Friday, May 31, 2019

Planting People

NOTE: this is not news..
i am not a reporter/journalist nor an influential person..
also, i'm not related to the government in any way..
but there are summary of news featured in this post..
it will require research in order to get the whole story regarding each particular news that is featured in here...

simple lang yan..
kapag nagpaapekto at nag-react ka sa opinyon ng ibang tao - eh BAKA nga may totoo sa mga sinasabi nila...

magtanim ay di biro..
pero napakatuso... :(

-----o0o-----

lumampas na sa 500 ang bilang eh, kaya mag-i-start na lang ako ng panibagong listahan ng mga kalokohan..
basta heto yung kadugtong nito:
http://blogngpotassium.blogspot.com/2018/08/just-clan-war.html

update ulit (503 + 376 na)..
medyo in-organize ko rin yung mga kaso..

una (untikan ko nang makalimutan 'to), ang pagtataksil sa interes ng bansa at ng mga (ibang) mamamayan (lalo na yung mga naging biktima), at pagbalewala sa kasaysayan at dangal ng bansa:
  • yung nagluklok ng tao sa isang mahalagang branch, sa kabila ng kawalan ng kakayahan ng tao na iyon na sumunod sa sarili nilang mga patakaran
  • yung nagtuturo ng iba, maging yung hindi nila maidawit dun sa kaso, habang ipinagtatanggol naman yung ibang nalusutan DAW ng supply ng ilegal na droga
  • yung idolo noon si Hitler, pero noong nagpunta sa Israel eh ginamit pa yung alaala ng Holocaust para magkunwari na mabuti sila
  • yung inuna pa ang mga armas kesa sa isipin ang tungkol sa isyu ng kahirapan sa bayan
  • yung gustong bawiin yung amnesty na ibinigay noon sa isang taong lumaban sa tiwaling gobyerno, na ang sinisilip na butas ay yung pinagdaanan na proseso
  • yung umamin siya na meron nga at kasalanan niya ang pagkakaroon ng extrajudicial killings
  • yung nagagawa pa nilang magbakasyon sa ibang bansa sa gitna ng bagsak na ekonomiya ng bayan at sa kabila ng pagtanggi nila na tumulong sa pamamagitan ng pagpapagaan muna sa bagong sistema ng pagbubuwis
  • yung tutol kuno sa political dynasty pero kinukunsinti ang political dynasty ng sariling angkan
  • yung gustong ipaaresto yung witness sa pagpapasok ng mga ilegal na droga sa BOC
  • yung wala namang naparurusahan at papalit-palit lang naman ng katungkulan yung mga pinuno na nadadawit sa mga malalaking kaso ng kapabayaan
  • yung kagustuhan niya na ituring na rin siyang isang santo
  • yung mula sa lahi ng mga Bestfriend na suspected bilang drug-related personality, na itinanggi na may koneksyon sa pamahalaan, pero napatunayan na may papel nga sa pamahalaan
  • yung sobrang dali siyang makumbinsi pagdating sa ibang intel kuno at mga listahan, pero in denial pa noong una sa isyu ng magnetic lifters
  • yung balak pala tayong ipahamak dahil sa pangungutang niya sa Bestfriend Empire na malaki kung magpatubo kumpara sa ibang mga nasyon
  • yung gusto ngayon ng ROTC, pero siya mismo eh umamin na tinakasan niya ang ROTC noong kapanahunan niya
  • yung sinabi noon na dapat daw sundin ang seniority rule, pero hindi naman niya sinunod para sa 2nd reward
  • yung pagbanat sa isang taong simbahan nang wala namang ebidensya na ipini-present; kesyo nagbubulsa daw ng pera at baka drug-related din daw
  • yung seryoso daw sila sa kampanya laban sa ilegal na droga, pero siya mismo eh ginagawa lang biro ang tungkol sa pagdodroga
  • yung gusto nang ipapatay ang mga obispo, at ang pagtira sa bibliya
  • yung iniutos na ayaw makakita ng mga pari sa event na may kinalaman sa simbahan
  • yung pati bintang tungkol sa pagpapatumba ng tao eh joke lang
  • yung sexual attack sa kanilang kasambahay noong teenager pa siya base sa kanyang kuwento
  • yung tagalinis siya ng pangalan ng mga nabuking na magnanakaw ng pera ng bayan
  • yung planong palitan ang pangalan ng bayan para sa kapakinabangan ng amo nila
  • yung claim na wala daw patunay na nakaw ang mga yaman ng Dictator Clan
  • yung puros paninira ang iginanti sa mga karibal ng kanyang mga tauhan, na ni hindi naman naka-base sa facts
  • yung gusto na namang maglabas ng Narco-list, pero hindi pa naman pala 100% verified yung mga pangalan na nasa listahan
  • yung ginagamit yung banta tungkol sa giyera para masunod ang kagustuhan na magpalit ng anyo ng gobyerno
  • yung as early as 2004 pa pala nadadawit sa ilegal na droga ang pangalan nung banyagang economic adviser o dating economic adviser
  • yung paspas ang pagtatanggol sa banyagang economic adviser o dating economic adviser
  • yung tauhan na utak sa likod ng daan-daang social media account na nagpapakalat ng FAKE news na pabor sa alyansa nila
  • yung pagbibida sa titi niya
  • yung madalas na ibinibida na pagre-rely sa teknolohiya sa pag-eespiya ng ibang bansa
  • yung wala daw black propaganda, pero nagpapakalat ng mapanirang matrix
  • yung Party List na sobrang lakas kung magpa-commercial sa TV
  • yung commercial na nagke-claim na matapat yung dating tauhan ng MMDA na gumawa ng bistadong pandaraya
  • yung pagdadawit sa 2 athlete sa inilabas na matrix
  • yung pag-asa sa social media para sa intelligence kuno
  • yung cleaning effect ng family name
  • yung bagong batas laban sa pambabastos, paninipol, o kahit pagkindat man lang sa mga babae, pero ang mismong pinuno ng bansa eh unlimited ang pambabastos sa mga kababaihan
  • sa Japan, yung gusto na namang makipag-lips-to-lips sa hindi kaano-anong mga kababaihan

are yung ang involved o semi-involved eh mga identified talaga bilang awtoridad o tauhan ng pamunuan, mga dati nang naging bahagi ng pamunuan, o kahit mga nagsasanay pa lang upang makakuha ng awtoridad:
  • sa QCPD, yung Criminology student na nag-o-OJT sa presinto na hinuli dahil sa pagtutulak ng ilegal na droga
  • sa Nueva Ecija, yung Barangay Chairman na nahuling kasama ang kalaguyo niya
  • yung 3 PNPA cadets na inirereklamo dahil sa sexual harassment laban sa 2 lower classmen sa loob mismo ng academy nila
  • yung pulis na inirereklamo ng panggagahasa laban sa isang 15 y/o na dalagita kapalit ng paglilinis sa pangalan ng ama nito na idinadawit naman sa ilegal na droga
  • yung 2 pulis Novaliches na inirereklamo ng dahil daw sa panggagahasa sa isang babaeng nahuli ng dahil sa pagsusugal sa loob ng police mobile
  • sa Marcos, Ilocos Norte, yung Barangay Chairman na tinangkang halikan ang isang singer habang ito'y nagpe-perform
  • sa Baguio City, yung mga tinatawag na POSD Enforcers na nakunan ng video na nang-aagaw ng paninda ng isang taho vendor
  • yung nag-viral na Traffic Enforcer na nang-agaw ng susi at ng motor, bukod pa sa nagmura at nagbanta laban dun sa rider
  • sa Makati, yung 2 dating empleyado ng MMDA na ginagamit yung wangwang, blinker, at MMDA uniform sa pag-e-escort sa negosyante
  • yung mga police escort na namalo ng side mirror ng isang taxi habang naka-off-duty at nag-e-escort sa isang private individual
  • sa Pandacan, Maynila, yung pulis na motorcycle rider na nakabangga ng isang tumatawid na senior citizen
  • sa Iloilo, yung 3 tricycle na nabangga ng AUV na minamaneho ng isang pulis, kesyo nakatulog daw ito habang nagmamaneho at may sinasabi rin na mukhang nakainom daw ito
  • sa Dagupan City, yung 2 y/o na bata na namatay matapos na mabundol ng van na minamaneho ng isang pulis
  • sa Davao City, yung Traffic Enforcer na muntik nang makabangga ng taong tumatawid sa pedestrian lane
  • sa isang kampo sa Tagaytay, yung nakunan ng video na pamamalo ng isang Superintendent sa mga junior police gamit ang isang baseball bat
  • sa Moriones, Tondo, Manila, yung mga pulis na inirereklamo ng pananakit sa mga hinuli nila at paggalaw sa mga CCTV camera
  • sa Cebu City, yung hinihinalang police brutality na ginawa ng isang armadong grupo na nakunan ng video
  • sa San Jose del Monte, Bulacan, yung drug-related suspek daw na napatay ng mga pulis, pero may nawawalang mga oras ng footage yung CCTV na nakunan sana yung pangyayari
  • sa Navotas, yung pulis at ang kasama niyang naka-AWOL na pulis, na inireklamo dahil sa pananakit
  • sa Guimbal, Iloilo, yung mag-amang Representative at Mayor na inireklamo ng pang-aabuso laban sa isang pulis
  • sa Santa Cruz, Manila, yung nagtatagong Kapitan at ang mga Kagawad niya na nanggulpi sa isang binatilyo kesyo hindi daw siya nakilala bilang kapitan nung biktima
  • sa Sampaloc, Manila, yung babaeng Barangay Kagawad na nanakit ng binatilyong nasita dahil sa curfew
  • sa Barangay Commonwealth, Quezon City, yung mga tauhan ng Barangay na inirereklamo dahil sa pananakit sa mga na-detain nila
  • sa Tarlac, yung tumatakbo bilang Bokal na nanapak ng Election Officer
  • sa Pasay City, yung Barangay Tanod na kabilang sa mga nahuli dahil sa pagtutulak ng ilegal na droga
  • sa Quezon City, yung dating Barangay Tanod at isang naka-AWOL na pulis na nahuli sa magkahiwalay na anti-illegal drugs operation
  • sa Bacoor City, Cavite, yung dating pulis na nag-AWOL at isang SK Kagawad na nahuli sa anti-illegal drugs operation
  • sa Bacoor, Cavite, yung dating Barangay Tanod na sangkot sa ilegal na droga, na ginagamit pa ang sarili niyang 12 y/o lamang na anak bilang courier
  • sa Tanauan City, yung dating Konsehal ng Barangay na kasama na nahuli sa buy-bust operation
  • sa San Pablo City, Laguna, yung babaeng Barangay Kagawad na damay sa nahuli sa buy-bust operation, nabuking sa mobile phone niya na nagsisilbi siyang taga-timbre sa iba pang drug-related personalities
  • sa Bacoor, Cavite, yung number 1 na SK Kagawad na nakunan ng video at hinuli dahil sa pagbebenta ng ilegal na droga
  • sa Dasmariñas, Cavite, yung Barangay Chairman na nahuli na gumagamit at nagbebenta ng ilegal na droga, at nahulihan din ng hindi lisensyadong baril
  • sa Tondo, yung anak ng Barangay Chairman na hinuli dahil sa pagtutulak ng ilegal na droga, at nahulihan rin ng hindi lisensyadong shotgun
  • yung naka-AWOL daw na doktor na empleyado ng DOH na kasamang nahuli sa isang buy-bust operation
  • yung senior officer na tauhan ng Bureau of Fire Protection na nahuli sa anti-illegal drugs operation
  • yung Traffic Enforcer na kabilang sa mga nahuli sa anti-illegal drugs operation ng QCPD
  • sa Davao City, yung Provincial Administrator ng BJMP na arestado matapos magpositibo sa ilegal na droga
  • sa Naic, Cavite, yung dating pulis at ang karelasyon niya na active jail guard na nahuli sa buy-bust operation
  • sa Laguna, yung retiradong pulis na target at napatay daw sa anti-illegal drugs operation
  • sa Parañaque City, yung nahuling dating army officer na dawit sa kaso ng milyon daw na halaga ng ilegal na droga na naipasok sa parking lot ng isang mall
  • sa Sampaloc, Manila, yung pulis na nahuli sa buy-bust operation dahil sa pagbebenta at paggamit ng shabu
  • sa Pasong Tamo, Quezon City, yung pulis na kasama sa nahuli sa buy-bust operation sa isang bilyaran
  • sa isang bar sa Taguig, yung pulis na naki-Halloween party habang naka-full alert ang kapulisan, na nahuli pa na gumagamit ng cocaine
  • sa Sta. Cruz, Laguna, yung pulis na protektor daw ng mga drug lord na napatay sa engkuwentro
  • yung 4 na pulis ang suspek ng PDEA, na posible daw na nakipagsabwatan para maipuslit yung nawawalang nasa Php 6.8 Billion na ilegal na droga na isinilid sa mga magnetic lifters
  • sa Fairview, Quezon City, yung 10 na naaresto sa buy-bust operation, na dating Quezon City police ang itinuro bilang source nila
  • yung naka-AWOL na pulis na nahuli ng mga Sampaloc police dahil sa pagdadala daw ng ilegal na droga
  • yung Hepe ng Agoncillo PNP na nahuling ginagamit ang isang nakaw na sasakyan at nahulihan rin ng hindi lisensyadong baril
  • sa Lemery, Batangas, yung Traffic Enforcer na hinuli dahil sa ilegal na pag-iingat ng mga bala, mga magazine, at mga holster ng baril
  • sa Balete, Batangas, yung dating Konsehal ng bayan ng Balete na nahulihan ng hindi lisensyadong baril
  • sa Iloilo, yung kandidato sa pagka-Mayor na nahulihan ng hindi lisensyadong baril
  • sa Abra, yung kandidato sa pagka-Mayor na nahulihan ng mga high-powered na mga baril
  • sa Mabini, Batangas, yung Barangay Chairman na inaresto dahil sa pagtatago ng hindi lisensyadong M16 at mga bala
  • sa Quiapo, yung Barangay Tanod na damay sa nahuli sa buy-bust operation, na nahulihan ng hindi lisensyadong baril
  • nitong katapusan ng 2018, yung 7 pulis na nasangkot daw sa indiscriminate firing nitong nakaraang holidays, bukod pa yung mga opisyales at sundalo na gumawa rin ng kaparehong offense
  • sa Davao Oriental, yung sundalo na nagpaputok ng baril at yung kasama niya na nambugbog sa 2 nakaupo sa may harapan ng tindahan
  • sa Iloilo City, yung Barangay Captain na naaresto dahil sa pamamaril sa convenience store
  • sa Pangasinan, yung Barangay Kagawad na namaril ng bahay
  • sa Balete, Batangas, yung Barangay Captain na nagpaputok ng hindi lisensyadong baril dahil sa pagkainis sa resulta ng halalan sa lugar nila
  • sa Marilao, Bulacan, yung dating Vice Mayor na aarestuhin sana dahil sa kasong qualified theft, pero may granada at baril pala at nag-resist
  • yung pulis Makati na nagpaputok ng baril sa kalagitnaan ng pista
  • sa Davao City, yung pulis na hinuli dahil sa pagpapaputok ng kanyang baril habang lasing, at kesyo nakikipag-away pa daw sa kanyang live-in partner noon
  • sa Cavite, yung Traffic Enforcer na nahulihan ng 2 baril habang naka-duty, na dati na rin daw nasangkot sa insidente nang pamamaril
  • sa Caloocan City, yung pulis na nakabaril at nakapatay ng 6 y/o na bata at namaril din sa lola nito
  • yung dating kaso sa Cebu, yung lumabas sa imbestigasyon ng NBI na baril nga ng pulis yung nakatama dun sa bata na nadamay lang sa anti-illegal drugs operation
  • sa Pangasinan, yung 17 y/o na binatilyo na player ng DOTA na sasali lang daw sa tournament sa Baguio na napatay DAW ng mga pulis sa engkwentro
  • yung findings ng Public Attorney's Office na mukhang t-in-orture yung Santillan at posibleng staged yung pagkapatay sa kanya
  • sa Quezon, yung tinaguriang Tayabas Armed Encounter kung saan isa sa napatay ay anak ng isang Mayor, yung umamin yung mga pulis na involved na hindi totoo yung police report nila at na scripted yung encounter
  • yung pagtumba DAW sa 14 na mga magsasaka sa Negros Oriental
  • yung madalas nang ginagawang palusot ang pagiging involved DAW ng mga tao sa ilegal na droga kapag nabubuking na pinatay sila ng mga pulis
  • sa Capas, Tarlac, yung nangyaring barilan ng mga pulis na nag-ugat sa road rage, na ikinamatay ng 2 pulis, 1 tanod, at 1 trabahador
  • sa Bocaue, Bulacan, yung babaeng teacher na pinatay sa pamamaril ng karelasyon niya na sundalo na nagbaril din sa sarili matapos yung krimen
  • sa Calamba City, yung may 1 patay at 2 sugatan matapos ang pamamaril at pananaksak ng retired na pulis at ng kanyang anak
  • sa Pasay City, yung 19 y/o daw na Chinese na nangmolestiya ng 3 babaeng estudyante, kung saan inudyukan daw ng mga pulis yung mga biktima para makipag-areglo na lang at humihingi din daw ng cut nila
  • sa Bocaue, Bulacan, yung hepe ng mga pulis na hinuli dahil sa pangingikil daw at sa paggamit ng mga sasakyan ng mga nahuhuli nilang mga drug suspect
  • sa Tanza, Cavite, yung Hepe ng Maritime Police Station, yung nahuli sa entrapment operation na tumatanggap ng marked money dahil sa pangingikil laban sa mga mangingisda
  • sa Taguig City, yung 2 pulis na nangingikil laban sa pamilya ng drug suspect daw para mapababa ang kaso nito
  • sa NCRPO, yung pulis na hinuli dahil sa pangingikil laban sa pamilya ng isang drug suspect, posibleng dawit rin daw ang buong team ng Eastern Police District - Drug Enforcement Unit
  • sa Pasay City, yung pulis na nahuli sa entrapment operation dahil din sa pangingikil, yung natunugan kaya nakatakas yung iba pang mga pulis
  • sa Las Piñas, yung 7 miyembro daw ng Drug Enforcement Unit din, yung nasangkot naman sa pangingikil laban sa kapatid ng isang nahuli nilang drug suspect
  • sa Barangay Commonwealth, Quezon City, yung mga tauhan ng Barangay na hinuli dahil sa pangingikil, kesyo may hinuli daw sila sa palengke at tinakot nila na gagawin nila itong sangkot sa ilegal na droga
  • sa Baguio City, yung Chief ng Police Intelligence Unit na nahuli sa entrapment operation dahil sa robbery extortion laban sa hinuli niyang suspect sa kasong robbery
  • yung pulis na miyembro ng HPG na hinuli dahil sa pangingikil laban sa mga service vehicle ng isang call center company
  • yung Pulis Makati na hinuli dahil sa pangongotong sa mga habal-habal driver
  • sa Pasay City, yung pulis na hinuli ng PNP-CITF dahil sa pangongotong laban sa mga habal-habal driver
  • yung MMDA Enforcer na nagpapanggap na pulis para makapangikil laban sa mga service vehicle ng isang offshore gaming company
  • yung nahuli ng NBI na dating sundalo na nagpapanggap daw bilang abogado at naniningil pa ng malaking professional fee
  • sa Quezon City, yung MMDA enforcer na nahuli sa isang kainan na tumatanggap ng lagay mula sa hinuli nilang motorcycle rider
  • sa Makati City, yung traffic enforcers na nakunan ng video na nangikil laban sa dayuhan, MAPSA at trainee daw yung involved
  • yung Team Leader ng Manila Traffic and Parking Bureau na hinuli dahil sa pangingikil
  • sa San Jose del Monte, Bulacan, yung kawani ng barangay na naaktuhan na nangingikil sa isang piggery, na baboy at pera ang hinihingi
  • yung mga agents ng Intelligence Division ng Immigration na inirereklamo dahil daw sa panggigipit at pangingikil laban sa mga Korean
  • sa Muntinlipa City, yung pulis na hinuli dahil sa pag-o-operate ng tupada
  • sa Tondo, Manila, yung 2 pulis na naaktuhan ng mga counterintelligence na pulis na nasa tupada
  • sa Quezon City, yung may 3 nahuli mula doon sa grupo na responsable daw sa serye ng mga panghoholdap sa mga e-games at bingo establishments, isa sa mga nahuli ay kasalukuyang Barangay Kagawad ng Maynila, tapos ay dating pulis daw ang leader nung grupo
  • sa Las Piñas City, yung grupo ng mga pulis na nasangkot sa kidnapping
  • yung BIR supervisor at examiner na inireklamo dahil sa pangingikil, na nahuli sa Batangas
  • sa Tagaytay City, yung 5 naaresto dahil sa pagbebenta ng ekta-ektaryang lupa na may mga pekeng titulo, na ang lider ay dating empleyado ng DENR
  • yung dating empleyado ng Maritime Industry Authority na hinuli sa entrapment operation dahil sa pagbebenta ng pekeng certificate of proficiency, na dati na ring nahuli dahil sa pagbebenta ng mga sagot sa exam, pero pinayagan na magpiyansa noon
  • yung dating Customs Deputy Commissioner na inaresto dahil sa pagtanggap daw ng pera bilang pang-areglo sa mga kargamento
  • sa isang mall sa Makati City, yung trainee para sa pagiging LGU Traffic Enforcer na nagnakaw ng motor
  • yung airport security screener, yung hinalungkat ang bag at pinagnakawan ang isang pasaherong Taiwanese
  • yung mga ghost employee daw sa Makati na tao ng Konsehal
  • yung pulis na sangkot daw sa multi-million scam na related daw sa casino
  • yung 3 police officials na sangkot sa Php 2 Billion worth na paluwagan scam
  • yung pulis ng Eastern Police District na inaresto dahil sa estafa, bukod dun ay may pending rin daw siyang kaso regarding sa pangingikil laban sa isang sibilyan
  • sa Fiscal's Office ng Quezon City, yung empleyado na hinuli dahil sa kasong estafa laban sa mag-asawang ginustong magtayo ng laundry shop

are naman yung mga hindi pa malinaw kung anong klase nga ng mga tao ang involved o hindi tiyak o nabanggit kung sino ang nakatama:
  • dahil hindi tiyak kung paano nagkaroon ng access sa VIP na plaka, sa Angeles City, Pampanga, yung sakay ng SUV na may plakang 8 na nanakit ng kapwa niya motorista
  • sa Sampaloc, Manila, yung 2 suspek sa pagiging hired killer na in-ambush sa police mobile na sinasakyan nila, pero hindi idinamay sa pagtumba yung mga kasamang pulis
  • sa Quezon City, yung mag-anak na m-in-assacre ng hinihinalang nakaalitang pulis habang natutulog
  • yung pagpatay sa Quezon City Deputy Prosecutor kung saan suspek ang 3 pulis
  • yung pag-kidnap dun sa Fajardo, na kakilala ng pinatay na si Mayor Halili, ng organisadong armadong grupo

heto naman yung mga may kinalaman sa kahinaan ng kasalukuyang penal system at pagpapatupad ng iba pang mga batas, patakaran, at sistema sa bansa:
  • yung mga nasa katungkulan na hati ang atensyon
  • yung pagiging maselan at overprotective sa term na base naman sa pangalan ng dating hari ng Spain
  • yung pag-atake sa kalayaan ng Rappler gamit ang existence ng isang lumang article na mula pa sa panahon na hindi pa saklaw ng makabagong batas na ipinatupad
  • yung mga batas na pro-pets and pro-pet owners na mga asal peste naman
  • yung pati mga nagkalat na domesticated animals eh panira sa mga mamahaling proyekto ng pamahalaan
  • yung protektado pa rin ang mga ligaw na alaga sa kabila ng problema sa supply ng anti-rabies
  • yung paglaganap ng mga batang palaboy na lantarang umaatake ng mga pasahero sa mga pampublikong jeepney
  • sa Makati City, yung lider ng Ipit-Bus Gang na ilang beses nang nakukulong pero parati rin namang pinakakawalan
  • sa Caloocan City, yung kaso nung anak na napatay ang sarili niyang ina noong 2017 at ang sarili naman niyang ama nitong simula ng 2019
  • yung ganap na batas na ang pagbibigay ng limos
  • yung aprubado na yung 25% na increase sa opisyal na pamasahe sa jeep
  • yung nagtaas na rin ang pamasahe para sa mga pampasaherong bus sa kabila ng sunud-sunod na pagbaba naman kahit papaano ng presyo ng petrolyo
  • yung sa halip na tulungan muna ang mga mananakay na mapababa ulit ang halaga ng pamasahe kasunod ng paulit-ulit na pagbaba ng presyo ng mga produktong petrolyo, eh mas gustong unahin ng mga economic advisers na pataasin na ulit ang rate ng taxation para sa mga produktong petrolyo
  • yung hanggang sa Php 9.00 lang daw pwedeng ibalik ang base fare sa mga jeep
  • yung kagustuhan na i-ban na ang mga provincial buses sa NCR
  • yung may mga piling provincial buses na pwede pa ring pumasok sa NCR hanggang sa Parañaque area 
  • yung dagdag travel time at dagdag pamasahe nga ang idinudulot ngayon ng PITX
  • yung kagustuhan na gawing point-to-point o terminal-to-terminal na lang ang biyahe ng mga provincial buses sa area ng EDSA
  • yung aminado na walang ginawang public consultation para sa provincial bus ban sa EDSA
  • yung nasa 9,000 na motorcycle riders na kumuha ng exam sa road safety daw, pero 7 lang ang nakapasa
  • yung 2 MMDA Enforcer na magkaangkas sa motor na nasita ng ordinaryong motorista, yung blinker ang ginagamit na ilaw at hindi pa nakasuot ng tamang helmet
  • sa Manila, yung MTPB Enforcer na nahuli dahil hindi nakasuot ng helmet, pero nakipagsagutan pa rin sa taga-HPG yata yun
  • sa Cagayan de Oro, yung Traffic Enforcer na nakunan ng video na nakikipagtalo sa driver ng ambulansya
  • sa Cavite, yung nasita sa checkpoint na nagpakilala bilang isang pulis, pero nasibak naman na pala sa serbisyo
  • sa Tagaytay City, yung firing range sa kampo daw ng Cavite Police kung saan may mga umaabot na slug ng bala sa isang subdivision sa hindi kalayuan
  • yung panibagong surprise inspection na isinagawa ng NCRPO, kung saan may mga nahuli na naman na nakainom at natutulog na pulis habang nasa duty
  • sa Anilao, sa Iloilo daw, yung mga pulis na naabutan na natutulog sa mismong presinto
  • sa Cavite, yung 6 na pulis na nahuling natutulog habang naka-duty
  • sa National Shrine of St. Padre Pio, yung 4 na pulis na nakatalaga sa public assistance center na inalis sa puwesto matapos na maabutan ng opisyales na bagong gising lang at marumi ang lugar na nasasakupan
  • yung presinto kung saan walang inabutan na naka-duty o nakatao na pulis during inspection
  • sa Davao City, yung 3 pulis na sinibak DAW dahil nahuli at na-video-han na nag-iinom sa pampublikong lugar
  • yung nakuhanan rin ng video, yung 2 (yata iyon na) pulis na sinita ng mga kasamahan din nilang pulis dahil sa pag-iinuman
  • sa Quezon City, yung 5 sundalo na nahuling nag-iinuman sa kabila ng ipinapatupad na liquor ban
  • yung palpak pala yung mga police escort nung mga PDEA agent and company na natambangan sa Lanao del Sur
  • yung mga pulis na iniimbestigahan ang naging response time sa kidnapping case nung Fajardo
  • ang kahinaan ng seguridad sa kabubukas lang na Boracay
  • sa Davao City, yung mga atleta ng Palarong Pambansa at coach na nabiktima ng nakawan
  • yung nagsayang ang Comelec ng pondo para sa marking pens na hindi maganda ang kalidad
  • yung mga ulat tungkol sa mga pumapalpak na Vote-Counting Machines para sa 2019 election
  • yung mga nagpalpakang Voter Registration Verification Machines para sa 2019 election
  • sa Lanao del Sur DAW, yung video na nagpapakita ng mga pre-shaded na balota at additional pre-shading act
  • yung pagtatanggol ng Comelec dun sa video ng pre-shading, at pagdadahilan na kesyo pagpirma lang daw yung ginagawa nung mga taong nakuhanan ng video
  • sa Comelec - Bacolod, yung natagpuang mga resibo ng Voter Verified Paper Audit Trail na tila itinapon
  • yung Senator na nag-generalize na kaagad na kesyo wala daw nangyaring dayaan sa 2019 election, sa kabila ng maraming nagpalpakan at sa kabila ng mga nakunang video evidence
  • yung hindi pa rin 100% na nababayaran ng gobyerno ang lahat ng mga binilhan nila ng lupa para sa TPLEX project
  • sa iba't ibang lugar, yung mga construction contractors na hina-hire ng iba't ibang level ng gobyerno, na hindi muna pinag-aaralan kung may masisira bang linya ng patubig o linya ng kuryente sa dadaanan ng project nila bago sila magsimula
  • yung nasasayang na pondo ng TRAIN dahil sa mga contractors na hindi marunong magplano nang maayos ng kanilang mga dapat gawin
  • sa Amoranto Street sa Quezon City, yung 22-wheeler truck na lumubog ang mga gulong sa bagong gawa lang daw na kalsada
  • sa Pakil, Laguna, yung gumuho yung ginagawang extension ng tulay, na blacklisted pa pala yung nagtipid na contractor
  • yung may nag-collapse na sa hindi pa man natatapos at matagal nang itinatayong mamahalin na Ifugao General Hospital
  • yung kagustuhan na magdagdag pa ng mga dam kahit na alam na nila ang negatibong naidudulot ng mga yun dahil nga sa na-enhance ng mga simpleng ulan at bagyo
  • yung planong paglilinis ng Manila Bay na sa reclamation rin naman pala hahantong
  • yung balak daw magsira ng mga historical structures kapalit ng pagtatayo ng mamahalin na Bestfriend Imperial Bridge
  • yung maanumalya yung Imperial contractor na gagawa sa mga bagong tulay sa NCR, at naka-ban na sa World Bank
  • yung worth Php 10 Million daw na Stairway to Heaven project ng MMDA na hindi naman pala totoong kailangan dahil may alternative naman palang daanan
  • yung mga footbridge na nag-i-intersect sa mga kable ng kung anu-ano
  • yung planong kasuhan ng MMDA yung nag-upload nung video na nag-reveal muli tungkol sa iregular na pagtatayo ng isang footbridge
  • yung hindi matapos-tapos na road repair sa MacArthur Highway
  • yung project sa [Name of City] na mga poste na may pangalan ng mga street na madali lang nasira dahil mahuna yung ginamit na metal na materyales
  • sa [Name of City], yung pupuwersahin ka ng nasa kapangyarihan para gamitin yung venue na ipinatayo ng pamunuan nila, tapos biglang maniningil ng bayad
  • sa DFA, yung natangay daw ng dating contractor yung mga data ng mga passport holders
  • yung data leak sa freedom of information request website ng gobyerno
  • yung mga katiwalian daw sa APO printing ng gobyerno na may kinalaman sa travel at sa sistema na rin sa printing
  • sa Mabini, Batangas, yung pabrika ng semento na 3 taon na DAW paso ang permit pero nag-o-operate pa rin
  • yung ginagamit ng mga political clans and alliance ang Party List system para mas makakuha ng mas maraming kapangyarihan
  • yung Representative na hindi sumunod sa security procedure sa NAIA
  • yung babaeng Representative na inirereklamo dahil DAW sa pagpapasagawa ng Gluta-drip session sa mismong opisina niya
  • yung pati naman mga bagay na hindi na dapat pinakikialaman pa dahil sa historical value eh talagang gusto pang pag-aksayahan ng panahon para lang masabi na nagtatrabaho sila
  • yung gustong sirain ng Bureau of Customs yung nasa Php 12,000,000 worth daw ng smuggled na mga sibuyas na nasabat nila sa halip na mapakinabangan ng mga mamamayan
  • yung nasa Php 120 Million daw na halaga ng nasabat na smuggled na bigas na nasa poder na ng BOC sa Zamboanga, pero talagang nawala pa
  • yung tila protektadong-protektado yung isyu tungkol sa mga magnetic lifters
  • yung pagtataas ng rate ng documentary stamp tax sa kuhanan ng foreign remittance
  • yung mas nagmahalan pa ang presyo ng mga bigas sa lugar namin noong ipinatupad na yung panibagong naming system, kahit na kaparehas lang naman sa dati ang mga klase ng bigas na ibinibenta
  • yung madadamay pala sa pagtataas ang presyo ng mga karneng de lata sa oras na ipatupad na ang rice tariffication bill
  • yung may shortage na rin daw sa supply ng siling labuyo
  • sa Laguna, yung tone-toneladang mga kamatis na nasayang lang dahil hindi maibenta
  • sa Albay, yung oversupply ng sitaw sa kabila ng kakulangan ng supply sa ibang mga rehiyon
  • sa Candaba, Pampanga, yung oversupply ng Melon
  • sa Benguet, yung naging oversupply ng mga gulay
  • yung oversupply ng talong sa Nueva Ecija
  • yung hindi rin naman napababa ang presyuhan ng kamatis sa kabila ng labis-labis na supply nito dahil sa manipulasyon ng ibang supplier
  • yung mas pinagbabawalan na ang mga magsasaka na magbilad ng kanilang naaning mga palay sa kalsada, samantalang wala pa namang konkretong plano na nagagawa ang pamunuan para makapag-provide ng accessible na facility para matulungan sila
  • yung reklamo na ipinarating sa Ombudsman, yung ipinambayad pala ng NFA sa utang yung pondo na nakalaan para sa pagbili ng bigas mula sa mga lokal na magsasaka
  • yung magreresultang unemployment dahil sa magiging pagbabago ng function ng NFA
  • yung bawal pala ang paggamit ng synthetic acetic acid sa produksyon ng suka sa loob ng bansa, pero ayaw pang pangalanan kung alin-alin bang mga brand ang lumalabag dun sa patakaran na iyon
  • yung walang sumasagot sa mga tawag sa isang opisina ng SSS kahit na office hours pa naman
  • yung kagustuhan ng SSS na damay-damay ang mga miyembro sa pagsalo ng mga magiging dagdag na gastusin dulot ng pagpapalawig sa Maternity Leave and Benefits
  • ang kagustuhan ng SSS na gawin ng 15% ang porsyento nila sa kita ng mga tao para daw masalo ang kakulangan sa pondo ng ahensya nila
  • yung puwersahang paghuhulugin ng SSS ang mga OFW ng 100% ng amount na proportional sa monthly na kita nila
  • yung nasa maalin sa more than Php 10 Billion o 400 Billion pa pala ang mga hindi nasisingil na obligasyon ng SSS
  • yung gustong taasan ng PhilHealth ang contribution ng mga members para lang masalo ang Universal Health Care Bill, 50% na pagtataas ang gusto nila para sa pinakamababang rate ng contribution
  • yung panay pro-health ang mga panukala sa kabila ng kakulangan sa pondo, at sa kabila ng patuloy na pagkasira ng kalikasan dahil sa dami na ng mga tao
  • yung bumaba ang kita ng PCSO matapos na ipatupad yung documentary stamp tax
  • yung sinasabi ng nasibak na General Manager ng PCSO tungkol sa mga taong gustong manipulahin ang sistema nila
  • yung patataasin rin ng pinahintulutang taas-singil ng mga supplier ng tubig sa NCR area ang VAT na kailangang bayaran ng mga consumers
  • yung babaeng mastermind daw sa ibang kaso, na c-in-laim kaagad nila na may kinalaman daw sa mga rebelde, tapos eh binawi rin yung paratang, kesyo wala daw pala silang sapat na ebidensya
  • yung mga pulis na nagpapaapekto sa isang fictional na TV program sa kabila ng pagkakaroon naman talaga ng katiwalian sa totoong buhay
  • yung naging pagkilos ng PNP at DILG laban sa isang TV program
  • yung planong bumuo ng Death Squad laban DAW sa mga rebelde
  • yung panawagan na huwag magbigay ng suporta sa mga rebelde, samantalang hindi naman lubos na maprotektahan ang mga investment ng mga negosyante
  • yung panay ang benefits para sa mga armadong tauhan, samantalang kulang pa sa benepisyo yung mga walang armas 
  • yung dagsa kaagad sa Senado yung mga tuta at bobong mga pulis na sabik na mang-aresto ng Senador kahit na wala namang warrant
  • yung profiling na ginagawa ng mga pulis sa mga miyembro ng ACT
  • yung hindi tugma-tugma ang statements patungkol sa bombing sa Mindanao
  • yung may pruweba naman na posible ngang may nagmamasid sa bahay ng isang Senador, pero kini-claim na kaagad ng mga nasa itaas na kesyo paranoid lang yung tao kahit na wala naman silang ginagawang imbestigasyon
  • yung namamanipula ang mga records o documents sa mga base
  • yung napatunayan na peke lang ang ibang bintang laban sa Senador na dating nasangkot sa mutiny
  • yung parang wala namang silbi ang mga desisyon sa mababang level na nagpapatupad ng hustisya, dahil hindi naman final ang desisyon hangga't hindi yun umaabot sa tuktok, pero ayaw naman nilang buwagin yung mga level sa ibaba kahit na ganun na nga yung setup
  • yung applicable yung seniority rule kahit na para sa mga taong gumagawa ng mali at hindi patas
  • yung inabsuwelto na ng Supreme Court ang asawa ng Diktador, sa kabila ng presence ng nakaw na yaman
  • yung pwede palang magpiyansa kapag ang nahatulan mong kaso ay kaugnay ng panggagago sa buong bayan
  • yung parang lumalabas sa naging desisyon ng korte na may mga opisyales na hindi namo-monitor kung saan napupunta yung malalaking budget na dumadaan sa kanila
  • yung pati NGO Queen eh magkakaroon rin ng pagkakataon na ipa-dismiss yung kaso niya matapos yung mga nabunyag na noon at sa kabila ng mga yaman na ebidensya
  • yung bagong batas na magagamit ng mga halal na opisyales para protektahan ang mga SALN nila
  • yung nasa bilyong piso na tinatawag na Congressional insertions na napunta sa teritoryo ng head Representative
  • yung hindi pala tinanggap bilang mga ebidensya iyong findings ng Anti-Money Laundering Council na nasa Php 80 Million plus daw na pinaikot na pera ng mga suspek within just 30 days
  • yung tila daw may pinaboran na contractor at area ang Budget Secretary
  • yung Motor Vehicle Users’ Charge na ipinapaipit pala ng palasyo sa Budget Secretary

  • yung nasa bilyong piso rin na budget allotment para sa iba pang mga Representatives
  • yung ginagamit na dahilan ang mga importanteng budget para lang mapilitang aprubahan na rin ang mga kuwestiyonableng budget
  • yung hostage rin pala ang budget sa pagho-host ng SEA Games 2019 sa paglalabas nung budget na may mga kuwestiyonableng realignments
  • yung inamin ng pinuno na ang Solicitor General ang trumabaho sa kaso ng Senador na dating nasangkot sa mutiny, pero iisang tao lang ang kanilang pinuntirya
  • yung hindi naman hinahabol ng Solicitor General yung mga sundalo at miyembro ng Philippine Constabulary na umabuso sa panahon ng Martial Law
  • yung premature campaigning na gumagamit ng term na "gusto namin ang boses mo sa ....."
  • yung pagpapakalat ng mukha at pangalan sa Liga ng mga Barangay
  • yung Representative na nagbanta na hindi magri-release ng PRC license sa mga hindi nakakakilala sa kaibigan niyang premature campaigner
  • yung 2 nasa katungkulan na pinagtatakpan ang medical condition ng pinuno ng bansa, tapos saka nila sasabihin na hindi nila alam ang totoong nangyari kapag lumabas na ang totoo
  • yung hindi na alam ng Spokesperson ang pinaggagagawa ng pinaglilingkuran niya at may mga pagkakataon na mali-mali na ang kanyang mga pinagsasasabi sa publiko
  • yung pinagtakpan na naman yung istorya ng pinuno ng bayan tungkol sa sexual abuse laban sa kanilang kasambahay, na kesyo gawa-gawa lang daw iyon
  • yung presidential appointee sa board para sa mga State University, na pabirong nag-uudyok ng karahasan sa social media regarding collegiate basketball
  • yung kaalyado ng mga nasa posisyon na, pero ang plataporma kuno para sa panahon ng kampanyahan ay salungat sa mga patakaran na ipinatutupad na ng kanilang alyansa
  • yung opisyales na bastos na kinukuwestiyon kung bakit niya kailangang sumunod sa tamang procedure
  • yung miyembro ng Dictator's Youth na nakakuha ng posisyon, na ginagamit ngayon ang kapangyarihan para i-suppress naman ang mga aktibistang kabataan
  • yung miyembro ng Dictator's Youth na gustong tanggalan na ng scholarship ang mga estudyante na magpapahayag ng pagtutol sa pamamalakad ng pamunuan
  • yung miyembro ng Dictator's Youth na nagpa-meeting pa sa dati niyang nahawakan na posisyon kahit na nag-resign na siya
  • yung miyembro ng Dictator's Youth na kuwestiyonable ang edad at ang ginawang substitution para i-represent ang grupo nila
  • yung tutol sila sa mga patakaran laban sa pagmumura sa mga piling lugar puwerket hilig gawin iyon ng pinuno ng bansa
  • yung may kalayaan yung isang government official na mag-post sa kanyang fake blog kahit na during office hours
  • yung binastos na rin ng isang government official at ng kanyang kaibigan ang mga PWD para lang i-promote ang gusto nilang anyo ng pamahalaan
  • yung ang balak na i-represent na partido ay sangkot sa anumalya ng NGO Queen
  • yung pinuri pa ng gobyerno yung university na nagkulang sa pagha-handle sa kaso ng bullying
  • yung istorya mula sa miyembro ng dating gobyerno, na bagsak ang ekonomiya at ibinaon ng Dictator Clan sa mga utang ang bayan, at pinuwersa ang pumalit na pamahalaan para bayaran yung mga utang
  • yung opisyal ng lokal na pamahalaan na pabor sa pagsisinungaling tungkol sa school credentials
  • yung opisyal ng lokal na pamahalaan na kapag kaso ng mga kakampi niya ang pinag-uusapan eh kesyo korte lang daw ang makakapaghatol dun, pero kapag kaso ng mga hindi kakampi ang pinag-uusapan eh kaagad siyang nanghuhusga
  • yung pinagbabawalan na ang mga mangingisda na magpasakay ng media papunta sa pinag-aagawang teritoryo
  • yung bawal daw magtrabaho bilang construction workers ang mga foreign workers, pero may mga nahuli na may special permit
  • yung binigyan pala ng DENR ng Environmental Compliance Certificate noong 2018 yung Imperial vessel na gusto ngayong manguha ng buhangin sa Lobo, Batangas
  • sa Lobo, Batangas, yung Imperial vessel na gustong manguha ng buhangin at ayaw nang umalis
  • yung natural resources pala ng bayan ang ipinangakong pambayad kung sakaling hindi mababayaran ng pera yung mga inutang sa Imperyo
  • ang pagdami ng mga negosyanteng Imperyalista at iba pang banyaga sa Boracay
  • yung paulit-ulit na pagkukunwari ng gobyerno na kesyo may mga ginagawa silang aksyon para maprotektahan kuno ang inaagaw na teritoryo
  • ang pagkukunwari ng gobyerno at ng Imperyo na kesyo hindi nila alam ang tungkol sa walang-habas na pangunguha ng mga Giant Clams sa pinag-aagawang teritoryo
  • sa Las Piñas City, yung Imperial food plaza na nakitaan ng napakaraming violations kabilang na ang paggamit ng resibo na may foreign characters na hindi daw rehistrado sa BIR
  • sa Bulacan, yung factory ng pekeng sigarilyo ng mga taga-Imperyo, bukod pa yung kaso nila ng pagmaltrato sa mga local workers

at may kaso na iba-iba ang kategorya:
  • sa Bacoor, Cavite, yung itiniwalag na pari na nahuli na gumagamit ng ilegal na droga for research daw
  • yung nauuso na naman yung mga pari na nasasangkot sa mga kaso regarding sexual abuse
  • yung nahuli ng Cubao PNP, yung Pastor na naaktuhang nagbebenta ng ilegal na droga
  • yung pagkauso lately ng mga death threat laban sa mga taong simbahan
  • yung mga taong ang kakapal ng mukha na magsabi ng "i feel you" patungkol sa krisis na hinaharap ngayon ng bayan, pero patuloy naman ang pagsuporta sa mga palpak at tiwaling mga pinuno
  • yung pagiging bias ng maraming tao sa pagsagot sa mga survey lalo na yung mga taga-Southern Island
  • yung hindi rin tugma ang survey tungkol sa pagsuporta sa pinuno at pagtutol sa pananakop ng Imperyo
  • yung negatibong epekto ng mga survey, kung saan ilang daan lang naman ang tinatanong, sa desisyon ng maraming mga mamamayan
  • yung mga taong nagpapasalamat pa sa mga promotor, na kesyo hindi muna paaandarin ang kasunod na train, na para bang nasolusyunan yung problema na sila rin naman ang gumawa
  • yung tuwang-tuwa yung mga hindi nag-aambag dahil sa Universal Health Care Bill
  • yung adjustment na ginagawa ng mga ospital sa bill na ipapasa sa PhilHealth
  • yung mga espesyalistang propesyonal na hindi nagbibigay ng resibo
  • yung mga iresponsableng mamamayan na nakakasira o naninira kaagad ng mga mamahalin na goverment projects
  • yung kung sino pa ang mga nililimusan ng gobyerno, eh sila pa talaga yung mas mapanira sa kalikasan, particularly yung mga tumitira malapit sa mga anyong tubig
  • yung gustong gawin na Php 10 ang minimum na pamasahe sa jeep, at hindi na pasok dito yung kapritsosong modernization plan
  • yung gusto nang paabutin ng ibang transport group sa Php 12 ang minimum na pamasahe sa jeep
  • yung mga tusong transport group na mas gusto ang taas-pasahe kesa sa cancellation ng excise tax at VAT, dahil alam nila na mas malaki yung makukuha nila sa per passenger na taas-pasahe kumpara sa per litro na bawas-gastos 
  • yung mga masasamang jeepney driver na Php 9.00 ang iginiit na 20%-discounted rate na pamasahe, samantalang Php 8.00 lang dapat iyon
  • yung sistema ng pagbebenta ng gasul sa tindahan, kung saan nagagawa pa pala nilang magpatong ng additional na Php 50 sa rate kung saan may tubo na sila
  • yung ginawang pag-atake ng mga netizens sa ipinakalat na maling address nung Prestigious Bully
  • yung ina-assume na kaagad ng mga mamamayan na maraming mapaparusahan na mga kabataan kapag naibaba na ang age for criminal liability
  • yung mga batang sinasadyang makipagpatintero sa mga dumadaang sasakyan sa lansangan
  • yung maging mga batang kababaihan sa panahon ngayon eh nanggugulpi na rin sa kalye habang kumukuha pa ng video ng karahasan nila
  • yung may gang war na rin sa [Name of City], malapit pa sa mismong munisipyo
  • sa Quezon City, yung babaeng hinoldap at hinipuan pa daw ng 2 menor de edad na lalaki na armado ng patalim
  • sa Caloocan, yung tila tino-tolerate na ng maraming tao ang patayan, at talagang may mga tao pa na nagchi-cheer para mangyari ito
  • yung kompanya ng Fake News na na-ban na sa kilalang social media platform
  • yung tila statistical defense na ginagamit ng ibang mga tao para bigyan ng katuwiran ang nangyayari ngayon sa ekonomiya ng bayan, sa kabila nang presensya ng mga totoong ebidensya
  • yung maraming mamamayan na nagse-celebrate sa mga pampublikong parke, pero nag-iiwan naman ng napakaraming nakakalat lang na mga basura 
  • yung negative impact ng Climate Change sa agrikultura ng buong bansa
  • yung endangered na pala ang species ng Tawilis, pero mababa pa rin ang pagpapahalaga sa mga ito ng mga mamamayan ng bansa
  • yung pakikipag-agawan ng maraming non-mass transport vehicle sa supply ng limitadong petroleum products
  • yung isyu ng sexual harassment sa Miss Earth pageant
  • yung may mga nag-claim kaagad na nakakamatay daw ang Dengvaxia mismo, dahilan kung bakit marami tuloy mamamayan ang natakot na sa lahat ng klase ng mga vaccine
  • yung pinakamataas daw ang bilang ng mga insidente ng rape sa Safest City
  • yung parati na lang kini-claim ng pamahalaan na kesyo nahahaluan ng mga rebelde ang mga protesta laban sa palpak na pamumuno nila
  • yung pagiging balimbing ni MRT Man, na kaalyado na ngayon ng kaalyado ng mga dating magnanakaw at abusado sa katungkulan
  • yung inilaglag na kaagad ni MRT Man ang mahalay na halik ng kanyang dating amo nang mawala na siya sa katungkulan
  • yung maraming mga kandidato o campaign team nila ang pasaway sa pangangampanya
  • sa Quezon City, yung pamimigay ng isang TV host ng pera sa kampanya ng ilang kandidato
  • sa Makati, yung bangayan ng mga Binay sa forum sa isang simbahan
  • yung kandidato na ginawang katatawanan ang nakaraan ng isang babaeng celebrity
  • yung mga kandidato na may plataporma kuno na tutol sa korupsyon, pero may mga kagrupo naman na mga magnanakaw
  • yung mga kandidato na may plataporma na laban kuno sa masamang bisyo, pero may mga kagrupo na nauugnay sa masamang bisyo
  • yung may mga artista na gumagamit ng pangalan nila para sa demolisyon, para sa kapakanan ng kaalyado nila sa pulitika
  • yung artista na iniisip na giyera lang ang paraan para maprotektahan ang mga inaagaw na teritoryo ng bansa
  • yung artista na nagsabi na walang "MALI" na boto, kahit na alam niyang may mga kriminal sa mga pagpipilian
  • yung singer na marumi kung mag-isip, na pro- sa muling pagbusal sa media
  • yung mga hacker ng private content para sa layunin ng character demolition
  • yung basta-basta na lang nagpapakalat ng hindi verified na listahan ang anak ng pinuno ng bansa sa social media
  • yung mga pinuno na nag-e-endorse ng mga bistadong kriminal
  • yung religious group na nag-e-endorse ng mga kriminal
  • yung isa pang religious group na puros mga kriminal rin ang ini-endorse
  • sa isa sa mga venue para sa overseas absentee voting, yung may nagpakalat ng campaign materials
  • sa Cavite, yung mga supporters na nahuli dahil daw sa pamimili ng boto
  • yung report ng PCIJ tungkol sa paglobo ng yaman ng mga practitioner ng nepotismo
  • yung may bagong version na naman ng Dictator's Law history yung balimbing na tuta ng dating Diktador
  • yung sinasamantala ng Dictator Clan ang kakulangan sa recording technology at ang kawalan ng mga record noong panahon ng paghahari nila para palabasin na gawa-gawa lang ang mga pang-aabuso sa panahon ng Dictator's Law
  • yung kandidato na siniraan ang mga survey, pero ni hindi naman factual yung istorya
  • yung mang-aagaw na nga ng mga teritoryo ang Bestfriend Empire, tapos eh mang-aagaw pa ng mga trabaho yung mga mamamayan nila
  • yung sinisilip dito sa bansa ang pagkakaroon ng maraming mga taga-Bestfriend Empire na ilegal na nagtatrabaho, samantalang ang dami na ng mga Filipino na bumastos sa patakaran ng iba't ibang mga bansa nang dahil din sa paghahabol sa hanapbuhay
  • ang lantarang paninigarilyo ng mga mamamayan ng Imperyo sa mga NO SMOKING area sa kanilang probinsiya
  • yung ang mga Mainlanders ang nangunguna sa paglabag sa mga patakaran sa rehabilitated na Boracay
  • yung mamamayan ng Mainland na tinapunan ng taho yung isang pulis na nagpapatupad ng anti-terrorism procedure sa pampublikong mass transport system dito sa bansa
  • sa Makati City, yung 2 Mainland citizens na nagpapatakbo daw ng prostitution den gamit ang mga probinsyana, kung saan 11 ay mga menor de edad
  • yung mga offshore online casino ng mga Imperyalista na posible daw na hindi nagbabayad ng kaukulang buwis para sa kita at para sa pasuweldo sa mga empleyado
  • yung naangkin na rin ng Imperyo ang Banaue Rice Terraces ayon sa travel guide
  • yung vacation bullying ng Imperyo gamit ang autonomous territory nila
-----o0o-----

May 25, 2019...

yung bawal pala ang paggamit ng synthetic acetic acid sa produksyon ng suka sa loob ng bansa..
pero ayaw pang pangalanan ng pamunuan kung alin-alin bang mga brand ang lumalabag dun sa patakaran na iyon...

hindi naman daw automatic na masama para sa kalusugan..
pero kailangan pa ring malaman kung nasa food grade o nasa industrial grade ba...?

is feeling , , inaalalayan ba ang magiging economic impact...??

>
yung nahuli ng Cubao PNP..
yung Pastor na naaktuhang nagbebenta ng ilegal na droga...

is feeling , saang sekta naman yun...?

---o0o---

May 27, 2019...

yung bobong website administrator eh more than 3 years ago na..
tapos yung video actor eh may attempt na pala noong August 2018 pa lang...

kung sino man ang totoong nagpakawala sa kanila..
mukhang itinatanim talaga sila nang mas maaga sa mga target nilang sirain..
malamang para palabasin na may sabwatan nga..
and to think na tinataniman rin nila ang mga taong simbahan na itinuturing rin na mga kalaban...

is feeling , provoke...

>
yung batas na kesyo bawal mambastos, manipol, o kahit kumindat man lang sa babae..
pero yung mismong pinuno ng bayan eh unlimited bastusan laban sa mga babae ang privilege.. :(
at ipinagtatanggol pa siya ng mga Panatikong Zombie nila...

is feeling , VIP treatment.. special privilege...

---o0o---

May 28, 2019...

4Ps..
kung saan gatas na mula sa mga kumakayod ang ipambibili ng suporta ng mga dependent..
mas mataas na rate ng gatasan = mas maraming mabibiling suporta..
mas magandang pagkakataon rin para sa mga iresponsable para mag-torjack-an na lang na parang mga daga...

pamilyar ako dun sa sistema..
kung saan maging mga hindi qualified eh isinasama sa listahan kapalit ng porsyentuhan..
bukod pa yung nagagamit yung sistema bilang pang-blackmail tuwing panahon na ng pilian..
kesyo matitigil ang pagbibigay ng limos kung hindi yung mga nasa o may dikit sa kapangyarihan ang susuportahan...

is feeling , ang pinaka-safe na support-buying technique...

>
grabe yung mga baguhan..
gutom na gutom sa kapangyarihan..
plano na kaagad na kunin ang mga posisyon sa Jonin House...

mukhang wala nang sitahan sa budget na magaganap sa susunod..
mukhang dadaloy na nang mabilis ang mga insertions...

is feeling , pupuwesto lang sila para pagtakpan ang totoong plano...

---o0o---

May 29, 2019...

vicious, haha!

unfortunately..
ang bayan na 'to ay pinaghaharian ng mga tiwali at palpak... :(

1) kung hindi man direktang pagnanakaw iyon..
malaking kapabayaan pa rin na magpondo ng gatas sa pekeng NGO at saka lang aamin kapag nagkahulihan na...

2) ang pagpapasauli ng pera ay hindi sapat na kaparusahan..
dahil yung kapabayaan sa pagma-manage ng gatas (at the very least), eh threat na para sa buong bayan...

3) ang pagiging masyadong maluwag sa pamamalakad ng mga nangangasiwa sa pilian, na nagiging dahilan para gawing playground ng mga kriminal ang pamunuan..
Police Clearance, NBI Clearance, Civil Service, at maging Physical Examination..?
mahigpit ang ibang mga sistema sa pagtanggap ng mga aplikante..
pero para sa mahahalagang katungkulan, eh mabababaw lang ang requirements, maliban sa pagkakaroon dapat ng pera...

is feeling , at wala sa kanila ang papayag na i-reform ang batayang sistema ng mga patakaran sa mabuting paraan...

>
yung espesyalistang doktor na kumikita ng nasa Php 35,000 a day..
yung tumatanggap ng kumpol ng mga pasyente sa loob ng limitadong oras..
na pinapaspasan na lang yung pag-accommodate dun sa iba...

tapos biglang hindi magbibigay ng resibo yung secretary..
ewan ko lang kung magkasabwat sila nung doktor, dahil may log book naman eh..
pero anak ng..
ang laki-laki ng kita..
minamadali pa yung ibang trabaho..
tapos hindi magbabayad ng tamang buwis...?

is feeling , kaya ibang trabahador ang sumasalo sa pagbubuwis eh...

>
bakasyon na naman ang Fighting Jonin...

sana talaga matuluyan na..
knockout to death, please...

is feeling , popularity muna bago ang bayan...

---o0o---

May 30, 2019...

may punto rin naman yung babaeng Jonin...

hindi ako pamilyar sa batas sa pagkakaroon at pagdadala ng armas..
pero sa tingin ko naman eh bawal iyon kapag wala pa sa legal age ang isang tao..
base sa nabasa ko eh 21 y/o pa nga ang minimum eh...

ngayon..
ang isa sa purpose ng mga reserved ay para sa panahon ng emergency..
kung susundin ang technicality ng mga batas..
anong mangyayari kung magaganap ang emergency sa panahon na wala pa sa legal age ang mga reserved..?
babaliin ba nila ang batayang batas...?

is feeling , curious ako kung may database ba ang mga reserved, o kung kailangan pang magpakita ng diploma kapag oras na ng kagipitan...?

>
bakit hindi yung mga nililimusan ang i-train bilang mga sundalo..?
kung talagang kulang sa puwersa..
kesa naman habambuhay na lang silang lilimusan, since economically eh mababa ang probability na makatakas sa kahirapan ang mga nasa ganun nang level...

is feeling , kesa naman marami ang mga tambay, sugarol, at manginginom gamit ang limos...

>
panay pro-health ang mga panukala..
limos system pa...

samantalang pasira na nang pasira ang mundo dahil sa sobrang dami ng mga tao at ng mga basura nila...

is feeling , huwag nating masyadong dayain ang battle for survival...

---o0o---

May 31, 2019...

yung pumayag na daw sa subasta ng mga alahas..
pabida move para sa clean up drive...

siyempre kaduda-duda dahil magka-alyansa sila...

is feeling , hindi sila mawawalan, dahil nakaw lang naman ang mga yun to begin with...

Ang Alamat ng Most Undesirable Guy on Earth - Last Week of May 2019 (2 Years)

Loveless Story

May 27, 2019...

bilang lalaki..
nakakatakot para sa akin ang maloko ng retokado mula sa same sex - in terms of physical attraction, at the least..
napatunayan na kasi sa akin ng media na kaya na talaga ng Science sa panahon ngayon na pagmukhaing mga babae ang mga taong hindi matanggap ang original nilang gender...

pero hindi lang pala iyon nakakatakot para sa same sex..
lately, na-realize ko na halos ganun rin pala yung mararamdaman kong takot in case man na retokado na totoong babae yung makikilala ko..
medyo bonus na lang na kahit papaano eh nasa opposite sex pa rin kayo...

medyo madami na rin kasi akong nakita..
at 2 yung major ang naging evolution nung mukha..
iba pa kasi kapag mas gumaganda lang ang babae dahil sa pag-lighten ng skin tone..
mas marami yung nakita ko ng ganun ang kaso..
yung pumuti lang, pero makikita mo pa rin naman sa facial structure na walang nagbago...

samantalang para dun sa 2..
na-alter talaga yung natural structure ng mga mukha nila..
mabuti na lang at pamilyar ako sa original nilang itsura..
natatawa na lang ako dun sa mga lalaki na nagsasabi na sila na yung pinakamagaganda..
minsan iniisip ko kung anong mararamdaman ng mga taong iyon kapag nakita nila yung mga dating pictures ng mga babaeng kinahuhumalingan nila...

basta ako..
siguro gagawin ko nang requirement na show all muna bago ako maniwala na babae nga ang isang tao...

is feeling , stay vigilant...

-----o0o-----

[V-League]

PVL Season 3 - Reinforced Conference (Preliminary Round 1)

May 26, 2019...

madami ang tao sa opening..
na-dissolve ang Fighting Warays, mukhang dahil sa pagkamatay ni Coach Nes..
wala na ring representatives ang Air Force at Navy...

Army Troopers versus BaliPure

para sa BaliPure..
mostly galing sa NCAA ang mga players nila..
si Bombita ang natayong local Ace Player..
iisa pa rin lang ang nakakalaro nilang guest player, si Vajdova..
para naman sa Army..
wala si Salak..
hindi player kundi coaching staff si Bunag..
nag-gain ng weight si Gonzaga, galing daw sa injury..
balik Army na rin si Balse galing Creamline dati..
nakuha na rin nilang guest player si Lymareva (former Angels), kapares nung Jordan na Middle Blocker...

Set 1, 25-20, madalas na lamang ang Army..
Set 2, 25-16, madalas ulit na nasa Army ang kalamangan..
Set 3, 24-26, madalas na lamang ang Balipure at nagawa rin nilang maagaw ang set mula sa Army..
Set 4, 25-23, maagang nakalayo ang Army, nakagawa pa ng late chase ang BaliPure pero kinapos sila dahil sa error...

3-1, panalo ang Army...

Player of the Game si Lymareva with 15 points from 12 attacks and 3 service aces..
Jordan also with 15 points from 10 attacks, 3 kill blocks, and 2 service aces..
Tubino with 9 points..
Gonzaga with 8 points..
para naman sa BaliPure..
Vajdova scored 20 points from 18 attacks, 1 kill block, and 1 service ace..
may plus 11 excellent receptions din siya..
ang mas fit ngayon na si Bombita with 18 points from 14 attacks and 4 service aces..
kaso ay namigay sila ng 40 errors para sa Army...

Creamline versus Angels

bago na nga ang Coach ng Creamline, foreigner ulit, mula daw sa China..
sina Guino-o at Negrito eh in-adopt nga ng Creamline..
iba na din ang Head Coach ng Angels, consultant na lang si Coach Jerry Yee..
si Prado naman ang in-adopt nila mula sa nabuwag na Fighting Warays..
nakuha ng Angels si Johnson (former BaliPure), kasama nung malakas din na si Salas..

Set 1, 22-25, bangko sina Galanza at Gumabao, pasok naman sa starters ng Creamline si Guino-o, dikitan ang laban, kaso hindi matunog ang pangalan nung guest player na Middle Blocker ng Creamline na si Blanco..
Set 2, 24-26, madalas na lamang ang Creamline, na-injure kaagad si Baldo kaya palit muna si Galanza, pero naagaw pa ng Angels yung set, nanaig ang Angels dahil sa kanilang 16 attacks and 5 service aces kontra sa sarili nilang 10 errors..
Set 3, 22-25, maaga namang nakahabol ang Angels, ipinasok na rin si Gumabao, pero talagang nananaig ang mga attackers at blockers ng Angels...

3-0, panalo ang Angels..
iyon ay kahit na nagpakawala sila ng 33 errors in just 3 sets..
talo na ulit kaagad ang Creamline...

Player of the Game si Salas with 20 points from 18 attacks and 2 kill blocks..
partida pa na kadarating lang pala niya sa bansa kagabi..
Johnson scored 16 points..
Panaga with 9 points..
Nunag with 8 points..
nakagawa rin ang Angels ng 11 service aces laban sa Creamline within 3 sets..
para naman sa Creamline..
walang nakaabot sa kanila sa double figures..
Blanco with 9 points..
Kaewpin with only 8 points...

nagkalat kaagad sa mga service error ang Creamline..
kulang sila sa blocking, lalo na laban sa mga kalabang guest players..
naka-off rin ang kanilang coverage...

is feeling , bad start na naman for Creamline.. gaya nung last season, same conference...

---o0o---

May 29, 2019...

Creamline versus Army Troopers

konti lang ang live audience..
mukhang hihintayin na muna yung isa pang guest player ng BaliPure, kaya nagpalit muna ng schedule...

Creamline versus Balse..
tanggal na kaagad ang foreign head coach ng Creamline..
maglalaro si Baldo..
mas slim rin ngayon si Kaewpin...

Set 1, 25-21, balik sa starter si Gumabao kapalit ni Guino-o, nakaagwat ang Creamline matapos ang 2nd technical time-out, inilamang nila ang kanilang 3 blocks and 4 service aces plus 7 opponent errors..
Set 2, 25-16, si Bicar na ang Setter ng Army, nakaagwat ang Creamline matapos ang 1st technical time-out, nanaig sila dahil sa kanilang 15 attacks and 3 service aces..
Set 3, 25-18, nakakuha ng early lead ang Creamline, nakapagpasok pa sila ng 3 substitute kabilang si Galanza...

3-0, panalo ang Creamline..
nakakuha na rin sila ng panalo...

as expected..
Player of the Game si Bb. Gumabao with 13 points from 9 attacks, 2 kill blocks, and 2 service aces..
Baldo and Blanco with 12 points each..
Kaewpin and Sato with 9 points each..
so talagang na-distribute ni Morado nang maayos ang opensa, with 27 excellent sets..
para naman sa Army..
si Jordan lang ang umabot sa double figures with 10 points..
nalimitahan naman si Lymareva sa 9 points lang..
Gonzaga with 7 points...

nakiki-coach na rin sina Baldo, Morado, at Gumabao..
mas okay nga yung starter ngayon, katulad ng ginagamit ni Coach Tai dati, kung saan kapares ng Middle Blocker si Gumabao..
mabuti rin na na-activate ang blocking ni Blanco maging laban sa mga guest player ng Army..
maging si Kaewpin eh naipakita na yung totoong mga palo niya...

BanKo versus Angels

naka-foreign coach na rin ang BanKo..
nasa coaching staff na rin nila si Sangmuang..
wala na sa kanila sina Dacoron at Emnas, so hihina sila pagdating ng Open Conference...

Set 1, 19-25, nakaagwat ang Angels makalagpas ang 2nd technical time-out, inilalabas pa si Bright, inilamang ng Angels ang kanilang 3 service aces plus 6 opponent errors..
Set 2, 21-25, nakakuha ng early lead ang Angels, late na yung nagawang chase ng BanKo, inilamang ng Angels ang kanilang 14 attacks and 3 service aces..
Set 3, 12-25, nakalayo ang Angels matapos ang 1st technical time-out, matagal na inilabas si Bright, nagkaroon pa ng bench time ang Angels...

3-0, panalo ang Angels..
naka-2 na kaagad sila...

Player of the Game si Johnson with 21 points from 19 attacks, 1 kill block, and 1 service ace..
tumaas nga ang accuracy niya for this game..
Salas with 18 points, plus 8 digs and 14 excellent receptions..
para naman sa BanKo..
si Tiamzon lang ang umabot sa double figures with 11 points..
hindi naman nakabuti para sa kanila na hindi naging all-around player si Bright...

maliban sa mga Setter, pang-volleyball pa rin talaga ang pangangatawan ng mga players ng Angels..
kahit yung mga may edad na sa kanila at yung mga may anak na eh fit pa rin..
at La Salle pa ang core nila...

is feeling , salamat Creamline para sa muling pagtulong kina Morado at Galanza.. mukhang Angels ang team to beat for this conference...

-----o0o-----

May 28, 2019...

naka-2 years na pala ako with PayPal..
pero sobra pang layo bago ako makaabot sa 7 digits...

sigurado na rin na lalabas yung sales ko mula sa 1st store..
kaya medyo maibabalik ko na yung mga nawala sa savings ko sa bangko...

tapos..
kahit papaano eh sumipa na yung supporters ko sa crowdfunding platform..
hopefully eh mas madagdagan pa kapag nabasa na ng mga readers yung link doon sa bagong format ng project ko..
medyo nagi-guilty lang ako noong nakita ko kung gaano kalaki ang European VAT..
nalula ako sa purchasing power nila...

is feeling , kahit USD 1,000 lang per month.. para sa mas madaling pagtakas...

---o0o---

May 29, 2019...

naka-2 years na rin ako sa pagri-release ng mga projects bilang isang amateur 3D graphics artist...

done with project #11..
inabot ng 35 days sa pagbuo ng mga scenes, at 9 days naman sa photoshop..
so 44 days, bukod yung 5 days na wala akong nagawang trabaho..
igagawa na lang ng mga promotional materials...

so parang may 3 projects na ulit ako bilang allowance para dun sa crowdfunding platform...

is feeling , abot pa ako hanggang August...

---o0o---

May 30, 2019...

nakaisip na naman yung matandang lalaki kung paano mapapagaan yung trabaho niya...

kagaya ng ginawa dun sa Autistic..
sinasanay na rin niya ngayon na manood ng DVD yung baby sa maghapon...

sobrang gastos na nga nung kinukunsinti nilang maghapong pagbubukas nung Autistic ng TV, habang YouTube sa iPhone naman talaga yung pinapanood niya..
konting solusyon na nga lang yung pagtatanggal ng mga bulb sa bahay, dahil gusto rin nung Autistic na magdamag nakabukas lahat ng ilaw..
from Php 1,000 na budget para sa kuryente, pinapalobo nila sa Php 1,500..
tapos yung konsumo sa kuryente nung TV eh dadagdagan pa nila ng sa DVD player...?

parang mga tanga..
may sariling bahay yung mga maluluhong bata, pero sinanay nila na sa bahay ng lola nila mamalagi..
wala namang problema kung bill nila yung lalaki eh..
kaso dito na nga sa bahay ginagawa karamihan ng pagyayaya, tapos biglang tuturuan pa ng pagsasayang ng kuryente...

katulad rin yun nung ginawang routine nung matanda na pagbili ng ice cream at candy araw-araw eh..
pinapalaki na niya yung gastos dahil sa mga luho..
at maaga pa niyang sinisira yung katawan ng mga bata...

is feeling , basurang influence talaga...

>
[Movie]

Ant-Man and the Wasp

ang isa sa mga movie ingredients para sa Endgame..
at konektado rin siya sa isa pang ingredient na Civil War..
Quantum Realm...

house arrest plus babysitting..
World's Greatest Grandma, LOL..
friendly broken family...

bangs-less na Wasp, much better..
mas mature na Tauriel, pero hot pa rin...

astig yung mga background CG sa tuwing maliit yung mga sasakyan...

ant workers at konting insect science..
shrink and unshrink technology..
asa sa drone ant for flight..
yung malfunction, Hobbit-mode, LOL..
yung Janet-mode, LOL...

Ghost..
failed research..
molecular disequilibrium..
Quantum Phasing sa multiple parallel realities..
SHIELD agent...

heart attack trap...

conflict sa work ng mga ex-con..
black market goons..
corrupt officials..
truth serum kay Luis, LOL...

4-way battle..
minimal allies..
misdirection..
yung pinapak ng mga ibon yung mga drone ants, ang brutal..
Ultraman-mode...

ambangis nung Michael Douglas at Michelle Pfeiffer..
Quantum being na si Janet..
yung movie date with laptop...

real or CG, ang galing nung detalye ng mga miniatures sa credits...

is  feeling , so nag-survive si Ant-Man sa Quantum Realm gaya kung paano nag-survive doon si Janet...

---o0o---

May 31, 2019...

[Gadget-Related]

free A4Tech mouse down..
mechanical ang tama..
sensitive na yung left click..
kung hindi auto-double click, eh hindi naman nagre-register ang long press..
kailangan pa naman sa trabaho ng long press...

inabot lang ng 2 years and 2 months... :(

is feeling , additional gastos na naman...

---o0o---

June 1, 2019...

[Gadget-Related]

2 beses nang nae-experience ng UPS ko for 2019..
yung may kuryente naman, pero completely siyang nagsi-switch sa battey mode at continuously nagbi-beep bilang warning...

is feeling , sana naman eh dahil lang sa kakulangan ng supply ng kuryente kapag Summer...

Friday, May 24, 2019

Reemergence of Evil

NOTE: this is not news..
i am not a reporter/journalist nor an influential person..
also, i'm not related to the government in any way..
but there are summary of news featured in this post..
it will require research in order to get the whole story regarding each particular news that is featured in here...

simple lang yan..
kapag nagpaapekto at nag-react ka sa opinyon ng ibang tao - eh BAKA nga may totoo sa mga sinasabi nila...

uhaw na uhaw na ang mga alipores para sa kapangyarihan... :(

-----o0o-----

lumampas na sa 500 ang bilang eh, kaya mag-i-start na lang ako ng panibagong listahan ng mga kalokohan..
basta heto yung kadugtong nito:
http://blogngpotassium.blogspot.com/2018/08/just-clan-war.html

update ulit (503 + 368 na)..
medyo in-organize ko rin yung mga kaso..

una (untikan ko nang makalimutan 'to), ang pagtataksil sa interes ng bansa at ng mga (ibang) mamamayan (lalo na yung mga naging biktima), at pagbalewala sa kasaysayan at dangal ng bansa:
  • yung nagluklok ng tao sa isang mahalagang branch, sa kabila ng kawalan ng kakayahan ng tao na iyon na sumunod sa sarili nilang mga patakaran
  • yung nagtuturo ng iba, maging yung hindi nila maidawit dun sa kaso, habang ipinagtatanggol naman yung ibang nalusutan DAW ng supply ng ilegal na droga
  • yung idolo noon si Hitler, pero noong nagpunta sa Israel eh ginamit pa yung alaala ng Holocaust para magkunwari na mabuti sila
  • yung inuna pa ang mga armas kesa sa isipin ang tungkol sa isyu ng kahirapan sa bayan
  • yung gustong bawiin yung amnesty na ibinigay noon sa isang taong lumaban sa tiwaling gobyerno, na ang sinisilip na butas ay yung pinagdaanan na proseso
  • yung umamin siya na meron nga at kasalanan niya ang pagkakaroon ng extrajudicial killings
  • yung nagagawa pa nilang magbakasyon sa ibang bansa sa gitna ng bagsak na ekonomiya ng bayan at sa kabila ng pagtanggi nila na tumulong sa pamamagitan ng pagpapagaan muna sa bagong sistema ng pagbubuwis
  • yung tutol kuno sa political dynasty pero kinukunsinti ang political dynasty ng sariling angkan
  • yung gustong ipaaresto yung witness sa pagpapasok ng mga ilegal na droga sa BOC
  • yung wala namang naparurusahan at papalit-palit lang naman ng katungkulan yung mga pinuno na nadadawit sa mga malalaking kaso ng kapabayaan
  • yung kagustuhan niya na ituring na rin siyang isang santo
  • yung mula sa lahi ng mga Bestfriend na suspected bilang drug-related personality, na itinanggi na may koneksyon sa pamahalaan, pero napatunayan na may papel nga sa pamahalaan
  • yung sobrang dali siyang makumbinsi pagdating sa ibang intel kuno at mga listahan, pero in denial pa noong una sa isyu ng magnetic lifters
  • yung balak pala tayong ipahamak dahil sa pangungutang niya sa Bestfriend Empire na malaki kung magpatubo kumpara sa ibang mga nasyon
  • yung gusto ngayon ng ROTC, pero siya mismo eh umamin na tinakasan niya ang ROTC noong kapanahunan niya
  • yung sinabi noon na dapat daw sundin ang seniority rule, pero hindi naman niya sinunod para sa 2nd reward
  • yung pagbanat sa isang taong simbahan nang wala namang ebidensya na ipini-present; kesyo nagbubulsa daw ng pera at baka drug-related din daw
  • yung seryoso daw sila sa kampanya laban sa ilegal na droga, pero siya mismo eh ginagawa lang biro ang tungkol sa pagdodroga
  • yung gusto nang ipapatay ang mga obispo, at ang pagtira sa bibliya
  • yung iniutos na ayaw makakita ng mga pari sa event na may kinalaman sa simbahan
  • yung pati bintang tungkol sa pagpapatumba ng tao eh joke lang
  • yung sexual attack sa kanilang kasambahay noong teenager pa siya base sa kanyang kuwento
  • yung tagalinis siya ng pangalan ng mga nabuking na magnanakaw ng pera ng bayan
  • yung planong palitan ang pangalan ng bayan para sa kapakinabangan ng amo nila
  • yung claim na wala daw patunay na nakaw ang mga yaman ng Dictator Clan
  • yung puros paninira ang iginanti sa mga karibal ng kanyang mga tauhan, na ni hindi naman naka-base sa facts
  • yung gusto na namang maglabas ng Narco-list, pero hindi pa naman pala 100% verified yung mga pangalan na nasa listahan
  • yung ginagamit yung banta tungkol sa giyera para masunod ang kagustuhan na magpalit ng anyo ng gobyerno
  • yung as early as 2004 pa pala nadadawit sa ilegal na droga ang pangalan nung banyagang economic adviser o dating economic adviser
  • yung paspas ang pagtatanggol sa banyagang economic adviser o dating economic adviser
  • yung tauhan na utak sa likod ng daan-daang social media account na nagpapakalat ng FAKE news na pabor sa alyansa nila
  • yung pagbibida sa titi niya
  • yung madalas na ibinibida na pagre-rely sa teknolohiya sa pag-eespiya ng ibang bansa
  • yung wala daw black propaganda, pero nagpapakalat ng mapanirang matrix
  • yung Party List na sobrang lakas kung magpa-commercial sa TV
  • yung commercial na nagke-claim na matapat yung dating tauhan ng MMDA na gumawa ng bistadong pandaraya
  • yung pagdadawit sa 2 athlete sa inilabas na matrix
  • yung pag-asa sa social media para sa intelligence kuno
  • yung cleaning effect ng family name

are yung ang involved o semi-involved eh mga identified talaga bilang awtoridad o tauhan ng pamunuan, mga dati nang naging bahagi ng pamunuan, o kahit mga nagsasanay pa lang upang makakuha ng awtoridad:
  • sa QCPD, yung Criminology student na nag-o-OJT sa presinto na hinuli dahil sa pagtutulak ng ilegal na droga
  • sa Nueva Ecija, yung Barangay Chairman na nahuling kasama ang kalaguyo niya
  • yung 3 PNPA cadets na inirereklamo dahil sa sexual harassment laban sa 2 lower classmen sa loob mismo ng academy nila
  • yung pulis na inirereklamo ng panggagahasa laban sa isang 15 y/o na dalagita kapalit ng paglilinis sa pangalan ng ama nito na idinadawit naman sa ilegal na droga
  • yung 2 pulis Novaliches na inirereklamo ng dahil daw sa panggagahasa sa isang babaeng nahuli ng dahil sa pagsusugal sa loob ng police mobile
  • sa Marcos, Ilocos Norte, yung Barangay Chairman na tinangkang halikan ang isang singer habang ito'y nagpe-perform
  • sa Baguio City, yung mga tinatawag na POSD Enforcers na nakunan ng video na nang-aagaw ng paninda ng isang taho vendor
  • yung nag-viral na Traffic Enforcer na nang-agaw ng susi at ng motor, bukod pa sa nagmura at nagbanta laban dun sa rider
  • sa Makati, yung 2 dating empleyado ng MMDA na ginagamit yung wangwang, blinker, at MMDA uniform sa pag-e-escort sa negosyante
  • yung mga police escort na namalo ng side mirror ng isang taxi habang naka-off-duty at nag-e-escort sa isang private individual
  • sa Pandacan, Maynila, yung pulis na motorcycle rider na nakabangga ng isang tumatawid na senior citizen
  • sa Iloilo, yung 3 tricycle na nabangga ng AUV na minamaneho ng isang pulis, kesyo nakatulog daw ito habang nagmamaneho at may sinasabi rin na mukhang nakainom daw ito
  • sa Dagupan City, yung 2 y/o na bata na namatay matapos na mabundol ng van na minamaneho ng isang pulis
  • sa Davao City, yung Traffic Enforcer na muntik nang makabangga ng taong tumatawid sa pedestrian lane
  • sa isang kampo sa Tagaytay, yung nakunan ng video na pamamalo ng isang Superintendent sa mga junior police gamit ang isang baseball bat
  • sa Moriones, Tondo, Manila, yung mga pulis na inirereklamo ng pananakit sa mga hinuli nila at paggalaw sa mga CCTV camera
  • sa Cebu City, yung hinihinalang police brutality na ginawa ng isang armadong grupo na nakunan ng video
  • sa San Jose del Monte, Bulacan, yung drug-related suspek daw na napatay ng mga pulis, pero may nawawalang mga oras ng footage yung CCTV na nakunan sana yung pangyayari
  • sa Navotas, yung pulis at ang kasama niyang naka-AWOL na pulis, na inireklamo dahil sa pananakit
  • sa Guimbal, Iloilo, yung mag-amang Representative at Mayor na inireklamo ng pang-aabuso laban sa isang pulis
  • sa Santa Cruz, Manila, yung nagtatagong Kapitan at ang mga Kagawad niya na nanggulpi sa isang binatilyo kesyo hindi daw siya nakilala bilang kapitan nung biktima
  • sa Sampaloc, Manila, yung babaeng Barangay Kagawad na nanakit ng binatilyong nasita dahil sa curfew
  • sa Barangay Commonwealth, Quezon City, yung mga tauhan ng Barangay na inirereklamo dahil sa pananakit sa mga na-detain nila
  • sa Tarlac, yung tumatakbo bilang Bokal na nanapak ng Election Officer
  • sa Pasay City, yung Barangay Tanod na kabilang sa mga nahuli dahil sa pagtutulak ng ilegal na droga
  • sa Quezon City, yung dating Barangay Tanod at isang naka-AWOL na pulis na nahuli sa magkahiwalay na anti-illegal drugs operation
  • sa Bacoor City, Cavite, yung dating pulis na nag-AWOL at isang SK Kagawad na nahuli sa anti-illegal drugs operation
  • sa Bacoor, Cavite, yung dating Barangay Tanod na sangkot sa ilegal na droga, na ginagamit pa ang sarili niyang 12 y/o lamang na anak bilang courier
  • sa Tanauan City, yung dating Konsehal ng Barangay na kasama na nahuli sa buy-bust operation
  • sa San Pablo City, Laguna, yung babaeng Barangay Kagawad na damay sa nahuli sa buy-bust operation, nabuking sa mobile phone niya na nagsisilbi siyang taga-timbre sa iba pang drug-related personalities
  • sa Bacoor, Cavite, yung number 1 na SK Kagawad na nakunan ng video at hinuli dahil sa pagbebenta ng ilegal na droga
  • sa Dasmariñas, Cavite, yung Barangay Chairman na nahuli na gumagamit at nagbebenta ng ilegal na droga, at nahulihan din ng hindi lisensyadong baril
  • sa Tondo, yung anak ng Barangay Chairman na hinuli dahil sa pagtutulak ng ilegal na droga, at nahulihan rin ng hindi lisensyadong shotgun
  • yung naka-AWOL daw na doktor na empleyado ng DOH na kasamang nahuli sa isang buy-bust operation
  • yung senior officer na tauhan ng Bureau of Fire Protection na nahuli sa anti-illegal drugs operation
  • yung Traffic Enforcer na kabilang sa mga nahuli sa anti-illegal drugs operation ng QCPD
  • sa Davao City, yung Provincial Administrator ng BJMP na arestado matapos magpositibo sa ilegal na droga
  • sa Naic, Cavite, yung dating pulis at ang karelasyon niya na active jail guard na nahuli sa buy-bust operation
  • sa Laguna, yung retiradong pulis na target at napatay daw sa anti-illegal drugs operation
  • sa Parañaque City, yung nahuling dating army officer na dawit sa kaso ng milyon daw na halaga ng ilegal na droga na naipasok sa parking lot ng isang mall
  • sa Sampaloc, Manila, yung pulis na nahuli sa buy-bust operation dahil sa pagbebenta at paggamit ng shabu
  • sa Pasong Tamo, Quezon City, yung pulis na kasama sa nahuli sa buy-bust operation sa isang bilyaran
  • sa isang bar sa Taguig, yung pulis na naki-Halloween party habang naka-full alert ang kapulisan, na nahuli pa na gumagamit ng cocaine
  • sa Sta. Cruz, Laguna, yung pulis na protektor daw ng mga drug lord na napatay sa engkuwentro
  • yung 4 na pulis ang suspek ng PDEA, na posible daw na nakipagsabwatan para maipuslit yung nawawalang nasa Php 6.8 Billion na ilegal na droga na isinilid sa mga magnetic lifters
  • sa Fairview, Quezon City, yung 10 na naaresto sa buy-bust operation, na dating Quezon City police ang itinuro bilang source nila
  • yung naka-AWOL na pulis na nahuli ng mga Sampaloc police dahil sa pagdadala daw ng ilegal na droga
  • yung Hepe ng Agoncillo PNP na nahuling ginagamit ang isang nakaw na sasakyan at nahulihan rin ng hindi lisensyadong baril
  • sa Lemery, Batangas, yung Traffic Enforcer na hinuli dahil sa ilegal na pag-iingat ng mga bala, mga magazine, at mga holster ng baril
  • sa Balete, Batangas, yung dating Konsehal ng bayan ng Balete na nahulihan ng hindi lisensyadong baril
  • sa Iloilo, yung kandidato sa pagka-Mayor na nahulihan ng hindi lisensyadong baril
  • sa Abra, yung kandidato sa pagka-Mayor na nahulihan ng mga high-powered na mga baril
  • sa Mabini, Batangas, yung Barangay Chairman na inaresto dahil sa pagtatago ng hindi lisensyadong M16 at mga bala
  • sa Quiapo, yung Barangay Tanod na damay sa nahuli sa buy-bust operation, na nahulihan ng hindi lisensyadong baril
  • nitong katapusan ng 2018, yung 7 pulis na nasangkot daw sa indiscriminate firing nitong nakaraang holidays, bukod pa yung mga opisyales at sundalo na gumawa rin ng kaparehong offense
  • sa Davao Oriental, yung sundalo na nagpaputok ng baril at yung kasama niya na nambugbog sa 2 nakaupo sa may harapan ng tindahan
  • sa Iloilo City, yung Barangay Captain na naaresto dahil sa pamamaril sa convenience store
  • sa Pangasinan, yung Barangay Kagawad na namaril ng bahay
  • sa Balete, Batangas, yung Barangay Captain na nagpaputok ng hindi lisensyadong baril dahil sa pagkainis sa resulta ng halalan sa lugar nila
  • sa Marilao, Bulacan, yung dating Vice Mayor na aarestuhin sana dahil sa kasong qualified theft, pero may granada at baril pala at nag-resist
  • yung pulis Makati na nagpaputok ng baril sa kalagitnaan ng pista
  • sa Davao City, yung pulis na hinuli dahil sa pagpapaputok ng kanyang baril habang lasing, at kesyo nakikipag-away pa daw sa kanyang live-in partner noon
  • sa Cavite, yung Traffic Enforcer na nahulihan ng 2 baril habang naka-duty, na dati na rin daw nasangkot sa insidente nang pamamaril
  • sa Caloocan City, yung pulis na nakabaril at nakapatay ng 6 y/o na bata at namaril din sa lola nito
  • yung dating kaso sa Cebu, yung lumabas sa imbestigasyon ng NBI na baril nga ng pulis yung nakatama dun sa bata na nadamay lang sa anti-illegal drugs operation
  • sa Pangasinan, yung 17 y/o na binatilyo na player ng DOTA na sasali lang daw sa tournament sa Baguio na napatay DAW ng mga pulis sa engkwentro
  • yung findings ng Public Attorney's Office na mukhang t-in-orture yung Santillan at posibleng staged yung pagkapatay sa kanya
  • sa Quezon, yung tinaguriang Tayabas Armed Encounter kung saan isa sa napatay ay anak ng isang Mayor, yung umamin yung mga pulis na involved na hindi totoo yung police report nila at na scripted yung encounter
  • yung pagtumba DAW sa 14 na mga magsasaka sa Negros Oriental
  • yung madalas nang ginagawang palusot ang pagiging involved DAW ng mga tao sa ilegal na droga kapag nabubuking na pinatay sila ng mga pulis
  • sa Capas, Tarlac, yung nangyaring barilan ng mga pulis na nag-ugat sa road rage, na ikinamatay ng 2 pulis, 1 tanod, at 1 trabahador
  • sa Bocaue, Bulacan, yung babaeng teacher na pinatay sa pamamaril ng karelasyon niya na sundalo na nagbaril din sa sarili matapos yung krimen
  • sa Calamba City, yung may 1 patay at 2 sugatan matapos ang pamamaril at pananaksak ng retired na pulis at ng kanyang anak
  • sa Pasay City, yung 19 y/o daw na Chinese na nangmolestiya ng 3 babaeng estudyante, kung saan inudyukan daw ng mga pulis yung mga biktima para makipag-areglo na lang at humihingi din daw ng cut nila
  • sa Bocaue, Bulacan, yung hepe ng mga pulis na hinuli dahil sa pangingikil daw at sa paggamit ng mga sasakyan ng mga nahuhuli nilang mga drug suspect
  • sa Tanza, Cavite, yung Hepe ng Maritime Police Station, yung nahuli sa entrapment operation na tumatanggap ng marked money dahil sa pangingikil laban sa mga mangingisda
  • sa Taguig City, yung 2 pulis na nangingikil laban sa pamilya ng drug suspect daw para mapababa ang kaso nito
  • sa NCRPO, yung pulis na hinuli dahil sa pangingikil laban sa pamilya ng isang drug suspect, posibleng dawit rin daw ang buong team ng Eastern Police District - Drug Enforcement Unit
  • sa Pasay City, yung pulis na nahuli sa entrapment operation dahil din sa pangingikil, yung natunugan kaya nakatakas yung iba pang mga pulis
  • sa Las Piñas, yung 7 miyembro daw ng Drug Enforcement Unit din, yung nasangkot naman sa pangingikil laban sa kapatid ng isang nahuli nilang drug suspect
  • sa Barangay Commonwealth, Quezon City, yung mga tauhan ng Barangay na hinuli dahil sa pangingikil, kesyo may hinuli daw sila sa palengke at tinakot nila na gagawin nila itong sangkot sa ilegal na droga
  • sa Baguio City, yung Chief ng Police Intelligence Unit na nahuli sa entrapment operation dahil sa robbery extortion laban sa hinuli niyang suspect sa kasong robbery
  • yung pulis na miyembro ng HPG na hinuli dahil sa pangingikil laban sa mga service vehicle ng isang call center company
  • yung Pulis Makati na hinuli dahil sa pangongotong sa mga habal-habal driver
  • sa Pasay City, yung pulis na hinuli ng PNP-CITF dahil sa pangongotong laban sa mga habal-habal driver
  • yung MMDA Enforcer na nagpapanggap na pulis para makapangikil laban sa mga service vehicle ng isang offshore gaming company
  • yung nahuli ng NBI na dating sundalo na nagpapanggap daw bilang abogado at naniningil pa ng malaking professional fee
  • sa Quezon City, yung MMDA enforcer na nahuli sa isang kainan na tumatanggap ng lagay mula sa hinuli nilang motorcycle rider
  • sa Makati City, yung traffic enforcers na nakunan ng video na nangikil laban sa dayuhan, MAPSA at trainee daw yung involved
  • yung Team Leader ng Manila Traffic and Parking Bureau na hinuli dahil sa pangingikil
  • sa San Jose del Monte, Bulacan, yung kawani ng barangay na naaktuhan na nangingikil sa isang piggery, na baboy at pera ang hinihingi
  • yung mga agents ng Intelligence Division ng Immigration na inirereklamo dahil daw sa panggigipit at pangingikil laban sa mga Korean
  • sa Muntinlipa City, yung pulis na hinuli dahil sa pag-o-operate ng tupada
  • sa Tondo, Manila, yung 2 pulis na naaktuhan ng mga counterintelligence na pulis na nasa tupada
  • sa Quezon City, yung may 3 nahuli mula doon sa grupo na responsable daw sa serye ng mga panghoholdap sa mga e-games at bingo establishments, isa sa mga nahuli ay kasalukuyang Barangay Kagawad ng Maynila, tapos ay dating pulis daw ang leader nung grupo
  • sa Las Piñas City, yung grupo ng mga pulis na nasangkot sa kidnapping
  • yung BIR supervisor at examiner na inireklamo dahil sa pangingikil, na nahuli sa Batangas
  • sa Tagaytay City, yung 5 naaresto dahil sa pagbebenta ng ekta-ektaryang lupa na may mga pekeng titulo, na ang lider ay dating empleyado ng DENR
  • yung dating empleyado ng Maritime Industry Authority na hinuli sa entrapment operation dahil sa pagbebenta ng pekeng certificate of proficiency, na dati na ring nahuli dahil sa pagbebenta ng mga sagot sa exam, pero pinayagan na magpiyansa noon
  • yung dating Customs Deputy Commissioner na inaresto dahil sa pagtanggap daw ng pera bilang pang-areglo sa mga kargamento
  • sa isang mall sa Makati City, yung trainee para sa pagiging LGU Traffic Enforcer na nagnakaw ng motor
  • yung airport security screener, yung hinalungkat ang bag at pinagnakawan ang isang pasaherong Taiwanese
  • yung mga ghost employee daw sa Makati na tao ng Konsehal
  • yung pulis na sangkot daw sa multi-million scam na related daw sa casino
  • yung 3 police officials na sangkot sa Php 2 Billion worth na paluwagan scam
  • yung pulis ng Eastern Police District na inaresto dahil sa estafa, bukod dun ay may pending rin daw siyang kaso regarding sa pangingikil laban sa isang sibilyan
  • sa Fiscal's Office ng Quezon City, yung empleyado na hinuli dahil sa kasong estafa laban sa mag-asawang ginustong magtayo ng laundry shop

are naman yung mga hindi pa malinaw kung anong klase nga ng mga tao ang involved o hindi tiyak o nabanggit kung sino ang nakatama:
  • dahil hindi tiyak kung paano nagkaroon ng access sa VIP na plaka, sa Angeles City, Pampanga, yung sakay ng SUV na may plakang 8 na nanakit ng kapwa niya motorista
  • sa Sampaloc, Manila, yung 2 suspek sa pagiging hired killer na in-ambush sa police mobile na sinasakyan nila, pero hindi idinamay sa pagtumba yung mga kasamang pulis
  • sa Quezon City, yung mag-anak na m-in-assacre ng hinihinalang nakaalitang pulis habang natutulog
  • yung pagpatay sa Quezon City Deputy Prosecutor kung saan suspek ang 3 pulis
  • yung pag-kidnap dun sa Fajardo, na kakilala ng pinatay na si Mayor Halili, ng organisadong armadong grupo

heto naman yung mga may kinalaman sa kahinaan ng kasalukuyang penal system at pagpapatupad ng iba pang mga batas, patakaran, at sistema sa bansa:
  • yung pagiging maselan at overprotective sa term na base naman sa pangalan ng dating hari ng Spain
  • yung pag-atake sa kalayaan ng Rappler gamit ang existence ng isang lumang article na mula pa sa panahon na hindi pa saklaw ng makabagong batas na ipinatupad
  • yung mga batas na pro-pets and pro-pet owners na mga asal peste naman
  • yung pati mga nagkalat na domesticated animals eh panira sa mga mamahaling proyekto ng pamahalaan
  • yung protektado pa rin ang mga ligaw na alaga sa kabila ng problema sa supply ng anti-rabies
  • yung paglaganap ng mga batang palaboy na lantarang umaatake ng mga pasahero sa mga pampublikong jeepney
  • sa Makati City, yung lider ng Ipit-Bus Gang na ilang beses nang nakukulong pero parati rin namang pinakakawalan
  • sa Caloocan City, yung kaso nung anak na napatay ang sarili niyang ina noong 2017 at ang sarili naman niyang ama nitong simula ng 2019 
  • yung aprubado na yung 25% na increase sa opisyal na pamasahe sa jeep
  • yung nagtaas na rin ang pamasahe para sa mga pampasaherong bus sa kabila ng sunud-sunod na pagbaba naman kahit papaano ng presyo ng petrolyo
  • yung sa halip na tulungan muna ang mga mananakay na mapababa ulit ang halaga ng pamasahe kasunod ng paulit-ulit na pagbaba ng presyo ng mga produktong petrolyo, eh mas gustong unahin ng mga economic advisers na pataasin na ulit ang rate ng taxation para sa mga produktong petrolyo
  • yung hanggang sa Php 9.00 lang daw pwedeng ibalik ang base fare sa mga jeep
  • yung kagustuhan na i-ban na ang mga provincial buses sa NCR
  • yung may mga piling provincial buses na pwede pa ring pumasok sa NCR hanggang sa Parañaque area 
  • yung dagdag travel time at dagdag pamasahe nga ang idinudulot ngayon ng PITX
  • yung kagustuhan na gawing point-to-point o terminal-to-terminal na lang ang biyahe ng mga provincial buses sa area ng EDSA
  • yung aminado na walang ginawang public consultation para sa provincial bus ban sa EDSA
  • yung nasa 9,000 na motorcycle riders na kumuha ng exam sa road safety daw, pero 7 lang ang nakapasa
  • yung 2 MMDA Enforcer na magkaangkas sa motor na nasita ng ordinaryong motorista, yung blinker ang ginagamit na ilaw at hindi pa nakasuot ng tamang helmet
  • sa Manila, yung MTPB Enforcer na nahuli dahil hindi nakasuot ng helmet, pero nakipagsagutan pa rin sa taga-HPG yata yun
  • sa Cagayan de Oro, yung Traffic Enforcer na nakunan ng video na nakikipagtalo sa driver ng ambulansya
  • sa Cavite, yung nasita sa checkpoint na nagpakilala bilang isang pulis, pero nasibak naman na pala sa serbisyo
  • sa Tagaytay City, yung firing range sa kampo daw ng Cavite Police kung saan may mga umaabot na slug ng bala sa isang subdivision sa hindi kalayuan
  • yung panibagong surprise inspection na isinagawa ng NCRPO, kung saan may mga nahuli na naman na nakainom at natutulog na pulis habang nasa duty
  • sa Anilao, sa Iloilo daw, yung mga pulis na naabutan na natutulog sa mismong presinto
  • sa Cavite, yung 6 na pulis na nahuling natutulog habang naka-duty
  • sa National Shrine of St. Padre Pio, yung 4 na pulis na nakatalaga sa public assistance center na inalis sa puwesto matapos na maabutan ng opisyales na bagong gising lang at marumi ang lugar na nasasakupan
  • yung presinto kung saan walang inabutan na naka-duty o nakatao na pulis during inspection
  • sa Davao City, yung 3 pulis na sinibak DAW dahil nahuli at na-video-han na nag-iinom sa pampublikong lugar
  • yung nakuhanan rin ng video, yung 2 (yata iyon na) pulis na sinita ng mga kasamahan din nilang pulis dahil sa pag-iinuman
  • sa Quezon City, yung 5 sundalo na nahuling nag-iinuman sa kabila ng ipinapatupad na liquor ban
  • yung palpak pala yung mga police escort nung mga PDEA agent and company na natambangan sa Lanao del Sur
  • yung mga pulis na iniimbestigahan ang naging response time sa kidnapping case nung Fajardo
  • ang kahinaan ng seguridad sa kabubukas lang na Boracay
  • sa Davao City, yung mga atleta ng Palarong Pambansa at coach na nabiktima ng nakawan
  • yung nagsayang ang Comelec ng pondo para sa marking pens na hindi maganda ang kalidad
  • yung mga ulat tungkol sa mga pumapalpak na Vote-Counting Machines para sa 2019 election
  • yung mga nagpalpakang Voter Registration Verification Machines para sa 2019 election
  • sa Lanao del Sur DAW, yung video na nagpapakita ng mga pre-shaded na balota at additional pre-shading act
  • yung pagtatanggol ng Comelec dun sa video ng pre-shading, at pagdadahilan na kesyo pagpirma lang daw yung ginagawa nung mga taong nakuhanan ng video
  • sa Comelec - Bacolod, yung natagpuang mga resibo ng Voter Verified Paper Audit Trail na tila itinapon
  • yung Senator na nag-generalize na kaagad na kesyo wala daw nangyaring dayaan sa 2019 election, sa kabila ng maraming nagpalpakan at sa kabila ng mga nakunang video evidence
  • yung hindi pa rin 100% na nababayaran ng gobyerno ang lahat ng mga binilhan nila ng lupa para sa TPLEX project
  • sa iba't ibang lugar, yung mga construction contractors na hina-hire ng iba't ibang level ng gobyerno, na hindi muna pinag-aaralan kung may masisira bang linya ng patubig o linya ng kuryente sa dadaanan ng project nila bago sila magsimula
  • yung nasasayang na pondo ng TRAIN dahil sa mga contractors na hindi marunong magplano nang maayos ng kanilang mga dapat gawin
  • sa Amoranto Street sa Quezon City, yung 22-wheeler truck na lumubog ang mga gulong sa bagong gawa lang daw na kalsada
  • sa Pakil, Laguna, yung gumuho yung ginagawang extension ng tulay, na blacklisted pa pala yung nagtipid na contractor
  • yung may nag-collapse na sa hindi pa man natatapos at matagal nang itinatayong mamahalin na Ifugao General Hospital
  • yung kagustuhan na magdagdag pa ng mga dam kahit na alam na nila ang negatibong naidudulot ng mga yun dahil nga sa na-enhance ng mga simpleng ulan at bagyo
  • yung planong paglilinis ng Manila Bay na sa reclamation rin naman pala hahantong
  • yung balak daw magsira ng mga historical structures kapalit ng pagtatayo ng mamahalin na Bestfriend Imperial Bridge
  • yung maanumalya yung Imperial contractor na gagawa sa mga bagong tulay sa NCR, at naka-ban na sa World Bank
  • yung worth Php 10 Million daw na Stairway to Heaven project ng MMDA na hindi naman pala totoong kailangan dahil may alternative naman palang daanan
  • yung mga footbridge na nag-i-intersect sa mga kable ng kung anu-ano
  • yung planong kasuhan ng MMDA yung nag-upload nung video na nag-reveal muli tungkol sa iregular na pagtatayo ng isang footbridge
  • yung hindi matapos-tapos na road repair sa MacArthur Highway
  • yung project sa [Name of City] na mga poste na may pangalan ng mga street na madali lang nasira dahil mahuna yung ginamit na metal na materyales
  • sa [Name of City], yung pupuwersahin ka ng nasa kapangyarihan para gamitin yung venue na ipinatayo ng pamunuan nila, tapos biglang maniningil ng bayad
  • sa DFA, yung natangay daw ng dating contractor yung mga data ng mga passport holders
  • yung data leak sa freedom of information request website ng gobyerno
  • yung mga katiwalian daw sa APO printing ng gobyerno na may kinalaman sa travel at sa sistema na rin sa printing
  • sa Mabini, Batangas, yung pabrika ng semento na 3 taon na DAW paso ang permit pero nag-o-operate pa rin
  • yung ginagamit ng mga political clans and alliance ang Party List system para mas makakuha ng mas maraming kapangyarihan
  • yung Representative na hindi sumunod sa security procedure sa NAIA
  • yung babaeng Representative na inirereklamo dahil DAW sa pagpapasagawa ng Gluta-drip session sa mismong opisina niya
  • yung pati naman mga bagay na hindi na dapat pinakikialaman pa dahil sa historical value eh talagang gusto pang pag-aksayahan ng panahon para lang masabi na nagtatrabaho sila
  • yung gustong sirain ng Bureau of Customs yung nasa Php 12,000,000 worth daw ng smuggled na mga sibuyas na nasabat nila sa halip na mapakinabangan ng mga mamamayan
  • yung nasa Php 120 Million daw na halaga ng nasabat na smuggled na bigas na nasa poder na ng BOC sa Zamboanga, pero talagang nawala pa
  • yung tila protektadong-protektado yung isyu tungkol sa mga magnetic lifters
  • yung pagtataas ng rate ng documentary stamp tax sa kuhanan ng foreign remittance
  • yung mas nagmahalan pa ang presyo ng mga bigas sa lugar namin noong ipinatupad na yung panibagong naming system, kahit na kaparehas lang naman sa dati ang mga klase ng bigas na ibinibenta
  • yung madadamay pala sa pagtataas ang presyo ng mga karneng de lata sa oras na ipatupad na ang rice tariffication bill
  • yung may shortage na rin daw sa supply ng siling labuyo
  • sa Laguna, yung tone-toneladang mga kamatis na nasayang lang dahil hindi maibenta
  • sa Albay, yung oversupply ng sitaw sa kabila ng kakulangan ng supply sa ibang mga rehiyon
  • sa Candaba, Pampanga, yung oversupply ng Melon
  • sa Benguet, yung naging oversupply ng mga gulay
  • yung oversupply ng talong sa Nueva Ecija
  • yung hindi rin naman napababa ang presyuhan ng kamatis sa kabila ng labis-labis na supply nito dahil sa manipulasyon ng ibang supplier
  • yung mas pinagbabawalan na ang mga magsasaka na magbilad ng kanilang naaning mga palay sa kalsada, samantalang wala pa namang konkretong plano na nagagawa ang pamunuan para makapag-provide ng accessible na facility para matulungan sila
  • yung reklamo na ipinarating sa Ombudsman, yung ipinambayad pala ng NFA sa utang yung pondo na nakalaan para sa pagbili ng bigas mula sa mga lokal na magsasaka
  • yung magreresultang unemployment dahil sa magiging pagbabago ng function ng NFA
  • yung walang sumasagot sa mga tawag sa isang opisina ng SSS kahit na office hours pa naman
  • yung kagustuhan ng SSS na damay-damay ang mga miyembro sa pagsalo ng mga magiging dagdag na gastusin dulot ng pagpapalawig sa Maternity Leave and Benefits
  • ang kagustuhan ng SSS na gawin ng 15% ang porsyento nila sa kita ng mga tao para daw masalo ang kakulangan sa pondo ng ahensya nila
  • yung puwersahang paghuhulugin ng SSS ang mga OFW ng 100% ng amount na proportional sa monthly na kita nila
  • yung nasa maalin sa more than Php 10 Billion o 400 Billion pa pala ang mga hindi nasisingil na obligasyon ng SSS
  • yung gustong taasan ng PhilHealth ang contribution ng mga members para lang masalo ang Universal Health Care Bill, 50% na pagtataas ang gusto nila para sa pinakamababang rate ng contribution
  • yung bumaba ang kita ng PCSO matapos na ipatupad yung documentary stamp tax
  • yung sinasabi ng nasibak na General Manager ng PCSO tungkol sa mga taong gustong manipulahin ang sistema nila
  • yung patataasin rin ng pinahintulutang taas-singil ng mga supplier ng tubig sa NCR area ang VAT na kailangang bayaran ng mga consumers
  • yung babaeng mastermind daw sa ibang kaso, na c-in-laim kaagad nila na may kinalaman daw sa mga rebelde, tapos eh binawi rin yung paratang, kesyo wala daw pala silang sapat na ebidensya
  • yung mga pulis na nagpapaapekto sa isang fictional na TV program sa kabila ng pagkakaroon naman talaga ng katiwalian sa totoong buhay
  • yung naging pagkilos ng PNP at DILG laban sa isang TV program
  • yung planong bumuo ng Death Squad laban DAW sa mga rebelde
  • yung panawagan na huwag magbigay ng suporta sa mga rebelde, samantalang hindi naman lubos na maprotektahan ang mga investment ng mga negosyante
  • yung panay ang benefits para sa mga armadong tauhan, samantalang kulang pa sa benepisyo yung mga walang armas 
  • yung dagsa kaagad sa Senado yung mga tuta at bobong mga pulis na sabik na mang-aresto ng Senador kahit na wala namang warrant
  • yung profiling na ginagawa ng mga pulis sa mga miyembro ng ACT
  • yung hindi tugma-tugma ang statements patungkol sa bombing sa Mindanao
  • yung may pruweba naman na posible ngang may nagmamasid sa bahay ng isang Senador, pero kini-claim na kaagad ng mga nasa itaas na kesyo paranoid lang yung tao kahit na wala naman silang ginagawang imbestigasyon
  • yung namamanipula ang mga records o documents sa mga base
  • yung napatunayan na peke lang ang ibang bintang laban sa Senador na dating nasangkot sa mutiny
  • yung parang wala namang silbi ang mga desisyon sa mababang level na nagpapatupad ng hustisya, dahil hindi naman final ang desisyon hangga't hindi yun umaabot sa tuktok, pero ayaw naman nilang buwagin yung mga level sa ibaba kahit na ganun na nga yung setup
  • yung applicable yung seniority rule kahit na para sa mga taong gumagawa ng mali at hindi patas
  • yung inabsuwelto na ng Supreme Court ang asawa ng Diktador, sa kabila ng presence ng nakaw na yaman
  • yung pwede palang magpiyansa kapag ang nahatulan mong kaso ay kaugnay ng panggagago sa buong bayan
  • yung parang lumalabas sa naging desisyon ng korte na may mga opisyales na hindi namo-monitor kung saan napupunta yung malalaking budget na dumadaan sa kanila
  • yung pati NGO Queen eh magkakaroon rin ng pagkakataon na ipa-dismiss yung kaso niya matapos yung mga nabunyag na noon at sa kabila ng mga yaman na ebidensya
  • yung bagong batas na magagamit ng mga halal na opisyales para protektahan ang mga SALN nila
  • yung nasa bilyong piso na tinatawag na Congressional insertions na napunta sa teritoryo ng head Representative
  • yung hindi pala tinanggap bilang mga ebidensya iyong findings ng Anti-Money Laundering Council na nasa Php 80 Million plus daw na pinaikot na pera ng mga suspek within just 30 days
  • yung tila daw may pinaboran na contractor at area ang Budget Secretary
  • yung Motor Vehicle Users’ Charge na ipinapaipit pala ng palasyo sa Budget Secretary
  • yung nasa bilyong piso na tinatawag na Congressional insertions na napunta sa teritoryo ng head Representative
  • yung nasa bilyong piso rin na budget allotment para sa iba pang mga Representatives
  • yung ginagamit na dahilan ang mga importanteng budget para lang mapilitang aprubahan na rin ang mga kuwestiyonableng budget
  • yung hostage rin pala ang budget sa pagho-host ng SEA Games 2019 sa paglalabas nung budget na may mga kuwestiyonableng realignments
  • yung inamin ng pinuno na ang Solicitor General ang trumabaho sa kaso ng Senador na dating nasangkot sa mutiny, pero iisang tao lang ang kanilang pinuntirya
  • yung hindi naman hinahabol ng Solicitor General yung mga sundalo at miyembro ng Philippine Constabulary na umabuso sa panahon ng Martial Law
  • yung premature campaigning na gumagamit ng term na "gusto namin ang boses mo sa ....."
  • yung pagpapakalat ng mukha at pangalan sa Liga ng mga Barangay
  • yung Representative na nagbanta na hindi magri-release ng PRC license sa mga hindi nakakakilala sa kaibigan niyang premature campaigner
  • yung 2 nasa katungkulan na pinagtatakpan ang medical condition ng pinuno ng bansa, tapos saka nila sasabihin na hindi nila alam ang totoong nangyari kapag lumabas na ang totoo
  • yung hindi na alam ng Spokesperson ang pinaggagagawa ng pinaglilingkuran niya at may mga pagkakataon na mali-mali na ang kanyang mga pinagsasasabi sa publiko
  • yung pinagtakpan na naman yung istorya ng pinuno ng bayan tungkol sa sexual abuse laban sa kanilang kasambahay, na kesyo gawa-gawa lang daw iyon
  • yung presidential appointee sa board para sa mga State University, na pabirong nag-uudyok ng karahasan sa social media regarding collegiate basketball
  • yung kaalyado ng mga nasa posisyon na, pero ang plataporma kuno para sa panahon ng kampanyahan ay salungat sa mga patakaran na ipinatutupad na ng kanilang alyansa
  • yung opisyales na bastos na kinukuwestiyon kung bakit niya kailangang sumunod sa tamang procedure
  • yung miyembro ng Dictator's Youth na nakakuha ng posisyon, na ginagamit ngayon ang kapangyarihan para i-suppress naman ang mga aktibistang kabataan
  • yung miyembro ng Dictator's Youth na gustong tanggalan na ng scholarship ang mga estudyante na magpapahayag ng pagtutol sa pamamalakad ng pamunuan
  • yung miyembro ng Dictator's Youth na nagpa-meeting pa sa dati niyang nahawakan na posisyon kahit na nag-resign na siya
  • yung miyembro ng Dictator's Youth na kuwestiyonable ang edad at ang ginawang substitution para i-represent ang grupo nila
  • yung tutol sila sa mga patakaran laban sa pagmumura sa mga piling lugar puwerket hilig gawin iyon ng pinuno ng bansa
  • yung may kalayaan yung isang government official na mag-post sa kanyang fake blog kahit na during office hours
  • yung binastos na rin ng isang government official at ng kanyang kaibigan ang mga PWD para lang i-promote ang gusto nilang anyo ng pamahalaan
  • yung ang balak na i-represent na partido ay sangkot sa anumalya ng NGO Queen
  • yung pinuri pa ng gobyerno yung university na nagkulang sa pagha-handle sa kaso ng bullying
  • yung istorya mula sa miyembro ng dating gobyerno, na bagsak ang ekonomiya at ibinaon ng Dictator Clan sa mga utang ang bayan, at pinuwersa ang pumalit na pamahalaan para bayaran yung mga utang
  • yung opisyal ng lokal na pamahalaan na pabor sa pagsisinungaling tungkol sa school credentials
  • yung opisyal ng lokal na pamahalaan na kapag kaso ng mga kakampi niya ang pinag-uusapan eh kesyo korte lang daw ang makakapaghatol dun, pero kapag kaso ng mga hindi kakampi ang pinag-uusapan eh kaagad siyang nanghuhusga
  • yung pinagbabawalan na ang mga mangingisda na magpasakay ng media papunta sa pinag-aagawang teritoryo
  • yung bawal daw magtrabaho bilang construction workers ang mga foreign workers, pero may mga nahuli na may special permit
  • yung binigyan pala ng DENR ng Environmental Compliance Certificate noong 2018 yung Imperial vessel na gusto ngayong manguha ng buhangin sa Lobo, Batangas
  • sa Lobo, Batangas, yung Imperial vessel na gustong manguha ng buhangin at ayaw nang umalis
  • yung natural resources pala ng bayan ang ipinangakong pambayad kung sakaling hindi mababayaran ng pera yung mga inutang sa Imperyo
  • ang pagdami ng mga negosyanteng Imperyalista at iba pang banyaga sa Boracay
  • yung paulit-ulit na pagkukunwari ng gobyerno na kesyo may mga ginagawa silang aksyon para maprotektahan kuno ang inaagaw na teritoryo
  • ang pagkukunwari ng gobyerno at ng Imperyo na kesyo hindi nila alam ang tungkol sa walang-habas na pangunguha ng mga Giant Clams sa pinag-aagawang teritoryo
  • sa Las Piñas City, yung Imperial food plaza na nakitaan ng napakaraming violations kabilang na ang paggamit ng resibo na may foreign characters na hindi daw rehistrado sa BIR
  • sa Bulacan, yung factory ng pekeng sigarilyo ng mga taga-Imperyo, bukod pa yung kaso nila ng pagmaltrato sa mga local workers

at may kaso na iba-iba ang kategorya:
  • sa Bacoor, Cavite, yung itiniwalag na pari na nahuli na gumagamit ng ilegal na droga for research daw
  • yung nauuso na naman yung mga pari na nasasangkot sa mga kaso regarding sexual abuse
  • yung pagkauso lately ng mga death threat laban sa mga taong simbahan
  • yung mga taong ang kakapal ng mukha na magsabi ng "i feel you" patungkol sa krisis na hinaharap ngayon ng bayan, pero patuloy naman ang pagsuporta sa mga palpak at tiwaling mga pinuno
  • yung pagiging bias ng maraming tao sa pagsagot sa mga survey lalo na yung mga taga-Southern Island
  • yung hindi rin tugma ang survey tungkol sa pagsuporta sa pinuno at pagtutol sa pananakop ng Imperyo
  • yung negatibong epekto ng mga survey, kung saan ilang daan lang naman ang tinatanong, sa desisyon ng maraming mga mamamayan
  • yung mga taong nagpapasalamat pa sa mga promotor, na kesyo hindi muna paaandarin ang kasunod na train, na para bang nasolusyunan yung problema na sila rin naman ang gumawa
  • yung tuwang-tuwa yung mga hindi nag-aambag dahil sa Universal Health Care Bill
  • yung adjustment na ginagawa ng mga ospital sa bill na ipapasa sa PhilHealth
  • yung mga iresponsableng mamamayan na nakakasira o naninira kaagad ng mga mamahalin na goverment projects
  • yung kung sino pa ang mga nililimusan ng gobyerno, eh sila pa talaga yung mas mapanira sa kalikasan, particularly yung mga tumitira malapit sa mga anyong tubig
  • yung gustong gawin na Php 10 ang minimum na pamasahe sa jeep, at hindi na pasok dito yung kapritsosong modernization plan
  • yung gusto nang paabutin ng ibang transport group sa Php 12 ang minimum na pamasahe sa jeep
  • yung mga tusong transport group na mas gusto ang taas-pasahe kesa sa cancellation ng excise tax at VAT, dahil alam nila na mas malaki yung makukuha nila sa per passenger na taas-pasahe kumpara sa per litro na bawas-gastos 
  • yung mga masasamang jeepney driver na Php 9.00 ang iginiit na 20%-discounted rate na pamasahe, samantalang Php 8.00 lang dapat iyon
  • yung sistema ng pagbebenta ng gasul sa tindahan, kung saan nagagawa pa pala nilang magpatong ng additional na Php 50 sa rate kung saan may tubo na sila
  • yung ginawang pag-atake ng mga netizens sa ipinakalat na maling address nung Prestigious Bully
  • yung ina-assume na kaagad ng mga mamamayan na maraming mapaparusahan na mga kabataan kapag naibaba na ang age for criminal liability
  • yung mga batang sinasadyang makipagpatintero sa mga dumadaang sasakyan sa lansangan
  • yung maging mga batang kababaihan sa panahon ngayon eh nanggugulpi na rin sa kalye habang kumukuha pa ng video ng karahasan nila
  • yung may gang war na rin sa [Name of City], malapit pa sa mismong munisipyo
  • sa Quezon City, yung babaeng hinoldap at hinipuan pa daw ng 2 menor de edad na lalaki na armado ng patalim
  • sa Caloocan, yung tila tino-tolerate na ng maraming tao ang patayan, at talagang may mga tao pa na nagchi-cheer para mangyari ito
  • yung kompanya ng Fake News na na-ban na sa kilalang social media platform
  • yung tila statistical defense na ginagamit ng ibang mga tao para bigyan ng katuwiran ang nangyayari ngayon sa ekonomiya ng bayan, sa kabila nang presensya ng mga totoong ebidensya
  • yung maraming mamamayan na nagse-celebrate sa mga pampublikong parke, pero nag-iiwan naman ng napakaraming nakakalat lang na mga basura 
  • yung negative impact ng Climate Change sa agrikultura ng buong bansa
  • yung endangered na pala ang species ng Tawilis, pero mababa pa rin ang pagpapahalaga sa mga ito ng mga mamamayan ng bansa
  • yung pakikipag-agawan ng maraming non-mass transport vehicle sa supply ng limitadong petroleum products
  • yung isyu ng sexual harassment sa Miss Earth pageant
  • yung may mga nag-claim kaagad na nakakamatay daw ang Dengvaxia mismo, dahilan kung bakit marami tuloy mamamayan ang natakot na sa lahat ng klase ng mga vaccine
  • yung pinakamataas daw ang bilang ng mga insidente ng rape sa Safest City
  • yung parati na lang kini-claim ng pamahalaan na kesyo nahahaluan ng mga rebelde ang mga protesta laban sa palpak na pamumuno nila
  • yung pagiging balimbing ni MRT Man, na kaalyado na ngayon ng kaalyado ng mga dating magnanakaw at abusado sa katungkulan
  • yung inilaglag na kaagad ni MRT Man ang mahalay na halik ng kanyang dating amo nang mawala na siya sa katungkulan
  • yung maraming mga kandidato o campaign team nila ang pasaway sa pangangampanya
  • sa Quezon City, yung pamimigay ng isang TV host ng pera sa kampanya ng ilang kandidato
  • sa Makati, yung bangayan ng mga Binay sa forum sa isang simbahan
  • yung kandidato na ginawang katatawanan ang nakaraan ng isang babaeng celebrity
  • yung mga kandidato na may plataporma kuno na tutol sa korupsyon, pero may mga kagrupo naman na mga magnanakaw
  • yung mga kandidato na may plataporma na laban kuno sa masamang bisyo, pero may mga kagrupo na nauugnay sa masamang bisyo
  • yung may mga artista na gumagamit ng pangalan nila para sa demolisyon, para sa kapakanan ng kaalyado nila sa pulitika
  • yung artista na iniisip na giyera lang ang paraan para maprotektahan ang mga inaagaw na teritoryo ng bansa
  • yung artista na nagsabi na walang "MALI" na boto, kahit na alam niyang may mga kriminal sa mga pagpipilian
  • yung singer na marumi kung mag-isip, na pro- sa muling pagbusal sa media
  • yung mga hacker ng private content para sa layunin ng character demolition
  • yung basta-basta na lang nagpapakalat ng hindi verified na listahan ang anak ng pinuno ng bansa sa social media
  • yung mga pinuno na nag-e-endorse ng mga bistadong kriminal
  • yung religious group na nag-e-endorse ng mga kriminal
  • yung isa pang religious group na puros mga kriminal rin ang ini-endorse
  • sa isa sa mga venue para sa overseas absentee voting, yung may nagpakalat ng campaign materials
  • sa Cavite, yung mga supporters na nahuli dahil daw sa pamimili ng boto
  • yung report ng PCIJ tungkol sa paglobo ng yaman ng mga practitioner ng nepotismo
  • yung may bagong version na naman ng Dictator's Law history yung balimbing na tuta ng dating Diktador
  • yung sinasamantala ng Dictator Clan ang kakulangan sa recording technology at ang kawalan ng mga record noong panahon ng paghahari nila para palabasin na gawa-gawa lang ang mga pang-aabuso sa panahon ng Dictator's Law
  • yung kandidato na siniraan ang mga survey, pero ni hindi naman factual yung istorya
  • yung mang-aagaw na nga ng mga teritoryo ang Bestfriend Empire, tapos eh mang-aagaw pa ng mga trabaho yung mga mamamayan nila
  • yung sinisilip dito sa bansa ang pagkakaroon ng maraming mga taga-Bestfriend Empire na ilegal na nagtatrabaho, samantalang ang dami na ng mga Filipino na bumastos sa patakaran ng iba't ibang mga bansa nang dahil din sa paghahabol sa hanapbuhay
  • ang lantarang paninigarilyo ng mga mamamayan ng Imperyo sa mga NO SMOKING area sa kanilang probinsiya
  • yung ang mga Mainlanders ang nangunguna sa paglabag sa mga patakaran sa rehabilitated na Boracay
  • yung mamamayan ng Mainland na tinapunan ng taho yung isang pulis na nagpapatupad ng anti-terrorism procedure sa pampublikong mass transport system dito sa bansa
  • sa Makati City, yung 2 Mainland citizens na nagpapatakbo daw ng prostitution den gamit ang mga probinsyana, kung saan 11 ay mga menor de edad
  • yung mga offshore online casino ng mga Imperyalista na posible daw na hindi nagbabayad ng kaukulang buwis para sa kita at para sa pasuweldo sa mga empleyado
  • yung naangkin na rin ng Imperyo ang Banaue Rice Terraces ayon sa travel guide
  • yung vacation bullying ng Imperyo gamit ang autonomous territory nila
-----o0o-----

May 20, 2019...

sa Comelec - Bacolod..
yung natagpuang mga resibo ng Voter Verified Paper Audit Trail na tila itinapon..
pero baka DAW aksidente lang na nalaglag at hindi napansin...

is feeling , pang-countercheck yun ah...

>
yung put*ng inang anti-poor na provincial bus ban sa EDSA...

sige lang..
ibigay na sa mga private vehicle owners ang EDSA..
habulin ang kita mula sa mga bangko, sa mga loan, sa mga vehicle company, sa mga lisensya, at sa agawan sa petrolyo..
tapos bigyan rin ng dagdag kita yung mga kaibigang city buses...

yung mga trabahador na umaasa sa mga provincial bus, eh ipatapon na sa malalayong terminal..
mas pamahalin pa ang mga pamasahe nila..
at hayaan silang mas ma-late sa pagpasok sa mga trabaho nila sa loob ng NCR...

Santa Rosa, Laguna para sa mga taga-South..
so hindi pala provincial bus ang mga bus na nanggagaling sa Santa Rosa...??

samantalang ang dami ko nang nakita..
mga pang-porma lang ang habol sa mga sasakyan..
pang-status symbol..
yung iba, pang-non-carpooling na TNVS raket ang habol..
ginagamit yung mga offer ng mga bangko..
tapos kapag nagkagipitan na sa pagbabayad, eh bahala na..
yung iba eh buntis pa eh inilalako na kaagad ang sarili..
yung iba naman eh asa sa assume balance..
yung iba eh saka nare-realize yung bangungot dahil sa maintenance...

is feeling , mga gahaman sa gatasan.. tapos mahihirap ang isasakripisyo...?

---o0o---

May 21, 2019...

yung pinuno ng Dictator's Youth..
yung nagpa-meeting sa nahawakan niyang posisyon kahit na nag-resign na siya..
at yung i-che-check rin daw kung nagpasok siya ng gatas para sa kampanya ng totoong grupo niya...

bukod pa yung hindi tama yung ginawa niyang substitution (technically wala na dapat yung grupo nila)..
at hindi na rin siya qualified base sa kanyang edad...

tapos nagyabang na kaagad sa social media tungkol sa makukuha niyang kapangyarihan para sa totoo nilang amo... :(

eh ano nga namang maaasahan sa tuta ng Dictator Clan..??
edi mandaraya rin... :(

is feeling , o iimbestigahan dahil nga may mga sumisita na...??

>
yung Alternative Working Arrangement bill... 

naman..
hindi ba pwedeng yung mga author na rin nun ang mag-handle sa issue ng pronvincial bus ban...?

is feeling , bakit hindi pantay-pantay ang distribution ng mga may utak na tao sa pamunuan...??

>
yung vacation bullying ng Imperyo gamit ang autonomous territory nila...

is feeling , okay lang yan.. madami pa namang ibang bansa...

---o0o---

May 22, 2019...

sa Fiscal's Office ng Quezon City..
yung empleyado na hinuli dahil sa kasong estafa..
million worth daw laban sa mag-asawang binalak lang magtayo ng laundry shop...

is feeling , kahit saan...

>
natigil yung paglalabas nung mga matrix matapos ang pilian..
nagampanan na kasi ang purpose nun eh...

saka na lang ulit..
kapag may nabibisto na ulit na kasamaan nila..
o di kaya eh kapag may dudurugin na ulit na mga pangalan...

is feeling ,ang tuso...

---o0o---

May 23, 2019...

yung dating Customs Deputy Commissioner na inaresto dahil sa pagtanggap daw ng pera bilang pang-areglo sa mga kargamento...

is feeling , unlimited criminality...

>
well..
alam ni Uncle Jonin ang totoo..
dahil may record naman...

parang tanga naman na rerenta ka ng tao na minsan nang nanira sa inyo..
na kapag anti- eh suspicious, at kapag pro- na eh reliable na..?
considering na may record na nga rin siya...

kung hindi ito plano ng buong M.A.D. Alliance..
posibleng manipulado 'to ng isa sa mga haligi nila para lumala yung sitwasyon..
ang pamunuan bilang ang binubugbog na bida sa umpisa, at ang mga kritiko bilang kalaban..
remember kung sino ang inatake nila noong 2016..?
tapos sino yung binabaliktad nila ngayong 2019..?
basically, iisang grupo lang ang target nila..
so kung sino man ang totoong mastermind sa likod nung video actor eh may motibong wasakin ang kritikong panig..
remember yung assumption ng Lawyer of Evil, na kesyo may Ilocano accent yung totoong video actor..?
eh sino ba ang nagmula sa isinumpang lugar ng mga Diktador...?

pang-Zombie lang ang istorya na 'to..
at kapag ginawa siyang testigo, eh siguradong luto na...

is feeling , sino nga ulit yung mahihilig gumamit ng mga kriminal bilang mga testigo...??

---o0o---

May 24, 2019...

sa Tondo..
yung anak ng Barangay Chairman na hinuli dahil sa pagtutulak ng ilegal na droga..
nahulihan rin siya ng hindi lisensyadong shotgun...

is feeling , hindi kasi dapat hulihin ang mga drug lords at chemists nila eh...

>
yung bobong singer..
yung buong TV network ang gustong ipatumba dahil lang sa malisyoso ang tingin niya sa balita...

okay lang sana kung FAKE news yung tinira nya eh..
kaso eh factual naman talaga yung nakasaad, base na rin sa statement nung taong involved..
marumi lang talagang mag-isip yung bobong singer na iyon...

Hokage mentality..
katulad ng ginagawa ng mga bayarang meme creators nila..
kapag pabor sa kanila ang topic, eh ini-exaggerate nila..
halimbawa eh yung batas na nagbibigay ng mga libreng documents para sa mga baguhang jobseekers, pagdating sa social media eh pinapalabas nila na free for all ang ibig sabihin nun, edited picture lang at walang link sa mismong batas..
pero kapag hindi naman pabor sa kanila o kahit picture lang na wala namang kamali-malisya, eh ginagawan at ginagawan rin nila ng masamang isyu..
basta magsalita ka ng hindi nila magugustuhan - at automatic na destabilizer ka na kaagad...

to think na ginagamit pa niya sa argument yung topic ng sexual harassment..
samantalang ang Hokage na sinasamba nila eh mismong promotor ng sexual harassment at sexual abuse..
so parang tanga lang na kunwaring lalabanan mo yung isang konsepto na sinusuportahan naman ng taong sinasamba mo...

o baka naman gusto nilang patahimikin na muli ang mapanuring media dahil naaasar sila sa mga programa na nagsasagawa ng investigative news at nakakabuking sa mga ilegal na ginagawa ng alyansa nila...?

hindi nga perpekto yung TV network..
maraming beses na yung napatunayan sa nakaraan..
trabaho siya eh, source of money..
pero mas lalala pa ba yun kumpara sa isang bayan na pinaghaharian ng mga FAKE documents (news, statistics, lists, graphs) at mga memes lang...??

is feeling , mukhang lulutuin na talaga nila yung planong pagpapatahimik...?