Friday, September 29, 2017

Ang Alamat ng Most Undesirable Guy on Earth - Last Week of September 2017 (Messages from the Future)

September 24, 2017...

bad news pa din...

distracted na naman ako sa trabaho.. :(
ngayon pang puno ng konsepto yung utak ko...

pinagde-design na naman ako ng logo ng jersey eh...

hay.....
ang masama kasi sa mga utang na loob na in terms of money, eh dahil fixed yung value nila..
mas madali siyang tandaan kapag ganun..
aalalahanin mo lang ang ilang numero, at may maisusumbat ka na...

ang hirap nung pakiramdam na kahit na anong gawin ko eh parang wala akong nababayaran sa mga utang na loob ko..
ilang art projects na ba yung nagawa ko..?
ilang computer units na ba yung na-repair ko...?

pero sa kabila ng mga yun eh parang hinding-hindi ako nakakawala sa mga utang na loob ko..
kung tutuusin nga eh hindi naman ako dapat ang nagbabayad sa mga yun eh...

para kasing kapag labor yung ginawa mo para sa kanila, eh parang wala ring halaga..
parang pinabili ka lang ng suka sa tindahan..
walang exact value, walang turing, kaya hindi madaling tandaan para sa kanila...

kaya nga ba mas gusto kong yumaman in an instant eh..
para pera na lang ang ipambabayad ko sa mga utang na loob ko..
that way, wala nang makakapanumbat sa akin na kesyo ganitong halaga ang nagastos ko para sa'yo noon..
pagkasampal ko sa kanila ng pera - edi kwits na..
gusto kong tapatan yung halaga ng mga nagastos nila para sa akin, para mabawi ko na ulit ang buhay ko sa mas measurable na paraan...

ayokong maging utusan ng kahit na sino..
at ayoko rin na inaagaw ang mga nalalabi kong oras sa mundo... :(

according sa record..
no charity included..
nasa Php 342,500 yung mga kailangan kong bayaran para kwits na ako sa lahat... :(

was feeling , yung pakiramdam na parang gugugulin mo lang yung buhay mo para sa pagbabayad ng mga utang...

>
[Online Marketing]

good news naman, para maiba...

mukhang naghabol rin talaga ng sale yung mga foreigner..
bumulusok yung benta ko..
at kung susundin ko yung monthly budget, eh nasalo na rin nga dun yung kailangan kong budget for October..
sa tantsa ko kasi eh magiging matamlay ang October kapag nawala na yung promo...

pero the same problem..
dahil sa kabobohan nung app, eh wala pa rin akong paraan para mailabas yung pera ko..
nakain rin nung business ng biological aunt ko yung pera na ipambubukas ko sana ng bank account..
kaya halos stuck pa rin ako..
back to zero yung pag-iipon ko ng Php 10,000 na pambukas ng account...

hay.....
kung may mate-test lang sana akong at least Nougat na Android phone, na pwedeng mag-switch ng SIM Card..
para ma-confirm ko lang kung gagana nga yung app..
mapapadali rin nun yung pag-produce ko nung Php 10,000 in case na hindi pa masyadong reliable yung app...

was feeling , konti pa.. este marami pa pala...

---o0o---


September 25, 2017...

nasa sa inyo naman yan eh...

aminado kayo sa mga sarili ninyo na hindi ninyo kaya yung 2 bata..
yung isa eh hindi nga normal ang behavior..
yung isa naman eh alagain rin at maligalig..
pero nagpapanggap kayo sa harapan ng pamilya nila na kaya ninyo..
tapos saka panay ang reklamo ninyo kapag nakatalikod na sila...

kagaya niyan..
kaarawan mo, pero ano..?
ni hindi ka makapagsimba..
libreng sine pa ang gustong unahin nung asawa mo..
tapos hati pa ang atensyon mo kung paano mo aalagaan yung 2 bata (may sakit pa yung isa), kung paano mo huhugasan yung mga pinagkainan nila noong umaga, kung paano ka mamamalengke ng mga order nila, at kung paano mo sila ipagluluto ng espesyal na pananghalian...

saan ka naman nakakita na kapag gusto nang mag-kalat-mode nung bata, eh biglang ililipat sa bahay namin...?

was feeling , hindi lang puros pera ang mahalaga sa pagpapamilya...

>
one year na ang nakalipas simula noong bumalik siya mula sa retirement..
pero hindi pa ulit siya nagiging active mula sa bakasyon..
ilang buwan na rin yun..
at nagiging mas kakaba-kaba ang bawat araw na lumilipas...

wala akong lead na nakukuha tungkol sa kanya..
puros mga kagrupo niya lang yung nata-track ko...

was feeling , kumusta na kaya yung babaysot na yun...?

---o0o---


September 26, 2017...

busy Tuesday...

pero buti na lang at si Emoji-Girl ang supervisor today..
akala ko eh buong September na niyang hindi pagagandahin ang mga Tuesdays ko eh...

was feeling , sideline-mode...

---o0o---


September 27, 2017...

sira na naman ang schedule ng trabaho...

makikipagbasag-ulo sa opisina..
tapos dito dadalhin ang kalbaryo sa bahay... :(

kagaya kagabi..
nasa 6 hours na nga lang ang tulog ko sa gabi..
tapos ang gusto pa eh hintayin kong matapos yung pagpasok ng mga e-mail..
eh lumabis na nga sa 1 GB yung pagkonsumo nung optimum bandwidth eh...

tapos ngayong araw naman..
hindi na nga ako nakapag-reset ng IP para sa trabaho..
tapos napakaaga pa na pumalo sa 850 MB yung paggamit sa optimum bandwidth...

tapos buong linggo ko na namang kailangan na ma-experience 'to...?

was feeling , huwag dalhin ang trabahong pang-opisina sa bahay...

---o0o---


September 28, 2017...

tapos na sa clinic, sa office, sa hallway, at sa kalye..
nasa last setting na ako..
yung pinakamahirap sa lahat..
yung maraming characters ang gumagalaw...

at sira pa rin yung Microsoft Store ko hanggang sa ngayon..
for the 3rd time... :(

was feeling , party time...

>
patay na si boss Hugh Hefner..
hindi na umabot sa 100 y/o...

titingnan kung may o ano ang magiging mga pagbabago sa industriya...

was feeling , salamat po sa magazine...

---o0o---


September 29, 2017...

[Public Interest]

madaling araw pa lang eh may damage na kaagad yung araw ko.. :(
excerpt na lang mula doon sa complaint yung ila-log ko para maiwasan ang quick search..
yung mga (.....) ay deleted paragraphs...

hindi na rin ako magpi-filter ng pangalan..
ayaw nilang umaksyon eh...


Issue: Globe Changing the Time of Expiration of Prepaid Load

.....

for many years hindi ako nakaranas ng malalang problema sa paggamit ng Globe Prepaid, sa tulong na rin ng 211..
okay naman kasi yung sistema niya na hindi nag-e-expire yung mga lumang load kapag nag-load ng panibagong amount bago pa yung scheduled na expiration..
bale naiipon yung mga hindi nagagamit na load at naa-adjust yung expiration date base dun sa pinaka-latest na date nang paglo-load..
base sa experiences ko nitong mga nakaraang taon eh ang oras o Time ng expiration ay halos kalapit lang naman parati ng oras ng paglo-load..
in addition, okay rin yung sistema kung saan nagse-send ang Globe ng warning na malapit nang ma-expire yung load a few hours bago pa 'to mangyari...

so para ma-maximize yung sistema..
ang ginagawa ko ay nagse-set ako ng monthly reminder..
tuwing kada-tapos kong mag-load ay kaagad akong nagba-Balance Inquiry para makita ko kung kailan ba ang bagong scheduled na expiration ng load ko..
base dun ay nagse-set naman ako ng reminder (para mag-load) na at least ay 2 hours ahead bago yung mismong oras ng expiration..
sa ganung paraan ay nagagamit ko naman nang husto yung haba ng buhay nung load..
dahil rin dun ay naging kampante ako sa sistema sa pangangalaga ng Globe sa mga prepaid load sa loob ng maraming taon...

pero may kakaibang nangyari nitong madaling araw ng September 29, 2017..
naka-schedule dapat ako na mag-load ng 4:00 PM, same date..
bale supposedly ay nasa bandang 6:00 PM pa yung expiration ng load ko..
kaso by 2:44 AM ay nag-send sa akin ng warning ang Globe na by September 29, 2017, 12:00 AM daw mae-expire ang load ko..
bale ilang oras nang huli yung warning ninyo kung ang pagbabasehan ay yung binagong expiration schedule, so nawalan na rin yun ng silbi..
nagulat ako na naging 12:00 AM na yung oras ng expiration dahil hindi naman ako naglo-load ng ganung kaalanganin na oras..
technically, pinaikli nila ng more or less 18 hours yung buhay nung load ko..
dahil dun ay kaagad akong nag-Balance Inquiry, at nadiskubre ko nga na yung Php 575 worth of load ko ay naging 0 na...

nawala po ang lahat ng load ko dahil hindi ko alam na napalitan na pala ang expiration schedule nito..
at hindi rin nagawa ng Globe na bigyan ako ng warning bago man lamang nila ipinatupad yung expiration...

ito po ang mga punto at tanong ko:
1) bakit po pinalitan ng Globe yung original na oras ng expiration ng load ko nang wala man lamang babala tungkol dun..?
2) kung may karapatan man po ang Globe na palitan yung Date/Time ng expiration, eh bakit naman po late yung pagse-send ng warning tungkol sa expiration..?
3) bakit po ang date doon sa warning ng Globe at doon sa pinaka-latest kong Balance Inquiry ay September 30, 2017 na, samantalang September 29 pa lang ngayong araw..?

salamat po sa matagal na panahon na naging efficient kayo, pero sana po ay panatilihinin na lang ninyo na maayos yung sistema..
sana po ay maging patas naman kayo, dahil hindi naman biro yung nawalang halaga sa akin..
regular naman po akong naglo-load monthly eh..
hindi po ako makapag-provide ng screenshots dahil lumang Nokia phone ang gamit ko at hindi rin naman malinaw na makuhanan ng mga smartphone yung screen nung Nokia..
pero siguro naman po ay mache-check ninyo yung history ng paggamit ko ng prepaid load, pati na rin yung history ng system messages na pumapasok sa number ko..
sa ngayon po ay hindi na muna ako naglo-load dahil baka may kababalaghan na naman na mangyari...

sana po ay matulungan nyo ako sa problema na ito, para maibalik yung nawala sa akin na load..
.....

kung sakaling pagkakamali ko na hindi ako nakagawa ng reminder kung kailan ulit ako maglo-load, eh matatanggap ko na nawalan ako ng malaking halaga eh..
pero yung ipapakain sa sistema yung load ko sa pamamagitan ng pagmo-modify sa schedule ng expiration at sa sobrang late na pagpapadala ng notification tungkol sa expiration - eh parang pasimpleng pagnanakaw na yun..
and to think na may labis na bayad pa kami regarding naman sa broandband ang ayaw nilang ibalik dahil kumupas na yung resibo mula sa payment center... :(

was feeling , tang ina! text messages na galing sa FUTURE...?

>
[Public Interest]

bullshit!

so yun na pala ang bagong technique ng Globe..
kaparehas ng sa iba..
yung wala ng e-mail address para mawalan ng kakayahan ang mga customer na ma-track yung mga complaints...?

tang ina!
nag-e-mail ako kanina pero wala man lamang automatic reply kung natanggap ba nila yung e-mail ko..
tapos dumaan na rin nga ako sa Facebook, pero puros automatic naman yung reply at walang taga-chat..
after that, tumawag naman ako sa 171, pero muli naman akong pinadaan sa e-mail para daw mai-attach yung mga proof ko..
pero ayaw naman nilang magbigay ng exact e-mail address...

tang ina!
ganitong-ganito rin yung nangyari noon sa labis na bayad namin sa Globe din eh..
pinaikot lang nang pinaikot yung mga reklamo hanggang sa mabura na yung mga ebidensya...

was feeling , bakit ba sobrang corrupt ng lipunan natin...?

>
[Public Interest]

nakakapagod makipaglaban sa kasamaan... :(

bakit ba kasi parang hindi pwede sa maraming tao yung maging patas at gawin na lang kung ano ang tama...?

kagaya nun..
technically speaking, makikita naman sa sistema nung kompanya kung ano ngang mga nangyari dun sa account..
alam ko, dahil twice na akong nakapagpa-check noon ng mga minor issues..
kaya bakit kailangan nila ng malinaw na proof mula sa biktima..?
so kasalanan ko pa ngayon na hindi smartphone ang phone ko kaya walang screenshot..?
nag-provide ako ng pictures gamit ang ibang phone pero iginigiit nila na kailangan pa nila ng mas malinaw...?

at tsaka yung tungkol sa payment..
sila mismo ay may kopya nung Statement of Account na naging negative..
may paraan rin sila para i-check kung anu-ano yung mga pumapasok na bayad sa kanila, kaya nga sila nakakapag-update ng SOA eh..
pero bakit nila hahanapan pa ng kopya ng kumukupas na resibo mula sa payment center yung biktima...?

dahil ang totoo ay gumagawa lang sila ng paraan para hindi ka makapag-claim..
lahat ng pumapasok at nananakaw nila eh income na para sa kanila, kaya wala silang balak na pakawalan ang mga yun..
unless may kakayahan ka ngang makipaglaban sa kanila gamit ang oras, pera, at effort..
pero basically, niloloko ka lang talaga nila hanggang sa sukuan mo na yung kaso...

nakakatakot lang kasi na may kakayahan pala sila na mag-modify ng expiration date..
biruin mo, kahit na alam at tandaan mo pa kung kailan ka dapat mag-load, eh hindi ka pa rin secure..
paano kung parating madaling araw na lang nila gawin yung mga pag-atake nila..?
se-send-an ka ng expiration notice sa madaling araw, na almost 3 hours na AFTER nilang pa-expire-in ang load mo...?

ang mahirap kasi kapag involved na yung contact number, eh posible nung i-reveal yung iba pang mga maseselan na details tungkol sa'yo at sa iba mo pang mga accounts eh..
kaya hindi madaling magreklamo gamit yung mga ganung bagay...

ang una, panggagago tungkol sa broadband na mahigit 8 years naming ginamit..
tapos ngayon naman, sa mobile number na mahigit 9 years ko nang ginagamit..
wala ba talagang halaga para sa kanila yung mga ipinapasok naming pera sa kanilang kompanya..?
kinakabahan tuloy ako ngayon para sa GCash ko... :(

was feeling , silent thief...

---o0o---


September 30, 2017...

yung 3 beses mo nang na-send sa PM yung number mo..
pero talagang hihingin pa ulit sa'yo, para daw ma-check na nila..
delaying tactics..
putang ina, bakit ba may mga kompanya na ganito kabobobo ang empleyado...?

magaling sila, kumikita sila ng pera sa pagtatanga-tangahan..
samantalang yung mga consumer na naaabala nila, eh marami ang nawawala sa buhay...

wala akong pera..
wala akong oras..
wala akong impluwensiya..
pero putang ina, bibigyan ko kayo ng isa pang buhos ng effort..
after that, at hindi umaksyon ang NTC at [Name of TV Network] - eh ibig sabihin lang na pare-parehas lang sila...

is feeling , isa pang laban sa kasamaan...


Pictures & Influence Above the Law

NOTE: this is not news..
i am not a reporter/journalist nor an influential person..
also, i'm not related to the government in any way..
but there are summary of news featured in this post..
it will require research in order to get the whole story regarding each particular news that is featured in here...


mga larawan..
isa sa mabisang paraan ng pagpapahayag..
paraan rin para makapag-provide ng ebidensya..
kung noon, eh kailangan mo pa ng camera at ng film para lang makagawa ng picture sa pinaka-basic na paraan..
noon rin eh kailangan pa na nasa mismong lugar ng pinangyarihan ka bago ka makakuha nung larawan...

pero binago na ng teknolohiya ang mga bagay-bagay sa panahon ngayon..
camera phone at screenshot na ang ginagamit ng mga tao para manguha ng mga larawan sa kung saan-saan..
internet connection lang ang kailangan at makakasilip ka na sa sa buhay ng ibang mga tao (provided na hinahayaan nila itong mangyari)..
sa screenshot pa lang eh marami nang masasabi ang mga tao, pabor man o laban sa'yo..
tapos dagdagan pa ng kakayahan ng photoshop at maiiba na yung istorya sa likod ng isang larawan...

pero ang pinakatuso sa lahat ay ang paggamit ng mga larawan para makapagkunwari...

---o0o---


update ulit (182 na)..
medyo in-organize ko rin yung mga kaso..
una (untikan ko nang makalimutan 'to), ang pagtataksil sa interes ng bansa at ng mga (ibang) mamamayan (lalo na yung mga naging biktima), at pagbalewala sa kasaysayan at dangal ng bansa:
  • ang pagpapalibing sa bangkay ng isang Diktador sa isang makabuluhang national cemetery
  • yung pagbibigay ng permiso sa isang Imperyalistang nasyon (na lantarang nang-aagaw at nang-aangkin ng mga teritoryo) ng kalayaan para mag-explore sa teritoryo na posibleng mapagkunan sana ng mahahalagang resources ng bansa
  • yung kagustuhan na kontrolin kung sinu-sino ang mga mamumuno sa mga Barangay hanggang 2020
  • yung pahiwatig na gusto niyang ipatupad yung Martial Law na katulad nung sa Dictator Clan
  • ang paulit-ulit na pagre-relate ng mga tao sa kanyang mga rape comments na para bang ginagawa pang katatawanan ang bagay na yun
  • ang pambabastos sa lider ng isang bansa na mahilig sa mga delikadong armas, kahit na hindi naman kaya ng bansa na lumaban in case na mapikon ang mga yun
  • yung pati kaso ng pagnanakaw sa bayan ay gustong iareglo para lang sa Dictator Clan kahit na pang-bobo yung alibi ng tagapamagitan nila
  • yung statement tungkol sa kagustuhang bombahin ang mga Lumad schools
  • yung pag-iimbento ng bank accounts at kuwento na rin tungkol dun at pagre-relate nun sa hindi nila kakamping opisyales, na inilabas pa sa publiko

are yung ang involved o semi-involved eh mga identified talaga bilang awtoridad:
  • yung mga lalaking itinumba kahit na naka-posas na sa likod
  • yung 4 year old daw na bata na nadamay sa pagpatay ng mga pulis sa tatay niya
  • sa Lanao del Norte, yung mag-ina, kasama na rin yung bata sa sinapupunan, na nadamay sa pagkapatay ng mga pulis sa nanlaban daw na kapatid ng suspek nila
  • yung army reservist na pumatay ng lalaking naka-bike matapos ang road rage at matapos nilang magsuntukan sa kalye, tapos may nadamay pang isang sibilyan sa pamamaril niya
  • yung OFW na dinakip sa checkpoint at naging biktima ng torture at pagpatay
  • yung mga taga-Quezon na hinuli sa parang raid, pero wala palang record ang mga pulis ng naging operasyon na yun laban sa kanila, at may natagpuan na lang na mga sunog na bangkay na pinaghihinalaan na sa mga taong yun na pinagdadakip nga
  • yung kaso nung Australian, kung saan hindi nag-match yung statements ng mga arresting officers kumpara sa naging kuha ng CCTV, at may alegasyon pa ng tangkang pangingikil (this happened sometime before the current administration)
  • yung kaso involving Makati Police, kung saan inaresto ang isang OFW gamit ang gawa-gawa lang naman DAW na dahilan, at tinakot DAW na gagawing related sa ilegal na droga kung hindi magbibigay ang pamilya niya ng Php 500,000
  • sa Caloocan, yung bahay ng matandang babae na nilooban at pinagnakawan ng mga pulis at ng iba pa nilang kasamahan na hindi naman mga pulis
  • sa Maragondon, Cavite, yung miyembro ng SOCO na sangkot sa nakaw-ebidensya regarding sa kaso ng pagpatay sa mag-asawang matanda
  • yung kaso ng pagpatay sa Regional Chairperson ng Citizens Crime Watch sa Oriental Mindoro, kung saan Police Senior Inspector at Inspector (police awardee pa yung isa) yung nahuling mga suspect, at may mga kagamitan talaga sila na pang-riding-in-tandem
  • sa Zamboanga del Sur, yung nakunan sa CCTV na sundalo na pinagbabaril ng 2 na-identify bilang mga pulis
  • yung Mayor sa Mindanao at ang mga kasama niya na hinihinalang pinatay sa rubout
  • sa Ozamiz City, yung pagpatay o pagtumba daw ng mga pulis sa grupo ng mga suspek, at tila i-d-in-isplay pa ang mga bangkay nila sa harap ng munisipyo
  • yung kaduda-dudang raid laban sa mga Parojinog sa Ozamiz
  • yung pagkamatay ni Mayor Espinosa; nakakulong na, hinainan daw ng search warrant kahit na madaling araw na, nawawala ang kuha ng CCTV, at nakapanlaban daw
  • yung mabilis na pagre-reinstate dun sa Marcos (pulis ng Region 8 na sangkot sa kasalukuyang kaso/istorya ng mga Espinosa) at tila pagiging 'maluwag' ng mga kinauukulan sa iba pang pulis na involved
  • yung patuloy na pagkampi sa mga pulis ng Region 8, matapos ang findings na murder nga DAW yung ginawa nila laban kay Mayor Espinosa, hindi pa man sila napaparusahan pero may nakapangako na kaagad na absolute pardon para sa kanila
  • yung kidnapping ng isang civilian last October daw na nakunan ng CCTV, na ang sangkot ay mga pulis na hindi naka-uniform
  • yung kaso sa Lemery, Batangas kung saan may claim na nauna (higit na mas maaga) daw hinuli yung mga drug suspects nang mga naka-civilian na pulis na wala namang dalang warrant, pero hapon na noong kuhanan ng mga pictures at inventory na may kasama ng mga ebidensiya laban sa kanila
  • sa Tondo, yung 2 lalaki na napatay ng mga pulis dahil nanlaban daw, at tila binutas-butas pa daw yung katawan, pero nakunan naman ng CCTV yung maayos nilang pagsama sa mga pulis
  • sa Caloocan, yung ginawang pagtumba ng mga pulis sa 17 y/o na Grade 11 student na pinalabas nila na nanlaban
  • yung hinihinalang pagtumba dun sa 19 y/o na UP Passer
  • yung pagpatay ng isang pulis sa lalaking nanlaban DAW matapos mag-amok sa isang bangko sa Laguna na nakunan naman ng CCTV camera  
  • yung pamamaril ng isang lasing na pulis sa Misamis Oriental na ikinasugat ng 4 na katao 
  • yung nakainom na pulis sa Negros Occidental na namaril din at nakapatay
  • yung ginawang pananampal at panggugulpi ng isang sundalo sa isang bar sa Isabela, supposedly eh naka-duty daw siya, at nanggulo DAW doon dahil gusto ng nude dance/show
  • sa Sorsogon, yung pangho-holdap ng isang sundalo sa isang remittance center, na supposedly eh naka-duty rin siya during that time
  • yung pulis na nambugbog ng makulit na matandang lasing, at inilagay pa niya sa paso ang batas
  • sa Ozamiz, yung nakunan ng video na pananakit ng isang police chief inspector sa isang nahuling suspek
  • sa Quezon City, yung pulis na dati nang nasuspinde, na inaresto dahil sa pambubugbog daw sa kanyang stepson
  • sa Negros Oriental, yung pulis na nakunan ng video habang pinatapat ang tenga ng isang sibilyan sa muffler habang pinapaandar yung motorsiklo
  • yung pulis sa Sta. Mesa na namaril ng sibilyan na binu-bully DAW nito parati at sinaktan pa bago yung insidente, matapos na rumesbak yung biktima na may dalang bato at itak
  • yung buy-bust operation DAW sa Caloocan, na ginawa ng mga naka-sibilyan na naka-hood at mga naka-maskara at hindi na mga pulis, na natunugan DAW, kung saan 2 magbiyenan na drug-related suspects ang napatay sa loob ng kanilang pamamahay
  • yung napatay na 17 y/o sa Caloocan City na hindi naman target pero nadamay daw sa ginawang buy-bust operation, nakita daw siya na may baril kaya pinatay na
  • sa Maguindanao, yung 2 bata na edad 6 at 10 daw na nadamay at napatay sa ginawang anti-illegal drugs operation sa kanila, kung saan nasugatan rin daw yung 2 pa nilang mga bata rin na mga kapatid
  • yung pulis na namaril ng kapwa pulis sa Lipa City
  • sa Pasay City, yung miyembro ng army na nakainom, nagwala, at nakipagbarilan pa sa mga pulis
  • sa Caloocan, yung 2 pulis na nagbarilan ng dahil lang DAW sa toothpick
  • yung pulis na nang-rape ng sibilyan sa Calamba City, na ginamit DAW yung pagka-pulis niya para kunwari ay magpapatulong lang dun sa biktima
  • yung pulis na binaril yung menor de edad na isinasama lang DAW niya
  • yung pulis Mandaluyong na aksidenteng nakabaril sa Nasugbu, Batangas dahil DAW ipinagmamalaki niya yung baril na na-issue sa kanya
  • sa Manila, yung pulis na namaril sa isang bar, na napatigil gamit ang phaser gun
  • sa Agoncillo, Batangas, yung pulis na pumatay ng isang municipal nurse nang dahil lang sa away-pag-ibig
  • yung SAF na nambugbog ng traffic enforcer sa Bacolod matapos siyang masita na nagawa niyang traffic violation
  • sa Dumaguete, yung 5 pulis (hindi naman naka-uniporme o naka-duty) na nambugbog DAW dahil sa isang basketball game
  • yung nakunan ng CCTV na pulis (na naka-sibilyan) na nanggulpi ng lalaki na sinubukan na DAW humingi ng tulong sa mga pulis sa isang presinto ng QCPD, ikinulong pa nila yung lalaki at ipinaako DAW sa kanya lahat ng pagkakamali, at dahil yun sa away-trapiko pa rin
  • sa Mandaluyong, yung 2 lalaki na hinuli dahil sa pag-iinuman sa kalye, pero nakunan ng cellphone video na pinagpapapalo ng kahoy ng isang pulis
  • yung sa General Trias, Cavite, yung 3 pulis na nang-torture rin daw ng 2 preso at pinilit pa yung 2 na maghalikan habang nanonood sila
  • sa Tondo, yung pulis na pinaghahanap dahil sa indiscriminate firing, na posibleng handa lang daw para sa birthday yung pinag-ugatan
  • sa Manila, yung naka-AWOL na pulis na nagpaputok daw ng baril at nakatama ng 2 menor de edad, at nanapak pa daw
  • sa Antipolo City daw, yung jeepney driver na pinatay daw ng isang pulis Maynila dahil lang sa away-trapiko
  • yung nakunan sa CCTV na police escort na nakabundol ng batang estudyante, pero itinanggi daw na siya yung nakabundol at tinakasan pa yung biktima
  • yung pulis na nakabangga ng nasa pedestrian lane
  • sa Rodriguez, Rizal, yung road rage na nauwi sa barilan sa pagitan ng isang pulis at isang retired US navy, dahil dun ay nadamay at nabaril yung pasahero nung US navy 
  • sa Cabanatuan, yung 2 pulis na naka-droga na namaril at pumatay ng 2 katao, na ikinasugat ng 1 pa
  • yung CCTV footage na ibinigay kay Senator Lacson, na nagpapakita kung paanong tinaniman ng mga pulis DAW ng ebidensya ang isang opisina, tapos ay saka ni-raid yung lugar
  • yung na-hulidap na Korean, na nahingan na nga ng ransom yung pamilya, pero pinatay pa rin talaga yung biktima sa loob pa mismo ng kampo ng mga pulis
  • yung mga South Korean na na-hulidap sa Pampanga, na nakunan ng CCTV, na hinuli gamit ang alibi na sangkot sila sa illegal online gambling, na ilang oras ikinulong sa police station at pinakawalan lang matapos magbigay ng pera
  • sa Quezon City, yung 4 na pulis na nahuli dahil sa kaso ng kidnapping at extortion, isang lalaki at yung kasintahan niya ang naging mga biktima
  • sa Taguig, yung magkakasabwat na mga barangay officials at isang pulis sa pangingikil sa mga taong hinuhuli nila
  • sa Laguna, yung Kagawad at ang mga kasamahan niya na nangingikil daw ng mga dayuhan at mga kilalang personalidad bilang pangsuporta daw sa adhikain ng Hokage na Mahilig
  • sa Antipolo City, yung 4 na pulis na inaresto dahil sa pangingikil daw sa isang PWD, mukhang may mga props rin sila na mga baril at ilegal na droga
  • yung maramihang pagsibak sa mga pulis sa Parañaque dahil DAW sa mga kaso ng pangongotong
  • yung nasa 200 pulis daw na mukhang nandaya sa kanilang entrance exam
  • sa Ilocos Norte, yung 2 pasaway na pulis, na naka-off na daw sa duty, pero nahuli namang nag-iinuman sa kanilang presinto
  • sa malapit sa lugar ng giyera, yung kaso ng harassment ng isang sundalo yata yun laban sa mga estudiyante
  • ang patuloy at malaking bilang ng mga pulis na lumalabas na positibo sa paggamit ng ilegal na droga through drug test  (ang isa sa butas ng laban kontra sa ilegal na droga)
  • sa Las Piñas, yung opisyales na pulis na related sa PNP Crime Laboratory na nahuling gumagamit ng ilegal na droga sa isang drug den
  • yung PO1 na sangkot daw sa ilegal na droga at miyembro rin daw ng sindikato
  • yung 3 sundalo DAW na nahulihan ng mga drug paraphernalia sa Cebu City
  • yung nasa 160 pa na mga pulis na inire-recommend ng PNP-IAS na pagsisibakin na dahil sa involvement nila sa ilegal na droga
  • sa Bacolod, yung naka-AWOL na pulis na nahuli sa buy-bust operation
  • sa Catanduanes, yung nagbitiw na pulis na umamin na totoo DAW ang pagtatanim ng mga ebidensya at extrajudicial killings
  • sa Bacolor, Pampanga, yung government employee na biktima ng tanim-droga ng mga pulis at mga miyembro ng PDEA, yung hindi nagtugma yung written report sa kuha ng CCTV
  • sa Manila, yung 4 na senior citizen na naging biktima rin DAW ng tanim-droga at tanim-bala ng mga pulis, may kuha ng CCTV tungkol sa kuwestiyonableng operasyon nung mga pulis eh, namatay pa yung isang matanda sa loob ng kulungan
  • yung babaeng biktima daw ng tanim-droga teknik ng 11 Pulis Malabon
  • yung New Bilibid prison guard na sinubukang magpuslit ng hinihinalang ilegal na droga sa pamamagitan ng pagtatago nito sa loob ng kanyang brief
  • sa Cainta, Rizal, yung dating military intelligence officer na nahuling nagtutulak ng ilegal na droga
  • sa Pagadian City, yung bahay ng nag-AWOL na pulis na nakunan ng nasa Php 89,000 worth daw ng ilegal na droga

are naman yung mga hindi pa malinaw kung anong klase nga ng mga tao ang involved o hindi tiyak o nabanggit kung sino ang nakatama:
  • yung honor student na choir member na ginamitan ng karatula
  • yung 5 year old daw na bata na nadamay sa tangkang pagpatay ng mga hindi kilalang tao sa lolo niya
  • yung 5 year old na taga-Pasay na napatay habang natutulog dahil nadamay sa pagpatay sa tatay niya na siya daw target nung hindi nakilalang tao
  • yung pagkamatay ng bagong binyag na bata (na tinamaan ng ligaw na bala) sa Bulacan dahil nadamay sa pagpatay sa kanyang ninong na involved DAW sa droga
  • yung pagkadamay at pagkapatay sa isang manliligaw sa Quezon City dahil involved daw yung nililigawan niyang babae sa ilegal na droga
  • yung kaso sa NCR kung saan nadamay at natamaan ng bala ang isang sibilyan dahil sa paghahabulan ng mga pulis at ng isang suspek
  • yung 2 sibilyan sa Laguna na nagsisimbang-gabi lang sana, na nadamay (napatay yung batang babae) sa pamamaril  ng mga hindi pa nakikilalang mga suspek sa isang barangay tanod na related din daw sa ilegal na droga
  • yung tila 2 grupo ng tao na napatay sa Caloocan City, na either drug related daw yung isang grupo kung kaya't nadamay sa tumbahan yung mga miyembro daw ng frat, o dulot ng frat war na ang nadamay naman eh yung ilang drug related personalities
  • sa Caloocan, yung mag-live in partner na pinatay daw ng mga taong nagpakilala na mga pulis
  • yung 14 y/o na dalagita na nadamay sa pamamaril ng mga taga-tumba sa target nilang drug-related personality daw, sa Caloocan yata yun
  • sa Caloocan, yung 5 y/o na bata na nadaplisan ng bala dahil sa nangyaring tumbahan sa isang hinihinalang drug den, kung saan may mga napatay rin
  • hindi ko nakuha yung lugar, pero yung kaso kung saan may 1 napatay at 6 na nadamay sa pamamaril daw sa isang dating nagbebenta ng shabu
  • sa Tondo, yung 14 y/o na dalagita na natamaan sa mata at napatay ng ligaw na bala mula sa pamamaril ng riding-in-tandem, namaril DAW para takutin yung may pagkakautang sa kanila sa ilegal na droga eh
  • sa Makati, yung mga lalaking naka-uniporme daw ng pang-pulis na nakuhanan ng video habang nananakit DAW ng isang babae, may tutukan pa DAW ng baril na nangyari
  • yung Japanese na negosyante na mukhang planadong itinumba habang nasa bansa
  • sa Tondo, yung taxi driver, na kolektor daw na asset ng mga pulis, na itinumba ng riding-in-tandem, kaso ay tumagos pa yung bala sa ulo nito kaya may babaeng nadamay at natamaan din
  • yung pagtumba sa foreigner na sangkot daw sa ATM skimming
  • sa Caloocan, yung tricycle driver na itinumba sa hindi pa malamang dahilan dahil wala naman ang pangalan niya sa listahan ng mga drug-related personalities, at may nadamay at natamaan pa na ibang tao sa pamamaril na yun
  • yung pagpatay sa 14 y/o na supposedly ay kasama nung pinatay ng mga pulis na 19 y/o UP Passer, na sa Nueva Ecija na natagpuan

heto naman yung mga may kinalaman sa kahinaan ng kasalukuyang penal system at pagpapatupad ng iba pang mga batas at patakaran sa bansa:
  • sa Pasay, yung target ng buy-bust operation na nakapatay at nakasugat ng mga pulis, grupo sila eh, at yung main target daw ay marami ng record ng krimen pero talagang nakakalaya pa rin
  • sa Siquijor, yung 2 babaeng estudyante na napatay sa pananaksak ng isang lalaki ng naka-droga at lasing din daw noon, according sa istorya ay may iba sana siyang papatayin dahil natakot siya na isuplong siya tungkol sa paggamit niya ng ilegal na droga, kaso ay ibang mga inosenteng tao yung napaglabasan niya ng kanyang kasamaan 
  • regarding sa pag-determine ng edad na pasok sa criminal liability, yung pulis sa Dipolog na ginulpi ng mga kabataan at untik nang mapatay matapos niyang umawat lang sa rambulan ng mga ito
  • sa Tondo, yung nakunan sa CCTV na rambulan ng mga kabataan sa gabi, kung saan makikita na nagpapaputok ng baril yung isa at nanuntok pa yung isa ng umaawat lang daw sa kanila, butas pa rin ito sa sistema ng pag-regulate sa mga baril at sa pag-determine ng edad kung kailan may pananagutan na ang mga mamamayan sa batas
  • in general, ang pagiging maluwag ng batas laban sa mga menor de edad na mga kriminal
  • yung kung sino pa yung mga aminado sa mga krimen na paulit-ulit na ginagawa nila o yung may solid na ebidensya regarding sa ginawa nilang krimen, eh sila pa talaga yung nananatiling buhay
  • sa Baguio, yung mga nahuling sangkot sa Basag-Kotse pero pinalaya rin naman kaagad matapos makapagpiyansa
  • regarding sa batas trapiko, yung 2 lola na parehong namatay matapos mabangga ng humaharurot na tricycle habang tumatawid sila sa pedestrian lane
  • dahil pa rin sa kawalan ng kontrol sa mga armas, sa Cavite, yung lalaki na hinuli at dinala sa isang motel at balak i-hulidap ng mga lalaking nagpanggap na miyembro ng PDEA at PNP
  • yung lalaking binaril ng isang motorcycle rider na posibleng dahil lang DAW sa naharangan niya ito sa kalsada
  • ang naging pag-atake sa Resorts World Manila
  • yung nangyaring saksakan at patayan ng mga high profile inmates sa loob ng Bilibid kahit na pinataas na DAW yung seguridad doon at mga SAF pa ang nagbabantay
  • yung panibagong kaso DAW ng VIP treatment para sa mga high profile inmates na lumabas sa balita nitong February 2017
  • sa Maynila, yung nakunan sa CCTV na matanda na tinutukan ng baril ng 2 naka-sibilyan na mga pulis dahil napagkamalan daw siyang magnanakaw 
  • sa Dasmariñas, Cavite, yung ikinulong nang dahil sa sakla, na pinatay ng mga nakasama nitong preso habang nakaposas siya
  • sa Lanao del Norte, yung bilanggo na pinatay sa loob ng kulungan ng mga kakosa niya
  • yung sikretong kulungan na nadiskubre ng CHR sa isang station ng MPD
  • eh yung pagtutumba sa mga persons of interest na iniuugnay sa Bulacan Massacre, gayung dapat ay pinoprotektahan na sila ng mga pulis para naman mapalabas talaga yung totoo tungkol doon sa kaso
  • yung kapabayaan ng mga awtoridad sa pag-handle sa suspek sa pangre-rape at pagpatay sa isang pageant winner sa Samal Island na nauwi sa panlalaban DAW nito at sa pagpatay sa kanya
  • yung kapabayaan rin ng mga awtoridad sa pag-handle sa suspek sa pangre-rape at pagpatay sa isang 8 y/o na bata sa Nueva Ecija, na dahilan kung kaya't nagawa DAW nitong mang-agaw ng baril at makapagpakamatay
  • yung kagustuhan ng kasalukuyang DTI na ibigay na sa mga negosyante at/o mga kompanya ang kakayahan na i-regulate ang suggested retail price (SRP) para sa mga produkto nila
  • yung pagkampi ng Supreme Court sa photobomber
  • ang hindi pagtupad ng PHLPost sa kini-claim nilang bilis ng paggawa at pagde-deliver ng Postal ID, at ang kahinaan ng support center nila
  • yung mali at mapanlinlang na paraan ng evaluation ng Department of Tourism sa performance ng kasalukuyan at nakaraang administrasyon
  • yung mga isyu na lumalabas ngayon tungkol sa BOC at sa mga mambabatas dahil sa ginagawang pananabon ngayon sa Customs
  • yung problema sa mamahaling elevator para sa pedestrian overpass sa Lipa City
  • yung pagkabasura ng Commission on Appointments sa pagtatalaga kay Lopez bilang secretary ng DENR na obvious naman na iginapang
  • yung pagkabasura ng Commission on Appointments sa pagtatalaga kay Taguiwalo bilang secretary ng DSWD dahil DAW hindi magagamit na gatasan yung ahensya sa ilalim ng pamumuno niya
  • yung pagri-reveal ni Attorney Anderson sa tangka ng isang mataas na opisyales na mag-promote ng isang hindi qualified na tao para sa Bureau of Customs
  • ang kabulukan ng hustisya, yung ginawan na nga ng grupo nina Failon ng pabor ang buong bansa, pero talagang sila pa yung kinasuhan dahil lang sa binayaran na yung obvious na ninakaw na pera ng gobyerno noon
  • yung sapilitang pangunguha ng mga miyembro DAW ng Kadamay ng mga housing projects sa iba't ibang lugar, at ang pagkunsinti sa kanila ng gobyerno
  • ang kakayahan ng mga miyembro ng mga teroristang grupo na mapakawalan o makatakas pa sa kamay ng batas
  • yung naging pagsabog sa Quiapo na nakasugat ng nasa 14 na katao daw, at nangyari yun kung kailan supposedly eh mataas ang seguridad sa bansa lalo na sa NCR
  • sa Pandacan, yung 7 buwan na sanggol na nagtamo ng 3 tama ng baril dahil sa isinagawang anti-illegal drugs operation sa kanilang lugar
  • follow up para sa 7 months old na sanggol news, hindi pala nagkusa yung mga pulis na imbestigahan kung sinu-sino nga ang totoong nakabaril doon sa bata, at may claim pa na diniktahan lang daw para pumirma sa affidavit yung lola nito
  • sa Pasay, yung pulis na naglabas at nag-display ng kanyang baril habang nakikipagtalo sa 2 binatilyo
  • sa Pasay, yung itinumba na negosyante na may-ari ng furniture shop na hindi daw kaagad hinayaan ng mga pulis na maisugod sa ospital
  • yung 73 y/o na lalaki na nakaladkad at nagulungan pa daw ng bus, na hindi na naman hinayaan kaagad ng mga pulis na maisugod sa ospital
  • yung hindi magkatulad na magkahiwalay na statements nung taxi driver na hinoldap daw nung 19 y/o UP Passer, na hindi rin tugma sa report ng mga pulis, at tila nagtatago na yung driver ngayon
  • yung kuwestiyonable at kusang pagpapa-DNA test ng mga pulis sa bangkay nung 14 y/o na kasama ni UP Passer kahit na wala namang nagre-request nito, at yung pagdedeklara na hindi naman dun sa 14 y/o yung bangkay na yun
  • yung hinihinalang bagong kaso ng paglabag sa Anti-Hazing Law kung saan napatay yung isang UST Law Student
  • yung kuwestiyonableng naging kahinaan ng seguridad sa Marawi sa kabila nang patuloy na pagkilos ng mga terorista sa Mindanao, sa kabila ng patuloy na mga bantaan mula sa magkabilang panig, at sa kabila ng pagkakaroon ng malaking halaga ng intelligence fund
  • yung pagkatumba sa 4 na suspected na miyembro ng Maute habang ibinabiyahe sila, ito ay sa kabila nang may ipinapatupad ng Martial Law sa region na yun
  • yung lalaking napagkamalan daw na miyembro ng Maute at hinihinalang t-in-orture ng mga sundalo
  • yung may mga nangyayari pa rin daw na nakawan sa mga lugar sa Marawi na kontrolado na ng mga militar
  • yung posibilidad daw na nakatakas na yung mga lider ng mga terorista sa lugar ng digmaan, gayung may claim rin ang mga awtoridad na kesyo natunugan naman daw nila yung tungkol sa pagtakas
  • yung pagpapadala ng mga tiwaling pulis sa lugar ng digmaan, sa halip na sibakin na sila sa trabaho at hindi na pasuwelduhin pa ng mga mamamayan
  • yung mukhang may nakapasok na daw ulit na mga armadong grupo sa lugar ng giyera
  • yung pagpapababa daw ng DOJ sa kaso ng Marcos Police Group
  • kasali pala yung Dictator Clan sa problema ngayon sa Norte
  • ang pag-amin ng miyembro ng Dictator Clan na binalewala nga nila ang proseso ng bidding sa kanilang pamimili
  • yung VIP treatment sa isang opisyales, kahit alam naman nila yung patakaran na nagbabawal nga sa kanila na pumunta sa mga casino
  • yung Representative na gusto ng VIP treatment para sa kanilang hanay regarding traffic violations
  • yung pagbibigay ng mga naluklok sa katungkulan ng Php 1,000 lamang na budget para sa CHR, at iba pang ahensya ng gobyerno para lang ipakita ang kakayahan nila na manggipit

at may kaso na iba-iba ang kategorya:
  • yung pagkamatay ng isang 9 year old na bata, na pinaghihinalaang pinatay ng mga menor de edad; na natagpuan yung bangkay na nakagapos ang mga kamay, na binugbog daw, pinutulan ng mga daliri, at may hiwa pa sa tiyan
  • yung pagsu-suicide daw ng isang Director Villa ng ERC dahil sa katiwalian sa trabaho nila
  • isama na rin yung pagkalat ng mga fake news at paid trolls sa social media
  • ang maya't mayang pagpapalabas ng fake news o mind-conditioning news ng mismong mga nasa katungkulan
  • yung mali-maling listahan na inilabas ng Napolcom
  • yung Oplan Cyber Tokhang
  • yung mga sundalo sa Marawi na napatay sa sarili nilang air strike na laban sana sa mga terorista
  • yung isa pang air strike na sa labas naman daw ng Marawi nangyari
  • yung isa na namang air strike na nakapatay sa sariling mga kakampi, pangalawa yata yun na nakapatay at ikatlo ng error
  • ang maya't mayang pag-target ng gobyerno sa basic needs para gawing gatasan ng buwis
  • yung kagustuhan na patawan ng malaking buwis ang papremyo sa Lotto
  • yung naaprubahan na 24% increase sa cargo handling tariff
  • eh yung pati pagkanta sa Pambansang Awit ay balak nang lagyan ng limpak-limpak na halaga ng penalty
  • yung pahayag ng ilang kabilang sa Bilibid 19 na babaliktarin nila ang kanilang nakaraang mga statements kung ililipat sila ng piitan
  • yung paggamit ng PNA sa logo ng kompanya ng agricultural products para sa Department of Labor and Employment
  • yung naparangalan ang isang pulis na posibleng may ginawang iregularidad sa pagpapatupad ng batas 
  • yung ayaw mag-imbestiga nang husto puwerket may kilalang apelyido na nadadamay, di tulad sa kaso ng ibang mga tao na paspas ang mga pagpapahiya at panghuhusga
  • yung kapag nasa tuktok ang nagsasalita ng kung anu-anong masasama ay hindi nila kinokontra, pero kapag hindi na nila kakampi sa pulitika yung nagsasalita ng hindi kanais-nais para sa pananaw nila eh idinadaan nila sa sistema
  • ang pag-tolerate ng ibang mga mamamayan sa mga pinuno na obvious na mga magnanakaw
  • yung pakikilinis ng One Social Family Credit Cooperative sa pangalan ng Dictator Clan
---o0o---


September 24, 2017...

[Natural Calamities]

bad news muna ulit...

kasabayan 'to ng mga paglindol sa iba't ibang bahagi ng mundo..
anak ng pating..
kung titingnan kasi sa Twitter eh halos araw-araw pala yung mga record ng lindol dito sa bansa, at sa kung saan-saang probinsiya pa yun...

ewan ko ba kung mas mabilis lang talaga yung daloy ng mga balita sa panahon ngayon..
o kung papalapit na talaga ang pagkasira ng mundo..?
pero kung base lang sa experience ko, eh ngayong taon lang talaga ako nakaranas ng maraming recognizable na lindol dito sa lugar namin sa loob lamang ng iilang buwan...

2 yung halos magkasabay kagabi..
nasa Magnitude 4.9 yung sa Batangas..
tapos nasa Magnitude 5.6 yung nangyari sa may Occidental Mindoro..
parehas tectonic...

aside from those 2..
marami pa yung sumunod na mostly ay below Magnitude 5, gaya sa areas ng Zambales, Quezon, Davao Occidental, Davao Oriental, Lanao del Sur..
the most significant ay sa area naman ng Bukidnon, na may Magnitude 5.3..
tectonic rin ang origin...

ang isa pa sa mga possible na bad ending..?
ang maligo at mamatay sa lava... :(

was feeling , gugunawin na yata ulit ang mundo...

>
One Social Family Credit Cooperative..?
Bullion Buyer Ltd...?

hindi ko maintindihan kung paanong magiging pakawala 'to ng mga kalaban nila sa pulitika gayong pag-e-EDIT ang mas obvious na pakay nila..
saan ka nakakita ng mga kalaban na mag-iiwan ng mga notes para sa ikabubuti ng mga demonyo...?

Solomon treasure..?
Yamashita treasure..?
last will..?
pag-convert ng mga isasauling yaman para lang sa pondo ng War Against Illegal Drugs...?

kung talagang balak ng Dictator Clan na ibalik yung yaman sa bansa, eh hindi na nila patatagalin yun ng mahigit 3 dekada..
ni hindi nga nila kukuhanin yun simula't sapul kung hindi sila masasama..
kung totoong hindi mala-demonyo ang angkan nila, hindi nila pepekeen ang rason para mag-deklara ng Martial Law..
kung totoong hindi mala-demonyo ang angkan nila, hindi magiging unlimited ang Martial Law nila..
kung totoong hindi mala-demonyo ang angkan nila, dapat ni-lift na nila yung Martial Law noong marami na ang nakararanas ng mga pang-aabuso ng mga awtoridad..
kung totoong hindi mala-demonyo ang angkan nila, noon pa lang eh dapat tinulungan na nilang mabigyan ng hustisya yung mga mamamayan na pinagpapatay sa ilalim ng gobyerno nila, at dapat sana eh nahanap na rin yung mga nawalang biktima...

pero demonyo ang angkan nila dahil hinayaan nilang mangyari ang lahat ng yun sa loob ng mahabang panahon..
binusalan nila ang media para hindi madaling malaman ng mga mamamayan yung totoong nangyayari sa bansa..
at lahat ng yun habang ginagatasan nila ang buong bansa...

mas kapanipaniwala pa na naghintay sila ng mga kakampi para tulungan silang malinis yung maruruming bakas nila..
at ninakaw nila yung mga yaman noon, para bilhin ang ikalilinis ng maruming pangalan nila sa hinaharap...

was feeling , kasalanan 'to ng mga taong 80's eh.. hindi pa kasi kinuyog at sinilaban nang buhay yung angkan na yun at yung mga alipores nila...

---o0o---


September 25, 2017...

[Natural Calamities]

at tinamaan rin nga ng medyo malakas ang Lanao del Sur kahapon..
nasa Magnitude 5.4 yata yun..
at medyo nakapanira rin doon...

was feeling , sa bagay.. kapag andiyan na yan eh wala rin naman talagang makakaiwas na...

>
haha!
naparusahan kaagad yung One Social Family Credit Cooperative...

pero parang tanga yung sinasabi ng Dictator Clan..
huwag daw gamitin yung pangalan ng bulok na angkan nila sa panloloko..?
samantalang sila naman mismo eh mga dalubhasang mga manloloko...

was feeling , ayaw nila ng karibal sa panggagago sa mga mamamayan...

---o0o---


September 26, 2017...

o' CHR, imbestigahan na are...

sa Laresio Lakeside Resort & Spa DAW sa Laguna eh..
yung zipline na nakapatay ng naka-off duty na pulis...

was feeling , anak ng.. pati ba naman mga zipline eh hindi na maaasahan...?

>
yung kaso ng nakaw-ebidensya...

yung member ng SOCO na tumangay sa mobile phone na posibleng maging ebidensya daw sana sa naging pagpatay sa mag-asawang matanda sa Maragondon, Cavite..
parang January pa yata yung kaso eh...

naisauli na daw yung mobile phone after many months..
kaso eh tampered na..
kaya ayun, susubukan pa nilang ipa-retrieve kung anuman ang mga laman nun noong mangyari yung krimen...

was feeling , lagot ang tropa ni Gus Abelgas...

>
yung kaso ng mga maimpluwensiyang fraternity (o kahit na hindi sikat, basta fraternity na may mga maimpluwensiya o nakaaangat sa buhay na mga miyembro) ang patunay kung gaano hindi kapatas ang hustisya dito sa bansa...

identified naman yung grupo..
may mga identified naman na mga suspek..
pero protektado sila ng Code of Silence nila..
at protektado rin sila ng kaalaman nila sa pagpapaikot sa batas..
hindi ba't parang sabwatan na rin yung ginagawa nila, kaya lahat sila eh may pananagutan na sa puntong ito...

napakahina ng mga awtoridad para walang mapiga mula sa mga kriminal na yun...

kung may pangil lang sana sila..
edi kunin nila yung kumpletong listahan nung grupo..
yung may mga lisensya na, eh tanggalan ng lisensya kung ayaw magsalita..
yun namang mga nag-aaral pa lang (kung paano nila mas mapapaikot ang batas sa hinaharap), eh i-ban na sa lahat ng universities...

parang tanga na bibigyan pa ng lipunan ang mga ganitong klase ng tao ng pagkakataon na mas mapanghawakan ang kakayahan na manipulahin ang hustisya... :(

was feeling , samantalang yung iba eh naidadaan sa tumbahan...

---o0o---


September 28, 2017...

matitindi yung mga digits na iniimbestigahan ngayon ng AMLC...

kaso cash flow nga yung pinag-uusapan..
pero kahit na hindi pa masabi kung ano lang talaga yung sadyang amount dun..
sa tingin ko eh kaduda-duda na kapag may umiikot na 8 digits sa maramihang individual transactions...

was feeling , TF pa rin ba ng mga abugado ang propesyon...?

>
picture ng mga bayani sa mga opisina ng gobyerno...?

ang totoo, noong una eh nagbakasakali rin nga ako..
eh sa sila kako ang nanalo eh..
na baka kako bastos lang talaga ang bibig niya, pero kapakanan naman ng mga mamamayan ang totoong iniisip..?
na baka naman madugo lang pakinggan yung mga plano niya, pero baka magiging pulido naman ang mga gagawing pagpatay...?

noong una, willing pa akong ibukod yung mga magagandang patakaran nila mula sa mga pamatay-mamamayan na mga solusyon-kuno..
pero nagduda na ako sa totoong purpose ng mga taong ito simula noong umpisahan na nila ang paglilinis sa pangalan ng Dictator Clan, simula nga nang patraydor nilang ipalibing yung basurang bangkay nun...

at isa-isa ngang naganap ang mga paglilinis..
yung magnanakaw na Cosplayer na maselan na daw ang lagay ng kalusugan noon (pero nagtatrabaho pa rin sa gobyerno sa kabila nun), eh nilinis na rin nga ang pangalan..
yung NGO Queen eh pinagaan ang kaso, at tila wala nang balak na hingan pa ng mga pangalan..
yung mga hindi naman talaga ka-hanay na mga tao eh saglit na binigyan ng mga katungkulan (para sa palabas nila), pero trinabaho rin naman ang pag-papaalis sa mga puwesto..
yung mga VIP habang nasa pamunuan, pero hindi naman dinidisiplina..
yung pangpa-power-trip regarding sa mga budget..
at pati nga yung pagnanakaw ng Dictator Clan eh gusto nang ihingi ng tawad sa mga mamamayan (na nakakabastos na, lalo na para dun sa mga ni hindi pa nga nabibigyan ng hustisya for decades)...

pagpapatawad..?
aanhin ng sambayanan ang pagpapatawad kung yun mismo ang nagiging basehan ng mga tuso para umabuso..
walang ibang kailangan ang bansa kundi yung mga tao na gusto lang talagang ayusin ang buong sistema...

at na-realize ko na mukhang palabas lang talaga lahat nung mabubuting ginagawa nila..
kung ako ang tatanungin sa punto na 'to, ginagamit lang nilang pambalanse yung mga matitinong policies..
umpisa sa mga 6-month promises na hindi naman natupad, hanggang sa mga isinusulong nilang mga adhikain sa kasalukuyan..
di hamak na mas tumitingkad na ngayon yung masasama nilang balak...

kumbaga eh parang pag-aangkat ng ilegal na droga na nakasilid sa mga produkto na pangkabuhayan..
mukha lang maganda ang intensyon kapag hindi pa nabibisto..
pero may lihim naman na kasamaan na kalakip ang bawat kabutihan na inihahatid nila...

was feeling , hindi na ako maniniwala pa sa pamunuan na 'to...

>
[Lottery]

kalokohan yung buwis sa premyo sa Lotto...

una kasi, tumutugon na nga sa charity yung numbers game na yun (maling sistema na lang yung dahilan kung bakit pati pagbibigay ng tulong sa mga nangangailangan eh nadadaya pa)..
ikalawa, bakit ba hindi nila pag-aralan rin kung gaano ba kalaki ang natatalo sa mga mananaya para agawan pa nila in case na manalo nga ito..
at ikatlo, ang alam ko eh may binabayaran na mga buwis sa iba't ibang aspeto ng pag-o-operate nito...

kaya bakit pa nila gustong gatasan..?
eh kung yung mga panalo kaya sa mga casino ang gatasan nila ng buwis, tutal eh ang mga mananaya naman dun ang totoong mga mayayaman...

pero bakit yung Lotto ang pagdidiskitahan nila..?
kasi yun yung tinatangkilik ng marami..
kagaya rin 'to kung paano nila gustong gatasan ng buwis yung mga hindi naman kapritsosong mga grocery products at maging ang petrolyo..
hindi nila kayang gatasan yung mga maimpluwensiyang tao (mga negosyante, etc), kaya yung mga ordinaryo ang ho-holdap-in nila...

siguro kung para lang sa jackpot prize, eh pwede..
siguro kung 5-10% lang naman eh pwede..
pero pwede lang yun, kung matino ang gobyerno na gagamit dun sa pera...

was feeling , mga teknik ninyo.. pampadali nga naman ng trabaho ng mga manggagatas, este mambabatas...

>
ang seselan ng awtoridad at ng pamunuan...

hindi naman ibig sabihin nung survey na wala ng mga pulis ang gumagawa ng tama..
hindi yun nangangahulugan na puros inosente na lang at wala ng mga lehitimong kriminal ang napapatay sa mga operasyon...

nagpapakita lang yun ng kamalayan ng mga mamamayan, na kesyo meron naman talagang mga awtoridad ang gumagawa ng masasama, at laban pa yun sa mga inosenteng tao..
nagpapakita lang yun ng pangamba ng mga mamamayan na baka isang araw eh mapabilang na sila sa bilang ng mga nabibiktima ng mga taong dapat ay nagpoprotekta sa kanila...

hindi nakaaalarma yung mabubuting gawain..
parating yung masasama lang ang nakakapagdulot ng pangamba...

bakit ba nila igigiit pa yung bilang ng mga napatay na pulis..?
eh hindi naman nun mapasisinungalingan yung bilang ng mga taong nabiktima ng mga awtoridad, patay man o buhay... :(

basta linisin na lang nila ang kanilang hanay..
ihiwalay ang mga nabubulok na kamatis at parusahan...

was feeling , huwag magtaka sa katotohanan...

---o0o---


September 29 2017...

eh yung nagamitan ng Mayor Slayer teknik yung mga pulis... :(

kawawa naman yung biktimang UST Law Student..
sa tinagal-tagal ba naman kasi nung imbestigasyon eh mawawala nga yung hard drive nung mga CCTV doon...

mas madali pa kung itutumba na lang lahat ng mga suspek..
ipalamon sa kanila yung Code of Silence nila...

was feeling , bad influence kasi yung mga Mayor Slayer eh...


Queen Falcon Down

September 23, 2017...

[V-League]

UP versus San Beda

nasubukan na ng UP kung hanggang saan ang grupo nina Racraquin..
3-0..
sa tingin ko naman eh hindi na rin sila makasasagabal pa sa AdU...

last 1 game na lang para sa UP..
at palaglagan yun sa pagitan nila ng Arellano...

kung meron mang makasasagabal pa sa pangunguna ng Adamson sa group nila..
yun eh walang iba kundi mga sarili na lang nila..
pero siyempre, halos hindi naman nasisira ang laro ni Galanza... <3


ADMU versus SSC-R

quick game lang..
3-0..
13 lang ang highest score ng SSC-R sa loob ng isang set..
ni hindi nakaabot sa pang-2nd technical timeout na score...

last 1 game para sa Ateneo..
pero halos wala na rin..
kasi kailangan nilang matalo ang NU sa sobrang dominating na paraan para makapasok pa sila sa Semifinals...

was feeling , hindi ba pwedeng sa Channel 23 yung basketball, tapos sa Channel 36 yung PVL...?

---o0o---


September 25, 2017...

[V-League / Cuties]

televised Monday matches..
at saktong may laban ang AdU..
makikita na naman ang mga ngiti ni Lady Galanza... <3


dahil cute ang ngiti ng batang are, eh isasali ko na siya sa listahan..
mas cute rin nga pala siya kapag light yung complexion niya...

Maria Shola Alvarez..
miyembro ng grupo ng mga terorista (joke!).. :D
#11 at ang current Team Captain ng JRU Lady Bombers..
para rin 'tong si Galanza, cute na thick-type, na medyo pumapayat na ngayon...


NU versus JRU

3-0..
kaya naman pala ni Sato na mag-Tagalog ng konti..
pero binabawasan nila ang mga ngiti ni Shola Alavarez... :(


AdU versus CSB 

inilabas si Galanza sa Set 3..
ang ganda pa naman ng laro niya simula Set 1..
hindi ko nakita yung injury, yung demonyo kasi dito sa bahay eh maya't maya ang lipat ng channel..
naman!
sana naman eh minor injury lang..
pero kinaya naman ng remaining AdU squad na i-3-0 pa rin yung match...

nasa 4-0 na ang Adamson sa ngayon..
at San Beda ang last match nila..
it's a good thing na UP at Arellano ang maghaharap sa parehong last match nila, dahil kasi dun ay nasigurado na wala namang magiging three-way tie (sa 4-1) sa group nila..
bale ang hulog na lang ng AdU just in case, ay kung sila ba ang magiging #1 o #2 seed mula sa group nila..
pero siyempre, mas maganda na hindi kaagad harapin sina Jaja sa Semifinals...

shit!
panalo ang Adamson for tonight..
pero kitang-kita kay Coach Padda yung lungkot dahil sa nangyari kay Galanza..
maluha-luha siya at parang nawalan ng lakas at nanlambot ang kilos..
kahit papaano kasi eh iba pa yung nangyaring pag-collapse ni Galanza noon sa labas ng court kumpara sa nangyari ngayon...

was feeling , great game.. and get well soon #8...

>
[V-League]

yung video ni Galanza habang isinasakay siya sa ambulance yung pinakanakakatakot sa lahat..
makikita kasi dun yung naging itsura ng right foot niya matapos yung injury...

this is bullsh*t!
na naman, FATE...! :(

according sa reports, na-twist talaga ni Galanza yung right ankle niya..
may report na nag-land yung paa niya sa paa ng teammate niya after an attempt to block..
at according to Coach Padda, nag-separate yung ankle niya... :(

i was trying to view the video..
kaso kung kailan naman kailangan eh saka palpak yung recorded video mula doon sa livestream section..
unfortunately, hagip nung error yung time na bumagsak na si Galanza..
nangyari daw yun noong 5-0 na yung score sa 3rd set, at yun din yung oras na palipat-lipat ng channel yung demonyo sa bahay... :(

bakit naman ngayon pa kung kailan nalakas na ang AdU..?
chance na ni Galanza na gumawa ng mas magandang ending kasama ang team niya..
tang ina!
sobrang unfair naman ng pagkakataon o'..
depende sa totoong lagay ng injury niya, posible daw na hindi na siya makabalik sa Conference na 'to sa PVL..
so even a 3rd Place eh posibleng mawala na sa Lady Falcons..
also, posibleng hindi na rin daw siya makapaglaro sa Season 80 ng UAAP... :(

>
[V-League]


bullsh*t!
that really looks BROKEN... :(

napa-follow tuloy kaagad ako sa Twitter niya para lang makapag-tweet sa kanya...

naman po, please!
pagkalooban nyo po ng speedy recovery si Galanza..
#8 is LOVE po, di ba..?
sobrang pinagtrabahuhan niya po na makaabot sa ganitong level ng laro niya..
huwag nyo pong kukunin sa kanya ang paglalaro niya ng volleyball... :(

pero sa bagay..
si Paul George nga eh gumaling at nakabalik pa talaga sa paglalaro eh..
sana po bigyan nyo ng kaparehas na blessing si Galanza, deserving po talaga siya para dun...

— feeling , pinapaiyak ako ng babaeng 'to...

---o0o---


September 26, 2017...

[V-League]


na-late na yung update..
busy kapag Tuesday eh...

according sa X-ray kagabi, eh ligament tear daw..
na-relocate na rin daw yung ankle niya sabi ng Akari..
hindi rin ako pamilyar sa mga injury eh..
'relief' yung term na ginamit, so mukhang hindi naman tipo na career-ending..
pero gagawa rin ng iba pang mga test para ma-evaluate talaga yung kondisyon niya...

basta "no fracture" yung key phrase tungkol sa lagay niya...

anak ng Gori-injury yan..
abala sa Ace Player eh... :(

— feeling , nakangingiti na ulit siya kahit papaano...

>
[V-League]

bullsh*t... :(

napanood ko na yung replay..
at napaka-brutal..
well, hindi ko alam kung anong totoong pakiramdam ng mabalian, dahil hindi pa naman ako nakararanas ng ganun sa buhay ko..
pero yung makita mo na mag-bend yung ankle ng isang tao sa ganung level..
tapos yung mismong idol mo pa..
f*ck, mala-Saw series na horror... :(

bagsak kaagad si Galanza sa kabilang side ng court matapos yung bali... :(

basta nangyari siya sa play after ng 5-0 na score sa Set 3...

was feeling , actually, mas malala pa sa nangyari kay Gori...

---o0o---


September 27, 2017...

[V-League]

sa tantsa ng doktor, posibleng umabot pa si Galanza para sa UAAP Season 80..
para naman sa PVL, eh kailangan na yung isakripisyo.. :(
ipauubaya na lang kina Soyud kung kaya ba nilang mag-dedicate sa Ace Player nila ng at least 3rd Place na panalo...

si Felicia Cui kasi ng CSB eh, nangte-trespass ng court (joke lang, accidents really happen kahit sa larangan ng sports)...

naigagalaw naman daw niya yung toes at ankle niya matapos yung relocation..
pero parang yung gagawing MRI after 1 month pa yung pagbabasehan ng evaluation ng totoong kondisyon niya...

base pa rin sa tantsa..
mga 12 weeks daw ang kailangan para maka-recover siya..
at hanggang 16 weeks kung gusto niyang makabalik sa competitive na state...

sana lang hindi siya magkaroon ng trauma..
parang kagaya nung naranasan ni Gori laban sa Ryonan..
para hindi naman maapektuhan ang kalidad ng laro niya...

bili na po kayo ng Akari products para masuportahan si Galanza, LOL... :D

— feeling , ayaw daw niya ng awa.. ngiti lang daw...

>
[V-League]

may mga laban pala ngayong araw..
pero siyempre, kawawa na naman ang PVL..
livestream-mode na naman sila..
hindi na naman makakapag-commercial ang sponsor sa TV...

FEU versus JRU

3-0..
natapos ng JRU yung conference with 0-5..
1 set lang ang nakuha nila sa buong liga..
pero hindi na rin masama para kina Shola..
3 bigatin na teams naman yung nagbigay sa kanila ng UAAP experience eh...


SSC-R versus LPU

3-1..
sa 2-3 nagtapos ang record ng SSC-R..
mga NCAA teams lang yung tinalo nila...

was feeling , konti pang mga digmaan.. nang wala na si Galanza...


NOTE: credits for all the featured photos in this particular post go their respective owners and uploaders...


Friday, September 22, 2017

Pedophile & Tanim-Bank-Accounts

NOTE: this is not news..
i am not a reporter/journalist nor an influential person..
also, i'm not related to the government in any way..
but there are summary of news featured in this post..
it will require research in order to get the whole story regarding each particular news that is featured in here...


Pedophilia

may bago na palang definition ang Pedophilia..? :(
yung pagbibigay-pansin sa mga kaso na ang mga biktima ay menor de edad..
with emphasis pa sa mga menor de edad na lalaki...

wow!
puwerket napahiya yung bataan nila eh bastusan na ulit ang labanan..
eh wala nga naman kasing sasaway sa kanya..
walang magsusumbong sa kanya..
kaya bunganga na lang ulit ang gagamitin niya...

was feeling , sorry po, bawal nang maging concern sa mga biktima na menor de edad...


sino nga yung nagnasa noon sa isang babaeng foreign missionary na biktima ng rape at pagpatay..?
sino nga yung balak ipagtanggol ang mga sundalo kung sakaling makapang-rape sila sa panahon ng giyera..?
sino nga yung nanghahalik at nagkakandong ng mga babae..?
sino nga yung madalas magbanggit ng tungkol sa Viagra..?
sino nga yung nanonood nung scandal, na nagkukunwari pa na narurumi daw siya dun..?
sino nga yung namboboso noon sa Vice President...?

was feeling , Hokage na Mahilig...


Tanim-Bank-Accounts

tanim-bank-accounts..?
kasi nag-imbento ng mga bank accounts at ng mga kuwento tungkol dun, at saka ibinintang na pagmamay-ari yun ng hindi nila kakampi sa pulitika, at sa harap pa ng media para lang maipahiya siya sa mata ng publiko..
so kahit wala naman talagang aktuwal na mga bank accounts, eh parang tinaniman pa rin yung biktima ng mga pekeng ebidensya at ng iskandalo..
basically, demolition job na naman...

sa tingin ko, magkaiba pa ring konsepto yung may paiimbestigahan kayong mga tao dahil nga may nagdawit sa kanya sa isang kaso..
kumpara sa mag-iimbento ka ng mga pekeng ebidensya para lang makapanira ng iba...

pero ang mas hindi ko maintindihan kasi sa kaso na yun ay..?
bakit ba hindi nila pigain yung mga sinasabi na middleman..?
eh kung ang mga yun ang totoong nakaka-deal nung suspek/testigo eh, edi sila yung totoong nakakaalam kung sino yung tinutukoy nilang mas nakatataas sa kanila..
kasi totoo rin naman na hindi nga mapo-proseso yung mga transaksyon at hindi yun makadadaan sa BOC kung talaga namang walang maimpluwensiyang tao sa likod nun...

---o0o---


update ulit (179 na)..
medyo in-organize ko rin yung mga kaso..
una (untikan ko nang makalimutan 'to), ang pagtataksil sa interes ng bansa at ng mga (ibang) mamamayan (lalo na yung mga naging biktima), at pagbalewala sa kasaysayan at dangal ng bansa:
  • ang pagpapalibing sa bangkay ng isang Diktador sa isang makabuluhang national cemetery
  • yung pagbibigay ng permiso sa isang Imperyalistang nasyon (na lantarang nang-aagaw at nang-aangkin ng mga teritoryo) ng kalayaan para mag-explore sa teritoryo na posibleng mapagkunan sana ng mahahalagang resources ng bansa
  • yung kagustuhan na kontrolin kung sinu-sino ang mga mamumuno sa mga Barangay hanggang 2020
  • yung pahiwatig na gusto niyang ipatupad yung Martial Law na katulad nung sa Dictator Clan
  • ang paulit-ulit na pagre-relate ng mga tao sa kanyang mga rape comments na para bang ginagawa pang katatawanan ang bagay na yun
  • ang pambabastos sa lider ng isang bansa na mahilig sa mga delikadong armas, kahit na hindi naman kaya ng bansa na lumaban in case na mapikon ang mga yun
  • yung pati kaso ng pagnanakaw sa bayan ay gustong iareglo para lang sa Dictator Clan kahit na pang-bobo yung alibi ng tagapamagitan nila
  • yung statement tungkol sa kagustuhang bombahin ang mga Lumad schools
  • yung pag-iimbento ng bank accounts at kuwento na rin tungkol dun at pagre-relate nun sa hindi nila kakamping opisyales, na inilabas pa sa publiko

are yung ang involved o semi-involved eh mga identified talaga bilang awtoridad:
  • yung mga lalaking itinumba kahit na naka-posas na sa likod
  • yung 4 year old daw na bata na nadamay sa pagpatay ng mga pulis sa tatay niya
  • sa Lanao del Norte, yung mag-ina, kasama na rin yung bata sa sinapupunan, na nadamay sa pagkapatay ng mga pulis sa nanlaban daw na kapatid ng suspek nila
  • yung army reservist na pumatay ng lalaking naka-bike matapos ang road rage at matapos nilang magsuntukan sa kalye, tapos may nadamay pang isang sibilyan sa pamamaril niya
  • yung OFW na dinakip sa checkpoint at naging biktima ng torture at pagpatay
  • yung mga taga-Quezon na hinuli sa parang raid, pero wala palang record ang mga pulis ng naging operasyon na yun laban sa kanila, at may natagpuan na lang na mga sunog na bangkay na pinaghihinalaan na sa mga taong yun na pinagdadakip nga
  • yung kaso nung Australian, kung saan hindi nag-match yung statements ng mga arresting officers kumpara sa naging kuha ng CCTV, at may alegasyon pa ng tangkang pangingikil (this happened sometime before the current administration)
  • yung kaso involving Makati Police, kung saan inaresto ang isang OFW gamit ang gawa-gawa lang naman DAW na dahilan, at tinakot DAW na gagawing related sa ilegal na droga kung hindi magbibigay ang pamilya niya ng Php 500,000
  • sa Caloocan, yung bahay ng matandang babae na nilooban at pinagnakawan ng mga pulis at ng iba pa nilang kasamahan na hindi naman mga pulis
  • yung kaso ng pagpatay sa Regional Chairperson ng Citizens Crime Watch sa Oriental Mindoro, kung saan Police Senior Inspector at Inspector (police awardee pa yung isa) yung nahuling mga suspect, at may mga kagamitan talaga sila na pang-riding-in-tandem
  • sa Zamboanga del Sur, yung nakunan sa CCTV na sundalo na pinagbabaril ng 2 na-identify bilang mga pulis
  • yung Mayor sa Mindanao at ang mga kasama niya na hinihinalang pinatay sa rubout
  • sa Ozamiz City, yung pagpatay o pagtumba daw ng mga pulis sa grupo ng mga suspek, at tila i-d-in-isplay pa ang mga bangkay nila sa harap ng munisipyo
  • yung kaduda-dudang raid laban sa mga Parojinog sa Ozamiz
  • yung pagkamatay ni Mayor Espinosa; nakakulong na, hinainan daw ng search warrant kahit na madaling araw na, nawawala ang kuha ng CCTV, at nakapanlaban daw
  • yung mabilis na pagre-reinstate dun sa Marcos (pulis ng Region 8 na sangkot sa kasalukuyang kaso/istorya ng mga Espinosa) at tila pagiging 'maluwag' ng mga kinauukulan sa iba pang pulis na involved
  • yung patuloy na pagkampi sa mga pulis ng Region 8, matapos ang findings na murder nga DAW yung ginawa nila laban kay Mayor Espinosa, hindi pa man sila napaparusahan pero may nakapangako na kaagad na absolute pardon para sa kanila
  • yung kidnapping ng isang civilian last October daw na nakunan ng CCTV, na ang sangkot ay mga pulis na hindi naka-uniform
  • yung kaso sa Lemery, Batangas kung saan may claim na nauna (higit na mas maaga) daw hinuli yung mga drug suspects nang mga naka-civilian na pulis na wala namang dalang warrant, pero hapon na noong kuhanan ng mga pictures at inventory na may kasama ng mga ebidensiya laban sa kanila
  • sa Tondo, yung 2 lalaki na napatay ng mga pulis dahil nanlaban daw, at tila binutas-butas pa daw yung katawan, pero nakunan naman ng CCTV yung maayos nilang pagsama sa mga pulis
  • sa Caloocan, yung ginawang pagtumba ng mga pulis sa 17 y/o na Grade 11 student na pinalabas nila na nanlaban
  • yung hinihinalang pagtumba dun sa 19 y/o na UP Passer
  • yung pagpatay ng isang pulis sa lalaking nanlaban DAW matapos mag-amok sa isang bangko sa Laguna na nakunan naman ng CCTV camera  
  • yung pamamaril ng isang lasing na pulis sa Misamis Oriental na ikinasugat ng 4 na katao 
  • yung nakainom na pulis sa Negros Occidental na namaril din at nakapatay
  • yung ginawang pananampal at panggugulpi ng isang sundalo sa isang bar sa Isabela, supposedly eh naka-duty daw siya, at nanggulo DAW doon dahil gusto ng nude dance/show
  • sa Sorsogon, yung pangho-holdap ng isang sundalo sa isang remittance center, na supposedly eh naka-duty rin siya during that time
  • yung pulis na nambugbog ng makulit na matandang lasing, at inilagay pa niya sa paso ang batas
  • sa Ozamiz, yung nakunan ng video na pananakit ng isang police chief inspector sa isang nahuling suspek
  • sa Quezon City, yung pulis na dati nang nasuspinde, na inaresto dahil sa pambubugbog daw sa kanyang stepson
  • sa Negros Oriental, yung pulis na nakunan ng video habang pinatapat ang tenga ng isang sibilyan sa muffler habang pinapaandar yung motorsiklo
  • yung pulis sa Sta. Mesa na namaril ng sibilyan na binu-bully DAW nito parati at sinaktan pa bago yung insidente, matapos na rumesbak yung biktima na may dalang bato at itak
  • yung buy-bust operation DAW sa Caloocan, na ginawa ng mga naka-sibilyan na naka-hood at mga naka-maskara at hindi na mga pulis, na natunugan DAW, kung saan 2 magbiyenan na drug-related suspects ang napatay sa loob ng kanilang pamamahay
  • yung napatay na 17 y/o sa Caloocan City na hindi naman target pero nadamay daw sa ginawang buy-bust operation, nakita daw siya na may baril kaya pinatay na
  • sa Maguindanao, yung 2 bata na edad 6 at 10 daw na nadamay at napatay sa ginawang anti-illegal drugs operation sa kanila, kung saan nasugatan rin daw yung 2 pa nilang mga bata rin na mga kapatid
  • yung pulis na namaril ng kapwa pulis sa Lipa City
  • sa Pasay City, yung miyembro ng army na nakainom, nagwala, at nakipagbarilan pa sa mga pulis
  • sa Caloocan, yung 2 pulis na nagbarilan ng dahil lang DAW sa toothpick
  • yung pulis na nang-rape ng sibilyan sa Calamba City, na ginamit DAW yung pagka-pulis niya para kunwari ay magpapatulong lang dun sa biktima
  • yung pulis na binaril yung menor de edad na isinasama lang DAW niya
  • yung pulis Mandaluyong na aksidenteng nakabaril sa Nasugbu, Batangas dahil DAW ipinagmamalaki niya yung baril na na-issue sa kanya
  • sa Manila, yung pulis na namaril sa isang bar, na napatigil gamit ang phaser gun
  • sa Agoncillo, Batangas, yung pulis na pumatay ng isang municipal nurse nang dahil lang sa away-pag-ibig
  • yung SAF na nambugbog ng traffic enforcer sa Bacolod matapos siyang masita na nagawa niyang traffic violation
  • sa Dumaguete, yung 5 pulis (hindi naman naka-uniporme o naka-duty) na nambugbog DAW dahil sa isang basketball game
  • yung nakunan ng CCTV na pulis (na naka-sibilyan) na nanggulpi ng lalaki na sinubukan na DAW humingi ng tulong sa mga pulis sa isang presinto ng QCPD, ikinulong pa nila yung lalaki at ipinaako DAW sa kanya lahat ng pagkakamali, at dahil yun sa away-trapiko pa rin
  • sa Mandaluyong, yung 2 lalaki na hinuli dahil sa pag-iinuman sa kalye, pero nakunan ng cellphone video na pinagpapapalo ng kahoy ng isang pulis
  • yung sa General Trias, Cavite, yung 3 pulis na nang-torture rin daw ng 2 preso at pinilit pa yung 2 na maghalikan habang nanonood sila
  • sa Tondo, yung pulis na pinaghahanap dahil sa indiscriminate firing, na posibleng handa lang daw para sa birthday yung pinag-ugatan
  • sa Manila, yung naka-AWOL na pulis na nagpaputok daw ng baril at nakatama ng 2 menor de edad, at nanapak pa daw
  • sa Antipolo City daw, yung jeepney driver na pinatay daw ng isang pulis Maynila dahil lang sa away-trapiko
  • yung nakunan sa CCTV na police escort na nakabundol ng batang estudyante, pero itinanggi daw na siya yung nakabundol at tinakasan pa yung biktima
  • yung pulis na nakabangga ng nasa pedestrian lane
  • sa Rodriguez, Rizal, yung road rage na nauwi sa barilan sa pagitan ng isang pulis at isang retired US navy, dahil dun ay nadamay at nabaril yung pasahero nung US navy 
  • sa Cabanatuan, yung 2 pulis na naka-droga na namaril at pumatay ng 2 katao, na ikinasugat ng 1 pa
  • yung CCTV footage na ibinigay kay Senator Lacson, na nagpapakita kung paanong tinaniman ng mga pulis DAW ng ebidensya ang isang opisina, tapos ay saka ni-raid yung lugar
  • yung na-hulidap na Korean, na nahingan na nga ng ransom yung pamilya, pero pinatay pa rin talaga yung biktima sa loob pa mismo ng kampo ng mga pulis
  • yung mga South Korean na na-hulidap sa Pampanga, na nakunan ng CCTV, na hinuli gamit ang alibi na sangkot sila sa illegal online gambling, na ilang oras ikinulong sa police station at pinakawalan lang matapos magbigay ng pera
  • sa Quezon City, yung 4 na pulis na nahuli dahil sa kaso ng kidnapping at extortion, isang lalaki at yung kasintahan niya ang naging mga biktima
  • sa Taguig, yung magkakasabwat na mga barangay officials at isang pulis sa pangingikil sa mga taong hinuhuli nila
  • sa Laguna, yung Kagawad at ang mga kasamahan niya na nangingikil daw ng mga dayuhan at mga kilalang personalidad bilang pangsuporta daw sa adhikain ng Hokage na Mahilig
  • sa Antipolo City, yung 4 na pulis na inaresto dahil sa pangingikil daw sa isang PWD, mukhang may mga props rin sila na mga baril at ilegal na droga
  • yung maramihang pagsibak sa mga pulis sa Parañaque dahil DAW sa mga kaso ng pangongotong
  • yung nasa 200 pulis daw na mukhang nandaya sa kanilang entrance exam
  • sa Ilocos Norte, yung 2 pasaway na pulis, na naka-off na daw sa duty, pero nahuli namang nag-iinuman sa kanilang presinto
  • sa malapit sa lugar ng giyera, yung kaso ng harassment ng isang sundalo yata yun laban sa mga estudiyante
  • ang patuloy at malaking bilang ng mga pulis na lumalabas na positibo sa paggamit ng ilegal na droga through drug test  (ang isa sa butas ng laban kontra sa ilegal na droga)
  • sa Las Piñas, yung opisyales na pulis na related sa PNP Crime Laboratory na nahuling gumagamit ng ilegal na droga sa isang drug den
  • yung PO1 na sangkot daw sa ilegal na droga at miyembro rin daw ng sindikato
  • yung 3 sundalo DAW na nahulihan ng mga drug paraphernalia sa Cebu City
  • yung nasa 160 pa na mga pulis na inire-recommend ng PNP-IAS na pagsisibakin na dahil sa involvement nila sa ilegal na droga
  • sa Bacolod, yung naka-AWOL na pulis na nahuli sa buy-bust operation
  • sa Catanduanes, yung nagbitiw na pulis na umamin na totoo DAW ang pagtatanim ng mga ebidensya at extrajudicial killings
  • sa Bacolor, Pampanga, yung government employee na biktima ng tanim-droga ng mga pulis at mga miyembro ng PDEA, yung hindi nagtugma yung written report sa kuha ng CCTV
  • sa Manila, yung 4 na senior citizen na naging biktima rin DAW ng tanim-droga at tanim-bala ng mga pulis, may kuha ng CCTV tungkol sa kuwestiyonableng operasyon nung mga pulis eh, namatay pa yung isang matanda sa loob ng kulungan
  • yung babaeng biktima daw ng tanim-droga teknik ng 11 Pulis Malabon
  • yung New Bilibid prison guard na sinubukang magpuslit ng hinihinalang ilegal na droga sa pamamagitan ng pagtatago nito sa loob ng kanyang brief
  • sa Cainta, Rizal, yung dating military intelligence officer na nahuling nagtutulak ng ilegal na droga
  • sa Pagadian City, yung bahay ng nag-AWOL na pulis na nakunan ng nasa Php 89,000 worth daw ng ilegal na droga

are naman yung mga hindi pa malinaw kung anong klase nga ng mga tao ang involved o hindi tiyak o nabanggit kung sino ang nakatama:
  • yung honor student na choir member na ginamitan ng karatula
  • yung 5 year old daw na bata na nadamay sa tangkang pagpatay ng mga hindi kilalang tao sa lolo niya
  • yung 5 year old na taga-Pasay na napatay habang natutulog dahil nadamay sa pagpatay sa tatay niya na siya daw target nung hindi nakilalang tao
  • yung pagkamatay ng bagong binyag na bata (na tinamaan ng ligaw na bala) sa Bulacan dahil nadamay sa pagpatay sa kanyang ninong na involved DAW sa droga
  • yung pagkadamay at pagkapatay sa isang manliligaw sa Quezon City dahil involved daw yung nililigawan niyang babae sa ilegal na droga
  • yung kaso sa NCR kung saan nadamay at natamaan ng bala ang isang sibilyan dahil sa paghahabulan ng mga pulis at ng isang suspek
  • yung 2 sibilyan sa Laguna na nagsisimbang-gabi lang sana, na nadamay (napatay yung batang babae) sa pamamaril  ng mga hindi pa nakikilalang mga suspek sa isang barangay tanod na related din daw sa ilegal na droga
  • yung tila 2 grupo ng tao na napatay sa Caloocan City, na either drug related daw yung isang grupo kung kaya't nadamay sa tumbahan yung mga miyembro daw ng frat, o dulot ng frat war na ang nadamay naman eh yung ilang drug related personalities
  • sa Caloocan, yung mag-live in partner na pinatay daw ng mga taong nagpakilala na mga pulis
  • yung 14 y/o na dalagita na nadamay sa pamamaril ng mga taga-tumba sa target nilang drug-related personality daw, sa Caloocan yata yun
  • sa Caloocan, yung 5 y/o na bata na nadaplisan ng bala dahil sa nangyaring tumbahan sa isang hinihinalang drug den, kung saan may mga napatay rin
  • hindi ko nakuha yung lugar, pero yung kaso kung saan may 1 napatay at 6 na nadamay sa pamamaril daw sa isang dating nagbebenta ng shabu
  • sa Tondo, yung 14 y/o na dalagita na natamaan sa mata at napatay ng ligaw na bala mula sa pamamaril ng riding-in-tandem, namaril DAW para takutin yung may pagkakautang sa kanila sa ilegal na droga eh
  • sa Makati, yung mga lalaking naka-uniporme daw ng pang-pulis na nakuhanan ng video habang nananakit DAW ng isang babae, may tutukan pa DAW ng baril na nangyari
  • yung Japanese na negosyante na mukhang planadong itinumba habang nasa bansa
  • sa Tondo, yung taxi driver, na kolektor daw na asset ng mga pulis, na itinumba ng riding-in-tandem, kaso ay tumagos pa yung bala sa ulo nito kaya may babaeng nadamay at natamaan din
  • yung pagtumba sa foreigner na sangkot daw sa ATM skimming
  • sa Caloocan, yung tricycle driver na itinumba sa hindi pa malamang dahilan dahil wala naman ang pangalan niya sa listahan ng mga drug-related personalities, at may nadamay at natamaan pa na ibang tao sa pamamaril na yun
  • yung pagpatay sa 14 y/o na supposedly ay kasama nung pinatay ng mga pulis na 19 y/o UP Passer, na sa Nueva Ecija na natagpuan

heto naman yung mga may kinalaman sa kahinaan ng kasalukuyang penal system at pagpapatupad ng iba pang mga batas at patakaran sa bansa:
  • sa Pasay, yung target ng buy-bust operation na nakapatay at nakasugat ng mga pulis, grupo sila eh, at yung main target daw ay marami ng record ng krimen pero talagang nakakalaya pa rin
  • sa Siquijor, yung 2 babaeng estudyante na napatay sa pananaksak ng isang lalaki ng naka-droga at lasing din daw noon, according sa istorya ay may iba sana siyang papatayin dahil natakot siya na isuplong siya tungkol sa paggamit niya ng ilegal na droga, kaso ay ibang mga inosenteng tao yung napaglabasan niya ng kanyang kasamaan 
  • regarding sa pag-determine ng edad na pasok sa criminal liability, yung pulis sa Dipolog na ginulpi ng mga kabataan at untik nang mapatay matapos niyang umawat lang sa rambulan ng mga ito
  • sa Tondo, yung nakunan sa CCTV na rambulan ng mga kabataan sa gabi, kung saan makikita na nagpapaputok ng baril yung isa at nanuntok pa yung isa ng umaawat lang daw sa kanila, butas pa rin ito sa sistema ng pag-regulate sa mga baril at sa pag-determine ng edad kung kailan may pananagutan na ang mga mamamayan sa batas
  • in general, ang pagiging maluwag ng batas laban sa mga menor de edad na mga kriminal
  • yung kung sino pa yung mga aminado sa mga krimen na paulit-ulit na ginagawa nila o yung may solid na ebidensya regarding sa ginawa nilang krimen, eh sila pa talaga yung nananatiling buhay
  • sa Baguio, yung mga nahuling sangkot sa Basag-Kotse pero pinalaya rin naman kaagad matapos makapagpiyansa
  • regarding sa batas trapiko, yung 2 lola na parehong namatay matapos mabangga ng humaharurot na tricycle habang tumatawid sila sa pedestrian lane
  • dahil pa rin sa kawalan ng kontrol sa mga armas, sa Cavite, yung lalaki na hinuli at dinala sa isang motel at balak i-hulidap ng mga lalaking nagpanggap na miyembro ng PDEA at PNP
  • yung lalaking binaril ng isang motorcycle rider na posibleng dahil lang DAW sa naharangan niya ito sa kalsada
  • ang naging pag-atake sa Resorts World Manila
  • yung nangyaring saksakan at patayan ng mga high profile inmates sa loob ng Bilibid kahit na pinataas na DAW yung seguridad doon at mga SAF pa ang nagbabantay
  • yung panibagong kaso DAW ng VIP treatment para sa mga high profile inmates na lumabas sa balita nitong February 2017
  • sa Maynila, yung nakunan sa CCTV na matanda na tinutukan ng baril ng 2 naka-sibilyan na mga pulis dahil napagkamalan daw siyang magnanakaw 
  • sa Dasmariñas, Cavite, yung ikinulong nang dahil sa sakla, na pinatay ng mga nakasama nitong preso habang nakaposas siya
  • sa Lanao del Norte, yung bilanggo na pinatay sa loob ng kulungan ng mga kakosa niya
  • yung sikretong kulungan na nadiskubre ng CHR sa isang station ng MPD
  • eh yung pagtutumba sa mga persons of interest na iniuugnay sa Bulacan Massacre, gayung dapat ay pinoprotektahan na sila ng mga pulis para naman mapalabas talaga yung totoo tungkol doon sa kaso
  • yung kapabayaan ng mga awtoridad sa pag-handle sa suspek sa pangre-rape at pagpatay sa isang pageant winner sa Samal Island na nauwi sa panlalaban DAW nito at sa pagpatay sa kanya
  • yung kapabayaan rin ng mga awtoridad sa pag-handle sa suspek sa pangre-rape at pagpatay sa isang 8 y/o na bata sa Nueva Ecija, na dahilan kung kaya't nagawa DAW nitong mang-agaw ng baril at makapagpakamatay
  • yung kagustuhan ng kasalukuyang DTI na ibigay na sa mga negosyante at/o mga kompanya ang kakayahan na i-regulate ang suggested retail price (SRP) para sa mga produkto nila
  • yung pagkampi ng Supreme Court sa photobomber
  • ang hindi pagtupad ng PHLPost sa kini-claim nilang bilis ng paggawa at pagde-deliver ng Postal ID, at ang kahinaan ng support center nila
  • yung mali at mapanlinlang na paraan ng evaluation ng Department of Tourism sa performance ng kasalukuyan at nakaraang administrasyon
  • yung mga isyu na lumalabas ngayon tungkol sa BOC at sa mga mambabatas dahil sa ginagawang pananabon ngayon sa Customs
  • yung problema sa mamahaling elevator para sa pedestrian overpass sa Lipa City
  • yung pagkabasura ng Commission on Appointments sa pagtatalaga kay Lopez bilang secretary ng DENR na obvious naman na iginapang
  • yung pagkabasura ng Commission on Appointments sa pagtatalaga kay Taguiwalo bilang secretary ng DSWD dahil DAW hindi magagamit na gatasan yung ahensya sa ilalim ng pamumuno niya
  • yung pagri-reveal ni Attorney Anderson sa tangka ng isang mataas na opisyales na mag-promote ng isang hindi qualified na tao para sa Bureau of Customs
  • ang kabulukan ng hustisya, yung ginawan na nga ng grupo nina Failon ng pabor ang buong bansa, pero talagang sila pa yung kinasuhan dahil lang sa binayaran na yung obvious na ninakaw na pera ng gobyerno noon
  • yung sapilitang pangunguha ng mga miyembro DAW ng Kadamay ng mga housing projects sa iba't ibang lugar, at ang pagkunsinti sa kanila ng gobyerno
  • ang kakayahan ng mga miyembro ng mga teroristang grupo na mapakawalan o makatakas pa sa kamay ng batas
  • yung naging pagsabog sa Quiapo na nakasugat ng nasa 14 na katao daw, at nangyari yun kung kailan supposedly eh mataas ang seguridad sa bansa lalo na sa NCR
  • sa Pandacan, yung 7 buwan na sanggol na nagtamo ng 3 tama ng baril dahil sa isinagawang anti-illegal drugs operation sa kanilang lugar
  • follow up para sa 7 months old na sanggol news, hindi pala nagkusa yung mga pulis na imbestigahan kung sinu-sino nga ang totoong nakabaril doon sa bata, at may claim pa na diniktahan lang daw para pumirma sa affidavit yung lola nito
  • sa Pasay, yung pulis na naglabas at nag-display ng kanyang baril habang nakikipagtalo sa 2 binatilyo
  • sa Pasay, yung itinumba na negosyante na may-ari ng furniture shop na hindi daw kaagad hinayaan ng mga pulis na maisugod sa ospital
  • yung 73 y/o na lalaki na nakaladkad at nagulungan pa daw ng bus, na hindi na naman hinayaan kaagad ng mga pulis na maisugod sa ospital
  • yung hindi magkatulad na magkahiwalay na statements nung taxi driver na hinoldap daw nung 19 y/o UP Passer, na hindi rin tugma sa report ng mga pulis, at tila nagtatago na yung driver ngayon
  • yung kuwestiyonable at kusang pagpapa-DNA test ng mga pulis sa bangkay nung 14 y/o na kasama ni UP Passer kahit na wala namang nagre-request nito, at yung pagdedeklara na hindi naman dun sa 14 y/o yung bangkay na yun
  • yung hinihinalang bagong kaso ng paglabag sa Anti-Hazing Law kung saan napatay yung isang UST Law Student
  • yung kuwestiyonableng naging kahinaan ng seguridad sa Marawi sa kabila nang patuloy na pagkilos ng mga terorista sa Mindanao, sa kabila ng patuloy na mga bantaan mula sa magkabilang panig, at sa kabila ng pagkakaroon ng malaking halaga ng intelligence fund
  • yung pagkatumba sa 4 na suspected na miyembro ng Maute habang ibinabiyahe sila, ito ay sa kabila nang may ipinapatupad ng Martial Law sa region na yun
  • yung lalaking napagkamalan daw na miyembro ng Maute at hinihinalang t-in-orture ng mga sundalo
  • yung may mga nangyayari pa rin daw na nakawan sa mga lugar sa Marawi na kontrolado na ng mga militar
  • yung posibilidad daw na nakatakas na yung mga lider ng mga terorista sa lugar ng digmaan, gayung may claim rin ang mga awtoridad na kesyo natunugan naman daw nila yung tungkol sa pagtakas
  • yung pagpapadala ng mga tiwaling pulis sa lugar ng digmaan, sa halip na sibakin na sila sa trabaho at hindi na pasuwelduhin pa ng mga mamamayan
  • yung mukhang may nakapasok na daw ulit na mga armadong grupo sa lugar ng giyera
  • yung pagpapababa daw ng DOJ sa kaso ng Marcos Police Group
  • kasali pala yung Dictator Clan sa problema ngayon sa Norte
  • ang pag-amin ng miyembro ng Dictator Clan na binalewala nga nila ang proseso ng bidding sa kanilang pamimili
  • yung VIP treatment sa isang opisyales, kahit alam naman nila yung patakaran na nagbabawal nga sa kanila na pumunta sa mga casino
  • yung Representative na gusto ng VIP treatment para sa kanilang hanay regarding traffic violations
  • yung pagbibigay ng mga naluklok sa katungkulan ng Php 1,000 lamang na budget para sa CHR, at iba pang ahensya ng gobyerno para lang ipakita ang kakayahan nila na manggipit

at may kaso na iba-iba ang kategorya:
  • yung pagkamatay ng isang 9 year old na bata, na pinaghihinalaang pinatay ng mga menor de edad; na natagpuan yung bangkay na nakagapos ang mga kamay, na binugbog daw, pinutulan ng mga daliri, at may hiwa pa sa tiyan
  • yung pagsu-suicide daw ng isang Director Villa ng ERC dahil sa katiwalian sa trabaho nila
  • isama na rin yung pagkalat ng mga fake news at paid trolls sa social media
  • ang maya't mayang pagpapalabas ng fake news o mind-conditioning news ng mismong mga nasa katungkulan
  • yung mali-maling listahan na inilabas ng Napolcom
  • yung Oplan Cyber Tokhang
  • yung mga sundalo sa Marawi na napatay sa sarili nilang air strike na laban sana sa mga terorista
  • yung isa pang air strike na sa labas naman daw ng Marawi nangyari
  • yung isa na namang air strike na nakapatay sa sariling mga kakampi, pangalawa yata yun na nakapatay at ikatlo ng error
  • ang maya't mayang pag-target ng gobyerno sa basic needs para gawing gatasan ng buwis
  • yung naaprubahan na 24% increase sa cargo handling tariff
  • eh yung pati pagkanta sa Pambansang Awit ay balak nang lagyan ng limpak-limpak na halaga ng penalty
  • yung pahayag ng ilang kabilang sa Bilibid 19 na babaliktarin nila ang kanilang nakaraang mga statements kung ililipat sila ng piitan
  • yung paggamit ng PNA sa logo ng kompanya ng agricultural products para sa Department of Labor and Employment
  • yung naparangalan ang isang pulis na posibleng may ginawang iregularidad sa pagpapatupad ng batas 
  • yung ayaw mag-imbestiga nang husto puwerket may kilalang apelyido na nadadamay, di tulad sa kaso ng ibang mga tao na paspas ang mga pagpapahiya at panghuhusga
  • yung kapag nasa tuktok ang nagsasalita ng kung anu-anong masasama ay hindi nila kinokontra, pero kapag hindi na nila kakampi sa pulitika yung nagsasalita ng hindi kanais-nais para sa pananaw nila eh idinadaan nila sa sistema
  • ang pag-tolerate ng ibang mga mamamayan sa mga pinuno na obvious na mga magnanakaw
---o0o---


September 17, 2017...

sa Caloocan...

yung 2 pulis na nagbarilan nang dahil lamang sa toothpick... :(

pero hindi naman daw Caloocan police, yung isa lang yata dun sa 2...

was feeling , toothpick pa lang yun, pero naka-kill-mode na.. paano pa kaya kung mas seryosong bagay na yung pag-uusapan...?

---o0o---


September 18, 2017...

yung pulis na nakabangga sa pedestrian lane..
hindi ko na nakuha kung saan yung lugar eh...

aw!
kapag may nabangga na wala sa pedestrian lane, lalo na sa mga delikadong daan, eh may kasalanan nun yung mababangga..
pero ibang usapan na kapag nasa pedestrian lane ang biktima...

kapag single pa naman ang dala eh parang walang rules na sinusunod..
kahit saang bahagi ng kalsada eh sisingit..
tapos eh paspas pa...

was feeling , ang gagaling sumunod sa batas ano...?

>
yung nasa 200 na pulis na mukhang nandaya daw sa entrance exam..
mukhang nagpasa pa daw ng mga pekeng dokumento yung iba... :(

eh kesyo pare-parehas daw yung mga items kung saan sila tumama at nagkamali eh...

was feeling , aw.. ang first step para magkaroon ng maaabuso na kapangyarihan...

>
dati ang uso ay yung nag-a-akyat-bahay ng naka-brief...

tapos nag-level-up na ngayon..
labas na ang tutut habang nagnanakaw...

at huli sa CCTV yung mga kaso na yun...

was feeling , mana sa Hokage.. bastos...

>
wala na talagang pag-asa yung mga representatives ng ibang mga distrito... :(

demolition job na lang 'tong ginagawa nila laban sa CHR ngayon..
napahiya na kasi sa buong mundo dahil sa ginawa nilang pambabraso eh..
kung talagang sa tingin nila eh walang silbi yung ahensya, edi sana eh binuwag na lang nila..
pero para lang maipakita kung gaano sila kasasama eh ginawa pa nilang biro yung budget...

nililigaw nila ang mga mamamayan sa pamamagitan nang pagpapasa ng responsibilidad ng mga awtoridad sa CHR..
edi kayo ang manawagan at magpangaral sa mga kriminal, mga gunggong, tingnan natin kung makikinig sila sa inyo...

ayaw ninyo sa CHR dahil pro- para sa mga umaabuso sa human rights ang Hokage ninyo..
lalo na yung basurang Dictator Clan na binabastos ang mga karapatan ng lahat hanggang sa panahon ngayon...

was feeling , saan nyo ba nakuha yang mga inihalal ninyo..? kabobobo eh...

---o0o---


September 19, 2017...

kawawa naman yung isang Representative..
naging kahiya-hiya na naman sa mata ng lahat...

hindi nga naman sila dapat naaabala sa kalye kasi..
eh kagaganda ng mga naiisip nilang mga batas eh..
yung i-power trip ang budget ng mga hindi nila kabati na ahensiya..
yung pataasin pa lalo ang mga binabayarang buwis ng mga mamamayan..
ang gaganda kaya ng naiisip nilang mga plano para sa bansa...

pagsabotahe rin kaya yun ng mga sinasabi nilang mga kalaban nila sa pulitika..?
baka na-mind-control yung kakampi nila para magmukhang bobo sa harapan ng lahat...?

was feeling , wala bang magpo-propose ng batas na dapat gumamit ng utak ang mga Representative...?

>
gunggong rin 'tong ibang mga transport group... :(

mga siraulo ba kayo..?
gobyerno ang nagpapahirap sa ating lahat, pati sa inyo, kaya dapat sila ang buweltahan ninyo..
hindi yung kesyo gawin nating Php 10.00 ang pamasahe...

mga tanga kayo!
Php 1.50 nga lang yan dati eh..
tapos gusto ninyong palobohin na nang husto sa ngayon..
ano bang akala ninyo, na tumatae ng pera ang mga mananakay..?
mga biktima rin kami, mga tanga kayo...!

gayahin ninyo yung PISTON yata yun, if i'm not mistaken..
humiling kayo na huwag na kayong buwisan sa petrolyo, at pati lahat ng mga hindi kapritsosong pampublikong sasakyan...

was feeling , pati ba naman kayo..? sa amin pa rin ipapasa ang source of income...?

>
maliit ang suweldo ninyo..?
ipo-protesta mo yun...?

so anong gagawin..?
tataasan pa lalo ang mga buwis na ipapataw sa mga mamamayan para ma-meet yung standard mo...?

was feeling , buwisan mo na rin ang paghinga, kakampi ng mga magnanakaw...

>
regarding dun sa hinihinalang napatay ng fraternity sa UST...

haaay..
CCTV na lang talaga ang maaasahan..
pati mga nagsisinungaling eh nahuhuli nila eh...

was feeling , ang lesson..? huwag magsusulat ng script sa lugar na may CCTV camera...

---o0o---


September 20, 2017...

ang lupit naman nung nag-amok sa presinto...?

ano kaya yun, may kinalaman dun sa nangyaring pagpatay dun sa UST Law Student..?
para kasing yung kaso na yun yung balak pakialaman nung utak-kriminal na umatake eh..
ganun ba kalakas yung samahan nila para gumawa ng mga harapang pag-atake...?

UPDATE: nahuli na yung luko..
so far wala namang lumalabas na anggulo na konektado siya dun sa kaso nung UST Law Student..
baka nagkataon lang..
nakapang-trip na rin daw yun sa spa eh..
pero kailangan pang alamin kung anong kinalaman niya sa gobyerno...

was feeling , pero sa totoo lang, mabagal ang usad ng kaso na 'to.. mabagal maglabas ng mga pangalan eh...

>
okay..
dahil sa sobrang dami na ng lumalabas na proof..
eh mukhang pasok na yung kaso nung UST Law Student sa listahan..
ang patuloy na pambabastos sa Anti-Hazing Law...

hindi ko talaga maintindihan kung bakit pumapatay ang ibang tao ng ituturing sana nilang kapatid nila sa samahan..
ano yun, kapag mas masakit yung inabot mong pang-aabuso eh mas magiging malapit kayo sa isa't isa..?
eh bakit ako..?
ginugulpi ako ng mga kasama ko sa bahay noong bata pa ako, pero dahil dun eh hindi naman ako naging close sa kanila...

yung code of silence eh nasusunod nila..?
pero yung mas simple at mas lumang utos na "huwag kang papatay" eh madali lang nilang nababalewala..?
at talagang mga related pa sa law yung mga gumagawa nito..
kaya anong maaasahan sa kanila kapag yun na yung career nila - kikita ng malaking halaga, yun lang...?

sobrang bagal ng kaso na 'to..
siguradong may mga nagtutulungan para maitago yung mga kriminal na yun..
sigurado rin na tatrabahuhin nila ang isyu na 'to sa ngalan ng basura nilang kapatiran...

was feeling , kung sino pa yung mga dapat maaasahan, sila pa talaga yung nalabag...

>
sobra talagang sinungaling..
Hokage ng Fake News eh..
kapatid talaga ng mga magnanakaw..
at huli na naman siya sa sarili niyang bibig...

tang ina mo!
imbentor ka na rin ng mga bank accounts ngayon..
napahiya ka siguro dahil sinubukang puntahan nung senator yung mga bangko, ano..?
TANIM-BANK-ACCOUNT modus.. :(
so paano pa namin malalaman kung anu-ano yung peke tungkol sa mga kaso na naisampa at isasampa nyo pa lamang sa mga itinuturing ninyong mga kalaban..?
o scripted lahat yun..?
kagaya na lang nung sa Bilibid, kung saan hindi rin naman pala natigil yung illegal drug trade kahit nadikdik na nila yung itinuturo nilang boss...

siguro yung waiver yung totoong pakay nila..?
ipapahiya nila yung mga kalaban nila sa mata ng publiko by claiming na marami silang secret bank accounts, para mapilitan silang pumirma ng waiver..
at kapag may access na sila sa totoong record eh saka sila totoong aatake..
siguro balak nilang pasukan ng mga nakaw na yaman...

kung ganun, para maging ligtas ay hindi na dapat pumirma ng waiver yung mga pinag-iinitan na tao..
tutal eh hindi naman mapagkakatiwalaan ang kasalukuyang pamahalaan eh...

so ito yung pinapangarap na pamunuan ng mga tao..?
yung ni wala man lamang integridad... :(

huhulaan ko yung mga sasabihin ng mga panatiko..
yung mga papuri..
sasabihin na naman ng mga bugok na yun na ang galing naman ng Hokage nila na mag-create ng bagay mula sa wala..
parang diyos na rin nga eh, nakakalikha na siya... :(

was feeling , Tanim-Bank-Accounts...

---o0o---


Araw ng Pag-alala sa Kasamaan ng Martial Law ng Dictator Clan


September 21, 2017...

so yun ang unang pag-atake para sa mind-conditioning ng mga panatiko..
ang bahiran ang mga protestang magaganap..
ang palabasin na marami ang hakot lamang..
palalabasin nila na pulitikal lamang ang motibo para pabagsakin ang basurang gobyerno nila...

ganyan naman kayo eh..
kapag sarili ninyong mga hakot, eh okay lang..
kapag may naghahakot ng mga dadalo sa pa-traydor na libing eh wala kayong angal..
ni walang pakialam ang pamunuan kung sino ba ang mga gumagastos para sa pagba-biyahe ng mga ganun..
in general, basta mga kakampi ninyo ang gumagawa, eh tino-tolerate nyo lang...

masasama na ang mga kalaban ninyo kung masasama..
kesa naman sa demonyong hanay ninyo..
ang pino-promote ninyo eh patawarin, i-tolerate, at ibalik sa puwesto ang angkan ng mga kriminal...

was feeling , ang first defensive move.. kapag may umangal laban sa mga patakaran, eh ipagkalat na pakawala sila ng mga kalaban sa pulitika...

>
okay lang mag-rally..
pero iwasan na sana ang pagsusunog..
dagdag polusyon pa yun eh..
(at huwag nang gawing palusot na kesyo mas malaki pa yung usok na nagagawa ng mga sunog, dahil aksidente naman ang mga yun)...

unahin pa rin ang kapakanan ng kalikasan..
para may iba pang makagamit sa mundo sa hinaharap...

o di kaya, kung magsusunog kayo eh yung mga tao na kaagad ang sunugin - nang buhay..
para mas masaya ang party...

was feeling , wala pong kinalaman ang Earth sa hindi pagkakaisa ng mga tao...

>
so yung mga taong yun pala yung mas gusto ng mas malalaking buwis..?
sila yung mga gusto ang mga rape jokes..
sila yung mga sumusuporta sa pagpatay sa mga walang laban at sa mga napagbintangan lamang, para lang maramdaman nila na sila yung ligtas..?
at sila yung mga gusto na i-tolerate lang ang mga pagnanakaw sa kaban ng bayan, na okay lang ang mga pagnanakaw na later (yung iba eh decades later pa nga) ay idadaan sa saulian kapag nabisto...?

tapos may isang na-interview..
ang sabi eh gusto daw nila ang Batas Militar dahil yun daw ang makabubuti..
tanga ba yun..?
eh ang idea nga ng Martial Law ay ipinapatupad yun sa panahon kung kailan nasa hindi magandang kalagayan ang bansa..
tapos gusto nila ng ganun sa mga probinsiya nila..?
eh sa paraan pa lang nang pagpapaliwanag eh non-sense na eh..
hindi kaya sila ang nabayaran..?
hindi kaya sila yung hakot..?
baka galing rin sa non-intelligence fund ang resources nila...?

tapos..
ano ba yun..?
pati yung event sa Quirino Grandstand for today eh FAKE daw..?
sabotahe..?
pambubusal...?

was feeling , mga traydor...

>
sa wakas..
nabigyan rin ng pansin..
sa GMA ko napanood...

yung tila pagse-censor ng tungkol sa kasamaan ng Martial Law sa mga educational books..
at ang hindi wastong pag-i-integrate nito sa curriculum ng mga paaralan..
at tama yung ibang obserbasyon dun, mas naka-focus pa talaga yung ibang nasusulat sa mga magagandang projects ng gobyernong yun..
ni walang detalye tungkol sa sistema ng komisyon, at ang mga kademonyohan sa likod ng magagandang mga proyekto na yun...

at talaga namang huli na nang mapuna ito... :(

yung Noli Me Tangere at El Filibusterismo eh pwede nang palitan..
kung hindi maidaan ang mga tao sa artistic na paraan ng pagsusulong sa kalayaan..
eh gawin nang diretsahan at uncensored..
brutal na kung brutal ang mga narration, pero kung yun lang ang makapagmumulat sa mga bobong mamamayan eh...

was feeling , tapos magtataka tayo ngayon kung bakit maraming bobo ang naghahangad na patawarin na lang yung Dictator Clan at hindi na parusahan para sa pag-abuso at pag-tolerate nila sa mga pang-aabuso sa panahon na yun...?

>
hmmm...?

parang hindi maganda yung naging move ng CHR et al..
binigyan kasi nila yung hanay ng mga bugok ng pagkakataon para maitama yung ginawa nilang pagpa-power trip, sa halip na ipaubaya na lang yung usapin sa senado..
basically, mas mataas kasi yung tsansa na maililigtas sila ng mga senador, dahil marami ang takot na mapahiya (higit pa sa bilang ng mga gusto lang talagang gumawa ng tama)...

pero sa bagay, dahil rin dun ay naipakita nila ang pagpapakumbaba..
dahil hindi na nila hinayaan na maging usaping-pulitikal na lang yung pagpa-power trip na yun..
na kesyo hindi yun tungkol sa pagsalungat lamang sa pamunuan..
at sila na mismo yung tumapos sa ingay na naidulot nun, kahit na sila pa yung mga naging biktima...

and still..
yung patungkol sa CHR..
hindi ko maintindihan kung anong magiging kabuluhan nang pagpapa-imbestiga sa mga kaso kung saan mga mamamayan at mga awtoridad ang biktima..
parang tanga na gagawin lang nilang paulit-ulit ang mga bagay-bagay..
madalas kasi eh pulis na yung mga nag-iimbestiga di ba, tapos minsan eh sumasali rin ang NBI at PAO..
kaya anong sense na idadamay pa ang CHR..?
hindi ba't yun pa ang maituturing na pagsasayang ng resources...?

kahit pa kasi nasa konstitusyon yun, eh dapat tingnan pa rin yung praktikal na application..
paano sila magiging konsensya para sa mga taong sadyang mga kriminal..?
eh ang mga simbahan nga eh ilang siglo na yung ginagawa, pero heto pa rin tayo, usung-uso pa rin ang kriminalidad hanggang sa panahon ngayon...

PS: ayun na nga..
mukhang CHR pa rin nga yung talo dahil tinapyasan pa rin yung budget nila..
bale pakitang-tao lang yung pagbabalik sa budget (dahil nga marami ang pumuna sa abusadong hanay nila), pero pambabraso pa rin naman yung pagbabawas na ginawa..
so parang parehas pa rin yung mensahe para sa ahensya nila..
na dapat sumunod lang sila sa mga taong nag-a-approve ng budget... :(

was feeling , mas maganda pa rin sana kung hinayaan na lang magisa sa sarili nilang mga mantika yung mga basurang yun...

>
[Heroes]

yung sa Tacloban muna...

sa wakas..
matapos ang maraming naibuwis na mga inosenteng buhay..
nauso na, at least sa lugar nila, yung mga body camera...

at may na-sample-an na sila kanina...

mga CCTV ang tinutukoy ko na heroes..
kasi mas maaasahan naman talaga sila pagdating sa pagpapakita ng katotohanan..
at maraming beses na yung napatunayan...

was feeling , pakiingatan na lang po yung mga gadget...

---o0o---


September 22, 2017...

sa Baguio...

yung mga nahuling miyembro ng Basag-Kotse..
na talaga namang perwisyo para sa mga nag-i-invest sa mga sasakyan nila..
pero pinalaya rin naman kaagad matapos na makapagpiyansa...

ang galing talaga ng hustisya, ano..?
eh sino na kayang magbabayad para dun sa mga nanakaw sa mga biktima..?
at kawawa rin yung mga mabibiktima pa sa hinaharap...  :(

was feeling , ang daming bulok na sistema, pero mas busy sila sa pagpapataas ng mga buwis at pang-aapi sa mga hindi nila kaalyado...