Friday, March 25, 2016

Ang Alamat ng Most Undesirable Guy on Earth - Fourth Week of March 2016 (Long Vacation)

March 20, 2016...

gusto ko siyang makita kahit sa huling pagkakataon..
this April..
saka na lang ulit yang pagpapagamot na yan... :(

para kung sakaling wala na nga akong pag-asa na subukan man lang yung chance ko sa kanya..
edi kahit papaano, makakapagpaalam naman ako sa kanya nang maayos...

feeling , auto-basted...
feeling , mukhang matatapos yung istorya na Loveless Story yung category niya...
>
ano ba talagang purpose ko dito sa mundo...?

am i just really here to exist until that time comes..?
sobrang baba ng chances of survival ko..
every attempt na sinusubukan kong gawin, parang parating may pansagot na kamalasan at delubyo ang sarili kong kapalaran...

siguro totoo nga yung sinasabi tungkol sa akin noon nung 2 tao na hindi naman directly related sa akin at hindi rin related sa isa't isa..
mukhang may kasama nga akong kung anong entity na unti-unting pumapatay sa akin..
akala ko pa naman gusto niya ako kaya niya ako binabantayan..
pero sa mga nangyayari sa buhay ko, parang gusto niya lang akong durugin at sairin...

kahit na gaano ko tuloy naisin na bumawi sa mga tao na pinagkakautangan ko ng utang na loob..
hindi ko magawa - dahil sa takot na baka pati sila madamay sa masamang karma na kabuntot ko..
kaya madalas iniisip ko na mas mabuti kung haharapin ko na lang lahat nang nag-iisa..
tutal nag-iisa rin naman yung ending ng istorya ko...
feeling , tang ina! nasaan na yung twist sa kuwento na 'to...?
>
[Public Interest]

bad news..
nasakop pala kami ngayon ng Fair Usage Policy ng Globe..
unlimited browsing daw..
yun pala 3 GB ang daily allowance...
feeling , patay sa mga Youtuber...
---o0o---


March 21, 2016...

[Lottery]

kapapanalo ko lang ng jackpot last Wednesday..
tapos naka-2nd prize na naman noong Saturday...

haaay..
ba't hinding-hindi ko matiyempuhan yung tamang mga numero...
feeling , sobrang daming pera na sana nun...
>
can't focus..
preoccupied ang isip ko dahil sa latest development sa love story ng babaeng gusto ko... :(
feeling , bakit sunud-sunod ang mga parusa nyo saken...?
>
sa sobrang dami ng naging problema..
nakaligtaan ko nang i-record yung iba...

been infested with other skin diseases since February..
2 klase pa..
hindi ko na pina-check kung ano, wala rin naman akong magagawa..
iniaasa ko na lang na kusa siyang gagaling by April...


been taking MX3 na rin since March 11..
sa sobrang dami na ng depekto ng katawan na 'to, baka sakaling makontra pa ng supplement..
kesa naman matadtad na ako ng mahal na surgery...
feeling , para na tuloy 'tong DOTA, tuluy-tuloy lang ang wave ng kamalasan...
---o0o---


March 23, 2016...

dahil summer break na..
at may kasunod pa na eleksyon..
mas lumiliit lang yung tsansa ko na maihanda yung mga kailangan kong gawin by April...
feeling , kung data lang sana ako, idi-delete ko na lang ang sarili ko tapos empty recycle bin kaagad...
>
[Public Interest]

isa pang problema...

mukhang nasa 1 GB lang yung allocation ng Globe kahit na 3 GB yung nasa Fair Use Policy..
at hindi ko pa sila natatawagan tungkol dito...

hindi naman siya kagaya nung mga consumable plans na kapag nagamit na yung limit eh napuputol na at kailangan nang lagyan ng load..
kaso once umabot na sa 0.8 GB ang naglabas-masok na data, nire-regulate na yung internet usage at parang naka-dial-up connection na lang... :(
feeling , at parte pa rin 'to ng mga palpak kong desisyon...
---o0o---


March 24, 2016...

kung alam ko lang sana na makikilala ko siya sa puntong ito ng buhay ko..
edi sana pala sinikap ko ng mabuhay noon pa lang...

ganun nga siguro yung tamang pagkakasunud-sunod ng buhay ng tao..
- first, you fix yourself (with or without a motivation or a purpose)
- become successful
- and then mas madali mo na lang makukuha yung taong gusto mo
- then you can live the rest of your life with a stronger purpose

kaso baliktad yung hinahanap ko...

sa ngayon pakiramdam ko natalo na ako..
oo, i was hoping for her to get out of the industry - pero hindi sa ganitong paraan..
i thought she'd be free on her own..
but i didn't expect na makakakilala siya ng lalaking magugustuhan niya sa loob mismo ng industriya (gaya ng sinabi niya noon na wala siyang balak na magpaligaw sa kanino man na nakilala niya sa loob)...

but i guess may kakaiba nga sa lalaking yun..
kinuha niya yung tiwala niya by making her feel na may tiwala rin siya sa kanya..
that he can accept her for who she is..
he exposed his real identity to her, and even gave her access to his house..
pinaramdam niya sa kanya na okay lang na maging parte siya ng buhay niya...

hindi rin naman malinis yung lalaki..
parte nga siya ng industriya eh, at may magandang record ng mga (sikat na) babaeng nakasama na niya..
kaso..
base sa istorya niya, mukhang mayaman siya..
may sariling bahay (i assume malaki yun, up and down, at may veranda pa)..
mukhang nakatira siya sa isang exclusive subdivision (may guard na konektado sa mga home owners through phone call eh)..
may kotse..
at mukhang kayang ibigay lahat para sa isang babae..
sa age, siguro mga nasa 30 plus na..
at single daw...

alam ko hindi tama na manghusga kaagad ng ibang tao..
pero siyempre nag-aalala ako para sa babaeng gusto ko..
marami na rin akong narinig at nabasang istorya mula sa loob ng industriya..
most of those had a bad ending..
at ang tanging proteksyon mo lang para sa sarili mo is to not easily trust anyone...

naalala ko lang..
there's this popular service provider..
kilala siya sa pagiging sobrang sweet niya sa kliyente..
na-infatuate siya sa isa sa mga regular niya..
and actually believed that they were inlove..
umabot pa nga yung babae sa punto na ipinakilala niya yung lalaki sa pamilya niya..
i don't know exactly what happened between them, kung bakit sila nagkalabuan..
pero one reason is parang ginawa lang siyang trophy nung lalaki..
kinuha yung tiwala niya, hanggang sa ma-inlove na nga yung babae sa kanya - only to brag na nakuha niya yung babae..
according dun sa babae, the guy seemed to have created another account just to tell the story to everyone...

at ayoko lang mangyari yun sa babaeng gusto ko..
sana nga hindi siya yung lalaking yun (yung mula sa sample story)..
nakakaduda kasi na bago lang ginawa yung account niya, at ang first and only post eh tungkol sa pagkakagusto niya dun sa babae..
ayokong masaktan ulit siya gaya ng ginawa na sa kanya ng asawa niya noon..
na aanakan tapos iiwanan lang at ipagpapalit sa ibang babae..
ayokong magtiwala ulit siya nang basta-basta, tapos sa huli ano..? - mamarkahan lang ulit siya ng lalaki ng C-section scar..?
ayokong gawin lang siyang trophy ng kung sinuman...

sa ngayon, i'm in a really hopeless situation..
i can't even pursue her..
nothing is going right, and every effort to try to become better is being destroyed by my own FATE...

sa ngayon wala akong pag-asa - kundi ang ipakita nung lalaking yun yung totoo siya..
kung ano siya dati..
kagaya ng karamihan ng lalaki - na babaero...
feeling , how can i build that bridge of chance...?
---o0o---


March 25, 2016...

hindi nga siguro ako dapat umasa ng awa mula sa itaas...

eh yun ngang anak niya..
hinayaan niyang masaktan at mamatay sa medyo brutal na paraan sa kamay ng mga tao kahit na alam na nila yung mangyayari...

ako pa kaya na hindi niya itinuturing na isang anak...?

mga laruan lang talaga ang mga tao para sa kanya...
feeling , hindi totoo ang perpektong kabutihan...

Saturday, March 19, 2016

Ang Alamat ng Most Undesirable Guy on Earth - Third Week of March 2016 (Breaking Point)

March 11, 2016...

Miss G was already out of the list of trainees..
isa na naman sa mga napakawalan kong target..
at hindi ko nasubaybayan dahil sa kawalan ng internet...

---o0o---


March 16, 2016...

after 9 days, may bumisita na rin na outsourced technician ang PLDT..
but only to tell us na na-evaluate na nila yung area namin at wala na ngang available na slot for a fiber optics line..
pasensya na daw (after 9 days!!?)...

so we had no choice kundi ang bumalik sa Globe..
that same day, we applied for a new account...

>
[Lottery]

another solid jackpot prize sa lotto..
dammit!
that's already my 5th...

---o0o---


March 17, 2016...

emailed all the requirements to Globe...

---o0o---


March 18, 2016...

dahil sa kawalan ng internet..
nabalikan ko yung gusto ko talagang gawin sa buhay ko - ang mag-drawing..
been working on some unfinished work from 2012 pa...

naalala ko rin why i had to stop..
yung pagkakaroon ng mga abala sa bahay..
yung mata ko na dependent na lang sa natural light..
at yung pamamaga ng hinliliit ko sa tuwing tutok na tutok ako sa pagdo-drawing...

feeling , kung magagawa ko lang sanang career 'to.. frustrated Hentai artist...
>
March 18, 4 years ago..
dinurog ng isang masamang experience ang puso ko..
sa isang iglap i lost an imported rare item na matagal ko nang hina-hunting...

and then again..
another March 18 came to me..
i read this almost recent review tungkol sa babaeng nagugustuhan ko..
well, it was based sa point of view nung reviewer..
pero it sounded so true..
how they can kiss each other passionately..
at kung gaano sila ka-sweet sa isa't isa kapag sila ang magkasama..
at mukhang nahulog na nga yung loob niya dun sa lalaking yun...


after i read that review..
bigla na lang akong nanlambot at nanlumo..
na para bang nasira na naman ang lahat...
feeling , bakit kailangan na parati akong maging talunan...?
---o0o---


March 19, 2016...

connected na ulit sa Globe...

>
i'm running out of moves..
also running out of inspiration...

pagod na pagod na ako..
na magkaroon ng sakit..
na maging talunan..
na lumaban paulit-ulit at madurug lang ng madurog ang mga plano ko...


kaso hindi naman nakamamatay ang pagod lang...

wala na akong gustong gawin..
i'm currently continuing yung inked hentai manga na nasimulan ko noong 2012 pa..
after that, i guess tatapusin ko rin yung inked manga na novel excerpt ko..
after that bahala na...
feeling , paulit-ulit na pinamumukha sa akin ng mundo kung gaano kasakit na manatiling humihinga nang walang kalaban-laban...


Ang Alamat ng Most Undesirable Guy on Earth - First Two Weeks of March 2016 (Cursed Days)

February 27, 2016...

nanakit ang mata ko dun ah..
okay na yung logo at label para dun sa may-ari..
konting adjustment na lang siguro..
at version para sa light colored shirts...
feeling , gawa lang nang gawa...
>
[V-League]

even with Galang..
hindi na rin 'to yung tipong pang-Championship game..
wala na kasi si De Jesus, at hindi na rin si Lazaro yung libero ng ADMU eh...

sayang talaga yung laro na yun noon... :(
kasali na pala ulit si Tajima sa active lineup ng ADMU for UAAP...<3
feeling , not bad...
---o0o---


February 28, 2016...

mukhang nakawala na pala si Nekane sa exclusive contract niya ah..
niratrat na niya ang iba't ibang production company after that... :D
feeling , nice move...
>
aw..
hindi nga maganda ang naging takbo ng buong February ko..
everything is at their lowest performance...
feeling , ouch!

>
last day of the month bukas..
last game rin...
feeling , mas mabilis, mas maganda...
---o0o---


February 29, 2016...

last 31 days...
feeling , last month na rin...
---o0o---


March 1, 2016...

wala talagang nangyari for February... :(
feeling , 30 days left...
---o0o---


March 2, 2016...

[V-League]

anong nangyayari sa mundo ngayon..?
UP tinalo ang NU..
tapos yung tinalo ng UP na UST, ayun at winalwal naman ang DLSU na sumira sa streak ng ADMU...
feeling , ang gugulo nila...
>
hanggang next week na lang pala yung palugit ko para magpagamot..
kapag lumagpas dun, wala na, masisira na lahat ng plano...
feeling , sana naman may dumating na...
---o0o---


March 3, 2016...

isa na namang nasayang na magandang babae..
bakit pa kasi kailangang gumamit ng mga artificial illegal drugs para lang maging masaya...? :(
feeling , sayang...
>
ang hirap mag-add ng friends kapag hindi real name ang gamit... XD
feeling , ingat muna sa pag-a-add...
>
Cesar Montano = Alamat
= Master Hokage
= Galawang Breezy Master
= Pornstar Level
= Idol

daig pa si Alfrancis Chua eh...
hello sex..
ambangis palang makipagkilala ni Miyabi... <3

reasons Miyabi, haha! :D
feeling , godlike...
---o0o---


March 4, 2016...

[Lottery]

bad news..
nasa Php 14,090 na yung talo ko sa Lotto for 8 damned years... :(
feeling , at hindi pa ako nakakatikim ng certified 2nd prize man lang...
>
kailangan ko na yatang mag-Veet..
kaso sagabal pa rin 'tong pesteng sakit na 'to...
feeling , medical issues...
>
marunong palang mag-English si Lucy Li..
nice!
feeling , Cesar-Montano-goals, hahaha!
>
happily married pala yung senior ko...

happily married!!?
pero kung sinu-sinong batang babae ang idini-display mo sa mga mall at ikinakama mo..
grabe talaga ang nagagawa ng pera... :(
feeling , she needs to get out of there now...
---o0o---

[Cursed Days]

after March 4, saka nangyari ang masamang bagay na yun..
i was trying to download some files..
kaso inabutan ako ng mga nakiki-share ng internet, and naputol yung download ko at na-block na ako...

i decided na tapusin na lang yun early morning - the next day..
so by March 5, i woke up at 3:00 AM hoping to finish my download habang wala pang kaagaw sa internet..
at doon na nagsimula ang panibagong kamalasan..
and IT does happen sa tuwing naka-focus ang atensyon ko sa isang mahalagang bagay... :(

i booted the router, at hindi na siya makilala ng mga device sa bahay..
nag-reset siya sa default name niya, at hindi na maka-connect sa internet..
i called Globe for technical support..
we did some test and reconfigurations, pero hindi na talaga naayos yung internet..
hanggang sa sumuko na yung telephone operator/agent, at gumawa na lang ng job order para sa mga field technician..
kaso by March 6 pa mapupuntahan ang bahay namin..
nabuwisit ako, dahil nangyari yun kung kailan ko kailangang-kailangan...

then i remembered na gusto ng mga kasama ko sa bahay na masubukan rin yung PLDT..
i inquired (but unfortunately, agent lang pala yung nakausap ko)..
ang sabi niya may fiber connection pa raw na available sa area namin..
i told her na nasira yung Globe namin kaya gusto na naming ipaputol..
ang sabi niya, pwede na nga daw namin ipa-terminate yun at mag-switch na kami sa PLDT for 50% off sa magiging monthly bill namin for the first year, at latest Statement of Account na lang yung kailangan..
napaniwala kaagad ako dun sa agent, so i told the owner of the account na ipaputol na lang yung connection namin sa halip na ipa-repair pa, at lilipat na nga kami sa PLDT since by Monday eh pwede na kaming puntahan nung agent..
kaso, by March 6, that same stupid PLDT agent called me telling me na wala na yatang fiber na available sa area namin..
LTE na lang daw, which is a consumable plan - at hindi 'to angkop sa paggamit namin..
ang masama pa nun, sa Barangay Hall gustong makipag-meet nung agent at hindi sa bahay namin, kaya naisip ko na posibleng walang kasamang technician yung lintik..
nabuwisit yung may-ari ng account dahil sa papalit-palit ng statement nung babaeng agent, kaya sa mismong opisina na lang daw kami pupunta..
pero huli na rin, kasi naputol na yung linya namin..
at ako mismo ang nagtanggal ng mga yun, dahil ipapalipat rin naman namin yung area ng telephone at modem/router...

at natanga na nga ang lahat after that..
nagkasunud-sunod yung kamalasan sa mismong mga araw na kailangan ko ng internet...

---o0o---


March 7, 2016...

it happened again..
that cursed loop..
nasira na naman lahat sa paligid ko...

will be gone for a while...
feeling , checkmate na ba ako...?
>
i was supposed to do a lot of work this past weekend..
kaso nasira lahat..
and i made a lot of wrong decisions to worsen the case...

i guess it's a message na wala na talaga akong magagawa for myself..
hindi ko na kailangan pang lumaban pa...


[Medical Condition]

last weekend, there was a TV program that tackled about genital warts..
at ayun nga..
if ever positive ako, i'll forever be a threat sa babaeng mahal ko... :(

as for my meeting for April..
it's cancelled..
buntis daw si Miss X at wala na sa plano na mag-travel..
so i guess imposible na niya akong matulungan...

as for Miss Co..
naka-foul na naman siya..
she faced a client nang haggard siya..
late and wasted a lot of time..
tapos MILF pala siya with stretchmarks..
pangarap pa naman siya nung guy..
very disappointed tuloy yung client...

at ang malala pa nun (base sa mga reviews na lumabas), mukhang 2nd appoitnment na siya ni Miss Co for that evening..
kaya siguro laspag na siya at pagod nung hinarap niya yung kawawang kliyente...
feeling , don't know my next move...
---o0o---


March 8, 2016...

[Games]

playing Ys Origin habang walang internet...

- si Yunica Tovah na anak ng isang bayani at fallen Commander at kaibigan ng kambal na Goddesses, kaso namatayan rin siya ng ka-loveteam sa playthrough niya..
- si Toal Fact na isa ring bayaning Captain na sumama sa Commander na magpaiwan sa lupa (2 lang sila) habang inililikas ang mga tao papunta sa kalangitan, umiibig siya sa panganay na Goddess, dahil dun nagawa niyang umanib sa kasamaan to figure out a way para mawala na ang mga demons, mapagmahal rin siyang kapatid at parating ipinagmamalaki ang bunso niyang kapatid, alam niyang mas gifted ito sa kanya pagdating sa magic kaya isinuko niya yung pagiging successor Priest niya at umanib na lang sa Holy Knights, eventually natuklasan rin naman ng mga totoong kakampi niya yung totoong motibo niya sa pagsapi sa mga kalaban, at sa bandang huli natuklasan niya na tatay niya pala na isa sa 6 Priests of Ys ang mastermind sa mga nangyaring kaguluhan..
- at si Hugo Fact, magaling sa magic at malaki ang pagpapahalaga sa pangalan ng kanilang pamilya, iniidolo niya noon si Toal Fact bilang kuya niya, pero nagbago ang tingin niya dito simula ng ipaubaya nito sa kanya yung pagiging successor sa tatay nila, ang hindi niya naiintindihan ay ginawa ito ng kuya niya para sa kanya at hindi dahil sa inggit, matapos siyang matalo ng Toal Fact na may demon element naging ganid siya sa kapangyarihan para lang makaganti sa kuya niya at malinis ang inaakala nilang dinungisan na pangalan ng kuya niya, (hindi ko na alam yung mga sumunod na development sa istorya niya dahil may depekto yung quest niya)...

teribleng kamalasan 'tong inabot ko..
kung kailan pa talaga target kong maka-recover...

miss na miss ko na siya..
pero kinukubabawan na ako ng kung anong malakas na klase ng BAD FATE na hinding-hindi ko matakasan...