mga reporter na pinag-alis na lang ng face mask at face shield sa press conference
- yung pwede na daw mamasyal ang mga bakunado, na para bang walang ebidensya na pwede pa ring maging carrier ang mga fully vaccinated
- yung may video pala kung saan kasama siya sa pakikipag-deal doon sa kaduda-dudang kompanya na nakakuha ng malaking deal sa PS-DBM
- yung palusot na kesyo nakipag-deal sila doon sa kaduda-dudang kompanya para maengganyo ang mga foreign investors
- yung paspas na pagtatanggol na naman doon sa negosyanteng Imperial citizen na dati nang binigyan ng katungkulan, dahil sa kaugnayan nito doon sa kaduda-dudang kompanya na nakakuha ng malaking deal sa PS-DBM
- yung muling pagtatanggol sa pinuno ng DOH, at ang COA pa talaga ang napagalitan dahil sa mga napupuna ng mga ito na iregularidad
- yung naasar na rin dahil sa imbestigasyon na ginagawa ng Senado tungkol sa mga iregularidad na nasisilip ng COA, dahil sa mga lumalabas na findings
- yung planong pigilan ang Gabinete sa pagdalo sa mga imbestigasyon sa Senado
- yung gustong ipatigil ang imbestigasyon na ginagawa ng independent na Senado, para hindi nagkakabistuhan
- yung binabatikos na lumang PPE deal, pero lehitimo naman pala yung kompanya at dumaan at nanalo talaga noon sa bidding process
- yung binabatikos na lumang PPE deal, pero hindi naman pala nasita ng COA noon
- yung biglang inuungkat yung mga dating naging issue din sa COA, na para bang may napatunayan sila matapos ang maraming taon
- yung pag-uulit sa isang mahalaga dapat na pag-uulat na kesyo utang na loob daw sa Imperyo ang mga bakuna, kahit na tinatamaan pa rin ng COVID-19 yung ibang mga naturukan na ng ganun
- yung pagyayabang na kesyo madali lang daw mapaalis ang mga barko ng Imperyo sa pinag-aagawang teritoryo, samantalang nandun pa rin naman sila
- sa Davao Occidental, yung SK Chairman na nahuli sa buy-bust operation, bukod sa ilegal na droga ay may nakuha rin daw na baril mula sa kanya
- sa Iloilo, yung Barangay Kagawad na naaresto sa isinagawang buy-bust operation
- sa Sultan Mastura, Maguindanao, yung Barangay Kagawad at isang kasabwat na nahulihan ng nasa mahigit Php 3 Million na halaga ng hinihinalang shabu
- sa Davao City, yung 28 y/o na government employee na nahuli sa buy-bust operation
- sa Makati City, yung dating sundalo na huhulihin lang sana dahil sa sumbong tungkol sa ilegal na pagsusugal nito, pero ay nahulihan din ng ilegal na droga
- yung kawani ng Makati City Hall, na hinuli dahil daw sa pangingikil laban sa mga establishments na naipasara dahil sa paglabag sa mga COVID-19 protocol
- sa MTPB, Manila Traffic and Parking Bureau yata 'yon, yung Traffic Enforcer na nakunan ng video na nangongotong daw gamit ang mobile app
- sa tapat ng Camp Crame sa Quezon City, yung pulis na nahuli sa entrapment operation dahil sa pangingikil daw laban sa isang aplikante sa PNP
- sa Mariveles, Bataan, yung pulis at marshal na hinuli dahil sa reklamong rape laban sa isang babae na nahuli nila dahil sa paglabag sa quarantine protocol
- sa Manila Police District headquarters sa Ermita, yung pulis na namatay sa pamamaril ng lasing at nag-amok daw na kapwa pulis
- sa Sulu, yung Sulu PNP Provincial Director na binaril at napatay ng kapwa niya pulis sa isang quarantine checkpoint
- sa Palayan City, Nueva Ecija, yung sinunog na bangkay ng isang online seller ng mga alahas, kung saan suspek sa pagpatay ang nasa 5 pulis
- sa Pastrana, Leyte, yung 1 magsasaka na napatay at 1 sugatan dahil sa pamamaril ng suspek na isang Barangay Chairman
- sa Jose Reyes Memorial Medical Center sa Santa Cruz, Manila, yung security guard na pinatay sa pamamaril ng binabantayan daw niyang pasyente na isang Barangay Kagawad
- sa Dumarao, Capiz, yung senior citizen na magsasaka na napatay ng isang Barangay Tanod sa pamamaril
- sa Maynila, yung Barangay Tanod na namaril at nakapatay sa isang may problema sa pag-iisip sa oras ng curfew
- sa San Antonio, Zambales, yung kadete ng Philippine Merchant Marine Academy (PMMA) na nakapatay ng kapwa niya kadete dahil daw sa panununtok
- sa Zamboanga City, yung isang miyembro ng Philippine National Police na natuklasan na miyembro daw ng Abu Sayyaf Group
- sa Surigao del Sur, yung 3 Lumad na namatay sa pamamaril ng mga sundalo, kung saan 12 y/o lamang ang isa sa mga biktima
- sa Albay, yung 2 aktibista daw na sangkot sa paggawa ng graffiti sa may tulay, na laban sa pinuno, na napatay ng mga pulis matapos DAW na manlaban
- sa Biñan, Laguna, yung kaso nung 16 y/o na lalaki na kasama sa mga napatay ng mga pulis sa isang anti-illegal drugs operation, nakakapagtaka na may mga claim na napadapa na DAW iyong biktima at nakaposas na rin DAW
- yung pag-amin ng DOH na may mga fully vaccinated na na mamamayan na tinatamaan pa rin ng COVID-19
- yung kalokohan at mayabang na naging claim ng DOH na low risk na daw ang bayan laban sa COVID-19
- yung ngayon lang late July 2021 inamin na may local transmission na ng Indian variant ng COVID-19
- yung mga nagsasabing malapit na daw makamit ang herd immunity, samantalang wala namang immunity dahil ultimo mga fully vaccinated eh tinatamaan pa rin nga ng COVID-19
- yung karamihan daw sa mga tinatamaan ngayon nung virus eh mga hindi pa bakunado, pero kini-claim din nila na hindi masyadong malalala ang mga nagiging kaso lately dahil daw sa vaccination
- yung may apela na gawing single dose vaccine ang Sputnik V, pero may ginagawa ring patakaran na gawing 3 weeks ang interval nung 1st at 2nd dose
- yung mga pahamak na nagpapanukala na iklian ang pagitan ng pagtuturok ng 1st at 2nd dose ng vaccine, samantalang ayon pala sa research eh mas kakaunti lang ang napo-produce na antibody kapag mas maikli lang ang interval
- yung mga pinuno na isinusulong ang hindi pagre-require ng paggamit ng face shield in public places puwerket wala daw ganung mga patakaran sa ibang mga bansa
- yung mga pinuno na naghahanap pa ng scientific basis sa paggamit ng face shield, samantalang ginagamit nga ang mga ganun sa medical field
- yung pinuno na inirereklamo na mahal daw ang face shield samantalang may mura lang naman at pwede ding gamitin nang paulit-ulit basta't idi-disinfect lang
- yung opisyales na naggigiit na kasing-bisa din ng mga Western vaccines ang Imperial vaccines, samantalang may mga ulat na nga sa ibang mga bansa na tinatamaan pa rin yung mga vaccinated ng Imperial vaccine nung virus
- yung patuloy na pag-order ng Imperial vaccine kahit na hindi na ito masyadong mabisa laban sa mga variants
- yung hindi na ire-require ang testing sa mga domestic travelers na fully vaccinated na, na para bang hindi na tatamaan ng virus ang mga ito at hindi na rin pwedeng makapanghawa pa ng iba
- yung mapanganib na kagustuhan na idiretso na lang sa home quarantine ang mga uuwing OFW kahit na batid nila na maraming mga pasaway na mga mamamayan
- yung pagiging pasaway ng Cebu sa pagsunod sa national quarantine protocol
- yung planong payagan na kaagad ang mga OFW na makatanggap ng COVID-19 booster shots, sa kabila ng problema sa supply at kahit na wala pa namang patakaran para sa ganun
- yung hiling na ipatupad na ang diskriminasyon, na bigyan na daw ng kalayaan ang mga fully vaccinated lang para tumakbo ang ekonomiya
- yung hiling na isama na rin kaagad ang mga bilanggo sa priority list ng mga babakunahan, samantalang pwede namang higpitan na lang muna ang mga kulungan para hindi mapasok nung virus
- sa Cebu, yung mandatory na pagpapagamit ng mga personal air purifier sa mga driver at konduktor, kahit pa wala namang patunay na epektibo yung mga ganun laban sa virus ng COVID-19
- yung problema sa kawalan ng uniform at naka-link sa centralized database na COVID-19 vaccination record
- yung problema sa kawalan ng paraan para matukoy kung sinu-sino na ang mga bakunado, na dahilan kung bakit may mamamayan na rin na nakakuha na ng COVID-19 booster shot
- sa Quezon City, yung barangay na may No Vaccine, No Quarantine Pass policy
- yung kung kailan ipinagmamalaki na madami-dami na silang mga napabakunahan, eh saka naman tumataas ulit yung mga kaso ng COVID-19
- yung may banta na rin ngayon sa supply ng oxygen, yung mga nasa tank, dito sa bayan
- yung banta ng pagre-resign ng mga health workers dahil sa kawalan ng pagpapahalaga sa kanilang mga sakripisyo
- yung patuloy na mga protesta ng mga inaabusong health workers
- yung ibang benefits daw para sa mga health workers na binawi ng DOH at tinapyasan ng nasa 70%
- yung pagdating sa mga items na binibili nila, eh ayos lang na overpriced kasi kesyo kailangan, pero pagdating sa mga health workers eh hirap na hirap maglabas ng pondo
- yung kalokohang luho para magtayo ng memorial wall para sa mga pumanaw na health workers, gayong baon na baon na nga sa utang ang bayan, at ni hindi nga nila maibigay ang benepisyo na nararapat para sa mga maliliit na health workers
- sa Cebu, yung mga health workers na tinamaan pa rin ng COVID-19, kahit na 95% na daw sa mga iyon ang vaccinated na
- sa Cavite, yung pagpapatigil muna ng pagbabakuna sa ilang sites kasi mismong mga kabilang sa vaccination team ang tinamaan ng COVID-19 kahit mga fully vaccinated na daw sila
- sa Ospital ng Biñan sa Laguna, yung nasa 24 na COVID at suspected COVID patients na nasa parking lot na lang
- sa San Roque Cathedral, yung guest priest daw na namatay, na naging COVID-19 carrier kahit na kumpleto na daw siya sa dose ng Imperial vaccine
- yung nasa 82 na pulis ng Quezon City Police District na nasabugan ng COVID-19 sa panahon ng mga variant, at mga fully vaccinated na daw ang mga ito
- yung nasa 50 plus na carrier na mga pulis na i-d-in-eploy sa nakaraang State of the Nation Address, kahit na hindi pa lumalabas ang kanilang mga swab test result
- yung Representative na 4 na beses na kaagad nabakunahan, samantalang madami pa ang hindi
- yung problema pa rin pala hanggang sa ngayon ang mabagal na pagtukoy sa kung anong variant ang tumatama sa mga carrier
- sa Makati City daw, yung nakunan ng video na insidente sa vaccination drive kung saan naisaksak naman daw yung pang-injection, kaso ay hindi naiturok yung lamang vaccine
- sa Muntinlupa City, yung mga hindi na ginamit na COVID-19 vaccines dahil sa naging pagbabago sa temperature sa kanilang storage facility
- sa Bulacan, yung COVID-19 carrier na naiburol at napaglamayan pa ng mga tao dahil sa hindi pagsunod sa tamang protocol sa ospital
- sa Butuan City, yung mga tripulante ng isang sasakyang pandagat na dumaan sa Indonesia na may mga COVID-19 carrier pala, na nagawang makapaggala
- yung extended na yung Bayanihan 2 kung tutuusin, pero hanggang ngayon ay may bilyun-bilyon pang piso na pondo ang hindi nagagamit
- yung na-expire na nang tuluyan yung Bayanihan 2, at nasa Php 9 Billion daw na budget yung hindi nagamit
- yung matagal nang hindi pag-uulat ng tungkol sa mga ginagawa sana para sa Bayanihan 2 bago pa man iyon nag-expire, nakasaad daw iyong papel na iyon doon sa mismong patakaran
- yung nasilip ng mga budget checker na posible daw na overspending noon sa Bayanihan 1, as compared daw sa kuwentahan nila ng mga katumbas na gastusin
- yung pagkaipit daw ng pondo sa Department of Budget and Management kung kailan papalapit na ang panahon ng eleksyon
- yung namamahalan DAW ang mga OFW sa gastusin habang nasa quarantine, samantalang may mga reklamo at request ng budget para sa pagsuporta sa kanila
- yung babaeng Indian variant carrier na nagawang magpabalik-balik sa Occidental Mindoro at Metro Manila kahit positive na pala siya, para subukang mag-OFW sa Hong Kong
- sa Quezon City, yung OFW na na-detect na Indian variant carrier, na galing sa Saudi Arabia at dumating sa bansa noon pa daw June 24
- yung napasok ng Indian variant ang Antique, 2 kaso na from May pa daw ng mga unvaccinated carrier na walang history ng international travel
- yung napasok na rin ang bayan ng Peru variant, kaso ay wala daw history ng international travel yung carrier
- sa Camarines Sur, yung pagsabog ng COVID-19 sa Regional Training Center 5 Annex ng Philippine Public Safety College at National Police Training Institute, kung saan nasa 60 plus na carrier ang na-detect mula sa mga police trainee at staff
- sa Baguio City, yung pagpapahinto sa training ng PNP dahil sa pagsabog ng COVID-19 sa mga trainees, nasa 26 daw yung latest na nadagdag sa bilang ng mga carrier eh
- sa Baguio City ulit, yung nasa 68 na trainees ng Bureau of Fire Protection na nasabugan din ng COVID-19
- yung kung paanong nakabiyahe yung mga COVID-19 carrier na sundalo na sumakay sa nawasak na eroplano sa Sulu
- yung paglabag sa cremation protocol para sa COVID-19 carrier na sundalo na namatay sa nawasak na eroplano sa Sulu
- sa Zamboanga City, yung 8 pulis na parurusahan dahil sa paggamit ng mga pekeng swab test result
- sa Dumaguete City, Negros Oriental, yung pagdagsa ng mga mamamayan para sa Pfizer vaccination
- sa Hagonoy, Bulacan, yung vaccination program na sobra-sobrang dinumog ng mga mamamayan sa panahon ng mga variant
- sa Maynila, yung dinumog at nagkagulo na sa vaccination site sa panahon ng Indian variant ECQ, kung saan pinauwi na ng mga pulis yung maraming mga nagpunta
- sa Las Piñas, yung vaccination site na dinumog sa oras pa lang ng curfew, sa panahon ng Indian variant ECQ
- sa Davao City, yung vaccination site na dinumog ng mga mamamayan
- yung panibagong exodus ng mga tao mula sa NCR, dahil sa banta ng panibagong ECQ na dulot ng paghahanda laban sa Indian variant
- yung siksikan ng mga pasahero para sa EDSA Carousel sa panahon ng COVID-19 variants na ikinagulat ng LTFRB
- yung mga transport operators na kinontrata ng gobyerno sa panahon ng COVID-19 na hindi pa rin daw nababayaran ng Department of Transportation (DOTr) at Land Transportation, Franchising, and Regulatory Board (LTFRB)
- yung iregular daw na ginawa ng DOH na paglilipat ng nasa Php 42 Billion nilang pondo para ang Department of Budget and Management - Procurement Service (DBM-PS) ang mamili para sa kanila, kung saan lumalabas na overpriced daw yung mga biniling personal protective equipment (PPE) at iba pang supplies
- sa imbestigasyon ng Senado, yung kaduda-dudang contractor na nakuha ng Department of Budget and Management (DBM), dahil 2019 lang naman daw naging incorporated iyong contractor
- sa imbestigasyon ng Senado, yung kaduda-dudang contractor na nakuha ng Department of Budget and Management (DBM) na hindi gumamit ng tamang address para sa kanilang mga documents
- yung dati palang election lawyer ng kilalang pinuno yung nabigyan ng katungkulan sa Procurement Service ng Department of Budget and Management (PS-DBM), at siya rin yung nangasiwa sa mga kaduda-dudang transactions ng DBM para sa DOH
- yung wanted daw sa Taiwan yung ibang opisyales nung kaduda-dudang kompanya na naging ka-deal noon ng PS-DBM
- yung nasilip ng COA sa DOH, yung hindi daw nito pag-comply sa mga existing laws and regulations para sa paggamit nung nasa Php 67 Billion na pondo na panlaban sa COVID-19
- yung nasita pa rin ng COA, sa regional office naman ng DOH sa Western Visayas, yung gastos nila para sa pagkain para sa kanilang online meetings na umaabot ng Php 1 Million
- yung nasilip ng COA sa Philippine International Trading Corporation (PITC), yung kaduda-duda daw nitong pagbili ng mga personal protective equipment (PPEs) mula sa isang Davao firm, nasa Php 186 Million plus daw yung pondo, samantalang meron namang mas mababang bidder, at nakatipid sana ng nasa Php 2 Million plus
- yung nasilip pa rin ng COA, sa DSWD, yung hindi daw nagamit na nasa Php 780 Million na pang-ayuda sana sa panahon ng COVID-19
- yung napuna naman ng COA sa Overseas Workers Welfare Administration (OWWA), yung pagbili daw ng mga ito ng nasa mahigit Php 1.2 Million na halaga ng mga items mula sa construction and trading company, kung saan overpriced daw yung ibang items
- yung nasilip ng COA, sa Bureau of Fire Protection naman for the year 2020, yung nasa Php 605 Million plus daw na doubtful purchases para sa COVID-19 response nila
- yung nasilip ng COA sa DOLE, yung nasa mahigit Php 1 Billion daw na unliquidated cash advances
- yung nasilip ng COA sa DepEd, yung nasa Php 8 Billion plus na pondo na kulang daw sa mga supporting documents
- yung napuna ng COA sa Department of Information and Communications Technology (DICT), yung pagbili daw ng mga ito ng nasa Php 170 Million na halaga ng mga gadgets mula sa construction firm
- yung nasilip ng COA sa National Electrification Administration (NEA) naman, yung pagkakaroon daw nito ng 2 bank account na undisclosed noon na nasa Php 290 Million daw ang laman
- yung nasilip ng COA sa Pag-IBIG naman, yung pagbili daw nito ng nasa 21 na sasakyan para sa mga opisyales nila nang walang permiso, nasa Php 36 Million ang inabot ng mga nagastos para doon sa mga sasakyan
- yung nasilip naman ng COA sa People’s Television Network Inc. (PTV), yung nasa Php 189 Million daw na pasuweldo na kulang sa mga supporting documents, kuwestiyonable din daw yung nasa Php 8 Million na rice subsidies at educational assistance para sa mga officers and employees gayong kailangan muna dapat ng permiso para magawa iyon
- yung nasilip ng COA sa Movie and Television Review and Classification Board (MTRCB), yung kuwestiyonable daw na nasa Php 1.57 Million na halaga ng travel expenses, maging mga reimbursement ng movie tickets
- yung nasilip ng COA sa Tourism Promotions Board, yung overstocking daw ng promotional materials na umaabot sa Php 52 Million
- yung napuna ng COA sa Technical Education and Skills Development Authority (TESDA), yung paglilipat daw ng mga ito ng nasa Php 160 Million na pondo para sa National Task Force to End Local Communist Armed Conflict (NTF-ELCAC)
- yung nasilip ng COA sa PNP, yung nasa halos Php 500 Million daw na hindi nagamit na anti-insurgency na pondo na in-allot sa kanila ng National Task Force to End Local Communist Armed Conflict (NTF-ELCAC) para sa taong 2020
- sa COA pa rin, yung nasilip nila sa AFP at PNP, yung mga bilyun-bilyong halaga ng mga hindi naisakatuparan na mga kontrata
- yung nasilip ng COA sa Bureau of Corrections (BuCor) naman, yung nasa Php 639 Million daw na unutilized na pondo at yung nasa Php 176 Million daw na bayad para sa catering services na kulang sa documentation
- yung nasilip pa rin ng COA, sa National Irrigation Administration (NIA) naman, yung mga iregularidad daw sa paggamit nito ng nasa Php 6 Billion plus na pondo, na kulang daw sa mga dokumento at may mga lihiman pang nangyayari
- yung nasilip ng COA sa sarili nitong ahensya, yung nasa lagpas Php 12 Million daw na unliquidated foreign and local travel allowances para sa kanilang mga opisyales at empleyado
- sa PCSO, yung mga nagbitiw na special bids and awards committee (SBAC) officials, dahil pinayagan na ang isang Imperial company na dati nang na-reject na mag-bid para sa project
- yung kawalang silbi ng Department of Energy sa pag-regulate sa presyuhan ng gasolina at kuryente sa panahon ng pandemya, habang abala ang kanilang pinuno sa pulitika
- yung mabilis na pagbibigay ng franchise para sa iba
- yung kagustuhan na buwisan ang mga players ng mga cryptocurrency-based games, sa kabila ng pagiging volatile ng cryptocurrency market at ang mga nagtataasan na transaction fees
- yung nasa Php 10.4 Billion daw na nawawala sa Social Amelioration Program, na kaugnay daw ng paggamit ng hindi kilalang e-wallet na Starpay
- sa Maynila, yung Barangay Chairman, Kagawad, Ex-O, at isang dating Tanod, na hinuli dahil sa pagnanakaw daw sa cash aid na galing sa Social Amelioration Program (SAP)
- yung naimbestigahan ng NBI, yung 7 opisyales at empleyado ng PhilHealth at 3 daw ospital, na nagsabwatan at ginawang COVID-19 patients ang mga nag-negative naman sa test, para lang makakuha ng claims
- hindi ako sigurado, pero ito yata yung pamahalaan kung saan pinakamadami ang bumagsak na sasakyang panghimpapawid kahit na wala namang labanan na nangyayari
- yung naka-recover na DAW ang bayan mula sa recession, at sobrang taas pa
- yung kagustuhan ng BIR na magpa-register na kaagad ang mga gamers na kumikita mula sa online games sa panahon ng mga variants, kahit hindi din naman pasok yung kinikita nila para sa pagbabayad ng buwis
- sa DepEd, yung panibagong isyu sa learning module kung saan gumamit ng masyadong mahalay o bulgar na pananalita
- yung suggestion ng pinuno ng DOLE para sa Professional Regulation Commission, na kesyo alisin na lang daw sa sistema ang mga licensure exam
- yung pag-apila para sa anti-endo na patakaran na ibinasura na noon, ngayong papalapit na ang eleksyon
- yung ang nakuhang logistics service provider ng COMELEC ay may kaugnayan sa isang malaking campaign contributor, na may kaugnayan din sa mananakop na nasyon
- yung pag-aalok ng Department of Finance (DOF) ng nasa Php 900,000 plus na kontrata bilang social media strategist sa nabisto dati na nagpapatakbo ng madaming kaduda-duda na social media accounts
- yung pag-hire daw ng Presidential Communications Operations Office (PCOO) ng mga contractual na trabahador na ginastusan nila ng nasa Php 70 Million
- sa Nagtahan Bridge sa Manila, yung armored vehicle ng Presidential Security Group na nakabangga ng truck na nakapila lang
- yung kriminal na half-Imperial na nanggulo na noong 2017 at nahulihan na ng ilegal na droga, na muling nanggulo sa Metro Manila ngayong July 2021 dahil pinalaya pa dati
- yung ayon sa DOJ ay balik na sa duty yung mga Bureau of Immigration personnel na isinasangkot sa Pastillas modus, na kabaliktaran sa pinagsasasabi nung pinuno
- yung maling show cause order ng DILG para sa Mayor ng Manila, na ini-withdraw din naman nila
- sa Sorsogon City, yung ginawa ng PNP na branding sa mga potential rapists, kabilang na ang mga teacher
- yung pastor na 3 buwan daw na nakulong dahil sa ilegal na pagkakaaresto sa kanya, na related daw sa aktibismo
- yung unti-unti nang napapawalang sala yung mga sangkot sa paggamit ng pondo ng bayan para sa mga kaduda-dudang NGO noon
- yung pinuno na nagsasabing dapat daw ma-extend yung panunungkulan ng kanilang pinuno kung pwede lang sana
- yung paggamit ng isang partido sa resources at TV channel ng pamahalaan para sa pasimpleng pangangampanya
- yung pinuno na ginamit ang sariling kapalpakan, para lang palabasin na inaatake siya
- yung opisyales na nagsasabi ng claim tungkol sa isang anak, na kabaliktaran ng dati nang sinabi nung ama
- yung opisyales na nagsinungaling tungkol sa pagkaalis ng Vice President mula sa pagiging Cabinet member nito noon, na para bang wala siyang pinakawalan na text message dati
- yung opisyal na sinisita yung mga nananakot daw na kesyo hindi na pwedeng lumabas ang mga hindi bakunado, samantalang pinuno niya ang nagsabi nun sa TV
- yung opisyales na sinasabi na walang mali sa pakikipag-deal sa mga banyaga na wanted sa ibang bansa dahil din sa kanilang mga ginagawa sa negosyo
- yung mga opisyales na nagkukunwari na ginawa nila ang lahat para igiit ang nakuhang panalo para sa teritoryong inaagaw, samantalang sila ang nagtratong papel lang doon sa panalong iyon
- yung pambabaliktad DAW sa mga sumbong ng mga mangingisda para lang mapalabas na walang problema sa karagatan na inaagaw ng Imperyo
- yung pagtanggi ng mga nasa itaas na may nangyayari na oil exploration sa Scarborough Shoal, kahit pa may mga ulat na tungkol sa mga kagamitan ng Imperyo na nakita doon
at may kaso na iba-iba ang kategorya:
- sa Bicol, yung pami-pamilya ang nagiging hawaan ng COVID-19
- yung pagiging pasaway ng maraming mamamayan sa Naga City sa panahon ng COVID-19 variants, kahit na nasa MECQ yata sila
- yung mga makasariling mamamayan na mas inuuna ang pagbabakasyon, kumpara sa pag-iingat sa panahon ng pandemic
- yung 2 OFW na pabalik na daw sana sa Middle East, na nahuli dahil sa paggamit ng mga pekeng documents kasama na rin ang pekeng swab test result
- sa Baguio City, yung 6 na nahuli dahil sa paggamit ng mga pekeng swab test result para sana sa TESDA assessment na requirement nila sa pag-a-abroad, tapos eh lumabas pa na COVID-19 carrier ang 1 doon sa 6
- sa Lapu-Lapu City, yung home care na nasabugan ng COVID-19, kung saan nasa 31 daw na mga bata ang tinamaan kahit na wala naman daw sa mga ito ang lumalabas sa lugar nila
- yung napasok din ng COVID-19 ang isang team sa PBA
- yung mga naging tumpukan ng mga mamamayan dahil sa panonood ng international boxing match ng isang kilalang idolo sa panahon ng mga variants
- yung mga kaganapan sa kamatayan ng isang dating pinuno na dinumog ng mga tao sa panahon ng COVID-19 variants
- yung delikadong protesta ng mga mamamayan sa panahon ng Indian variant
- sa General Trias, Cavite, yung religious procession na dinaluhan ng mga tao na lumabag na nang husto sa health protocol, mga wala ng face mask at face shield
- sa Cagayan de Oro, yung 4 na Indian variant carrier na na-trace na may common birthday party na dinaluhan
- sa Metro Manila, yung mga pasaway na nag-celebrate ng Fathers' Day 2021 sa mga pampublikong pasyalan, na marami ay may kasama pang mga bata
- sa Manila Bay, yung pagdagsa ng mga pamilya dahil sa naging permiso para sa paglabas ng mga batang kaya nang magsuot ng mga mask
- sa Pasig City, yung events place na ipinapasara matapos na magpadaos ng birthday party sa panahon ng Indian variant ECQ, kung saan 41 na katao daw ang hinuli dahil sa paglabag
- sa Quezon City, yung Korean Restaurant na nagpunuan sa panahon ng COVID-19 variants
- sa Quezon City, yung nabisto na bar at mga customers nito na nagpapasaway sa panahon ng COVID-19 variants
- sa Makati City, yung bar na nahuling nag-o-operate at may mga guests sa panahon ng MECQ sa panahon ng mga variant, nasa 52 na katao daw yung na-ticket-an lamang
- sa Camarines Sur, yung fraternity party ng mga pasaway sa panahon ng COVID-19 variants
- sa Calauag, Quezon, yung tila naging street party ng mga kabataan sa panahon ng COVID-19 variants
- sa Caloocan City, yung nakunan ng CCTV camera na riot ng mga basurang kabataan sa panahon na pwede na silang lumabas sa mga bahay nila, kung saan may bata na nawalan ng malay dahil daw napalo ng kahoy sa ulo ng isang 12 y/o na kriminal
- sa Naga City, yung nakunan ng video na rambulan ng mga kabataan sa panahon ng COVID-19 variants
- sa Davao City, yung 14 na bikers na hinuli dahil sa paglabag sa mga health protocol, sa panahon ng mga variant, mga wala daw face mask at may nakumpiska pa na bote ng alak na malapit nang maubos
- sa Batangas, yung pampasaherong barko na RoRo na nasabugan ng COVID-19
- yung 8 ospital na nagbebenta daw ng mga overpriced na Remdesivir sa panahon ng COVID-19 variants
- yung ilegal na rebranding ng mga modem ng isang telecommunications company bilang modem ng isang Imperial company
- yung nasabat ng BOC, na nasa Php 10 Million na halaga ng smuggled na sibuyas mula sa Imperyo
- sa Cebu, yung nasa Php 90 Million na halaga ng pekeng mga sigarilyo na sinira ng Bureau of Customs na dumating daw bilang 2 magkahiwalay na shipment na mula sa Imperyo
- sa Bukidnon, yung winasak na nasa Php 50 Million na halaga ng misdeclared na mga sigarilyo na mula sa Imperyo, na pinalabas ng mga kriminal bilang office furniture
- yung 2-in-1 na demolition and promotion approach sa social media, kung saan sinisiraan ang pangalan ng isang namatay na tao sabay mention din naman sa pangalan ng mga ini-endorse nila
- yung miyembro ng isang masamang angkan na binigyan ng award para sa pagpo-promote ng mabuting ugnayan ng bayan at ng Imperyo
- yung Imperial citizen na tumakbo nang nakahubo't hubad sa riles ng MRT
- sa Ilagan, Isabela, yung nasa 23 na Imperial citizen na nahuli dahil sa paglabag sa travel protocol at sa pamemeke ng swab test result
- yung Imperial citizen, nurse, at medical technologist na nahuli ng NBI dahil sa ilegal na pagbebenta ng Imperial vaccines, madalas daw na Imperial citizens ang mga buyer nila
- sa Angeles City, yung nasa 14 na Imperial citizen na nahuli dahil sa illegal gambling sa panahon ng mga variant
- sa Mandaluyong City, yung lalaking Imperial citizen na nahulihan ng nasa Php 500,000 na halaga ng hinihinalang shabu
- sa Novaliches, Quezon City, yung nasa Php 860 Million plus na halaga ng hinihinalang shabu na nasabat mula sa 3 suspek na mga Imperial citizen
- sa Balagtas, Bulacan, yung Imperial citizen na napatay sa buy-bust operation kung saan may nasamsam na nasa Php 500 Million na halaga ng hinihinalang shabu
- sa Parañaque City, yung 5 daw Imperial citizen at 1 lokal na mamamayan, na nahuli matapos ang tangkang pagdukot sa isang POGO worker na Imperial citizen din
- sa Pasay City, yung 2 Imperial citizen na mga POGO workers at 1 lokal na mamamayan na inaresto dahil daw sa kidnap-for-ransom laban sa couple na mga Imperial citizen din
- sa Parañaque City, yung 8 Imperial citizen at 1 babae na lokal na mamamayan, na hinuli dahil sa illegal detention laban sa isa ding Imperial citizen dahil daw sa pagkakautang nito
- yung Imperial research ship na pumasok at namataan malapit sa may Zambales
- yung banta daw ng Peru variant ng COVID-19
- yung banta nung COVID-19 Colombian variant na kaya daw ibalewala ang bisa ng mga vaccine
- yung Olympic qualifier na sprinter na fully vaccinated na ng Pfizer brand, pero naging carrier pa rin ng COVID-19
- yung napasok ng COVID-19 ang Olympic Village para sa Tokyo Olympics
- yung British na 10 buwan nang sunud-sunod na nagpo-positive sa COVID-19
- sa Indonesia, yung mahigit 350 na medical workers na tinamaan pa rin ng COVID-19 kahit na naturukan na sila ng Imperial vaccine
- yung mga bansa na umasa sa Imperial vaccine, pero ngayon ay humaharap sa surge nung virus
-----o0o-----
sa Makati City..
yung bar na nahuling nag-o-operate at may mga guests sa panahon ng MECQ sa panahon ng mga variant..
nasa 52 na katao daw yung na-ticket-an lamang...
is feeling , mga terorista...
>
sa Mariveles, Bataan..
yung pulis at marshal na hinuli dahil sa reklamong rape laban sa isang babae na nahuli nila dahil sa paglabag sa quarantine protocol...
is feeling , among them...
---o0o---
August 30, 2021...
kasalanan nga pala nung Mayor kaya kumakalat ang bioweapon sa bayan...
dahil sa kanya..
busy yung Hokage na Mahilig katitingin sa sexy pictures at sa putotoy niya..
nabading na yata yung matandang manyakis..
kaya napapabayaan na niya tuloy ang bayan...
is feeling , bukod pa sa nagnanakaw nga ang kanyang mga kaalyansa...
>
kabobohan ng BIR..
pipilitin magpa-register kahit hindi naman umaabot sa Php 250,000 ang annual na kita mula doon sa laro..
kesyo 0% daw kapag ganun..
edi huwag na lang, kung hindi din naman napalo sa Php 250,000 eh..
may COVID-19 ngayon..
tapos ang gusto nila eh pupunta sa mga opisina nila, samantalang wala din namang babayaran sa bandang huli... 🙁
is feeling , abala...
---o0o---
August 31, 2021...
yung nasilip ng COA sa National Electrification Administration (NEA) naman..
yung pagkakaroon daw nito ng 2 bank account na undisclosed noon..
nasa Php 290 Million daw yung laman nung mga account...
parang this year lang daw isinama sa records nung NEA yung 2 bank account...
is feeling , tama naman yung tanong eh.. bakit inabot ng ganung katagal bago i-disclose...??
>
sa Angeles City..
yung nasa 14 na Imperial citizen na nahuli dahil sa illegal gambling sa panahon ng mga variant...
is feeling , inyo na lang yung Boracay.. gift na sa inyo nung bugaw...
>
nakakaawa naman talaga ang mga maliliit na health workers..
yung mga totoong bayani sa panahon ngayon...
dati na daw may budget para doon sa isang klaseng allowance para sa kanila..
na binawi..
tapos ngayon eh naghahanap na naman ng pondo para doon...?? 🙁
parang inaabuso sila, ginigipit sa kanilang mga hinaing, at ginagawang kalasag laban sa kanila yung mga pasyente na posibleng mangamatay kapag napabayaan..
parang ginagamit lang sila upang makapagpadaloy ng pondo sa kung saan man... 🙁
samantalang yung iba..
gumagawa na nga ng ilegal sa ibang bansa, pero pinapahalagahan pa rin..
mag-voice out lang ang marami, at kaagad na pinakikinggan..
may mga benefits sa kanilang mga padalang items at padalang pera..
maluwag ang trato sa kanila pagdating sa mga pagbiyahe-biyahe..
kahit iilang tao o bangkay, eh willing silang gastusan ng ilang milyon...
is feeling , hindi ko sinasabing mali ang pagpapahalaga doon sa isa, maliban sa mga bumabastos sa patakaran ng ibang bansa.. pero sana lang, kung pwede yung magandang treatment para sa kanila, eh pwede din sanang gawin para sa mga health workers...
>
yung planong pigilan ang Gabinete sa pagdalo sa mga imbestigasyon sa Senado..
malamang eh para itago ang katotohanan... 🙁
is feeling , kamatayan para sa alyansa ng kadiliman...
>
yung may video pala kung saan kasama mismo ang Hokage na Mahilig sa pakikipag-deal doon sa kaduda-dudang kompanya na nakakuha ng malaking deal sa PS-DBM... 🙁
is feeling , put*ng ina.. may basbas ang katiwalian...
>
yung paspas na pagtatanggol na naman doon sa negosyanteng Imperial citizen na dati nang binigyan ng katungkulan sa pamunuan... 🙁
mukhang may kaugnayan daw kasi yung Imperyalista na iyon doon sa kaduda-dudang kompanya na nakakuha ng deal sa PS-DBM at DOH..
pati yung dating isyu tungkol sa ilegal na droga eh pinagtakpan na naman... 🙁
is feeling , protektor ng katiwalian...
>
demonyo ka..
bugaw ka..
protektor ng katiwalian..
ang Satanas na nagkatawang manyakis na tao...
so lahat ng ito..
pati ang epektibong pagkalat nung bioweapon sa loob ng bayan..
ang hindi pagsasara ng borders mula umpisa..
lahat ng iyon ay bahagi ng sabwatan nila para lang makapagpadaloy ng mga pondo... 🙁
pinabayaan nilang mapeste ng bioweapon ang mga mamamayan..
dahil bago pa man nangyari iyong unang pag-atake, eh nakahanda na silang magnakaw... 🙁
is feeling , kamatayan para sa panggulo ng isinumpang bayan...
>
yung nasilip ng COA sa sarili nitong ahensya..
yung nasa lagpas Php 12 Million daw na unliquidated foreign and local travel allowances para sa kanilang mga opisyales at empleyado...
is feeling , trabaho kung trabaho...
>
yung nasilip ng COA sa Philippine International Trading Corporation (PITC)..
yung kaduda-duda daw nitong pagbili ng mga personal protective equipment (PPEs) mula sa isang Davao firm..
nasa Php 186 Million plus daw yung pondo..
samantalang meron namang mas mababang bidder, at nakatipid sana ng nasa Php 2 Million plus...
is feeling , kinasabwat talaga nila ang bioweapon...
---o0o---
September 1, 2021...
yung body shaming laban sa isang Senador.. 🙁
puwerket may nabibisto ng katiwalian...
so ganun na lang..?
kapag wala ng masabi, eh bastusan na lang ang labanan...??
is feeling , kamatayan para sa bugaw ng bayan...
>
yung palusot na kesyo nakipag-deal sila doon sa kaduda-dudang kompanya para maengganyo ang mga foreign investors... 🙁
ay put*ng ina mo ka..
nasaan na yung kaduda-dudang kompanya ngayon..?
ilang araw nang napag-uusapan, pero ni hindi magkusang lumutang para magpaliwanag..
peke pa ang address na ginamit, 2019 nag-register sa Securities and Exchange Commission (SEC), pero yung put*ng inang address daw ay 2018 pang bakante..
nalugi noong 2019, yumaman nang husto noong 2020 kahit kapos na kapos ang kanilang kapital, tapos eh nawawala na ngayong 2021 pa lamang...
is feeling , kamatayan para sa lahat ng mga kurakot...
>
yung panawagan sa mga mamamayan..
na kesyo huwag daw susuportahan sa eleksyon yung mga Senador na lumalaban sa katiwalian... 🙁
desperado na ang p*ta..
so sino ang dapat suportahan..?
yung mga magbubulag-bulagan lang, at yung mga pasimple rin na magnanakaw ng pondo...?? 🙁
is feeling , ang protektor ng mga tiwali, ay tiwali rin...
>
ang gulo talaga ng mga put*ng inang yan...
akala ko ba na karamihan daw sa mga tinatamaan ngayon nung virus eh yung mga hindi pa bakunado..?
eh bakit kini-claim nila na mababa yung bilang ng mga malalala ang nagiging level nung sakit dahil daw sa vaccination...?? 🙁
mga gago kayo..
mag-aral nga kayo nang mabuti..
mas maniniwala pa ako na mababa na lang ang level nung malalala ang nagiging sakit dahil hindi na masyadong nakamamatay yung variant..
although, mabilis pa rin nga siyang makahawa...
is feeling , put*ng inang scam yan...
>
yung patuloy na mga protesta ng mga inaabusong health workers... 🙁
panahon na para pabagsakin ang kasamaan..
panahon na para pabagsakin ang mga nagpapasok ng bioweapon sa loob ng isinumpang bayan...
is feeling , hostage ang mga tinatamaan ng sakit, para gawin lang mga alipin ang mga health workers...
>
yung pagdating sa mga items na binibili nila, eh ayos lang na overpriced..
kesyo kailangan daw eh..
pero pagdating sa mga health workers, eh sayang kung ibibigay ang mga pondo..
dapat eh kung saan-saan muna mapunta... 🙁
ginagawa ninyong tanga ang mga tao..
bistado na ang mga pagnanakaw ninyo...
is feeling , argument ng mga kurakot...
>
yung wanted daw sa Taiwan yung ibang opisyales nung kaduda-dudang kompanya na naging ka-deal noon ng PS-DBM... 🙁
ang isinumpang bayan ay kanlungan ng mga kriminal... 🙁
is feeling , ayos lang, kahit pa mga kriminal na ang ka-deal.. ang mahalaga ay may mananakaw...
>
yung banta nung COVID-19 Colombian variant..
kaya daw ibalewala ang bisa ng mga vaccine...
is ⚠ feeling , ang daming kailangang i-welcome, para lang makapagwaldas nang makapagwaldas ng mga pondo...
>
yung meron daw biniling mas mahal na mga PPE noong panahon ng dating administrasyon..
pero sa halip na sabihin kung anong departamento ang involved, eh buong administrasyon ang itinuturo...
ganun ulit..
2021 na ngayon..
meron palang ganyang issue, pero anong ginawa ninyo para itama kung may mga pagkakamali man..?
bakit sa halip na maghabol noon, eh pinabayaan nyo lang at ginagawa lang na panumbat after many years...??
is feeling , hindi makukuha ang hustisya sa pamamagitan ng panunumbat...
---o0o---
September 2, 2021...
yung kayang pahalagahan nang husto ang mga manlalaro ng sports na nakaabot sa rurok ng kompetisyon...
sana kaya ding pahalagahan nang ganun ang mga magsasaka at mga mangingisda..
ano ba naman yung ilibre na sila mula sa pagbubuwis..?
mula sa mga gastusin sa edukasyon..?
mula sa mga gastusing medikal..?
bigyan ng libreng pabahay..?
para matuwa naman sila sa mga trabaho nila...
is feeling , puros kayo publicity, mga put*ng ina ninyo...
>
yung kalokohang luho para magtayo ng memorial wall para sa mga pumanaw na health workers.. 🙁
mga tanga talaga..
hindi pa tapos ang digmaan..
baon na sa utang ang isinumpang bayan..
pero yung mga idea nila, pangwaldas lang ng pera... 🙁
hindi ba pwedeng saka na lang magpatayo nung pader kapag natapos na ang lahat, kung matatapos pa ang lahat..?
at kapag nakabawi-bawi na sa ekonomiya ang bayan...?
yung mga luho rin noong SEA Games..
sana nagagamit ngayon na pantugon laban sa pa-delubyo ng Imperyo...
is feeling , laging sipang pabalik ang hinahanap ninyong mga put*ng ina kayo...
---o0o---
September 3, 2021...
[Natural Calamities]
sa bandang gitna..
nasa Magnitude 5 na lindol..
sa may area ng Biliran...
is feeling , papawasak na ang buong mundo dahil sa kasamaan ng mga tao...
>
yung gustong ipatigil ang imbestigasyon na ginagawa ng independent na Senado... 🙁
huwag kasi kayong nang-aabala sa pagnanakaw..
ilegal na kompanya yung binibilhan nila ng mga items..
yung mga Imperial vaccine naman, palpak laban sa bioweapon, at kailangan lang sa pagtatapon ng pondo...
is feeling , put*ng ina.. pabagsakin ang mga bugaw...
>
yung nagpaliwanag na yung kompanya na naka-deal ng dating administrasyon..
DOH din daw ang ka-deal..
tungkol doon sa binabatikos na mga PPE, na hindi naman kaagad ginawan ng aksyon nitong mga nakikipag-deal sa mga kriminal...
dumaan daw yung kompanya sa bidding, at nanalo..
at posibleng mas mahal lang talaga ang mga PPE dati dahil sa bilang ng mga manufacturers...
hindi rin iyon nasita ng COA dati...
o', lumabas na yung kompanya para doon sa lumang issue..
nagpaliwanag na..
eh yung mga kriminal na ka-deal ng alyansa ng kasamaan, nasaan na..? 🙁
2018 pang wala sa address na i-d-in-eclare..
2019 lang ini-register sa SEC..
2020 nagkamal ng yaman dahil sa mga deal..
2021 eh naglahong parang bula...??
yung DOH ginawang taga-bili yung PS-DBM..
yung PS-DBM naman, ginawang taga-bili o importer yung kompanya nung mga kriminal..
ang daming middleman... 🙁
is feeling , huwag nga naman nating abalahin ang mga nakikipag-deal sa mga kriminal...
>
yung opisyales na sinasabi na walang mali sa pakikipag-deal sa mga banyaga na wanted sa ibang bansa dahil din sa kanilang mga negosyo...
is feeling , ang kakampi ng mga kriminal ay kriminal rin...
>
yung naimbestigahan ng NBI..
yung 7 opisyales at empleyado ng PhilHealth..
at 3 daw ospital..
na nagsabwatan at ginawang COVID-19 patients ang mga nag-negative naman sa test, para lang makakuha ng claims...
eh kasi naman..
palabas lang yung ginawa dati na mga panggigisa..
parang sa Pastillas scheme..
kunwari ay may gagawing aksyon..
pero palulusutin rin lang... 🙁
is feeling , t*ng inang kriminalidad yan...
No comments:
Post a Comment