Loveless Story
November 2, 2019...
ano na naman 'to, FATE...??
nag-load ako ng Php 50 dahil kailangan kong gumawa ng maraming tawag..
nakaltasan yung electronic money ko..
pero walang pumapasok na load para dun sa SIM... :(
is feeling , p*ta Globe, kakampi ka rin ba nila...??
---o0o---
November 3, 2019...
putris 'tong Globe..
nag-schedule ng upgrade nitong November nang walang dini-disclose na mga date..
wasak tuloy ang plano ko..
hindi makapag-load para makagawa ng mga tawag...
anyway..
ipinadala ko na rin yung huling proposal ko kina Miss Rice at Miss North..
muli rin akong humingi ng tulong mula kay Miss Y para gamitin sana yung influence niya..
depende sa magiging desisyon nila kung anong susunod kong gagawin...
is feeling , ano bang gusto nila..? simula o katapusan...??
---o0o---
November 5, 2019...
sumagot kanina si Miss North..
at nagbago ang isip ko...
decided not to proceed into the dark side...
no choice ako..
matigas talaga ang loob ni Miss Rice..
kaya nagpababa na lang ako ng level..
tutal eh may gusto pa naman akong makita kay Miss North..
tutal eh may mga goal pa ako na gusto kong matutunan..
hindi nga siguro magiging kasing-ganda at kasing-sulit yung adventure..
pero hindi ko pwedeng pakawalan na lang yung iba kong target...
kaagad na rin nga akong kumuha ng schedule..
with Miss Ann...
is feeling , bahala na...
---o0o---
November 6, 2019...
dahil tampo pa rin ako..
nag-iwan ako ng review para kay Miss Rice...
masuwerte siya na hindi ako nag-decide na wasakin siya at ang pamilya niya..
pero kailangan ko pa rin siyang dungisan kahit na papaano..
pang-discourage ng ibang mga kliyente...
dahil dun, mukhang kinabahan si Miss Bi at kaagad na sumagot sa message ko...
is feeling , payo lang naman...
>
i must say na terrible siya sa communication, or siguro pagdating lang sa tulad ko na goal-oriented..
given the fact na rin na ipinaliwanag ko naman na from outside [Area] pa ako, yung tungkol sa bakasyon ko, at na napatagal na rin yung abstinence ko..
bandang kalagitnaan pa ng September ako nagtatanong kung kailan pa ang mga available schedule niya, kasi usually ako ang nag-a-adjust para lang matuloy yung pangarap na adventure..
kaso sadly, walang ni isa sa mga tawag ko ang nasagot niya, bihira lang siyang sumagot sa mga messages, at hindi pa masagot yung mahahalagang tanong..
pinaka-frustrating yung 12 consecutive days na nagpaparamdam ako, pero na-ignore lang lahat ng messages ko..
katapusan na ng October noong mag-respond siya at nagsabi na fully booked na daw yung buong November niya..
feeling ko noon na na-ban na ako sa kanya... :(
sobrang busy niya kuno, kaya for 12 days eh total ignore yung nangyari..?
kalokohan..
naging active siya doon sa website the same day na may p-in-ost ako doon para sa kanya..
nagpalit siya ng picture sa messaging app the same day rin na may ipinadala akong message doon..
in-ignore niya ako dahil naka-filter ako sa kanya... :(
sobrang nakakapanghinayang yung oras..
siguro kung nasagot niya yung importanteng tanong ko noong September pa lang, baka nakakuha pa ako ng schedule sa kanya..
o kung nasabi niya noon pa lang na fully booked na siya hanggang November ay nai-adjust ko sana yung bakasyon ko para mahintay ko pa siya..
kaso nasabihan pa ako ng "maybe next time", kaya naghintay pa tuloy ako lalo..
sayang lang yung more than 1 month na hindi ako gumawa ng project at nagbakasakali na mami-meet ko siya..
nakakalungkot kapag may lumalabas na temptation, pero hinding-hindi mo naman magawang makatrabaho... :(
is 💔 feeling , curses...
-----o0o-----
[V-League]
November 3, 2019...
kaya pala hindi ko na napapanood na naglalaro si Salak..
40 plus na pala siya..
hindi halata dahil pang-Volleyball talaga yung form niya, di tulad nung iba na nagge-gain ng weight after ng college...
is feeling , at parte pala siya ng National Team na nakakuha ng medal noon...
---o0o---
PVL Season 3 - Open Conference (Finals)
November 6, 2019...
Motolite versus BanKo (Battle for Third - Game 1)
parami na nang parami ang live audience..
UP versus UP..
pero hindi 100% ang BanKo...
Set 1, 23-25, Tolenada, Layug, and Gannaban starts, unang nakalamang ang BanKo, ginagamit na kaagad si Ponce, dikit nang dikit ang Motolite, Cailing in, Ferrer back, Tempiatura serves, Gopico in, Emnas in, nanaig ang BanKo dahil sa kanilang 3 blocks plus 12 huge opponent errors..
Set 2, 23-25, una namang nakalamang ang Motolite, Doromal sa inilabas nang si de Jesus, habol din nang habol ang BanKo, Flora for Pablo sa likod, nabaliktad ng BanKo ang takbo ng set after ng 20th point, Tempiatura sa likod, pero naagaw nga ng BanKo ang set dahil sa kanilang 15 attacks and 3 blocks kontra sa sarili nilang 9 big errors..
Set 3, 18-25, Emnas starts and Ramos starts for Layug, Doromal-mode sa simula ang BanKo, una na ulit silang nakalamang, si Estrañero na ang nagli-Libero para sa Motolite, Cailing in, Tempiatura serves for Ramos, Tolenada in, pero mas nakaagwat na ang BanKo after ng 2nd technical time-out...
3-0, panalo ang BanKo..
2-1 na ang record nila laban sa Motolite...
Player of the Game si Roces with 11 pure attack points..
Tiamzon with 13 points..
Gervacio also with 11 points na may 2 kill blocks..
Bersola with 10 points na may 4 kill blocks..
Doromal with 6 points off the bench..
para naman sa Motolite..
Caloy scored 14 points, plus 11 excellent receptions..
Pablo also with 14 points..
Ponce with 12 digs and 11 excellent receptions in 2 sets...
Creamline versus Angels (Game 1)
Champions versus Champions..
Set 1, 25-14, Saet starts pa rin, Sato and Domingo starts for Creamline, unang nakaagwat ang Creamline hanggang sa nakalayo, double substitution ng Angels, inilamang ng Creamline ang kanilang 14 attacks plus 10 big opponent errors..
Set 2, 25-22, unang nakaagwat ang Angels, Cayetano serves for Domingo, double substitution ng Angels, nakalamang ang Creamline pagpasok ng 2nd technical time-out, Vargas for Gumabao sa likod, Layug serves for Nunag, dikitan ang laban sa bandang dulo, pero naagaw ng Creamline ang set dahil sa kanilang 18 attacks..
Set 3, 27-25, Cheng and Baloaloa starts, una pa ring nakalamang ang Angels, palitan ng kalamangan after ng 1st technical time-out, double substitution ng Angels kasama si Abriam, Layug serves for Nunag, Baloaloa-mode ang opensa ng Angels, extended set, Cayetano serves for Domingo, pero muling naagaw ng Creamline ang set sa huli...
3-0, panalo ang Creamline..
3-0 na rin ang record nila laban sa Angels...
Player of the Game si Baldo with 19 points from 17 attacks and 2 service aces..
Galanza with 15 points from 14 attacks and 1 kill block, may plus 10 digs din siya..
Gumabao with 10 points..
Atienza with 16 digs and 15 excellent receptions..
para naman sa Angels..
Sabete scored 12 points..
Prado with 11 points from 9 attacks and 2 service aces..
Cruz with 18 digs and 18 excellent receptions...
is feeling , hindi nasamantala ng Motolite ang hindi pagiging 100% ng BanKo.. salamat ulit kina Morado at Galanza para sa muling paglalapit sa Creamline sa pagiging champion...
-----o0o-----
November 5, 2019...
[TV Series]
The Killer Bride
Luciano's Killer Bride mode:
0) yung matandang inatake sa puso (zero, kasi parang sobrang bilis lang nung pangyayari para magawa siya ng isang mortal, pero wala namang ibang tao na nakakita dun sa Killer Bride na nakita nung matanda)
1) yung pag-atake laban dun sa pekeng albularyo, na tila grupo ang kinatatakutan niya, at ginamitan pa siya ng herbal drugs
2) ang pagpatay kay Justino sa gitna ng brownout, kasabay nang mabilis na pagdukot kay Emma, at ginamitan rin yung dalagita ng herbal drugs
3) ang pagdukot sa lalaking kalaguyo ni Mayor at ang paggamit rin ng herbal drugs laban dito
4) ang pagmanipula ng Killer Bride sa isipan ng pekeng albularyo habang ito ay nasa mental facility, sa pamamagitan ng paggamit ng drugs
dati nang tauhan ni Luciano ang pekeng albularyo, at inatake na rin nila ito upang magamit laban sa grupo nina Emma..
nakumbinsi nga ang pekeng albularyo na may gustong pumatay sa kanya upang hindi niya masabi ang katotohanan..
isa si Emma sa pinaghihinalaan niya na pinagtatangkaan ang kanyang buhay kaya niya ito inatake..
matapos ang kaguluhan, ini-reveal ng albularyo kay Fabio na nakita niya noon si Vito si kuweba, pero planted knowledge lang ito sa pamamagitan ng paggamit sa kanya ng drugs ng dating kaibigan ni Camila...
si Agnes yung dating kaibigan ni Camila na nakita niya noon na parang hina-harass ni Javier..
kabilang siya sa tinutukoy ko sa theory #1 na posibeng espiya ni Javier, kaso ay ang lalaki nga ang napatay sa insidente noon..
after that nakalimutan ko na ang tungkol sa character niya matapos iyong timeskip..
pero isa nga siya sa kapansin-pansin na nawala sa mga eksena, now that i remembered about her...
mukhang siya na nga ang Killer Bride ni Luciano..
kaya ang misteryo na lang tungkol sa pagkatao niya ay kung anong motibo niya, at anong koneksyon niya kay Luciano...??
theory #11 - na either ginamitan si Javier noon ng herbal drug para papaniwalain siya na si Camila ang umatake sa kanya..
o na si Camila ang ginamitan ng herbal drug para makumbinsi ito na atakehin si Javier...
is feeling , ang bilis na ng mga revelation nila...
>
[Sports]
yung isyu ng game-fixing sa isang liga ng basketball...
sinabi na kasi..
sa ibang channel na lang 'yon..
sa Channel 4..
sa Channel 13, kung meron pa man nun..
o di kaya eh maggawa sila ng sarili nilang channel, tutal eh madami naman silang pera...
is feeling , corrupted na karibal sa oras...
---o0o---
November 6, 2019...
[TV Series]
The Killer Bride
short update..
so na-reveal na si Agnes rin nga ang Killer Bride na sumusunod kay Emma noong may inatake sa puso na matanda...
samantala, talagang bantay-sarado na ng grupo ni Luciano sina Vito at Fabio..
though wala pa rin siyang alam sa existence ni Camila doon sa pinaniniwalaang haunted place...
at bilang review, heto yung mga krimen na related noon kay Camila:
1) ang pagpatay kay Javier, at pag-frame-up kay Camila
2) ang pagpatay sa abogado ni Camila nang malalaman na sana nito kung sino yung taong may horseshoe tattoos sa bandang dibdib
3) ang pagsunog sa bilangguan nina Camila kung saan naroon rin ang kanyang baby
is feeling , 3 grupo pa...
---o0o---
November 7, 2019...
[Piracy]
kari-release ko lang ng bagong project kahapon..
pero meron na kaagad namamalimos ng libreng pirated copy... :(
ang konting good news..?
mukhang nakaligtas naman sa pag-atake yung project #9 ko para sa buong panahon na siya yung latest release..
ewan ko lang kung anong mangyayari ngayong may naakit na nga kaagad sa pagka-release ng project #10...
is ⚠ feeling , halos 3 months na walang pag-atake...
---o0o---
November 9, 2019...
[TV Series]
The Killer Bride
una..
hindi ako sigurado..
pero parang nakapatay ang grupo nina Camila at Vito..
namatay yata yung tauhan ni Vito sa setup na ginawa laban sa kanila..
pero pinalabas nila na yung si Edmundo na katauhan ni Fabio ang namatay sa engkuwentro...
after that setup..
nagawa namang maka-counter kaagad ng grupo nina Camila..
nakuha ng tauhan nila ang plate number ng tauhan ni Luciano...
samantala..
parang may iba pa ngang kasabwat si Luciano..
English-era na sadista na babae, parang dubbed pa yung boses niya..
kung si Agnes rin kasi iyon, eh bakit hindi ipinakita ang mukha..??
na-convince sila na nabawasan na nila ang kakampi ni Emma, pero batid na may kakampi pa itong babae...
nagsimula naman ang grupo nina Camila na palabasin ang kasamaan ni Luciano..
gumagamit na sila ng mga planted evidence para pag-initan si Luciano ng mata ng maraming tao...
is feeling , mas strategic ang labanan dito kumpara sa Altagracia...
No comments:
Post a Comment