Friday, August 12, 2016

Ang Alamat ng Most Undesirable Guy on Earth - Second Week of August 2016 (Last Week to DAZ)

August 6, 2016...

[Gadget-Related]

tang ina!
back to experimental mode...

ang mga problema:
- any changes na gawin ko sa mga dati ko ng existing albums eh sumisira sa link nila sa blog ko
- naka-auto backup yung Google Album Achive, kahit anong i-upload ko doon sa mga existing albums eh ginagawan niya rin ng backup sa ibang album (parang tanga)


well..
hindi naman ako galit..
pero sa tingin ko, tama na yung paraan ng Picasa noon sa pagma-manage ng mga photos..
mas madali siyang i-manipulate...
feeling , problema 'to...
---o0o---


August 7, 2016...

nothing for today..
friends' day kasi kahapon..
kaya tinanghali ng gising...

after 8 months na 'to, haha!
feeling , break...

>
buti pa si Strawberry, maya't maya kong nakikita ang online account..
samantalang yung isang yun eh ang hirap hanapin... :(
feeling , i can't track you right now...
---o0o---


August 8, 2016...

[Business]

at dahil sobrang dumi ng bahay namin sa ngayon..
tigil na muna ang paggawa at pagbebenta ng yelo..
siguro tigil operasyon na muna for the rest of August...

since 2009 at noong may malakas na bagyo last 2013 o 2014 yata..
ngayon na lang ulit mahihinto yung operasyon ko..
sayang lang kasi naghahabol pa ako ng Php 20,000 accumulated net income niya...

feeling , sacrifices - para sa kapritso ng may-ari ng bahay...
>
doing a new render..
pasado na yung latest G2F character design ko..
bale may 3 na akong models na magagamit sa ngayon...

last week na rin ng pag-aaral ko sa ngayon..
dahil lilipat na sa boarding house yung may-ari nung laptop..
licensed pa naman yung software ko na inilagay dun... :(


after this mahihirapan na ulit akong makakuha ng unit..
kahit isakripisyo ko yung medical savings ko, hanggang basic laptop lang ang mabibili ko..
mahirap rin na magpatulong sa mga biologicals..
bukod kasi sa ipinangutang na renovation sa ngayon..
papunta rin sila sa Singapore by the end of August..
tapos Hong Kong naman by December...
feeling , haaay, sayang lang sa gaming yung laptop na yun...
>
[Public Interest]

yan na nga ang sinasabi eh..
name drop nang name drop kahit na hindi niya naman kilala o hindi siya witness sa mga paratang laban dun sa mga tao..
butas tuloy kaagad ang reliability nung list...

at sa sobrang busy nila sa drugs..
napapabayaan na nila yung ibang mga totoong kriminal na mas karapat-dapat na pagpapatayin..
dapat kasi unahin muna yung mga kriminal na tumatapak sa karapatan ng ibang tao, sa halip na yung mga kriminal dahil lang sa technicalities na wala namang sinisira kundi yung mga sarili lang nilang mga buhay...


tapos ang gusto shoot to kill kaagad...?
feeling , listahan yata ng mga kaaway yun eh.. next time, listahan naman ng noisy noong elementary ha...
---o0o---


August 9, 2016...

[Lottery]

my pool got its 6th jackpot sa 6/55 ng Lotto kagabi..
24 na rin ang nakukuha niyang 2nd prize...
feeling , how do i jumble you...?
>
[Public Interest]

shit!
sobrang creepy na ng Facebook..
well, not really creepy para sa akin, kumbaga nakakatulong pa nga siya eh...

sobrang lakas ng facial recognition niya..
na tipong kahit blurred pa yung mga photos na nasa album mo..
magagawa pa rin niyang i-suggest sa'yo as friend(s) yung mga taong kahawig ng nasa album mo...


at dahil nga dun sa feature na yun..
3 na sa kanila ang nakikita ko ang mga real Facebook account through suggesting Friends...
feeling , hindi na talaga safe mag-share ng mga photos online...
>
did a repeat render today..
kahit na brownout - asa sa battery...

one way para matuto - is to mimic..
at dahil sa pangongopya ng settings, napagana ko rin yung Bonnie at Colleen skins na nakuha ko..
kapuputi nga lang...


naka-set na rin yung isang pares for a render tomorrow...

still need more decent skins for V4...
feeling , last few days ng pag-aaral...
>
[Public Interest]

isang simpleng analogy na napapanahon din...

kung may pulis, sundalo, lalo na kung mataas na heneral..
may mga nakuhang awards na related sa katungkulan niya..
kaso na-involve sa drugs whether totoo o frame up lang..
tapos pina-shoot to kill mo ASAP..
after that, ipapalibing mo pa rin ba siya sa Libingan ng mga Bayani dahil sa qualifications niya...?


eh yun ngang bangkay na nagtraydor sa mga mamamayan noon..
na naging dahilan ng mga torture at pagpatay sa maraming inosenteng buhay..
(analogy ulit, kasalanan daw ni Noynoy na sumugod yung mga SAF sa Mamasapano - hindi ba yun katumbas na kasalanan ni Marcos na pinilit at ipinatupad niya ang Martial Law na naging dahilan ng napakaraming pag-abuso noon)..
tapos pwede pa rin daw yung bangkay niya dun sa sikat na libingan dahil minsan siyang naging sundalo...?

alin ba ang mas matimbang dapat..?
ang pagiging sundalo o ang pagiging traydor sa mga mamamayan...?

basta kapag natuloy yan..
sana lang talaga may lumitaw na bayani para durugin na nang tuluyan yang bangkay na yan..
or better - pasabugin na ang buong angkan ng mga Marcos tutal gustung-gusto talaga nila yang Libingan ng mga Bayani na yan...
feeling , ang sasaya ng mga kaibigan - tuluy-tuloy lang ang pakikinabang sa puwesto...
---o0o---


August 10, 2016...

[Movies]


EFFing BMW biike...

pero sayang, wala na si Jill Valentine..
hindi kasi pang-aksyon si Sienna Guillory eh..
pero buti may Claire Redfield pa rin...
feeling , hihintayin pa ang Blu-ray months after January 2017...
>
hindi ko alam kung ganun nga ba yung trend in general..
o kung depende yun sa tao...

pero sa case ni Miss P..
ginawa niya talagang misleading yung mga information about her - in favor of her..
hindi lang isa ang anak niya (at least 2 na), at edited rin yung age..
that was the reason kung bakit hindi tumugma yung declared age niya kumpara sa years in service niya at sa age kung kailan nabasag yung virginity niya..

they probably do that para palabasin na hindi pa sila masyadong 'gamit'..
malayo rin yung totoong pangalan niya sa alias na ginagamit niya...


anyway, wala namang kaso sa akin yun..
napaisip lang ako kung ganun din ba yung ginawa ni Miss C sa data niya..
kasi kung ganun - mas mahihirapan pa akong mahanap siya...
feeling , Facebook, ikaw na muna ang bahala sa pagha-hunt...
>
did another repeat render..
medyo pasa yung skin nung lalaki, baka mas gumanda kapag inalis ko na yung mga buhok sa katawan..
at pwede na yung Bonnie skin, konti lang yung kinulang niya..
pero that's the closest to being realistic para sa V4 ko...

hanggang dun muna para sa V4 habang wala pa akong face morph...

started positioning my original G2F character..
crossed leg sitting position - like a boss...
feeling , that's 3 days left...
>
[Gadget-Related]

Z Brush..
the software that i need para matutong maging creator o 3D sculptor...

kaso..
nasa $700 plus yung licensed software..
100 GB HDD + SDD requirements..
at mas mataas ang PC specs na kailangan compared sa DAZ..
isama pa yung pen tablet na kailangan to maximize its use...

feeling , hindi na biro yun...
---o0o---


August 11, 2016...

done with the render of the boss..
magse-set ulit pamaya ng pose habang wala yung estudyante..
para diretsong render bukas ng umaga habang gumagawa ng Friday tasks...

also..
got 5 more skins for my V4.2, mga tamlayin nga lang..
2 sets; isang living room, at isang malaking office..
may kasama pang costume and lighting..
magagamit ko rin siguro yun sa pase-setup ng classroom ko... :)

feeling , kahit walang PC, trabahuhin na ang resources...
---o0o---


August 12, 2016...

busy..
nakakita ng mayaman na source eh..
600MB worth of key items... ^_^

nakuha ko na yung magiging uniform ng teacher ko...
feeling , my last 3D weekday...
>
[Strange Dream]

had a dream last night..
a long one..
kaso nabura sa memory ko pagkagising ko...

the other night naman..
medyo maaksyon yung panaginip ko...

nasa vicinity kami ng elementary school na pinanggalingan ko..
hindi ko maalala kung sinu-sino ang mga kasama ko..
parang bumili kami ng mga makakain doon sa kanto dun..
tapos sumakay na kami sa tricycle..
for some reason nag-solo ako sa pagsakay doon sa isa..
at pumara naman kami sa malapit lang, doon lang sa tapat ng main gate nung school..
yung mga kasama ko ibinaba doon mismo sa right side nung kalye, sa may tapat ng gate..
pero medyo nagtaka ako dahil sa kabilang side ng kalye ako ibinaba nung nasakyan ko, opposite sa daloy ng mga sasakyan...

anyway, nagbayad na ako ng pamasahe..
pero walang barya yung parang kalbo na driver..
nang biglang may sumulpot na mga lalaki na magka-angkas sa motor..
kontra din sa daloy ng mga sasakyan yung takbo nila..
tapos sinabi nung driver nung tricycle na 'yan na ang riding in tandem!'..
parang Bumbay yung itsura nung dalawa (o baka Middle East Asian), at wala silang suot na helmet..
nalito ako nang malaman ko na mga killer sila...

bumagal yung takbo ng motor nila..
tapos sabay na bumunot ng mga silver na baril..
hanggang sa nagpaputok na ang isa sa kanila ng isang beses lang..
napaisip ako kung sino ba ang binaril nila..
nasa direksyon ko kasi yung pagbaril nila..
pero parang tumagos sa may kabilang bakod yung bala..
sa sobrang kalituhan, bumagsak na lang ako sa kalsada nang padapa na parang ako yung tinamaan...

tapos sumilip yung dalawa sa kabilang bakod..
na-realize ko naman na wala naman akong tama..
at nang makakuha ako ng tiyempo, eh tumakbo na ako papatakas..
for some reason, napasok ako sa isang parang kalye sa subdivision na may mga damuhan at halamanan sa gitna..
ang gusto ko lang noon eh makalayo sa kanila..
gumapang ako sa mga halamanan para walang makakita sa akin..
tapos saktong pagsilip ko sa hinawi kong halaman..
nakita ko yung isa sa mga riding in tandem..
on foot na lang siya..
naka-white jacket siya..
tapos pagkakita niya sa akin ay sabay tutok sa akin nung baril niya..
napaisip tuloy ako kung ako ba talaga ang target nila..?
muli akong tumakas nang pagapang..
at nagising na ako dahil sa takot ko...
feeling , ayokong mamatay sa ganung paraan...
---o0o---


August 13, 2016...
feeling , plus 1 week.. maige rin naman pala yung paminsan-minsan nagbe-break ang manga, para hindi tuluy-tuloy lang ang pag-aaral ko...
>
[Gadget-Related]

let's see...
so yun nga ang problema ko ngayon sa Google..
walang paraan para mag-upload ng photos sa Album Archive..
pero kapag sa Google Photos naman idinaan ang mga uploads, eh automatic na ginagawan sila ng backup sa Album Archive...

para lang tanga kasi nga sa Google naman inilalagay yung mga photos..
pero bina-back-up-an pa rin nila sa kaparehong storage...
feeling , redundancy.. sayang sa storage space...
>
[Public Interest]

ayaw nyo talagang magpaawat sa pagpapalibing sa Libingan ng mga Ka-Close..?
o Libingan ng mga Kaibigan..?
o Libingan ng mga Kakampi ha...?
feeling , ilibing na nga lahat ng mga magkakakampi na yan para tapos na ang pulong!
>
mahigit 1 month rin naman pala akong nakapag-aral ng DAZ kahit papaano...

already got the support pack for V4.2..
isang base na lang ang kulang...

nakakalungkot lang dahil titigil na naman ako...
feeling , FATE.. parati na lang ganun.. everytime na makikita ko yung bagay na gusto ko talagang gawin - kaagad niya rin namang binabawi ang lahat...

No comments:

Post a Comment