Friday, September 29, 2017

Queen Falcon Down

September 23, 2017...

[V-League]

UP versus San Beda

nasubukan na ng UP kung hanggang saan ang grupo nina Racraquin..
3-0..
sa tingin ko naman eh hindi na rin sila makasasagabal pa sa AdU...

last 1 game na lang para sa UP..
at palaglagan yun sa pagitan nila ng Arellano...

kung meron mang makasasagabal pa sa pangunguna ng Adamson sa group nila..
yun eh walang iba kundi mga sarili na lang nila..
pero siyempre, halos hindi naman nasisira ang laro ni Galanza... <3


ADMU versus SSC-R

quick game lang..
3-0..
13 lang ang highest score ng SSC-R sa loob ng isang set..
ni hindi nakaabot sa pang-2nd technical timeout na score...

last 1 game para sa Ateneo..
pero halos wala na rin..
kasi kailangan nilang matalo ang NU sa sobrang dominating na paraan para makapasok pa sila sa Semifinals...

was feeling , hindi ba pwedeng sa Channel 23 yung basketball, tapos sa Channel 36 yung PVL...?

---o0o---


September 25, 2017...

[V-League / Cuties]

televised Monday matches..
at saktong may laban ang AdU..
makikita na naman ang mga ngiti ni Lady Galanza... <3


dahil cute ang ngiti ng batang are, eh isasali ko na siya sa listahan..
mas cute rin nga pala siya kapag light yung complexion niya...

Maria Shola Alvarez..
miyembro ng grupo ng mga terorista (joke!).. :D
#11 at ang current Team Captain ng JRU Lady Bombers..
para rin 'tong si Galanza, cute na thick-type, na medyo pumapayat na ngayon...


NU versus JRU

3-0..
kaya naman pala ni Sato na mag-Tagalog ng konti..
pero binabawasan nila ang mga ngiti ni Shola Alavarez... :(


AdU versus CSB 

inilabas si Galanza sa Set 3..
ang ganda pa naman ng laro niya simula Set 1..
hindi ko nakita yung injury, yung demonyo kasi dito sa bahay eh maya't maya ang lipat ng channel..
naman!
sana naman eh minor injury lang..
pero kinaya naman ng remaining AdU squad na i-3-0 pa rin yung match...

nasa 4-0 na ang Adamson sa ngayon..
at San Beda ang last match nila..
it's a good thing na UP at Arellano ang maghaharap sa parehong last match nila, dahil kasi dun ay nasigurado na wala namang magiging three-way tie (sa 4-1) sa group nila..
bale ang hulog na lang ng AdU just in case, ay kung sila ba ang magiging #1 o #2 seed mula sa group nila..
pero siyempre, mas maganda na hindi kaagad harapin sina Jaja sa Semifinals...

shit!
panalo ang Adamson for tonight..
pero kitang-kita kay Coach Padda yung lungkot dahil sa nangyari kay Galanza..
maluha-luha siya at parang nawalan ng lakas at nanlambot ang kilos..
kahit papaano kasi eh iba pa yung nangyaring pag-collapse ni Galanza noon sa labas ng court kumpara sa nangyari ngayon...

was feeling , great game.. and get well soon #8...

>
[V-League]

yung video ni Galanza habang isinasakay siya sa ambulance yung pinakanakakatakot sa lahat..
makikita kasi dun yung naging itsura ng right foot niya matapos yung injury...

this is bullsh*t!
na naman, FATE...! :(

according sa reports, na-twist talaga ni Galanza yung right ankle niya..
may report na nag-land yung paa niya sa paa ng teammate niya after an attempt to block..
at according to Coach Padda, nag-separate yung ankle niya... :(

i was trying to view the video..
kaso kung kailan naman kailangan eh saka palpak yung recorded video mula doon sa livestream section..
unfortunately, hagip nung error yung time na bumagsak na si Galanza..
nangyari daw yun noong 5-0 na yung score sa 3rd set, at yun din yung oras na palipat-lipat ng channel yung demonyo sa bahay... :(

bakit naman ngayon pa kung kailan nalakas na ang AdU..?
chance na ni Galanza na gumawa ng mas magandang ending kasama ang team niya..
tang ina!
sobrang unfair naman ng pagkakataon o'..
depende sa totoong lagay ng injury niya, posible daw na hindi na siya makabalik sa Conference na 'to sa PVL..
so even a 3rd Place eh posibleng mawala na sa Lady Falcons..
also, posibleng hindi na rin daw siya makapaglaro sa Season 80 ng UAAP... :(

>
[V-League]


bullsh*t!
that really looks BROKEN... :(

napa-follow tuloy kaagad ako sa Twitter niya para lang makapag-tweet sa kanya...

naman po, please!
pagkalooban nyo po ng speedy recovery si Galanza..
#8 is LOVE po, di ba..?
sobrang pinagtrabahuhan niya po na makaabot sa ganitong level ng laro niya..
huwag nyo pong kukunin sa kanya ang paglalaro niya ng volleyball... :(

pero sa bagay..
si Paul George nga eh gumaling at nakabalik pa talaga sa paglalaro eh..
sana po bigyan nyo ng kaparehas na blessing si Galanza, deserving po talaga siya para dun...

— feeling , pinapaiyak ako ng babaeng 'to...

---o0o---


September 26, 2017...

[V-League]


na-late na yung update..
busy kapag Tuesday eh...

according sa X-ray kagabi, eh ligament tear daw..
na-relocate na rin daw yung ankle niya sabi ng Akari..
hindi rin ako pamilyar sa mga injury eh..
'relief' yung term na ginamit, so mukhang hindi naman tipo na career-ending..
pero gagawa rin ng iba pang mga test para ma-evaluate talaga yung kondisyon niya...

basta "no fracture" yung key phrase tungkol sa lagay niya...

anak ng Gori-injury yan..
abala sa Ace Player eh... :(

— feeling , nakangingiti na ulit siya kahit papaano...

>
[V-League]

bullsh*t... :(

napanood ko na yung replay..
at napaka-brutal..
well, hindi ko alam kung anong totoong pakiramdam ng mabalian, dahil hindi pa naman ako nakararanas ng ganun sa buhay ko..
pero yung makita mo na mag-bend yung ankle ng isang tao sa ganung level..
tapos yung mismong idol mo pa..
f*ck, mala-Saw series na horror... :(

bagsak kaagad si Galanza sa kabilang side ng court matapos yung bali... :(

basta nangyari siya sa play after ng 5-0 na score sa Set 3...

was feeling , actually, mas malala pa sa nangyari kay Gori...

---o0o---


September 27, 2017...

[V-League]

sa tantsa ng doktor, posibleng umabot pa si Galanza para sa UAAP Season 80..
para naman sa PVL, eh kailangan na yung isakripisyo.. :(
ipauubaya na lang kina Soyud kung kaya ba nilang mag-dedicate sa Ace Player nila ng at least 3rd Place na panalo...

si Felicia Cui kasi ng CSB eh, nangte-trespass ng court (joke lang, accidents really happen kahit sa larangan ng sports)...

naigagalaw naman daw niya yung toes at ankle niya matapos yung relocation..
pero parang yung gagawing MRI after 1 month pa yung pagbabasehan ng evaluation ng totoong kondisyon niya...

base pa rin sa tantsa..
mga 12 weeks daw ang kailangan para maka-recover siya..
at hanggang 16 weeks kung gusto niyang makabalik sa competitive na state...

sana lang hindi siya magkaroon ng trauma..
parang kagaya nung naranasan ni Gori laban sa Ryonan..
para hindi naman maapektuhan ang kalidad ng laro niya...

bili na po kayo ng Akari products para masuportahan si Galanza, LOL... :D

— feeling , ayaw daw niya ng awa.. ngiti lang daw...

>
[V-League]

may mga laban pala ngayong araw..
pero siyempre, kawawa na naman ang PVL..
livestream-mode na naman sila..
hindi na naman makakapag-commercial ang sponsor sa TV...

FEU versus JRU

3-0..
natapos ng JRU yung conference with 0-5..
1 set lang ang nakuha nila sa buong liga..
pero hindi na rin masama para kina Shola..
3 bigatin na teams naman yung nagbigay sa kanila ng UAAP experience eh...


SSC-R versus LPU

3-1..
sa 2-3 nagtapos ang record ng SSC-R..
mga NCAA teams lang yung tinalo nila...

was feeling , konti pang mga digmaan.. nang wala na si Galanza...


NOTE: credits for all the featured photos in this particular post go their respective owners and uploaders...


No comments:

Post a Comment