Saturday, March 9, 2024

Ang Alamat ng Most Undesirable Guy on Earth - First Week of March 2024 (A Drawback for the Venue)

Loveless Story


March 2, 2024

[Game]

bad news..
nauna na ang Halving ng RON rewards mula sa farming..
inunahan pa nga nila ang Bitcoin..
sa ngayon kailangan ko na ng more than 70 days bago makabuo ng 1 RON..
as compared dati na nasa 40 days lang kahit papaano..
so parang nabalewala na ngayon na umaabot sa USD 3 ang palitan ng RON... πŸ™

is feeling , counter effect...

---o0o---


March 4, 2024...

[Manga]

One Piece

anak ng..
Luffy + Dorry + Brogy + Iron Giant versus Five Elders + Kizaru...??

luging-lugi ang mga bida..
may regeneration ability ang mga kalaban..
at malamang na puros Awakened Devil Fruit users sila...

ang Devil Fruit na may cartoon ability laban sa pinakamasasamang tao sa mundo...

is feeling , kailangan nang sumali ni Shanks sa labanan...


>
nag-inquire ako kay Attendant Y ngayong araw..
tungkol dun sa Dream Date..
para sana sa April..
she sounds interested pa din naman, gaya din nung dati..
ewan ko ba sa babaeng 'yon, parang ang dali lang niyang sumang-ayon parati..
hindi ko tuloy masabi kung kaya nga ba niyang mag-commit o hindi...?

kakapalan ko na ang mukha ko na pabiyahehin siya..
sana lang hindi ako pagpawisan nang husto dahil sa mga kahihiyan.. πŸ™
pero ang tanong ay kaya ko ba..?
kaya na ba ng katawan ko..?
makakaya ko ba nang walang supplement, at na umaasa lang sa sarili kong high blood...?

with 1 year and 10 months left sa buhay ko..
at sa kabila ng lumalalang kondisyon ng katawan ko..
gusto ko pa ring subukan na tapusin ang bagay na iyon..
habang medyo normal pa ang itsura ko...

naihanda ko na ang lahat noon..
2 beses pa nga eh..
yung venue..
yung flowers..
yung soundtrack..
pati lahat ng mga gagawin..
pero dahil 2024 na, kailangan ko na namang pag-aralan ang lahat...

is feeling , aanhin ko naman ang pera sa kabilang buhay..? kaya pwede kong ubusin habang nandito pa ako sa mundo...

---o0o---


March 5, 2024...

dati tadtad ng dibdib ng mga lokal na babae ang feed ko..
wala ng pakialam kung may bumakat man..
kahit pa mga cameltoe shots...

pero lately, puros Southeast Asian na lang..
mga nagte-twerk habang naka-high heels at habang kumakanta..
kahit pa kita ang mga undergarment...

is feeling , pwede bang mga dibdib na lang ulit..? hindi ako fan ng mga mukhang retokadang Southeast Asian...


>
heto, nilamon ng losing streak ngayong araw... πŸ™

minalas sa Dream Date..
minalas sa trading..
minalas doon sa demonyong game...

is feeling , bakit ba gustung-gusto ninyo akong tapusin...??


>
[Game]

last day ng Season 7..
namigay nga sila ng libreng random Mystic Rune..
pero Healing Pulse pa ang nakuha ko.. πŸ™
yung gusto ko sanang ma-Craft dati para ibenta..
pero wala siyang silbi para sa akin this time..
bukod sa hindi pwedeng ibenta ang libre, eh hindi siya compatible sa mga peste ko..
ang masama pa dun, eh mas lumakas pa yung iba kong mga kalaban dahil magagandang Rune ang nakuha nila...

dahil dun eh nalaglag ako sa lagpas 15,000 na rank..
wala namang masyadong pagkakaiba sa rewards para sa mga rank before 15,000..
pero yung pagha-harvest ng SLP ang totoong problema..
mas mahirap manalo, mas mahirap mag-harvest...

is feeling , hanggang huli eh malas...


>
lastly, ang sabotahe sa Dream Date... πŸ™

nagpalit na daw ng pangalan yung resort..
ewan ko kung pangalan lang, o owner, o management..
bukod sa nagmahal na yung rate ng mga room..
eh hindi daw sila nag-o-offer ng romantic dinner date package.. πŸ™
yung bagay na talagang kailangan ko...

ayun..
hindi ko na alam ang gagawin ko..
pinag-aralan ko na lahat noon..
yun na din yung nakita ko na matino ang itsura ng kuwarto..
pero kailangan ko na namang bumalik sa zero... πŸ™

bakit ganito kabasura ang basurang buhay ko..?
parang required na may hadlang parati sa lahat ng gusto kong gawin...

is πŸ’” feeling , die will be done...

---o0o---


March 6, 2024...

[Game]

end of Season 7..
bumagsak nga ako sa lagpas 16,000 na rank..
pero ang totoong masama nito..?
sobrang hihina pa din ng mga gamit ko...

mahihirapan akong mag-farm ng SLP sa Off-Season kung wala akong makukuhang matinong Rune...

is feeling , pati sa pagbubukas ng mga random reward kitang-kita ang mga kamalasan ko...


>
ang sakit ng ulo ko...

mahalaga yung dinner date setup..
kasi yun nga yung experience na wala pa ako..
kaya mawawalan ng saysay ang lahat kung iyon ang mawawala... πŸ™

naging komplikado pa, kasi kailangan kong makahanap ng venue na may ganung service..
pero kailangan din na may accommodation sila na may full length mirror.. πŸ™
para hindi naman malungkot...

ilan na din yung na-check kong alternative kanina..
pero wala akong makita na may full length mirror...

naisip ko din naman na mag-Hotel Ava na lang..
Jacuzzi na lang sa halip na pool o beach..
mas mura na, eh hindi ko pa magiging problema ang transportation nung babae..
ako lang ang mamomroblema ulit sa puyat..
kaso masyadong artificial ang dating ng mga ganung lugar, wala man lang nature... πŸ™

is πŸ’” feeling , bakit kailangan na masira ka na naman...??

---o0o---


March 8, 2024...

puyat kagabi dahil galing sa general cleaning..
puyat pa din ngayon dahil nagbantay sa ospital...

ayoko talaga sa ospital..
mas nare-realize ko sa lugar na iyon kung gaano kalalakas ang mayayaman..
ang hirap nang walang pera..
ang hirap nang walang sasakyan..
tapos wala ding silbi...

pera lang ang may silbi sa mundo..
mabuti na lang may ganun ang mga biological brother ko...

is ⚠ feeling , hindi ko gugustuhin na umabot sa punto na sobrang hina ko na at magiging pabigat pa...


>
sinabi ko na kay Attendant Y na nagkaroon ng problema sa venue...

samantala..
sinubukan kong magtanong kay Attendant Ry..
kung papayag na siya if ever na sa Pasay City lang kami..?
kaso, no response ulit..
hindi ko alam kung nag-duty ba siya ngayong araw..
nasa ospital kasi ako buong araw, low battery na yung main phone ko, kaya hindi na ako makapag-check sa community..
tapos napag-alaman ko ngayong gabi na nagluluksa sila dahil namatayan sila ng pet, at nakaburol pa iyon...

is πŸ’” feeling , o ignore kaya talaga ulit...??

-----o0o-----


[V-League]


PVL All-Filipino Conference 2024


March 7, 2024...

Creamline versus Galeries..
napaikot nang husto ang bench ng Creamline...

maagang nakaagwat ang Creamline sa Set 1, nakuha nila ang set dahil sa kanilang 18 attacks kontra sa sarili nilang 9 big errors..
maaga ulit nakaagwat ang Creamline sa Set 2, nakuha nila ang lahat ng scoring stats na nadagdagan pa ng 7 errors ng Galeries..
dikitan naman ang naging simula ng Set 3 at lumamang pa nga ang Galeries, pero nakalayo ang Creamline matapos ang 1st technical timeout...

at nairaos na din nga ng Creamline ang kanilang 3rd match...

is  feeling , para sa bagong gupit na si Galanza.. at para kay Morado pa rin...

-----o0o-----


March 2, 2024...

[Trade]

day 81 mula sa pagkalugi...

may pa-event naman ang Ethereum..
so pumasok na muna ako sa MANTA...

ang dami ko kaagad sablay habang nagtataas-baba pa sila..
USD 2, 7, 6, 3, 9..
USD 27, so pasok sana sa daily requirement ko...

3 beses lang ako nagtagumpay sa short sell..
USD 6 lang ang total..
ang masama lang nito umangat ang level sa huling benta ko..
sana lang makabalik ako sa loob bago sila makapag-pump...

is feeling , MANTA, baba muna, huwag nyo akong iiwanan...

---o0o---


March 3, 2024...

[Trade]

gumawa ng mga massive pump ang SLP ngayong araw..
USD 138 ang napakawalan ko doon sa una..
USD 51 para sa ikalawa..
USD 150 para sa ikatlo..
USD 79 para sa ikaapat, na nagmula sa immediate recovery nila dahil dun sa Bitcoin dip...

total ng USD 418 sa loob lamang ng wala pang 1 araw... πŸ™

dahil sa pump, sinubukan kong samantalahin ang palitan..
at nagawa ko namang mapaabot sa USD 5 yung 682 ko na SLP..
kaso..
lumalabas na umabot pala dapat sa USD 25 lahat ng mga napapalitan ko nang SLP ngayong Season 7, base sa current peak na USD 0.0080..
pero nasa 50% lang yung naabot ko..
tamang bawi pa naman sana ngayong panahon ng mga gastusin dahil sa Ascension... πŸ™

is feeling , yung nilalang na bulok pagdating sa lahat ng bagay...


>
[Trade]

day 82 mula sa pagkalugi...

ang mga sablay ko ngayong araw..?
USD 7, 15, 34..
USD 56 in total.. πŸ™
mas malaki na naman kesa sa daily target ko na USD 20...

nakakontra ang Bitcoin sa direksyon ng MANTA, kaya ang hirap na naman magdesisyon..
wala din naman ng kagaya sa ibang pump na biglaan ang pagtaas..
nag-exit ako kanina nang may USD 18 na recovery...

hindi naman ako nakabalik noong bumaba ang MANTA hanggang USD 2.915, USD 2.90 lang kasi ang bid ko..
unfortunately, dumiretso na sila sa pagtaas matapos iyon..
bandang 2:00 PM nang mag-decide ako na sumugal sa mataas na USD 3 na palitan, kasi nga eh hindi naman sila nahihila ng Bitcoin..
pero nakapag-set up na pala sila ulit ng trap laban sa akin.. πŸ™
nag-crash ang MANTA nang bumalik ako sa kanila nang mas mahal..
USD 800 lang na dip ng Bitcoin, pero USD 3 to 2.70 ang nakaladkad nila sa MANTA, kahit pa active naman ang trading nila...

missed opportunity pa sa PORTAL noong nag-Bitcoin dip..
yung original na target ko sa kanila na USD 2, tapos hanggang USD 2.4 kaagad ang naging recovery nila..
USD 79 sana iyon para sa akin... πŸ™

is feeling , paulit-ulit na maysa-demonyong karanasan.. ang buhay ng walang laban na musmos na Egyptian...


>
[Trade]

nag-pump naman ang Bitcoin ngayong gabi..
pero ang anomaly..?
wala silang hila para sa MANTA..
nasa USD 1,300 na recovery..
pero yung MANTA eh pababa pa ang direksyon, lalo na kapag bumababa din ang Bitcoin.. πŸ™
sabotahe...

put*ng ina talaga..
na-trigger ko na naman ang Reverse Midas..
kapag wala ako sa trade, pataas lang direksyon ng lahat..
pero sa tuwing pumapasok ako, nagiging bayolenteng demonyo ang bawat asset... πŸ™

is feeling , imposibleng makabawi, dahil perpekto ang dala-dala kong kamalasan.. ang maysa-demonyong FATE na gawa ng mga makapangyarihan...


>
bakit yung SLP, dire-diretso ang pump..?
samantalang yung MANTA eh utay-utay..
eh MANTA pa naman yung kasali sa event..
bakit yung PORTAL, galing naman sa mas mababang level, pero gumawa ng malaking recovery after ng dip, kumpara sa MANTA...?

after ng 10:00 AM, hintay ako nang hintay ng pagbaba ng palitan..
pero sa halip ay opposite ang direksyon ng MANTA sa pababang Bitcoin..
tapos saktong kung kailan ako bumalik sa trade, eh saka nag-crash ang buong market...?? πŸ™

mga wala kayong awa... πŸ™

is feeling , sobrang lakas ng mga makapangyarihan.. masuwerte ang mga taong basta na lang nila tinatapos.. napakamalas ng mga taong napili nilang idaan sa arawan na depression...

---o0o---


March 4, 2024...

[Trade]

day 83 mula sa pagkalugi...

3rd day ko pa lang sa MANTA, pero lugi na nga kaagad..
stuck na ulit ang pondo ko... πŸ™

ang mga sablay ko ngayong araw..?
USD 12 sana para sa recovery mula sa dip noong umaga..
pero mababa ang level na iyon kumpara sa entry point ko... πŸ™

pataas na ang direksyon ng Bitcoin after ng dip nila kahapon..
pero nanatili lang na opposite ang chart ng MANTA..
isang perpektong sabotahe laban sa akin.. πŸ™
na naman..
ibig sabihin nito na malaki na naman ang banta ng Bitcoin laban sa MANTA kapag naisipan na naman nilang mag-sell-off...

umaga, bumanat ng pump then dump ang Bitcoin.. πŸ™
tapos nag-pump na ulit nitong gabi...

is feeling , mga demonyo kayong lahat.. lahat ng pinapasukan kong asset nilalamon lang ng taglay kong kamalasan...

---o0o---


March 5, 2024...

[Trade]

day 84 mula sa pagkalugi...

bakit ba yung mga hindi kasali sa event ang sabog nang sabog..??
USD 253 ang napakawalan ko sa peak kanina ng BTTC..
sa BONK naman..
nakakatawa na ipinalugi nila ako noon sa 1135, sabay naglabasan ang mga balita na nawawala na daw yung hype nila at na lilipat na ang mga investor sa ibang meme coin..
tapos ngayon eh pumalo na sila hanggang 4800, dahil lang wala na ako sa poder nila..
USD 535 sana iyon para sa akin... πŸ™

is feeling , sobra-sobrang kamalasan...


>
[Trade]

gumawa pa ng 3rd pump ang Bitcoin bago ako natulog kagabi..
ang taas-taas na nila..
pero patuloy lang sa pagkabaon sa impiyerno ang MANTA... πŸ™

paggising ko naman kaninang umaga eh medyo bumaba na ang Bitcoin...

ang mga sablay ko sa MANTA..?
USD 14..
USD 69 para sa pump noong lunch..
USD 32 para sa pump noong hapon..
USD 12 sa short pump nitong gabi..
total of USD 127... πŸ™

na-miss ko yung pump noong lunch..
USD 19 sana iyon para sa akin kung nagamit ko yung peak..
pero umasa ako na maaabot yung target ko, at hindi na naman nga nangyari..
USD 4 na lang ang naisalba ko noong nag-exit ako..
bumaba ang MANTA hanggang USD 2.90, pero hindi ko inasahan na magpa-pump ulit sila hanggang sa malapit sa naunang peak...

samantala..
pumasok ako sa COTI dahil mataas pa ang level ng MANTA..
pero matapos iyon ay kaagad na bumaba ang COTI... πŸ™

is feeling , bakit hindi na lang nila padaanan yung mga target ko nang isang pasada..? bakit kailangan na laging below ng target ko ang pump nila...??

---o0o---


March 6, 2024...

[Trade]

day 85 mula sa pagkalugi...

Bitcoin crash noong madaling araw, nasa USD 10,000 ang nalagas sa kanila..
chance sana para makapasok sa USD 2.40 na palitan sa MANTA..
o USD 0.14 na palitan para sa COTI...

maganda din sanang pagkakataon para magamit yung bago sa listing na WIF..
lagpas 100% kasi ang nagawa nilang recovery matapos yung Bitcoin crash..
kaso nakakulong na ako that time sa COTI...

ang sablay ko sa MANTA..?
USD 54 sa immediate recovery..
USD 24 sa ikalawang pump..
USD 25 sa ikatlo..
USD 28 sa ikaapat..
USD 34 sa ikalima..
USD 21 sa ikaanim..
total ng USD 186... πŸ™

is feeling , yung halaga ng mga kailangan kong kitain sa bawat araw...


>
[Trade]

ang mga sablay ko naman sa COTI..?
USD 137 para sa immediate recovery nila mula sa Bitcoin crash..
USD 57 sa ikalawa..
USD 12 sa ikatlo..
USD 5 sa ikaapat..
total ng USD 211... πŸ™

gabi naman ng biglang nag-reverse ang galaw ng COTI kumpara sa Bitcoin..
USD 5 lang ang kinita ko noong naka-exit na ako, napamura ng USD 5 din..
nag-short sell ng USD 3, pero napamura ng USD 11..
short sell ulit ng USD 3, na napamura ng USD 7..
parang tanga lang talaga..
USD 11 pa lang ang kinikita ko ngayong araw, pero nasa USD 23 na yung hindi ko nama-maximize sa bentahan... πŸ™

is feeling , sobrang dami kong napapakawalan...

---o0o---


March 7, 2024...

[Trade]

day 86 mula sa pagkalugi...

umaga..
kinapos man ang COTI sa target ko, pero malaki na din yung nagawa nilang pag-angat..
USD 73 sana kung na-maximize ko mula sa bottom nila kahapon..
sa takot ko na mawalan ulit ako ng kita, eh nagbenta na ako nang USD 41 ang patubo, kinapos lang ng USD 8 kumpara sa naging peak ng COTI ngayong araw...

tapos, pumasok naman ako sa VANRY..
para sa dagdag kita..
kinabahan pa nga ako dahil mali yung level na napasukan ko..
pero mabuti na lang at umubra naman yung selling point ko, kaya naman kumita pa ako ng dagdag na USD 12..
USD 53 na recovered fund in less than 24 hours..
at hindi ko pa na-maximize ang araw dahil nag-general cleaning ako...

is  feeling , kailangan ko ng mga ganitong klase ng okay na araw.. para sa araw-araw...

---o0o---


March 8, 2024...

[Trade]

day 87 mula sa pagkalugi...

masyadong napababa ang buying bid ko sa USD 0.18..
ang mga sablay ko sa COTI..?
USD 33 kagabi..
USD 62 sa pump ngayong gabi..
at hindi pa doon nagtatapos ang pump nila..
so far nasa USD 95 na ang total ng mga napakawalan ko simula kagabi... πŸ™

sumabog din ang AST ngayong araw...

at mga AI assets simula pa kahapon...

is feeling , naging busy sa ospital...


Saturday, March 2, 2024

Airport Demolition II: Preparation to Conceal the Assassination Case

NOTE: this is not news..
i am not a reporter/journalist nor an influential person..
also, i'm not related to the government in any way..
but there are summary of news featured in this post..
it will require research in order to get the whole story regarding each particular news that is featured in here...

simple lang yan..
kapag nagpaapekto at nag-react ka sa opinyon ng ibang tao - eh BAKA nga may totoo sa mga sinasabi nila...



record ng ekonomiya..
record ng palitan ng piso sa dolyar..
record ng mga inutang..
record ng mga kinamkam at pinagnakawan..
record ng mga inabuso..
record ng mga itinumba..
record ng mga nawawala..
record ng mga kaso...

mga wala kayong utak..
at lahat kayo ay masasama...

is πŸ’€ feeling , from Php 3.91 to Php 20.46 na exchange rate.. from USD 599 Million to USD 26.7 Billion na utang.. sa kanila nagsimula ang pagkawasak...

---o0o---


daily prayer...

sa kung sino man ang nakikinig sa kawalan..
sana mai-serve na kaagad ang totoo at ganap na hustisya laban sa lahat ng miyembro ng alyansa para matigil na ang kasamaan nila...

at sana maging maayos na ulit ang mundo...

is πŸ’€ feeling , day 1330...

-----o0o-----


bagong impiyerno, bagong listahan..
lumampas na naman sa 500 ang bilang, kaya mag-i-start na ulit ako ng panibagong listahan ng mga kalokohan..
update (512 + 328 na)..
medyo in-organize ko rin yung mga kaso..
pero paki-note na hindi na ganung ka-accurate yung bilang, at posibleng may redundancy na rin dahil sa sobrang dami ng mga nakalista...

una, ang pagtataksil sa interes ng bansa at ng mga (ibang) mamamayan (lalo na yung mga naging biktima), at pagbalewala sa kasaysayan at dangal ng bansa:
  • yung pagbabanta ng dating Pangulo laban sa isang Representative na nagsusuri ng mga kuwestiyonableng budget
  • yung binuking ng dating Pangulo na may katiwalian daw sa hanay ng mga Representative
  • yung verbal na pag-atake ng mag-amang Duterte laban sa kasalukuyang Pangulo
  • yung gustong kumalas ng Mindanao sa bayan
  • yung tinanggal na ang EDSA People Power Revolution sa mga declared na holiday
  • yung halos umabot na sa Php 14 Trillion kaagad ang utang ng bayan noong April 2023 pa lamang
  • yung pumalo na nga sa Php 14 Trillion ang mga utang ng bayan noon pa daw August 2023
  • yung sinabi na pinakamaganda daw ang economic growth rate ng bayan kumpara sa buong mundo, samantalang umabot na kaagad sa halos Php 14 Trillion ang utang ng bayan
  • noong 2022, yung pagpapasa daw ng Office of the President ng pondo para sa Office of the Vice President
  • yung naghahabol ng nasa Php 10 Billion daw na intelligence at confidential fund
  • yung nasa Php 4 Billion daw ang confidential fund ng Office of the President
  • yung pahayag na hindi daw gagamitin na pondo para sa Maharlika Investment Fund ang pera ng GSIS, SSS, at Pag-IBIG, pero malaya daw yung mga institusyon na iyon na magpasok ng investment
  • yung kunwaring suspension ng Maharlika Investment Fund para daw muling pag-aralan, pero ang totoo ay gustung-gusto pa rin na ikasa iyon bago matapos ang taon
  • yung taon-taon na lumalaki ang budget ng Office of the President para sa travel
  • yung paggamit ng helicopter para lang makapunta sa concert ng Coldplay
  • kaninong pera kaya ang ginamit para pondohan ang kick-off rally ng kanilang Bagong Pilipinas' campaign
  • yung pahayag na hindi na makikipagtulungan sa imbestigasyon ng ICC para sa kapakanan ng mga kaalyado nila na dawit sa mga anomalya sa drug war
  • yung terorista na ang turing nila sa mga rebelde, pero gagawaran naman nila ngayon ng amnesty yung mga dati nang nahuli
  • yung ni-red-tag ng mga kaalyado nila ang mga rebelde bilang mga terorista, pero ngayon eh nagsusulong na ulit sila ng peace talks
  • yung halos inabot ng 1 taon bago nakapili ng magiging Secretary ng Department of Health
  • yung lagpas 1 taon bago nagtalaga ng Secretary ng Department of Agriculture
  • yung binigyan ng katungkulan ang isang masamang halimbawa na abogado
  • yung na-disbar ng Supreme Court yung itinalaga na adviser dahil sa masamang asal

are yung ang involved o semi-involved eh mga identified talaga bilang awtoridad o tauhan ng pamunuan, mga dati nang naging bahagi ng pamunuan, o kahit mga nagsasanay pa lang upang makakuha ng awtoridad:
  • sa Sandiganbayan, yung inabsuwelto yung isang Senador sa kasong Plunder kaugnay ng Pork Barrel Scam, pero guilty naman daw siya sa mga kasong direct at indirect Bribery
  • sa Quezon City, yung lalaking pulis at asawa niya na kinasuhan dahil sa investment scam nung babae
  • sa Alabang, Muntinlupa, yung tauhan ng BFP na arestado dahil sa modus na Promotion for Sale
  • sa NAIA, yung babaeng Security Screening Officer na nakita sa CCTV na isinubo daw yung ninakaw nito mula sa biyaherong foreigner
  • sa Maynila, yung talamak daw na pangongotong ng MTPB laban sa mga trucker
  • sa Bacoor, Cavite, yung 2 pulis at 1 sibilyan na hinuli dahil daw sa pangongotong laban sa mga transport group doon
  • sa BiΓ±an, Laguna, yung nahuling kandidato sa pagiging Barangay Kagawad na bahagi ng grupo na sangkot sa kidnapping at pangho-holdap
  • sa Angeles City, Pampanga, yung 7 pulis na sinibak sa puwesto matapos na masangkot sa ilegal na pag-aresto at pangingikil
  • sa DasmariΓ±as, Cavite, yung 2 pulis at 3 sibilyan na nahuli dahil daw sa extortion laban sa isang Egyptian patungkol sa pagsasampa ng kasong rape
  • sa isang hotel sa Pasay City, yung pulis at yung kapatid niya na nagpanggap na pulis, na naaresto matapos na mangikil laban sa isang babaeng Imperial citizen
  • sa Sampaloc, Maynila, yung nasa 5 pulis na pinaghahanap na ngayon, na nagnakaw daw kasi at nangikil ng pera mula sa isang computer shop
  • sa Toledo City, sa Cebu, yung pulis na nanloob ng isang kooperatiba
  • sa planta daw ng LTO sa Quezon City, yung 3 empleyado daw ng LTO na sangkot sa nakawan ng mga plaka
  • sa Cebu City, yung nasa 5 kawani ng LGU na sinibak sa trabaho dahil nagpositibo sila sa ilegal na droga
  • yung Hepe ng Mandaluyong City Police na sinibak sa puwesto dahil nagpositibo daw kasi sa surprise drug test
  • yung nagpositibo din yung sinibak na Hepe ng Mandaluyong City Police sa confirmatory drug test
  • yung nasa 24 na pulis sa buong bansa na nagpositibo sa isinagawang random drug test
  • sa Quirino, yung kandidato sa pagka-Barangay Kagawad na naaresto matapos na pagbentahan ng ilegal na droga ang isang pulis sa buy-bust operation
  • sa Muntinlupa City, yung 1 aktibong pulis at 1 AWOL na naaresto sa drug buy-bust operation, bukod pa daw yung 2 aktibo din na pulis na kasabwat din nila
  • sa BARMM, yung nasa Php 4 Million na halaga ng ilegal na droga na nasabat mula sa 1 pulis at 2 pang suspek
  • sa isang barangay sa San Juan City, yung outgoing na Sangguniang Kabataan Chairman na inireklamo ng pangmomolestiya ng isang bagong halal na SK Councilor
  • sa PNP-IAS, yung na-suspend na opisyales nila dahil sa patong-patong na kaso, kabilang na ang sexual harassment
  • sa Naic, Cavite, yung tauhan ng PCG na nag-amok at walang habas na nagpaputok ng kanyang baril
  • sa Las PiΓ±as City, yung kakasalin na lasing na pulis na nagwala at nagpaputok nang nagpaputok ng kanyang baril
  • sa Leyte, yung mag-asawang pulis na sangkot daw sa tensyon at pagpapaputok ng baril laban sa ilang taga-media
  • sa Mabini, Batangas, yung Mayor doon, at 2 pa niyang kapatid, na inaresto ng CIDG matapos daw makuhanan ng mga baril at pampasabog
  • sa Cebu, yung Barangay Chairman na naaresto dahil sa ilegal na baril at granada
  • yung sumuko na sundalo na nakipagbuno daw laban sa isang pulis-Makati
  • sa Davao Occidental, yung 3 pulis na nangmaltrato daw ng menor de edad na lalaki, binuhusan daw ng sukang may sili ang kanyang ari 
  • sa Quezon City, yung MMDA Traffic Constable na nanutok ng baril kesyo naingayan daw siya sa grupo ng mga biktima
  • sa Quezon City, yung retiradong pulis na nakunan ng video ng road rage laban sa isang siklista, kung saan nanghampas ng ulo at kinasahan ng baril yung biktima
  • sa DasmariΓ±as, Cavite, yung pulis na nanakit ng sibilyan sa pamamagitan ng pamamalo ng baril kesyo nakaaway daw ng kanyang kapatid yung biktima
  • sa isang bar sa Quezon City, yung pulis na nanutok ng baril at nagpaputok din daw matapos na may makaaway doon
  • sa Taguig City, yung empleyado ng Bureau of Immigration na nanuntok daw ng isang taxi driver na biglaang sumingit sa daan
  • sa Pandacan, Manila, yung inaawat sana na lalaki na napatay sa gulpi ng isang Barangay Tanod
  • yung 4 na Barangay Tanod na mula sa Las PiΓ±as na suspek sa pag-salvage sa isang lalaki na natagpuan ang bangkay sa may creek sa C5
  • sa Iloilo, yung 8 year old na aksidente daw na nabaril ng shotgun ng isang SK Kagawad
  • sa Ilocos Sur, yung 2 kapitbahay na namatay sa pamamaril ng isang retiradong pulis
  • sa Zamboanga City, yung 3 pulis na sinibak dahil sa pagkamatay ng 1 waiter
  • sa Tondo, Manila, yung empleyado ng NBI na namaril at nakapatay sa kanyang nakaalitan na lalaki dahil daw sa bullying
  • sa Navotas City, yung 17 y/o na binatilyo na napatay sa pamamaril ng mga pulis dahil lang daw sa mistaken identity
  • sa Rodriguez, Rizal, yung 15 y/o na binatilyo na napatay sa pamamaril ng mga naka-sibilyan lang na mga pulis, nadamay lang yung biktima sa pagtugis ng mga pulis sa kanyang kapatid na nasita ng mga ito
  • sa Malabon City, yung pulis na inaresto dahil sa pamamaril sa 3 biktima
  • sa Novaliches, Quezon City, yung pulis na inaresto matapos daw na mabaril at mapatay ang nakaalitan niyang lalaki sa isang bar
  • sa Pasay City, yung pulis na bumaril at nakapatay sa kapatid ng kanyang live-in partner
  • sa Lanao del Sur, yung 9 na pulis na iniimbestigahan dahil sa pagkamatay ng kapwa nila pulis na natagpuan ang bangkay sa ilog
  • sa Taguig City, yung pulis na napatay sa pamamaril ng kapwa pulis sa loob mismo ng kanilang opisina na baka daw nag-ugat sa pagtatalo tungkol sa ulam

are naman yung mga hindi pa malinaw kung anong klase nga ng mga tao ang involved o hindi tiyak o nabanggit kung sino ang nakatama o hindi masabi kung ano nga ang totoong nangyari:
  • yung kaso nung teacher na Beauty Queen na nawala sa Batangas, na hanggang ngayon ay hindi pa rin natatagpuan, kung saan pulis ang isa sa mga suspek
  • yung pagpatay kaagad sa mga bagong halal pa lamang na opisyal ng mga barangay sa iba't ibang panig ng bayan
  • yung 2 babaeng environmental activist na napaulat na nawawala, na pinapalabas na mga rebelde, na dinukot daw ng mga militar para manipulahin

heto naman yung mga may kinalaman sa kahinaan ng kasalukuyang penal system at pagpapatupad ng iba pang mga batas, patakaran, at sistema sa bansa:
  • yung may nakapasok na sa loob ng bayan na COVID-19 Omicron subvariant FE.1
  • yung nadali ng Medusa ransomware ang PhilHealth
  • yung una nang naging claim ng PhilHealth na hindi daw nanakaw ang data ng mga member, tapos sasabihin ngayon na hindi nila ma-determine kung may nanakaw nga ba at anu-ano iyon
  • yung naikalat na daw sa Dark Web yung ibang mga nanakaw na impormasyon sa PhilHealth
  • yung nasa 13 Million na members daw ng PhilHealth ang nai-leak na ang information online
  • yung pang-abalang suggestion ng PhilHealth na magpalit daw ng e-mail address at mobile number matapos ang naging kapabayaan nila
  • yung ang kapal ng mukha ng PhilHealth na igiit ang paghingi nila ng increase sa contribution, samantalang na-hack nga ang sistema nila at nagkalat na yung mga data online
  • yung paniningil ng PhilHealth ng rate of contribution na proportional sa kinikita ng mga tao, na para bang ang rate ng pagkakaroon ng sakit ng mga tao eh proportional sa kanilang kinikita
  • yung nagsimula na daw talaga ang PhilHealth sa paniningil ng contribution na 5% ng halaga ng sahod ng mga manggagawa nitong 2024
  • yung plano na bigyan ng temporary license yung mga Nursing graduate na hindi pa naman nakakapasa sa Nursing Board Exam, sa halip na ang bigyan ng trabaho ay yung mga nakapasa na pero hindi naman hina-hire
  • yung nauna nang kinuwestiyon ng mga taga-Kongreso yung panukalang wage hike ng Senado, tapos ngayon eh gumagawa sila ng panukala na may mas malalaking halaga
  • yung mass promotion o pagpapasa ng mga estudyante sa mga paaralan, kahit pa hindi naman talaga deserving yung iba
  • yung ibabalik na naman sa dati ang educational system
  • yung utos ng DepEd, yung bawal na ang mga educational material na nakadikit sa pader
  • sa DepEd, yung bawal daw ang mga decoration sa mga classroom, pero pwede ang Christmas decorations
  • yung hakbang ng DepEd, yung unti-unti nang binubura yung apelyido na related sa nakaraang diktadura
  • sa Antipolo City, yung 14 y/o na lalaking Grade 5 student na namatay ilang araw matapos daw sampalin ng guro
  • yung mga smuggled na sibuyas na nasabat daw noong 2019 pa, pero nalusaw na nang lubusan nitong 2023
  • noong nakaraang December daw, yung pinasok ng Department of Agriculture na overpriced deal para sa mga sibuyas na nasa Php 500 plus daw per kilo, na lumalabas na madaming ginawang manipulasyon sa data ng naka-deal na kooperatiba
  • yung plano na naman ng gobyerno na sabayan ng pag-aangkat ng sibuyas ang anihan ng mga magsasaka ng sibuyas dito sa bayan
  • sa Department of Agriculture, yung hinihiling nila na Php 50 Million daw na confidential fund samantalang sa dami na ng mga nasabat na smuggled agricultural products sa bansa ay wala naman silang binibitay na mga smuggler
  • sa Nueva Ecija, yung oversupply naman ng kalabasa
  • yung oversupply naman ng pinya sa Isabela at Cagayan
  • sa Nueva Vizcaya, yung napilitan na ang mga magsasaka na ibenta ang kanilang mga cabbage sa minimum na Php 3 per kilo dahil din daw sa oversupply
  • sa Nueva Ejica, yung mga magsasaka na mismo ang nagbebenta ng mga naani nilang puting sibuyas sa may kalsada dahil bagsak-presyo na ang mga sibuyas dulot ng importation
  • sa Benguet ngayong January, yung bagsak-presyo na naman ang mga inaning gulay ng mga magsasaka
  • yung pagpalo ng bentahan ng kamatis sa Php 200 per kilo sa NCR
  • yung nasa Php 500 to 720 na ulit ang presyuhan ng kada kilo ng siling labuyo
  • yung planong alisan ng taripa ang mga imported na bigas na tiyak na kokompetensya sa mga lokal na magsasaka
  • sa New Agrarian Emancipation Act, yung pwede kaagad na ibenta yung nakuhang lupa after 10 years lang
  • sa National Irrigation Administration, yung mga nasita nilang proyekto kung saan yung iba daw ay ilang dekada na pero hindi pa rin nakukumpleto
  • yung ayaw isuko ng DENR ang nasa Php 13 Million na confidential fund nila para next year samantalang hindi pa daw nila nagagamit yung confidential fund nila para sa kasalukuyang taon
  • yung bakit daw merong 10 undersecretaries at 20 assistant secretaries ang DSWD
  • yung handang magtapon ng nasa Php 500 Billion para sa libreng limos, pero walang pakialam kung mabubura sa bayan ang industriya ng mga traditional jeep na makaaapekto sa maraming mananakay
  • yung pag-apruba ng LTFRB sa Php 1.00 provisional increase sa pamasahe sa jeep
  • yung panay ang extension ng DOTr ng deadline para sa PUV consolidation, patunay na may duda sila sa sarili nilang mga plano
  • sa jeepney consolidation, yung may corporation daw na inagaw na ang mga jeep na pagmamay-ari mismo ng mga driver na nag-consolidate at nagpa-member sa kanila, bukod pa sa kinasuhan daw sila ng carnapping
  • sa NAIA, yung panibagong kaso ng power interruption kesyo may naiwan daw na tester
  • yung bombing sa NAIA, patunay na mahina ang seguridad doon
  • sa NAIA ngayong early 2024, yung mga namataang iba't ibang klase ng peste
  • yung naka-motor na MMDA Traffic Aide na nahuling gumamit sa EDSA Busway
  • sa EDSA Busway, yung sundalo, pulis, at empleyado ng gobyerno na nahuling dumaan doon
  • sa EDSA Busway na naman, yung bagong batch ng mga nahuling dumaan doon kung saan kabilang ang isang Barangay Kagawad
  • yung 2 airport police na sinuspende sa serbisyo matapos na dumaan sa EDSA Bus Carousel
  • sa EDSA Busway, yung bus na naaksidente matapos na umiwas dahil sa biglang pagpasok ng isang police car doon sa kanilang espesyal na lane
  • yung MMDA Traffic Aide na nahuling namamasada sa EDSA Busway, colorum daw yung van at nabisto na gumagamit ng pekeng sticker para makadaan doon sa busway
  • yung na-suspend na MMDA official, dahil daw sa isyu ng pagpapalagpas sa violation at sa pagpapadaan sa convoy kung saan inakala niya na kabilang ang sinasakyan ng isang Senador
  • sa SLEX, yung junior officer daw ng PCG na nagyabang at nag-drive ng klase ng motor na hindi pwede doon sa expressway
  • yung mga banyaga na nabisto na gumagamit ng mga lehitimong Philippine passport
  • sa DPWH sa Western Visayas, yung 4 na opisyales nila na kinasuhan sa Ombudsman dahil daw sa depektibong flyover
  • sa Davao City, yung under construction na tulay na nag-collapse kung saan 5 daw ang namatay habang 2 ang sugatan
  • yung wala pang pondo para sa ipinangako nilang fuel subsidy
  • yung lumalabas sa isinagawang testing na kahit picture pala ng hayop ay tinatanggap sa SIM registration ng iba't ibang kompanya
  • yung mga nabisto na specialized na registered SIM cards, na blanko lahat ng details na kaugnay dapat nung mobile numbers
  • yung Senador na gustong pabayaran ang hihigit sa unang ire-register na SIM card, na para bang hindi paraan ang paggamit ng private at public SIM para malabanan ang mga hacker, at na para bang reliable ang SIM card registration na ipinagawa nila
  • yung TV Network ng mga kasinungalingan, na ngangayon lang bubusisiin dahil lang sa may nasagasaan na mataas ang katungkulan sa Kongreso
  • yung Presidential Assistant for Strategic Communications, yung nag-share sa social media ng FAKE document tungkol sa half-working day
  • yung banta ng SEC na pagpapa-block laban sa Binance, samantalang nag-uusap na sila dati
  • patapos na at lahat ang February, pero wala pa ring ibinibigay na exact date ang SEC para sa pagpapa-block nila sa Binance
  • yung pag-amin ng PSA na nagkaroon din ng data breach sa kanilang sistema
  • yung nadali din daw ng data leak noong August pa yung isang portal ng DOST
  • yung na-hack na din ang website ng House of Representatives
  • sa Facebook page ng PCSO, yung may nag-post daw ng nude photos
  • yung Facebook page naman daw ng PCG ang na-hack, iyon ay matapos na ma-hack din ang kanilang Twitter account at mismong website
  • sa Presidential Electoral Tribunal (PET), yung nasilip ng COA na hindi pa nila isinasauli na unutilized cash deposit ng mga kandidato na naglaban sa protesta sa pagka-Vice President noong 2016
  • yung nasita ng COA ang OVP, dahil daw sa pagbili ng mga equipment para sa kanilang mga satellite office nang hindi sumusunod sa procurement laws
  • yung ayon sa COA ay ginastos ng OVP ang ginawa nilang confidential fund na Php 125 Million in just 11 days daw
  • yung nasilip ng COA sa DepEd, yung hindi daw pagre-remit ng premiums at contributions sa GSIS at iba pang ahensya, kahit pa nakaltas na daw ang mga iyon sa sahod ng mga manggagawa
  • yung nasilip ng COA sa Presidential Communications Office, yung nasa Php 26 Million daw na halaga ng terminal leave benefits na walang documents o hindi ginawan ng tamang deductions
  • yung nasilip ng COA sa Bureau of Customs, yung pagri-release daw ng nasa Php 3.558 Billion na halaga ng mga shipment na dapat sana ay idinaan sa 100% physical inspection pero hindi ginawa
  • yung nasilip ng COA sa Tourism Promotions Board, yung nasa Php 9.868 Million daw na halaga ng undocumented tokens o giveaways
  • yung nasilip ng COA sa Department of Transportation, yung 48 na unutilized Dalian trains ng MRT-3 na ayaw pa ring gamitin hanggang ngayon kahit na may nakalatag naman palang plano para magamit ang mga iyon
  • yung nasilip ng COA sa DSWD, yung pagdaan daw nila sa supplier na wala namang kinalaman sa food business para daw sa pagsu-supply ng relief goods, nasa Php 173 Million yung pinag-uusapan na halaga
  • yung hindi certified Halal yung ipinamahagi ng DSWD na relief goods para sa Muslim region
  • yung lumalabas na may immitation daw sa mga canned tuna na ipinamahagi ng DSWD
  • yung nasilip pa rin ng COA sa DSWD, yung lagpas Php 3 Million daw na ginastos nila para sa meals at hotel accommodations ng kanilang mga tauhan, bagay na irregular at unnecessary dahil may mas mura naman daw na alternatives
  • yung nasita ng COA sa SSS, yung nasa Php 92 Billion daw ang hindi nila nakokolektang kontribusyon mula sa mga pasaway na employers
  • yung nasita ng COA sa Department of Health, yung umaabot sa Php 7.4 Billion na halaga ng mga gamot at bakuna na nasayang lang noong 2022
  • yung nasilip ng COA sa PhilHealth, yung halos nag-triple na daw ang paglaki ng suweldo ng mga executives doon para sa year 2022
  • para sa Department of Tourism, yung video para sa pagpo-promote ng bayan pero gumamit pala ng stock footage na mula sa iba't ibang bansa
  • sa BIR, yung 26 na tauhan nila na sinibak sa serbisyo at 2 suspended dahil daw sa iba't ibang violations
  • yung nasa 26 daw na tauhan ng BIR na s-in-uspend dahil sa mga violation
  • yung napepeke na din daw kaagad ngayon yung bagong Php 1,000 bill
  • yung mga magtitinda na hindi tumatanggap ng mga natupi o nalukot na polymer bill, dahil natatakot sa mga babala patungkol sa ganung klase ng pera
  • sa PCSO, yung very alarming na win rate sa lottery games lately
  • sa PCSO, yung madalas na mapanalunan ang mga jackpot prize simula noong nagpalit ang administrasyon, pero talagang ginawa pa nilang Php 500 Million ang starting jackpot para sa ilang lotto games
  • sa Lotto ng PCSO, yung halos ilang araw pa lang ang nakalilipas matapos na gawin na Php 500 Million ang minumum jackpot price para sa 6/55 at 6/58, pero ayun at napanalunan na kaagad yung 6/58
  • sa PCSO, yung sa huling 5 draw sa 6/42 eh 4 na beses na kaagad na napapanalunan ang jackpot nila
  • sa 6/42 ng PCSO, yung sa huling 10 magkakasunod na bola nila eh 6 na kaagad na jackpot ang napapanalunan
  • sa PCSO, yung nabuking sila sa Facebook at inamin din nila yung tungkol dun sa edited na picture ng isang lotto winner
  • ang kagustuhan ng PCSO na burahin ang mga franchise at outlet nila, in favor sa e-lotto
  • yung bagong logo ng PAGCOR na nasa Php 3 Million daw ang halaga
  • yung nasa Php 4 Billion daw na gagawin na estimated na arawang pangungutang para sa taong 2024 para lang ma-meet yung panukalang national budget
  • yung mind-conditioning na ginagawa ng Secretary ng Department of Finance, yung lagi niyang pinapalabas na mas maganda daw ang lagay ng pananalapi ng bayan sa kasalukuyan at sa nakaraang administrasyon, kumpara sa Aquino administration
  • yung Secretary ng Department of Finance na naggiit na pwede daw magpasok ng investment sa Maharlika Investment Fund ang GSIS at SSS kahit pa ipinagbawal na iyon ng Senado
  • yung binago ang implementing rules and regulations para sa pagpili ng mga magha-handle ng Maharlika Investment Fund, pinababa yung qualifications para may mga maipasok sila
  • yung kagustuhan ng Maharlika Investment Corporation na mag-invest sa NGCP, samantalang lahat daw ng investment ng NGCP eh eventually sinisingil naman sa mga consumer kahit hindi pa naman natatapos ang mga project
  • yung ayaw i-suspend ang excise tax at value added tax sa petrolyo dahil mas makikinabang daw ang mga may-ari ng private vehicles, na para bang walang paraan para mag-concentrate lang sa mga mass transport PUV na dapat makinabang
  • sa Department of Finance, yung opisyal na pinag-resign daw dahil sa pagiging makatwiran
  • yung pagbasura ng Ombudsman sa mga kaso ng red-tagging na kinasasangkutan ng mga opisyales ng dating pinuno, dahil wala daw batas laban sa mapanirang paraan ng red-tagging
  • yung kagustuhan ng Ombudsman na hindi na ilabas sa publiko ang findings ng Commission on Audit
  • yung Senadora na tutol sa pakikipagtulungan sa ICC, kesyo gumagana naman daw ang sistema ng hustisya sa bayan, pero ang totoo ay hindi naman
  • yung Senadora na nagparatang na paghahanap daw ng gulo ang pagpayag sa ICC na imbestigahan ang mga iregularidad sa ipinatupad ng dating administrasyon na drug war
  • yung Senadora na tutol din sa peace talks, dahil tutol ang mga kaalyado niya, dahil hindi nga naman nila mapapakinabangan ang mga benepisyo ng red-tagging kung magkakaisa ang lahat
  • yung mga kaso na natakasan na naman ni Napoles dahil sa right to a speedy trial
  • yung 1 taon na pero wala pa ring hustisya para kay Percy Lapid, dahil hindi naman nahuhuli ang mga akusado
  • yung mga criminal witness na gusto na ding bawiin ang testimonya nila noon laban sa isang dating Senadora
  • yung dating pulis na gusto na ring bawiin ang kanyang ginawang testimonya noon laban sa isang dating Senadora
  • sa Port Management Office sa Bohol, yung 8 opisyales na nahuling nag-iinuman sa mismong opisina
  • yung lasing daw na rider na nakasagi ng mga pasahero sa EDSA Busway, na nakumpirma na tauhan pala ng MMDA
  • sa command conference ng NBI, yung sexy dance performance daw
  • sa NBI, yung nasa poder nila na drug suspect at 5 jailguard na inaresto matapos na mapag-alaman na nakakalabas ng kulungan yung suspect, nag-dinner daw sa isang hotel sa Makati
  • yung mga lalahok sana sa selebrasyon ng EDSA People Power ngayong taong 2024 na hinarang ng mga pulis
  • yung panghuhuli ng mga pulis ng mga jeepney driver na sasali sana sa rally, kesyo out of line daw samantalang hindi naman sila papasada
  • sa kaso ng panununog sa isang modern jeep sa Catanauan, Quezon, yung basta na lang pagkulong sa 4 na suspect na pawang mga professional, kahit pa may mga CCTV footage at mga witness na nagsasabi na malayo sila sa lugar na pinangyarihan noong naganap yung krimen
  • sa kaso nung road rage sa Quezon City na may nangyari pang kasahan ng baril, yung lumalabas na na-dismiss pala dapat sa serbisyo dati yung retiradong pulis
  • sa kaso nung road rage sa Quezon City, yung lumalabas na nakatanggap nga ng kanyang retirement benefits yung pulis, kahit pa na-dismiss naman siya dapat sa serbisyo
  • sa kaso nung road rage sa Quezon City, yung ngangayon lang binabawi yung retirement benefits na natanggap nung pulis puwerket naging public ang istorya niya
  • sa kaso nung mistaken identity sa Navotas, yung lumalabas na may pending dismissal order noon pa daw taong 2020 laban doon sa pulis na itinuturong unang nagpaputok ng kanyang baril laban sa mga biktima
  • yung December 25 pa lang, pero may mga nahuli ng pasaway dahil sa illegal discharge of firearms, kung saan 2 daw ang pulis at 2 ang sundalo
  • hanggang nitong January 2, yung nadagdagan pa ang mga kaso ng illegal discharge ng baril, 1 pulis at 1 Barangay Kagawad ang ilan sa mga nadagdag sa listahan
  • sa PNP, yung pagkawala daw ng ilang case folder ng mga pulis sa NCRPO na may kinakaharap pang mga kaso
  • sa Quezon City, yung bahay ng OFW na nanakawan ng grupo ng mga kabataan na paulit-ulit na daw na nahuhuli at nakakalaya
  • sa DasmariΓ±as, Cavite, yung 2 menor de edad na babae na agaw-buhay na natagpuan sa isang bakanteng lote, na biktima ng rape, kung saan dati nang may mga kaso ang mga suspek
  • yung pag-amin ng Chief ng Bureau of Corrections na hinahayaan talaga ng ibang tauhan ng BuCor ang pagpapapasok ng mga kontrabando sa loob ng mga kulungan
  • sa New Bilibid Prison, yung panibagong kumpiskahan kung saan may mga nakuha na granada, mga sumpak, at mga ice pick
  • sa New Bilibid Prison sa Muntinlupa City, yung 9 daw na sugatan na preso matapos ang pamamaril ng 1 ding bilanggo at may ulat din na may napatay daw dahil naman sa pananaksak ng ice pick habang may komosyon nga
  • sa New Bilibid Prison, yung panibago na namang kaso ng preso na napatay sa pananaksak ng kapwa niya preso
  • yung bombing sa Mindanao State University sa Marawi, yung lumalabas na may kumalat na palang text messages patungkol sa posibleng pag-atake, pero nalusutan pa din sila
  • yung kaduda-dudang dami ng intelligence fund sa gobyerno
  • yung branding laban sa mga nagbabantay sa pondo ng bayan, na pinaratangan sila bilang kalaban ng kapayapaan at ng bayan dahil sa pagsusuri nila sa mga kaduda-dudang confidential fund
  • yung palabas na kesyo pamumulitika daw ang pagsusuri sa national budget lalo na yung mga confidential
  • yung tutol sa peace talks dahil mawawala ang nakukuha nilang benepisyo mula sa red-tagging at confidential fund  
  • yung madami palang local government unit ang nag-a-allocate na din ng confidential fund
  • yung may confidential fund na din pala ang PCSO
  • yung nasa Php 21 Million na intelligence fund na nire-request naman ng MMDA
  • sa Department of Migrant Workers, yung nagre-request na din sila ng confidential fund para DAW labanan ang mga illegal recruiters at scammers
  • yung confidential fund ang idinadaing ng DICT, samantalang technology at technical knowledge ang kailangan para sa cyber security
  • yung mga ahensya na tinanggalan ng confidential fund para sa taong 2024, pero pinalitan lang naman ng ibang item yung confidential fund, kaya ibig sabihin na hindi talaga kailangan na maging confidential ang category ng mga pondo na iyon
  • sa Kongreso, yung ayaw na makukuwestiyon yung budget ng kaalyado ng marami
  • sa Kongreso, yung pinagpatayan ng microphone ang isang Representative na gustong magsuri ng minamadaling budget
  • yung Senador na nagsabi na dapat i-consider ang role ng Vice President sa NTF-ELCAC para sa panghihingi nila ng confidential fund, samantalang may kanya namang budget ang NTF-ELCAC, at iba ang purpose ng OVP at DepEd
  • yung Senador na nag-red-tag ng opposition, na kesyo recruitment daw ng mga rebelde ang dahilan kung bakit sinusuri ng mga ito ang kaduda-dudang paggastos ng pondo ng bayan
  • yung Senador na protektor ng SMNI dahil sa gawain nila ng red-tagging
  • yung Senador na gustong ipa-deport ang mga investigator ng ICC kung sakali daw na nakapasok na sila sa bayan
  • yung Senador na nagsabi na ang pagsuporta daw sa imbestigasyon ng ICC tungkol sa mga iregularidad sa drug war ay nangangahulugan ng hindi daw pagmamahal sa bayan
  • yung Senador na ang lakas ng loob na magsalita ng tungkol sa hindi pagmamahal sa bayan, samantalang ni hindi niya alam ang titulo ng National Anthem
  • yung Senador na nagsabi na gantihan daw ng water cannon ang mga taga-Imperyo, na malamang na hinihintay ng mga iyon para makapagsimula na ng totoong digmaan
  • yung mga Senador na protektor ng pinuno ng isang religious group na may mga kaso dito sa bayan at maging sa ibang bansa
  • yung ginawang opisyal ng gobyerno na ini-enjoy ang pagre-red-tag sa isang biktima ng unsolved assassination crime
  • yung Representative na nagsasabi na huwag na daw kasuhan ang tatay nila dahil sa death threat at huwag na din daw dumaan sa media
  • yung d-in-ismiss ng Quezon City Prosecutor's Office yung grave threats complaint laban sa dating Pangulo
  • yung pagiging pasaway ng maraming mga Senador sa panahon ngayon
  • yung asawa ng isang Senador, yung nagpa-glutathione drip session daw sa opisina sa Senado ng kanyang mister
  • yung Senador na hindi alam ang gagawin sa kanilang pagpupulong
  • yung Senador na sinisisi ang mga dating Senador para sa mga problema ng bayan sa kasalukuyan, samantalang mga kaalyado niya ang madaming nagawang kasalanan laban sa bayan
  • yung kaalyado din nila na Senador na protektor na din nung TV Network para sa red-tagging
  • yung Senador na ang habol sa Charter Change ay ang pagpaparami ng pinagbobotohan na mga katungkulan at ang pagpapadami sa posibleng termino ng elected officials
  • yung pagpapapirma daw sa mga mamamayan kapalit ng Php 100 lamang para sa pagsusulong ng People's Initiative para lang mabago na ang konstitusyon
  • yung paggamit daw ng mga ayuda bilang pangako, bilang kapalit ng pagsuporta ng mga mamamayan sa People's Initiative na magsusulong sa pagbabago ng konstitusyon
  • yung mga bumawi na sa pirma nila mula sa People's Initiative, kesyo nalinlang daw sila na para sa pagtanggap ng mga ayuda yung pinirmahan nila
  • yung commercial tungkol sa pagbabago ng konstitusyon, yung may halong paninira sa 1987 Constitution at mga pahaging din laban sa EDSA People Power
  • yung commercial tungkol sa pagbabago ng konstitusyon, na gustong ibugaw ang mga lupain ng bayan sa mga banyaga
  • hindi nga nila mapigilan ang sistema ng permanenteng contractualization dito sa bayan, tapos uunahin pa nila ang pagbibigay ng dagdag na kalayaan sa mga foreign investors
  • yung opisyal ng COMELEC na umamin na hindi sila naging transparent noong nakaraang 2022 election
  • sa nakaraang eleksyon, yung sinasabi na mga transmitted results daw na isang common IP address lang ang pinanggalingan, bagay na imposible dapat mangyari dahil galing dapat ang mga transmission sa iba't ibang lugar sa bayan
  • sa 2023 Barangay Elections, yung mga pumalpak na vote counting machine samantalang konti na nga lang ang ginamit
  • sa 2023 Barangay Election, yung mga botante na wala na sa voter's list ng COMELEC
  • yung mga bilanggo na nanalo sa 2023 Barangay Elections, na para bang hindi nag-iisip kung paano gagampanan ng mga taong iyon ang kanilang mga tungkulin habang nasa kulungan sila
  • yung ang aga pa, pero nagbabangayan na kaagad ang matataas na pinuno na nag-claim noon na nagsusulong kuno ng pagkakaisa
  • ang pagpapatibay ng Supreme Court sa pagbasura sa mga kaso laban sa pamilya ng Diktador
  • yung kaso ng pamilya ng Diktador na ibinasura na naman ng Supreme Court, nakaw na yaman na may naging kaugnayan daw sa negosyo ni Lucio Tan
  • yung Senador na nagkukunwari na hindi daw nangha-harass sa pinag-aagawan na karagatan ang mga taga-Imperyo sa panahon ng kanyang dating amo
  • yung POGO daw na nakalabas ng bayan nang hindi nagbabayad ng Php 2.2 Billion sa gobyerno
  • sa mga website ng pamunuan ng bayan, yung tangka daw na pangha-hack ng mga hacker na na-detect mula sa state-owned telecommunications company ng Imperyo
  • yung may demonyong barko ngayon ang Imperyo sa daungan ng bayan
  • yung may nangako daw sa Imperyo na tatanggalin yung BRP Sierra Madre mula sa may Ayungin Shoal

at may kaso na iba-iba ang kategorya:
  • yung nagsisimula na ngang lumaganap ang Deepfake news sa bayan, mga mukha na ng mga lehitimong newscaster ang ginagamit nila
  • yung mga mamamahayag na nagsasabi na kapag daw history ay hindi na makakalimutan, samantalang madami nang patunay na madami ng mga personalidad sa kasaysayan ang hindi na kilala ng maraming mga mamamayan
  • yung mga panatiko na isinisisi parati sa iba ang ginagawang pagwasak ng kanilang mga pinuno sa bayan
  • yung napakaagang mind-conditioning na isinasagawa ng mga nagse-survey, naglilista na kaagad sila ng mga pangalan na bibilangin ng mga makina
  • yung gustong humiling ng mga jeepney transport leaders ng Php 2 to 5 na taas-pasahe, na para bang yumayaman ang mga mananakay sa malagim na panahon ngayon
  • sa San Fernando, Pampanga, yung Belgian Malinois daw na asong may rabies na nagawang makapangagat ng nasa 14 na biktima
  • sa Cebu, yung bata na kinagat sa mukha ng aso na wala daw bakuna kontra sa rabies, tapos nasugatan pa yung bata sa kanyang mata
  • sa Talisay City, Cebu, yung 68 y/o na lolo na natagpuang patay sa loob ng banyo na mukha daw nilapa ng mga alaga niyang aso
  • yung hirap ang mga kabataang mag-aaral ngayon sa Mathematics, Science, at Reading
  • sa isang mall sa Lapu-Lapu City, Cebu, yung 2 grupo ng mga kabataan na nagrambulan doon
  • sa Caloocan City, yung riot ng mga basurang kabataan na may batuhan pa ng Molotov bomb
  • sa Paombong, Bulacan, yung madalas na rambol ng mga kabataan tuwing gabi, kung saan may gumagamit pa ng itak, at naglalaban-laban sila kahit baha sa kanilang lugar
  • sa Tondo, Manila, yung estudyanteng lalaki na pinaslang sa gulpi ng grupo ng mga kalalakihan dahil lang daw nagkasagian sa bar
  • sa Quezon City, yung Criminology student na pinatay sa hazing
  • sa basurang Imperial app, yung nabisto na bayad na demolition job by social media influencers, laban sa isang babaeng celebrity at sa kompanya nila, kung saan Php 8,000 daw ang bayad per influencer
  • yung mga nakawan sa e-wallet ng Maya, kung saan ni wala daw SMS notification o OTP na s-in-end sa may-ari ng account para ma-authorize yung transaction
  • yung mga nakawan sa e-wallet naman ng GCash, ipinadala daw ang lahat ng nawalang pera ng ilang account sa iisang merchant lamang
  • yung modus daw ng sindikato ng mga pulubi na may GCash account para sa pagtanggap ng mga limos
  • yung nasa Php 400 daw ang bentahan ng registered na SIM card, tapos nasa Php 800 kung may e-wallet din
  • yung bentahan ng mga online account sa panahon ngayon, particularly mga financial account na nakapag-undergo na ng verification process
  • yung bentahan daw ng mga government ID ng bayan para sa mga foreign POGO workers
  • yung sabwatan ng mga courier at ng mga sindikato na nangongopya ng mga credit card para mapagnakawan yung totoong holder
  • sa Manila, yung Australian Vlogger na pinasakay ng tricycle at saka sinubukang singilin ng daan-daang piso kahit wala namang license yung mapagsamantalang  driver
  • sa Bacolod City, yung mga nagnanakaw ng sobrang mamahalin na telco cell site batteries
  • sa Bulacan, yung mga bodega kung saan nagre-repack daw ng mga imported na bigas para gawin na mas mahal na lokal na bigas
  • yung rank 2 na daw ang bayan pagdating sa pagpo-provide ng child pornography online para sa buong mundo
  • yung banta ng panibagong flu-like illness na nauuso ngayon sa Imperyo
  • sa Maynila, yung nasa Php 50 Million na halaga ng mga nasabat na smuggled frozen products, kung saan 1 Imperial citizen ang kabilang sa mga naaresto
  • sa Pasay City, yung nasabat na nasa Php 2 Million na halaga ng smuggled meat daw na mukhang galing sa Imperyo
  • sa ParaΓ±aque City, yung nasabat ng Department of Agriculture na nasa 600 kilos ng smuggled meat na suspected na galing sa Imperyo
  • sa isang cold storage facility sa Navotas City, yung nasabat na nasa Php 40 Million na halaga ng mga smuggled na karne, na ang iba ay galing sa Imperyo
  • sa Bulacan, yung mga Imperial citizen na nahuli dahil sa pagbebenta ng pinekeng sikat na brand daw ng tsinelas
  • yung 3 Imperial citizen na nahuli dahil sa pagbebenta ng mga pekeng pain relief rub
  • sa Agoncillo, Batangas, yung na-raid na dating resort-spa, na ginawang pagawaan ng pekeng brand ng sigarilyo, kung saan 6 na Imperial citizen ang kasama sa mga nahuli
  • sa San Pablo City, Laguna, yung nasamsam na nasa Php 2 Million na halaga ng mga pekeng sigarilyo, kung saan Imperial citizen daw ang supplier
  • sa 3 magkakaibang warehouse, yung nasabat ng BOC na halos Php 4 Billion na halaga ng mga smuggled na e-cigarettes at vape products na galing daw sa Imperyo
  • sa ParaΓ±aque City, yung salon na may lihim na ilegal na pasugalan kung saan nahuli ang 11 na Imperial citizen at 3 lokal na mamamayan
  • sa Bonifacio Global City sa Taguig, yung Imperial citizen na nakabangga ng SUV na mukhang driving under the influence of alcohol daw
  • sa ParaΓ±aque City, yung nahuli na 6 na Imperial citizen at 1 lokal na mamamayan na babae dahil daw sa pagsasagawa ng abortion
  • sa Pasay City, yung Imperial citizen na nahuli matapos na magpa-deliver ng pagkain na may kasamang ilegal na droga
  • sa NAIA, yung Imperial citizen na nasa blacklist daw ng Bureau of Immigration, na hinuli dahil daw sa pagpapatakbo ng prostitution den dito sa bayan
  • sa ParaΓ±aque City, yung 11 Imperial citizen at 1 babaeng lokal na mamamayan na inaresto at nabuking pa sa kasong human trafficking, mga babaeng Imperial citizen daw ang kanilang ibinubugaw sa mga high-end na kliyente
  • sa Pasay City, yung POGO hub na natanggalan na ng lisensya, na nahuli sa raid dahil sa prostitution
  • sa ParaΓ±aque City, yung isa pang POGO hub na ni-raid dahil sa prostitution, kung saan 2 Imperial citizen ang inaresto
  • sa Iloilo City, yung nasa 17 na Imperial citizen na nahuli sa kanilang cybersex den
  • sa isang subdivision sa Pasig City, yung 2 Imperial citizen na naaresto ng NBI dahil sa pagkakaroon ng mga baril
  • sa NAIA, yung Imperial citizen na nahuli dahil daw sa pagtatago ng 2 bala ng baril at sachet ng hinihinalang ilegal na droga sa loob ng kanyang sapatos
  • sa Santa Rosa, Laguna, yung 2 lalaking Imperial citizen na dawit daw sa pagdukot sa 1 babaeng Imperial citizen
  • sa Pasay City, yung 3 Imperial citizen na arestado dahil sa pagdukot sa kapwa nila Imperial citizen
  • sa Pasay City, yung Vietnamese na dinukot daw ng 2 kapwa niya Vietnamese at ng 1 Imperial citizen kapalit ng ransom
  • sa BiΓ±an City, Laguna, yung 3 Imperial citizen na nahuli dahil sa pag-kidnap sa isang babaeng Imperial citizen din
  • sa Meycauayan, Bulacan, yung 3 Imperial citizen na nasagip mula sa pagdukot sa kanila, kung saan mga kapwa nila Imperial citizen ang suspek
  • sa Bohol, yung 4 na Imperial citizen na naaresto dahil sa kasong kidnapping, may kaso din sila na illegal possession of firearms
  • sa Malabon City, yung babaeng Taiwanese na dinukot ng isang grupo at sinasabing ginahasa din daw, kung saan 2 Imperial citizen na suspek ang nadakip
  • yung babaeng Taiwanese na wanted daw sa Taiwan dahil sa kasong large-scale fraud, na nasagip sa Malabon mula daw sa pang-aabuso at panggagahasa ng grupo ng mga Imperial citizen
  • yung nagalit ang Eastern Empire sa mga bansa na bumati para sa resulta ng eleksyon sa Taiwan
  • yung kalokohang 10-dash line ng Eastern Empire
  • yung wala na daw corals sa may Rozul Reef, mukhang inubos na daw ng Imperyo
  • yung nawawasak na daw ang Bajo de Masinloc ng cyanide fishing, na mga banyaga daw ang may kagagawan, kabilang na ang mga Imperial citizen
  • yung pahayag ng Imperyo na drama lang daw ang pagmamalasakit para sa kalikasan, sa yamang tubig
  • yung pahayag ng Imperyo na nakakasira daw ng karagatan ang stranded na sirang barko, samantalang madami ng mga barko ang lumubog sa ilalim ng mga karagatan
  • yung nasa 135 daw na Imperial militia vessel na nag-okupa na sa Julian Felipe Reef
  • sa Bajo de Masinloc, yung harassment daw ng Imperial coast guard laban sa mga lokal na mangingisda, pinabalik daw sa dagat yung mga sea shell na nakolekta nila bago sila itinaboy mula doon sa area
  • sa may Occidental Mindoro, yung bangka ng mga lokal na mangingisda na binangga daw ng Imperial bulk carrier
  • yung naglatag na ang Imperyo ng floating barriers sa may Bajo de Masinloc
  • sa may Bajo de Masinloc, yung may mga nakalatag na daw ulit na floating barriers na malamang ay kagagawan pa din ng Imperyo
  • sa may Ayungin Shoal, yung pagharang ng Imperial Coast Guard sa mga barko ng bayan na papunta doon sa area
  • sa West Philippine Sea, yung paggamit ng water cannon ng Imperial coast guard laban sa mga sasakyan ng PCG
  • yung muling paggamit ng barko ng Imperyo ng water cannon laban sa mga barko ng bayan na nasa resupply mission para sa BRP Sierra Madre
  • sa may Bajo de Masinloc, yung 3 resupply boats daw ng BFAR na binomba ng water cannon ng mga Imperial vessel
  • sa may Ayungin Shoal, yung engine ng isang barko para sa resupply mission ng bayan na nasira daw matapos na bombahin ng water cannon ng Imperial vessel, may nangyari din daw na banggaan
  • sa Ayungin Shoal, yung lagi nang hinaharang ng Imperial coast guard ang resupply mission ng bayan doon
  • sa may Bajo de Masinloc, yung muling panghaharang ng mga barko ng Imperyo sa mga sasakyan na ipinadala ng BFAR
  • sa may Ayungin Shoal, yung mga barko ng bayan na magdadala ng supply na binangga ng mga barko ng Imperyo
  • sa Bajo de Masinloc, yung pagharang at masyadong paglapit ng mga barko ng Imperyo sa barko ng Philippine Coast Guard
  • sa may Pag-asa Island, yung dangerous maneuvers daw ng barko ng Imperial Navy laban sa barko ng Philippine Navy
  • sa West Philippine Sea, sa joint patrol ng bayan katulong ang Australia, yung aircraft ng bayan na inikutan ng 2 fighter jet ng Imperyo
  • yung mga extremists na supporters ng mga terorista, na walang respeto sa mga cultural at historical sites sa iba't ibang panig ng mundo, at nang-aabala na din ng mga inosenteng buhay sa mga bansang iyon
-----o0o-----


February 24, 2024...

sa may Bajo de Masinloc..
yung muling panghaharang ng mga barko ng Imperyo sa mga sasakyan na ipinadala ng Bureau of Fisheries and Aquatic Resources (BFAR)...

is feeling , mga gahamang demonyo...

---o0o---


February 25, 2024...

[Natural Calamities]

sa bandang gitna..
nasa Magnitude 5 na lindol..
sa may area ng Eastern Samar...

is feeling , maling lugar...


>
yung mga lalahok sana sa selebrasyon ng EDSA People Power ngayong taong 2024 na hinarang ng mga pulis.. πŸ™
mga mula daw sa Cavite at Laguna...

is feeling , nakakabastos nga naman 'yon laban sa mga ganid sa kapangyarihan, sa mga mandaraya, sa mga mandarambong, at sa mga tiwali...


>
yung mga bumawi na sa pirma nila mula sa People's Initiative..
kesyo nalinlang daw sila..
sinabi daw na para sa pagtanggap ng mga ayuda yung pinirmahan nila, at hindi nila batid na para iyon sa Charter Change...

is feeling , Corrupts' Initiative...

---o0o---


February 27, 2024...

yung Facebook page naman daw ng Philippine Coast Guard (PCG) ang na-hack..
nilagyan daw ng mga video...

iyon ay matapos na ma-hack din ang kanilang Twitter account at mismong website...

is feeling , paanong naha-hack kung may mobile number na kadikit yung account...??


>
sa Legislative Branch..
yung nauna nang kinuwestiyon ng mga taga-Kongreso yung panukalang wage hike ng Senado..
tapos ngayon eh gumagawa sila ng panukala na may mas malalaking halaga...

is feeling , paasa daw..? tapos mas tinaasan naman nila ang pangako nila...??

---o0o---


February 29, 2024...

[Natural Calamities]

kahapon ng umaga..
isang nasa Magnitude 5.3..
at isang nasa Magnitude 5.4..
parehas sa may area ng Surigao del Sur...

is feeling , pasaway kasi ang mga kapitbahay nila...

---o0o---


March 1, 2024...

[Natural Calamities]

sa ibaba..
kahapon ng hapon..
nasa Magnitude 5.4 na lindol..
sa may area pa rin ng Surigao del Sur...

is feeling , palagi na lang...


>
sa NAIA..
yung mga peste na recently na namataan sa poder nila.. πŸ™
surot noong una..
daga naman ang kaagad na sumunod..
tapos may humabol pang ipis...

ang tanong..?
bukod sa wala namang nauulat na mga ganung insidente dati..
paanong namahay yung surot sa metal na upuan...??

is feeling , sabotahe..? para ma-justify ang pagpapalit ng pangalan...??


>
sa 3 magkakaibang warehouse..
yung nasabat ng Bureau of Customs (BOC) na halos Php 4 Billion na halaga ng mga smuggled na e-cigarettes at vape products..
mga galing daw sa Imperyo...

is feeling , nakalibre na naman sila sa importation...


Ang Alamat ng Most Undesirable Guy on Earth - Last Week of February 2024 (Dateless Dream)

Loveless Story


February 24, 2024...

so na-mail na pala yung Google check ko noong isang araw pa..
first time ko 'to..
ni hindi pa ako nakahawak ng check sa buong buhay ko...

saka ko na aalamin kung paano gagawing cash kapag natanggap ko na...

is πŸ’Œ feeling , hihintayin pa...


>
saw an update from Attendant M kagabi..
bagay na bihira niyang gawin sa messaging app..
nakita ko na naman yung magandang ngiti niya...

she seems to be doing fine..
although hindi ko makuha kung anong koneksyon ng Tourism sa Culinary..
Hospitality Management courses ang alam ko na may kinalaman sa ilang Culinary subjects..
kaya hindi ko masabi kung nag-aaral pa din ba siya sa ngayon o nagtatrabaho na ba...?

is πŸ’” feeling , no reply pa rin...

---o0o---


February 26, 2024...

nag-message kay Attendant Ry ngayong araw..
nagtanong tungkol sa pagbabago ng dibdib niya..
kung meron nga...

still considering her para sa Dream Date..
for 3 consecutive years na..
mula 2022 hanggang ngayong 2024...

kaso no reply eh..
hindi yata nagustuhan yung tanong ko... πŸ™

is πŸ’” feeling , lahat ng candidate hindi na nagre-reply sa akin.. matatapos na lang nga yata talaga ang buhay ko nang hindi nakukumpleto iyon...

---o0o---


February 28, 2024...

[Game]

end ng Mystic Era..
nasa rank naman na nasa lagpas 13,000...

nakakarumi lang talaga..
bawat pagbabago na ginagawa ng mga developer..
mas lumalakas pa ang ibang mga peste..
samantalang sa papahina nang papahina yung sa akin..
lalo tuloy akong nawawalan ng tsansa na maibenta sila...

is feeling , kailangan nang may kumilos laban sa demonyong game na 'yon...


>
malas ako..
malamang dahil sa die will be done... πŸ™

kapag malas ka..
automatic na bobo ka..
automatic na tanga ka..
kahit na ano pang mga alam mo, eh lagi ka lang magiging mali..
at lagi kang miserable..
bukod pa sa madami kang sakit sa katawan... πŸ™

dapat laging tandaan ng mga tao..
pinagpapaslang noon ang mga batang Egyptian na walang kinalaman sa gulo nila..
dahil wala naman talagang halaga ang buhay ng mga tao..
laruan lang ang buhay ng mga nilalang para sa mga makapangyarihan..
at walang pinagkaiba sa mga Egyptian na iyon ang buhay ko... πŸ™

is feeling , kailangan nang mawala ng mga makapangyarihan...


>
binuksan ni Attendant M recently yung mga messages ko para sa kanya..
kasama na din yung mga luma..
although hindi pa din naman siya nag-reply...

dahil wala din namang reply si Attendant Ry..
iniisip kong ibalik yung proposal kay Attendant Y..
kaso hindi malambing yung isang 'yon..
pero sumasayaw siya..
ayaw nga lang din niya ng nagko-commute...

is πŸ’” feeling , perpekto lagi ang pagkasira sa Dream Date.. hindi lang sa Dream Date, kundi sa buong buhay ko pala...

---o0o---


March 1, 2024...

not good..
9 days na simula noong i-mail sa akin yung Google check ko..
pero wala pa din akong natatanggap dito sa bahay..
hindi ako pamilyar sa ganitong proseso nila...

kung yung mga credit card eh nakokopya ng mga sindikato habang nasa courier..
posible kaya na nakawin din ang check ng mga courier...??

is feeling , huwag naman...

-----o0o-----


[V-League]


PVL All-Filipino Conference 2024


February 24, 2024...

Creamline versus Farm Fresh...

iniwan na nga ni Domeng ang Creamline..
lumipat na siya sa Akari, na-offer-an siguro ng mas malaki.. πŸ™
dahil dun, hindi na kasing-lakas ng dati ang middle ng Creamline..
at wala pa din si Morado...

mukhang ibinalik sa dati ang sistema ng laro..
at may Green Card na ngayon sa PVL, for fair play...

extended kaagad ang Set 1, grabe yung 36-34, malalakas ang atake ng Farm Fresh, nanaig sila dahil sa tulong ng 11 errors ng Creamline..
napanindigan naman ng Creamline ang Set 2 sa kabila ng kanilang marami pa rin na 10 errors..
Set 3, Gumabao at Pons muna para sa Creamline, maagang nakalamang ang Farm Fresh, pero naagaw naman ng Creamline yung set..
nagawa nang makalayo ng Creamline sa Set 4, with the same lineup from Set 3, at nagkaroon pa ng playing time ang bench nila...

at naitawid na nga ng Creamline ang 1st match nila...

Creamline's Green Card - 1

is  feeling , para kay Galanza.. at kay Morado pa rin...

---o0o---


February 29, 2024...

2nd match ng Creamline..
pagsubok kaagad sa kanila laban sa Akari, at kay Domeng...

naglalaro na si Lazaro, dikitan ang labanan sa Set 1, pero naitawid naman ng Creamline dahil sa kanilang 17 attacks at 3 service aces kontra sa sarili nilang 9 big errors..
Set 2, Domeng in, BDL in, naagaw ng Akari ang set dahil sa kanilang 6 kill blocks na dinagdagan pa ng 8 big errors ng Creamline..
palitan ng kalamangan sa Set 3, na-activate ni Maraguinot si Soltones, pero mas nanaig ang Creamline dahil sa lahat ng scoring stats kontra sa kanilang 8 still big errors..
maagang nakaagwat ang Creamline sa Set 4, at hindi na nga nakahabol pa ang Akari...

hindi talaga bagay ang angas ni BDL sa environment ng Creamline..
pero ang mahalaga ay nalagpasan nila ang banta ng bagong team ni Domeng...

Creamline's Green Card - 2

is  feeling , para kay Galanza.. at para kay Morado pa rin...

-----o0o-----


February 24, 2024...

[Trade]

day 74 mula sa pagkalugi...

matapos bumagsak ng NFP kahapon, eh nagawa pa din naman nilang umakyat muli..
from USD 0.716 to 0.780..
pero kapos iyon sa ginawa kong entry point..
USD 30 sana 'yon para sa akin, pero sa halip ay sa pagkalugi nga ang sinapit ko, na naman... πŸ™

malas talaga..
walang sablay at walang awa ang kakayahan ko na pabagsakin ang Bitcoin..
para lang sa ngalan ng aking pagkalugi..
para lang mabaon ako sa depression..
gagawin lahat ng mga makapangyarihan, para lang igiit sa akin ang kagustuhan nila na tapusin ko ang aking sarili..
para lang sa kanilang entertainment... πŸ™

is feeling , 5 demonic days left...

---o0o---


February 25, 2024...

[Trade]

day 75 mula sa pagkalugi...

sa NFP..
matapos nila akong lugihin, eh gumawa na nga sila ng pump sa ilalim ng entry point ko..
gaya ng madalas gawin sa akin ng FATE.. πŸ™
USD 48 sana iyon para sa akin kaninang hapon...

ngayon namang gabi..
nakagawa din ng short pump ang NFP..
USD 23 naman sana iyon para sa akin...

sobra na akong narurumi sa kapalaran ko..
masyadong patapon... πŸ™

is feeling , 4 demonic days left...

---o0o---


February 26, 2024...

[Trade]

day 76 mula sa pagkalugi...

walang naging pump sa NFP noong madaling araw... πŸ™

bandang lunch nang mag-pump ang NFP..
at nalagpasan nila ang entry point ko habang sarado ang browser ko..
USD 35 sana iyon para sa akin kung nasakyan ko lang yung bottom.. πŸ™
umasa ako na baka abutin ng pump nila yung target ko..
pero hindi nangyari..
kasi nga naman, ako yung may target eh..
dapat malas lang ako sa lahat ng gagawin ko sa buhay.. πŸ™
kinapos nga ang palitan kumpara sa selling point ko..
at napakawalan ko pa ang pagkakataon sana na maka-exit nang may patubo na USD 4 man lang.. πŸ™
matapos iyon ay nag-crash na ulit ang NFP, kasabay ng dip ng Bitcoin...

is feeling , 3 demonic days left.. pinagtulung-tulungan na ako ng lahat ng mga masasamang pangyayari...

---o0o---


February 28, 2024...

[Trade]

65 days matapos ang extended kong pagkalugi dahil sa QI...

nakaakyat na ulit ang QI..
lagpas pa sa entry point ko noon na USD 0.26..
kahit pa may issue sa AVAX lately..
ibig sabihin..?
walang saysay yung ginawa kong pagtatapon noon ng USD 196..
dahil naka-recover din nga ang QI..
samantalang hinding-hindi ko magawang makabalik sa USD 535 na dati kong level..
lahat ng ito dahil sa sobrang lagim ng kamalasan na bumabalot sa buong buhay ko... πŸ™

is feeling , mga demonyo kayong lahat...


>
[Trade]

day 78 mula sa pagkalugi...

umaga nang magsimulang sumabay sa akyat ng Bitcoin ang NFP..
USD 38 sana iyon para sa akin kung nasakyan ko yung bottom.. πŸ™
pagkakataon din sana para maka-exit, pero hindi ko na naman ginawa...

before lunch noong may mag-pump sa NFP lagpas sa entry point ko..
for the 5th time, in 5 days, eh kapos pa din sila sa selling point ko.. πŸ™
pero 2 beses naman silang nag-touch sa entry point ko...

dahil nga bumaba sila noong unang pump, eh nag-decide ako na babaan ang selling point ko..
at nagtiis na lang ako sa USD 3 na patubo..
pero anong nangyari matapos kong makapagbenta..?
saka nila mas tinaasan ang pump noong naalis na nila ako sa poder nila..
USD 12 sana yung kinita ko hanggang USD 0.83.. πŸ™
at USD 15 naman noong hanggang USD 0.84 na... πŸ™

hapon naman nang lalong magpataas ng level ang Bitcoin hanggang level USD 59,000..
pero kumontra na noon ang direksyon ng NFP at nag-dip na...

is feeling , 1 demonic day left.. at ni walang balita sa local TV kung anong magiging kapalaran namin...

---o0o---


February 29, 2024...

[Trade]

day 79 mula sa pagkalugi...

nagkaroon ng Bitcoin crash from USD 64,000 to 59,000 noong madaling araw..
missed opportunity tuloy sa mga binabantayan kong asset...

sa MDT..
USD 50 sana ang kinita ko mula sa immediate recovery nila after nung crash..
USD 46 naman sana yung kinita ko sa kanila noong morning recovery nila...

sa NFP naman..
USD 37 sana yung mula sa immediate recovery..
tapos USD 56 para sa morning recovery nila...

is feeling , 0 day left...


>
[Trade]

BTTC..
QI..
BONK..
lahat nung asset na nagpalugi sa akin sa nakaraang 78 days..
lahat sila nagawa nang mag-pump sa mga naging entry point ko sa kanila noon..
ibig lang sabihan na..?
ako lang naman talaga ang nagpapabagsak sa kanila dati... πŸ™

iniisip kong pumasok kaninang umaga sa BTTC sa 110, kasi nasa gitna naman ang level nila..
kaso may mga pababang direksyon ang Bitcoin, kaya naisip ko na mag-adjust hanggang 100..
around lunch time nang magsimula na silang mag-pump..
at nagulat na lang ako na umabot pala sila sa 154..
USD 139 na recovery sana iyon para sa akin.. πŸ™
pero hindi ko nga nagawang makapasok sa kanila...

is feeling , ubod ng malas...


>
[Trade]

end of February..
at hindi talaga malinaw ang magiging kapalaran namin sa Binance dahil sa bulok na gobyerno ng bayan na ito... πŸ™

7 months after July 2023..
inabot sa USD 433 ang nalagas sa pondo ko, mas malaki pa kesa sa pondo na natira sa akin..
umabot sa USD 1,679 ang mga sablay ko sa mga naging big pump ng mga asset na binabantayan ko..
at umaabot naman sa USD 1,216 lahat ng major and minor na sablay ko simula noong hype ng Imperial New Year...

mga patunay kung gaano kalakas ang taglay kong kamalasan.. πŸ™
at kung gaano kalalakas lahat ng assets na under monitoring ko...

is feeling , PORTAL, tulungan ninyo akong makatakas sa cryptocurrency trading...

---o0o---


March 1, 2024...

[Trade]

March 1 na..
pero ni wala talagang lumabas sa local news tungkol sa pagwasak ng local SEC sa amin..
tapos may Senador pa pala na nakikisawsaw sa pagpapa-block sa Binance..
kesyo para daw sa mga nabibiktima ng cryptocurrency scam..
eh hindi naman scam ang Binance..
yung kompanya ng Axie Infinity, yun ang totoong scam...

huwag lang patraydor na iba-block ng mga basurang 'yon ang Binance..
maghintay sila hanggang matapos ang Bitcoin Halving...

is feeling , isusugal na lahat...


>
[Trade]

day 80 mula sa pagkalugi...

muli ngang nag-dip ang Bitcoin noong madaling araw, nasa USD 3,000..
may ginawang pump ang BTTC..
may ginawa ding pump ang MDT...

pero walang naging pababang hila iyon laban sa PORTAL..
anyway, sa kanila na din ako nag-trade ngayong araw..
puros short selling lang..
naka-9 na beses din pala ako..
at umabot ako sa USD 25...

is feeling , gaya ng dating plano.. kailangan kong kumita ng at least USD 20 hanggang sa katapusan ng March.. para siguradong makatakas na ako sa cryptocurrency trading...