PVL - Collegiate Conference
September 2, 2017...
hala!
bakit nasa ADMU si Morado..?
tutuloy ba siya hanggang sa UAAP...?
ah okay, ganun pala..
Captain na si BDL, tama lang since siya naman yung pinaka-consistent na player sa current roster nila..
si Wong na ang primary option para sa Setter, pero kita pa sa laban nila sa JRU yung agwat ng laro niya kay Morado..
hindi siya ganung kagaling mag-adjust para sa mga attackers niya..
si Gequillana naman ay na-demote sa pagiging Libero, baka wala silang nakita sa mga Rookie nila na maganda ang floor defense..
meaning, hindi na niya magagamit yung palo niya at yung malinis na service niya, at yun ay sa huling taon pa niya sa Lady Eagles..
si Tolentino naman ay pinapagamit ni Coach Thai ng jump serve, siguro dahil power-type yung ganun ni Tolentino at panghasa na rin ng kanyang backrow attack..
at nasa coaching staff si Morado.. :D
si Morente naman ay wala na ulit, baka daw lilipat sa DLSU eh...
pero seriously..
ampangit nung white uniform nila...
okay na rin 'tong Collegiate Conference..
masasanay nila yung mga players nila sa seryosong labanan bago dumating yung totoong labanan sa UAAP...
sa tsansa ko, NU at FEU ang magandang gauge kung masasabi ba na malakas o hindi ang bagong lineup ng ADMU..
hindi ko nakita yung pangalan ni Jaja sa news, kaya naman hindi rin magiging ganung kalakas sina Nabor kapag nagkataon..
SSC-R at CSB kasi eh napapanood ko na noon sa Pizza League, at usually eh mas malalakas ang UAAP teams laban sa kanila sa mga no-import conference..
wala na rin naman si Soltones sa SSC-R...
dahil marami yung teams eh nagkaroon tuloy ng groupings, na sa tingin ko ay posibleng hindi pumabor sa AdU..
single round robin ang sistema, tapos top 2 seeds mula sa dalawang grupo lang yung aabante sa Semifinals..
medyo masuwerte ang UP at AdU sa grupo nila, masusubukan lang sila ng mga dating naging champions ng NCAA na Arellano at CSB, kaya dun makikita kung nasaang level nga sila kumpara sa NCAA teams..
malas naman ng ADMU, NU, at FEU dahil sila ang magpapalaglagan sa kabilang grupo, at makikita rin kung magkakaroon ng impact laban sa kanila ang current roster ng SSC-R..
kaya naman delikado sa hulog ang ADMU...
PS : simula't sapul akala ko ay Thai Bundit yun..
dahil na rin sa Thai siya..
yun pala eh Tai lang yung spelling...
anyway..
Assistant Coach daw pala si Morado...
PS: si Coach Jia, LOL! :D
sina Pons naman at FEU ang masusubukan pamaya...
was feeling , umpisa na ulit...
---o0o---
September 3, 2017...
okay na..
natiktikan na nina Pons ang SSC-R..
at mukhang wala na nga itong banta dahil sa pagkawala ni Soltones sa roster..
hindi na rin nakapagtataka kung bakit nababalasa ang championship sa NCAA..
dahil walang team sa kanila ang tadtad ng ace players...
sayang rin si Coach Roger..
kung kailan mas lumakas na ang kombinasyon sa gitna nina Nabor at Sato..
kung kailan parang nakabalik na sa dati niyang sarili si Urdas..
eh saka naman siya nawala sa NU...
sa ngayon eh mukhang ADMU, NU, at FEU lang ang talagang maggigitgitan sa group nila...
was feeling , hindi pa rin sigurado...
---o0o---
September 4, 2017...
mukhang paspasan ang conference na 'to..
may laban pati ngayong Monday...
majority naman ng UAAP teams ang magtatrabaho pamaya..
masusubukan na ang NU at ang bago nilang Head Coach..
mala-Bali Pure rin lang 'to dahil wala si Jaja...
bad start naman para sa AdU, dahil UP kaagad ang una nilang makakalaban sa liga na 'to...
5 games per team dito sa Eliminations...
was feeling , titingnan...
>
NU versus LPU
lagot..
balik NU na si Jaja..
mukhang susubukan niyang samantalahin ang naging kawalan ng DLSU at ADMU ng magagaling na Setters..
mukha ring sila na ngayon ang pinakamalakas sa current PVL, at maging sa UAAP kung base sa laro ng Setter ang basehan..
as expected, NU ang panalo...
AdU versus UP
Galanza versus Caloy at Molde..
Dacoron is back, at ganun din si Emnas..
nakuha ng AdU ang 2nd Set..
nakuha rin nila ulit ang 4th Set..
tinapos nila ang match sa 5th Set, 15-9...
best game ni Soyud so far, simula nang lumipat siya sa AdU..
pero ang importante, masaya na ulit si Coach Padda..
hindi lang dahil nanalo sila, kundi dahil nanalo sila sa isang team na makakaharap rin nila sa paparating na UAAP..
at sina Caloy at Molde pa yung nakaharap nila..
kailangan na lang ng AdU na talunin lahat ng susunod nilang makakalaban..
last 4 games yun..
that way, target nilang makaharap ang 2nd seed ng kabilang group...
siyempre great game din para kay Galanza na lagi namang maganda ang ipinapakita sa Court..
bukod pa yung parati lang siyang maganda kahit naglalaro na ng ilang oras..<3
was feeling , nice one, Team Galanza...
---o0o---
September 6, 2017...
hindi ako interesado sa labanan ng mga NCAA teams..
interesado lang akong malaman kung anong level nila kumpara sa mga UAAP teams...
walang ipinalabas ngayon sa Channel 23..
at parang ganun din ang plano nila sa Saturday..
importante pa naman yung mga matches..
FEU versus ADMU..
at AdU versus ang busy sa paglaban na Arellano...
magkakaalaman na kung sino ang mas nawalan..
FEU ba na nawalan ng isang Palma..?
na-improved pa naman ang laro ni Malabanan dahil sa Bali Pure..
o ADMU ba na nawalan ng genius Setter...?
tapos 1-0 na AdU laban naman sa nasa 2-0 na na Arellano..
sana kayanin sila ng Team Galanza...
was feeling , naman S&A, huwag po tayong umasa sa internet streaming - mahal ang internet!
-----o0o-----
September 3, 2017...
bad news muna... :(
yung mga klase ng tao na kampanteng-kampante na mangutang puwerket batid nila na hindi naman alam nung may-ari nung pera na nauutangan na siya..
ni walang maipapatong na interes..
pero ang masama nun ay posibleng makasira yun sa micro-business kapag nagkataon...
tapos ako na naman yung sisisihin kapag ipinapaliwanag ko kung gaano kadelikado dun sa micro-business / charity ng kapatid niya yung ginagawa niya..?
kesyo baka daw malaman pa ng iba yung mga sinasabi ko, at sa akin sila magalit...
ay putang ina mo talaga!
hindi ko kasalanan kung bakit nakabalik pa sa pamamahay na 'to yung demonyo mong asawa na kaagaw pa sa budget..
hindi ko kasalanan kung bakit nagkantutan pa kayo at bumuo ng demonyong anak matapos nitong bumalik mula sa pambababae niya..
hindi ko kasalanan kung purong tuition ang binabayaran ninyo sa college, at since high school pa nga yun..
hindi ko kasalanan kung 2 magkasunod na laptop ang binili ninyo, tapos ni hindi nga maibenta yung isa dahil sadyang sinira yun..
hindi ko kasalanan kung maraming libo na ang investment ninyo sa salamin sa mata..
hindi ko kasalanan kung maraming libo na ang investment ninyo sa mobile phone..
hindi ko kasalanan na mas pinipili ninyong maging full-time babysitter, chaperone, tagapamalengke, cook, taga-deliver ng pagkain o taga-prepare ng hapag kainan, at maging tagapaghugas ng pinagkakainan nila..
hindi ko kasalanan na hindi na kayo maka-raket dahil sa sobrang busy na ninyo sa pamilya nila..
hindi ko kasalanan kung nakikipagsabayan tayo ngayon sa maluhong lifestyle nila...
ang sinasabi ko lang..
wala sanang buwanang problema kung hindi ninyo inilaan sa mga kapritso yung budget para sa bigas at gasul..
sa akin ipinapahawak yung pera para hindi yun mapunta sa mga walang kuwentang bagay..
pero hindi ako nagma-magic para maparami yun at masabayan ang bilis ng pangungutang ninyo...
totoong halos wala akong naitutulong..
kundi yung pagbili ng mga personal stuff ko..
pasensya kayo, eh sa walang kuwentang buhay yung pinaranas nyo sa akin simula noon eh, kaya tamad na tamad na rin akong manatiling buhay..
pero huwag ninyong kalimutan na sa ibang tao ko pa nautang ang pambili ng computer ko para lang magawa ko yung trabaho ko ngayon..
isang bagay na ilang buwan kong iniusap sa inyo (kumpara sa nasa 2 linggo lamang na paghingi ng pambili ng mas high-tech na laptop nung paborito ninyong anak)..
wala pa akong maitutulong, ni hindi ko pa masasalo yung iba kong mga gastusin, dahil nga magbabayad pa ako ng investment ko..
hinding-hindi ko kayo maiintindihan sa paraan ng paggastos ninyo dahil hindi ko pa naranasan na magtamasa ng sobra-sobrang kapritso sa buhay ko na yung tipo na kayo ang nag-finance...
was feeling , kung hindi nyo ako pinigilan dati, edi sana eh 2 na ang nabawas ko sa basurang pamilya na 'to.. 3 pa dahil ipapakulong nyo ako eh...
good news naman...
may bagong record na ulit ako sa Google..
at kapag hindi nagbago yun, nasa 3 buwan na lang ang kakailanganin ko...
ano ba..?
gutom na gutom na nga ako, tapos maya't maya pa akong ginagalit..
makaluwas muna kaya sa Fantasy World..?
pampatanggal lang ng stress..?
kaso everday naman yung rasyon ko ng stress, kasi parang gobyerno yung mga kasama ko sa bahay - andaming kabobohan... :(
was feeling , i-date ko muna kaya si Cora...?
>
[Lottery]
Lotto..
kailan mo ba ako bibigyan ng kahit konting pagmamahal...?
alam mo yun..?
yung tipo ng buhay na ako na lang mag-isa..
yung walang lapit nang lapit sa akin dahil sa problema sa pera..
yung walang threat na may masisirang mga kasangkapan sa bahay sa tuwing may kapritsoso na naghahanap ng pera..
yung wala ng usok ng sigarilyo..
yung wala ng matatanda na araw-araw na nagtatalo dahil lang sa mga walang kakuwenta-kuwentang bagay..
yung wala ng mga utusero...
yung tipo ng buhay na ako na lang..
at ang trabaho ko..
at mga pera para sa madaliang pag-alis sa impiyerno na 'to...
paisa naman ako o'...
was feeling , ngayon mo na i-schedule yan, please...
---o0o---
September 4, 2017...
nagse-setup pa lang ng mga bagong characters..
nag-a-assign ng mga costume..
at nakapag-ready na rin ng isang setting...
hindi pa masyadong makapag-focus..
may kung anu-anong kinailangang asikasuhin noong mga nagdaang araw eh...
was feeling , attack of the mumo...
---o0o---
September 5, 2017...
meron pala talagang mga babae..
specifically mga ina..
na sanay na naka-panty at tanktop (braless) lang sa loob ng bahay nila..
habang kasama ang lahat ng mga anak nila...
was feeling , ganun ba talaga kainit sa mga lugar nila...?
>
will be a busy day...
nauna na yung pag-go-grocery kanina..
at tuluy-tuloy lang ang streak..
nakita ko na naman si Emoji-Girl... :)
kaso maraming kailangan na ayusin na mga pinamili..
at isa sa pinakaayaw kong kaagaw sa oras ay yung pagre-repack ng asin... :(
wala rin namang magagawang trabaho ang computer ko dahil wala pang mga naka-ready para sa pagre-render..
kaya hindi ulit magiging productive ang araw na 'to...
was feeling , sana naman manalo na ako sa Lotto para makapag-break naman...
---o0o---
September 6, 2017...
[Lottery]
after only 7 draws, nakuha ko na lahat ng 6 na tinatayaan kong numbers sa 6/49... :D
yun nga lang..
parating hiwa-hiwalay.. :(
at max ay 3 combinations lamang...
naman!
kahit isang beses lang o'..
pa-experience lang..
virgin pa ako pagdating sa pagkapanalo ng 2nd at grand prize ih... XD
was feeling , kahit isang beses lang na magsabay-sabay sila.. kahit bukas na kaagad...
---o0o---
September 7, 2017...
[Pests]
nag-aksaya na naman ng oras sa pakikipaglaban sa mga peste...
dati yung itim na langgan na may sting at lasa ang amoy..
tapos yung brownish na mas shorter na mga langgam na masakit rin mangagat..
nagkaroon na rin ng kaso yung itim na mapapayat na langgam na mabibilis tumakbo..
yung mga apanas naman eh yung paninda kong asukal ang araw-araw na lang pinupuntirya...
tapos noong Tuesday nga..
nagsimula na ring lumipat sa loob ng bahay namin yung mga basic na pulang langgam..
yung talagang sanay sa kagatan.. :(
naka-2 beses ko na ring sinunog ang hanay nila...
eh pang-5 specie na yata yun ng langgam na nanggugulo sa bahay namin ah..
bukod pa yung mga anay..
mga daga..
at yung specie na kahawig ng daga...
buti na lang kamo at wala namang popular na organisasyon ang nagsusulong ng ethical treatment of insects...
was feeling , parang binabarang ang bahay namin sa dami nang gustong mameste sa loob...
---o0o---
September 8, 2017...
done testing those Halloween costumes..
naka-ready for render na rin yung mga profile shots ng 5 bagong characters...
uumpisahan nang buuin yung mga clinic scenes pagkatapos ng trabaho bukas...
was feeling , slow start ulit...
No comments:
Post a Comment