Friday, September 8, 2017

Steal Now, Pay Later & The War Against Innocent People

NOTE: this is not news..
i am not a reporter/journalist nor an influential person..
but there are summary of news featured in this post..
it will require research in order to get the whole story regarding each particular news that is featured in here...


kapag pinatawad ng kasalukuyang gobyerno ang Dictator Clan..
eh ano na lang nga ang iisipin ng iba pang mga nasa katungkulan...?

hindi ba parang sinasabi na rin nila na okay lang na gawin yun ng kahit na sino sa kanila..?
yung kagaya rin ng Playgirls-Client teknik..
nakaw now, return later...

was feeling , baka naman gusto rin ng Hokage Clan na gamitin yung teknik kaya nila ini-encourage ngayon ang pagpapatawad sa mga demonyo...?

---o0o---


update ulit (167 na)..
medyo in-organize ko rin yung mga kaso..
una (untikan ko nang makalimutan 'to), ang pagtataksil sa interes ng bansa at ng mga (ibang) mamamayan (lalo na yung mga naging biktima), at pagbalewala sa kasaysayan at dangal ng bansa:
  • ang pagpapalibing sa bangkay ng isang Diktador sa isang makabuluhang national cemetery
  • yung pagbibigay ng permiso sa isang Imperyalistang nasyon (na lantarang nang-aagaw at nang-aangkin ng mga teritoryo) ng kalayaan para mag-explore sa teritoryo na posibleng mapagkunan sana ng mahahalagang resources ng bansa
  • yung kagustuhan na kontrolin kung sinu-sino ang mga mamumuno sa mga Barangay hanggang 2020
  • yung pahiwatig na gusto niyang ipatupad yung Martial Law na katulad nung sa Dictator Clan
  • ang paulit-ulit na pagre-relate ng mga tao sa kanyang mga rape comments na para bang ginagawa pang katatawanan ang bagay na yun
  • ang pambabastos sa lider ng isang bansa na mahilig sa mga delikadong armas, kahit na hindi naman kaya ng bansa na lumaban in case na mapikon ang mga yun
  • yung pati kaso ng pagnanakaw sa bayan ay gustong iareglo para lang sa Dictator Clan kahit na pang-bobo yung alibi ng tagapamagitan nila
  • yung statement tungkol sa kagustuhang bombahin ang mga Lumad schools

are yung ang involved o semi-involved eh mga identified talaga bilang awtoridad:
  • yung mga lalaking itinumba kahit na naka-posas na sa likod
  • yung 4 year old daw na bata na nadamay sa pagpatay ng mga pulis sa tatay niya
  • yung army reservist na pumatay ng lalaking naka-bike matapos ang road rage at matapos nilang magsuntukan sa kalye, tapos may nadamay pang isang sibilyan sa pamamaril niya
  • yung OFW na dinakip sa checkpoint at naging biktima ng torture at pagpatay
  • yung mga taga-Quezon na hinuli sa parang raid, pero wala palang record ang mga pulis ng naging operasyon na yun laban sa kanila, at may natagpuan na lang na mga sunog na bangkay na pinaghihinalaan na sa mga taong yun na pinagdadakip nga
  • yung kaso nung Australian, kung saan hindi nag-match yung statements ng mga arresting officers kumpara sa naging kuha ng CCTV, at may alegasyon pa ng tangkang pangingikil (this happened sometime before the current administration)
  • yung kaso involving Makati Police, kung saan inaresto ang isang OFW gamit ang gawa-gawa lang naman DAW na dahilan, at tinakot DAW na gagawing related sa ilegal na droga kung hindi magbibigay ang pamilya niya ng Php 500,000
  • yung kaso ng pagpatay sa Regional Chairperson ng Citizens Crime Watch sa Oriental Mindoro, kung saan Police Senior Inspector at Inspector (police awardee pa yung isa) yung nahuling mga suspect, at may mga kagamitan talaga sila na pang-riding-in-tandem
  • sa Zamboanga del Sur, yung nakunan sa CCTV na sundalo na pinagbabaril ng 2 na-identify bilang mga pulis
  • yung Mayor sa Mindanao at ang mga kasama niya na hinihinalang pinatay sa rubout
  • sa Ozamiz City, yung pagpatay o pagtumba daw ng mga pulis sa grupo ng mga suspek, at tila i-d-in-isplay pa ang mga bangkay nila sa harap ng munisipyo
  • yung kaduda-dudang raid laban sa mga Parojinog sa Ozamiz
  • yung pagkamatay ni Mayor Espinosa; nakakulong na, hinainan daw ng search warrant kahit na madaling araw na, nawawala ang kuha ng CCTV, at nakapanlaban daw
  • yung mabilis na pagre-reinstate dun sa Marcos (pulis ng Region 8 na sangkot sa kasalukuyang kaso/istorya ng mga Espinosa) at tila pagiging 'maluwag' ng mga kinauukulan sa iba pang pulis na involved
  • yung patuloy na pagkampi sa mga pulis ng Region 8, matapos ang findings na murder nga DAW yung ginawa nila laban kay Mayor Espinosa, hindi pa man sila napaparusahan pero may nakapangako na kaagad na absolute pardon para sa kanila
  • yung kidnapping ng isang civilian last October daw na nakunan ng CCTV, na ang sangkot ay mga pulis na hindi naka-uniform
  • yung kaso sa Lemery, Batangas kung saan may claim na nauna (higit na mas maaga) daw hinuli yung mga drug suspects nang mga naka-civilian na pulis na wala namang dalang warrant, pero hapon na noong kuhanan ng mga pictures at inventory na may kasama ng mga ebidensiya laban sa kanila
  • sa Tondo, yung 2 lalaki na napatay ng mga pulis dahil nanlaban daw, at tila binutas-butas pa daw yung katawan, pero nakunan naman ng CCTV yung maayos nilang pagsama sa mga pulis
  • sa Caloocan, yung ginawang pagtumba ng mga pulis sa 17 y/o na Grade 11 student na pinalabas nila na nanlaban
  • yung hinihinalang pagtumba dun sa 19 y/o na UP Passer
  • yung pagpatay ng isang pulis sa lalaking nanlaban DAW matapos mag-amok sa isang bangko sa Laguna na nakunan naman ng CCTV camera  
  • yung pamamaril ng isang lasing na pulis sa Misamis Oriental na ikinasugat ng 4 na katao 
  • yung nakainom na pulis sa Negros Occidental na namaril din at nakapatay
  • yung ginawang pananampal at panggugulpi ng isang sundalo sa isang bar sa Isabela, supposedly eh naka-duty daw siya, at nanggulo DAW doon dahil gusto ng nude dance/show
  • sa Sorsogon, yung pangho-holdap ng isang sundalo sa isang remittance center, na supposedly eh naka-duty rin siya during that time
  • yung pulis na nambugbog ng makulit na matandang lasing, at inilagay pa niya sa paso ang batas
  • sa Ozamiz, yung nakunan ng video na pananakit ng isang police chief inspector sa isang nahuling suspek
  • sa Quezon City, yung pulis na dati nang nasuspinde, na inaresto dahil sa pambubugbog daw sa kanyang stepson
  • sa Negros Oriental, yung pulis na nakunan ng video habang pinatapat ang tenga ng isang sibilyan sa muffler habang pinapaandar yung motorsiklo
  • yung pulis sa Sta. Mesa na namaril ng sibilyan na binu-bully DAW nito parati at sinaktan pa bago yung insidente, matapos na rumesbak yung biktima na may dalang bato at itak
  • yung buy-bust operation DAW sa Caloocan, na ginawa ng mga naka-sibilyan na naka-hood at mga naka-maskara at hindi na mga pulis, na natunugan DAW, kung saan 2 magbiyenan na drug-related suspects ang napatay sa loob ng kanilang pamamahay
  • yung napatay na 17 y/o sa Caloocan City na hindi naman target pero nadamay daw sa ginawang buy-bust operation, nakita daw siya na may baril kaya pinatay na
  • sa Maguindanao, yung 2 bata na edad 6 at 10 daw na nadamay at napatay sa ginawang anti-illegal drugs operation sa kanila, kung saan nasugatan rin daw yung 2 pa nilang mga bata rin na mga kapatid
  • yung pulis na namaril ng kapwa pulis sa Lipa City
  • sa Pasay City, yung miyembro ng army na nakainom, nagwala, at nakipagbarilan pa sa mga pulis
  • yung pulis na nang-rape ng sibilyan sa Calamba City, na ginamit DAW yung pagka-pulis niya para kunwari ay magpapatulong lang dun sa biktima
  • yung pulis na binaril yung menor de edad na isinasama lang DAW niya
  • yung pulis Mandaluyong na aksidenteng nakabaril sa Nasugbu, Batangas dahil DAW ipinagmamalaki niya yung baril na na-issue sa kanya
  • sa Manila, yung pulis na namaril sa isang bar, na napatigil gamit ang phaser gun
  • sa Agoncillo, Batangas, yung pulis na pumatay ng isang municipal nurse nang dahil lang sa away-pag-ibig
  • yung SAF na nambugbog ng traffic enforcer sa Bacolod matapos siyang masita na nagawa niyang traffic violation
  • sa Dumaguete, yung 5 pulis (hindi naman naka-uniporme o naka-duty) na nambugbog DAW dahil sa isang basketball game
  • yung nakunan ng CCTV na pulis (na naka-sibilyan) na nanggulpi ng lalaki na sinubukan na DAW humingi ng tulong sa mga pulis sa isang presinto ng QCPD, ikinulong pa nila yung lalaki at ipinaako DAW sa kanya lahat ng pagkakamali, at dahil yun sa away-trapiko pa rin
  • sa Mandaluyong, yung 2 lalaki na hinuli dahil sa pag-iinuman sa kalye, pero nakunan ng cellphone video na pinagpapapalo ng kahoy ng isang pulis
  • yung sa General Trias, Cavite, yung 3 pulis na nang-torture rin daw ng 2 preso at pinilit pa yung 2 na maghalikan habang nanonood sila
  • sa Tondo, yung pulis na pinaghahanap dahil sa indiscriminate firing, na posibleng handa lang daw para sa birthday yung pinag-ugatan
  • sa Manila, yung naka-AWOL na pulis na nagpaputok daw ng baril at nakatama ng 2 menor de edad, at nanapak pa daw
  • sa Antipolo City daw, yung jeepney driver na pinatay daw ng isang pulis Maynila dahil lang sa away-trapiko
  • yung nakunan sa CCTV na police escort na nakabundol ng batang estudyante, pero itinanggi daw na siya yung nakabundol at tinakasan pa yung biktima
  • sa Rodriguez, Rizal, yung road rage na nauwi sa barilan sa pagitan ng isang pulis at isang retired US navy, dahil dun ay nadamay at nabaril yung pasahero nung US navy 
  • sa Cabanatuan, yung 2 pulis na naka-droga na namaril at pumatay ng 2 katao, na ikinasugat ng 1 pa
  • yung CCTV footage na ibinigay kay Senator Lacson, na nagpapakita kung paanong tinaniman ng mga pulis DAW ng ebidensya ang isang opisina, tapos ay saka ni-raid yung lugar
  • yung na-hulidap na Korean, na nahingan na nga ng ransom yung pamilya, pero pinatay pa rin talaga yung biktima sa loob pa mismo ng kampo ng mga pulis
  • yung mga South Korean na na-hulidap sa Pampanga, na nakunan ng CCTV, na hinuli gamit ang alibi na sangkot sila sa illegal online gambling, na ilang oras ikinulong sa police station at pinakawalan lang matapos magbigay ng pera
  • sa Quezon City, yung 4 na pulis na nahuli dahil sa kaso ng kidnapping at extortion, isang lalaki at yung kasintahan niya ang naging mga biktima
  • sa Taguig, yung magkakasabwat na mga barangay officials at isang pulis sa pangingikil sa mga taong hinuhuli nila
  • sa Laguna, yung Kagawad at ang mga kasamahan niya na nangingikil daw ng mga dayuhan at mga kilalang personalidad bilang pangsuporta daw sa adhikain ng Hokage na Mahilig
  • sa Antipolo City, yung 4 na pulis na inaresto dahil sa pangingikil daw sa isang PWD, mukhang may mga props rin sila na mga baril at ilegal na droga
  • yung maramihang pagsibak sa mga pulis sa Parañaque dahil DAW sa mga kaso ng pangongotong
  • sa Ilocos Norte, yung 2 pasaway na pulis, na naka-off na daw sa duty, pero nahuli namang nag-iinuman sa kanilang presinto
  • sa malapit sa lugar ng giyera, yung kaso ng harassment ng isang sundalo yata yun laban sa mga estudiyante
  • ang patuloy at malaking bilang ng mga pulis na lumalabas na positibo sa paggamit ng ilegal na droga through drug test  (ang isa sa butas ng laban kontra sa ilegal na droga)
  • sa Las Piñas, yung opisyales na pulis na related sa PNP Crime Laboratory na nahuling gumagamit ng ilegal na droga sa isang drug den
  • yung PO1 na sangkot daw sa ilegal na droga at miyembro rin daw ng sindikato
  • yung 3 sundalo DAW na nahulihan ng mga drug paraphernalia sa Cebu City
  • yung nasa 160 pa na mga pulis na inire-recommend ng PNP-IAS na pagsisibakin na dahil sa involvement nila sa ilegal na droga
  • sa Bacolod, yung naka-AWOL na pulis na nahuli sa buy-bust operation
  • sa Catanduanes, yung nagbitiw na pulis na umamin na totoo DAW ang pagtatanim ng mga ebidensya at extrajudicial killings
  • sa Bacolor, Pampanga, yung government employee na biktima ng tanim-droga ng mga pulis at mga miyembro ng PDEA, yung hindi nagtugma yung written report sa kuha ng CCTV
  • sa Manila, yung 4 na senior citizen na naging biktima rin DAW ng tanim-droga at tanim-bala ng mga pulis, may kuha ng CCTV tungkol sa kuwestiyonableng operasyon nung mga pulis eh, namatay pa yung isang matanda sa loob ng kulungan
  • yung babaeng biktima daw ng tanim-droga teknik ng 11 Pulis Malabon
  • yung New Bilibid prison guard na sinubukang magpuslit ng hinihinalang ilegal na droga sa pamamagitan ng pagtatago nito sa loob ng kanyang brief
  • sa Cainta, Rizal, yung dating military intelligence officer na nahuling nagtutulak ng ilegal na droga
  • sa Pagadian City, yung bahay ng nag-AWOL na pulis na nakunan ng nasa Php 89,000 worth daw ng ilegal na droga

are naman yung mga hindi pa malinaw kung anong klase nga ng mga tao ang involved o hindi tiyak o nabanggit kung sino ang nakatama:
  • yung honor student na choir member na ginamitan ng karatula
  • yung 5 year old daw na bata na nadamay sa tangkang pagpatay ng mga hindi kilalang tao sa lolo niya
  • yung 5 year old na taga-Pasay na napatay habang natutulog dahil nadamay sa pagpatay sa tatay niya na siya daw target nung hindi nakilalang tao
  • yung pagkamatay ng bagong binyag na bata (na tinamaan ng ligaw na bala) sa Bulacan dahil nadamay sa pagpatay sa kanyang ninong na involved DAW sa droga
  • yung pagkadamay at pagkapatay sa isang manliligaw sa Quezon City dahil involved daw yung nililigawan niyang babae sa ilegal na droga
  • yung kaso sa NCR kung saan nadamay at natamaan ng bala ang isang sibilyan dahil sa paghahabulan ng mga pulis at ng isang suspek
  • yung 2 sibilyan sa Laguna na nagsisimbang-gabi lang sana, na nadamay (napatay yung batang babae) sa pamamaril  ng mga hindi pa nakikilalang mga suspek sa isang barangay tanod na related din daw sa ilegal na droga
  • yung tila 2 grupo ng tao na napatay sa Caloocan City, na either drug related daw yung isang grupo kung kaya't nadamay sa tumbahan yung mga miyembro daw ng frat, o dulot ng frat war na ang nadamay naman eh yung ilang drug related personalities
  • sa Caloocan, yung mag-live in partner na pinatay daw ng mga taong nagpakilala na mga pulis
  • yung 14 y/o na dalagita na nadamay sa pamamaril ng mga taga-tumba sa target nilang drug-related personality daw, sa Caloocan yata yun
  • sa Caloocan, yung 5 y/o na bata na nadaplisan ng bala dahil sa nangyaring tumbahan sa isang hinihinalang drug den, kung saan may mga napatay rin
  • hindi ko nakuha yung lugar, pero yung kaso kung saan may 1 napatay at 6 na nadamay sa pamamaril daw sa isang dating nagbebenta ng shabu
  • sa Tondo, yung 14 y/o na dalagita na natamaan sa mata at napatay ng ligaw na bala mula sa pamamaril ng riding-in-tandem, namaril DAW para takutin yung may pagkakautang sa kanila sa ilegal na droga eh
  • sa Makati, yung mga lalaking naka-uniporme daw ng pang-pulis na nakuhanan ng video habang nananakit DAW ng isang babae, may tutukan pa DAW ng baril na nangyari
  • yung Japanese na negosyante na mukhang planadong itinumba habang nasa bansa
  • sa Tondo, yung taxi driver, na kolektor daw na asset ng mga pulis, na itinumba ng riding-in-tandem, kaso ay tumagos pa yung bala sa ulo nito kaya may babaeng nadamay at natamaan din
  • yung pagtumba sa foreigner na sangkot daw sa ATM skimming
  • sa Caloocan, yung tricycle driver na itinumba sa hindi pa malamang dahilan dahil wala naman ang pangalan niya sa listahan ng mga drug-related personalities, at may nadamay at natamaan pa na ibang tao sa pamamaril na yun
  • yung pagpatay sa 14 y/o na supposedly ay kasama nung pinatay ng mga pulis na 19 y/o UP Passer, na sa Nueva Ecija na natagpuan

heto naman yung mga may kinalaman sa kahinaan ng kasalukuyang penal system at pagpapatupad ng iba pang mga batas at patakaran sa bansa:
  • sa Pasay, yung target ng buy-bust operation na nakapatay at nakasugat ng mga pulis, grupo sila eh, at yung main target daw ay marami ng record ng krimen pero talagang nakakalaya pa rin
  • sa Siquijor, yung 2 babaeng estudyante na napatay sa pananaksak ng isang lalaki ng naka-droga at lasing din daw noon, according sa istorya ay may iba sana siyang papatayin dahil natakot siya na isuplong siya tungkol sa paggamit niya ng ilegal na droga, kaso ay ibang mga inosenteng tao yung napaglabasan niya ng kanyang kasamaan 
  • regarding sa pag-determine ng edad na pasok sa criminal liability, yung pulis sa Dipolog na ginulpi ng mga kabataan at untik nang mapatay matapos niyang umawat lang sa rambulan ng mga ito
  • sa Tondo, yung nakunan sa CCTV na rambulan ng mga kabataan sa gabi, kung saan makikita na nagpapaputok ng baril yung isa at nanuntok pa yung isa ng umaawat lang daw sa kanila, butas pa rin ito sa sistema ng pag-regulate sa mga baril at sa pag-determine ng edad kung kailan may pananagutan na ang mga mamamayan sa batas
  • in general, ang pagiging maluwag ng batas laban sa mga menor de edad na mga kriminal
  • yung kung sino pa yung mga aminado sa mga krimen na paulit-ulit na ginagawa nila o yung may solid na ebidensya regarding sa ginawa nilang krimen, eh sila pa talaga yung nananatiling buhay
  • regarding sa batas trapiko, yung 2 lola na parehong namatay matapos mabangga ng humaharurot na tricycle habang tumatawid sila sa pedestrian lane
  • dahil pa rin sa kawalan ng kontrol sa mga armas, sa Cavite, yung lalaki na hinuli at dinala sa isang motel at balak i-hulidap ng mga lalaking nagpanggap na miyembro ng PDEA at PNP
  • yung lalaking binaril ng isang motorcycle rider na posibleng dahil lang DAW sa naharangan niya ito sa kalsada
  • ang naging pag-atake sa Resorts World Manila
  • yung nangyaring saksakan at patayan ng mga high profile inmates sa loob ng Bilibid kahit na pinataas na DAW yung seguridad doon at mga SAF pa ang nagbabantay
  • yung panibagong kaso DAW ng VIP treatment para sa mga high profile inmates na lumabas sa balita nitong February 2017
  • sa Maynila, yung nakunan sa CCTV na matanda na tinutukan ng baril ng 2 naka-sibilyan na mga pulis dahil napagkamalan daw siyang magnanakaw 
  • sa Dasmariñas, Cavite, yung ikinulong nang dahil sa sakla, na pinatay ng mga nakasama nitong preso habang nakaposas siya
  • sa Lanao del Norte, yung bilanggo na pinatay sa loob ng kulungan ng mga kakosa niya
  • yung sikretong kulungan na nadiskubre ng CHR sa isang station ng MPD
  • eh yung pagtutumba sa mga persons of interest na iniuugnay sa Bulacan Massacre, gayung dapat ay pinoprotektahan na sila ng mga pulis para naman mapalabas talaga yung totoo tungkol doon sa kaso
  • yung kapabayaan ng mga awtoridad sa pag-handle sa suspek sa pangre-rape at pagpatay sa isang pageant winner sa Samal Island na nauwi sa panlalaban DAW nito at sa pagpatay sa kanya
  • yung kapabayaan rin ng mga awtoridad sa pag-handle sa suspek sa pangre-rape at pagpatay sa isang 8 y/o na bata sa Nueva Ecija, na dahilan kung kaya't nagawa DAW nitong mang-agaw ng baril at makapagpakamatay
  • yung kagustuhan ng kasalukuyang DTI na ibigay na sa mga negosyante at/o mga kompanya ang kakayahan na i-regulate ang suggested retail price (SRP) para sa mga produkto nila
  • yung pagkampi ng Supreme Court sa photobomber
  • ang hindi pagtupad ng PHLPost sa kini-claim nilang bilis ng paggawa at pagde-deliver ng Postal ID, at ang kahinaan ng support center nila
  • yung mali at mapanlinlang na paraan ng evaluation ng Department of Tourism sa performance ng kasalukuyan at nakaraang administrasyon
  • yung mga isyu na lumalabas ngayon tungkol sa BOC at sa mga mambabatas dahil sa ginagawang pananabon ngayon sa Customs
  • yung problema sa mamahaling elevator para sa pedestrian overpass sa Lipa City
  • yung pagkabasura ng Commission on Appointments sa pagtatalaga kay Lopez bilang secretary ng DENR na obvious naman na iginapang
  • yung pagkabasura ng Commission on Appointments sa pagtatalaga kay Taguiwalo bilang secretary ng DSWD dahil DAW hindi magagamit na gatasan yung ahensya sa ilalim ng pamumuno niya
  • yung pagri-reveal ni Attorney Anderson sa tangka ng isang mataas na opisyales na mag-promote ng isang hindi qualified na tao para sa Bureau of Customs
  • ang kabulukan ng hustisya, yung ginawan na nga ng grupo nina Failon ng pabor ang buong bansa, pero talagang sila pa yung kinasuhan dahil lang sa binayaran na yung obvious na ninakaw na pera ng gobyerno noon
  • yung sapilitang pangunguha ng mga miyembro DAW ng Kadamay ng mga housing projects sa iba't ibang lugar, at ang pagkunsinti sa kanila ng gobyerno
  • ang kakayahan ng mga miyembro ng mga teroristang grupo na mapakawalan o makatakas pa sa kamay ng batas
  • yung naging pagsabog sa Quiapo na nakasugat ng nasa 14 na katao daw, at nangyari yun kung kailan supposedly eh mataas ang seguridad sa bansa lalo na sa NCR
  • sa Pandacan, yung 7 buwan na sanggol na nagtamo ng 3 tama ng baril dahil sa isinagawang anti-illegal drugs operation sa kanilang lugar
  • follow up para sa 7 months old na sanggol news, hindi pala nagkusa yung mga pulis na imbestigahan kung sinu-sino nga ang totoong nakabaril doon sa bata, at may claim pa na diniktahan lang daw para pumirma sa affidavit yung lola nito
  • sa Pasay, yung pulis na naglabas at nag-display ng kanyang baril habang nakikipagtalo sa 2 binatilyo
  • sa Pasay, yung itinumba na negosyante na may-ari ng furniture shop na hindi daw kaagad hinayaan ng mga pulis na maisugod sa ospital
  • yung 73 y/o na lalaki na nakaladkad at nagulungan pa daw ng bus, na hindi na naman hinayaan kaagad ng mga pulis na maisugod sa ospital
  • yung hindi magkatulad na magkahiwalay na statements nung taxi driver na hinoldap daw nung 19 y/o UP Passer, na hindi rin tugma sa report ng mga pulis, at tila nagtatago na yung driver ngayon
  • yung kuwestiyonableng naging kahinaan ng seguridad sa Marawi sa kabila nang patuloy na pagkilos ng mga terorista sa Mindanao, sa kabila ng patuloy na mga bantaan mula sa magkabilang panig, at sa kabila ng pagkakaroon ng malaking halaga ng intelligence fund
  • yung pagkatumba sa 4 na suspected na miyembro ng Maute habang ibinabiyahe sila, ito ay sa kabila nang may ipinapatupad ng Martial Law sa region na yun
  • yung lalaking napagkamalan daw na miyembro ng Maute at hinihinalang t-in-orture ng mga sundalo
  • yung may mga nangyayari pa rin daw na nakawan sa mga lugar sa Marawi na kontrolado na ng mga militar
  • yung posibilidad daw na nakatakas na yung mga lider ng mga terorista sa lugar ng digmaan, gayung may claim rin ang mga awtoridad na kesyo natunugan naman daw nila yung tungkol sa pagtakas
  • yung pagpapadala ng mga tiwaling pulis sa lugar ng digmaan, sa halip na sibakin na sila sa trabaho at hindi na pasuwelduhin pa ng mga mamamayan
  • yung mukhang may nakapasok na daw ulit na mga armadong grupo sa lugar ng giyera
  • yung pagpapababa daw ng DOJ sa kaso ng Marcos Police Group
  • kasali pala yung Dictator Clan sa problema ngayon sa Norte
  • ang pag-amin ng miyembro ng Dictator Clan na binalewala nga nila ang proseso ng bidding sa kanilang pamimili
  • yung VIP treatment sa isang opisyales, kahit alam naman nila yung patakaran na nagbabawal nga sa kanila na pumunta sa mga casino

at may kaso na iba-iba ang kategorya:
  • yung pagkamatay ng isang 9 year old na bata, na pinaghihinalaang pinatay ng mga menor de edad; na natagpuan yung bangkay na nakagapos ang mga kamay, na binugbog daw, pinutulan ng mga daliri, at may hiwa pa sa tiyan
  • yung pagsu-suicide daw ng isang Director Villa ng ERC dahil sa katiwalian sa trabaho nila
  • isama na rin yung pagkalat ng mga fake news at paid trolls sa social media
  • ang maya't mayang pagpapalabas ng fake news o mind-conditioning news ng mismong mga nasa katungkulan
  • yung mali-maling listahan na inilabas ng Napolcom
  • yung Oplan Cyber Tokhang
  • yung mga sundalo sa Marawi na napatay sa sarili nilang air strike na laban sana sa mga terorista
  • yung isa pang air strike na sa labas naman daw ng Marawi nangyari
  • yung isa na namang air strike na nakapatay sa sariling mga kakampi, pangalawa yata yun na nakapatay at ikatlo ng error
  • ang maya't mayang pag-target ng gobyerno sa basic needs para gawing gatasan ng buwis
  • yung naaprubahan na 24% increase sa cargo handling tariff
  • eh yung pati pagkanta sa Pambansang Awit ay balak nang lagyan ng limpak-limpak na halaga ng penalty
  • yung pahayag ng ilang kabilang sa Bilibid 19 na babaliktarin nila ang kanilang nakaraang mga statements kung ililipat sila ng piitan
  • yung paggamit ng PNA sa logo ng kompanya ng agricultural products para sa Department of Labor and Employment
  • yung naparangalan ang isang pulis na posibleng may ginawang iregularidad sa pagpapatupad ng batas 
  • yung ayaw mag-imbestiga nang husto puwerket may kilalang apelyido na nadadamay, di tulad sa kaso ng ibang mga tao na paspas ang mga pagpapahiya at panghuhusga
  • yung kapag nasa tuktok ang nagsasalita ng kung anu-anong masasama ay hindi nila kinokontra, pero kapag hindi na nila kakampi sa pulitika yung nagsasalita ng hindi kanais-nais para sa pananaw nila eh idinadaan nila sa sistema
---o0o----


September 3, 2017...

bad news muna ulit...

sa Caloocan din daw..
yung isa pang tila itinumba ng mga pulis..
19 y/o na matalinong estudyante base sa academic achievements niya...

kesyo sinubukan daw mang-holdap sa taxi eh..
at nanlaban at nakipagputukan daw sa mga pulis...

ewan..
pero parang wala pa yatang CCTV footage na lumulutang regarding sa ginawang pagpatay sa kanya..
(sorry, hindi ako full-time na nakatutok sa TV)...

pero base sa autopsy..
eh mukhang na-torture pa daw yung biktima..
na posibleng palatandaan na hindi naman siya basta napatay lang sa pakikipagbarilan...

remember yung mga istorya sa panahon ng Dictator's Martial Law..?
kung paanong basta na lang nawawala ang ibang tao..
dumadamaan sa torture..
yung mga babae dumadamaan pa sa rape..
kung paano sila puwersahang pinapaamin na miyembro sila ng kung ano..
at saka namamatay yung iba sa kanila..
at karamihan sa mga iyon ay kagagawan ng mga tauhan ng pamahalaan..
sana mabasa niyo lahat ng article at records...

PS: wala daw palatandaan na nagpaputok ng baril yung biktima eh..
though matagal na yung bangkay niya, halos kalapit lang sa date nang pagtumba dun sa Grade 11..
pero sa tingin ko naman eh hindi nila basta-basta malulusutan yung punto na malaki ang posibilidad na naiposas pa yung biktima at nakaladkad...

pero ang masama nito..
kailangan daw na magsampa muna ng pormal na kaso yung pamilya nung biktima bago muling mag-imbestiga ang mga pulis..
meaning kailangan pa nila ng tapang na maghabol ng hustisya laban sa mga awtoridad..
nakakalungkot lang na hindi pala automatic yung reinvestigation kahit na may posibilidad na may nangyaring mali sa pagpatay sa isang tao...

was feeling , War Against Innocent People..? War in order to Pretend that there is War...?

>
wala..
mukhang dire-diretso na 'tong pagluluto ng pagka-absuwelto sa mga kaso ng demonyong Dictator Clan..
ginagamit talaga ng Hokage na Mahilig ang kanyang popularidad para mabura lahat ng record nung mga kaibigan niya eh...

hindi na ako magtataka kung nakaw na yaman ang ginamit nila sa kampanya..
simula pa sa commercial ng pagmo-motor...

sa tingin ko nga ngayon eh napasukan rin ng mga kontroladong tao ang sistema ng edukasyon simula pa noon..
dahilan kung kaya't masyadong napasimple at na-censor ang paksa tungkol sa Dictator's Martial Law sa mga History subjects..
dahilan para hindi mamulat ang kamalayan ng mga bagong henerasyon..
hindi na-emphasize kung gaano kademonyo ang Dictator Clan at lahat ng mga hinayaan nilang makiabuso sa kapangyarihan sa ilalim ng kanilang pamumuno noon...

sa tantsa ko, yung ginagawa nilang operasyon-linis ngayon ay in reference sa ginawang pa-traydor na paglilibing noon sa basurang Diktador..
base kasi sa bilang ng mga nag-protesta eh maipagyayabang nga naman nung Hokage na kesyo "anong sinabi ng bilang na yan laban sa mga panatiko ko? pakitaan na lang ng drone-shot!"..
ni walang kakayahan ang mga nagprotesta na harapin ang mga awtoridad at puwersahang bungkalin yung basura sa maling tapunan nito..
at gaya rin nga ng inaasahan, napagod rin ang mga taong nagpapahalaga sa dangal ng bansa, dahil walang ibang susundin ang Hokage kundi kung ano lang yung gusto niya at ng mga kaibigan niya...

unti-unti nilang tinatantsa ang pulso ng mga mamamayan..
at dahil napansin nila na marami na sa panahon ngayon ang walang pakialam sa aral ng kasaysayan..
eh heto na nga yung sunod nilang palabas...

palalabasin nila na mahusay ang Hokage dahil magagawa nitong bawiin yung ibang 'prinotektahan' na yaman ng bansa..
yun na ang mensahe niya bago pa man siya naupo sa puwesto - na dakilang gawain ang pagpapatawad sa mga demonyo..
(kaya pala patay nang patay yung mga hindi ninyo kasundo ano, dahil sa pagiging mapagpatawad ninyo..?)..
balak nilang palabasin na utang na loob ng bansa sa Dictator Clan na nagsilbi silang taga-protekta ng ekonomiya sa pamamagitan ng pagkamkam sa mga yaman..
at gaya nga ng Playgirls-Client teknik, palalabasin nila na hindi yun pagnanakaw kung ibabalik naman nila yung iba...

para naman sa usapin ng mga namatay sa panahon ng kanilang pamumuno..
sa totoo lang eh napaka-simple lang ng posibleng alibi dun..
na hindi naman miyembro ng angkan nila ang direktang gumawa ng mga krimen..
kaya malinis ang kamay nila..
naupo nga lang naman sila sa trono, inipon ang mga yaman para protektahan ang ekonomiya, at hinayaan na magwalanghiya ang mga alipores nila habang nagkukunwari na nililipol ang rebelyon sa loob ng napakahabang panahon...

posibleng argumento rin nila na kesyo hindi naman sila yung Diktador, at na patay na yun..
at na hindi sila necessarily kagaya nun..
pero ano bang maaasahan sa mga taong ang kinakain ay galing sa nakaw..?
at kung hindi pa alam ng iba, buhay pa yung babae na marami ring ginawang kalokohan noon...

sa tingin ko wala na ring protesta na magtatagumpay laban sa mga demonyong angkan..
wala nang mapaparusahan at wala nang maipapapatay sa kanila..
mukhang ganito na lang talaga kababaw ang bansang 'to..
walang prinsipyo..
walang dangal...

was feeling , kung totoo man ang rebelyon.. dapat direkta na silang maglaban-laban...

---o0o---


September 5, 2017...

kapag nasa tuktok, okay lang lahat ng klase ng ugali..
ultimo pang-aaway sa mga taga-ibang bansa eh ayos lang..
ultimo pagnanasa sa foreigner na biktima ng rape at pagpatay eh okay lang...

pero kapag hindi kakampi eh kung anu-ano ang kaartehan...?

bistado na kayong mga demonyo kayo...

that's probably the reason kung bakit hindi nga nawawala ang supply ng ilegal na droga sa bansa..
mga piling tao ang binibigyan ng karapatan na magpasok ng supply sa pamamagitan ng mga koneksyon..
that way, makapagkukunwari ang pamunuan na may ginagawa sila para sa bansa..
makapagkukunwari sila na kailangan ng budget para sa non-intelligence fund..
kung dati ay mga rebelde ang palusot ng mga pinuno para mahawakan nang husto ang kapangyarihan at makaabuso naman, ngayon naman eh ilegal na droga..
tapos kapag hindi masunod ang gusto ng lahat, eh saka sila naglalaglagan...

yun rin siguro yung dahilan kung bakit yung mga nasa ibaba lang ng industriya ng ilegal na droga yung mga napapatay..
kailangan nila yung supply para palabasin na may problema ang bansa, para may rason upang maglunsad ng giyera..
at kailangan naman nilang pumatay para palabasin na yun ang accomplishments nila...

was feeling , sana magaya na lang yung mga bulok na nasa puwesto sa mga itinutumba.. pahirapan ang mga proseso bago sila mapaalis sa mga puwesto nila.. kaya mas madali silang mapapalitan kung mawawala na lang sila...

>
pero sa totoo lang..
kailangang may makaalam kung ano nga bang rason kung bakit pati mga tila inosenteng tao ay pinapatay na rin ng mga awtoridad sa panahon ngayon..
o kahit na hindi purong inosente, basta ba yung mga tao na wala nang laban...

kung walang maaasahan sa karamihan ng mga nasa gobyerno..
edi kahit mula na lang sa mga responsableng mga maipluwensiya na tao sa lipunan...

kailangang malaman ng mga mamamayan yung motibo..
para lang ba talaga makaabuso yung mga gago sa kapangyarihan (gaya ng mga research sa ibang bansa kung paanong naaakit ang mga nasa katungkulan na abusuhin yung mga bilanggo sa preso)..?
trip-trip lang ba kasi nga paulit-ulit naman na sinasabi ng mga nasa itaas na pwede nilang patayin yung mga 'nanlaban' (therefore eh pinagko-cosplay nga nila yung mga biktima nila bilang mga nanlaban)..?
o talagang target ba yung mga biktima dahil sa ibang rason (at pinagko-cosplay na lang sila bilang mga kriminal para lang ma-justify yung pagpatay sa kanila)..?
initiation ba para sa Death Squad..?
o para lang talaga makapagkunwari na may giyera sa bansa...?

isang nagtitinda ng school supplies..
at isang may sari-sari store..
parehas na hindi naman mukhang kriminal o sanggano base sa mga pictures nila na inilalabas sa mga balita..
parehas rin na may magulang na nagtatrabaho sa ibang bansa...

pero ano nga yung common factor...?

was feeling , tang ina! eh nagtitinda rin ako eh...

>
update sa kaso nung UP passer...

tae na..
may pondo rin yata para sa paggawa ng witness ah..?
baka galing yun sa non-intelligence fund..?
andaming hindi nagtutugma sa 2 magkahiwalay na statements nung driver..
ganun din yung hindi nito pagtugma sa report nung mga pulis..
bukod pa yung peke yung iba niyang data at blangko naman yung iba..
magkano kaya ang bayad sa pagkabisa sa mga script..?
o baka naman threat lang ng panunumba ang kapalit...?

so naging drug-related rin nga yung UP Passer ayon sa panig ng mga pulis...?

tapos may nawawala pa na menor de edad na kaugnay din ng kaso na yun...

anak ka ng Kalbo ka..
magliligalig ka na naman..
siguro talent mo yan para makakuha ng simpatiya...

ganito lang yan..
kapag nag-invoke ng pesteng right against self-incrimination - ibig sabihin ay guilty nga o may nalalaman..
tang inang mga batas yan..
pati mga kriminal eh protektado...

was feeling , eh pondo para sa pagpeke ng mga results, meron rin kaya...?

---o0o---


September 6, 2017...

sabi na nga ba eh..
yung unang porma ng cabinet ay pakitang-tao lamang..
kunwari open for all..
kunwari babalansehin ang lahat ng interes ng iba't ibang sektor..
kunwari eh patungo na sa pagbabago...

tapos heto na..
Change is Coming mode na..
change as is pinapalitan na yung mga tao na hindi naman talaga nila gustong magkaroon ng katungkulan...

was feeling , pinatikim at pinatakam lang...

>
lagot ang mga Lumad..
gusto na yatang mang-genocide ng Hokage na Mahilig..
mambobomba na eh...

baka napagkamalan niya na mga Uchiha ang mga yun, kaya ipapapatay na niya...?

ganun ba naman yung pinuno na hindi nag-e-endorse ng mga pagpatay..?
panibago na naman bang mini-Martial Law...?

was feeling , oops! nahuli na naman ang isda sa sarili niyang bibig...

>
yung mga kabataan naman na nambabato ng mga sasakyan..
yung putik daw ang ginagamit...

dapat inuubos na yung mga ganung lahi ng mga tao eh...

ano ba naman ang hinihintay ng mga awtoridad..?
na may madisgrasya pa nang malala dahil sa trip ng mga ganung klase ng tao..?
investment rin naman ang mga sasakyan na dapat lang na pangalagaan...

bakit hindi yung mga demonyong mga bata na yun ang pag-practice-an nila sa pamamaril...?

was feeling , ganyan kayo eh.. mali-mali ang tinatamaan ng mga batas ninyo...

>
nakita na daw yung 14 y/o na sinasabing supposedly ay kasama nung UP Passer..
kaso bangkay na rin..
tadtad daw ng mga saksak sa dibdib eh..
at sa Nueva Ecija na nakita...

ibig sabihin may pondo rin para sa transportation nila..?
non-intelligence fund rin kaya...?

kung walang makikita na ebidensya tungkol sa pagpatay dun sa 14 y/o, eh baka palabasin na lang ng mga scriptwriter na yung UP Passer ang pumatay dun...?

at update rin tungkol naman dun sa UP Passer..
ayon sa mga nakasaksi noong umalis siya eh peke na daw yung ibang items na nakita na kasama nung bangkay niya..
ilan sa mga nabanggit nila ay yung tungkol sa damit na malabo daw na isuot nung biktima, at yung cellphone na de-keypad samantalang touchscreen smarthphone daw yung pag-aari nun...

was feeling , ang dami nilang pera para sa ganung klase ng setup ah...

---o0o---


September 7, 2017...

[Pests]

kaya hindi ko mapatay yung mga pusang-gala sa lugar namin eh..
dahil sa kabobohan ng batas..
kasi kahit ikaw na yung napeperwisyo, dahil sa simpatiya ng mga tao sa mga piling nilalang - eh ikaw pa talaga yung magmumukhang masama...

yung mga pusa dito nagkantutan na nang nagkantutan over the years..
kaya kahit may mga namamatay naman sa gutom o sa aksidente, eh hindi pa rin tuluyang nauubos yung lahi nilang mga gala...

ang barangay naman eh walang pakialam..
ultimo dun sa mga aso na pinapakawalan ng mga basurang amo nila sa oras ng pagtae, eh hindi rin nila madisiplina..
at kaming mga walang alaga sa bahay ang napipilitan na maglinis ng mga dumi nila...

nasaan na yung rights of non-pet-owners, please...?

was feeling , huwag kayong magmalinis kung kumakain kayo ng baka at baboy (hindi ko na isasali yung manok at mga isda)...

---o0o---


September 8, 2017...

tsk, tsk, tsk!
VIP sa puwesto... :(

samantalang istrikto at napakababaw ng patakaran na yun..
basta maintriga ka lang at may maipakita na ebidensya na nasa ipinagbabawal na lugar ka eh sibak ka na kaagad..
well, ganun noon, ewan ko lang ngayon...

baka naman maidadaan pa sa himas, ano...?

PS: putang ina!
hindi makapag-attach..
halos lahat ng related sa kanya eh pini-filter ng sistema... :(

was feeling , yung tipong pag-Google pa lang ng pangalan mo eh kailangan na kaagad ng adult content warning...

>
teka, teka..
so nagpapapatay sila ng mga inosenteng tao para ibintang yun sa mga kalaban nila sa pulitika..?
palalabasin nila na may naninira sa kanila, para sila pa rin ang magmukhang bida..
mukhang gusto pa rin nila 'tong palabasin na labanan ng Kulay para na rin sa benefit ng Dictator Clan...

pero suriin natin ha..
base sa pahayag ng Fake News Maker na si Fake Hair..
eh ngayon lang naman daw may mga nababalitaan na ganitong klase ng mga pagpatay, na mga awtoridad ang sangkot..
pero siyempre eh wala namang katotohanan yun...
  1. as early as 1998 meron ng mga kaso ng summary execution sa Safest City
  2. isa sa mga unang kaso sa ilalim ng kasalukuyang pamunuan kung saan nakita na nangtutumba nga ang mga pulis ay yung kaso nung pinatay na regional head ng Citizens Crime Watch sa Mindoro, kung saan nag-costume pa bilang mga riding-in-tandem yung 2 pulis na sangkot, at awardee pa nga daw yung isa sa kanila
  3. ang isa pa sa mga unang kaso ay yung sa rider na inaresto at itinumba naman ng mga HPG
  4. sino ba yung bigay nang bigay ng alibi na pwedeng pumatay ang mga awtoridad kung 'nanlaban' ang mga target nila? 
  5. sino bang protektor at padrino nung grupo nung Mayor-Slayer #1 na nagtumba kina Mayor Espinosa?
  6. sino ba yung kumukunsinti sa Mayor-Slayer #2 na mahilig magsira ng mga CCTV?
  7. sino nga yung gustong mambomba ng mga katutubo?
  8. sino ba yung kumakampi ngayon sa Dictator Clan na nakaabuso na nang husto sa kapangyarihan noong panahon nila, kung kailan marami ring mga inosenteng tao ang pinagpapatay?

bukod sa mga yan, marami pang mga halimbawa kung saan mga awtoridad ang involved...

gusto ba nilang sabihin ngayon na ibang mga tao ang kumo-kontrol sa mga kagaya ng mga Mayor-Slayer..?
kung ganun ay bakit sila ang nagkakampihan..?
kung hindi nila sinusurpotahan ang mga iregularidad, eh hindi ba dapat ay naiimbestigahan na nang husto ang mga taong yun...?

tapos sasabihin pa na kamag-anak daw pala niya yung isa sa mga biktima..?
kaya malabo na nag-e-endorse siya ng mga patayan..
eh tanga ka pala eh..
ikaw na rin ang nagsabi na noon mo lang nalaman na posibleng kamag-anak mo siya noong nakausap mo yung mga magulang niya, at patay na yung biktima noong mga panahon na yun...

again..
wala namang nagsasabi na ang mga tumbahan na nangyayari lately ay direct orders mula sa mga nasa tuktok..
pero malinaw na may mga nangyayari na ngang mga pag-abuso, regardless kung saang level pa ng hierarchy yung totoong may kinalaman sa mga patayan na yan...

ano nga po yung sinasabi ng hanay ninyo tungkol sa mga kaapelyido..?
maglabas muna ng mga ebidensya bago mambintang, hindi po ba..?
kaya ano 'tong ginagawa ninyo ngayon na nagtuturo kayo ng kung sino..?
na katulad rin ng ginawa ninyong pagtuturo regarding sa nangyayaring giyera sa Marawi, na kabilang rin naman kayo sa mga nagpabaya...

was feeling , ang linis naman po ng backgroung at history ng alyansa ninyo...

>
paano kung yung mga nangyayari ngayon ay malaking pagpapanggap lang..?
para palabasin na may nagsusulong ng destabilization..
dahilan para makapagkamit sila ng mas malakas na kapangyarihan...?

ang giyera sa Marawi..
ang kapalpakan ng War Against Illegal Drugs..
ang kapalpakan sa Bilibid..
at maging ang mga kapalpakan sa PNA..
sa lahat ng mga kapalpakan na 'to, parati na lang nilang sinasabi na may nananabotahe sa kanila...

pero paano kung sila mismo ang umaatake sa mga sarili nila..?
para makapagkunwari sila na merong mga kalaban..?
para mapagtakpan nila ang mga totoong kapalpakan nila..?
at para magkunwari na sila ang inaapi...?

lahat ng yun kasabay ng pagsusulong sa mga niluluto nilang pagpapatalsik sa iba pang mga may katungkulan na nagpapanatili ng balanse...

was feeling , it could be a trap...


No comments:

Post a Comment