PVL - Collegiate Conference
September 16, 2017...
3 matches for Saturday..
kaso lugi ang sponsor..
hindi nakapag-commercial ng Creamline sa TV..
kailangan pa ng internet para lang mapanood yung paliga nila.. :(
S & A, pwede bang yung mga basketball na lang ang sa livestream, tutal mas may ticket sales naman sila eh...?
AdU versus TIP
3-0..
ni walang score ang TIP na umabot sa score na pang-2nd technical timeout..
mukhang si Galanza ang Player of the Game, or at least ang best scorer..
with 11 attack points, kahanga-hangang 6 service aces, at 1 kill block..
3-0 na rin sa rankings ang Lady Falcons..
last 2 matches..
Saint Benilde at San Beda..
bale labanan ng dating naging teammates, Galanza versus Racraquin...
konti na lang team..
para kay Lady Galanza... :)
ADMU versus LPU
3-0 rin naman ang naging laban..
pero laging medyo nakakadikit ang Lyceum..
halos balanse ang scoring ng Ateneo, si Tolentino lang ang hindi nabanggit ang pangalan..
nag-contridute din sina Samonte at Gaston ng tig-8 points..
this time sina Gopico, Gequillana, at Maraguinot naman yung hindi naglaro..
out na yata si Gequillana for the entire conference, or worse, baka hanggang sa UAAP na..
ano bang iniinom na gatas ng mga babaeng 'to at kahihilig sa injury..?
hindi naman ganun sa ibang team eh...
NU versus FEU
mantsahan na ng record..
dikdikan ang NU at FEU..
ang hilig lumagpas sa 25 set points eh.. XD
pero sina Jaja ang nanaig sa bandang huli..
Set 1 lang ang nakuha ng FEU, tapos dikitan nga ang Set 2 and 3..
preview ng UAAP match..
mukhang NU na nga ang pag-asa para muling wakasan ang dynasty ng La Salle at durugin ang 3-peat attempt nila...
unfortunately for Ateneo, within 4 sets lang natapos yung match..
kung umabot kasi yun sa Set 5, eh 2 points lang ang makukuha ng NU..
at kung matatalo ng ADMU ang NU within 3 sets, eh magtatabla ang ADMU, NU at FEU sa 4-1 sa standings..
pero magiging 12, 11, at 12 respectively naman yung katumbas nun sa point system, kaya NU yung malalaglag..
kaso hindi nga ganun ang nangyari, kaya aasa sila ngayon sa ratio..
so kailangan nilang talunin ang NU with a very good ratio sa point system kung gusto nilang makapasok pa rin sa Top 4...
was feeling , may pag-asa nga pala sina Galanza sa Battle for Third.. kasi posibleng UP yung makalaban nila...
---o0o---
September 18, 2017...
monday na lang yata talaga ang pag-asa na makapanood..
walang laban para sa kabilang group ngayong araw...
UP versus CSB
3-0..
wala ng pag-asa ang Saint Benilde na makapasok sa Semifinals...
Arellano versus TIP
TIP pala yung galing sa ibang liga..
3-0 rin siguro dahil mabilis lang natapos yung match..
basta Arellano ang panalo..
wala na ring hinahabol ang TIP sa conference na 'to kundi experience...
was feeling , hangga't nasa tuktok ang AdU, wala pang problema...
-----o0o-----
September 17, 2017...
[Gadget-Related]
bullshit!
at nangyari na nga..
after 6 months...
dahil sa kaka-attempt ng Windows 10 na mag-update sa version 1703..
eh are nga at nagkaroon na ng depekto yung sistema..
okay naman yung mga regular software..
kaso nagkaroon ng deperensiya yung mga Windows Apps..
kabilang na yung ilan na madalas kong gamitin gaya nung Photos at Calculator..
kailangan ko pa man din sa trabaho yung Photos..
nagsa-suggest naman yung system na bumisita sa Microsoft Store..
kaso eh pati yung Store eh sira na rin... :(
yan na nga ba ang sinasabi ko eh..
in-assume nila na lahat ng user eh may unlimited at fast internet..
nasa Php 4,000 yung media-less OS, tapos sila mismo yung nakakasira dahil sa mga update nila..
hindi naman pwedeng i-declare na metered yung connection dahil hindi rin makakapag-update yung Defender kapag ganun..
kundangan namang hindi nagbigay ng option na i-off yung update nung mismong OS...
kailangan ko pa tuloy mag-repair... :(
mabuti na lang at madali lang yung solusyon sa isang are..
tang inang Store yan..
panggulo eh...
was feeling , putang ina, parang Beta Test eh...
>
[Movies / Video]
medyo naiba na yung title..
parang bagong simula na...
hala naman!
hanggang Saw V pa lang ako eh..
hindi naman kasi ipinapalabas sa local TV channel yung mga ganitong level ng mga test eh...
kulang pa ako ng 3... :(
credit for this trailer goes to the original uploader...
— feeling , pwede yung ganitong test sa mga pulitiko dito sa bansa...
---o0o---
September 18, 2017...
[TV Series / K-ture]
Love in the Moonlight
pati pala si Eunuch Han ay nagsakripisyo ng kanyang buhay..
isa pa yun na matino ang mga pananaw pagdating sa pamahalaan...
okay..
buhay pala si Byung-yeon..
manlolokong palabas yun ah... :D
was feeling , pero matindi pala noong hindi pa uso ang DNA test.. asa lang sa kuwentuhan ang mga tao eh...
---o0o---
September 19, 2017...
tapos na sa grocery..
at wala na nga ulit si Emoji-Girl..
mukhang nagpalit na ulit ng shift...
anyway..
tapos na ako sa mga eksena sa clinic..
with 2 more ready-to-render files..
kailangan ko pa nga pala ng cover..
tapos lilipat na rin sa bagong setting...
ang good news for now eh nalagpasan ko na yung mga dati kong sales..
kaso posibleng sa ngayon lang yun dahil sabay-sabay na naka-sale lahat ng items ko..
basically, marami lang akong naa-attract na mga bagong buyers ng full set..
pero ang totoo ay maraming mga buyers noon na hindi pa rin kinukumpleto yung set nila, meaning baka wala na talaga silang balak na kumpletuhin pa yun..
pero sa bagay, masyado pa ring maaga para mag-conclude...
ang medyo bad news ay..?
hindi ako sumahod nitong September..
hindi ko alam yung dahilan..
kesyo naapektuhan ba sila nung natural calamity o ano..?
o dahil ba hindi ako lumagpas sa USD 100 mark last month..?
pero kasi USD 40 lang naman yung sinabi nila sa akin noon na minimum requirement eh..
pero may status naman yun sa database, so hindi ko pa kailangan na mag-alala sa ngayon...
was feeling , para sa November...
>
[Gadget-Related]
after only 2 days, bumalik kaagad yung problema..
at mas malala pa siya ngayon...
sa tingin ko yung mga apps na nakukuha sa Microsoft Store yung nadadali nung problema kapag nagloloko na yung mismong Store..
basta natatanga yung mga apps, na kesyo cannot open daw kaya mag-download na lang daw ulit mula doon sa Store..
pero imposible nga yun dahil yung mismong Store yung may depekto at hindi ma-open...
mas malala pa ngayon kasi..?
yung solution noong naganap yung unang error ay hindi na nagana ngayon...
buti na lang at hindi naman apektado yung WPS Office..
pero kailangan ko pa rin ng photo viewer para sa trabaho ko...
was feeling , putang ina Windows 10, Php 4,000 ka pero naglalason sa sariling sistema...
---o0o---
September 20, 2017...
[TV Series]
A Love to Last
eh sa gising pa ako habang nag-aaway-away sila eh...
parang tanga na..
araw-araw na lang nag-aaway yung mag-asawa..
malas-serye eh..
puros malas ang timing nung babae, tapos wala namang kabuluhan yung ipinagseselos...
ilang linggo na silang ganun..
bad influence na nga yung dating nila para sa ibang mga pamilya at ibang mga kababaihan eh..
pero ang nakakatanga kasi dun sa script na ginagamit nila..?
eh gumagawa naman ng effort yung lalaki at pati yung mga bata para iparamdam dun sa babae na hindi naman sila masisira..
pero makasarili talaga yung babae at gusto pa ngang ipa-sacrifice sa asawa niya yung career at possible legacy nito para lang masigurado niya na hindi na 'to madidikitan ng dati nitong misis..
na imposible ngang mangyari dahil may 3 anak yung dating mag-asawa, unless ipapatay na niya yung ex-...
baka naman ang ibig sabihin nung title nila eh "pag-ibig na magwawakas"...?
was feeling , nakakatakot naman yung mga ganung klase ng babae...
>
[Gadget-Related]
parang tanga na talaga 'tong Windows 10... :(
lumalabas na 2015 pa lang ay nangyayari na yung ganung error sa Store nila..
pero lumalabas rin na hanggang sa panahon nga na ito ay may mga ganung kaso pa rin..
meaning, hindi talaga nila ito nabigyan ng 100% fix magmula noong lumabas yung mga ganitong klase ng reklamo...
kagaya nun..
may sinubukan akong ibang paraan ng repair kagabi, pero hindi rin naman gumana..
sira pa rin nga yung mga apps simula nang buhayin ko yung computer kanina..
tapos nang mabalik yung internet connection matapos ang ilang segundo na power interruption eh biglang naayos na ulit yung mga apps...
was feeling , yung OS pa mismo yung abala sa trabaho...
>
nag-install ng mga ilaw sa may elevator at hallway..
hindi pa sigurado, pero mukhang okay naman...
may nakahanda na ring cover...
was feeling , lipat na...
---o0o---
September 21, 2017...
sa wakas..
na-confirm ko na..
naka-attend nga siya sa kasal ng kuya niya..
napanood ko sa video eh...
ganito..
isa sa basic knowledge na dapat alam ng mga tao sa panahon ngayon, ay hindi lahat ng magaganda ngayon ay sadyang magaganda na rin noon..
lalo na pagdating sa mga kababaihan..
yung weight shift..
yung pag-shift ng complexion..
ultimo pagpapalit ng hugis o body frame eh posible na sa panahon ngayon..
ni hindi nga kailangang maging mayaman para magawa yun, yung iba eh at least ay stable lang sa mga buhay nila..
at talaga namang nakamamangha kapag na-witness mo yung transformation ng mga paru-parung yun..
talaga namang matatawag na metamorphosis, with the help from Science...
dahil rin dun, napapaisip ako kung paanong may mga malolokong nagagawa pang iwanan lamang yung mga ganitong klase ng mga babae..?
parang unfair kasi na ipinagkait sa kanila yung pagkakataon na maikasal sila sa simbahan, considering the fact na mga babae talaga yung gustong maranasan yung ganun sa buhay nila..
tapos ang mangyayari eh madadaanan lang sila ng mga lalaking LK lang ang habol, after that at kapag naanakan na sila eh maghahanap na ulit ng ibang bubuntisin...
kung titingnan kasi sila sa ngayon eh mukhang kakasalin naman sila..
yung mga tipo na pwedeng dalhin sa altar..
kaso nasira lang sila ng mga previous relationships nila..
pwede na ring sabihin na nasira sila ng sariling mga maling desisyon nila...
was feeling , pero siguro nga mas gumaganda ang mga babae kapag sinasaktan yung puso nila...
---o0o---
September 22, 2017...
[Online Marketing]
items on pages 3, 5, and 6 ng main site..
tapos 2 items naman ang nasa page 1 ng supplementary site..
ang pag-sort ay according sa popularity... :)
kaso hindi pa rin balanse ang sales..
yung sales ng 3rd issue ay wala pa sa kalahati nung sa 1st issue..
so basically, sayang rin yung gap na yun..
hindi ko pa nama-maximize yung market ko...
sa ngayon, napag-iwanan na talaga ng performance ko for September yung sa mga nakaraang buwan..
but again, naka-promo kasi ako...
was feeling , titingnan kapag lumabas na ang Halloween issue...
>
[TV Series / K-ture]
Love in the Moonlight
ang isa pa sa pinakamalupit na sakripisyo..
yung ikaw ang magli-lead sa grupo na mag-a-assassinate sa babaeng pinakamamahal mo..
tapos eh uubusin mo silang lahat para lang maprotektahan siya...
si Kim Yoon-sung..
ang pinakamaraming hinawakan na talim ng Korean katana, para lang iligtas ang mga taong mahalaga para sa kanya... :(
was feeling , yung lalaking gumagawa ng tama sa ngalan ng pag-ibig...
---o0o---
September 23, 2017...
[TV Series]
A Love to Last
LOL!
akala ko ang magiging ending ay ipapasa na sa Kongreso ang Divorce Bill..
tapos ay medyo mas magiging madali na para sa lahat ng mag-asawa ang maghiwalay kapag nasumpungan nila..
at mag-aasal aso na ang mga mahihilig sa maramihang partners...
kalokohan..
yung sinuyo na ng mga bata at ng kanyang asawa, pero wala pa rin..
considering na rin na wala naman talagang ginagawang mali yung lalaki..
tapos sa babaerong ex- pa siya nakinig...?
yung parang lahat ng kaartehan at takot (o multo) ng mga kababaihan eh pinagsama-sama sa iisang character sa loob ng sunud-sunod na araw...
is feeling , buti na lang at hindi siya yung tipo na namumutol ng tutut kapag tinopak ng selos...
No comments:
Post a Comment