Friday, August 29, 2014

A Laptop Sideline - Last Week of August 2014 (Kailan...?)

August 24, 2014...

let's see..
ganito yung ranking ng mga yun eh...

kung purong ganda (facial feature) yung pagbabatayan (hindi na kasali dito yung mga may anak na):
- anak na Iglesia ng may-ari ng tindahan sa tapat
- High School Student na may nunal
- petite Iglesia ng tindahan sa tapat
- Babaeng Peke Ang Kilay
- Bella

pero kung kaseksihan naman ang pagbabatayan (eh balingkinitan na chick kasi yung tipo ko eh):
- Babaeng Peke Ang Kilay
- Bella
- anak na Iglesia ng may-ari ng tindahan sa tapat
- petite Iglesia ng tindahan sa tapat
- High School Student na may nunal
— feeling , taena, 3 Iglesia ang nasa ranking ko ah...?


night time..
ice encounter with High School Student..
pero hindi ko pa rin nakuha yung pangalan niya..
Php 5.00 kasi yung ibinayad niya noon eh, kaya kinailangan ko naman siyang suklian ng eksakto..
kaya ayun - nawalan na naman tuloy ako ng rason para alamin yung pangalan niya..
ugali na kasi nun na iwanan sa akin yung mga tig-50 centavos niyang sukli eh, tapos nililista ko na lang para sa susunod niyang pagbili..
kaso matagal nang 'Twin 2' lang yung pangalan niya sa listahan ko, kasi nga hinding-hindi ko pa makuha yung real name niya...

tapos naalala ko lang..
mas madalas ko nga palang makita lately si Ate PKI Bella..
at hindi ko pa ulit siya nakikita na suot yung PKI uniform niya..
so mukhang na-layoff or nag-ENDO or nag-resign siya sa trabaho niya doon...

---o0o---


August 27, 2014...

6:45 PM ko na nai-spot-an si Bella para sa araw na ito..
saktong papunta ako noon sa kabilang bahay eh..
napansin ko sa may kalayuan na may naglalakad na babae sa kabilang side ng kalye na tila kawangis niya..
kaya naman sinadya kong magpabagal sa pagbukas nung gate sa kabilang bahay..
na-confirm ko na siya nga yun nang mapadaan na siya sa tapat nung tindahan..
medyo pinagmasdan ko pa siya..
but then for some reason eh parang nakaramdam siya, at nagsimulang maglilingon sa paligid niya..
kaya ayun, inalis ko na yung tingin ko sa kanya...

---o0o---


August 29, 2014...

sa wakas!
after more than 2 years..
umabot din ng Php 1,000.00 ang income ng VMobile ko.. XD
iba talaga pag micro-business..
ano kayang franchise ang mabili sa susunod...?
 
— feeling , accomplished - haha!


Wednesday, August 27, 2014

Budgies Update: August 2014 - 4th Clutch


by August 18, 2014 (24 days na yun after lumabas nung egg #5 para sa 2nd clutch, bale sobra na talaga yun sa allowance na ibinibigay para sa haba ng araw ng incubation)..
so nag-decide akong i-pull out na yung 5 itlog mula sa 2nd clutch, at saraduhan na muna yung nestbox para mabigyan naman si Yellow-Brown ng panahon para makaiwas sa pangingitlog at makapag-recover ng calcium..
pero sa kaparehong araw na iyon, napansin kong nadagdagan na pala ulit ng 1 itlog yung dating 5 lamang..
so in-assume ko na magsisimula na si Yellow-Brown noon na mangitlog para sa 3rd clutch nila..
at dahil sa takot na baka madagdagan na naman ng at least 4 eggs yung 5 mula sa 2nd clutch dahilan para hindi sila malimliman nang husto ng kanilang inahin, eh nag-decide ako na alisin na nga yung mga lumang itlog at ibalik na lang yung bagong labas...


ayun nga, inilabas ko lahat yung mga itlog..
tapos nagsagawa ako ng candling test para ma-check kung anong itlog yung bagong labas lang, at para matingnan na rin yung mga naging development doon sa mga itlog mula sa 2nd clutch..
1 sa mga iyon ang mukhang bagong-bago pa lang (kaya in-assume ko na iyon yung egg #1 para sa 3rd clutch)..
at may 1 ring itlog na tila nagkaroon naman ng laman dahil malaki ang area nito na dark na dark yung kulay base sa candling test..
kaya sa bandang huli eh nagdesisyon ako na 2 yung ibalik na itlog sa nestbox - iyong 1 bago at iyong 1 mukhang may laman (sa pag-asa na mapipisa pa nga ito)...

sa kaparehong araw, nakita ko rin na muling nag-mate sina Yellow-Girl at Yellow-Brown...

heto naman ang kuha ng cellphone camera habang nagme-mate sina Yellow-Girl at Yellow-Brown noong August 19, 2014 (pasensya na sa low quality picture, mahirap na at baka maistorbo pa yung dalawang ibon eh XD)...

by August 20, 2014 naman..
napansin kong nagsimulang maglabas-masok sa nestbox nila si Yellow-Girl..
isang behavior na bihira kong makita sa kanya bilang isang cock..
bale nakita ko na yung ganoong ugali noon kay Blue, pero iyon ay sa tuwing gagalawin ko lang yung kulungan nila ni White..
at this time nga, eh nagtaka na ako sa ginagawang iyon ng lalaki kong budgie..
so nag-decide ako na silipin kung ano ba yung nangyayari sa loob ng nestbox nila, at laking gulat ko na lang nang madiskubre ko na nawala na yung 2 itlog na ibinalik ko sa loob nun, at maging iyong mga ipot at balahibo ni Yellow-Brown na nakakalat noon na parang ginawang bedding eh nalinis na rin ng mga budgie ko...

saka ko na lang na-realize na mukhang totoo nga pala iyong sinabi sa akin ng pinsan ko na nag-aalaga rin ng mga budgies na kusang tinatanggal ng mga ganitong klase ng ibon iyong mga itlog na hindi napisa..
ang tanong ko eh, bakit idinamay nila pati yung bago nilang itlog..?
na-badtrip ba sila dahil nagalaw ko iyon??
at tsaka saan ba napunta iyong mga nawalang itlog at pati na rin iyong mga balahibo at ipot sa loob ng nestbox nila, kasi hindi ko rin makita ang mga iyon sa may lupa na direktang nasa ilalim lang ng kulungan nila eh..?
ano yun, kinain nila iyong mga itlog na hindi napisa???


by August 24, 2014..
nadiskubre ko na lang na may bago na ulit itlog sa loob ng nestbox si Yellow-Brown..
ika-count ko na lang siya as egg #1 ng 4th clutch since medyo malayo na yung agwat nito sa naudlot na 3rd clutch...

by August 25, 2014 naman ng umaga..
eh nahuli ko na ulit na nagme-mate sina Yellow-Girl at Yellow-Brown...
hopefully magawa na nga nila ito nang tama this time, habang mukhang malusog pa at hindi kinukulang sa calcium si Yellow-Brown...

by August 26, 2014 naman ng hapon..
lumabas na rin yung egg #2 para sa 4th clutch..
so tama nga yung assumption ko na August 24 lumabas yung egg #1..
mas madalas ko na silang makitang nagme-mate lately at medyo naiba na rin yung paraan o estilo ni Yellow-Girl sa pagpapakain kay Yellow-Brown through regurgitation (mukhang sinasamahan na niya ng maraming tubig, dahilan kung bakit marami parating nabalatan ng bird seeds ang naiiwan doon sa lalagyan nila ng tubig)...


Friday, August 22, 2014

A Laptop Sideline - Third Week of August 2014 (Ice Encounters)

August 16, 2014...

double transaction with Ate PKI Bella..
noong una eh bumili siya ng yelo kasama yung anak niya yata yun na batang lalaki...

tapos noong pagabi na eh naging kliyente ko na rin siya sa load, Talk N Text o Smart yata siya eh..
umuulan pa naman noon..
nakakahiya nga eh, kasi nag-alis pa siya ng tsinelas niya noong pinapasok ko na siya sa terrace namin..
eh basa rin naman yung sahig ng terrace namin...

eh si Bella kaya mismo, kailan ko kaya siya magiging kliyente...?

* Ate - ang term na ginagamit ko para sa mga kababaihan na may anak na, subalit wala pa sa estado ng pagiging Ma'am (40's)

---o0o---


August 19, 2014...

naman!
mukhang na-evict na mula sa bahay na may tindahan sa tapat namin yung petite na Iglesia ah..?
tsk!
pinaalis na nga nung may-ari yung Category A niyang anak, tapos ngayon naman eh pinaalis na rin yung pamangkin niya yata yun..
pero noong narinig ko silang nag-uusap-usap noong isang araw, eh nabanggit niya na babalik daw siya dahil hindi naman niya gusto doon sa San Juan..
nabawasan tuloy ako ng isang kliyente...


by PM (hindi ako nakapag-log ng oras eh, pero medyo maliwanag pa noon sa labas)..
makalipas ang halos isang taon, more specifically - more than 11 months..
at heto yung post ko noon sa Facebook:

after a very a long time..
nagkaroon na ulit ng lakas ng loob yung Babaeng Peke Ang Kilay na sumugal at lumapit sa akin..
isang ice encounter..
tapos binabasa pa niya yung karatula ko sa gate.. >,<
tss!
hindi ko alam kung anong pumasok sa isip niya kung bakit nagawa na niya yun..
o siguro nabigyan ko rin siya ng maling impression na kesyo 'okay' na kami dahil sa kapalpakang nagawa ko sa nakaraang encounter namin noong August 6 - kung saan kinausap ko siya...
 
feeling , ibig bang sabihin na mas mararamdaman ko na ulit yung presence niya...?

---o0o---


August 20, 2014...

by 11:20 NN..
nakapagba-bye na ulit kami ng alaga kong baby kay High School Student habang papasok siya sa school kasama ang isa pang babaeng estudyante..
siya yung naunang bumati sa alaga ko eh..
kaya yun, nagkaroon kami ng pagkakataon para batiin rin siya..
ang ganda niya talagang ngumiti - something na wala kay Bella.. ^_^
ilang taon na nga kaya siya..?
at tsaka medyo na-verify ko na pala, mga Ilongga nga sila at hindi Ilokana..
gaano naman kaya katotoo na malalambing ang mga Ilongga...?
 

---o0o--- 


August 21, 2014...

before 8:00 AM..
we get to hangout with High School Student for a while..
weekday, pero holiday noon dahil kay Ninoy Aquino eh..
nasa may playground na katabi ng basketball court kami ng alaga ko..
tapos nakita kong papauwi sa bahay nila sina High School Student at yung si Kulot na pamangkin niya yata yun na baby..
edi ayun, binati namin yung alaga niya na pare naman ng alaga ko..
akala pa nga ni High School Student noong una na may sinasabi ako sa kanya eh..
tapos lumapit sila sa amin ng alaga ko..
ayun, kuwentuhan ng konti tungkol sa mga baby - kalbo na kasi yung si Kulot ngayon at dumami na yung ngipin niya (at 1 year old)..
kaso mas ginustong maglakad nung alaga ko, bumaba siya mula sa pagkakakarga at hindi na pinansin si Kulot..
kaya ayun, nagba-bye na sa amin sina High School Student at ang pamangkin niya..
salamat sa mga bata - dahil sa kanila nakakalapit ako sa mga taong gusto ko...


by 10:30 AM..
finally!
isang ice encounter with Bella..
mukhang kasama pala niya noon yung anak ni Ate PKI Bella..
mas makinis yung mukha niya this time..
tapos habang nasa loob pa ako ng bahay, eh nakita kong binabasa rin niya yung karatula ko sa may gate..
sana next time eh sa akin na rin siya magpa-load... :)

isa na lang talaga ang hindi bumabalik sa akin na regular kong customer simula noong bumagyo..
si Ate Kinis..
pero bakit naman kaya...?


malungkot..
a customer claimed that loading him via GCash (2882) triggered alerts from (2364?), basta yung 4-digit number na assigned for ringback tones..
at kinakain lang nun ang mga load na pumapasok sa kanya...
 
feeling , tanga ba yung SIM niya o talagang bagong scheme yun ng Globe...?


Shakey's V-League - Season 11 (2nd / Open Conference)

heto ang Facebook post ko by August 18, 2014 (edited version):

ano bang meron sa Lady Eagles at kay Bundit..?
parang mas ganado silang lumaban kapag andun yung Thai coach eh..
kahit sina Daquis at Gonzaga eh tinatalo nila sa 5-set match..
ano yun, nahihiya sila sa ibiniyahe nung coach kaya sila gumagaling..?
naman!
nagkaka-crush na tuloy ako kay #12 Jia Morado nare eh, kahit na hindi naman talaga kagaya niya yung tipo kong babae... XD

parang gusto ko na tuloy isama sa mga goals ko in life na:
- watch a LIVE pizza V-League game sa San Juan Arena lang (preferably wherein maglalaro sina #12 Morado at #13 Daquis against each other)...
 
feeling , #12...

---o0o---


at heto naman yung Facebook post ko by August 19, 2014:

tapos ang Lady Eagles sa Air Force (UST)..
kakapanghinayang tuloy..
puros panalo nga sa Quarter Finals, pero nag-tabla naman sa standings with PAF nang dahil sa kung anong paraan ng ranking na yun (ewan, credited yata yung mga panalo at talo galing sa Eliminations eh)..
tapos natalo sila sa playoff dahil sa mga error nila (idagdag na rin na masama ang pakiramdam ni Baldo)..
wala, sayang ang effort ni Boy-Bundit...

wala nang mapapanood na magaling..
Go Army na lang ulit!
 
— feeling , bye crush kong #12...
 

Friday, August 15, 2014

A Laptop Sideline - Second Week of August 2014 (Meetings)

August 12, 2014...

before noon..
sa wakas, bumili na rin ulit sa amin ng yelo si Ate PKI Bella..
siguro dahil may bisita yata siyang eyeglass girl noon..
at naalala niya.. ^_^
nag-thank you siya para dun sa mga rambutan na ipinadala ko sa kanya dati..
ang nasabi ko na laang eh 'okay lang yun' at 'wala yun'..
hindi ko na masyadong nakamusta kung anong nangyari, dahil nakababad sila noon nung kasama niya sa arawan eh..
kaya minabuti kong madaliin na lang yung usapan...

---o0o---


August 13, 2014...

by past 11:15 NN..
binati na ulit namin ng alaga ko si High School Student habang papasok siya sa eskwela kasama ang isa pang estudyante..
sabi ko sa alaga ko na 'papasok na si Ate', kaya magba-bye kako siya..
at nakangiti naman na nagba-bye si High School Student dun sa baby pagdaan nila sa tapat namin...


by 6:00 PM..
nakasalubong ko na rin sa wakas si Bella habang papauwi siya from work..
naka-ponytail siya noon at mas nagtagihawatin pa ang mukha..
binati ko siya nang tingin at binati niya rin naman ako kahit papaano, pero hindi siya mukhang masaya...


by evening..
bumili na ulit ng yelo sa amin si High School Student..
kaso hindi ko pa rin nakuha yung pangalan niya eh..
kasi as usual, yung matandang demonyo na hirap nang huminga yung naunang sumalubong sa kanya...


Cigarette Smoking is Dangerous to Your Health!

bago yung patungkol sa sigarilyo..
eh are muna ang ilang comment ko regarding dun sa loading system na ginagamit ko para sa mga cellphone...


may factor pala na hindi ko na-consider..
paano nga kung dahil sa medyo kakaiba yung loading system at syntax na ginagamit ko, eh ako yung sisihin ng mga user sa mga nananakaw sa kanilang load..?

feeling , hala naman!


patay naman sa bagong price list ng loading system na ginagamit ko..
dammit, Smart!
super gahaman ka!
'SMART' talaga yang kompanya ninyo!
mula sa load discount(s) na nagre-range from 3+ to 6+ percent, eh ngayon eh ibinaba na lang nila sa 1+ to 4+ percent..
parang balak na talaga nila kaming alisin sa sistema ah..?
eh load rin naman nila yung ibinibenta namin - so basically, nakakatulong rin kami sa sales kanila...
— feeling , magpapalit na naman ng singilan nare...

---o0o---


Cigarette Smoking is Dangerous to Your Health!

TO ALL CIGARETTE SMOKERS,

sa puntong ito naniningil na yung bisyo nung demonyong yun..
mas hirap na siyang huminga kaya lalo na siyang nawalan ng silbi dito sa bahay..
halos buong buhay niya eh naninigarilyo na siya..
siguro mga 48 years na..
ultimo sa pagtae niya, eh nag-mind set na siya na hindi siya matatae kung wala siyang hihithitin na yosi..
at sa pagtulog niya eh hindi siya makakahinga nang ayos kung hindi siya tututukan ng electric fan..
ang pinakamalala sa bisyo niya na 'to eh naninigarilyo siya nang indoor, kahit may kasama siyang ibang tao...

matagal kong hinintay ang pagkakataon na 'to..
pero hindi sa ganitong paraan..
sobrang nakakapanghinayang lahat ng perang nasayang sa walang kabuluhan na sigarilyo, at pati yung perang pinambabayad sa kuryenteng pang-life support niya..
kung magpapakamatay ka lang naman - eh dapat isang diretso na..
hindi yung maninira ka pa ng baga ng ibang nilalang, at dadagdag ka pa sa pagkasira ng mundo - nag-iisa lang ang mundo in case nakakalimutan yun ng mga tao...

kung meron man akong pino-problema sa ngayon..
yun eh kung saan kami kukuha ng pampalibing niya..
sa ngayon eh baon pa rin kami sa mga utang..
at mas malaking problema kapag naisipan pa niyang magpa-ospital o mag-gamot..
sa sobrang walang kuwenta niyang tao, eh ni hindi niya pinaghandaan yung sarili niyang kamatayan..
bukod dun, iniisip ko rin kung gaano na niya nasira yung mga baga naming mga secondhand smokers sa paligid niya..
ayoko kasing isipin na dadanasin rin namin yung nararanasan niyang pagkasira ng katawan, na makakadagdag pa sa mga gastusin...
 
feeling , silly humans...


Friday, August 8, 2014

A Laptop Sideline - First Week of August 2014 (Broken Rule)

August 3, 2014...

by morning..
nagpa-load na rin sa akin si High School Student..
sa 'Kuya' daw niya yung number na pina-load-an niya eh..
tapos nakalimutan pa niyang magbayad..
haha! natawa na lang ako sa kanya...
para kasing wala sa sarili noon eh..
agree siya nang agree sa mga sinasabi ko, tapos saka niya na-realize na hindi pa pala siya nag-aabot ng bayad noong papalabas na siya ng gate namin..
medyo napahiya yata siya..
pero sinabi ko naman sa kanya na 'okay'lang yun...


tapos..
maging si Half-Brother eh lumalapit na rin sa akin para magpa-load..
pero i believe nautusan lang siya para pa-load-an yung number na yun..
yun kasi yung number na madalas ko nang load-an ngayon - na hindi ko pa nakikita kailanman ang tunay na may-ari eh...


by afternoon..
may birthday-an pala sa bahay nina High School Student..
una kong napagbentahan yung bayaw niya yata yun eh - yung tatay nung kulot na baby na lalaki na 'pare' ng alaga ko..
tapos maya-maya pa, eh si High School Student na yung bumili sa amin..
medyo nakakahiya..
kasi may okasyon pala sa kanila, pero hindi ko na-meet yung demand nila sa yelo..
regular na customer ko pa naman sila..
kaya ayun - i failed them..
dapat kasi nagpasabi sila sa akin nang mas maaga eh...


at isa pa..
3 years na sa akin ang Nokia 2730C ko..
at good news yun para sa akin..
haha! nakaka-apat pa lang ako na unit simula nang mauso ang cellphone sa mundo...


ano pa ba ang magandang raket habang nag-aalaga ako ng sanggol..
yung tipong pwedeng pambahay lang..
at yung walang mairereklamo ang consumer...??
— feeling , wala na - hindi na talaga ako magiging line artist neto...

---o0o---


August 4, 2014...

by noon..
nabati ko na ulit si High School Student sa pagpasok niya...


tapos..
nagpa-load na rin dito sa bahay yung petite na pamangkin na babae nung may-ari ng tindahan sa tapat namin..
cute din pala siya..
medyo tagihawatin nga lang..
mukhang pinatay ng loading raket ko yung loading business ng tindahan nila ah..
hindi kasi ako nagdadagdag ng charge sa kung magkano man yung nire-request sa akin na load ng mga tao hangga't hindi naman kailangan eh..
medyo nakakahiya..
minsan kasi sila na mismo yung nagti-tip sa mga nabili sa kanila na dito na sa bahay magpa-load..
pero sayang rin naman kasi kung hindi ko gagamitin kung anuman yung meron na ako..
lalo na ngayon na babysitter na lang ako..
maraming nasasayang na oras..
kaya kailangang s-um-ideline kahit na papaano..
kailangang mag-ipon ng pambili ng sleeping pills at pang-cremate...


at..
6 years nang hindi dumadaan sa barbero ang buhok ko...

---o0o---


August 6, 2014...

dammit!
i was forced to talk to her.. T,T
dun sa Babaeng Peke Ang Kilay..
nang dahil lang sa loading raket ko..
kaya ako tuloy ang unang bumali sa 'walang-pansinan' rule na ginawa ko...

ang nangyari kasi..
edi kinontrata nga ako ng Stepmom niya para sa pagpapa-load na through text lang..
eh noong araw na 'to eh medyo naging weird o unusual yung mga request ni Ma'am..
kaya minabuti ko na linawin sa kanya yung mga bagay-bagay sa personal..
pumunta kami ng baby na inaalagaan ko sa tapat ng inaayos nilang bahay - nagbabakasakali na makita si Ma'am..
kaso habang nakatigil kami doon sa tapat ng bahay nila..
eh bigla namang nakasulpot areng si Babaeng Peke Ang Kilay mula sa kabilang kalye..
bumili yata siya ng kung anong junkfood doon, o baka nagpa-load din, o kung ano...

medyo nag-panic mode ako noong mai-spot-an ko na siya..
'hala, anong gagawin ko?' kaagad ang tanong ko sa sarili ko..
naisip ko na i have to talk to her Stepmom kahit na anong mangyari, dahil responsibilidad ko yun sa kanya bilang isang service provider..
at naisip ko rin na ayokong isipin ng 'babaeng yun' na nagmamanman ako o may ginagawang kalokohan sa tapat ng bahay nila kaya lang kami nandoon ng alaga ko...

noong papadaan na siya sa harapan ko eh talagang parang dedma lang..
malayo ang tingin..
at parang sinusubukang hindi mamansin..
o siguro hindi niya rin ini-expect na kakausapin ko na ulit siya sa puntong iyon..
pero bigla ko na nga lang siyang kinausap..
wala ng bati-bati..
basta ko na lang tinanong sa kanya na 'andyan ba si Ma'am?'..
yung tila patay niyang senses noong una, eh biglang nabuhay, at pinansin na niya ako..
ewan daw niya, bakit daw ba..?
sinabi ko naman na kakausapin ko lang sana tungkol sa load..
at sumagot naman siya na 'saglit lang at titingnan niya (sa loob ng bahay nila)'..
after that silly encounter, eh si Stepmom na lang niya yung humarap sa akin...

siyempre medyo nakaka-down para sa akin..
ako yung biktima sa naging istorya namin..
tapos parang ako yung naunang nagbaba ng pride sa tagpong ito..
nakakaasar...


sinubukan ko na ring batiin si Ate PKI Nunal ni High School Student habang papauwi na siya galing sa trabaho..
siya yung nanay ni Kulot na 'pare' ng alaga ko eh...


tapos..
by 6:45 PM..
nakita ko naman si Bella na papaalis suot yung green uniform niya..
may mga gabi rin nga pala siyang pasok sa trabaho ah..
ano nga kaya ang trabaho niya..?
pwede kasing naka-sandals eh...

---o0o---


August 8, 2014...

medyo matagal na rin simula noong buksan ko sa publiko yung loading raket ko..
pero wala pa rin akong panibagong ice encounter kina Bella, Ate PKI Bella, at Ate Kinis..
mukhang Ate na rin nga si Miss Kinis, kasi sariling anak niya yata yung batang babae na parati niyang inaalagaan..
ano nga kaya ang nangyari..?
namigay lang naman ako ng mga rambutan sa mga customer ko ah..
huwag mong sabihing na-insecure yung mga boylet nila sa buhay simula noong makita nila kung kanino bumibili ng yelo ang mga asawa nila..?
o baka inisip nila na may malisya yung mga rambutan...?
ay naman!

pero sa totoo lang..
nakaka-miss rin yung may nakikita kang magagandang babae araw-araw..
na parang sila na lang yung medyo nakakapagpasaya sa araw mo...


Friday, August 1, 2014

A Laptop Sideline - The Rest of July & Early August 2014 (Feeling Close)

July 20, 2014...

after 2 years, at tsaka a year and a half..
binuksan ko na rin sa publiko yung cellphone loading raket ko..
sayang din kasi yung additional na kita eh..
magiging yayo na nga ako ng bata for what, 6 years..?
wala na akong magagawa bilang line artist..
kaya naman, kailangan kong mag-improvise sa source of income ko...

para na rin makabingwit naman ako ng numero ng mga chicks... ^_^

may isang bagay akong hindi maintindihan tungkol sa raket ng paglo-load..
hindi ko kasi maunawaan kung bakit may additional na 2-Peso charge sa mga tindahan eh..
ano yun..? may bayad ba yung pagte-text nila..
takang-taka tuloy ang mga tao sa tuwing nagpapa-load sila sa akin..
kasi hindi ko na pinapatungan kung anuman yung amount na pina-load nila (unless kailangan talaga)..
para sa akin sapat na kung anuman yung rebate o discount na nakukuha ko mula sa paglo-load..
hindi ko na kailangang lokohin pa at pagsamantalahan yung ibang tao..
i mean, tama lang naman siguro na ang bayaran ng mga customer eh kung magkano man yung actual na load na magagamit nila - kasi nga may natatanggap na naman akong rebate o discount doon sa proseso eh..
masaya na ako na nakakatulong ako sa iba, habang mina-maximize ko kung anuman yung mga raket na meron na ako...

---o0o---


July 24, 2014...

mga 4:00 PM..
nakita namin si Bella na nagpunta doon sa may tindahan sa tabi ng basketball court habang naglilikot yung alaga ko doon sa katapat lang nito na nagsarado ng tindahan...

at..
hindi ko pa rin maibigay yung mga rambutan na para kay Ate PKI Bella...

---o0o---


July 28, 2014...

by 11:15 NN..
first time kong binati si High School Student habang papasok na siya sa school..
nakita ko kasi siya noong papalabas na ako sa kabilang bahay eh..
yung tipo ng pagbati na tinginan lang na may pagtaas pa ng kilay..
at binati niya rin naman ako nang nakangiti...

---o0o---


July 29, 2014...

by 8:15 AM..
nilakasan ko na yung loob ko para lapitan si Bella..
bago yun, nakagala na rin kami ng alaga ko doon sa tapat nung lugar nila eh..
pinansin pa nga nila nung pamangkin niya yata yun na batang lalaki yung kasama kong baby habang papunta sila sa looban ng subdivision...

ayun nga, by 8:15 AM eh wala na akong kasamang baby noon, dahil iniuwi ko na siya matapos na may magpausok malapit sa bastketball court..
pagbalik nila galing sa looban, eh in-approach ko na siya..
wala naman, siniguro ko lang na kasama nga niya sa bahay yung si Ate PKI Bella - na customer ko na hindi ko pa nabibigyan ng mga rambutan..
d-in-escribe ko lang sa kanya yung itsura nung hinahanap kong babae eh..
tapos noong medyo masiguro ko na na kilala nga niya yung tinutukoy ko, eh pinahintay ko siya saglit sa labas ng bahay nila para maibigay ko sa kanila yung mga rambutan na itinabi ko talaga para sa kanila...

Azel o Aizel yata yung name nung hipag ni Bella eh..
asawa daw yun ng 'Kuya' niya...

ang napansin ko..
hindi talaga siya perpektong kandidata eh..
may mga bagay naman na tama tungkol sa kanya..
pero meron ring hindi:
- hindi makinis ang mukha
- madilaw ang ngipin (madilaw pa kesa sa akin XD)
- may mga pagitan yung ngipin, lalo na sa bandang harapan
- at hindi makinis ang legs - may mga peklat

kung pagsasamahin ko yung good qualities nilang dalawa ni High School Student, siguro makakabuo ako ng perpektong modelo..
hay..
kailangan ko talaga ng mas balanseng babae...

---o0o---


July 30, 2014...

dahil sa muling paghihingalo ng tindahan sa harapan namin..
eh mukhang napuwersa na si Stepmom na lumapit sa akin para sa pagpapa-load ng cellphone..
medyo kadiyahe pa nga..
kasi naman first time niya, tapos nag-lag naman yung system na ginagamit ko.. XD
pero naayos pa rin naman...

---o0o---


July 31, 2014...

AM..
nagpa-practice ulit kami nung alaga kong baby na maglakad..
failed to greet High School Student, eh kasi naman long range eh (nasa magkabilang side kami ng kalye, tas may kalayuan pa mula sa isa't isa)..
pero tumingin pa rin siya sa akin...

nakita ko rin noon si Bella..
nagpunta sa tindahan sa tabi ng court..
nakatapis ng tuwalya sa bandang ibaba eh..
maliligo na siguro para pumasok sa trabaho...

by PM..
medyo nakabawi naman ako kay High School Student..
eh kasi bumili na ulit siya sa amin ng yelo..
hindi naman kami nagkakakuwentuhan pa nun..
pero tuwing may sukli kasi siya, eh understood na naming dalawa na saka na lang niya yun gagamitin sa susunod niyang pagbili sa amin..
kaya ayun, napangiti na lang siya noong sinabi ko na 'next time na lang ulit'...


11 days na simula noong binuksan ko yung loading raket ko..
pero hindi pa bumabalik sa akin ang mga regular na customer ko..
simula pa yun noong bumagyo eh..
wala si Bella, si Ate PKI Bella, si Kinis, si Ate PKI Nunal..
si High School Student pa lang ang bumabalik sa amin simula noong araw na yun...

---o0o---


August 1, 2014...

bandang hapon..
napatingin na naman ako doon sa Babaeng Peke Ang Kilay..
nakatambay kasi kami noon nung baby doon sa harapan ng bahay ng mga friends niyang aso eh..
nang dumaan yung isa, pumunta sa tindahan sa may tabi ng court..
pero dinedma ko na lang siya noong pabalik na siya...

---o0o---


August 2, 2014...

hala..
kinontrata na ako ni Stepmom tungkol sa pagpapaload through text..
in case daw na wala siya dito sa lugar namin at kailanganin niya ng load..
saka daw ang bayad pagkauwi niya...