Friday, February 26, 2016

Ang Alamat ng Most Undesirable Guy on Earth - Last Whole Week of February 2016 (Kick)

February 21, 2016...

8 days left...
feeling , sigh...
>
isa sa mga natutunan ko sa buhay...?

na hindi totoo na kapag patas ang trato mo sa ibang tao, eh automatically babalik sa'yo yung good karma.. :(
para lang yung fairy tale o alamat, kuwento-kuwento lang..
wala pa ring solusyon kundi ang magpakapagod para mabuhay...

unless anak ka ng kung sinong mayaman...
feeling , magpa-5 months na akong badtrip sa katawan na 'to...
>
okay na yung ibang design..
pero wala pang final logo..
meron na ring blank shirt templates for men & women..
yung digital translation na lang nung mga illustrations ang problema...
feeling , basta hindi sa akin ang investment - walang problema...

>
kapag gumaling na ako..
puputulin ko na ulit ang buhok ko...
feeling , medical goal...

---o0o---


February 22, 2016...

according to a source last Sunday..
mukhang cancelled nga daw yung event...
feeling , maige naman...
>
bad news..
another veteran retired..
kinakabahan na naman tuloy ako...

that's 14...
feeling , huwag naman please...
>
after someone's inquiry..
nag-release na nga ng statement yung grupo..
cancelled nga yung event..
hahanap daw muna ng mas secure na venue..
nag-i-issue na daw sila ng refund for the deposits na natanggap nila...

mukhang kinapos talaga sila sa suporta ah...
feeling , maige na rin yan...
---o0o---


February 23, 2016...

it's happening again... :(

isinuko ko yung babysitting allowance ko dahil i needed time for myself..
dahil hindi ko kayang full-time na bantayan yung bata..
pero heto ako at nagsasayang ng oras ko sa pag-aalaga..
maige sana kung normal yung bata eh..
samantalang yung mga taong higit na nakikinabang sa kanila eh pa-easy-easy lang habang tumatanggap pa rin ng pera..
may medical assistance pa rin kahit na hindi naman inaalagaan ang sarili nila...


tapos tatanungin ako kung nasaan na yung tee shirt design..?
putang ina! paano ako makakagawa kung maya't maya niyo akong dini-distract..
tapos sasabihin na madali lang yun..?
putang ina! edi ikaw ang mag-convert ng inked draft sa digital...

ayoko sanang maging masamang tao..
pero may sarili rin akong buhay eh...

kailangan ko ng pera dahil gusto kong gumaling at maging normal..
pero wala kayong respeto sa oras ko...
feeling , abuso na eh...
---o0o---


February 23, 2016...

'hope' is one of the best concepts na nagawa ng mga tao..
it's among those reasons kung bakit hindi basta-basta nagso-shortcut ang mga tao sa buhay...
feeling , 6 days left...
>
natatakot ako na baka hindi ko na siya makita ulit... :(

pero sirang-sira pa ako ngayon at andami ko pang kailangang ayusin sa katawan ko...
feeling , bakit ako ginanito ng mga nakatataas...?
>
siguro kung nabiyayaan lang sana ako ng mabubuting magulang..
baka nawala na yung cyst ko noong nasa college pa man ako..
at siguro naagapan ko 'tong pesteng sakit na 'to 8 years ago...

hindi na ba talaga ako pwedeng magmahal ulit...?
feeling , hindi na 'to maganda, lahat na lang ng nasa paligid ko ginagamit para ma-check ako...
---o0o---


February 24, 2016...

[Games]

done with my latest Final Fantasy game..
hindi ko na lang ginawang Level 99 lahat ng characters..
naiyak naman ako kay Kuja at sa ending...

that's my 5th FF:
- Final Fantasy VIII
- Final Fantasy VII
- Crisis Core: Final Fantasy VII
- Final Fantasy IV (Remake)
- Final Fantasy IX


na-enjoy ko rin na ginamit ko yung pangalan niya dun sa laro... :)
feeling , tama na ang pantasya, seryosohan na ulit...
>
focus na sa tee shirt printing...

aanhin ang sandamakmak na mayayamang blood relatives kung hindi puwersahang bebentahan ng tee shirt... XD
feeling , One||Man||Team.
>
may ilan pa akong problema maliban sa kawalan ng Graphics Tablet...

yung Copy-Paste..
Resize..
Delete..
tsaka Fill Color..
parating nagpo-produce ng pixelated versions o copy..
wala namang problema kung sa straight lines..
pero bumababa yung quality ng images pagdating sa mga curves at diagonal...


meaning everytime na gagawa ako ng design na may bagong kulay..
wala akong template na pwedeng gamitin..
at back to zero parati ako with respect to curves and diagonal...
feeling , para sa pagiging normal ko...
>
eversince nalaman ko yung tungkol sa sakit ko..
everytime i'm taking that 20-minute walk papunta sa Lotto outlet, back & forth na yun..
parati kong iniisip at hinihiling - sa kung anumang entity na posibleng nakikinig sa akin..
na sana magkaroon ng paraan para gumaling naman ako kaagad..
at sana mabigyan ako ng pagkakataon to build that Bridge of Chance patungo sa babaeng gusto ko...

yun lang parati ang laman ng isip ko...
feeling , para sa babae...
---o0o---


February 25, 2016...

may Facebook na yung light counterpart ko... :)
feeling , testing...
>
4 days left...
feeling , 2 games left...

---o0o---


February 26, 2016...

[Public Interest]

sayang si Grace Poe..
parang mabait naman siya dati noong hindi pa niya alam na gusto siya ng maraming tao na tumakbo bilang Presidente eh..
pero ngayon, hinahanapan at tinitira na rin niya yung mga puna sa mga kalaban niya sa pulitika..
parang hindi lang kasi magandang pakinggan na naninira o nakikipagsiraan pa sa ibang tao... :(
 
parang masyadong naudyukan at na-excite na nga sa pagiging Presidente...

wala ba sa kanila yung kayang mag-focus na lang sa paglalahad ng mga plano nila para sa bansa..
pero siyempre, dapat yung realistic din...
feeling , sayang...
>
[Anime-Manga]

One Piece Gold... :D
feeling , maghihintay na naman ng free streaming...
>
ambilis na ulit ng takbo ng oras ko..
sa tuwing nagpo-focus ako on something, hindi ko na namamalayan ang takbo ng panahon...

matagal na rin noong huli kong maramdam yung ganun..
simula nang matigil ako sa pagdo-drawing ng comics ko at ng mga concept art ko, ngayon ko na lang ulit naramdaman na mabilis ang takbo ng oras ko (in a good way)... :)

i know it's not the easiest way out..
pero naubusan na rin ako ng praktikal na baraha eh..
ang sabi nga - choose a career which you enjoy..
at sa ngayon, ito lang yung pinakamalapit sa kung ano talaga yung gusto ko..
medyo buwis-mata lang nga... XD

at kahit papaano..
nalilibang naman ako..
para hindi ko masyadong naiisip yung babaeng yun..
para hindi ko masyadong naiisip yung dahilan kung bakit gusto ko pa ring subukang lumaban...

No comments:

Post a Comment