Friday, January 18, 2019

Ang Alamat ng Most Undesirable Guy on Earth - Third Week of January 2019 (Open Wound)

Loveless Story


January 17, 2019...

writing means freedom..
freedom of self-expression..
walang mali hangga't hindi ka nagsusulat ng hindi totoo laban sa kung kaninong totoong tao o institusyon...

kaya bakit maraming nagbabawal na magsulat tungkol sa mga negative na bagay..? :(
ano sila, mga Dictator's Loyalist na gusto na ring ipagkait ang kalayaan sa iba..?
so kapag positive eh pwede..?
kapag negative eh hindi..?
eh parehas lang naman na bahagi ng realidad ang dalawang yun eh...

kalayaan rin ang pagpili..
walang pumipilit sa bawat isang tao na basahin ang hindi niya gustong mabasa..
at hindi rin requirement na i-absorb yung mood nung babasahin...

is feeling , bawat isa may kanya-kanyang paraan nang pagpapakawala at pagtatapon ng mga basura.. hindi lang yung positive ang standard...

---o0o---


January 19, 2019...

19 na ang nakukuhanan ko ng response..
good or bad man..
pero wala pa rin akong makuhang matinong sagot o lead...

is feeling , hindi mo talaga ako hahayaan na mahanap siya, ano...?

-----o0o-----


January 15, 2019...

[Medical Condition]

ambilis na talaga ng daloy ng panahon kapag nasa survival level ka na..
52 weeks na nga lang in a year, tapos ganun lang kabilis na lilipas yung 1...

tapos na ako sa oral medication..
pero hanggang ngayon hindi ko pa rin nagagawang tingnan yung naging surgical wound ko..
lalagpas pa sa 1 week bago tuluyang maghilom iyon..
tapos kailangan na ulit bukas bumisita sa ospital..
maglalabas na naman ng pera... :(

is feeling , hunting for endorphins...

---o0o---


January 16, 2019...

[Medical Condition]

ayokong inooperahan ako kapag napunta ako sa ospital..
pero ayoko rin naman yung mag-uusap lang kayo ng doktor for 5 to 10 minutes, tapos eh Php 500 na kaagad.. :(
last na yun...

after more than a week, nakita ko na yung surgical wound ko..
at malalim pa siya, meaning sobrang lalim niya after nung naging surgery..
ako na lang ang bahala sa recovery..
inalis ko na rin ang mga buhok sa paligid nung sugat, para iwas sa further infection...

more than Php 1,200 in a single day..
kasama na ang mga bagong supply sa paggagamot..
sana naman eh hindi na kapusin..
nasa Php 1,909 na lahat-lahat ng nagagastos ko para sa mga panggamot..
sayang rin yung Php 88 na nai-save ko sana sa pagbili ng 10 grams compared sa 5 grams lamang na Mupirocin...

bale pumalo na ako sa mahigit na Php 10,000..
bukod pa yung naitulong ng PhilHealth..

is feeling , 3 times since 2015...

---o0o---


January 17, 2019...

[Business]

paubos na yung pang-load ko...

ilang araw ng walang supply ng yelo...

unti-unti na ring nauubos ang mga pangbenta ko..
at sumakto pa talaga sa event sa [Name of City]...

hindi na rin nakahanap ng magandang investment...

nakakapanghinayang ang January..
pero wala namang magagawa eh...

is feeling , less pain ang habol ko...

---o0o---


January 19, 2019...

matapos sirain yung magandang klase ng kama na bigay ng tito niya...

ayun..
pagbubukas na ng gas stove ang pinag-aaralan nung Autistic..
hindi pa naman nakatago yung gasul nun...
wala eh..
kesyo hayaan daw matuto eh...

parang noong tinuruan ng baking sa school..
pabayaan lang daw, kahit na sobrang magastos..
at ngayon eh parati nang nilalagyan ng sarili niyang laway at dahak yung mga ginagawa niyang kunwaring pagkain... :(

is feeling , mukhang sunog ang tatapos sa bahay na 'to...


Friday, January 11, 2019

Profiling & Collapsing

NOTE: this is not news..
i am not a reporter/journalist nor an influential person..
also, i'm not related to the government in any way..
but there are summary of news featured in this post..
it will require research in order to get the whole story regarding each particular news that is featured in here...

simple lang yan..
kapag nagpaapekto at nag-react ka sa opinyon ng ibang tao - eh BAKA nga may totoo sa mga sinasabi nila...


ang kawalan ng pakialam sa maling sistema puwerket nakakapamuhay ka pa nang maayos ay ang kasamaan at kapabayaan na humihila sa iba para maghirap o lalong maghirap...

-----o0o-----


lumampas na sa 500 ang bilang eh, kaya mag-i-start na lang ako ng panibagong listahan ng mga kalokohan..
basta heto yung kadugtong nito:
http://blogngpotassium.blogspot.com/2018/08/just-clan-war.html

update ulit (503 + 185 na)..
medyo in-organize ko rin yung mga kaso..

una (untikan ko nang makalimutan 'to), ang pagtataksil sa interes ng bansa at ng mga (ibang) mamamayan (lalo na yung mga naging biktima), at pagbalewala sa kasaysayan at dangal ng bansa:
  • yung nagluklok ng tao sa isang mahalagang branch, sa kabila ng kawalan ng kakayahan ng tao na iyon na sumunod sa sarili nilang mga patakaran
  • yung nagtuturo ng iba, maging yung hindi nila maidawit dun sa kaso, habang ipinagtatanggol naman yung ibang nalusutan DAW ng supply ng ilegal na droga
  • yung idolo noon si Hitler, pero noong nagpunta sa Israel eh ginamit pa yung alaala ng Holocaust para magkunwari na mabuti sila
  • yung inuna pa ang mga armas kesa sa isipin ang tungkol sa isyu ng kahirapan sa bayan
  • yung gustong bawiin yung amnesty na ibinigay noon sa isang taong lumaban sa tiwaling gobyerno, na ang sinisilip na butas ay yung pinagdaanan na proseso
  • yung umamin siya na meron nga at kasalanan niya ang pagkakaroon ng extrajudicial killings
  • yung nagagawa pa nilang magbakasyon sa ibang bansa sa gitna ng bagsak na ekonomiya ng bayan at sa kabila ng pagtanggi nila na tumulong sa pamamagitan ng pagpapagaan muna sa bagong sistema ng pagbubuwis
  • yung tutol kuno sa political dynasty pero kinukunsinti ang political dynasty ng sariling angkan
  • yung gustong ipaaresto yung witness sa pagpapasok ng mga ilegal na droga sa BOC
  • yung wala namang naparurusahan at papalit-palit lang naman ng katungkulan yung mga pinuno na nadadawit sa mga malalaking kaso ng kapabayaan
  • yung kagustuhan niya na ituring na rin siyang isang santo
  • yung mula sa lahi ng mga Bestfriend na suspected bilang drug-related personality, na itinanggi na may koneksyon sa pamahalaan, pero napatunayan na may papel nga sa pamahalaan
  • yung sobrang dali siyang makumbinsi pagdating sa ibang intel kuno at mga listahan, pero in denial pa noong una sa isyu ng magnetic lifters
  • yung balak pala tayong ipahamak dahil sa pangungutang niya sa Bestfriend Empire na malaki kung magpatubo kumpara sa ibang mga nasyon
  • yung gusto ngayon ng ROTC, pero siya mismo eh umamin na tinakasan niya ang ROTC noong kapanahunan niya
  • yung sinabi noon na dapat daw sundin ang seniority rule, pero hindi naman niya sinunod para sa 2nd reward
  • yung pagbanat sa isang taong simbahan nang wala namang ebidensya na ipini-present; kesyo nagbubulsa daw ng pera at baka drug-related din daw
  • yung seryoso daw sila sa kampanya laban sa ilegal na droga, pero siya mismo eh ginagawa lang biro ang tungkol sa pagdodroga
  • yung gusto nang ipapatay ang mga obispo, at ang pagtira sa bibliya
  • yung iniutos na ayaw makakita ng mga pari sa event na may kinalaman sa simbahan
  • yung pati bintang tungkol sa pagpapatumba ng tao eh joke lang
  • yung sexual attack sa kanilang kasambahay noong teenager pa siya base sa kanyang kuwento

are yung ang involved o semi-involved eh mga identified talaga bilang awtoridad o tauhan ng pamunuan:
  • yung 3 PNPA cadets na inirereklamo dahil sa sexual harassment laban sa 2 lower classmen sa loob mismo ng academy nila
  • yung pulis na inirereklamo ng panggagahasa laban sa isang 15 y/o na dalagita kapalit ng paglilinis sa pangalan ng ama nito na idinadawit naman sa ilegal na droga
  • yung 2 pulis Novaliches na inirereklamo ng dahil daw sa panggagahasa sa isang babaeng nahuli ng dahil sa pagsusugal sa loob ng police mobile
  • yung mga police escort na namalo ng side mirror ng isang taxi habang naka-off-duty at nag-e-escort sa isang private individual
  • sa Pandacan, Maynila, yung pulis na motorcycle rider na nakabangga ng isang tumatawid na senior citizen
  • sa isang kampo sa Tagaytay, yung nakunan ng video na pamamalo ng isang Superintendent sa mga junior police gamit ang isang baseball bat
  • sa Moriones, Tondo, Manila, yung mga pulis na inirereklamo ng pananakit sa mga hinuli nila at paggalaw sa mga CCTV camera
  • sa Navotas, yung pulis at ang kasama niyang naka-AWOL na pulis, na inireklamo dahil sa pananakit
  • sa Guimbal, Iloilo, yung mag-amang Representative at Mayor na inireklamo ng pang-aabuso laban sa isang pulis
  • sa Santa Cruz, Manila, yung nagtatagong Kapitan at ang mga Kagawad niya na nanggulpi sa isang binatilyo kesyo hindi daw siya nakilala bilang kapitan nung biktima
  • sa Quezon City, yung dating Barangay Tanod at isang naka-AWOL na pulis na nahuli sa magkahiwalay na anti-illegal drugs operation
  • sa Bacoor, Cavite, yung dating Barangay Tanod na sangkot sa ilegal na droga, na ginagamit pa ang sarili niyang 12 y/o lamang na anak bilang courier
  • sa Bacoor, Cavite, yung number 1 na SK Kagawad na nakunan ng video at hinuli dahil sa pagbebenta ng ilegal na droga
  • sa Dasmariñas, Cavite, yung Barangay Chairman na nahuli na gumagamit at nagbebenta ng ilegal na droga, at nahulihan din ng hindi lisensyadong baril
  • sa Naic, Cavite, yung dating pulis at ang karelasyon niya na active jail guard na nahuli sa buy-bust operation
  • sa Parañaque City, yung nahuling dating army officer na dawit sa kaso ng milyon daw na halaga ng ilegal na droga na naipasok sa parking lot ng isang mall
  • sa isang bar sa Taguig, yung pulis na naki-Halloween party habang naka-full alert ang kapulisan, na nahuli pa na gumagamit ng cocaine
  • yung 4 na pulis ang suspek ng PDEA, na posible daw na nakipagsabwatan para maipuslit yung nawawalang nasa Php 6.8 Billion na ilegal na droga na isinilid sa mga magnetic lifters
  • sa Fairview, Quezon City, yung 10 na naaresto sa buy-bust operation, na dating Quezon City police ang itinuro bilang source nila
  • yung naka-AWOL na pulis na nahuli ng mga Sampaloc police dahil sa pagdadala daw ng ilegal na droga
  • sa Balete, Batangas, yung dating Konsehal ng bayan ng Balete na nahulihan ng hindi lisensyadong baril
  • sa Mabini, Batangas, yung Barangay Chairman na inaresto dahil sa pagtatago ng hindi lisensyadong M16 at mga bala
  • nitong katapusan ng 2018, yung 7 pulis na nasangkot daw sa indiscriminate firing nitong nakaraang holidays, bukod pa yung mga opisyales at sundalo na gumawa rin ng kaparehong offense
  • sa Davao Oriental, yung sundalo na nagpaputok ng baril at yung kasama niya na nambugbog sa 2 nakaupo sa may harapan ng tindahan
  • sa Iloilo City, yung Barangay Captain na naaresto dahil sa pamamaril sa convenience store
  • sa Pangasinan, yung Barangay Kagawad na namaril ng bahay
  • sa Marilao, Bulacan, yung dating Vice Mayor na aarestuhin sana dahil sa kasong qualified theft, pero may granada at baril pala at nag-resist
  • sa Cavite, yung Traffic Enforcer na nahulihan ng 2 baril habang naka-duty, na dati na rin daw nasangkot sa insidente nang pamamaril
  • yung dating kaso sa Cebu, yung lumabas sa imbestigasyon ng NBI na baril nga ng pulis yung nakatama dun sa bata na nadamay lang sa anti-illegal drugs operation
  • sa Pangasinan, yung 17 y/o na binatilyo na player ng DOTA na sasali lang daw sa tournament sa Baguio na napatay DAW ng mga pulis sa engkwentro
  • yung findings ng Public Attorney's Office na mukhang t-in-orture yung Santillan at posibleng staged yung pagkapatay sa kanya
  • sa Capas, Tarlac, yung nangyaring barilan ng mga pulis na nag-ugat sa road rage, na ikinamatay ng 2 pulis, 1 tanod, at 1 trabahador
  • sa Bocaue, Bulacan, yung babaeng teacher na pinatay sa pamamaril ng karelasyon niya na sundalo na nagbaril din sa sarili matapos yung krimen
  • sa Calamba City, yung may 1 patay at 2 sugatan matapos ang pamamaril at pananaksak ng retired na pulis at ng kanyang anak
  • sa Bocaue, Bulacan, yung hepe ng mga pulis na hinuli dahil sa pangingikil daw at sa paggamit ng mga sasakyan ng mga nahuhuli nilang mga drug suspect
  • yung pulis na miyembro ng HPG na hinuli dahil sa pangingikil laban sa mga service vehicle ng isang call center company
  • yung MMDA Enforcer na nagpapanggap na pulis para makapangikil laban sa mga service vehicle ng isang offshore gaming company
  • sa Quezon City, yung MMDA enforcer na nahuli sa isang kainan na tumatanggap ng lagay mula sa hinuli nilang motorcycle rider
  • sa Muntinlipa City, yung pulis na hinuli dahil sa pag-o-operate ng tupada
  • sa Quezon City, yung may 3 nahuli mula doon sa grupo na responsable daw sa serye ng mga panghoholdap sa mga e-games at bingo establishments, isa sa mga nahuli ay kasalukuyang Barangay Kagawad ng Maynila, tapos ay dating pulis daw ang leader nung grupo
  • sa Las Piñas City, yung grupo ng mga pulis na nasangkot sa kidnapping
  • yung BIR supervisor at examiner na inireklamo dahil sa pangingikil, na nahuli sa Batangas
  • sa Tagaytay City, yung 5 naaresto dahil sa pagbebenta ng ekta-ektaryang lupa na may mga pekeng titulo, na ang lider ay dating empleyado ng DENR
  • sa isang mall sa Makati City, yung trainee para sa pagiging LGU Traffic Enforcer na nagnakaw ng motor
  • yung airport security screener, yung hinalungkat ang bag at pinagnakawan ang isang pasaherong Taiwanese
  • yung mga ghost employee daw sa Makati na tao ng Konsehal

are naman yung mga hindi pa malinaw kung anong klase nga ng mga tao ang involved o hindi tiyak o nabanggit kung sino ang nakatama:
  • dahil hindi tiyak kung paano nagkaroon ng access sa VIP na plaka, sa Angeles City, Pampanga, yung sakay ng SUV na may plakang 8 na nanakit ng kapwa niya motorista

heto naman yung mga may kinalaman sa kahinaan ng kasalukuyang penal system at pagpapatupad ng iba pang mga batas, patakaran, at sistema sa bansa:
  • yung mga batas na pro-pets and pro-pet owners na mga asal peste naman
  • yung paglaganap ng mga batang palaboy na lantarang umaatake ng mga pasahero sa mga pampublikong jeepney
  • sa Makati City, yung lider ng Ipit-Bus Gang na ilang beses nang nakukulong pero parati rin namang pinakakawalan
  • sa Caloocan City, yung kaso nung anak na napatay ang sarili niyang ina noong 2017 at ang sarili naman niyang ama nitong simula ng 2019 
  • yung aprubado na yung 25% na increase sa opisyal na pamasahe sa jeep
  • yung nagtaas na rin ang pamasahe para sa mga pampasaherong bus sa kabila ng sunud-sunod na pagbaba naman kahit papaano ng presyo ng petrolyo
  • yung sa halip na tulungan muna ang mga mananakay na mapababa ulit ang halaga ng pamasahe kasunod ng paulit-ulit na pagbaba ng presyo ng mga produktong petrolyo, eh mas gustong unahin ng mga economic advisers na pataasin na ulit ang rate ng taxation para sa mga produktong petrolyo
  • yung hanggang sa Php 9.00 lang daw pwedeng ibalik ang base fare sa mga jeep
  • yung kagustuhan na i-ban na ang mga provincial buses sa NCR
  • yung may mga piling provincial buses na pwede pa ring pumasok sa NCR hanggang sa Parañaque area 
  • yung dagdag travel time at dagdag pamasahe nga ang idinudulot ngayon ng PITX
  • yung nasa 9,000 na motorcycle riders na kumuha ng exam sa road safety daw, pero 7 lang ang nakapasa
  • yung 2 MMDA Enforcer na magkaangkas sa motor na nasita ng ordinaryong motorista, yung blinker ang ginagamit na ilaw at hindi pa nakasuot ng tamang helmet
  • sa Manila, yung MTPB Enforcer na nahuli dahil hindi nakasuot ng helmet, pero nakipagsagutan pa rin sa taga-HPG yata yun
  • sa Tagaytay City, yung firing range sa kampo daw ng Cavite Police kung saan may mga umaabot na slug ng bala sa isang subdivision sa hindi kalayuan
  • yung panibagong surprise inspection na isinagawa ng NCRPO, kung saan may mga nahuli na naman na nakainom at natutulog na pulis habang nasa duty
  • yung palpak pala yung mga police escort nung mga PDEA agent and company na natambangan sa Lanao del Sur
  • ang kahinaan ng seguridad sa kabubukas lang na Boracay
  • sa iba't ibang lugar, yung mga construction contractors na hina-hire ng iba't ibang level ng gobyerno, na hindi muna pinag-aaralan kung may masisira bang linya ng patubig o linya ng kuryente sa dadaanan ng project nila bago sila magsimula
  • sa Amoranto Street sa Quezon City, yung 22-wheeler truck na lumubog ang mga gulong sa bagong gawa lang daw na kalsada
  • sa Pakil, Laguna, yung gumuho yung ginagawang extension ng tulay, na blacklisted pa pala yung nagtipid na contractor
  • yung may nag-collapse na sa hindi pa man natatapos at matagal nang itinatayong mamahalin na Ifugao General Hospital
  • yung kagustuhan na magdagdag pa ng mga dam kahit na alam na nila ang negatibong naidudulot ng mga yun dahil nga sa na-enhance ng mga simpleng ulan at bagyo
  • yung balak daw magsira ng mga historical structures kapalit ng pagtatayo ng mamahalin na Bestfriend Imperial Bridge
  • yung maanumalya yung Imperial contractor na gagawa sa mga bagong tulay sa NCR, at naka-ban na sa World Bank
  • yung worth Php 10 Million daw na Stairway to Heaven project ng MMDA na hindi naman pala totoong kailangan dahil may alternative naman palang daanan
  • yung Representative na hindi sumunod sa security procedure sa NAIA
  • yung babaeng Representative na inirereklamo dahil DAW sa pagpapasagawa ng Gluta-drip session sa mismong opisina niya
  • yung pati naman mga bagay na hindi na dapat pinakikialaman pa dahil sa historical value eh talagang gusto pang pag-aksayahan ng panahon para lang masabi na nagtatrabaho sila
  • yung gustong sirain ng Bureau of Customs yung nasa Php 12,000,000 worth daw ng smuggled na mga sibuyas na nasabat nila sa halip na mapakinabangan ng mga mamamayan
  • yung nasa Php 120 Million daw na halaga ng nasabat na smuggled na bigas na nasa poder na ng BOC sa Zamboanga, pero talagang nawala pa
  • yung tila protektadong-protektado yung isyu tungkol sa mga magnetic lifters
  • yung mas nagmahalan pa ang presyo ng mga bigas sa lugar namin noong ipinatupad na yung panibagong naming system, kahit na kaparehas lang naman sa dati ang mga klase ng bigas na ibinibenta
  • yung madadamay pala sa pagtataas ang presyo ng mga karneng de lata sa oras na ipatupad na ang rice tariffication bill
  • yung may shortage na rin daw sa supply ng siling labuyo
  • sa Laguna, yung tone-toneladang mga kamatis na nasayang lang dahil hindi maibenta
  • sa Albay, yung oversupply ng sitaw sa kabila ng kakulangan ng supply sa ibang mga rehiyon
  • sa Candaba, Pampanga, yung oversupply ng Melon
  • sa Benguet, yung naging oversupply ng mga gulay
  • yung hindi rin naman napababa ang presyuhan ng kamatis sa kabila ng labis-labis na supply nito dahil sa manipulasyon ng ibang supplier
  • yung mas pinagbabawalan na ang mga magsasaka na magbilad ng kanilang naaning mga palay sa kalsada, samantalang wala pa namang konkretong plano na nagagawa ang pamunuan para makapag-provide ng accessible na facility para matulungan sila
  • yung reklamo na ipinarating sa Ombudsman, yung ipinambayad pala ng NFA sa utang yung pondo na nakalaan para sa pagbili ng bigas mula sa mga lokal na magsasaka
  • yung walang sumasagot sa mga tawag sa isang opisina ng SSS kahit na office hours pa naman
  • yung kagustuhan ng SSS na damay-damay ang mga miyembro sa pagsalo ng mga magiging dagdag na gastusin dulot ng pagpapalawig sa Maternity Leave and Benefits
  • ang kagustuhan ng SSS na gawin ng 15% ang porsyento nila sa kita ng mga tao para daw masalo ang kakulangan sa pondo ng ahensya nila
  • yung gustong taasan ng PhilHealth ang contribution ng mga members para lang masalo ang Universal Health Care Bill, 50% na pagtataas ang gusto nila para sa pinakamababang rate ng contribution
  • yung patataasin rin ng pinahintulutang taas-singil ng mga supplier ng tubig sa NCR area ang VAT na kailangang bayaran ng mga consumers
  • yung babaeng mastermind daw sa ibang kaso, na c-in-laim kaagad nila na may kinalaman daw sa mga rebelde, tapos eh binawi rin yung paratang, kesyo wala daw pala silang sapat na ebidensya
  • yung mga pulis na nagpapaapekto sa isang fictional na TV program sa kabila ng pagkakaroon naman talaga ng katiwalian sa totoong buhay
  • yung naging pagkilos ng PNP at DILG laban sa isang TV program
  • yung planong bumuo ng Death Squad laban DAW sa mga rebelde
  • yung dagsa kaagad sa Senado yung mga tuta at bobong mga pulis na sabik na mang-aresto ng Senador kahit na wala namang warrant
  • yung profiling na ginagawa ng mga pulis sa mga miyembro ng ACT
  • yung may pruweba naman na posible ngang may nagmamasid sa bahay ng isang Senador, pero kini-claim na kaagad ng mga nasa itaas na kesyo paranoid lang yung tao kahit na wala naman silang ginagawang imbestigasyon
  • yung namamanipula ang mga records o documents sa mga base
  • yung napatunayan na peke lang ang ibang bintang laban sa Senador na dating nasangkot sa mutiny
  • yung parang wala namang silbi ang mga desisyon sa mababang level na nagpapatupad ng hustisya, dahil hindi naman final ang desisyon hangga't hindi yun umaabot sa tuktok, pero ayaw naman nilang buwagin yung mga level sa ibaba kahit na ganun na nga yung setup
  • yung applicable yung seniority rule kahit na para sa mga taong gumagawa ng mali at hindi patas
  • yung inabsuwelto na ng Supreme Court ang asawa ng Diktador, sa kabila ng presence ng nakaw na yaman
  • yung pwede palang magpiyansa kapag ang nahatulan mong kaso ay kaugnay ng panggagago sa buong bayan
  • yung parang lumalabas sa naging desisyon ng korte na may mga opisyales na hindi namo-monitor kung saan napupunta yung malalaking budget na dumadaan sa kanila
  • yung nasa bilyong piso na tinatawag na Congressional insertions na napunta sa teritoryo ng head Representative
  • yung nasa bilyong piso rin na budget allotment para sa iba pang mga Representatives
  • yung inamin ng pinuno na ang Solicitor General ang trumabaho sa kaso ng Senador na dating nasangkot sa mutiny, pero iisang tao lang ang kanilang pinuntirya
  • yung hindi naman hinahabol ng Solicitor General yung mga sundalo at miyembro ng Philippine Constabulary na umabuso sa panahon ng Martial Law
  • yung premature campaigning na gumagamit ng term na "gusto namin ang boses mo sa ....."
  • yung Representative na nagbanta na hindi magri-release ng PRC license sa mga hindi nakakakilala sa kaibigan niyang premature campaigner
  • yung 2 nasa katungkulan na pinagtatakpan ang medical condition ng pinuno ng bansa, tapos saka nila sasabihin na hindi nila alam ang totoong nangyari kapag lumabas na ang totoo
  • yung hindi na alam ng Spokesperson ang pinaggagagawa ng pinaglilingkuran niya at may mga pagkakataon na mali-mali na ang kanyang mga pinagsasasabi sa publiko
  • yung pinagtakpan na naman yung istorya ng pinuno ng bayan tungkol sa sexual abuse laban sa kanilang kasambahay, na kesyo gawa-gawa lang daw iyon
  • yung presidential appointee sa board para sa mga State University, na pabirong nag-uudyok ng karahasan sa social media regarding collegiate basketball
  • yung tutol sila sa mga patakaran laban sa pagmumura sa mga piling lugar puwerket hilig gawin iyon ng pinuno ng bansa
  • yung may kalayaan yung isang government official na mag-post sa kanyang fake blog kahit na during office hours
  • yung binastos na rin ng isang government official at ng kanyang kaibigan ang mga PWD para lang i-promote ang gusto nilang anyo ng pamahalaan
  • yung ang balak na i-represent na partido ay sangkot sa anumalya ng NGO Queen
  • yung pinuri pa ng gobyerno yung university na nagkulang sa pagha-handle sa kaso ng bullying

at may kaso na iba-iba ang kategorya:
  • yung mga taong ang kakapal ng mukha na magsabi ng "i feel you" patungkol sa krisis na hinaharap ngayon ng bayan, pero patuloy naman ang pagsuporta sa mga palpak at tiwaling mga pinuno
  • yung pagiging bias ng maraming tao sa pagsagot sa mga survey lalo na yung mga taga-Southern Island
  • yung hindi rin tugma ang survey tungkol sa pagsuporta sa pinuno at pagtutol sa pananakop ng Imperyo
  • yung mga taong nagpapasalamat pa sa mga promotor, na kesyo hindi muna paaandarin ang kasunod na train, na para bang nasolusyunan yung problema na sila rin naman ang gumawa
  • yung tuwang-tuwa yung mga hindi nag-aambag dahil sa Universal Health Care Bill
  • yung adjustment na ginagawa ng mga ospital sa bill na ipapasa sa PhilHealth
  • yung mga iresponsableng mamamayan na nakakasira o naninira kaagad ng mga mamahalin na goverment projects
  • yung gustong gawin na Php 10 ang minimum na pamasahe sa jeep, at hindi na pasok dito yung kapritsosong modernization plan
  • yung gusto nang paabutin ng ibang transport group sa Php 12 ang minimum na pamasahe sa jeep
  • yung mga masasamang jeepney driver na Php 9.00 ang iginiit na 20%-discounted rate na pamasahe, samantalang Php 8.00 lang dapat iyon
  • yung ginawang pag-atake ng mga netizens sa ipinakalat na maling address nung Prestigious Bully
  • yung maging mga batang kababaihan sa panahon ngayon eh nanggugulpi na rin sa kalye habang kumukuha pa ng video ng karahasan nila
  • yung may gang war na rin sa [Name of City], malapit pa sa mismong munisipyo
  • sa Caloocan, yung tila tino-tolerate na ng maraming tao ang patayan, at talagang may mga tao pa na nagchi-cheer para mangyari ito
  • yung tila statistical defense na ginagamit ng ibang mga tao para bigyan ng katuwiran ang nangyayari ngayon sa ekonomiya ng bayan, sa kabila nang presensya ng mga totoong ebidensya
  • yung maraming mamamayan na nagse-celebrate sa mga pampublikong parke, pero nag-iiwan naman ng napakaraming nakakalat lang na mga basura 
  • yung negative impact ng Climate Change sa agrikultura ng buong bansa
  • yung pakikipag-agawan ng maraming non-mass transport vehicle sa supply ng limitadong petroleum products
  • yung isyu ng sexual harassment sa Miss Earth pageant
  • yung pinakamataas daw ang bilang ng mga insidente ng rape sa Safest City
  • yung parati na lang kini-claim ng pamahalaan na kesyo nahahaluan ng mga rebelde ang mga protesta laban sa palpak na pamumuno nila
  • yung pagiging balimbing ni MRT Man, na kaalyado na ngayon ng kaalyado ng mga dating magnanakaw at abusado sa katungkulan
  • yung inilaglag na kaagad ni MRT Man ang mahalay na halik ng kanyang dating amo nang mawala na siya sa katungkulan
  • yung may mga artista na gumagamit ng pangalan nila para sa demolisyon, para sa kapakanan ng kaalyado nila sa pulitika
  • yung may bagong version na naman ng Dictator's Law history yung balimbing na tuta ng dating Diktador
  • yung sinasamantala ng Dictator Clan ang kakulangan sa recording technology at ang kawalan ng mga record noong panahon ng paghahari nila para palabasin na gawa-gawa lang ang mga pang-aabuso sa panahon ng Dictator's Law
  • yung mang-aagaw na nga ng mga teritoryo ang Bestfriend Empire, tapos eh mang-aagaw pa ng mga trabaho yung mga mamamayan nila
  • yung sinisilip dito sa bansa ang pagkakaroon ng maraming mga taga-Bestfriend Empire na ilegal na nagtatrabaho, samantalang ang dami na ng mga Filipino na bumastos sa patakaran ng iba't ibang mga bansa nang dahil din sa paghahabol sa hanapbuhay
-----o0o-----


January 11, 2019...

yung profiling na ginagawa ng mga pulis sa mga miyembro ng ACT..
para daw malaman kung sinu-sino ang kabilang sa mga rebelde...

matapos ay pinarusahan yung mga pulis na nagsagawa ng profiling..
samantalang obvious na may pinanggalingan mula sa itaas yung order...

kailan pa naging masama ang paglaban sa hindi pantay-pantay na pagtrato sa mga empleyado..?
tapos puwerket nasa almost Php 30,000 and up per month kayo eh mag-aastang mga aso na kayo...??

is feeling , ang unti-unting pagkapa sa Dictator's Law...


>
sa Candaba, Pampanga..
yung oversupply ng Melon...

pati na rin yung mga nasira, at mahirap at mura nang ibinibenta na mga Honey Dew...

is feeling , hindi pa rin coordinated ang pagsu-supply sa mga market...


>
sa Benguet..
yung naging oversupply naman ng mga gulay..
umabot pa sa punto na itinatapon na yung iba..
samantalang ang tataas naman daw ng presyo ng supply ng mga gulay na galing sa Southern Tagalog...

gaano ba kahirap na trabaho mo yung may kinalaman sa sektor ng agrikultura..?
tapos aalamin mo lang kung kailan ang panahon ng anihan..?
at iisip ka ng paraan para matulungang maibiyahe ang mga kalakal matapos ang anihan, papunta sa mga region kung saan mahina naman ang supply..?
mas magastos pa ba yun kumpara sa pagpapautang nang walang interes...??

seriously..?
may nali-leak bang gatas sa pagpapautang sa mga magsasaka nang walang interes kaya yun ang mas gustong option...??

is feeling , sa dami ng mga naghihirap at walang pambili.. sa dami ng mga namamahalan sa mga bilihin.. tapos hinahayaan na lang na mabulok yung maraming supply...?


>
sa Pakil, Laguna..
yung gumuho yung ginagawang extension ng tulay..
kasi tinipid ng contractor yung pamamaraan...

tinaasan ang gatas..
nagpa-project..
nagsayang...

PS: saka pa nadiskubre ng DPWH na blacklisted pala yung contractor..
samantalang sa bidding pa lang eh dapat nakikita na nila yun sa database nila..
yun ay kung may totoong database system nga sila...

is feeling , padalawa na 'to sa mga gumuguhong developmental projects kuno...


>
may ideya na ako ngayon kung bakit nahihirapan rin ang PhilHealth sa mga bayarin nila...

andun yung papipirmahin ka sa original bill mo..
nagbayad ka rin naman ng bukod na professional fee..
tapos ang final bill na makukuha mo sa huli eh may mga adjustments na..?
more than Php 1,300 yung naidagdag na charge dun sa akin eh...

wherein kung nag-settle ako ng cash, eh walang paraan para maisingit yung Php 1,300...

is feeling , wala na ba talagang patas na sistema dito sa bansa na 'to...??


>
yung maanumalya yung Imperial contractor na magpapalit ng tulay sa Makati at Mandaluyong..
naka-ban na sa World Bank, pero gusto pa ring makatrabaho ng mga nasa itaas...

is feeling , so kakalas na rin ang bansa sa World Bank...??


Ang Alamat ng Most Undesirable Guy on Earth - Second Week of January 2019 (Operating Room)

Loveless Story


January 5, 2019...

so hindi natuloy ang planong retirement ni Miss Al..
gaya ng ginawa nila noon, ini-hide lang muna nila siya...

pero may 57th (55th) retirement na nga talaga..
si Miss S..
2 years after ng matagal na niyang plano na retirement, eh nakakalas na rin nga siya...

bukod sa kanya..
parang may 2 pa na naghahanda na ring umalis sa grupo...

is feeling , ibig sabihin, pwede ko na siyang tanungin...

---o0o---


January 11, 2019...

[Emo]

wala na talaga yata akong patutunguhan..
ito lang yata talaga yung disenyo ng Fate ko..
isang vicious cycle hanggang sa araw na matupad ko yung final goal ko...

ang hirap nung pakiramdam na sinusubukan mong maging average man lang..
magtatrabaho ka, habang ginugulo ka pa ng ibang tao at pinapalitan ng masasamang chemicals ang endorphins mo..
kikita ka ng below sa 20-days worth na minimum ng mga nasa average..
minsan may mga buwan pa na walang papasok na kita..
at ipapaatake ka pa ng kapalaran sa mga pirata..
tapos bigla ka na lang dadagukan ng tadhana ng malakihang gastos..
na para bang sinasabi niya na, "uy, nakaipon ka pala ng pantakas? bawasan at sayangin ulit natin yan ha, hanggang miserable stage ka lang dapat, doon ka naka-assign"...

ito na nga ba yung sinasabi ko eh..
kapag ipinapasa sa'yo ng mga basurang tao yung paninisi tungkol sa mga responsibilidad na hindi naman ikaw ang gumawa..
malulungkot ka..
mapopoot..
mawawalan ng happy hormones..
bababa ang immunity..
at bigla na lang magkakasakit ng delikado...

is feeling , yung karma ko, puros negative lang.. hindi na ako pwedeng umasa na may darating pa na maganda...


>
[Medical Condition]


Operating Room (Part I)

noong 2017 nang mabutas ang cyst ko, yun na siguro yung clue na dapat ipinatanggal ko na siya..
siguro warning siya sa mas malalang paparating..
siguro palugit para gawin ko yung tamang desisyon..
yun na siguro yung best timing, dahil nga nag-o-overproduce na ng substance yung capsule..
pero dahil bago pa lang akong nagsisimula sa trabaho ko noon, eh binalewala ko yun..
at naging countdown nga yung muling pagsasara nung butas...

ang hirap rin sa pakiramdam na yung taong napilit mong isama sa ospital eh ilang araw nang walang tulog dahil sa pag-aalaga sa maliligalig na mga bata..
imagine, senior citizen pero walang pahinga...

sa itinagal-tagal ng buhay ko sa mundo, first time ko lang ma-experience ang OR..
kahit na kasi nakailang punta na rin ako sa mga ospital, eh usually eh hanggang sa outpatient clinic lang ako o sa mga laboratory exam..
kahit noong tinulian ako, eh hindi naman sa ospital ginawa kundi sa bahay lang na parang clinic..
kaya naman natatanga ako kapag ako ang tinatanong kung ano bang gusto kong piliin na option...

inumpisahang butasin ng doktor ang balat ko nang walang anesthesia..
hindi na daw kasi gagana sa akin nang maayos ang anesthesia dahil nga namaga na yung paligid ng cyst ko..
ramdam na ramdam ko yung sakit na tusukin at hiwain..
at hanggang balat pa lang yung level na iyon..
at bumalik nga sa akin yung takot ko na physically masaktan - nang matindi, nang matagalan..
sinubukan ng doktor ang anesthesia, at nabawasan naman nga ang sakit, though ramdam ko pa rin yung mga nangyayari...

the entire time, hinding-hindi ako tumitingin sa hita ko..
nakahiga ako nang pa-side, sa kanan ko..
nakaharang ang mga braso ko para hindi ko makita ang mga nangyayari sa ibaba..
at nakapikit lang ako madalas...

hanggang sa kinayod-kayod na yung laman ko..
at may inaalis na mula sa loob ko..
yun na siguro yung pinakamatinding sensation na direkta sa laman na na-experience ko..
muling nag-apply ng anesthesia ang doktor..
nawala naman yung sensation ng pain, at pressure na lang yung nase-sense ko...

is feeling , end of Part I...


Operating Room (Part II)

ang pakunswelo ko na lang sa nangyari sa akin ay may cute na nurse na nag-assist sa surgery ko..
well, hindi ko talaga sigurado kung cute nga ba siya o ano..
i mean, base sa experiences ko, mahirap na talagang mag-assume ng itsura ng babae nang base lang sa facial parts..
pero sa tantsa ko eh cute nga siya..
she was always wearing a bouffant cap and a surgical mask..
pero before and after the surgery eh nakita ko siya na nakababa yung mask, kaso eh nakatakip pa rin ang bibig..
maganda yung mga mata niya at matangos ang ilong..
at kabilang nga siya sa OR staff...

although expected dapat sa mga nurse na maging maalaga..
siya yung napansin ko during the operation kasi siya yung lumilipat-lipat pa talaga sa may tapat ng upper body ko..
parati niya akong kinukumusta, kung nasasaktan ba daw ako o ano..
na nakakatulong naman para makapag-decide yung doktor kung gagamitan ba ako ng anesthesia o hindi muna..
siya rin yung nagpaalam sa akin na tapos na yung surgery, at nakita ko nga na natakpan na yung ginawa nila sa akin..
tapos may konti pa siyang interview portion, kesyo ano daw ang trabaho ko...

during the surgery nga pala..
nagkukuwentuhan kasi sila, kaya naririnig ko..
at may nabanggit sila na certain [Nurse's Name] na bigla na lang china-chat sa social media ng naging pasyente nila...

pero what was surprising eh noong nagpi-fill-up na ako ng form ko after the operation..
ina-assist ako ng isang babaeng nurse..
tapos bigla niyang naitanong sa akin kung kakilala ko ba daw yung [Name and Surname]..?
so ibinalik ko muna sa kanya yung tanong..
ano ba kako siya, nurse ba..?
at oo daw..
apparently, yung nurse na china-chat ng pasyente ang tinutukoy niya..
at na-gets ko kaagad na siya rin yung cute na nurse, dahil 2 lang silang babaeng nurse na nag-assist sa surgery ko..
so naisip ko naman na, paano naman ako magkakaroon ng kakilala na cute na nurse..?
the name maybe common, at totoong may mga kakilala ako na ganun ang pangalan..
pero hindi pamilyar sa akin ang facial features niya..
hindi ko pa rin na-encounter noon yung surname niya..
kaya sinagot ko yung tanong nung nurse na kesyo hindi ko siya kakilala eh, at hindi na ako nagdugsong pa ng katanungan..
pero ang huling bilin sa akin nung nurse ay kay [Nurse's Name] ko daw iabot yung professional fee ng doktor...

at yun rin nga yung last time na nakausap ko siya..
noong inabot ko na yung fee nung doktor...

mabilis ko rin namang na-confirm yung mga data..
kasi habang nasa OR pa ako, at naghihintay na ma-settle yung mga bayarin ko (na wala naman talaga, salamat sa PhilHealth)..
eh nag-ayos ng organization chart yung mga nurse..
doon ko nga nakuha yung full name niya..
she also has a picture, and she seems cute nga mula sa malayo..
pero i didn't dare to look closer, kasi baka mahuli pa nila ako...

is feeling , yun nga lang.. naka-invisible siya sa social media.. high-level privacy...

-----o0o-----


January 6, 2019...

[Medical Condition]

iba na ang sitwasyon ngayon ng cyst ko..
mas maliit pa yung size niya kumpara sa dati, pero mas ramdam ko na nasisiksik yung laman ko sa loob..
dahil dun, may sakit na rin siyang idinudulot kapag gumagalaw ako...

is feeling , pwede na kaya ang PhilHealth...?

---o0o---


January 7, 2019...

[Medical Condition]

pagkakataon nga naman..
saktong sumakit yung muscle sa palibot ng cyst ko sa araw kung kailan naka-schedule akong mag-general cleaning..
at tumuloy pa rin nga ako sa paggawa ng medyo mabibigat na gawain...

hindi ko na alam kung anong nangyayari sa loob ng katawan ko..
ewan ko kung pumutok na yung cyst sa loob..
pero namaga na yung mga kalamnan sa palibot nun..
at for almost 12 years, ngayon ko lang naramdaman yung pananakit ng hita ko sa tuwing naitutuon sa sahig ang paa ko...

surprisingly, parating January nangyayari yung mga pagbabago sa lagay niya..
January 2017 noong nagawa niyang mabutas ang balat ko..
January 2018 naman noong nagsimula na siyang maghilom makalipas ang 1 taon nang pananatiling butas..
at ngayon ngang January 2019 eh medyo malaki na ulit siya, nananakit, at namamaga na...

nakakaasar..
andami ko pa namang gustong simulan nitong January..
natapos ko na yung general cleaning..
today nga eh nag-release ako ng 4th project dun sa 3rd platform..
SSS..
permanent ID nga sana (na ini-reschedule ko na sa ibang buwan)..
PhilHealth..
grocery dahil paubos na yung mga stock ko from late 2018..
membership card sa supermart..
at panibago ngang project..
kaso wala eh...

sobrang malas talaga..
mukhang masasayang pa lahat ng mga napag-ipunan ko..
mapupunta pa yata sa hita ko lang..
at wala na akong matatanggap na sahod simula January...

bukod dun..
problema ko pa na wala akong makakasama sa ospital..
panay busy sila sa mga bata na puros may sakit rin ngayon..
hindi pa naman ako pwedeng mag-undergo ng surgery nang walang kasama..
ang hirap talaga ng walang pamilya..
sa mga ganitong pagkakataon nga rin pala nagagamit yung mga nobya..
pero wala eh..
kailangan ko pang maghanap ng for rent na bantay...

is feeling pained.


>
[Medical Condition]

wala na..
parang nilalagnat na rin ako..
sira na ang lahat for 2019..
masasakripisyo na ang lakad ko sa April...

is feeling , walang pagkakataon para makatakas sa mga kamalasan...


Friday, January 4, 2019

Attacking the Maid

NOTE: this is not news..
i am not a reporter/journalist nor an influential person..
also, i'm not related to the government in any way..
but there are summary of news featured in this post..
it will require research in order to get the whole story regarding each particular news that is featured in here...

simple lang yan..
kapag nagpaapekto at nag-react ka sa opinyon ng ibang tao - eh BAKA nga may totoo sa mga sinasabi nila...


siguro..
hindi naman yata talaga sila nagagalit kapag ibang mga lalaki o iba ang Nationality ng gumagawa ng mga pang-aabuso laban sa mga kababaihan..?
inggit yata yung totoong nararamdaman nila...??

-----o0o-----


lumampas na sa 500 ang bilang eh, kaya mag-i-start na lang ako ng panibagong listahan ng mga kalokohan..
basta heto yung kadugtong nito:
http://blogngpotassium.blogspot.com/2018/08/just-clan-war.html

update ulit (503 + 179 na)..
medyo in-organize ko rin yung mga kaso..

una (untikan ko nang makalimutan 'to), ang pagtataksil sa interes ng bansa at ng mga (ibang) mamamayan (lalo na yung mga naging biktima), at pagbalewala sa kasaysayan at dangal ng bansa:
  • yung nagluklok ng tao sa isang mahalagang branch, sa kabila ng kawalan ng kakayahan ng tao na iyon na sumunod sa sarili nilang mga patakaran
  • yung nagtuturo ng iba, maging yung hindi nila maidawit dun sa kaso, habang ipinagtatanggol naman yung ibang nalusutan DAW ng supply ng ilegal na droga
  • yung idolo noon si Hitler, pero noong nagpunta sa Israel eh ginamit pa yung alaala ng Holocaust para magkunwari na mabuti sila
  • yung inuna pa ang mga armas kesa sa isipin ang tungkol sa isyu ng kahirapan sa bayan
  • yung gustong bawiin yung amnesty na ibinigay noon sa isang taong lumaban sa tiwaling gobyerno, na ang sinisilip na butas ay yung pinagdaanan na proseso
  • yung umamin siya na meron nga at kasalanan niya ang pagkakaroon ng extrajudicial killings
  • yung nagagawa pa nilang magbakasyon sa ibang bansa sa gitna ng bagsak na ekonomiya ng bayan at sa kabila ng pagtanggi nila na tumulong sa pamamagitan ng pagpapagaan muna sa bagong sistema ng pagbubuwis
  • yung tutol kuno sa political dynasty pero kinukunsinti ang political dynasty ng sariling angkan
  • yung gustong ipaaresto yung witness sa pagpapasok ng mga ilegal na droga sa BOC
  • yung wala namang naparurusahan at papalit-palit lang naman ng katungkulan yung mga pinuno na nadadawit sa mga malalaking kaso ng kapabayaan
  • yung kagustuhan niya na ituring na rin siyang isang santo
  • yung mula sa lahi ng mga Bestfriend na suspected bilang drug-related personality, na itinanggi na may koneksyon sa pamahalaan, pero napatunayan na may papel nga sa pamahalaan
  • yung sobrang dali siyang makumbinsi pagdating sa ibang intel kuno at mga listahan, pero in denial pa noong una sa isyu ng magnetic lifters
  • yung balak pala tayong ipahamak dahil sa pangungutang niya sa Bestfriend Empire na malaki kung magpatubo kumpara sa ibang mga nasyon
  • yung gusto ngayon ng ROTC, pero siya mismo eh umamin na tinakasan niya ang ROTC noong kapanahunan niya
  • yung sinabi noon na dapat daw sundin ang seniority rule, pero hindi naman niya sinunod para sa 2nd reward
  • yung pagbanat sa isang taong simbahan nang wala namang ebidensya na ipini-present; kesyo nagbubulsa daw ng pera at baka drug-related din daw
  • yung seryoso daw sila sa kampanya laban sa ilegal na droga, pero siya mismo eh ginagawa lang biro ang tungkol sa pagdodroga
  • yung gusto nang ipapatay ang mga obispo, at ang pagtira sa bibliya
  • yung iniutos na ayaw makakita ng mga pari sa event na may kinalaman sa simbahan
  • yung pati bintang tungkol sa pagpapatumba ng tao eh joke lang
  • yung sexual attack sa kanilang kasambahay noong teenager pa siya base sa kanyang kuwento

are yung ang involved o semi-involved eh mga identified talaga bilang awtoridad o tauhan ng pamunuan:
  • yung 3 PNPA cadets na inirereklamo dahil sa sexual harassment laban sa 2 lower classmen sa loob mismo ng academy nila
  • yung pulis na inirereklamo ng panggagahasa laban sa isang 15 y/o na dalagita kapalit ng paglilinis sa pangalan ng ama nito na idinadawit naman sa ilegal na droga
  • yung 2 pulis Novaliches na inirereklamo ng dahil daw sa panggagahasa sa isang babaeng nahuli ng dahil sa pagsusugal sa loob ng police mobile
  • yung mga police escort na namalo ng side mirror ng isang taxi habang naka-off-duty at nag-e-escort sa isang private individual
  • sa Pandacan, Maynila, yung pulis na motorcycle rider na nakabangga ng isang tumatawid na senior citizen
  • sa isang kampo sa Tagaytay, yung nakunan ng video na pamamalo ng isang Superintendent sa mga junior police gamit ang isang baseball bat
  • sa Moriones, Tondo, Manila, yung mga pulis na inirereklamo ng pananakit sa mga hinuli nila at paggalaw sa mga CCTV camera
  • sa Navotas, yung pulis at ang kasama niyang naka-AWOL na pulis, na inireklamo dahil sa pananakit
  • sa Guimbal, Iloilo, yung mag-amang Representative at Mayor na inireklamo ng pang-aabuso laban sa isang pulis
  • sa Santa Cruz, Manila, yung nagtatagong Kapitan at ang mga Kagawad niya na nanggulpi sa isang binatilyo kesyo hindi daw siya nakilala bilang kapitan nung biktima
  • sa Quezon City, yung dating Barangay Tanod at isang naka-AWOL na pulis na nahuli sa magkahiwalay na anti-illegal drugs operation
  • sa Bacoor, Cavite, yung dating Barangay Tanod na sangkot sa ilegal na droga, na ginagamit pa ang sarili niyang 12 y/o lamang na anak bilang courier
  • sa Bacoor, Cavite, yung number 1 na SK Kagawad na nakunan ng video at hinuli dahil sa pagbebenta ng ilegal na droga
  • sa Dasmariñas, Cavite, yung Barangay Chairman na nahuli na gumagamit at nagbebenta ng ilegal na droga, at nahulihan din ng hindi lisensyadong baril
  • sa Naic, Cavite, yung dating pulis at ang karelasyon niya na active jail guard na nahuli sa buy-bust operation
  • sa Parañaque City, yung nahuling dating army officer na dawit sa kaso ng milyon daw na halaga ng ilegal na droga na naipasok sa parking lot ng isang mall
  • sa isang bar sa Taguig, yung pulis na naki-Halloween party habang naka-full alert ang kapulisan, na nahuli pa na gumagamit ng cocaine
  • yung 4 na pulis ang suspek ng PDEA, na posible daw na nakipagsabwatan para maipuslit yung nawawalang nasa Php 6.8 Billion na ilegal na droga na isinilid sa mga magnetic lifters
  • sa Fairview, Quezon City, yung 10 na naaresto sa buy-bust operation, na dating Quezon City police ang itinuro bilang source nila
  • yung naka-AWOL na pulis na nahuli ng mga Sampaloc police dahil sa pagdadala daw ng ilegal na droga
  • sa Balete, Batangas, yung dating Konsehal ng bayan ng Balete na nahulihan ng hindi lisensyadong baril
  • sa Mabini, Batangas, yung Barangay Chairman na inaresto dahil sa pagtatago ng hindi lisensyadong M16 at mga bala
  • nitong katapusan ng 2018, yung 7 pulis na nasangkot daw sa indiscriminate firing nitong nakaraang holidays, bukod pa yung mga opisyales at sundalo na gumawa rin ng kaparehong offense
  • sa Davao Oriental, yung sundalo na nagpaputok ng baril at yung kasama niya na nambugbog sa 2 nakaupo sa may harapan ng tindahan
  • sa Iloilo City, yung Barangay Captain na naaresto dahil sa pamamaril sa convenience store
  • sa Pangasinan, yung Barangay Kagawad na namaril ng bahay
  • sa Marilao, Bulacan, yung dating Vice Mayor na aarestuhin sana dahil sa kasong qualified theft, pero may granada at baril pala at nag-resist
  • sa Cavite, yung Traffic Enforcer na nahulihan ng 2 baril habang naka-duty, na dati na rin daw nasangkot sa insidente nang pamamaril
  • yung dating kaso sa Cebu, yung lumabas sa imbestigasyon ng NBI na baril nga ng pulis yung nakatama dun sa bata na nadamay lang sa anti-illegal drugs operation
  • sa Pangasinan, yung 17 y/o na binatilyo na player ng DOTA na sasali lang daw sa tournament sa Baguio na napatay DAW ng mga pulis sa engkwentro
  • yung findings ng Public Attorney's Office na mukhang t-in-orture yung Santillan at posibleng staged yung pagkapatay sa kanya
  • sa Capas, Tarlac, yung nangyaring barilan ng mga pulis na nag-ugat sa road rage, na ikinamatay ng 2 pulis, 1 tanod, at 1 trabahador
  • sa Bocaue, Bulacan, yung babaeng teacher na pinatay sa pamamaril ng karelasyon niya na sundalo na nagbaril din sa sarili matapos yung krimen
  • sa Calamba City, yung may 1 patay at 2 sugatan matapos ang pamamaril at pananaksak ng retired na pulis at ng kanyang anak
  • sa Bocaue, Bulacan, yung hepe ng mga pulis na hinuli dahil sa pangingikil daw at sa paggamit ng mga sasakyan ng mga nahuhuli nilang mga drug suspect
  • yung pulis na miyembro ng HPG na hinuli dahil sa pangingikil laban sa mga service vehicle ng isang call center company
  • yung MMDA Enforcer na nagpapanggap na pulis para makapangikil laban sa mga service vehicle ng isang offshore gaming company
  • sa Quezon City, yung MMDA enforcer na nahuli sa isang kainan na tumatanggap ng lagay mula sa hinuli nilang motorcycle rider
  • sa Muntinlipa City, yung pulis na hinuli dahil sa pag-o-operate ng tupada
  • sa Quezon City, yung may 3 nahuli mula doon sa grupo na responsable daw sa serye ng mga panghoholdap sa mga e-games at bingo establishments, isa sa mga nahuli ay kasalukuyang Barangay Kagawad ng Maynila, tapos ay dating pulis daw ang leader nung grupo
  • sa Las Piñas City, yung grupo ng mga pulis na nasangkot sa kidnapping
  • yung BIR supervisor at examiner na inireklamo dahil sa pangingikil, na nahuli sa Batangas
  • sa Tagaytay City, yung 5 naaresto dahil sa pagbebenta ng ekta-ektaryang lupa na may mga pekeng titulo, na ang lider ay dating empleyado ng DENR
  • sa isang mall sa Makati City, yung trainee para sa pagiging LGU Traffic Enforcer na nagnakaw ng motor
  • yung airport security screener, yung hinalungkat ang bag at pinagnakawan ang isang pasaherong Taiwanese
  • yung mga ghost employee daw sa Makati na tao ng Konsehal

are naman yung mga hindi pa malinaw kung anong klase nga ng mga tao ang involved o hindi tiyak o nabanggit kung sino ang nakatama:
  • dahil hindi tiyak kung paano nagkaroon ng access sa VIP na plaka, sa Angeles City, Pampanga, yung sakay ng SUV na may plakang 8 na nanakit ng kapwa niya motorista

heto naman yung mga may kinalaman sa kahinaan ng kasalukuyang penal system at pagpapatupad ng iba pang mga batas, patakaran, at sistema sa bansa:
  • yung mga batas na pro-pets and pro-pet owners na mga asal peste naman
  • yung paglaganap ng mga batang palaboy na lantarang umaatake ng mga pasahero sa mga pampublikong jeepney
  • sa Makati City, yung lider ng Ipit-Bus Gang na ilang beses nang nakukulong pero parati rin namang pinakakawalan
  • sa Caloocan City, yung kaso nung anak na napatay ang sarili niyang ina noong 2017 at ang sarili naman niyang ama nitong simula ng 2019 
  • yung aprubado na yung 25% na increase sa opisyal na pamasahe sa jeep
  • yung nagtaas na rin ang pamasahe para sa mga pampasaherong bus sa kabila ng sunud-sunod na pagbaba naman kahit papaano ng presyo ng petrolyo
  • yung sa halip na tulungan muna ang mga mananakay na mapababa ulit ang halaga ng pamasahe kasunod ng paulit-ulit na pagbaba ng presyo ng mga produktong petrolyo, eh mas gustong unahin ng mga economic advisers na pataasin na ulit ang rate ng taxation para sa mga produktong petrolyo
  • yung hanggang sa Php 9.00 lang daw pwedeng ibalik ang base fare sa mga jeep
  • yung kagustuhan na i-ban na ang mga provincial buses sa NCR
  • yung may mga piling provincial buses na pwede pa ring pumasok sa NCR hanggang sa Parañaque area 
  • yung dagdag travel time at dagdag pamasahe nga ang idinudulot ngayon ng PITX
  • yung nasa 9,000 na motorcycle riders na kumuha ng exam sa road safety daw, pero 7 lang ang nakapasa
  • yung 2 MMDA Enforcer na magkaangkas sa motor na nasita ng ordinaryong motorista, yung blinker ang ginagamit na ilaw at hindi pa nakasuot ng tamang helmet
  • sa Manila, yung MTPB Enforcer na nahuli dahil hindi nakasuot ng helmet, pero nakipagsagutan pa rin sa taga-HPG yata yun
  • sa Tagaytay City, yung firing range sa kampo daw ng Cavite Police kung saan may mga umaabot na slug ng bala sa isang subdivision sa hindi kalayuan
  • yung panibagong surprise inspection na isinagawa ng NCRPO, kung saan may mga nahuli na naman na nakainom at natutulog na pulis habang nasa duty
  • yung palpak pala yung mga police escort nung mga PDEA agent and company na natambangan sa Lanao del Sur
  • ang kahinaan ng seguridad sa kabubukas lang na Boracay
  • sa iba't ibang lugar, yung mga construction contractors na hina-hire ng iba't ibang level ng gobyerno, na hindi muna pinag-aaralan kung may masisira bang linya ng patubig o linya ng kuryente sa dadaanan ng project nila bago sila magsimula
  • sa Amoranto Street sa Quezon City, yung 22-wheeler truck na lumubog ang mga gulong sa bagong gawa lang daw na kalsada
  • yung may nag-collapse na sa hindi pa man natatapos at matagal nang itinatayong mamahalin na Ifugao General Hospital
  • yung kagustuhan na magdagdag pa ng mga dam kahit na alam na nila ang negatibong naidudulot ng mga yun dahil nga sa na-enhance ng mga simpleng ulan at bagyo
  • yung balak daw magsira ng mga historical structures kapalit ng pagtatayo ng mamahalin na Bestfriend Imperial Bridge
  • yung worth Php 10 Million daw na Stairway to Heaven project ng MMDA na hindi naman pala totoong kailangan dahil may alternative naman palang daanan
  • yung Representative na hindi sumunod sa security procedure sa NAIA
  • yung babaeng Representative na inirereklamo dahil DAW sa pagpapasagawa ng Gluta-drip session sa mismong opisina niya
  • yung pati naman mga bagay na hindi na dapat pinakikialaman pa dahil sa historical value eh talagang gusto pang pag-aksayahan ng panahon para lang masabi na nagtatrabaho sila
  • yung gustong sirain ng Bureau of Customs yung nasa Php 12,000,000 worth daw ng smuggled na mga sibuyas na nasabat nila sa halip na mapakinabangan ng mga mamamayan
  • yung nasa Php 120 Million daw na halaga ng nasabat na smuggled na bigas na nasa poder na ng BOC sa Zamboanga, pero talagang nawala pa
  • yung tila protektadong-protektado yung isyu tungkol sa mga magnetic lifters
  • yung mas nagmahalan pa ang presyo ng mga bigas sa lugar namin noong ipinatupad na yung panibagong naming system, kahit na kaparehas lang naman sa dati ang mga klase ng bigas na ibinibenta
  • yung madadamay pala sa pagtataas ang presyo ng mga karneng de lata sa oras na ipatupad na ang rice tariffication bill
  • yung may shortage na rin daw sa supply ng siling labuyo
  • sa Laguna, yung tone-toneladang mga kamatis na nasayang lang dahil hindi maibenta
  • sa Albay, yung oversupply ng sitaw sa kabila ng kakulangan ng supply sa ibang mga rehiyon
  • yung hindi rin naman napababa ang presyuhan ng kamatis sa kabila ng labis-labis na supply nito dahil sa manipulasyon ng ibang supplier
  • yung mas pinagbabawalan na ang mga magsasaka na magbilad ng kanilang naaning mga palay sa kalsada, samantalang wala pa namang konkretong plano na nagagawa ang pamunuan para makapag-provide ng accessible na facility para matulungan sila
  • yung reklamo na ipinarating sa Ombudsman, yung ipinambayad pala ng NFA sa utang yung pondo na nakalaan para sa pagbili ng bigas mula sa mga lokal na magsasaka
  • yung walang sumasagot sa mga tawag sa isang opisina ng SSS kahit na office hours pa naman
  • yung kagustuhan ng SSS na damay-damay ang mga miyembro sa pagsalo ng mga magiging dagdag na gastusin dulot ng pagpapalawig sa Maternity Leave and Benefits
  • ang kagustuhan ng SSS na gawin ng 15% ang porsyento nila sa kita ng mga tao para daw masalo ang kakulangan sa pondo ng ahensya nila
  • yung gustong taasan ng PhilHealth ang contribution ng mga members para lang masalo ang Universal Health Care Bill, 50% na pagtataas ang gusto nila para sa pinakamababang rate ng contribution
  • yung patataasin rin ng pinahintulutang taas-singil ng mga supplier ng tubig sa NCR area ang VAT na kailangang bayaran ng mga consumers
  • yung babaeng mastermind daw sa ibang kaso, na c-in-laim kaagad nila na may kinalaman daw sa mga rebelde, tapos eh binawi rin yung paratang, kesyo wala daw pala silang sapat na ebidensya
  • yung mga pulis na nagpapaapekto sa isang fictional na TV program sa kabila ng pagkakaroon naman talaga ng katiwalian sa totoong buhay
  • yung naging pagkilos ng PNP at DILG laban sa isang TV program
  • yung planong bumuo ng Death Squad laban DAW sa mga rebelde
  • yung dagsa kaagad sa Senado yung mga tuta at bobong mga pulis na sabik na mang-aresto ng Senador kahit na wala namang warrant
  • yung may pruweba naman na posible ngang may nagmamasid sa bahay ng isang Senador, pero kini-claim na kaagad ng mga nasa itaas na kesyo paranoid lang yung tao kahit na wala naman silang ginagawang imbestigasyon
  • yung namamanipula ang mga records o documents sa mga base
  • yung napatunayan na peke lang ang ibang bintang laban sa Senador na dating nasangkot sa mutiny
  • yung parang wala namang silbi ang mga desisyon sa mababang level na nagpapatupad ng hustisya, dahil hindi naman final ang desisyon hangga't hindi yun umaabot sa tuktok, pero ayaw naman nilang buwagin yung mga level sa ibaba kahit na ganun na nga yung setup
  • yung applicable yung seniority rule kahit na para sa mga taong gumagawa ng mali at hindi patas
  • yung inabsuwelto na ng Supreme Court ang asawa ng Diktador, sa kabila ng presence ng nakaw na yaman
  • yung pwede palang magpiyansa kapag ang nahatulan mong kaso ay kaugnay ng panggagago sa buong bayan
  • yung parang lumalabas sa naging desisyon ng korte na may mga opisyales na hindi namo-monitor kung saan napupunta yung malalaking budget na dumadaan sa kanila
  • yung nasa bilyong piso na tinatawag na Congressional insertions na napunta sa teritoryo ng head Representative
  • yung nasa bilyong piso rin na budget allotment para sa iba pang mga Representatives
  • yung inamin ng pinuno na ang Solicitor General ang trumabaho sa kaso ng Senador na dating nasangkot sa mutiny, pero iisang tao lang ang kanilang pinuntirya
  • yung hindi naman hinahabol ng Solicitor General yung mga sundalo at miyembro ng Philippine Constabulary na umabuso sa panahon ng Martial Law
  • yung premature campaigning na gumagamit ng term na "gusto namin ang boses mo sa ....."
  • yung Representative na nagbanta na hindi magri-release ng PRC license sa mga hindi nakakakilala sa kaibigan niyang premature campaigner
  • yung 2 nasa katungkulan na pinagtatakpan ang medical condition ng pinuno ng bansa, tapos saka nila sasabihin na hindi nila alam ang totoong nangyari kapag lumabas na ang totoo
  • yung hindi na alam ng Spokesperson ang pinaggagagawa ng pinaglilingkuran niya at may mga pagkakataon na mali-mali na ang kanyang mga pinagsasasabi sa publiko
  • yung pinagtakpan na naman yung istorya ng pinuno ng bayan tungkol sa sexual abuse laban sa kanilang kasambahay, na kesyo gawa-gawa lang daw iyon
  • yung presidential appointee sa board para sa mga State University, na pabirong nag-uudyok ng karahasan sa social media regarding collegiate basketball
  • yung tutol sila sa mga patakaran laban sa pagmumura sa mga piling lugar puwerket hilig gawin iyon ng pinuno ng bansa
  • yung may kalayaan yung isang government official na mag-post sa kanyang fake blog kahit na during office hours
  • yung binastos na rin ng isang government official at ng kanyang kaibigan ang mga PWD para lang i-promote ang gusto nilang anyo ng pamahalaan
  • yung ang balak na i-represent na partido ay sangkot sa anumalya ng NGO Queen
  • yung pinuri pa ng gobyerno yung university na nagkulang sa pagha-handle sa kaso ng bullying

at may kaso na iba-iba ang kategorya:
  • yung mga taong ang kakapal ng mukha na magsabi ng "i feel you" patungkol sa krisis na hinaharap ngayon ng bayan, pero patuloy naman ang pagsuporta sa mga palpak at tiwaling mga pinuno
  • yung pagiging bias ng maraming tao sa pagsagot sa mga survey lalo na yung mga taga-Southern Island
  • yung hindi rin tugma ang survey tungkol sa pagsuporta sa pinuno at pagtutol sa pananakop ng Imperyo
  • yung mga taong nagpapasalamat pa sa mga promotor, na kesyo hindi muna paaandarin ang kasunod na train, na para bang nasolusyunan yung problema na sila rin naman ang gumawa
  • yung tuwang-tuwa yung mga hindi nag-aambag dahil sa Universal Health Care Bill
  • yung mga iresponsableng mamamayan na nakakasira o naninira kaagad ng mga mamahalin na goverment projects
  • yung gustong gawin na Php 10 ang minimum na pamasahe sa jeep, at hindi na pasok dito yung kapritsosong modernization plan
  • yung gusto nang paabutin ng ibang transport group sa Php 12 ang minimum na pamasahe sa jeep
  • yung mga masasamang jeepney driver na Php 9.00 ang iginiit na 20%-discounted rate na pamasahe, samantalang Php 8.00 lang dapat iyon
  • yung ginawang pag-atake ng mga netizens sa ipinakalat na maling address nung Prestigious Bully
  • yung maging mga batang kababaihan sa panahon ngayon eh nanggugulpi na rin sa kalye habang kumukuha pa ng video ng karahasan nila
  • yung may gang war na rin sa [Name of City], malapit pa sa mismong munisipyo
  • sa Caloocan, yung tila tino-tolerate na ng maraming tao ang patayan, at talagang may mga tao pa na nagchi-cheer para mangyari ito
  • yung tila statistical defense na ginagamit ng ibang mga tao para bigyan ng katuwiran ang nangyayari ngayon sa ekonomiya ng bayan, sa kabila nang presensya ng mga totoong ebidensya
  • yung maraming mamamayan na nagse-celebrate sa mga pampublikong parke, pero nag-iiwan naman ng napakaraming nakakalat lang na mga basura 
  • yung negative impact ng Climate Change sa agrikultura ng buong bansa
  • yung pakikipag-agawan ng maraming non-mass transport vehicle sa supply ng limitadong petroleum products
  • yung isyu ng sexual harassment sa Miss Earth pageant
  • yung pinakamataas daw ang bilang ng mga insidente ng rape sa Safest City
  • yung parati na lang kini-claim ng pamahalaan na kesyo nahahaluan ng mga rebelde ang mga protesta laban sa palpak na pamumuno nila
  • yung pagiging balimbing ni MRT Man, na kaalyado na ngayon ng kaalyado ng mga dating magnanakaw at abusado sa katungkulan
  • yung inilaglag na kaagad ni MRT Man ang mahalay na halik ng kanyang dating amo nang mawala na siya sa katungkulan
  • yung may mga artista na gumagamit ng pangalan nila para sa demolisyon, para sa kapakanan ng kaalyado nila sa pulitika
  • yung may bagong version na naman ng Dictator's Law history yung balimbing na tuta ng dating Diktador
  • yung sinasamantala ng Dictator Clan ang kakulangan sa recording technology at ang kawalan ng mga record noong panahon ng paghahari nila para palabasin na gawa-gawa lang ang mga pang-aabuso sa panahon ng Dictator's Law
  • yung mang-aagaw na nga ng mga teritoryo ang Bestfriend Empire, tapos eh mang-aagaw pa ng mga trabaho yung mga mamamayan nila
  • yung sinisilip dito sa bansa ang pagkakaroon ng maraming mga taga-Bestfriend Empire na ilegal na nagtatrabaho, samantalang ang dami na ng mga Filipino na bumastos sa patakaran ng iba't ibang mga bansa nang dahil din sa paghahabol sa hanapbuhay
-----o0o-----


December 29, 2018...

[Natural Calamities]

yung nasa Magnitude 7.2 na lindol na nag-originate sa may Davao Oriental...

is feeling , baka dahil dun sa isyu tungkol sa paninira sa bibliya...??


>
yung VAT exemption para sa mga gamot...

ang galing rin talaga eh..
pabor na pabor sa preservation ng malaking populasyon..
VIP ang treatment para sa mga medikal na pangangailangan...

ginagatasan nang husto yung mga basic na pangangailangan sa pang-araw-araw..
tapos ang bawi eh kapag may sakit na...

is feeling , charity kuno...

---o0o---


December 30, 2018...

yung kamanyakan ng santo noong teenager pa siya..
yung tinangka daw niyang hipuan ang isang maid na natutulog..
yung pinasok pa niya sadya sa kuwarto nito...

ay anak ka ng Hokage na Mahilig..
gago..
hindi lahat ng mga kabataan dumadaan sa ganun..
ni hindi lahat ng pamilya ng mga kabataang lalaki ay may maid..
at sigurado akong hindi lahat ng teenager na lalaki ay dumaan sa punto na namasok sila ng silid ng may silid at nanghipo ng natutulog na babae...

parang isinusulong na rin niya ang pagsasamantala laban sa mga kasambahay at kababaihan..
basta walang consent, kasamaan na yun..
ni hindi palusot ang pagiging menor de edad...

para lang patas yung laban..
naisip ba niyang ilagay sa kaparehong sitwasyon yung mga mahal niya sa buhay..?
matutuwa kaya siya kung ina niya ang ginanon..?
matutuwa kaya siya kung kapatid na babae niya ang pinasok sa kuwarto para hipuan..?
matutuwa ba siya kung mga pinsan at mga pamangkin niyang babae ang ganunin..?
eh kung mga anak niyang babae mismo, okay lang ba para sa kanya..?
eh kung mga apo niyang babae, masasabi pa rin ba niya na dumadaan ang lahat ng kabataan sa ganung uri ng pananamantala...??

ang hirap sa santo..
tripper siya dahil alam niyang secure sila ng pamilya niya..
sila ang ilagay mo sa topic, at galit na galit..
pero kapag ibang mga tao ang ginagawa niyang paksa, eh parang mga materyal na bagay lang sila..
kesyo okay lang pagnasahan ang isang foreigner na biktima ng rape..
kesyo okay lang mang-rape ang mga tauhan niya kapag tinamaan ng L sa panahon ng digmaan...

tapos gagawin na namang palusot na kesyo hindi siya matatas sa pagta-Tagalog..
so kailan ang schedule niyan para maging joke na lang ulit...??

is feeling , ang kataas-taasang ehemplo...

---o0o---


January 2, 2019...

yung nagpalusot na nga ang Lawyer of Evil..
kesyo gawa-gawa nga lang daw yung panibagong istorya ng pang-aabuso at kahalayaan ng Hokage na Mahilig...

hindi naman yata sila nagagalit kapag ibang mga lalaki o iba ang Nationality ng gumagawa nung kasalanan na yun eh..?
inggit yata yung nararamdaman nila...??

is feeling , sabi na nga ba eh.. magiging joke lang ulit yun...

---o0o---


January 3, 2019...

mali naman kasi talaga yung claim ng PHLPost noon na ikalulugi na nila ang pag-usbong ng online technology..
hindi lang naman kasi mga sulat at bills ang dumadaan sa kanila...

maganda ang industriya ng online buy and sell, at nariyan pa rin yung tradisyunal na balikbayan boxes..
at hinding-hindi magagawa ng mga physical items na dumaan online..
kailangan lang ng PHLPost ng magandang sistema para makipagsabayan sa mga commercial courier service provider...

hindi ako sigurado pagdating sa ibang mga lugar dito sa bansa..
pero yung mga veteran na postman dito sa [Name of City] eh napakaganda ng serbisyo na ipinapamalas noon..
andun yung familiarity nila sa mga names at locations..
yung pagiging mura ng serbisyo nila (base sa lumang experience ko from 2008 to early 201n), though hindi express..
at may initiative pa yung postman na ipaalam sa amin na may package kami sa post office, na required lang talaga ng personal na appearance kaya hindi pwedeng i-deliver...

nakailan rin ako ng successful na delivery through them noon..
initiative kasi ng UPS from US na sa PHLPost ipadaan yung mga parcel nila..
at di hamak na mas maganda iyon kumpara dun sa experience ko with a commercial courier na ipinasa sa local courier company yung maliit na package ko, at nag-charge ng nasa Php 2,000 plus para sa 24 hours na pananatili sa warehouse nila...

is feeling , kailangan rin lang talaga nilang masolusyunan yung malilikot ang kamay...


>
sa Caloocan City..
yung kaso nung ama na napatay ng anak sa pamamagitan ng pamamalo ng tubo sa ulo..
kesyo lasing daw itong umuwi sa kanila..
nagawa pa daw matulog nung killer after, na para bang walang nangyari...

napatay din daw nung anak noong 2017 yung sarili nitong ina..
kaso eh naging huling habilin naman nung ina na huwag na siyang kasuhan...

is feeling , ang problema kapag pinapabayaan na maging malaya ulit ang mga kriminal...


>
yung 7 pulis na nasangkot daw sa indiscriminate firing nitong nakaraang holidays...

bukod pa dito yung mga opisyales at sundalo na gumawa rin ng kaparehong offense...

is feeling , more than 7 x almost Php 30,000 or up per month na pagkalugi...


>
sa Davao Oriental..
yung nakuhanan ng CCTV sa labas ng isang sari-sari store..
yung sundalo na nagpaputok ng baril at yung kasama niya na nambugbog sa 2 nakaupo doon sa may harapan ng tindahan..
December 25 daw naganap yung insidente..
kesyo nag-ugat daw iyong pananakot at pananakit sa away-magkapitbahay...

PS: mga menor de edad pala yung 2 biktima..
dating rebelde yung lalaking nambugbog..
at napag-alaman na hindi nakarehistro dun sa sundalo yung ginamit niyang baril...

is feeling , disiplinado dapat, pero walang disiplina...


>
sa Calamba City..
yung may 1 patay at 2 sugatan matapos ang pamamaril at pananaksak ng retired na pulis at ng kanyang anak...

huwag na daw pag-usapan yung isyu..
pero kung tutuusin kasi eh katulad rin lang 'to ng kaso ni Prestigious Bully..
at problema pa rin regarding sa kakayahan ng mga sibilyan na mag-may-ari ng mga baril...

is feeling , napasok sa institusyon na nagtuturo dapat ng disiplina.. pero hindi nagkaroon ng disiplina...

---o0o---


January 4, 2019...

sa Bacoor, Cavite..
yung dating Barangay Tanod na sangkot sa ilegal na droga..
yung ginagamit pa ang sariling 12 y/o lamang na anak bilang delivery boy...

is feeling , hindi yata naka-attend sa mga seminar nila dati...


>
sa Makati City..
yung nabisto ng mga pasahero na Ipit-Bus Gang kung tawagin..
naging matapang yung mga pasahero at ipinadiretso sa presinto yung nasakyan nilang bus...

ang masama dun sa istorya..?
eh ilang beses na palang nakulong yung lider nung gang..
isa na namang patunay kung gaano kahina ang penal system sa bansa..
nakaperwisyo na noon at nakulong, pero talagang pinalaya pa at nakaperwisyo ulit ng iba pang mga inosente...

is feeling , dapat kapag naka-2nd offense na eh slavery o bitay na ang katapat...