Loveless Story
5th week..
kasi kapag 5 columns ng kalendaryo yung naukupa eh 1 week na kaagad ang basa ko dun...
---o0o---
May 27, 2018...
1 year na ang samahan namin ng [Name of Online Payments System]...
salamat dahil ginawa niyang posible yung trabaho ko...
yun nga lang..
hindi pa ako nakaka-1 Million man lang... XD
is feeling , andami pang kulang...
---o0o---
May 28, 2018...
parati siyang bumabalik by Monday morning..
at parang oras pa na pang-trabaho ang oras ng biyahe niya...
is feeling , ano ba talaga ang lugar na yun para sa kanya...??
---o0o---
May 29, 2018...
1 year na ako sa propesyon ko.. :)
bale, para dun sa sales part...
well..
i can't say na sobrang successful ko doon..
hindi naman kasi ako umaabot ng 6-digits per month..
i can't say na yun yung tipo ng career na pwede kong ibalandra sa lahat..
hindi naman kasi pwede na sa tuwing may tao na magtatanong sa akin ng "anong trabaho mo?" eh basta ko na lang sasabihin na nasa adult industry ako of some sort..
siyempre tatahimik pa rin ako kung kinakailangan...
ang importante sa ngayon, eh nalalabanan ko 'tong buhay..
sa paraan na alam ko..
at sa paraan na komportable ako...
is feeling , anniversary pala eh.. makapag-celebrate nga sa Fantasy World.. joke...
---o0o---
May 31, 2018...
[Strange Dream]
ayun..
puyat..
may ilang travel blog kasi akong binasa kagabi eh...
napanaginipan ko tuloy..
tapos maya't maya akong nagigising kasi nga alam ko na hindi naman yun totoo... :(
is feeling , malay ko ba...
-----o0o-----
[V-League]
PVL Season 2 - Reinforced Conference (Round 1)
May 26, 2018...
Angels versus Iriga Navy Oragons
injured na si Kullerkann..
pinalitan siya ng smaller player na si Lymareva, at mukhang mas effecient ito na import...
Set 1, maagang lumamang ang Angels at naghabol na lang ang Oragons sa bandang dulo, natapos ang set sa 25-22, in favor of Angels..
Set 2, dikitan naman ang set na ito sa tulong ng mga imports ng Oragons, na-extend yung puntusan hanggang 30-28, pero Angels pa rin ang nakakuha nun..
Set 3, 25-13, at nahirapan na ngang maghabol ang Oragons...
3-0, panalo na ulit ang Angels..
local players ang nakahihila pababa sa Oragons..
nanaig sina Trach at Lymareva laban kina Ubben at Whyte..
at Player of the Game kaagad ang halos bagong dating lang sa Pilipinas na si Lymareva, with 16 points...
PayMaya versus BanKo
naglalaro na ulit si Soltones para sa PayMaya..
injured naman si Gervacio ng BanKo...
Set 1, 25-18, nakakadikit naman ang BanKo pero nang-iwan na ang PayMaya after ng 16th point ng BanKo..
Set 2, 25-18 ulit, in favor ulit of PayMaya..
Set 3, 25-19, nakapanlaban na ang BanKo this time..
Set 4, gumanda ang blocking ng BanKo, 25-22, at na-extend pa nila sa 5th Set ang laban..
Set 5, pinagharian ni Tiamzon sa tulong ni Bright yung set, natapos nila yun sa 15-11...
ang 5th 5-setter match ng season..
at upset para sa PayMaya..
grabe ang BanKo, mga nasa itaas lang ng rankings ang tinatalo nila..
dahil dun ay natulungan nila ang Creamline na pababain ang rank ng PayMaya...
ang ikalawang talo nina Rountree at Sullivan..
hindi na maganda ang laro ni Montripila nung later sets, at matapos siyang mauntog ni Emnas..
si Bright naman ay hindi parati nabibigyan ng magandang set..
pero Player of the Game pa rin siya with 25 points...
is feeling , BanKo = Bastos , LOL...
---o0o---
May 27, 2018...
sa Batangas ulit..
siguro dahil malakas ang ticket sales nung group ng Creamline last week...
Creamline versus Fighting Warays
Galanza versus Alvarez...
Set 1, kay Baldo yung set na 'to, making 4 out of their team's 7 aces, mabilis lang nilang tinapos yun sa 25-14..
Set 2, maagang na-check ng blockers si Kaewpin, at tinulungan ni Amporn na lumamang ang Warays, 20-20 na nang makahabol ang Creamline, pero nagawa naman nila itong agawin pa rin, 27-25..
Set 3, nagkaroon si Galanza ng time para mababad sa court..
maganda ang laro ng Creamline sa umpisa at sila pa nga ang lamang..
kahit si Baldo eh nakagawa ng accidental point sa headshot niya, LOL..
pero nakatabla ang Warays sa 15-15, at sila na ang lumamang matapos yun..
23-23 na nang muling makatabla ang Creamline, at masuwerteng nagpakawala si Baldo ng 3 sunud-sunod na service aces para magawa yun..
hanggang sa tinapos na nga ng Creamline ang laban sa kill block ni Asceric, 26-24...
sa tingin ko mas maganda ang performance nina Hyapha at Sangpan kumpara kina Kaewpin at Asceric..
kinailangan pa ni Kaewpin ng mga combination plays para maipasok yung ilang mga atake niya..
si Asceric naman eh mas nakarami ng puntos sa mga regalo, compared sa set para sa kanya...
3-0, with 2 extended sets..
panalo ang Creamline..
Player of the Game si Morado with 29 excellent sets..
pero sa tingin ko na mas pang-Player of the Game yung nilaro ni Baldo, since hindi naman naging madaling maka-score para sa lahat ng mga attackers nila..
nakagawa si Baldo ng 22 points with 8 service aces, at may headshot pa nga dun...
Pocari-Air Force versus BaliPure-NU
Bagyong Pablo versus Young Generation NU..
Love versus Johnson...
Set 1, 25-19, in favor of Pocari-Air..
Set 2, overkill ng BaliPure, 25-10..
Set 3, balik sa Pocari-Air ang kalamangan sa laro, natapos ng Pocari-Air ang set 25-17..
Set 4, bumalik din sa BaliPure ang momentum sa umpisa ng set, pero lumamang na ang Pocari-Air matapos nilang tumabla sa 15-15, tinapos nila ang set at match 25-21...
nanaig sina Love at Palmer laban kina Johnson at Mathews..
but still, palaban talaga si Johnson...
3-1..
panalo ang Pocari-Air Force..
naturuan nila ng leksyon ang mga batang NU..
Player of the Game si Pablo with 21 points...
dahil sa panalo ng Pocari-Air Force eh nag-iisa na lang ngayon ang Creamline sa #1 spot...
plus, mukhang nagpalit ng schedule ang Creamline at Fighting Warays sa laban nila kontra sa Iriga Navy Oragons...
is feeling , thank you ulit team sa pag-aangat kina Morado at Galanza.. thank you rin Pocari-Air sa pagpapababa sa BaliPure-NU...
---o0o---
May 30, 2018...
Pocari-Air Force versus Angels
Set 1, nakakadikit naman ang Pocari-Air pero nakalayo ang Angels dahil sa kanilang 12 errors, natapos ang set sa 25-19, in favor of Angels..
Set 2, na-injure ang main Setter ng Pocari-Air na si Semana, pero nakuha pa rin naman nila yung set, 25-20..
Set 3, extended yung set, pero tinapos yun ng Angels sa 28-26..
Set 4, 25-21, in favor na ulit sa Angels...
3-1, panalo ang Angels..
dahil dun ay 4 Wins - 3 Losses na lang ang maximum na pwedeng maging record ng Pocari-Air Force para sa Round 1...
malakas rin nga sadya si Lymareva sa kahit saang puwesto, kaya nakatulong siya nang malaki sa Angels..
panalo sina Trach at Lymareva laban kina Love at Palmer..
Player of the Game si Lymareva with 30 points and 5 service aces..
pero dahil maagang na-injure si Semana, eh mahirap matantsa kung malaki ba ang inilakas ng Angels, o ang Pocari-Air ba ang humina kanina...
Fighting Warays versus Iriga Navy Oragons
Set 1, 25-20, in favor of Warays..
Set 2, madalas na lamang ang Navy Oragons pero nakauna pa ang Warays sa bandang dulo, muli nilang natapos ang set, 25-22..
Set 3, naghahabol ang Navy Oragons hanggang sa lumamang na sila sa 16-15, na-extend pa yung set at natapos sa 27-25, pero in favor ulit of the Warays..
3-0, nakakuha na naman ng panalo ang Fighting Warays..
nagpalit yata ng isang import ang Fighting Warays, si Sangmuang para kay Sangpan, though siya talaga yung original na hinahabol nila noon..
nanaig sina Hyapha at Sangmuang laban kina Ubben at Whyte..
Player of the Game si Hyapha Amporn, 17 points with 4 blocks...
is feeling , lagot yata sina Pablo neto.. tapos panay pa ang balasahan ng mga imports...
-----o0o-----
May 26, 2018...
asar naman o'... :(
unang-una..
ayoko na nakikipag-transact sa magagandang babae nang biglaan..
yung wala man lang advance na pasabi..
yung basta na lang "o', harapin mo pamaya si ganito..."..
nakakahiya eh..
ambantot-bantot ko na..
tapos nagpa-picture pa talaga na katabi ko siya... :(
thick-type yung babae..
maputi..
pamilyado (kasama niya yung asawa niya, LOL)..
pero matatantsa mo na mataas talaga ang kartada niya noong dalaga pa siya...
tapos, naisahan pa nila ako..
akala ko for documentation yung purpose nung picture..
kaya hindi na ako kumontra..
pero mukhang gagamitin lang pala nila for promotion sa Facebook..
isang solo shot..
tapos dun sa padalawa eh sinamahan pa ako nung babae... :(
nakakahiya... :(
is feeling , hindi ako prepared...
>
nasa 52 pages na ako..
done with the clinic..
last setting na lang..
balik sa classroom...
is feeling , marami pa ang kulang...
---o0o---
May 28, 2018...
[Sports]
Cleveland = Bastos (walang respeto sa home-court advantage ng kalaban, at sa ticket sales)
LeBron = Super Saiyan (hindi tao)
binitinan na, nakatira pa rin, at naka-score pa... XD
si Tatum kasi eh..
binangga pa si LeBron matapos yung dunk niya..
dapat saka yung angas kapag naipanalo na nila yung laro..
ayun tuloy... XD
is feeling , anyway.. ang importante eh sina Leonidas ang makapasok sa kabila...
---o0o---
May 29, 2018...
[Sports]
pagkakataon nga naman..
home court ng Houston..
pero malas sila sa tres..
ayun at nakagawa pa sila ngayon ng bagong (negative) record... :(
nakakalungkot ang nangyari sa Boston at Houston..
bastusan eh..
konti na lang at mapapalitan na sana nila yung matchup para sa Finals..
pero kinapos pa talaga... :(
is feeling , 4 years nang garine...
---o0o---
June 1, 2018...
[Sports]
naawa ako sa Cleveland..
sumala na nga yung 2nd free throw..
kaganda naman ng offensive rebound..
yun nga lang - hindi na lang itinawag ng timeout...
mababangasan na sana nang maaga ang dynasty eh..
pero nasayang pa talaga yung 51 points...
is feeling , nagkagulo pa tuloy.. at bawas pa ang Cleveland ng player next game...
>
[Video]
heto naman ang konting pampa-good vibes..
sa kabila ng lumulubhang ekonomiya ng bayan...
ganito ang office attire nila sa Tanduay...??
credit for this video goes to FHM and Tanduay...
— feeling , makapag-office na nga...
---o0o---
June 2, 2018...
naalala ko yung pag-iinarte nung matandang lalaki noong isang araw...
inis na inis kasi siya dun sa girlfriend nung bunso nilang anak..
kesyo wala daw respeto sa kanya..
basta-basta na lang daw pumapasok at umaalis sa bahay (ng biological mother ko) nang hindi man lamang bumabati at nagpapaalam...
LOL..
talagang nagde-demand pa siya ng respeto...?
kung alam mo ba kung gaano kawalang kuwenta at kung gaano kapabigat sa buhay ang isang tao, eh maglalaan ka pa ba ng respeto..?
kung halos 24/7 ba na naka-boxer shorts lang, tapos eh naka-brief lang kapag natutulog sa sala (note na natutulog na rin yung babae sa bahay), eh magiging komportable ka ba na batiin yung taong yun...?
is feeling , ano bang gusto niyang isumbat..? na gawa yung bunso niyang anak sa sperm cell niya...??
No comments:
Post a Comment