Saturday, August 16, 2025

Cowards Against Corruption, Heroic Against Online Gambling

NOTE: this is not news..
i am not a reporter/journalist nor an influential person..
also, i'm not related to the government in any way..
but there are summary of news featured in this post..
it will require research in order to get the whole story regarding each particular news that is featured in here...

simple lang yan..
kapag nagpaapekto at nag-react ka sa opinyon ng ibang tao - eh BAKA nga may totoo sa mga sinasabi nila...



record ng ekonomiya..
record ng palitan ng piso sa dolyar..
record ng mga inutang..
record ng mga kinamkam at pinagnakawan..
record ng mga inabuso..
record ng mga itinumba..
record ng mga nawawala..
record ng mga kaso...

mga wala kayong utak..
at lahat kayo ay masasama...

is 💀 feeling , from Php 3.91 to Php 20.46 na exchange rate.. from USD 599 Million to USD 26.7 Billion na utang.. sa kanila nagsimula ang pagkawasak...

---o0o---


daily prayer...

sa kung sino man ang nakikinig sa kawalan..
sana mai-serve na kaagad ang totoo at ganap na hustisya laban sa lahat ng miyembro ng alyansa para matigil na ang kasamaan nila...

at sana maging maayos na ulit ang mundo...

is 💀 feeling , day 1862...

-----o0o-----


bagong impiyerno, bagong listahan..
lumampas na naman sa 500 ang bilang, kaya mag-i-start na ulit ako ng panibagong listahan ng mga kalokohan..

update (512 + 501 + 205 + 112 na)..
medyo in-organize ko rin yung mga kaso..
pero paki-note na hindi na ganung ka-accurate yung bilang, at posibleng may redundancy na rin dahil sa sobrang dami ng mga nakalista...

una, ang pagtataksil sa interes ng bansa at ng mga (ibang) mamamayan (lalo na yung mga naging biktima), at pagbalewala sa kasaysayan at dangal ng bansa:
  • mahalaga daw ang mental health, pero walang nagpapahalaga sa mental health ng mga non-pet owner na inaabuso ng mga pet owner at ng mga pet na dumi nang dumi sa tapat ng mga bahay nila

are yung ang involved o semi-involved eh mga identified talaga bilang awtoridad o tauhan ng pamunuan, mga dati nang naging bahagi ng pamunuan, o kahit mga nagsasanay pa lang upang makakuha ng awtoridad:
  • sa Caloocan City, yung lasing na pulis na nagpaputok ng baril
  • yung 9 na tauhan ng Customs na sinibak dahil daw sa reklamo ng pangingikil sa may NAIA Terminal 3
  • yung sinibak na 5 airport police sa NAIA dahil nangingikil daw ng 40% sa mga taxi driver doon
  • sa General Santos City, yung 5 pulis na inireklamo dahil sa pangingikil sa isang motorista
  • sa Tiwi, Albay, yung dating Konsehal na nahuli sa entrapment operation dahil sa pangingikil laban sa isang kompanya
  • yung Mayor ng San Simon, Pampanga na naaresto dahil sa pangingikil laban sa isang negosyante, Php 80 Million daw para hayaan silang makapagtayo ng negosyo doon sa area
  • sa Sablayan Prison and Penal Farm sa Occidental Mindoro, yung 2 opisyales ng BuCor na nabisto sa tangkang pagpapapasok ng kahon-kahong alak at sigarilyo
  • yung 2 junior officer na nag-file ng rape case laban sa isang high-ranking Philippine Air Force official, through sexual assault daw
  • sa Philippine National Police Academy, yung kadete na minolestiya daw ng isang opisyales sa barracks
  • sa Ilocos Sur, yung pulis na nahuli sa entrapment operation dahil sa tangkang sextortion
  • sa isang hotel sa Tuguegarao City, yung nakunan ng video na 2 opisyales ng LTO, na nakitang nananakit ng 2 daw na binatilyo doon sa event
  • sa Argao, Cebu, yung lalaking pinatay sa pamamaril ng SK Federation President nang dahil lang daw sa selos
  • sa Dasmariñas, Cavite, yung Barangay Captain at 2 Kagawad na napatay sa pamamaril ng isang Barangay Tanod habang nasa flag ceremony sila
  • sa Ibajay, Aklan, yung Vice Mayor na pinatay sa pamamaril ng isang Konsehal, dahil daw sa personal na alitan
  • sa Davao City, yung babaeng negosyante na napatay sa pamamaril ng karelasyon daw nito na pulis

are naman yung mga hindi pa malinaw kung anong klase nga ng mga tao ang involved o hindi tiyak o nabanggit kung sino ang nakatama o hindi masabi kung ano nga ang totoong nangyari:
  • yung dating Spokesperson na nasa 3 daw ang passport ayon sa DOJ
  • sa mismong Senado, yung staff ng isang Senador na hinihinalang gumamit ng marijuana sa restroom
  • yung ilegal daw yung 1xBet dito sa bayan, pero nagawa pa nilang dalhin ang endorser nila na si Eva Elfie dito at nagdaos pa ng event

heto naman yung mga may kinalaman sa kahinaan ng kasalukuyang penal system at pagpapatupad ng iba pang mga batas, patakaran, at sistema sa bansa:
  • yung napasok na rin ng Monkeypox ang probinsiya ng Iloilo
  • yung napapasok na rin ng Monkeypox ang iba pang rehiyon sa bayan
  • yung 500% na pagtaas ng naitala na kaso ng HIV para daw sa age group na 15 to 25 y/o
  • yung ginulpi dati na PWD na lumalabas na may violent tendencies talaga, na malaya pa ring nakakaperwisyo doon sa EDSA Bus Carousel
  • yung pambabarat ng mga trader sa palay ng mga magsasaka, kasi kesyo daw ay may Php 20 ng bigas
  • sa Benguet daw, yung itinatapon na yung ibang carrots dahil sa oversupply
  • sa bagong pamunuan ng DOTr, yung higit daw sa kalahati ng mga napautang na para sa jeepney modernization ang hirap namang makabayad
  • yung 2 traffic enforcer na lumabag sa batas gamit ang kanilang mga sasakyan, na t-in-icket-an ng MMDA
  • sa Baguio City, yung hepe ka sa LTO, pero nahuli ka dahil sa drunk driving
  • yung nagagamit na ngayon yung mga Dalian train para sa MRT, bagay na hindi ginawan ng paraan ng nakaraang administrasyon
  • yung lumalabas na palpak yung safety bollards sa NAIA na kasama sa projects para doon sa airport noong 2019, Php 8 Million daw yung budget para dun kaso nabuking na iyon yung mababaw lang ang pagkakabaon
  • yung regular na mahabaang brownout sa Siquijor dahil sa kapalpakan ng supplier nila ng kuryente, na pagmamay-ari din ng pamilya ng mga Senador
  • sa OWWA, yung hindi aprubadong pagbili ng nasa Php 1.4 Billion daw na halaga ng lupain ng dating administrator last year
  • sa GSIS, yung mga opisyales na bumili ng nasa Php 1.45 Billion na halaga ng shares sa Alternergy Holdings Corporation
  • yung nag-invest daw ang GSIS ng lagpas Php 1 Billion sa online gambling company at lugi na ngayon ang shares nila, bukod pa sa nag-invest din daw sila sa ilang kompanya na walang malinaw na track record
  • yung namigay nang namigay ng lisensya ang PAGCOR sa mga online gambling company, pero ngayon ay target na silang i-ban ng ilang mga Senador
  • yung ginagawa ng maraming Senador na komplikado ang isyu sa online gambling, dahil ginagamit nila yung isyu bilang pantakip sa mas masahol na kasalanan laban sa bayan, ang pagtakpan ang pagnanakaw sa buwis ng mga mamamayan
  • yung Senador na gustong i-regulate ang mga online streaming platform, samantalang regulated na yung age ng mga user ng kanilang payment processor, at yung may-ari na lang ng account ang dapat gumabay sa minors na pagagamitin nila nung account
  • kay Senator Hontiveros, yung laging tinataniman ang panig niya ng mga testigo na bigla na lang binabaliktad ang mga nauna nilang testimonya
  • yung naganap daw na pagbabawas ng boto ng ilang transparency server para sa eleksyon, kesyo may mga nagdoble daw kasi ng transmission kaya itinama
  • sa Dumaguete at Zamboanga, ayon sa PPCRV, yung hindi nagtugma ang actual na bilang ng mga bumoto kumpara sa mga balota na nabilang, di hamak na lamang yung nabilang na balota kumpara sa naging botante
  • yung mga reklamo na mali daw ang nabilang na kandidato sa resibo, kumpara sa totoong mga ibinoto nila
  • sa social media, yung pagkalat ng mga pekeng election survey gaya nung para sa Davao City
  • yung maagang demolisyon laban sa dating Vice President, kesyo wala daw itong plano na isuko sa ICC ang dating Pangulo kung nagkataon at kaibigan din daw ng kasalukuyang Vice President
  • yung tagapagtanggol noon ng anomalous deal sa Pharmally ang head na ngayon ng Senate Blue Ribbon Committee
  • yung interpretation ng Supreme Court na nalabag daw ng impeachment laban sa Vice President yung 1-year rule
  • yung iginiit ng Supreme Court na immediately executory daw ang maling desisyon nila, pero ang pagprotekta sa bayan laban sa mga magnanakaw ay pwedeng ipagpaliban nang matagal na panahon
  • noong may nagsampa na dati ng impeachment case eh sobrang bagal umaksyon ng Senado, pero ngayon namang may utos na i-dismiss na iyon eh ang bilis nilang kumilos
  • yung mga Senator judge na nag-aabogado para sa mismong nasasakdal
  • yung manipulasyon ng maraming Senator judge sa impeachment case, sa pamamagitan ng pagbabalik nung articles of impeachment sa Lower House
  • yung Senador na itinuturing kaagad na witch hunt lang ang impeachment laban sa Vice President
  • yung Senador na kakampi ni Tanggol sa paglaban sa katiwalian, pero ayun at takot palang lumaban sa katiwalian sa totoong buhay
  • yung Senador na matapang lang sa pakikipaglaban sa kasamaan sa mga programa nila sa TV, pero takot din palang bumangga sa alyansa ng mga tiwali
  • yung Senador na nakipag-argue pa, may party-list pa sila na lumalaban kuno sa kuropsiyon, pero kasama din naman pala siya sa mga magmamanipula sa konstitusyon
  • sa Senado, yung video na nagpapakita na talagang kaalyado ng mga tutol sa impeachment trial ang 1 akala mo eh partial na Senador, para guluhin sa pagsasalita ang 1 Senadora na pabor na bigyan ng katarungan ang bayan
  • yung Senador na ang suggestion sa paglaban sa tiwaling opisyal ng gobyerno ay ang labanan at talunin na lang daw iyon sa darating na eleksyon, sa halip na parusahan nang naaayon sa batas
  • yung Senador na nag-endorse ng AI-generated video, kung saan gumamit ng parang estudyante na pinapalabas na pamumulitika lang ang impeachment laban sa Vice President
  • yung walang pakialam yung isang Senador kung FAKE AI news ang ipinapakalat niya
  • yung Senador na gumawa ng Senate resolution para ibasura na kaagad ang impeachment laban sa kaalyado nilang Vice President
  • yung FAKE news ng isang Senador, na kesyo guided siya ng holy spirit
  • yung Senador na gumawa naman ng Senate resolution para i-dismiss na kaagad ang kaso ng impeachment laban sa kaalyado nilang Vice President
  • yung Senador na gustong magpasunog, na patunay na ang katapatan niya ay hindi para sa bayan, kundi para sa kaalyado niyang angkan lamang
  • yung Senador na naninindak ng kapwa niya Senador, dahil lang sa hindi kaagad masunod ang kagustuhan ng alyansa nila na maibasura na kaagad ang impeachment case laban sa kaalyado nilang Vice President
  • yung mga walang kuwentang Senador na sang-ayon sa Supreme Court na protektahan ang katiwalian
  • yung kasalukuyang Mayor ng Davao City na binatikos ang pagtalaga sa latest na PNP Chief, samantalang ang tatay niya mismo ay nagtalaga kaagad ng 1-Star General lamang bilang PNP Chief noong panahon nito
  • yung Mayor ng Davao City na nag-endorse din nung AI-generated video na nagpapakalat ng FAKE na opinyon ng kabataan
  • yung acting Mayor ng Davao City na gustong makipagsuntukan sa PNP Chief
  • yung suntukan daw na walang gloves ang gusto, puwerket mas bata siya
  • yung Representative mula sa Davao City na kinasuhan ng physical injuries at grave threats
  • yung pagpabor ng Vice President sa pagpapakalat ng AI-generated content na nagpapakalat ng FAKE news
  • yung ipunin daw ang tubig-baha at i-deliver sa Malacañang, na para bang may nagawa ang kanyang ama noon upang masolusyunan ang mga problema sa pagbabaha
  • yung FAKE news ng Vice President na kesyo ang mga Senador na sumusunod sa konstitusyon at lumalaban sa katiwalian DAW ang mga bias

at may kaso na iba-iba ang kategorya:
  • yung lumalabas na majority ng mga botante sa kabuuan ng Mindanao at sa Cebu Province eh supporters at protektor ng katiwalian
  • sa Abra, yung nakunan ng video na 2 poll watcher na nagse-shade ng mga balota para sa mga botante
  • yung walang kuwentang survey na nagpapakita na pabor ang maraming botante sa mga kriminal
  • yung panibagong walang kuwentang survey tungkol sa impeachment, kesyo 42% daw ng 1,200 ang gustong protektahan ang katiwalian
  • yung ayon sa isang bagong survey na maraming mahihirap na lokal na mamamayan ang mula sa Mindanao, samantalang nasa kanila rin ang maraming supporters ng mga tiwali
  • yung mga mamamayan na naloko ng FAKE news tungkol sa CMEPA at mga savings account sa banko
  • yung ang seselan ng mga lokal na mamamayan, siguro 2021 to early 2022 pa pinagpapaslang yung mga nawawalang sabungero, pero ngayon pa sila nandidiri sa mga isda mula sa Taal Lake
  • yung nasa 9 na aso na namatay matapos na kumain ng kanin na may lason dahil pinabayaan lang silang nakakawala ng kanilang mga amo sa kabila ng abiso
  • yung rider na aksidenteng nabundol ng SUV dahil sa biglang pagtawid ng isang walang kuwentang aso, na ikinamatay ng kanyang angkas
  • sa Kidapawan sa North Cotabato, yung estudyante na naka-motor na namatay matapos na sumemplang dahil umiwas daw na makabangga ng aso, kung saan nasundan pa yung aksidente noong naroon na yung mga rescuer
  • sa Boracay, yung anak at pamangkin ng isang Senador na basta na lang ginulpi ng mga kalalakihan
  • sa Santiago City, Isabela, yung solo rider na basta na lang binugbog at pinalibutan ng isang grupo na may mga naka-motor din
  • sa Isabela City sa Basilan, yung estudyante na binugbog ng 2 kapwa niya estudyante matapos daw tumanggi nung biktima na gumamit ng sigarilyo
  • sa Bambang, Nueva Vizcaya, yung babaeng estudyante na binugbog ng mismong mga kaibigan niya sa labas ng paaralan, na nagsimula lang daw dahil sa negatibong komento
  • sa Iligan City, yung 1 Grade 3 student na kritikal ngayon sa ospital matapos na gulpihin ng 4 to 5 na high school students
  • sa Tondo, matapos yung nangyaring sunog, yung mga utak-kriminal na lokal na mamamayan nila na tulung-tulong na nagnakaw ng mga kable ng kuryente puwerket patay yung daloy
  • sa Makati City, yung French daw na tinurukan ng pampatulog ng mga lokal na mamamayan habang nakasakay sila taxi upang mapagnakawan
  • sa Balabagan, Lanao del Sur, yung guro na napatay sa pamamaril ng kanyang 20 y/o na Grade 11 na estudyante na binigyan niya ng bagsak na grado
  • ang patuloy na paghahasik ng lagim ng Houthi sa Red Sea sa pamamagitan ng pagpapalubog ng mga cargo ship
  • yung pagsisimula naman ng Israel ng giyera laban sa Iran
  • yung nasa lagpas Php 40 Million na halaga ng smuggled vape products na galing sa Imperyo na d-in-eclare daw na mga gamit sa kusina
  • yung nasa lagpas Php 200 Million na halaga ng smuggled na isda mula sa Imperyo na nasabat ng Customs at DA sa Maynila
  • yung paglaganap daw ng iba't ibang klase ng sakit sa hanay ng mga nahuling illegal POGO workers
  • yung Imperial citizen na naaresto sa NAIA, nagpanggap daw kasi bilang lokal na mamamayan at gumamit ng mga pekeng dokumento
  • sa Sual, Pangasinan, yung nasa 9 daw na menor de edad, na mga lokal na mamamayan, na sinamantala ng mga Imperial citizen nilang amo, kesyo hindi daw pinapasahod nang tama para sa trabaho nila doon sa fish pen
  • sa Bunawan, Agusan del Sur, yung 13 katao, kabilang ang 4 na Imperial citizen, na nahuli dahil sa illegal mining
  • sa Parañaque City, yung 2 Imperial citizen na pinapatubos ang passport ng kapwa nila Imperial citizen, kung saan nanuntok pa ng mga awtoridad ang isa sa mga suspek noong hinuhuli na sila
  • sa Mariveles, Bataan, yung 10 nahuli na Imperial citizen na nagpapatakbo ng love at cryptocurrency scam hub
  • sa isang condominium unit sa Parañaque City, yung nabisto na scam hub kung saan nagsisira na yung mga Imperial citizen ng ebidensya sa pamamagitan ng paghahagis ng mga gadget palabas ng kanilang bintana
  • sa Cavite, yung naaresto na 2 Imperial citizen na sinubukang tumakas sa checkpoint, na mukhang sangkot daw sa kidnapping
  • sa Parañaque City, yung 4 na Imperial citizen na dinukot ang kapwa nila Imperial citizen na nagpapapalit lang daw sana ng foreign currency
  • sa Makati City, yung babaeng Vietnamese na dinukot at ginahasa ng 3 Imperial citizen, na sinubukan pang manghingi ng ransom sa asawa nung biktima
  • yung FAKE news daw ng Imperyo na kesyo may naharang silang barko ng bayan
  • sa Pulilan, Bulacan, yung 2 Imperial citizen na nahulihan ng IMSI catcher
  • yung Imperial research vessel na namataan sa may baybayin ng Sta. Ana, Cagayan na wala daw pakialam sa mga radio challenge
  • yung 3 barko ng Imperial coast guard na lumapit na sa Batanes
  • malapit sa may Pag-asa Island, yung umaabot sa 464 square meters ng coral reef na nasira ng parachute anchor ng isang Imperial fishing militia
  • sa may Bajo de Masinloc, yung eroplano ng PCG na binuntutan ng fighter jet ng Imperyo
  • yung barko ng BFAR na binomba ng water cannon ng Imperial coast guard
  • sa may Bajo de Masinloc din, yung barko ng BFAR na binomba na naman ng tubig ng barko ng Imperyo
  • malapit sa may Bajo de Masinloc, yung 2 barko ng Imperyo na nagkabanggaan dahil sa panghahabol nila sa barko ng PCG
-----o0o-----


August 10, 2025...

[Natural Calamities]

kagabi..
sa bandang ibaba..
nasa Magnitude 5.3 na lindol..
sa may area ng Davao Oriental...

is feeling , ito na lang ang hustisya na pwedeng makuha ng mga inosenteng mamamayan na bayan na naghahangad ng tamang pagbabago...

---o0o---


August 11, 2025...

malapit sa may Bajo de Masinloc..
yung 2 barko ng Imperyo na nagkabanggaan dahil sa panghahabol nila sa barko ng Philippine Coast Guard (PCG)...

patunay iyon na handa silang mangbangga para lang sa ngalan ng Imperyalismo nila...

is feeling , karma...


>
sa may Bajo de Masinloc din..
yung barko ng Bureau of Fisheries and Aquatic Resources (BFAR) na binomba na naman ng tubig ng barko ng Imperyo...

is feeling , lahat ng barko nila eh kailangang i-teleport sa kalangitan nila at pabayaan na bumagsak sa loob mismo ng kanilang teritoryo...


>
sa Iligan City..
yung 1 Grade 3 student na kritikal ngayon sa ospital matapos na gulpihin ng 5 high school students...

maraming kabataan ang dapat nang maputol ang buhay...

is feeling , mga basurang kabataan.. mas matatanda na nga sila, pero kuyog pa ang ginawa nila...


>
sa Balabagan, Lanao del Sur..
yung guro na napatay sa pamamaril ng kanyang estudyante na binigyan niya ng bagsak na grado..
20 y/o na Grade 11 daw yung estudyante...

is feeling , Age of Criminals...

---o0o---


August 12, 2025...

sa Tiwi, Albay..
yung dating Konsehal na nahuli sa entrapment operation dahil sa pangingikil laban sa isang kompanya...

is feeling , kahit wala na sa puwesto, tuloy pa rin ang negosyo...

---o0o---


August 13, 2025...

[Natural Calamities]

kahapon..
sa may bandang ibaba pa rin..
nasa Magnitude 5.3 na lindol..
sa may area ng Davao Occidental...

is feeling , kapalit ng nilutong pagpatay sa impeachment...

---o0o---


August 14, 2025...

ilegal yung 1xBet..??
seryoso..?
eh nagawa pa nilang dalhin ang endorser nila na si Eva Elfie dito sa bayan para sa event nila...

is feeling , mga kurakot talaga kayong lahat...


>
sa may Bajo de Masinloc..
yung eroplano ng Philippine Coast Guard (PCG) na binuntutan ng fighter jet ng Imperyo... 

is feeling , lagot na kapag kumati ang daliri nila...


>
madali lang ma-control ang online gambling kung tutuusin, para sa mga legal na kompanya...

kailangan lang i-limit ang pag-cash in doon sa account per month..
Php 600 ang isang taya sa lotto for 30 days, so pwedeng gawin na Php 300 to 500 ang limit para sa online gambling..
siguraduhin na hindi minor ang user nila, bagay na mado-doublecheck dapat sa record para sa bank o e-wallet account..
at siguraduhin na parehas ang credentials kumpara sa ili-link na bank o e-wallet account...

kapag may pantaya pa at nananalo ang user, edi wala siyang problema..
siya pa ang magka-cash out..
pero kapag naubusan, edi wala siyang magagawa..
kahit pa maisip niyang magnakaw, eh walang mangyayari..
dahil yung pera na pwedeng ipasok sa gambling account ang limitado...

at kapag may legal na online gambling company ang lumabag sa rules para kumita nang mas malaki..?
edi samsamin lahat ng assets nila, at saka ibayad sa mga utang ng bayan...

is feeling , ginagawa lang komplikado ng mga Senador, dahil ginagamit nila yung isyu bilang pantakip sa mas masahol na kasalanan laban sa bayan - ang pagtakpan ang pagnanakaw sa buwis ng mga mamamayan...

---o0o---


August 15, 2025...

sa mismong Senado..
yung staff ng isang Senador na hinihinalang gumamit ng marijuana sa restroom...

is feeling , noong panahon ng diyos nila, ni-request nung Senador na huwag ilabas ang listahan ng mga artista na drug-related...


Ang Alamat ng Most Undesirable Guy on Earth - Second Week of August 2025 (C for Cursed)

Loveless Story


August 10, 2025...

grabe pala yung Champorado ng Bet' Oven..
ang bigat sa tiyan..
parang chocolate bar na inihalo sa malagkit na kanin ang kinakain..
pakiramdam ko may bad cholesterol din, may butter siguro o kung anong equivalent...

is  feeling , konti lang pala dapat.. hindi pala pwedeng i-compare sa pagkain ng normal na Champorado...


>
maghahanda sana ako ng SSS form..
pero sa halip eh nauwi ako sa pagre-repair na naman ng bubong namin... 🙁

sobrang malas ko nga naman talaga..
matapos yung nalugi naming Php 50,000 na pa-repair ng bubong..
ngayon naman eh tinatamaan sila ng Reverse Midas ko..
lahat talaga ng nahahawakan ko eh nasisira..
wala namang tumulo noong ikalawa kong pagkakabit ng mga tape..
pero ilang oras lang yung ulan kanina, eh tumagos na nga sa bubong yung tubig, eh binutas pa yung Hardiflex namin na kisame..
nagmantsa kaagad yung naipon na tubig..
bukod pa sa tinabihan nang husto yung isa naming bombilya..
na para bang gusto na ng taglay kong kamalasan na sunugin ang bahay namin sa susunod... 🙁

is feeling , makakatulong talaga ang pagpapaulan ng depression para sa layunin nila...

---o0o---


August 12, 2025...

ano ba talagang klase ng mundo ito..?
so may delivery kami ng parcel..
isang dumaan sa Flash Express at isa naman sa LEX PH..
by Saturday, nakapasok na sa city yung parcel na dumaan sa Flash Express..
Sunday naman nakapasok yung sa LEX PH..
surprisingly, noong Monday ay mas nauna pa talagang na-deliver yung sa LEX PH...

nagsinungaling yung rider..
kesyo sinubukan daw nilang tumawag sa mobile number, pero ang totoo ay ni wala ngang nag-register na missed call..
walang text..
at ang pinaka-importante sa lahat, hindi sinubukan ng Flash Express na pumunta sa address namin para sa delivery..
bukod doon, eh nag-claim sila na kami daw yung nag-request ng reschedule ng delivery..
so pinalampas ko iyon, baka kako madaming dini-deliver at hindi na umabot sa cut-off time..
pero hindi..
ngayong Tuesday, inulit nila yung modus..
walang dumating..
walang tumawag..
walang nag-text..
pero may bintang na naman, na kesyo nga tumawag daw sila at unreachable lang yung number...

ang duda ko..?
sinusubukan nilang nakawin yung item dahil fully paid na iyon... 🙁

is feeling , hindi kami kailan man nabigo sa LEX PH.. pero yung Flash Express, may kakaibang ginagawa...

---o0o---


August 13, 2025...

[Gadget-Related]

made a huge mistake nitong madaling araw..
nagkaroon kasi ng power interruption at nag-alarm ang UPS ko..
ako naman si tanga, inakala ko na bumalik na ang kuryente kaya nabuhay na ulit yung UPS..
some time later, nagising na lang ako na may kakaibang tunog yung device..
pagsilip ko nga eh nakita ko na buhay yung monitor..
iyon pala eh sinasaid na nung monitor yung battery nung UPS dahil sa paulit-ulit na attempt na mag-on... 🙁

t*ng ina..
ilang buwan pa lang..
pero hinayaan ko na ma-stress kaagad ang battery nung UPS... 🙁

is feeling , sorry, UPS...

-----o0o-----


[V-League]


PVL on Tour 2025 (Quarterfinals)


August 9, 2025...

Creamline versus Farm Fresh..
hindi on tour..
madami ang live audience..
present din ngayon si Pons..
Creamline nga ang galing sa pahinga..
short hair na ngayon si Galanza...

madaming nakuhang service ace ang Creamline kaya nakuha nila ang Set 1..
hindi pa ginagamit ng Farm Fresh sina Molina at Meneses, sapat pa din ang cushion ng Creamline kaya nakuha nila ang Set 2..
mas malapitan ang pagitan sa Set 3, pero Creamline pa rin ang nanaig sa bandang huli...

3-0, panalo ang Creamline..
yun lang, PLDT pa talaga ang makakaharap nila sa Semifinals..
wala pang talo ang PLDT, bukod pa sa bumalik na sa kanila si Davison..
ang team na hindi pa nila nagagawang talunin simula noong Reinforced Conference ng 2024...

sayang ang Nxled..
kabilang sila sa top seeds ng Pool A, pero napabagsak lang sila ng Tiggo..
dahil dun, eh PLDT nga lang ang nag-iisang team mula sa Pool A na nakapasok sa Semifinals...

is  feeling , salamat, team.. para kina Morado at Galanza...

---o0o---


PVL on Tour 2025 (Semifinals)


August 12, 2025...

Creamline versus PLDT..
ang team na hindi pa nila nagagawang talunin simula pa noong Reinforced Conference 2024..
madami-dami naman ang live audience kahit na weekday..
kasama na rin nila ngayon si Morado...

Set 1, balik Libero si Lazaro at service specialist si de Jesus, dikitan ang laban at palitan ng kalamangan, activated na kaagad si Panaga, na-extend ng Creamline yung set, pero naagaw nga iyon ng PLDT, nasayang ang 16 attacks at 4 kill blocks ng Creamline dahil sa kanilang 12 massive errors..
Set 2, malaki ang kalamangan ng Creamline mula umpisa, pero naghabol ang PLDT sa bandang dulo, nanaig pa rin naman ang Creamline dahil lamang sila sa lahat ng scoring stats..
Set 3, activated na si Davison, gumawa ulit ng late chase ang PLDT, pero nanaig pa rin ang Creamline dahil sa kanilang 4 service aces plus 9 errors ng kalaban..
Set 4, ang dami kaagad errors ng Creamline, dahil dun ay maagang nakalamang ang PLDT at tinambakan na sila dahil sa 15 attacks at 4 kill blocks ng mga ito..
Set 5, una ulit nakalamang ang PLDT, mainit na ang laro ni Davison, at kinapos na nga sa paghahabol ang Creamline...

3-2, panalo ang PLDT..
hindi na nga makakaranas ng Finals ang Creamline, at problema pa na Cignal ang makakaharap nila sa Battle for Third...

wala na..
mukhang gumagana na rin talaga ang Reverse Midas ko sa lahat ng may halaga para sa akin.. 🙁
kasama na doon ang Creamline...

is 💔 feeling , sorry, Morado at Galanza...

---o0o---


SEA V.League 2025 (2nd Leg)


August 9, 2025...

Philippines versus Thailand..
halos sinabayan pa ang laro ng Creamline at Farm Fresh...

3-1, panalo ang Thailand..
mas gumagana talaga para sa Philippines kapag may floor defense ang lineup nila..
pero malupit talaga yung mga speed play ng Thailand..
ang laki ng difference ng bilis kumpara sa mga play sa Pilipinas...

is 💔 feeling , sorry, Morado.. hindi pa rin sapat.. pero good job pa rin para kay Nitura...

---o0o---


August 10, 2025...

Philippines versus Indonesia..
na-injure na naman si Solomon...

3-0, panalo ang Philippines..
at muli nga nilang nadepensahan ang podium finish nila laban sa Indonesia...

is  feeling , salamat, team.. para kay Morado.. para sa Southeast Asian Games.. kailangan na lang talaga na mas lumakas pa para malagpasan ang Vietnam...

-----o0o-----


August 9, 2025...

[Trade]

day 606...

9 days left bago ang 1 month ng C sa Binance..
kung walang magandang mangyayari bukas..
ipupusta ko na lang sa USD 1.00 lahat ng natitira kong pondo..
bahala na...

bumaba pa ulit ang C sa bottom nila sa Binance na level 24.9... 🙁

is feeling , sige na, C.. gumawa ka naman ng tama para sa akin.. ang kakayahan na magising sa isang umaga na may na-recover na...

---o0o---


August 10, 2025...

[Trade]

day 607...

level 24.9 to 28.6 yung medyo mahaba na naakyat ng C..
USD 61 sana iyon para sa akin... 🙁

pero talagang bumaba pa rin sila ulit..
balik sa level 25.8 noong huli kong tingin..
partida pa na mas umangat naman ang Bitcoin ngayong hapon... 🙁

dahil dun eh no choice na ako..
all in na ng pusta..
sa USD 1.00 ang taya..
kahit na halos 25% pa lang ang C..
bahala na...

is feeling , lahat nawawasak nang dahil sa akin...

---o0o---


August 11, 2025...

[Trade]

day 608...

level 25.8 to 27.3 yung latest na na-recover ng C..
hindi talaga sila hinahayaan na makalagpas sa entry point ko na level 32..
USD 23 din sana iyon para sa akin..
level 26.3 to 28.3 yung sumunod..
USD 31 naman sana iyon para sa akin..
pero after that ay bumaba na ulit sila, dahil sa hila ng Bitcoin... 🙁

is feeling , 7 days left bago ang unang buwan nila sa Binance...

---o0o---


August 12, 2025...

[Trade]

day 609...

wala talagang nangyayaring maganda sa C simula noong nakapasok ako sa poder nila..
bumagsak na ulit sila below level 25, dahil lang sa kagustuhan ng mga makapangyarihan na mabaon ako sa depression.. 🙁
level 24.6 na ang bagong bottom nila sa loob ng Binance...

is feeling , 6 days left bago ang first month nila sa Binance...

---o0o---


August 13, 2025...

[Trade]

day 610...

wala pa ring magandang nangyayari sa C..
di tulad ng ibang mga asset...

is feeling , 5 days left bago ang first month ng C sa Binance...

---o0o---


August 14, 2025...

[Trade]

day 611...

mataas na ulit ang level ng Bitcoin, pero wala namang pakialam ang C..
hindi sila makikiayon sa green market, dahil nasa poder nila ako... 🙁

level 24.6 to 27.1 yung huli nilang naakyat..
USD 42 sana iyon para sa akin..
level 25.6 to 27.4 naman bago nahila ng Bitcoin dip..
USD 28 naman sana iyon... 🙁

sa ngayon eh pumapalo na sa USD 24,000 ang halaga ng mga napapakawalan kong kita sa Binance... 🙁

lalo pang nasira ang C dahil sa pagkawasak na dala-dala ng Bitcoin..
umaabot na sila sa ngayon sa level 22.3 na bottom... 🙁

is feeling , 4 days left bago ang first month ng C sa Binance...

---o0o---


August 15, 2025...

[Trade]

day 612...

wala pa ring matinong movement ang C ngayong araw...

ang kakayahan ko na maging miserable ay perpekto... 🙁

is feeling , 3 days left bago ang first month ng C sa Binance...


Saturday, August 9, 2025

Forthwith in Defending Corruption

NOTE: this is not news..
i am not a reporter/journalist nor an influential person..
also, i'm not related to the government in any way..
but there are summary of news featured in this post..
it will require research in order to get the whole story regarding each particular news that is featured in here...

simple lang yan..
kapag nagpaapekto at nag-react ka sa opinyon ng ibang tao - eh BAKA nga may totoo sa mga sinasabi nila...



record ng ekonomiya..
record ng palitan ng piso sa dolyar..
record ng mga inutang..
record ng mga kinamkam at pinagnakawan..
record ng mga inabuso..
record ng mga itinumba..
record ng mga nawawala..
record ng mga kaso...

mga wala kayong utak..
at lahat kayo ay masasama...

is 💀 feeling , from Php 3.91 to Php 20.46 na exchange rate.. from USD 599 Million to USD 26.7 Billion na utang.. sa kanila nagsimula ang pagkawasak...

---o0o---


daily prayer...

sa kung sino man ang nakikinig sa kawalan..
sana mai-serve na kaagad ang totoo at ganap na hustisya laban sa lahat ng miyembro ng alyansa para matigil na ang kasamaan nila...

at sana maging maayos na ulit ang mundo...

is 💀 feeling , day 1855...

-----o0o-----


bagong impiyerno, bagong listahan..
lumampas na naman sa 500 ang bilang, kaya mag-i-start na ulit ako ng panibagong listahan ng mga kalokohan..

update (512 + 501 + 205 + 103 na)..
medyo in-organize ko rin yung mga kaso..
pero paki-note na hindi na ganung ka-accurate yung bilang, at posibleng may redundancy na rin dahil sa sobrang dami ng mga nakalista...

una, ang pagtataksil sa interes ng bansa at ng mga (ibang) mamamayan (lalo na yung mga naging biktima), at pagbalewala sa kasaysayan at dangal ng bansa:
  • mahalaga daw ang mental health, pero walang nagpapahalaga sa mental health ng mga non-pet owner na inaabuso ng mga pet owner at ng mga pet na dumi nang dumi sa tapat ng mga bahay nila

are yung ang involved o semi-involved eh mga identified talaga bilang awtoridad o tauhan ng pamunuan, mga dati nang naging bahagi ng pamunuan, o kahit mga nagsasanay pa lang upang makakuha ng awtoridad:
  • sa Caloocan City, yung lasing na pulis na nagpaputok ng baril
  • yung 9 na tauhan ng Customs na sinibak dahil daw sa reklamo ng pangingikil sa may NAIA Terminal 3
  • yung sinibak na 5 airport police sa NAIA dahil nangingikil daw ng 40% sa mga taxi driver doon
  • sa General Santos City, yung 5 pulis na inireklamo dahil sa pangingikil sa isang motorista
  • yung Mayor ng San Simon, Pampanga na naaresto dahil sa pangingikil laban sa isang negosyante, Php 80 Million daw para hayaan silang makapagtayo ng negosyo doon sa area
  • sa Sablayan Prison and Penal Farm sa Occidental Mindoro, yung 2 opisyales ng BuCor na nabisto sa tangkang pagpapapasok ng kahon-kahong alak at sigarilyo
  • yung 2 junior officer na nag-file ng rape case laban sa isang high-ranking Philippine Air Force official, through sexual assault daw
  • sa Philippine National Police Academy, yung kadete na minolestiya daw ng isang opisyales sa barracks
  • sa Ilocos Sur, yung pulis na nahuli sa entrapment operation dahil sa tangkang sextortion
  • sa isang hotel sa Tuguegarao City, yung nakunan ng video na 2 opisyales ng LTO, na nakitang nananakit ng 2 daw na binatilyo doon sa event
  • sa Argao, Cebu, yung lalaking pinatay sa pamamaril ng SK Federation President nang dahil lang daw sa selos
  • sa Dasmariñas, Cavite, yung Barangay Captain at 2 Kagawad na napatay sa pamamaril ng isang Barangay Tanod habang nasa flag ceremony sila
  • sa Ibajay, Aklan, yung Vice Mayor na pinatay sa pamamaril ng isang Konsehal, dahil daw sa personal na alitan
  • sa Davao City, yung babaeng negosyante na napatay sa pamamaril ng karelasyon daw nito na pulis

are naman yung mga hindi pa malinaw kung anong klase nga ng mga tao ang involved o hindi tiyak o nabanggit kung sino ang nakatama o hindi masabi kung ano nga ang totoong nangyari:
  • yung dating Spokesperson na nasa 3 daw ang passport ayon sa DOJ

heto naman yung mga may kinalaman sa kahinaan ng kasalukuyang penal system at pagpapatupad ng iba pang mga batas, patakaran, at sistema sa bansa:
  • yung napasok na rin ng Monkeypox ang probinsiya ng Iloilo
  • yung napapasok na rin ng Monkeypox ang iba pang rehiyon sa bayan
  • yung 500% na pagtaas ng naitala na kaso ng HIV para daw sa age group na 15 to 25 y/o
  • yung ginulpi dati na PWD na lumalabas na may violent tendencies talaga, na malaya pa ring nakakaperwisyo doon sa EDSA Bus Carousel
  • yung pambabarat ng mga trader sa palay ng mga magsasaka, kasi kesyo daw ay may Php 20 ng bigas
  • sa Benguet daw, yung itinatapon na yung ibang carrots dahil sa oversupply
  • sa bagong pamunuan ng DOTr, yung higit daw sa kalahati ng mga napautang na para sa jeepney modernization ang hirap namang makabayad
  • yung 2 traffic enforcer na lumabag sa batas gamit ang kanilang mga sasakyan, na t-in-icket-an ng MMDA
  • sa Baguio City, yung hepe ka sa LTO, pero nahuli ka dahil sa drunk driving
  • yung nagagamit na ngayon yung mga Dalian train para sa MRT, bagay na hindi ginawan ng paraan ng nakaraang administrasyon
  • yung lumalabas na palpak yung safety bollards sa NAIA na kasama sa projects para doon sa airport noong 2019, Php 8 Million daw yung budget para dun kaso nabuking na iyon yung mababaw lang ang pagkakabaon
  • yung regular na mahabaang brownout sa Siquijor dahil sa kapalpakan ng supplier nila ng kuryente, na pagmamay-ari din ng pamilya ng mga Senador
  • sa OWWA, yung hindi aprubadong pagbili ng nasa Php 1.4 Billion daw na halaga ng lupain ng dating administrator last year
  • sa GSIS, yung mga opisyales na bumili ng nasa Php 1.45 Billion na halaga ng shares sa Alternergy Holdings Corporation
  • yung nag-invest daw ang GSIS ng lagpas Php 1 Billion sa online gambling company at lugi na ngayon ang shares nila, bukod pa sa nag-invest din daw sila sa ilang kompanya na walang malinaw na track record
  • yung namigay nang namigay ng lisensya ang PAGCOR sa mga online gambling company, pero ngayon ay target na silang i-ban ng ilang mga Senador
  • yung Senador na gustong i-regulate ang mga online streaming platform, samantalang regulated na yung age ng mga user ng kanilang payment processor, at yung may-ari na lang ng account ang dapat gumabay sa minors na pagagamitin nila nung account
  • kay Senator Hontiveros, yung laging tinataniman ang panig niya ng mga testigo na bigla na lang binabaliktad ang mga nauna nilang testimonya
  • yung naganap daw na pagbabawas ng boto ng ilang transparency server para sa eleksyon, kesyo may mga nagdoble daw kasi ng transmission kaya itinama
  • sa Dumaguete at Zamboanga, ayon sa PPCRV, yung hindi nagtugma ang actual na bilang ng mga bumoto kumpara sa mga balota na nabilang, di hamak na lamang yung nabilang na balota kumpara sa naging botante
  • yung mga reklamo na mali daw ang nabilang na kandidato sa resibo, kumpara sa totoong mga ibinoto nila
  • sa social media, yung pagkalat ng mga pekeng election survey gaya nung para sa Davao City
  • yung maagang demolisyon laban sa dating Vice President, kesyo wala daw itong plano na isuko sa ICC ang dating Pangulo kung nagkataon at kaibigan din daw ng kasalukuyang Vice President
  • yung tagapagtanggol noon ng anomalous deal sa Pharmally ang head na ngayon ng Senate Blue Ribbon Committee
  • yung interpretation ng Supreme Court na nalabag daw ng impeachment laban sa Vice President yung 1-year rule
  • yung iginiit ng Supreme Court na immediately executory daw ang maling desisyon nila, pero ang pagprotekta sa bayan laban sa mga magnanakaw ay pwedeng ipagpaliban nang matagal na panahon
  • noong may nagsampa na dati ng impeachment case eh sobrang bagal umaksyon ng Senado, pero ngayon namang may utos na i-dismiss na iyon eh ang bilis nilang kumilos
  • yung mga Senator judge na nag-aabogado para sa mismong nasasakdal
  • yung manipulasyon ng maraming Senator judge sa impeachment case, sa pamamagitan ng pagbabalik nung articles of impeachment sa Lower House
  • yung Senador na itinuturing kaagad na witch hunt lang ang impeachment laban sa Vice President
  • yung Senador na kakampi ni Tanggol sa paglaban sa katiwalian, pero ayun at takot palang lumaban sa katiwalian sa totoong buhay
  • yung Senador na matapang lang sa pakikipaglaban sa kasamaan sa mga programa nila sa TV, pero takot din palang bumangga sa alyansa ng mga tiwali
  • yung Senador na nakipag-argue pa, may party-list pa sila na lumalaban kuno sa kuropsiyon, pero kasama din naman pala siya sa mga magmamanipula sa konstitusyon
  • sa Senado, yung video na nagpapakita na talagang kaalyado ng mga tutol sa impeachment trial ang 1 akala mo eh partial na Senador, para guluhin sa pagsasalita ang 1 Senadora na pabor na bigyan ng katarungan ang bayan
  • yung Senador na ang suggestion sa paglaban sa tiwaling opisyal ng gobyerno ay ang labanan at talunin na lang daw iyon sa darating na eleksyon, sa halip na parusahan nang naaayon sa batas
  • yung Senador na nag-endorse ng AI-generated video, kung saan gumamit ng parang estudyante na pinapalabas na pamumulitika lang ang impeachment laban sa Vice President
  • yung walang pakialam yung isang Senador kung FAKE AI news ang ipinapakalat niya
  • yung Senador na gumawa ng Senate resolution para ibasura na kaagad ang impeachment laban sa kaalyado nilang Vice President
  • yung FAKE news ng isang Senador, na kesyo guided siya ng holy spirit
  • yung Senador na gumawa naman ng Senate resolution para i-dismiss na kaagad ang kaso ng impeachment laban sa kaalyado nilang Vice President
  • yung Senador na gustong magpasunog, na patunay na ang katapatan niya ay hindi para sa bayan, kundi para sa kaalyado niyang angkan lamang
  • yung Senador na naninindak ng kapwa niya Senador, dahil lang sa hindi kaagad masunod ang kagustuhan ng alyansa nila na maibasura na kaagad ang impeachment case laban sa kaalyado nilang Vice President
  • yung mga walang kuwentang Senador na sang-ayon sa Supreme Court na protektahan ang katiwalian
  • yung kasalukuyang Mayor ng Davao City na binatikos ang pagtalaga sa latest na PNP Chief, samantalang ang tatay niya mismo ay nagtalaga kaagad ng 1-Star General lamang bilang PNP Chief noong panahon nito
  • yung Mayor ng Davao City na nag-endorse din nung AI-generated video na nagpapakalat ng FAKE na opinyon ng kabataan
  • yung acting Mayor ng Davao City na gustong makipagsuntukan sa PNP Chief
  • yung suntukan daw na walang gloves ang gusto, puwerket mas bata siya
  • yung Representative mula sa Davao City na kinasuhan ng physical injuries at grave threats
  • yung pagpabor ng Vice President sa pagpapakalat ng AI-generated content na nagpapakalat ng FAKE news
  • yung ipunin daw ang tubig-baha at i-deliver sa Malacañang, na para bang may nagawa ang kanyang ama noon upang masolusyunan ang mga problema sa pagbabaha
  • yung FAKE news ng Vice President na kesyo ang mga Senador na sumusunod sa konstitusyon at lumalaban sa katiwalian DAW ang mga bias

at may kaso na iba-iba ang kategorya:
  • yung lumalabas na majority ng mga botante sa kabuuan ng Mindanao at sa Cebu Province eh supporters at protektor ng katiwalian
  • sa Abra, yung nakunan ng video na 2 poll watcher na nagse-shade ng mga balota para sa mga botante
  • yung walang kuwentang survey na nagpapakita na pabor ang maraming botante sa mga kriminal
  • yung panibagong walang kuwentang survey tungkol sa impeachment, kesyo 42% daw ng 1,200 ang gustong protektahan ang katiwalian
  • yung ayon sa isang bagong survey na maraming mahihirap na lokal na mamamayan ang mula sa Mindanao, samantalang nasa kanila rin ang maraming supporters ng mga tiwali
  • yung mga mamamayan na naloko ng FAKE news tungkol sa CMEPA at mga savings account sa banko
  • yung ang seselan ng mga lokal na mamamayan, siguro 2021 to early 2022 pa pinagpapaslang yung mga nawawalang sabungero, pero ngayon pa sila nandidiri sa mga isda mula sa Taal Lake
  • yung nasa 9 na aso na namatay matapos na kumain ng kanin na may lason dahil pinabayaan lang silang nakakawala ng kanilang mga amo sa kabila ng abiso
  • yung rider na aksidenteng nabundol ng SUV dahil sa biglang pagtawid ng isang walang kuwentang aso, na ikinamatay ng kanyang angkas
  • sa Kidapawan sa North Cotabato, yung estudyante na naka-motor na namatay matapos na sumemplang dahil umiwas daw na makabangga ng aso, kung saan nasundan pa yung aksidente noong naroon na yung mga rescuer
  • sa Boracay, yung anak at pamangkin ng isang Senador na basta na lang ginulpi ng mga kalalakihan
  • sa Santiago City, Isabela, yung solo rider na basta na lang binugbog at pinalibutan ng isang grupo na may mga naka-motor din
  • sa Isabela City sa Basilan, yung estudyante na binugbog ng 2 kapwa niya estudyante matapos daw tumanggi nung biktima na gumamit ng sigarilyo
  • sa Bambang, Nueva Vizcaya, yung babaeng estudyante na binugbog ng mismong mga kaibigan niya sa labas ng paaralan, na nagsimula lang daw dahil sa negatibong komento
  • sa Tondo, matapos yung nangyaring sunog, yung mga utak-kriminal na lokal na mamamayan nila na tulung-tulong na nagnakaw ng mga kable ng kuryente puwerket patay yung daloy
  • sa Makati City, yung French daw na tinurukan ng pampatulog ng mga lokal na mamamayan habang nakasakay sila taxi upang mapagnakawan
  • ang patuloy na paghahasik ng lagim ng Houthi sa Red Sea sa pamamagitan ng pagpapalubog ng mga cargo ship
  • yung pagsisimula naman ng Israel ng giyera laban sa Iran
  • yung nasa lagpas Php 40 Million na halaga ng smuggled vape products na galing sa Imperyo na d-in-eclare daw na mga gamit sa kusina
  • yung nasa lagpas Php 200 Million na halaga ng smuggled na isda mula sa Imperyo na nasabat ng Customs at DA sa Maynila
  • yung paglaganap daw ng iba't ibang klase ng sakit sa hanay ng mga nahuling illegal POGO workers
  • yung Imperial citizen na naaresto sa NAIA, nagpanggap daw kasi bilang lokal na mamamayan at gumamit ng mga pekeng dokumento
  • sa Sual, Pangasinan, yung nasa 9 daw na menor de edad, na mga lokal na mamamayan, na sinamantala ng mga Imperial citizen nilang amo, kesyo hindi daw pinapasahod nang tama para sa trabaho nila doon sa fish pen
  • sa Bunawan, Agusan del Sur, yung 13 katao, kabilang ang 4 na Imperial citizen, na nahuli dahil sa illegal mining
  • sa Parañaque City, yung 2 Imperial citizen na pinapatubos ang passport ng kapwa nila Imperial citizen, kung saan nanuntok pa ng mga awtoridad ang isa sa mga suspek noong hinuhuli na sila
  • sa Mariveles, Bataan, yung 10 nahuli na Imperial citizen na nagpapatakbo ng love at cryptocurrency scam hub
  • sa isang condominium unit sa Parañaque City, yung nabisto na scam hub kung saan nagsisira na yung mga Imperial citizen ng ebidensya sa pamamagitan ng paghahagis ng mga gadget palabas ng kanilang bintana
  • sa Cavite, yung naaresto na 2 Imperial citizen na sinubukang tumakas sa checkpoint, na mukhang sangkot daw sa kidnapping
  • sa Parañaque City, yung 4 na Imperial citizen na dinukot ang kapwa nila Imperial citizen na nagpapapalit lang daw sana ng foreign currency
  • sa Makati City, yung babaeng Vietnamese na dinukot at ginahasa ng 3 Imperial citizen, na sinubukan pang manghingi ng ransom sa asawa nung biktima
  • yung FAKE news daw ng Imperyo na kesyo may naharang silang barko ng bayan
  • sa Pulilan, Bulacan, yung 2 Imperial citizen na nahulihan ng IMSI catcher
  • yung Imperial research vessel na namataan sa may baybayin ng Sta. Ana, Cagayan na wala daw pakialam sa mga radio challenge
  • yung 3 barko ng Imperial coast guard na lumapit na sa Batanes
  • malapit sa may Pag-asa Island, yung umaabot sa 464 square meters ng coral reef na nasira ng parachute anchor ng isang Imperial fishing militia
  • yung barko ng BFAR na binomba ng water cannon ng Imperial coast guard
-----o0o-----


August 3, 2025...

yung Imperial research vessel na namataan sa may baybayin ng Sta. Ana, Cagayan..
wala daw pakialam sa mga radio challenge...

is feeling , pagmamay-ari nila ang buong mundo.. kasama na ang kalikasan at ang lahat ng buhay...


>
sa Kidapawan sa North Cotabato..
yung estudyante na naka-motor na namatay matapos na sumemplang dahil umiwas daw na makabangga ng aso..
bukod doon eh may tatanga-tanga din na nakabangga naman doon sa mga rescuer na rumesponde..
sa kung anong dahilan eh hindi niya nakita lahat nung mga tao na naroon sa area...

is feeling , mga basura talaga 'yang mga pakawalang alaga ng mga basurang pet owner...

---o0o---


August 4, 2025...

yung FAKE news daw ng Imperyo..
na kesyo may naharang silang barko ng bayan...

is feeling , katulad din ng FAKE news farm ng mga sindikato dito sa bayan...


>
yung ayon sa isang bagong survey..
na maraming mahihirap na lokal na mamamayan ang mula sa Mindanao..
samantalang nasa kanila rin ang maraming supporters ng mga tiwali...

is feeling , deserving naman...


>
sa Caloocan City..
yung lasing na pulis na nagpaputok ng baril...        

is feeling , ayos...

---o0o---


August 5, 2025...

sa Parañaque City..
yung 4 na Imperial citizen na dinukot ang kapwa nila Imperial citizen..
mga dating POGO workers daw yung mga suspek.. 
nagpapapalit lang daw sana ng foreign currency yung biktima, kaya nagawan nila ng modus para dukutin...

is feeling , technique...


>
yung iginiit ng walang kuwentang Supreme Court na immediately executory daw ang maling desisyon nila..
pero ang pagprotekta sa bayan laban sa mga magnanakaw ay pwedeng ipagpaliban nang matagal na panahon...??

para silang mga diyos..
mga diyos ng katiwalian...

is feeling , nasaan na yung duty to country..? duty to criminals na lang ang natitira...

---o0o---


August 6, 2025...

yung Mayor ng San Simon, Pampanga na naaresto dahil sa pangingikil laban sa isang negosyante..
Php 80 Million daw para hayaan silang makapagtayo ng negosyo doon sa area...

is feeling , bagong termino pa lang, pero umpisa na kaagad ng negosyo...


>
yung maagang demolisyon laban sa dating Vice President..
kesyo wala daw itong plano na isuko sa ICC ang dating Pangulo kung nagkataon..
at kesyo kaibigan daw ito ng kasalukuyang Vice President..
yung mag-ama na parehas na palagi siyang dini-demolish noon...

is feeling , ang aga.. kaso obvious naman na peke...


>
yung nag-invest daw ang GSIS ng lagpas Php 1 Billion sa online gambling company..
at lugi na ngayon ang shares nila..
malamang ay dahil pinag-iinitan nga ngayon ng Senado ang online gambling para mapatay yung issue tungkol sa impeachment...

bukod pa sa nag-invest din daw sila sa ilang kompanya na walang malinaw na track record...

is feeling , so mismong Senado ang magpapalugi sa pera ng mga member ng GSIS kapag nagkataon...


>
noong may nagsampa na dati ng impeachment case, sobrang bagal umaksyon ng Senado..
ngayon namang may utos na i-dismiss na iyon, eh ang bilis nilang kumilos...

is feeling , salamat sa lahat ng mga tiwaling Senador ng bansa...

---o0o---


August 7, 2025...

sa Tondo, matapos yung nangyaring sunog..
yung mga utak-kriminal na lokal na mamamayan nila na tulung-tulong na nagnakaw ng mga kable ng kuryente puwerket patay yung daloy...

is feeling , kasing-tiwali ng mga nasa Supreme Court at Senado.. katiwalian sa lahat ng panig ng bayan...


>
sa Philippine National Police Academy..
yung kadete na minolestiya daw ng isang opisyales sa barracks...

is feeling , may asawa pero bading...??


>
yung Senador na ang suggestion sa paglaban sa tiwaling opisyal ng gobyerno..
ay ang labanan at talunin na lang daw iyon sa darating na eleksyon..
sa halip na parusahan nang naaayon sa batas...

is feeling , ally...

---o0o---


August 8, 2025...

yung nasa lagpas Php 200 Million na halaga ng smuggled na isda mula sa Imperyo..
na nasabat ng Bureau of Customs at Department of Agriculture sa Maynila...

is feeling , sila ang nag-smuggle, pero galing sa Exclusive Economic Zone ng bayan...


>
yung 3 barko ng Imperial coast guard na lumapit na sa Batanes...

is feeling , lagot na.. talagang gigil na silang manakop...

---o0o---


August 9, 2025...

sa Ibajay, Aklan..
yung Vice Mayor na pinatay sa pamamaril ng isang Konsehal, dahil daw sa personal na alitan...

is feeling , halos kasisimula pa lang ng mga termino, pero bawas na kaagad sila...


Ang Alamat ng Most Undesirable Guy on Earth - First Week of August 2025 (Reverse Midas on Chainbase)

Loveless Story


August 2, 2025...

nakatapos na sa postwork ng project #24..
inabot lang ng 7 days..
promotional materials na lang ang kulang...

is feeling , kahit wasakin pa ako ng buong universe.. gagawin ko lang kung anong gusto ko...


>
ang mga bad news..?
zero ang sales ko sa 1st store..
zero din sa 2nd store..
at siyempre, lagi naman talagang zero sa 3rd store..
bukod dun, eh hindi na lumalabas ang mga AI project ko sa 2nd store..
tapos bukod sa walang bagong pumapasok na supporter doon sa platform..
eh nabawasan pa ako ng 1..
at 3 months nang walang pumapasok na pera sa PayPal ko... 🙁

is 💀 feeling , umaayon ang lahat sa d*e will be done...

---o0o---


August 3, 2025...

at nakatapos na rin nga sa lahat ng kailangan na promotional materials..
inabot ako ng 38 days..
kasama na yung 12 days nung mga nabuo kong scenes noong 2023...

surprisingly, iyon ang pinakamabilis o pinakamaikling panahon na nakabuo ako ng project..
siguro dahil na rin nga sa sobrang ibinilis ng rendering ko...

is feeling , sunod.. kailangan ko namang gumawa ng unang project ko for 2025...

---o0o---


August 4, 2025...

[Manga Theory]

bago yung mismong theory..
dapat malinaw na baka hindi pwedeng maging Nika si Shanks dahil wala siyang D..
dahil may dugo siya ng Tenryuubito..
at mortal na kalaban ng mga diyos (Tenryuubito) ang mga may D sa pangalan..
kahit pa originally ay meron namang may D sa 20 Kingdoms, sa katauhan ni Nefertari D Lili..
kaya naman kahit pa sobrang lakas ng Haki ni Shanks, ay hindi niya kailan man madadala ang Will of D...


One Piece Theory #18

kailangan ni Blackbeard si Gecko Moria para gawing shadow zombie ang frozen Galleila Giants na nasa Punk Hazard..
ang tanong lang ay anong mapapala niya sa bangkay ng Galleila kung yung mga katangian naman ng may-ari ng shadow ang makikita sa mga iyon..
ibig sabihin ay hindi din makukuha nung mga shadow zombie kung ano man yung mga kaalaman o katangian na meron noon yung Galleila Giants..
wala din silang magiging silbi sa pagpapabagsak ng Red Line mula sa ibaba, dahil weakness nga ng mga shadow zombie ang tubig dagat...


One Piece Theory #19

baka si Big Mom o Charlotte Linlin ang nanay ni Blackbeard Teach..?
si Big Mom lang naman kasi ang kilalang nilalang sa One Piece na nakakuha ng Devil Fruit ability sa pamamagitan ng pagkain sa isang buhay na tao, mga tao actually..
kaya baka yung kakaibang katangian na iyon ng katawan ni Big Mom ang namana ni Teach, kaya nagkaroon din ng kakaibang katangian ang kanyang katawan para makapag-host ng maraming Devil Fruit...


One Piece Theory #20

so mukhang tama nga ang theory ng iba na bawat bungo sa Jolly Roger ng Blackbeard Pirates ay kumakatawan sa kailangan nilang Devil Fruit..?
3 bungo, kaya 3 Devil Fruit din..
nakuha na ni Blackbeard yung sa Darkness..
inagaw niya naman yung kay Whitebeard, siguro kasi iyon ang pwede niyang itumbas sa blasting swordsmanship ng kanyang ama na si Xebec..
at ang ikalto nga ay ang Devil Fruit na treasure ng Elbaf...

kilalang sumasamba sa Sun God na si Nika ang mga Giant, maging ang mga Buccaneer..
kaya naman naging treasure para sa mga taga-Elbaf ang Devil Fruit ni Nika..
iyon siguro ang dahilan kung bakit naisip ni Xebec na mas maganda kung Giant ang gagamit dun sa Devil Fruit..?
baka may kinalaman din dun yung sobrang laking espada sa Elbaf, na mas malaki pa kesa sa mga Giant..
kung higante ang gagamit sa kakayahan ni Nika, edi malamang na mas makaya nitong magpalaki pa para magamit yung espada..
mukhang yung espada ang pwedeng pangtaga sa Red Line..?  
pero ang hindi naisip ni Xebec ay kailangan na may Will of D ang magiging Nika, dahil ang mga ito nga ang kalaban ng mga diyos..
iyon din malamang ang dahilan kung bakit sinugod ni Im ang Elbaf gamit ang kanyang kakayahan, noong panahon na napatay si King Harald..
para makuha niya ang Devil Fruit ni Nika na banta laban sa kanya..
nakuha nila yung Devil Fruit at baka nag-iwan ng pekeng kapalit, pero eventually ay nabawi naman nina Shanks, tapos ay nakain ni Luffy..
kaya naman hindi Nika ang nakain ni Loki...

is feeling , ano nga kaya...??

---o0o---


August 7, 2025...

ngayon ko na lang ulit nagawang mag-back up ng files..
dahil katatapos nga lang nung project #24..
year 2024 pa yung huling beses..
matagal na hindi nasundan dahil hindi nga ligtas mag-back up noong may depekto na dati yung 3rd UPS ko...

so far okay pa naman lahat ng flash drive at SD card na meron ako..
wala pa namang sumusunod sa lantas nung PQI ko...

is feeling , pwede na ulit magsimula ng panibagong project next week...

---o0o---


August 8, 2025...

[Game]

nagsimula na ang Season 14..
at nagpatupad na naman sila ng purge..
gaya din nung 800 MMR rule dati..
ngayon eh Top 2,000 players na lang ang may halaga para sa kanila... 🙁

is feeling , nagigipit na sila...


>
nakabalik nga ako sa 3D..
pero patuloy pa rin pala hanggang ngayon ang problema ng adult industry laban sa mga payment processor..
talaga nga namang isinumpa ang buhay na pinili ko... 🙁

nakakatawa lang..
na itong mga nagmamalinis na payment processor..
eh sila din ang payment processor ng mga file hosting company na ginagamit ang mga content naming nasa adult industry para sa piracy..
ino-offer nila ang mga content na nabili nila online nang libre..
at ang tanging kapalit lang ay ang maging monthly subscriber nung file hosting company..
para magkaroon sila ng access doon sa content, at para mabilis din ang pag-download..
itong mga nagmamalinis na payment processor..
sila ang nag-e-enable sa mga piracy hosting company na gawing available ang mga nakaw nilang content in public..
walang age restriction, di tulad sa official shop o subscription platform kung saan ninakaw yung mga iyon...

is feeling , mga pirata ang mas nagkakalat nung content online, at pinababayaan nyo lang sila na kumita...

-----o0o-----


[V-League]


SEA V.League 2025


August 2, 2025...

Philippines versus Vietnam..
after ng #1, eh #2 naman ang kanilang makakalaban...

3-1, panalo ang Vietnam..
at wala pa rin ngang nagawa laban sa kanila ang Philippines...

is 💔 feeling , sorry, Morado...

---o0o---


August 3, 2025...

Philippines versus Indonesia..
last game na nila para sa first leg...

3-1, panalo ang Philippines..
at nadepensahan nga nila ang current rank nila sa Southeast Asia...

is  feeling , salamat, team.. para kay Morado.. kailangang mapaghandaan ang Southeast Asian Games sa December...

---o0o---


SEA V.League 2025 (2nd Leg)


August 8, 2025...

Philippines versus Vietnam..
bagong leg, bagong host country...

3-0, panalo ang Vietnam..
natalo nga ulit sila sa host country..
sa halip na mag-improve sa bawat beses na nakikita nila kung paano maglaro ang malalakas na team, eh hindi nila nagagawa...

is 💔 feeling , sorry, Morado.. nasa ibang level talaga ang #1 at #2 ng Southeast Asia...

-----o0o-----


August 2, 2025...

[Trade]

day 599...

patatlong araw ko pa lang sa C..
pero wasak na kaagad sila dahil sa Reverse Midas ko.. 🙁
Bitcoin dip, kaya nahihila pababa ang maraming assets...

sa ngayon eh umaabot na sa 5 level ang layo ko mula sa entry point ko... 🙁

is 💀 feeling , palagi silang magtatagumpay.. walang makaliligtas sa d*e will be done...

---o0o---


August 3, 2025...

[Trade]

day 600...

halos bumaba na nang 6 na level ang C mula sa entry point ko..
pero ngayong gabi eh umaakyat na sila..
hindi ko lang alam kung hanggang saang level...

is feeling , kahit level 50 lang habang natutulog ako...

---o0o---


August 4, 2025...

[Trade]

day 601...

level 26.1 to 29.7 yung naakyat ng C mula kagabi..
USD 57 sana iyon para sa akin..
level 27.9 to 30.5 yung sumunod ngayong araw..
USD 38 naman sana iyon... 🙁

is feeling , huwag ninyong harangin ang tagumpay ng C, dahil lang nasa poder nila ako...

---o0o---


August 5, 2025...

[Trade]

day 602...

level 28.2 hanggang 29.7 yung huling naakyat ng C..
USD 21 din sana iyon para sa akin... 🙁

is feeling , pabayaan nyo na lang akong magising sa isang umaga na nasa level 50 na kayo...

---o0o---


August 6, 2025...

[Trade]

day 603...

umaga, bumaba pa hanggang level 25.8 ang C..
0.8 na lang at masasagad na nila ang safe level..
bumagsak pa sila hanggang 24.9 ngayong araw... 🙁

is feeling , tatapusin ako ng perpektong sumpa na ipinagkaloob sa akin...

---o0o---


August 7, 2025...

[Trade]

day 604...

level 24.9 to 26.4 yung unang recovery ng C..
USD 24 din sana iyon para sa akin..
level 25.4 to 26.4 yung sumunod..
USD 16 naman sana iyon... 🙁

mabuti pa yung bagong PROVE..
halos inabot kaagad ang USD 2.00 sa listing nila... 🙁

medyo umangat na ang market..
pero dahil sa kamalasan na taglay ko..
eh mas bumaba pa ang bottom ng C sa level 23.7.. 🙁
lagpas 8 level na mula sa entry point ko...

is feeling , gumawa na naman ng anomaly ang d*e will be done ko...

---o0o---


August 8, 2025...

[Trade]

day 605...

malaki naman ang iniangat ng Bitcoin..
pero halos walang epekto sa C.. 🙁
level 23.7 to 25.5..
USD 31 din sana iyon para sa akin..
level 24.7 to 27.7 yung sumunod..
USD 50 naman sana iyon...

walang nangyayaring maganda..
ako ba talaga ang may kagagawan ng lahat ng ito...??

is feeling , 10 days left bago ang first month ng C sa Binance...