Loveless Story
April 3, 2021...
ganun pala..
so hindi lang siya yung dahilan kung bakit sila napapalibutan ng angkan ng boyfriend niya..
kadugo din pala nung angkan yung anak ng pinsan niya na kasama niya sa bahay...
is feeling , taling-tali ba sila sa angkan na 'yon...??
---o0o---
April 6, 2021...
paano ba ako makahahanap ng higit pa kesa sa kanya...??
sobrang cute naman kasi talaga niya..
nandun yung simpleng, cat-like, na ngiti niya..
at yung napaka-ganda niyang pagtawa na labas ang mga ngipin..
yung pa-cute na ngibit niya..
yung pag-nguso at paghalik niya sa hangin..
pati yung sobrang cute na pag-belat niya..
saan ka naman nakakita na kahit extra lang siya sa video, eh siya pa rin yung litaw na litaw yung kagandahan..?
tapos may inosente pa siyang dating kapag nag-o-observe lang siya, na para bang nakikiramdam siya kung ano ang dapat niyang gawin din...
nakita ko na rin siya sa hindi niya best na form..
gaya kapag marami siyang pimples..
o kapag puyat at medyo haggard na siya..
pero gustung-gusto ko pa rin siya sa kabila ng mga iyon...
loko talagang Arjo 'yon..
cute naman na yung dati niyang girlfriend..
kaya naman hindi na siya dapat na nakipaghiwalay pa dun... 🙁
is 💔 feeling , kapag guwapo kayo, huwag na kayong babaero.. t*ng ina, gusto ninyo sa inyo lang yung magaganda eh...
>
hindi ito yung unang beses na hiniling ko na ma-improve naman sana yung buhay ko nang dahil sa isang babae..
pero ito yung pagkakataon na gusto ko talaga siyang mangyari...
may pagka-impulsive siya..
dala na rin siguro ng pagiging free-spirited niya..
pero madali siyang ma-disappoint at mawalan ng loob sa tuwing hindi umaayon sa kanya ang mga bagay-bagay..
medyo na-expose din kasi talaga siya sa sabihin na natin na madaling pagkita ng pera noon at may kaluhuan na lifestyle sa piling ng mga kakilala nila..
pero winasak iyong lahat ng pa-bioweapon ng Imperyo...
siyempre natatakot ako na baka ma-mismanage nila yung pera..
hello..?
Php 45,000, tapos bigla na lang mawawala..?
hindi pwedeng mangyari 'yon..
halos 3 years ko ding pinag-ipunan yung Php 70,000 na iyon..
magandang puhunan na iyon kung tutuusin..
sa retail store..
o di kaya eh sa food business..
tamang diskarte at tiyaga lang talaga yung kailangan...
i don't know..
i guess nanghihinayang akong isipin na baka mauwi lang sa wala yung naging sakripisyo ko..
malaking sakripisyo sa part ko..
siguro nga may kasalanan ako sa nangyayari sa buhay niya ngayon..
pero, part na rin 'to nung original plan nila eh..
so dito at dito rin dadaan yung journey nila...
pero bakit ganito..?
bakit parang mas deserving si Tabachoy para sa okay na buhay..?
bakit hindi siya pinarurusahan para sa kasamaan niya..?
wala akong pakialam kung sinong mawawala sa kanya o sa mga anak niya..
basta gusto kong mawalan siya, kapalit ng mga nawala sa akin..
sa amin...
ayokong nakikita na parang nadadamay sa madilim kong FATE yung babaeng mahalaga para sa akin..
kasi mas nararamdaman ko kung paanong nababalutan lang ng mga kamalasan yung buong pagkatao ko eh... 🙁
is 💔 feeling , gusto kong maging sapat for her...
---o0o---
April 7, 2021...
sweet na naman sila kagabi..
landian habang nasa trabaho... 🙁
tapos nag-play na naman siya ng mga kanta mula sa playlist ng Dream Date ko..
Best in Me..
tsaka I Lay My Love on You..
pero yung mga pang-inlove lang sa list ko yung pinapatugtog niya..
wala yung mga pang-bigo...
nagkukuwento naman siya sa akin..
usually eh kapag napu-frustrate sa business niya..
at nag-o-open din naman siya sa akin tungkol sa personal niyang buhay..
although obvious na hindi naman siya interesado sa mga bagay na tungkol sa akin..
hindi naman kasi siya nagtatanong eh..
hanggang pangungumusta lang siya palagi..
ganun..
pero halos araw-araw naman siyang nagpaparamdam...
is 💔 feeling , ewan.. hinding-hindi ko talaga maiintindihan ang mga babae...
---o0o---
April 8, 2021...
kahapon..
parang may gusto siyang sabihin..
pero hindi naman siya nagkaroon ng pagkakataon para gawin iyon..
kasi madalas akong mag-disconnect ng phone mula sa Wi-Fi...
tapos noong gabi na..
gabing-gabi na..
sinabi niya na wala lang daw iyon..
but then after 8 minutes, nag-send ulit siya ng message telling me na may gusto siyang sabihin sa akin bukas...
kinakabahan na naman tuloy ako..
kinakabahan ako tuwing sinasabi niya na may gusto siyang sabihin sa akin..
minsan kapag gusto niya akong makausap over the phone..
kasi kung tutuusin eh pwede naman niyang iwanan na lang yung message, at saka ko na lang babasahin kapag nag-check na ako ng phone..
pero hindi eh, nagpapaalam pa rin siya na may gusto siyang sabihin sa akin...
siyempre natatakot ako..
takot na takot..
na kesyo baka ipagtabuyan na naman ako ng babaeng mahalaga para sa akin..
kasi yung huling 2 babae na nagustuhan ko before her eh ganun na ganun yung ginawa sa akin eh..
pinaasa ako na pwede ko silang mas makilala..
tapos sabay ipinagtulakan din naman kaagad papalayo... 🙁
is 💔 feeling , ayoko nang maramdaman ulit yung bagay na iyon...
>
edi ako na nga ang pinaka-tanga rin na lalaki sa lahat..
ako na ang bobo...
Php 45,000..
pero ubos na kaagad..
eh ni wala pa ngang 1 buwan ang nakalilipas eh.. 🙁
hindi naman sa naubos na nang tuluyan yung pera..
pero wala nang available as cash on hand...
t*ng inang buhay naman 'to o'..
single ako..
pero parang 3 pamilya yung kargo ko ngayon.. 🙁
parang 2 na kaagad ngayon ang anak ko..
t*ng inang 'yan..
palagi akong naka-kapote..
pero 2 bata na kaagad yung kargo ko..
pati yung relative ni Arjo na lalaki at yung anak nun eh sa akin nakaasa... 🙁
samantalang nasaan yung kaparusahan para kay Tabachoy..?
siya pa yung pasarap sa buhay ngayon.. 🙁
matapos ang mga kasamaan na ginawa niya laban sa amin...
awa na..
sa ngayon, kaya ko pa naman..
pero hindi ko 'to kakayanin kung magtatagal pa 'to ng ilang buwan..
universe..
tulungan nyo naman ako, kahit hindi na direkta sa akin eh..
gawin nyo namang matitino at responsable man lang yung mga ama nung 2 bata..
o bigyan nyo ng stable na kapalaran naman sa business yung babaeng mahalaga para sa akin...
hayop ka, Arjo..
naggi-girlfriend-girlfriend ka, pero hindi mo naman kayang saluhin..
ni hindi mo magabayan sa tamang pagba-budget ng pera..
nasaan ka..?
anong ginagawa mo..?
bakit hindi mo ibenta yung kotse mo o ninyo, para matulungan mo yung babaeng mahal mo...??
nakakaasar din lang kasi..
nakakaasar isipin na after all of these sacrifices..
eh yung boyfriend pa rin niya yung kanyang kapiling..
na para bang pinapataas ko pa yung survival rate niya at pagkakataon nila para magkasama sa probinsyang iyon...
naman..
ako yung nawalan ng Dream Date..
ako yung basta na lang nawalan ng Php 70,000..
pero sino yung nariyan para sa akin..??
wala... 🙁
is 💔 feeling , asukal na ama...??
---o0o---
April 9, 2021...
put*ng ina mo, Arjo..
ang kapal din talaga ng mukha mo..
parati kang nasa bahay nila..
ano, doon ka na rin nakatira sa kanila..?
doon ka natutulog sa tabi niya...? 🙁
maghanap ka ng trabaho para naman makatulong ka sa kanya...
inutil ako sa level ko na 'to..
halos nasa Php 5,000 lang yung monthly average ko kung tutuusin..
wala akong naitutulong para sa sarili kong biological family..
pero kung inutil ako, eh ano ka, Arjo..?
2 months ko nang sinasalo yung pagbabayad ng inuupahang bahay ng girlfriend mo..
pero ikaw eh pasarap-buhay lang sa piling niya... 🙁
is 💔 feeling , pero ang mas masakit dun..? tanggap ka niya kung ano ka.. at ikaw pa rin yung pinipili niya hanggang ngayon...
---o0o---
April 10, 2021...
halos tuwing umaga..
tumutunog kaagad yung phone ko kapag binuhay ko na yung router..
dahil sa mga messages na mula sa madaling araw...
pero ano bang ibig sabihin nun..?
bakit ginagawa pa niya 'yon..?
naaalala man lang ba niya ako..?
o inaalala niya lang ako dahil may mga kailangan pa siya mula sa akin...??
hanggang ganito na lang ba ako..?
isang source ng pera..?
inasikaso ko kaagad yung perang hinihiram niya..
inasikaso ko sa kabila ng nasa 240 kilometers na distansya sa pagitan naming dalawa..
pero after nun, ni hindi man lang siya nagpasalamat sa ginawa ko.. 🙁
i mean, ganun ba kahirap i-appreciate yung effort ko...??
kinalimutan ko yung pangarap ko sa buhay..
itinapon ko yung Dream Date ko..
pinalagpas ko na hindi na niya iyon kayang ibigay pa sa akin matapos yung mga nangyaring kaguluhan..
pinakawalan ko yung pera para mabigyan siya, sila, ng pagkakataon na makapagsimula ulit sa buhay...
pero bakit naman ganito..?
bakit si Arjo pa rin ang nakikinabang sa lahat ng mga sakripisyo ko..??
damay pa yung relative niya na lalaki at yung anak nun sa nakikinabang sa akin..
ano 'to, plano nila talagang gawin akong gatasang baka nila...?? 🙁
is 💔 feeling , ganito ba ako ka-basura sa paningin ng ibang tao...??
-----o0o-----
April 5, 2021...
natapos na sa mga render..
kaso Monday, tapos mas marami pa ang kinailangan na gawin for this month...
is feeling , kailangan ko nang maging milyonaryo...
---o0o---
April 8, 2021...
[Lottery]
nakakuha pala ng 3 numero yung card ko..
doon sa primary game ko..
pero hindi ko naman tinayaan...
is feeling , Php 80 Million ang target...
---o0o---
April 9, 2021...
marami-rami na rin yung mga tinamaan ng bioweapon sa mga relatives namin..
mostly eh mga health workers..
pero mga naka-recover din naman..
but this time, namatayan na ako ng isang pinsan... 🙁
maingay ang isang iyon..
at nakakahiyang aminin na panatiko siya ng santo na bugaw ng bayan para sa mga Imperyalista..
as in sa lahat ng mga kabobohan na ginawa ng santo, ni isa dun wala siyang nakita..
pero kahit na ganun eh mabait yung taong iyon..
sobrang mapagbigay at maalaga nun sa amin simula noong mga bata pa kami, at sila yung mga teenager na..
siya din yung halos ka-generation ko lang, na kahit na noong panahon na may pinu-pursue na ako na career, eh madalas pa ring nagbibigay sa akin ng pera tuwing holiday season..
ni hindi ko na nga mababayaran sa kanya personally yung perang inutang ko para sa kontrata ko eh, kasi nga kinuha na siya ng bioweapon bago pa natapos yung kontrata ko sa kanila... 🙁
aaminin ko, nagpabaya din yung relative ko na iyon.. 🙁
naglihim siya at hindi nagpa-test..
medyo matagal na rin siyang nagpapakita daw ng mga symptoms, hanggang sa bigla na nga siyang kinapos sa oxygen..
as in sobrang biglaan nung naging problema niya sa oxygen..
sa loob lang ng maiksing panahon, at napakabilis nga siyang kinuha nung sakit...
ganun katraydor yung bioweapon..
kaya nga ruming-rumi ako sa mga mamamayan na hanggang ngayon eh tinuturing pa rin na scam lang ang COVID-19.. 🙁
kesyo daw wala naman tinatamaan sa mga kapamilya nila..
mga put*ng inang basura ng lipunan...
at sa lahat ng mga pasaway na willing magpasok ng bioweapon sa loob nitong bayan..
put*ng ina, mag-isip-isip naman kayo..
kailangan walang quarantine dahil mga bayani kayo..?
kailangan walang quarantine dahil kesyo privilege ninyo na ma-enjoy ang mag-international travel..?
na pwede kayong tumakas na sa quarantine anytime na maisipan ninyo..?
sana maisip nyo naman yung mga inosente sa loob ng bayan na ito na pwede ninyong madalhan nung bioweapon..
sana maisip ninyo na maraming mga pasaway sa loob ng bayan na ito na willing din talagang ikalat yung bioweapon kapalit ng mga put*ng inang luho nila..
sakripisyo lang yung hinihiling sa inyo..
kung kaya ninyong manatili na lang sa mga bansang pinuntahan ninyo, eh doon na lang muna kayo..
o kung ipipilit ninyo na umuwi eh sumunod naman kayo sa quarantine protocol..
isang buwan kung kailangan na isang buwan..
huwag madaliin ang test, at saka lang magpa-test kung kailan posible nang ma-detect yung bioweapon..
iyon lang naman eh..
sakripisyo ng panahon, pero ganun talaga eh, kasi naging willing kayong maging mga potential carrier nung bioweapon papasok dito sa bayan...
is 💀 feeling , totoo ang put*ng inang bioweapon na ito.. totoo ang Imperyalismo...
No comments:
Post a Comment