Friday, June 30, 2017

More Failures

imagine a government and a system kung saan walang tiwali..
yung tipo kung saan ni hindi na papasok sa isip ng mga mamamayan na "o baka may mangyaring pang-aabuso sa kapangyarihan, gaya ng sa mga lumalabas na balita sa TV"..
isang ideal na sistema kung saan ang paglaban sa kriminalidad ng mga mamamayan na naliligaw ng landas - eh ang tiwala sa mga awtoridad at sa hustisya...

imagine a system kung saan hindi na kailangan ng mga mamamayan na mag-isip kung:
kokotongan ba ako ng mga opisyales na 'to..?
pagnanakawan ba ang bahay ko ng mga awtoridad na 'to during a search..?
magtatanim ba ng ebidensiya laban sa akin/amin ang mga awtoridad in case na papasukin namin sila sa aming tahanan..?
hindi ba sila magtuturo ng mga fall guy..?
hindi ba sila magtutumba ng mga inosenteng tao..?
hindi ba sila magtutumba para lang padaliin ang pagpapataw ng hustisya..?
wala bang pinoprotektahan na mga sindikato ang mga awtoridad...?

kung ganun lang sana ang klase ng gobyerno na meron sa bansa natin sa panahon ngayon..
sa panahon kung kailan kinakailangan na talaga natin ng tunay na pagbabago..
edi sana ay mas madali na ang pagsugpo sa kriminalidad..
lahat sana ng mahuhulihan ng ilegal na droga sa mga bahay nila, eh hindi na pagdududahan na tinamnan lang ng mga ebidensya..
lahat sana ng mga suspek na mapapatay ng mga pulis, eh hindi na pagdududahan na itinumba lang..
madali na lang sana ang pag-che-check ng mga kabahayan laban sa ilegal na mga bagay, kahit pa walang search warrant, dahil tiwala nga ang mananaig..
at madali lang sanang mahuhuli ang mga taong nagtatago ng mga baril o armas sa kanilang mga tahanan, para maiwasan naman ang mga anyo ng karahasan na gumagamit ng mga baril...

pero siyempre, imposible yung mangyari..
dahil wala naman talagang perpektong sistema sa mundong ito...

---o0o---

update ulit (114 na)..
medyo in-organize ko rin yung mga kaso..
una (untikan ko nang makalimutan 'to), ang pagtataksil sa interes ng bansa at ng mga (ibang) mamamayan (lalo na yung mga naging biktima), at pagbalewala sa kasaysayan at dangal ng bansa:
  • ang pagpapalibing sa bangkay ng isang Diktador sa isang makabuluhang national cemetery
  • yung pagbibigay ng permiso sa isang Imperyalistang nasyon (na lantarang nang-aagaw at nang-aangkin ng mga teritoryo) ng kalayaan para mag-explore sa teritoryo na posibleng mapagkunan sana ng mahahalagang resources ng bansa
  • yung kagustuhan na kontrolin kung sinu-sino ang mga mamumuno sa mga Barangay hanggang 2020
  • yung pahiwatig na gusto niyang ipatupad yung Martial Law na katulad nung sa Dictator Clan

are yung ang involved o semi-involved eh mga identified talaga bilang awtoridad:
  • yung mga lalaking itinumba kahit na naka-posas na sa likod
  • yung 4 year old daw na bata na nadamay sa pagpatay ng mga pulis sa tatay niya
  • yung army reservist na pumatay ng lalaking naka-bike matapos ang road rage at matapos nilang magsuntukan sa kalye, tapos may nadamay pang isang sibilyan sa pamamaril niya
  • yung OFW na dinakip sa checkpoint at naging biktima ng torture at pagpatay
  • yung mga taga-Quezon na hinuli sa parang raid, pero wala palang record ang mga pulis ng naging operasyon na yun laban sa kanila, at may natagpuan na lang na mga sunog na bangkay na pinaghihinalaan na sa mga taong yun na pinagdadakip nga
  • yung kaso nung Australian, kung saan hindi nag-match yung statements ng mga arresting officers kumpara sa naging kuha ng CCTV, at may alegasyon pa ng tangkang pangingikil (this happened sometime before the current administration)
  • yung kaso involving Makati Police, kung saan inaresto ang isang OFW gamit ang gawa-gawa lang naman DAW na dahilan, at tinakot DAW na gagawing related sa ilegal na droga kung hindi magbibigay ang pamilya niya ng Php 500,000
  • yung kaso ng pagpatay sa Regional Chairperson ng Citizens Crime Watch sa Oriental Mindoro, kung saan Police Senior Inspector at Inspector (police awardee pa yung isa) yung nahuling mga suspect, at may mga kagamitan talaga sila na pang-riding-in-tandem
  • yung Mayor sa Mindanao at ang mga kasama niya na hinihinalang pinatay sa rubout
  • yung pagkamatay ni Mayor Espinosa; nakakulong na, hinainan daw ng search warrant kahit na madaling araw na, nawawala ang kuha ng CCTV, at nakapanlaban daw
  • yung mabilis na pagre-reinstate dun sa Marcos (pulis ng Region 8 na sangkot sa kasalukuyang kaso/istorya ng mga Espinosa) at tila pagiging 'maluwag' ng mga kinauukulan sa iba pang pulis na involved
  • yung patuloy na pagkampi sa mga pulis ng Region 8, matapos ang findings na murder nga DAW yung ginawa nila laban kay Mayor Espinosa, hindi pa man sila napaparusahan pero may nakapangako na kaagad na absolute pardon para sa kanila
  • yung kidnapping ng isang civilian last October daw na nakunan ng CCTV, na ang sangkot ay mga pulis na hindi naka-uniform
  • yung kaso sa Lemery, Batangas kung saan may claim na nauna (higit na mas maaga) daw hinuli yung mga drug suspects nang mga naka-civilian na pulis na wala namang dalang warrant, pero hapon na noong kuhanan ng mga pictures at inventory na may kasama ng mga ebidensiya laban sa kanila
  • yung pagpatay ng isang pulis sa lalaking nanlaban DAW matapos mag-amok sa isang bangko sa Laguna na nakunan naman ng CCTV camera  
  • yung pamamaril ng isang lasing na pulis sa Misamis Oriental na ikinasugat ng 4 na katao 
  • yung nakainom na pulis sa Negros Occidental na namaril din at nakapatay
  • yung ginawang pananampal at panggugulpi ng isang sundalo sa isang bar sa Isabela, supposedly eh naka-duty daw siya, at nanggulo DAW doon dahil gusto ng nude dance/show
  • sa Sorsogon, yung pangho-holdap ng isang sundalo sa isang remittance center, na supposedly eh naka-duty rin siya during that time
  • yung pulis na nambugbog ng makulit na matandang lasing, at inilagay pa niya sa paso ang batas
  • sa Negros Oriental, yung pulis na nakunan ng video habang pinatapat ang tenga ng isang sibilyan sa muffler habang pinapaandar yung motorsiklo
  • yung pulis sa Sta. Mesa na namaril ng sibilyan na binu-bully DAW nito parati at sinaktan pa bago yung insidente, matapos na rumesbak yung biktima na may dalang bato at itak
  • yung buy-bust operation DAW sa Caloocan, na ginawa ng mga naka-sibilyan na naka-hood at mga naka-maskara at hindi na mga pulis, na natunugan DAW, kung saan 2 magbiyenan na drug-related suspects ang napatay sa loob ng kanilang pamamahay
  • yung napatay na 17 y/o sa Caloocan City na hindi naman target pero nadamay daw sa ginawang buy-bust operation, nakita daw siya na may baril kaya pinatay na
  • sa Maguindanao, yung 2 bata na edad 6 at 10 daw na nadamay at napatay sa ginawang anti-illegal drugs operation sa kanila, kung saan nasugatan rin daw yung 2 pa nilang mga bata rin na mga kapatid
  • yung pulis na namaril ng kapwa pulis sa Lipa City
  • sa Pasay City, yung miyembro ng army na nakainom, nagwala, at nakipagbarilan pa sa mga pulis
  • yung pulis na nang-rape ng sibilyan sa Calamba City, na ginamit DAW yung pagka-pulis niya para kunwari ay magpapatulong lang dun sa biktima
  • yung pulis na binaril yung menor de edad na isinasama lang DAW niya
  • yung pulis Mandaluyong na aksidenteng nakabaril sa Nasugbu, Batangas dahil DAW ipinagmamalaki niya yung baril na na-issue sa kanya
  • yung SAF na nambugbog ng traffic enforcer sa Bacolod matapos siyang masita na nagawa niyang traffic violation
  • sa Dumaguete, yung 5 pulis (hindi naman naka-uniporme o naka-duty) na nambugbog DAW dahil sa isang basketball game
  • yung nakunan ng CCTV na pulis (na naka-sibilyan) na nanggulpi ng lalaki na sinubukan na DAW humingi ng tulong sa mga pulis sa isang presinto ng QCPD, ikinulong pa nila yung lalaki at ipinaako DAW sa kanya lahat ng pagkakamali, at dahil yun sa away-trapiko pa rin
  • sa Mandaluyong, yung 2 lalaki na hinuli dahil sa pag-iinuman sa kalye, pero nakunan ng cellphone video na pinagpapapalo ng kahoy ng isang pulis
  • yung sa General Trias, Cavite, yung 3 pulis na nang-torture rin daw ng 2 preso at pinilit pa yung 2 na maghalikan habang nanonood sila
  • sa Manila, yung naka-AWOL na pulis na nagpaputok daw ng baril at nakatama ng 2 menor de edad, at nanapak pa daw
  • sa Antipolo City daw, yung jeepney driver na pinatay daw ng isang pulis Maynila dahil lang sa away-trapiko
  • sa Cabanatuan, yung 2 pulis na naka-droga na namaril at pumatay ng 2 katao, na ikinasugat ng 1 pa
  • yung CCTV footage na ibinigay kay Senator Lacson, na nagpapakita kung paanong tinaniman ng mga pulis DAW ng ebidensya ang isang opisina, tapos ay saka ni-raid yung lugar
  • yung na-hulidap na Korean, na nahingan na nga ng ransom yung pamilya, pero pinatay pa rin talaga yung biktima sa loob pa mismo ng kampo ng mga pulis
  • yung mga South Korean na na-hulidap sa Pampanga, na nakunan ng CCTV, na hinuli gamit ang alibi na sangkot sila sa illegal online gambling, na ilang oras ikinulong sa police station at pinakawalan lang matapos magbigay ng pera
  • sa Quezon City, yung 4 na pulis na nahuli dahil sa kaso ng kidnapping at extortion, isang lalaki at yung kasintahan niya ang naging mga biktima
  • yung nangyaring saksakan at patayan ng mga high profile inmates sa loob ng Bilibid kahit na pinataas na DAW yung seguridad doon at mga SAF pa ang nagbabantay
  • yung panibagong kaso DAW ng VIP treatment para sa mga high profile inmates na lumabas sa balita nitong February 2017
  • yung maramihang pagsibak sa mga pulis sa Parañaque dahil DAW sa mga kaso ng pangongotong
  • sa Ilocos Norte, yung 2 pasaway na pulis, na naka-off na daw sa duty, pero nahuli namang nag-iinuman sa kanilang presinto
  • ang patuloy at malaking bilang ng mga pulis na lumalabas na positibo sa paggamit ng ilegal na droga through drug test  (ang isa sa butas ng laban kontra sa ilegal na droga)
  • sa Las Piñas, yung opisyales na pulis na related sa PNP Crime Laboratory na nahuling gumagamit ng ilegal na droga sa isang drug den
  • yung PO1 na sangkot daw sa ilegal na droga at miyembro rin daw ng sindikato
  • yung 3 sundalo DAW na nahulihan ng mga drug paraphernalia sa Cebu City
  • yung nasa 160 pa na mga pulis na inire-recommend ng PNP-IAS na pagsisibakin na dahil sa involvement nila sa ilegal na droga
  • sa Catanduanes, yung nagbitiw na pulis na umamin na totoo DAW ang pagtatanim ng mga ebidensya at extrajudicial killings
  • sa Bacolor, Pampanga, yung government employee na biktima ng tanim-droga ng mga pulis at mga miyembro ng PDEA, yung hindi nagtugma yung written report sa kuha ng CCTV
  • sa Manila, yung 4 na senior citizen na naging biktima rin DAW ng tanim-droga at tanim-bala ng mga pulis, may kuha ng CCTV tungkol sa kuwestiyonableng operasyon nung mga pulis eh, namatay pa yung isang matanda sa loob ng kulungan
  • yung babaeng biktima daw ng tanim-droga teknik ng 11 Pulis Malabon

are naman yung mga hindi pa malinaw kung anong klase nga ng mga tao ang involved o hindi tiyak o nabanggit kung sino ang nakatama:
  • yung honor student na choir member na ginamitan ng karatula
  • yung 5 year old daw na bata na nadamay sa tangkang pagpatay ng mga hindi kilalang tao sa lolo niya
  • yung 5 year old na taga-Pasay na napatay habang natutulog dahil nadamay sa pagpatay sa tatay niya na siya daw target nung hindi nakilalang tao
  • yung pagkamatay ng bagong binyag na bata (na tinamaan ng ligaw na bala) sa Bulacan dahil nadamay sa pagpatay sa kanyang ninong na involved DAW sa droga
  • yung pagkadamay at pagkapatay sa isang manliligaw sa Quezon City dahil involved daw yung nililigawan niyang babae sa ilegal na droga
  • yung kaso sa NCR kung saan nadamay at natamaan ng bala ang isang sibilyan dahil sa paghahabulan ng mga pulis at ng isang suspek
  • yung 2 sibilyan sa Laguna na nagsisimbang-gabi lang sana, na nadamay (napatay yung batang babae) sa pamamaril  ng mga hindi pa nakikilalang mga suspek sa isang barangay tanod na related din daw sa ilegal na droga
  • yung tila 2 grupo ng tao na napatay sa Caloocan City, na either drug related daw yung isang grupo kung kaya't nadamay sa tumbahan yung mga miyembro daw ng frat, o dulot ng frat war na ang nadamay naman eh yung ilang drug related personalities
  • sa Caloocan, yung mag-live in partner na pinatay daw ng mga taong nagpakilala na mga pulis
  • yung 14 y/o na dalagita na nadamay sa pamamaril ng mga taga-tumba sa target nilang drug-related personality daw, sa Caloocan yata yun
  • sa Caloocan, yung 5 y/o na bata na nadaplisan ng bala dahil sa nangyaring tumbahan sa isang hinihinalang drug den, kung saan may mga napatay rin
  • hindi ko nakuha yung lugar, pero yung kaso kung saan may 1 napatay at 6 na nadamay sa pamamaril daw sa isang dating nagbebenta ng shabu
  • sa Tondo, yung 14 y/o na dalagita na natamaan sa mata at napatay ng ligaw na bala mula sa pamamaril ng riding-in-tandem, namaril DAW para takutin yung may pagkakautang sa kanila sa ilegal na droga eh
  • sa Makati, yung mga lalaking naka-uniporme daw ng pang-pulis na nakuhanan ng video habang nananakit DAW ng isang babae, may tutukan pa DAW ng baril na nangyari
  • yung Japanese na negosyante na mukhang planadong itinumba habang nasa bansa
  • sa Tondo, yung taxi driver, na kolektor daw na asset ng mga pulis, na itinumba ng riding-in-tandem, kaso ay tumagos pa yung bala sa ulo nito kaya may babaeng nadamay at natamaan din

heto naman yung mga may kinalaman sa kahinaan ng kasalukuyang penal system at pagpapatupad ng iba pang mga batas at patakaran sa bansa:
  • sa Pasay, yung target ng buy-bust operation na nakapatay at nakasugat ng mga pulis, grupo sila eh, at yung main target daw ay marami ng record ng krimen pero talagang nakakalaya pa rin
  • sa Siquijor, yung 2 babaeng estudyante na napatay sa pananaksak ng isang lalaki ng naka-droga at lasing din daw noon, according sa istorya ay may iba sana siyang papatayin dahil natakot siya na isuplong siya tungkol sa paggamit niya ng ilegal na droga, kaso ay ibang mga inosenteng tao yung napaglabasan niya ng kanyang kasamaan 
  • regarding sa pag-determine ng edad na pasok sa criminal liability, yung pulis sa Dipolog na ginulpi ng mga kabataan at untik nang mapatay matapos niyang umawat lang sa rambulan ng mga ito
  • sa Tondo, yung nakunan sa CCTV na rambulan ng mga kabataan sa gabi, kung saan makikita na nagpapaputok ng baril yung isa at nanuntok pa yung isa ng umaawat lang daw sa kanila, butas pa rin ito sa sistema ng pag-regulate sa mga baril at sa pag-determine ng edad kung kailan may pananagutan na ang mga mamamayan sa batas
  • regarding sa batas trapiko, yung 2 lola na parehong namatay matapos mabangga ng humaharurot na tricycle habang tumatawid sila sa pedestrian lane
  • dahil pa rin sa kawalan ng kontrol sa mga armas, sa Cavite, yung lalaki na hinuli at dinala sa isang motel at balak i-hulidap ng mga lalaking nagpanggap na miyembro ng PDEA at PNP
  • yung lalaking binaril ng isang motorcycle rider na posibleng dahil lang DAW sa naharangan niya ito sa kalsada
  • ang naging pag-atake sa Resorts World Manila
  • sa Dasmariñas, Cavite, yung ikinulong nang dahil sa sakla, na pinatay ng mga nakasama nitong preso habang nakaposas siya
  • sa Lanao del Norte, yung bilanggo na pinatay sa loob ng kulungan ng mga kakosa niya
  • yung sikretong kulungan na nadiskubre ng CHR sa isang station ng MPD
  • yung kagustuhan ng kasalukuyang DTI na ibigay na sa mga negosyante at/o mga kompanya ang kakayahan na i-regulate ang suggested retail price (SRP) para sa mga produkto nila
  • yung pagkampi ng Supreme Court sa photobomber
  • yung problema sa mamahaling elevator para sa pedestrian overpass sa Lipa City
  • yung pagkabasura ng Commission on Appointments sa pagtatalaga kay Lopez bilang secretary ng DENR na obvious naman na iginapang
  • yung sapilitang pangunguha ng mga miyembro DAW ng Kadamay ng mga housing projects sa iba't ibang lugar, at ang pagkunsinti sa kanila ng gobyerno
  • ang kakayahan ng mga miyembro ng mga teroristang grupo na mapakawalan o makatakas pa sa kamay ng batas
  • yung naging pagsabog sa Quiapo na nakasugat ng nasa 14 na katao daw, at nangyari yun kung kailan supposedly eh mataas ang seguridad sa bansa lalo na sa NCR
  • sa Pandacan, yung 7 buwan na sanggol na nagtamo ng 3 tama ng baril dahil sa isinagawang anti-illegal drugs operation sa kanilang lugar
  • follow up para sa 7 months old na sanggol news, hindi pala nagkusa yung mga pulis na imbestigahan kung sinu-sino nga ang totoong nakabaril doon sa bata, at may claim pa na diniktahan lang daw para pumirma sa affidavit yung lola nito
  • sa Pasay, yung itinumba na negosyante na may-ari ng furniture shop na hindi daw kaagad hinayaan ng mga pulis na maisugod sa ospital
  • yung 73 y/o na lalaki na nakaladkad at nagulungan pa daw ng bus, na hindi na naman hinayaan kaagad ng mga pulis na maisugod sa ospital
  • yung kuwestiyonableng naging kahinaan ng seguridad sa Marawi sa kabila nang patuloy na pagkilos ng mga terorista sa Mindanao, sa kabila ng patuloy na mga bantaan mula sa magkabilang panig, at sa kabila ng pagkakaroon ng malaking halaga ng intelligence fund
  • yung pagkatumba sa 4 na suspected na miyembro ng Maute habang ibinabiyahe sila, ito ay sa kabila nang may ipinapatupad ng Martial Law sa region na yun
  • yung lalaking napagkamalan daw na miyembro ng Maute at hinihinalang t-in-orture ng mga sundalo
  • yung may mga nangyayari pa rin daw na nakawan sa mga lugar sa Marawi na kontrolado na ng mga militar
  • yung posibilidad daw na nakatakas na yung mga lider ng mga terorista sa lugar ng digmaan, gayung may claim rin ang mga awtoridad na kesyo natunugan naman daw nila yung tungkol sa pagtakas
  • yung pagpapababa daw ng DOJ sa kaso ng Marcos Police Group
  • kasali pala yung Dictator Clan sa problema ngayon sa Norte

at may kaso na iba-iba ang kategorya:
  • yung pagkamatay ng isang 9 year old na bata, na pinaghihinalaang pinatay ng mga menor de edad; na natagpuan yung bangkay na nakagapos ang mga kamay, na binugbog daw, pinutulan ng mga daliri, at may hiwa pa sa tiyan
  • yung pagsu-suicide daw ng isang Director Villa ng ERC dahil sa katiwalian sa trabaho nila
  • isama na rin yung pagkalat ng mga fake news at paid trolls sa social media
  • ang maya't mayang pagpapalabas ng fake news o mind-conditioning news ng mismong mga nasa katungkulan
  • yung Oplan Cyber Tokhang
  • yung mga sundalo sa Marawi na napatay sa sarili nilang air strike na laban sana sa mga terorista
  • yung isa pang air strike na sa labas naman daw ng Marawi nangyari
  • ang maya't mayang pag-target ng gobyerno sa basic needs para gawing gatasan ng buwis
  • yung naaprubahan na 24% increase sa cargo handling tariff
  • eh yung pati pagkanta sa Pambansang Awit ay balak nang lagyan ng limpak-limpak na halaga ng penalty
---o0o---


June 25, 2017...

konting good news...

from Php 205 eh bumaba na ulit ang presyo ng bundle ng mantika sa Php 198..
Php 7.00 rin yun, hindi pa sapat para sa pamasahe, pero pera pa rin naman..
Php 18.00 pa para maibalik sa Php 180...

noong last time eh konti lang yung branded na bote..
pero this week eh tadtad na ulit ng branded na bote...

was feeling , support recycling...

>
kaso may bad news din...

yung 24% na increase sa cargo handling tariff..
buwis na naman yun...

was feeling , makikita kung matutuloy yang kademonyohan ng lahat ng combo moves ninyo...

---o0o---


June 26, 2017...

sa Pasay..
yung negosyante na may-ari ng furniture shop na binaril at napatay ng hindi pa kilalang salarin...

kaso ang mas dumagdag pa na problema..?
eh yung mga pulis na hindi daw kaagad pumayag na maisugod nung mga kaanak yung biktima sa ospital para masubukan pa na masagip yung buhay nito...

was feeling , ang galing ng sistema...

>
isa pa..
yung posibilidad daw na nakatakas na yung mga lider ng mga Satanistang terorista...

ang galing ng lockdown..
ang galing ng Martial Law..
mukhang itinaon daw sa panahon noong naging ceasefire eh..
so kapag pala naka-ceasefire eh pwede nang patakasin ang mga kalaban...?

ang masama pa nito..?
nagbigay na naman ng statement na kesyo natunugan naman daw nila na natakas na nga yung mga lintik..
pero anong nangyari at tuluyan nga yatang nakatakas...?

useless war...
buhay pa rin yata ang mga threat sa kapayapaan at katahimikan...

was feeling , good idea.. magpa-Martial Law pa kayo.. there's more war in the Philippines...

---o0o---


June 27, 2017...

[Natural Calamities]

may nangyari na pala ulit na lindol..
sa may Surigao del Norte naman..
June 26 base sa date eh..
nasa Magnitude 5.2...

ano ba yan..?
parang nag-i-ini mini miny mo lang ah..
parang hinihintay na lang talaga na matamaan yung pang-The Big One..
parang puros warning..
pero ano nga ba ang mensahe...?

PS: mukhang para sa isang 'to naka-assign yung Oarfish na nakita sa may Butuan kamakailan...

was feeling , kailangan na bang lumipat ng mga tao sa ibang bansa, o sa ibang planeta...?

>
may kabutihan rin naman na idinudulot yung ibang mga lumalabas na balita ngayon tungkol sa mga Satanistang terorista..
yung tungkol sa mga kademonyohan na pinaggagagawa nila, ayon sa kuwento ng mga nakatakas nilang mga bihag...

at least naipapakita nun na wala naman talagang sense ang ipinaglalaban nila..
ginagamit lang nila yung relihiyon para makapambilog ng mga utak ng ibang tao..
pero ayon na rin nga sa maraming mga practitioners nung relihiyon na yun, eh hindi naman daw talaga ganun yung mga turo sa kanila...

was feeling , yun nga lang, hindi sila dapat nakakatakas...

>
kasali pala yung Dictator Clan sa problema ngayon sa Norte..
parang ang weird lang na tinatalo sila..
though may mga kakampi rin naman sila...

sana nga eh totoo na inaatake sila...

was feeling , eh ano nga bang maaasahan sa mga taong nasanay nang kumain ng mga galing sa nakaw...?

>
gipit na gipit ba talaga ang gobyerno...?

pati Pambansang Awit eh mas napagdiskitahan na..
andami pa naman sa mga flag ceremony na mga tao na hindi kabisado yung lyrics nun..
at marami rin yung ni hindi nga yun kinakanta eh, maging yung mga nasa pinakamatataas na posisyon pa sa bayan..
kung totoong mapapatupad 'to, siguradong malaki ang kikitain mula sa mga estudyante..
ganun rin sa mga empleyado..
at marami rin ang mamomo-roblema sa pera...

mabuti pa yung mga ganung bagay, naiisipan ng mga mambabatas na sobrang taasan ang penalty..
samantalang sa mga nahuhuling kriminal..
yung halaga man ng piyansa, o yung itatagal ng panahon ng pagkakabilanggo, eh hindi naman ginagawang pahirapan..
affordable pa nga yung iba para sa mga sindikato eh...

was feeling , kahihilig sa easy target...

---o0o---


June 28, 2017...

eh yung may kaso pa rin ng nakawan sa mga area na kontrolado na daw ng gobyerno...?

maalin na lang yun sa 3:
  • kung kagagawan pa rin yun ng mga terorista - ibig sabihin eh nakakagalaw pa rin sila nang ayos sa lugar ng labanan
  • kung hindi yun mga terorista at hindi rin naman awtoridad - eh anong klaseng mga tao pa yung makakagalaw nang ganun sa loob ng bayan na yun
  • yung hindi magandang isipin na posibilidad laban sa mga awtoridad

pero isa lang ang sigurado..
para sa isang kontroladong malaking rehiyon kung saan marami pa rin ang nakakapagbitbit ng mga armas, kung saan may mga nakakalabas-masok pa rin sa lugar ng digmaan, at kung saan may mga nakakapagbangka pa rin..
eh palpak nga yung Martial Law sa lagay na yun...

tsaka anong logic dun..?
kung sa mga terorista nga yung mga pera na na-recover noon..
eh bakit nila iniwan pa ang mga yun, at saka sila magpapanakaw ngayon...?

was feeling , lagot...

>
yung 73 y/o na lalaki..
na sasakay na daw sana sa bus..
pero hindi siya nahintay, at umandar na yun kaagad..
kung kaya't nakaladkad siya, dahilan para eventually eh mamatay siya...

ang mas masama pa dun..
kagaya noong istorya noong isang araw..
eh hindi na naman kaagad naisugod yung biktima sa ospital para masubukan pang buhayin, dahil hindi na naman kaagad pumayag ang mababagal umaksyon na mga pulis...

EDIT:
nagulungan pa daw nung bus yung biktima..
pero makikita sa CCTV na nagawa pa namang makaupo nga nung matanda, patunay na buhay pa siya matapos yung aksidente..
kaso nga eh hindi pumayag ang mga awtoridad na maisugod kaagad siya sa ospital... :(

was feeling , ang gagaling talaga...

>
isa pa..
yung may kuha ng video (first person POV eh)..
yung lalaki (base sa pangalan) na pinaghahahampas ng kahoy ng isang pulis...

hindi ko masyadong napanood yung balita eh..
yung magaling kasing matandang lalaki dito sa bahay eh palipat-lipat ng channel..
mabuti na lang talaga at wala kaming cable channel, kundi ay lalo nang nagkalintikan sa panonood...

ang weird lang na hindi kinuha nung pulis yung cellphone, at saka dinurog nang maige para bawas ebidensya laban sa kanya...

EDIT:
sa Mandaluyong pala 'to..
at 2 pala yung mga sinaktan na lalaki..
dinampot daw sila dahil nahuli na umiinom sa kalye eh..
pero ang mali dun eh dinakip na nga sila eh, kaya hindi na kailangan ng police brutality..
o kung binabastos man yung pulis nung 2, eh dapat inintindi niya na nakainom nga yung mga yun..
o kung sinasaktan man siya, edi dapat pinosasan na lang nila yung 2 para hindi na nakapanlaban..
mali rin yung kagustuhan ni Kalbo na ipadala sila sa Marawi..
ano yun, tiwali na nga, pero mananatili pa rin sa trabaho..?
tsaka kawawa nga yung mga taga-Marawi kung sila ang sasalo sa mga abusadong pulis..
magaling sana kung yung mga terorista lang ang aabusuhin nun eh...

was feeling , lilinawin pa...

>
eh yung may kaso sa bansa ng Imperyo yung kaibigan ng diyos-diyosan..
aw!

was feeling , tell me who your friends are and i will tell who you are...??

---o0o---


June 30, 2017...

meron na naman..
yung sa General Trias, Cavite..
yung 3 pulis na nasangkot rin sa police brutality..
pinagsasaktan daw yung 2 preso..
wala namang video, pero may pictures nung mga tinamo nilang damages sa katawan..
may supporting rin na medical documents...

pero ang mas masama pa sa kaso na 'to..?
pinilit daw yung 2 lalaki na mag-lips-to-lips...

was feeling , aw, police porn...


Ang Alamat ng Most Undesirable Guy on Earth - Last Week of June 2017 (PayPal)

June 24, 2017...

[Movie]

Rogue One - A Star Wars Story

if i'm not mistaken, Disney script rin lang ang isang 'to...

ang panahon bago pa ang Death Star..
ang main antagonist ay isang Imperial officer, si Director Krennic, ang pasimuno ng Death Star...

isang Star Wars film na walang Jedi...

as usual, ang maaasahan sa new generation Star Wars films, may awesome settings na naman...

mas realistic rin ang movie na 'to, regarding yung praktikal na behavior sa panahon ng digmaan..
usually, hindi para pumatay ang mga bida ng Star Wars ng mga informant nila..
madalas na gawain lang yun ng mga kalaban..
kaya nakakagulat na itinumba ng isa sa mga main protagonist, si Captain Andor, ang isa sa mga informant nila para lang hindi sila mahuli..
same goes dun sa plano ng Rebel Alliance na ipatumba na lang ang ama ni Jyn Erso...

may mga familiar faces, gaya nina Bail Organa at Mon Mothma..
may cameo rin sina C-3PO at R2-D2..
madalas naman talaga na may iba pang mga kalaban sa istorya ng Star Wars maliban sa Empire, pero nagpasok na rin nga sila ng concept ng mga rebel extremists gaya nina Saw Gerrera..
nagpasok na rin sila ng konsepto ng pulitika sa hanay ng mga Imperial Officers..
pero pinakamalupit yung CGI na ginawa nila para buhayin muli sina Grand Moff Tarkin at Princess Leia...

si K-2SO ang tumayong R2-D2 at C-3PO..
prangka at madaldal na reprogrammed Imperial droid gaya ni C-3PO, at palaban gaya ni R2-D2..
ambangis rin na nilagyan nila ng totoong martial arts yung Star Wars sa tulong ni Donnie Yen, at bulag pa siya nun..
he could have been a great Jedi kung may nakapagturo lang sa kanya...

nadusong ang Rebel Alliance..
kaya naman napilitang kumilos ang Suicide Squad - ang Rogue One..
umasa sila sa flaw na inilagay ng tatay ni Jyn Erso sa Death Star..
"rebellions are built on hope"...

ang huling labanan ay sa planeta ng Scarif..
isang beach planet..
beach galore..
ambangis talaga ng armor ng mga Shoretroopers...

paking na harapan at all out war sa pamumuno ng Mon Calamari..
ultimately, kinailangan ng lahat ng mga bida na mamatay at gampanan ang bawat papel nila..
it was necessary dahil wala naman nga sila sa original script..
at malupit ang sunset view na inabot nina Jyn Erso at Captain Andor - yung gumagapang...

eh yung muntik pang ma-intercept ni Darth Vader yung leak tungkol sa Death Star...?

was feeling , maganda namang paningit...

---o0o---


June 25, 2017...

[Online Marketing]

got a new bidder/buyer sa eBay..
sana nga matuloy...

was feeling , ibalik ang Star Wars fund...

>
kapag nagkataon, baka hindi ko na rin pala kailanganin pa ng bangko...

matagal na palang pwedeng i-transfer yung pera sa PayPal papunta sa GCash eh..
libre pa, parang kapag nagka-cash-in sa Villarica..
hindi tulad sa mga bank transactions na may bayad ang paggalaw ng pera...

kaso..
gaya ng GCash App (na hindi ko ginagamit dahil mas okay yung sa *143#), na hindi pulido gaya ng maraming smartphone apps..
eh mukhang under development pa yung sistema...

was feeling , sayang yung Postal ID ko kapag nagkataon...

---o0o---


June 27, 2017...

[Medical Condition]

5 months na nga palang bukas ang katawan ko noong ika-25...

tapos after a lot of weeks..
ngayon na lang ulit siya tumagas nang kainaman..
super leak...

was feeling , buhay pa naman...

---o0o---


June 28, 2017...

[Strange Dream]

had a dream, nito na yatang madaling araw yun..
pero hindi naman pang-pilyo...

combo yung setting eh..
isang malaking bahay..
pero left side ng Cathedral yung labas (left side, while facing the church), particularly yung gate area malapit sa libingan doon...

basta dumating daw doon yung magkaibigan na sina Miss Co at Miss H..
not very sure about Miss H, dahil mas naaalala ko si Miss Co..
i had the chance daw to talk with Miss Co..
hindi naman daw kami naging ganung kadetalyado tungkol sa mga nangyari, pero parang nagkasundo na rin nga kami sa wakas..
ang mas naaalala ko eh yung constant na pagngiti-ngiti niya habang nakikipag-usap siya sa akin..
hindi lang kami masyadong makapag-usap nang ayos dahil nandun daw noon yung mga makukulit kong famiglia..
lalo na yung makulit na mahilig bumarek na ang hilig daw sumingit at magparinig...

hanggang sa paalis na daw yung 2 babae..
ihahatid ko sana sila palabas eh..
andun na kami sa area bago lumabas nung gate..
kaso may kinailangan akong asikasuhin saglit sa loob nung bahay..
at pagbalik ko sa labas eh wala na sila..
sinubukan ko daw silang hanapin..
lumabas na ako sa may gate, umakyat sa kung saang mataas na bagay, at sinubukang makita sila sa crowd..
pero nawala na nga sila...

was feeling , beautiful regret...

>
[TV Series]

Ang Probinsiyano

nakakaumay na yung buong istorya..
pero anlupet nitong ginawa nilang turning point..
pinatay nila si Ricky Boy para lang makabalik sa pagpupulis si Cardo..?
para lang mapabagsak ang mga rebelde na sponsored ng mga taong-gobyerno...

was feeling , kawawang bata, matalino at bibo pa naman...

>
napag-link ko na yung GCash at PayPal ko...

at napatunayan ko naman na maganda nga yung security system ng GCash..
kasi kailangang physically andun talaga sa device yung SIM card bago magamit..
hindi katulad ng ibang smartphone at computer apps na kailangan lang i-register yung phone number at good to go na...

kaso nandun na naman sa PayPal yung isyu..
naka-link na sila sa isa't isa, pero d-in-eactivate ng PayPal yung connection..
for account security daw..
na parang hindi na naman necessary, kasi nga may details naman na doon sa PayPal, at hindi rin naman basta-basta nagagamit yung mobile GCash kung wala sa possession nung user yung SIM...

ang isa pang challenge para sa akin..
eh hindi sa smartphone nakalagay yung number ko, sa ordinaryong cellphone lang..
tapos naka-tape pa yung casing nun para lang maisara yung sirang port, kaya sealed yung SIM card sa loob..
yung smartphone ko naman eh naka-SIM lock..
at doon ko lang sa tablet ko pwedeng magamit yung app, kaso hindi naman portable yung tablet...

kaya mukhang mapipilitan akong magpalipat-lipat nang SIM neto...

was feeling , para sa libreng money transfer...


Friday, June 23, 2017

Dictator Wanna-Be

eh yung hangin at tubig, kailan natin bubuwisan...?

mga putang ina ninyong mga kurakot kayo!

---o0o---


update ulit (105 na)..
medyo in-organize ko rin yung mga kaso..
una (untikan ko nang makalimutan 'to), ang pagtataksil sa interes ng bansa at ng mga (ibang) mamamayan (lalo na yung mga naging biktima), at pagbalewala sa kasaysayan at dangal ng bansa:
  • ang pagpapalibing sa bangkay ng isang Diktador sa isang makabuluhang national cemetery
  • yung pagbibigay ng permiso sa isang Imperyalistang nasyon (na lantarang nang-aagaw at nang-aangkin ng mga teritoryo) ng kalayaan para mag-explore sa teritoryo na posibleng mapagkunan sana ng mahahalagang resources ng bansa
  • yung kagustuhan na kontrolin kung sinu-sino ang mga mamumuno sa mga Barangay hanggang 2020
  • yung pahiwatig na gusto niyang ipatupad yung Martial Law na katulad nung sa Dictator Clan

are yung ang involved o semi-involved eh mga identified talaga bilang awtoridad:
  • yung mga lalaking itinumba kahit na naka-posas na sa likod
  • yung 4 year old daw na bata na nadamay sa pagpatay ng mga pulis sa tatay niya
  • yung army reservist na pumatay ng lalaking naka-bike matapos ang road rage at matapos nilang magsuntukan sa kalye, tapos may nadamay pang isang sibilyan sa pamamaril niya
  • yung OFW na dinakip sa checkpoint at naging biktima ng torture at pagpatay
  • yung mga taga-Quezon na hinuli sa parang raid, pero wala palang record ang mga pulis ng naging operasyon na yun laban sa kanila, at may natagpuan na lang na mga sunog na bangkay na pinaghihinalaan na sa mga taong yun na pinagdadakip nga
  • yung kaso nung Australian, kung saan hindi nag-match yung statements ng mga arresting officers kumpara sa naging kuha ng CCTV, at may alegasyon pa ng tangkang pangingikil (this happened sometime before the current administration)
  • yung kaso involving Makati Police, kung saan inaresto ang isang OFW gamit ang gawa-gawa lang naman DAW na dahilan, at tinakot DAW na gagawing related sa ilegal na droga kung hindi magbibigay ang pamilya niya ng Php 500,000
  • yung kaso ng pagpatay sa Regional Chairperson ng Citizens Crime Watch sa Oriental Mindoro, kung saan Police Senior Inspector at Inspector (police awardee pa yung isa) yung nahuling mga suspect, at may mga kagamitan talaga sila na pang-riding-in-tandem
  • yung Mayor sa Mindanao at ang mga kasama niya na hinihinalang pinatay sa rubout
  • yung pagkamatay ni Mayor Espinosa; nakakulong na, hinainan daw ng search warrant kahit na madaling araw na, nawawala ang kuha ng CCTV, at nakapanlaban daw
  • yung mabilis na pagre-reinstate dun sa Marcos (pulis ng Region 8 na sangkot sa kasalukuyang kaso/istorya ng mga Espinosa) at tila pagiging 'maluwag' ng mga kinauukulan sa iba pang pulis na involved
  • yung patuloy na pagkampi sa mga pulis ng Region 8, matapos ang findings na murder nga DAW yung ginawa nila laban kay Mayor Espinosa, hindi pa man sila napaparusahan pero may nakapangako na kaagad na absolute pardon para sa kanila
  • yung kidnapping ng isang civilian last October daw na nakunan ng CCTV, na ang sangkot ay mga pulis na hindi naka-uniform
  • yung kaso sa Lemery, Batangas kung saan may claim na nauna (higit na mas maaga) daw hinuli yung mga drug suspects nang mga naka-civilian na pulis na wala namang dalang warrant, pero hapon na noong kuhanan ng mga pictures at inventory na may kasama ng mga ebidensiya laban sa kanila
  • yung pagpatay ng isang pulis sa lalaking nanlaban DAW matapos mag-amok sa isang bangko sa Laguna na nakunan naman ng CCTV camera  
  • yung pamamaril ng isang lasing na pulis sa Misamis Oriental na ikinasugat ng 4 na katao 
  • yung nakainom na pulis sa Negros Occidental na namaril din at nakapatay
  • yung ginawang pananampal at panggugulpi ng isang sundalo sa isang bar sa Isabela, supposedly eh naka-duty daw siya, at nanggulo DAW doon dahil gusto ng nude dance/show
  • sa Sorsogon, yung pangho-holdap ng isang sundalo sa isang remittance center, na supposedly eh naka-duty rin siya during that time
  • yung pulis na nambugbog ng makulit na matandang lasing, at inilagay pa niya sa paso ang batas 
  • sa Negros Oriental, yung pulis na nakunan ng video habang pinatapat ang tenga ng isang sibilyan sa muffler habang pinapaandar yung motorsiklo
  • yung pulis sa Sta. Mesa na namaril ng sibilyan na binu-bully DAW nito parati at sinaktan pa bago yung insidente, matapos na rumesbak yung biktima na may dalang bato at itak
  • yung buy-bust operation DAW sa Caloocan, na ginawa ng mga naka-sibilyan na naka-hood at mga naka-maskara at hindi na mga pulis, na natunugan DAW, kung saan 2 magbiyenan na drug-related suspects ang napatay sa loob ng kanilang pamamahay
  • yung napatay na 17 y/o sa Caloocan City na hindi naman target pero nadamay daw sa ginawang buy-bust operation, nakita daw siya na may baril kaya pinatay na
  • sa Maguindanao, yung 2 bata na edad 6 at 10 daw na nadamay at napatay sa ginawang anti-illegal drugs operation sa kanila, kung saan nasugatan rin daw yung 2 pa nilang mga bata rin na mga kapatid
  • yung pulis na namaril ng kapwa pulis sa Lipa City
  • sa Pasay City, yung miyembro ng army na nakainom, nagwala, at nakipagbarilan pa sa mga pulis
  • yung pulis na ng rape ng sibilyan sa Calamba City, na ginamit DAW yung pagka-pulis niya para kunwari ay magpapatulong lang dun sa biktima
  • yung pulis na binaril yung menor de edad na isinasama lang DAW niya
  • yung pulis Mandaluyong na aksidenteng nakabaril sa Nasugbu, Batangas dahil DAW ipinagmamalaki niya yung baril na na-issue sa kanya
  • yung SAF na nambugbog ng traffic enforcer sa Bacolod matapos siyang masita na nagawa niyang traffic violation
  • sa Dumaguete, yung 5 pulis (hindi naman naka-uniporme o naka-duty) na nambugbog DAW dahil sa isang basketball game
  • yung nakunan ng CCTV na pulis (na naka-sibilyan) na nanggulpi ng lalaki na sinubukan na DAW humingi ng tulong sa mga pulis sa isang presinto ng QCPD, ikinulong pa nila yung lalaki at ipinaako DAW sa kanya lahat ng pagkakamali, at dahil yun sa away-trapiko pa rin
  • sa Manila, yung naka-AWOL na pulis na nagpaputok daw ng baril at nakatama ng 2 menor de edad, at nanapak pa daw
  • sa Antipolo City daw, yung jeepney driver na pinatay daw ng isang pulis Maynila dahil lang sa away-trapiko
  • sa Cabanatuan, yung 2 pulis na naka-droga na namaril at pumatay ng 2 katao, na ikinasugat ng 1 pa
  • yung CCTV footage na ibinigay kay Senator Lacson, na nagpapakita kung paanong tinaniman ng mga pulis DAW ng ebidensya ang isang opisina, tapos ay saka ni-raid yung lugar
  • yung na-hulidap na Korean, na nahingan na nga ng ransom yung pamilya, pero pinatay pa rin talaga yung biktima sa loob pa mismo ng kampo ng mga pulis
  • yung mga South Korean na na-hulidap sa Pampanga, na nakunan ng CCTV, na hinuli gamit ang alibi na sangkot sila sa illegal online gambling, na ilang oras ikinulong sa police station at pinakawalan lang matapos magbigay ng pera
  • sa Quezon City, yung 4 na pulis na nahuli dahil sa kaso ng kidnapping at extortion, isang lalaki at yung kasintahan niya ang naging mga biktima
  • yung nangyaring saksakan at patayan ng mga high profile inmates sa loob ng Bilibid kahit na pinataas na DAW yung seguridad doon at mga SAF pa ang nagbabantay
  • yung panibagong kaso DAW ng VIP treatment para sa mga high profile inmates na lumabas sa balita nitong February 2017
  • yung maramihang pagsibak sa mga pulis sa Parañaque dahil DAW sa mga kaso ng pangongotong
  • sa Ilocos Norte, yung 2 pasaway na pulis, na naka-off na daw sa duty, pero nahuli namang nag-iinuman sa kanilang presinto
  • ang patuloy at malaking bilang ng mga pulis na lumalabas na positibo sa paggamit ng ilegal na droga through drug test  (ang isa sa butas ng laban kontra sa ilegal na droga)
  • sa Las Piñas, yung opisyales na pulis na related sa PNP Crime Laboratory na nahuling gumagamit ng ilegal na droga sa isang drug den
  • yung PO1 na sangkot daw sa ilegal na droga at miyembro rin daw ng sindikato
  • yung 3 sundalo DAW na nahulihan ng mga drug paraphernalia sa Cebu City
  • yung nasa 160 pa na mga pulis na inire-recommend ng PNP-IAS na pagsisibakin na dahil sa involvement nila sa ilegal na droga
  • sa Catanduanes, yung nagbitiw na pulis na umamin na totoo DAW ang pagtatanim ng mga ebidensya at extrajudicial killings
  • sa Bacolor, Pampanga, yung government employee na biktima ng tanim-droga ng mga pulis at mga miyembro ng PDEA, yung hindi nagtugma yung written report sa kuha ng CCTV
  • sa Manila, yung 4 na senior citizen na naging biktima rin DAW ng tanim-droga at tanim-bala ng mga pulis, may kuha ng CCTV tungkol sa kuwestiyonableng operasyon nung mga pulis eh, namatay pa yung isang matanda sa loob ng kulungan
  • yung babaeng biktima daw ng tanim-droga teknik ng 11 Pulis Malabon

are naman yung mga hindi pa malinaw kung anong klase nga ng mga tao ang involved o hindi tiyak o nabanggit kung sino ang nakatama:
  • yung honor student na choir member na ginamitan ng karatula
  • yung 5 year old daw na bata na nadamay sa tangkang pagpatay ng mga hindi kilalang tao sa lolo niya
  • yung 5 year old na taga-Pasay na napatay habang natutulog dahil nadamay sa pagpatay sa tatay niya na siya daw target nung hindi nakilalang tao
  • yung pagkamatay ng bagong binyag na bata (na tinamaan ng ligaw na bala) sa Bulacan dahil nadamay sa pagpatay sa kanyang ninong na involved DAW sa droga
  • yung pagkadamay at pagkapatay sa isang manliligaw sa Quezon City dahil involved daw yung nililigawan niyang babae sa ilegal na droga
  • yung kaso sa NCR kung saan nadamay at natamaan ng bala ang isang sibilyan dahil sa paghahabulan ng mga pulis at ng isang suspek
  • yung 2 sibilyan sa Laguna na nagsisimbang-gabi lang sana, na nadamay (napatay yung batang babae) sa pamamaril  ng mga hindi pa nakikilalang mga suspek sa isang barangay tanod na related din daw sa ilegal na droga
  • yung tila 2 grupo ng tao na napatay sa Caloocan City, na either drug related daw yung isang grupo kung kaya't nadamay sa tumbahan yung mga miyembro daw ng frat, o dulot ng frat war na ang nadamay naman eh yung ilang drug related personalities
  • sa Caloocan, yung mag-live in partner na pinatay daw ng mga taong nagpakilala na mga pulis
  • yung 14 y/o na dalagita na nadamay sa pamamaril ng mga taga-tumba sa target nilang drug-related personality daw, sa Caloocan yata yun
  • sa Caloocan, yung 5 y/o na bata na nadaplisan ng bala dahil sa nangyaring tumbahan sa isang hinihinalang drug den, kung saan may mga napatay rin
  • hindi ko nakuha yung lugar, pero yung kaso kung saan may 1 napatay at 6 na nadamay sa pamamaril daw sa isang dating nagbebenta ng shabu
  • sa Tondo, yung 14 y/o na dalagita na natamaan sa mata at napatay ng ligaw na bala mula sa pamamaril ng riding-in-tandem, namaril DAW para takutin yung may pagkakautang sa kanila sa ilegal na droga eh
  • sa Makati, yung mga lalaking naka-uniporme daw ng pang-pulis na nakuhanan ng video habang nananakit DAW ng isang babae, may tutukan pa DAW ng baril na nangyari
  • yung Japanese na negosyante na mukhang planadong itinumba habang nasa bansa
  • sa Tondo, yung taxi driver, na kolektor daw na asset ng mga pulis, na itinumba ng riding-in-tandem, kaso ay tumagos pa yung bala sa ulo nito kaya may babaeng nadamay at natamaan din

heto naman yung mga may kinalaman sa kahinaan ng kasalukuyang penal system at pagpapatupad ng iba pang mga batas at patakaran sa bansa:
  • sa Pasay, yung target ng buy-bust operation na nakapatay at nakasugat ng mga pulis, grupo sila eh, at yung main target daw ay marami ng record ng krimen pero talagang nakakalaya pa rin
  • sa Siquijor, yung 2 babaeng estudyante na napatay sa pananaksak ng isang lalaki ng naka-droga at lasing din daw noon, according sa istorya ay may iba sana siyang papatayin dahil natakot siya na isuplong siya tungkol sa paggamit niya ng ilegal na droga, kaso ay ibang mga inosenteng tao yung napaglabasan niya ng kanyang kasamaan 
  • regarding sa pag-determine ng edad na pasok sa criminal liability, yung pulis sa Dipolog na ginulpi ng mga kabataan at untik nang mapatay matapos niyang umawat lang sa rambulan ng mga ito
  • sa Tondo, yung nakunan sa CCTV na rambulan ng mga kabataan sa gabi, kung saan makikita na nagpapaputok ng baril yung isa at nanuntok pa yung isa ng umaawat lang daw sa kanila, butas pa rin ito sa sistema ng pag-regulate sa mga baril at sa pag-determine ng edad kung kailan may pananagutan na ang mga mamamayan sa batas
  • regarding sa batas trapiko, yung 2 lola na parehong namatay matapos mabangga ng humaharurot na tricycle habang tumatawid sila sa pedestrian lane
  • dahil pa rin sa kawalan ng kontrol sa mga armas, sa Cavite, yung lalaki na hinuli at dinala sa isang motel at balak i-hulidap ng mga lalaking nagpanggap na miyembro ng PDEA at PNP
  • yung lalaking binaril ng isang motorcycle rider na posibleng dahil lang DAW sa naharangan niya ito sa kalsada
  • ang naging pag-atake sa Resorts World Manila
  • sa Dasmariñas, Cavite, yung ikinulong nang dahil sa sakla, na pinatay ng mga nakasama nitong preso habang nakaposas siya
  • sa Lanao del Norte, yung bilanggo na pinatay sa loob ng kulungan ng mga kakosa niya
  • yung sikretong kulungan na nadiskubre ng CHR sa isang station ng MPD
  • yung kagustuhan ng kasalukuyang DTI na ibigay na sa mga negosyante at/o mga kompanya ang kakayahan na i-regulate ang suggested retail price (SRP) para sa mga produkto nila
  • yung pagkampi ng Supreme Court sa photobomber
  • yung problema sa mamahaling elevator para sa pedestrian overpass sa Lipa City
  • yung pagkabasura ng Commission on Appointments sa pagtatalaga kay Lopez bilang secretary ng DENR na obvious naman na iginapang
  • yung sapilitang pangunguha ng mga miyembro DAW ng Kadamay ng mga housing projects sa iba't ibang lugar, at ang pagkunsinti sa kanila ng gobyerno
  • ang kakayahan ng mga miyembro ng mga teroristang grupo na mapakawalan o makatakas pa sa kamay ng batas
  • yung naging pagsabog sa Quiapo na nakasugat ng nasa 14 na katao daw, at nangyari yun kung kailan supposedly eh mataas ang seguridad sa bansa lalo na sa NCR
  • sa Pandacan, yung 7 buwan na sanggol na nagtamo ng 3 tama ng baril dahil sa isinagawang anti-illegal drugs operation sa kanilang lugar
  • follow up para sa 7 months old na sanggol news, hindi pala nagkusa yung mga pulis na imbestigahan kung sinu-sino nga ang totoong nakabaril doon sa bata, at may claim pa na diniktahan lang daw para pumirma sa affidavit yung lola nito
  • yung kuwestiyonableng naging kahinaan ng seguridad sa Marawi sa kabila nang patuloy na pagkilos ng mga terorista sa Mindanao, sa kabila ng patuloy na mga bantaan mula sa magkabilang panig, at sa kabila ng pagkakaroon ng malaking halaga ng intelligence fund
  • yung pagkatumba sa 4 na suspected na miyembro ng Maute habang ibinabiyahe sila, ito ay sa kabila nang may ipinapatupad ng Martial Law sa region na yun
  • yung lalaking napagkamalan daw na miyembro ng Maute at hinihinalang t-in-orture ng mga sundalo
  • yung pagpapababa daw ng DOJ sa kaso ng Marcos Police Group

at may kaso na iba-iba ang kategorya:
  • yung pagkamatay ng isang 9 year old na bata, na pinaghihinalaang pinatay ng mga menor de edad; na natagpuan yung bangkay na nakagapos ang mga kamay, na binugbog daw, pinutulan ng mga daliri, at may hiwa pa sa tiyan
  • yung pagsu-suicide daw ng isang Director Villa ng ERC dahil sa katiwalian sa trabaho nila
  • isama na rin yung pagkalat ng mga fake news at paid trolls sa social media
  • ang maya't mayang pagpapalabas ng fake news o mind-conditioning news ng mismong mga nasa katungkulan
  • yung Oplan Cyber Tokhang
  • yung mga sundalo sa Marawi na napatay sa sarili nilang air strike na laban sana sa mga terorista
  • yung isa pang air strike na sa labas naman daw ng Marawi nangyari
  • ang maya't mayang pag-target ng gobyerno sa basic needs para gawing gatasan ng buwis
---o0o---


June 18, 2017...

lagot na..
ayun ha, sinabi na niya, Dictator Clan na version ng Martial Law rin ang gusto niya in case na tumagal pa ang mga labanan..
yung siya lang ang bukod tanging masusunod..
yung walang katapusan na Martial Law, dahil hindi naman talaga inuubos ang mga kalaban ng pamahalaan (ginagamit lang silang dahilan para nga magkaroon ng mas mataas na antas ng kapangyarihan)..
baka yung walang katapusan rin na Martial Law, habang pasimpleng nagnanakaw ang mga nasa itaas...

tang ina kang diyos-diyosan ka..
ipinagmamalaki mo yang inutil mong Martial Law..
samantalang hindi nyo nga makontrol ang mga armas diyan sa region ninyo sa kabila ng Batas Militar..
hindi nyo nga napigilan yung pagtumba sa mga suspected na Maute members na naiimbestigahan na rin sana sa ngayon..
ni hindi nyo nga sila nabigyan ng mas secure na paraan ng pag-transport..
tapos labas-masok pa ang mga tao ngayon sa siyudad ng labanan..
at ang mga tauhan mo pa mismo ang nakakapatay sa isa't isa..
tapos gusto mo pang umulit in case na may magpawalang bisa sa inutil ninyong sistema...

puros ka yabang..
kesyo uubusin, uubusin..
pero nagpapahiwatig ka naman nang walang katapusan na digmaan...

pero ang totoong tanong ay kung kanino ba niya gustong ipasa ang unli-Martial Law na plano niya..?
in case nga na mamatay na siya...

was feeling , parang alam na nga kung saan napupunta yung budget para sa non-intelligence fund...

---o0o---


June 20, 2017...

totoo kaya yung nakuhang pera sa war zone noon..?
totoo kaya yung nakuhang droga ngayon doon sa war zone..?
at bakit halos automatic yung pag-uugnay sa mga bagay na yun sa mga Satanistang terorista...??

nakakapagtaka lang kasi..
dahil halos kagaya yun ng majority ng mga 'accomplishments'..
may nare-recover na mga items (mostly illegal drugs), pero madalas ay wala o bibihira na may nahuhuli rin na mga tao..
kaya anong ibig sabihin nun..?
parang maalin lang kasi yun eh..
either scripted yung 'accomplishment'..
o may kakayahan ang mga kriminal na matunugan yung gagawing operasyon laban sa kanila...

mahirap rin kasi kapag alam mo kung sino yung may kakayahan na magtanim ng mga ebidensya...

at regarding nga sa war zone..
ang nakakapagtaka kasi doon ay nagagawa daw ng mga terorista na magsunog ng mga establishments..
pero anong dahilan kung bakit nag-iiwan sila ng mga buong ebidensiya, provided na mga totoong ebidensiya nga ang mga yun..?
parang mas logical lang na sunugin ang mga ebidensya in case na hindi na talaga sila kayang bitbitin sa pagtakas..
considering na rin na may mga Molotov naman daw sila...

ewan ko lang ha..
pero parang nagko-connect-the-dots lang kasi sila..
automatic ang mga judgments o conclusions..
na parang gusto lang nilang i-justify na pwede na rin ngang gamiting dahilan ang illegal drugs para sa pagde-declare ng Martial Law...

was feeling , bakit nga ba madalas na walang kasamang tao yung mga ebidensya...?

>
sa sobrang tuso ng kasalukuyang gobyerno..
puros pagkain na ngayon ang target nilang dagdagan pa ng mga buwis..
basic need nga naman kasi eh..
kaya halos hindi rin maiiwasan ng mga tao na bilhin ang mga ganung items..
yung iba eh murang alternative pa kumpara sa mga usual (at mas mahal) na mga pagkain...

ang hirap kasi..
alam nila na sa mga mamamayan nila nakukuha yung mga pampasuweldo sa kanila at ang mga perang nakukulimbat o nakokomisyon nila..
kaya gatasan na tuloy ang tingin nila sa sambayanan...

was feeling , mas magandang batas na huwag nang pasuwelduhin at pagmultahin pa yung mga mambabatas na hindi gumagamit ng mga utak nila...

>
pinababa daw ng DOJ ang kaso laban sa Marcos Police Group..
ang mga nagtumba sa posibleng source ng mga malalaking pangalan na si late Mayor Espinosa...

was feeling , huwag nang magtaka kung hindi na nga totoong magtatapos ang giyera laban sa ilegal na droga.. bukod sa untouchables ang ibang angkan, eh sobrang tataas pa ng mga katungkulan ng ultimate protectors...

>
kaninang umaga na lang ulit ako nakapag-agahan na instant pancit canton ang pagkain..
madalas 4 na pandesal lang ang breakfast ko..
bihira akong kumain ng heavy meal para sa agahan gayung yun nga yung tamang oras para malamnan nang husto ang tiyan..
Php 13.00 ang halaga nun sa mga malakas na magpatubo na mga tindahan, samantalang nasa Php 10.50 lang naman yun sa mga grocery..
1 pancit canton at 4 na pandesal...

pero ang kapansin-pansin..?
pasado 11:30 NN na (11:00 ang oras ng noon para sa akin) pero hindi pa rin ako nakakaramdam ng gutom..
samantalang 11:00 NN ang schedule ng lunch ko..
isang patunay yun kung gaano nakakatulong yung mga ganung klase ng pagkain para maibsan ang gutom at maitawid ang isang araw...

yan ang mga bagay na hindi nauunawaan ng mga taong hindi naghihirap sa buhay..
ng mga taong umaasa lang naman sa pera ng mga mamamayan..
kaya naman kailangan na talagang mawala yang mga demonyo na yan sa loob ng gobyerno...

was feeling , 2nd worst government.. next to the Dictator Clan's era...

---o0o---


June 21, 2017...

eh yung nasa 160 na mga pulis na inire-recommend ng PNP-IAS na pagsisibakin na dahil sa involvement nila sa ilegal na droga...

was feeling , kasali kaya sa listahan yung Marcos Police Group...?

>
[Natural Calamities]

lindol nga pala talaga yung naramdaman ko kanina...

Laguna naman ngayon ang origin..
nasa Magnitude 4.5...

was feeling , ayaw na yatang tumigil...

---o0o---


June 24, 2017...

salamat sa media sa pagsita sa mga mamahaling elevator ng pedestrian overpass... :D

salamat rin sa nagsumbong... XD

is feeling , napansin din sa wakas...


Ang Alamat ng Most Undesirable Guy on Earth - Third Week of June 2017 (The June Vacation)

halos wala namang nagbago..
bumilis lang yung rate ng pagiging productive ko..
yung tipong kaya ko nang tumapos ng isang kumpletong project sa loob ng nasa 2 buwan...

oo, nakakatuwa yung pakiramdam..
yung pakiramdam na nagagawa mo yung bagay kung saan ka nag-e-enjoy, at kumikita ka rin naman mula rito..
halos kagaya rin siya noong mga panahon na yung lapis ko pa lang yung ka-partner ko, wala nga lang usapan pa ng tungkol sa pera noon..
masarap yung ganung klase ng payapa at tahimik na buhay...

but life is a continuous battle..
araw-araw mararamdaman mo pa rin yung bagay na yun..
yung pagtatanong sa sarili mo kung para sa anong dahilan o para kanino ka ba nabubuhay..
darating at darating yung punto na hindi sapat yung masaya ka lang..
dahil kakailanganin at kakailanganin mo ng pera para mabuhay..
isang paulit-ulit na pakikipaglaban for survival...

at siyempre, andiyan at hindi naman nawawala yung mga demons mo..
yung inutil na matanda na kaligayahan na na pausukan ng kanyang sigarilyo ang ibang tao sa paligid niya, at walang ibang hinahabol kundi pera..
yung paboritong anak na sanay na nakukuha lahat ng gusto niya, na hindi naman naaasahan sa bahay, at parati pa ring galit at nagsisira na para bang rebeldeng anak siya ng isang OFW..
at nariyan rin yung bata, na ayoko mang ituring na isa sa mga pabigat sa buhay ko, pero wala eh, papasanin at papasanin mo pa rin talaga...

at yun nga ang isa ko pang kailangan na ingredient sa buhay..
ang makalaya na sa isinumpang bahay na 'to...

pero ganun talaga ang buhay..
hindi perpekto..
pwede mong gawin kung ano yung masaya at less o hindi stressful, kapalit ng kakayahan na kumita sana ng mas malaki..
o pwede mong gawin yung trabaho na medyo malaki nga ang kita, pero mapapagod naman ang katawan at isipan mo..
pinakamasusuwerte pa rin talaga yung mga tao na magkalinya yung hilig nilang gawin sa buhay at yung laki ng kinikita nilang pera...

---o0o---


June 17, 2017...

andami kong retake sa project na 'to..
lampas 5 na, samantalang hindi pa ako nakakakalahati..
eh nasa 2 oras pa naman ang pagre-render ng 1...

na-reach ko na rin yung target ko sa sales..
kaso yung gross pa lang..
eh 50-50 yung hatian... XD

was feeling , 20 done + 5 ready out of 56 plus...

---o0o---


June 18, 2017...

ano bang meron sa June...?

wala na naman siya..
ganitong time rin siya nawala last year, bago siya nagretiro..
halos 1 buwan na naka-break..
tapos biglang retire pagpasok ng anniversary month namin na July...

ano nga kayang pinagkakaabalahan niya tuwing June..?
nakakakaba lang na baka bigla na naman siyang mawala pagkatapos ng buwan na 'to...

was feeling , kumusta na kaya siya ngayon...?

>
[V-League]

hala, kakampi si #12 Morado sa Creamline..
eh kokonti lang ang mga attackers nung team eh...

magaling sana kung makakakuha pa ang Creamline ng iba pang mga offensive players maliban kay Baldo...

was feeling , hindi ba parang lason yun...?

---o0o---


June 20, 2017...

the usual case..
hindi lubos na makatutok sa trabaho dahil sa pagtingin-tingin sa bata..
gumugising ng 5:00 AM, natutulog na magte-10:00 PM na..
minsan mahigit 6 hours lang ang tulog..
pero bumabawi naman ng 1 o higit na oras ng tulog tuwing hapon habang naka-break yung computer...

tapos inilabas na yung Genesis 8 ngayong June..
nag-jump yata sa number na 8 para magtugma na yung version nung Genesis sa generation ng model..
at dahil dun - binigyan nila ako ng libreng Genesis 8 Starter Essentials... :D

was feeling , 25 + 5 out of 56 plus...

>
nakabakasyon siya..
sa kaparehong buwan kung kailan nanahimik rin siya noon..
pero ano nga kayang meron sa buwan ng June...?

was feeling , nakakakaba na tuloy ulit ang July...

---o0o---


June 23, 2017...

[Gadget Related]

nakakaasar na talaga 'tong Windows 10 na 'to...

noon eh yung update version 1607 yung nagsayang nang nagsayang ng consumable internet speed..
tapos isang araw eh bigla na lang siyang tumigil nang hindi ko naintindihan yung nangyari..
basta nawalan na lang ako ng nasa 10 GB...

tapos ngayon naman eh isang version 1507 naman yung pilit na dina-download..
1607 dati, kaya bakit bumalik sa 1507...?

from 510 GB, ngayon eh nasa 467 GB na lang ako... :(

ang masama pa dun..
more than 40 GB na yung nawawala sa akin..
pero noong nag-check ako ng mga temporary files na pwede kong burahin, eh ni hindi ko mailapit sa 40 GB yung size..
so ibig sabihin eh cummulative yung updates na napasok, at hindi kapalit ng mga nauna ng part ng system, at talagang GB pa ang size nila...?

may mga kailangan pa naman akong i-download na components... :(

PS: yung pakiramdam na inubos niya yung majority sa 1GB allowance mo, yung nasa 70% na siya, tapos biglang sasabihin na nagka-error at bumalik sa 0% yung pagda-download... :(

was feeling , aksaya sa hard disk space...

>
ayun..
may 37th retirement na..
pero hindi pa naman si Miss C...

regarding Miss J naman..
ayun, hindi ko siya matulungan..
as in parang pinapatay ng mga nasa itaas yung mga bigating pangalan na ayaw sumunod sa gusto nila..
unfortunately for her, hindi na rin siya welcome na bumalik sa dati niyang grupo kahit na gusto pa niya..
hindi gaya ng kuwento o pahiwatig niya sa akin, mukhang may bad record siya at naka-ban na sa grupong yun..
so i guess ipinapakita lang nun kung gaano katuso ang ibang babae pagdating sa pagkakaperahan..
sinubukan pa nga akong hingan ng pera eh.. :(
pero hindi ko siyempre kinunsinti..
hindi naman ako mayaman para mag-charity..
praktikal ako, kaya dun lang ako sa normal na exchange...

was feeling , ayaw na lang kasing maghanap ng mayaman na manliligaw, kahit yung tipong may taning na...


Friday, June 16, 2017

A Silent Genocide

yung totoo..
aanhin niyo ba yang lahat ng mga buwis na gusto ninyong ipapasan sa mga mamamayan, lalo na para sa aming mga ordinaryong tao na hindi naman umaasa sa suweldo..?
sasayangin nyo na naman ba yun para sa non-intelligence fund..??
at ipangpopondo sa mga giyera kung saan kayo rin mismo ang nakakapatay sa mga kakampi ninyo...???

ang susuwerte ng mga uri ng mga Filipino na sinusuportahan ninyo..
yung mga pinapaboran ninyo..
pero paano naman kami..?
hindi nyo man lamang ba kayang maging patas para sa lahat, o kahit sa lahat lang ng hindi naman mayayaman...??

---o0o---


update ulit (100 na)..
medyo in-organize ko rin yung mga kaso..
una (untikan ko nang makalimutan 'to), ang pagtataksil sa interes ng bansa at ng mga (ibang) mamamayan (lalo na yung mga naging biktima), at pagbalewala sa kasaysayan at dangal ng bansa:
  • ang pagpapalibing sa bangkay ng isang Diktador sa isang makabuluhang national cemetery
  • yung pagbibigay ng permiso sa isang Imperyalistang nasyon (na lantarang nang-aagaw at nang-aangkin ng mga teritoryo) ng kalayaan para mag-explore sa teritoryo na posibleng mapagkunan sana ng mahahalagang resources ng bansa
  • yung kagustuhan na kontrolin kung sinu-sino ang mga mamumuno sa mga Barangay hanggang 2020

are yung ang involved o semi-involved eh mga identified talaga bilang awtoridad:
  • yung mga lalaking itinumba kahit na naka-posas na sa likod
  • yung 4 year old daw na bata na nadamay sa pagpatay ng mga pulis sa tatay niya
  • yung army reservist na pumatay ng lalaking naka-bike matapos ang road rage at matapos nilang magsuntukan sa kalye, tapos may nadamay pang isang sibilyan sa pamamaril niya
  • yung OFW na dinakip sa checkpoint at naging biktima ng torture at pagpatay
  • yung mga taga-Quezon na hinuli sa parang raid, pero wala palang record ang mga pulis ng naging operasyon na yun laban sa kanila, at may natagpuan na lang na mga sunog na bangkay na pinaghihinalaan na sa mga taong yun na pinagdadakip nga
  • yung kaso nung Australian, kung saan hindi nag-match yung statements ng mga arresting officers kumpara sa naging kuha ng CCTV, at may alegasyon pa ng tangkang pangingikil (this happened sometime before the current administration)
  • yung kaso involving Makati Police, kung saan inaresto ang isang OFW gamit ang gawa-gawa lang naman DAW na dahilan, at tinakot DAW na gagawing related sa ilegal na droga kung hindi magbibigay ang pamilya niya ng Php 500,000
  • yung kaso ng pagpatay sa Regional Chairperson ng Citizens Crime Watch sa Oriental Mindoro, kung saan Police Senior Inspector at Inspector (police awardee pa yung isa) yung nahuling mga suspect, at may mga kagamitan talaga sila na pang-riding-in-tandem
  • yung Mayor sa Mindanao at ang mga kasama niya na hinihinalang pinatay sa rubout
  • yung pagkamatay ni Mayor Espinosa; nakakulong na, hinainan daw ng search warrant kahit na madaling araw na, nawawala ang kuha ng CCTV, at nakapanlaban daw
  • yung mabilis na pagre-reinstate dun sa Marcos (pulis ng Region 8 na sangkot sa kasalukuyang kaso/istorya ng mga Espinosa) at tila pagiging 'maluwag' ng mga kinauukulan sa iba pang pulis na involved
  • yung patuloy na pagkampi sa mga pulis ng Region 8, matapos ang findings na murder nga DAW yung ginawa nila laban kay Mayor Espinosa, hindi pa man sila napaparusahan pero may nakapangako na kaagad na absolute pardon para sa kanila
  • yung kidnapping ng isang civilian last October daw na nakunan ng CCTV, na ang sangkot ay mga pulis na hindi naka-uniform
  • yung kaso sa Lemery, Batangas kung saan may claim na nauna (higit na mas maaga) daw hinuli yung mga drug suspects nang mga naka-civilian na pulis na wala namang dalang warrant, pero hapon na noong kuhanan ng mga pictures at inventory na may kasama ng mga ebidensiya laban sa kanila
  • yung pagpatay ng isang pulis sa lalaking nanlaban DAW matapos mag-amok sa isang bangko sa Laguna na nakunan naman ng CCTV camera  
  • yung pamamaril ng isang lasing na pulis sa Misamis Oriental na ikinasugat ng 4 na katao 
  • yung nakainom na pulis sa Negros Occidental na namaril din at nakapatay
  • yung ginawang pananampal at panggugulpi ng isang sundalo sa isang bar sa Isabela, supposedly eh naka-duty daw siya, at nanggulo DAW doon dahil gusto ng nude dance/show
  • sa Sorsogon, yung pangho-holdap ng isang sundalo sa isang remittance center, na supposedly eh naka-duty rin siya during that time
  • yung pulis na nambugbog ng makulit na matandang lasing, at inilagay pa niya sa paso ang batas 
  • sa Negros Oriental, yung pulis na nakunan ng video habang pinatapat ang tenga ng isang sibilyan sa muffler habang pinapaandar yung motorsiklo
  • yung pulis sa Sta. Mesa na namaril ng sibilyan na binu-bully DAW nito parati at sinaktan pa bago yung insidente, matapos na rumesbak yung biktima na may dalang bato at itak
  • yung buy-bust operation DAW sa Caloocan, na ginawa ng mga naka-sibilyan na naka-hood at mga naka-maskara at hindi na mga pulis, na natunugan DAW, kung saan 2 magbiyenan na drug-related suspects ang napatay sa loob ng kanilang pamamahay
  • yung napatay na 17 y/o sa Caloocan City na hindi naman target pero nadamay daw sa ginawang buy-bust operation, nakita daw siya na may baril kaya pinatay na
  • sa Maguindanao, yung 2 bata na edad 6 at 10 daw na nadamay at napatay sa ginawang anti-illegal drugs operation sa kanila, kung saan nasugatan rin daw yung 2 pa nilang mga bata rin na mga kapatid
  • yung pulis na namaril ng kapwa pulis sa Lipa City
  • sa Pasay City, yung miyembro ng army na nakainom, nagwala, at nakipagbarilan pa sa mga pulis
  • yung pulis na ng rape ng sibilyan sa Calamba City, na ginamit DAW yung pagka-pulis niya para kunwari ay magpapatulong lang dun sa biktima
  • yung pulis na binaril yung menor de edad na isinasama lang DAW niya
  • yung pulis Mandaluyong na aksidenteng nakabaril sa Nasugbu, Batangas dahil DAW ipinagmamalaki niya yung baril na na-issue sa kanya
  • yung SAF na nambugbog ng traffic enforcer sa Bacolod matapos siyang masita na nagawa niyang traffic violation
  • sa Dumaguete, yung 5 pulis (hindi naman naka-uniporme o naka-duty) na nambugbog DAW dahil sa isang basketball game
  • yung nakunan ng CCTV na pulis (na naka-sibilyan) na nanggulpi ng lalaki na sinubukan na DAW humingi ng tulong sa mga pulis sa isang presinto ng QCPD, ikinulong pa nila yung lalaki at ipinaako DAW sa kanya lahat ng pagkakamali, at dahil yun sa away-trapiko pa rin
  • sa Manila, yung naka-AWOL na pulis na nagpaputok daw ng baril at nakatama ng 2 menor de edad, at nanapak pa daw
  • sa Antipolo City daw, yung jeepney driver na pinatay daw ng isang pulis Maynila dahil lang sa away-trapiko
  • sa Cabanatuan, yung 2 pulis na naka-droga na namaril at pumatay ng 2 katao, na ikinasugat ng 1 pa
  • yung CCTV footage na ibinigay kay Senator Lacson, na nagpapakita kung paanong tinaniman ng mga pulis DAW ng ebidensya ang isang opisina, tapos ay saka ni-raid yung lugar
  • yung na-hulidap na Korean, na nahingan na nga ng ransom yung pamilya, pero pinatay pa rin talaga yung biktima sa loob pa mismo ng kampo ng mga pulis
  • yung mga South Korean na na-hulidap sa Pampanga, na nakunan ng CCTV, na hinuli gamit ang alibi na sangkot sila sa illegal online gambling, na ilang oras ikinulong sa police station at pinakawalan lang matapos magbigay ng pera
  • sa Quezon City, yung 4 na pulis na nahuli dahil sa kaso ng kidnapping at extortion, isang lalaki at yung kasintahan niya ang naging mga biktima
  • yung nangyaring saksakan at patayan ng mga high profile inmates sa loob ng Bilibid kahit na pinataas na DAW yung seguridad doon at mga SAF pa ang nagbabantay
  • yung panibagong kaso DAW ng VIP treatment para sa mga high profile inmates na lumabas sa balita nitong February 2017
  • yung maramihang pagsibak sa mga pulis sa Parañaque dahil DAW sa mga kaso ng pangongotong
  • sa Ilocos Norte, yung 2 pasaway na pulis, na naka-off na daw sa duty, pero nahuli namang nag-iinuman sa kanilang presinto
  • ang patuloy at malaking bilang ng mga pulis na lumalabas na positibo sa paggamit ng ilegal na droga through drug test  (ang isa sa butas ng laban kontra sa ilegal na droga)
  • sa Las Piñas, yung opisyales na pulis na related sa PNP Crime Laboratory na nahuling gumagamit ng ilegal na droga sa isang drug den
  • yung PO1 na sangkot daw sa ilegal na droga at miyembro rin daw ng sindikato
  • yung 3 sundalo DAW na nahulihan ng mga drug paraphernalia sa Cebu City
  • sa Catanduanes, yung nagbitiw na pulis na umamin na totoo DAW ang pagtatanim ng mga ebidensya at extrajudicial killings
  • sa Bacolor, Pampanga, yung government employee na biktima ng tanim-droga ng mga pulis at mga miyembro ng PDEA, yung hindi nagtugma yung written report sa kuha ng CCTV
  • sa Manila, yung 4 na senior citizen na naging biktima rin DAW ng tanim-droga at tanim-bala ng mga pulis, may kuha ng CCTV tungkol sa kuwestiyonableng operasyon nung mga pulis eh, namatay pa yung isang matanda sa loob ng kulungan
  • yung babaeng biktima daw ng tanim-droga teknik ng 11 Pulis Malabon

are naman yung mga hindi pa malinaw kung anong klase nga ng mga tao ang involved o hindi tiyak o nabanggit kung sino ang nakatama:
  • yung honor student na choir member na ginamitan ng karatula
  • yung 5 year old daw na bata na nadamay sa tangkang pagpatay ng mga hindi kilalang tao sa lolo niya
  • yung 5 year old na taga-Pasay na napatay habang natutulog dahil nadamay sa pagpatay sa tatay niya na siya daw target nung hindi nakilalang tao
  • yung pagkamatay ng bagong binyag na bata (na tinamaan ng ligaw na bala) sa Bulacan dahil nadamay sa pagpatay sa kanyang ninong na involved DAW sa droga
  • yung pagkadamay at pagkapatay sa isang manliligaw sa Quezon City dahil involved daw yung nililigawan niyang babae sa ilegal na droga
  • yung kaso sa NCR kung saan nadamay at natamaan ng bala ang isang sibilyan dahil sa paghahabulan ng mga pulis at ng isang suspek
  • yung 2 sibilyan sa Laguna na nagsisimbang-gabi lang sana, na nadamay (napatay yung batang babae) sa pamamaril  ng mga hindi pa nakikilalang mga suspek sa isang barangay tanod na related din daw sa ilegal na droga
  • yung tila 2 grupo ng tao na napatay sa Caloocan City, na either drug related daw yung isang grupo kung kaya't nadamay sa tumbahan yung mga miyembro daw ng frat, o dulot ng frat war na ang nadamay naman eh yung ilang drug related personalities
  • sa Caloocan, yung mag-live in partner na pinatay daw ng mga taong nagpakilala na mga pulis
  • yung 14 y/o na dalagita na nadamay sa pamamaril ng mga taga-tumba sa target nilang drug-related personality daw, sa Caloocan yata yun
  • sa Caloocan, yung 5 y/o na bata na nadaplisan ng bala dahil sa nangyaring tumbahan sa isang hinihinalang drug den, kung saan may mga napatay rin
  • hindi ko nakuha yung lugar, pero yung kaso kung saan may 1 napatay at 6 na nadamay sa pamamaril daw sa isang dating nagbebenta ng shabu
  • sa Tondo, yung 14 y/o na dalagita na natamaan sa mata at napatay ng ligaw na bala mula sa pamamaril ng riding-in-tandem, namaril DAW para takutin yung may pagkakautang sa kanila sa ilegal na droga eh
  • sa Makati, yung mga lalaking naka-uniporme daw ng pang-pulis na nakuhanan ng video habang nananakit DAW ng isang babae, may tutukan pa DAW ng baril na nangyari
  • yung Japanese na negosyante na mukhang planadong itinumba habang nasa bansa
  • sa Tondo, yung taxi driver, na kolektor daw na asset ng mga pulis, na itinumba ng riding-in-tandem, kaso ay tumagos pa yung bala sa ulo nito kaya may babaeng nadamay at natamaan din

heto naman yung mga may kinalaman sa kahinaan ng kasalukuyang penal system at pagpapatupad ng iba pang mga batas at patakaran sa bansa:
  • sa Pasay, yung target ng buy-bust operation na nakapatay at nakasugat ng mga pulis, grupo sila eh, at yung main target daw ay marami ng record ng krimen pero talagang nakakalaya pa rin
  • sa Siquijor, yung 2 babaeng estudyante na napatay sa pananaksak ng isang lalaki ng naka-droga at lasing din daw noon, according sa istorya ay may iba sana siyang papatayin dahil natakot siya na isuplong siya tungkol sa paggamit niya ng ilegal na droga, kaso ay ibang mga inosenteng tao yung napaglabasan niya ng kanyang kasamaan 
  • regarding sa pag-determine ng edad na pasok sa criminal liability, yung pulis sa Dipolog na ginulpi ng mga kabataan at untik nang mapatay matapos niyang umawat lang sa rambulan ng mga ito
  • sa Tondo, yung nakunan sa CCTV na rambulan ng mga kabataan sa gabi, kung saan makikita na nagpapaputok ng baril yung isa at nanuntok pa yung isa ng umaawat lang daw sa kanila, butas pa rin ito sa sistema ng pag-regulate sa mga baril at sa pag-determine ng edad kung kailan may pananagutan na ang mga mamamayan sa batas
  • regarding sa batas trapiko, yung 2 lola na parehong namatay matapos mabangga ng humaharurot na tricycle habang tumatawid sila sa pedestrian lane
  • dahil pa rin sa kawalan ng kontrol sa mga armas, sa Cavite, yung lalaki na hinuli at dinala sa isang motel at balak i-hulidap ng mga lalaking nagpanggap na miyembro ng PDEA at PNP
  • yung lalaking binaril ng isang motorcycle rider na posibleng dahil lang DAW sa naharangan niya ito sa kalsada
  • ang naging pag-atake sa Resorts World Manila
  • sa Dasmariñas, Cavite, yung ikinulong nang dahil sa sakla, na pinatay ng mga nakasama nitong preso habang nakaposas siya
  • sa Lanao del Norte, yung bilanggo na pinatay sa loob ng kulungan ng mga kakosa niya
  • yung sikretong kulungan na nadiskubre ng CHR sa isang station ng MPD
  • yung kagustuhan ng kasalukuyang DTI na ibigay na sa mga negosyante at/o mga kompanya ang kakayahan na i-regulate ang suggested retail price (SRP) para sa mga produkto nila
  • yung pagkampi ng Supreme Court sa photobomber
  • yung pagkabasura ng Commission on Appointments sa pagtatalaga kay Lopez bilang secretary ng DENR na obvious naman na iginapang
  • yung sapilitang pangunguha ng mga miyembro DAW ng Kadamay ng mga housing projects sa iba't ibang lugar, at ang pagkunsinti sa kanila ng gobyerno
  • ang kakayahan ng mga miyembro ng mga teroristang grupo na mapakawalan o makatakas pa sa kamay ng batas
  • yung naging pagsabog sa Quiapo na nakasugat ng nasa 14 na katao daw, at nangyari yun kung kailan supposedly eh mataas ang seguridad sa bansa lalo na sa NCR
  • sa Pandacan, yung 7 buwan na sanggol na nagtamo ng 3 tama ng baril dahil sa isinagawang anti-illegal drugs operation sa kanilang lugar
  • follow up para sa 7 months old na sanggol news, hindi pala nagkusa yung mga pulis na imbestigahan kung sinu-sino nga ang totoong nakabaril doon sa bata, at may claim pa na diniktahan lang daw para pumirma sa affidavit yung lola nito
  • yung kuwestiyonableng naging kahinaan ng seguridad sa Marawi sa kabila nang patuloy na pagkilos ng mga terorista sa Mindanao, sa kabila ng patuloy na mga bantaan mula sa magkabilang panig, at sa kabila ng pagkakaroon ng malaking halaga ng intelligence fund
  • yung pagkatumba sa 4 na suspected na miyembro ng Maute habang ibinabiyahe sila, ito ay sa kabila nang may ipinapatupad ng Martial Law sa region na yun
  • yung lalaking napagkamalan daw na miyembro ng Maute at hinihinalang t-in-orture ng mga sundalo

at may kaso na iba-iba ang kategorya:
  • yung pagkamatay ng isang 9 year old na bata, na pinaghihinalaang pinatay ng mga menor de edad; na natagpuan yung bangkay na nakagapos ang mga kamay, na binugbog daw, pinutulan ng mga daliri, at may hiwa pa sa tiyan
  • yung pagsu-suicide daw ng isang Director Villa ng ERC dahil sa katiwalian sa trabaho nila
  • isama na rin yung pagkalat ng mga fake news at paid trolls sa social media
  • ang maya't mayang pagpapalabas ng fake news o mind-conditioning news ng mismong mga nasa katungkulan
  • yung Oplan Cyber Tokhang
  • yung mga sundalo sa Marawi na napatay sa sarili nilang air strike na laban sana sa mga terorista
  • yung isa pang air strike na sa labas naman daw ng Marawi nangyari
---o0o---


June 10, 2017...

ano ba yan..?
pati suspected members ng Maute eh itinutumba na rin..
siguro ibig sabihin ay may nalalaman nga silang mahahalagang impormasyon tungkol sa nangyayaring giyera..
at siguro ibig sabihin ay mayroon talagang mas malakas na grupo sa likod ng Maute...

at talagang inuulit-ulit pa rin ng awtoridad ang kanilang mga pagkakamali..
kundangan kayong mga!
manood nga kayo ng movies nang makabisado ninyo yung teknik..
maalin lang yun sa itinutumba o sinasagip ang mga bigating kriminal na nahuhuli...

alam nyo nang posibleng related sila sa Satanistang grupo, pero ano..?
ibiniyahe nyo na naman gamit ang sasakyan na hindi armored, at talagang yung open pa..
sana sa armored van na lang sila isinakay, tapos ay tinadtad na rin ng escorts, tangke kung naaari...

ang magiging tanong kasi sa kaso na yun ay:
paano nalaman ng mga tagatumba kung saan, kailan, at paano ibabiyahe yung mga suspected na Maute..?
sino-sino lang ba sa hanay ng awtoridad ang nakakaalam ng tungkol sa mga ganung klase ng impormasyon..?
ano yun, may intelligence fund rin ang mga tagatumba o may espiya sila sa hanay ng mga awtoridad..?
at bakit nga ganun lang ang level ng security para sa kanila...?

was feeling , mga terorista na ang kalaban pero nasa ganyang level pa rin kayo..? pero gaano nga kaya kalakas ang grupo na nasa likod ng mga Satanista...?

---o0o---


June 12, 2017...

mga bayani na naman...?

napakalupit na pampalubag ng loob..
basta namatay sa digmaan, bayani na kaagad..?
samantalang mas kokonti lang sana siguro yung nagbuwis ng buhay kung totoo nga na may intel na sila bago pa man nangyari yung pananakop at kung ginamit lang sana nila yun..
medyo mas marami pa rin sana ang miyembro ng kapulisan at kasundaluhan ngayon kung nagawa lang sana nila yung tama...

nakakalungkot lang na namatay nga ang mga taong yun..
at mas nakakalungkot yung nangyari sa mga sundalo na nabomba ng mismong mga kakampi nila..
mga giyera na naiwasan naman sana kung hindi dahil sa kapabayaan ng sarili rin nilang mga kahanay...

was feeling , bakit nga ba nagdiwang pa sila ng Araw ng Kalayaan ngayon...?

>
oo nga pala..
kanina ko lang na-realize..
hindi gumagana yung Martial Law ninyo...

may Martial Law na pero naitumba pa rin yung mga suspected Maute members sa ibang bayan..?
samantalang buong Mindanao nga ang sakop ng ipinatupad na Batas Militar..
wala akong pakialam sa human rights nila, pero mukhang mahalaga kung anuman yung mga nalalaman nila - na hindi na makukuha mula sa kanila dahil nga mga patay na sila ngayon..
may mali talaga sa Martial Law ninyo...

at tsaka bakit kina-classify na mga rebelde yung mga Satanistang yun..?
mukha namang hindi anti-government yung mga ipinaglalabanan nila..
eh ubusin ang lahat ng hindi nila kauri ang gustong mangyari ng mga yun eh..
hindi ba pwedeng mag-stick na lang sa terms na terrorists at terrorism...??

was feeling , panay ang puna ninyo sa security ng Resorts World, samantalang halos ganun rin naman yung mga kakulangan na ginagawa ninyo...

---o0o---


June 14, 2017...

update doon sa kaso nung 7 months old na baby na 3 beses tinamaan ng mga bala ng baril...

ang gagaling nga pala ng mga pulis dun..
nagkabarilan daw, napatay nila yung suspek, lahat ng yun habang na-hostage daw nung tao yung baby..
pero bakit hindi nila naging initiative na imbestigahan kung kani-kanino ngang mga bala yung tumama dun sa kawawang bata...?

kesyo nagbigay daw ng affidavit yung lola na yung suspek lang naman ang nakabaril dun sa sanggol..
bakit, ano ba yung lola na yun, automatic-SOCO na nakita nang malinaw kung kanino ngang mga bala yung tumama sa katawan nung bata..?
eh samantalang ni wala ngang tao na kayang makakita ng gumagalaw na bala na dulot ng pagpapaputok ng baril...

ang masama pa nito..
may claim na ngayon yung matanda na pinilit lang daw siyang gumawa o lumagda doon sa affidavit na yun...

was feeling , para lang talaga sa accomplishment...?

>
ang tatalino talaga ng mga nasa gobyerno..
una, yung mga produktong may asukal..
ngayon naman yung mga may asin...

kung mamamatay ang mga tao sa pagkonsumo ng asukal o asin, dapat hayaan nyo na lang..
eh sa kabilang sa mga tina-target ninyong mga produkto yung mga kaya lang naming bilhin na mahihirap eh..
junk foods at instant noodles..?
puta pang-ulam na yun para sa amin eh..
kesa naman papatayin nyo kami dahil sa magdo-domino effect na yang pagpapataas ninyo sa mga buwis...

kung talagang inaalala ninyo ang kalusugan ng mga mamamayan, edi unahin nyo munang pababain ang presyo ng mga healthy foods na ipinagmamalaki ninyo...

was feeling , silent genocide...

---o0o---


June 16, 2017...

in fairness kay Senator Villar, parang wala namang masama sa naisip niyang ideya...

sa pagkaintindi ko kasi, yung promo lang naman ng mga unli-rice yung gusto niyang ipagbawal..
bilang paraan ng pag-discourage sa malakas na pagkonsumo ng bigas (considering na 1 cup lang naman talaga yung suggested)..
again, sa tingin ko naka-focus yung ideya dun lamang sa konsepto ng mga promo sa mga establishments o kainan sa halip na sa mismong pagbili ng kanin...

sa tingin ko hindi naman apektado doon yung mga taong wala talagang makain, o yung nagtitiis lang sa kanin at asin, dahil parang hindi rin naman nila para ma-avail yung mga unli-rice promo na yun..
pero hindi ko rin nga masabi, kasi hindi naman ako kumakain sa labas..
mahirap lang ako kaya sa bahay na lang ako kumakain...

pero para sa kagaya ko eh hindi nga okay kung yung mismong pagkain na ng kanin yung ire-regulate..
ako kasi eh mga nasa 3 tasa ng kanin yung kinakain ko for lunch at dinner..
kasi kailangan kong i-consider na wala naman masyadong pang-ulam..
at considering rin na hindi naman ako kumakain ng merienda sa umaga at sa hapon..
kaya malaki ang naitutulong nung maraming kanin para maibsan yung gutom para sa buong araw...

was feeling , basta huwag lang nilang tataasan rin ang buwis ng bigas, kundi ay ibang usapan na yun...

>
BDO naman ulit yung may mga pag-atake ngayon sa ATM accounts nila...

was feeling , alin ba talaga ang mapagkakatiwalaan...?

>
sa Tondo..
yung taxi driver yata yun na itinumba at binaril sa ulo...

kaso tumagos daw yung bala at nakatama pa ng isang babae na naroon rin sa lugar noong mga oras na yun...

according sa anak nung napatay ay kolektor daw ang tatay niya ng mga pulis para sa mga pasugalan..
according naman sa mga pulis ay asset nila yung biktima...

was feeling , untik na namang maging purong collateral damage...