i am not a reporter/journalist nor an influential person..
also, i'm not related to the government in any way..
but there are summary of news featured in this post..
it will require research in order to get the whole story regarding each particular news that is featured in here...
simple lang yan..
kapag nagpaapekto at nag-react ka sa opinyon ng ibang tao - eh BAKA nga may totoo sa mga sinasabi nila...
play safe muna..
napansin nila na marami pa ang kumakampi sa press freedom, pati na rin sa employment..
naging mga maunawain muna sila sa ngayon...
-----o0o-----
lumampas na naman sa 500 ang bilang, kaya mag-i-start na ulit ako ng panibagong listahan ng mga kalokohan..
basta heto yung kadugtong nito:
http://blogngpotassium.blogspot.com/2018/08/just-clan-war.html
https://blogngpotassium.blogspot.com/2019/08/war-against-schools-victims.html
update ulit (503 + 501 + 239 na)..
medyo in-organize ko rin yung mga kaso..
pero paki-note na hindi na ganung ka-accurate yung bilang, at posibleng may redundancy na rin dahil sa sobrang dami ng mga nakalista...
una (untikan ko nang makalimutan 'to), ang pagtataksil sa interes ng bansa at ng mga (ibang) mamamayan (lalo na yung mga naging biktima), at pagbalewala sa kasaysayan at dangal ng bansa:
- yung pangmamaliit kaagad sa mga kababayang atleta
- yung nag-offer ng bounty laban sa ibang napalaya ng palpak na sistema
- yung paninisi sa dating administrasyon kahit na ang pag-abuso sa sistema eh tao nila mismo ang may kagagawan, at sila mismo ay batid na may mga nagre-request upang magamit nga ang kahinaan nung sistema na iyon
- yung umamin tungkol sa pagpapa-ambush sa isang Mayor noong 2018
- yung nagtalaga na naman ng opisyal na may kinasasangkutan pang kontrobersya, kesyo suspek daw sa pagkamatay ng 10 preso
- yung palpak na tauhan na ibinalik na naman sa katungkulan
- yung sinabi habang nasa ibang bansa na may mga General daw na sangkot sa ilegal na droga, tapos sabay bawi dito sa bansa na kesyo wala daw pala
- yung gusto nang mangamkam ng mga lupain para lang makapagpatayo na ng dam sa tulong ng Imperyo
- yung walang tiwala sa kanyang itinalaga
- yung sinisilip yung mga kuwestiyonable daw na pondo ng ibang pinuno, gayong siya at sila rin ay may kuwestiyonableng pondo para sa premature na pagpapakilala
- yung sinibak na kaagad yung taong hinamon at itinalaga niya, na para bang may iniiwasan na mangyari
- yung naniwala at nagsalita dahil sa FAKE news, sa kabila ng napakalaking intelligence fund
- yung pakikisawsaw sa isyu ng mag-asawa
- yung patuloy na pagbabanta tungkol sa franchise ng isang TV network habang pinakikinabangan nila ang mga ito para sa SEA Games
- yung gusto pang dagdagan kung magkano ang itinakda ng batas, samantalang may iba pang sektor ang nangangailangan ng suporta nila
- yung ipinapabenta na lang ang isang TV network
- yung plano na ring idamay ang Visiting Forces Agreement para lang sa kapakanan ng visa ng ilang kaalyado
- yung pinuno na gustong magpauwi ng mga kababayan na mula sa area of origin ng nCoV
- yung pinuno na pinipilit ang mga mamamayan na pakisamahan pa rin ang mga Imperial citizen sa gitna ng problema sa nCoV
- yung lumalaban kuno sa katiwalian, samantalang hindi hinahabol ang mga kakampi para sa mga katiwaliang ginawa ng mga ito noon
- yung pagtapos sa Visiting Forces Agreement
- yung paspas na naman ang pagdepensa para sa isang pulis na napasama daw sa Narco List niya
are yung ang involved o semi-involved eh mga identified talaga bilang awtoridad o tauhan ng pamunuan, mga dati nang naging bahagi ng pamunuan, o kahit mga nagsasanay pa lang upang makakuha ng awtoridad:
- yung 7 pulis-Antipolo na sangkot sa kuwestiyonableng buy-bust operation noong May 2019, kung saan kabilang din ang ilan sa 2013 Pampanga Ninja Cops
- yung report from Laguna, yung PDEA agent at kasamahan niya na nahuling gumagamit ng ilegal na droga
- yung pulis na nahuli ng PNP-IMEG na bukod sa nakunan na ng video habang gumagamit ng ilegal na droga ay nahuli pa sa entrapment operation dahil sa pagiging pusher
- yung naka-AWOL na pulis na nahuli sa buy-bust operation malapit sa may New Bilibid Prison daw
- sa Taguig City, yung pulis na hinuli dahil kasabwat daw ito ng kanyang asawa na related sa ilegal na droga na ginagamit pa ang kanilang bahay bilang drug den
- sa Bacoor City, Cavite, yung Barangay Tanod na kasamang naaresto dahil sa pagtitimbre ng drug raid
- sa Sampaloc, Manila, yung Barangay Kagawad at pamangkin niya na nahuli sa buy-bust operation
- sa Sampaloc, Manila, yung Barangay Kagawad na nakunan ng video at nahuli dahil sa pagbebenta ng ilegal na droga sa mismong bahay niya
- sa Cagayan de Oro, yung Barangay Kagawad na inaresto dahil sa involvement niya sa ilegal na droga
- sa Sto. Tomas, Batangas, yung Barangay Kagawad na nahuli dahil sa pagtutulak ng ilegal na droga, bukod dun ay may 2 pang nahuli, at sila-sila ang nagturuan
- sa Sto. Tomas, yung Barangay Chairman na mula pa sa Mindoro na kabilang sa mga nahuli dahil sa ilegal na droga
- sa Naga City, Camarines Sur, yung Barangay Chairman sa Cavite na napatay nang manlaban daw sa drug buy-bust operation
- sa Bacoor, Cavite, yung SK Kagawad na supplier daw ng droga sa mga estudyante
- yung Barangay Coordinator na hinuli dahil daw sa pangingikil ng nasa Php 18,000 kapalit ng pag-aalis ng pangalan ng isang drug surrenderer mula sa drug watchlist
- sa Commonwealth, Quezon City, yung 7 Barangay Tanod na sangkot sa pangingikil laban sa asawa ng isang drug-related personality, bukod pa sa pangre-rape daw nila dun sa babae
- sa Quezon City, yung pulis na nahuli dahil sa pagbebenta ng mga baril at bala, ilan sa mga nasabat na armas ay government-issued pa daw
- sa Cavite, yung Barangay Kagawad na nakunan ng CCTV na nanloob ng bahay
- sa Iloilo City, yung Jail Guard na nanutok ng baril sa bar
- sa Cagayan de Oro, yung pulis na naaresto dahil sa panggugulo sa isang bar, yung may hina-harass daw na babae at nanutok pa ng baril
- yung pulis na nambugbog ng Traffic Enforcer sa daan dahil naabala daw siya ng panghuhuli nito
- sa Pandacan, Manila, yung nakunan ng CCTV na pulis na nanakit ng mga kabataan matapos na may mabasag daw sa kanyang sasakyan
- sa Lapu-Lapu City, yung nakunan ng video na 4 na pulis na nambugbog ng 2 lalaking nanggulo daw
- sa Valenzuela City, yung lalaki na nag-amok daw na napatay naman sa pagkuyog sa kanya ng mga tanod at pulis
- sa Puerto Princesa, Palawan, yung babae na namatay sa pamamaril ng kanyang asawang pulis na nagbaril din naman ng sarili matapos iyong krimen
- sa Bohol, yung babaeng pulis na napatay sa pamamaril ng sarili niyang asawa na pulis rin, may problema daw sa pag-iisip yung lalaki at nagbaril din sa sarili
- sa Marikina City, yung shootout sa pagitan ng 1 sundalo at 2 pulis, kung saan napatay yung sundalo samantalang sugatan yung mga pulis
- sa Marawi City, yung pulis na hinuli dahil sa pagmamaneho ng carnap na sasakyan, bukod dun ay ni wala daw siyang lisensya
- sa Bacolod City, yung Hepe ng CIDG daw ng Negros Occidental na hinuli dahil sa pangingikil laban sa isang KTV Bar
- sa Pasay City, yung Traffic Enforcer na nakunan ng video na nangongotong kapalit ng hindi niya pag-i-issue ng ticket
- sa Manila, yung Enforcer ng MTPB na nakunan ng video habang nangongotong sa driver ng isang SUV
- sa Manila, yung Traffic Enforcer na hinuli dahil sa pangingikil laban sa isang truck operator
- sa Pasig, yung enforcer na tumanggap ng pera mula sa taong sinita niya dahil sa paninigarilyo, kesyo tinanggap daw niya yun bilang pasasalamat nung tao dahil hindi niya muna yata iyon pinagmulta
- sa Manila, yung lolo na namatay matapos na mabangga ng motor na minamaneho ng isang pulis na lasing daw at mabilis magpatakbo
- sa Quezon City, yung Traffic Czar at mga kasamahan niya na nanira ng nasita nilang sasakyan na walang sakay
- sa Quezon City, yung retiradong pulis na sinubukang manuhol ng mga kapwa pulis dahil sa mga nasamsam na video karera
- sa Sariaya, Quezon, yung Barangay Kagawad at mga kaanak niya na nahuling nagpapatakbo ng online gambling
- sa Muntinlupa City yata iyon, yung teacher na nakunan ng video na nananampal ng mga estudyante
are naman yung mga hindi pa malinaw kung anong klase nga ng mga tao ang involved o hindi tiyak o nabanggit kung sino ang nakatama o hindi masabi kung ano nga ang totoong nangyari:
- sa Iloilo City, yung mga pulis na nang-agaw daw ng ibang pera sa gitna ng anti-gambling operation, hindi daw kasama sa record ng mga nakumpiska yung perang kinuha mula sa biktima
- sa Bacolod City, yung naka-AWOL na sundalo na nangmolestiya daw ng isang special child na dalagita
- yung Mayor ng Misamis Occidental na itinumba habang nasa custody na ng mga pulis
- yung witness para sa Good Conduct Time Allowance (GCTA) controversy na pinatay sa pamamaril sa Muntinlupa City
- sa Bauan, Batangas, yung itinumba na yung suspek sa pagpatay sa isang 11 y/o na babae na sinasabing tinangka din daw na gahasain
- sa Marikina, yung lalaki na napatay sa pamamaril ng isang pulis, may tama rin yung isa niyang kaibigan sa tiyan
- yung pagtatanim daw ng mga ebidensya laban sa makakaliwang grupo
heto naman yung mga may kinalaman sa kahinaan ng kasalukuyang penal system at pagpapatupad ng iba pang mga batas, patakaran, at sistema sa bansa:
- ang kawalan ng kakayahan ng mga awtoridad at ng justice system na kusang kasuhan ang mga kriminal sa kabila ng matitibay na ebidensya gaya ng video footage o ng mismong pagresponde ng awtoridad sa krimen
- sa Las Piñas City, yung 3 pulis na naabutang natutulog sa ginawang inspeksyon ng NCRPO
- sa Boracay, yung 2 pulis na nahuling nagmo-mobile games habang nasa duty
- sa Central Visayas daw, yung 3 police officers na nahuling naglalaro ng golf sa oras ng trabaho
- sa Bacolod City, yung nagawang pagsasaksakin ng gunting ng isang kaanak nung biktima na special child na dalagita yung naka-AWOL na sundalong suspek habang naaresto na ito
- sa Antipolo City, yung pulis na nakunan ng video na nagsasabong
- sa Pangasinan, yung pulis na nahuling nagsasabong
- yung lumabas sa surprise inspection na marami nga ang private vehicle na ginagamit ng mga pulis na hindi rehistrado at/o walang plaka
- sa Taguig, yung sasakyan ng mga pulis na ilegal ang pagpaparada malapit sa presinto
- yung pulis na nahuli na namamasada DAW ng colorum na van
- yung nasa 18 na hinuli dahil sa ilegal na pagpapaputok ng baril kung saan kabilang ang ilang pulis at sundalo
- yung pulis na nahuli ng PNP-IMEG, na dati nang naalis sa serbisyo dahil din sa involvement sa ilegal na droga pero nagawang makabalik noong 2017 sa pagiging pulis
- yung ang daming isinisiwalat ngayon na modus ng mga armadong empleyado, pero ano bang ginawa nila noon pa lang na nalaman na daw nila ang tungkol sa mga ganun
- yung tangkang pagtatakip sa kaso ng Pampanga Ninja Cops noong 2013
- sa prusisyon, yung general na pulis na nang-agaw ng smartphone ng taga-media at sinubukan din daw na magbura ng video
- yung sobra-sobra namang ph-in-otoshop na picture DAW ng mga sumukong rebelde na i-p-in-resent ng Philippine Army
- yung panibagong kaso ng pagkamatay sa PMA nang dahil daw sa hazing
- yung wala nang ipinagkaiba ang hazing mula sa bullying
- sa Daraga, Albay, yung babae na sugatan matapos na sakmalin ng aso
- sa Pangasinan, yung 7 y/o na may 17 beses daw na pinagkakagat ng nasa 5 aso
- yung wala ng halaga ang mga karton para sa mga mangangalakal
- yung perwisyong idinudulot ng pag-a-adjust ng mga existing landline numbers
- yung pagtaas ng rate ng pamasahe sa provincial bus
- yung wala man lamang pakunsuwelo para sa mga motorista sa kabila ng hindi na pagiging expressway ng SLEX
- yung opisyales ng DOTr na isinisisi sa palpak na maintenance DAW ng nakaraang administrasyon iyong pagkasira na nangyari sa LRT 2, kahit na mahigit 3 taon na sila sa puwesto
- yung halos nasa 10,000 driver ng iba't ibang klase ng sasakyan na nahuli sa isinagawang sabayang panghuhuli
- yung tutol na tutol dati sa motorcycle TNVS dahil sa isyu ng safety, tapos biglang gusto ngayon na magbigay kaagad ng permit sa maraming kaparehong klase na service provider
- yung mabilis nga ang naging approval dun sa iba pang motorcycle TNVS kumpara dun sa nauna na hinarang nang maige
- yung pagbaba ng presyo ng bentahan ng lokal na palay
- yung may pa-commercial pa tungkol sa Rice Tariffication
- yung latest na pagkalugi ng mga magsasaka ng Benguet dahil sa maling sistema
- yung sobra-sobrang pagtaas ng presyo ng galunggong
- yung nakapasok na ang African Swine Fever (ASF) sa bansa
- yung may mga processed meat na rin na apektado ng ASF na hindi naman pinapangalanan yung kompanya
- yung may nakalusot na rin na kaso ng ASF sa isang kilalang supermarket
- yung totoong nabigyan nga ng certification yung mga karneng baboy na nag-positive sa ASF na nakalusot sa malalaking supermarket
- sa Bulacan, yung paggamit sa isyu ng ASF para makapanabotahe ng negosyo ng iba
- yung latest na kaso ng Lambanog poisoning sa Laguna at Quezon nitong 2019
- yung mga opisina ng gobyerno na umaasa pa rin hanggang ngayon sa manual checking at nire-require pa ang kopya ng mga resibo ng mga tao para sa pag-che-check, kahit na may kopya dapat sila ng mga nasabing resibo
- sa GSIS, yung December pa ginawa yung request, pero noong kinumusta by February eh kesyo nawala daw sa isip
- sa PAGCOR, yung tigil na nga muna ang pagbibigay nila ng assistance matapos na malusutan sila ng mga pekeng dokumento, pero laya na kaagad yung mag-asawang nahuli nila
- yung empleyado ng PAGCOR na hinuli dahil sa pagsa-sideline daw bilang fixer ng mga humihingi ng tulong
- yung balik operasyon na kaagad yung mga ipinatigil na laro ng PCSO, maging yung mga pinagdudahan na laro
- sa PSA, yung nagpa-correct na dati ng birth certificate kapalit ng nasa Php 10,000, pero nag-recur na ulit yung error ngayong 2020
- yung nagkaproblema daw yung gumagawa ng UMID card para sa SSS
- yung katulad ng sa SSS, eh yearly na rin magtataas ng contribution ang PhilHealth sa loob ng ilang taon
- yung pagtataas ng rate ng contribution ng iba't ibang services ng pamahalaan para lang ma-shoulder yung mga ipinangako para sa mga piling mamamayan
- yung mga kaso ng peke at for sale na mga PWD (persons with disabilities) ID
- yung may Php 300 Million DAW na confidential funds ang DICT
- yung Senator na gustong hati-hatiin at ipamigay na kaagad ang reward para sa mga Centenarian simula 80 y/o pa lang
- yung panukala tungkol sa pagpili ng mga Senador para sa bawat region, samantalang batid naman nila ang paraan ng pagbili ng property o paglipat ng residence para lang makatakbo sa pulitika
- yung hindi pa man nagtatagal, pero papalitan na nga ulit yung Php 5 coin na matagal nang sinisita ng iba dahil sa pagiging nakakalito nito
- yung pagwawaldas ng pera ng bayan para sa pagbili ng 2 mamahaling jet
- yung masyadong pagsasabay-sabay ng mga projects at pangungutang sa panahon na ito
- yung mga projects daw ng DPWH for 2020 na kulang-kulang ang detalye o di kaya ay kuwestiyonable
- yung bumigay na bahagi ng Skyway Stage 3 project dahil sa nangyaring sunog sa malapit dito
- yung nasa Php 50 Million worth ng cauldron na gagamitin lang sa torch lighting para sa 2019 SEA Games
- yung mga pinuno na tinatawag na crab mentality ang pagsita sa mga kuwestiyonableng gawain
- yung pinuno na pulitika naman ang sinisisi sa kabila ng mga totoong nangyayari na kapalpakan
- yung pinuno na pinagmumukha na ang mga bumabatikos sa mga kapalpakan ang masasama sa halip na yung mga pumapalpak mismo
- yung palpak na pagsalubong at pag-accommodate sa mga representative ng ibang bansa
- yung reklamo ng mga representative tungkol sa kakulangan ng masusustansiyang pagkain para sa mga atleta
- yung kulang daw ang Halal certified food para sa SEA Games
- yung Football team captain ng Brunei na inatake naman ng allergy dahil sa pagkain
- yung mga rifle ng shooting team ng ibang bansa na kinumpiska nang dahil sa miscommunication
- yung problema sa sasakyan ng mga representative
- yung pinakikinabangan nila ngayon yung TV network dahil lang sa event, samantalang kapag walang okasyon eh panay ang banat nilang magkakaalyansa tungkol sa katapusan nung franchise
- yung naha-hype lately dahil sa sports at gusto pang gumastos nang gumastos, habang may mga sektor na nangangailangan ng tulong ng gobyerno ang hindi nabibigyan ng pansin
- yung hindi na matalakay ang tungkol sa mga kuwestiyonableng paggastos noon dahil sa sunud-sunod na malalaking isyu at problema
- yung may namatay na na positive sa nCoV dito sa bansa at late ang confirmation sa kanya, nakagala na sila nung kasamahan niya bago pa sila na-detect
- yung ikatlong kaso ng nCoV na nakagala din sa bansa, yung nag-negative muna sa test tapos saka nag-positive noong nakauwi na sa kanilang bansa
- yung dating maling paraan ng mga health leaders sa paghahanap ng mga posibleng PUI na nakabase lang sa kung sino ang may seat na malapit dun sa mga naging COVID-19 carriers
- yung parang minamaliit ng mga health leaders ang paraan ng pagkalat ng COVID-19 kahit na may halimbawa naman doon sa cruise ship na nakadaong sa Japan
- yung gustong iuwi na dito sa bansa yung mga mamamayan na mula sa cruise ship na nakadaong sa Japan, kahit na may mga namatay na dito na mga COVID-19 carrier at PUI
- yung paglaki ng rasyon ng gatas para sa mga kinukuhanan nila ng suporta
- yung akusasyon ng pamumulitika gamit ang mga biktima ng lindol, na kesyo may nag-uudyok DAW dun sa iba na mamalimos na sa daan
- after 6 years, yung marami pa ring biktima ng Yolanda ang nagrereklamo tungkol sa kawalan ng pabahay sa kabila ng mga FAKE news noon na kesyo kaya DAW makapagtayo ng mga bahay within 3 weeks
- yung failure of election sa Philippine Councilors League dahil hindi daw tugma yung binibilang nung machine nila
- yung pag-amin ng isang elected official na magiging sunud-sunuran lang siya sa kanyang kaalyado na pinuno
- yung pinuno na pinupuna ang pagpuna sa mga maling gawain ng kanyang kakampi
- yung Representative na pinupuna ang Senate dahil sa aksyon na matagal naman na palang ginagawa rin talaga sa Senate
- yung pinuno na naka-sentro lang sa election process ang mga reklamo laban dun sa TV network, na para bang yun lang ang purpose nung kompanya
- yung hindi na nga gagawing priority nung opisyal na nakinabang sa TV network noong panahon ng SEA Games ang franchise renewal
- yung pressure DAW ng Executive branch sa Congress sa usapin ng TV network franchise renewal
- yung nakikialam na rin yung isang office sa pagpapabagsak sa isang TV network
- yung naging masamang asal ng isang opisyal laban sa reporter nung ipinapasara nilang TV network
- yung marami sa mga kini-claim na nilabag daw ng isang TV network ay suportado at binigyan naman daw ng permit ng mismong mga tauhan rin ng pamahalaan
- yung nagreklamo tungkol sa Philippine Depositary Receipts (PDR) nung isang TV network, pero hindi naman pala naiintindihan kung ano yung PDR
- yung sa korte kaagad lumapit para magamitan ng gag order yung pinapasarang TV network
- yung nagmura na naman si Non-Clam Defender
- yung tauhan ng gobyerno na ultimo relief goods eh binibigyan ng masamang kulay para lang masiraan ang target nilang pulitiko
- yung pinuno na gustong bumuo ng panibagong departamento, samantalang meron naman nang existing na ganun ang purpose
- yung mga pinuno na naghihintay ngayon ng report at nagrereklamo pa, sa kabila ng limitadong panahon at access na ibinigay nila sa taong sinisiraan nila
- yung mga pinuno na hindi matanggap yung resulta ng computation ng mga numero na sa mga hanay rin naman nila nagmula
- yung mga pinuno na ginagawang basehan ang resulta ng mga survey samantalang daan-daang mga hindi kilalang tao lang naman ang natatanong sa mga pa-survey
- yung idadamay lahat ng US citizen na papasok sa bayan kapag nagkataon dahil lang sa isyung politikal
- yung report tungkol sa maraming kaso ng mga preso na napahamak habang nasa custody na ng mga awtoridad
- yung paglilipat ng mga Criminal Witnesses sa ibang facility (na hindi kulungan) noong June 2019 pa
- yung mga opisyales at dating opisyales na hiningan ng sulat at tulong nung pamilya nung convicted na rapist-murderer
- yung ayon sa record, na qualified ang NGO Queen sa paggamit ng Good Conduct Time Allowance (GCTA), at rape ang kaso niya
- yung mga opisyales na isinasali ang mga kriminal na convicted for committing heinous crime sa nakagagamit ng good conduct time allowance
- yung libu-libo na DAW na convict na sangkot sa heinous crimes ang napalaya na dahil sa maling paggamit ng good conduct time allowance
- yung lumalabas nga na for sale pa yung Good Conduct Time Allowance sa bilangguan, ang access ng mga kontrabando papasok, at maging mga medical documents daw
- yung mga medical personnel ng New Bilibid Prison Hospital na kasabwat sa mga kalokohan ng mga bilanggong kriminal
- yung ngayon lang ginigiba yung mga kuwestiyonableng kubol sa Bilibid
- sa Bilibid, yung nasa 15 na pulis na nahuli dahil sa pagpupuslit ng kontrabando sa loob
- yung mga pinagsisirang kontrabando mula sa Bilibid, na tila wala tuloy nagawang pagbabago yung mga sinundan na pinuno
- sa Women's Correctional, yung mga nasamsam na mini-phone
- yung meron pa ring mga nasabat na kontrabando sa Bilibid nitong early part ng 2020
- yung kakampi nga noon ng mga Ampatuan ang Cosplayer
- yung may panibago na namang civil case laban sa Dictator Clan ang ibinasura
- yung may nabalewala na naman na forfeiture case laban sa Dictator Clan
- yung panibago na namang ibinasura ng sandigan ng mga Diktador na Php 200 Billion forfeiture case
- yung kasali nga pala sa mga naghahabol sana laban sa Dictator Clan yung isa nilang kaalyado na opisyal
- yung kasunduan dun sa Imperial Telco, na planong maglagay ng facility nila sa provincial military base
- yung dinaya daw ang bidding para sa Kaliwa Dam para paboran yung Imperial contractor
- yung base sa kontrata ay may jurisdiction ang Imperyo in case na magkaroon ng kaso regarding sa Kaliwa Dam
- yung may kontrol na pala ang Imperyo sa national power grid ng bayan
- yung nagkaroon nga ng Imperial citizen na opisyal ang NGCP, at labag iyon sa batas
- yung mga dayuhan na biktima ng illegal recruitment para sa mga POGO
- yung Pastillas Operation ng mga tauhan ng Bureau of Immigration para sa mga POGO workers
at may kaso na iba-iba ang kategorya:
- yung mga petroleum-based enthusiasts na sabay-sabay pa ang paggamit ng mga sasakyan para sa paghahatid ng relief goods, sa halip na gumamit o umarkila na lang ng malalaking sasakyan
- yung mga TV network na tinutulungan pang patuloy na magkaroon ng public exposure yung mga pinuno na napatunayan nang nagkasala laban sa bayan
- sa Quezon City, yung sasakyan ng isang Party-list Representative na nabiktima ng Basag-Kotse sa parking area ng isang kilalang mall
- sa Makati, yung mga estudyante na nabundol ng jeep habang tumatawid sa pedestrian lane, na lumalabas na positive sa drug test yung driver at wala na ring lisensya
- yung jeepney operator na tinanggap pa ring driver yung nakabundol sa Makati kahit wala na nga itong lisensya
- yung jeepney driver na nagmamaneho habang naglalaro ng mobile games
- sa Pandacan, Manila, yung mga kabataan, kasama ang 5 menor de edad na sinilaban ang mga lobo ng isang vendor na naging dahilan ng pagtatamo rin ng sunog at mga lapnos sa katawan nung vendor, at ni wala daw bakas ng pagsisisi sa mukha nung mga kabataan
- yung hanggang sa panahon ngayon ay may mga insidente pa rin ng pangre-rape laban sa mga sariling kadugo
- sa Malabon, yung kaso ng pagpatay sa isang beautician kung saan kinunan pa talaga nung 2 kriminal yung ginawa nilang krimen
- yung mga nag-aalaga ng baboy na basta na lang ipinaanod sa ilog yung mga patay na baboy, kung kailan pa talaga may banta ng mabilis na lumaganap na sakit ng mga baboy
- sa El Nido, Palawan, yung Forest Ranger na napatay sa pananaga ng grupo ng mga illegal loggers
- yung mga representative ng ibang bansa para sa SEA Games na hindi na nag-practice dahil sa sobrang traffic sa host na bayan
- yung mga atleta na pinagmumukha na ang mga bumabatikos sa mga kapalpakan ang masasama sa halip na yung mga pumapalpak mismo
- yung pati depensa tungkol sa SEA Games kikiam, na chicken sausage o hotdog daw pala, eh palyado pa rin dahil nutritional value naman ang totoong hinahanap nung mga nagreklamo
- yung nag-volunteer para sa SEA Games pero nagrereklamo at saka umatras
- yung pagkukumpara ng ibang mamamayan sa kakayahan ng ibang bansa sa pamamagitan lang ng basic na currency conversion, nang hindi isinasaalang-alang ang economic level, rate ng pasuweldo, at purchasing power
- sa Bocaue area, yung 2 bus na may sakay na mga foreign representatives na nasangkot daw sa aksidente
- yung mga negosyante na sinasamantala naman yung mataas na demand para sa mga mask upang magpataas ng presyuhan
- yung panibagong problema tungkol sa kakulangan ng mga mask na dulot ng problema sa nCoV
- yung nagpa-panic buying na rin daw ang mga tao ng alcohol at sanitizers, at meron pang reporter na nakaranas ng overpricing
- yung latest na kaso ng pambabato sa tren ng PNR, kung kailan naman nag-invest sila sa mga bagong tren
- yung pamamato sa mga tren ng PNR, yung iba eh dumi ng tao at hayop pa ang ginagamit daw
- yung mga naglalagay ng kung anu-anong bagay sa may riles ng PNR
- yung nagkanakawan na nga DAW sa ibang lugar na nasalanta ng pagputok ng Taal
- sa Batangas City Sports Complex, yung 3 security guard na nahuling nagpupuslit ng mga relief goods
- yung ultimo pagdating sa usapin tungkol sa kaligtasan ng mga mamamayan eh nagtatalo-talo pa rin ang mga tao
- yung nakawan ng kable ng kuryente sa Ayala tunnel
- sa Albay, yung nanakawan ng mga solar panel yung Mayon Volcano monitoring station ng Phivolcs
- yung lalong pagmamahal ng rate ng internet service sa panahon ngayon
- yung lumang agreement sa mga magtutubig na nagagamit nila ngayon sa pang-aabuso laban sa mga consumers at sa pamahalaan
- yung pumayag yung mga magtutubig na hindi na bayaran yung mga danyos
- yung tila pagpabor ng Catholic Bishop Conference of the Philippines sa pantay na pagbibigay ng Good Conduct Time Allowance para sa lahat ng klase ng bilanggo
- yung palusot nung pamilya nung convicted rapist-murderer na kesyo nawala na daw yung mobile phone at number na magagamit sana bilang ebidensya
- yung banta ng terorismo laban sa supply ng petrolyo
- yung mga Cable TV Group na gustong pagkakitaan ang posibleng pagkawala ng isang TV network
- yung mga laos na personalidad at iba pa na kayang magbiyahe papuntang Russia
- yung celebrity na pinipigilan ang iba na magpahayag ng kanilang damdamin tungkol sa panggigipit
- yung celebrity na naghahangad ng reporma sa kanilang industriya, pero pagpapasara ng kompanya ang sinusuportahan na hakbang
- yung kaalyado ng kalaban sa pulitika yung abogado nung actor sa demolition video
- sa Cavite, yung Person Under Investigation (PUI) dahil sa posibleng kaso ng nCoV na tumakas naman sa ospital
- yung 2 Imperial citizens na nahuli dahil sa pagmamaneho ng lasing, at wala pang lisensya
- yung mandudurang Imperial citizen na kung anu-ano na ang mga nilabag na batas at patakaran dito sa bansa
- yung apology nung nambangga na Imperial vessel na may timing
- sa Parañaque, yung Imperial prostitution den sa isang building na under construction pa
- yung mga kaso ng kidnapping ng mga Imperial citizen laban sa mga kapwa Imperial citizen na related sa operasyon ng mga POGO
- sa Pasay City, yung 2 Imperial citizen na nanutok ng baril sa isang security guard, na nahaharap din sa sari-sari pang kaso
- yung nagbabarilan na ang mga kriminal na Imperial citizen dito sa bansa
- yung smuggled na mga karne ng baboy na galing sa Imperyo na nagpositibo na naman sa ASF
- yung may nakapasok na nga na kaso ng Novel Coronavirus (nCoV) dito sa bansa na dala ng isang babaeng Imperial citizen na galing sa Wuhan
- yung perwisyo ng nCoV sa ekonomiya
- yung pati UAAP eh naperwisyo na rin ng COVID-19
- yung mga South Korean na galing sa pinagkalatan ng COVID-19 sa kanilang bansa, na nalusutan yung mga nagmo-monitor dito sa bayan
-----o0o-----
February 24, 2020...
Jonin Proceed, tanga..
sino daw ang may kagagawan nun...?
eh sino ba yung aktor nga na gumawa ng lahat ng kasamaan na iyon sa mga videos..?
edi ba yung Hokage na Mahilig mismo...
is feeling , ano ang masama sa paglaban sa kasamaan...??
>
tarantado ka, Panot..
didinggin ng patas..?
pero yung alyansa ninyo panay tungkol lang sa selection process ang pinupuna...??
mga tarantado kayo..
palibhasa pagkamkam lang sa kapangyarihan ang mahalaga para sa inyo...
eh kung busisiin kaya natin kung saan-saan ninyo pinagkukukuha yung mga perang nilulustay ninyo...??
hindi sila nagkamali na subukang pigilan ang alyansa ng kasamaan...
is feeling , t*ng ina ang concern ninyo, tungkol lang sa kung sino at paano mauupo sa trono...
---o0o---
February 25, 2020...
sa Pasay City..
yung 2 Imperial citizen na nanutok ng baril sa isang security guard...
nahaharap din yung 2 sa sari-saring kaso...
is feeling , One Empire Policy...
---o0o---
February 26, 2020...
yung jeepney driver na nagmamaneho habang naglalaro ng mobile games... :(
hirap na hirap silang umisip ng solusyon sa malaking volume ng mga sasakyan..?
kuwentahin nila kung ilan sa mga driver ang may violation..
patawan nila ng permanent ban sa pagkakaroon ng lisensya lahat ng may major violation at more than 1 or 2 violations..
tapos samsamin nila lahat ng mga sasakyan na walang tamang parking space..
ewan ko lang kung hindi lumuwag yung mga kalsada para sa current generation...
is feeling , hindi kasi dapat panay kita lang ang iniisip...
>
gaya ng sabi ko dati, may purpose yung pag-reject sa refund..
sinong matinong tao ang tatanggi sa pera kung pinaghirapan niya iyon..?
hindi yun pride, isa iyong trap - para may maisisi...
is ⚠ feeling , simple lang naman ang isyu para sa kanila eh.. anong pakinabang nila sa press...?
>
pero in a way, medyo magaan yung mga nangyayari lately...
nagpe-play safe ang marami dahil sa isyu ng employment at gatas..
eh ultimo yung mga empleyado at katransaksyon eh nag-aambag din siyempre sa gatas eh..
at dahil na rin sa opinyon ng publiko..
hindi nila madiretsa ang publiko na dapat ipasara na yung kompanya, dahil nga mas marami ang benefits kumpara sa flaws...
is feeling , mahihirapan silang patunayan na mas matimbang ang role ng media sa selection process, kumpara sa pakinabang nun sa ekonomiya at environmental at social service...
>
so hindi naman pala sinunod yung panawagan ng mga kamag-anak...
yung mga mukhang negative lang sa COVID-19 mula sa cruise ship na nakadaong sa Japan yung pinapasok na sa bayan..
at muli naman silang ika-quarantine...
is ⚠ feeling , sana lang wala silang nahawakan mula doon sa barko na makakapag-import sa bayan nung virus...
>
yung pamamato sa mga tren ng PNR..
hindi lang basta ordinaryong pambato yung gamit nung iba, yung iba eh dumi ng tao at hayop pa ang ginagamit daw... :(
is feeling , bitay lang ang solusyon dyan...
---o0o---
February 27, 2020...
sa Bacoor, Cavite..
yung SK Kagawad na supplier daw ng droga sa mga estudyante..
may estudyante daw siya na inuutusan para magbenta nung supply niya...
is feeling , buwagin na.. sayang lang ang pondo sa kanila...
---o0o---
February 28, 2020...
[Natural Calamities]
sa Davao Occidental pa rin..
Magnitude 5.5 na lindol...
is feeling , nagpapakiramdaman sila ng alyansa...
>
yung failure of election sa Philippine Councilors League..
hindi daw tugma yung pagbilang ng machine nila sa mismong ibinobotong kandidato...
is feeling , maige iyon at madali-dali lang i-countercheck...
>
yung nagbabarilan na ang mga kriminal na Imperial citizen dito sa probinsya... :(
is feeling , baka makatama yung mga mananakop...
>
yung mga South Korean na galing sa pinagkalatan ng COVID-19 sa kanilang bansa, na nalusutan yung mga nagmo-monitor dito sa bayan..
yung mga nasa Cebu yata yung nagtago... :(
is ⚠ feeling , lagot na.. nagpasaway...
>
sa Manila..
yung Traffic Enforcer na hinuli dahil sa pangingikil laban sa isang truck operator...
is feeling , pero mali rin naman sila, dahil matagal na rin pala silang nagbibigay...
>
sa Naga City, Camarines Sur..
yung Barangay Chairman sa Cavite na napatay nang manlaban daw sa drug buy-bust operation...
is feeling , dumayo pa...
>
sa Pangasinan..
yung pulis na nahuling nagsasabong...
is feeling , pampalaki ng sahod...
>
sa Bacolod City..
yung Hepe ng CIDG daw ng Negros Occidental na hinuli dahil sa pangingikil laban sa isang KTV Bar...
is feeling , may kaso na rin DAW siya ng pang-aabuso noon...