Saturday, March 29, 2025

Idolatry: A Friend of Corruption

NOTE: this is not news..
i am not a reporter/journalist nor an influential person..
also, i'm not related to the government in any way..
but there are summary of news featured in this post..
it will require research in order to get the whole story regarding each particular news that is featured in here...

simple lang yan..
kapag nagpaapekto at nag-react ka sa opinyon ng ibang tao - eh BAKA nga may totoo sa mga sinasabi nila...



record ng ekonomiya..
record ng palitan ng piso sa dolyar..
record ng mga inutang..
record ng mga kinamkam at pinagnakawan..
record ng mga inabuso..
record ng mga itinumba..
record ng mga nawawala..
record ng mga kaso...

mga wala kayong utak..
at lahat kayo ay masasama...

is 💀 feeling , from Php 3.91 to Php 20.46 na exchange rate.. from USD 599 Million to USD 26.7 Billion na utang.. sa kanila nagsimula ang pagkawasak...

---o0o---


daily prayer...

sa kung sino man ang nakikinig sa kawalan..
sana mai-serve na kaagad ang totoo at ganap na hustisya laban sa lahat ng miyembro ng alyansa para matigil na ang kasamaan nila...

at sana maging maayos na ulit ang mundo...

is 💀 feeling , day 1722...

-----o0o-----


bagong impiyerno, bagong listahan..
lumampas na naman sa 500 ang bilang, kaya mag-i-start na ulit ako ng panibagong listahan ng mga kalokohan..
update (512 + 501 + 171 na)..
medyo in-organize ko rin yung mga kaso..
pero paki-note na hindi na ganung ka-accurate yung bilang, at posibleng may redundancy na rin dahil sa sobrang dami ng mga nakalista...

una, ang pagtataksil sa interes ng bansa at ng mga (ibang) mamamayan (lalo na yung mga naging biktima), at pagbalewala sa kasaysayan at dangal ng bansa:
  • yung sinalungat yung mga dati niyang bintang sa Pangulo, kesyo wala daw yung tao sa narco-list ng PDEA
  • yung panawagan ng dating Pangulo sa militar na patalsikin na ang kasalukuyang Pangulo, siyempre para sa kapakanan ng kanyang pamilya at mga kaalyado
  • yung kagustuhan ng dating Pangulo na ipapatay ang 15 Senador upang may mabakanteng mga puwesto para sa kanyang mga kaalyado
  • yung kumakandidato bilang Mayor, pero kapag yung kaso niya ang pag-uusapan eh kesyo matanda na daw at may issue sa kalusugan
  • nitong October 2024, yung pumalo na pala sa Php 16 Trillion ang utang ng bayan
  • yung mga pulitiko na ayaw i-impeach ang Vice President, ibig lang sabihin na gusto nilang i-tolerate ang pananatili sa katungkulan ng mga tiwali

are yung ang involved o semi-involved eh mga identified talaga bilang awtoridad o tauhan ng pamunuan, mga dati nang naging bahagi ng pamunuan, o kahit mga nagsasanay pa lang upang makakuha ng awtoridad:
  • yung natanggal noon sa pagiging sundalo, na nahuli bilang parte daw ng security ng Godfather ng POGO dito sa bayan
  • sa Quezon City, yung 3 empleyado ng Bureau of Immigration na pinatakas ang 1 Korean fugitive matapos itong manggaling sa korte
  • sa Negros Oriental, yung mga estudyante na nabangga ng isang pulis na rider sa mismong pedestrian lane, kung saan isang 18 y/o na babae ang namatay
  • sa may Antipolo, Rizal, yung magkasintahan na nakasakay sa motorsiklo na namatay matapos na mabangga ng police mobile na galing daw sa pag-overtake
  • sa NAIA, yung 3 airport security personnel na tinanggal na sa trabaho matapos na masangkot sa tanim-bala modus, hindi pa consistent kung saang bag daw nakita yung bala
  • sa may North Caloocan, yung bahay na sapilitang pinasok at hinalughog ng mga pulis kahit wala naman silang dalang search warrant
  • sa NBI, yung 11 na nahuling fixers, kabilang ang 4 na empleyado mismo ng NBI na ilegal na nagpoproseso ng mga NBI clearance
  • yung tauhan ng NAPOLCOM na hinuli matapos daw mangikil sa isang police officer para daw makabalik yung tao sa katungkulan
  • yung 1 appointed government official at 1 sundalo na kabilang sa mga nahuli sa paglabag sa election gun ban
  • sa Kabugao, Apayao, yung Administrative Aide ng kung anong LGU na nahulihan daw ng ilegal na droga sa kanyang bahay
  • sa Tuburan, Cebu, yung SK Chairman na nagnakaw daw sa opisina ng Mayor ng nasa Php 35,000
  • sa Virac, Catanduanes, yung principal na nahatulan ng 11 taon na pagkakakulong, dahil daw sa pagnanakaw ng Php 5,000 na halaga ng pondo sa pamamagitan ng pagdoktor ng purchasing document
  • sa Taguig City, yung FAKE warrant laban sa isang babae, kung saan pinasok ng 10 pulis ang kanilang tindahan, hinuli sila, at kinuha ang kita nung tindahan at maging ang mga gadget
  • yung 3 suspek sa rentangay modus kung saan kabilang ang 1 aktibong pulis, galing daw sa Batangas yung sasakyan na nai-transfer nila ang pag-aari at pinapatubos
  • sa Parañaque City, yung nahuli ng NBI na 1 dating sundalo at 3 iba pa na nagbebenta daw ng high-powered firearms na hindi gawa dito sa bayan
  • sa Quezon City, yung High School Principal na inaresto dahil sa pangmomolestiya daw sa 4 na menor de edad na estudyante
  • sa Lapu-Lapu City, Cebu, yung 6 na pulis na sinibak dahil sa police brutality, nambugbog daw kasi ng Criminology student dahil sa bintang na magnanakaw ito
  • sa Santa Ana, Manila, yung menor de edad na binatilyo na napatay sa pambubugbog ng 1 SK Kagawad at ng kasama nito
  • sa Negros Occidental, yung sundalo na napatay sa pamamaril ng kapwa niya sundalo habang nasa birthday party ng kapwa din nila sundalo
  • sa Makilala, Cotabato, yung pulis na namaril sa checkpoint, kung saan 1 security guard ang namatay at 2 kapwa niya mga pulis ang nasugatan
  • sa Baguio City, yung natagpuan na bangkay ng ch-in-op-chop na pulis, kung saan mag-asawang pulis ang suspek sa pagpatay
  • sa Angeles City, Pampanga, yung pulis na binaril ng kanyang misis na isa ring pulis
  • sa Quezon City, yung 1 napatay at 1 sugatan matapos na mamaril ang 1 pulis dahil lang sa gitgitan sa kalsada

are naman yung mga hindi pa malinaw kung anong klase nga ng mga tao ang involved o hindi tiyak o nabanggit kung sino ang nakatama o hindi masabi kung ano nga ang totoong nangyari:
  • yung kasalukuyang Senador na pinilit lang daw si Kerwin Espinosa na idawit sa kalakaran ng ilegal na droga ang isang dating Senadora
  • lahat-lahat ng rebelasyon ng dating pulis na si Royina Garma tungkol sa drug war ng nakaraang administrasyon

heto naman yung mga may kinalaman sa kahinaan ng kasalukuyang penal system at pagpapatupad ng iba pang mga batas, patakaran, at sistema sa bansa:
  • yung lumalabas na may mga blanko ngang item sa bicameral report para sa 2025 national budget
  • yung nasita ng COA sa DOH, yung lagpas Php 11 Billion daw na halaga ng mga gamot at bakuna na na-expire na lang noong 2023
  • yung original budget sana ng PhilHealth para sa kanilang anniversary celebration na pumapalo hanggang Php 130 plus Million
  • yung zero subsidy daw ang PhilHealth para sa taong 2025, kesyo may Php 600 Billion pa daw kasi ng reserve fund
  • yung mga mambabatas na ang expectation ay uubusin dapat taun-taon ang budget ng PhilHealth, na para bang wala dapat pondong nakareserba para sa mga naghuhulog na member na hindi naman regular ang mga sakit
  • yung Representative na ang solusyon sa problema sa PhilHealth ay edi huwag daw dapat magkasakit ang mga member
  • sa Baguio City, yung panibago at padalawang kaso ng Monkey Pox na na-detect doon, wala daw travel history sa labas ng bayan yung carrier
  • sa Quezon City, yung Kadiwa stall na nagbebenta ng mga bigas na madilaw na daw at madaming weevil o bukbok
  • yung pagdeklara ng Department of Agriculture ng Food Security Emergency para sa bigas, kesyo dahil daw sa pagtaas ng presyo ng bigas sa kabila ng kanilang maximum suggested retail price at rice tariffication
  • yung sinasabi ng Department of Agriculture na magkakaroon DAW ng shortage sa supply ng itlog sa bayan simula sa buwan ng Abril, samantalang sinasabi ng grupo ng mga mag-iitlog na hindi daw ganun ang sinasabi ng kanilang datos
  • yung pinaboran na naman ng Department of Agriculture ang importation ng sibuyas, na didikit na naman daw sa panahon ng anihan dito sa bayan
  • sa Bongabon, Nueva Ecija, yung bumagsak sa Php 4.00 na lang per kilo ang bentahan ng kamatis dahil daw sa oversupply
  • sa Capas, Tarlac, yung kahon-kahon ng mga smuggled na sigarilyo na ipinasusunog ng BOC, na nadiskubre ng NBI na ibinibenta sa mababang halaga
  • yung pagpabor na naman ng gobyerno na lalong magdagdag ng mga sasakyan ang mga kompanya ng ride-hailing apps, kesyo kailangan daw para sa paparating na holidays
  • yung ipinagbawal daw ng MMDA ang mga mall-wide sale, na hindi nga tugma sa ginawa ng LTFRB na pagpapadagdag naman sa mga sasakyan ng mga kompanya ng TNVS
  • yung sasakyan ng DILG na ilegal na dumaan sa EDSA Busway, na muntikan pang mangbundol ng enforcer
  • yung Representative na anak din ng isang Senador, na nahuling dumaan sa EDSA Busway
  • yung 3 tauhan ng PNP-HPG na dumaan sa EDSA Busway
  • yung tauhan ng dating Senador na dumaan sa EDSA Busway
  • sa EDSA Busway, yung convoy ng PNP na may sakay daw na mga senior officer na nahuling dumaan doon sa kalye
  • yung umarangkada na kaagad ang mga taas-singil sa NAIA dahil sa privatization, kahit wala pa namang improvement
  • yung pagkasira kaagad ng hindi pa naman masyadong nagtatagal na Cabagan-Santa Maria Bridge sa Isabela
  • sa DepEd Senior High School voucher program, yung iniimbestigahan na posibilidad daw ng pagkakaroon ng mga ghost student
  • yung banta ng DICT na kesyo National ID na lang daw ang gagawin nilang valid para sa SIM card registration, samantalang hindi naman reliable yung National ID
  • yung nasita ng COA sa SSS, yung nasa Php 89 Billion daw na halaga ng hindi nakokolektang kontribusyon mula sa mga employer
  • sa SSS, yung gumagamit na rin sila ngayon ng OTP via SMS for added security, pero regular pa rin ang expiration ng password ng mga member
  • sa SSS, yung saka lang sini-send yung OTP kapag natapos na yung 5-minute na validity nun
  • sa SSS, yung nila-lock nila kaagad ang mga member account na biktima ng sarili nilang palpak na OTP system nang walang guide para sa retrieval
  • yung may bayad ang pagtawag sa hotline number ng SSS na 1455
  • sa SSS, yung empleyado na pinapalabas na pinipindot DAW ulit kaagad yung get PIN habang tumatakbo pa yung 5-minute timer, samantalang imposible namang mangyari iyon dahil hindi ina-allow ng system nila
  • yung bukod sa 15% na ang share ng SSS sa kita simula ngayong 2025, eh tinaasan din nila ang minimum na declared na kita sa Php 5,000, lagpas 100% na increase iyon in less than a decade
  • yung basurang polymer banknote series kung saan tuluyan nang tatanggalin ang mga tao bilang palusot para matanggal nila ang alaala ng biktima ng isang makapangyarihang angkan
  • katulad noong 2023, yung halos 2 weeks pa lang ang nakalilipas eh 4 na kaagad sa lotto games ng PCSO ang nakuhanan ng pinalaking jackpot prize dahil sa kanilang anniversary
  • kapapasok pa lang ng Bagong Taon pero sunud-sunod na kaagad ang mga panalo ng jackpot prize sa iba't ibang lotto games, 3 sunud-sunod na araw
  • yung nasilip ng COA sa TUPAD Program ng DOLE, yung mga hindi qualified at yung mga pinasahod nang doble
  • yung pulis, tauhan ng Bureau of Corrections, at security guard na kabilang sa mga unang nahuli dahil sa indiscriminate firing ngayong papatapos na ang taong 2024
  • sa Biñan, Laguna, yung POGO hub na natunugan daw ang pagsalakay ng PAOCC, kaya nagawa nung mga suspek na wasakin ang mga hard drive na posibleng magamit bilang ebidensya laban sa kanila
  • yung pagkuha daw ng mga pulis sa tulong ng suspek sa 1998 Textbook Scam para makuha yung dating Mayor ng Bamban, Tarlac sa Indonesia, suspek na dati na daw pinatay ang kanyang identity para matakasan ang kanyang kaso
  • sa Bohol, yung senior citizen na ina na ginagahasa daw ng nasa 40 y/o niyang anak na dati nang nakulong dahil sa kasong murder
  • sa Makati City, yung isang Representative na babae na naipit sa pamamaril ng mga pulis na may tinutugis habang nasa ma-traffic daw na lugar
  • yung dating Presidential Spokesperson na nakaalis na din pala sa bayan, sa kabila ng imbestigasyon sa kaugnayan niya sa mga ilegal na POGO
  • yung pag-i-issue ng Supreme Court ng TRO patungkol sa disqualification laban sa ilang kandidato, kahit na alam nilang nagpi-print na ng mga mamahaling balota ang COMELEC
  • yung online personality, na matapos na i-grant ng Supreme Court ng TRO laban sa pagtanggal sa kanya sa pagka-Senador eh bigla namang nag-withdraw para daw sa kaapelyido niya
  • yung mga kandidato na tutol sa utos ng COMELEC na iparehistro ang mga gagamitin nilang social media accounts para sa pangangampanya
  • yung mga kandidato sa pagka-Senador na gumastos na ng bilyones para sa mga pasimpleng premature campaign advertisement nila sa TV at radyo
  • yung mga pulitiko na ginagamit ang TUPAD Program para sa pasimpleng pangangampanya
  • yung paggamit ng mga pangalan ng mga pang-ayudang proyekto ng pamunuan para sa mga Party-list
  • yung tusong Senador, na gustong imbestigahan ang sariling kaso ng grupo nila patungkol sa dating drug war
  • sa Senado, yung kasama sa mga nag-iimbestiga sa dating drug war yung ilang kabilang sa mga akusado
  • yung mga Senador na nakikibantay na rin sa na-detain na tauhan ng Vice President
  • yung mga Senador na tututol na kaagad sa impeachment kahit wala pa namang nagsisimula
  • yung mga kandidato na galing sa isang partido, na planong tutulan ang impeachment laban sa kaalyado nilang Vice President kapag nagkataon
  • yung reelectionist na Senador na ginawang katawa-tawa ang kondisyon ng mukha ng isang Party-list Representative na survivor ng stroke
  • yung Chief of Staff ng OVP na nagbiyahe papunta sa ibang bansa sa panahon na iniimbestigahan ang paggastos ng kanilang opisina
  • yung umaabot na sa 4 na opisyales ng OVP ang hindi dumadalo sa hearing patungkol sa kanilang budget
  • yung 1 pang babaeng tauhan ng Vice President na isinugod sa ospital matapos DAW na sumama ang pakiramdam sa hearing
  • yung hindi sumusunod ang Vice President sa security protocol ng House of Representatives dahil sa na-detain niyang tauhan
  • yung tinangka ng Vice President at mga tauhan nito na ilipat sa private hospital mula sa public hospital yung isa niyang na-confine na tauhan, nanunulak pa sila ng pulis
  • noong 2022, yung nasa Php 16 Million daw na halaga ng confidential fund ng OVP na ginastos lang para sa pagrenta ng safe houses sa loob lamang daw ng 11 days
  • sa OVP, yung nasa 158 daw na kuwestiyonableng mga resibo na nauugnay sa paggastos nila ng confidential fund
  • ayon sa PSA, yung wala daw nahahanap na Mary Grace Piattos sa database nila
  • sa PSA, yung wala din daw mahanap sa records nila na Kokoy Villamin, bukod pa sa hindi daw dapat ginagamit ang palayaw lang sa official documents
  • yung mahigit daw sa 400 na recipient ng confidential fund mula sa OVP at DepEd ang wala namang record sa PSA
  • yung ipinag-utos daw ng Vice President na ipasa ang confidential fund ng parehas na OVP at DepEd sa ilang security officer
  • yung puros paninira na lang ang ginagawa ngayon ng Vice President, at wala naman silang nagagawang maganda para sa bayan, matapos ang mga nabubuking sa kanilang mga hinawakan at hinahawakan na opisina
  • yung pagbabanta daw ng Vice President laban sa buhay ng President, First Lady, at House Speaker
  • yung hindi naman sumipot ang Vice President sa hearing sana ng NBI tungkol sa kanyang mga pagbabanta
  • yung pagtatangka na gamitin ang reputasyon ng EDSA para lang sa pagtatakip sa kuwestiyonableng paggamit ng pondo ng bayan, lalo na yung confidential fund
  • yung mga mamamayan na nagpe-prayer vigil para sa ikalulusot ng katiwalian ng kanilang mga idolo
  • yung sekta na magsasagawa ng rally para tutulan ang impeachment laban sa isang obvious na tiwaling opisyales
  • yung hindi DAW peaceful ang impeachment process, samantalang naaayon naman iyon sa batas
  • yung dapat daw na patawarin na lang ang katiwalian at wala na lang gawin upang maiwasan na sana iyon
  • yung Vlogger na panatikong pulis, na binatikos ang kasalukuyang pamunuan at binastos pa ang mga opisyales niya, dahil lang sa sumasamba siya sa mga tiwali
  • yung mga panatikong OFW na gustong i-paralyze ang international remittance nila para sa kapakanan ng kanilang diyos-diyosan
  • yung common-law wife ng dating Pangulo, na nanghampas ng ulo ng isang miyembro ng SAF
  • yung mga gustong mag-resign ang kasalukuyang pinuno ng bayan para mapunta sa sindikato nila ang kapangyarihan, para mamanipula na naman nila lahat ng batas at pera
  • yung nasa Php 276 Million daw ng ill-gotten wealth case na ibinasura na lang ng Sandiganbayan dahil sobra na daw kasing napatagal yung kaso
  • yung mga ibinasurang kaso ng ill-gotten wealth na kaugnay sa ilegal na paggamit noon sa Coco Levy Fund, dahil iniurong daw ng mismong pamahalaan yung mga kaso
  • yung mga excited na magyabang na napagsabihan tungkol sa preso ng Indonesia na ililipat sana sa bayan
  • yung tantsa na umaabot daw sa 1 Million ang undocumented na local citizen sa USA
  • yung Party-list Representative na nag-claim na wala daw West Philippine Sea
  • yung Imperial citizen na binigyan ng local citizenship ng mismong mga Senador kahit pa may koneksyon ito sa POGO sa Porac, Pampanga

at may kaso na iba-iba ang kategorya:
  • sa Sampaloc, Manila, yung rambulan ng 2 grupo ng kabataan sa kalye sa oras ng simbang gabi, kung saan may gumagamit daw ng improvised na baril at Molotov bomb
  • sa Sta. Mesa, Manila, yung nakunan ng CCTV na rambulan ng 2 grupo ng mga kabataan
  • sa Santa Ana, Manila, yung 12 kalalakihan, kung saan 10 ang menor de edad, na nanggulpi ng 1 lalaki bilang bahagi lang ng initiation rite para makasali sa gang
  • sa loob ng isang pampasaherong jeep sa Quezon City, yung magkasintahan na binugbog ng malaking grupo ng mga menor de edad na kalalakihan
  • sa Pasig City, yung rambulan ng mga estudyante kung saan 2 ang nasugatan dahil sa pananaksak
  • sa Pasig City, matapos yung insidente ng rambulan at saksakan ng mga estudyante, yung ang daming nakumpiska na patalim noong nagsagawa na ng inspection doon sa paaralan
  • sa Pasig City, yung nangyaring gulo at pamamaril dahil lang sa away sa basketball
  • sa Davao City, yung 1 estudyante at 1 call center agent na bigla na lang ginulpi ng mga lalaki sa magkaibang insidente
  • sa Davao City, yung Grade 10 student na napag-trip-an lang na gulpihin ng isang grupo
  • sa Davao City, yung 3 estudyante na binugbog ng grupo ng mga kalalakihan na pawang mga menor de edad at estudyante din daw
  • sa Davao City, yung batuhan ng 2 grupo ng mga kabataan, basta na lang daw kasi hinampas ng bato yung isa sa mga biktima
  • sa Davao City, yung lalaki na bigla na lang nanakal ng babae habang nakasakay sila sa isang jeep
  • sa kung saan sa Metro Manila, yung namamalimos sa jeep na merong baon na ice pick
  • sa Roxas Boulevard, yung wiper boy na sapilitang nanghihingi ng bayad, kundi daw ay babasagin ang side mirror ng sasakyan, na nahulihan din ng pen gun daw
  • sa Manila, yung manlilimos na nanghampas naman ng pasahero ng jeep na ayaw daw siyang bigyan ng Php 5.00, panglinis ng windshield ang ginawa niyang pamalo, samantalang nahulihan din daw siya ng pen gun
  • sa Siquijor, yung grupo na sinisira ang Php 10 coin para gawing mga singsing
  • sa GCash ng Globe, yung mga unauthorized fund transfer sa kung saan-saang mobile numbers ng tig-Php 2,000
  • yung pinuno ng USA na promotor ng Climate Change
  • yung pinuno ng USA na gustong magpaputol ng maraming puno sa kanilang teritoryo para sa kanilang logging industry
  • yung nakikisawsaw na rin nga daw ang Half Empire sa digmaan ng Northern Empire laban sa Ukraine
  • yung lasing na Imperial citizen na nagmamaneho ng SUV na bumangga sa poste ng LRT-1
  • yung nasabat na nasa Php 178 Million na halaga ng smuggled na Mackerel na galing daw sa Imperyo
  • sa Metro Manila, yung nasa 2 toneladang smuggled na frozen poultry products na mula daw sa Imperyo
  • yung nasabat ng BOC at DA na nasa mahigit Php 200 Million na halaga ng mga smuggled na isda mula sa Imperyo
  • sa isang resort sa Moalboal, Cebu, yung nasa 38 daw na Imperial citizen na nabuking na walang mga kaukulang dokumento
  • sa NAIA, yung 2 Imperial citizen na inaresto matapos na mabisto na peke ang kanilang mga dokumento
  • sa Paracale, Camarines Norte, yung ilegal na minahan kung saan nasa 11 Imperial citizen ang naaresto
  • sa Homonhon Island sa Eastern Samar, yung 13 Imperial citizen na nahuli sa 2 ilegal na minahan
  • sa Davao del Norte, yung 3 Imperial citizen na nahuli dahil sa illegal mining
  • sa Parañaque City, yung sinalakay na POGO hub kung saan 20 sa higit 30 na nahuli ay mga Imperial citizen
  • yung mga sanggol at mga buntis na iniwan ng mga POGO workers dito sa bayan matapos ang ban laban sa kanilang operasyon
  • sa Tagaytay City, yung resort na ni-raid dahil sa POGO operation, kung saan nasa 17 Imperial citizen ang naaresto, nagsasagawa din daw ng torture doon
  • sa Makati City, yung 17 na dayuhan, na majority ay Imperial citizen, na nahuli ng NBI sa isang scam hub
  • sa Parañaque City, yung scam hub na inatake ng NBI, kung saan may nahuli na 18 na Imperial citizen, at may nagtangka din na manuhol para hindi na sila hulihin
  • sa Parañaque City, yung scam hub na nabisto matapos na ikulong ng mga among Imperial citizen ang kanilang lokal na kasambahay na unang nakadiskubre sa kanilang operasyon
  • sa Parañaque City, yung nasa 20 Imperial citizen na nahuli dahil sa pagpapatakbo ng scam hub
  • yung 13 Imperial fugitives na kabilang sa daan-daang nahuli sa POGO hub sa Pasay City last week
  • sa Makati City, yung 5 foreigner na naaresto dahil sa pagnanakaw at carnapping, at nadagdagan din ang mga kaso nila ng illegal possession of firearms, kung saan 2 sa mga suspek ay Imperial citizen na nawalan ng trabaho dahil sa POGO ban
  • sa Pasay City, yung 5 Imperial citizen na nang-kidnap sa kapwa nila Imperial citizen, na nakapatay pa daw ng isang motorcycle rider dahil sa kanilang pagtakas
  • sa isang restaurant sa Makati City, yung nakunan ng CCTV na Imperial citizen na pinatay ng kapwa niya mga Imperial citizen
  • hindi ko nakuha yung lugar, yung Imperial citizen na pinagbabaril at inagawan ng kotse ng mga kapwa niya Imperial citizen
  • yung FAKE news daw ng Imperyo, na kesyo gumagamit ang mga lokal na mangingisda ng lason at electric net sa West Philippine Sea
  • yung FAKE news na nilalabanan ng NHCP na kesyo dati na daw pagmamay-ari ng Imperyo ang Palawan
  • yung hiling ng Imperyo na igalang daw sana ang mga karapatan at interes ng mga Imperial citizen na nahuhuling nagloloko dito sa bayan
  • sa Pag-asa Island, yung mga basura ng Imperyo na napapadpad na sa kanilang dalampasigan
  • yung Imperial citizen at 2 lokal na mamamayan na nahuling nag-eespiya daw sa mga EDCA site sa bayan, kasamang nasamsam ang mga device na ginagamit daw nila sa kanilang gawain
  • yung 5 Imperial citizen sa Palawan at Manila na hinuli dahil sa suspected espionage, naglagay daw ng CCTV na nakaharap sa dagat at kinukunan din ng mga larawan ang mga barko ng PCG
  • yung paglalayag ng monster ship ng Imperyo malapit sa may Capones Island sa Zambales
  • sa Masbate, yung underwater drone na nakuha sa dagat ng mga lokal na mangingisda na mukhang produkto daw ng Imperyo
  • sa may Rozul Reef, yung mga lokal na mangingisda na hina-harass ng helicopter ng Imperyo
  • sa may Bajo de Masinloc, yung aircraft ng BFAR na binuntutan nang husto ng helicopter ng Imperyo
  • sa may Hasa-Hasa Shoal, yung 2 barko ng BFAR na tinutukan ng mga barko ng Imperyo ng high-intensity LASER
  • sa malapit sa Zambales, yung ginamitan daw ng Imperial coast guard ng sonic device ang barko ng PCG
  • sa West Philippine Sea, yung muling pagbomba ng mga barko ng Imperyo sa 2 daw barko ng BFAR
  • sa malapit sa may Pag-asa Island, yung bangka ng BFAR na binangga ng barko ng Imperial maritime militia
  • sa may Bajo de Masinloc, yung 2 barko ng BFAR at 2 barko ng PCG na ginamitan ng water cannon at pinagbabangga na naman ng mga barko ng Imperyo, kung saan nakikisali na rin daw ang warship ng Imperyo
  • sa marine research sana sa West Philippine Sea, yung mga barko ng BFAR na ginitgit ng mga barko ng Imperial coast guard, at yung mga rubber boat nila na niliparan nang malapitan ng helicopter ng Imperial navy
  • sa West Philippine Sea, yung missile ship ng Imperyo na humabol nang humabol sa barko ng BFAR
-----o0o-----


March 25, 2025...

yung mga panatikong OFW..
na gustong i-paralyze ang international remittance nila para sa kapakanan ng kanilang diyos-diyosan...

is feeling , madami din ngang suki sa ilegal na droga yung alyansa.. ang daming sira na ang ulo...


>
yung mga gustong mag-resign ang kasalukuyang pinuno ng bayan..
para mapunta sa sindikato nila ang kapangyarihan..
para mamanipula na naman nila lahat ng batas at pera...

is feeling , sindikatong suportado ng idolatry...

---o0o---


March 26, 2025...

dapat sa mga OFW na sumusuporta sa katiwalian at kriminalidad..
eh cancel-an ng mga passport at tanggalan ng citizenship...

is feeling , mga bobo na sa social media nanonood at nagbabasa ng mga balita.. kahit yung obvious hindi nila kayang ma-detect dahil lang sa idolatry...


>
noong isang araw sa pagtawag ko sa SSS...

yung pinapalabas ng empleyado nila na kasalanan ko daw kaya na-lock ang account ko..
baka daw kasi pinipindot ko kaagad yung get PIN..
so sinubukan kong ipaliwanag sa kanya na imposibleng mangyari iyon, dahil walang ganung button habang tumatakbo yung 5-minute timer..
pero sa kung anong dahilan eh ayaw akong hayaan na makapag-explain nung empleyado ng SSS, sa pamamagitan ng pambabara sa akin...

ngayon may proof na ako na wala talaga silang alam tungkol sa sarili nilang sistema..
may screenshot na ako na patunay na imposibleng magpa-send ulit ng OTP habang may tumatakbo pang timer..
gaguhan talaga..
pati perang nasasayang ng gobyerno sa mga palpak na computer system eh pinagtatakpan nila nang husto...

is feeling , pati account retrieval eh pahirapan nang sobra.. mas mahal na nga ang contribution, pero mas palpak naman...

---o0o---


March 27, 2025...

[Natural Calamities]

kahapon, sa bandang itaas..
nasa Magnitude 5.1 na lindol..
sa may area ng Aurora...

is feeling , hindi na kailangang maglibot...


>
yung paggamit ng mga pangalan ng mga pang-ayudang proyekto ng pamunuan para sa mga Party-list...

is feeling , vote-buying na nga yung mismong ayuda system, pero pati sa halalan eh vote-buying na din...

---o0o---


March 28, 2025...

sa loob ng isang pampasaherong jeep sa Quezon City..
yung magkasintahan na binugbog ng malaking grupo ng mga menor de edad na kalalakihan...

is feeling , mga basura...


Ang Alamat ng Most Undesirable Guy on Earth - Last Week of March 2025 (Return to Depression)

Loveless Story


March 22, 2025...

dahil kababalik ko lang online..
nag-check ako ng possible reply mula doon sa kaibigan nung p*ta..
since offline ako noong mismong araw ng paniningil...

walang reply..
pero na-seen naman yung message ko..
di ko alam kung naka-set ba nang ayos ang encrypted chat niya o hindi..
o kung hindi lang talaga siya nag-reply...

is feeling , parte ng mga kamalasan ko...


>
ang mga natutunan ko sa lagpas 1 week na offline ako...??

6 hours ang kailangan para mailipat lahat ng laman ng kuwarto ko, nang walang paglilinis na kasama..
2 days naman ang kailangan para mapintahan ang mga kisame at ang pader...

4 days nang sunud-sunod na physical labor..
7 days akong walang tulog sa hapon kaya limitado lang ang mga tulog ko sa lagpas 6 hours...

naisipan ko na ring mag-modify ng ilang gamit at ng ibang arrangement kasabay ng paglilinis at paglilipat ko...

is feeling , 20 years na ulit bago muling baguhin ang kuwarto ko...

---o0o---


March 26, 2025...

patapos na ang March..
kaya 9 na buwan na lang ang natitira para sa akin..
pero walang balak tumigil ang mga makapangyarihan sa pagpapaulan ng mga kamalasan sa buhay ko..
sa ikinikilos ng HEI ngayon..
ipinapakita nila kung gaano sila kalakas..
na kahit walang manghila pababa, eh kaya nilang wasakin ang isang asset..
kaya nilang wasakin ang kahit na ano..
ang kahit na ano, basta ba desisyon ko..
para sa ngalan ng will na gusto nila para sa akin..
ang pagbura ng sariling existence matapos na maligo sa purong depression... 🙁

punung-puno ng kadiliman ang buhay ko... 🙁

is feeling , d*e will be done...


>
paano ko ba naman hindi maiisip na ako ang dahilan kung bakit anomalous ang ikinikilos ng HEI simula noong nag-invest ako sa kanila...??

2 taon nang wasak ang computer ko..
3 taon na akong nagte-trade sa Binance para mabawi lahat ng pera ko doon, pero ni minsan wala pa akong nagawang tama..
tapos 4 na taon na yung mga utang nung p*ta pero matagal na niyang hindi binabayaran... 🙁

is feeling , ang katuparan ng will, ay kasiyahan para sa mga makapangyarihan...

---o0o---


March 28, 2025...

Happy 35th Birthday sa finest na babae na nakasalamuha ko sa buhay ko..
ang bilis talaga ng takbo ng oras..
25 ka pa lang noong unang beses tayong nagkita..
at 1 dekada na nga kaagad ang dumaan nang ganun-ganun na lamang...

is 💌 feeling , salamat para sa lahat...


>
dahil birthday niya ngayon..
naisip ko lang na sumilip..
surprisingly, naka-public pala ang account niya lately..
hindi maiiwasan, since nag-o-online selling na din pala siya..
gaya din ng dati niyang raket, na may live selling na nga lang this time...

ganun nga pala ang boses niya..
at ganun pa din naman ang itsura niya..
nag-gain lang talaga ng weight dahil mommy na..
at nadagdagan na din pala ang anak niya...

is 💌 feeling , i wish you well...

-----o0o-----


[V-League]


PVL All-Filipino Conference 2025 (Quarterfinals)


March 22, 2025...

Creamline versus Tiggo..
ang daming live audience..
may injury pala si Galanza noon pang huling match nila, pero naka-uniform pa rin naman siya..
100th win pala ni Coach Sherwin yung last na panalo nila...

Set 1, Baldo-Caloy-Pons triangle muna para sa Creamline, madalas na lamang ang Tiggo sa simula, ang kulit ng blocking at floor defense nila, double substitution with Gumabao, Galanza for Baldo sa service, nabigyan ng Yellow Card ang Creamline, naitawid ng Tiggo ang set dahil nakuha nila lahat ng scoring stats..
Set 2, same triangle for Creamline, una naman silang nakalamang this time, pero naghabol ang Tiggo kaya naging dikitan yung laban, nabubuhay na ang laro ni Caloy, Galanza for Panaga para sa service at floor defense, Gumabao for Negrito sa harap at si Caloy ang gagawing Setter, nanaig sila sa tulong ng 10 huge errors ng Tiggo..
Set 3, nakikipagdikitan talaga ang Tiggo, hindi mapangalagaan ng Creamline ang kanilang kalamangan, kaya nabaliktad pa nga ng Tiggo ang sitwasyon, Galanza for Baldo, Bernardo for Panaga, Gumabao for Caloy sa harap, at naagaw nga nila yung set dahil sa kanilang 18 attacks and 3 service aces..
Set 4, Galanza-Caloy-Pons triangle naman para sa Creamline, una ulit silang nakalamang pero talagang makulit ang Tiggo, pero muling nakakalas ang Creamline, Gumabao sa double substitution, at hindi na nga nakadikit pa ang Tiggo...

3-1, panalo ang Creamline..
dahil dun ay pasok na sila sa Semifinals..
at may additional rest day pa sila habang naglalaban ang Angels at Zus...

is  feeling , salamat, team.. para kina Morado at Galanza...

---o0o---


March 25, 2025...

[Sports]

malayo pa sa dulo..
pero impressive na ang naging performance ni Alex Eala sa Miami Open..
mula sa pagiging wild card at Rank 140..
nagawa niyang lagpasan ang Rank 25..
at sumunod pa nga ang Rank 5..
samantalang napilitan namang mag-withdraw sa laban nila yung Rank 10 dahil daw sa injury...

Rank 2 na kaagad ang kasunod..
kailangan na ni Eala na matuto ng pangmalakasang mga technique gaya ng Zero Shiki variations...

is  feeling , accomplishment na yung mga 'yon...

---o0o---


March 28, 2025...

[Sports]

matapos yung Rank 25 at 5 ay nagawa ngang talunin ni Alex Eala yung Rank 2..
at dahil dun ay nakapasok siya sa Semifinals ng Miami Open...

maganda sana yung naging laban niya kontra sa Rank 4..
nanalo nga sana siya kung tutuusin..
kaso hindi tuluyang pumabor sa kanya ang tadhana, lalo na dahil sa ilang key errors niya..
lamang na siya sa 1st set ng 5-2, pero nagawa pa iyong i-extend at baliktarin ng kalaban..
siya naman ang nagawang mang-agaw sa 2nd set..
so kung nagawa niya sanang depensahan yung 1st set, eh pasok na sana siya sa Finals para makaharap ang current Rank 1 na si Sabalenka..
pero hindi nga ganun ang naging sitwasyon, at kinapos na siya sa 3rd set...

sayang..
dahil minsan lang magiging 19 y/o ang isang tao, ang last teenage year niya..
siguradong iiwanan siya ng "what if" ng laban na iyon..
pero madami naman siyang nakuhang experience at aral..
sana lang eh maulit nga niya yung mga ganung accomplishment sa future...

is  feeling , sayang.. pero hindi na rin masama.. napatunayan naman niya na kaya niyang makipagsabayan sa mga high ranking na player...

-----o0o-----


March 22, 2025...

[Trade]

day 466..
malas talaga ako... 🙁

bad news para sa AST..
dahil ide-delist na sila sa Binance... 🙁

nagre-recover ang HEI noong offline ako..
binalewala nila ang mababang level ng Bitcoin..
pero nagsimula silang bumagsak bago pa man ako nakabalik online..
dahil lang sa simpleng hila ng Bitcoin...

naka-recover sana ako ng USD 511 noong nakaakyat ang HEI mula level 41 to 55, USD 50 na lang sana ang lugi ko noon..
kumita sana iyon ng USD 59 para makaakyat sa USD 570, kung saan nabawi ko na sana yung USD 561 na combined fund ko..
tapos ay dagdag na USD 55 sana sa huling akyat nila..
aabot sana ako sa USD 625 kung saan may karagdagang USD 64 para sa original kong pondo, bago muling bumagsak ang HEI sa level 47..
may lagpas 100% increase sana na opportunity iyon hanggang level 100 lang, sa halip na yung hinihintay kong level 120.. 🙁
USD 1,328 sana iyon para sa akin kapag nagkataon...

is feeling , lagpas USD 14,000 na sablay simula noong Imperial New Year ng 2024...

---o0o---


March 23, 2025...

[Trade]

day 467...

sabotahe sa CoinMarketCap..
may balita ang HEI lately tungkol sa earn feature nila sa Binance..
pero yung 75% na bullish sentiment nila, eh bigla na lang naging 88% na bearish..
mga tarantadong manipulista... 🙁

anyway..
nag-exit na muna sa auto-sell ngayong araw..
testing muna ng Flexible Savings ng HEI..
titingnan lang kung gaano kadami ang kikitain sa interes..
kapag biglang pumalo sa level 120, edi tapos ako..
pero kung maaabutan ko naman na nasa magandang palitan, edi pwedeng mag-exit at magbenta na...

is feeling , sumabog ka hanggang level 150.. i-maintain ninyo above level 120.. tapos ako nang bahalang mag-trigger ng sell pagkagising ko...

---o0o---


March 24, 2025...

[Trade]

day 468...

USD 59 sana yung latest na naakyat ng HEI para sa akin..
tapos kamalasan na naman yung sumunod..
matapos makaakyat hanggang level 52, hanggang level 51 ngayong araw..
eh nag-dip naman ulit sila hanggang level 46 nang walang nanghihila... 🙁

lumalaban kayo noong panahon na offline ako..
kaya bakit kailangan nyo na namang iparamdam at ipamukha sa akin ang matinding kamalasan nitong nakabalik na ako...?? 🙁

is feeling , mga demonyo kayong lahat.. ayaw nyo talaga akong tigilan...

---o0o---


March 25, 2025...

[Trade]

day 469...

gaano talaga ako kamalas..?
kahapon, bukod tangi ang HEI sa mga nasa watchlist ko na naging red..
lahat sumabay sa Bitcoin papunta sa green..
ang malagim pa nito..?
dahil nga tumaas ang level ng Bitcoin..
eh delikado para sa HEI kung sakaling bumaba na naman sila... 🙁

tapos may nag-manipulate ulit ng sentiments para sa HEI sa CoinMarketCap..
mabilisan nilang binaliktad para maging bullish na ulit.. 🙁
pero ang tanong ay anong motibo nila...?? 

is feeling , mabilis nga yung interes sa savings.. pero kailangang stable sa oras na maabot nila ulit yung level 150...

---o0o---


March 26, 2025...

[Trade]

day 470...

ayaw na ngang tumigil sa paliligo ng kamalasan ng HEI simula noong nakabalik ako online... 🙁

level 41 to 57 yung na-recover nila habang offline ako noon..
pero ngayon..?
heto at 2 beses na silang gumagawa ng sudden dip..
walang nanghihila..
positive pa nga ang ibang assets..
pero talagang nagpapalugi lang ang HEI..
at ngayon nga eh nasa level 45 na ulit sila, dumikit pa sa level 44... 🙁

is feeling , salubungin ang katapusan ng buhay nang sobrang depressed...

---o0o---


March 27, 2025...

[Trade]

day 471...

lalo pang bumaba ang bottom ng HEI sa level 43..
palagim nang palagim simula noong nakabalik ako... 🙁

ako ang put*ng inang dahilan kung bakit nawawasak lahat ng nahahawakan ko... 🙁

is feeling , put*ng inang mga makapangyarihan 'yan...

---o0o---


March 28, 2025...

[Trade]

day 472...

wala na..
bagsak na naman ang HEI..
dahil na rin sa hila ng demonyong Bitcoin...

sayang din nga yung level 43 to 46 na naging pag-akyat nila..
dahil USD 38 pala sana iyon para sa akin..
pero tanga nga ako at ubod ng malas dahil hindi ako nag-exit noong naka-recover sila dati nang lagpas sa level 57... 🙁

nabura na yung na-recover nila dati from level 41 to 57.. 🙁
sa mga oras na ito eh umaabot na sila sa level ???...

is feeling , HEI, kahit isang pump lang sana lagpas sa level 100...


Saturday, March 22, 2025

Evil Leaders

NOTE: this is not news..
i am not a reporter/journalist nor an influential person..
also, i'm not related to the government in any way..
but there are summary of news featured in this post..
it will require research in order to get the whole story regarding each particular news that is featured in here...

simple lang yan..
kapag nagpaapekto at nag-react ka sa opinyon ng ibang tao - eh BAKA nga may totoo sa mga sinasabi nila...



record ng ekonomiya..
record ng palitan ng piso sa dolyar..
record ng mga inutang..
record ng mga kinamkam at pinagnakawan..
record ng mga inabuso..
record ng mga itinumba..
record ng mga nawawala..
record ng mga kaso...

mga wala kayong utak..
at lahat kayo ay masasama...

is 💀 feeling , from Php 3.91 to Php 20.46 na exchange rate.. from USD 599 Million to USD 26.7 Billion na utang.. sa kanila nagsimula ang pagkawasak...

---o0o---


daily prayer...

sa kung sino man ang nakikinig sa kawalan..
sana mai-serve na kaagad ang totoo at ganap na hustisya laban sa lahat ng miyembro ng alyansa para matigil na ang kasamaan nila...

at sana maging maayos na ulit ang mundo...

is 💀 feeling , day 1715...

-----o0o-----


bagong impiyerno, bagong listahan..
lumampas na naman sa 500 ang bilang, kaya mag-i-start na ulit ako ng panibagong listahan ng mga kalokohan..
update (512 + 501 + 166 na)..
medyo in-organize ko rin yung mga kaso..
pero paki-note na hindi na ganung ka-accurate yung bilang, at posibleng may redundancy na rin dahil sa sobrang dami ng mga nakalista...

una, ang pagtataksil sa interes ng bansa at ng mga (ibang) mamamayan (lalo na yung mga naging biktima), at pagbalewala sa kasaysayan at dangal ng bansa:
  • yung sinalungat yung mga dati niyang bintang sa Pangulo, kesyo wala daw yung tao sa narco-list ng PDEA
  • yung panawagan ng dating Pangulo sa militar na patalsikin na ang kasalukuyang Pangulo, siyempre para sa kapakanan ng kanyang pamilya at mga kaalyado
  • yung kagustuhan ng dating Pangulo na ipapatay ang 15 Senador upang may mabakanteng mga puwesto para sa kanyang mga kaalyado
  • yung kumakandidato bilang Mayor, pero kapag yung kaso niya ang pag-uusapan eh kesyo matanda na daw at may issue sa kalusugan
  • nitong October 2024, yung pumalo na pala sa Php 16 Trillion ang utang ng bayan
  • yung mga pulitiko na ayaw i-impeach ang Vice President, ibig lang sabihin na gusto nilang i-tolerate ang pananatili sa katungkulan ng mga tiwali

are yung ang involved o semi-involved eh mga identified talaga bilang awtoridad o tauhan ng pamunuan, mga dati nang naging bahagi ng pamunuan, o kahit mga nagsasanay pa lang upang makakuha ng awtoridad:
  • yung natanggal noon sa pagiging sundalo, na nahuli bilang parte daw ng security ng Godfather ng POGO dito sa bayan
  • sa Quezon City, yung 3 empleyado ng Bureau of Immigration na pinatakas ang 1 Korean fugitive matapos itong manggaling sa korte
  • sa Negros Oriental, yung mga estudyante na nabangga ng isang pulis na rider sa mismong pedestrian lane, kung saan isang 18 y/o na babae ang namatay
  • sa may Antipolo, Rizal, yung magkasintahan na nakasakay sa motorsiklo na namatay matapos na mabangga ng police mobile na galing daw sa pag-overtake
  • sa NAIA, yung 3 airport security personnel na tinanggal na sa trabaho matapos na masangkot sa tanim-bala modus, hindi pa consistent kung saang bag daw nakita yung bala
  • sa may North Caloocan, yung bahay na sapilitang pinasok at hinalughog ng mga pulis kahit wala naman silang dalang search warrant
  • sa NBI, yung 11 na nahuling fixers, kabilang ang 4 na empleyado mismo ng NBI na ilegal na nagpoproseso ng mga NBI clearance
  • yung tauhan ng NAPOLCOM na hinuli matapos daw mangikil sa isang police officer para daw makabalik yung tao sa katungkulan
  • yung 1 appointed government official at 1 sundalo na kabilang sa mga nahuli sa paglabag sa election gun ban
  • sa Kabugao, Apayao, yung Administrative Aide ng kung anong LGU na nahulihan daw ng ilegal na droga sa kanyang bahay
  • sa Tuburan, Cebu, yung SK Chairman na nagnakaw daw sa opisina ng Mayor ng nasa Php 35,000
  • sa Virac, Catanduanes, yung principal na nahatulan ng 11 taon na pagkakakulong, dahil daw sa pagnanakaw ng Php 5,000 na halaga ng pondo sa pamamagitan ng pagdoktor ng purchasing document
  • sa Taguig City, yung FAKE warrant laban sa isang babae, kung saan pinasok ng 10 pulis ang kanilang tindahan, hinuli sila, at kinuha ang kita nung tindahan at maging ang mga gadget
  • yung 3 suspek sa rentangay modus kung saan kabilang ang 1 aktibong pulis, galing daw sa Batangas yung sasakyan na nai-transfer nila ang pag-aari at pinapatubos
  • sa Parañaque City, yung nahuli ng NBI na 1 dating sundalo at 3 iba pa na nagbebenta daw ng high-powered firearms na hindi gawa dito sa bayan
  • sa Quezon City, yung High School Principal na inaresto dahil sa pangmomolestiya daw sa 4 na menor de edad na estudyante
  • sa Lapu-Lapu City, Cebu, yung 6 na pulis na sinibak dahil sa police brutality, nambugbog daw kasi ng Criminology student dahil sa bintang na magnanakaw ito
  • sa Santa Ana, Manila, yung menor de edad na binatilyo na napatay sa pambubugbog ng 1 SK Kagawad at ng kasama nito
  • sa Negros Occidental, yung sundalo na napatay sa pamamaril ng kapwa niya sundalo habang nasa birthday party ng kapwa din nila sundalo
  • sa Makilala, Cotabato, yung pulis na namaril sa checkpoint, kung saan 1 security guard ang namatay at 2 kapwa niya mga pulis ang nasugatan
  • sa Baguio City, yung natagpuan na bangkay ng ch-in-op-chop na pulis, kung saan mag-asawang pulis ang suspek sa pagpatay
  • sa Angeles City, Pampanga, yung pulis na binaril ng kanyang misis na isa ring pulis
  • sa Quezon City, yung 1 napatay at 1 sugatan matapos na mamaril ang 1 pulis dahil lang sa gitgitan sa kalsada

are naman yung mga hindi pa malinaw kung anong klase nga ng mga tao ang involved o hindi tiyak o nabanggit kung sino ang nakatama o hindi masabi kung ano nga ang totoong nangyari:
  • yung kasalukuyang Senador na pinilit lang daw si Kerwin Espinosa na idawit sa kalakaran ng ilegal na droga ang isang dating Senadora
  • lahat-lahat ng rebelasyon ng dating pulis na si Royina Garma tungkol sa drug war ng nakaraang administrasyon

heto naman yung mga may kinalaman sa kahinaan ng kasalukuyang penal system at pagpapatupad ng iba pang mga batas, patakaran, at sistema sa bansa:
  • yung lumalabas na may mga blanko ngang item sa bicameral report para sa 2025 national budget
  • yung nasita ng COA sa DOH, yung lagpas Php 11 Billion daw na halaga ng mga gamot at bakuna na na-expire na lang noong 2023
  • yung original budget sana ng PhilHealth para sa kanilang anniversary celebration na pumapalo hanggang Php 130 plus Million
  • yung zero subsidy daw ang PhilHealth para sa taong 2025, kesyo may Php 600 Billion pa daw kasi ng reserve fund
  • yung mga mambabatas na ang expectation ay uubusin dapat taun-taon ang budget ng PhilHealth, na para bang wala dapat pondong nakareserba para sa mga naghuhulog na member na hindi naman regular ang mga sakit
  • yung Representative na ang solusyon sa problema sa PhilHealth ay edi huwag daw dapat magkasakit ang mga member
  • sa Baguio City, yung panibago at padalawang kaso ng Monkey Pox na na-detect doon, wala daw travel history sa labas ng bayan yung carrier
  • sa Quezon City, yung Kadiwa stall na nagbebenta ng mga bigas na madilaw na daw at madaming weevil o bukbok
  • yung pagdeklara ng Department of Agriculture ng Food Security Emergency para sa bigas, kesyo dahil daw sa pagtaas ng presyo ng bigas sa kabila ng kanilang maximum suggested retail price at rice tariffication
  • yung sinasabi ng Department of Agriculture na magkakaroon DAW ng shortage sa supply ng itlog sa bayan simula sa buwan ng Abril, samantalang sinasabi ng grupo ng mga mag-iitlog na hindi daw ganun ang sinasabi ng kanilang datos
  • yung pinaboran na naman ng Department of Agriculture ang importation ng sibuyas, na didikit na naman daw sa panahon ng anihan dito sa bayan
  • sa Bongabon, Nueva Ecija, yung bumagsak sa Php 4.00 na lang per kilo ang bentahan ng kamatis dahil daw sa oversupply
  • sa Capas, Tarlac, yung kahon-kahon ng mga smuggled na sigarilyo na ipinasusunog ng BOC, na nadiskubre ng NBI na ibinibenta sa mababang halaga
  • yung pagpabor na naman ng gobyerno na lalong magdagdag ng mga sasakyan ang mga kompanya ng ride-hailing apps, kesyo kailangan daw para sa paparating na holidays
  • yung ipinagbawal daw ng MMDA ang mga mall-wide sale, na hindi nga tugma sa ginawa ng LTFRB na pagpapadagdag naman sa mga sasakyan ng mga kompanya ng TNVS
  • yung sasakyan ng DILG na ilegal na dumaan sa EDSA Busway, na muntikan pang mangbundol ng enforcer
  • yung Representative na anak din ng isang Senador, na nahuling dumaan sa EDSA Busway
  • yung 3 tauhan ng PNP-HPG na dumaan sa EDSA Busway
  • yung tauhan ng dating Senador na dumaan sa EDSA Busway
  • sa EDSA Busway, yung convoy ng PNP na may sakay daw na mga senior officer na nahuling dumaan doon sa kalye
  • yung umarangkada na kaagad ang mga taas-singil sa NAIA dahil sa privatization, kahit wala pa namang improvement
  • yung pagkasira kaagad ng hindi pa naman masyadong nagtatagal na Cabagan-Santa Maria Bridge sa Isabela
  • sa DepEd Senior High School voucher program, yung iniimbestigahan na posibilidad daw ng pagkakaroon ng mga ghost student
  • yung banta ng DICT na kesyo National ID na lang daw ang gagawin nilang valid para sa SIM card registration, samantalang hindi naman reliable yung National ID
  • yung nasita ng COA sa SSS, yung nasa Php 89 Billion daw na halaga ng hindi nakokolektang kontribusyon mula sa mga employer
  • sa SSS, yung gumagamit na rin sila ngayon ng OTP via SMS for added security, pero regular pa rin ang expiration ng password ng mga member
  • sa SSS, yung saka lang sini-send yung OTP kapag natapos na yung 5-minute na validity nun
  • sa SSS, yung nila-lock nila kaagad ang mga member account na biktima ng sarili nilang palpak na OTP system nang walang guide para sa retrieval
  • yung may bayad ang pagtawag sa hotline number ng SSS na 1455
  • yung bukod sa 15% na ang share ng SSS sa kita simula ngayong 2025, eh tinaasan din nila ang minimum na declared na kita sa Php 5,000, lagpas 100% na increase iyon in less than a decade
  • yung basurang polymer banknote series kung saan tuluyan nang tatanggalin ang mga tao bilang palusot para matanggal nila ang alaala ng biktima ng isang makapangyarihang angkan
  • katulad noong 2023, yung halos 2 weeks pa lang ang nakalilipas eh 4 na kaagad sa lotto games ng PCSO ang nakuhanan ng pinalaking jackpot prize dahil sa kanilang anniversary
  • kapapasok pa lang ng Bagong Taon pero sunud-sunod na kaagad ang mga panalo ng jackpot prize sa iba't ibang lotto games, 3 sunud-sunod na araw
  • yung nasilip ng COA sa TUPAD Program ng DOLE, yung mga hindi qualified at yung mga pinasahod nang doble
  • yung pulis, tauhan ng Bureau of Corrections, at security guard na kabilang sa mga unang nahuli dahil sa indiscriminate firing ngayong papatapos na ang taong 2024
  • sa Biñan, Laguna, yung POGO hub na natunugan daw ang pagsalakay ng PAOCC, kaya nagawa nung mga suspek na wasakin ang mga hard drive na posibleng magamit bilang ebidensya laban sa kanila
  • yung pagkuha daw ng mga pulis sa tulong ng suspek sa 1998 Textbook Scam para makuha yung dating Mayor ng Bamban, Tarlac sa Indonesia, suspek na dati na daw pinatay ang kanyang identity para matakasan ang kanyang kaso
  • sa Bohol, yung senior citizen na ina na ginagahasa daw ng nasa 40 y/o niyang anak na dati nang nakulong dahil sa kasong murder
  • sa Makati City, yung isang Representative na babae na naipit sa pamamaril ng mga pulis na may tinutugis habang nasa ma-traffic daw na lugar
  • yung dating Presidential Spokesperson na nakaalis na din pala sa bayan, sa kabila ng imbestigasyon sa kaugnayan niya sa mga ilegal na POGO
  • yung pag-i-issue ng Supreme Court ng TRO patungkol sa disqualification laban sa ilang kandidato, kahit na alam nilang nagpi-print na ng mga mamahaling balota ang COMELEC
  • yung online personality, na matapos na i-grant ng Supreme Court ng TRO laban sa pagtanggal sa kanya sa pagka-Senador eh bigla namang nag-withdraw para daw sa kaapelyido niya
  • yung mga kandidato na tutol sa utos ng COMELEC na iparehistro ang mga gagamitin nilang social media accounts para sa pangangampanya
  • yung mga kandidato sa pagka-Senador na gumastos na ng bilyones para sa mga pasimpleng premature campaign advertisement nila sa TV at radyo
  • yung mga pulitiko na ginagamit ang TUPAD Program para sa pasimpleng pangangampanya
  • yung tusong Senador, na gustong imbestigahan ang sariling kaso ng grupo nila patungkol sa dating drug war
  • sa Senado, yung kasama sa mga nag-iimbestiga sa dating drug war yung ilang kabilang sa mga akusado
  • yung mga Senador na nakikibantay na rin sa na-detain na tauhan ng Vice President
  • yung mga Senador na tututol na kaagad sa impeachment kahit wala pa namang nagsisimula
  • yung mga kandidato na galing sa isang partido, na planong tutulan ang impeachment laban sa kaalyado nilang Vice President kapag nagkataon
  • yung reelectionist na Senador na ginawang katawa-tawa ang kondisyon ng mukha ng isang Party-list Representative na survivor ng stroke
  • yung Chief of Staff ng OVP na nagbiyahe papunta sa ibang bansa sa panahon na iniimbestigahan ang paggastos ng kanilang opisina
  • yung umaabot na sa 4 na opisyales ng OVP ang hindi dumadalo sa hearing patungkol sa kanilang budget
  • yung 1 pang babaeng tauhan ng Vice President na isinugod sa ospital matapos DAW na sumama ang pakiramdam sa hearing
  • yung hindi sumusunod ang Vice President sa security protocol ng House of Representatives dahil sa na-detain niyang tauhan
  • yung tinangka ng Vice President at mga tauhan nito na ilipat sa private hospital mula sa public hospital yung isa niyang na-confine na tauhan, nanunulak pa sila ng pulis
  • noong 2022, yung nasa Php 16 Million daw na halaga ng confidential fund ng OVP na ginastos lang para sa pagrenta ng safe houses sa loob lamang daw ng 11 days
  • sa OVP, yung nasa 158 daw na kuwestiyonableng mga resibo na nauugnay sa paggastos nila ng confidential fund
  • ayon sa PSA, yung wala daw nahahanap na Mary Grace Piattos sa database nila
  • sa PSA, yung wala din daw mahanap sa records nila na Kokoy Villamin, bukod pa sa hindi daw dapat ginagamit ang palayaw lang sa official documents
  • yung mahigit daw sa 400 na recipient ng confidential fund mula sa OVP at DepEd ang wala namang record sa PSA
  • yung ipinag-utos daw ng Vice President na ipasa ang confidential fund ng parehas na OVP at DepEd sa ilang security officer
  • yung puros paninira na lang ang ginagawa ngayon ng Vice President, at wala naman silang nagagawang maganda para sa bayan, matapos ang mga nabubuking sa kanilang mga hinawakan at hinahawakan na opisina
  • yung pagbabanta daw ng Vice President laban sa buhay ng President, First Lady, at House Speaker
  • yung hindi naman sumipot ang Vice President sa hearing sana ng NBI tungkol sa kanyang mga pagbabanta
  • yung pagtatangka na gamitin ang reputasyon ng EDSA para lang sa pagtatakip sa kuwestiyonableng paggamit ng pondo ng bayan, lalo na yung confidential fund
  • yung mga mamamayan na nagpe-prayer vigil para sa ikalulusot ng katiwalian ng kanilang mga idolo
  • yung sekta na magsasagawa ng rally para tutulan ang impeachment laban sa isang obvious na tiwaling opisyales
  • yung hindi DAW peaceful ang impeachment process, samantalang naaayon naman iyon sa batas
  • yung dapat daw na patawarin na lang ang katiwalian at wala na lang gawin upang maiwasan na sana iyon
  • yung Vlogger na panatikong pulis, na binatikos ang kasalukuyang pamunuan at binastos pa ang mga opisyales niya, dahil lang sa sumasamba siya sa mga tiwali
  • yung common-law wife ng dating Pangulo, na nanghampas ng ulo ng isang miyembro ng SAF
  • yung nasa Php 276 Million daw ng ill-gotten wealth case na ibinasura na lang ng Sandiganbayan dahil sobra na daw kasing napatagal yung kaso
  • yung mga ibinasurang kaso ng ill-gotten wealth na kaugnay sa ilegal na paggamit noon sa Coco Levy Fund, dahil iniurong daw ng mismong pamahalaan yung mga kaso
  • yung mga excited na magyabang na napagsabihan tungkol sa preso ng Indonesia na ililipat sana sa bayan
  • yung tantsa na umaabot daw sa 1 Million ang undocumented na local citizen sa USA
  • yung Party-list Representative na nag-claim na wala daw West Philippine Sea
  • yung Imperial citizen na binigyan ng local citizenship ng mismong mga Senador kahit pa may koneksyon ito sa POGO sa Porac, Pampanga

at may kaso na iba-iba ang kategorya:
  • sa Sampaloc, Manila, yung rambulan ng 2 grupo ng kabataan sa kalye sa oras ng simbang gabi, kung saan may gumagamit daw ng improvised na baril at Molotov bomb
  • sa Sta. Mesa, Manila, yung nakunan ng CCTV na rambulan ng 2 grupo ng mga kabataan
  • sa Santa Ana, Manila, yung 12 kalalakihan, kung saan 10 ang menor de edad, na nanggulpi ng 1 lalaki bilang bahagi lang ng initiation rite para makasali sa gang
  • sa Pasig City, yung rambulan ng mga estudyante kung saan 2 ang nasugatan dahil sa pananaksak
  • sa Pasig City, matapos yung insidente ng rambulan at saksakan ng mga estudyante, yung ang daming nakumpiska na patalim noong nagsagawa na ng inspection doon sa paaralan
  • sa Pasig City, yung nangyaring gulo at pamamaril dahil lang sa away sa basketball
  • sa Davao City, yung 1 estudyante at 1 call center agent na bigla na lang ginulpi ng mga lalaki sa magkaibang insidente
  • sa Davao City, yung Grade 10 student na napag-trip-an lang na gulpihin ng isang grupo
  • sa Davao City, yung 3 estudyante na binugbog ng grupo ng mga kalalakihan na pawang mga menor de edad at estudyante din daw
  • sa Davao City, yung batuhan ng 2 grupo ng mga kabataan, basta na lang daw kasi hinampas ng bato yung isa sa mga biktima
  • sa Davao City, yung lalaki na bigla na lang nanakal ng babae habang nakasakay sila sa isang jeep
  • sa kung saan sa Metro Manila, yung namamalimos sa jeep na merong baon na ice pick
  • sa Roxas Boulevard, yung wiper boy na sapilitang nanghihingi ng bayad, kundi daw ay babasagin ang side mirror ng sasakyan, na nahulihan din ng pen gun daw
  • sa Manila, yung manlilimos na nanghampas naman ng pasahero ng jeep na ayaw daw siyang bigyan ng Php 5.00, panglinis ng windshield ang ginawa niyang pamalo, samantalang nahulihan din daw siya ng pen gun
  • sa Siquijor, yung grupo na sinisira ang Php 10 coin para gawing mga singsing
  • sa GCash ng Globe, yung mga unauthorized fund transfer sa kung saan-saang mobile numbers ng tig-Php 2,000
  • yung pinuno ng USA na promotor ng Climate Change
  • yung pinuno ng USA na gustong magpaputol ng maraming puno sa kanilang teritoryo para sa kanilang logging industry
  • yung nakikisawsaw na rin nga daw ang Half Empire sa digmaan ng Northern Empire laban sa Ukraine
  • yung lasing na Imperial citizen na nagmamaneho ng SUV na bumangga sa poste ng LRT-1
  • yung nasabat na nasa Php 178 Million na halaga ng smuggled na Mackerel na galing daw sa Imperyo
  • sa Metro Manila, yung nasa 2 toneladang smuggled na frozen poultry products na mula daw sa Imperyo
  • yung nasabat ng BOC at DA na nasa mahigit Php 200 Million na halaga ng mga smuggled na isda mula sa Imperyo
  • sa isang resort sa Moalboal, Cebu, yung nasa 38 daw na Imperial citizen na nabuking na walang mga kaukulang dokumento
  • sa NAIA, yung 2 Imperial citizen na inaresto matapos na mabisto na peke ang kanilang mga dokumento
  • sa Paracale, Camarines Norte, yung ilegal na minahan kung saan nasa 11 Imperial citizen ang naaresto
  • sa Homonhon Island sa Eastern Samar, yung 13 Imperial citizen na nahuli sa 2 ilegal na minahan
  • sa Davao del Norte, yung 3 Imperial citizen na nahuli dahil sa illegal mining
  • sa Parañaque City, yung sinalakay na POGO hub kung saan 20 sa higit 30 na nahuli ay mga Imperial citizen
  • yung mga sanggol at mga buntis na iniwan ng mga POGO workers dito sa bayan matapos ang ban laban sa kanilang operasyon
  • sa Tagaytay City, yung resort na ni-raid dahil sa POGO operation, kung saan nasa 17 Imperial citizen ang naaresto, nagsasagawa din daw ng torture doon
  • sa Makati City, yung 17 na dayuhan, na majority ay Imperial citizen, na nahuli ng NBI sa isang scam hub
  • sa Parañaque City, yung scam hub na inatake ng NBI, kung saan may nahuli na 18 na Imperial citizen, at may nagtangka din na manuhol para hindi na sila hulihin
  • sa Parañaque City, yung scam hub na nabisto matapos na ikulong ng mga among Imperial citizen ang kanilang lokal na kasambahay na unang nakadiskubre sa kanilang operasyon
  • sa Parañaque City, yung nasa 20 Imperial citizen na nahuli dahil sa pagpapatakbo ng scam hub
  • yung 13 Imperial fugitives na kabilang sa daan-daang nahuli sa POGO hub sa Pasay City last week
  • sa Makati City, yung 5 foreigner na naaresto dahil sa pagnanakaw at carnapping, at nadagdagan din ang mga kaso nila ng illegal possession of firearms, kung saan 2 sa mga suspek ay Imperial citizen na nawalan ng trabaho dahil sa POGO ban
  • sa Pasay City, yung 5 Imperial citizen na nang-kidnap sa kapwa nila Imperial citizen, na nakapatay pa daw ng isang motorcycle rider dahil sa kanilang pagtakas
  • sa isang restaurant sa Makati City, yung nakunan ng CCTV na Imperial citizen na pinatay ng kapwa niya mga Imperial citizen
  • hindi ko nakuha yung lugar, yung Imperial citizen na pinagbabaril at inagawan ng kotse ng mga kapwa niya Imperial citizen
  • yung FAKE news daw ng Imperyo, na kesyo gumagamit ang mga lokal na mangingisda ng lason at electric net sa West Philippine Sea
  • yung FAKE news na nilalabanan ng NHCP na kesyo dati na daw pagmamay-ari ng Imperyo ang Palawan
  • yung hiling ng Imperyo na igalang daw sana ang mga karapatan at interes ng mga Imperial citizen na nahuhuling nagloloko dito sa bayan
  • sa Pag-asa Island, yung mga basura ng Imperyo na napapadpad na sa kanilang dalampasigan
  • yung Imperial citizen at 2 lokal na mamamayan na nahuling nag-eespiya daw sa mga EDCA site sa bayan, kasamang nasamsam ang mga device na ginagamit daw nila sa kanilang gawain
  • yung 5 Imperial citizen sa Palawan at Manila na hinuli dahil sa suspected espionage, naglagay daw ng CCTV na nakaharap sa dagat at kinukunan din ng mga larawan ang mga barko ng PCG
  • yung paglalayag ng monster ship ng Imperyo malapit sa may Capones Island sa Zambales
  • sa Masbate, yung underwater drone na nakuha sa dagat ng mga lokal na mangingisda na mukhang produkto daw ng Imperyo
  • sa may Rozul Reef, yung mga lokal na mangingisda na hina-harass ng helicopter ng Imperyo
  • sa may Bajo de Masinloc, yung aircraft ng BFAR na binuntutan nang husto ng helicopter ng Imperyo
  • sa may Hasa-Hasa Shoal, yung 2 barko ng BFAR na tinutukan ng mga barko ng Imperyo ng high-intensity LASER
  • sa malapit sa Zambales, yung ginamitan daw ng Imperial coast guard ng sonic device ang barko ng PCG
  • sa West Philippine Sea, yung muling pagbomba ng mga barko ng Imperyo sa 2 daw barko ng BFAR
  • sa malapit sa may Pag-asa Island, yung bangka ng BFAR na binangga ng barko ng Imperial maritime militia
  • sa may Bajo de Masinloc, yung 2 barko ng BFAR at 2 barko ng PCG na ginamitan ng water cannon at pinagbabangga na naman ng mga barko ng Imperyo, kung saan nakikisali na rin daw ang warship ng Imperyo
  • sa marine research sana sa West Philippine Sea, yung mga barko ng BFAR na ginitgit ng mga barko ng Imperial coast guard, at yung mga rubber boat nila na niliparan nang malapitan ng helicopter ng Imperial navy
  • sa West Philippine Sea, yung missile ship ng Imperyo na humabol nang humabol sa barko ng BFAR
-----o0o-----


March 8, 2025...

sa Pasig City..
yung nangyaring gulo at pamamaril dahil lang sa away sa basketball...

is feeling , laging may mga kriminal sa lahat ng aspeto ng buhay...

---o0o---


March 9, 2025...

[Climate Change]

yung pinuno ng USA na gustong magpaputol ng maraming puno sa kanilang teritoryo para sa kanilang logging industry...

umasa na kayo ng mas wasak at mas mainit na mundo... 🙁

is feeling , promotor ng Climate Change, sa ngalan ng pera...

---o0o---


March 10, 2025...

sa NAIA..
yung 3 airport security personnel na tinanggal na sa trabaho matapos na masangkot sa tanim-bala modus..
hindi pa consistent kung saang bag daw nakita yung bala...

is feeling , bakit gumagana na naman yung technique na 'yon...??

---o0o---


March 12, 2025...

sa SSS..
yung 5 minutes lang valid ang OTP nila..
pero saka lang sini-send nung sistema nila yung OTP kung kailan tapos na yung time limit..
tapos ila-lock pa yung account mo dahil nga invalid na daw yung code..
ang tatanga...

is feeling , Coins lang ba ang bukod tanging kompanya dito sa bayan na kayang magpadala ng OTP on time...??

---o0o---


March 13, 2025...

[Natural Calamities]

kahapon..
sa may bandang ibaba..
nasa Magnitude 5.6 na lindol..
sa may area ng Surigao del Sur...

is feeling , maling lugar.. nasa Safest City ang ibang mga kalaban ng bayan...


>
yung common-law wife ng dating Pangulo..
na nanghampas ng ulo ng isang miyembro ng Special Action Force (SAF)...

is feeling , malalakas talaga ang mga demonyo...


>
yung kumakandidato bilang Mayor..
pero kapag yung kaso niya ang pag-uusapan eh kesyo matanda na daw at may issue sa kalusugan...??

malakas ang tama ng droga na ginagamit ng sindikato nila...

is feeling , Cosplayer technique...

---o0o---


March 14, 2025...

sa Pasay City..
yung 5 Imperial citizen na nang-kidnap sa kapwa nila Imperial citizen..
na nakapatay pa daw ng isang motorcycle rider dahil sa kanilang pagtakas...

is feeling , madamay na ang madadamay...

---o0o---


March 17, 2025...

[Natural Calamities]

sa ibaba..
nasa Magnitude 5 na lindol..
sa may area ng Davao Oriental...

is feeling , malapit...

---o0o---


March 22, 2025...

yung Vlogger na panatikong pulis..
na binatikos ang kasalukuyang pamunuan at binastos pa ang mga opisyales niya..
dahil lang sa sumasamba siya sa mga tiwali...

is feeling , tanggalan kaagad dapat ng benefits at trabaho...


>
sa Quezon City..
yung 1 napatay at 1 sugatan..
matapos na mamaril ang 1 pulis dahil lang sa gitgitan sa kalsada...

is feeling , tukso ng gatilyo...


Ang Alamat ng Most Undesirable Guy on Earth - Second to Third Week of March 2025 (2 Weeks Absence)

Loveless Story


March 9, 2025...

problema ng isa kong biological brother na gusto niyang umabot pa sa USD 5.00 ang palitan ng PI..
sa ngayon ay umaabot sa USD 3,000 plus ang halaga nung sa kanya sa current na palitan...

yung isa ko namang biological brother ay nailabas na yung sa kanya..
nasa Php 20,000 daw ang nakuha niya...

bakit ganito ka-hindi kapatas ang buhay..?
nagkaroon ng pera yung 2 nang walang kahirap-hirap..
ni hindi nga matatawag na mining yung ginawa nung app ng PI dati..
namigay lang sila ng supply..
dinaan lang sa purong hype..
tapos ngayon eh may totoong value na yung asset... 🙁

sila na yung mapepera..
pero sila pa talaga yung mas nagkakapera..
nang walang ka-effort-effort... 🙁

samantalang ako..?
lagpas USD 1,100 na halaga ng combined assets at ibinalik na investment..
pero sa kabila ng lahat ng nasaksihan kong pag-pump ng mga binabantayan at hindi ko binabantayan na assets for 3 years..
eh heto ako..
nasa less than 50% pa rin nung original na value ng pondo ko..
naglaan ako ng pag-aaral..
naglaan ako ng pera..
naglaan ako ng oras..
naglaan ako ng labor at mental stress sa paglalaro nung scam game..
pero paulit-ulit lang talaga akong nalulugi..
na para bang anak ako ng demonyo..
o baka ako na mismo yung itinuturing na demonyo..?
o baka pinaglalaruan lang talaga ako ng mala-Loki na mga diyos...?

is 💀 feeling , basurang-basura na ang tingin ko sa basura kong sarili...

---o0o---


March 10, 2025...

[Manga Theory]

One Piece Theory #17

baka plain na Paramecia rubber na Devil Fruit ang gamit ni Loki..
inakala siguro ng lahi nila na iyon ang Devil Fruit ng Nika dahil may pagkakahawig nga ang ibang property nila..
flexibility para sa rubber, at walang limit na cartoon property para naman sa Nika..
iyon siguro ang dahilan kung bakit takot ang ibang Giant sa warhammer na Ragnir, samantalang si Loki ay hindi..
dahilan kung bakit pinili nila na igapos na rin sa Kairoseki yung Ragnir, na kasama ng kanilang prinsipe..
base din sa statement ni Loki ay mukhang random ang pagtama ng mga kidlat habang ginagamit ang Ragnir..
kaya kung may rubber property ang gagamit nung sandata ay meron itong immunity laban sa kidlat..
bukod doon ay kilalang matatag si Loki..
at ang rubber ay isang materyal na malakas ang resistance sa mga damage, lalo pa siguro kung Awakened na...

is feeling , anong ginawa mo sa Elbaf, Luffy...??

---o0o---


March 11, 2025...

nag-send na ulit ako ng message dun sa kaibigan nung p*ta..
just to check kung may naging reply ba siya noong huling beses...

yung demonyong iyon..
nagpalit na naman siya ng pangalan ng account niya..
naka-public noong isang araw..
pero ginawa na ulit niyang private..
gawain ng manlolokong nagtatago...

is feeling , maagnas sana 'yang peke mong ilong...


>
[Gadget-Related]

11 days na ang dumaan para sa buwan ng March..
pero hanggang ngayon eh hindi ko pa rin nabubuksan yung Yahoo na naka-link sa bangko ko..
basura talaga 'tong buhay na 'to..
walang nangyayaring tama para sa akin... 🙁

is feeling , ni walang nangyayari na patas.. puros path lang na patungo sa katapusan ng buhay...

---o0o---


March 12, 2025...

last day ng paggamit ng computer..
pero talagang tinadtad pa rin ng mga kamalasan... 🙁

na-lock nga ang SSS account ko dahil sa palpak na OTP system..
saka lang sini-send yung OTP kapag expired na..
dahil sa katangahan na iyon, eh tumawag ako sa hotline nila, tutal naman kako eh saktong naka-unli call yung isang phone dito sa bahay..
pero hindi pala libre yung tawag dun, di tulad sa ibang kompanya..
machine pa lang ang kausap pero kinulang na kaagad yung remaining balance after 1 minute..
tapos hindi din nga ako makakapagreklamo sa kanila through e-mail..
dahil yung pesteng Yahoo eh may problema din sa OTP system nila..
sunud-sunod..
lunod... 🙁

is 💀 feeling , put*ng inang buhay talaga 'to.. ang sarap nang tapusin...


>
last day na muna na makakapag-computer ako..
naka-order na kasi ng mga materyales para sa pagre-repair ng bahay..
kaya tuloy na talaga ang pagpapagawa namin..
hindi ko lang alam kung gaano katagal..
sana lang ay maging maganda ang panahon sa mga susunod na araw para walang maging abala...

ni hindi ko talaga nagawang mabuksan ang Yahoo e-mail address ko hanggang sa huling araw.. 🙁
ang dami kong kailangan na i-e-mail sa bangko ko, pero talagang tatanga-tanga ang OTP system nung kompanya nila...

is feeling , kailangan munang ikondisyon ang sarili na wala akong magagawang trabaho sa mga susunod na araw...

---o0o---


March 14, 2025...

last day ko na muna sa computer..
kailangan ko ng wasakin ang kuwarto ko pamaya..
at iligpit na muna ang mga gamit ko..
para sa construction...

is feeling , kung pwede.. sana may nangyaring ng maganda pagkabalik ko...

-----o0o-----


[V-League]


PVL All-Filipino Conference 2025


March 14, 2025...

Qualifying Round at Play-in Tournament..
maganda nga yung bagong sistema..
parang may pagka-unfair..
pero nagdadagdag ng excitement sa liga..
parang V.League ng Japan..
kahit ano ay pwede talagang mangyari sa laban..
hindi sapat na basehan ang ranking lang..
nagagawa nga ng ibang teams na ipakita kung ano pa ang kaya nilang gawin...

halimbawa na lang ay ang nagawa ng Galeries at Zus..
Rank 3 ang Cignal, then nabawasan din nga sila ng ilang key players..
nagawa silang pabagsakin ng Galeries sa Qualifying Round..
at nagawa din nga iyon laban sa kanila ng Zus noong Play-in Tournament..
dahil dun ay nagawa ng Rank 10 at 9 na makapasok sa Quarterfinals...

is  feeling , impressive...

---o0o---


PVL All-Filipino Conference 2025 (Quarterfinals)


March 18, 2025...

basta panalo ang Creamline noon laban sa Tiggo at kay Sato..
best of three ang format ng Quarterfinals...

maganda naman ang naging performance ng Zus laban sa Angels sa unang laban nila...

maganda din naman ang ipinakitang laban ng Galeries kontra sa Akari..
gaya ng madalas nilang magawa, eh napapaabot nila ang laban hanggang sa 5 sets..
kaso kahit sila ang parehas na unang nakalamang sa sets nitong Quarterfinals, eh talagang kinakapos lang sila pagdating sa 5th set...

samantala..
bad news.. 🙁
di naman na ulit makagagawa ng redemption ang Creamline laban sa PLDT na matagal na nilang hindi nagagawang talunin..
dahil pinalaglag na ang PLDT ng sister team nila na Choco Mucho...

is  feeling , mas exciting talaga ang labasan ng puwersa...

-----o0o-----


March 8, 2025...

[Trade]

day 452...

medyo naka-decouple pala ang HEI mula sa Bitcoin simula kahapon..
tumaas din ng ilang milyon ang trading volume nila..
kaso nasa ibaba pa rin ng mga entry point ko... 🙁

wala eh..
umatras na ulit ang HEI ngayong araw matapos nilang maabot yung level 51..
USD 74 sana iyon para sa akin kung sa mababang level ako nakapasok.. 🙁
kaso naka-maintain naman ako palagi sa labas at sa itaas ng active trading level...

is 💔 feeling , samantalang yung PI, may USD 3,000 na naipon ang biological brother ko nang walang ginagawa...??

---o0o---


March 9, 2025...

[Trade]

day 453...

biglang drop sa below USD 7 Million na trading volume ang HEI.. 🙁
bumaba din ang palitan nila hanggang level 45...

USD 154 sana para sa akin yung latest na na-recover ng AST..
sila itong nasa Monitoring tag, pero sila itong nagagawa pa ding mag-pump... 🙁

USD 64 naman sana para sa akin yung latest na na-recover ng BTTC...

is feeling , araw-araw na lang akong mali...

---o0o---


March 10, 2025...

[Trade]

day 454...

trahedya pa rin..
nasa delikado na namang level ang HEI..
kung noong nasa level 60 ako, eh nasa critical level kapag bumaba below 50..
ngayon namang nasa level 50 yung ikalawa kong entry point, eh kritikal kapag bumaba pa sila below level 40..
kaninang umaga eh nasa below level 41 na sila..
at sa ganung level eh lagpas USD 180 na ang nalalagas sa pondo ko... 🙁

is feeling , kung pwede lang sana akong makaranas ng maganda...??

---o0o---


March 11, 2025...

[Trade]

day 455...

lalo pang naging malagim ang sitwasyon..
dahil sa Bitcoin height..
at dahil sa mga kalokohan ng US President..
bumagsak na nga below level 40 ang HEI..
at parang nauulit na ngayon yung 2022 market crash... 🙁

USD 54 sana yung huling na-recover ng HEI para sa akin bago itong latest crash..
below level 37 na ang bottom nila..
USD 216 ang nalalagas sa pondo ko kapag ganun..
at 224% na increase na ang kailangan ko para lang maabot ang aking target... 🙁

is feeling , ayaw talagang tumigil sa pagbagsak hangga't hindi ako nagpapalugi...

---o0o---


March 12, 2025...

[Trade]

day 456...

walang magandang update..
pero hindi din naman mas lumala ang sitwasyon...

is feeling , kung makakasabog lang sana ulit ang HEI hanggang level 140 tulad ng nagawa nila noong una.. o hanggang level 120 tulad ng nagagawa noon ng LIT...

---o0o---


March 13, 2025...

[Trade]

day 457...

nasa USD 105 sana yung na-recover para sa akin ng HEI kahapon..
pero hindi naman kasi ako nanggaling sa bottom nila... 🙁

nakakaakyat pa naman sila sa ngayon...

is feeling , malapit na akong mag-offline sa computer ko.. basta magtuluy-tuloy ka na lang hanggang sa level 120...