Friday, March 12, 2021

Ang Alamat ng Most Undesirable Guy on Earth - Second Week of March 2021 (Re-Planning)

Loveless Story


Love in the Time of COVID-19 - Chapter 12: Re-Planning


March 6, 2021...

hindi ako makapagtrabaho..
may naging twist sa kapalaran ko..
kakaibang development...

is feeling , ano na naman bang ibig sabihin nito...??

---o0o---


March 7, 2021...

nagki-clearing na yung Cerberus..
not necessarily clearing pala..
pero nagre-revise ng content...

is feeling , sana mawala na lang sila.. ayoko na silang makita ulit.. winasak nila ang lahat...


>
mga walang hiyang iyon..
mga wala talagang konsensya..
sila ang gumawa ng problema..
tapos sila pa ang nang-abuso sa mga tao...

nagkamali ako..
inosente sila..
pare-parehas kaming sinubukang gamitin..
gustong tumupad nung tao sa kasunduan namin..
pero may ibang plano yung mga matatandang mangkukulam..
niloko nila kami nang dahil sa pera...

pinalayas yung mga kawawa pabalik sa probinsiya..
sa ngayon nandun sila sa area nina Arjo...

is feeling , sana may mga tumulong sa kanila...


>
yung nagbigay ako ng tulong pero hindi ko nga matulungan ang sarili ko..
pero pakiramdam ko hindi din ako nakatulong nang husto dahil pambayad utang lang yung malaking portion..
ang masakit pa doon, ako mismo ang sumalo sa kalokohang ginawa sa akin, sa amin, ng Cerberus... 🙁

tapos sa relative pa talaga ni Arjo ako nag-transfer transaction.. 🙁
ang saklap...

is 💔 feeling , ang bilis ng takbo ng mga araw kapag problemado ka...


>
kakaiba yung naging bigat ng loob ko..
malaking sampal sa akin noong malaman ko kung anong totoong nangyari..
kung paano kami minanipula..
lalo na kung paano sila tinrato nung Cerberus..
ang kapal lang ng mga mukha na magsalita ng tungkol sa pagmamalasakit para sa kasamahan..
pero wala naman talaga silang mga puso...

nasaktan ko ang babaeng gusto ko nang sobra-sobra.. 🙁
pero wala akong magawa para tulungan siya nang husto...

is 💔 feeling , kinailangan muna nilang makalaya, bago nila ulit ako nakausap...

---o0o---


March 8, 2021...

yung may saliva COVID-19 test na sa [Name of City]..
yun nga lang..
mas malayo..
drive-in..
may online reservation..
at ahead din ang pagbabayad...

is feeling , makakatulong sana para mas makatipid ako.. kaso baka sa biyahe pa ako makasagap ng bioweapon...


>
kagabi na lang ulit nakatulog nang medyo maayos..
yung klase ng tulog na kailangan ko..
yung totoong walang malay ang utak ko..
yung hindi ko naririnig ang kapaligiran ko...

is  feeling , pahinga...


>
wala na sila ni Arjo..
at mukhang umiyak talaga siya nang husto..
ano ba 'tong nagawa ko sa babaeng gusto ko...? 🙁

oo, noong sila pa, gustung-gusto kong maghiwalay na sila..
pero hindi sa ganitong paraan..
hindi sa ganitong klase ng panahon..
kailangang-kailangan niya ng makakapitan sa ngayon...

is feeling , bakit niya ginawa 'yon...??


>
ano na bang nangyayari, universe...?

nasaktan ko yung babaeng gusto ko..
nasaktan ko yung pamilya nila.. 🙁
pero bakit ganito..?
bakit binibigyan pa rin niya ako ng pagkakataon..?
bakit nakahanda pa rin siyang tulungan ako na mabuo yung sarili ko...??

anong ginawa ko to deserve this..?
kahit noong nagkita kami sa video call noong isang araw..
supposedly galit siya sa akin..
gaya ng mga nauna niyang sinabi noong naglabas siya ng sama ng loob sa mga messages niya..
pero sa halip, nagagawa pa rin niya akong pakitunguhan na gaya lang ng dati.. 🙁
kaya pa rin niyang magmukhang cheerful sa gitna ng mga problema...

is 💔 feeling , bakit ninyo ako hinayaan na masaktan ko siya, sila..? tapos biglang ganito...??

---o0o---


March 9, 2021...

[Medical Condition]

18th try..
mukhang may foreign mass pa rin..
ewan, hindi ko na rin talaga alam eh...

nasa day 93 na ako..
panibagong last try...

is feeling , kailangan pa rin kitang gumaling...


>
grabe naman yung resort na 'yon..
3 to 5 days daw ang processing ng refund..
pero talagang isasagad pa sa last day...

naalala ko na naman tuloy..
kung wala lang sanang romantic dinner date doon sa plano..
edi sana lagpas Php 1,000 lang yung nakabig nung resort...

is feeling , Php 2,700 for nothing.. ang saklap-saklap.. sa sobrang depressed ko noon, ni hindi ko na nga naisip na ibenta sa iba yung reservation ko...


>
replanning..
hindi talaga ako yung tipo ng tao na magaling mag-adjust..
matagal akong mag-aral at magplano ng mga bagay-bagay..
sandamakmak ako kung gumawa ng notes..
kaya naman madali akong ma-stress kapag nasisira ang mga usapan...

lalo na kung biglaan at madalian ang mga gagawing pagbabago..
tapos ay sa unfamiliar pa na territory...

is 💌 feeling , second chance...

---o0o---


March 10, 2021...

sinusubukang magdagdag ng mga nagagawa para sa trabaho..
kahit na wasak na wasak pa rin ako hanggang sa ngayon...

bukas..
kukunin ko na ulit yung desisyon nila..
kung pwede pa nga ba kaming tumuloy para sa nasira kong pangarap... 

is feeling , uncharted territory...


>
ngayong araw dapat kami magkikita at magsasamang muli..
maganda yung panahon..
kagagaling lang sana namin mula sa pseudo-romantic dinner date kani-kanina..
pero yung pangarap na pinag-ipunan ko nang matagal na panahon, nawala na lahat..
namigay ako ng pera para sa wala..
walang bouquet ng flowers, plus note..
walang slow dance...

is 💔 feeling , gusto kong mawala lahat ng mga tao na pinag-interesan yung pera sa likod ng pangarap ko.. gusto kong balikan ng matinding Karma ang Cerberus...

---o0o---


March 12, 2021...

[Medical Condition]

tapos na sa screening kaninang umaga..
madami-dami pa rin ang mga pumupunta doon sa site..
lalo na yung mga nagda-drive-thru...

mga 29 minutes ang inabot ko sa documents, verification, at payment..
after that, mabilis na lang yung mismong pagkuha ng sample...

Nasopharyngeal Swab..
ang sakit kapag naabot na yung dulo sa loob..
hindi ko naiwasang medyo mabahing after nung unang pasok..
tapos sa parehas pa palang butas ng ilong gagawin..
mas masakit pa kesa sa paggamit ng rapid test kit...

please, stay Negative...

is feeling , lagas na ulit.. Php 4,000 naman ngayon...

-----o0o-----


March 8, 2021...

so may pasyente na nga kami sa bahay ngayon..
hindi ko inasahan na madalas siyang umuubo...

is ⚠ feeling , hindi ko pa sigurado.. pero posibleng bagong laban 'to...

---o0o---


March 9, 2021...

nakakatakot..
bukod kasi sa bago naming pasyente na may Tuberculosis..
recently, yung original na matandang lalaki dito sa bahay eh kakaiba na rin yung nangyayari sa baga..
hirap na hirap huminga kapag matutulog na..
hingal nang hingal..
ihip nang ihip..
napaka-outgoing pa naman nun at hindi nagma-mask kapag nakikipag-usap sa mga tao...

ang sabi niya kung mamamatay, edi mamamatay..
ganun lang naman daw kasimple iyon..
pero ang problema eh, willing siyang isakripisyo lahat ng mga kasama niya dito sa bahay..
ang kapal ng mukha, eh ni hindi nga kanyang bahay 'to...

is ⚠ feeling , yung walang pakialam na kayang ubuhan at hipan ang mga pagkain, kahit na alam niyang hindi lang siya ang kakain nun...

---o0o---


March 10, 2021...

[Online Marketing]

1 year na yung 3rd store ko..
kung makakaya lang sana nun na mag-perform tulad ng 1st and 2nd store ko..
baka mas makalaban pa ako sa buhay...

is feeling , hindi ko maintindihan kung anong ikinakatakot nila doon sa store na iyon.. ang laki na nga ng pa-discount ko dahil mura lang maningil yung website.. tapos may 60-day refund policy pa.. ano, takot silang makita ang mga e-mail address nila...??

---o0o---


March 11, 2021...

[V-League]

put*ng ina..
seryosong digmaan ang paparating sa PVL..
pero hindi na 'to katulad ng dati..
nagsama-samang muli..
mas distributed na ang mga players..
at marami ang malalakas...

puwera injury..
puwera bioweapon...

is  feeling , ganito yung mga tamang digmaan...


No comments:

Post a Comment