Friday, February 21, 2020

Exchange of Favors

NOTE: this is not news..
i am not a reporter/journalist nor an influential person..
also, i'm not related to the government in any way..
but there are summary of news featured in this post..
it will require research in order to get the whole story regarding each particular news that is featured in here...

simple lang yan..
kapag nagpaapekto at nag-react ka sa opinyon ng ibang tao - eh BAKA nga may totoo sa mga sinasabi nila...


February 19, 2020...

stupid na nagkukunwari ka na reporma ang inyong hinahangad, pero pagpapasara ng kompanya ang inyong sinusuportahan na hakbang...

ano pang babaguhin na pamamalakad kung wala na mismo yung institusyon... :(

is ⚠ feeling , mga sinungaling na mascot ng alyansa...

-----o0o-----


lumampas na naman sa 500 ang bilang, kaya mag-i-start na ulit ako ng panibagong listahan ng mga kalokohan..
basta heto yung kadugtong nito:
http://blogngpotassium.blogspot.com/2018/08/just-clan-war.html
https://blogngpotassium.blogspot.com/2019/08/war-against-schools-victims.html

update ulit (503 + 501 + 226 na)..
medyo in-organize ko rin yung mga kaso..
pero paki-note na hindi na ganung ka-accurate yung bilang, at posibleng may redundancy na rin dahil sa sobrang dami ng mga nakalista...

una (untikan ko nang makalimutan 'to), ang pagtataksil sa interes ng bansa at ng mga (ibang) mamamayan (lalo na yung mga naging biktima), at pagbalewala sa kasaysayan at dangal ng bansa:
  • yung pangmamaliit kaagad sa mga kababayang atleta
  • yung nag-offer ng bounty laban sa ibang napalaya ng palpak na sistema
  • yung paninisi sa dating administrasyon kahit na ang pag-abuso sa sistema eh tao nila mismo ang may kagagawan, at sila mismo ay batid na may mga nagre-request upang magamit nga ang kahinaan nung sistema na iyon
  • yung umamin tungkol sa pagpapa-ambush sa isang Mayor noong 2018
  • yung nagtalaga na naman ng opisyal na may kinasasangkutan pang kontrobersya, kesyo suspek daw sa pagkamatay ng 10 preso
  • yung palpak na tauhan na ibinalik na naman sa katungkulan
  • yung sinabi habang nasa ibang bansa na may mga General daw na sangkot sa ilegal na droga, tapos sabay bawi dito sa bansa na kesyo wala daw pala
  • yung gusto nang mangamkam ng mga lupain para lang makapagpatayo na ng dam sa tulong ng Imperyo
  • yung walang tiwala sa kanyang itinalaga
  • yung sinisilip yung mga kuwestiyonable daw na pondo ng ibang pinuno, gayong siya at sila rin ay may kuwestiyonableng pondo para sa premature na pagpapakilala
  • yung sinibak na kaagad yung taong hinamon at itinalaga niya, na para bang may iniiwasan na mangyari
  • yung naniwala at nagsalita dahil sa FAKE news, sa kabila ng napakalaking intelligence fund
  • yung pakikisawsaw sa isyu ng mag-asawa
  • yung patuloy na pagbabanta tungkol sa franchise ng isang TV network habang pinakikinabangan nila ang mga ito para sa SEA Games
  • yung gusto pang dagdagan kung magkano ang itinakda ng batas, samantalang may iba pang sektor ang nangangailangan ng suporta nila
  • yung ipinapabenta na lang ang isang TV network
  • yung plano na ring idamay ang Visiting Forces Agreement para lang sa kapakanan ng visa ng ilang kaalyado
  • yung pinuno na gustong magpauwi ng mga kababayan na mula sa area of origin ng nCoV
  • yung pinuno na pinipilit ang mga mamamayan na pakisamahan pa rin ang mga Imperial citizen sa gitna ng problema sa nCoV
  • yung lumalaban kuno sa katiwalian, samantalang hindi hinahabol ang mga kakampi para sa mga katiwaliang ginawa ng mga ito noon
  • yung pagtapos sa Visiting Forces Agreement
  • yung paspas na naman ang pagdepensa para sa isang pulis na napasama daw sa Narco List niya

are yung ang involved o semi-involved eh mga identified talaga bilang awtoridad o tauhan ng pamunuan, mga dati nang naging bahagi ng pamunuan, o kahit mga nagsasanay pa lang upang makakuha ng awtoridad:
  • yung 7 pulis-Antipolo na sangkot sa kuwestiyonableng buy-bust operation noong May 2019, kung saan kabilang din ang ilan sa 2013 Pampanga Ninja Cops
  • yung report from Laguna, yung PDEA agent at kasamahan niya na nahuling gumagamit ng ilegal na droga
  • yung pulis na nahuli ng PNP-IMEG na bukod sa nakunan na ng video habang gumagamit ng ilegal na droga ay nahuli pa sa entrapment operation dahil sa pagiging pusher
  • yung naka-AWOL na pulis na nahuli sa buy-bust operation malapit sa may New Bilibid Prison daw
  • sa Taguig City, yung pulis na hinuli dahil kasabwat daw ito ng kanyang asawa na related sa ilegal na droga na ginagamit pa ang kanilang bahay bilang drug den
  • sa Bacoor City, Cavite, yung Barangay Tanod na kasamang naaresto dahil sa pagtitimbre ng drug raid
  • sa Sampaloc, Manila, yung Barangay Kagawad at pamangkin niya na nahuli sa buy-bust operation
  • sa Sampaloc, Manila, yung Barangay Kagawad na nakunan ng video at nahuli dahil sa pagbebenta ng ilegal na droga sa mismong bahay niya
  • sa Cagayan de Oro, yung Barangay Kagawad na inaresto dahil sa involvement niya sa ilegal na droga
  • sa Sto. Tomas, Batangas, yung Barangay Kagawad na nahuli dahil sa pagtutulak ng ilegal na droga, bukod dun ay may 2 pang nahuli, at sila-sila ang nagturuan
  • sa Sto. Tomas, yung Barangay Chairman na mula pa sa Mindoro na kabilang sa mga nahuli dahil sa ilegal na droga
  • yung Barangay Coordinator na hinuli dahil daw sa pangingikil ng nasa Php 18,000 kapalit ng pag-aalis ng pangalan ng isang drug surrenderer mula sa drug watchlist
  • sa Commonwealth, Quezon City, yung 7 Barangay Tanod na sangkot sa pangingikil laban sa asawa ng isang drug-related personality, bukod pa sa pangre-rape daw nila dun sa babae
  • sa Quezon City, yung pulis na nahuli dahil sa pagbebenta ng mga baril at bala, ilan sa mga nasabat na armas ay government-issued pa daw
  • sa Cavite, yung Barangay Kagawad na nakunan ng CCTV na nanloob ng bahay
  • sa Iloilo City, yung Jail Guard na nanutok ng baril sa bar
  • sa Cagayan de Oro, yung pulis na naaresto dahil sa panggugulo sa isang bar, yung may hina-harass daw na babae at nanutok pa ng baril
  • yung pulis na nambugbog ng Traffic Enforcer sa daan dahil naabala daw siya ng panghuhuli nito
  • sa Pandacan, Manila, yung nakunan ng CCTV na pulis na nanakit ng mga kabataan matapos na may mabasag daw sa kanyang sasakyan
  • sa Lapu-Lapu City, yung nakunan ng video na 4 na pulis na nambugbog ng 2 lalaking nanggulo daw
  • sa Valenzuela City, yung lalaki na nag-amok daw na napatay naman sa pagkuyog sa kanya ng mga tanod at pulis
  • sa Puerto Princesa, Palawan, yung babae na namatay sa pamamaril ng kanyang asawang pulis na nagbaril din naman ng sarili matapos iyong krimen
  • sa Bohol, yung babaeng pulis na napatay sa pamamaril ng sarili niyang asawa na pulis rin, may problema daw sa pag-iisip yung lalaki at nagbaril din sa sarili
  • sa Marikina City, yung shootout sa pagitan ng 1 sundalo at 2 pulis, kung saan napatay yung sundalo samantalang sugatan yung mga pulis
  • sa Marawi City, yung pulis na hinuli dahil sa pagmamaneho ng carnap na sasakyan, bukod dun ay ni wala daw siyang lisensya
  • sa Pasay City, yung Traffic Enforcer na nakunan ng video na nangongotong kapalit ng hindi niya pag-i-issue ng ticket
  • sa Manila, yung Enforcer ng MTPB na nakunan ng video habang nangongotong sa driver ng isang SUV
  • sa Pasig, yung enforcer na tumanggap ng pera mula sa taong sinita niya dahil sa paninigarilyo, kesyo tinanggap daw niya yun bilang pasasalamat nung tao dahil hindi niya muna yata iyon pinagmulta
  • sa Manila, yung lolo na namatay matapos na mabangga ng motor na minamaneho ng isang pulis na lasing daw at mabilis magpatakbo
  • sa Quezon City, yung Traffic Czar at mga kasamahan niya na nanira ng nasita nilang sasakyan na walang sakay
  • sa Quezon City, yung retiradong pulis na sinubukang manuhol ng mga kapwa pulis dahil sa mga nasamsam na video karera
  • sa Sariaya, Quezon, yung Barangay Kagawad at mga kaanak niya na nahuling nagpapatakbo ng online gambling
  • sa Muntinlupa City yata iyon, yung teacher na nakunan ng video na nananampal ng mga estudyante

are naman yung mga hindi pa malinaw kung anong klase nga ng mga tao ang involved o hindi tiyak o nabanggit kung sino ang nakatama o hindi masabi kung ano nga ang totoong nangyari:
  • sa Iloilo City, yung mga pulis na nang-agaw daw ng ibang pera sa gitna ng anti-gambling operation, hindi daw kasama sa record ng mga nakumpiska yung perang kinuha mula sa biktima
  • sa Bacolod City, yung naka-AWOL na sundalo na nangmolestiya daw ng isang special child na dalagita
  • yung Mayor ng Misamis Occidental na itinumba habang nasa custody na ng mga pulis
  • yung witness para sa Good Conduct Time Allowance (GCTA) controversy na pinatay sa pamamaril sa Muntinlupa City
  • sa Bauan, Batangas, yung itinumba na yung suspek sa pagpatay sa isang 11 y/o na babae na sinasabing tinangka din daw na gahasain
  • sa Marikina, yung lalaki na napatay sa pamamaril ng isang pulis, may tama rin yung isa niyang kaibigan sa tiyan
  • yung pagtatanim daw ng mga ebidensya laban sa makakaliwang grupo

heto naman yung mga may kinalaman sa kahinaan ng kasalukuyang penal system at pagpapatupad ng iba pang mga batas, patakaran, at sistema sa bansa:
  • ang kawalan ng kakayahan ng mga awtoridad at ng justice system na kusang kasuhan ang mga kriminal sa kabila ng matitibay na ebidensya gaya ng video footage o ng mismong pagresponde ng awtoridad sa krimen
  • sa Las Piñas City, yung 3 pulis na naabutang natutulog sa ginawang inspeksyon ng NCRPO
  • sa Boracay, yung 2 pulis na nahuling nagmo-mobile games habang nasa duty
  • sa Central Visayas daw, yung 3 police officers na nahuling naglalaro ng golf sa oras ng trabaho
  • sa Bacolod City, yung nagawang pagsasaksakin ng gunting ng isang kaanak nung biktima na special child na dalagita yung naka-AWOL na sundalong suspek habang naaresto na ito
  • sa Antipolo City, yung pulis na nakunan ng video na nagsasabong
  • yung lumabas sa surprise inspection na marami nga ang private vehicle na ginagamit ng mga pulis na hindi rehistrado at/o walang plaka
  • sa Taguig, yung sasakyan ng mga pulis na ilegal ang pagpaparada malapit sa presinto
  • yung pulis na nahuli na namamasada DAW ng colorum na van
  • yung nasa 18 na hinuli dahil sa ilegal na pagpapaputok ng baril kung saan kabilang ang ilang pulis at sundalo
  • yung pulis na nahuli ng PNP-IMEG, na dati nang naalis sa serbisyo dahil din sa involvement sa ilegal na droga pero nagawang makabalik noong 2017 sa pagiging pulis
  • yung ang daming isinisiwalat ngayon na modus ng mga armadong empleyado, pero ano bang ginawa nila noon pa lang na nalaman na daw nila ang tungkol sa mga ganun
  • yung tangkang pagtatakip sa kaso ng Pampanga Ninja Cops noong 2013
  • sa prusisyon, yung general na pulis na nang-agaw ng smartphone ng taga-media at sinubukan din daw na magbura ng video
  • yung sobra-sobra namang ph-in-otoshop na picture DAW ng mga sumukong rebelde na i-p-in-resent ng Philippine Army
  • yung panibagong kaso ng pagkamatay sa PMA nang dahil daw sa hazing
  • yung wala nang ipinagkaiba ang hazing mula sa bullying
  • sa Daraga, Albay, yung babae na sugatan matapos na sakmalin ng aso
  • sa Pangasinan, yung 7 y/o na may 17 beses daw na pinagkakagat ng nasa 5 aso
  • yung wala ng halaga ang mga karton para sa mga mangangalakal
  • yung perwisyong idinudulot ng pag-a-adjust ng mga existing landline numbers
  • yung pagtaas ng rate ng pamasahe sa provincial bus
  • yung wala man lamang pakunsuwelo para sa mga motorista sa kabila ng hindi na pagiging expressway ng SLEX
  • yung opisyales ng DOTr na isinisisi sa palpak na maintenance DAW ng nakaraang administrasyon iyong pagkasira na nangyari sa LRT 2, kahit na mahigit 3 taon na sila sa puwesto
  • yung halos nasa 10,000 driver ng iba't ibang klase ng sasakyan na nahuli sa isinagawang sabayang panghuhuli
  • yung tutol na tutol dati sa motorcycle TNVS dahil sa isyu ng safety, tapos biglang gusto ngayon na magbigay kaagad ng permit sa maraming kaparehong klase na service provider
  • yung mabilis nga ang naging approval dun sa iba pang motorcycle TNVS kumpara dun sa nauna na hinarang nang maige
  • yung pagbaba ng presyo ng bentahan ng lokal na palay
  • yung may pa-commercial pa tungkol sa Rice Tariffication
  • yung latest na pagkalugi ng mga magsasaka ng Benguet dahil sa maling sistema
  • yung sobra-sobrang pagtaas ng presyo ng galunggong
  • yung nakapasok na ang African Swine Fever (ASF) sa bansa
  • yung may mga processed meat na rin na apektado ng ASF na hindi naman pinapangalanan yung kompanya
  • yung may nakalusot na rin na kaso ng ASF sa isang kilalang supermarket
  • yung totoong nabigyan nga ng certification yung mga karneng baboy na nag-positive sa ASF na nakalusot sa malalaking supermarket
  • sa Bulacan, yung paggamit sa isyu ng ASF para makapanabotahe ng negosyo ng iba
  • yung latest na kaso ng Lambanog poisoning sa Laguna at Quezon nitong 2019
  • yung mga opisina ng gobyerno na umaasa pa rin hanggang ngayon sa manual checking at nire-require pa ang kopya ng mga resibo ng mga tao para sa pag-che-check, kahit na may kopya dapat sila ng mga nasabing resibo
  • sa GSIS, yung December pa ginawa yung request, pero noong kinumusta by February eh kesyo nawala daw sa isip
  • sa PAGCOR, yung tigil na nga muna ang pagbibigay nila ng assistance matapos na malusutan sila ng mga pekeng dokumento, pero laya na kaagad yung mag-asawang nahuli nila
  • yung empleyado ng PAGCOR na hinuli dahil sa pagsa-sideline daw bilang fixer ng mga humihingi ng tulong
  • yung balik operasyon na kaagad yung mga ipinatigil na laro ng PCSO, maging yung mga pinagdudahan na laro
  • sa PSA, yung nagpa-correct na dati ng birth certificate kapalit ng nasa Php 10,000, pero nag-recur na ulit yung error ngayong 2020
  • yung nagkaproblema daw yung gumagawa ng UMID card para sa SSS
  • yung katulad ng sa SSS, eh yearly na rin magtataas ng contribution ang PhilHealth sa loob ng ilang taon
  • yung pagtataas ng rate ng contribution ng iba't ibang services ng pamahalaan para lang ma-shoulder yung mga ipinangako para sa mga piling mamamayan
  • yung mga kaso ng peke at for sale na mga PWD (persons with disabilities) ID
  • yung may Php 300 Million DAW na confidential funds ang DICT
  • yung Senator na gustong hati-hatiin at ipamigay na kaagad ang reward para sa mga Centenarian simula 80 y/o pa lang
  • yung panukala tungkol sa pagpili ng mga Senador para sa bawat region, samantalang batid naman nila ang paraan ng pagbili ng property o paglipat ng residence para lang makatakbo sa pulitika
  • yung hindi pa man nagtatagal, pero papalitan na nga ulit yung Php 5 coin na matagal nang sinisita ng iba dahil sa pagiging nakakalito nito
  • yung pagwawaldas ng pera ng bayan para sa pagbili ng 2 mamahaling jet
  • yung masyadong pagsasabay-sabay ng mga projects at pangungutang sa panahon na ito
  • yung mga projects daw ng DPWH for 2020 na kulang-kulang ang detalye o di kaya ay kuwestiyonable
  • yung bumigay na bahagi ng Skyway Stage 3 project dahil sa nangyaring sunog sa malapit dito
  • yung nasa Php 50 Million worth ng cauldron na gagamitin lang sa torch lighting para sa 2019 SEA Games
  • yung mga pinuno na tinatawag na crab mentality ang pagsita sa mga kuwestiyonableng gawain
  • yung pinuno na pulitika naman ang sinisisi sa kabila ng mga totoong nangyayari na kapalpakan
  • yung pinuno na pinagmumukha na ang mga bumabatikos sa mga kapalpakan ang masasama sa halip na yung mga pumapalpak mismo
  • yung palpak na pagsalubong at pag-accommodate sa mga representative ng ibang bansa
  • yung reklamo ng mga representative tungkol sa kakulangan ng masusustansiyang pagkain para sa mga atleta
  • yung kulang daw ang Halal certified food para sa SEA Games
  • yung Football team captain ng Brunei na inatake naman ng allergy dahil sa pagkain
  • yung mga rifle ng shooting team ng ibang bansa na kinumpiska nang dahil sa miscommunication
  • yung problema sa sasakyan ng mga representative
  • yung pinakikinabangan nila ngayon yung TV network dahil lang sa event, samantalang kapag walang okasyon eh panay ang banat nilang magkakaalyansa tungkol sa katapusan nung franchise
  • yung naha-hype lately dahil sa sports at gusto pang gumastos nang gumastos, habang may mga sektor na nangangailangan ng tulong ng gobyerno ang hindi nabibigyan ng pansin
  • yung hindi na matalakay ang tungkol sa mga kuwestiyonableng paggastos noon dahil sa sunud-sunod na malalaking isyu at problema
  • yung may namatay na na positive sa nCoV dito sa bansa at late ang confirmation sa kanya, nakagala na sila nung kasamahan niya bago pa sila na-detect
  • yung ikatlong kaso ng nCoV na nakagala din sa bansa, yung nag-negative muna sa test tapos saka nag-positive noong nakauwi na sa kanilang bansa
  • yung dating maling paraan ng mga health leaders sa paghahanap ng mga posibleng PUI na nakabase lang sa kung sino ang may seat na malapit dun sa mga naging COVID-19 carriers
  • yung parang minamaliit ng mga health leaders ang paraan ng pagkalat ng COVID-19 kahit na may halimbawa naman doon sa cruise ship na nakadaong sa Japan
  • yung gustong iuwi na dito sa bansa yung mga mamamayan na mula sa cruise ship na nakadaong sa Japan, kahit na may mga namatay na dito na mga COVID-19 carrier at PUI
  • yung paglaki ng rasyon ng gatas para sa mga kinukuhanan nila ng suporta
  • yung akusasyon ng pamumulitika gamit ang mga biktima ng lindol, na kesyo may nag-uudyok DAW dun sa iba na mamalimos na sa daan
  • after 6 years, yung marami pa ring biktima ng Yolanda ang nagrereklamo tungkol sa kawalan ng pabahay sa kabila ng mga FAKE news noon na kesyo kaya DAW makapagtayo ng mga bahay within 3 weeks
  • yung pag-amin ng isang elected official na magiging sunud-sunuran lang siya sa kanyang kaalyado na pinuno
  • yung Representative na pinupuna ang Senate dahil sa aksyon na matagal naman na palang ginagawa rin talaga sa Senate 
  • yung hindi na nga gagawing priority nung opisyal na nakinabang sa TV network noong panahon ng SEA Games ang franchise renewal
  • yung pressure DAW ng Executive branch sa Congress sa usapin ng TV network franchise renewal
  • yung nakikialam na rin yung isang office sa pagpapabagsak sa isang TV network
  • yung naging masamang asal ng isang opisyal laban sa reporter nung ipinapasara nilang TV network
  • yung marami sa mga kini-claim na nilabag daw ng isang TV network ay suportado at binigyan naman daw ng permit ng mismong mga tauhan rin ng pamahalaan
  • yung nagreklamo tungkol sa Philippine Depositary Receipts (PDR) nung isang TV network, pero hindi naman pala naiintindihan kung ano yung PDR 
  • yung sa korte kaagad lumapit para magamitan ng gag order yung pinapasarang TV network
  • yung nagmura na naman si Non-Clam Defender
  • yung tauhan ng gobyerno na ultimo relief goods eh binibigyan ng masamang kulay para lang masiraan ang target nilang pulitiko
  • yung pinuno na gustong bumuo ng panibagong departamento, samantalang meron naman nang existing na ganun ang purpose
  • yung mga pinuno na naghihintay ngayon ng report at nagrereklamo pa, sa kabila ng limitadong panahon at access na ibinigay nila sa taong sinisiraan nila
  • yung mga pinuno na hindi matanggap yung resulta ng computation ng mga numero na sa mga hanay rin naman nila nagmula
  • yung mga pinuno na ginagawang basehan ang resulta ng mga survey samantalang daan-daang mga hindi kilalang tao lang naman ang natatanong sa mga pa-survey
  • yung idadamay lahat ng US citizen na papasok sa bayan kapag nagkataon dahil lang sa isyung politikal
  • yung report tungkol sa maraming kaso ng mga preso na napahamak habang nasa custody na ng mga awtoridad
  • yung paglilipat ng mga Criminal Witnesses sa ibang facility (na hindi kulungan) noong June 2019 pa
  • yung mga opisyales at dating opisyales na hiningan ng sulat at tulong nung pamilya nung convicted na rapist-murderer
  • yung ayon sa record, na qualified ang NGO Queen sa paggamit ng Good Conduct Time Allowance (GCTA), at rape ang kaso niya
  • yung mga opisyales na isinasali ang mga kriminal na convicted for committing heinous crime sa nakagagamit ng good conduct time allowance
  • yung libu-libo na DAW na convict na sangkot sa heinous crimes ang napalaya na dahil sa maling paggamit ng good conduct time allowance
  • yung lumalabas nga na for sale pa yung Good Conduct Time Allowance sa bilangguan, ang access ng mga kontrabando papasok, at maging mga medical documents daw
  • yung mga medical personnel ng New Bilibid Prison Hospital na kasabwat sa mga kalokohan ng mga bilanggong kriminal
  • yung ngayon lang ginigiba yung mga kuwestiyonableng kubol sa Bilibid
  • sa Bilibid, yung nasa 15 na pulis na nahuli dahil sa pagpupuslit ng kontrabando sa loob
  • yung mga pinagsisirang kontrabando mula sa Bilibid, na tila wala tuloy nagawang pagbabago yung mga sinundan na pinuno
  • sa Women's Correctional, yung mga nasamsam na mini-phone
  • yung meron pa ring mga nasabat na kontrabando sa Bilibid nitong early part ng 2020
  • yung kakampi nga noon ng mga Ampatuan ang Cosplayer
  • yung may panibago na namang civil case laban sa Dictator Clan ang ibinasura
  • yung may nabalewala na naman na forfeiture case laban sa Dictator Clan
  • yung panibago na namang ibinasura ng sandigan ng mga Diktador na Php 200 Billion forfeiture case
  • yung kasali nga pala sa mga naghahabol sana laban sa Dictator Clan yung isa nilang kaalyado na opisyal
  • yung kasunduan dun sa Imperial Telco, na planong maglagay ng facility nila sa provincial military base
  • yung dinaya daw ang bidding para sa Kaliwa Dam para paboran yung Imperial contractor
  • yung base sa kontrata ay may jurisdiction ang Imperyo in case na magkaroon ng kaso regarding sa Kaliwa Dam
  • yung may kontrol na pala ang Imperyo sa national power grid ng bayan
  • yung nagkaroon nga ng Imperial citizen na opisyal ang NGCP, at labag iyon sa batas
  • yung mga dayuhan na biktima ng illegal recruitment para sa mga POGO
  • yung Pastillas Operation ng mga tauhan ng Bureau of Immigration para sa mga POGO workers

at may kaso na iba-iba ang kategorya:
  • yung mga petroleum-based enthusiasts na sabay-sabay pa ang paggamit ng mga sasakyan para sa paghahatid ng relief goods, sa halip na gumamit o umarkila na lang ng malalaking sasakyan
  • yung mga TV network na tinutulungan pang patuloy na magkaroon ng public exposure yung mga pinuno na napatunayan nang nagkasala laban sa bayan
  • sa Quezon City, yung sasakyan ng isang Party-list Representative na nabiktima ng Basag-Kotse sa parking area ng isang kilalang mall
  • sa Makati, yung mga estudyante na nabundol ng jeep habang tumatawid sa pedestrian lane, na lumalabas na positive sa drug test yung driver at wala na ring lisensya
  • yung jeepney operator na tinanggap pa ring driver yung nakabundol sa Makati kahit wala na nga itong lisensya
  • sa Pandacan, Manila, yung mga kabataan, kasama ang 5 menor de edad na sinilaban ang mga lobo ng isang vendor na naging dahilan ng pagtatamo rin ng sunog at mga lapnos sa katawan nung vendor, at ni wala daw bakas ng pagsisisi sa mukha nung mga kabataan
  • yung hanggang sa panahon ngayon ay may mga insidente pa rin ng pangre-rape laban sa mga sariling kadugo
  • sa Malabon, yung kaso ng pagpatay sa isang beautician kung saan kinunan pa talaga nung 2 kriminal yung ginawa nilang krimen
  • yung mga nag-aalaga ng baboy na basta na lang ipinaanod sa ilog yung mga patay na baboy, kung kailan pa talaga may banta ng mabilis na lumaganap na sakit ng mga baboy
  • sa El Nido, Palawan, yung Forest Ranger na napatay sa pananaga ng grupo ng mga illegal loggers
  • yung mga representative ng ibang bansa para sa SEA Games na hindi na nag-practice dahil sa sobrang traffic sa host na bayan
  • yung mga atleta na pinagmumukha na ang mga bumabatikos sa mga kapalpakan ang masasama sa halip na yung mga pumapalpak mismo
  • yung pati depensa tungkol sa SEA Games kikiam, na chicken sausage o hotdog daw pala, eh palyado pa rin dahil nutritional value naman ang totoong hinahanap nung mga nagreklamo
  • yung nag-volunteer para sa SEA Games pero nagrereklamo at saka umatras
  • yung pagkukumpara ng ibang mamamayan sa kakayahan ng ibang bansa sa pamamagitan lang ng basic na currency conversion, nang hindi isinasaalang-alang ang economic level, rate ng pasuweldo, at purchasing power
  • sa Bocaue area, yung 2 bus na may sakay na mga foreign representatives na nasangkot daw sa aksidente
  • yung mga negosyante na sinasamantala naman yung mataas na demand para sa mga mask upang magpataas ng presyuhan
  • yung panibagong problema tungkol sa kakulangan ng mga mask na dulot ng problema sa nCoV
  • yung nagpa-panic buying na rin daw ang mga tao ng alcohol at sanitizers, at meron pang reporter na nakaranas ng overpricing
  • yung latest na kaso ng pambabato sa tren ng PNR, kung kailan naman nag-invest sila sa mga bagong tren
  • yung mga naglalagay ng kung anu-anong bagay sa may riles ng PNR
  • yung nagkanakawan na nga DAW sa ibang lugar na nasalanta ng pagputok ng Taal
  • sa Batangas City Sports Complex, yung 3 security guard na nahuling nagpupuslit ng mga relief goods
  • yung ultimo pagdating sa usapin tungkol sa kaligtasan ng mga mamamayan eh nagtatalo-talo pa rin ang mga tao
  • yung nakawan ng kable ng kuryente sa Ayala tunnel
  • sa Albay, yung nanakawan ng mga solar panel yung Mayon Volcano monitoring station ng Phivolcs
  • yung lalong pagmamahal ng rate ng internet service sa panahon ngayon
  • yung lumang agreement sa mga magtutubig na nagagamit nila ngayon sa pang-aabuso laban sa mga consumers at sa pamahalaan
  • yung pumayag yung mga magtutubig na hindi na bayaran yung mga danyos
  • yung tila pagpabor ng Catholic Bishop Conference of the Philippines sa pantay na pagbibigay ng Good Conduct Time Allowance para sa lahat ng klase ng bilanggo
  • yung palusot nung pamilya nung convicted rapist-murderer na kesyo nawala na daw yung mobile phone at number na magagamit sana bilang ebidensya
  • yung banta ng terorismo laban sa supply ng petrolyo
  • yung mga Cable TV Group na gustong pagkakitaan ang posibleng pagkawala ng isang TV network
  • yung mga laos na personalidad at iba pa na kayang magbiyahe papuntang Russia
  • yung celebrity na pinipigilan ang iba na magpahayag ng kanilang damdamin tungkol sa panggigipit
  • yung celebrity na naghahangad ng reporma sa kanilang industriya, pero pagpapasara ng kompanya ang sinusuportahan na hakbang
  • yung kaalyado ng kalaban sa pulitika yung abogado nung actor sa demolition video
  • sa Cavite, yung Person Under Investigation (PUI) dahil sa posibleng kaso ng nCoV na tumakas naman sa ospital
  • yung 2 Imperial citizens na nahuli dahil sa pagmamaneho ng lasing, at wala pang lisensya
  • yung mandudurang Imperial citizen na kung anu-ano na ang mga nilabag na batas at patakaran dito sa bansa
  • yung apology nung nambangga na Imperial vessel na may timing
  • sa Parañaque, yung Imperial prostitution den sa isang building na under construction pa
  • yung mga kaso ng kidnapping ng mga Imperial citizen laban sa mga kapwa Imperial citizen na related sa operasyon ng mga POGO
  • yung smuggled na mga karne ng baboy na galing sa Imperyo na nagpositibo na naman sa ASF
  • yung may nakapasok na nga na kaso ng Novel Coronavirus (nCoV) dito sa bansa na dala ng isang babaeng Imperial citizen na galing sa Wuhan
  • yung perwisyo ng nCoV sa ekonomiya
  • yung pati UAAP eh naperwisyo na rin ng COVID-19
-----o0o-----


February 15, 2020...

sino nga yung nagprotekta dati sa inilihim na bank account ng Hokage na Mahilig..?
sino nga yung mga nanakot sa bangko na kesyo magsasarado sila ng mga account nila kung iri-reveal yung mga naging transactions nung account ng isang public servant...??

tapos ngayon eh naghahamon siya na mag-reveal ng mga value ng mga kontrata..??
eh ano ba talaga..?
dapat bang manaig ang transparency o hindi...??

sino nga yung nabigyan na ng lubos na kalayaan ng Hokage na Mahilig..??
sino nga ang magaling at matapang na may nagawa na laban sa pananakop ng Imperyo..??
sino nga yung protektor ng mga celebrities na drug-related..??
sino nga ang kaibigan ng ilang mga celebrities na nakapitik na ng mga gatas...??

may problema siya sa employment..?
edi igiit nila yun sa bahagi ng pamunuan na may kinalaman sa employment..
matagal nang alam, lalo na ng mga mahihilig magprotesta, na iyong mga patakaran mismo ang talagang butas dahil pinababayaan ng pamunuan na manatiling butas..
at siya na rin mismo ang nagsabi na bahagi siya ng industriya, kaya dapat matagal na rin niyang alam na hindi naman talaga mga regular yung mga ganung klase ng trabaho..
choice ng mga tao kung papasok sila sa kung anong trabaho base sa kung anuman ang mga nakalatag nang benefits..
wala sa kanila ang pinipilit na gawin ang mga trabahong iyon...

ni hindi nga lang tungkol sa entertainment ang press, para paliitin niya yung saklaw nung topic eh...

nakakatawa na sinisita niya yung mga pang-aabuso kuno sa larangan lang nila..
samantalang yung mga pahirap na dulot ng support-buying system ng pamunuan nila eh hindi naman niya sinisita...

masasama nga naman ang mga celebrities..
kaya paki-compute na rin nung mga kinikita nung mga laos na celebrities na nagmumula sa mismong gatas, compared sa kalidad ng mga trabaho nila...

sa bandang huli..
alyansa pa rin nila ang sobrang daming bulok na miyembro na tino-tolerate nila...

is ⚠ feeling , alam mong masama ang isang tao kapag mga piling mga kamalian lang ang kaya niyang sitahin...

---o0o---


February 16, 2020...

kung meron mang mga tao na totoong kapakanan ng iba ang iniisip..
hindi nila para hintayin pa ang 2020..
hindi nila para palampasin muna ang isang international event..
2016 pa lang, or even before that, dapat nakakilos na sila..
at ultimo yung sinasabi nilang mga yaman at kita nila, eh noon pa lang sana eh ibinibigay na lang nila sa iba...

mga cosplayer... :(

is feeling , kinailangan nila ang tamang timing para makapanggipit...


>
yung paspas na naman na pagtatanggol sa isa sa pinuno ng mga CCTV Slayers... :(

wala nga namang mali sa mga ginagawa nung tao..
tama lang na itumba ang mga karibal..
kapag testigo, kaibigan..
kapag karibal, pataba sa lupa..
para nga naman wala nang turuan...

is feeling , hindi nila pinapatay yung mga CCTV dahil lang sa mababaw na rason...


>
paanong mag-o-operate hanggang 2022..?
eh kung lutuin yung kaso sa J Branch...??

ayos ang recipe... :(

is ⚠ feeling , mga palusot ninyo.. ang tagal nang nagre-request, tapos saka ninyo sasabihin ngayon na busy kayo...

---o0o---


February 17, 2020...

hindi na tuloy matalakay yung mga labis na pondo sa SEA Games dahil sa sunud-sunod na mga trahedya at panggigipit...

is feeling , makakalusot na naman yata...?


>
sa Cagayan de Oro..
yung pulis na naaresto dahil sa panggugulo sa isang bar..
may hina-harass daw siya na babae, at nanutok pa ng baril...

ang masama pa nun..?
nagte-train pa daw yung pulis, para yata maging officer...

is feeling , preparation para maging mapang-abuso...


>
yung si Middle Fingerer ang abugado nung Video Actor...

saan kaya galing yung pang-piyansa niya...??

so lumalabas nga na sinubukan nilang ipasok yung tao nila sa hanay na sinisiraan nila...

is feeling , the fact na may lisensya pa rin siya eh patunay na wala nang kuwenta ang sistema...


>
sa GSIS..
yung December ka nag-request..
humingi ka ng contact number kung saan pwedeng kumustahin yung patrabaho, pero hindi naman pumayag na magbigay...

tapos noong binalikan nitong February yung pinapagawa, eh biglang sasabihin na kesyo nawala daw sa isip... :(

is feeling , isa sa mga rason kung bakit walang totoong progress.. saan mang level ng pamunuan, o kahit saan pang sistema, may mga empleyado na hindi ginagawa nang tama ang mga tungkulin nila...


>
yung gustong iuwi na dito sa bayan yung mga mamamayan na mula sa cruise ship na nakadaong sa Japan... :(

namatayan na nga dito sa bayan ng mga COVID-19 carrier at PUI..
tapos balak pa nilang magpasok ng iba pang mga confirmed na carriers...? :(

is ⚠ feeling , yung kahandaan ang isyu dito, dahil may mga namatay na sa mismong pangangalaga ng mga health professionals...


>
yung Pastillas Operation ng mga tauhan ng Bureau of Immigration..
Php 10,000 lang daw ang kapalit para madaling makapasok sa bansa ang bawat ilegal na POGO workers...

is feeling , ang dulas-dulas...

---o0o---


February 18, 2020...

so yun din pala ang dahilan kung bakit sa tuktok ng J Branch kaagad ang lapit ng alyansa..
kaya hindi na dinaanan yung mga opisina na nagbigay ng permit...

gusto nilang gamitin yung benefit ng gag...

is feeling , sobrang demonyo talaga ng Solicitor Assassin...


>
yung mga Cable TV Group na gustong pagkakitaan ang posibleng pagkawala ng [Name of TV Network]... :(

mga demonyo..
kesyo willing daw silang mag-assign ng channel para dun sa TV network na pwedeng mapanood ng mga mamamayan if the price is right...

may regular na bayad yung sa kanila, kaya tama lang na i-regulate sila..
dahil subscription type yung service nila..
manood ka man at hindi for a particular month, eh maglalabas at maglalabas ka ng pera..
iba yung pay-per-view, dahil may kalayaan ang mga users na mag-decide kung gusto ba nila yung service o hindi..
hindi saklaw nung pay-per-view format yung buong feature nung service, kaya nananatiling libre yung majority ng mga programa..
free TV yung original na service nung network..
pamunuan ang may utos na kailangan na nilang mag-convert sa Digital Terrestrial Television..
yung bayad dun sa device eh bayad para sa hardware, katulad kung paanong bumibili ng antenna, hindi yun bayad para sa mga palabas...

is ⚠ feeling , mga ganid...

---o0o---


February 19, 2020...

sa Sto. Tomas..
yung Barangay Chairman na mula pa sa Mindoro, Oriental Mindoro yata..
na kabilang sa mga nahuli dahil sa ilegal na droga...

is feeling , malalaman...


>
yung witness para sa Good Conduct Time Allowance (GCTA) controversy na pinatay sa pamamaril sa Muntinlupa City... :(

baka may nagalit sa bukingan na nangyari...?

is feeling , filtering...??

---o0o---


February 20, 2020...

yung mandudurang Imperial citizen na kung anu-ano na ang mga nilabag na batas at patakaran dito sa bayan...

is feeling , probinsya nga lang naman nila 'to, kaya sila dapat ang masusunod...


>
yung tinitira na rin ni Panot si Jonin Respectful... :(

is feeling , lahat na lang ng klase ng panggigipit...


>
[Natural Calamities]

Davao Occidental area pa rin..
nasa Magnitude 5.4 na lindol...

is feeling , mahihirapan mag-specific target ang kalikasan...

---o0o---


February 21, 2020...

yung pag-amin ni Kalbo na magiging sunud-sunuran lang siya sa Hokage na Mahilig...

pero totoo rin naman yung sinabi niya, na ever since naman eh sinasabi na niya na magiging tuta nga lang siya...

is feeling , ang kapal lang ng mukha na maghangad ng isang posisyon na kailangan ng pagiging independent...


>
yung bahagi nga pala talaga ang Solicitor Assassin ng mga proseso sa paghahabol sa Dictator Clan...

sabotahe...??

is feeling , kaya naman pala panay ang pagkatalo ng bayan ngayon...


Ang Alamat ng Most Undesirable Guy on Earth - Third Week of February 2020 (Bad Luck Train)

Loveless Story


February 15, 2020...

may nakita na naman akong bagong source..
isa dun sa mga pasaway...

naka-hide lang sila, pero not necessarily undiscoverable..
mabuti na lang at may friendliest sa kanila...

so umakyat pa sa 47 yung mga nahanap ko..
at 3 naman ang verified staff..
bale nasa 50 na rin pala...

pero hindi ko talaga mahanap yung lumang account na iyon..
maging ang sa mga kapatid niya...

is feeling , sino ba talaga ang tamang path...??

---o0o---


February 17, 2020...

grabe..
na-impress ako dun..
kahit na ilag na ako sa kanya...

so totoo nga pala..
she's an artist..
music..
visual arts..
pati course niya sa college eh pang-matalino...

so lumalabas na likas lang siyang adventurer...

is feeling , would have been very interesting...

---o0o---


February 21, 2020...

nanggigigil ako kay Miss Racal..
nagsuot ba naman ng weakness ko na high heels sandals...

hanggang kailan ba ipapamukha sa akin ng mundo lahat ng mga bagay na dapat kong panghinayangan...??

is 💔 feeling , 3rd Canceller ko na siya...

-----o0o-----


February 15, 2020...

naputukan ng ugat sa ulo yung isang biological uncle ko..
matandang binata siya na sobrang malas pagdating sa pag-ibig..
may learning difficulty simula pagkabata..
so hindi rin siya umangat sa buhay...

ngayon problemado yung angkan..
naghahanapan kung sino ang pwedeng mag-alaga dun sa tao..
although madami-dami na rin ang milyonaryo sa kanila, hindi pa rin madali na basta na lang maglaan ng pera...

kaso kagaya sila ng maraming mga tao..
na pakiramdam nila na hindi sila pwedeng basta sumuko dahil sa kanilang guilt...

nakakatakot..
ayokong malagay sa isang sitwasyon kung saan ultimo mobility ko eh mawawasak na lang..
na pati yung mumunti kong kakayahan na manlaban pa sa buhay eh kukuhanin na rin sa akin, habang may natitira pa rin naman na sign of life..
na magiging pabigat ako sa mga taong nakapaligid sa akin...

pero mas nakakatakot na dahil mga religious kuno sila, eh baka nga mas piliin pa nila na mas maghirap pa ako, sa halip na tapusin ang paghihirap ko..
gaya ng ilang beses na nilang ginawa sa kanilang mga kaanak...

is feeling , brutal...

---o0o---


February 18, 2020...

[Gadget-Related]

nagba-back up na ng mga data mula sa Nokia ko..
provided na gagana pa ulit yung phone after ng shutdown, eh hindi ko na sana kailangang dumaan sa backup dahil may sarili namang memory yung phone..
kaso, dahil more than a decade na yung SIM, at almost a decade na rin yung Nokia..
eh nakakatakot isipin na baka hindi na gumana parehas after ng first step sa upgrade process...

so para lang makasigurado..
nag-back up na ako ng calendar, notes, special conversations, at mga contact numbers..
yung notes at conversations eh ililipat ko na lang bilang computer files, para maiwasan na ang paglilipat-lipat sa susunod...

is feeling , mahabang proseso pala 'to...

---o0o---


February 19, 2020...

[Online Marketing]

total failure yung sale ko..
2 store parehas na nag-sale..
pero wala talagang pumasok na suporta...

is 💀 feeling , okay.. i'm doomed...


>
[Gadget-Related]

5:00 PM na nakatapos sa 2nd day ng pagba-back up ng lumang phone..
pero kuha naman sana ng 1 day kung wala lang akong daily routine...

is feeling , ready na.. SIM na lang talaga ang kulang.. at Android phone pala...

---o0o---


February 20, 2020...

[Gadget-Related]

malas talaga..
unang subok ko sa branch ng Globe sa [SM branch]..
10:00 AM pa lang nandun na ako..
bumalik daw ako ng 11:30 AM dahil mga 10:30 AM daw ang delivery sa kanila ng mga upgrade SIM..
pagbalik ko ng lagpas 11:00, ang sabi sa akin eh kesyo after lunch na daw...

put*ng ina..
same routine pa rin kagaya ng dati...

hindi ko lang mapaniwalaan na sa lahat ng punta ko sa kanila noong 2017 eh kesyo wala parati ang sagot nila..
sa lahat din ng pagdaan dun ng mga kasama ko sa bahay noong 2018, panay wala din ang sagot nila..
pero pati ba naman ngayong 2020 eh ganun pa rin ang kalakaran..??
ano yun, pang-postpaid na lang ang serbisyo nila..??
ganun ba talaga kalaki ang balat ko sa katawan na sa lahat ng punta ko sa put*ng inang branch na yun sa loob ng 3 taon eh panay kamalasan lang ang inaabot ko...??

nagdududa na tuloy ako sa branch na yun..
baka nagbebenta na ang mga yun ng upgrade SIM sa mga sindikato..
yung nagte-text sa mga number ng upgrade instructions..
tapos kapag nakuha na yung code, eh sasabihin na kesyo pakipatay nung phone na may original SIM for 5 to 10 minutes...

kung alam ko lang na ida-downgrade yung GCash ko sa walang kwentang level nitong nagdaang 2019, noon pa lang sanang 2017 eh nagpalit na ako ng SIM..
kaso ayun at nai-register ko pa sa pamunuan at sa lahat ng account ko na dinadaanan ng pera... :(

wala akong maramdaman kundi panay kamalasan... :(

is feeling , trapped...


>
wala na talaga akong makitang pag-asa sa buhay na 'to..
lahat na lang ng gawin ko may katapat na kapalpakan... :(

makuntento sa kung ano lang ang meron..?
paano ako makukuntento sa piling ng mga kamalasan na 'to..?
sa pababa na lahat ng resources ko..
samantalang sa papataas naman lahat ng obligasyon ko... :(

is ⚠ feeling , bawal daw sa akin ang progress sabi ng mga nasa itaas eh...

---o0o---


February 21, 2020...

[Gadget-Related]

sunud-sunod na kamalasan... :(

ngayong gabi naman, hindi ko na rin mabuhay yung tira-tirahan at kaisa-isang beyond Jelly Bean Android phone na ginagamit ko sa communication...

ano bang klaseng buhay 'to..?
ano pa ba ang mawawala sa akin...??

is 💀 feeling , sobrang wala...


Friday, February 14, 2020

Independent Pressure?

NOTE: this is not news..
i am not a reporter/journalist nor an influential person..
also, i'm not related to the government in any way..
but there are summary of news featured in this post..
it will require research in order to get the whole story regarding each particular news that is featured in here...

simple lang yan..
kapag nagpaapekto at nag-react ka sa opinyon ng ibang tao - eh BAKA nga may totoo sa mga sinasabi nila...


bakit magkakaroon ng pressure kung totoong mga independent sila...??

-----o0o-----


lumampas na naman sa 500 ang bilang, kaya mag-i-start na ulit ako ng panibagong listahan ng mga kalokohan..
basta heto yung kadugtong nito:
http://blogngpotassium.blogspot.com/2018/08/just-clan-war.html
https://blogngpotassium.blogspot.com/2019/08/war-against-schools-victims.html

update ulit (503 + 501 + 209 na)..
medyo in-organize ko rin yung mga kaso..
pero paki-note na hindi na ganung ka-accurate yung bilang, at posibleng may redundancy na rin dahil sa sobrang dami ng mga nakalista...

una (untikan ko nang makalimutan 'to), ang pagtataksil sa interes ng bansa at ng mga (ibang) mamamayan (lalo na yung mga naging biktima), at pagbalewala sa kasaysayan at dangal ng bansa:
  • yung pangmamaliit kaagad sa mga kababayang atleta
  • yung nag-offer ng bounty laban sa ibang napalaya ng palpak na sistema
  • yung paninisi sa dating administrasyon kahit na ang pag-abuso sa sistema eh tao nila mismo ang may kagagawan, at sila mismo ay batid na may mga nagre-request upang magamit nga ang kahinaan nung sistema na iyon
  • yung umamin tungkol sa pagpapa-ambush sa isang Mayor noong 2018
  • yung nagtalaga na naman ng opisyal na may kinasasangkutan pang kontrobersya, kesyo suspek daw sa pagkamatay ng 10 preso
  • yung palpak na tauhan na ibinalik na naman sa katungkulan
  • yung sinabi habang nasa ibang bansa na may mga General daw na sangkot sa ilegal na droga, tapos sabay bawi dito sa bansa na kesyo wala daw pala
  • yung gusto nang mangamkam ng mga lupain para lang makapagpatayo na ng dam sa tulong ng Imperyo
  • yung walang tiwala sa kanyang itinalaga
  • yung sinisilip yung mga kuwestiyonable daw na pondo ng ibang pinuno, gayong siya at sila rin ay may kuwestiyonableng pondo para sa premature na pagpapakilala
  • yung sinibak na kaagad yung taong hinamon at itinalaga niya, na para bang may iniiwasan na mangyari
  • yung naniwala at nagsalita dahil sa FAKE news, sa kabila ng napakalaking intelligence fund
  • yung pakikisawsaw sa isyu ng mag-asawa
  • yung patuloy na pagbabanta tungkol sa franchise ng isang TV network habang pinakikinabangan nila ang mga ito para sa SEA Games
  • yung gusto pang dagdagan kung magkano ang itinakda ng batas, samantalang may iba pang sektor ang nangangailangan ng suporta nila
  • yung ipinapabenta na lang ang isang TV network
  • yung plano na ring idamay ang Visiting Forces Agreement para lang sa kapakanan ng visa ng ilang kaalyado
  • yung pinuno na gustong magpauwi ng mga kababayan na mula sa area of origin ng nCoV
  • yung pinuno na pinipilit ang mga mamamayan na pakisamahan pa rin ang mga Imperial citizen sa gitna ng problema sa nCoV
  • yung lumalaban kuno sa katiwalian, samantalang hindi hinahabol ang mga kakampi para sa mga katiwaliang ginawa ng mga ito noon
  • yung pagtapos sa Visiting Forces Agreement

are yung ang involved o semi-involved eh mga identified talaga bilang awtoridad o tauhan ng pamunuan, mga dati nang naging bahagi ng pamunuan, o kahit mga nagsasanay pa lang upang makakuha ng awtoridad:
  • yung 7 pulis-Antipolo na sangkot sa kuwestiyonableng buy-bust operation noong May 2019, kung saan kabilang din ang ilan sa 2013 Pampanga Ninja Cops
  • yung report from Laguna, yung PDEA agent at kasamahan niya na nahuling gumagamit ng ilegal na droga
  • yung pulis na nahuli ng PNP-IMEG na bukod sa nakunan na ng video habang gumagamit ng ilegal na droga ay nahuli pa sa entrapment operation dahil sa pagiging pusher
  • yung naka-AWOL na pulis na nahuli sa buy-bust operation malapit sa may New Bilibid Prison daw
  • sa Taguig City, yung pulis na hinuli dahil kasabwat daw ito ng kanyang asawa na related sa ilegal na droga na ginagamit pa ang kanilang bahay bilang drug den
  • sa Bacoor City, Cavite, yung Barangay Tanod na kasamang naaresto dahil sa pagtitimbre ng drug raid
  • sa Sampaloc, Manila, yung Barangay Kagawad at pamangkin niya na nahuli sa buy-bust operation
  • sa Sampaloc, Manila, yung Barangay Kagawad na nakunan ng video at nahuli dahil sa pagbebenta ng ilegal na droga sa mismong bahay niya
  • sa Cagayan de Oro, yung Barangay Kagawad na inaresto dahil sa involvement niya sa ilegal na droga
  • sa Sto. Tomas, Batangas, yung Barangay Kagawad na nahuli dahil sa pagtutulak ng ilegal na droga, bukod dun ay may 2 pang nahuli, at sila-sila ang nagturuan
  • yung Barangay Coordinator na hinuli dahil daw sa pangingikil ng nasa Php 18,000 kapalit ng pag-aalis ng pangalan ng isang drug surrenderer mula sa drug watchlist
  • sa Commonwealth, Quezon City, yung 7 Barangay Tanod na sangkot sa pangingikil laban sa asawa ng isang drug-related personality, bukod pa sa pangre-rape daw nila dun sa babae
  • sa Quezon City, yung pulis na nahuli dahil sa pagbebenta ng mga baril at bala, ilan sa mga nasabat na armas ay government-issued pa daw
  • sa Cavite, yung Barangay Kagawad na nakunan ng CCTV na nanloob ng bahay
  • sa Iloilo City, yung Jail Guard na nanutok ng baril sa bar
  • yung pulis na nambugbog ng Traffic Enforcer sa daan dahil naabala daw siya ng panghuhuli nito
  • sa Pandacan, Manila, yung nakunan ng CCTV na pulis na nanakit ng mga kabataan matapos na may mabasag daw sa kanyang sasakyan
  • sa Lapu-Lapu City, yung nakunan ng video na 4 na pulis na nambugbog ng 2 lalaking nanggulo daw
  • sa Valenzuela City, yung lalaki na nag-amok daw na napatay naman sa pagkuyog sa kanya ng mga tanod at pulis
  • sa Puerto Princesa, Palawan, yung babae na namatay sa pamamaril ng kanyang asawang pulis na nagbaril din naman ng sarili matapos iyong krimen
  • sa Bohol, yung babaeng pulis na napatay sa pamamaril ng sarili niyang asawa na pulis rin, may problema daw sa pag-iisip yung lalaki at nagbaril din sa sarili
  • sa Marikina City, yung shootout sa pagitan ng 1 sundalo at 2 pulis, kung saan napatay yung sundalo samantalang sugatan yung mga pulis
  • sa Marawi City, yung pulis na hinuli dahil sa pagmamaneho ng carnap na sasakyan, bukod dun ay ni wala daw siyang lisensya
  • sa Pasay City, yung Traffic Enforcer na nakunan ng video na nangongotong kapalit ng hindi niya pag-i-issue ng ticket
  • sa Manila, yung Enforcer ng MTPB na nakunan ng video habang nangongotong sa driver ng isang SUV
  • sa Pasig, yung enforcer na tumanggap ng pera mula sa taong sinita niya dahil sa paninigarilyo, kesyo tinanggap daw niya yun bilang pasasalamat nung tao dahil hindi niya muna yata iyon pinagmulta
  • sa Manila, yung lolo na namatay matapos na mabangga ng motor na minamaneho ng isang pulis na lasing daw at mabilis magpatakbo
  • sa Quezon City, yung Traffic Czar at mga kasamahan niya na nanira ng nasita nilang sasakyan na walang sakay
  • sa Quezon City, yung retiradong pulis na sinubukang manuhol ng mga kapwa pulis dahil sa mga nasamsam na video karera
  • sa Sariaya, Quezon, yung Barangay Kagawad at mga kaanak niya na nahuling nagpapatakbo ng online gambling
  • sa Muntinlupa City yata iyon, yung teacher na nakunan ng video na nananampal ng mga estudyante

are naman yung mga hindi pa malinaw kung anong klase nga ng mga tao ang involved o hindi tiyak o nabanggit kung sino ang nakatama o hindi masabi kung ano nga ang totoong nangyari:
  • sa Iloilo City, yung mga pulis na nang-agaw daw ng ibang pera sa gitna ng anti-gambling operation, hindi daw kasama sa record ng mga nakumpiska yung perang kinuha mula sa biktima
  • sa Bacolod City, yung naka-AWOL na sundalo na nangmolestiya daw ng isang special child na dalagita
  • yung Mayor ng Misamis Occidental na itinumba habang nasa custody na ng mga pulis
  • sa Bauan, Batangas, yung itinumba na yung suspek sa pagpatay sa isang 11 y/o na babae na sinasabing tinangka din daw na gahasain
  • sa Marikina, yung lalaki na napatay sa pamamaril ng isang pulis, may tama rin yung isa niyang kaibigan sa tiyan
  • yung pagtatanim daw ng mga ebidensya laban sa makakaliwang grupo

heto naman yung mga may kinalaman sa kahinaan ng kasalukuyang penal system at pagpapatupad ng iba pang mga batas, patakaran, at sistema sa bansa:
  • ang kawalan ng kakayahan ng mga awtoridad at ng justice system na kusang kasuhan ang mga kriminal sa kabila ng matitibay na ebidensya gaya ng video footage o ng mismong pagresponde ng awtoridad sa krimen
  • sa Las Piñas City, yung 3 pulis na naabutang natutulog sa ginawang inspeksyon ng NCRPO
  • sa Boracay, yung 2 pulis na nahuling nagmo-mobile games habang nasa duty
  • sa Central Visayas daw, yung 3 police officers na nahuling naglalaro ng golf sa oras ng trabaho
  • sa Bacolod City, yung nagawang pagsasaksakin ng gunting ng isang kaanak nung biktima na special child na dalagita yung naka-AWOL na sundalong suspek habang naaresto na ito
  • sa Antipolo City, yung pulis na nakunan ng video na nagsasabong
  • yung lumabas sa surprise inspection na marami nga ang private vehicle na ginagamit ng mga pulis na hindi rehistrado at/o walang plaka
  • sa Taguig, yung sasakyan ng mga pulis na ilegal ang pagpaparada malapit sa presinto
  • yung pulis na nahuli na namamasada DAW ng colorum na van
  • yung nasa 18 na hinuli dahil sa ilegal na pagpapaputok ng baril kung saan kabilang ang ilang pulis at sundalo
  • yung pulis na nahuli ng PNP-IMEG, na dati nang naalis sa serbisyo dahil din sa involvement sa ilegal na droga pero nagawang makabalik noong 2017 sa pagiging pulis
  • yung ang daming isinisiwalat ngayon na modus ng mga armadong empleyado, pero ano bang ginawa nila noon pa lang na nalaman na daw nila ang tungkol sa mga ganun
  • yung tangkang pagtatakip sa kaso ng Pampanga Ninja Cops noong 2013
  • sa prusisyon, yung general na pulis na nang-agaw ng smartphone ng taga-media at sinubukan din daw na magbura ng video
  • yung sobra-sobra namang ph-in-otoshop na picture DAW ng mga sumukong rebelde na i-p-in-resent ng Philippine Army
  • yung panibagong kaso ng pagkamatay sa PMA nang dahil daw sa hazing
  • yung wala nang ipinagkaiba ang hazing mula sa bullying
  • sa Daraga, Albay, yung babae na sugatan matapos na sakmalin ng aso
  • sa Pangasinan, yung 7 y/o na may 17 beses daw na pinagkakagat ng nasa 5 aso
  • yung wala ng halaga ang mga karton para sa mga mangangalakal
  • yung perwisyong idinudulot ng pag-a-adjust ng mga existing landline numbers
  • yung pagtaas ng rate ng pamasahe sa provincial bus
  • yung wala man lamang pakunsuwelo para sa mga motorista sa kabila ng hindi na pagiging expressway ng SLEX
  • yung opisyales ng DOTr na isinisisi sa palpak na maintenance DAW ng nakaraang administrasyon iyong pagkasira na nangyari sa LRT 2, kahit na mahigit 3 taon na sila sa puwesto
  • yung halos nasa 10,000 driver ng iba't ibang klase ng sasakyan na nahuli sa isinagawang sabayang panghuhuli
  • yung tutol na tutol dati sa motorcycle TNVS dahil sa isyu ng safety, tapos biglang gusto ngayon na magbigay kaagad ng permit sa maraming kaparehong klase na service provider
  • yung mabilis nga ang naging approval dun sa iba pang motorcycle TNVS kumpara dun sa nauna na hinarang nang maige
  • yung pagbaba ng presyo ng bentahan ng lokal na palay
  • yung may pa-commercial pa tungkol sa Rice Tariffication
  • yung latest na pagkalugi ng mga magsasaka ng Benguet dahil sa maling sistema
  • yung sobra-sobrang pagtaas ng presyo ng galunggong
  • yung nakapasok na ang African Swine Fever (ASF) sa bansa
  • yung may mga processed meat na rin na apektado ng ASF na hindi naman pinapangalanan yung kompanya
  • yung may nakalusot na rin na kaso ng ASF sa isang kilalang supermarket
  • yung totoong nabigyan nga ng certification yung mga karneng baboy na nag-positive sa ASF na nakalusot sa malalaking supermarket
  • sa Bulacan, yung paggamit sa isyu ng ASF para makapanabotahe ng negosyo ng iba
  • yung latest na kaso ng Lambanog poisoning sa Laguna at Quezon nitong 2019
  • yung mga opisina ng gobyerno na umaasa pa rin hanggang ngayon sa manual checking at nire-require pa ang kopya ng mga resibo ng mga tao para sa pag-che-check, kahit na may kopya dapat sila ng mga nasabing resibo
  • sa PAGCOR, yung tigil na nga muna ang pagbibigay nila ng assistance matapos na malusutan sila ng mga pekeng dokumento, pero laya na kaagad yung mag-asawang nahuli nila
  • yung empleyado ng PAGCOR na hinuli dahil sa pagsa-sideline daw bilang fixer ng mga humihingi ng tulong
  • yung balik operasyon na kaagad yung mga ipinatigil na laro ng PCSO, maging yung mga pinagdudahan na laro
  • sa PSA, yung nagpa-correct na dati ng birth certificate kapalit ng nasa Php 10,000, pero nag-recur na ulit yung error ngayong 2020
  • yung nagkaproblema daw yung gumagawa ng UMID card para sa SSS
  • yung katulad ng sa SSS, eh yearly na rin magtataas ng contribution ang PhilHealth sa loob ng ilang taon
  • yung pagtataas ng rate ng contribution ng iba't ibang services ng pamahalaan para lang ma-shoulder yung mga ipinangako para sa mga piling mamamayan
  • yung mga kaso ng peke at for sale na mga PWD (persons with disabilities) ID
  • yung may Php 300 Million DAW na confidential funds ang DICT
  • yung Senator na gustong hati-hatiin at ipamigay na kaagad ang reward para sa mga Centenarian simula 80 y/o pa lang
  • yung panukala tungkol sa pagpili ng mga Senador para sa bawat region, samantalang batid naman nila ang paraan ng pagbili ng property o paglipat ng residence para lang makatakbo sa pulitika
  • yung hindi pa man nagtatagal, pero papalitan na nga ulit yung Php 5 coin na matagal nang sinisita ng iba dahil sa pagiging nakakalito nito
  • yung pagwawaldas ng pera ng bayan para sa pagbili ng 2 mamahaling jet
  • yung masyadong pagsasabay-sabay ng mga projects at pangungutang sa panahon na ito
  • yung mga projects daw ng DPWH for 2020 na kulang-kulang ang detalye o di kaya ay kuwestiyonable
  • yung bumigay na bahagi ng Skyway Stage 3 project dahil sa nangyaring sunog sa malapit dito
  • yung nasa Php 50 Million worth ng cauldron na gagamitin lang sa torch lighting para sa 2019 SEA Games
  • yung mga pinuno na tinatawag na crab mentality ang pagsita sa mga kuwestiyonableng gawain
  • yung pinuno na pulitika naman ang sinisisi sa kabila ng mga totoong nangyayari na kapalpakan
  • yung pinuno na pinagmumukha na ang mga bumabatikos sa mga kapalpakan ang masasama sa halip na yung mga pumapalpak mismo
  • yung palpak na pagsalubong at pag-accommodate sa mga representative ng ibang bansa
  • yung reklamo ng mga representative tungkol sa kakulangan ng masusustansiyang pagkain para sa mga atleta
  • yung kulang daw ang Halal certified food para sa SEA Games
  • yung Football team captain ng Brunei na inatake naman ng allergy dahil sa pagkain
  • yung mga rifle ng shooting team ng ibang bansa na kinumpiska nang dahil sa miscommunication
  • yung problema sa sasakyan ng mga representative
  • yung pinakikinabangan nila ngayon yung TV network dahil lang sa event, samantalang kapag walang okasyon eh panay ang banat nilang magkakaalyansa tungkol sa katapusan nung franchise
  • yung naha-hype lately dahil sa sports at gusto pang gumastos nang gumastos, habang may mga sektor na nangangailangan ng tulong ng gobyerno ang hindi nabibigyan ng pansin
  • yung may namatay na na positive sa nCoV dito sa bansa at late ang confirmation sa kanya, nakagala na sila nung kasamahan niya bago pa sila na-detect
  • yung ikatlong kaso ng nCoV na nakagala din sa bansa, yung nag-negative muna sa test tapos saka nag-positive noong nakauwi na sa kanilang bansa
  • yung dating maling paraan ng mga health leaders sa paghahanap ng mga posibleng PUI na nakabase lang sa kung sino ang may seat na malapit dun sa mga naging COVID-19 carriers
  • yung parang minamaliit ng mga health leaders ang paraan ng pagkalat ng COVID-19 kahit na may halimbawa naman doon sa cruise ship na nakadaong sa Japan
  • yung paglaki ng rasyon ng gatas para sa mga kinukuhanan nila ng suporta
  • yung akusasyon ng pamumulitika gamit ang mga biktima ng lindol, na kesyo may nag-uudyok DAW dun sa iba na mamalimos na sa daan
  • after 6 years, yung marami pa ring biktima ng Yolanda ang nagrereklamo tungkol sa kawalan ng pabahay sa kabila ng mga FAKE news noon na kesyo kaya DAW makapagtayo ng mga bahay within 3 weeks
  • yung hindi na nga gagawing priority nung opisyal na nakinabang sa TV network noong panahon ng SEA Games ang franchise renewal
  • yung pressure DAW ng Executive branch sa Congress sa usapin ng TV network franchise renewal
  • yung nakikialam na rin yung isang office sa pagpapabagsak sa isang TV network
  • yung naging masamang asal ng isang opisyal laban sa reporter nung ipinapasara nilang TV network
  • yung marami sa mga kini-claim na nilabag daw ng isang TV network ay suportado at binigyan naman daw ng permit ng mismong mga tauhan rin ng pamahalaan
  • yung nagreklamo tungkol sa Philippine Depositary Receipts (PDR) nung isang TV network, pero hindi naman pala naiintindihan kung ano yung PDR 
  • yung nagmura na naman si Non-Clam Defender
  • yung tauhan ng gobyerno na ultimo relief goods eh binibigyan ng masamang kulay para lang masiraan ang target nilang pulitiko
  • yung pinuno na gustong bumuo ng panibagong departamento, samantalang meron naman nang existing na ganun ang purpose
  • yung mga pinuno na naghihintay ngayon ng report at nagrereklamo pa, sa kabila ng limitadong panahon at access na ibinigay nila sa taong sinisiraan nila
  • yung mga pinuno na hindi matanggap yung resulta ng computation ng mga numero na sa mga hanay rin naman nila nagmula
  • yung mga pinuno na ginagawang basehan ang resulta ng mga survey samantalang daan-daang mga hindi kilalang tao lang naman ang natatanong sa mga pa-survey
  • yung idadamay lahat ng US citizen na papasok sa bayan kapag nagkataon dahil lang sa isyung politikal
  • yung report tungkol sa maraming kaso ng mga preso na napahamak habang nasa custody na ng mga awtoridad
  • yung paglilipat ng mga Criminal Witnesses sa ibang facility (na hindi kulungan) noong June 2019 pa
  • yung mga opisyales at dating opisyales na hiningan ng sulat at tulong nung pamilya nung convicted na rapist-murderer
  • yung ayon sa record, na qualified ang NGO Queen sa paggamit ng Good Conduct Time Allowance (GCTA), at rape ang kaso niya
  • yung mga opisyales na isinasali ang mga kriminal na convicted for committing heinous crime sa nakagagamit ng good conduct time allowance
  • yung libu-libo na DAW na convict na sangkot sa heinous crimes ang napalaya na dahil sa maling paggamit ng good conduct time allowance
  • yung lumalabas nga na for sale pa yung Good Conduct Time Allowance sa bilangguan, ang access ng mga kontrabando papasok, at maging mga medical documents daw
  • yung mga medical personnel ng New Bilibid Prison Hospital na kasabwat sa mga kalokohan ng mga bilanggong kriminal
  • yung ngayon lang ginigiba yung mga kuwestiyonableng kubol sa Bilibid
  • sa Bilibid, yung nasa 15 na pulis na nahuli dahil sa pagpupuslit ng kontrabando sa loob
  • yung mga pinagsisirang kontrabando mula sa Bilibid, na tila wala tuloy nagawang pagbabago yung mga sinundan na pinuno
  • sa Women's Correctional, yung mga nasamsam na mini-phone
  • yung meron pa ring mga nasabat na kontrabando sa Bilibid nitong early part ng 2020
  • yung kakampi nga noon ng mga Ampatuan ang Cosplayer
  • yung may panibago na namang civil case laban sa Dictator Clan ang ibinasura
  • yung may nabalewala na naman na forfeiture case laban sa Dictator Clan
  • yung panibago na namang ibinasura ng sandigan ng mga Diktador na Php 200 Billion forfeiture case
  • yung kasunduan dun sa Imperial Telco, na planong maglagay ng facility nila sa provincial military base
  • yung dinaya daw ang bidding para sa Kaliwa Dam para paboran yung Imperial contractor
  • yung base sa kontrata ay may jurisdiction ang Imperyo in case na magkaroon ng kaso regarding sa Kaliwa Dam
  • yung may kontrol na pala ang Imperyo sa national power grid ng bayan
  • yung nagkaroon nga ng Imperial citizen na opisyal ang NGCP, at labag iyon sa batas
  • yung mga dayuhan na biktima ng illegal recruitment para sa mga POGO

at may kaso na iba-iba ang kategorya:
  • yung mga petroleum-based enthusiasts na sabay-sabay pa ang paggamit ng mga sasakyan para sa paghahatid ng relief goods, sa halip na gumamit o umarkila na lang ng malalaking sasakyan
  • yung mga TV network na tinutulungan pang patuloy na magkaroon ng public exposure yung mga pinuno na napatunayan nang nagkasala laban sa bayan
  • sa Quezon City, yung sasakyan ng isang Party-list Representative na nabiktima ng Basag-Kotse sa parking area ng isang kilalang mall
  • sa Makati, yung mga estudyante na nabundol ng jeep habang tumatawid sa pedestrian lane, na lumalabas na positive sa drug test yung driver at wala na ring lisensya
  • yung jeepney operator na tinanggap pa ring driver yung nakabundol sa Makati kahit wala na nga itong lisensya
  • sa Pandacan, Manila, yung mga kabataan, kasama ang 5 menor de edad na sinilaban ang mga lobo ng isang vendor na naging dahilan ng pagtatamo rin ng sunog at mga lapnos sa katawan nung vendor, at ni wala daw bakas ng pagsisisi sa mukha nung mga kabataan
  • yung hanggang sa panahon ngayon ay may mga insidente pa rin ng pangre-rape laban sa mga sariling kadugo
  • sa Malabon, yung kaso ng pagpatay sa isang beautician kung saan kinunan pa talaga nung 2 kriminal yung ginawa nilang krimen
  • yung mga nag-aalaga ng baboy na basta na lang ipinaanod sa ilog yung mga patay na baboy, kung kailan pa talaga may banta ng mabilis na lumaganap na sakit ng mga baboy
  • sa El Nido, Palawan, yung Forest Ranger na napatay sa pananaga ng grupo ng mga illegal loggers
  • yung mga representative ng ibang bansa para sa SEA Games na hindi na nag-practice dahil sa sobrang traffic sa host na bayan
  • yung mga atleta na pinagmumukha na ang mga bumabatikos sa mga kapalpakan ang masasama sa halip na yung mga pumapalpak mismo
  • yung pati depensa tungkol sa SEA Games kikiam, na chicken sausage o hotdog daw pala, eh palyado pa rin dahil nutritional value naman ang totoong hinahanap nung mga nagreklamo
  • yung nag-volunteer para sa SEA Games pero nagrereklamo at saka umatras
  • yung pagkukumpara ng ibang mamamayan sa kakayahan ng ibang bansa sa pamamagitan lang ng basic na currency conversion, nang hindi isinasaalang-alang ang economic level, rate ng pasuweldo, at purchasing power
  • sa Bocaue area, yung 2 bus na may sakay na mga foreign representatives na nasangkot daw sa aksidente
  • yung mga negosyante na sinasamantala naman yung mataas na demand para sa mga mask upang magpataas ng presyuhan
  • yung panibagong problema tungkol sa kakulangan ng mga mask na dulot ng problema sa nCoV
  • yung nagpa-panic buying na rin daw ang mga tao ng alcohol at sanitizers, at meron pang reporter na nakaranas ng overpricing
  • yung latest na kaso ng pambabato sa tren ng PNR, kung kailan naman nag-invest sila sa mga bagong tren
  • yung mga naglalagay ng kung anu-anong bagay sa may riles ng PNR
  • yung nagkanakawan na nga DAW sa ibang lugar na nasalanta ng pagputok ng Taal
  • sa Batangas City Sports Complex, yung 3 security guard na nahuling nagpupuslit ng mga relief goods
  • yung ultimo pagdating sa usapin tungkol sa kaligtasan ng mga mamamayan eh nagtatalo-talo pa rin ang mga tao
  • yung nakawan ng kable ng kuryente sa Ayala tunnel
  • sa Albay, yung nanakawan ng mga solar panel yung Mayon Volcano monitoring station ng Phivolcs
  • yung lalong pagmamahal ng rate ng internet service sa panahon ngayon
  • yung lumang agreement sa mga magtutubig na nagagamit nila ngayon sa pang-aabuso laban sa mga consumers at sa pamahalaan
  • yung pumayag yung mga magtutubig na hindi na bayaran yung mga danyos
  • yung tila pagpabor ng Catholic Bishop Conference of the Philippines sa pantay na pagbibigay ng Good Conduct Time Allowance para sa lahat ng klase ng bilanggo
  • yung palusot nung pamilya nung convicted rapist-murderer na kesyo nawala na daw yung mobile phone at number na magagamit sana bilang ebidensya
  • yung banta ng terorismo laban sa supply ng petrolyo
  • yung mga laos na personalidad at iba pa na kayang magbiyahe papuntang Russia
  • sa Cavite, yung Person Under Investigation (PUI) dahil sa posibleng kaso ng nCoV na tumakas naman sa ospital
  • yung 2 Imperial citizens na nahuli dahil sa pagmamaneho ng lasing, at wala pang lisensya
  • yung apology nung nambangga na Imperial vessel na may timing
  • sa Parañaque, yung Imperial prostitution den sa isang building na under construction pa
  • yung mga kaso ng kidnapping ng mga Imperial citizen laban sa mga kapwa Imperial citizen na related sa operasyon ng mga POGO
  • yung smuggled na mga karne ng baboy na galing sa Imperyo na nagpositibo na naman sa ASF
  • yung may nakapasok na nga na kaso ng Novel Coronavirus (nCoV) dito sa bansa na dala ng isang babaeng Imperial citizen na galing sa Wuhan
  • yung perwisyo ng nCoV sa ekonomiya
  • yung pati UAAP eh naperwisyo na rin ng COVID-19
-----o0o-----


February 8, 2020...

yung perwisyo ng nCoV sa ekonomiya... :(

is feeling , grabe yung takot dito kumpara dun sa mga dating kaso ng Coronavirus...

---o0o---


February 10, 2020...

umatake na ng pormal ang Solicitor Assassin..
labanan lahat ng kalaban ng dictatorship... :(

is ⚠ feeling , mabuhay ang kasamaan.. mabuhay ang Dictator Clan at ang bagong alyansa na nagtatago sa likod ng Hokage na Mahilig...


>
kasalanan 'to ng henerasyon na unang lumaban sa alyansa ng Dictator Clan..
nagpakatao sila at masyadong umasa sa demokrasya... :(

kung pinili lang sana nila na bitayin lahat ng put*ng inang miyembro ng demonyong alyansa na iyon..
kung sinunog at inubos lang sana lahat ng bakas ng lahi ng bawat angkan na kabilang sa alyansa na iyon..
hindi na sana aabot ang bayan sa punto na kailangan ulit nilang lumaban sa parehong mga kalaban..
hindi na sana haharap ang bayan sa mas pinalakas na alyansa ng kasamaan... :(

mga put*ng ina..
Dictator Clan and friends..
Cosplayer group..
NGO Queen's group, na hindi pa matukoy ngayon kung sino nga ba ang pinaka-mastermind..
criminal witnesses group..
mga laos na celebrities na gustong makinabang sa gatas..
mga pinuno, mga propesyonal, at mga trabahador na bumabalimbing para sa kanilang pansariling kapakanan..
isang napakalaking alyansa ng kasamaan na nagtatago sa likod ng mala-santong angkan ng Hokage na Mahilig na sinasamba ng mga Panatikong Zombies...

is feeling , ang pag-asa na lang ng bayan ay mahawaan ang mga put*ng inang yan ng nCoV dulot ng pag-embrace nila sa mga Imperyalista...

---o0o---


February 11, 2020...

yung pagkalat nung nCoV doon sa cruise ship na nakadaong sa Japan..
patunay lang yun kung gaano minamaliit ng mga health leaders ng bansa yung virus...

yung sasabihin sa mga mamamayan na kesyo huwag matakot, at hindi na kailangang mag-mask parati..
pero sinasabi rin naman na kesyo hindi sapat ang proteksyon nung surgical mask..
ano yun, mas pabor pa sila na walang suot na mask kumpara sa may suot na surgical mask lang...?? :(

is ⚠ feeling , yung mga abusadong pinuno dapat bisitahin yung mga mamamayan na nahawa na ng nCoV.. para masaya...


>
ang importante sa Solicitor Assassin..?
yung limpak-limpak na milyones na nakuha ng kompanya ng pamilya nila sa pakikipag-deal sa pamunuan...

is feeling , wasakin ang mga nagbabantay sa bayan...


>
[Name of TV Network], pokpok ng SEA Games... :(

is feeling , ginamit lang nina Panot noon, para hindi sila mapahiya sa international community...


>
tapusin na ang alyansa sa West..
gawin ng tapunan ng mga nCoV carrier ang probinsya...

is feeling , mabuhay ang Imperyo.. mabuhay ang mga bugaw ng probinsya...

---o0o---


February 12, 2020...

may official na pangalan na ang sumpa ng Imperyo.. :(
COVID-19...

is feeling , magpalupig.. huwag manlaban...


>
ngayon ko lang naalala..
hindi nga matalino yung sistema dati ng mga health leaders ng bansa..
yung ang kino-consider lang nila na posibleng maging PUI ay yung mga malalapit ang naging upuan dun sa mga COVID-19 carriers...

ano yun..?
nag-teleport yung mga carrier direkta sa seat nila, kaya wala nang nadaanan at nakasalamuhang ibang tao...??

is ⚠ feeling , ngangayon nila binago...


>
yung pati UAAP eh naperwisyo na rin ng COVID-19... :(

is ⚠ feeling , huwag nang mag-Season 82.. mabuhay ang mga Imperyalista...


>
yung mga dayuhan na biktima ng illegal recruitment..
yung dinala dito sa probinsya para lang ipasok sa trabaho sa POGO, kahit na ibang trabaho ang nauna nang ipinangako sa kanila.. :(
meron pang mga inaagawan ng passport...

is feeling , sus.. ang gagaling ng nakakasaklaw sa mga POGO na yan...


>
yung pressure daw sa Chunin House na dulot ng Hokage na Mahilig... :(

pressure dahil sa ano..?
dahil sa distribution ng gatas...??

is feeling , independent branch...??


>
yung naging masamang asal ng Solicitor Assassin laban sa empleyado nung target nilang TV Network...

is feeling , masamang tao, edi masama din ang ugali...


>
hindi ko kabisado lahat ng paratang laban dun sa [Name of TV Network]..
pero considering na may mga naipapakita silang permit, documents, and even testimonials..
hindi ba parang pinapalabas tuloy ng Solicitor Assassin na palpak ang sistema ng pamunuan...??

katulad rin 'to ng reklamo noon sa dating pinuno ng J Branch..
tsaka kay Oakwood Man..
kesyo may mga mali DAW silang ginawa, pero kung tutuusin nga eh dumaan sa proseso na isinagawa ng mga empleyado ng pamunuan yung bagay na pinupuna...

so sinong tanga..?
yung mga tao at kompanya na target nung mga reklamo..?
o yung mga empleyado na dinaanan nung proseso...??

is feeling , pero mas tanga pa rin yung taong bistado na ang kalokohan, pero ipinipilit pa rin ang mga imbentong puna.. pero walang magagawa, alyansa sila eh...

---o0o---


February 13, 2020...

nice one, Jonin Respectful.. :like:
tama yan..
imbestigahan ninyo yung [Name of TV Network] para lumabas at mabusisi yung mga ebidensya nila para sa depensa..
kahit papaano eh hindi pa naman unified ang Jonin House...

mali naman talaga yung dumiretso kaagad sa J Branch, samantalang yung mga mismong nagbibigay ng permit na ang nagsasabi na nagbigay naman sila ng mga pahintulot...

is  feeling , hindi yung idadaan kaagad sa branch ng mga tuta na naghihintay lang sa reward ng pinakamataas na titulo...


>
yung bobong nagreklamo tungkol sa Philippine Depositary Receipts (PDR) nung isang TV network..
pero hindi naman pala niya naiintindihan kung ano yung PDR...

sana nagtanong muna siya sa expert..
kaso, bobo nga pala siya...

is feeling , oust the assassin...


>
sa Makati..
yung jeep na nakabundol ng mga taong tumatawid sa pedestrian lane, na mostly o lahat yata eh estudyante..
madaming sugatan at 1 daw ang namatay...

base dun sa video eh mukhang overtake nga yung ginawa niya..
kasi mula sa mabagal naman na takbo, eh mas bumilis yung andar nung jeep noong umiwas na ito dun sa kotseng nakahinto...

PS:
lumalabas na positive sa drug test yung driver..
at wala na rin daw lisensya bago pa man ito natanggap bilang jeepney driver..
so lumalabas na may kapabayaan din yung operator... :(

is feeling , walang karapatang magkaroon ng lisensya lahat ng bumabastos sa pedestrian lane.. at pinagtagpi-tagping paglabag.. combo...


>
may pabidang speech na naman..
kesyo hindi daw hahayaan ang pang-aabuso (sa media)...

ay anak ng..
kaalyado niya ang Dictator Clan..
ang Cosplayer group..
kakampi naman ng anak niya ang NGO Queen's group..
absuwelto na ang mga kakampi nila sa maraming mga kaso..
ganun ba ang tutol sa pang-aabuso...??

is feeling , maganda ngang pakinggan, kaso eh gaguhan lang naman.. Panatikong Zombie Manipulation Technique...

---o0o---


February 14, 2020...

sa Pandacan, Manila..
yung nakunan ng video..
yung mga demonyong kabataan na sinilaban ang mga lobo ng isang nagpapahinga na magtitinda ng lobo..
dahil dun eh nadamay sa pagkasunog yung kawawang vendor...

medyo malaki yung grupo nung mga demonyo..
at 5 sa kanila ang menor de edad pa...

ang masama dun sa istorya..?
wala daw bakas ng pagsisisi sa mga mukha nung mga demonyong kabataan..
at inareglo lang ng mga pamilya nila yung pamilya ng biktima ng Php 35,000...

is feeling , trip-trip lang kapalit ng buhay ng ibang tao.. sana bitay ang parusa sa lahat ng mga kagaya nilang perwisyo sa kapwa...


>
sabay kambyo na nga ni Panot laban sa pokpok ng pa-SEA Games nila... :(

mukhang gagawin na nga nilang indefinite ang tungkol sa renewal..
at pababayaan na muna nila ang Solicitor Assassin na mang-provoke...

is feeling , wala dapat magprotesta.. iyon ang hinihintay nila para makapagbintang ng tungkol sa destabilization kuno...


Ang Alamat ng Most Undesirable Guy on Earth - Second Week of February 2020 (Live Offenders)

Loveless Story


February 9, 2020...

nakakalungkot talaga 'to... :(

10 days after akong indian-in ni Miss Hn..
biglang pwede na ngayon siyang lumakad mag-isa... :(

grabe naman ang kapalaran ko..
sumugal ako sa dalawahan noon para ma-grab yung opportunity na makita siya..
kasi baka hindi siya tumagal at biglang mawala rin kaagad tulad nung iba..
kaso bigla nga siyang umatras sa commitment habang nasa location na ako..
nasira nang tuluyan yung adventure..
tapos ngayon eh hindi na nga siya hawak ng mga senior nila... :(

ang dadaya na talaga nila... :(

is 💔 feeling , naman, Miss Racal...

---o0o---


February 10, 2020...

16 years..
minus katumbas ng 3 years dahil sa maling choice..
nasa Php 19,500 na savings rin yun na Php 1,500 ang base..
not bad...

is feeling , at para sa flowers pa lang yun...

---o0o---


February 12, 2020...

message received...

ang bilis ng counteract...

is feeling , life is not fair, so don't be...


>
naawa naman ako dun sa taong nadamay..
ginawa sa kanya yung ginawa sa akin noon...

is feeling , ibig sabihin na hindi nila na-gets kung ano yung nangyari...

---o0o---


February 14, 2020...

na-shock ako sa mga nabasa ko kanina..
pero i must say na sorbrang nainggit din ako sa kakayahan nung lalaking yun..
very risky, pero sobrang nakakainggit, considering my case...

for almost 5 years, inakala ko na malinis ang sistema nila..
dahil hindi pa naman talaga ako nakabasa ng ganung level ng review noon..
halos lahat safe, maliban sa mga nabasa ko ngayon...

to think na ginagawa niya yung ganung estilo niya all around the world..
tapos ipinagmamalaki niya sa isang international forum kung sinu-sino yung mga naloloko niya para gawin yun...

is ⚠ feeling , pasaway na international ang level...

---o0o---


February 15, 2020...

[Strange Dream 18+]

February 13 or early 14 ko yata ito napanaginipan..
pero hindi ko na lang pinansin, kasi si Miss Js naman yung nakita ko doon...

kagabi ko lang naisip na baka ganun yung napanaginipan ko, kasi related dun yung mga mababasa at matutuklasan ko nga for February 14...

nag-start yung panaginip ko nang hindi naman bastos..
paikot-ikot lang daw ako sa isang bahay na more on gawa sa kahoy, at nasa 2nd floor iyong setting..
katulad siya nung sa kalapit-bahay ng lola ko..
matagal na safe yung tema nung panaginip kung tutuusin..
hanggang sa nadaanan ko ang isang malawak na section nung bahay, na parang bedroom, at nakita ko na nakahiga doon si Miss Js...

hindi ko na maalala kung paano ako nag-join kay Miss Js doon sa higaan..
next thing i know eh nakahiga na ako, at nakaupo na siya sa ibabaw ko, paharap sa akin..
naka-sando naman siya that time, parang gray ang color, pero napansin ko na wala siyang suot na panloob at bakat na bakat yung nipples niya..
hindi ko daw naiwasan na hindi hawakan yung magkabila niyang dibdib sa ganung sitwasyon..
tapos pagtingin ko sa bandang ibaba namin ay saka ko lang na-realize na sinakyan na pala niya ako..
at sinakyan niya ako nang wala akong suot na goma..
so sinita ko daw kaagad siya, ano kako ang ginagawa niya..?
parang sumagot naman si Miss Js na kesyo ayos lang iyon..
at nagpadarang na rin nga ako sa ginawa niya sa akin...

is ⚠ feeling , pero hindi ko inasahan na nangyayari nga talaga iyon sa hanay nila...

-----o0o-----


February 8, 2020...

grabe pala ang tradisyon sa Mabini, Batangas..
ultimo Ninong at Ninang para sa ibang seremonyas noon eh damay sa binibigyan ng alay ng mga kakasalin..
ang dami na ngang gastos kapag ikakasal, tapos libo-libo pa yung worth ng mga ipinamigay sa mga dating Ninong at Ninang...

is feeling , nalula ako...

---o0o---


February 9, 2020...

tapos na ang Mamu Day..
though meron pa yatang natitirang February 8 sa western time zones...

is feeling , pero hindi pa rin tapos ang pag-a-adapt sa kalikasan...

---o0o---


February 10, 2020...

napuyat sa paggagawa ng mga bagong promotional materials para sa platform...

is feeling , ano pa bang diskarte ang pwede kong gawin...??

---o0o---


February 12, 2020...

ano ba naman yan..?
nagbabayad sila ng milyones para sa mga engineer, architect, at contractors..
kaya bakit ako ang gagawa ng trabaho nila..?? :(
kesyo magulo daw kausap yung mga trabahador..
edi huwag nilang bayaran..
hindi yung hindi sila makatanggi, tapos sa akin nila ipapasa yung trabaho..
ano yun, na-scam sila sa kontrata...??

February na, pero hindi pa rin ako nakakapagsimula sa project #15 ko..
yung kita ko nasa USD 8.30 pa lang..
kailangan kong gastusan ang mga mata ko..
kailangan kong lumipat na sa android phone..
tapos pag-iisipin pa nila ako tungkol sa kung anu-anong interior designs... :(

eh daig pa ako ng kasambahay nila eh..
Php 8,000 na sahod a month, plus SSS and PhilHealth benefits na ang base ay Php 10,000...

is feeling , basura lahat ng mga palpak na empleyado at trabahador...

---o0o---


February 13, 2020...

tapos na sa PhilHealth..
hindi na dumaan sa Php 275..
Php 200 to 300 increase na kaagad... :(

nalinaw ko na rin yung tungkol sa Sub-Category ko..
kahit na nasa category ng Self-Earning Individual ang mga artists, eh hindi ako qualified dahil nasa Php 7,000 lang yung declared na estimated monthly earnings ko (pero noong 2018 pa yun, mas malala na ngayong 2020)..
nasa Php 25,000 or up ang pasok dun sa category na yun, kaya naman pumapatak lang ako under ng Informal Sector...

pero wala akong reklamo dun..
nilinaw ko lang dahil sa issue ng technicalities..
hindi rin naman talaga ako interesado na magbigay pa ng mas malaking halaga if ever, lalo't alam ko naman na sa support-buying lang napupunta yung pera...

is feeling , next year na ulit mag-a-adjust...

---o0o---


February 15, 2020...

yung pakiramdam na nag-uutos na nga lang sila na magtrabaho ka nang libre..
tapos sariling oras pa nila ang nasusunod... :(

yung ilang araw mo nang tinatanong kung ano ang gagawin, pero hindi naman naiingli..
tapos kung kailan araw ng trabaho mo, eh saka mag-uutos ng rush, kesyo 3 hours lang ang allowance...

is feeling , diyos-mode...