Friday, June 30, 2017

Ang Alamat ng Most Undesirable Guy on Earth - Last Week of June 2017 (PayPal)

June 24, 2017...

[Movie]

Rogue One - A Star Wars Story

if i'm not mistaken, Disney script rin lang ang isang 'to...

ang panahon bago pa ang Death Star..
ang main antagonist ay isang Imperial officer, si Director Krennic, ang pasimuno ng Death Star...

isang Star Wars film na walang Jedi...

as usual, ang maaasahan sa new generation Star Wars films, may awesome settings na naman...

mas realistic rin ang movie na 'to, regarding yung praktikal na behavior sa panahon ng digmaan..
usually, hindi para pumatay ang mga bida ng Star Wars ng mga informant nila..
madalas na gawain lang yun ng mga kalaban..
kaya nakakagulat na itinumba ng isa sa mga main protagonist, si Captain Andor, ang isa sa mga informant nila para lang hindi sila mahuli..
same goes dun sa plano ng Rebel Alliance na ipatumba na lang ang ama ni Jyn Erso...

may mga familiar faces, gaya nina Bail Organa at Mon Mothma..
may cameo rin sina C-3PO at R2-D2..
madalas naman talaga na may iba pang mga kalaban sa istorya ng Star Wars maliban sa Empire, pero nagpasok na rin nga sila ng concept ng mga rebel extremists gaya nina Saw Gerrera..
nagpasok na rin sila ng konsepto ng pulitika sa hanay ng mga Imperial Officers..
pero pinakamalupit yung CGI na ginawa nila para buhayin muli sina Grand Moff Tarkin at Princess Leia...

si K-2SO ang tumayong R2-D2 at C-3PO..
prangka at madaldal na reprogrammed Imperial droid gaya ni C-3PO, at palaban gaya ni R2-D2..
ambangis rin na nilagyan nila ng totoong martial arts yung Star Wars sa tulong ni Donnie Yen, at bulag pa siya nun..
he could have been a great Jedi kung may nakapagturo lang sa kanya...

nadusong ang Rebel Alliance..
kaya naman napilitang kumilos ang Suicide Squad - ang Rogue One..
umasa sila sa flaw na inilagay ng tatay ni Jyn Erso sa Death Star..
"rebellions are built on hope"...

ang huling labanan ay sa planeta ng Scarif..
isang beach planet..
beach galore..
ambangis talaga ng armor ng mga Shoretroopers...

paking na harapan at all out war sa pamumuno ng Mon Calamari..
ultimately, kinailangan ng lahat ng mga bida na mamatay at gampanan ang bawat papel nila..
it was necessary dahil wala naman nga sila sa original script..
at malupit ang sunset view na inabot nina Jyn Erso at Captain Andor - yung gumagapang...

eh yung muntik pang ma-intercept ni Darth Vader yung leak tungkol sa Death Star...?

was feeling , maganda namang paningit...

---o0o---


June 25, 2017...

[Online Marketing]

got a new bidder/buyer sa eBay..
sana nga matuloy...

was feeling , ibalik ang Star Wars fund...

>
kapag nagkataon, baka hindi ko na rin pala kailanganin pa ng bangko...

matagal na palang pwedeng i-transfer yung pera sa PayPal papunta sa GCash eh..
libre pa, parang kapag nagka-cash-in sa Villarica..
hindi tulad sa mga bank transactions na may bayad ang paggalaw ng pera...

kaso..
gaya ng GCash App (na hindi ko ginagamit dahil mas okay yung sa *143#), na hindi pulido gaya ng maraming smartphone apps..
eh mukhang under development pa yung sistema...

was feeling , sayang yung Postal ID ko kapag nagkataon...

---o0o---


June 27, 2017...

[Medical Condition]

5 months na nga palang bukas ang katawan ko noong ika-25...

tapos after a lot of weeks..
ngayon na lang ulit siya tumagas nang kainaman..
super leak...

was feeling , buhay pa naman...

---o0o---


June 28, 2017...

[Strange Dream]

had a dream, nito na yatang madaling araw yun..
pero hindi naman pang-pilyo...

combo yung setting eh..
isang malaking bahay..
pero left side ng Cathedral yung labas (left side, while facing the church), particularly yung gate area malapit sa libingan doon...

basta dumating daw doon yung magkaibigan na sina Miss Co at Miss H..
not very sure about Miss H, dahil mas naaalala ko si Miss Co..
i had the chance daw to talk with Miss Co..
hindi naman daw kami naging ganung kadetalyado tungkol sa mga nangyari, pero parang nagkasundo na rin nga kami sa wakas..
ang mas naaalala ko eh yung constant na pagngiti-ngiti niya habang nakikipag-usap siya sa akin..
hindi lang kami masyadong makapag-usap nang ayos dahil nandun daw noon yung mga makukulit kong famiglia..
lalo na yung makulit na mahilig bumarek na ang hilig daw sumingit at magparinig...

hanggang sa paalis na daw yung 2 babae..
ihahatid ko sana sila palabas eh..
andun na kami sa area bago lumabas nung gate..
kaso may kinailangan akong asikasuhin saglit sa loob nung bahay..
at pagbalik ko sa labas eh wala na sila..
sinubukan ko daw silang hanapin..
lumabas na ako sa may gate, umakyat sa kung saang mataas na bagay, at sinubukang makita sila sa crowd..
pero nawala na nga sila...

was feeling , beautiful regret...

>
[TV Series]

Ang Probinsiyano

nakakaumay na yung buong istorya..
pero anlupet nitong ginawa nilang turning point..
pinatay nila si Ricky Boy para lang makabalik sa pagpupulis si Cardo..?
para lang mapabagsak ang mga rebelde na sponsored ng mga taong-gobyerno...

was feeling , kawawang bata, matalino at bibo pa naman...

>
napag-link ko na yung GCash at PayPal ko...

at napatunayan ko naman na maganda nga yung security system ng GCash..
kasi kailangang physically andun talaga sa device yung SIM card bago magamit..
hindi katulad ng ibang smartphone at computer apps na kailangan lang i-register yung phone number at good to go na...

kaso nandun na naman sa PayPal yung isyu..
naka-link na sila sa isa't isa, pero d-in-eactivate ng PayPal yung connection..
for account security daw..
na parang hindi na naman necessary, kasi nga may details naman na doon sa PayPal, at hindi rin naman basta-basta nagagamit yung mobile GCash kung wala sa possession nung user yung SIM...

ang isa pang challenge para sa akin..
eh hindi sa smartphone nakalagay yung number ko, sa ordinaryong cellphone lang..
tapos naka-tape pa yung casing nun para lang maisara yung sirang port, kaya sealed yung SIM card sa loob..
yung smartphone ko naman eh naka-SIM lock..
at doon ko lang sa tablet ko pwedeng magamit yung app, kaso hindi naman portable yung tablet...

kaya mukhang mapipilitan akong magpalipat-lipat nang SIM neto...

was feeling , para sa libreng money transfer...


No comments:

Post a Comment