Friday, March 25, 2016

Ang Alamat ng Most Undesirable Guy on Earth - Fourth Week of March 2016 (Long Vacation)

March 20, 2016...

gusto ko siyang makita kahit sa huling pagkakataon..
this April..
saka na lang ulit yang pagpapagamot na yan... :(

para kung sakaling wala na nga akong pag-asa na subukan man lang yung chance ko sa kanya..
edi kahit papaano, makakapagpaalam naman ako sa kanya nang maayos...

feeling , auto-basted...
feeling , mukhang matatapos yung istorya na Loveless Story yung category niya...
>
ano ba talagang purpose ko dito sa mundo...?

am i just really here to exist until that time comes..?
sobrang baba ng chances of survival ko..
every attempt na sinusubukan kong gawin, parang parating may pansagot na kamalasan at delubyo ang sarili kong kapalaran...

siguro totoo nga yung sinasabi tungkol sa akin noon nung 2 tao na hindi naman directly related sa akin at hindi rin related sa isa't isa..
mukhang may kasama nga akong kung anong entity na unti-unting pumapatay sa akin..
akala ko pa naman gusto niya ako kaya niya ako binabantayan..
pero sa mga nangyayari sa buhay ko, parang gusto niya lang akong durugin at sairin...

kahit na gaano ko tuloy naisin na bumawi sa mga tao na pinagkakautangan ko ng utang na loob..
hindi ko magawa - dahil sa takot na baka pati sila madamay sa masamang karma na kabuntot ko..
kaya madalas iniisip ko na mas mabuti kung haharapin ko na lang lahat nang nag-iisa..
tutal nag-iisa rin naman yung ending ng istorya ko...
feeling , tang ina! nasaan na yung twist sa kuwento na 'to...?
>
[Public Interest]

bad news..
nasakop pala kami ngayon ng Fair Usage Policy ng Globe..
unlimited browsing daw..
yun pala 3 GB ang daily allowance...
feeling , patay sa mga Youtuber...
---o0o---


March 21, 2016...

[Lottery]

kapapanalo ko lang ng jackpot last Wednesday..
tapos naka-2nd prize na naman noong Saturday...

haaay..
ba't hinding-hindi ko matiyempuhan yung tamang mga numero...
feeling , sobrang daming pera na sana nun...
>
can't focus..
preoccupied ang isip ko dahil sa latest development sa love story ng babaeng gusto ko... :(
feeling , bakit sunud-sunod ang mga parusa nyo saken...?
>
sa sobrang dami ng naging problema..
nakaligtaan ko nang i-record yung iba...

been infested with other skin diseases since February..
2 klase pa..
hindi ko na pina-check kung ano, wala rin naman akong magagawa..
iniaasa ko na lang na kusa siyang gagaling by April...


been taking MX3 na rin since March 11..
sa sobrang dami na ng depekto ng katawan na 'to, baka sakaling makontra pa ng supplement..
kesa naman matadtad na ako ng mahal na surgery...
feeling , para na tuloy 'tong DOTA, tuluy-tuloy lang ang wave ng kamalasan...
---o0o---


March 23, 2016...

dahil summer break na..
at may kasunod pa na eleksyon..
mas lumiliit lang yung tsansa ko na maihanda yung mga kailangan kong gawin by April...
feeling , kung data lang sana ako, idi-delete ko na lang ang sarili ko tapos empty recycle bin kaagad...
>
[Public Interest]

isa pang problema...

mukhang nasa 1 GB lang yung allocation ng Globe kahit na 3 GB yung nasa Fair Use Policy..
at hindi ko pa sila natatawagan tungkol dito...

hindi naman siya kagaya nung mga consumable plans na kapag nagamit na yung limit eh napuputol na at kailangan nang lagyan ng load..
kaso once umabot na sa 0.8 GB ang naglabas-masok na data, nire-regulate na yung internet usage at parang naka-dial-up connection na lang... :(
feeling , at parte pa rin 'to ng mga palpak kong desisyon...
---o0o---


March 24, 2016...

kung alam ko lang sana na makikilala ko siya sa puntong ito ng buhay ko..
edi sana pala sinikap ko ng mabuhay noon pa lang...

ganun nga siguro yung tamang pagkakasunud-sunod ng buhay ng tao..
- first, you fix yourself (with or without a motivation or a purpose)
- become successful
- and then mas madali mo na lang makukuha yung taong gusto mo
- then you can live the rest of your life with a stronger purpose

kaso baliktad yung hinahanap ko...

sa ngayon pakiramdam ko natalo na ako..
oo, i was hoping for her to get out of the industry - pero hindi sa ganitong paraan..
i thought she'd be free on her own..
but i didn't expect na makakakilala siya ng lalaking magugustuhan niya sa loob mismo ng industriya (gaya ng sinabi niya noon na wala siyang balak na magpaligaw sa kanino man na nakilala niya sa loob)...

but i guess may kakaiba nga sa lalaking yun..
kinuha niya yung tiwala niya by making her feel na may tiwala rin siya sa kanya..
that he can accept her for who she is..
he exposed his real identity to her, and even gave her access to his house..
pinaramdam niya sa kanya na okay lang na maging parte siya ng buhay niya...

hindi rin naman malinis yung lalaki..
parte nga siya ng industriya eh, at may magandang record ng mga (sikat na) babaeng nakasama na niya..
kaso..
base sa istorya niya, mukhang mayaman siya..
may sariling bahay (i assume malaki yun, up and down, at may veranda pa)..
mukhang nakatira siya sa isang exclusive subdivision (may guard na konektado sa mga home owners through phone call eh)..
may kotse..
at mukhang kayang ibigay lahat para sa isang babae..
sa age, siguro mga nasa 30 plus na..
at single daw...

alam ko hindi tama na manghusga kaagad ng ibang tao..
pero siyempre nag-aalala ako para sa babaeng gusto ko..
marami na rin akong narinig at nabasang istorya mula sa loob ng industriya..
most of those had a bad ending..
at ang tanging proteksyon mo lang para sa sarili mo is to not easily trust anyone...

naalala ko lang..
there's this popular service provider..
kilala siya sa pagiging sobrang sweet niya sa kliyente..
na-infatuate siya sa isa sa mga regular niya..
and actually believed that they were inlove..
umabot pa nga yung babae sa punto na ipinakilala niya yung lalaki sa pamilya niya..
i don't know exactly what happened between them, kung bakit sila nagkalabuan..
pero one reason is parang ginawa lang siyang trophy nung lalaki..
kinuha yung tiwala niya, hanggang sa ma-inlove na nga yung babae sa kanya - only to brag na nakuha niya yung babae..
according dun sa babae, the guy seemed to have created another account just to tell the story to everyone...

at ayoko lang mangyari yun sa babaeng gusto ko..
sana nga hindi siya yung lalaking yun (yung mula sa sample story)..
nakakaduda kasi na bago lang ginawa yung account niya, at ang first and only post eh tungkol sa pagkakagusto niya dun sa babae..
ayokong masaktan ulit siya gaya ng ginawa na sa kanya ng asawa niya noon..
na aanakan tapos iiwanan lang at ipagpapalit sa ibang babae..
ayokong magtiwala ulit siya nang basta-basta, tapos sa huli ano..? - mamarkahan lang ulit siya ng lalaki ng C-section scar..?
ayokong gawin lang siyang trophy ng kung sinuman...

sa ngayon, i'm in a really hopeless situation..
i can't even pursue her..
nothing is going right, and every effort to try to become better is being destroyed by my own FATE...

sa ngayon wala akong pag-asa - kundi ang ipakita nung lalaking yun yung totoo siya..
kung ano siya dati..
kagaya ng karamihan ng lalaki - na babaero...
feeling , how can i build that bridge of chance...?
---o0o---


March 25, 2016...

hindi nga siguro ako dapat umasa ng awa mula sa itaas...

eh yun ngang anak niya..
hinayaan niyang masaktan at mamatay sa medyo brutal na paraan sa kamay ng mga tao kahit na alam na nila yung mangyayari...

ako pa kaya na hindi niya itinuturing na isang anak...?

mga laruan lang talaga ang mga tao para sa kanya...
feeling , hindi totoo ang perpektong kabutihan...

No comments:

Post a Comment