i am not a reporter/journalist nor an influential person..
but there are summary of news featured in this post..
it will require research in order to get the whole story regarding each particular news that is featured in here...
naalala ko tuloy yung mga kasabihan...
"ang sinungaling ay kapatid ng magnanakaw..."
kung magnanakaw ang Dictator Clan, eh sino yung sinungaling..?
literal lang ba yung kapatid, o pwede rin ba yung mag-refer sa mga bagay na gaya ng kapatiran...?
"tell me who your friends are, and i will tell you who you are..."
kung magnanakaw ang Dictator Clan, at kaibigan mo sila, ibig bang sabihin na magnanakaw ka na rin o kasabwat ng magnanakaw...?
ano ba yun..?
idol nyo nga yung magnanakaw na angkan..
eh pati bandera nang may bandera eh kinukuha ninyo eh..
tsk, tsk..
manang-mana sa mga idol... :(
biruin nyo..
halos aminado na sila na mga magnanakaw nga sila..
gusto na ngang bilhin yung ikalilinis ng pangalan nila eh..
pero heto pa rin kayong mga panatiko kayo at gustong idamay ang buong bansa sa binabalak ninyong muling pagpapalaganap ng impiyerno...
o baka naman funded rin kayo ng mga nakaw na yaman...?
pero ang nakakalungkot ay yung ang gobyerno na ulit ang nagpo-protekta ngayon sa masasamang tao na katulad nila..
VIP treatment kahit na wala pa ngang nagbabayad para sa mga kasalanan nila...
sorry sa video..
ito lang yung nahanap ko kaagad eh..
yung lynching scene mula sa movie na The Skeleton Key..
isa sa mga favorite movies ko na merong bad ending...
ito sana yung bagay na gawin sa Dictator Clan eh..
dahil parang hindi na talaga maibibigay pa ang hustisya..
at talagang kapangyarihan, impluwensiya, at pera na lang ang mananaig sa bansang ito hanggang sa katapusan ng mundo...
kaso kagaya nung clip na 'to..
eh mukhang yung mga biktima rin ang magiging kawawa hanggang sa huli..
sa istorya kasi nitong featured clip, nalaman ng mga tao na hoodoo practitioners yung mga katulong doon sa bahay..
kaya ayun binigti nila yung 2 at sinilaban..
pero ang hindi alam nung mga tao ay nakapagpalit na pala ng mga katawan yung 2 hoodoo practitioners dun sa 2 bata na anak nung may-ari nung bahay..
kaya ayun, 2 inosenteng bata talaga yung napatay ng mga tao at hindi yung mga kampon ng kadiliman...
credit for the video goes to the original uploader...
feeling , sana naman hindi maging ganun ang ending ng istorya ng bansa...
---o0o---
update ulit (172 na)..
medyo in-organize ko rin yung mga kaso..
una (untikan ko nang makalimutan 'to), ang pagtataksil sa interes ng bansa at ng mga (ibang) mamamayan (lalo na yung mga naging biktima), at pagbalewala sa kasaysayan at dangal ng bansa:
- ang pagpapalibing sa bangkay ng isang Diktador sa isang makabuluhang national cemetery
- yung pagbibigay ng permiso sa isang Imperyalistang nasyon (na lantarang nang-aagaw at nang-aangkin ng mga teritoryo) ng kalayaan para mag-explore sa teritoryo na posibleng mapagkunan sana ng mahahalagang resources ng bansa
- yung kagustuhan na kontrolin kung sinu-sino ang mga mamumuno sa mga Barangay hanggang 2020
- yung pahiwatig na gusto niyang ipatupad yung Martial Law na katulad nung sa Dictator Clan
- ang paulit-ulit na pagre-relate ng mga tao sa kanyang mga rape comments na para bang ginagawa pang katatawanan ang bagay na yun
- ang pambabastos sa lider ng isang bansa na mahilig sa mga delikadong armas, kahit na hindi naman kaya ng bansa na lumaban in case na mapikon ang mga yun
- yung pati kaso ng pagnanakaw sa bayan ay gustong iareglo para lang sa Dictator Clan kahit na pang-bobo yung alibi ng tagapamagitan nila
- yung statement tungkol sa kagustuhang bombahin ang mga Lumad schools
are yung ang involved o semi-involved eh mga identified talaga bilang awtoridad:
- yung mga lalaking itinumba kahit na naka-posas na sa likod
- yung 4 year old daw na bata na nadamay sa pagpatay ng mga pulis sa tatay niya
- sa Lanao del Norte, yung mag-ina, kasama na rin yung bata sa sinapupunan, na nadamay sa pagkapatay ng mga pulis sa nanlaban daw na kapatid ng suspek nila
- yung army reservist na pumatay ng lalaking naka-bike matapos ang road rage at matapos nilang magsuntukan sa kalye, tapos may nadamay pang isang sibilyan sa pamamaril niya
- yung OFW na dinakip sa checkpoint at naging biktima ng torture at pagpatay
- yung mga taga-Quezon na hinuli sa parang raid, pero wala palang record ang mga pulis ng naging operasyon na yun laban sa kanila, at may natagpuan na lang na mga sunog na bangkay na pinaghihinalaan na sa mga taong yun na pinagdadakip nga
- yung kaso nung Australian, kung saan hindi nag-match yung statements ng mga arresting officers kumpara sa naging kuha ng CCTV, at may alegasyon pa ng tangkang pangingikil (this happened sometime before the current administration)
- yung kaso involving Makati Police, kung saan inaresto ang isang OFW gamit ang gawa-gawa lang naman DAW na dahilan, at tinakot DAW na gagawing related sa ilegal na droga kung hindi magbibigay ang pamilya niya ng Php 500,000
- sa Caloocan, yung bahay ng matandang babae na nilooban at pinagnakawan ng mga pulis at ng iba pa nilang kasamahan na hindi naman mga pulis
- yung kaso ng pagpatay sa Regional Chairperson ng Citizens Crime Watch sa Oriental Mindoro, kung saan Police Senior Inspector at Inspector (police awardee pa yung isa) yung nahuling mga suspect, at may mga kagamitan talaga sila na pang-riding-in-tandem
- sa Zamboanga del Sur, yung nakunan sa CCTV na sundalo na pinagbabaril ng 2 na-identify bilang mga pulis
- yung Mayor sa Mindanao at ang mga kasama niya na hinihinalang pinatay sa rubout
- sa Ozamiz City, yung pagpatay o pagtumba daw ng mga pulis sa grupo ng mga suspek, at tila i-d-in-isplay pa ang mga bangkay nila sa harap ng munisipyo
- yung kaduda-dudang raid laban sa mga Parojinog sa Ozamiz
- yung pagkamatay ni Mayor Espinosa; nakakulong na, hinainan daw ng search warrant kahit na madaling araw na, nawawala ang kuha ng CCTV, at nakapanlaban daw
- yung mabilis na pagre-reinstate dun sa Marcos (pulis ng Region 8 na sangkot sa kasalukuyang kaso/istorya ng mga Espinosa) at tila pagiging 'maluwag' ng mga kinauukulan sa iba pang pulis na involved
- yung patuloy na pagkampi sa mga pulis ng Region 8, matapos ang findings na murder nga DAW yung ginawa nila laban kay Mayor Espinosa, hindi pa man sila napaparusahan pero may nakapangako na kaagad na absolute pardon para sa kanila
- yung kidnapping ng isang civilian last October daw na nakunan ng CCTV, na ang sangkot ay mga pulis na hindi naka-uniform
- yung kaso sa Lemery, Batangas kung saan may claim na nauna (higit na mas maaga) daw hinuli yung mga drug suspects nang mga naka-civilian na pulis na wala namang dalang warrant, pero hapon na noong kuhanan ng mga pictures at inventory na may kasama ng mga ebidensiya laban sa kanila
- sa Tondo, yung 2 lalaki na napatay ng mga pulis dahil nanlaban daw, at tila binutas-butas pa daw yung katawan, pero nakunan naman ng CCTV yung maayos nilang pagsama sa mga pulis
- sa Caloocan, yung ginawang pagtumba ng mga pulis sa 17 y/o na Grade 11 student na pinalabas nila na nanlaban
- yung hinihinalang pagtumba dun sa 19 y/o na UP Passer
- yung pagpatay ng isang pulis sa lalaking nanlaban DAW matapos mag-amok sa isang bangko sa Laguna na nakunan naman ng CCTV camera
- yung pamamaril ng isang lasing na pulis sa Misamis Oriental na ikinasugat ng 4 na katao
- yung nakainom na pulis sa Negros Occidental na namaril din at nakapatay
- yung ginawang pananampal at panggugulpi ng isang sundalo sa isang bar sa Isabela, supposedly eh naka-duty daw siya, at nanggulo DAW doon dahil gusto ng nude dance/show
- sa Sorsogon, yung pangho-holdap ng isang sundalo sa isang remittance center, na supposedly eh naka-duty rin siya during that time
- yung pulis na nambugbog ng makulit na matandang lasing, at inilagay pa niya sa paso ang batas
- sa Ozamiz, yung nakunan ng video na pananakit ng isang police chief inspector sa isang nahuling suspek
- sa Quezon City, yung pulis na dati nang nasuspinde, na inaresto dahil sa pambubugbog daw sa kanyang stepson
- sa Negros Oriental, yung pulis na nakunan ng video habang pinatapat ang tenga ng isang sibilyan sa muffler habang pinapaandar yung motorsiklo
- yung pulis sa Sta. Mesa na namaril ng sibilyan na binu-bully DAW nito parati at sinaktan pa bago yung insidente, matapos na rumesbak yung biktima na may dalang bato at itak
- yung buy-bust operation DAW sa Caloocan, na ginawa ng mga naka-sibilyan na naka-hood at mga naka-maskara at hindi na mga pulis, na natunugan DAW, kung saan 2 magbiyenan na drug-related suspects ang napatay sa loob ng kanilang pamamahay
- yung napatay na 17 y/o sa Caloocan City na hindi naman target pero nadamay daw sa ginawang buy-bust operation, nakita daw siya na may baril kaya pinatay na
- sa Maguindanao, yung 2 bata na edad 6 at 10 daw na nadamay at napatay sa ginawang anti-illegal drugs operation sa kanila, kung saan nasugatan rin daw yung 2 pa nilang mga bata rin na mga kapatid
- yung pulis na namaril ng kapwa pulis sa Lipa City
- sa Pasay City, yung miyembro ng army na nakainom, nagwala, at nakipagbarilan pa sa mga pulis
- yung pulis na nang-rape ng sibilyan sa Calamba City, na ginamit DAW yung pagka-pulis niya para kunwari ay magpapatulong lang dun sa biktima
- yung pulis na binaril yung menor de edad na isinasama lang DAW niya
- yung pulis Mandaluyong na aksidenteng nakabaril sa Nasugbu, Batangas dahil DAW ipinagmamalaki niya yung baril na na-issue sa kanya
- sa Manila, yung pulis na namaril sa isang bar, na napatigil gamit ang phaser gun
- sa Agoncillo, Batangas, yung pulis na pumatay ng isang municipal nurse nang dahil lang sa away-pag-ibig
- yung SAF na nambugbog ng traffic enforcer sa Bacolod matapos siyang masita na nagawa niyang traffic violation
- sa Dumaguete, yung 5 pulis (hindi naman naka-uniporme o naka-duty) na nambugbog DAW dahil sa isang basketball game
- yung nakunan ng CCTV na pulis (na naka-sibilyan) na nanggulpi ng lalaki na sinubukan na DAW humingi ng tulong sa mga pulis sa isang presinto ng QCPD, ikinulong pa nila yung lalaki at ipinaako DAW sa kanya lahat ng pagkakamali, at dahil yun sa away-trapiko pa rin
- sa Mandaluyong, yung 2 lalaki na hinuli dahil sa pag-iinuman sa kalye, pero nakunan ng cellphone video na pinagpapapalo ng kahoy ng isang pulis
- yung sa General Trias, Cavite, yung 3 pulis na nang-torture rin daw ng 2 preso at pinilit pa yung 2 na maghalikan habang nanonood sila
- sa Tondo, yung pulis na pinaghahanap dahil sa indiscriminate firing, na posibleng handa lang daw para sa birthday yung pinag-ugatan
- sa Manila, yung naka-AWOL na pulis na nagpaputok daw ng baril at nakatama ng 2 menor de edad, at nanapak pa daw
- sa Antipolo City daw, yung jeepney driver na pinatay daw ng isang pulis Maynila dahil lang sa away-trapiko
- yung nakunan sa CCTV na police escort na nakabundol ng batang estudyante, pero itinanggi daw na siya yung nakabundol at tinakasan pa yung biktima
- sa Rodriguez, Rizal, yung road rage na nauwi sa barilan sa pagitan ng isang pulis at isang retired US navy, dahil dun ay nadamay at nabaril yung pasahero nung US navy
- sa Cabanatuan, yung 2 pulis na naka-droga na namaril at pumatay ng 2 katao, na ikinasugat ng 1 pa
- yung CCTV footage na ibinigay kay Senator Lacson, na nagpapakita kung paanong tinaniman ng mga pulis DAW ng ebidensya ang isang opisina, tapos ay saka ni-raid yung lugar
- yung na-hulidap na Korean, na nahingan na nga ng ransom yung pamilya, pero pinatay pa rin talaga yung biktima sa loob pa mismo ng kampo ng mga pulis
- yung mga South Korean na na-hulidap sa Pampanga, na nakunan ng CCTV, na hinuli gamit ang alibi na sangkot sila sa illegal online gambling, na ilang oras ikinulong sa police station at pinakawalan lang matapos magbigay ng pera
- sa Quezon City, yung 4 na pulis na nahuli dahil sa kaso ng kidnapping at extortion, isang lalaki at yung kasintahan niya ang naging mga biktima
- sa Taguig, yung magkakasabwat na mga barangay officials at isang pulis sa pangingikil sa mga taong hinuhuli nila
- sa Laguna, yung Kagawad at ang mga kasamahan niya na nangingikil daw ng mga dayuhan at mga kilalang personalidad bilang pangsuporta daw sa adhikain ng Hokage na Mahilig
- sa Antipolo City, yung 4 na pulis na inaresto dahil sa pangingikil daw sa isang PWD, mukhang may mga props rin sila na mga baril at ilegal na droga
- yung maramihang pagsibak sa mga pulis sa Parañaque dahil DAW sa mga kaso ng pangongotong
- sa Ilocos Norte, yung 2 pasaway na pulis, na naka-off na daw sa duty, pero nahuli namang nag-iinuman sa kanilang presinto
- sa malapit sa lugar ng giyera, yung kaso ng harassment ng isang sundalo yata yun laban sa mga estudiyante
- ang patuloy at malaking bilang ng mga pulis na lumalabas na positibo sa paggamit ng ilegal na droga through drug test (ang isa sa butas ng laban kontra sa ilegal na droga)
- sa Las Piñas, yung opisyales na pulis na related sa PNP Crime Laboratory na nahuling gumagamit ng ilegal na droga sa isang drug den
- yung PO1 na sangkot daw sa ilegal na droga at miyembro rin daw ng sindikato
- yung 3 sundalo DAW na nahulihan ng mga drug paraphernalia sa Cebu City
- yung nasa 160 pa na mga pulis na inire-recommend ng PNP-IAS na pagsisibakin na dahil sa involvement nila sa ilegal na droga
- sa Bacolod, yung naka-AWOL na pulis na nahuli sa buy-bust operation
- sa Catanduanes, yung nagbitiw na pulis na umamin na totoo DAW ang pagtatanim ng mga ebidensya at extrajudicial killings
- sa Bacolor, Pampanga, yung government employee na biktima ng tanim-droga ng mga pulis at mga miyembro ng PDEA, yung hindi nagtugma yung written report sa kuha ng CCTV
- sa Manila, yung 4 na senior citizen na naging biktima rin DAW ng tanim-droga at tanim-bala ng mga pulis, may kuha ng CCTV tungkol sa kuwestiyonableng operasyon nung mga pulis eh, namatay pa yung isang matanda sa loob ng kulungan
- yung babaeng biktima daw ng tanim-droga teknik ng 11 Pulis Malabon
- yung New Bilibid prison guard na sinubukang magpuslit ng hinihinalang ilegal na droga sa pamamagitan ng pagtatago nito sa loob ng kanyang brief
- sa Cainta, Rizal, yung dating military intelligence officer na nahuling nagtutulak ng ilegal na droga
- sa Pagadian City, yung bahay ng nag-AWOL na pulis na nakunan ng nasa Php 89,000 worth daw ng ilegal na droga
are naman yung mga hindi pa malinaw kung anong klase nga ng mga tao ang involved o hindi tiyak o nabanggit kung sino ang nakatama:
- yung honor student na choir member na ginamitan ng karatula
- yung 5 year old daw na bata na nadamay sa tangkang pagpatay ng mga hindi kilalang tao sa lolo niya
- yung 5 year old na taga-Pasay na napatay habang natutulog dahil nadamay sa pagpatay sa tatay niya na siya daw target nung hindi nakilalang tao
- yung pagkamatay ng bagong binyag na bata (na tinamaan ng ligaw na bala) sa Bulacan dahil nadamay sa pagpatay sa kanyang ninong na involved DAW sa droga
- yung pagkadamay at pagkapatay sa isang manliligaw sa Quezon City dahil involved daw yung nililigawan niyang babae sa ilegal na droga
- yung kaso sa NCR kung saan nadamay at natamaan ng bala ang isang sibilyan dahil sa paghahabulan ng mga pulis at ng isang suspek
- yung 2 sibilyan sa Laguna na nagsisimbang-gabi lang sana, na nadamay (napatay yung batang babae) sa pamamaril ng mga hindi pa nakikilalang mga suspek sa isang barangay tanod na related din daw sa ilegal na droga
- yung tila 2 grupo ng tao na napatay sa Caloocan City, na either drug related daw yung isang grupo kung kaya't nadamay sa tumbahan yung mga miyembro daw ng frat, o dulot ng frat war na ang nadamay naman eh yung ilang drug related personalities
- sa Caloocan, yung mag-live in partner na pinatay daw ng mga taong nagpakilala na mga pulis
- yung 14 y/o na dalagita na nadamay sa pamamaril ng mga taga-tumba sa target nilang drug-related personality daw, sa Caloocan yata yun
- sa Caloocan, yung 5 y/o na bata na nadaplisan ng bala dahil sa nangyaring tumbahan sa isang hinihinalang drug den, kung saan may mga napatay rin
- hindi ko nakuha yung lugar, pero yung kaso kung saan may 1 napatay at 6 na nadamay sa pamamaril daw sa isang dating nagbebenta ng shabu
- sa Tondo, yung 14 y/o na dalagita na natamaan sa mata at napatay ng ligaw na bala mula sa pamamaril ng riding-in-tandem, namaril DAW para takutin yung may pagkakautang sa kanila sa ilegal na droga eh
- sa Makati, yung mga lalaking naka-uniporme daw ng pang-pulis na nakuhanan ng video habang nananakit DAW ng isang babae, may tutukan pa DAW ng baril na nangyari
- yung Japanese na negosyante na mukhang planadong itinumba habang nasa bansa
- sa Tondo, yung taxi driver, na kolektor daw na asset ng mga pulis, na itinumba ng riding-in-tandem, kaso ay tumagos pa yung bala sa ulo nito kaya may babaeng nadamay at natamaan din
- yung pagtumba sa foreigner na sangkot daw sa ATM skimming
- sa Caloocan, yung tricycle driver na itinumba sa hindi pa malamang dahilan dahil wala naman ang pangalan niya sa listahan ng mga drug-related personalities, at may nadamay at natamaan pa na ibang tao sa pamamaril na yun
- yung pagpatay sa 14 y/o na supposedly ay kasama nung pinatay ng mga pulis na 19 y/o UP Passer, na sa Nueva Ecija na natagpuan
heto naman yung mga may kinalaman sa kahinaan ng kasalukuyang penal system at pagpapatupad ng iba pang mga batas at patakaran sa bansa:
- sa Pasay, yung target ng buy-bust operation na nakapatay at nakasugat ng mga pulis, grupo sila eh, at yung main target daw ay marami ng record ng krimen pero talagang nakakalaya pa rin
- sa Siquijor, yung 2 babaeng estudyante na napatay sa pananaksak ng isang lalaki ng naka-droga at lasing din daw noon, according sa istorya ay may iba sana siyang papatayin dahil natakot siya na isuplong siya tungkol sa paggamit niya ng ilegal na droga, kaso ay ibang mga inosenteng tao yung napaglabasan niya ng kanyang kasamaan
- regarding sa pag-determine ng edad na pasok sa criminal liability, yung pulis sa Dipolog na ginulpi ng mga kabataan at untik nang mapatay matapos niyang umawat lang sa rambulan ng mga ito
- sa Tondo, yung nakunan sa CCTV na rambulan ng mga kabataan sa gabi, kung saan makikita na nagpapaputok ng baril yung isa at nanuntok pa yung isa ng umaawat lang daw sa kanila, butas pa rin ito sa sistema ng pag-regulate sa mga baril at sa pag-determine ng edad kung kailan may pananagutan na ang mga mamamayan sa batas
- in general, ang pagiging maluwag ng batas laban sa mga menor de edad na mga kriminal
- yung kung sino pa yung mga aminado sa mga krimen na paulit-ulit na ginagawa nila o yung may solid na ebidensya regarding sa ginawa nilang krimen, eh sila pa talaga yung nananatiling buhay
- regarding sa batas trapiko, yung 2 lola na parehong namatay matapos mabangga ng humaharurot na tricycle habang tumatawid sila sa pedestrian lane
- dahil pa rin sa kawalan ng kontrol sa mga armas, sa Cavite, yung lalaki na hinuli at dinala sa isang motel at balak i-hulidap ng mga lalaking nagpanggap na miyembro ng PDEA at PNP
- yung lalaking binaril ng isang motorcycle rider na posibleng dahil lang DAW sa naharangan niya ito sa kalsada
- ang naging pag-atake sa Resorts World Manila
- yung nangyaring saksakan at patayan ng mga high profile inmates sa loob ng Bilibid kahit na pinataas na DAW yung seguridad doon at mga SAF pa ang nagbabantay
- yung panibagong kaso DAW ng VIP treatment para sa mga high profile inmates na lumabas sa balita nitong February 2017
- sa Maynila, yung nakunan sa CCTV na matanda na tinutukan ng baril ng 2 naka-sibilyan na mga pulis dahil napagkamalan daw siyang magnanakaw
- sa Dasmariñas, Cavite, yung ikinulong nang dahil sa sakla, na pinatay ng mga nakasama nitong preso habang nakaposas siya
- sa Lanao del Norte, yung bilanggo na pinatay sa loob ng kulungan ng mga kakosa niya
- yung sikretong kulungan na nadiskubre ng CHR sa isang station ng MPD
- eh yung pagtutumba sa mga persons of interest na iniuugnay sa Bulacan Massacre, gayung dapat ay pinoprotektahan na sila ng mga pulis para naman mapalabas talaga yung totoo tungkol doon sa kaso
- yung kapabayaan ng mga awtoridad sa pag-handle sa suspek sa pangre-rape at pagpatay sa isang pageant winner sa Samal Island na nauwi sa panlalaban DAW nito at sa pagpatay sa kanya
- yung kapabayaan rin ng mga awtoridad sa pag-handle sa suspek sa pangre-rape at pagpatay sa isang 8 y/o na bata sa Nueva Ecija, na dahilan kung kaya't nagawa DAW nitong mang-agaw ng baril at makapagpakamatay
- yung kagustuhan ng kasalukuyang DTI na ibigay na sa mga negosyante at/o mga kompanya ang kakayahan na i-regulate ang suggested retail price (SRP) para sa mga produkto nila
- yung pagkampi ng Supreme Court sa photobomber
- ang hindi pagtupad ng PHLPost sa kini-claim nilang bilis ng paggawa at pagde-deliver ng Postal ID, at ang kahinaan ng support center nila
- yung mali at mapanlinlang na paraan ng evaluation ng Department of Tourism sa performance ng kasalukuyan at nakaraang administrasyon
- yung mga isyu na lumalabas ngayon tungkol sa BOC at sa mga mambabatas dahil sa ginagawang pananabon ngayon sa Customs
- yung problema sa mamahaling elevator para sa pedestrian overpass sa Lipa City
- yung pagkabasura ng Commission on Appointments sa pagtatalaga kay Lopez bilang secretary ng DENR na obvious naman na iginapang
- yung pagkabasura ng Commission on Appointments sa pagtatalaga kay Taguiwalo bilang secretary ng DSWD dahil DAW hindi magagamit na gatasan yung ahensya sa ilalim ng pamumuno niya
- yung pagri-reveal ni Attorney Anderson sa tangka ng isang mataas na opisyales na mag-promote ng isang hindi qualified na tao para sa Bureau of Customs
- ang kabulukan ng hustisya, yung ginawan na nga ng grupo nina Failon ng pabor ang buong bansa, pero talagang sila pa yung kinasuhan dahil lang sa binayaran na yung obvious na ninakaw na pera ng gobyerno noon
- yung sapilitang pangunguha ng mga miyembro DAW ng Kadamay ng mga housing projects sa iba't ibang lugar, at ang pagkunsinti sa kanila ng gobyerno
- ang kakayahan ng mga miyembro ng mga teroristang grupo na mapakawalan o makatakas pa sa kamay ng batas
- yung naging pagsabog sa Quiapo na nakasugat ng nasa 14 na katao daw, at nangyari yun kung kailan supposedly eh mataas ang seguridad sa bansa lalo na sa NCR
- sa Pandacan, yung 7 buwan na sanggol na nagtamo ng 3 tama ng baril dahil sa isinagawang anti-illegal drugs operation sa kanilang lugar
- follow up para sa 7 months old na sanggol news, hindi pala nagkusa yung mga pulis na imbestigahan kung sinu-sino nga ang totoong nakabaril doon sa bata, at may claim pa na diniktahan lang daw para pumirma sa affidavit yung lola nito
- sa Pasay, yung pulis na naglabas at nag-display ng kanyang baril habang nakikipagtalo sa 2 binatilyo
- sa Pasay, yung itinumba na negosyante na may-ari ng furniture shop na hindi daw kaagad hinayaan ng mga pulis na maisugod sa ospital
- yung 73 y/o na lalaki na nakaladkad at nagulungan pa daw ng bus, na hindi na naman hinayaan kaagad ng mga pulis na maisugod sa ospital
- yung hindi magkatulad na magkahiwalay na statements nung taxi driver na hinoldap daw nung 19 y/o UP Passer, na hindi rin tugma sa report ng mga pulis, at tila nagtatago na yung driver ngayon
- yung kuwestiyonable at kusang pagpapa-DNA test ng mga pulis sa bangkay nung 14 y/o na kasama ni UP Passer kahit na wala namang nagre-request nito, at yung pagdedeklara na hindi naman dun sa 14 y/o yung bangkay na yun
- yung kuwestiyonableng naging kahinaan ng seguridad sa Marawi sa kabila nang patuloy na pagkilos ng mga terorista sa Mindanao, sa kabila ng patuloy na mga bantaan mula sa magkabilang panig, at sa kabila ng pagkakaroon ng malaking halaga ng intelligence fund
- yung pagkatumba sa 4 na suspected na miyembro ng Maute habang ibinabiyahe sila, ito ay sa kabila nang may ipinapatupad ng Martial Law sa region na yun
- yung lalaking napagkamalan daw na miyembro ng Maute at hinihinalang t-in-orture ng mga sundalo
- yung may mga nangyayari pa rin daw na nakawan sa mga lugar sa Marawi na kontrolado na ng mga militar
- yung posibilidad daw na nakatakas na yung mga lider ng mga terorista sa lugar ng digmaan, gayung may claim rin ang mga awtoridad na kesyo natunugan naman daw nila yung tungkol sa pagtakas
- yung pagpapadala ng mga tiwaling pulis sa lugar ng digmaan, sa halip na sibakin na sila sa trabaho at hindi na pasuwelduhin pa ng mga mamamayan
- yung mukhang may nakapasok na daw ulit na mga armadong grupo sa lugar ng giyera
- yung pagpapababa daw ng DOJ sa kaso ng Marcos Police Group
- kasali pala yung Dictator Clan sa problema ngayon sa Norte
- ang pag-amin ng miyembro ng Dictator Clan na binalewala nga nila ang proseso ng bidding sa kanilang pamimili
- yung VIP treatment sa isang opisyales, kahit alam naman nila yung patakaran na nagbabawal nga sa kanila na pumunta sa mga casino
- yung pagbibigay ng mga naluklok sa katungkulan ng Php 1,000 lamang na budget para sa CHR, at iba pang ahensya ng gobyerno para lang ipakita ang kakayahan nila na manggipit
at may kaso na iba-iba ang kategorya:
- yung pagkamatay ng isang 9 year old na bata, na pinaghihinalaang pinatay ng mga menor de edad; na natagpuan yung bangkay na nakagapos ang mga kamay, na binugbog daw, pinutulan ng mga daliri, at may hiwa pa sa tiyan
- yung pagsu-suicide daw ng isang Director Villa ng ERC dahil sa katiwalian sa trabaho nila
- isama na rin yung pagkalat ng mga fake news at paid trolls sa social media
- ang maya't mayang pagpapalabas ng fake news o mind-conditioning news ng mismong mga nasa katungkulan
- yung mali-maling listahan na inilabas ng Napolcom
- yung Oplan Cyber Tokhang
- yung mga sundalo sa Marawi na napatay sa sarili nilang air strike na laban sana sa mga terorista
- yung isa pang air strike na sa labas naman daw ng Marawi nangyari
- yung isa na namang air strike na nakapatay sa sariling mga kakampi, pangalawa yata yun na nakapatay at ikatlo ng error
- ang maya't mayang pag-target ng gobyerno sa basic needs para gawing gatasan ng buwis
- yung naaprubahan na 24% increase sa cargo handling tariff
- eh yung pati pagkanta sa Pambansang Awit ay balak nang lagyan ng limpak-limpak na halaga ng penalty
- yung pahayag ng ilang kabilang sa Bilibid 19 na babaliktarin nila ang kanilang nakaraang mga statements kung ililipat sila ng piitan
- yung paggamit ng PNA sa logo ng kompanya ng agricultural products para sa Department of Labor and Employment
- yung naparangalan ang isang pulis na posibleng may ginawang iregularidad sa pagpapatupad ng batas
- yung ayaw mag-imbestiga nang husto puwerket may kilalang apelyido na nadadamay, di tulad sa kaso ng ibang mga tao na paspas ang mga pagpapahiya at panghuhusga
- yung kapag nasa tuktok ang nagsasalita ng kung anu-anong masasama ay hindi nila kinokontra, pero kapag hindi na nila kakampi sa pulitika yung nagsasalita ng hindi kanais-nais para sa pananaw nila eh idinadaan nila sa sistema
- ang pag-tolerate ng ibang mga mamamayan sa mga pinuno na obvious na mga magnanakaw
---o0o---
September 11, 2017...
update sa kaso nung UP Passer...
lumabas na yung taxi driver..
at iginiit niya na hinoldap siya nung UP Passer..
pero hindi na naman nagtugma-tugma yung 4 na version nung istorya..
4 dahil 2 na daw yung nauna na niyang statements, ang 1 naman ay yung police report, at 1 na naman yung inilabas niya sa press ngayon...
siya daw yung nakahuli sa nangholdap sa kanya eh, sa tulong ng mga tambay..
kaya mukhang kailangan pa ngayong maghanap nung mga tambay para masuportahan yung alibi nya..
nag-iisa lang daw noon yung UP Passer..
bale nawawalan sila ng pananagutan nun para dun sa mas sensitibo na kaso nung 14 y/o..
at mas nagkakaroon nga ng posibilidad na yung UP Passer pa ang ituro nila na pumatay dun sa menor de edad..
kasi nga pinapatibay nila yung anggulo na kriminal siya...
pero inilaglag naman niya yung mga pulis regarding dun sa nangyaring tumbahan..
kasi nga eh nahuli na daw niya..
dinala sa mga pulis..
pero itinumba pa rin nga yung biktima...
PS: ayun nga pala yung isa pang punto dun..
may mga findings na nagsasabi na posibleng hindi naman talaga sa lugar kung saan natagpuan yung bangkay itinumba yung UP Passer..
kaya naman hindi na ulit tutugma dun yung public statement nung taxi driver...
hindi ba siya nanonood ng balita..?
was feeling , marami-rami nang script yan ah...
>
posible kaya yung magpapabukas ka ng bank account sa mga bayarang tao..?
tapos palalabasin ninyo na konektado ang bank account na yun sa mga kalaban ninyo..?
yung tipong paglalaanan ninyo ng mahabang panahon ng preparasyon...?
kung may nakaw na yaman kasi..
parang madali lang yung gawin..
considering na nagagawa nga ng ibang mga magnanakaw na gumamit ng mga dummies, o ng ibang pangalan sa pagbubukas ng mga account...
was feeling , sa bandang huli ang dapat pa ring suriin ay kung sino yung may resources at motibo...
>
100 Years of Evil
Happy 100th Birthday po, Basurang Bangkay!
biruin ninyo masasaya pa ang ibang tao sa araw ng terorismo nang dahil lang sa inyo...
maraming salamat po pagprotekta sa ekonomiya..
napaka-dakila po ng basura ninyong angkan para protektahan ang yaman ng bansa sa loob ng mahabang panahon..
kuripot nga ho talaga ang uri ninyo, ano..?
biruin ninyo ay pati yaman ng bansa ay inin-in nang matagal..
napaka-genius po ng nakaisip ng script na yun para linisin ang mas obvious na ngayon na dumi ng mala-demonyo ninyong angkan...
ang wish ko po para sa inyo..?
mag-enjoy lang po sana kayo sa impiyerno kasama nina Hitler at ng iba pang mga berdugo sa kasaysayan..
sana rin po ay malipol na ang basura ninyong angkan..
mas okay po talaga kung sisilaban na lang silang lahat ng buhay..
ang efforts ng kasalukuyang salinlahi ninyo na linisin ang inyong maruruming mga bakas..
at ang patuloy na paglamon nila ng mga pagkain na galing sa nakaw, ang patunay na nananalaytay pa rin sa kanilang mga ugat ang dugo ng demonyo..
sana lang po talaga ay may mga totoong bayani na na umubos sa lahi ninyo...
was feeling , maloloko ninyo ang mga walang-pakialam.. pero hindi lahat ay ganun...
>
update naman sa kaso nung 14 y/o...
anak ng!
gumulo na rin nang gumulo yung istorya nito...
may DNA test kasi na nagsasabi na hindi naman yung bangkay na natagpuan sa Nueva Ecija ang katawan nung 14 y/o na kasama nung UP Passer..
according rin sa iba niyang kapamilya eh may duda sila kung siya nga yun..
pero kumbinsido naman yung mga magulang na siya nga yun...
lagot!
mukhang private entity na na expert sa DNA testing ang maaasahan pagdating sa bagay na 'to..
at dapat ay yung hindi nababayaran o namamanipula...
so basically..
2 na yung kaso kung ganun..
1 anonymous victim na walang ibang nagke-claim ng bangkay..
at isang missing person...
ano na nga ba ang totoo...?
was feeling , sana lang hindi ginawa ang mga krimen na 'to para mapatay yung iba pang mahahalaga na isyu ngayon...
---o0o---
September 12, 2017...
[Natural Calamities]
level up na ang mga sakuna ah..
yung mga lindol mas madalas na..
yung hurricane sa ibang bansa parang mas tumatagal na..
tapos yung bagyo ngayon sa bansa na halos ulan lang ang dala, eh ang dami ring napinsala..
according nga sa istorya nung iba, eh hindi naman nila nararanasan yung ganun sa mga area nila dati...
galit na galit na yata talaga ang Earth sa mga tao..
anlupit ng ganti ng Climate Change at ng Physics..
yung akala mo na hindi naman kalakasan, eh pumapatay rin... :(
was feeling , tama na kasi ang pagsamba sa mga tao...
>
siguro mas mabuti kung gastusan na nga yung pagpapa-DNA dun sa bangkay..
sa private na ipagawa..
hindi para dun sa pamilya, kung talaga namang kumbinsido sila na sa kanila nga yun eh..
kundi para ma-establish nga ng bansa kung nasaang level ba ang integridad ng mga awtoridad sa panahon ngayon...
eh kasi kung maraming nagdududa sa mga aksyon na ginagawa nila lately patungkol dun sa bangkay nung 14 y/o..
na kesyo basta-basta nagdi-DNA test nang wala namang request..
tapos tila iginigiit pa na kunin yung bangkay at i-DNA test ulit..
edi maganda nga kung mache-check ng mga mamamayan kung sino nga ba ang nasa panig pa ng katotohanan sa ngayon..
kesa naman hindi na hayaan na mabunyag yung totoong motibo nila...
kasi baka sinusubukan na lang nilang iligaw ang imbestigasyon..?
na baka nga may rason sa pagpatay sa mga kabataan sa ilalim ng kasalukuyang pamunuan..
at baka gusto na lang nilang palabasin na mananatili na lang na missing person yung biktima...?
kawawa naman yung kapamilya nung biktima na duda na yun nga yung 14 y/o..
eh nasasabon na ng kanilang ama dahil sa mga statements niya eh..
siya pa ngayon yung nagmumukhang black sheep dahil sa mga kuwento nung nakatatanda...
at update na rin sa kaso nung UP Passer at nung 14 y/o..
kombinasyon na 'to..
may bago nang lumitaw na witness..
may bago rin siyang tinukoy na lugar kung saan itinumba daw yung UP Passer..
at ayon sa kanya eh may nakita rin siyang bata noon sa loob nung mobile...
was feeling , naman PAO, ilabas nyo rin ang katotohanan.. wala namang mawawala kundi pera eh.. may madadagdag pa nga kung mapapatunayan na may nagsisinungaling eh...
>
putang ina naman, PhilHealth!
pinag-iisipan ko pa nga lang kung kakayanin ko nang maghulog sa inyo o ano..
tapos dagdag-hulog na rin ang pinag-uusapan ninyo...?
para kayong SSS at yung mga gustong pataasin ang maraming buwis...
was feeling , huwag na nga akong kasali...
>
yung mga may kilalang apelyido na malakas mag-demand na magpakita muna ng mga ebidensya laban sa kanila..
tapos ganun din naman ang ginagawa nila sa mga itinuturing nilang mga kalaban..
laging nauuna ang mga salita kesa sa ebidensya..
mas madalas pa nga na hanggang salita na lang eh...
intel..?
eh yung Marawi nga eh pinabayaan na masakop kahit na may intel na DAW pala noon eh..
kaya paano ninyo masasabi na nagagamit nyo nga nang tama yang mga mamahalin na intel ninyo...?
was feeling , sino-sino nga yung mahihilig sa fake news...?
---o0o---
September 13, 2017...
yung Php 1,000 na budget para sa CHR ay patunay lang kung gaano kademonyo ang kasalukuyang pamunuan..
ayaw nila ng mga pumupuna sa mga mali nilang pamamaraan..
ayaw nila ng konsensya..
gusto nila na sumunod lang ang lahat sa Hokage na Mahilig..
kaya naman lulumpuhin na nila ang mga hindi nila ka-panatiko...
yung mamahalin na non-intelligence fund na hindi naman nagagamit sa tama eh hindi nila makontrol..
pero kung sino pa yung gumagawa sa mga trabaho nila eh sila pa yung bubusalan...?
ano nga ba naman ang pakialam nila sa mga mamamayan..?
eh halos ligtas na ligtas sila sa kanilang mga katatayuan sa buhay..
siyempre ang mahalaga lang eh makapang-linta sila sa mga puwesto nila at palihim na makapagnakaw..
baka nga paghati-hatian pa ng mga bulok na kamatis na yun yung budget na para sana sa CHR eh...
hindi na rin ako magtataka kung tuluyang makipagkasundo ang basurang pamunuan sa Dictator Clan sa pamamagitan ng ganitong karuming branch...
mabuti na lang at hindi direktang nasa ilalim ng pamunuan ang media..
kundi ay mas madali rin nilang mabubusalan ang katotohanan...
was feeling , makiki-lynch na rin po sa mga bulok na kamatis...
---o0o---
September 14, 2017...
ang bilis ng karma, ano..?
sikat na kayo ngayon..
pinasikat nyo rin ang bansa..
mga pokpok ng pamunuan..
idadamay nyo pa ang lahat sa mga panggigipit ninyo...
mas masaya pa rin kung ili-lynch na lang ang bawat isa sa inyo...
— feeling , suntok pa.. mga mahihilig sa kamay na bakal...
sa Caloocan City na naman...
yung bahay na nilooban ng mga pulis..
may kasama pang bata na magnanakaw..
kesyo itinuro daw yung matandang babae na biktima bilang source o nagbebenta daw ng ilegal na droga eh...
was feeling , makikipatay naman po sa grupo na yun, pati yung bata...
>
baka nagamit na rin yung nakaw na yaman..
para ipagbukas ng bank account yung pinaka-mataas na hukom...?
well..
anything is possible kung magtutulungan..
kahit na sa masasamang gawain...
was feeling , ang kapamilya ng magnanakaw ay - masasamang tao...
>
bad news..
una..
merong may butas dun sa isang pakete ng Milo na nabili ko..
kaya bilang resulta, nagkalat na yung Milo powder sa loob nung pakete..
eh hindi ko naman napansin noong namimili pa lang ako dahil walang kalat doon sa mga visible sides...
hala, Milo..
bayaran nyo ako ng Php 1,000,000 kapalit ng aking pananahimik..
para hindi ko 'to ilabas sa social media..
LOL...
pero yung totoong bad news..
tumaas na ulit ang presyo ng mantika..
ni hindi na nakabalik sa Php 180 per bundle..
mula steady na Php 198 eh umakyat na ulit sa Php 204...
was feeling , wala eh.. busy ang lahat sa pangangamkam ng kapangyarihan sa pamunuan.. ni walang may gustong magpalakas ng ekonomiya ng bansa.. ang gusto eh ipasa lahat sa mga mamamayan ang mga gastusin...
---o0o---
September 15, 2017...
seryoso ba yung mga tumatambay sa Katipunan..?
as in nito lang nila na-experience yung Oplan Bakal..?
eh masusuwerte pa sila kung ganun...
eh matagal na yun eh..
2 na yata yung na-experience kong ganun noong bagong graduate pa ako..
at sa probinsiya pa yun..
at talaga namang target nila yung mga lugar kung saan may posibilidad nga na may lumutang na mga kontrabando..
yung tipo na madidilim na lugar kung saan umaabot ng madaling-araw ang puyatan ng mga tao...
at tama rin naman yung purpose nun..
para matakot nga ang mga tao na gumawa ng ilegal by doing random search...
pero sa bagay..
siguro kung may nakakatakot man sa panahon ngayon..
yun ay dahil nasa ilalim na tayo ng pamunuan kung saan may mga taong naghahabol ng accomplishment report..
kung saan may mga pinapatay na mga walang-laban..
kung saan madali na lang silang nakapagtatanim ng mga ebidensya..
at kung saan marami ang sumasali sa script-writing competition...
according to a source na nasa sistema..
40 heads nga daw yung quota sa Caloocan eh..
siguro naman eh per month yun..
so isa yung halimbawa kung gaano kadelikado yung panahon ngayon...
was feeling , ingat pa rin...
>
sa Lanao del Norte..
yung mag-ina na napatay ng mga pulis..
kundangan naman kasing sinusugod yung mga suspek sa lugar kung saan posible ngang may madamay na mga inosente eh...
hindi ba pwedeng pag-aralan muna yung lugar..?
mag-isip kung saang banda sa labas ng bahay pwedeng abangan at saka hulihin yung suspek...?
PS: kaya pala 4 yung napatay..
buntis pala yung babae... :(
tapos ay ni hindi nga daw yung napatay na lalaki yung totoong target ng operasyon na yun nung mga pulis eh, kundi yung kapatid nito...
was feeling , pero baka naman totoong nanlaban.. may natamaan DAW na pulis eh.. yun nga lang, kasama rin nga sa mga napatay yung mag-ina...
>
update sa kaso nung UP Passer at nung 14 y/o...
may lumabas na na CCTV footage..
hindi naman nakunan yung mismong krimen..
hindi rin naman nakunan yung mismong mga biktima..
pero posibleng clue yun kung anu-ano nga ba ang ginawa nung taxi driver at nung mga pulis noon...
kasabay 'to ng paglabas ng isa pang bagong testigo...
pero bakit ganun..?
parang hindi na naman tugma yung istorya dun sa version nung nauna nang lumabas na testigo...?
was feeling , at least may mas malinaw ng clue...
No comments:
Post a Comment