Saturday, February 7, 2026

The Chenators

NOTE: this is not news..
i am not a reporter/journalist nor an influential person..
also, i'm not related to the government in any way..
but there are summary of news featured in this post..
it will require research in order to get the whole story regarding each particular news that is featured in here...

simple lang yan..
kapag nagpaapekto at nag-react ka sa opinyon ng ibang tao - eh BAKA nga may totoo sa mga sinasabi nila...



record ng ekonomiya..
record ng palitan ng piso sa dolyar..
record ng mga inutang..
record ng mga kinamkam at pinagnakawan..
record ng mga inabuso..
record ng mga itinumba..
record ng mga nawawala..
record ng mga kaso...

mga wala kayong utak..
at lahat kayo ay masasama...

is 💀 feeling , from Php 3.91 to Php 20.46 na exchange rate.. from USD 599 Million to USD 26.7 Billion na utang.. sa kanila nagsimula ang pagkawasak...

---o0o---


daily prayer...

sa kung sino man ang nakikinig sa kawalan..
sana mai-serve na kaagad ang totoo at ganap na hustisya laban sa lahat ng miyembro ng alyansa para matigil na ang kasamaan nila...

at sana maging maayos na ulit ang mundo...

is 💀 feeling , day 2037...

-----o0o-----


bagong impiyerno, bagong listahan..
lumampas na naman sa 500 ang bilang, kaya mag-i-start na ulit ako ng panibagong listahan ng mga kalokohan..

update (512 + 501 + 205 + 208 + 119 na)..
medyo in-organize ko rin yung mga kaso..
pero paki-note na hindi na ganung ka-accurate yung bilang, at posibleng may redundancy na rin dahil sa sobrang dami ng mga nakalista...

una, ang pagtataksil sa interes ng bansa at ng mga (ibang) mamamayan (lalo na yung mga naging biktima), at pagbalewala sa kasaysayan at dangal ng bansa:
  • yung pumalo na pala kaagad sa nasa Php 17.65 Trillion ang utang ng bayan base sa record noong November 2025
  • yung ibinida ang bayan sa APEC para daw sa mga dayuhang investor, sa kabila ng mga nabubuking na katiwalian sa pamunuan
  • yung nag-resign na Executive Secretary at Budget Secretary matapos na madawit ang mga kagawaran nila sa isyu sa flood control projects
  • yung claim ng Malacañang na kusa DAW na nag-resign yung Executive Secretary dahil sa delikadesa, bagay na itinatanggi ngayon nung tao, dahil sinabihan daw siya na kailangan na niyang umalis
  • yung nasaktan na naman ang mga government teachers at nurses, dahil mas nauna na naman kesa sa kanila ang umento sa sahod ng mga armadong empleyado ng gobyerno, na malamang ay dahil sa mga banta ng destabilization

are yung ang involved o semi-involved eh mga identified talaga bilang awtoridad o tauhan ng pamunuan, mga dati nang naging bahagi ng pamunuan, o kahit mga nagsasanay pa lang upang makakuha ng awtoridad:
  • sa SEA Games sa Thailand, yung artista, na atleta, na Representative sa Leyte, na nakunan ng CCTV na nanakit ng opisyales ng Philippine Fencing Association sa pamamagitan ng pambabatok
  • sa Bureau of Immigration, yung mga gadget, pera, at iba pang kontrabando na nasabat sa raid nila sa sarili nilang mga detention facility
  • sa Northern Police District, yung sinibak na opisyales matapos daw na magpalabas ng isang detainee 
  • yung Traffic Enforcer ng Manila Traffic and Parking Bureau na bistado sa video dahil sa pangongotong laban sa driver na kanyang sinita
  • yung 3 opisyal ng DPWH-Pampanga na sinibak sa katungkulan dahil daw sa pangingikil ng 8% sa mga kontrata
  • yung nahuli ng NBI na administrative officer daw sa DOJ, na nabisto na nag-divert ng nasa Php 12 Million na halaga ng public funds sa mga mule account
  • kaugnay sa nangyaring raid noong 2024 sa Bataan laban sa isang suspected na scam hub, yung nasa Php 13 Million daw na halaga ng ipinababalik na nakumpiska na pera noon, na lumalabas na pinaghati-hatian daw ng 6 na pulis at pinalitan na lang ng budol money
  • sa Davao City, yung 3 nahuli dahil sa ilegal na pagbebenta ng mga baril, kung saan kabilang ang 1 pulis
  • yung pulis at 7 iba pa na sangkot sa pagtangay sa isang delivery van, ginamit daw sa pagbiyahe ng mga nakaw na tanso
  • sa Quezon City, yung 3 pulis na nanggulo sa isang KTV bar, nagkasa daw ng baril yung iba at nagbasag din ng mga bote
  • sa Bulacan, yung pulis na napatay sa engkuwentro matapos daw na mang-holdap ng isang convenience store
  • sa Porac, Pampanga, yung 5 pulis na nagnakaw daw ng nasa Php 14 Million laban sa isang private contractor
  • sa Pasig City, yung 8 pulis na miyembro daw drug enforcement unit at ang kanilang civilian asset, na inireklamo dahil sa pagnanakaw ng mga alahas at susi ng mga motor mula sa isang bahay
  • yung 6 na pulis daw ng Malate, Maynila, na arestado dahil sa pagkakasangkot sa sunud-sunod na mga holdapan sa Makati City
  • sa may Zamboanga, yung miyembro ng Marines, na nang-hostage daw ng sarili niyang girlfriend dahil sa selos sa kakagamit nung babae ng Tiktok
  • sa Cabanatuan City, yung 1 negosyante na dinukot ng 3 lalaki, kung saan ang mastermind daw ay isang naka-AWOL na pulis
  • sa San Pascual, Batangas yata iyon, yung matanda na dati daw Barangay Tanod, na nakunan ng video ng concerned citizen na nanggagahasa ng isang bata
  • yung nakunan ng mga CCTV camera sa isang motel sa may Sampaloc, Manila, yung pulis na inakusahan ng isang babae ng panghahalay matapos siyang mawalan daw ng malay mula sa isang bar at bitbitin patungo dun sa motel
  • sa Cavite, yung buy-bust operation daw ng nasa 14 na pulis, na nauwi daw sa panghahalay ng team leader nila sa 18 y/o na babae, bukod pa sa may kinuha daw sa kanila na mga gamit
  • yung Police Colonel daw ng HPG, na nanggulpi at nanutok ng baril laban sa isang Patrolman, matapos daw na makainom sa kanilang party
  • yung pulis na nasa restrictive custody dahil sa kaso nila ng pagnanakaw sa POGO hub na ni-raid nila sa Bataan, na sinaksak ang kapwa niya pulis na kasama niya sa restrictive custody
  • sa Dasmariñas, Cavite, yung Barangay Captain na namaril at nakapatay ng kanyang kapitbahay matapos daw siyang sitahin ng biktima nang dahil sa videoke at inuman
  • yung dismissed na pulis na sangkot daw sa double murder case laban sa isang babaeng pulis at sa anak nito na 8 y/o
  • sa Negros Occidental, yung pulis na nakabaril at nakapatay sa kanyang nobya
  • sa Sibulan, Negros Oriental, yung 4 na katao na napatay sa pamamaril ng 1 pulis, kung saan kabilang ang 3 kabaro nung suspek na kasama niya doon sa bar
  • sa Bangued, Abra, yung 2 pulis na namatay sa barilan ng magkakabaro sa loob ng mismong istasyon nila
  • sa Malolos, Bulacan, yung pulis na kabilang daw sa 11 suspek na sangkot sa pagpatay dun sa pulis na inilagay ang bangkay sa septic tank

are naman yung mga hindi pa malinaw kung anong klase nga ng mga tao ang involved o hindi tiyak o nabanggit kung sino ang nakatama o hindi masabi kung ano nga ang totoong nangyari:
  • sa Tuba, Benguet, yung dating Undersecretary ng DPWH na namatay sa bangin
  • yung umamin na yung nagbitiw na Party-list Representative, at idinamay na niya sa iskandalo ng budget insertion ang mismong Pangulo, nasa Php 100 Billion daw na halaga ng insertion ang iniutos
  • yung ayon sa isang Senadora ay may mga testigo daw sa flood control scandal ang babaliktad
  • sa rally ng isang religious group, yung claim ng isang Senadora na kesyo mga durugista daw ang kanyang kapatid na Pangulo, ang First Lady, at maging ang mga anak nila
  • kung totoo ang mga claim nung Senadora, eh lumalabas na nag-endorse ang partido nila dati at yung religious group ng durugista noong nakaraang Presidential Election 2022, na batid niya iyon pero inilihim niya kapalit ng pagkamal nila ng mga kapangyarihan sa pamahalaan
  • yung sunog sa Senate building
  • yung naging sunog daw sa bahagi ng DPWH-CAR office

heto naman yung mga may kinalaman sa kahinaan ng kasalukuyang penal system at pagpapatupad ng iba pang mga batas, patakaran, at sistema sa bansa:
  • yung mga ghost na super health center ng DOH na nagsimula pa sa nakaraang administrasyon
  • sa DPWH, yung sa halip pala na mapamura nila ang presyo ng mga binibili nilang materyales, eh overpriced pa pala ang nangyayari
  • sa Arayat, Pampanga, yung nasa 20 bahay na nasira matapos na bumigay ang flood control project sa area nila na nagkakahalaga ng nasa Php 100 Million, iyon ay sa kabila nang kawalan ng sama ng panahon sa kanilang lugar
  • yung 3 gusali daw ng LTO na ginawa ng contractor na related sa nag-resign na Party-list Representative, na overpriced na nga pero underutilized naman
  • yung tax evasion case laban sa mga DPWH engineers na dawit sa mga katiwalian sa flood control projects
  • yung may nagbitaw na nga kaagad na opisyal mula sa ICI, kahit na hindi pa nga nila nagagampanan nang husto ang kanilang purpose
  • yung 3 opisyales na kaagad ng ICI ang nag-resign
  • sa ICI, yung abunado na daw para sa operasyon nila yung iba nilang mga tauhan
  • yung kaduda-duda nang nagkakasakit yung mga taong kailangang kausapin ng ICI
  • sa Quezon City, yung nasunog na opisina ng DPWH
  • yung Representative sa Batangas, na na-tamper ng grupo ang imbestigasyon laban sa DPWH, dahil inilagay nila ang batas sa sarili nilang mga kamay para manguha ng mga record
  • yung may mga mambabatas DAW na nakitaan ng bank account na may bank transfer mula sa mga contractor
  • yung mga contractor na demanding para maging state witness sila, samantalang kasabwat sila sa katiwalian at napatunayan nang may mga ghost project
  • yung isa sa mga contractor na nagsabi na modern day daw na pagnanakaw ang pagpapasauli sa kanila ng mga yaman na ninakaw nila sa pondo ng bayan habang kasabwat ang ibang nasa gobyerno
  • yung kaugnayan daw ng construction firm ng tatay ng isang Senador sa kompanya ng mga Discaya upang makakuha sila ng mga proyekto ng gobyerno sa Davao Region
  • yung pinuno sa PAGCOR, na may dating kaugnayan sa kompanya ng contractor, kung saan bahagi pa rin ang kanyang mga kamag-anak, na ang dami ng nakukuhang government infrastructure projects
  • yung Representative mula sa Surigao del Sur, na sinampahan ng kasong graft at plunder, dahil daw sa dating kaugnayan niya at sa kasalukuyan naman ay ng kanyang mga kamag-anak sa kompanya ng contractor na nakakakuha ng mga government infrastructure project
  • yung mga kompanya ng contractor na una nang na-claim ng mga Discaya na sa kanila daw, pero lumalabas ngayon sa record sa SEC na hindi naman pala sa kanila nakapangalan ang mga iyon
  • yung mga opisyales sa LGU na nagpuntahan sa iba't ibang bansa kahit pa may balita na tungkol sa mga paparating na bagyo
  • sa La Loma, Quezon City, yung napeste ng African Swine Fever yung mga litsunan doon
  • yung mga local water district na gusto nang kumalas sa deal nila sa PrimeWater, kasi nga daw ay palpak naman ang serbisyo
  • yung driver ng isang Undersecretary ng DOTr na napaaway sa isang multicab driver, kung saan gumamit sila ng sasakyan na may Protocol Plate Number 10
  • sa BIR, yung money-making scheme daw gamit yung LOA, kung saan nasa 70% daw ng nakokolekta ay hindi naman napupunta sa gobyerno
  • yung umaabot na daw ngayon sa Php 8.8 Billion ang lugi ng kasalukuyang pamunuan ng GSIS
  • yung nasilip ng COA sa SSS, yung binili daw ng mga ito na nasa Php 13 Million na halaga ng nasa lagpas 143,000 na tissue paper
  • yung nasilip din ng COA sa SSS, yung gumastos sila ng nasa Php 333 Million sa prestige awards para sa cash incentives ng nasa 6,000 mahigit na tauhan ng SSS
  • yung nasilip ng COA sa AKAP ng DSWD, yung nasa Php 926 Million daw na ayuda na napunta sa mga kuwestiyonableng benepisyaryo
  • yung magtataas na ang taya sa lotto games ng PCSO sa Php 25 daw, pero tataas din daw naman yung mga jackpot prize
  • ngayong kababagong taon lang, yung 4 na jackpot na kaagad sa lotto ang sunud-sunod na kataka-takang napapanalunan
  • bago mag-Bagong Taon hanggang sa kalagitnaan nitong January 2026, yung nasa 10 na kaagad na jackpot sa mga main game ng PCSO ang napapanalunan
  • yung wala pang 1 buwan ang nakalilipas, pero napanalunan na lahat ng 5 major games ng PCSO, 12 beses nang nakuha ang mga jackpot sa iba't ibang lotto nila
  • mula around New Year time hanggang sa pagtatapos ng January 2026, yung 15 beses na kaagad ma napanalunan lahat ng magkakaibang major lotto games ng PCSO
  • yung pagbisto ng Secretary ng DILG sa mga katiwalian sa operasyon ng BFP
  • sa Marikina City, yung truck ng fire volunteer na hinarang ng isang pulis at sinigawan pa niya, kahit na reresponde sana sila sa isa pang insidente
  • sa Eastern Samar, yung 16 na pulis, kabilang ang kanilang hepe, na nag-inuman sa mismong police station para sa kanilang party habang naka-duty sila
  • yung pinapadalhan na ng mga subpoena ang mga student leaders na nag-o-organize ng mga protesta laban sa katiwalian, sa halip na imbestigahan yung mga marahas na pekeng protesta ng mga kriminal na h-in-ire ng ibang kampo
  • yung isa pang Russian vlogger na nang-harass ng mga lokal na mamamayan noon para sa kanyang content, na nagawang makapag-video habang nasa kulungan na siya
  • sa Marikina City, yung lalaki na nakulong na daw ng 15 taon, pero naging magnanakaw naman ng cellphone matapos na makalaya nitong April 2025
  • yung pagpapalaya sa babaeng kinatawan ng POGO firm na Lucky South 99 mula sa Correctional Institution for Women, na Congress daw ang may kagagawan
  • yung nakalabas na daw ng bansa yung babaeng bahagi ng Lucky South 99 at hindi na siya ma-trace ngayon ng gobyerno
  • yung Senador na hindi na daw nakikita sa Senado simula noong lumabas yung balita na may arrest warrant na ang ICC laban sa kanya
  • sa COMELEC, yung wala daw problema ang pagtanggap ng isang Senador ng milyung-milyong donasyon mula sa government contractor noong 2022 election
  • yung nanalong Senador na hindi nagdeklara nang tama sa kanyang SOCE, matapos na mabuking na hindi tugma ang kanyang SALN at nakaraang SOCE
  • yung Senador na dismissed na pala dapat noong 2016, pero binaliktad daw nung nakaraang Ombudsman yung desisyon
  • yung ikalawang impeachment complaint sana laban sa Presidente, na tinanggihan namang tanggapin ng Office of the House Secretary General dahil kesyo wala daw yung mismong Secretary General
  • yung madali lang na naibasura ang mga impeachment complaint laban sa Pangulo, dahil daw insufficient in substance
  • yung kahit may nawalang pondo ng bayan, kahit wala namang output, eh gusto pa rin ng mga korte na may concrete na ebidensya na dumaan nga sa mga kamay ng mga suspek yung nawalang pera
  • yung ngayon lang pinanindigan ng Supreme Court na tama yung desisyon nila noon na unconstitutional daw yung impeachment last year laban sa Vice President
  • yung ang dami na ngang nawala sa school calendar dahil sa mga sakuna, tapos nakikain pa ng weekdays ang ilang araw na rally ng isang sekta na nag-e-endorse din naman sa mga kriminal
  • noong nabuking ang Vice President nila, eh todo protekta sila at tutol sa impeachment, tapos ngayon eh nagkukunwari na naghahangad ng transparency
  • yung Senadora na todo protekta na kaagad sa Vice President dahil sa posibilidad ng renewal ng impeachment, todo sabotahe sa national budget kahit wala naman siyang inilalatag na mga ebidensya
  • yung pag-a-award ng chapter ng IBP sa Davao City sa maling tao na madaming ginawang kuwestiyonable laban sa bayan
  • yung paratang ng Vice President na biased political court daw ang ICC, puwerket hindi masunod ang kagustuhan nila na paikutin yung korte
  • sa OVP, yung nasa Php 3.9 Million daw na halaga ng mga laptop, tapos ang paliwanag lang ay clerical error daw iyon
  • yung Congressman mula sa Davao City na ayaw magpaimbestiga sa ICI
  • yung Representative sa Davao City na ayaw na ayaw na nalalaman ng minamahal nilang Imperyo na may weapon system na kayang magdepensa sa bayan kahit na papaano
  • yung mga traydor na Chenador ng bayan, na palaging mas inuuna ang kapakanan ng pananakop ng Eastern Empire

at may kaso na iba-iba ang kategorya:
  • yung mga grupo na nagpapakalat ng kung anu-anong FAKE news patungkol sa lagay ng kalusugan ng Pangulo
  • yung pagbaba daw ng proficiency level o antas ng pagkatuto ng mga lokal na estudyante habang umaangat ang kanilang grade level, na malamang ay dahil sa mga gadget at sa social media na puros bad influence
  • sa Lipa City, Batangas, yung mga siraulong estudyante na nagsagawa ng doorbell prank sa madaling araw daw, dahilan para pagbabarilin sila ng may-ari nung bahay nang muli silang makita
  • sa Quezon City, yung 13 y/o na estudyante na kinuyog matapos na mapagkamalan na kaaway ng mga suspek
  • sa Sampaloc, Manila, yung riot ng mga kabataan na nag-ugat lang sa masamang tinginan
  • sa isang prusisyon sa Bulacan, yung rambulan na nag-ugat lamang sa pasiklaban ng mga drum beater
  • sa Sampaloc, Manila, yung rambulan at batuhan ng mga kabataan na nag-ugat lang daw sa yabangan
  • sa Taguig City, yung riot ng mga basurang kabataan kung saan may mga naghagis pa ng Molotov
  • sa General Trias, Cavite, yung 16 y/o na estudyante na napatay sa pananaksak ng kapwa nila menor de edad daw na estudyante na sinalag daw yung saksak para sa kanyang kasamahan
  • sa Tondo, Manila, yung 18 y/o na lalaki na umaawat lang daw sa rambulan ng mga basurang kabataan, na kritikal ngayon matapos na pagsasaksakin
  • sa Quezon City, yung binatilyo na pinagsasaksak sa gitna ng riot ng nasa 67 na kabataan
  • sa Parañaque City, yung kaawa-awang Japanese national na biktima ng holdaper, na pinagpapalo nang husto nung kriminal sa ulo matapos na manlaban
  • yung Russian vlogger na nagbanta na magpapakalat daw ng HIV dito sa loob ng bayan
  • yung naging Imperyalista na rin ang USA dahil sa interes nila sa supply ng petrolyo
  • yung nakakatakot na kagustuhan ng USA President na makuha na rin ang Greenland, na autonomous territory ng Denmark
  • sa Maynila, yung mga nasabat na smuggled na carrots mula sa Imperyo
  • sa Pasay City, yung Imperial citizen na dinukot ng mga kapwa niya Imperial citizen, tinakot daw na ibebenta ang kanyang mga lamang loob kung hindi siya magbibigay ng pera sa kanila
  • yung kalokohang diplomatic protest ng Imperial embassy dito sa bayan, samantalang sila nga itong nambabangga, nangwa-water cannon, at kung anu-ano pang pang-aabuso
  • yung bangka ng mga Imperyalista na pumasok sa may malapit sa area ng BRP Sierra Madre, na itinaboy ng mga lokal na sundalo, at nadiskubre na gumagamit ng cyanide sa pangingisda
  • sa may Bajo de Masinloc, yung mga bangka ng mangingisda na halos banggain na ng mga barko ng Imperyo, at tinapatan din daw sila ng LASER
  • sa Escoda Shoal, yung mga mangingisda ng bayan na tinira ng water cannon ng mga demonyong coast guard ng Imperyo, kung saan may mga nasugatan na mga mangingisda at mga nasirang bangka
  • sa may Bajo de Masinloc, yung bangka ng mga lokal na mangingisda na ginamitan ng sirena at itinaboy ng barko ng mga Imperyalista
  • malapit sa may Pag-asa Island, yung 3 barko ng BFAR na nakaangkla lang na nilapitan ng mga barko ng Imperyo, tinira ng water cannon, at binangga din
-----o0o-----


February 1, 2026...

[Lottery]

mula around New Year time hanggang sa pagtatapos ng January 2026..
yung 15 beses na kaagad ma napanalunan lahat ng magkakaibang major lotto games ng PCSO...

is feeling , mukhang ito mismo yung sistema na pinaghahandaan nila.. pinalaki nila yung taya, pero sila din nang sila ang kukubra nung mga jackpot..?? kapalit ng mga nawala nilang kita mula sa DPWH...

---o0o---


February 2, 2026...

yung pulis at 7 iba pa na sangkot sa pagtangay sa isang delivery van..
ginamit daw sa pagbiyahe ng mga nakaw na tanso...

is feeling , mga demonyo talaga...


>
yung mga traydor na Chenador ng bayan..
na palaging mas inuuna ang kapakanan ng pananakop ng Eastern Empire...

puwerket hindi sila apektado ng mga pananakit at pantataboy..
at puwerket may pera sila na pambili ng mga marine product na ginagawang mahal dahil sa pangangamkam ng Imperyo...

is feeling , ubusin ang mga traydor...

---o0o---


February 3, 2026...

yung dismissed na pulis na sangkot daw sa double murder case laban sa isang babaeng pulis at sa anak nito na 8 y/o..
parehas na rin palang may mga kaso yung mag-asawa dati...

is feeling , kasama pa daw ang mga anak nila sa biyahe para idispatsa yung mga bangkay...

---o0o---


February 4, 2026...

sa Sampaloc, Manila..
yung rambulan at batuhan ng mga kabataan na nag-ugat lang daw sa yabangan...

is feeling , saka daw nag-aaway kapag hindi present ang mga taga-Barangay.. edi huliin na lahat at tapusin na lang...

---o0o---


February 5, 2026...

yung madali lang na naibasura ang mga impeachment complaint laban sa Pangulo..
dahil daw insufficient in substance...

is feeling , insufficient in allies...


>
sa Malolos, Bulacan..
yung pulis na kabilang daw sa 11 suspek na sangkot sa pagpatay dun sa pulis na inilagay ang bangkay sa septic tank...

is feeling , sila na naman...


Ang Alamat ng Most Undesirable Guy on Earth - First Week of February 2026 (Under the Table Proposal)

Loveless Story


January 31, 2026...

so far ang mga nag-reply sa akin ay yung 18 y/o..
si Attendant C..
at Attendant Ac, although parang automated response lang yung sa kanya..
tapos kahapon, si Attendant Ar naman...

nagbigay ng details niya si Attendant Ar..
kahit pa parang hindi naman siya nagdu-duty lately..
kaya nag-request na rin ako kung pwede ba niya akong ilakad kay Attendant Nc...?

is 💔 feeling , ang hirap maging masaya habang nabubuhay...

---o0o---


February 4, 2026...

[TV Series / Theory]

What Lies Beneath

sa tingin ko, yung tinatawag na Tito nung 5 bidang babae ang totoong killer..
related yata siya kay Alice..
at mukhang may kinalaman din siya sa pagkawala ni Alice noong bata pa ito..
disabled na yung asawa nun..
may mga kakaibang ikinikilos sa tuwing napag-uusapan yung tungkol sa mga kaso nina Alice at Louisa..
kaya posibleng siya ang original na kriminal na pinagmulan ng mga gulo doon sa istorya...??

is feeling , sa tingin ko...


>
napa-absent sa trabaho ngayong araw..
madaming iniisip...

it took many days..
pero nakumbinsi ko na kahapon si Attendant Nc na kausapin ako..
but it didn't turn out good..
kumbaga parang wala ng konsiderasyon yung rate niya this year..
aabot sa Php 18,900 for 3 hours..
as compared sa mas maganda niyang katrabaho na nasa Php 12,000 lang yung asking price para sa akin...

kaso hindi ko maalis sa isip ko na baka maging katulad nung last time si Attendant Jn..
na baka hindi siya willing sa lahat ng positions na ipapagawa ko..
at na baka hindi niya kayang magtrabaho ng naka-high heels...

so ayun..
kinapalan ko ang mukha ko this night para tanungin ulit si Attendant Nc..
kung willing ba siyang mag-under the table transaction para sa akin..?
para lang maalis ko yung unnecessary fees para sa management...

is feeling , ano kaya ang magiging sagot niya...??

---o0o---


February 5, 2026...

liban na naman sa trabaho..
inuna na muna ang pagsusulat ng mga Adventure template ko...

kakaiba si Attendant Nc ngayong araw..
malambing siya..
panay ang kiss sa pag-reply sa akin, bagay na hindi naman niya ginagawa dati..
pag-aaralan daw niya yung proposal ko na gumawa kami ng deal na labas sa management nila..
pero wala pa siyang sagot hanggang ngayong gabi...

is feeling , ano kaya ang magiging sagot niya...??

-----o0o-----


[V-League]


PVL All-Filipino Conference 2026


February 5, 2026...

Creamline versus PLDT..
ang dami ng live audience kahit na weekday..
nakabalik na nga sina Morado at Pons..
at reliable na addition ang Libero na si Nierva..
present naman si Atienza, pero not in uniform...

malakas na team kaagad ang kalaban..
the same challenge simula pa noong Champion era ng Creamline with Staunton..
kung makakaya ba nilang talunin ang PLDT...??

Set 1, Pons-Galanza-Caloy with BDL ang starters ng Creamline, pero mainit kaagad ang laro ni Davison, hirap ang Creamline na bantayan siya sa buong laro, unang nakalamang ang PLDT, buhay kaagad ang net at floor defense nila, kahit combination plays ng Creamline ay hindi basta-basta makatagos, Baldo for Galanza sa harap, double substitution nina Gumabao at Negrito at naghabol sila, pero kinapos sila dahil malaki na yung naging lamang ng kalaban before the chase, nanaig ang PLDT dahil nakuha nila lahat ng scoring stats kontra sa kanilang 8 errors..
Set 2, the same starters para sa Creamline, una na ulit nakalamang ang PLDT at nang-iwan na sila, nakuha nila ang attacks at kill blocks stats plus 7 errors ng Creamline..
Set 3, Baldo starts for Galanza, una pa ring nakalamang ang PLDT, habol nang habol ang Creamline pero paulit-ulit sa pagkalas ang PLDT, double substitution nina Gumabao at Negrito, Galanza para sa service at floor defense, pero kinapos pa rin ang Creamline...

3-0, panalo ang PLDT..
hindi pa pasado ang kasalukuyang Creamline laban kay Davison...

ganun pa din ang Creamline, ipinipilit na mapabagsak ang bola sa loob mismo ng court ng kalaban..
buhay naman ang attacks nila, pero talagang makulit lang ang blocking at floor defense ng PLDT..
kulang sila sa Middle Blockers na may zero tempo attack..
kailangan pang mas makabisa ni Morado ang laro ni Pons since ngayon lang sila nagkasama, at mapanumbalik ang connection niya sa mga dati na niyang attackers..
at kailangan ni Nierva na mapunan ang role ni Atienza sa Triangle Defense nila nina Galanza at Pons...

is feeling , ayos lang 'yan, Morado at Galanza.. bago pa ang team ninyo, kaya focus muna sa rebuilding...

---o0o---


[Sports]


February 5, 2026...

so pasok na si Alex Eala sa parehas na Quarterfinals ng Singles at Doubles..
para sa Abu Dhabi Open..
yung pinakauna niyang natalo ay nasa Top 100...

bago iyon ay umabot din si Eala sa Quarterfinals ng Philippine Women's Open..
pero it turned out naman na yung naging Champion doon ang nagawang makatalo sa kanya..
nasa Top 100 din yung Colombian na iyon...

is  feeling , World #11 at #2 Seed na kaagad ang susunod niyang makakaharap...

---o0o---


February 6, 2026...

so kinapos si Alex Eala sa laban niya sa Quarterfinals ng Singles..
di umubra sa World's #11...

pero kahit na ganun..
kahit magkasunod ang mga laban niya kagabi..
at kahit ilang araw na siyang may bandage sa isa niyang hita..
eh nagawa naman nilang mapataob ni Tjen ang #2 seed sa Doubles..
at dahil dun ay pasok na sila sa Semifinals...

is  feeling , focus na sa Doubles.. battle of endurance talaga...

-----o0o-----


January 31, 2026...

[Trade]

day 781...

umangat na kaagad ang ARDR..
kahit hindi pa naman nagre-recover ang Bitcoin..
hindi ko na talaga alam kung paano ko pa mababawi yung mga pera ko na nakulong dun sa scam game at sa cryptocurrency market... 🙁

is feeling , tama na, please.. ang mga parusa...

---o0o---


February 1, 2026...

[Trade]

day 782...

malas talaga..
nakagawa ako ng wrong move..
mababa ang market ngayong umaga dahil bumagsak below USD 80,000 ang Bitcoin..
kaya sinubukan kong mas ibaba ang bid ko sa ARDR..
kaso bigla palang ginawa ng Binance na around 1/2 na lang yung lowest bid..
di katulad dati na parang nasa 1/5.. 🙁
dahil dun eh nawala tuloy yung mababa kong bid para sa ARDR...

level 47.5 to 56.5 na akyat ng ARDR..
USD 20 sana iyon para sa akin..
tapos nun ay umulit-ulit pala sila..
level 51.5 to 64.5..
USD 27 naman sana iyon..
level 54 to 61.5..
USD 14 naman sana iyon..
at nasa mataas na level pa rin sila hanggang sa mga oras na ito... 🙁

is feeling , nasipa pa tuloy ako mula sa mababa kong bid...

---o0o---


February 2, 2026...

[Trade]

day 783...

mas bumaba pa ang Bitcoin hanggang around USD 75,000..
pero talagang nanlaban pala ang ARDR... 🙁

level 53.6 to 95.8 yung naging mataas na pump kagabi..
USD 86 sana iyon para sa akin..
level 80.2 to 103..
USD 30 naman sana iyon..
level 84 to 103.5 bago muling bumaba ang chart nila..
USD 25 din sana iyon... 🙁

is feeling , sayang.. puros sayang...

---o0o---


February 3, 2026...

[Trade]

napakatanga ng mundo..
pumayag sila na digitally ma-trade ang mga gold at silver..
gamit yung lecheng XAU at XAG..
kaya naman nabibiktima na rin ngayon yung mga prescious metal ng market manipulation... 🙁

is feeling , mga tarantado.. wawasakin nila ang industriya...


>
[Trade]

day 784...

level 51.1 to 61 yung pahabol ng ARDR kahapon..
USD 18 din sana iyon para sa akin... 🙁

tapos heto..
medyo tumaas ang market..
napalayo na naman tuloy ako sa target ko... 🙁

is feeling , bagsak na.. kahit na sobrang risky yung 1/2 lang na lowest bid...

---o0o---


February 4, 2026...

[Trade]

day 785...

wala..
halos stable lang ang lahat...

is feeling , kailangan ko lang talaga ng chance para makatakas sa isinumpang buhay na ito...

---o0o---


February 5, 2026...

[Trade]

day 786...

bumaba pa ulit ang Bitcoin..
hanggang below USD 72,000 na..
pero noong madaling araw nangyari, kaya hindi ako nakapagbaba ng bid ko... 🙁

hapon nang lalo pang bumaba ang Bitcoin..
bumagsak na sila below USD 70,000 ngayong gabi...

is feeling , pwede kayong mag-crash pa.. pero yung sakto lang sa bid ko.. hindi na mas bababa pa doon...

---o0o---


February 6, 2026...

[Trade]

day 787...

bumagsak na below USD 63,000 ang Bitcoin..
although mahina ulit ang hila nila sa iba..
bumagsak pa sila sa near USD 60,000 ngayong umaga...

pero wala pa rin akong mapasukan na asset... 🙁

is feeling , konti pa.. kailangan ko ng FIDA sa level 9...