Friday, June 16, 2017

Ang Alamat ng Most Undesirable Guy on Earth - Second Week of June 2017 (Beautiful Regret)


Thank You for the 30,000 Views :)

---o0o---


June 10, 2017...

[Sports]

haha, 3-1!
masaya na ako..
at least hindi naisakatuparan ng Super Powers yung pangarap nila na 4-0..
sorry, once in a season lang pwedeng i-attempt yun...

badtrip tuloy si DeoDurant..
isang game na lang, champion na sana, pero nakawala pa..
saka pa inalat ang mga kakampi...

solved na ako, kahit na ano pang kahinatnan ng Finals..
ang mahalaga eh natalo yung malalakas..
bonus na lang kung masisira rin yung pangarap ni DeoDurant na mag-champion...

was feeling , basag!

---o0o---


June 11, 2017...

nagulat ako kagabi..
nabuksan yung router, tapos na-activate pa yung Wi-Fi...

may nagturo kung paano gamitin yung WPS button..
kinailangan ko pa tuloy magpalit ng pre-shared key..
muling i-disable yung wireless function..
tapos d-in-isable ko na rin yung WPS...

sinabi nang bawal ipang-download ng games at videos eh..
lalo na kung malapit nang mag-reset yung speed sa hatinggabi...

was feeling , subukan nyo lang i-hard reset yang router...

>
sa tuwing nakikita ko yung maganda niyang mukha..
hindi ko maiwasan na pagsisihan kung bakit ko nasabi yung mga bagay na yun sa kanya noon..
noong panahon na nagalit ako sa kanya...

parang maamo naman siya..
na mabait gaya ng mga kaibigan niya..
pero hanggang ngayon gusto ko pa ring malaman yung sagot kung bakit ganun na lang yung naging pakikitungo niya sa akin...

kung bakit niya ako iniwasan sa ganung paraan...

was feeling , gusto ko pa ring ayusin ang bagay na yun...

---o0o---


June 12, 2017...

nakagawa na ako ng cover para sa 2nd project ko..
meron pa naman akong 4 na items na naka-ready for render...

bukod dun..
may nakopya akong model by mimicking..
mano-mano at tantsa-tantsa lang..
kaya naman may panibago na ulit akong character...

was feeling , 12 out of 56 plus...

---o0o---


June 13, 2017...

[Sports]

nakuha na sa wakas ni DeoDurant yung goal niya..
sa bagay, 10 years na pala siya, kaya hindi rin nga siguro masisisi kung nagsiguro na siya..
sayang nga naman yung galing niya kung wala siyang makukuha na championship sa buong career niya...

pero sana tulungan niya rin ulit ang OKC balang araw...

was feeling , achievement unlocked...

---o0o---


June 14, 2017...

[V-League]

PVL - Battle for Third Place

3rd place na sina Galanza..
hindi masyadong magandang pakinggan para sa liga na meron lamang 6 na teams..
pero an award is still an award..
okay na rin na pakunswelo yun para sa paghihirap ni Kuttika...

was feeling , kasalanan talaga ng PSL, hinati pa kasi yung liga eh...

>
[Lottery]

54-7-41-32-39-6

pangalawang jackpot ko pa lang yun for this year..
at nakaka-15 na first at second prize pa lang ako nitong 2017, hanggang early June...

was feeling , hindi pa makapanalo ng pangluwas eh...

>
problema..
beep naman nang beep ngayon yung UPS ko..
hindi ko masabi kung yun ba yung depektibo at kailangan ko nang papalitan..?
o kung yung supply ng kuryente na naman yung may problema...?

basta ang napansin ko eh sabay ang reaksyon nila ng ref..
kaya sana eh hindi naman yung UPS ang may deperensya...

sayang tuloy ang oras na para sana sa trabaho..
kaso hindi ko naman pwedeng i-risk yung desktop...

was feeling , 17 out of 56 plus...

---o0o---


June 15, 2017...

3 months na ang Unit 02 ko...

3 months pa lang siya, pero 8 unannounced na power interruptions na kaagad yung naranasan ng UPS niya...

was feeling , 9 months pa...

---o0o---


June 16, 2017...

bad news nga...

totoo nga..
hindi daw stable yung kuryente na dumadaloy sa subdivision namin..
noong isang araw nga eh ako yung naka-experience..
at kahapon naman eh yung isang tindahan sa may amin, dahil papatay-patay yung ilaw nila...

was feeling , hindi yun makabubuti para sa mga electronic device...

>
nakausap ko si Miss J kagabi...

problemado kasi siya lately..
dahil maganda siya, eh gusto siyang i-recruit ng mga nakatataas sa hanay nila, pero ayaw niya..
kaya yun siguro yung dahilan kung bakit ginigipit nila siya ngayon...

sa sobrang problemado niya eh basta na lang siya nagse-send sa akin ng message..
tinatawagan niya rin ako kagabi, kaso hindi ko naman pwedeng sagutin yung mga tawag niya noong mga oras na yun..
gustung-gusto niya siguro ng makakausap...

basta nag-suggest na lang ako ng mga pwede niyang gawin...

nakakalungkot lang na yung mga babaeng katulad niya eh parang ang pagbebenta lang ng laman ang kinakapitan sa tuwing nagkakaroon sila ng problema sa pera..
pero wala eh, kinasanayan na rin kasi nila...

was feeling , sana lang maayos niya yung problema niya soon...


Friday, June 9, 2017

Non-Intelligence Fund & Fake News from the Top

ang sabi eh kaya daw nilang ubusin yung mga terorista kaagad..?
pero bakit pinapasukan ng mga 10 years na pahiwatig...??

ano ba talaga ang plano ng alyansa ninyo at more than 6 years na mga panunungkulan na yung bukambibig ninyo..?
gusto ba ng diyos-diyosan ng kakayahan na ipamana na lang ang trono..?
para ano, para maibalik na ang kapangyarihan sa Dictator Clan para muling malabanan ng Martial Law ang rebelyon (at ang terorismo sa makabagong panahon) for eternity...??

---o0o---


update ulit (97 na)..
medyo in-organize ko rin yung mga kaso..
una (untikan ko nang makalimutan 'to), ang pagtataksil sa interes ng bansa at ng mga (ibang) mamamayan (lalo na yung mga naging biktima), at pagbalewala sa kasaysayan at dangal ng bansa:
  • ang pagpapalibing sa bangkay ng isang Diktador sa isang makabuluhang national cemetery
  • yung pagbibigay ng permiso sa isang Imperyalistang nasyon (na lantarang nang-aagaw at nang-aangkin ng mga teritoryo) ng kalayaan para mag-explore sa teritoryo na posibleng mapagkunan sana ng mahahalagang resources ng bansa
  • yung kagustuhan na kontrolin kung sinu-sino ang mga mamumuno sa mga Barangay hanggang 2020

are yung ang involved o semi-involved eh mga identified talaga bilang awtoridad:
  • yung mga lalaking itinumba kahit na naka-posas na sa likod
  • yung 4 year old daw na bata na nadamay sa pagpatay ng mga pulis sa tatay niya
  • yung army reservist na pumatay ng lalaking naka-bike matapos ang road rage at matapos nilang magsuntukan sa kalye, tapos may nadamay pang isang sibilyan sa pamamaril niya
  • yung OFW na dinakip sa checkpoint at naging biktima ng torture at pagpatay
  • yung mga taga-Quezon na hinuli sa parang raid, pero wala palang record ang mga pulis ng naging operasyon na yun laban sa kanila, at may natagpuan na lang na mga sunog na bangkay na pinaghihinalaan na sa mga taong yun na pinagdadakip nga
  • yung kaso nung Australian, kung saan hindi nag-match yung statements ng mga arresting officers kumpara sa naging kuha ng CCTV, at may alegasyon pa ng tangkang pangingikil (this happened sometime before the current administration)
  • yung kaso involving Makati Police, kung saan inaresto ang isang OFW gamit ang gawa-gawa lang naman DAW na dahilan, at tinakot DAW na gagawing related sa ilegal na droga kung hindi magbibigay ang pamilya niya ng Php 500,000
  • yung kaso ng pagpatay sa Regional Chairperson ng Citizens Crime Watch sa Oriental Mindoro, kung saan Police Senior Inspector at Inspector (police awardee pa yung isa) yung nahuling mga suspect, at may mga kagamitan talaga sila na pang-riding-in-tandem
  • yung Mayor sa Mindanao at ang mga kasama niya na hinihinalang pinatay sa rubout
  • yung pagkamatay ni Mayor Espinosa; nakakulong na, hinainan daw ng search warrant kahit na madaling araw na, nawawala ang kuha ng CCTV, at nakapanlaban daw
  • yung mabilis na pagre-reinstate dun sa Marcos (pulis ng Region 8 na sangkot sa kasalukuyang kaso/istorya ng mga Espinosa) at tila pagiging 'maluwag' ng mga kinauukulan sa iba pang pulis na involved
  • yung patuloy na pagkampi sa mga pulis ng Region 8, matapos ang findings na murder nga DAW yung ginawa nila laban kay Mayor Espinosa, hindi pa man sila napaparusahan pero may nakapangako na kaagad na absolute pardon para sa kanila
  • yung kidnapping ng isang civilian last October daw na nakunan ng CCTV, na ang sangkot ay mga pulis na hindi naka-uniform
  • yung kaso sa Lemery, Batangas kung saan may claim na nauna (higit na mas maaga) daw hinuli yung mga drug suspects nang mga naka-civilian na pulis na wala namang dalang warrant, pero hapon na noong kuhanan ng mga pictures at inventory na may kasama ng mga ebidensiya laban sa kanila
  • yung pagpatay ng isang pulis sa lalaking nanlaban DAW matapos mag-amok sa isang bangko sa Laguna na nakunan naman ng CCTV camera  
  • yung pamamaril ng isang lasing na pulis sa Misamis Oriental na ikinasugat ng 4 na katao 
  • yung nakainom na pulis sa Negros Occidental na namaril din at nakapatay
  • yung ginawang pananampal at panggugulpi ng isang sundalo sa isang bar sa Isabela, supposedly eh naka-duty daw siya, at nanggulo DAW doon dahil gusto ng nude dance/show
  • sa Sorsogon, yung pangho-holdap ng isang sundalo sa isang remittance center, na supposedly eh naka-duty rin siya during that time
  • yung pulis na nambugbog ng makulit na matandang lasing, at inilagay pa niya sa paso ang batas 
  • sa Negros Oriental, yung pulis na nakunan ng video habang pinatapat ang tenga ng isang sibilyan sa muffler habang pinapaandar yung motorsiklo
  • yung pulis sa Sta. Mesa na namaril ng sibilyan na binu-bully DAW nito parati at sinaktan pa bago yung insidente, matapos na rumesbak yung biktima na may dalang bato at itak
  • yung buy-bust operation DAW sa Caloocan, na ginawa ng mga naka-sibilyan na naka-hood at mga naka-maskara at hindi na mga pulis, na natunugan DAW, kung saan 2 magbiyenan na drug-related suspects ang napatay sa loob ng kanilang pamamahay
  • yung napatay na 17 y/o sa Caloocan City na hindi naman target pero nadamay daw sa ginawang buy-bust operation, nakita daw siya na may baril kaya pinatay na
  • sa Maguindanao, yung 2 bata na edad 6 at 10 daw na nadamay at napatay sa ginawang anti-illegal drugs operation sa kanila, kung saan nasugatan rin daw yung 2 pa nilang mga bata rin na mga kapatid
  • yung pulis na namaril ng kapwa pulis sa Lipa City
  • sa Pasay City, yung miyembro ng army na nakainom, nagwala, at nakipagbarilan pa sa mga pulis
  • yung pulis na ng rape ng sibilyan sa Calamba City, na ginamit DAW yung pagka-pulis niya para kunwari ay magpapatulong lang dun sa biktima
  • yung pulis na binaril yung menor de edad na isinasama lang DAW niya
  • yung pulis Mandaluyong na aksidenteng nakabaril sa Nasugbu, Batangas dahil DAW ipinagmamalaki niya yung baril na na-issue sa kanya
  • yung SAF na nambugbog ng traffic enforcer sa Bacolod matapos siyang masita na nagawa niyang traffic violation
  • sa Dumaguete, yung 5 pulis (hindi naman naka-uniporme o naka-duty) na nambugbog DAW dahil sa isang basketball game
  • yung nakunan ng CCTV na pulis (na naka-sibilyan) na nanggulpi ng lalaki na sinubukan na DAW humingi ng tulong sa mga pulis sa isang presinto ng QCPD, ikinulong pa nila yung lalaki at ipinaako DAW sa kanya lahat ng pagkakamali, at dahil yun sa away-trapiko pa rin
  • sa Manila, yung naka-AWOL na pulis na nagpaputok daw ng baril at nakatama ng 2 menor de edad, at nanapak pa daw
  • sa Antipolo City daw, yung jeepney driver na pinatay daw ng isang pulis Maynila dahil lang sa away-trapiko
  • sa Cabanatuan, yung 2 pulis na naka-droga na namaril at pumatay ng 2 katao, na ikinasugat ng 1 pa
  • yung CCTV footage na ibinigay kay Senator Lacson, na nagpapakita kung paanong tinaniman ng mga pulis DAW ng ebidensya ang isang opisina, tapos ay saka ni-raid yung lugar
  • yung na-hulidap na Korean, na nahingan na nga ng ransom yung pamilya, pero pinatay pa rin talaga yung biktima sa loob pa mismo ng kampo ng mga pulis
  • yung mga South Korean na na-hulidap sa Pampanga, na nakunan ng CCTV, na hinuli gamit ang alibi na sangkot sila sa illegal online gambling, na ilang oras ikinulong sa police station at pinakawalan lang matapos magbigay ng pera
  • sa Quezon City, yung 4 na pulis na nahuli dahil sa kaso ng kidnapping at extortion, isang lalaki at yung kasintahan niya ang naging mga biktima
  • yung nangyaring saksakan at patayan ng mga high profile inmates sa loob ng Bilibid kahit na pinataas na DAW yung seguridad doon at mga SAF pa ang nagbabantay
  • yung panibagong kaso DAW ng VIP treatment para sa mga high profile inmates na lumabas sa balita nitong February 2017
  • yung maramihang pagsibak sa mga pulis sa Parañaque dahil DAW sa mga kaso ng pangongotong
  • sa Ilocos Norte, yung 2 pasaway na pulis, na naka-off na daw sa duty, pero nahuli namang nag-iinuman sa kanilang presinto
  • ang patuloy at malaking bilang ng mga pulis na lumalabas na positibo sa paggamit ng ilegal na droga through drug test  (ang isa sa butas ng laban kontra sa ilegal na droga)
  • sa Las Piñas, yung opisyales na pulis na related sa PNP Crime Laboratory na nahuling gumagamit ng ilegal na droga sa isang drug den
  • yung PO1 na sangkot daw sa ilegal na droga at miyembro rin daw ng sindikato
  • yung 3 sundalo DAW na nahulihan ng mga drug paraphernalia sa Cebu City
  • sa Catanduanes, yung nagbitiw na pulis na umamin na totoo DAW ang pagtatanim ng mga ebidensya at extrajudicial killings
  • sa Bacolor, Pampanga, yung government employee na biktima ng tanim-droga ng mga pulis at mga miyembro ng PDEA, yung hindi nagtugma yung written report sa kuha ng CCTV
  • sa Manila, yung 4 na senior citizen na naging biktima rin DAW ng tanim-droga at tanim-bala ng mga pulis, may kuha ng CCTV tungkol sa kuwestiyonableng operasyon nung mga pulis eh, namatay pa yung isang matanda sa loob ng kulungan
  • yung babaeng biktima daw ng tanim-droga teknik ng 11 Pulis Malabon

are naman yung mga hindi pa malinaw kung anong klase nga ng mga tao ang involved o hindi tiyak o nabanggit kung sino ang nakatama:
  • yung honor student na choir member na ginamitan ng karatula
  • yung 5 year old daw na bata na nadamay sa tangkang pagpatay ng mga hindi kilalang tao sa lolo niya
  • yung 5 year old na taga-Pasay na napatay habang natutulog dahil nadamay sa pagpatay sa tatay niya na siya daw target nung hindi nakilalang tao
  • yung pagkamatay ng bagong binyag na bata (na tinamaan ng ligaw na bala) sa Bulacan dahil nadamay sa pagpatay sa kanyang ninong na involved DAW sa droga
  • yung pagkadamay at pagkapatay sa isang manliligaw sa Quezon City dahil involved daw yung nililigawan niyang babae sa ilegal na droga
  • yung kaso sa NCR kung saan nadamay at natamaan ng bala ang isang sibilyan dahil sa paghahabulan ng mga pulis at ng isang suspek
  • yung 2 sibilyan sa Laguna na nagsisimbang-gabi lang sana, na nadamay (napatay yung batang babae) sa pamamaril  ng mga hindi pa nakikilalang mga suspek sa isang barangay tanod na related din daw sa ilegal na droga
  • yung tila 2 grupo ng tao na napatay sa Caloocan City, na either drug related daw yung isang grupo kung kaya't nadamay sa tumbahan yung mga miyembro daw ng frat, o dulot ng frat war na ang nadamay naman eh yung ilang drug related personalities
  • sa Caloocan, yung mag-live in partner na pinatay daw ng mga taong nagpakilala na mga pulis
  • yung 14 y/o na dalagita na nadamay sa pamamaril ng mga taga-tumba sa target nilang drug-related personality daw, sa Caloocan yata yun
  • sa Caloocan, yung 5 y/o na bata na nadaplisan ng bala dahil sa nangyaring tumbahan sa isang hinihinalang drug den, kung saan may mga napatay rin
  • hindi ko nakuha yung lugar, pero yung kaso kung saan may 1 napatay at 6 na nadamay sa pamamaril daw sa isang dating nagbebenta ng shabu
  • sa Tondo, yung 14 y/o na dalagita na natamaan sa mata at napatay ng ligaw na bala mula sa pamamaril ng riding-in-tandem, namaril DAW para takutin yung may pagkakautang sa kanila sa ilegal na droga eh
  • sa Makati, yung mga lalaking naka-uniporme daw ng pang-pulis na nakuhanan ng video habang nananakit DAW ng isang babae, may tutukan pa DAW ng baril na nangyari
  • yung Japanese na negosyante na mukhang planadong itinumba habang nasa bansa

heto naman yung mga may kinalaman sa kahinaan ng kasalukuyang penal system at pagpapatupad ng iba pang mga batas at patakaran sa bansa:
  • sa Pasay, yung target ng buy-bust operation na nakapatay at nakasugat ng mga pulis, grupo sila eh, at yung main target daw ay marami ng record ng krimen pero talagang nakakalaya pa rin
  • sa Siquijor, yung 2 babaeng estudyante na napatay sa pananaksak ng isang lalaki ng naka-droga at lasing din daw noon, according sa istorya ay may iba sana siyang papatayin dahil natakot siya na isuplong siya tungkol sa paggamit niya ng ilegal na droga, kaso ay ibang mga inosenteng tao yung napaglabasan niya ng kanyang kasamaan 
  • regarding sa pag-determine ng edad na pasok sa criminal liability, yung pulis sa Dipolog na ginulpi ng mga kabataan at untik nang mapatay matapos niyang umawat lang sa rambulan ng mga ito
  • sa Tondo, yung nakunan sa CCTV na rambulan ng mga kabataan sa gabi, kung saan makikita na nagpapaputok ng baril yung isa at nanuntok pa yung isa ng umaawat lang daw sa kanila, butas pa rin ito sa sistema ng pag-regulate sa mga baril at sa pag-determine ng edad kung kailan may pananagutan na ang mga mamamayan sa batas
  • regarding sa batas trapiko, yung 2 lola na parehong namatay matapos mabangga ng humaharurot na tricycle habang tumatawid sila sa pedestrian lane
  • dahil pa rin sa kawalan ng kontrol sa mga armas, sa Cavite, yung lalaki na hinuli at dinala sa isang motel at balak i-hulidap ng mga lalaking nagpanggap na miyembro ng PDEA at PNP
  • yung lalaking binaril ng isang motorcycle rider na posibleng dahil lang DAW sa naharangan niya ito sa kalsada
  • ang naging pag-atake sa Resorts World Manila
  • sa Dasmariñas, Cavite, yung ikinulong nang dahil sa sakla, na pinatay ng mga nakasama nitong preso habang nakaposas siya
  • sa Lanao del Norte, yung bilanggo na pinatay sa loob ng kulungan ng mga kakosa niya
  • yung sikretong kulungan na nadiskubre ng CHR sa isang station ng MPD
  • yung kagustuhan ng kasalukuyang DTI na ibigay na sa mga negosyante at/o mga kompanya ang kakayahan na i-regulate ang suggested retail price (SRP) para sa mga produkto nila
  • yung pagkampi ng Supreme Court sa photobomber
  • yung pagkabasura ng Commission on Appointments sa pagtatalaga kay Lopez bilang secretary ng DENR na obvious naman na iginapang
  • yung sapilitang pangunguha ng mga miyembro DAW ng Kadamay ng mga housing projects sa iba't ibang lugar, at ang pagkunsinti sa kanila ng gobyerno
  • ang kakayahan ng mga miyembro ng mga teroristang grupo na mapakawalan o makatakas pa sa kamay ng batas
  • yung naging pagsabog sa Quiapo na nakasugat ng nasa 14 na katao daw, at nangyari yun kung kailan supposedly eh mataas ang seguridad sa bansa lalo na sa NCR
  • sa Pandacan, yung 7 buwan na sanggol na nagtamo ng 3 tama ng baril dahil sa isinagawang anti-illegal drugs operation sa kanilang lugar
  • yung kuwestiyonableng naging kahinaan ng seguridad sa Marawi sa kabila nang patuloy na pagkilos ng mga terorista sa Mindanao, sa kabila ng patuloy na mga bantaan mula sa magkabilang panig, at sa kabila ng pagkakaroon ng malaking halaga ng intelligence fund
  • yung lalaking napagkamalan daw na miyembro ng Maute at hinihinalang t-in-orture ng mga sundalo

at may kaso na iba-iba ang kategorya:
  • yung pagkamatay ng isang 9 year old na bata, na pinaghihinalaang pinatay ng mga menor de edad; na natagpuan yung bangkay na nakagapos ang mga kamay, na binugbog daw, pinutulan ng mga daliri, at may hiwa pa sa tiyan
  • yung pagsu-suicide daw ng isang Director Villa ng ERC dahil sa katiwalian sa trabaho nila
  • isama na rin yung pagkalat ng mga fake news at paid trolls sa social media
  • ang maya't mayang pagpapalabas ng fake news o mind-conditioning news ng mismong mga nasa katungkulan
  • yung Oplan Cyber Tokhang
  • yung mga sundalo sa Marawi na napatay sa sarili nilang air strike na laban sana sa mga terorista
  • yung isa pang air strike na sa labas naman daw ng Marawi nangyari

---o0o---


June 4, 2017...

Caucasian pala ha...?

problema niyo pa rin kung saan niya nakuha yung rifle niya..
yun naman talaga yung isa sa major na dahilan kung bakit lumaki yung gulo eh...

was feeling , tsk...

---o0o---


June 5, 2017...

sablay na naman sa air strike... :(

hindi talaga uubra kung kulang ang kakayahan...

was feeling , can't trust the system...

---o0o---


June 6, 2017...

eh sino ba kasi yung tangang nakaisip na idaan sa peace talk ang mga terorista..?
anong ibibigay niyang kapalit nun kung saka-sakali, na pagpapapatayin ang mga hindi kasamahan sa relihiyon nung mga Satanistang yun..?
since yun naman talaga ang gusto nila...

tapos magyayabang na naman na kaya nga silang ubusin..
yun nga lang eh may mga hostage na sibilyan kaya hinding-hindi magawa yun..
kundangan kayong mga tanga..
sasabihin ninyo (nang late na) na merong intel na sasakupin yung lungsod..
edi sana tinambangan niyo na sila noong papasugod pa lang sila...

unahin yung pagpatay bago ang pagyayabang...

was feeling , andami na ng nabubuwis na collateral damage...

>
global terrorism yung pangunahing topic...

pero ang tanong kaagad eh paano yung mga kababayang OFW..?
paano yung mga undocumented na kababayan doon..?
paano ang kabuhayan nila...?

wala ba talaga kayong pakialam sa iba pang mga mamamayan ng mundo..?
hindi nyo ba talaga kayang ituring na pantay-pantay at pare-parehas lang naman dapat ang mga tao...???

was feeling , mukha kayong kababayan...

>
panibagong Oarfish sighting na naman..
sa Butuan City...

was feeling , ingat na lang...

>
wow!
ang galing nung video..
pinagpulungan nga naman ang pananakop sa Marawi eh 'no...

ang galing ng intel...

huwag niyo lang palalagpasin yan ng 60 days..
at mahahalata ang plano ninyo... :(

was feeling , hinintay yata na mangyari, para ma-verify kung totoo nga...

---o0o---


June 7, 2017...

mukhang hamit na hamit na talaga sa Martial Law ah...

sigurado na pala na drug money ang nagpopondo sa rebelyon at terorismo..?
sa ganun nga namang paraan, kapag napaikot na niya ang kanyang mga panatiko, eh pwede na silang magpatupad ng Martial Law sa buong bansa..
intel ba yan, o katulad lang nung istorya nung pulis na pinutulan ng ulo pero buhay pa rin...??

kinokondisyon na rin nila ang mga tao na ang mga kalaban nila sa pulitika ang nagdulot ng terorismo..
pero ang tanong siyempre ay sino ba ang totoong nakikinabang sa Martial Law..?
logical ba na isipin na made-destabilize ang gobyerno nila sa pamamagitan ng terorismo, eh samantalang pwede nga nilang panghawakan yung Batas Militar nila..
masisira lang ang gobyerno nila kapag sila na yung gumawa ng mali...

tang ina ninyo!
halatang sinasayang ninyo yung sobrang mamahalin na intelligence fund..
parehas yung panlaban sana sa ilegal na droga at panlaban sa mga terorista at mga rebelde..
hinayaan ninyong masakop yung Marawi kahit na sinasabi ninyo na may intel na kayo na susugurin nga yun (o baka naman nagkunwari na lang kayo na nagkaroon ng intel para hindi magmukhang nasasayang sa wala yung pondo)..
at sa droga naman, wala naman talaga kayong masyadong hinuhuli na mga manufacturers..
at sabi nga sa mga istorya ng mga taong taga-ibang region, meron pa ring mga untouchables...

ganun din pagdating sa mga rebelde..
parang pinakagat lang na magkakaroon na ng pagkakasundo..
pero biglang nauwi rin ulit sa trash talk at mga patayan...

sa mga speech na lang eh napaghahalata na eh..
6 years lang yung termino, pero lagpas pa dun yung binibitawang mga numero...

hindi na ako magtataka kung scripted na naman 'to tulad nung unang Martial Law...

was feeling , sino ba ang may motibong maghabol sa kapangyarihan...?

---o0o---


June 9, 2017...

wala ng kakaiba sa ginawa ni Fake Hair..
halata naman na hindi talaga mapagkakatiwalaan ang nilalang na yun kahit noon pa mang panahon na binastos niya si Defensor-Santiago eh..
sa buhok pa nga lang eh mapagpanggap na, ano pa kaya pagdating sa mga balita...?

mind conditioning naman talaga ang forte ng alyansa nila kahit bago pa yung totoong panahon ng kampanyahan..
madalas hindi na sila nagpi-filter ng mga sasabihin nila, basta na lang pakawala nang pakawala..
bakit..?
kasi alam na nila na madali lang naman nilang mapapaikot yung mga zombie na panatiko nila..
natural lang na i-redirect nila yung mga isyu sa mga kalaban nila sa pulitika, para lalong mabuyo nila ang mga panatiko...

was feeling , yung ibang matitino na nailagay sa puwesto eh sibak kaagad kapag ayaw ng alyansa nila, pero yung mga halatang palpak eh untouchable...???

>
yung lalaking napagkamalan daw na miyembro ng Maute..
at hinihinalang t-in-orture DAW ng mga sundalo...

buhay pa na naman siya, kaya baka naman makukuha pa mula sa kanya yung totoo...

was feeling , malalaman din yan.. pero kung totoo man, malas niya lang kasi nga yung diyos-diyosan na ang aako sa lahat ng pagmamalabis sa kapangyarihan...

>
sa maimbestigahan yung tungkol sa fake news..
eh yun ngang mga nasa tuktok eh kahihilig din na maglabas ng fake news..
tapos todo like pa ang mga zombie na panatiko sa mga pakalat nilang fake news...

was feeling , aksaya lang sa oras kung wala na namang mapaparusahan.. tara na lang mag-genocide...

>
sa Pandacan naman..
yung 7 buwan lang na sanggol na nagtamo ng 3 tama ng baril..
nadamay daw sa anti-illegal drugs operation ng awtoridad eh...

medyo sinuwerte pa naman yung bata at buhay pa sa ngayon..
ang sabi naman ng pulis ay puros DAW yung suspek ang nakabaril dun sa bata...

untik na siyang maging kumpletong collateral damage dun... :(

was feeling , eh bakit ba naman kasi nilulusob nga kung saan posibleng may madamay...?


Ang Alamat ng Most Undesirable Guy on Earth - First Week of June 2017 (Popular Items)

June 4, 2017...

[V-League]

PVL - Semifinals

hala!
hindi natupad yung wish ko..
pinagtapat kaagad sina Galanza at Bualee..
kasalanan ng Power Smashers eh, ginulo yung standings pagpasok ng reinforcements...

was feeling , laglag na kaagad ang isa...

>
oo nga 'no..
kung every 2 months ang bilis ng production ko..
at sa 50-50 na hatian..
ibig sabihin, kailangan ko ngang makabenta ng 100 copies in 2 months...

was feeling , we'll see...

---o0o---


June 5, 2017...

[Emo]

eh yung isasama pa yung pagsisira sa ibang lugar sa mga gastusin...?

wow!
Php 1,200 sa materyales, Php 600 sa labor..
pambili na sana ng bigas yung Php 1,800 na yun..
pero dahil likas kang kapritsoso..
pati pagsisira mo sa ibang lugar eh talagang sagot pa ng nanay mo...

eh paano pa kaya kapag nagte-training ka na..?
baka makasunog ka ng kompanya, tapos nanay mo na naman ang magbabayad...

was feeling , Php 2,800 na yung nababawas sa monthly budget, kulang pa ba yun sa'yo...?

>
[Sports]

mukhang malapit nang makakuha ng championship si DeoDurant ah... XD

was feeling , pero siyempre, mas masaya pa rin kung yung mas malakas yung matatalo...

---o0o---


June 6, 2017...

okay naman ang araw na 'to..
nakapag-grocery naman nang hindi nauulanan...

meron pa namang nabili na mantika..
yun nga lang, parang hirap talaga sila sa stocks..
pero kahit papaano eh naka-stick pa rin naman sa Php 205 yung presyo...

mabuti rin at nandun naman si Emoji-Girl ngayong araw...

was feeling , basta huwag lang matutuloy yung Php 10 na minimum na pamasahe dahil sa kademonyohan ng gobyerno...

>
nahanap ko na rin sa wakas yung isa pa..
nakumpleto ko na rin yung grupo nila...

though may nagawa yata akong pagkakamali nitong nakaraan..
sinubukan ko kasing c-um-onnect sa anak ng isa sa kanila..
at some time after that, bigla na lang nag-deactivate yung account at nag-delete na din..
natakot yata...

was feeling , pero talagang siya yung nag-iisa na hinding-hindi ko ma-track...

---o0o---


June 7, 2017...

mukhang tama nga na hindi BPI ang pinili kong maging bangko ah...

yun ngang institusyon na sa kanyang larangan eh pumapalya pa, yun pa kayang nagmamadali lang na hindi rin naman maaalam..?
baka manakaw lang ang data ng mga tao sa inyo...

was feeling , nakakatakot...

>
[TV Series]

natatawa talaga ako kapag nakikita ko yung Mulawin versus Ravena ngayon...

yung isa naging Lobo..
tapos yung isa naman, naging Bampira na...

was feeling , evolution...

---o0o---


June 8, 2017...

nagsimula na ulit mag-render..
medyo may problema lang doon sa 2 settings..
hindi maganda yung quality nung lighting with respect sa kakayahan ng computer ko..
kaya naman kailangan ko pang mag-experiment sa tamang timpla ng ilaw...

was feeling , 4 out of 50 plus...

>
[V-League]

PVL Semifinals - Creamline versus Bali Pure

end of campaign para kay #8 Galanza...

3-0..
hindi man lamang naka-20 points ang Creamline sa kahit na anong set..
si Kuttika lang ang lumaban nang todo..
mahina ang Western import nila, matangkad, pero bihira yung mga bayo at pasibat na palo, madalas kaya pang saluhin, thus hindi naging matalino ang pagpili sa kanya ng Rebisco..
si Baldo naman eh sa 3rd Set na lang nanlaban, pero mukhang may problema talaga siya sa kanang braso o armpit area niya..
mas nahalata naman ngayon kung gaano pa kalayo ang power ni Galanza kumpara doon sa 3 key players ng Creamline..
though posible rin na nasa Setter nila yung kakulangan kung bakit ganun ang kalidad ng mga atake nila...

ang masama nito..?
mas nahahasa tuloy at lumalakas ang kombinasyon nina Nabor at Sato sa gitna ng court, isang magandang paghahanda para sa Season 80 ng UAAP..
at pati si Malabanan eh natututo na rin ng mga variation sa opensa niya...

was feeling , himala na kapag nanalo ang Ateneo laban sa La Salle sa charity game nila...

---o0o---


June 9, 2017...

nagawan ko na rin ng paraan yung isang setting..
isa na lang ang problema ko, at swerteng 2 lang naman ang eksena doon..
nadadagdagan naman nang nadadagdagan ang mga teknik na natututunan ko...

was feeling , 8 out of 56 plus...

---o0o---


June 10, 2017...

[Emo]

ayun..
sira na naman ang salamin sa mata..
wala man lamang talagang makatagal ng isang taon...

tapos balak pang dayain ang scholarship..
gustong magpanggap na walang source of income yung pamilya, eh samantalang pensyonado nga yung ina niya (kulang nga lang para sa mga kapritso niya yung nasa Php 20,000 plus na pensyon)..
qualified pa yung ama niya dahil matagal naman na yung walang silbi..
pero paano kung ma-CI naman kami...?

at ako pa ang lolokohin..
pa-internet daw at may ire-research..
tang ina, tapos na ang klase, may research pa rin..?
anong ire-research niya, sagot sa removal exams niya..?
tapos ang makikita mo naman eh nag-i-stream lang pala ng porn videos sa smartphone o di kaya eh nag-ge-games lang sa mamahalin niyang laptop..
asa ka!
deactivate Wi-Fi lang ang katapat mong paboritong anak ka...

tapos pati nga paghahanap ng summer job eh doon iniuutos sa ina niya..
wow! ang galing!
at talagang nagsisira pa ng mga gamit kapag hindi maibigay ang gusto niyang summer job..
tae, ina-apply-an yun, hindi yung trabaho ang kusang nalapit..
tsaka paano ba naman siya matatanggap sa trabahong pang-umaga, eh ni hindi nga niya kayang gumising ng 5:00 AM..?
napapaghalata tuloy na yung pera lang yung habol niya...

is feeling , ganun yata talaga ang tao kapag alam niyang ibinibigay naman sa kanya lahat ng naisin niya - umaabuso...

>
ayun..
na-demote na ulit yung project ko..
nasa page 3 na lang ulit siya ng most popular items...

is feeling , pero mabuti naman at tuloy pa rin ang pagpasok ng pera...

>

[V-League]

Battle of the Rivals

quoted from Inquirer:

"Valdez and Lazaro will reunite with former Ateneo players Fille Cainglet, Ella de Jesus, Amy Ahomiro and team up with current Lady Eagles Jia Morado, Maddie Madayag and Jho Maraguinot."

"Joining Reyes are Aby Maraño, Kim Fajardo, Ara Galang, Cha Cruz, Michele Gumabao, Melissa Gohing and Cyd Demecillo."

8 versus 8..
anak ng..?
sinong nagluto ng charity game na 'to..!?
eh All-Star yung sa La Salle eh!

Cainglet..??
bakit hindi na lang Gervacio, eh nasa top shape yun ng laro niya sa ngayon..?
wala rin si BDL para sa quick plays (currently siya yung best sa ganitong department, lalo na dahil sa boosted attack dahil sa koneksyon nila ni Morado)..
Madayag..??
at ang madaling kabahan sa laro na si Maraguinot..??
anyway, pagkakataon pa rin 'to para muling makita na makipaglaban si #12 Morado..
okay na yung 3 sets para mapanood siyang muli...

kung isinali pa dun sina Kim Dy at Macandili (who is currently a better Libero) eh overkill na yun..
pero tuso pa rin nga ang La Salle..
mga non-UAAP players na lang yung palalaruin nila..
itatago pa rin nila ang laro ng current team nila...

is feeling , coming July 16 daw...


Friday, June 2, 2017

Worshiping the Wrong Gods

yung iba, sumasamba sa kung anong entity na nagtutulak sa kanila na pagpapatayin ang mga kabilang sa ibang relihiyon..
at masasabi mo na hindi talaga totoo ang kanilang mga paniniwala, dahil wala silang pakialam kahit na mga ka-relihiyon na nila yung nadadamay sa pinaggagagawa nilang kasamaan..
marumi ang tingin nila sa baboy - pero di hamak na mas marumi sila kesa sa hayop na yun..
siguro napasok na talaga ng demonyo yung relihiyon nila (o sekta ng relihiyon, o kung anuman yung classification nun para sa kanila)..
pero mabuti na lang at mukhang mas marami pa naman yung mga kaparehas nila ang relihiyon na hindi naniniwala sa kabuluhan ng terorismo at ng mga pagpatay...

at sa isa namang panig..?
andun naman yung mga taong sumasamba sa kapwa nila tao..
ganun ba talaga kagaling para sa kanila yung taong marunong magmura sa publiko..?
ganun ba talaga kagaling para sa kanila yung taong kakantutin lang ang tingin sa mga kababaihan..?
ganun ba talaga kagaling para sa kanila yung taong sinasabi nila na "at least totoong tao siya"..?
so para sa kanila astig yung sasabihan yung mga terorista at iba pang mga kalaban ng gobyerno na kaya niya/nila silang pagpapatayin at ipaubos - pero hindi naman talaga magawa...?

mas okay pa sana kung ginawa na lang nila ng tahimik yun..
palihim na pinagpapatay ang mga terorista, sa tulong na rin ng totoo sanang intel..
iniharap ang mga ulo nila sa publiko, at saka na lang sana ipinagyabang na "heto inubos na namin sila sa ngalan ng kapayapaan"..
hindi yung nauuna ang yabang at mga salita, kesa sa aksyon...

tapos sasabihin ninyo na may intel nga na posibleng atakehin yung bayan na yun..
pero ano..?
mas ginusto ninyo na saka na lang kumilos kapag nangyari na nga yung pag-atake...?

---o0o---


update ulit (93 na)..
medyo in-organize ko rin yung mga kaso..
una (untikan ko nang makalimutan 'to), ang pagtataksil sa interes ng bansa at ng mga (ibang) mamamayan (lalo na yung mga naging biktima), at pagbalewala sa kasaysayan at dangal ng bansa:
  • ang pagpapalibing sa bangkay ng isang Diktador sa isang makabuluhang national cemetery
  • yung pagbibigay ng permiso sa isang Imperyalistang nasyon (na lantarang nang-aagaw at nang-aangkin ng mga teritoryo) ng kalayaan para mag-explore sa teritoryo na posibleng mapagkunan sana ng mahahalagang resources ng bansa
  • yung kagustuhan na kontrolin kung sinu-sino ang mga mamumuno sa mga Barangay hanggang 2020

are yung ang involved o semi-involved eh mga identified talaga bilang awtoridad:
  • yung mga lalaking itinumba kahit na naka-posas na sa likod
  • yung 4 year old daw na bata na nadamay sa pagpatay ng mga pulis sa tatay niya
  • yung army reservist na pumatay ng lalaking naka-bike matapos ang road rage at matapos nilang magsuntukan sa kalye, tapos may nadamay pang isang sibilyan sa pamamaril niya
  • yung OFW na dinakip sa checkpoint at naging biktima ng torture at pagpatay
  • yung mga taga-Quezon na hinuli sa parang raid, pero wala palang record ang mga pulis ng naging operasyon na yun laban sa kanila, at may natagpuan na lang na mga sunog na bangkay na pinaghihinalaan na sa mga taong yun na pinagdadakip nga
  • yung kaso nung Australian, kung saan hindi nag-match yung statements ng mga arresting officers kumpara sa naging kuha ng CCTV, at may alegasyon pa ng tangkang pangingikil (this happened sometime before the current administration)
  • yung kaso involving Makati Police, kung saan inaresto ang isang OFW gamit ang gawa-gawa lang naman DAW na dahilan, at tinakot DAW na gagawing related sa ilegal na droga kung hindi magbibigay ang pamilya niya ng Php 500,000
  • yung kaso ng pagpatay sa Regional Chairperson ng Citizens Crime Watch sa Oriental Mindoro, kung saan Police Senior Inspector at Inspector (police awardee pa yung isa) yung nahuling mga suspect, at may mga kagamitan talaga sila na pang-riding-in-tandem
  • yung Mayor sa Mindanao at ang mga kasama niya na hinihinalang pinatay sa rubout
  • yung pagkamatay ni Mayor Espinosa; nakakulong na, hinainan daw ng search warrant kahit na madaling araw na, nawawala ang kuha ng CCTV, at nakapanlaban daw
  • yung mabilis na pagre-reinstate dun sa Marcos (pulis ng Region 8 na sangkot sa kasalukuyang kaso/istorya ng mga Espinosa) at tila pagiging 'maluwag' ng mga kinauukulan sa iba pang pulis na involved
  • yung patuloy na pagkampi sa mga pulis ng Region 8, matapos ang findings na murder nga DAW yung ginawa nila laban kay Mayor Espinosa, hindi pa man sila napaparusahan pero may nakapangako na kaagad na absolute pardon para sa kanila
  • yung kidnapping ng isang civilian last October daw na nakunan ng CCTV, na ang sangkot ay mga pulis na hindi naka-uniform
  • yung kaso sa Lemery, Batangas kung saan may claim na nauna (higit na mas maaga) daw hinuli yung mga drug suspects nang mga naka-civilian na pulis na wala namang dalang warrant, pero hapon na noong kuhanan ng mga pictures at inventory na may kasama ng mga ebidensiya laban sa kanila
  • yung pagpatay ng isang pulis sa lalaking nanlaban DAW matapos mag-amok sa isang bangko sa Laguna na nakunan naman ng CCTV camera  
  • yung pamamaril ng isang lasing na pulis sa Misamis Oriental na ikinasugat ng 4 na katao 
  • yung nakainom na pulis sa Negros Occidental na namaril din at nakapatay
  • yung ginawang pananampal at panggugulpi ng isang sundalo sa isang bar sa Isabela, supposedly eh naka-duty daw siya, at nanggulo DAW doon dahil gusto ng nude dance/show
  • sa Sorsogon, yung pangho-holdap ng isang sundalo sa isang remittance center, na supposedly eh naka-duty rin siya during that time
  • yung pulis na nambugbog ng makulit na matandang lasing, at inilagay pa niya sa paso ang batas 
  • sa Negros Oriental, yung pulis na nakunan ng video habang pinatapat ang tenga ng isang sibilyan sa muffler habang pinapaandar yung motorsiklo
  • yung pulis sa Sta. Mesa na namaril ng sibilyan na binu-bully DAW nito parati at sinaktan pa bago yung insidente, matapos na rumesbak yung biktima na may dalang bato at itak
  • yung buy-bust operation DAW sa Caloocan, na ginawa ng mga naka-sibilyan na naka-hood at mga naka-maskara at hindi na mga pulis, na natunugan DAW, kung saan 2 magbiyenan na drug-related suspects ang napatay sa loob ng kanilang pamamahay
  • yung napatay na 17 y/o sa Caloocan City na hindi naman target pero nadamay daw sa ginawang buy-bust operation, nakita daw siya na may baril kaya pinatay na
  • sa Maguindanao, yung 2 bata na edad 6 at 10 daw na nadamay at napatay sa ginawang anti-illegal drugs operation sa kanila, kung saan nasugatan rin daw yung 2 pa nilang mga bata rin na mga kapatid
  • yung pulis na namaril ng kapwa pulis sa Lipa City
  • sa Pasay City, yung miyembro ng army na nakainom, nagwala, at nakipagbarilan pa sa mga pulis
  • yung pulis na ng rape ng sibilyan sa Calamba City, na ginamit DAW yung pagka-pulis niya para kunwari ay magpapatulong lang dun sa biktima
  • yung pulis na binaril yung menor de edad na isinasama lang DAW niya
  • yung pulis Mandaluyong na aksidenteng nakabaril sa Nasugbu, Batangas dahil DAW ipinagmamalaki niya yung baril na na-issue sa kanya
  • yung SAF na nambugbog ng traffic enforcer sa Bacolod matapos siyang masita na nagawa niyang traffic violation
  • sa Dumaguete, yung 5 pulis (hindi naman naka-uniporme o naka-duty) na nambugbog DAW dahil sa isang basketball game
  • yung nakunan ng CCTV na pulis (na naka-sibilyan) na nanggulpi ng lalaki na sinubukan na DAW humingi ng tulong sa mga pulis sa isang presinto ng QCPD, ikinulong pa nila yung lalaki at ipinaako DAW sa kanya lahat ng pagkakamali, at dahil yun sa away-trapiko pa rin
  • sa Manila, yung naka-AWOL na pulis na nagpaputok daw ng baril at nakatama ng 2 menor de edad, at nanapak pa daw
  • sa Antipolo City daw, yung jeepney driver na pinatay daw ng isang pulis Maynila dahil lang sa away-trapiko
  • sa Cabanatuan, yung 2 pulis na naka-droga na namaril at pumatay ng 2 katao, na ikinasugat ng 1 pa
  • yung CCTV footage na ibinigay kay Senator Lacson, na nagpapakita kung paanong tinaniman ng mga pulis DAW ng ebidensya ang isang opisina, tapos ay saka ni-raid yung lugar
  • yung na-hulidap na Korean, na nahingan na nga ng ransom yung pamilya, pero pinatay pa rin talaga yung biktima sa loob pa mismo ng kampo ng mga pulis
  • yung mga South Korean na na-hulidap sa Pampanga, na nakunan ng CCTV, na hinuli gamit ang alibi na sangkot sila sa illegal online gambling, na ilang oras ikinulong sa police station at pinakawalan lang matapos magbigay ng pera
  • sa Quezon City, yung 4 na pulis na nahuli dahil sa kaso ng kidnapping at extortion, isang lalaki at yung kasintahan niya ang naging mga biktima
  • yung nangyaring saksakan at patayan ng mga high profile inmates sa loob ng Bilibid kahit na pinataas na DAW yung seguridad doon at mga SAF pa ang nagbabantay
  • yung panibagong kaso DAW ng VIP treatment para sa mga high profile inmates na lumabas sa balita nitong February 2017
  • yung maramihang pagsibak sa mga pulis sa Parañaque dahil DAW sa mga kaso ng pangongotong
  • sa Ilocos Norte, yung 2 pasaway na pulis, na naka-off na daw sa duty, pero nahuli namang nag-iinuman sa kanilang presinto
  • ang patuloy at malaking bilang ng mga pulis na lumalabas na positibo sa paggamit ng ilegal na droga through drug test  (ang isa sa butas ng laban kontra sa ilegal na droga)
  • sa Las Piñas, yung opisyales na pulis na related sa PNP Crime Laboratory na nahuling gumagamit ng ilegal na droga sa isang drug den
  • yung PO1 na sangkot daw sa ilegal na droga at miyembro rin daw ng sindikato
  • yung 3 sundalo DAW na nahulihan ng mga drug paraphernalia sa Cebu City
  • sa Catanduanes, yung nagbitiw na pulis na umamin na totoo DAW ang pagtatanim ng mga ebidensya at extrajudicial killings
  • sa Bacolor, Pampanga, yung government employee na biktima ng tanim-droga ng mga pulis at mga miyembro ng PDEA, yung hindi nagtugma yung written report sa kuha ng CCTV
  • sa Manila, yung 4 na senior citizen na naging biktima rin DAW ng tanim-droga at tanim-bala ng mga pulis, may kuha ng CCTV tungkol sa kuwestiyonableng operasyon nung mga pulis eh, namatay pa yung isang matanda sa loob ng kulungan
  • yung babaeng biktima daw ng tanim-droga teknik ng 11 Pulis Malabon

are naman yung mga hindi pa malinaw kung anong klase nga ng mga tao ang involved o hindi tiyak o nabanggit kung sino ang nakatama:
  • yung honor student na choir member na ginamitan ng karatula
  • yung 5 year old daw na bata na nadamay sa tangkang pagpatay ng mga hindi kilalang tao sa lolo niya
  • yung 5 year old na taga-Pasay na napatay habang natutulog dahil nadamay sa pagpatay sa tatay niya na siya daw target nung hindi nakilalang tao
  • yung pagkamatay ng bagong binyag na bata (na tinamaan ng ligaw na bala) sa Bulacan dahil nadamay sa pagpatay sa kanyang ninong na involved DAW sa droga
  • yung pagkadamay at pagkapatay sa isang manliligaw sa Quezon City dahil involved daw yung nililigawan niyang babae sa ilegal na droga
  • yung kaso sa NCR kung saan nadamay at natamaan ng bala ang isang sibilyan dahil sa paghahabulan ng mga pulis at ng isang suspek
  • yung 2 sibilyan sa Laguna na nagsisimbang-gabi lang sana, na nadamay (napatay yung batang babae) sa pamamaril  ng mga hindi pa nakikilalang mga suspek sa isang barangay tanod na related din daw sa ilegal na droga
  • yung tila 2 grupo ng tao na napatay sa Caloocan City, na either drug related daw yung isang grupo kung kaya't nadamay sa tumbahan yung mga miyembro daw ng frat, o dulot ng frat war na ang nadamay naman eh yung ilang drug related personalities
  • sa Caloocan, yung mag-live in partner na pinatay daw ng mga taong nagpakilala na mga pulis
  • yung 14 y/o na dalagita na nadamay sa pamamaril ng mga taga-tumba sa target nilang drug-related personality daw, sa Caloocan yata yun
  • sa Caloocan, yung 5 y/o na bata na nadaplisan ng bala dahil sa nangyaring tumbahan sa isang hinihinalang drug den, kung saan may mga napatay rin
  • hindi ko nakuha yung lugar, pero yung kaso kung saan may 1 napatay at 6 na nadamay sa pamamaril daw sa isang dating nagbebenta ng shabu
  • sa Tondo, yung 14 y/o na dalagita na natamaan sa mata at napatay ng ligaw na bala mula sa pamamaril ng riding-in-tandem, namaril DAW para takutin yung may pagkakautang sa kanila sa ilegal na droga eh
  • sa Makati, yung mga lalaking naka-uniporme daw ng pang-pulis na nakuhanan ng video habang nananakit DAW ng isang babae, may tutukan pa DAW ng baril na nangyari
  • yung Japanese na negosyante na mukhang planadong itinumba habang nasa bansa

heto naman yung mga may kinalaman sa kahinaan ng kasalukuyang penal system at pagpapatupad ng iba pang mga batas at patakaran sa bansa:
  • sa Pasay, yung target ng buy-bust operation na nakapatay at nakasugat ng mga pulis, grupo sila eh, at yung main target daw ay marami ng record ng krimen pero talagang nakakalaya pa rin
  • sa Siquijor, yung 2 babaeng estudyante na napatay sa pananaksak ng isang lalaki ng naka-droga at lasing din daw noon, according sa istorya ay may iba sana siyang papatayin dahil natakot siya na isuplong siya tungkol sa paggamit niya ng ilegal na droga, kaso ay ibang mga inosenteng tao yung napaglabasan niya ng kanyang kasamaan 
  • regarding sa pag-determine ng edad na pasok sa criminal liability, yung pulis sa Dipolog na ginulpi ng mga kabataan at untik nang mapatay matapos niyang umawat lang sa rambulan ng mga ito
  • sa Tondo, yung nakunan sa CCTV na rambulan ng mga kabataan sa gabi, kung saan makikita na nagpapaputok ng baril yung isa at nanuntok pa yung isa ng umaawat lang daw sa kanila, butas pa rin ito sa sistema ng pag-regulate sa mga baril at sa pag-determine ng edad kung kailan may pananagutan na ang mga mamamayan sa batas
  • regarding sa batas trapiko, yung 2 lola na parehong namatay matapos mabangga ng humaharurot na tricycle habang tumatawid sila sa pedestrian lane
  • dahil pa rin sa kawalan ng kontrol sa mga armas, sa Cavite, yung lalaki na hinuli at dinala sa isang motel at balak i-hulidap ng mga lalaking nagpanggap na miyembro ng PDEA at PNP
  • yung lalaking binaril ng isang motorcycle rider na posibleng dahil lang DAW sa naharangan niya ito sa kalsada
  • ang naging pag-atake sa Resorts World Manila
  • sa Dasmariñas, Cavite, yung ikinulong nang dahil sa sakla, na pinatay ng mga nakasama nitong preso habang nakaposas siya
  • sa Lanao del Norte, yung bilanggo na pinatay sa loob ng kulungan ng mga kakosa niya
  • yung sikretong kulungan na nadiskubre ng CHR sa isang station ng MPD
  • yung kagustuhan ng kasalukuyang DTI na ibigay na sa mga negosyante at/o mga kompanya ang kakayahan na i-regulate ang suggested retail price (SRP) para sa mga produkto nila
  • yung pagkampi ng Supreme Court sa photobomber
  • yung pagkabasura ng Commission on Appointments sa pagtatalaga kay Lopez bilang secretary ng DENR na obvious naman na iginapang
  • yung sapilitang pangunguha ng mga miyembro DAW ng Kadamay ng mga housing projects sa iba't ibang lugar, at ang pagkunsinti sa kanila ng gobyerno
  • ang kakayahan ng mga miyembro ng mga teroristang grupo na mapakawalan o makatakas pa sa kamay ng batas
  • yung naging pagsabog sa Quiapo na nakasugat ng nasa 14 na katao daw, at nangyari yun kung kailan supposedly eh mataas ang seguridad sa bansa lalo na sa NCR
  • yung kuwestiyonableng naging kahinaan ng seguridad sa Marawi sa kabila nang patuloy na pagkilos ng mga terorista sa Mindanao, sa kabila ng patuloy na mga bantaan mula sa magkabilang panig, at sa kabila ng pagkakaroon ng malaking halaga ng intelligence fund

at may kaso na iba-iba ang kategorya:
  • yung pagkamatay ng isang 9 year old na bata, na pinaghihinalaang pinatay ng mga menor de edad; na natagpuan yung bangkay na nakagapos ang mga kamay, na binugbog daw, pinutulan ng mga daliri, at may hiwa pa sa tiyan
  • yung pagsu-suicide daw ng isang Director Villa ng ERC dahil sa katiwalian sa trabaho nila
  • isama na rin yung pagkalat ng mga fake news at paid trolls sa social media
  • yung Oplan Cyber Tokhang
  • yung mga sundalo sa Marawi na napatay sa sarili nilang air strike na laban sana sa mga terorista
---o0o---


May 27, 2017...

yun!
gaganahan na tuloy magtrabaho niyan ang mga sundalo!
baka hindi na sila maging pabaya sa pagbabantay..
baka magamit na nga yung fund para sa intel...

alam nyo na mga panatiko ha..
pabukakain nyo na ang mga kapatid, pinsan, ina, tiya at anak ninyong mga babae sa mga lugar na may Batas-Militar..
isali nyo na rin ang mga sarili ninyo kung babae kayo..
sagot na ng diyos-diyosan ang pagpapagahasa sa inyo..
pwede pa hanggang 3 daw..
siguradong magiging proud rin naman kayo dahil siya ang may sabi nito eh...

halatang-halata tuloy kung ano lang madalas ang laman ng utak..
kakantutin na mga nilalang lang ang turing ng isang 'to sa mga kababaihan in general..
okay lang yan sa mga biktima ng terorismo, matatawa sila diyan..
sobrang kwela eh, di ga..?
sorry ladies, pwede na ang rape jokes sa panahon ngayon...

akala ko pa naman sapat na yung joke tungkol dun sa kawawang namatay na dayuhan na babaeng misyonaryo..
akala ko pa naman tapos na yung mga pamboboso sa Vice President...

isipin muna ulit kung anong mararamdaman nyo kung kayo yung naging laman nung joke, bago kayo dumepensa..
pero sa bagay, wala naman ng utak ang mga zombie eh...

— feeling , putang ina! hindi na ako makahinga sa kakatawa sa joke na 'to...

---o0o---


May 31, 2017...

sus, tama na ang paliwanag!
huli ka na, manyakis..
kaya nga laging lumalabas yung mga kabastusan sa bibig mo eh; Viagra, rape, bosohan..
natagalan ka pa bago mag-isip ng palusot..
kaya ka rin may anak sa ibang babae..
kasi kakantutin lang ang tingin mo sa kanila...

sa lahat naman ng maiisip mong pwedeng ipang-motivate sa mga sundalo mo, talagang yung rape pa, na isang kasalanan...

kapag ba yang si Hello Kitty eh nagahasa at napagpasasaan ng kung sinu-sinong lalaki, sa tingin mo makakatawa kang bugok ka..??
diyan ka magaling, ang gawing katatawanan ang ibang tao...

tang ina ka!
tapos mag-aalok ka ng negosasyon sa mga demonyong ayaw na may nabubuhay na mga Kristiyano sa mundong ginagalawan nila..?
para ano, para makagawa ulit sila ng recruitment at ng mga pag-atake sa hinaharap...?

was feeling , tutut at yabang kasi ang lagi mong inuuna...

---o0o---


June 1, 2017...

kawawa naman si Rosales..
nadale ng fake news...

seriously, sa baba ng level ng utak ng maraming mamamayan..
dapat bitay na kaagad ang katapat ng mga nagpapakalat ng mga pekeng balita..
para rin silang mga terorista eh..
hindi nga siguro namamatay yung mga biktima nila, pero nagdudulot pa rin sila ng pagkakawatak-watak para sa sambayanan...

was feeling , tapos gusto niyo pa ring palawakin ang sakop ng libreng internet...?

>
eh yung babaeng nabiktima ng pekeng abugado..
ang masama pa dun, mukhang tao ng DOJ daw yung nag-refer nung pekeng abugado para dun sa biktima..
at ginamit pang koneksyon nung scammer ang namayapang si Defensor-Santiago...

ano ba yan..?
ang dami na nga ng fake news..
tapos sasamahan pa ng mga fake na tagapagtanggol ng hustisya...??

was feeling , dapat nag-name drop eh...

>
naman!?
nasa 10 sundalo ang napatay sa friendly fire mula sa air strike...??

ang gagaling na nga ng mga snipers ng kalaban..
tapos binomba pa ang mga kasapi...?

yan ba talaga yung pinagmamalaki na paraan..?
yan na ba yung tanging solusyon..?
pasensya na, pero parang kulang talaga sa kahandaan at skills ang gobyerno...

parang biglang nagkaroon tuloy ng sense yung fake news regarding Rosales - particularly pagdating sa kakayahan ng mga sundalo na gumamit ng ganung klase ng opensiba... :(

was feeling , sinong mananagot para sa kanila...?

>
at talagang ie-endorse niyo pa yang bulok na Martial Law ninyo..?
shield pa talaga..?
mga ulol!
sayang ang ipinapasuweldo sa inyo ng taong-bayan..
at huwag ninyong sasabihin na binayaran niyo ang pesteng gumawa ng ads na yun, mga demonyo kayo sa loob ng gobyerno...?

dahil kung talagang reliable ang mga taong gobyerno, dapat hinigpitan na nila ang depensa ng mga siyudad bago pa man nangyari yung pananakop..
hindi naman kailangan ng Martial Law para lang umigting ang security..
matagal na nilang alam na may mga terorista..
pero hindi na nga gumana yung intelligence fund kuno, tapos eh nagyabang pa nang nagyabang yung isa na kesyo papatayin silang lahat...

tapos ngayon nga eh ito na ang kinalabasan ng digmaan..
sila-sila na ang nagkapatayan (baka naman miyembro ng terorista yung piloto o bomber..?)..
at hindi rin nila mapatay ang mga dapat patayin dahil daw sa mga hostage...

was feeling , tang ina! imbestigahan dapat kung may nagastos sa kalokohan na yun...

---o0o---


June 2, 2017...

nabasag na naman ang depensa sa NCR... :(

Resorts World naman ang inatake..
pero kahit papaano eh masuwerte naman yung mga nakasaksi sa pangyayari dahil hindi naman sila pinagbabaril nung suspek..
kaya mukhang hindi talaga religious terrorist yung taong yun..
malas lang dahil namatay yung suspek, kaya hindi na 100% na malilinaw ang pangyayari na 'to...

pero ang masama sa insidente na 'to..?
  • yung kahinaan ng security doon sa lugar, babae daw yung inabutan nung suspek eh (kailangan na nilang magpalit ng security agency in that case)
  • yung claim na walang kuha ng CCTV considering na high-end casino-hotel yung lugar
  • yung mga official statements ng mga pulis na kesyo clear na daw yung lugar, tapos eh bigla namang may lumalabas pa na mga lumilikas mula doon sa gusali (pausap na ha, huwag nyo na 'tong tawagin na bias sa panig ng media, dahil sa bibig talaga ng mga awtoridad nanggagaling yung statements eh, kung hindi sila sigurado sa intel, dapat manahimik na lang muna sila)
  • yung claim ng ibang mga saksi na mahigit sa isa yung mga nakamaskarang suspek
  • at saka saan na naman nakakuha ng baril dito sa bansa yung taong yun (kung foreigner nga siya) at bakit nakakagala siya na dala yun

paano niyan makakasigurado si Grande na magiging secure nga ang concert niya kung saka-sakali...?

walandyo..
hindi pa naka-killer-mode yung isang yun..
pero andami pa rin ng namatay dahil sa naging kaguluhan at sunog..
eh paano pa kaya kung totoong terorista yung gumawa nun..?
tapos sasabihin ng gobyerno na huwag mag-alala dahil hindi naman yun konektado sa terorismo..?
eh kailan ulit mag-aalala, kapag may nasakop na ulit na lungsod...?

was feeling , hindi maganda 'to, dahil nakikita ng international community, lalo na ng mga kalaban, na marami ngang butas ang seguridad dito sa bansa...


Ang Alamat ng Most Undesirable Guy on Earth - Last Days of May 2017 (Pursuing the Career)

May 27, 2017...

hala!
mas hirap pa ako sa ginagawa ko ngayon kesa noong mga nakaraang araw ah...

terms and conditions pa lang eh nagno-nosebleed na ako...

nakapag-submit na ako ng sample sa 2 websites..
inaayos na yung doon sa isa, sumang-ayon na rin ako sa agreement..
samantalang busy yata yung taga-kabilang website...

karibok naman ako sa PayPal..
hindi ko pa malaman kung anong bangko ang pwede kong i-link..
kaya pati paggawa ng bank account eh hindi ko pa maasikaso..
and dami ring error sa sistema ng PayPal ngayon, e-mail verification pa lang eh palpak na...

andami kong kahati sa kita kapag nagkataon..
malaking komisyon ng tindahan..
bayad sa pag-receive ng pera sa PayPal..
bayad sa conversion ng currency..
bayad sa withdrawal papunta sa bank account..
tapos may bayad rin yata ang aktwal na withdrawal...

was feeling , we'll see...

---o0o---


May 28, 2017...

approved na ako para doon sa isang website..
babasahin ko na lang yung guidelines nila bilang vendor..
yung isa namang website eh kanina lang nakasagot sa e-mail ko...

yung PayPal ay sira pa rin yung sistema ng pag-confirm sa e-mail..
at mali-mali ang sagot sa akin nung nasa customer support nila... :(

was feeling , tiyagain na...

---o0o---


May 29, 2017...

teka..
wait lang muna ulit yung bangko...

medyo okupado ulit yung oras ko..
kinailangan kong palitan yung format nung material ko..
at tsaka kailangan ko rin ng mga promotional images para doon sa website o online store...

salamat sa WinRar, nasalo niya yung isa kong problema..
tapos Photoshop naman ang bahala doon sa mga natitira...

as for PayPal..
may gusot pa rin yung account ko...

was feeling , kaya ko 'to.. kailangan kong kayanin 'to.. para sa pambayad utang...

>
tapos ayun..
kinabahan ako kahapon...

dinala kasi nung magaling na bata yung project niya dito sa bahay..
eh ayun, natakot ako noong hapon dahil paltok nang paltok yung UPS ko..
halos every second, bale continuous talaga kaya abnormal..
ibig sabihin eh nagpa-fluctuate yung kuryente sa bahay at pilit niyang inire-regulate...

kundangan naman kasi..
yun ngang mga substandard na mga mobile phone at electrical appliances eh nakakapagdulot ng disgrasya sa electrical supply..
yun pa kayang gawa-gawa lang na mga device...?

pero ayun..
ang sabi naman nung pamilya nung bata eh hayaan na at tatapusin lang yung mga projects..
wow!
at talagang sa panahon pa kung kailan nagsa-submit na ako ng mga projects ko online..?
talagang saka niyo pa dudurugin ang mga device ko...?

was feeling , bakit pa binayaran yung bahay kung hindi naman gagamitin.. ano yun, nagtapon lang ng pera...?

>
[Strange Dreams]

hindi ko na maalala kung paano nagsimula yung panaginip ko eh...

basta i was with a friend, famiglia..
i believe kasama rin niya yung girlfriend niya noon, at papasakay na sila ng motor niya..
may sariling lakad siguro sila...

ako naman eh papalayo na sa kanila..
mag-isa lang na naglalakad..
pero biglang may sumabay sa paglalakad ko..
siyempre nagulat ako kung saan siya galing at bakit bigla siyang sumulpot..
hindi ko naman kasi madalas makasama yung taong yun..
babae siya, and i assume na single pa rin siya hanggang ngayon..
isang espesyal na kaibigan...

ayun nga..
sinabayan niya ako..
kaya noong nakita siya nung kabarkada ko eh nabigyan na naman tuloy yun ng malisya at pasimple akong biniro, kaya napangiti na lang kami sa isa't isa nung kaibigan kong babae..
basta nagtataka lang ako kung bakit andun siya..
tapos bigla na lang niyang sinabi sa akin na "andito lang ako parati para sa'yo" habang nakatingin siya sa akin..
ewan..
sobrang biglaan nun..
at parang walang pinaghugutan..
pero pinagaan niya yung loob ko in a way..
tapos for some reason eh inabot at hinawakan ko yung kamay niya..
nasa left ako, at nasa right side ko naman siya..
at yun, naglakad nga kami nang magkahawak-kamay..
doon na yata natapos yung panaginip ko...

ewan..
parang ganun rin kasi yung nangyari noong minsan na nag-inuman kami ng famiglia ko eh..
kumbaga parang binigyan nila ng malisya yung pagiging sort of malapit ko doon sa babae...

was feeling , hala! nakakahiya naman sa taong yun...

>
nakapag-submit na ng official copy ng project ko doon sa unang website..
subject for approval muna ulit...

tapos ayun..
kung BDO ang pipiliin ko..
dadaan pa ako sa NSO at barangay..
tapos dadaan sa PHLPost for a few weeks, para sa 2nd ID..
tapos balik sa BDO, kailangan ko pang patunayan ang source of income ko...

sa BPI naman..
walang nasagot dun sa number kung saan pwedeng mag-inquire tungkol sa pagbubukas ng account...

kaso brownout pa bukas... :(

was feeling , ang dami kong dadaanan ah...

---o0o---


May 30, 2017...

yes!
approved na yung product ko for sale..
naka-release na sa store simula kagabi...

was feeling , goodluck!

>
hindi masyadong progresibong araw..
nadale kasi ng brownout eh...

hindi talaga matawagan ang BPI..
buti na lang at nakakausap naman sila sa e-mail..
ang requirements para sa kanila ay valid ID, 1x1 ID picture, utility bill, at yung initial deposit..
almost any type ng savings account nila eh pwede ring paglipatan ng pera mula sa PayPal..
kaso ATM yung sina-suggest nila, eh takot ako dun dahil sobrang dami na ng nanakawan sa BPI sa ganung paraan...

so baka subukan ko muna nga yung tsansa ko sa BDO..
kaya naman kailangan ko munang dumaan sa PHLPost...

nakakuha na ako ng Barangay Certificate of Residency for Php 30.00, mabilis lang naman pala..
tapos may blue version naman ako ng NSO Birth Certificate..
subukan lang nila akong hanapan nung yellow, eh wala namang expiration ang mga birth certificate by default at according na rin sa nilinaw ng PSA last year..
subukan niyo lang, at isusumbong ko kayo sa 8888 dahil sa kakurakutan ninyo..
20 working days ang palugit ng PHLPost bago ma-release yung ID...

at lastly, yung PayPal ulit..
ayun, wala talaga, hindi gumagana yung verification system nila..
kaya ako pa ngayon ang kailangang tumawag sa international hotline nila para mano-manong i-confirm yung data ko...

was feeling , may benta na ako...

---o0o---


May 31, 2017...

done!
okay na ako sa application for Postal ID..
hindi naman inabot ng 1 oras yung proseso..
tapat rin naman sila sa presyuhan, nagbayad na naman ako ng VAT para sa gobyerno..
maganda rin yung sistema nila, meron kaagad preview nung magiging ID, hindi katulad nung sa Voter's ID na mahina ang sistema...

kailangan ko ngayong maghintay ng 1 buwan o baka daw mahigit hanggang sa ma-deliver sa akin yung ID...

after that, dumaan at nag-inquire dun sa magmamami na nabili ng mga gamit na ink cartridges..
Php 20 daw para sa HP 680..
nag-reload sa GCash..
tapos namili ng mga pangbenta..
yun nga lang, hindi na naman si Emoji-Girl yung supervisor for today... :(

may isang buwan ako para ayusin na muna yung next chapter ko..
pero kailangan ko na ring ihanda yung PayPal ko para mapasukan naman ng pera..
1-402-935-2080..?
hala! magkano kaya ang tawag sa number na 'to...?

was feeling , may bago na naman akong buyers for today...

>
[V-League]

PVL - Creamline versus Pocari

nasayang yung ipinanalo ni #8 Galanza na 4th Set..
pero mabuti naman at nakikita na ng coaching staff nila yung worth niya..
defensive player siya at attacker rin..
dahil nagkasama sila ni Baldo at nung Thai import nila, kapansin-pansin nga na hindi pa ka-level ni Galanza yung mga palo nung 2..
pero siguro dahil rin yun sa koneksyon ng setter sa spiker, kaya hindi laging power-type yung napapakawalan ng prettiest player sa PVL...

bale kung isang round-robin nga lang ang Quarter-Finals..
ang pag-asa ng Creamline para makapasok sa 4th seed ay kung matatalo nila ang Air Force..
tapos kailangan rin ng Pocari na talunin ang Perlas..
sa ganung paraan makaka-3-0 ang Pocari at 2-1 naman ang Creamline...

was feeling , basta bigyan niyo lang nang mas matagal na exposure si Galanza, okay na yun...

>
hala!
bigla tuloy akong natakot sa PayPal...

according kasi sa reviews ng iba at maraming mga tao, eh hindi ganung ka-reliable ang call center ng PayPal..
kaya nagdalawang isip akong tumawag, kasi hindi naman yun TOLL FREE tapos nasa West pa...

aside from that..
hindi na pala bago yung problema ng sistema nila sa e-mail address confirmation..
may nakita akong mga ganung reklamo from 2012 at 2013..
ibig sabihin, hanggang ngayon eh hindi pa nila nasosolusyunan o sinosolusyunan yung error na yun sa sistema nila..
at nakakapagduda yun considering na malaking kompanya na sila...

bukod pa yung mga gusot nila sa withdrawals...

was feeling , lagot! that's my only option...

---o0o---


June 1, 2017...

sa wakas!
una, i was advised to close my PayPal account, and then try to register it again..
kaso same problem talaga, ayaw gumana nang tama nung confirmation process...

nagkaproblema din ako sa phone call..
kasi for some reason, ayaw payagan ng telepono namin yung mga outgoing calls to 1-402- o 1-888-..
yun ay kahit i-unlock ko na yung mga long distance call..
kaya inakala ko na checkmate na ako...

but then naalala ko naman yung tungkol sa Skype..
so nag-research ako sa Google..
at meron ngang mga TOLL FREE hotline ang PayPal na pwede kong tawagan...

ayaw gumana nung default Skype application sa computer ko..
pero mabuti na lang at gumagana naman yung sa browser mode...

pero bago yun eh napasabak rin ako sa pagse-setup ng luma kong headset..
una, sa audio..
sunod, sa mic naman..
at noong nakakarinig at naririnig na ako sa mic, eh tumawag na nga ako sa PayPal...

at totoo nga..
libre yung tawag sa number na yun via Skype..
machine operator yung una kong nakausap..
tapos customer support mula siguro sa main..
nagkamali pa siya ng transfer sa akin, at nakakausap pa ako ng babaeng Spanish, pero mabuti na lang at marunong rin siyang mag-English kaya na-transfer niya ako sa tamang local support team...

at yun nga, nakausap ko yung foreigner na customer support personnel na tumulong sa akin, babae ulit..
mabilis lang yung naging verification process eh..
at totoo nga na kaya nilang mano-mano na i-confirm yung PayPal account through phone call...

at dahil dun, pwede na akong tumanggap ng at most $10,000 para sa single transaction... ^_^

was feeling , thank you Skype at PayPal (for now), -1 +1 kasi sa akin ang PayPal...

---o0o---


June 2, 2017...

kanina ko lang napansin..
nasa listahan na pala ng Popular Items yung project ko..
haha!
masyado pang maaga para mag-celebrate..
pero nakakatuwa naman yun... ^_^

was feeling , nag-blush ako ih...