Friday, September 15, 2017

Ang Alamat ng Most Undesirable Guy on Earth - Second Week of September 2017 (The One That Got Away)

[V-League]

PVL - Collegiate Conference


September 9, 2017...

at ayun na nga ang masama dun..
dahil sa umpisa ng UAAP basketball eh isinakripisyo ng Channel 23 ang pagpapalabas ng PVL..
huwag naman po tayong masyadong umasa sa internet please.. :(
hindi ako para magsayang ng speed para lang sa panonood...


AdU versus Arellano

panalo ang AdU after 3 sets..
dahil dun eh sila na ang nasa top ng group nila..
not sure, pero nag-triple-double na naman daw si Lady Galanza... <3

sana tuluy-tuloy na 'to para makapasok sila sa Semifinals..
at para 2nd seed lang muna ang makaharap nila...


ADMU versus FEU

yun na nga ang sinasabi..
isang UAAP match preview..
at mas nanaig yung team na nawalan lang ng attacker..
panalo ang FEU laban sa ADMU..
at sila na ang nasa top ng group nila ngayon...

nakuha naman ng ADMU ang first set..
pero tinalo sila nina Pons sa 3 sumunod na sets..
ang masama pa eh na-injure ang bagong Libero ng Ateneo na si Gequillana...

PS: dahil pala dun ay delikado na sa hulog ang ADMU sa Eliminations..
dahil 4 sets lang ang inabot nila eh halos walang impact yun sa Point System..
unless matalo nila ang NU within 3 to 4 sets, at abutin naman ang FEU ng 5th set win sa mga nalalabi nilang match maliban ang kontra sa NU...

was feeling , great job, Team Galanza! pero paano na sina Coach Jia...?

---o0o---


September 10, 2017...

PS: ADMU versus FEU

so ganito pala yung nangyari sa laban..
ayon lang 'to sa mga news na nabasa ko...

wala si Captain BDL dahil sa schoolwork..
si Madayag ay may ankle injury..
at si Gopico naman ay merong hamstring injury (since Game 1 nila eh hindi na siya naglalaro)..
anak ng..
may injury na naman yung 2 yun..?
tapos nadisgrasya nga rin si Gequillana sa 3rd Set...

basically nawalan sila ng depensa sa net at depensa sa floor..
tapos yung mga walang-utak na bashers eh mga nagyabang pa na reason lang daw na wala si BDL..
yun pala eh nasa 3-4 key players talaga yung wala sa match...

anyway..
mas makabubuti nga siguro na ilaglag na lang nila yung laban sa PVL..
bigyan na lang ng sapat na setting experiences si Wong..
tapos magpatibay na lang ng mga katawan para sa papalapit na UAAP...

was feeling , pero seryoso.. parang Ateneo yung team na may pinakamahuhuna na players...

---o0o---


September 11, 2017...

UP versus TIP

ang daming dead air kapag si Villanueva ang analyst..
andaming "uhmm"...

anyway, nanalo na ang UP..
3-0...


NU versus SSC-R

nakuhanan ng SSC-R ng isang set ang NU..
so mukhang hindi rin nga ganung kahina ang current SSC-R..
wala rin si Coach Roger para labanan ang dati niyang team na NU..
panalo ang NU, 3-1..
pero may na-injure sila na hindi key player..
at currently, sila ang may pinakamataas na ratio sa group nila...

was feeling , umabot lang sa Semifinals sina Galanza eh masaya na ako...

---o0o---


September 13, 2017...

NCAA Wednesday..
panalo sina Racraquin at ang San Beda laban sa Saint Benilde after 4 sets..
tinalo naman ng Lyceum ang JRU na wala pa ring nakukuha na panalo hanggang sa ngayon..
2 matches na lang ang natitira para sa JRU, at against NU at FEU pa ang mga yun...

was feeling , interesado lang ako sa placing nila...

-----o0o-----


September 9, 2017...

bullshit, Facebook!

anong algorithm yang ginagamit nyo na naman..
tang ina!
ang spam eh yung pare-parehas...

was feeling , protektor ba kayo ng kasamaan...?

>
kinabahan naman ako sa latest na iskandalo ng Globe...

yung nakuhanan ng pera sa GCash account niya..
akala ko naman may nakapag-clone na ng SIM card...

pero base sa istorya nila eh gumagamit ng card yung user nun..
at posible daw na nabiktima siya ng card skimming..
so ibig bang sabihin na hindi sumunod ang Globe sa latest standard ng mga card, pagdating sa security features..?
o nai-skim na rin yung mga bagong card...?

hindi ko alam kung anong itsura ng card ng GCash dahil ayaw ko ngang i-activate yung sa akin eh..
for safety purposes na rin...

was feeling , ganun talaga eh.. lahat ng digital technology ay may weakness...

>
officially started working on the scenes..
para sa 4th Project..
umpisa na ulit ng bilangan..
basta bawal akong lumampas ng 51 days sa pagtatrabaho...

was feeling , labase na ang mga kalansay...

---o0o---


September 10, 2017...

mga hindi nag-iisip...

given na yun..
concern kayo para sa safety dahil merong walang habas na nagpapaputok ng baril sa tabi-tabi...

pero hindi solusyon yung idadaan ninyo sa init ng ulo..
huwag kayong lalaban ng payabangan o patapangan..
at lalong huwag ninyong kalilimutan na sila nga yung may baril..
ni hindi nyo nga alam kung anong klase ng tao yun eh..
kung authorized ba siya na magbitbit nun, dahilan para umabuso siya..
o kung walang papeles yung dala niyang baril...

pwede namang magsumbong sa iba pang kinauukulan eh..
pero hindi na kailangang ibalandra pa na kesyo kayo yung nagsumbong..
na talagang magpapakita pa kayo doon sa lugar kung saan kita kayo nung mga suspek habang kasama yung mga pulis..
piliin ninyong maging anonymous para sa future ninyo...

kagaya nun..
walang mga basyo kaya walang maipakita na pruweba dun sa mga pulis..
hindi rin naman pwedeng pasukin ng mga yun yung bakuran ng mga nagse-celebrate nang walang warrant o walang sapat na basehan sa point of view nung mga awtoridad..
kaya ang ending..
walang hinuli..
walang baril na nakumpiska..
at nakiusap na lang yung mga pulis sa kanila...

siguro sa ngayon napigilan nyo sila..
eh paano kung balikan nila yung mga nagsumbong..?
isipin nyo nga..
ganado siyang magpaputok dahil nagse-celebrate sila..
eh paano pa kaya kapag nagalit naman siya...?

was feeling , palihim ang tamang paglaban sa mga kriminal...

---o0o---


September 11, 2017...

stupid talaga...

prinotektahan at pinagtakpan na nga nung isa sa may pa-party yung taong ipinagyabang ang baril niya..
tapos talagang kinausap pa nang kinausap yung pamilya ng mga yun tungkol sa nangyaring sumbungan..
kesyo hindi naman daw yung kaanak nila yung nakapagsumbong, dahil hindi nga daw ma-contact yung station pero dumating na rin daw yung mga pulis kahit na ganun ang nangyari...

inubos daw nung utak-kriminal yung mga bala niya..
sa lupa pinaputok..
siguro sa loob ng bakuran nung may-bahay..
tapos galit daw na umalis...

parang bodyguard daw yun eh..
eh kung isumbong sila nung taong nagprotekta dun sa utak-kriminal..?
tapos eh pagbabarilin yung mga bahay namin sa ibang araw...?

was feeling , hugas-kamay pa ang mga hindi nag-iingat...

>
[Strange Dream]



only had 6 hours of sleep last night..
pero nagkaroon pa rin ako ng interesanteng panaginip...

sa bahay namin yung physical setting..
pero kumbaga ay logically naging sa NCR yung address namin...

ang dating nung istorya ay parang may mga naging usapan na kami ni Miss Burger..
well, hindi ko naman siya pinapatawag pa talaga..
pero parang sinabi niya na okay lang na makipag-meet muna siya sa akin...

nasa room ko ako noon, parang nag-aayos yata ng kuwarto..
tapos iniisip ko kung seryoso ba siya, kung dadating nga ba siya o ano..
ni hindi ko iniisip o nare-realize noon yung weird na idea kung bakit sa bahay kami magkikita eh...

and then she came..
basta pagsilip ko daw sa terrace eh andun na siya, nakaupo sa silya namin doon..
at ayun nga..
kamukha niya talaga yung mga nasa pictures nya..
kahawig siya ni Kim Yoo-jung..
voluptuous yung build ng katawan niya..
straight, long hair..
tapos naka-red tanktop at shorts yata yun...

so isinama ko na siya sa kuwarto ko..
kinukumusta ko siya kung bakit nga ba siya napasugod sa bahay at kung saan ba siya galing..
she seemed nice naman..
at one point eh parang nakita ko pa siya na nag-topless sa tabi ko...

ang medyo bad news sa istorya na 'to ay nasa bahay rin noon yung biological mother ko at yung paboritong anak..
nakakagigil yung si Miss Burger, kaya hindi ko naiwasan na mag-request kung pwede ko ba siyang mayakap..
kaso nung akmang yayapusin ko na siya, eh bigla namang silip nung magaling kong biological mother sa bintana ng kuwarto ko...

ayun..
siguro naramdaman na rin ni Miss Burger na wala kami sa tamang venue..
so lumabas na kami at naglakad-lakad..
tapos tinanong niya kung ano daw kaya kung kumain na lang muna siya sa labas..
yung statement niya na yun kinda sounded na babalik pa siya at magkikita pa kami ulit..
hindi na ako nakatanggi, sinamahan ko na siya palabas ng subdivision, nang lakad..
at dun na natapos yung cute na panaginip ko tungkol kay Miss Burger...

— feeling , dapat ba akong magkaroon ng year-end celebration o hindi...?

---o0o---


September 12, 2017...

halos dire-diretso ang ulan simula pa kahapon..
2 pa ang bagyo..
kaya wala rin akong pasok ngayong araw...

walang magagawa..
hindi pwedeng sumayi sa ulan nang may buhat-buhat na mga bote ng mantika..
kaya naman kailangan na munang pabayaan ang tindahan..
wala na munang Emoji-Girl for today...

was feeling , natural na istorbo...

---o0o---


September 13, 2017...

sa tuwing nakikita ko yung itsura niya..
yung ngiti niyang yun..
lalo kong nare-realize na para siyang isang malaking TOTGA para sa akin..
as in the one that got away..
pero bakit nga ba TOTGA..?
parang medyo bastos pakinggan..
tsaka hindi ba mas tama yung TOWGA..?
as in the one who got away...?

5 years yung kontrata ko..
tapos sa tantsa ko meron na lang akong 3 years para magawa ang mga bagay-bagay...

was feeling , sana nga maayos ko pa ang lahat...

>
nasa Category S~A nga siya..
isang elite..
at base sa parehong light and dark profile niya, masasabi ko na malaki nga yung na-miss ko...

sa tantsa ko, kabilang siya sa isang medyo magulo na family structure..
well, siguro complicated yung mas appropriate na term..
probably the reason kung paanong naging ganun yung buhay niya...

she seems to be in the Safest City as of the moment..
it also seems to be her city of origin..
mukhang bumalik na siya sa pag-aaral..
and sa tingin ko she's still lonely kahit nakakasama na niya ang family niya..
siguro hiwalay siya sa anak niya...

i'm not sure kung paano sila napadpad sa North noon..
base sa mga profile nila, iba-iba naman ang city of origin nilang magkakaibigan..
at mukhang sa college na sila nagkakila-kilala..
pero base sa location niya ngayon, sa tingin ko maliit na yung tsansa na babalik pa siya sa NCR...

parang tanga..
sa tuwing naaalala ko yung nangyari, naaasar ako sa pagkakataon..
naaasar ako kung bakit ako pa yung naging biktima nun..
siguro it was FATE's decision na hindi ko siya ma-meet..
hindi ko alam kung bakit nagkaganun pagdating sa akin..
pero ang sigurado ko eh habambuhay kong pagsisisihan yung what if na yun..
habambuhay kong pagsisisihan na hindi natuloy yung meeting namin..
at habambuhay kong pagsisisihan yung mga masasamang nasabi ko sa kanya noon...

sa ngayon parang imposible na..
pero sana talaga magkaroon pa ng rason para mag-krus yung mga landas namin...

was feeling , bakit ganun..? andami kong kayang i-track, pero yung taong matagal ko nang hinahanap eh hinding-hindi ko makita...

---o0o---


September 14, 2017...

hala!
may kung sinong nag-link ng Google account niya sa billing e-mail address na ginagamit namin...

hindi naman ako puro na mabuting tao..
pero hindi rin naman ako sobrang sama..
kaya bago ka pa makapag-send sa amin ng changes sa account information mo, eh idi-disconnect na kita...

was feeling , gaya nga ng sabi ni John Lloyd - ingat!

>
at dahil masama ang panahon noong Tuesday..
eh na-move ngayong araw ang grocery day...

wala si Emoji-Girl..
kaya ayun, bigat lang ng mga dalahin ang napala ko ngayong araw...

at dahil rin dun..
magiging busy muna ulit sa pag-aayos ng mga paninda..
may mga ready to render na naman akong naihanda..
kaya bahala na munang magtrabaho ang computer ko...

was feeling , auto-pilot mode...

>
found a new link..
pero sala pa rin eh..
not the one that i need... :(

kapag talaga tumama ako sa Lotto..
at magkaroon ako ng at least Php 10,000,000 na security fund..
raratsadahin ko talaga lahat ng masasama kong plano...

was feeling , 16 days left...

>
[TV Series]

La Luna Sangre

kamakailan ko lang na-realize kung bakit nasa 6 hours na lang ang tulog ko tuwing gabi..
dati kasi hanggang Ang Probinsiyano lang ako gising..
idol ko kasi si Kuya Cardo, sandamakmak ang mga leading ladies eh..
LOL...

pero dahil sa Mulawin..
este La Luna Sangre..
eh yun nga at napapa-extend ako ng gising..
madalas nga eh natatapos ko pa yung A Love to Last dahil sa mga after work routine ko eh...

buti na lang kako at nasa pang-hapon naman sina Ritz Azul...

si Sam Imperial kaya ang magko-convert kay Tristan bilang vampira..?
since special hybrid nga siya ng vampira at lobo...

was feeling , kelan ba magiging vampira si Kira Balinger...?

---o0o---


September 15, 2017...

may 41st retirement na..
bale technically speaking, 40th lang talaga yun..
alias lang naman kasi yung ini-retiro nung isa dati..
bale nagpalit lang ng pangalan..
tipong panglinis lang ng record...

pati yung mga veterans eh hindi na talaga tumatagal...

medyo weird dahil papalapit na nga ang peak season..
though according sa mga nagrereklamo eh humihina na nga yung industriya..
dahil na rin sa mga tao sa likod nun..
pini-filter nila yung mga taong may pera o yung mga may kakayahan na magbayad sa kanila, bilang mga handler sila..
at nadi-discourage naman nun yung mga tao, both client and service provider, na mas gusto na walang namamagitan at kumukuha ng porsyento...

was feeling , but her name is still there...

>
[TV Series / K-Ture]

Love in the Moonlight

napakalupit nang naging sakripisyo ni Byung-yeon..
kahit mataas yung kalibre niya bilang mandirigma eh pinili niyang hindi na manlaban..
siguro dahil na-expose na rin yung totoong affiliation niya, na bahagi siya ng mga rebelde, sa kanyang matalik na kaibigan..
kaya mas pinili na rin nga niyang mamatay na...

sa totoong mundo..
kung sa panig ng pamunuan, dapat ang gayahin nila ay si Kim Yoon-sung, na pinipili pa ring gawin kung ano yung tama kahit na marumi ang kanyang dalang apelyido..
sa panig naman ng mga rebelde, in case wala talagang maaasahan sa pamahalaan..
dapat ang tularan nila ay yung mga adhikain gaya ng sa Baek Woon..
sina Kim Byung-yeon at Hong Gyeong-nae ang maganda nilang tularan, yung tapat sa kanilang mga layunin at walang bahid ng korupsyon...

was feeling , dapat ganun ang mga nasa katungkulan eh...

>
may ginawa na naman yata akong mali..
gusto ko lang namang makumusta yung lagay niya eh...  :(

so i tried to ask her younger sister about her..
and she's doing good naman daw..
kaso in the process eh naisumbong kaagad niya ako sa ate niya..
naman..
mga babae talaga o'..
warning-an mo at gagawin pa rin talaga nila..
hindi mapagkakatiwalaan...

haaay..
sana lang hindi nasira yung araw nun..
lagot ako kapag naalala niya ako...

pero ang sort of good news for now..?
sa tingin ko may pagkakataon pa ako..
mukhang near NCR pa rin siya naka-base...

was feeling , hoy FATE, umayon ka na please...


No comments:

Post a Comment