Saturday, August 14, 2021

V-League: PVL Open Conference 2021 - 4 (Ending)

PVL Open Conference 2021


August 7, 2021...

BaliPure versus BanKo

3rd straight day na may match ang BanKo...

Set 1, 24-26, naagaw ng BanKo ang set sa tulong ng 12 huge errors ng BaliPure..
Set 2, 25-20, nakuha ng BaliPure..
Set 3, 25-17, nakuha ng BaliPure dahil sa lahat ng stats..
Set 4, 26-24, nanaig ang BaliPure...

3-1, panalo ang BaliPure...

Player of the Game si Bombita with 19 points from 14 attacks and 5 service aces..
Flora with 13 points, plus 12 excellent receptions..
Espiritu with 12 points na may 10 attacks..
Casugod with 10 points na may 3 kill blocks..
Bicar with 24 excellent sets, plus 3 points and 17 digs..
para naman sa BanKo..
Roces with 13 pure attack points.. 
Nunag with 10 points..
Cayuna with 34 excellent sets, plus 2 points and 10 digs..
Tempiatura with 18 digs and 9 excellent receptions..


Chery Tiggo versus ChocoMucho

may pagod mula kahapon ang ChocoMucho..
hindi na masyadong sineryoso ng 2 team ang laban...

Set 1, 25-20, nakuha ng Tiggo dahil sa lahat ng scoring stats.. 
Set 2, 25-9, overkill ng Tiggo dahil sa lahat ng stats.. 
Set 3, 25-22, nakuha pa rin ng Tiggo...

3-0, panalo ang Chery Tiggo...

Player of the Game si Paat with 11 points from 9 attacks and 2 kill blocks..
may plus 11 digs and 5 excellent receptions din siya..
Santiago with 10 points from 6 attacks, 2 kill blocks, and 2 service aces..
para naman sa ChocoMucho..
si Viray lang ang nakaabot sa double digits with 10 points from 7 attacks and 3 service aces..
Gequillana with 3 points, plus 12 digs and 9 excellent receptions..
Dusaran with 13 digs and 6 excellent receptions..
bukod sa mahinang bench ay nadali rin ang ChocoMucho ng kanilang 25 errors...


Army versus Cignal

Cignal naman ang may pagod mula kahapon..
Gonzaga versus Daquis...

Set 1, 25-14, nakuha ng Army.. 
Set 2, 17-25, nakuha ng Cignal..
Set 3, 18-25, nakuha ng Army..
Set 4, 19-25, at nakuha ulit ng Army...

3-1, panalo ang Army...

Player of the Game si Tubino with 12 points from 11 attacks and 1 kill block..
Gonzaga with 14 points from 12 attacks and 2 kill blocks, plus 19 digs..
Emnas with 20 excellent sets, plus 4 points..
para naman sa Cignal..
Daquis with 13 points from 10 attacks, 1 kill block, and 2 service aces..
Doria with 10 points na may 3 kill blocks..
Ceballos with 5 points, plus 21 digs..
EstraƱero with 29 excellent sets, plus 21 digs..

is feeling , wala.. yung mga laglag na teams na lang ang lumaban para sa karangalan.. hindi kasi maganda ang schedule, sunud-sunod na araw.. baka madisgrasya pa nga ang mga players...

---o0o---


PVL Open Conference 2021 (Semifinals)


August 8, 2021...

Creamline versus Angels (Game 1)

ang 6th 5-setter match ng conference..
4th na para sa Creamline...

Set 1, 27-29, dikitan ang laban pero mas nanaig ang Angels..
Set 2, 25-23, unang nakaagwat ang Angels pero naagaw pa ng Creamline ang set dahil sa kanilang 16 attacks..
Set 3, 16-25, una ulit nakaagwat ang Angels at iniwan ang Creamline dahil sa kanilang 2 kill blocks plus 8 big errors ng Creamline..
Set 4, 25-17, Creamline naman ang unang nakaagwat at sila naman ang nang-iwan sa Angels dahil sa lahat ng scoring stats..
Set 5, 16-14, unang nakalamang ang Creamline at nairaos naman nila yung set...

3-2, panalo ang Creamline...

Player of the Game si Caloy with 23 points from 22 attacks and 1 service ace..
Baldo with 25 points na may 22 attacks..
Galanza with 16 points, plus 21 excellent receptions..
Bb. Gumabao with 13 points na may 3 kill blocks, plus 15 digs..
Morado with 37 excellent sets, plus 3 points and 16 digs..
pero ang laki-laki pa rin ng 35 errors ng Creamline..
para naman sa Angels..
Pablo with 26 points na may 25 attacks..
Molina with 17 points from 12 attacks, 4 kill blocks, and 1 service ace..
may plus 15 digs and 14 excellent receptions din siya..
Palma with 10 points na may 3 kill blocks..
Soltones also with 10 points..
Saet with 34 excellent sets, plus 2 points..
Arado with 28 digs and 14 excellent receptions...


Chery Tiggo versus ChocoMucho (Game 1)

3 araw na ang sunud-sunod na laro ng ChocoMucho..
2 naman para sa Tiggo...

Set 1, 18-25, nagawang makalamang ng ChocoMucho para makuha yung set dahil sa kanilang 3 kill blocks ang 5 service aces plus 9 big errors ng Tiggo..
Set 2, 22-25, Tiggo naman ang unang nakaagwat pero naagaw pa ng ChocoMucho ang set sa tulong ng 8 big errors ng Tiggo..
Set 3, 21-25, maagang nakalamang ang ChocoMucho at muling napanindigan yung set...

3-0, panalo ang ChocoMucho...

Player of the Game si Wong with 16 excellent sets, plus 4 points..
Tolentino with 11 points na may 9 attacks..
Gaston with 10 points, plus 10 digs..
BDL also with 10 points na may 2 kill blocks and 3 service aces..
Madayag with 9 points na may 3 kill blocks..
Revilla with 11 digs and 7 excellent receptions..
para naman sa Chery Tiggo..
si Manabat lang ang umabot sa double digits with 17 points na may 15 attacks..
Adorador with 9 points, plus 12 digs..
Santiago also with 9 but pure attack points..
Nabor with 20 excellent sets..
Duremdes with 10 digs and 11 excellent receptions...

is  feeling , hindi pa rin malinis ang laro ng Creamline.. pero salamat sa unang entry nina Morado at Galanza para sa Finals bid.. ang lakas ng ChocoMucho...

---o0o---


August 9, 2021...

Chery Tiggo versus ChocoMucho (Game 2)

Set 1, 25-18, nagawang makalamang ng Tiggo at nakuha yung set dahil sa kanilang 13 attacks and 5 service aces..
Set 2, 25-22, nakalayo ulit ang Tiggo pero naging dikitan ang laban kaso sila pa rin ang nanaig dahil sa kanilang 16 attacks..
Set 3, 26-24, dikitan ang laban dahil habol nang habol ang ChocoMucho pero kinapos pa rin sila...

3-0, panalo ang Chery Tiggo...

Player of the Game si Santiago with 13 points from 8 attacks, 3 kill blocks, and 2 service aces..
Mandapat with 19 points from 16 attacks and 3 service aces..
Paat with 10 points na may 9 attacks, plus 18 digs..
Nabor with 26 excellent sets, plus 3 points..
Duremdes with 27 digs and 10 excellent receptions..
para naman sa ChocoMucho.. 
si Tolentino lang ang umabot sa double digits with 14 points from 12 attacks and 2 kill blocks..
Wong with 18 excellent sets, plus 2 points and 10 digs..
Revilla with 12 digs and 9 excellent receptions...


Creamline versus Angels (Game 2)

hindi pinag-start si Bb. Gumabao..
nabuwisit na si Meneses...

Set 1, 27-25, dikitan at palitan ng kalamangan ang laban pero mas nanaig ang Creamline dahil sa 5 kill blocks kontra sa sarili nilang 7 errors..
Set 2, 25-22, unang nakalamang ang Angels pero naagaw pa ng Creamline ang set dahil sa kanilang 16 attacks and 4 kill blocks laban sa kanilang 13 huge errors..
Set 3, 25-16, nagawang makalayo ng Creamline para ma-secure na yung set...

3-0, panalo ang Creamline...

Player of the Game si Caloy with 21 points from 18 attacks, 1 kill block, and 2 service aces..
may plus 13 excellent receptions pa siya..
Galanza with 12 points from 8 attacks, 2 kill blocks, and 2 service aces..
may plus 14 digs and 9 excellent receptions din siya..
Panaga with 10 points na may 4 kill blocks..
Morado with 36 excellent sets, plus 4 points na may 2 service aces, plus 12 digs..
pero problema pa rin ang kanilang 24 errors in 3 sets, na parang 8 errors per set..
wala namang umabot sa double digits para sa Angels..
Meneses with 9 points na may 2 kill blocks..
Molina with 8 pure attack points, plus 10 digs..
Saet with 25 excellent sets, plus 4 points..
Arado with 15 digs and 9 excellent receptions...

is  feeling , nice one, ChocoMucho, sunud-sunod na araw na ngayon ang laro ng Chery Tiggo.. salamat sa muling pagpasok nina Morado at Galanza sa Finals.. salamat sa 1 araw ng pahinga...

---o0o---


August 10, 2021...

Chery Tiggo versus ChocoMucho (Game 3)

Set 1, 25-16, maagang nakaagwat ang Tiggo at nakuha yung set dahil sa kanilang 17 attacks and 4 service aces..
Set 2, 26-24, nagawang makalamang ng ChocoMucho pero naagaw pa ng Tiggo ang set dahil sa kanilang 3 service aces plus 10 big errors ng ChocoMucho..
Set 3, 25-23, nagawang makahabol ng ChocoMucho sa bandang kalagitnaan pero mas nanaig pa rin ang Tiggo...

3-0, panalo ang Chery Tiggo...

Player of the Game si Nabor with 28 excellent sets, plus 3 points from service aces..
Santiago with 17 points na may 15 attacks..
Manabat with 16 points from 13 attacks, 1 kill block, and 2 service aces..
may plus 10 digs din siya..
Duremdes with 17 digs and 9 excellent receptions..
para naman sa ChocoMucho..
Tolentino with 12 pure attack points, plus 10 digs..
Madayag with 11 points from 8 attacks and 3 kill blocks..
Viray with 9 points off the bench..
Revilla with 15 digs and 11 excellent receptions...

is feeling , Chery Tiggo ang pasok sa Finals.. sana manaig ang pagod nila para sa laban bukas...

---o0o---


PVL Open Conference 2021 (Finals)


August 11, 2021...

ChocoMucho versus Angels (Battle for Third - Game 1)

may pahinga ang Angels...

Set 1, 21-25, nakahabol ang ChocoMucho pero kinapos pa rin sila sa dulo dahil sa 18 attacks ng Angels.. 
Set 2, 15-25, naagaw ng Angels ang kalamangan at nakalayo para tuluyang makuha yung set dahil sa kanilang 14 attacks..
Set 3, 25-22, unang nakaagwat ang Angels pero naagaw pa ng ChocoMucho yung set dahil sa kanilang 16 attacks plus 8 big errors ng Angels..
Set 4, 20-25, ChocoMucho naman ang unang nakalamang, kaso na-injure ang tuhod ni Madayag, at natalo na nga ang ChocoMucho...

3-1, panalo ang Angels...

Player of the Game si Pablo with 26 points from 25 attacks and 1 service ace..
Soltones with 13 points from 10 attacks, 1 kill block, and 2 service aces..
may plus 19 digs and 16 excellent receptions din siya..
Molina with 11 points, plus 14 excellent receptions..
Meneses with 10 points na may 5 kill blocks..
Saet with 26 excellent sets, plus 6 points na may 3 service aces..
Arado with 29 digs..
para naman sa ChocoMucho..
Gaston with 18 points na may 17 attacks, plus 16 excellent receptions..
Tolentino with 10 points na may 9 attacks..
Viray with 8 points off the bench, plus 11 digs..
Wong with 30 excellent sets, plus 1 point...


Creamline versus Chery Tiggo (Game 1)

ang 7th 5-setter match ng conference..
5th na para sa Creamline...

Set 1, 25-15, maagang nakaagwat ang Creamline at naitawid yung set dahil sa kanilang 15 attacks plus 7 errors ng Tiggo..
Set 2, 25-21, dikitan at palitan ng kalamangan ang laban pero mas nanaig ang Creamline sa dulo dahil sa tulong ng 8 errors ng Tiggo..
Set 3, 18-25, naagaw kaagad ng Tiggo ang kalamangan at nakalayo para makuha yung set dahil sa tulong ng 9 big errors ng Creamline..
Set 4, 19-25, madalas na Tiggo ang lamang at muli nilang nakuha ang set dahil sa kanilang 2 service aces plus 6 errors ng Creamline..
Set 5, 15-7, unang nakaagwat ang Creamline at nakagawa ng malaking cushion para makuha yung set...

3-2, panalo ang Creamline..

at nakakuha na rin sila ng panalo laban sa Chery Tiggo for this conference...
Player of the Game si Baldo with 21 pure attack points..
Caloy with 26 points from 22 attacks, 3 kill blocks, and 1 service ace..
Galanza with 17 points, plus 18 digs and 13 excellent receptions..
Morado with 41 excellent sets, plus 7 points na may 4 service aces..
para naman sa Chery Tiggo..
Santiago with 25 points from 22 attacks, 1 kill block, and 2 service aces..
Manabat with 19 points na may 18 attacks..
Adorador with 9 points na may 3 service aces, plus 12 digs and 11 excellent receptions..
Nabor with 28 excellent sets, plus 1 point..
Duremdes with 14 digs and 23 excellent receptions...

is  feeling , player down para sa ChocoMucho.. salamat sa unang panalo nina Morado at Galanza sa Finals...

---o0o---


August 12, 2021...

ChocoMucho versus Angels (Battle for Third - Game 2)

binigyan na ng ChocoMucho ng pahinga ang starters nila..
bench-mode na muna...

Set 1, 20-25, nagagawang makalamang ng ChocoMucho pero naagaw ng Angels ang set sa tulong ng 11 big errors ng ChocoMucho..
Set 2, 18-25, una nang nakaagwat ang Angels para makuha yung set dahil sa lahat ng stats..
Set 3, 21-25, dikitan ang laban pero Angels pa rin ang nanaig...

3-0, panalo ang Angels...

Player of the Game si Saet with 15 excellent sets, plus 4 points from 2 attacks, 1 kill block, and 1 service ace..
may plus 11 digs din siya..
Pablo with 16 points from 14 attacks and 2 service aces..
Arado with 12 digs and 11 excellent receptions..
wala namang umabot sa double digits para sa ChocoMucho..
Viray with 9 points from 8 attacks and 1 service ace..
Gequillana with 5 points, plus 9 digs and 15 excellent receptions...


Creamline versus Chery Tiggo (Game 2)

Set 1, 18-25, unang nakaagwat ang Tiggo at nakuha yung set dahil sa lahat ng stats..
Set 2, 25-17, unang nakaagwat ang Creamline at hindi na nakahabol ang Tiggo dahil sa kanilang 15 attacks plus 8 big errors ng Tiggo.. 
Set 3, 16-25, una na ulit nakaagwat ang Tiggo at nakuha yung set dahil sa kanilang 4 kill blocks and 4 service aces..
Set 4, 21-25, dikitan ang laban pero nagawa ng Tiggo na makalamang para ma-secure yung set...

3-1, panalo ang Chery Tiggo...

Player of the Game si Santiago with 25 points from 20 attacks, 3 kill blocks, and 2 service aces..
Manabat with 18 points na may 15 attacks, 2 kill blocks, and 1 service ace..
may plus 11 digs din siya..
Adorador with 9 points na may 3 service aces, plus 12 excellent receptions..
Duremdes with 16 digs and 16 excellent receptions..
para naman sa Creamline..
Baldo with 18 points from 16 attacks, 1 kill, and 1 service ace.. 
may plus 13 digs din siya..
Galanza with 17 points na may 16 attacks, plus 17 excellent receptions..
Caloy with 15 points..
Morado with 42 excellent sets, plus 13 digs...

is feeling , player down para sa ChocoMucho.. ipinaubaya na nila sa Angels ang 3rd Place.. napaabot pa ng Chery Tiggo sa Game 3...

---o0o---


The Set 4 Nightmare


August 13, 2021...

Creamline versus Chery Tiggo (Game 3)

ang 8th 5-setter match ng conference..
6th na para sa Creamline...

Set 1, 25-23, unang nakaagwat ang Creamline at nagawa naman nilang maisalba yung set dahil sa kanilang 17 attacks..
Set 2, 25-20, una ulit nakaagwat ang Creamline at nakuha yung set dahil sa kanilang 17 attacks and 5 kill blocks kontra sa sarili nilang 8 big errors..
Set 3, 21-25, unang nakalamang ang Tiggo at kinapos na sa paghabol ang Creamline dahil sa kanilang 3 service aces..
Set 4, 23-25, una na ulit nakaagwat ang Creamline pero naagaw ng Tiggo ang set dahil sa kanilang 22 attacks kontra sa sarili nilang 7 big errors..
Set 5, 8-15, unang nakalayo ang Tiggo at wala nang nagawa ang Creamline...

3-2, panalo at Champion na ang Chery Tiggo...

Player of the Game si Santiago with 26 points from 24 attacks and 2 kill blocks..
Manabat with 32 points from 30 attacks, 1 kill block, and 1 service ace..
may plus 15 digs din siya..
Nabor with 34 excellent sets, plus 4 points na may 2 service aces..
Duremdes with 26 digs and 20 excellent receptions..
para naman sa Creamline..
Caloy with 22 points from 15 attacks, 5 kill blocks, and 2 service aces..
Baldo with 17 points na may 15 attacks..
Galanza with 14 points, plus 20 digs and 30 excellent receptions..
Sato also with 14 points na may 3 kill blocks..
Morado with 47 excellent sets, plus 1 point...


Awards:
Best Setter - Morado (Creamline)
1st Best Outside Spiker - Baldo (Creamline)
2nd Best Outside Spiker - Pablo (Angels)
1st Best Middle Blocker - Meneses (Angels)
2nd Best Middle Blocker - Santiago (Chery Tiggo)
Best Opposite Spiker - Tolentino (ChocoMucho)
Best Libero - Arado (Angels)
Conference MVP - Santiago (Chery Tiggo)
Finals MVP - Santiago (Chery Tiggo)

is feeling , wala, itinapon ng Creamline ang pinaghirapan ng mga Middle Blockers nila.. naging lason yung Set 4...


Sunday, August 8, 2021

The Threat of the Ban

NOTE: this is not news..
i am not a reporter/journalist nor an influential person..
also, i'm not related to the government in any way..
but there are summary of news featured in this post..
it will require research in order to get the whole story regarding each particular news that is featured in here...

simple lang yan..
kapag nagpaapekto at nag-react ka sa opinyon ng ibang tao - eh BAKA nga may totoo sa mga sinasabi nila...



daily prayer...

sa kung sino man ang nakikinig sa kawalan..
sana mai-serve na kaagad ang totoo at ganap na hustisya laban sa lahat ng miyembro ng alyansa para matigil na ang kasamaan nila...

sana magtagumpay na sa paggawa ng vaccine ang AstraZeneca..
at sana maging maayos na ulit ang mundo...

is šŸ’€ feeling , day 392...

-----o0o-----


lumampas na naman sa 500 ang bilang, kaya mag-i-start na ulit ako ng panibagong listahan ng mga kalokohan..
basta heto yung kadugtong nito:
http://blogngpotassium.blogspot.com/2018/08/just-clan-war.html
https://blogngpotassium.blogspot.com/2019/08/war-against-schools-victims.html
http://blogngpotassium.blogspot.com/2020/05/the-greater-citizens.html
https://blogngpotassium.blogspot.com/2020/11/lies-embracing-demolition.html
https://blogngpotassium.blogspot.com/2021/06/gauging.html

update ulit (503 + 501 + 516 + 507 + 502 + 145 na)..
medyo in-organize ko rin yung mga kaso..
pero paki-note na hindi na ganung ka-accurate yung bilang, at posibleng may redundancy na rin dahil sa sobrang dami ng mga nakalista...

una (untikan ko nang makalimutan 'to), ang pagtataksil sa interes ng bansa at ng mga (ibang) mamamayan (lalo na yung mga naging biktima), at pagbalewala sa kasaysayan at dangal ng bansa:
  • yung pangako ng sako-sako ng pondo para sa kanyang mga kasamahan
  • yung kagustuhan na armasan ng mga baril ang mga civilian volunteer, samantalang iyon ngang mga trained personnel eh may kakayahan na umabuso
  • yung naaasar sa sariling kakampi dahil sa mga binubusisi nitong mga katiwalian
  • yung pambabastos sa alaala ng isang namayapang pinuno, na kesyo ni hindi daw siya at sila mananalo kahit para lang sa Barangay Captain na posisyon sa Cagayan de Oro
  • yung paghahangad ng immunity gamit ang mataas na katungkulan, na para bang guilty siya
  • yung abogado yung matanda, pero hindi alam na wala palang immunity yung hinahabol niyang katungkulan
  • yung pagsasabi sa mahalagang pag-uulat na may kung anu-ano na siyang nararamdaman, pero talagang naghahabol pa sa katungkulan na maaaring maging substitute
  • yung kagustuhan na ipaaresto na ang mga ayaw magpabakuna, na para bang sapat ang kanilang naipo-provide
  • yung diskriminasyon laban sa mga hindi pa bakunado, yung may plano na i-ban na sila mula sa paglabas sa kanilang mga tahanan
  • yung bintang na kesyo Walking Spreader daw ang mga wala pang bakuna, na para bang automatic na mga carrier ang mga mamamayan na hindi pa bakunado
  • yung reporter o mga reporter na pinag-alis na lang ng face mask at face shield sa press conference
  • yung pwede na daw mamasyal ang mga bakunado, na para bang walang ebidensya na pwede pa ring maging carrier ang mga fully vaccinated
  • yung pag-uulit sa isang mahalaga dapat na pag-uulat na kesyo utang na loob daw sa Imperyo ang mga bakuna, kahit na tinatamaan pa rin ng COVID-19 yung ibang mga naturukan na ng ganun
  • yung pagyayabang na kesyo madali lang daw mapaalis ang mga barko ng Imperyo sa pinag-aagawang teritoryo, samantalang nandun pa rin naman sila

are yung ang involved o semi-involved eh mga identified talaga bilang awtoridad o tauhan ng pamunuan, mga dati nang naging bahagi ng pamunuan, o kahit mga nagsasanay pa lang upang makakuha ng awtoridad:
  • sa Davao Occidental, yung SK Chairman na nahuli sa buy-bust operation, bukod sa ilegal na droga ay may nakuha rin daw na baril mula sa kanya
  • sa Iloilo, yung Barangay Kagawad na naaresto sa isinagawang buy-bust operation
  • sa Sultan Mastura, Maguindanao, yung Barangay Kagawad at isang kasabwat na nahulihan ng nasa mahigit Php 3 Million na halaga ng hinihinalang shabu
  • sa Davao City, yung 28 y/o na government employee na nahuli sa buy-bust operation
  • sa Makati City, yung dating sundalo na huhulihin lang sana dahil sa sumbong tungkol sa ilegal na pagsusugal nito, pero ay nahulihan din ng ilegal na droga
  • yung kawani ng Makati City Hall, na hinuli dahil daw sa pangingikil laban sa mga establishments na naipasara dahil sa paglabag sa mga COVID-19 protocol
  • sa MTPB, Manila Traffic and Parking Bureau yata 'yon, yung Traffic Enforcer na nakunan ng video na nangongotong daw gamit ang mobile app
  • sa tapat ng Camp Crame sa Quezon City, yung pulis na nahuli sa entrapment operation dahil sa pangingikil daw laban sa isang aplikante sa PNP
  • sa Manila Police District headquarters sa Ermita, yung pulis na namatay sa pamamaril ng lasing at nag-amok daw na kapwa pulis
  • sa Sulu, yung Sulu PNP Provincial Director na binaril at napatay ng kapwa niya pulis sa isang quarantine checkpoint
  • sa Palayan City, Nueva Ecija, yung sinunog na bangkay ng isang online seller ng mga alahas, kung saan suspek sa pagpatay ang nasa 5 pulis
  • sa Pastrana, Leyte, yung 1 magsasaka na napatay at 1 sugatan dahil sa pamamaril ng suspek na isang Barangay Chairman
  • sa Jose Reyes Memorial Medical Center sa Santa Cruz, Manila, yung security guard na pinatay sa pamamaril ng binabantayan daw niyang pasyente na isang Barangay Kagawad
  • sa Dumarao, Capiz, yung senior citizen na magsasaka na napatay ng isang Barangay Tanod sa pamamaril
  • sa San Antonio, Zambales, yung kadete ng Philippine Merchant Marine Academy (PMMA) na nakapatay ng kapwa niya kadete dahil daw sa panununtok
  • sa Zamboanga City, yung isang miyembro ng Philippine National Police na natuklasan na miyembro daw ng Abu Sayyaf Group

are naman yung mga hindi pa malinaw kung anong klase nga ng mga tao ang involved o hindi tiyak o nabanggit kung sino ang nakatama o hindi masabi kung ano nga ang totoong nangyari:
  • sa Surigao del Sur, yung 3 Lumad na namatay sa pamamaril ng mga sundalo, kung saan 12 y/o lamang ang isa sa mga biktima
  • sa Albay, yung 2 aktibista daw na sangkot sa paggawa ng graffiti sa may tulay, na laban sa pinuno, na napatay ng mga pulis matapos DAW na manlaban
  • sa BiƱan, Laguna, yung kaso nung 16 y/o na lalaki na kasama sa mga napatay ng mga pulis sa isang anti-illegal drugs operation, nakakapagtaka na may mga claim na napadapa na DAW iyong biktima at nakaposas na rin DAW

heto naman yung mga may kinalaman sa kahinaan ng kasalukuyang penal system at pagpapatupad ng iba pang mga batas, patakaran, at sistema sa bansa:
  • yung pag-amin ng DOH na may mga fully vaccinated na na mamamayan na tinatamaan pa rin ng COVID-19
  • yung kalokohan at mayabang na naging claim ng DOH na low risk na daw ang bayan laban sa COVID-19
  • yung ngayon lang late July 2021 inamin na may local transmission na ng Indian variant ng COVID-19
  • yung mga nagsasabing malapit na daw makamit ang herd immunity, samantalang wala namang immunity dahil ultimo mga fully vaccinated eh tinatamaan pa rin nga ng COVID-19
  • yung may apela na gawing single dose vaccine ang Sputnik V, pero may ginagawa ring patakaran na gawing 3 weeks ang interval nung 1st at 2nd dose
  • yung mga pahamak na nagpapanukala na iklian ang pagitan ng pagtuturok ng 1st at 2nd dose ng vaccine, samantalang ayon pala sa research eh mas kakaunti lang ang napo-produce na antibody kapag mas maikli lang ang interval
  • yung mga pinuno na isinusulong ang hindi pagre-require ng paggamit ng face shield in public places puwerket wala daw ganung mga patakaran sa ibang mga bansa
  • yung mga pinuno na naghahanap pa ng scientific basis sa paggamit ng face shield, samantalang ginagamit nga ang mga ganun sa medical field
  • yung pinuno na inirereklamo na mahal daw ang face shield samantalang may mura lang naman at pwede ding gamitin nang paulit-ulit basta't idi-disinfect lang
  • yung opisyales na naggigiit na kasing-bisa din ng mga Western vaccines ang Imperial vaccines, samantalang may mga ulat na nga sa ibang mga bansa na tinatamaan pa rin yung mga vaccinated ng Imperial vaccine nung virus
  • yung hindi na ire-require ang testing sa mga domestic travelers na fully vaccinated na, na para bang hindi na tatamaan ng virus ang mga ito at hindi na rin pwedeng makapanghawa pa ng iba
  • yung mapanganib na kagustuhan na idiretso na lang sa home quarantine ang mga uuwing OFW kahit na batid nila na maraming mga pasaway na mga mamamayan
  • yung pagiging pasaway ng Cebu sa pagsunod sa national quarantine protocol
  • yung hiling na isama na rin kaagad ang mga bilanggo sa priority list ng mga babakunahan, samantalang pwede namang higpitan na lang muna ang mga kulungan para hindi mapasok nung virus
  • sa Quezon City, yung barangay na may No Vaccine, No Quarantine Pass policy
  • yung kung kailan ipinagmamalaki na madami-dami na silang mga napabakunahan, eh saka naman tumataas ulit yung mga kaso ng COVID-19
  • sa Cebu, yung mga health workers na tinamaan pa rin ng COVID-19, kahit na 95% na daw sa mga iyon ang vaccinated na
  • sa San Roque Cathedral, yung guest priest daw na namatay, na naging COVID-19 carrier kahit na kumpleto na daw siya sa dose ng Imperial vaccine
  • yung nasa 82 na pulis ng Quezon City Police District na nasabugan ng COVID-19 sa panahon ng mga variant, at mga fully vaccinated na daw ang mga ito
  • yung nasa 50 plus na carrier na mga pulis na i-d-in-eploy sa nakaraang State of the Nation Address, kahit na hindi pa lumalabas ang kanilang mga swab test result
  • yung Representative na 4 na beses na kaagad nabakunahan, samantalang madami pa ang hindi
  • yung problema pa rin pala hanggang sa ngayon ang mabagal na pagtukoy sa kung anong variant ang tumatama sa mga carrier
  • sa Makati City daw, yung nakunan ng video na insidente sa vaccination drive kung saan naisaksak naman daw yung pang-injection, kaso ay hindi naiturok yung lamang vaccine
  • sa Muntinlupa City, yung mga hindi na ginamit na COVID-19 vaccines dahil sa naging pagbabago sa temperature sa kanilang storage facility
  • sa Bulacan, yung COVID-19 carrier na naiburol at napaglamayan pa ng mga tao dahil sa hindi pagsunod sa tamang protocol sa ospital
  • sa Butuan City, yung mga tripulante ng isang sasakyang pandagat na dumaan sa Indonesia na may mga COVID-19 carrier pala, na nagawang makapaggala
  • yung extended na yung Bayanihan 2 kung tutuusin, pero hanggang ngayon ay may bilyun-bilyon pang piso na pondo ang hindi nagagamit
  • yung na-expire na nang tuluyan yung Bayanihan 2, at nasa Php 9 Billion daw na budget yung hindi nagamit
  • yung matagal nang hindi pag-uulat ng tungkol sa mga ginagawa sana para sa Bayanihan 2 bago pa man iyon nag-expire, nakasaad daw iyong papel na iyon doon sa mismong patakaran
  • yung nasilip ng mga budget checker na posible daw na overspending noon sa Bayanihan 1, as compared daw sa kuwentahan nila ng mga katumbas na gastusin
  • yung pagkaipit daw ng pondo sa Department of Budget and Management kung kailan papalapit na ang panahon ng eleksyon
  • yung namamahalan DAW ang mga OFW sa gastusin habang nasa quarantine, samantalang may mga reklamo at request ng budget para sa pagsuporta sa kanila
  • sa Quezon City, yung OFW na na-detect na Indian variant carrier, na galing sa Saudi Arabia at dumating sa bansa noon pa daw June 24
  • yung napasok ng Indian variant ang Antique, 2 kaso na from May pa daw ng mga unvaccinated carrier na walang history ng international travel
  • sa Camarines Sur, yung pagsabog ng COVID-19 sa Regional Training Center 5 Annex ng Philippine Public Safety College at National Police Training Institute, kung saan nasa 60 plus na carrier ang na-detect mula sa mga police trainee at staff
  • sa Baguio City, yung pagpapahinto sa training ng PNP dahil sa pagsabog ng COVID-19 sa mga trainees, nasa 26 daw yung latest na nadagdag sa bilang ng mga carrier eh
  • sa Baguio City ulit, yung nasa 68 na trainees ng Bureau of Fire Protection na nasabugan din ng COVID-19
  • yung kung paanong nakabiyahe yung mga COVID-19 carrier na sundalo na sumakay sa nawasak na eroplano sa Sulu
  • yung paglabag sa cremation protocol para sa COVID-19 carrier na sundalo na namatay sa nawasak na eroplano sa Sulu
  • sa Zamboanga City, yung 8 pulis na parurusahan dahil sa paggamit ng mga pekeng swab test result
  • sa Dumaguete City, Negros Oriental, yung pagdagsa ng mga mamamayan para sa Pfizer vaccination
  • sa Hagonoy, Bulacan, yung vaccination program na sobra-sobrang dinumog ng mga mamamayan sa panahon ng mga variant
  • sa Maynila, yung dinumog at nagkagulo na sa vaccination site sa panahon ng Indian variant ECQ, kung saan pinauwi na ng mga pulis yung maraming mga nagpunta
  • sa Las PiƱas, yung vaccination site na dinumog sa oras pa lang ng curfew, sa panahon ng Indian variant ECQ
  • yung panibagong exodus ng mga tao mula sa NCR, dahil sa banta ng panibagong ECQ na dulot ng paghahanda laban sa Indian variant
  • yung siksikan ng mga pasahero para sa EDSA Carousel sa panahon ng COVID-19 variants na ikinagulat ng LTFRB
  • yung mga transport operators na kinontrata ng gobyerno sa panahon ng COVID-19 na hindi pa rin daw nababayaran ng Department of Transportation (DOTr) at Land Transportation, Franchising, and Regulatory Board (LTFRB)
  • yung nasilip ng COA, sa Bureau of Fire Protection naman for the year 2020, yung nasa Php 605 Million plus daw na doubtful purchases para sa COVID-19 response nila
  • yung nasilip ng COA sa Movie and Television Review and Classification Board (MTRCB), yung kuwestiyonable daw na nasa Php 1.57 Million na halaga ng travel expenses, maging mga reimbursement ng movie tickets
  • yung nasilip ng COA sa PNP, yung nasa halos Php 500 Million daw na hindi nagamit na anti-insurgency na pondo na in-allot sa kanila ng National Task Force to End Local Communist Armed Conflict (NTF-ELCAC) para sa taong 2020
  • sa COA pa rin, yung nasilip nila sa AFP at PNP, yung mga bilyun-bilyong halaga ng mga hindi naisakatuparan na mga kontrata
  • sa PCSO, yung mga nagbitiw na special bids and awards committee (SBAC) officials, dahil pinayagan na ang isang Imperial company na dati nang na-reject na mag-bid para sa project
  • yung kawalang silbi ng Department of Energy sa pag-regulate sa presyuhan ng gasolina at kuryente sa panahon ng pandemya, habang abala ang kanilang pinuno sa pulitika
  • yung mabilis na pagbibigay ng franchise para sa iba
  • yung nasa Php 10.4 Billion daw na nawawala sa Social Amelioration Program, na kaugnay daw ng paggamit ng hindi kilalang e-wallet na Starpay
  • hindi ako sigurado, pero ito yata yung pamahalaan kung saan pinakamadami ang bumagsak na sasakyang panghimpapawid kahit na wala namang labanan na nangyayari
  • sa DepEd, yung panibagong isyu sa learning module kung saan gumamit ng masyadong mahalay o bulgar na pananalita
  • yung suggestion ng pinuno ng DOLE para sa Professional Regulation Commission, na kesyo alisin na lang daw sa sistema ang mga licensure exam
  • yung pag-apila para sa anti-endo na patakaran na ibinasura na noon, ngayong papalapit na ang eleksyon
  • yung pag-aalok ng Department of Finance (DOF) ng nasa Php 900,000 plus na kontrata bilang social media strategist sa nabisto dati na nagpapatakbo ng madaming kaduda-duda na social media accounts
  • yung pag-hire daw ng Presidential Communications Operations Office (PCOO) ng mga contractual na trabahador na ginastusan nila ng nasa Php 70 Million
  • sa Nagtahan Bridge sa Manila, yung armored vehicle ng Presidential Security Group na nakabangga ng truck na nakapila lang
  • yung kriminal na half-Imperial na nanggulo na noong 2017 at nahulihan na ng ilegal na droga, na muling nanggulo sa Metro Manila ngayong July 2021 dahil pinalaya pa dati
  • yung ayon sa DOJ ay balik na sa duty yung mga Bureau of Immigration personnel na isinasangkot sa Pastillas modus, na kabaliktaran sa pinagsasasabi nung pinuno
  • yung maling show cause order ng DILG para sa Mayor ng Manila, na ini-withdraw din naman nila
  • sa Sorsogon City, yung ginawa ng PNP na branding sa mga potential rapists, kabilang na ang mga teacher
  • yung unti-unti nang napapawalang sala yung mga sangkot sa paggamit ng pondo ng bayan para sa mga kaduda-dudang NGO noon
  • yung pinuno na nagsasabing dapat daw ma-extend yung panunungkulan ng kanilang pinuno kung pwede lang sana
  • yung paggamit ng isang partido sa resources at TV channel ng pamahalaan para sa pasimpleng pangangampanya
  • yung pinuno na ginamit ang sariling kapalpakan, para lang palabasin na inaatake siya
  • yung opisyales na nagsasabi ng claim tungkol sa isang anak, na kabaliktaran ng dati nang sinabi nung ama
  • yung opisyales na nagsinungaling tungkol sa pagkaalis ng Vice President mula sa pagiging Cabinet member nito noon, na para bang wala siyang pinakawalan na text message dati
  • yung opisyal na sinisita yung mga nananakot daw na kesyo hindi na pwedeng lumabas ang mga hindi bakunado, samantalang pinuno niya ang nagsabi nun sa TV
  • yung mga opisyales na nagkukunwari na ginawa nila ang lahat para igiit ang nakuhang panalo para sa teritoryong inaagaw, samantalang sila ang nagtratong papel lang doon sa panalong iyon
  • yung pambabaliktad DAW sa mga sumbong ng mga mangingisda para lang mapalabas na walang problema sa karagatan na inaagaw ng Imperyo
  • yung pagtanggi ng mga nasa itaas na may nangyayari na oil exploration sa Scarborough Shoal, kahit pa may mga ulat na tungkol sa mga kagamitan ng Imperyo na nakita doon

at may kaso na iba-iba ang kategorya:
  • sa Bicol, yung pami-pamilya ang nagiging hawaan ng COVID-19
  • yung pagiging pasaway ng maraming mamamayan sa Naga City sa panahon ng COVID-19 variants, kahit na nasa MECQ yata sila
  • yung mga makasariling mamamayan na mas inuuna ang pagbabakasyon, kumpara sa pag-iingat sa panahon ng pandemic
  • yung 2 OFW na pabalik na daw sana sa Middle East, na nahuli dahil sa paggamit ng mga pekeng documents kasama na rin ang pekeng swab test result
  • yung napasok din ng COVID-19 ang isang team sa PBA
  • yung mga kaganapan sa kamatayan ng isang dating pinuno na dinumog ng mga tao sa panahon ng COVID-19 variants
  • yung delikadong protesta ng mga mamamayan sa panahon ng Indian variant
  • sa General Trias, Cavite, yung religious procession na dinaluhan ng mga tao na lumabag na nang husto sa health protocol, mga wala ng face mask at face shield
  • sa Cagayan de Oro, yung 4 na Indian variant carrier na na-trace na may common birthday party na dinaluhan
  • sa Metro Manila, yung mga pasaway na nag-celebrate ng Fathers' Day 2021 sa mga pampublikong pasyalan, na marami ay may kasama pang mga bata
  • sa Manila Bay, yung pagdagsa ng mga pamilya dahil sa naging permiso para sa paglabas ng mga batang kaya nang magsuot ng mga mask
  • sa Quezon City, yung Korean Restaurant na nagpunuan sa panahon ng COVID-19 variants
  • sa Quezon City, yung nabisto na bar at mga customers nito na nagpapasaway sa panahon ng COVID-19 variants
  • sa Camarines Sur, yung fraternity party ng mga pasaway sa panahon ng COVID-19 variants
  • sa Calauag, Quezon, yung tila naging street party ng mga kabataan sa panahon ng COVID-19 variants
  • sa Caloocan City, yung nakunan ng CCTV camera na riot ng mga basurang kabataan sa panahon na pwede na silang lumabas sa mga bahay nila, kung saan may bata na nawalan ng malay dahil daw napalo ng kahoy sa ulo ng isang 12 y/o na kriminal
  • sa Davao City, yung 14 na bikers na hinuli dahil sa paglabag sa mga health protocol, sa panahon ng mga variant, mga wala daw face mask at may nakumpiska pa na bote ng alak na malapit nang maubos
  • yung 8 ospital na nagbebenta daw ng mga overpriced na Remdesivir sa panahon ng COVID-19 variants
  • yung ilegal na rebranding ng mga modem ng isang telecommunications company bilang modem ng isang Imperial company
  • yung nasabat ng BOC, na nasa Php 10 Million na halaga ng smuggled na sibuyas mula sa Imperyo
  • sa Cebu, yung nasa Php 90 Million na halaga ng pekeng mga sigarilyo na sinira ng Bureau of Customs na dumating daw bilang 2 magkahiwalay na shipment na mula sa Imperyo
  • sa Bukidnon, yung winasak na nasa Php 50 Million na halaga ng misdeclared na mga sigarilyo na mula sa Imperyo, na pinalabas ng mga kriminal bilang office furniture
  • yung 2-in-1 na demolition and promotion approach sa social media, kung saan sinisiraan ang pangalan ng isang namatay na tao sabay mention din naman sa pangalan ng mga ini-endorse nila
  • yung miyembro ng isang masamang angkan na binigyan ng award para sa pagpo-promote ng mabuting ugnayan ng bayan at ng Imperyo
  • sa Ilagan, Isabela, yung nasa 23 na Imperial citizen na nahuli dahil sa paglabag sa travel protocol at sa pamemeke ng swab test result
  • yung Imperial citizen, nurse, at medical technologist na nahuli ng NBI dahil sa ilegal na pagbebenta ng Imperial vaccines, madalas daw na Imperial citizens ang mga buyer nila
  • sa Mandaluyong City, yung lalaking Imperial citizen na nahulihan ng nasa Php 500,000 na halaga ng hinihinalang shabu
  • sa Novaliches, Quezon City, yung nasa Php 860 Million plus na halaga ng hinihinalang shabu na nasabat mula sa 3 suspek na mga Imperial citizen
  • sa Balagtas, Bulacan, yung Imperial citizen na napatay sa buy-bust operation kung saan may nasamsam na nasa Php 500 Million na halaga ng hinihinalang shabu
  • sa ParaƱaque City, yung 5 daw Imperial citizen at 1 lokal na mamamayan, na nahuli matapos ang tangkang pagdukot sa isang POGO worker na Imperial citizen din
  • yung banta daw ng Peru variant ng COVID-19
  • yung Olympic qualifier na sprinter na fully vaccinated na ng Pfizer brand, pero naging carrier pa rin ng COVID-19
  • yung napasok ng COVID-19 ang Olympic Village para sa Tokyo Olympics
  • yung British na 10 buwan nang sunud-sunod na nagpo-positive sa COVID-19
  • sa Indonesia, yung mahigit 350 na medical workers na tinamaan pa rin ng COVID-19 kahit na naturukan na sila ng Imperial vaccine
  • yung mga bansa na umasa sa Imperial vaccine, pero ngayon ay humaharap sa surge nung virus
-----o0o-----


July 31, 2021...

yung kung kailan ipinagmamalaki ng pamunuan na madami-dami na silang mga napabakunahan..
eh saka naman tumataas ulit yung mga kaso ng COVID-19... šŸ™

is feeling , sino ngayon ang spreader...??


>
sa Hagonoy, Bulacan..
yung vaccination program na sobra-sobrang dinumog ng mga mamamayan sa panahon ng mga variant...

is feeling , terible ang siksikan...

---o0o---


August 1, 2021...

yung mga pahamak na nagpapanukala na iklian ang pagitan ng pagtuturok ng 1st at 2nd dose ng vaccine.. šŸ™
samantalang ayon pala sa research eh mas kakaunti lang ang napo-produce na antibody kapag mas maikli lang ang interval...

28 days daw ang mas effective kumpara sa 14 days lang...

is feeling , so nagsa-suggest sila ng mali para talagang mapababa yung efficacy ng mga binibiling vaccines...??


>
sa Sultan Mastura, Maguindanao..
yung Barangay Kagawad at isang kasabwat na nahulihan ng nasa mahigit Php 3 Million na halaga ng hinihinalang shabu...

is feeling , hindi sila nauubos...


>
sa Zamboanga City..
yung isang miyembro ng Philippine National Police na natuklasan na miyembro daw ng Abu Sayyaf Group...

is feeling , infiltration unit...?

---o0o---


August 2, 2021...

sa Balagtas, Bulacan..
yung Imperial citizen na napatay sa buy-bust operation..
kung saan may nasamsam na nasa Php 500 Million na halaga ng hinihinalang shabu...

is feeling , friends...


>
sa Davao City..
yung 14 na bikers na hinuli dahil sa paglabag sa mga health protocol, sa panahon ng mga variant..
mga wala daw face mask..
at may nakumpiska pa na bote ng alak na malapit nang maubos...

is feeling , the safest...

---o0o---


August 3, 2021...

yung ang mga mamamayan daw ang nakikinabang sa mga napapatay na drug-related personalities...??

una, wala pang lumalabas na balita na tuluyan nang nagwakas ang mga sindikato ng ilegal na droga..
ni wala nga akong nababalitaan na mga chemist na pinagpapatay eh... šŸ™

ang problema kasi..?
paano kung mga karibal lang ang pinapatay..?
gaya noong nangyari dati na pinagpatayan ng CCTV camera at pinatay sa kulungan...

is feeling , yung parang pili lang ang mga namamatay...??


>
sa Novaliches, Quezon City..
yung nasa Php 860 Million plus na halaga ng hinihinalang shabu na nasabat mula sa 3 suspek na mga Imperial citizen...

kagaya niyan..
mga kriminal na Imperial citizen..
mga importer ng ilegal na droga..
kung totoong may sistema, edi sana ni hindi nga dapat nakakapasok yung mga ganung kriminal dito sa bayan...

is feeling , palayasin na lahat ng mga Imperial citizen...


>
sa Palayan City, Nueva Ecija..
yung sinunog na bangkay ng isang online seller ng mga alahas..
kung saan suspek sa pagpatay ang nasa 5 pulis... šŸ™

is feeling , kagaya niyan.. paano magtitiwala sa sistema kung ganyan...??

---o0o---


August 4, 2021...

sa Cebu..
yung mga health workers na tinamaan pa rin ng COVID-19..
kahit na 95% na daw sa mga iyon ang vaccinated na..
nasa 100 plus iyon mula sa iba't ibang mga ospital doon...

is feeling , natulad sa Indonesa...


>
herd immunity..?
seryoso ba sila..?
eh ultimo nga mga fully vaccinated eh pwede pa ring mahawa at maging carrier..
or worse, Asymptomatic carrier... šŸ™

is feeling , hindi dapat lokohin ang mga mamamayan tungkol sa herd immunity gayong wala pa naman talagang napapatunayan na immunity...

---o0o---


August 5, 2021...

sa Maynila..
yung dinumog at nagkagulo na sa vaccination site sa panahon ng Indian variant ECQ..
kung saan pinauwi na ng mga pulis yung maraming mga nagpunta...

ang laking tulong nung banta na hindi na papayagan na makalabas ng bahay ang mga hindi bakunado... šŸ™

is feeling , sabog na naman 'to...


>
sa Las PiƱas..
yung vaccination site na dinumog sa oras pa lang ng curfew, sa panahon ng Indian variant ECQ...

is feeling , sabog na naman 'to.. nagtagumpay na naman ang setup nila...


>
yung panibagong exodus ng mga tao mula sa NCR..
dahil sa banta ng panibagong ECQ na dulot ng paghahanda laban sa Indian variant...

is feeling , sabog na naman 'to pauwi.. pasalubong mode...


>
sa Pastrana, Leyte..
yung 1 magsasaka na napatay at 1 sugatan dahil sa pamamaril ng suspek na isang Barangay Chairman...

is feeling , sila ulit...

---o0o---


August 6, 2021...

yung maling show cause order ng DILG para sa Mayor ng Manila..
na ini-withdraw din naman nila...

is feeling , anong klase namang pagkakamali 'yon...??


>
yung opisyal na sinisita yung mga nananakot daw na kesyo hindi na pwedeng lumabas ang mga hindi bakunado...

ang tanga nga nun..
sino nga ulit 'yon..?
yung nagsabi ng mga ganung pananakot sa TV...??

is feeling , good job daw, sabi ng Imperial Bestfriend.. tagumpay ang lalong pagpapasabog ng bioweapon...


>
sa Quezon City..
yung barangay na may No Vaccine, No Quarantine Pass policy...

so pababayaan na lang mamatay lahat ng mga hindi pa bakunado..?
gayong wala naman talagang available na vaccine para sa lahat... šŸ™

is feeling , mga gagong basura...


>
sa Sulu..
yung Sulu PNP Provincial Director na binaril at napatay ng kapwa niya pulis sa isang quarantine checkpoint...

is feeling , among them...


Ang Alamat ng Most Undesirable Guy on Earth - First Week of August 2021 (Sleeping with the Horse)

Loveless Story


July 31, 2021...

nagpaparamdam na naman yung Kabayong bakod..
matapos na medyo bumuti na ang sitwasyon..
gusto niyang subukan nila..
kesyo kung ikasisiya daw iyon nung babae eh..
huwag na daw nilang intindihin kung ano man ang iisipin ng ibang tao...

kumikilos na naman yung oportunista..
tingnan natin kung magugustuhan yan ng magulang mo..
at tingnan natin kung magugustuhan yan nung babae na inanakan mo lang noon...

is feeling , kelan ka kaya tatamaan ng bioweapon...??

---o0o---


August 3, 2021...

lagot na, unseen ang mga messages ko para sa kanya...

kanina na lang ulit siya nagparamdam..
after ng 3 days na hindi niya ako kinakausap..
pero bukod dun..
wala ng update kung nasi-seen ba niya yung mga messages ko o ano..
nagpatay kaya siya ng seen notification...??

tapos ayun..
todo suporta na naman siya sa pagnenegosyo nung Kabayong bakod.. šŸ™
hindi ko alam kung anong meron sa pagitan nilang 2 sa ngayon..
pero aaminin ko na nakakapagselos na madalas niyang bigyan ng heart na reaction yung mga ginagawa nung lalaking iyon..
iniisip ko na lang na ganun din naman siyang mag-react para sa iba pa niyang mga kakilala na lalaki..
samantalang ako..
tinutulungan ko naman siya..
pero block kaagad kapag nalaman niya na ako pala yung may-ari ng account... šŸ™

sana lang mahuli yung grupo ng lalaking 'yon dahil sa palaging paglabag nila sa mga health protocol sa panahon ng mga variant...

is feeling , unseen nga ba...??

---o0o---


August 4, 2021...

[Game]

nanghihinayang ako.. šŸ™
kung sana mga bandang May din ako nakapag-start na maglaro ng Axie Infinity..
hindi na masama yung nasa Php 12,000 every 15 days..
sayang din kasi yung mga dumaan na pagkakataon nitong July na nasa Php 36,000 every 15 days ang kita...

dati daw eh nasa Php 30,000 lang ang investment..
so sa ganung halaga eh nakabili na sana ako ng 2 team para sa akin.. šŸ™
at para magawa kong Scholar si Miss Racal...

kung sana nakapagsimula ako nang mas maaga..
edi sana naka-ROI na ako..
at baka kasama ko pa siya ngayon na sinusulit yung game, habang posible pa siyang pagkakitaan...

is feeling , wrong timing...??


>
ang sakit-sakit... šŸ™

kasama na ulit siya sa pagbebenta kagabi..
doon siya nakikikain..
at mukhang doon din siya nakikitulog..
naka-lingerie pa siya minsan na see-through.. šŸ™
mukhang simula noong August 1 eh sumasama na ulit siya doon sa Kabayong bakod na iyon...

doon ko rin siya nakitang kumakain noong minsan kaming nag-video call..
panahon iyon bago pa siya nagkasakit ulit...

tumutugma yung mga background nung bahay doon sa bahay nung Kabayong bakod..
at mukhang may sweet na picture din siya sa phone niya kung saan kasama niya yung lalaking iyon.. šŸ™
magkalapit yung kanilang mga mukha...

walang masama na tumulong..
pero pagtulong pa ba iyon kung magka-live-in na yung setup nila..?
samantalang may binabayaran na ibang bahay yung babae...??

akala ko pa naman may nagawa yung issue..
akala ko pa naman may magagawa ang mom niya para pigilan sila..
pero bakit ganito..?
bakit patuloy sila sa pagsasama nung Kabayong bakod...??

dati na niya akong ginamit bilang utangan noong sila pa ni Arjo..
at sinikmura ko iyon, kasi inisip ko na kailangan niya ng tulong ko..
kahit pa sobrang sakit para sa akin na makita na madalas silang mag-party noon..
pero bakit ganito na naman ngayon..?
kumakapit na pala siya doon sa Kabayong bakod na iyon simula noong maghiwalay sila ni Arjo..
pero bakit inuutangan pa rin niya ako ng pera..?
dahil ba alam niya na nahihirapan akong tumanggi sa kanya, dahil mahalaga siya para sa akin..?? šŸ™
bakit ko kailangang saluhin ang babaeng responsibilidad na ng ibang mga lalaki...??

t*ng ina..
lumalala lang ang delubyo na dulot ng bioweapon..
samantalang may Php 21,000 pa ako sa kanya..
may pera pa ako sa kanya, habang nagpapakasaya sila ng oportunistang single father na iyon..
pero heto ako, hindi ko alam kung paano ko pa mababawi yung pera ko mula sa kanya.. šŸ™
since hindi rin naman siya nagtatrabaho...

hindi niya ako pinapansin..
bihira niya akong kausapin..
dahil dun sa put*ng inang Kabayong bakod na iyon... šŸ™

wala akong maramdaman ngayon kundi puros galit na naman..
galit sa pagpapaikot sa feelings ko... šŸ™

is šŸ’” feeling , basura lang ba talaga ako para sa put*ng inang mundo na 'to...??

---o0o---


August 5, 2021...

kagabi, ipinaalam ko na sa babaeng binuntis ng Kabayong bakod ang kalokohan niya...

tapos ayun..
kulang ako sa tulog..
hindi mawala sa isip ko yung paggamit sa akin ng babaeng iyon habang magka-live in na pala sila nung Kabayong bakod... šŸ™

tama nga ang hinala ko..
umalis siya noong early July sa trabaho niya sa Capital, kasi gusto lang niyang makasama yung Kabayong bakod sa bahay nito..
hindi totoo na wala siyang oras para kausapin ako dati, dahil kesyo inaayos niya ang problema ng mga relatives niya..
kasi ang totoo, eh ayaw niya akong makausap habang magkasama sila ng lalaking iyon..
kagaya rin ng ginagawa niya lately..
kunwari nagpapagaling pa siya kaya hindi niya ako magawang kausapin sa phone..
pero ang totoo ay magkasama na nga ulit sila ng Kabayong bakod niya..
naawa pa naman ako sa kanya noong bagsak ang kalusugan niya..
pahingi-hingi pa ng tulong..
tapos noong magaling na siya eh nakipag-live-in na ulit doon sa lalaki..
at may oras na lang ulit yung pakikipag-usap niya sa akin..
ginagamit niya yung pagiging malayo ko sa kanya para paikutin ako dahil sa feelings ko..
alam niyang may gusto ako sa kanya, dahil vocal naman ako simula't sapul..
pero hindi niya sinasabi na nagsasama na sila sa kuwarto nung Kabayong bakod, kasi ayaw niyang mawala yung suporta ko sa kanya..
ayaw niya akong idispatsa, kasi hinahabol pa niya yung mga perang mauutang niya mula sa akin..
dahil alam niyang nagpapauto ako sa kanya... šŸ™

hindi na ako magtataka kung plano talaga nung 2 na 'yon na patayin yung bata sa sinapupunan niya..
malamang na alam na nila iyon noong hindi dumaan ang monthly period niya..
kaya nag-decide sila na itumba yung bata..
dahil anak naman daw iyon ni Arjo, at para hindi na makagulo sa pagsasama nila...

ilang beses kong sinubukan na magpatawad..
ilang beses ko siyang binigyan ng pagkakataon na iparamdam naman sa akin na hindi lang niya ako kasangkapan para sa pangungutang..
pero paulit-ulit lang niya talaga akong ginamit..
habang inililihim sa akin na masaya na siya sa piling ng ibang lalaki.. šŸ™
wala ng lugar ang pagpapatawad sa buhay ko..
babawiin ko lang yung Php 21,000 ko mula sa basurang babae na 'yon..
at wawasakin ko na silang lahat pagkatapos...

tapos..
nag-travel siya pa-South..
kung kailan pa talaga may banta ng higher level ng bioweapon..
pero saan siya pupunta...??

is šŸ’€ feeling , Way of Destruction No. 2...

---o0o---


August 7, 2021...

nadatnan ko siyang gising nang maaga today..
at talagang binalikan niya ang maraming lumang post nung Kabayong bakod para lang mag-react o mag-comment... šŸ™

sanay ako na itinuturing lang akong basura ng mga babaeng nagugustuhan ko..
pero ang hindi ako sanay..?
yung gagamitin lang yung feelings ko para maglabas ako ng pera, habang palihim siyang nakikipaglandian sa lalaki niya nang magka-live-in na kaagad sila... šŸ™

kaya pala mas masahol na yung estilo niya ngayon..
medyo madaldal at nagkukuwento kapag nangungutang..
tapos kapag na-receive na niya yung pera eh "okay, thanks, bye"... šŸ™

p*ta ka talaga..
halos kaiiwan pa lang sa'yo ni Arjo noong dikit ka na nang dikit kaagad sa traydor niyang kabarkada..
then halos kamamatay pa lang ng anak mo, pero pagkagaling mo eh nagsasama na ulit kayo nung Kabayong bakod... šŸ™

mga hayop kayo..
sana hindi ninyo ako idinamay sa mga medical expenses ninyo... šŸ™

bakit ba ganito..?
sa tuwing sinusubukan kong lumapit sa diyos ng mga tao para sa tulong..
bakit parang demonyo lang yung nakakarinig sa akin at binabaligtad ang lahat ng mga pakiusap ko...?? šŸ™

is šŸ’” feeling , sana mawasak kayong lahat...

-----o0o-----


August 1, 2021...

[Gadget-Related]

may problema ngayon yung pagre-render ko sa Daz dahil sa graphics card ko.. šŸ™
hindi ko alam kung nakaapekto ba sa kanya yung pag-install ko ng Axie Infinity o ano...

kagabi..
dahil madami naman akong natirang bakanteng oras..
pagka-set ko ng render..
bigla na lang nag-black screen yung monitor, tapos loading na cursor..
bumalik yung display..
naka-run pa rin naman yung 3D program..
nag-proceed siya sa operation niya hanggang dulo..
pero laking gulat ko nang bigla na lang nag-close yung program pagkatapos ng 2 hours na task niya..
ni wala akong nai-save na output...

so inulit ko siya ngayong umaga..
sa mobile na muna ako naglaro nung game..
pero halos ganun ulit yung nangyari..
nahihirapan yung graphics card na paganahin yung limitadong CUDA cores niya, na dati naman ay maayos na gumagana... šŸ™

is feeling , hindi 'to pwedeng mangyari.. nakalabas lahat ng pera ko.. walang pwedeng masira ngayon...

---o0o---


August 3, 2021...

[Gadget-Related]

at nangyari na nga..
akala ko hindi na siya aabot eh..
pero heto na..
nakaabot ng 10 years o 1 decade ang Nokia 2730 classic ko..
at tumatagal pa rin yung battery niya ng ilang araw hanggang sa ngayon...

is  feeling , sulit...

---o0o---


August 6, 2021...

[Piracy]

ayun..
winasak na naman ako ng mga kriminal ng internet..
kung kailan kailangang-kailangan ko ng pera.. šŸ™
bago yung attacker ko this time..
at mukhang sa 2nd store binili yung mga items niya...

ang worst records ko noon eh para sa project #10..
kung saan inatake siya habang nasa 51% pa lang ng quota niya..
at binaboy siya ng pandisdis na 17 days after release na pamimirata... šŸ™

kaso double attack yung ginawa ng mga kriminal this time..
medyo naka-survive naman yung isa..
kaso nasa alanganin na posisyon pa yung latest release..
project #14 - attacked 129 days after release, inabot ng 64% para sa actual quota at 100% naman para sa adjusted quota.. 
project #15 - attacked 43 days after release, inabot ng 44% para sa parehas na actual at adjusted quota..
so itong 44% na yung lowest quota na na-meet ko bago babuyin ng online piracy ang trabaho ko... šŸ™

is šŸ’€ feeling , mamatay na sana silang lahat na rapid online pirates...


Friday, August 6, 2021

V-League: PVL Open Conference 2021 - 3

PVL Open Conference 2021


August 1, 2021...

Chery Tiggo versus Angels

Set 1, 25-18, unang nakaagwat ang Tiggo sa bandang kalagitnaan at naitawid nila yung set dahil sa kanilang 16 attacks..
Set 2, 25-20, maagang nakalamang ang Tiggo at nakuha yung set dahil sa kanilang 16 attacks plus 6 errors ng Angels..
Set 3, 25-22, nagawang makalamang ng Angels pero naagaw ng Tiggo ang set sa bandang dulo...

3-0, panalo ang Chery Tiggo...

Player of the Game si Santiago with 20 points from 16 attacks, 3 kill blocks, and 1 service ace..
Manabat with 12 points na may 10 attacks..
Paat with 9 points, plus 12 digs..
Adorador with 5 points, plus 14 digs and 7 excellent receptions..
Nabor with 22 excellent sets, plus 5 points na may 3 service aces..
para naman sa Angels..
Meneses with 11 points from 8 attacks, 2 kill blocks, and 1 service ace..
Molina with 9 points, plus 9 digs and 13 excellent receptions..
Pablo also with 9 points..
Arado with 24 digs...


Sta. Lucia versus BaliPure

labanan ng mga Chery Tiggo slayers...

Set 1, 25-15, dikitan sa simula pero nakalayo ang Sta. Lucia para makuha yung set..
Set 2, 25-12, unang nakaagwat ang Sta. Lucia at muling iniwanan ang BaliPure dahil sa lahat ng stats..
Set 3, 25-14, muling naiwanan ng Sta. Lucia ang BaliPure at nakuha yung set...

3-0, panalo ang Sta. Lucia...

Player of the Game si Sabete with 15 points from 11 attacks, 2 kill blocks, and 2 service aces..
Palomata with 11 points na may 5 kill blocks..
Phillips with 10 points..
Prado with 3 points, plus 14 digs and 6 excellent receptions..
Cheng with 20 excellent sets, plus 7 big Setter points..
wala namang nakaabot sa double digits para sa BaliPure..
Bicar with 14 excellent sets, plus 1 point and 11 digs..
hindi rin nakatulong sa kanila ang kanilang 25 big errors in just 3 sets...


BanKo versus PLDT

Set 1, 22-25, palitan ng kalamangan pero PLDT ang nanaig dahil sa kanilang 15 attacks and 3 service aces..
Set 2, 20-25, unang nakaagwat ang PLDT at hindi na nakahabol pa ang BanKo dahil sa kanilang 19 attacks kontra sa sarili nilang 7 errors..
Set 3, 21-25, dikitan ang laban pero muling kinapos ang BanKo...

3-0, panalo ang PLDT...

Player of the Game si Eroa with 22 digs and 9 excellent receptions..
Molde with 14 points from 12 attacks and 2 service aces..
Basas with 11 points, plus 13 digs..
Singh with 11 points na may 10 attacks..
Dimaculangan with 24 excellent sets, plus 5 points..
para naman sa BanKo..
si Nunag lang ang umabot sa double digits with 14 points from 11 attacks and 3 kill blocks..
Ferrer with 11 excellent sets, plus 1 point and 12 digs...

is feeling , wala, kulang sa puwersa ang Angels laban sa Tiggo.. mas malakas nga ang Sta. Lucia.. at muling nagkalat ang BanKo...

---o0o---


August 2, 2021...

ChocoMucho versus Army

Set 1, 25-19, unang nakalamang ang ChocoMucho at hindi nagawang makahabol ng Army dahil sa kanilang 17 attacks..
Set 2, 25-23, maaga ulit nakaagwat ang ChocoMucho pero naging palitan ng kalamangan ang laban kaso ay kinapos ang Army dahil sa 4 kill blocks ng ChocoMucho..
Set 3, 25-19, una nang nakalayo ang ChocoMucho at nahabol lang dahil sa kanilang bench pero tinapos din ng kanilang starters ang laban...

3-0, panalo ang ChocoMucho...

Player of the Game si Tolentino with 18 pure attack points..
Madayag with 11 points na may 4 kill blocks..
Gaston with 10 points na may 9 attacks, plus 9 excellent receptions..
Wong with 16 excellent sets, plus 3 points..
para naman sa Army..
Balse with 10 points from 7 attacks and 3 service aces..
Tubino with 10 pure attack points, plus 16 digs..
Gonzaga with 6 points, plus 24 digs...


Creamline versus Cignal

balik Libero na si de Jesus, bilang Digger.
nagte-testing din ng bench ang Creamline..
Abriam starts for Cignal naman...

Set 1, 25-22, unang nakaagwat ang Creamline at nakuha yung set dahil sa kanilang 16 attacks kontra sa sarili nilang 10 big errors..
Set 2, 27-25, dikitan ang laban pero nanaig pa rin ang Creamline dahil sa kanilang 3 kill blocks and 4 service aces laban sa sarili nilang 9 big errors..
Set 3, 25-19, palitan ng kalamangan ang laban pero Creamline ang nanaig sa huli...

3-0, panalo ang Creamline...

Player of the Game si Baldo with 14 points from 11 attacks, 1 kill block, and 2 service aces..
may plus 7 digs and 10 excellent receptions din siya..
Bb. Gumabao with 11 points na may 10 attacks..
Galanza with 10 points..
Caloy with 6 points off the bench for Set 3 only..
Morado with 21 excellent sets, plus 3 points na may 2 service aces.. 
para naman sa Cignal..
Abriam with 13 points from 9 attacks, 2 kill blocks, and 2 service aces..
Ipac with 10 points from 8 attacks and 2 kill blocks..
EstraƱero with 16 excellent sets, plus 12 digs...

is  feeling , kulang sa scorers ang Army.. hindi pa rin maganda ang error rate ng Creamline.. pero salamat sa 6th win nina Morado at Galanza...

---o0o---


August 3, 2021...

Angels versus BaliPure

Set 1, 25-20, unang nakaagwat ang Angels at nakuha yung set dahil sa kanilang 3 service aces plus 10 big errors ng BaliPure..
Set 2, 26-24, maagang nakalayo ang Angels pero naghabol ang BaliPure kaso ay kinapos din dahil sa 4 service aces ng Angels..
Set 3, 25-23, una namang nakaagwat ang BaliPure pero naagaw pa rin ng Angels yung set...

3-0, panalo ang Angels...

Player of the Game si Soltones with 14 points from 9 attacks, 1 kill block, and 4 service aces..
may plus 10 digs din siya..
Meneses with 8 points na may 4 kill blocks..
Arado with 9 digs and 18 excellent receptions..
para naman sa BaliPure..
Bombita with 18 pure attack points.. 
Espiritu with 10 points na may 7 attacks..
Casugod with 9 points na may 3 kill blocks..
Flora with 6 points, plus 12 digs and 11 excellent receptions..
Bicar with 23 excellent sets, plus 1 point..
Angeles with 11 digs and 14 excellent receptions..
kaso ipinahamak sila ng kanilang 28 huge errors kumpara sa 17 lamang ng Angels...


Sta. Lucia versus BanKo

Set 1, 25-13, agwat nang agwat ang Sta. Lucia at tuluyang iniwanan ang BanKo dahil sa kanilang 3 kill blocks and 2 service aces plus 10 big errors ng BanKo.. 
Set 2, 25-18, muling nakalayo ang Sta. Lucia sa bandang kalagitnaan at iniwan ang BanKo dahil sa kanilang 4 kill blocks..
Set 3, 25-16, una pa ring nakaagwat ang Sta. Lucia at gumamit pa ng bench para makuha ang set...

3-0, panalo ang Sta. Lucia...

Player of the Game si Phillips with 16 points from 13 attacks, 2 kill blocks, and 1 service ace..
may plus 16 digs din siya..
Prado with 10 points from 7 attacks and 3 service aces..
Sabete with 9 points na may 5 kill blocks..
Reyes also with 9 points na may 3 service aces..
Cheng with 16 excellent sets, plus 5 points..
wala namang umabot sa double digits para sa BanKo..
Maraguinot and Roces with 8 points each...

is feeling , as usual, kulang sa linis ang laro ng BaliPure.. wala, hindi talaga ma-utilize ng BanKo ang kakayahan ng mga players nila...

---o0o---


August 4, 2021...

Chery Tiggo versus Army

Set 1, 25-16, unang nakaagwat ang Tiggo at nakuha yung set dahil sa lahat ng scoring stats..
Set 2, 25-16, una ulit nakaagwat ang Tiggo para iwanan na ang Army dahil sa kanilang 17 attacks and 5 service aces..
Set 3, 25-21, una pa ring nakaagwat ang Tiggo at muling kinapos ang Army...

3-0, panalo ang Chery Tiggo...

Player of the Game si Manabat with 18 points from 16 attacks and 2 service aces..
Santiago with 15 points from 12 attacks, 2 kill blocks, and 1 service ace..
Adorador with 7 points na may 5 service aces..
Nabor with 29 excellent sets, plus 3 points..
para naman sa Army..
si Gonzaga lang ang umabot sa double digits with 11 pure attack points..
may plus 12 digs din siya...


Creamline versus ChocoMucho

ang 4th 5-setter match ng conference...
Rebisco versus Rebisco..
Panaga starts for Creamline..
at balik na si Coach Tai matapos ang kanyang mahabang quarantine...

Set 1, 18-25, unang nakalayo ang ChocoMucho at nahirapang humabol ang Creamline dahil sa kanilang 6 kill blocks plus 13 huge errors ng Creamline..
Set 2, 25-9, Creamline naman ang unang nakalayo at in-overkill nila ang ChocoMucho dahil sa lahat ng stats..
Set 3, 21-25, dikitan ang laban pero ChocoMucho ang nanaig sa dulo dahil sa kanilang 4 kill blocks and 2 service aces plus 8 big errors ng Creamline.. 
Set 4, 25-18, dikitan ulit sa simula at naagaw pa ng Creamline ang set dahil sa kanilang scoring stats kontra sa sarili nilang 9 big errors..
Set 5, 15-6, unang nakalamang ang Creamline at napanindigan naman nila yung set...

3-2, panalo ang Creamline...

Player of the Game si Baldo with 22 points from 18 attacks, 1 kill block, and 3 service aces..
may plus 23 digs and 12 excellent receptions din siya..
Bb. Gumabao with 19 points na may 17 attacks, plus 16 digs..
Caloy with 16 points, plus 12 excellent receptions..
Panaga with 13 points na may 6 kill blocks..
Sato with 12 points..
Morado with 37 excellent sets, plus 2 points..
pero nanganib sila dahil sa kanilang 32 huge errors laban sa 19 lamang ng kalaban..
para naman sa ChocoMucho..
Tolentino with 16 points from 14 attacks and 2 kill blocks..
Madayag with 12 points na may 6 kill blocks..
Gaston with 11 points, plus 10 excellent receptions.. 
Arocha with 5 points, plus 18 digs and 12 excellent receptions..
Wong with 33 excellent sets, plus 1 point and 20 digs...

is  feeling , wala ring nagawa ang Army laban sa Tiggo.. lecheng mga error yan, dagdag sa mga kalaban eh.. pero salamat sa 7th win nina Morado at Galanza...

---o0o---


August 5, 2021...

BaliPure versus PLDT

hindi ko napanood, hindi ko kasi kaagad nakuha yung schedule...

Set 1, 17-25, nakuha ng PLDT..
Set 2, 15-25, nakuha ng PLDT..
Set 3, 19-25, at tinapos na ng PLDT ang laban...

3-0, panalo ang PLDT...

Player of the Game si Dimaculangan with 23 excellent sets, plus 4 points from 1 attack, 1 kill block, and 2 service aces..
wala na akong ibang stats na nakuha dahil walang inilabas na scoresheet...


Army versus BanKo

Set 1, 23-25, nagawang makaagwat ng Army sa bandang kalagitnaan pero naagaw pa ng BanKo ang set dahil sa kanilang 3 kill blocks plus 9 big errors ng Army..
Set 2, 25-21, maagang nakaagwat ang Army at naitawid nila yung set dahil sa lumamang sila sa bawat stats..
Set 3, 25-21, unang nakalamang ang Army at muling naitawid yung set dahil sa kanilang 3 kill blocks plus 9 big errors ng BanKo..
Set 4, 25-13, nagawang iwanan ng Army ang BanKo para makuha nga yung set...

3-1, panalo ang Army...

Player of the Game si Gonzaga with 17 pure attack points..
may plus 31 digs and 8 excellent receptions din siya..
Balse with 14 points from 11 attacks, 2 kill blocks, and 1 service ace..
Tubino with 13 points..
Bunag with 11 points..
Emnas with 23 excellent sets, plus 1 point and 18 digs..
para naman sa BanKo..
Nunag with 18 points from 14 attacks and 4 kill blocks..
Maraguinot with 17 points na may 15 attacks, plus 17 excellent receptions...


Sta. Lucia versus Angels

former Angels versus current Angels..
malalaman na kung sino ang mas malakas sa pagitan nila...

Set 1, 13-25, unang nakaagwat ang Angels at tuluyang nakalayo dahil sa lahat ng stats..
Set 2, 21-25, una ulit nakaagwat ang Angels at muling nakuha ang set dahil sa kanilang 15 attacks and 5 kill blocks..
Set 3, 22-25, Sta. Lucia naman ang unang nakaagwat pero naagaw pa ng Angels ang set...

3-0, panalo ang Angels...

Player of the Game si Pablo with 17 points from 15 attacks and 2 kill blocks..
Meneses with 15 points from 10 attacks, 4 kill blocks, and 1 service ace..
Soltones with 8 points, plus 13 digs and 14 excellent receptions..
Saet with 26 excellent sets, plus 2 points..
Arado with 18 digs and 6 excellent receptions..
para naman sa Sta. Lucia..
Sabete with 10 pure attack points, plus 7 digs and 9 excellent receptions..
Phillips also with 10 points from 8 attacks and 2 service aces..
Cheng with 23 excellent sets, plus 2 points...

is feeling , nadali din ng PLDT ang BaliPure.. may mali pa rin sa BanKo.. nakatulong naman para sa Army ang kanilang bench.. mas malakas ang Angels...

---o0o---


August 6, 2021...

Creamline versus BanKo

ang 5th 5-setter match ng conference..
3rd na 'to para sa Creamline..
back-to-back game days para sa BanKo...

Set 1, 25-12, unang nakaagwat ang Creamline at nakuha yung set dahil sa lahat ng stats..
Set 2, 22-25, dikitan ang laban at nagawa itong makuha ng BanKo sa dulo dahil sa tulong ng 10 big errors ng Creamline..
Set 3, 21-25, unang nakaagwat ang BanKo dahil sa kanilang 4 kill blocks plus 7 errors ng Creamline..
Set 4, 25-20, dikitan ang laban pero naitawid ng Creamline ang set dahil sa kanilang 18 attacks.. 
Set 5, 15-10, unang nakaagwat ang Creamline para maitawid yung set...

3-2, panalo ang Creamline...

Player of the Game si Baldo with 24 points from 22 attacks and 2 kill blocks..
Caloy with 20 points from 18 attacks and 2 kill blocks, plus 21 digs and 12 excellent receptions..
Galanza with 13 points..
Bb. Gumabao with 11 points na may 4 kill blocks..
Morado with 25 excellent sets, plus 3 points and 16 digs..
para naman sa BanKo..
Nunag with 17 points from 13 attacks, 3 kill blocks, and 1 service ace..
Guino-o with 14 points from 11 attacks, 1 kill block, and 2 service aces, plus 26 digs..
Maraguinot with 12 points..
Cayuna with 44 excellent sets, plus 6 points...


ChocoMucho versus Angels

back-to-back game days para sa Angels...

Set 1, 25-20, unang nakaagwat ang ChocoMucho at nakuha yung set dahil sa kanilang 15 attacks and 5 kill blocks..
Set 2, 23-25, dikitan ang laban pero Angels ang nanaig sa dulo dahil sa tulong ng 7 errors ng ChocoMucho..
Set 3, 25-21, dikitan ulit ang laban pero mas nanaig ang ChocoMucho dahil sa kanilang 4 kill blocks plus 7 errors ng Angels..
Set 4, 25-23, unang nakalamang ang Angels pero naagaw pa ng ChocoMucho yung set...

3-1, panalo ang ChocoMucho...

Player of the Game si Gaston with 14 points from 12 attacks and 2 kill blocks..
Madayag also with 14 points na may 6 kill blocks.. 
Tolentino with 13 points..
Arocha also with 13 points na may 12 attacks..
BDL with 10 points..
Wong with 26 excellent sets, plus 9 big points for a Setter na may 2 kill blocks and 3 service aces..
Revilla with 21 digs and 13 excellent receptions..
para naman sa Angels..
Soltones with 14 points na may 12 attacks..
may 19 digs and 37 excellent receptions din siya..
Meneses also with 14 points from 11 attacks and 3 kill blocks..
Perez with 29 excellent sets, plus 4 points..
Arado with 32 digs..
pero hindi nakatulong sa kanila ang kanilang 25 errors...


Cignal versus PLDT

back-to-back game days para sa PLDT..
hindi ko na napanood kasi gabing-gabi na...

Set 1, 20-25, nakuha ng PLDT..
Set 2, 14-25, nakuha ng PLDT..
Set 3, 19-25, at nakuha pa rin ng PLDT...

3-0, panalo ang PLDT...

Player of the Game si Molde with 16 points from 12 attacks, 3 kill blocks, and 1 service ace..
may plus 22 digs and 9 excellent receptions din siya..
Soyud with 12 points from 10 attacks and 2 kill blocks..
Singh with 11 points..
Dimaculangan with 27 excellent sets, plus 4 points..
Eroa with 21 digs..
wala namang nakaabot sa double digits para sa Cignal..
mukhang humina ulit ang laro nila nang sobra...

is  feeling , saka pa ginanahan ang BanKo kung kailan pagod sila mula kahapon.. salamat sa 8th win nina Morado at Galanza.. saka din lumakas ang PLDT noong may pagod sila...