Friday, September 1, 2017

Ang Alamat ng Most Undesirable Guy on Earth - Last Days of August 2017 (Still Out)


SEA Games 2017: The Tragic Ending for the Philippines' National Team


August 26, 2017...

[V-League]

SEA Games 2017 - Women's Volleyball

Semifinals - Thailand versus Philippines

as expected..
3-0..
hindi talaga makakuha ng set ang Philippines laban kina Chatchu-on..
ang galing kasi ng roster eh..
ang galing rin ng coach...


Vietnam versus Indonesia

at talagang inulan na ng kamalasan ang Philippines..
25-18, 21-25, 27-29, 25-15, at 13-15..
makikita na nantatambak ang Vietnam tuwing nakukuha nila ang set, pero nagawa pa rin silang matalo ng Indonesia sa mga close na set..
2-3 ang kinalabasan ng laban..
panalo ang FIVB Rank 66 laban sa Rank 45..
panalo sila laban sa usual 2nd Placer ng SEA Games...

at yun na nga ang malagim na balita para sa Philippines..
dahil sa effort ng Indonesia, na-secure na nila yung at least 2nd Place sa Finals..
at bilang kapalit nun, Vietnam na ulit ang makakaharap ng Philippines sa Battle for Third..
eh bahagya na nga nilang natalo sina Hue sa AVC eh..
at hindi nga nila sila natalo sa nakaraang laban nila dito sa SEA Games..
tapos sila na naman ang maghaharap...?

lagot na..
may pag-asa na sana sa Bronze eh..
pero lumabo pa yun dahil sa Indonesia... :(


was feeling , lagot, Sponsor...

---o0o---


August 27, 2017...

[V-League]

SEA Games 2017 - Women's Volleyball

Finals - Thailand versus Indonesia

as expected 3-0..
pero nanlaban ang Indonesia sa Sets 2 at 3, parehong 26-24 ang score eh..
Champion na naman ang Thailand..
samantalang may bago na munang 2nd Placer, ang Indonesia...


Battle for Third - Philippines versus Vietnam

naganap na nga ang bangungot nila..
hindi ginalingan sa placing eh, 2 beses tuloy silang tinalo ng Vietnam..
nakunan naman nila ng 1 set ang Vietnam kanina, pero pahirapan pa, 27-25..
kaso siyempre eh nakakahiya nga naman kung malalaglag ang usual na 2nd Placer hanggang sa 4th Place na walang medal..
kaya ayun..
1-3 natapos yung match...

wasted ang lahat ng effort..
umarkila ba naman ng hindi marunong na coach eh..
anti-DLSU na mahilig sa mga veteran..
and worse, tatanda na naman yung malalakas na players ngayon by 2 years bago ulit nila masubukan ang swerte nila sa SEA Games...

was feeling , nice decision, Sponsor...

---o0o---


August 30, 2017...

[V-League]


ang Volleyball Goddess.. <3
#8 JeMa Galanza...

yung idol mo na walang masyadong magagaling na kasapi.. :(
sana madala niya ang Adamson sa medyo mataas-taas na rank sa paparating na PVL conference..
12 teams naman eh...

— feeling , gandang natural...

---o0o---


[Video]

konti nga munang pampa-good vibes..
masyadong nakakaloko ngayon yung palabas nung Hokage na Mahilig at ng Dictator Clan eh... :(

Bootyful - Ex Battalion ft. JRoa, Emcee Rhenn, Flow-G, Brando & Bosx1ne

naughty ulit..
pero ganun talaga..
napapaisip nga ako kung tama ba yung ginagawa nung ibang mga tao na pinapatugtog sa publiko yung ganitong klase ng semi-explicit to explicit music eh...

anyway..
yung tipo ng babae na may 'the moves'..
parang kagaya nung mula sa 2:32 minute, especially yung nasa may 2:43 at 5:18..
i believe siya si Samantha Miguel..
naman!
weakness ko yung ganun..
pangarap...

— feeling , may kakilala sana ako.. kaso hindi ko alam kung nasaan siya ngayon...

---o0o---


August 27, 2017...

[Sports]

wala..
kalokohan nga lang yung laban..
masyadong nalimitahan talaga yung MMA fighter, tapos ang laki pa ng gloves..
parang niluto lang yung match..
yung MMA fighter para sa pera..
yung boxer naman para sa record..
ni hindi nga dapat counted yun sa official record niya eh, dahil hindi pro yung 'nilabanan' niya at ni hindi nga dumaan sa ranking..
basta parehas lang nilang pinagkakitaan ang mga nanood sa kanilang circus...

ipagmamalaki na nalampasan na si Rocky Marciano..
50 wins, 27 KO, 0 loss..?
maikukumpara ba nila yun sa 49 wins, 43 KO, 0 loss ni Marciano..?
54% kumpara sa almost 88%...

was feeling , na-holdap silang lahat...

---o0o---


August 28, 2017...

most productive day kahapon..
naka-16 na na-photoshop..
29 out of 58 na...

bale 29 na lang...

was feeling , kaso grocery day bukas.. busy week din dahil end of the month...

>
[TV Series]

La Luna Sangre


yung pula ang mga mata, pero ganung kaganda ngumiti... <3

vampira na naka-gunslinger-mode...

Maricar Reyes as Samantha 'Sam' Imperial..
ang totoong imortal sa kanilang lahat..
ilang beses nang sinubukang patayin noon ang kanyang sarili, pero walang epekto ang lahat...

bidang vampira na naka-purong puti at high heels..
gunslinger pa..
may asawa na (sa totoong buhay)..
pero ang hot nun...

Imperial versus Imperial...

credit for both photos goes to the original screen grabber...

was feeling , tama ang hula ko...

---o0o---


August 29, 2017...

ano na kaya ang nangyayari...?

yung anak ni Miss Ab yung pinakaunang nawala sa radar..
tapos nun, si Miss Ab naman mismo..
noong isang araw naman, inalis ni Miss H yung link niya sa isa niyang profile..
pero active pa rin yung account, siguro nawalan na siya ng access dun..
tapos ngayon nawala na rin yung isa pa..
at nag-stealth-mode pa siya...

naman..
dyan lang kayo, please..
kayo na lang ang possible link ko kay Miss C kapag tuluyan na siyang nawala...

by the way..
a minor target just came back...

CORRECTION: wala palang binurang account si Miss H...

was feeling , ga-sinulid na link...

>
[Business]

after almost 3 years..
napaabot ko rin sa Php 10,000 ang net income nung nano-SRP store ko...

alam kong maliit lang yun..
malamang pagtawanan pa yun ng ibang tao eh..
pero nakakatuwa at fulfilling, considering na nasa Php 0.17 hanggang Php 3.50 lang yung patubo ko dun (depende sa lakas ng demand, takaw sa storage, at transportation factor)..
considering rin na mga piling item lang yun, na wala pa nga sa 30 ang uri...

kahit papaano, parang inilalapit ko na rin yung supermart sa mga kliyente ko...

was feeling , sa savings ang bagsak niyan.. para sa cremation fund...

>
had a busy day..
grocery-mode..
tapos nag-prepare na rin ng mga records for next month...

kaya naman wala akong masyadong naidagdag sa project ko nitong araw..
did 2 test render, pero yun lang, kasi wala akong mga reserba na pwedeng gawan ng test eh..
nasa 12 items na lang at matatapos na ako sa 3rd project ko...

pakunswelo na lang na nakita ko si Emoji-Girl sa ikalimang pagkakataon nitong buwan ng August...

kaso..
ilang araw nang less than 7 hours lang ang tulog ko..
at medyo nahihirapan na ang mga mata ko...

was feeling , dire-diretso lang...

---o0o---


August 30, 2017...

[Video]


@1:34..
gusto nung body morph nito..
toned physique..
sexy battle type..
tapos pa-high heels pa...

— feeling , wrar...!

---o0o---


Auguyst 31, 2017...

naging sobrang busy kahapon..
kahit na hindi rin naman ako nakatulog nang ayos noong hapon...

isinagad ko ang sarili ko para mag-photoshop..
did 15..
after that, inihanda ko na kaagad lahat ng materyales na gagamitin ko sa pagbebenta..
tapos may review nga rin bago tuluyang nag-submit nung product..
lumagpas pa ako ng 12:00 AM dahil sa pag-a-upload..
at pinakahuli ko ngang i-s-in-etup yung promo..
bukod dun kinailangan ko nga rin pala na ma-contact yung website through e-mail, for guidance...

as of today, approved na naman yung sale..
pero under review pa yung materyales ko..
hopefully, ma-release na siya bukas, na naka-activate yung 1 month sale...

first time kong mag-offer ng sale..
20% off..
bale kung tama ang pagkakaintindi ko sa rules, USD 1.00 lang yung pakakawalan ko..
testing lang, para makita ko kung anong magiging epekto ng promo sa mga tao..
kung magmamadali ba silang bumili, na magre-resulta sa pagtaas ng sales ko..
o kung wala namang magiging masyadong pagkakaiba sa volume ng sales...

done with Project #3..
took me 37 days sa paggamit ng 3D software..
at 5 days lang sa pagpo-photoshop..
bale nasa 42 days yun..
ang pinakamabilis kong naging output...

medyo magpapahinga muna siguro ako ngayong araw..
magre-reorganize ng mga bagong files..
at gagawa ng backup...

sunod na ang Halloween Project..
handa na ang mga kalansay..
may 2 months ako para trabahuhin yun...

was feeling , basically, halu-halo rin yung pakiramdam.. yung masaya at nalilibang, na natatakot sa banta ng battle for survival, na madalas eh naghahabol ng pera, at napapagod nga ang pisikal na katawan...

---o0o---


September 1, 2017...

[TV Series]

Love in the Moonlight

kung meron mang mga tipo ng tao na magandang maglingkod sana sa kahit saang gobyerno..
yun eh yung katulad ni Kim Yoon-sung...

nanggaling sa makapangyarihan at demonyong angkan..
pero sinusubukan na piliin at gawin kung ano yung tama para sa bayan...

bukod pa yung bangis niya sa pakikipaglaban...

was feeling , wala eh.. halos puros basura yung mga nasa pamahalaan natin...

>
ano yun..?
4 days lang na nag-reactivate, tapos biglang nawala din ulit...

40th retirement na...?

was feeling , nakawala na naman si Miss Jo...

>
[Online Marketing]

approved na yung item ko...

kaso medyo nakakahiya sa ilang buyers..
wrong timing kasi sila eh..
yung isa, bagong buyer ng 1st at 2nd project ko..
tapos yung isa naman, eh isa sa masugid kong kliyente, kaya bumili kaagad siya matapos ma-approved yung item..
baka magtampo ang mga yun kapag nakita nila yung sale...

anyway..
para maiwasan na may iba pang makabili sa mas mataas na presyo..
ini-activate ko na rin nga yung 20% sale nang maaga ng ilang oras..
at mukha namang nagpa-function nang ayos ang lahat, yung promo at yung promo banner...

PS: okay naman pala..
50-50 pa rin naman ang hatian...

was feeling , sana maging epektibo...

---o0o---


September 2, 2017...

[Business]

thank you nga pala ulit sa August treat Globe!

is feeling , yun na lang talagang problema sa Credit Team yung kulang eh...


No comments:

Post a Comment